Pw 16 01 02112018

Page 1

Alternatibo sa jeepney phaseout Pahina 2

TOMO 16 ISYU 01

Napapala ng madla sa Train Pahina 4

Buhay -bulkan Pahina 9

11 PEBRERO 2018

Sagasa sa kakarampot nang sahod ng mga manggagawa ang Train Law ng rehimeng Duterte. Sundan sa pahina 6

Pagharang sa Train

KATHY YAMZON


2

BALITA

Pag-aresto kay Baylosis, ‘ilegal’

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

Tunay na ‘modernisasyon’ sa sistema ng transport Pagpapaunlad ng sistema ng pangmasang transport at hindi pagtanggal ng kabuhayan ng maliliit na drayber at operator ng jeepney ang kailangan. Ni Abie Alino

P

apasakay ng traysikel sa Katipunan, Quezon City. Hindi armado. Ito ang inabutan ng mga pulis kina Rafael Baylosis, 68, konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at kasamahan niyang Roque Guillermo Jr. nang arestuhin sila noong Enero 31. “Lantarang paglabag sa batas at lalong nagdidiskaril sa mga hakbang para sa kapayapaan sa Pilipinas ang walang-mandamyentong pag-aresto kina Baylosis,” sabi ni Rachel Pastores, abogado ng dalawa. Wala naman umanong mandamyento sa anumang kaso laban sa dalawa. Protektado rin si Baylosis ng Joint Safety and Immunity Guarantees o Jasig. Puwersahang kinuha ng mga pulis ang dalawa, hindi binasahan ng kanilang mga karapatan o kahit nagpresenta ng charge sheet, sabi pa ni Pastores. Nakapiit ngayon sina Baylosis at Guillermo sa CIDG Custodial Center sa Kampo Crame. Nanawagan ang iba’t ibang progresibong grupo ng agarang pagpapalaya sa dalawa. PW

J

eepney ang sumasalba sa mga estudyante at manggagawang kakarampot ang pera sa bulsa. Pinupunan din nito ang pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon na problema sa transportasyon sa bansa. Pero imbes na tulungan, kabi-kabilang panggigipit ng rehimeng

WIKIMEDIA COMMONS

Duterte sa mga maliliit na drayber at operator— bilang pagtugon sa layunin nitong tanggalin na ang jeepney sa lansangan kaalinsunod sa tinaturang “modernisasyon” ng pampublikong transportasyon sa bansa. Noong Oktubre 2017, matagumpay ang tigil-pasada sa pangunguna ng PinagIsang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To Jeepney Phaseout Coalition. Naparalisa nila ang pampublikong

transportasyon sa Kamaynilaan at maraming probinsiya sa buong bansa. Sa kabila nito, tuloy ang planong pagwalis ng rehimeng Duterte sa mga jeepney sa kalsada. Sa pagpasok ng 2018, ipinatupad ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT) ang Tanggal Bulok Tanggal Usok, na paghulis sa mga diumano’y bulok at mausok na jeep sa Kamaynilaan at ilang probinsiya malapit dito. Ang iskemang ito ang nagdulot ng takot

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, Mykel Andrada, JL Burgos, Tarik Garcia, Marjo Malubay, Jaze Marco, Sid Natividad, Gabby Pancho, Soliman A. Santos, Lukan Villanueva Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), J Luis Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018 sa mga drayber at nauwi sa pagdedesisyong gumarahe na lamang kaysa mahuli at magmulta ng napakataas na halaga. Nagbunga rin ito ng perwisyo sa maraming Pilipinong mananakay. Naniniwala rin ang grupong Piston na ito ay isang mukha ng phaseout. “Ito na ang simula o bahagi ng phaseout na pinapatupad ng gobyernong Duterte para i-promote itong marketing scheme nila na pagbebenta nitong mamahalin at overpriced na mga sasakyan na nais daw nilang ipalit sa jeepney,” ani George San Mateo, presidente ng Piston. Alternatibo

Ayon naman sa Ibon Foundation, hindi makaaangat sa mababang kalidad ng jeepney system ang pagpapatupad ng Tanggal Bulok, Tanggal Usok ng gobyerno. “Tama lang na magkaroon ng modernisasyon sa sistema ng jeepney sa bansa. Pero dapat gawin ito ng gobyerno sa paraang hindi ang maliliit na drayber at operator ang masasagasaan,” ani Sonny Africa, executive director ng Ibon. Para makasabay at mas pagaanin sa pasahin ng mga operator at drayber sa modernisasyong ninanais ng gobyerno, nagsumite ng Ibon sa Senado ng apatna-pahinang posisyong papel hinggil sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Layunin nitong bawasan ang ipinapasang bigat ng gobyerno sa mga drayber/ operator sa inaasam nilang modernisasyon. Ayon kay Africa,

ang pampublikong transportasyo’y dapat nga na modernisado. Pero dapat na makatarungan ito sa lahat. Hindi ito dapat na aakuin ng mga drayber na may maliit na kita gayundin ng publikong may mababang sahod. Hindi rin nito dapat tatanggalan ng hanapbuhay ang mga drayber, lalabagin ang kanilang karapatan sa pagtatrabaho, at makompromiso ang publiko sa ngalan ng interes ng malalaking negosyante. Iminungkahi rin nila ang “Palit Jeepney Program”: Pagpapalit ng maliliit na drayber/operator ng kanilang kasalukyang jeep sa bagong yunit na pasado sa pamantayan na mas malinis na inilalabas na usok. Nangangahulugan muna nito ng auditing ng gobyerno sa lahat ng rehistradong public utility jeepneys—tukuyin ang mga yunit na puwede pang ayusin at ang mga kailangan nang palitan. Ang Palit Jeepney Program ay maaaring ipatupad ng ilang bahagi. Ang kailangan ilahad na badyet para maisagawa ay maaaring magmula sa muling naihanay na badyet sa General Appropriations Act. Kinakailangan ng 50 porsiyento o higit kumulang na P70,000 kada yunit (ng jeep) na subsidyo mula sa gobyerno. Aabot sa P163.8Bilyon para sa 234,000 na yunit. Paliwanag ni Africa, nararapat na magkaroon

ng programa na kasosyo ng gobyerno ang kooperatiba ng maliliit na drayber at operator upang malilimitahan ang pagprangkisa ng ilang kooperatiba at samahan ng mga drayber at operator. Sa pamamagitan nito, mamomodernisa ang mag dyip nang hindi nasasagasaan ang karapatan ng ilang drayber/operator. Ang Palit Jeeney Program ay dapat nakapaloob din sa konteksto ng industriya na lilinang sa lokal na paggawa ng mga jeep. “Responsabilidad ng gobyerno na siguruhin na mayroong mura, ligtas at modernisadong mass trasportation ang publiko,” dagdag pa ni Africa. May malaking bahagi ang pagmomodernisa ng sistema ng transportasyon ng bansa sa kabuuang pambansang industriyalisasyon na isinusulong ng maraming progresibong organisasyon. Kasama ito sa ipinapanukala ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan nito sa gobyerno, lalo na sa adyendang sosyal at pangekonomiyang mga reporma. Pambansang kaunlaran

Sa naunsiyaming usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at rehimeng Duterte, muntik na sanang malagdaan ang Comprehensive Agreement on Social and Economic

Reforms (Caser). Sa panayam sa Pinoy Weekly, sinabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms, na magsisilbing pangmalawakang gabay sana ang Caser sa kung papaano makakamit ang maunlad na pampublikong sistema ng transportasyon sa bansa na hindi pagkakakitaan lang ng malalaking negosyante sa kapahamakan ng nakararaming mamamayan. “Makikita [sa Caser], in broad outline, kung paano mangyayari ang pambansang industriyalisasyon na magmumula sa repormang agraryo at rural industrialisasyon na magpoproseso ng mga produktong agrikultural... (S)asalubungin naman (ito) ng mga pambansang industriyang itatayo nang pantas-antas sa pagproseso at manupaktura ng steel; kagamitang agrikultural at industriyal, makinarya at equipment; public transport, lalo mga riles, bus, marine vessels, electrical power equipment; electronic components at kagamitan; precision instruments; construction materials; mga kemikal at produktong kemikal; pharmaceuticals; food and beverage; textiles, clothing and footwear; at biotechnology.” Makakamit ito sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang pondo at mga rekurso ng bansa ay pakikinabangan ng mga mamamayan at hindi ng malalaking dayuhang negosyante katulad ng nangyayari ngayon. PW

WIKIMEDIA COMMONS


4

LATHALAIN

W

ala pang isang buwan pero nahulog agad ang loob ni Ela. Sa mga kasama. Sa lugar. Sa mga bata. Sa mga gawain. Andami niyang kuwento. Gusto niyang ikuwento sa mga kaibigang naiwan sa Maynila. Gustong ikuwento ni Ela kay Emil. Araw-araw sinulatan ni Ela si Emil. “Ang hirap makahanap ng panahon para sulatan ka,” ani Ela, noong Agosto 8, unang linggo niya doon. Pero gusto, kaya nagagawan ng paraan. Nakapagsulat siya noong Agosto 10 habang nakatayo at nagtuturo sa mga bata. Nakapagsulat siya noong Agosto 13, kahit bawal ang malakas na ilaw sa kampo, at kinailangan niyang ibalot ng malong ang flashlight na kagat-kagat niya para makita ang sinusulat. Nakapagsulat siya noong Agosto 14 habang nakaposte. At noong Agosto 16, habang nasa gubat para makaiwas sa “kaaway” (militar), nakapagsulat din siya. “Kagabi ay literal nang muntik akong mamatay kung hindi pa ako sinagip ng kalikasan at ng mga kasama. Naka-mobile kami, at may bababaan sa gubat,” sulat niya kay Emil noong Agosto 17. “Malambot ’yung lupa at gumuguho habang inaapakan. Matarik din at malalim. Nung pababa na ako, nadulas at naslide pababa. Huhu.” Bawat sulat, nagwakas sa “Mahal kita!” Pero hindi napadala kay Emil ang mga sulat. Nasa pagiingat ito ni Ela noong nasawi siya kasama ang 15 iba pa sa sinasabing engkuwentro raw ng mga gerilyang New

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

Maliit lang si Jo. Maikli lang ang naging buhay niya. Pero malaki at mahaba ang pagdakila sa kanya ng lahat ng nakahalubilo niya. Ikalawa sa serye. Ni Kenneth Roland A. Guda

Ang maikli’t mabuting halimbawa ni Jo Lapira People’s Army (NPA) at mga sundalo ng Philippine Air Force noong Nobyembre 28. Ayon sa militar, si Ela raw ay si Josephine Anne “Jo” Lapira, 22, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Inilabas ng militar sa publiko ang mga liham. Ang gusto nitong mensahe: Huwag tularan ang batang sinayang ang buhay. Sa isang Facebook Page ng militar, pinaskil ang mga sulat. Panakot ba. Pero lalong nagkaroon ng buhay sa sinumang magbabasa nito si Ela—o Jo, kung totoo man ang sinasabi ng militar. Nagkaroon ng dahilan ang desisyon ng 22-anyos na estudyante na mamundok at magrebelde. Hindi inaasahan ng militar, pero pinatunayan ng mga liham na hindi “brainwashed” si Jo, kundi kusang nagdesisyon, kusang nakita ang katuturan ng pagrerebolusyon. Kusang nakita ang kalagayan ng mga magsasaka, ang pagpapabaya

ng Estado sa kanila, ang epekto ng karalitaan sa mga bata. Sa mga sulat, “nagtitimbang” si Ela/Jo kung magtutuluy-tuloy na siya o babalik pa ng Maynila. Pero kuwento ng mga kaibigan niya, di nagtagal matapos maisulat ang mga liham na ito, nagdesisyon na si Ela/Jo. Pagtuntong ng Setyembre, doon na siya sa kanayunan mamumuhay, maninirahan at kikilos. *** “Mabilis siyang matuto,” kuwento ni Annie (ditunay na ngalan), kaibigan, kasamahan sa Gabriela-Youth sa UP Manila. Siya rin ang nagrekrut kay Jo sa nasabing organisasyon ng kababaihang kabataan. “Noong gusto niyang matuto ng ukelele, inaral niya. Studious si Ela.” Magaling din siya sa Math. Malumanay magsalita si Jo. “Yung tumatabingi talaga yung (dila). Tapos Inglesera siya. Bulul siya sa (pagbigkas ng) Gabriela-Youth. Kaya nang

masabak si Jo sa room-to-room na pagpapaliwanag hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan, sa bandang dulo inilagay ang tungkulin ni Jo. “Para humingi ng donations at magrekrut,” ani Annie. Taong 2015 nang mahimok siyang tumakbo sa student council. Matapos ang tungkulin sa konseho, tila naghahanap na si Jo ng mas malalim na komitment. Nagdeklara siyang ititigil na ang pag-aaral at kikilos nang buong panahon sa organisasyon. Pero pakiramdam ni Jo, may mas malalim pa siyang maiaambag. Walang isang buwan, nagpaalam muli siya sa mga kasamahan. Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka, makita ang kanilang pakikibaka, ang kanilang rebolusyon. Mabilis ngang matuto si Jo. PW

Basahin ang buong artikulo sa www.pinoyweekly.org


INFOGRAPHIC 5

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

Ano ang napapala ng madla sa Train Law

Pinangangalandakan ng rehimeng Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law na nagpapataw daw ng mas malaking buwis sa mga mayayaman, habang minimal hanggang walang buwis ang

babayaran ng mas nakararaming hikahos sa buhay. Pero sa pagsasaliksik ng Ibon Foundation sa kanilang pagkakalkula gamit ang datos ng Department of Finance, kabalintunaan ang pangakong ito.

Magkakaroon pa ng dagdag-kita kada taon ang 40% na matatas ang kita, kasama rito ang mga mayayaman.

P90,793 Para sa mayamang 10%, na kumikita na ng (average) P104,170 kada buwan.

P88,568 Para sa mga chief executive officer na kumikita na ng hanggang P494,471 kada buwan.

Ang natitirang 60% o ang mahihirap naman ang mas mawawalan. Kada taon, tatanggalin ng TRAIN ang ganitong halaga sa mga sumusunod:

P646 Sa bawat magsasaka

P1,141 Sa bawat construction worker

P1,591 Sa bawat bookkeeper

P937 Sa bawat manggagawang bukid

P1,363 Sa bawat guro sa pribadong paaralan

P1,887 Sa bawat machine tool operator

Hindi para sa mahihirap ang imprastrukturang popondohan ng Train

S

a nakakataas, makikita ang antas ng kahirapan sa bawat rehiyon o poverty incidence. Sa nakabababang table, makikita ang halaga ng mga proyektong pangimprastraktura ng rehimeng Duterte sa ilalim ng programang Build! Build! Build! Mapapansing parang puzzle ang dalawa: Kung saan may pinakamahihirap na populasyon, doon din kakaunti ang proyekto. Kung saan pa ang pinakamayayamang lugar, doon pa bubuhos ang proyekto.


6

WEEKLY | P PINOY WEEKLY | PEBREROPINOY 11, 2018

SURING BALITA

Pagharang sa Train Sagasa sa kakarampot nang sahod ng mga manggagawa ang Train Law ng rehimeng Duterte. Pinababasura nila ito, habang inilalaban ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon at pagkakaroon ng pambansang minimum na sahod. Ni Priscilla Pamintuan

“P

uro kangkong na lang bibilhin ng mga namamalengke.”

NUSP

Linggu-linggong namimili si Aling Nene sa palengke ng Tandang Sora sa Quezon City. Nagluluto siya sa bahay para sa pamilya, pero nagluluto rin para sa mga katrabaho sa isang opisina ng NGO sa Quezon City. Tulad ng maraming namamalengke, pansin niya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pagtuntong ng Enero ngayong taon. “Umabot sa P220 na ang baboy. Ang nagtaasan talaga, mga gulay,” ani Aling Nene. Iyung dating itinuturing na pagkain ng mahihirap— gulay at mga isdang katulad ng galunggong—napansin niyang grabe ang itinaas. Madali namang matanto ang dahilan ng mga pagtaas. Nagtaasan kasi ang mga produktong langis pagtuntong ng Enero ngayong taon. Ang petroleum, tinatayang P8 kada litrong dagdag-presyo ang itinaas. Ang deisel at kerosina naman, nagtaas ng P2.50 hanggang P3 kada

KATHY YAMZON

litro. Tumaas naman ng piso kada litro ang LPG. Kung kaya, pansin ni Aling Nene na iyung mga namamalengke na kapos ang badyet, mas madalas na bumibili na lang ng kangkong— na nagkakahalagang P10. “Grabe ang itinaas ng pipino. Ganun din ang ampalaya.” Siyempre, nagmahalan din ang dati nang mas mahal na mga gulay tulad ng broccoli. Sagasa ng Train

Ang salarin, siyempre, ay ang pagpataw ng excise tax (o buwis sa paglikha ng mga produkto) na iniutos ng Tax

Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law, o ang Republic Act No. 10963. Maliban pa sa excise tax sa langis, nagpapataw rin ang Train Law ng excise tax sa mga produktong may asukal at high fructose corn syrup (tulad ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin). Nagpapataw rin ito ng dagdag-buwis sa estate, donor at documentary stamp tax. Samantala, dineklara naman ang exemption o hindi pagbubuwis sa mga sumasahod ng P250,000 pababa kada taon (o P20,833 pababa kada buwan). Nauna nang ibinunyag

ng blokeng Makabayan ang pagragasa ng administrasyong Duterte sa mga proseso ng Kongreso (tulad ng presensiya ng quorum o simpleng mayorya sa botohan) para ipasa ang Train Law noong Disyembre 2017. Nakadagdag ito sa suspetsa ng mga mamamayan na ayaw pagdebatehan ng administrasyon ang Train dahil malinaw na matindi ang epekto nito sa mga mamamayan— magsisitaasan ang presyo ng mga bilihin. Dahil sa mga agamagam ng publiko, nagisponsor kamakailan ang mga organisasyong estudyante, sa


SURING BALITA SURING-BAL-

PEBRERO PINOY 11, 2018 WEEKLY | PEBRERO 11, 2018 pangunguna ng UP Praxis sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman ng porum hinggil sa Train Law. Sa porum na ito, nakumbida ang Department of Finance (DOF)—na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng Train Law, sa suporta siyempre ni Duterte—para magpaliwanag. Isang technical assistant to the undersecretary ang dumating. Isang Jayson Lopez ang nagsalita, at inilarawan niya ang mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin bilang “moderate” o katamtaman lang. Ang sabi pa niya, madali namang makakaagapay ang mga manggagawa sa pagtaas na ito dahil “90 porsiyento ng minimum wage earners” ay makakauwi ng mas malaking take home pay gawa ng exemption o di kaya’y mas mababang income tax. Aniya, ayos lang ito, dahil ang kapalit naman ay dagdag na badyet para sa “mga serbisyong panlipunan.” Tampok sa mga serbisyong babadyetan: ang programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte, o ang planong pagtatayo ng malalaking imprastraktura tulad ng dagdag na mga kalsada, sistema ng tren, paliparan, at iba pa. Di-totoong paratang

Sa naturang porum, buung-buong pinabulaanan ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang sinabi ng kinatawan ng DOF. (Ang Ibon Foundation ay isang kilalang independiyenteng institusyon na masusing nag-aaral ng mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya mula sa punto-de-bista at kapakanan

ng ordinaryong mga mamamayan.) Unang una, ani Africa, malinaw na hindi katamtaman o moderate lang ang epekto ng dagdag-presyo ng mga bilihin sa ordinaryong mga mamamayan. “Sa mayaman, halimbawa, walang halaga sa kanya ang P1,000. Pero sa mahirap (napakabigat nito),” aniya. Ang batayang problema ng Train Law, ani Africa, ay hindi ito nakabatay sa aktuwal na reyalidad ng Pilipinas— kung saan mayorya ng mga mamamayan ay naghihirap, walang trabaho o kundi ma’y may mababang sahod sa trabaho o walang regular na trabaho. Sinusugan ito ni Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Sa naturang porum din, sinabi niyang malinaw sa datos noong 2017 hinggil sa lakas-paggawa ng bansa na karamihan ng manggagawang Pilipino ay naghihirap na—wala pa mang Train Law. “Sa datos noong 2017, labor force ay 61.1 milyon. Sa loob nito, 38 milyon ang nakaempleyo. Sa nakaempleyo, 24.6 milyon ay pawang mga kontraktuwal,” ani Adonis. Sa mga manggagawang nakaempleyo, aniya, tinatayang aabot lang sa 46 porsiyento ang sumasahod ng minimum wage: sumasaklaw mula P255 kada araw (para sa agricultural workers) sa Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM (na may pinakamababa), hanggang P512 kada araw (para sa nonagricultural workers) sa National Capital Region o NCR (na may

pinamakataas). “54 porsiyento ang hindi sumasahod ng minimum,” dagdag pa ni Adonis. “At karamihang (empresa), kahit minimum wage, vina-violate.” Kahit pa hindi nagbabayad ng income tax ang mga manggagawa na sumasahod ng P250,000 kada taon pababa (malinaw, ito ang mayorya), malinaw umanong malaki ang ikinakapos ng minimum na sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa. “Karamihan sa mga manggagawa, nangungupahan (ng bahay),” paliwanag ni Adonis. Kaya, sabihin na nating nagrerenta ang isang manggagawa na sumasahod nang minimum at may pamilya ng P2,000 sa bahay kada buwan. “Ang buwanan na mga bayaran: ang tubig, sabihin na nating P300. Sa kuryente P500.” Sa pagkain, sabihin na natin sa pamilyang anim ang miyembro, hindi ko alam kung katanggap tanggap ‘yung P100 per head per day,” aniya. Kung kaya, sa P600 kada araw, sa loob ng 30 araw— mahigit P18,000 kada buwan ang gastos.” Malinaw na kapos na kapos ang minimum na sahod na P512 kada araw o P13,312 (sahod sa 26 na araw sa isang buwan). Wala pa riyan ang

7

gastos sa pamasahe, gastos sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pagpapaaral sa mga anak. “Kaya nga, marami sa mga manggagawa, sinasanla na ang mga ATM card nila,” sabi pa ni Adonis. “Nag-uusap tayo rito na wala pang Train Law,” sabi pa niya. “‘Yan din ang nagpapaliwanag kung bakit marami sa mga manggagawa, hindi nanakakapagaral ang mga anak. At kung may nagkakasakit, hindi makapagpagamot. malnourished ang mga anak.” Hindi sa serbisyo

Pero sabi ng DOF, para naman sa serbisyong panlipunan ng mga mamamayan ang Train Law. Totoo ba ito? Pinabubulaanan ito ni Africa. “Sa 2018 (General Appropriations Act, o ang taunang badyet ng gobyerno), ang pinakamataas na pagtaas ay sa imprastraktura. Tama ba na sinasabi nila na para sa mga serbisyong panlipunan ang Train kung 69 porsiyento ng badyet sa SUNDAN SA PAHINA 8

GUHIT NI RENAN ORTIZ


8

LATHALAIN

Train

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

Mula sa pahina 7

pabahay ay binawasan? 5.2 porsiyento lang ang itinaas sa social welfare na katulad noong nakaraang taon? 6 porsiyento lang ang itinaas sa edukasyon—pangunahing para sa mga sahod pa at hindi sa pagpapalawak sa mga eskuwelahan natin? 9 porsiyento lang ang dagdag sa kalusugan?” Katunayan, binawasan pa ang badyet ng mga pampublikong ospital nang P1.5-Milyon. Ang preventive health program naman ay tinanggalan ng P16.7-M. Pansinin din ang mga programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte. Nakasentro ang mga flagship na programang pangimprastraktura sa dati nang mayayamang probinsiya, ani Africa, at hindi sa pinakamahihirap na mga probinsiya. (Tignan ang Table sa pahina 5.) “Lumalabas,” aniya, “na iyung nagbabayad para sa mga proyektong ito (mga mahihirap) ay hindi makikinabang dito.” Kung kaya malinaw na hindi para sa mga manggagawa at mahihirap ang makokolekta mula sa Train Law. Sa kabilang banda, dahil sa pagbaba ng sinisingil sa income tax dahil sa batas na ito, lalaki ang income ng mga maalwan na sa buhay—o ang mayayaman. Malinaw, ani Africa, na ginawa ang Train Law para padaliin ang pangongolekta ng gobyerno ng buwis sa mahihirap. “Nakakakita tayo ng pagpihit mula sa direktang income taxes tungo sa consumption taxes (o buwis sa mga ginagastos).

Takot ang gobyerno at mga mambabatas na taasan ang buwis ng mga mayayaman. Mabubuwisan din kasi sila personally, at ang kanilang backers (sa naghaharing uri), hindi na susulpot sa susunod na eleksiyon (kung bubuwisan ang mga iyon.” Pero ang pagdagdag mismo sa buwis ng mga may grabeng yaman na mula sa naghaharing uri ang dapat gawin ng gobyerno, ani Africa. Buwisan ang yaman

Kung sana, ganito na lang, aniya: “Paano kung bubuwisan ang pinakamayamang 150,000 pamilya sa bansa? Kung buwisan na lang nang 20 porsiyento ang taunang income nila, kikita ang gobyerno ng P71-Bilyon. Kung bubuwisan naman nang 10 porsiyento ang sunod na 171,000 mayayamang pamilya, makakakuha ang gobyerno ng karagdagang P20-B.” “Kung bubuwisan lang ang 321,000 pinakamayayamang pamilya sa bansa nang 10-20

porsiyento, makakakuha ang gobyerno ng mahigit P90-B. Di hamak na mas malaki ang kikitain nito kaysa sa Train,” ani Africa. Ang batayang prinsipyo rito: buwisan ang yaman. “Lahat ng gobyerno o Estado, kailangan talaga ng buwis. Anumang gobyerno— maging NPA (New People’s Army), NDF (National Democratic Front) o MILF (Moro Islamic Liberation Front) man iyan sa kanayunan, o kahit gobyerno ng Pilipinas, kailangan mo ng buwis para sa operasyon. Pero kung magbubuwis ka, batay sa reyalidad ng Pilipinas.” Aniya, dapat lang na maningil ng buwis sa mga mamamayan nito. Ang problema, kung iyung mga mamamayang mahihirap—na may maliit na sahod o may kaunti o walang kabuhayan— pa ang pumapasan ng buwis. Samantala, ang pinakamayayaman sa bansa, bumebenepisyo pa sa pagbawas sa kokolektahing income tax.

Sinabi ni Adonis na dahil sa Train Law, lalong mahalaga ngayon ang paglaban para sa national minimum wage—o pagkakaroon ng pantaypantay na pambansang minimum na sahod sa buong bansa. Nangangahulugan ito ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa—dahil pare-parehod din naman ang batayang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya, sa kanayunan ka man o sa lungsod. Paiigtingin din ng KMU ang paggiit na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa bansa, na direktang atake sa karapatan ng mga manggagawa na igiit ang kanilang karapatan. Mahalaga ang paglaban na ito, habang inaasahan pa ang pagpapatuloy ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. Dahil kung hindi magkakaisa at lalaban ang mga manggagawa, hindi malayong umabot sa panahong kahit kangkong, hindi na kakayanin ng kanilang kakarampot na sahod. PW


LATHALAIN

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

Tuwing pumuputok ang Mayon, dumarami ang turista—pero tumitindi rin ang trahedya. Ni Kenneth Roland A. Guda

Buhay -bulkan CIRIACO SANTIAGO III

M

Sa aming probinsiya sa Albay, kung anu-ano ang ipinapangalan sa bulkang Mayon. Sa buong probinsiya, may hotel, resthouse, restaurant, t-shirt, grocery, at di mabilang na tindahan na kapangalan ng bulkan. At tulad ni Rizal, kumbaga’y mistulang bayani rin ng mga Albayano ang Mayon. Malaking bahagi ng ekonomiya ng Legazpi City ang nakabatay sa turismo. Katok sa putok Humigit kumulang isang dekada ang pagitan ng pagputok ng Mayon. Tuwing nangyayari ito, dagsaan ang mga turista, lalo na dayuhan. Sa pag-usok at pagliyab ng bunganga ng bulkan, nabubuhayan ang siyudad. Punung-puno ang five-star hotel na Mayon International Hotel. In demand ang abaca products na binebenta sa

mga bangketa. Kung anuanong t-shirt ang binebenta sa kalye—basta may nakasulat na “Mayon Volcano.” Halimbawa, Cagsawa Ruins. Ito ang dating simbahang natabunan ng landslide sa pagputok ng bulkan noong 1814, at ngayo’y posibleng pinakasikat na puntahan ng turista sa Albay. Marami ang nabaon nang buhay sa loob ng simbahan. Pero ngayo’y sikat itong destinasyon ng mga turistang tila di-takot sa mga kuwentong nagmumulto raw ang mga natabunan doon. Halimbawa rin ang nakita ng ilang negosayante na pagkakataong kumita sa kakulangan ng mga dust mask para sa mga residente ng Legazpi. Nabasa ko sa Manila Bulletin noong Hulyo 27, 2001: “Garment manufacturers in Metro Manila, perhaps, can immediately fill the need for dust mask, and with these, they can earn instant cash and provide instant employment.” Ayon pa sa balitang ito, “[T]he products must have

different designs that may suit classes of buyers like students, professionals, and the ordinary man in the streets, or even farmers.” Para bang may pakialam pa ang gumagamit ng dust mask sa Albay kung aaayon sa propesyon niya ang disenyo nito. Village people Samantala, maging ang ilang magsasakang residente sa paanan ng Mayon, tinangkang maksimisahin ang trahedya. Namumulot sila ng mga batong mula sa lava o ashfall para ibenta sa mga turista. Sila mismo iyung noong Huwebes lang, kasama sa aabot sa 10,000 pamilya o 53,000 katao na nagsilikas mula sa kanilang mga bahay matapos ang biglaang pagputok ng bulkan. Karamihan dito’y mga pamilya ng mga magsasakang nakatira sa paanan ng Mayon. Maraming magsasaka rito, dahil mataba ang lupa. Tuwing may banta ng pagputok, sila mismo iyung pinakaunang pinalilikas ng

9

lokal na gobyerno. Pinapatira sila sa mga klasrum ng public elementary schools sa siyudad. Doon, kalunus-lunos ang kanilang kalagayan. Kuwento nga ng nanay ko na guro sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City, aabot sa 15 pamilya ang pansamantalang nakatira sa kanyang klasrum. Karamihan sa mga magsasakang evacuee sa mga eskuwelahan ay bumabalik sa “danger zone” tuwing umaga upang tingnan kung hindi nasira ng ashfall ang kanilang mga pananim. Sa kabila ng pagtutol ng lokal na mga opisyal ng gobyerno sa pagbalik ng evacuees, hindi pa rin nila ito mapigilan. Tanging sa pagsasaka lang kasi nakasandig ang kabuhayan ng mga tao rito. Para sa kanila, katumbas din naman ng pagkamatay sa landslide o pagkasunog sa uson ang pagkawala ng kanilang kabuhayan. Kaya minsan, napapaisip ako: Para bang hindi maganda, kundi masamang tanawin ang ipinupunta ng mga turista sa Albay. Kumbaga, natutuwa sila sa trahedya, namamangha sa view. Samantala, ang mga apektado, hayan na nama’t lumilikas mula sa pumuputok na bulkan. Kapag nangyayari iyun, di ko maiwasang isipin na hindi bayani sa buhay ng mga residente ang bulkan. Samantala, tuloy ang pagakit ng magandang Mayon sa mga turista, kahit pa maraming buhay at kabuhayan ang nasisira sa bawat ragasa ng “maganda” niyang pananalasa. PW

Basahin ang buong artikulo sa www.pinoyweekly.org


10 BALITA

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

newsbriefs Kawani ng gobyerno, nirerekluta ng AFP

Ibinunyag ni Ferdinand Gaite, pangulo ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, ang sapilitang pagturing sa mga kawani ng National Food Authority (NFA) bilang bahagi ng Armed Forces of the Philippines. Sa memo na “Affiliation with the AFP” noong Enero 18, sinabing “(I)n relation to the NFA’s application for affiliation with the Armed Forces of the Philippines, attached herewith is the Information Sheet required to be accomplished by NFA officials and employees.” Nakalagay rin na kailangang maisumite ang mga kawani ng impormasyon tungkol sa kanila. Tinawag ni Gaite na “mala-batas militar” itong hakbangin.

Harassment sa guro

Kinondena ni ACT Teachers Rep. France Castro ang panghaharas ng pulisya kay Joselyn Martinez, tagapangulo ng ACT-National Capital Region at guro sa Imelda Elementary School. Tinungo siya sa mismong paaralan ng tatlong pulis na naka-plainclothes noong Enero 29. Tinangkang arestuhin siya sa bisa ng mandamyentong ibang pangalan ang nakalagay. Napigilan ni Martinez ang pag-aresto sa kanya.

Homeless Camp sa Mediola, binuwag

Dinemolis ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Department of Public Service ng siyudad ng Maynila ang kampuhan ng maralita sa Mendiola noong umaga ng Enero 30, matapos ang ilang buwang pamamalagi dito. Pinamunuan ng Kadamay ang kampuhan, na nilahukan ng mga miyembro nilang nagmula sa may 1,000 pamilyang naapektuhan ng demplisyon sa East Bank Road Floodway sa Pasig City.

KONTRA-PANG-AAPI. Ginunita sa pamamagitan ng protesta ng mga manggagawa sa ilalim ng Workers Resistance Against Tyranny and for Human Rights o Wrath ang unang anibersaryo ng sunog sa HTI sa Cavite at ika-40 araw ng sunog sa NCCC Mall sa Davao. Sa HTI, pinaghihinalaang daan-daang manggagawa ang namatay, habang 38 naman ang nasawi sa NCCC Mall. Nagrali ang mga manggagawa sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para kondenahn ang lumalalang kalagayan ng mga manggagawa, lalo na ang dumaraming bilang ng kontraktuwal na mga manggagawa. Bahagi rin ng panunupil ng rehimeng Duterte ang pag-atake sa mga manggagawang lumalaban sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa. ABIE ALINO

(KONTRA)BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Kontra-kababaihang pahayag ni Digong, binatikos ng kababaihan

Umalma ang Gabriela sa pahayag ni Pangulong Duterte sa paanyaya nito na “makakatikim ang mga bisita ng bansa ng 42 birhen” habang nasa state visit sa ibang bansa. Ayon sa grupo, hindi kagulat-gulat ito dahil, anila, “ang ganitong garapal at kawalang pananagutan ay siyang naging karakter ng gobyerno ng macho-pasistang Pangulo.”

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube

Ang kauna-unahang progresibong online newscast! REP PANTALEON ALVAREZ. Espiker ng Kamara de Representantes.

Mula sa AlterMidyaPeople’s Alternative Media Network facebook.com/altermidya/

youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

Promotor ng Constituent Assembly na magrerepaso sa Saligang Batas. Malamang na itulak ang pagpapahaba ng termino ni Pangulong Duterte at ng mga katulad niyang kaalyado ng Pangulo bago mabago ang sistemang pampulitika tungo sa Pederalismo.


SAMU’T SARI 11

PINOY WEEKLY | PEBRERO 11, 2018

M

Pagkain ng cauliflower

adalas mong makikita ang cauliflower na sahog sa chopsuey. At oo, may mga kainan na rin na gimawa nang pampalit sa kanin ang cauliflower. Tara, alamin natin ang ilang bentahe at disbentahe ng pagkain ng cauliflower.

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis ni Darius Galang

I3C, na nirepaso na bilang posibleng panlaban sa kanser at panlunas sa mga tumor. Taglay rin ng cauliflower ang choline, isang B-vitamin na tumutulong sa pagunlad ng utak. May iba pang pag-aaral na nagsasabing maaaring makatulong ang choline sa pagpapabagal ng • Mababang bilang ng calories – para ilang problema sa memorya dulot ng sa mga nagdidiyeta at binibilang ang pagtanda. calories, nakakagulat na 25 calories • May disbentahe nga ba ang pagkain lamang ang isang tasang cauliflower ng cauliflower? Hindi naman lubusang kumpara sa 206 calories ng lutong perpekto ang pagkain ng cauliflower. kanin. Bukod dito, taglay ng gulay na Isa ito, kasama ang broccoli, brussel sprouts at repolyo, sa mga cruciferous na ito ang bitamina C, K, B6, at folate. Kung gusto mo ng cauliflower rice, halaman, na nagtataglay ng mataas na madali lang itong gawin. Himayin antas ng fiber. Madalas, puwede silang lamang hanggang mag-butil-butil kainin nang hilaw, ngunit hindi lahat ay ang cauliflower. I-steam lamang ito kayang tunawin agad ang mga gulay na ng hanggang tatlong minuto, mas ito, at puwedeng magsanhi ito ng ilang gastrointestinal distress – sa madaling mabilis pa sa pagsasaing ng bigas. • Anti-inflammatory – nagtataglay ang salita, gas at pag-utot. Hindi naman cauliflower ng ilang mahahalagang seryosong problema ito sa kalusugan, sustansiyang anti-inflammatory. pero maaaring hindi komportable ito Taglay nito ang indole-3-carbinol or laluna sa sa mga pagtitipon. PW

Sen. Grace Poe Llamanzares tungkol sa pagkalat ng fake news, sa pagdinig sa Senado

KILITING DIWA Knock knock jokes: Ibakod ang Plywood. Ibakod ang plywood, I go wherever you will go. (Lifehouse - Wherever you will go) *** Shanghai. Shanghai like a diamond Shanghai like a diamond

(Rihanna - Diamonds) ***

Ibulong mo kay tolits, bumili ng tide with bleach Ibulong mo kay tolits Bumili ng tide with bleach Liwanag, liwanag sa dilim (Rivermaya - Liwanag sa Dilim)

ANG TARAY!

Ang problema, dahil paulitulit na lang ang nakikita natin, hindi na tayo nagiging mapanuri. Tinatanggap na lang natin ang impormasyon kasi inaakala natin na yun din ang pinaniniwalaan ng karamihan ng tao na nakapaligid sa atin.

Bagong panginoon ng mga Filipino

A

lam n’yo ba na noong Enero 2, 1942 pumasok sa Maynila ang puwersang Japanese (Hapon)? Nagpalabas ng proklamasyon ang punong-komandante ng Hapon hinggil sa pagwawakas ng pananakop ng mga Amerikano at pagpapatupad ng batas-militar. Ideneklara ng puwersang imperyal ang pagtungo nila sa Maynila upang palayain ang mga Filipino mula sa mapaniil na pamumuno ng Amerikano, tulungan silang magtatag ng Filipinas para sa mga Filipino, at bigyan daan ang pagpapaunlad ng sariling kultura at makamit ang kasaganahan sa pamamagitan ng pag-anib sa Great East Asia Coprosperity Sphere. Subalit hinihikayat din ang direktiba ang mga mamamayan na sundin ang utos ng mga militar, makipagtulungan sa kanila, at magsuplay sa mga Hapon ng pangangailangang militar kung hihingan. Sa simpleng balangkas ang layunin mismo ng imperial ay ang pangkalahatang patakaran ng mga mananakop. Ang isang patakarang huwad na kontra-kolonyal ay malabong isang pangako na may kasaganahan at pagpbabandila ng mapagkikilanlang Asia sa ilalim ng pamamahala ng mahigpit at malaganap na kontrol ng militar sa pambansang pamumuhay at pagsasamatala sa mga yaman ng Filipinas para sa pangangailangan ng mga mananakop sa digmaan. PW


KULTURA Nagpapalaganap ng bulok at mapang-aping kaisipan sa mga miyembro ng LGBT ang kantang sikat ngayon sa kabataan. Ni Ericson Caguete

‘Titibo-tibo’ at kulturang

babano-bano M

edyo natililing ang tainga ko sa videoke ng mga kapitbahay nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Nakatawag-pansin talaga sa akin nitong nakaraang Disyembre ang hit na “Titibo-tibo” nina Moira dela Torre at Libertine Amistoso. Biruin mo, halos araw-araw mo itong maririnig sa bawat kalsadang may videoke. Bentang-benta sa millennials at kahit gradeschoolers ay kabisadong-kabisado ito. Parang “Stupid Luv” ng Salbakuta noong Grade 1 ako. Pero sa totoo lang, kapag nawala ang pagkahibang mo sa boses ng kumakanta ay isusuka mo ito at di mo pahihintulutan ang mga bata na kantahin ito. Tungkol ang “Titibo-tibo” sa babae na mula pagkabata’y may tendensiyang lesbiyana, na nang lumao’y nainlab sa isang lalaki. Mula raw noong nainlab, natuto na siyang gumawa ng “girly things” tulad ng pagpa-rebond at mag-ahit ng kilay. Ayon pa sa kanta, may kung anong hiwaga rin daw ang halik ng lalaking iyon na bumuhay sa kanyang “pagkababae”. Marahil nananaig pa rin sa kanila ang kulturang macho. Pero curious ako kung may napagtanto nilang ang kabaligtaran ng titibo-tibo ay babakla-bakla? Di ba masakit sa tainga? Magandang halimbawa ang hit na “Sirena” nina Gloc9 at Ebe Dancel. Mababatid sa kabuuan ng liriko ang matinding pagbangga ng persona sa kinalahakihan niyang kultura: na anumang mangyari, ito ang kanyang gusto at

wala kayong magagawa. Tanyag sa huling bahagi ng kanta ang mga linyang “Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha/ Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla.” Ganoon din ang konteksto sa kanta ng Siakol na “Ituloy Mo Lang.” Hindi ko mawari kung anong mayroon sa bumubuo ng Himig Handog 2017 at ipinapanalo nila ang ganitong mga klase ng kanta. Naisip ko lang talaga kung bakit wala silang komite para suriin ang nilalaman ng kanilang komposisyon. Pero kapag may nagsumite diyan ng tungkol sa pag-iibigan ng dalawang NPA, at may backings na “Mabuhay ang rebolusyon” eh tiyak na ise-censor nila ito. Kung tutuusin, di bago ang “Titibo-Tibo.” Nariyan ang “Di Ako Bakla” ni Tuesday Vargas

at “Mamaw” ni Michael V. Matinding pagbakbak talaga sa machismo ang kailangang gawin. Tipong buburahin natin ang lahat ng alam nating mali sa lipunan. Pero siyempre, kailangan mong makuha ang pampulitikang kapangyarihan. Ibang usapin pa iyon. Ano pa bang magagawa natin ngayong nasa mga videoke na ang kanta? Pero oks lang ‘yan, sa mga susunod na panahon eh pagtatawanan na lang natin ito tulad ng mga ex ninyo. Kung babalikan ang kasaysayan, mahihinuha natin kung paano umunlad ang musika sa paglipas ng panahon. Naging tulay rin ang musika sa pagpapalakas ng kilusang masa para sa pagbabagong panlipunan. Pero siyempre, hindi ang mga ito ang nagpabago sa lipunan. Mga mamamayan pa rin ang mapagpasya. Salamin lang ito ng anumang nagbabago sa lipunan. Kung di naman dahil sa mga Black Panther ay hindi maisusulat ng

The Beatles ang kantang “Black Bird.” Kung di rin bumagsak ang Berlin Wall ay walang “Wind of Change” ang Scorpion. Kung di nga naman ganoon kasalimuot ang mamuhay sa ghetto, walang maisusulat na mga obra si Tupac Shakur. Sa huli, sasabihin lang naman ng mga Marxista: ang lahat ng ito’y bahagi ng umiigting na tunggalian ng mga uri sa lipunan. Kaya’t pagtiisan mo muna ang “Titibo-Tibo.” Basta, ‘wag mo lang lalaitin ‘yung mga masang nakikinig ng ganitong kanta. Hayaan mo, kapag nagtagumpay ang pambansademokratikong rebolusyon, baka lahat ng musikero sa Pilipinas maging jazz player at wala ka nang mababasang angas sa social media na “OPM is dead.” Charing! May joke ako bago mo ito matapos basahin: Paano mo gagawing bulok ang nonbiodegradable? Eh di, ipalamon mo sa sistema! PW Basahin ang buong artikulo sa www.pinoyweekly.org


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.