Pw 15 15 - 2017-04-23

Page 1






46 SURING BALITA

K

akaba-kaba ang mga manggagawang miyembro ng Samahan ng Janitors sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (SJPUP) sa tuwing matatapos na ang kontrata ng agency na humahawak sa kanila. Paano ba naman, kung hindi pumayag ang bagong agency na i-absorb sila, mawawalan na sila ng trabaho. Ganoon kadali. Walang sisinuhing tao, kung ilang dekada man ang tinagal nito sa PUP, o ilang anak ang kailangang pagaralin, o ilang mahal sa buhay ang may karamdaman na kailangang ipagamot. Ganito ang kapalaran nilang kontraktuwal na mga manggagawa sa ilalim ng mga . “Hindi tayo tatagal dito kung hindi tayo organisado. Nililinaw natin na (ang pag-unyon ay) bahagi talaga ng karapatan ng mga manggagawa,” ani Rey Cagomoc, ang presidente ng SJ-PUP at 34 taon nang nagtatrabaho sa PUP bilang dyanitor. Pinaglalaban nila ang kanilang mga karapatan, sa kabila ng kanilang istatus bilang kontraktuwal na mga manggagawa. Kinakatawan nila ang kalagayan ng milyun-milyong kontraktuwal na mga manggagawa ngayon — silang umaasa sana sa pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan na ang praktikang ito na lantarang yumuyurak sa kanilang mga karapatan. Tutol sa DO 174

Tulad ni Cagomoc, marami sa mga dyanitor ng SJ-PUP ang tumagal na nang ilang dekada sa pamantasan sa kabila ng kanilang pagiging kontraktuwal na manggagawa sa mga agency. Ang sikreto? Una, organisado silang nagwewelga kung kinakailangan. Nagagawa nilang aktibong depensahan ang kanilang mga karapatan dahil nagkakaisa sila. Pangalawa, nauunawaan nila ang kaugnayan ng kalagayan nila sa kalagayan ng kapwa mga obrero sa buong bansa. Kung

PINOY PINOY WEEKLY | PEBRERO 12, 2017WEEKLY

kaya, nakikiisa sila sa pagpresyur sa mismong gobyerno na wakasan na ang kontraktuwalisasyon. Kaya may masasabi sila sa mismong “win-win solution” Tungkulin ng mga manggagawa at ma diumano ng Department of Labor rehimeng Duterte na wakasan na ang k and Employment (DOLE) sa problema ng kontraktuwalisasyon: ang Department Order 174. “Hindi ikinatuwa namin ito,” ani Cagomoc. Kasi naman, naranasan ng mismong mga dyanitor ng SJ-PUP kung gaano kadali lagutin ng iskemang contracting at subcontracting sa pamamagitan ng mga labor agency ang buhay ng isang manggagawa. Sa iskemang ito, magkakaroon ng third party service provider tulad ng mga employment agency (sa kaso ng SJ-PUP) na siyang magsusuplay ng kakailanganing mga manggagawa ng prinsipal na employer tulad ng PUP. Sabi ng DOLE, magiging regular naman ang mga manggagawa sa mga agency na kinabibilangan nila. Makakatanggap naman daw ang tulad ng mga dyanitor ng PUP ng karampatang benepisyong naaayon sa batas. Ang hindi malinaw ay kung ano ang mangyayari sa mga manggagawa kung sakaling magpasya ang prinsipal na employer na tapusin ang kanyang kontrata sa agency. Paliwanag ng mga grupong makamanggagawa tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU), ang sahod ng mga manggagawa ay nagmumula sa prinsipal na employer. Piket ng mga manggagawa ng KMU sa tangga Kung kaya ikinakatakot ng mga unyon at iba pang samahan ng mga manggagawa tulad ng SJ-PUP na wala silang kaseguruhan magagawa nito para tulungan ang sa trabaho. Napakadali umanong wakasan kampanya ng mga manggagawa para sa ang kontrata sa pagitan ng prinsipal na regular na empleyo. employer at agency kung gugustuhin nito. Sa mismong araw ng inagurasyon ni Isa pa, masisikil umano ang karapatan Duterte bilang pangulo noong Hunyo 30, sa pag-uunyon ng mga manggagawa. Hindi 2016, inihain ng Blokeng Makabayan pirmido ang magiging trabaho ng mga sa Kamara ang House Bill 556 o Regular manggagawa kung mapasailalim sila ng Employment Bill (REB). Layunin nitong mga agency na maaaring magpalipat-lipat. wakasan ang kontraktuwalisasyon at “Sa apat na bagay: franchise, construction, itaguyod ang regularisasyon ng mga janitorial services, pati mga guwardiya, manggagawa. sinasabi niya sa DO 174 na magiging Bagamat hindi makatao ito, regular kami sa agency. Sinasabi ni (Labor nakahanap ng legal na batayan ang Sec. Silvestre) Bello na regular (kami). Pero kontraktuwalisasyon sa pamamagitan ng regular kami saan?” tanong ni Cagomoc. Artikulo 106-109 ng Presidential Decree No. 442 o Labor Code. Laman ng mga Panukalang batas Samantala, ginagawa naman ng artikulong ito pagkakaroon ng tinatawag progresibong mga mambabatas ang na mga contractor o subcontractor na

Dapat, regula


| ABRIL 23, 2017WEEKLY | PEBRERO 12, 2017 PINOY

SURING BALITA SURING-BALITA

maaari nang maging regular sa ilalim ng employer na PUP. Tulad ng naging tugon ng DOLE sa paglalabas ng DO 174, hindi sapat ang pagkakaroon lang amamayan na magkaisa para itulak ang ng istriktong mga patakaran sa kontraktuwalisasyon. Ni Marjo Malubay pagpapatupad nito. Kung tutuusin, may kakayahan naman ang sekretaryo ng DOLE na ipagbawal ang kontraktuwalisasyon bilang isang labor practice na malinaw na nakasaad sa Artikulo 106 ng Labor Code. Nagmarkang maigi ang noo’y kandidato sa pagkapangulong si Duterte dahil sa mabibigat nitong pahayag na pabor sa mahihirap. Noong nakaraang taon din lang, isa siya sa mga pulitikong pinakamaingay bumanat sa kontraktuwalisasyon. Kung manalo man daw ito bilang presidente, hindi siya bukas makipagkompromiso pagdating sa usaping ito. Pupuksain niya ang kontraktuwalisasyon dahil ito’y kontra-mamamayan. Isang taon mahigit mula nang manalo si Duterte, tila buhay na buhay pa rin ang gawaing ito sa empleyo. Sa opisyal na datos ng gobyerno, 44 porsiyento ng mga manggagawang may trabaho sa iba’t ibang industriya ang hindi regular at patuloy pang tumataas ang bilang na ito. Kung totoo ang administrasyon sa sinasabi nitong malasakit para sa mga manggagawa, wawakasan nito ng tuluyan ang kontraktuwalisasyon ng walang paliguy-ligoy. Sa ganitong apan ng DOLE. KONTRIBUSYON / KMU biglang kambiyo ng pangulo sa usapin ng kontraktuwalisasyon, hindi sambayanan siyang pangunahing pananagutan sa mga ang nakikinabang kundi malalaking gustong makatipid sa manggagawa at magiging indirect employer negosyong na lang ang prinsipal na mga employer. pagbabayad ng mga benepisyo ng kanilang Sekondarya lang ang pananagutan sa mga manggagawa. relasyong ito. Ibig sabihin, ang Labor Code pa mismo ang nambabarat sa karapatan ng Kilos na, manggagawa mga manggagawa. Sa kabila nito, hindi napaghihinaan Bilang solusyon umano, aalisin ng REB ng loob ang mga manggagawa ng SJang Art. 107 ng Labor Code na naglelegalisa PUP. Nakikita nila itong isang ng pagkakaroon ng indirect employer. oportunidad para ipagpatuloy pa Ituturing din na empleyado ng prinsipal ang pag-oorganisa ng kanilang na employer ang mga manggagawang kasamahan. Naging inspirasyon para nagmula sa mga labor agency. Sa ganitong sa ibang mga unyon ang paraan, mapipigilan ang hindi makataong pagkulong sa mga manggagawa sa status pagkakapanalo ng SJ-PUP na kontraktuwal sa loob ng mahabang sa huli nilang welga noong panahon. Kung maisabatas ang REB, ang 2012 na umabot nang pitong mga manggagawa sa loob ng SJ-PUP ay buwan. Kasabay ng laban

ar na empleyo

FILM WEEKLY

57

nila sa legal na arena, nagwelga ang grupo sa loob mismo ng PUP sa tulong ng mga makabayang estudyante, guro, at iba pang kawani. “Yung mga anak ng mga kasamahan namin, hindi na makapag-aral. Inalisan na ng mga tirahan dahil hindi na makabayad sa upa, tubig, kuryente dahil wala nang trabaho,” ani Cagomoc. Matapos ang pitong buwan, napilitang umalis ang agency at naabsorb sila ng naging kapalit nito. Ayon sa grupo, ito na raw ang tamang panahon para kumilos na ang manggagawa at imulat ang mga mamamayan sa tunay na ugat ng kahirapan. Ang karanasan ng kanilang organisasyon ay naglantad sa madayang sistema ng labor agency, ngunit napagtagumpayan nila ito. “Kailangan nating imulat ang sambayanan sa kontraktuwalisasyon. Ang sistema ng kahirapan, pag-graduate ng anak mo, ano ang pupuntahan? Endo (end of contract) o 5-5-5 (limalimang buwan ng kontrata). Sinasabi ng iba na mababang uri ng trabaho ang pagdidyanitor. Pero itong mga kasama sa SJ-PUP, tumutulong na nagmumulat ng mga mamamayan at naglilingkod,” pagtatapos ni Cagomoc. PW

Rey Cagomoc ng Smahan ng Janitors sa PUP






KULTURA

M

Maikling suri sa dalawang Kanluraning musical na lumapag sa bansa noong nakaraang buwan: Beauty and the Beast at Wicked. Ni Priscilla Pamintuan

Si bruha, si maganda

ahilig sa kantahan ang mga Pinoy. At bagamat may mayamang tradisyon ng pag-awit at pagsayaw ang mga Pilipino, malakas pa rin ang impluwensiya sa atin ng musikang mula sa Europa at Amerika. Kumpara sa ibang lahi sa Timog Silangang Asya, mga Pilipino na marahil ang pinakapamilyar sa Kanluraning musika. Kasama rito ang pagtangkilik natin sa tinatawag na musicals (kapwa sa teatro at sa pelikula) na pinasikat sa mga sentrong pangkultura ng Kanluran tulad ng Hollywood (Los Angeles, California sa USA), Broadway (New York, USA) o West End (London, United Kingdom). Sa pangkalahatan, masasabi nating dala ng mga pangkulturang produktong ito ang dominanteng ideolohiya ng Kanluran—ang pagtaguyod sa kapitalismo bilang natural na sistema ng lipunan, ang pagpapahalaga sa indibidwal na kagalingan at personal na kaligayahan higit sa kolektibo o pambansang interes. Gayunman, sa ilang pagkakataon, may mga produkto sa nabanggit na mga sentrong pangkultura na naglalaman ng progresibong mga mensahe o adhikain – o tumatalakay, sa malikhaing paraan, sa mga panlipunang reyalidad at nagmumungkahi ng progresibong pagbabago. Nitong nakaraang dalawang buwan, muling lumapag sa bansa natin ang dalawa sa mga musical na produkto: ang pelikulang musical na Beauty and the Beast (na pinalabas sa halos lahat ng pangunahing mga sinehan sa bansa) at ang musical na panteatro na Wicked (na pinalabas sa pangBelle (Emma Watson) alta sosyedad na sa Beauty and the Beast

lugar na Solaire Casino Resort). Kapwa bumatay sa Kanluraning tradisyunal na kuwentong pambata (ang una, mula sa La Belle et la Bête na nobela ng Pranses na si Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve; ang pangalawa, tinuntungan ang The Wonderful Wizard of Oz ng Amerikanong nobelistang si L. Frank Baum), may progresibong mensahe o gamit kaya ang mga ito sa atin? Unahin natin ang Wicked. Dinebelop nina Stephen Schwartz (musika at lirika) at Winnie Holzman (libro) mula sa nobela ni Gregory Maguire na Wicked: The Life and Times of the Wicked Witch of the West, kinuwento ang isang bersiyon ng pinagmulan ng “Wicked Witch of the West”, si Elphaba at pagkakaibigan niya sa isang maganda at popular na witch na si Galinda. Ipinanganak na berde pero may angking talento sa mahika si Elphaba. Sa pagtuklas niya ng sariling kakayahan at kapangyarihan, tinalikuran niya ang pagibig, ang mapanghusgang pamilya, at, sa huli, ang pagkakaibigan kay Galinda, para matuklasan ang sarili. Sa pagtuklas niyang ito, nagsilbing balakid ang isang sistema ng lipunan (ang Oz) na kurap, mapagsamantala at mapaniil. Ano naman ang kuwento ng Beauty and the Beast (BB)? Ito ang kuwento ng isang dalagang baryo sa France, si Belle, na nakulong sa kastilyo ng isang prinsipeng may sumpa (kaya nagmukhang halimaw) dahil sa “pagnanakaw” ng rosas ng kanyang ama. Kalauna’y nagkapalagayang loob ang halimaw at si Belle. Kailangang sabihin ni Belle na mahal niya ang halimaw para mawala ang sumpa sa halimaw. Samantala, napahamak ang kanyang ama sa hambog na manliligaw ni Belle (si Gaston). Nang tangkaing sagipin ni Belle ang ama, sinugod ng manliligaw ang halimaw. Bago mamatay ang halimaw, nagawang magtapat ang dalaga—at muling naging guwapong prinsipe ang halimaw. Walang duda, kapwa mahusay na musika ng dalawang musical na ito (itinuturing na groundbreaking sa Broadway ang musika ng Wicked, samantalang nauna naman ang animated version ng BB noong 1991 sa sunud-sunod na animated musical

films ng Disney). Pero tila nakaaangat ang Wicked sa radikal na pagbasag nito sa nakagawiang mga kuwento ng pantasya—isang bidang babae na ginusto, hindi ang makakuha ng mapapangasawang mayaman, kundi ang makawala sa konserbatibo at mapaniil na kultura para makamit ang potensiyal bilang witch, habang namumulat sa tunay na kalagayan ng lipunang kinikilusan niya. Konserbatibo at kontra-kababaihan naman ang hangarin ni Elphaba (Jacqueline Belle sa BB: ang Hughes) mapangasawa sa Manila ang isang maproduction ng Wicked yamang lalaki (na bibigyang laya ang kanyang hilig sa pagbabasa)—kahit mukhang bakulaw. Bagamat pantasya ang kuwento ng BB, may historikal na konteksto rin ang kuwento: huling bahagi ng 1700s, bago ang rebolusyong Pranses na nagpabagsak sa monarkiya. Kaya naman may ilang makukulit sa social media na nakapagsabi na dahil prinsipe nga ang halimaw, posibleng isa rin ito sa pinugutan ng ulo ng bagong luklok na rehimeng burges. Baka pati si Belle, napugutan din (katulad ng huling reyna ng Pransiya na si Marie Antoinette). Samantala, sa Wicked, katulad ng mga radikal na nag-aaklas sa tunay na buhay si Elphaba: siniraan at binansagan ng kung anu-ano. Si Elphaba, tinawag na “Wicked Witch of the West.” Ang kasalukuyang mga radikal at rebolusyonaryo, binabansagang terorista, bandido, masamang tao. Pero kung may mapupulot man tayo sa Kanluraning musical na Wicked, ito ay ang puntong huwag maghusga sa panlabas o mababaw na anyo (“beauty”). Alamin ang tunay na kuwento nilang mga binabansagang bruha. PW


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.