Pw 16 12 05062018

Page 1

TOMO 16 ISYU 12

6 MAYO 2018

Mga dahilan ng patuloy na pagbagsak ni Duterte Basahin ang espesyal na kolum ni Atty. Remigio Saladero. Pahina 4

Krisis sa pabahay

2

Kapahamakan sa OFWs Pag-awit at paglaya Pagsusunog ng “Du30monyo,� effigy ng Kilusang Mayo Uno noong dambuhalang protesta sa Mendiola, Mayo 1, 2018 JAZE MARCO

3 8


I 2

LATHALAIN

sang “Homeless Camp” o kampuhan ng mga walang tahanan ang itinatag ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa harap ng National Housing Authority (NHA), isang araw bago ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo 1. Nais ng mga maralitang lungsod na bigyang-pokus ang lumalalang problema ng kakulangan ng pabahay sa buong bansa, na kaalinsabay ng tumitinding kahirapan ng mga manggagawang Pilipino at mga manggagawa na nasa “informal sector.” “Nakita natin ang pagbagsak ng tulay sa Zamboanga, pero araw araw itong dinadanas ng napakaraming kababayan natin. Kahit ganyan ang pabahay, wala nang ibang pagpipilian ang mga homeless at mga nade-demolish. Hanggang ngayon, hindi nananagot ang mga debeloper at mismong NHA sa paglulustay sa pondo ng bayan sa bulok na pabahay. Gaya ng trabaho at sahod, mahalaga ang paninirahan para sa disenteng pamumuhay,” ani Gloria “Ka Bea” Arellano, pambansang tagapangulo ng

PINOY WEEKLY | MAYO 6, 2018

Pinamalas ng pagkasira ng kahoy na tulay sa Zamboanga ang kainutilan ng gobyerno sa serbisyo ng pabahay ng mga maralita. Ni Priscilla Pamintuan

Palalang krisis sa pabahay

Kadamay. Tinutukoy ni Arellano ang viral video na kumalat sa social media hinggil sa pagbisita nina Reps. Albee Benitez at Celso Lobregat sa isang relokasyon ng mga maralitang Moro sa Zamboanga City. Sa naturang bidyo, naglalakad sina Benitez, Lobregat, lokal na mga opisyal ng NHA, at mga alalay nila sa isang kahoy na tulay patungo

sa relokasyon nang bumuho ito at malalag sila sa maputik na tubigan. Pinagtawanan ng maraming netizens (gumagamit ng internet) ang naturang pangyayari at sinabing mistulang “karma” ang nangyari sa mga kongresista at NHA na tumatangging substandard ang materyales na ginagamit sa mga relokasyon.

Tinatayang mahigit 4 milyon ang kakulangan ng pabahay sa buong bansa. Nabigyang-pokus ang problemang ito noong nakaraang taon nang magsagawa ng kampanyang #OccupyPabahay ang Kadamay. Dito, inokupa ng mga maralita ang tiwangwang at nabubulok na pampublikong mga pabahay ng gobyerno. PW

Pera ng maralita, nasaan na?

M

ula taong 2017, ipinatupad ng mga ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa serbisyong pabahay ang isang Convergence Fund na nagkakahalagang P1.8-Bilyon. Diumano, gagamitin ito para sa mga serbisyo at imprastraktura sa mga relokasyon ng mga maralita. Nakalaan din ito para magpatayo ng health centers, multi-purpose halls, serbisyong patubig at kuryente, at iba pa. Nakapailalim ang pondo at programang ito sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Noong Oktubre 2017 pa

rin tinatanong ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kung saan na napunta ang pondong ito. Sagot ng National Housing Authority (NHA, ang ahensiyang nagpapatupad ng proyekto), nasa proseso pa raw ng bidding ito at aabot ng 2018. Taong 2018 na. Ayon sa Task Force Relocatees, isang network ng mga relocatee sa iba’t ibang lugar, wala pa ring makitang implementasyon ang naturang proyekto. “Nasa ikalawang kuwarto na tayo ng taon, pero wala pa ring kaunlaran (sa mga relokasyon). Ibig sabihin mahigit isang taon nang natutulog ang pondo sa kasangkot na mga ahensiya habang lalong nalulugmok ang mga lugar ng

relokasyon sa mas matinding kahirapan,” pahayag ng Task Force Relocatees. Alam na alam ng mga ahensiya ang abang kalagayan ng mga relokasyon. Sa pag-aaral mismo ng PCUP, halos lahat ng maralitang nasa relokasyon ay nakakaranas ng matinding gutom at hirap. Sinabi naman dati ng HUDCC na mahigit 50 porsiyento ng mga relokasyon ay walang maiinumang tubig. Nangangamba ang mga maralita na posibleng nagagamit na ang pondo sa korupsiyon. Walang malinaw na ulat ang mga ahensiya, walang makitang serbisyo o imprastraktura sa mga relokasyon. Priscilla Pamintuan

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | MAYO 6, 2018

Lalong nilagay ni Pangulong Duterte sa panganib ang mga Pilipino sa Kuwait, ayon sa Migrante. Ni Priscilla Pamintuan

Kapahamakan sa OFWs

“M

oronic (katangahan), hindi Solomonic.” Ganito ang pagsasalarawan ng Migrante International sa pagtugon ng Malakanyang sa krisis sa Kuwait. Sinabi kasi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “Solomonic” (patungkol kay Haring Solomon sa Bibliya na diumano’y “pinakamatalinong tao” noon) sa pagtugon ni Pangulong Duterte sa namumuong krisis sa Kuwait—ang pagkagalit ng gobyernong Kuwaiti sa walang-pasubaling pagsaklolo sa mga Pilipino na nagkakaproblema sa mga employer nila sa naturang bayan. “Moronic” o katangahan umano ang dapat tawagin sa pagtugon ng administrasyong Duterte, dahil ang naging resulta ng ginawa ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ay ang pagpapalayas ng embahador sa Kuwait at pagpapauwi ng embahador

nito na nasa Pilipinas. “Katangahan” din para sa Migrante ang pagpapauwi ni Duterte sa mahigit 200,000 OFWs sa Kuwait dahil sa kawalan ng sapat na nakabubuhay na trabaho na naghihintay sa kanila sa Pilipinas. “Di natin maaasahan ang ating OFWs (overseas Filipino workers) na umuwi kung nananatili pa rin ang ugat ng kanilang migrasyon at lumalala pa nga—ang kahirapan dahil sa kawalan ng lupa at disenteng trabaho. Gusto nating mabuo na ang ating mga pamilya pero napupuwersa tayo ng ating

pang-ekonomiyang kalagayan na magkahiwa-hiwalay,” ani Arman Hernando, tagapagsalita ng MigrantePilipinas. Pekeng pagmamalasakit

“Paano matutugunan ng Presidente ang pangangailangan ng 260,000 pamilya ng OFWs sa Kuwait pag-uwi nila ng bansa?” tanong niya. Tanong pa ni Hernando, lalong pinalala pa ni Duterte ang kalagayan ng paggawa sa Pilipinas sa pagtanggi nitong ibasura ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon. “Paano sila mabubuhay

‘Pagsalitain si Mary Jane’

T

atlong taon matapos muntik nang bitayin ng gobyernong Indones ang Pilipinong si Mary Jane Veloso, gobyernong Pilipino naman mismo ang sumusupil sa kanyang karapatan na depensahan ang sarili. Nakaambang maglabas ng pinal na desisyon anu-mang araw ngayon ang Court of Appeals kaugnay ng pagtestigo ni Veloso laban sa human traffickers at sindikato ng droga na nambiktima sa kanya. Pero nangangamba ang Migrante International na taliwas sa mga karapatan ni eloso ang magiging desisyon ng korte. “Halos pinatatahimik nito si Mary Jane at hinahayaan nito ang malalaking sindikato ng droga na makalusot sa polisiya ni Duterte

sa endo (end-of-contract, o kontraktuwalisasyon) at P512 minimum na sahod (halagang mas maliit pa sa kalahati ng P1,174 living wage)? Ginoong Pangulo, gustuhin man nila, hindi lang basta makakauwi ang mga OFW sa Kuwait,” aniya. Reaksiyon ito ng Migrante sa pahayag ni Duterte na nananawagan siya sa mga OFW sa Kuwait na umuwi na lang. Tutal, aniya, may sapat naman daw na empleyo sa bansa dahil sa programang pang-imprastraktura o programang Build! Build! Build! ng administrasyong Duterte. Hindi umano naniniwala ang Migrante na sinsero si Duterte sa pagmamalasakit nito sa mga migranteng Pilipino. Ani Hernando, sinabi ni Duterte na itinuturing na ng mga Kuwaiti na pabigat sa kanila ang mga Pilipino. “Pero kailangan bang lumayo pa tayo ng tingin para makita kung saan mas itinuturing na pabigat ang mga Pilipino? Sa mga pamamaslang, pagbanta, insulto ang puwersahang papapalayas, si Duterte itong itinuturing na pabigat ang presensiya ng mga Pilipino,” aniya. PW

kontra-droga na pumapatay sa mahihirap habang nakaka-takas ang mga lider ng drug ring at protektor nito sa gobyerno,” sabi ni Arman Hernando, tagapagsalita ng MigrantePilipinas. Ayon sa Migrante, simbolo si Veloso at ang buong pamilya niya ng kabiguan ng gobyerno sa mga mamamayan. Isa si Caesar Veloso, tatay ni Mary Jane, sa mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na pinagkaitan ng lupa. Si Cela Veloso naman, ina niya, ay isa sa unang overseas Filipino workers sa Saudi Arabia na minaltrato ng mga employer niya. Kasalukuyang may 130 Pilipino na nasa bingit ng bitay ngayon sa iba’t ibang bansa sa mundo. Priscilla Pamintuan


4

L

aman ng mga pahayagan noong nakaraaang linggo ang patuloy na pagbagsak ni Pangulong Duterte sa mga pambansang sarbey na ginawa. Ayon sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations (SWS), bumaba nang 10 puntos ang rating ng Pangulo sa nakaraang sarbey na kanilang ginawa nitong Marso. Hindi tayo dapat magtaka sa pangyayaring ito. Kung titingnan ay talagang pabaksak na ang Pangulong Duterte dahil sa mga patakaran at programa na pinapairal nito. Halimabawa, ang patakaran sa contractualization of labor na buong tapang niyang pinangakong wakasan noong panahong nangangampanya pa siya. Ngayon, halos dalawang taon na siyang nakalaluklok ngunit wala pa ring nailabas na patakaran ang kanyang administrasyon upang tuluyan nang mawala ang labor contracting sa bansa. Sumunod rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng batayang mga bilihin sa ating bansa. Ayon sa sarbey na ginawa ng Pulse Asia noong Marso rin sa taong ito, siyam sa 10 Pinoy na kanilang tinanong ang nakaranas ng pagtaas ng mga bilihing

Bello

PINOY PINOY WEEKLY | MAYO 6, 2018 WEEKLY

OPINYON Protesta patungong Mendiola noong Mayo 1.

Mga dahilan ng patuloy na

pagbagsak ni Duterte

ito. Sa usapin ng pagkain, 92 porsiyento ang nakaranas, 30 porsiyento naman sa kuryente, 81 porsiyento naman sa kanin, 56 porsiyento naman sa mga inumin katulad ng juice at soft drinks, at marami pang iba. Sinisisi ito sa bagong batas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train Law) na ngayong Enero 1 nagsimula. Ayon sa mga dalubhasa, ang Train Law ay magtataas ng P6.00 kada litro ng gasolina, P1.00 kada litro ng LPG, at hanggang P10-20 kada litro ng mga inumin na ginagamitan ng fructose corn syrup tulad ng soft drinks, coffee creamer at candy. Kaya apat na buwan pa lang

mula sa kanyang pag-epekto ay tumaas na ang halaga ng batayang mga bilihin dahil sa Train Law na ito. Ngunit pagdating sa minimum wage ay malayo pa rin ang tinatanggap ng mga manggagawang Pilipino kung ihambing natin sa cost of living na sinasabi ng Philippine Statistics Authority. Ayon sa independiyenteng institusyon ng pananaliksik na Ibon Foundation, ang isang pangkaraniwang pamilya’y mangangailangan ng P1,171.00 bawat araw upang matugunan ang kanyang pangangailan araw-araw. Ngunit sa kasalukuyan, ang

HUSGAHAN NATIN

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

mimimum wage dito sa Metro Manila para sa non-agricultural workers ay P512.00 bawat araw. Halos kalahati lamang ito ng P1,171.00 na kakailanganin ng kanilang pamilya upang matugunan ang batayang


LUCAN VILLANUEVA

| MAYO 6,PINOY 2018WEEKLY | MAYO 6, 2018 pangangailangan nito. Ayon pa rin sa Ibon, ang P2.6-Trilyon na kinikita ng 77 milyong Pilipino ay katumbas ng kita ng 15 pamilyang pinakamayaman sa bansa. Pagdating naman sa usapin ng karapatang pantao, lalo ring sumama ang imahen ng administrasyong Duterte. Bukod pa sa kanyang giyera kontra droga na tinatantiyang ikinamatay ng hindi bababa sa 14,000 katao, hindi rin bababa ang biktima ng political killings sa 170 katao. Ang patuloy na pagpalawig ng martial law sa Mindanao ay lalong nagpababa sa ating imahen pagdating sa karapatang pantao. Lalo pang gumulo ang isyo tungkol sa human rights dahil sa ginawa nilang pagpahuli at planong pag-deport kay Sister Patricia Fox, isang madreng Katoliko na may halos tatlong dekada na rito sa Pilipinas, dahil sa pagsama daw nito sa protest activities. Nakikita ng marami na lumalabag ito sa karapatang pantao bukod pa sa pagiging isang uri ng religious persecution. Paano natin makakalimutan ang ginawa nilang pagpapauwi nitong Abril kay Giacomo Filibeck, ang deputy secretary general ng Party of European Socialists. Kalalapag lang ni Filibeck sa airport, pero hindi siya pinapasok dahil sa kanyang kritisismo kay Duterte. At paano rin nila maipapaliwanag ang pagbawal nila sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (Focap) na dumalo sa press briefing ni Labor Sec. Silvestre Bello III kaugnay ng ASEAN Leaders Summit sa Singapore? Nagreklamo ang Focap kung bakit hindi sila pinapasok sa nasabing briefing at mukhang walang paliwanag

ang administrasyong Duterte tungkol dito. Ayon sa Reporters Without Borders, lalong bumaba ang Pilipinas sa 2018 World Press Freedom Index. Noong nakaraang taon, pang-127 ang Pilipinas sa 180 bansang kasali sa sarbey na ito. Sa taong ito, naging pang133 na lang ang Pilipinas. Ito diumano’y dahil laging minumura ni Duterte ang mga miyembro ng mass media sa ating bansa. Sa transport naman, ang jeepney phase-out na gustong pairalin ng administrasyo’y tinatantiyang magwawasak sa kabuhayan ng mahigit sa 165,000 na mga drayber at 45,000 na operators. Ito’y papabor sa mga dayuhang kompanya na magsu-supply ng e-jeep. Patuloy pa rin ang pagwasak sa tirahan at kabuhayan ng mamamayan katulad ng nangyari sa Floodway, Pasig City. Marami ring banta ng demolisyon tulad ng maapektuhan ng Manila Bay at Laguna Lake Reclamation Projects. At pagdating naman sa usaping pang kapayapaan, urong–sulong ang administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng peace talks. Nakabinbin na ngayon sa ating korte ang petisyong hinihiling na ideklara ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army bilang terrorist organizations, bagay na ikinababahala ng peace advocates. Iyon lamang ang mga dahilan sa pagbaba ng rating ni Duterte. Malalagpasan pa kaya niya ito? Siyempre, kailangang baguhin niya ang nabanggit na mga patakaran at polisiya. PW

OPINYON SURING-BAL-

5

Rehimeng Duterte, kinompronta ng nagkakaisang manggagawa

T

inatayang mahigit 50,000 manggagawa at iba pang sektor ang nagprotesta noong Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Makasaysayan ang protestang ito: sa Unang pagkakataon mula noong dekada 1980s, nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa. Pinagkaisa sila ng panawagan para wakasan na ang kontraktuwalisasyon sa paggawa sa bansa. Samantala, sa loob ng rehimeng Duterte, may pag-atras: Mula sa unang sinabing walang pipirmahang executive order ang Pangulo, sa araw ng Mayo 1, sa harap ng hakot na crowd nito sa Cebu City, nilagdaan ni Duterte ang isang EO--na kaiba sa ipinasa at inindorso ng mga grupong pangmanggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno. Sa EO na ito ni Duterte, inuulit lang ang dati nang pagdeklara na ilegal ang labor-only contracting at subcontracting, samantalang pinananatili ang opsiyon ng mga kompanya na magkaroon ng kontraktuwal na mga manggagawa sa tulong ng mga konsehong tripartite. Siyempre, hindi ito tinanggap ng KMU at grupong Nagkaisa: Lalong ikinagalit ng mga manggagawa ang tila tuluyan nang pag-atras ni Duterte sa pangako niya. Sa protesta, noong hapon, tinuluyan na ang pagsunog ng effigy ni Duterte bilang halimaw o demonyo. Galit na galit na ang mga manggagawa at mamamayan. PW

KUHA NINA DARIUS GALANG, ABIE ALINO, JAZE MARCO AT KR GUDA


6 BALITA

PINOY WEEKLY | MAYO 6, 2018

Pagtutol sa Chico River project, tampok sa Cordillera day

Bilang paggunita sa ika-tatlumpu’t apat na taon ng Cordillera Day, ipinakita ng iba’t ibang grupo ang pagtutol nila sa panibagong Chico River Pump Irrigation Project. Ayon sa Cordillera People’s Alliance, hindi isinalang-alang ng pamahalaan ang posibleng panganib ng proyekto sa mga komunidad. Idinadaos taun-taon ang Cordillera Day bilang pag-alala sa pagpaslang sa katutubong lider na si Mac-ling Dulag noong Abril 1980 dahil sa pagtutol nito sa Chico River Dam Project.

Kinse anyos na estudyanteng pinaratangang NPA, pinatay

Kinondena ng Save our Schools Network ang pagpatay ng mga sundalo sa isang Grade 8 na estudyante sa Sta. Cruz, Davao Del Sur. Pinabulaanan ng ina ni Jhun Mark Acto ang pahayag ng 39th Infantry Batallion na isang NPA ang kanyang anak at napatay diumano sa engkwentro. Nag-aani ng niyog sina Jhun Mark at mga kamag-anak nito nang mangyari ang sinabing engkuwentro.

Pamamaril sa Nueva Ecija

Natagpuang nakahandusay sa harap ng altar ng simbahang Katoliko si Fr. Mark Ventura, matapos magsagawa ng misa sa Barangay Peña West, Gattaran, Cagayan. Kinondena ng iba’t ibang relihiyosong grupo at grupong pangkarapatang pantao ang pamamaslang kay Ventura, na kilalang lumaban sa malawakang pagmimina sa Cagayan at nagsilbi sa Archdiocesan San Isidro Labrador Mission Station sa Gattaran at pinuno ng migrants’ desk sa arsodiyosesa. KONTRIBUSYON

BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Pinagbabaril ng mga hinihinalang goons ang mga magsasakang nagpo-protesta sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija. Ayon sa ulat ng Radyo Natin Guimba, utos umano ng panginoong maylupa na si Romulo Sangalang Jimenez ang nangyaring pamamaril. Pino-protesta ng mga magsasaka ang ginagawang pagbabakod ng pamilyang Sangalang sa lupang binubungkal nila. Kinondena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang pamamaril at tuloy-tuloy na pandarahas at land grabbing ng pamilya.

Rescue operations sa Kuwait

Binatikos ng Migrante International ang tinawag nilang mala-‘publicity stunt’ na rescue operation ng Department of Foreign Affairs sa OFWs sa Kuwait. Ayon sa grupo, nsa peligro ngayon ang komunidad ng mga Pilipino sa Kuwait dahil sa tumitinding diplomatic crisis sa dalawang bansa dulot ng operasyon. Anila, mas mapo-protektahan ang mga Pilipino mula sa abusadong employer kung tutugunan ng Pilipinas ang lokal na polisiya ng Kuwait para sa domestic workers. bigas. Dapat umano, nakita na ang shortage noon pa lang at nasawata na ang rice smugglers at hoarders dito sa bansa, ani Cathy Estavillo ng Bantay Bigas.

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

SR. PATRICIA FOX. Dalawampu’t siyam na taon nang naninilbihan sa mga

maralitang Pilipino ang Australyanong misyonerong si Sr. Pat. Nitong Marso, lumahok siya sa isang pandaigdigang fact-finding and solidarity mission para imbestigahan ang mga pang-aabuso ng mga puwersa ng Estado sa Mindanao sa ilalim ng Batas Militar. Nakuhanan si Sr. Pat na nagsasalita sa mga manggagawa ng Coca-cola sa Davao City. Ginamit iyun para tugisin siya ng Bureau of Immigration. Sandaling kinulong, at ngayon, iniutos na palayasin sa bansa. Pero inilalaban ng maraming grupong relihiyoso at pangkarapatang pantao na manatili sa paglilingkod sa mahihirap na Pilipino si Sr. Pat.


SAMU’T SARI 7

PINOY WEEKLY | MAYO 6, 2018

Para katawa’y bumuti, mag-alugbati

Ni Ryan Plaza

sa sikmura ay maaaring mabilis na mapagaling ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng alugbati. 7. Pananakit ng sikmura. Ang pinaglagaan ng ugat at mga sanga ng alugbati ay mainam para sa pananakit ng sikmura. 8. Pananakit ng ulo. Ang malagkit na dagta na mula sa mga dahon at sanga ay pinapahid sa ulo para mawala ang pananakit na nararanasan. PW

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

A

ng alugbati ay isang halamang gumagapang na kalimitang nakikitang tumutubo sa kahit saan. Mayroon itong mapupulang baging o sanga at hugis puso na dahon. Kulay lila na parang paminta ang maliliit na bunga nito. Ayon sa mga pagaaral at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit sa halamang alugbati ay ang sumusunod: 1. Buni. Ang pagpapahid ng malapot na dagta ng dahon at mga sanga ng alugbati ay makatutulong sa masmabilis na pagpapagaling sa buni sa balat. 2. Pagtatae o disinterya. Ang pag-

inom sa malapot na dagta mula sa dahon at mga sanga ng alugbati ay makagagamot daw sa pagtatae o disinterya. 3. Altapresyon. Maaaring ipainom ang pinaglagaan ng dahon ng alugbati sa taong dumaranas ng pagtaas ng presyon ng dugo. 4. Pagsusugat. Makatutulong ang katas ng dahon ng alugbati na hinalo sa mantikilya sa mabilis na paggaling ng mga sugat sa balat. Maari ring itapal ang mga tinadtad na dahon sa apektadong balat. 5. Pagtatagihawat. Ang dagta ng alugbati ay mainam para hndi lumaki ang mga tagihawat sa katawan. 6. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer

ANG TARAY!

Sa nakalipas na apat na buwan, nasaksihan natin ang crackdown sa mga taong ang puso ay nasa pagsunod sa kagustuhan ng Diyos na magsilbi sa mga taong nangangailangan, mga taong nakalimutan nang pagsilbihan ng gobyerno. The Order of Carmelites Justice and Peace and Integrity of Creation Commission, hinggil sa pamamaslang kay Fr. Mark Ventura, gayundin ang pagpatay kay Fr. Tito Paez, at pag-deport kay Sr. Pat Fox

KILITING DIWA

Q: Anong THOR ang pinkamatalino sa klase? A: eh di ValedicTHORian Q: Anong THOR ang nagtumutulong sa homework ng mga Students? A: eh di TuTHOR Q: Anong THOR ang magaling magtranslate? A: eh di TranslaTHOR Q: Anong THOR ang mangliligaw ng babae? A: eh di SuiTHOR

Q: Anong THOR ang nagbibigay impormasyon sayo sa isang lugar? A: eh di THOR Guide Q: Anong THOR ang magaling magpataas ng morale? A: eh di MotivaTHOR *** Tanong: Ano ang first name ni Thanos? Sagot: Cesar Mon

Kolonyalistang Hapon, pilit na pinagtatanim ang mga Pilipino

A

lam n’yo ba na noong Mayo 1944 Araw ng Paggawa, sa ilalim ng kolonyalismong Hapon, naging sapilitan ang pagtatanim sa mga Pilipino? Ilang lugar sa bawat distrito ng Maynila at lahat ng residente mulang 16 hanggang 60 anyos ay inutusang magtanim ng isang ulit sa loob ng isang linggo. Inatsan ang magkakabitbahay na iulat ang hindi sumusunod upang mapatawan ng multa. Ngunit ang may kayang magmulta ng P5 sa isang araw na trabaho o makapagpapadala ng kapalit na magtatanim ay nakakaligtas sa gawain. Sa panahon ng anihan, ang kalahiti ng ani sa pagtatanim ay napupunta sa asosasyong kapitbahayan at ang kalahati ay napupunta sa pamahalaan. Kadalasan naman sinasamantala ng Japanese (Hapon) Navy o Army ang nagtitipong mga mamamayanam na magtanim. Pasasakayin nila ang mga ito sa trak at dadalahin sa ibang lugar para maghukay ng mapagtataguan sa panahong sasalakay ang mga kalaban sa himpapawid at ipaayos sa kanila ang paliparan at iba pang instalasyong militar. Sa huli, ang kilusang pagtatanim ay naging isa pang pinagmumulan ng mga manggagawa para sa sapilitang pagtatrabaho. PW


KULTURA Mga kantang alay sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang inilunsad kamakailan ng Tag-Ani. Ni HD de Chavez

N

aglunsad ang TagAni Performing Arts Society ng isang album nitong Abril 24 sa University Hotel Patio, UP Diliman. Ang TagAni ay isang panteatro at pampelikulang organisasyon na binubuo ng mga artista ng bayan, propesyunal o estudyante man. Nabuo ito noong 2003 at sila ang nagbigay buhay muli sa dulang Pagsambang Bayan ni Bonifacio Ilagan. Sa 15 taon, ito ang kauna-unahang beses na maglulunsad nito ng album. Ang naging inspirasyon ng grupo upang maglunsad ng isang album tungkol sa usapang pangkapayapaan ay noong maihalal ang Pangulong Duterte dalawang taon na ang nakalilipas. Isa sa pangunahin niyang layunin: ipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ayon kay Ilagan, prodyuser ng album, tinandaan ito ng Tag-ani at inihanda na agad nila ang produksiyon ng isang song album simula nang mabalitaan nila ito. Katuwang ang UP Sigma Alpha Nu Sorority, nailunsad na nga ang Saka Lamang Papayapa. Ito ay antolohiya ng anim na orihinal na mga kanta na isinulat

Pag-awit at paglaya

ni Ilagan at tatlong covers na orihinal namang inawit at isinulat nina Joey Ayala, Jess Santiago, Rom Dongeto, Axel Pinpin, at Gazera. Ang programa’y pinangunahan nina Dessa Ilagan, Cathrine Go, Mara Marasigan, at Wendy Villanueva na sila ring boses sa likod ng siyam na kanta sa album. Hindi ito ordinaryong paglulunsad. Bukod sa hangaring maipangalap ang album, nagdaos din sila ng munting konsiyerto para maiparinig sa mga dumalo ang mga awiting nilalaman nito. Para maging kalinya ng tema, nagsuot ang mga puno ng programa ng mga costume na kakatawan sa ilan sa mga taong nagsusulong ng usapang pangkapayapaan. May nakasuot ng Mao cap at combat boots na kinakatawan ang hanay ng mga gerilya. Mayroon namang nakasuot ng kamiseta ng magsasaka. Dalawa sa mga tagapamuno ng programa’y kumatawan sa kabataang petiburges, habang ang gitarista nama’y nakasuot ng uniporme ng construction worker. Ang bahista nama’y nakasuot ng alampay na isinusuot ng katutubong Pilipino. Kasama rin sa programa ang ilang organisasyon at taong tumutulong magsulong na maibalik ang peace talks. Nagsalita sa harapan si Yumi Burgos, anak ng 11 taon -nang-nawawala na aktibistang si Jonas Burgos. Nagbigay din ng mensahe si Anakpawis Rep. Ariel Casilao: “Saka lang papayapa kapag ang mga magsasaka’y may naisasaka nang lupa. Saka lamang papayapa kapag ang kabataa’y may libreng edukasyon. Saka lamang papayapa kung ang katutubo’y hindi na pinalalayas sa sarili nilang lupa’t tahanan at pinagpapapatay.

Saka lamang papayapa kapag ang namuno’y hindi lamang pinuno ng mayayaman kung ‘di ay pinuno ng buong sambayanang Pilipino.” Dugtong pa niya, saka lamang papayapa kapag ang mga manggagawa’y kolektibong mamumuno sa Estado at kokontrol sa produksiyon o paglikha sa yaman ng bansa.” Ang naging panawagan ng grupo buong gabi ay “Peace Talks, Ituloy!” Kahit marami na ang nagsasabi na wala nang pag-asang mapakinggan ang kanilang panawagang maituloy ang peace talks, nakakakita pa rin ng pag-asa ang mga gumawa ng album. Para sa kanila, walang ibang paraan para makamtan ang tunay na kapayapaan kung hindi makikilahok at mapakikinggan ang boses ng sambayanang Pilipino. Nabanggit sa isang awit na kasama sa album na itinanghal din na naniniwala silang balang-araw ay mararating din natin ang lupang pangako. Kung sisipatin nang maigi, mayroon naman talagang lupang pangako. Mayroon ding paghuhukom na darating para mapagpanagot ang mga maysala sa bayan. Balang-araw, darating din ang Mesiyas para iligtas tayong lahat— ang masa. At doon, saka lamang tayo papayapa. PW


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.