Pinoy Weekly 15-14 (9 April 2017)

Page 1

Mga aral sa #OccupyPabahay Pahina 2

TOMO 15 ISYU 14

57 maralita kinulong Pahina 6

Bien Lumbera Pahina 8

9 ABRIL 2017

LIBRENG PAMAMAHAGI

NG LUPA Pagkakataon ang peace talks para mapalakas ang kilusang masa na gumigiit ng tunay na reporma sa lupa. Sundan sa pahina 4

LIKHANG SINING: UGATLAHI


2

SURING BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 9, 2017

N

Mainam na pagtatapos ito, kung pagtatapos na nga, ng isang yugto ng paglaban ng mga maralita na naging pambansang isyu at araw-araw na laman ng balita, umani ng iba’t ibang reaksiyon, at muling nagpatampok sa sitwasyon ng mga maralita at kanilang panawagan para sa libre at pangmasang pabahay. Maraming tampok na aspekto ang pakikibakang ito ng mga maralita.

U

na, ang pagiging makatarungan ng kahilingan na madaling makita. Ang mga may kahilingan: mga maralita na haluan ng mga manggagawang may trabaho at mala-manggagawang panapanahong may trabaho pero kadalasang naghahanapbuhay sa pagtitinda-tinda, pamamasukan, at iba pa. Mga

May makukuhang mga leksiyon ang kilusang masa sa kampanya ng mga maralita na okupahin ang nakatiwangwang na mga pabahay ng gobyerno. Ni Teo Marasigan

LARAWAN MULA SA ANAKBAYAN FB PAGE

itong Marso 27, idineklara ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na tagumpay ang pag-okupa ng mga maralita sa tiwangwang na mga pabahay sa Pandi, Bulacan na nagsimula noong Marso 8. Pagkatapos ito ng isang diyalogo sa pamunuan ng National Housing Authority (NHA). Dito binawi ng huli ang naunang banta ng ebiksiyon o pagpapalayas sa mga maralita sa inookupang mga yunit ng pabahay.

Mga aral sa #OccupyPabahay

napuwersang umalis sa dating tinitirhan dahil sa kawalan ng lupang masasaka, kawalan ng trabaho, demolisyon ng dating tirahan, at relokasyon ng gobyerno. Ang kahilingan: ang manirahan sa proyektong pabahay ng gobyerno na tatlo o higit pang taon nang walang residente, nakatiwangwang, unti-unting nasisira, tinutubuan ng mga damo’t halaman at pinamamahayan ng mga insekto. Ayon sa mga ulat, mahigit 5,000 pamilya ang nagokupa ng tiwangwang na mga pabahay – kapiranggot lang ng mahigit 52,000 tiwangwang na proyektong pabahay na para sa militar at pulis sa Bulacan at iba’t bang bahagi ng bansa.

Sa kasong ito, ang kahilingan ay hindi lang marapat ibigay ng gobyerno; ang hindi pagbibigay ng kahilingan ay naglantad sa kagyat na kabulukan ng gobyerno – sa kapalpakan o katiwalian nito. Kapalpakan: mula nang tanggihan ang pabahay ng mga pulis at sundalo na pinaglaanan nito, sa mga dahilang nabanggit sa itaas, hindi na ito napatirhan sa napakaraming nangangailangan. Katiwalian: ipinatayo ito gamit ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program o DAP ni Noynoy Aquino, kontraktor ang isa niyang dating kaklaseng si Chito Cruz, at posibleng ipinatayo mas para maibulsa ang pondo kaysa maging serbisyo.

Ang larawan: mga walangwala na natulak kunin ang napapanis nang mumo mula sa mesa ng gobyerno. Nalantad na walang puso ang gobyerno sa hindi pagbibigay ng mumo. Pero malalantad pa itong malupit kung itutuloy nito ang bantang bawiin pa ang mumo sa bibig ng mga nangangailangan.

A

ng sabi ng mga reb olusyonar yong German na sina Karl Marx at Friedrich Engels, “Ang mga ideya ng mga naghaharing uri ang sa bawat epoka ang siyang mga naghaharing ideya.” Isang malinaw na patunay nito sa Pilipinas ngayon ang pagtingin sa mga maralitang lungsod. Pagdating sa kanila,

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, Mykel Andrada, JL Burgos, Tarik Garcia, Marjo Malubay, Jaze Marco, Sid Natividad, Gabby Pancho, Soliman A. Santos, Lukan Villanueva Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), J Luis Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


SURING BALITA 3

PINOY WEEKLY | ABRIL 9, 2017 maraming utak-mayaman at matapobre pa nga, kahit hindi naman kabilang sa mga naghaharing uri. Sa halip na sikaping sagutin ang pagiging makatarungan ng kahilingan ng mga maralita, madaling inilabas ng mga galit na panggitnang uri at bulag na tagapagtanggol ng gobyerno ang mga lumang paninira at pang-iinsulto: mga tamad at parasitiko sa gobyerno, “ginagamit” ng Kadamay, bayaran ng mga Dilaw para sa pakanang destabilisasyon laban kay Pang. Rodrigo Duterte, ginuguwardiyahan ng mga New People’s Army o NPA, at kung anu-ano pa. Pero kaso ito kung saan ang puso, ang sentido-kumon ay mas malapit sa katarungan kaysa sa batas. Kung walang batas na naglelegalisa sa ginawa ng mga maralita sa Pandi, dapat gumawa ng ganoong batas. At kung wala sa batas ang ginawa nila, mas di-makatarungan ang kabulukan ng gobyerno.

I

kalawa, ang pagkakaisa at pagkilos ng mga maralita. Dinala nila ang desperasyon at matinding pangangailangan sa pagkakaisa at pagkilos para magkamit ng kagyat na lunas. Inalpasan nila ang takot – na gustong itanim sa kanila ng mararahas na demolisyon sa panahon ni Noynoy at mga naunang pangulo, ng mga pamamaslang sa ilalim ni Duterte, at ng naunang banta mismo ni Duterte, na malamang ay ibinoto rin ng marami sa kanila, ng pagpapalayas sa inokupa nilang pabahay. Nalalagay sila sa kalagayang walang mawawala sa kanila kung “manlaban.” Sabi ng isang welgistang

manggagawang bukid sa militar sa Hacienda Luisita noong 2004, na nakunan sa bidyo: “Pinapatay na rin lang ninyo kami, mamamatay na kaming lumalaban.” Lalo na kung ang hinihingi ay kaunti lang naman at makatarungan, at kung ang ihaharap sa kanila sa paghinging ito ay karahasan. At ang pagkakaisa at pagkilos ng mga maralita ang naglagay ng puwersa sa kanilang makatarungang panawagan. Ang kanilang pagkakaisa at pagkilos ang nagpatampok sa buong bansa na totoong may tiwangwang na mga pabahay, na totoong

ito alintana. At ipinakita nila na kaya ng minamaliit at hinahamak na mga maralita na makakita ng makatarungan na hindi nakikita ng marami at ituro ito sa ating lahat.

I

katlo, ang mahigpit at maagap na pagsuporta ng kilusang masa sa bansa. Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, nagsikap ipaunawa sa publiko ang paglaban, minaksimisa ang social media para rito, nag-caravan patungong Pandi para ipakita ang suporta at makipamuhay, niralihan ang NHA at Malakanyang,

Nalalagay sila sa kalagayang walang mawawala sa kanila kung “manlaban.” marami ang matinding nangangailangan, na totoong makatarungan ang hayaan nang may mga tumira sa mga pabahay na ito.

M

ay panahong paboritong gawin ng midya ng malalaking kapitalista ang interbyuhin ang mga maralitang sumasama sa mga rali at tanungin: Ano po ang ipinaglalaban natin? Ang layunin: palabasing hindi nila alam. Sa kaso ng Pandi, isang hukbo ng tagapagpaliwanag ang mga maralita, dahil ang isyu ay alam na alam nila. Sa mga bidyo, sa iba’t ibang ulat tungkol sa kanilang pagkilos, maririnig mula sa kanilang mga bibig mismo ang kanilang kalagayan at karaingan. Malamang, alam nila kung paano sila ituring ng marami sa lipunan, pero hindi nila

naghatid ng pagkain at iba pang tulong. Aktibong nakiisa ang mga mambabatas ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan. Naghatid ng pagkain ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pangunguna ni Sec. Judy Taguiwalo. Maraming kaibigan ng maralita sa Taiwan, Rome at iba pang bansa ang nagpakita ng suporta.

A

ng lahat ng ito ang nagtulak kay Duterte na makinig at iatras ang nauna niyang banta ng pagpapalayas. Kakatwang sabihin, pero kasama na ito sa humahabang listahan ng mga positibong pagbabagu-bago ng pahayag ng pangulo. Sa harap ng humihigpit na atensiyon ng pandaigdigang midya sa mga pagpaslang

kaugnay ng kanyang “gera kontra-droga,” tiyak na hindi niya gugustuhing magpakita ng isa pang patunay ng kalupitan sa maralita.

T

agumpay ang mga maralita sa Pandi. Pero gaya nga ng nasabi minsan kaugnay ng paglaban ng mga maralita ng Sitio San Roque sa Quezon City noong 2010: ang tagumpay ng maralita sa lipunang ito ay laging bahagya kumpara sa nararapat at laging delikado, nanganganib bawiin ng mga naghaharing uri. Sabi nga ni Engels sa “The Housing Question”: “Hangga’t patuloy na umiiral ang kapitalistang moda ng produksiyon, isang kahibangan ang umasa sa nakahiwalay (isolated) na solusyon sa usapin ng pabahay o kahit anong usaping panlipunan na nakakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawa. Ang solusyon ay nasa pagbabagsak sa kapitalistang moda ng produkisyon at sa pag-angkin (appropriation) ng lahat ng kagamitan (means) ng buhay at paggawa ng masang anakpawis mismo.” Marami pang dapat ipaglaban ang mga maralita: mula disenteng trabaho, serbisyong tubig at kuryente, libre at pangmasang pabahay, at iba pa hanggang sa tunay na pagbabagong panlipunan kung saan may libre at pangmasang pabahay. Mahalagang hakbang patungo diyan ang kanilang tagumpay na nakamit sa Pandi at ang kanilang nagpapatuloy na pagkakaisa at pagkilos. PW 01 Abril 2017 Mababasa nang buo ang artikulo sa www. pinoyweekly.org


4

PINOY WEEKLY | MARSO 12, 2017


PINOY WEEKLY | MARSO 12, 2017

5


6

BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 9, 2017

newsbriefs Maralita sa QC, ilegal na kinulong

L

imampu’t pitong residente ng Apollo Street sa Tandang Sora, Quezon City na umokupa ng kanilang nademolis na mga tahanan ang hinuli ng mga pulis. Sama-samang hinuli ang 57 katao, kasama ang mga bata, matanda, at kababaihan. Isinakay sila sa tatlong pampasaherong dyip papunta ng Camp Karingal kung saan sila kinulong. “Kinokondena namin ang Philippine National Police at lokal na gobyerno ng Quezon City sa pag-aresto sa mga manggagawang maralitang lungsod na gusto lang bawiin ang kanilang mga bahay. Makatwiran ang kanilang paggiit ng batayang karapatan sa pabahay dahil halos isang dekada silang walang tahanan matapos di-makatarungang idemolis para bigyan-daan ang interes ng malalaking negosyante,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno o KMU. Noong Hunyo 2016, ilang araw bago ang inagurasyon sa pagkapangulo ni Pangulong Duterte ay dinemolis ang bahay ng 98 pamilya sa Apollo. Idineklara itong “fire hazard” ng munisipyo ng Quezon City kahit pa 30 taon nang hindi nagkakaroon ng sunog sa lugar. Di tuluyang umalis ang mga residente. Sa halip, nagtayo sila ng mga bahay malapit sa nademolis nilang mga bahay. Doon sila namalagi hanggang sa maglabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng clearing order na siyang inaasahan ng mga residente. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), hindi inalok ng relokasyon ang karamihan sa mga nademolis, at kung mayron man ay sa Cagayan Valley pa ito. Marjo Malubay

NAGKAMPO SA DAR. Nananawagan ang mga magsasaka sa Department of Agrarian Reform na aksiyunan na ang pangangamkam ng lupa ng Lapanday Foods Corp. na pag-aari ng pamilyang Lorenzo. Nananawagan silang ibasura ang Agribusiness Ventures Agreement o AVA na ginagamit ng Lapanday bilang batayan sa pag-angkin sa 119.25 ektaryang lupain ng mga magsasakang benepisyaryo. KILAB

BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Magsasaka pinaslang sa ComVal

I

sa na namang magsasaka ang pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar sa Compostela Valley. Pang-47 si Danilo Nadal, lider ng Hugpong ng Mag-uuma sa Pantukan, sa listahan ng mga magsasaka, katutubo, at mga manggagawang bukid na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte at pang-11 sa Compostela Valley. Sa inisyal ng ulat, tinatayang 10 tama ng bala tinamo ni Nadal. Hinihinalang mga ahente ng 46th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nagsagawa ng pagpaslang. Nangyari ang pinakabagong insidente ng pagpatay ilang araw matapos hikayatin ng mga magsasaka na bigyanpansin ng gobyerno ang lumobong bilang ng pinatay na mga magsasaka at mga lider nila. Matapos ito na isawalang-bisa ang unilateral ceasefire agreements at bilang direktang resulta na rin ng all-out war ng AFP laban sa Communist Party of the PhilippinesNew People’s Army, kung saan dinadamay mismo ang mga sibilyan, ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Iuumento ng NDFP ang mabibigat na isyu hinggil sa paglabag sa karapatang pantao sa gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Sid Natividad

LEONCIO EVASCO JR. Kinatawan ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC. Positibong tinugunan ni Evasco ang hiling ng mga miyembro ng Kadamay sa Bulacan na huwag silang palayasin sa inokupang mga pabahay.


SAMU’T SARI 7

PINOY WEEKLY | ABRIL 9, 2017

Gamot na antibiotic at kontra-kanser

L

ingid sa kaalaman natin, maraming sangkap na matatagpuan kahit sa kusina na maaaring makatulong upang makaiwas sa malulubhang mga karamdaman, tulad ng kanser. May mga pag-aaral nang isinagawa upang makita ang tulong ng luyang dilaw bilang lunas sa kanser, at ispesipikong epektibo ito sa pag-gamot sa breast cancer, colon cancer at skin cancer. May mga tao na gumamit ng apple cider vinegar para sa kanilang kalusugan laluna’t nakita nila ang kaya nitong gawin sa paglaban hindi lamang sa kanser kundi pati na rin sa diabetes, cancer, sakit sa puso, mataas na kolesterol, at iba pa. Nakakatulong ang lemon para linisin ang tiyan at palakasin ang immune system. At hindi lamang natural na pampatamis, ngunit napakaraming benepisyo naman ang kayang ibigay ng pulot o honey. Ano kaya kung pag-haluin ang mga ito? Mga sangkap: • 1 kutsarang turmeric o luyang dilaw • 2 kutsarang apple cider vinegar • 1 kutsarang lemon rind

ni Tarik Garcia

Amerikano’t Hapon, iisa ang layunin sa Pilipinas

A • 100 grams organic honey • 1 kurot ng itim na paminta • 1 boteng may takip, para maging lalagyan Pamamaraan 1) Ilagay sa bote ang turmeric, apple cider vinegar, lemon rind, at organic honey. 2) Haluin nang maigi. 3) Idagdag ang itim na paminta. 4) Haluin muli. Uminom ng isang kutsara tuwing umaga para makita ang pinakamainam na resulta. Nagpapalakas ito ng immune system upang makaiwas sa mga sakit tulad ng cancer. PW

Pang. Rodrigo Duterte, sa talumpati sa ika-120

anibersaryo ng Philippine Army. Hiniling niya sa mga militar na ibigay na lang sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang inokupahan nilang mga pabahay sa Bulacan.

KILITING DIWA

ANG TARAY!

Huwag na lang natin guluhin (ang) mga tao diyan (Kadamay) kasi lumalaban sila. Ang tanging kasalanan nila ay mahirap sila kagaya natin.

Minsan, may isang binatang nanunuyo sa isang dalaga: Boy: Puwede ba ko manligaw? Girl: Tanong mo kay papa. Boy: Paano kung pumayag? Girl: E di kayo na! *** Sa isang English class: Teacher: “I will go to the mall.” What tense

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

is this? (Tinawag si Mario) Mario: Mam. Future Tense po. Teacher: Very good. Now, “I am Eating.” What tense is this? (tinawag si Pedro) Pedro: Mam. Present Tense po. Teacher: Very Good. Ok, this one. “I am Beautiful.” What tense is this? (tinawag si Juan) Juan: Mam halata naman sa inyo ehh. Definitely PAST TENSE!

lam n’yo ba na ang mga Hapon, tulad ng Amerikano, noong 1930s ay mayroong sariling imbak na programang public relations upang itago ang pansariling layunin nito sa Pilipinas, habang eksperto nilang inaalisan ng balatkayo ang pansariling hangarin ng Estados Unidos sa Pilipinas? Handa ang gobyernong Hapon na magbigay ng pinansiyal at teknikal na ayuda para tulungan ang Pilipinas na linangin ang napabayaang industriya ng bulak. Hindi lang mayroong handang lokal na pamilihan para sa bulak ng Pilipinas, tinitiyak pa ng Japan na magkakaroon ng malawak at mapagkakakitaang pamilihan sa loob ng Greater East Asia CoProsperity Sphere. Tinangka ng mga Hapon na lumikha ng imahe ng kagandahang-loob tulad na nagawa ng mga Amerikano. Ang totoo, lubhang nangangailangan ng hilaw na bulak ang industriya ng tela ang bansang ito. Bago ang digmaan, umaangkat ang bansang ito sa Estados Unidos ng malaking bilang ng bulak. Sa katunayan, umaabot sa 47.5 porsiyento ang kabuuang importasyon ng bansang Hapon sa bulak. Sanhi ng giyera sa Pasipiko, nawalan siya ng pangunahing pagkukunan ng produkto ng bulak. Naniniwala ang mga Hapon na ang klima ng Pilipinas ay nababagay sa pagtatanim ng bulak at pinagsikapan nilang itaguyod ang kumbersiyon ng mga tubuhan sa taniman ng bulak. Hindi lang balak ng Japan na gawing taniman ng bulak ang tubuhan kundi ipahawak sa mga empresang Hapon ang pagpapaunlad ng industriya ng bulak. Makailang-ulit idiniin ng mga Hapon na kanilang ibabangon ang ekonomiya ng Pilipinas na winasak ng mga Amerikano sa pamamagitan ng labis na pagpapaunlad sa industriya ng asukal. PW


KULTURA

Dapat ipagdiwang ng sambayanan ang kaarawan ng tunay na pambansang alagad ng sining na si Bienvenido Lumbera. Ni Mykel Andrada

B

eny. Bien. Doc Bien. Itay. Tatay. Maraming tawag kay Bienvenido Lumbera. May iba pa nga na ang term of endearment sa kanya ay “Doraemon,” mula sa isang anime, dahil sa maamong mukha at masayahing pananaw ni Bien.

BIEN

Ika-85 kaarawan ni Bien ngayong Abril 11. Hindi maikakailang sa haba ng buhay ni Bien, hindi na mabilang ang naabot ng impluwensiya, paninindigan at pagmamahal niya. Ilang henerasyon na ng mga mag-aaral, guro, iskolar, aktibista, indibidwal at komunidad ang napanday ng mga sulatin at paniniwala ni Bien, na hango sa mahabang karanasan niya sa akademya, at lalo’t higit na hango sa malalim na karanasan niya sa kilusang mapagpalaya. Paradigm Shift

Produkto si Bien ng programa sa pamamahayag ng Unibersidad ng Santo Tomas na noo’y pinangingibabawan ng maka-Kanluraning tradisyong pampanitikan at pilosopiya. May kasanayan din si Bien sa wikang Ingles simula noong elementarya, at sa katunaya’y babad sa Kanluraning edukasyon. Kumuha rin siya ng mga klase sa edukasyon sa Far Eastern University at Indiana University. Noong bumalik si Bien sa Estados Unidos para mag-aral at manaliksik, papalakas ang kilusan para sa mga karapatang sibil, partikular ng mga Aprikano-Amerikano. Sa mga talakayan, napaisip si Bien hinggil sa papel ng panitikan at edukasyon sa pagbabago ng lipunan. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas at pagtuturo sa Ateneo de Manila University noong dekada ’60, magkakaroon ng bagong sigla ang pulitika ng panahong ito. Tumitindi ang krisis ang ekonomiya, nasisiwalat ang korupsiyon ng mga Marcos at ilang taon na lang ay magdedeklara na ng Batas Militar ang diktador. Nakasalamuha ni Bien ang mga aktibista’t makatang sina Jose Maria Sison at Maria Lorena Barros ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Naging panahon ito ng pagbabanyuhay para kay Bien at sa Ateneo.

Katuwang ang isa pang Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando Tinio, nagrebisa ng mga teksbuk at polisiya si Bien. Naglangkap sila ng mga babasahin at sulatin mula sa lawak ng panitikang Filipino at hinikayat ang mga mag-aaral na magsulat at gamitin ang sariling wika. Ang pagpasok ng mga kaisipan nina Karl Marx, Friedrick Engels, Vladimir Ilich Lenin at Mao Zedong ay magpapanibagong higit sa paniniwala at paninindigan ni Lumbera. Mula sa masa, tungo sa masa

Itinaguyod nila Bien ang Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (Paksa) noong maagang yugto ng dekada ’70. Kasudlong ng Sigwa ng Unang Kuwarto noong 1970, malinaw ang pambansa demokratikong oryentasyon ng Paksa at nagsilbing palihan at kilusan sa para sa panitikang mapagpalaya at mapagpanibago. Matapos ang lahat ng pagkahulma ng lipunan at kilusang pambansademokratiko kay Bien, naging mas malinaw at mas matalas ang direksiyon ng pagsusuong niya sa halaga ng panitikan at sining. Ani Bien: “Nag-iba ang pagtingin

sa panitikan mula ng lumitaw ang kilusang makabayan... panitikan mula sa masa, tungo sa masa. May tatlong katangian na hinahanap ng panitikang pangmasa: na ito ay maging makabayan, maging siyentipiko, at maging pangmasa.” Hanggang ngayon, matapang na kritiko si Bien ng panunumbalik ng Batas Militar, gayundin ng kahungkagan ng sining-para-sa-sining, neoliberalismo ng edukasyon at ekonomiya, pampulitikang panunupil. Patuloy niyang isinusulong ang tunay na rebolusyonaryong pagbabagong panlipunan. Sa edad na 85, nagtuturo pa rin si Bien sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Patuloy pa ring naglilingkod sa sambayanan si Bien, hindi lang sa panitikan kundi sa pamamahayag, kulturang popular at iba’t ibang pag-aaral. Patuloy siyang dumedepensa para sa karapatan ng mga magsasaka, manggagawa, Lumad, maralita at iba pang aping sektor. Ang kanyang mga libretto, tula, dula, sanaysay at pananaliksik ay malalim na balon ng makabayang karanasan para sa kasalukuyan at darating pang henerasyon. PW


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.