Pw 16 02 02182018

Page 1

TOMO 16 ISYU 02

18 PEBRERO 2018

Pahamak sa Dengvaxia Pahina 2 EO vs kontraktuwal na paggawa Pahina 3 Bida sa Balita: Rafael Baylosis Pahina 6

From ‘Marawi’ with love, atbp. kuwento ng pag-ibig Muling paglapastangan sa dignidad ng kababaihan ang ‘utos’ ni Duterte na pagbabarilin ‘ang ari ng mga babaeng NPA’. Sino ba ang mga babaeng gerilya? Kilalanin ang tatlong naging gerilya ng NPA (dalawa’y babae) na umibig--sa kasintahan at bayan. Ikatlo sa serye. Sundan sa pahina 4 PRISCILLA PAMINTUAN


2

BALITA

PINOY WEEKLY | PEBRERO 18, 2018

Pahamak sa Dengvaxia

“S

abi sa papel na pinirmahan namin, ‘yung bakuna raw ay para hindi na magkadengue ‘yung mga anak namin. Pero pagtapos ng isang buwan, may dengue na ang anak ko. Bakit ganoon?” Kuwento ito ni Aling Vilma, ina ng 9-anyos na batang nabigyan ng Dengvaxia noong Setyembre 2015. “Makalipas ang isang buwan, nilagnat siya. Sumakit ang braso. Tapos [noong] gabi, may dugo sa ilong at sa tenga,” ani Aling Vilma. Dinala niya agad ang anak sa ospital. May Dengue nga ang bata. Napaisip siya: Dahil ba ito sa bakunang Dengvaxia? Kabilang si Aling Vilma, na nabakunahan ang anak noong 2015, sa higit 800,000 magulang na nangangamba para sa kanilang anak. Maraming magulang ang nagkuwento na matapos ang bakuna, nakaramdam at nagkaroon ng ilang sakit ang

kanilang mga anak. Higit dalawang taon na matapos isagawa ng DOH ang mass vaccination ng Dengvaxia. Tulad ng maraming magulang, takot si Aling Vilma sa maaaring mangyari sa anak niya. Kaunting ubo, konting lagnat o sakit ng katawan ang maramdaman ng anak niya, ospital na agad ang kanilang punta. Negosyong pangkalusugan

Isang uri ng dengue vaccine ang Dengvaxia. Ginawa ito ng multinasyonal na kompanyang pharmaceutical na Sanofi Pasteur. Panahon ng rehimeng Aquino, sa pamumuno ng noo’y Sec. Janette Garin, gumastos ng P3.5-Bilyon ang Department of Health (DOH) para sa pagbili ng bakunang ito. Nagsimula ang kaguluhan matapos ilabas ng Sanofi ang resulta ng kanilang pag-aaral

na nagsasabing delikado ito sa mga di pa nagkakaroon ng dengue bago ang bakuna. Takot at pangamba ang naramdaman ng mga magulang para sa buhay na kanilang anak na sumailalim sa mass vaccination na isinagawa sa piling lugar sa National Capitan Region (NCR) at Rehiyon III at IV. Bakit humantong pa sa pagbebenta ng gamot para sa mass vaccination ang Sanofi bago pa mapag-alamang nakasasama ito sa mga di pa nagka-dengue? Ayon kay Dr. Gene Nisperos, pangalawang tagapangulo ng Health Alliance for Democracy (HEAD), pera at tubo na ang pangunahing konsiderasyon ng higanteng mga kompanyang pharmaceutical, hindi ang kalusugan ng mga mamamayan. Naniniwala ang mga grupong pangkalusugan tulad ng Coalition for People’s Right to Health na

CONTRIBUTED PHOTO/CHD

Patunay ang eskandalong ito na handang ipahamak ng naghaharing uri ang masa para lang kumita. Ni Abie Alino

resulta ito ng pagmamadali sa proseso ng pagpapabakuna at paglagpas sa ilang patakaran. Sa kabila ng kakulangan ng datos at kawalang kaseguruhan sa magiging epekto ng bakuna, inaprubahan agad ang kinakailangang badyet sa pagbili ng gamot. Samantalang ang badyet para sa bagong health centers at dagdag na sahod ng health workers ay matagal kung iapruba. Pagpapanagot

Dahil dito, nananawagan ang mga grupong maralita at pangkababaihan tulad ng Gabriela na pagpanagutin ang lahat ng mga opisyal na nagpakalat ng Dengvaxia. Kasama na ang mga opisyal ng administrasyong Duterte. Samantala, nanawagan din sila ng subsidyo ng gobyerno sa mga pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia. Pero higit sa pananagutan ng mga opisyal, tila bahagi na ng sistema ng paggogobyerno ang ganitong mga gawain. Ang eskandalo sa MRT, ang maanomalyang kontratang NBN-ZTE noong panahon ni Pangulong Arroyo, at ang fertilizer fund scam noong 2004 ay ilan lang sa mga nasiwalat na paggamit sa mga serbisyo ng gobyerno para pagkakitaan ng mga opisyal nito. Ipinapakita ng eskandalong Dengvaxia na bumibiktima sa mga mamamayang katulad ni Aling Vilma na kasalukuyang sistema, handa ang mga naghaharing uri na ipahamak ang kalusugan ng mga mamamayan para kumita. PW

EDITORIAL BOARD JL Burgos, Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, Darius R. Galang, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), J Luis Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | PEBRERO 18, 2018

Burador ng EO vs kontraktuwal

na paggawa, di pinirmahan ni Digong

“P

angulong walang puso” ang nakikita ngayon ng maraming manggagawa kay Pangulong Duterte. Hindi kasi niya pirmahan ang executive order na isinumute ng iba’t ibang grupo na magtitiyak na matatapos na ang bangungot na kontraktuwalisasyon. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, inaakala ng maraming kontraktuwal na manggagawa na iuuutos na ng gobyerno ang pagiging regular sa trabaho ng lahat ng manggagawa. Umpisa pa lamang kampanya ni Duterte, nangako na siyang tatapusin ang anumang tipo ng kontraktuwalisasyon at kawalan ng seguridad sa trabaho. Pero hanggang ngayon, tuluyang napako ang pangakong ito. Sa kabila ito ng pagpupursigi ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na magbuo ng burador ng naturang executive order na magwawakas nga sa kontraktuwalisasyon. Matatandaang noong 2016 Labor Summit sa pagitan ng KMU at Department of Labor and Employment (DOLE), hiniling ni Duterte sa nauna na magbuo ng burador ng EO na lalagdaan niya.

KR GUDA

“Nakakagalit na habang minamadali ni Duterte kontramanggagawa at kontramamamayan na mga polisiya tulad ng tax reform law at charter change, sa kabilang banda’y isinasawalangbahala niya ang mungkahing wakasan ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon,” ani Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. Pagpayag ng mga negosyante at kapitalista ang isinaalang-alang ni Duterte kaya’t hindi niya pinirmahan ang EO. Dahil dito, nakikita ni

Labog na ang aksiyong ito ng pangulo’y magdudulot lang ng paglobo sa bilang ng manggagawang kontraktuwal at pag-usbong ng mas marami pang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa. Sinabi ng KMU na hindi sila titigil hangga’t hindi nasisira

na siyang humahadlang sa pagpapatupad ng regularisasyon. Mas palalakasin pa nila ng kanilang tinig at lalakihan ang mga hakbang para mas maging malakas ang pagkilos nilang mga manggagawa sa tindig sa kanilang karapatan. “Ipapakita naming na nagkamali si Duterte sa pagbigo sa pakikinig sa aming mga hiling. Ang manggagawang Pilipino kailanma’y armado para palakasin pa ang kanilang pagkakaisa sa pagsulong ng regular na trabaho at nakabubuhay na sahod at maging sa paglaban sa kontra-manggagawa polisiya at tiranyang pamamahala ni Duterte,” ani Labog. Nakapagbuo kamakailan ng pambihirang pagkakaisa sa hanay ng mga grupong pangmanggagawa para itulak ang naturang pangukalang EO. Naglunsad ng magkakasabay ng aktibidad ang KMU, kasama ang mga grupong Nagkaisa, Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, ALU, AFW, Sentro, PSLink, PGEA, Palea, NCL, Naflu, TUCP PL, PM, Awatu, Naflu-KMU, All-Workers’ Unity, Kilos Na Manggagawa!, ADLO, Anglo, Glowhrain, DFA, NFWU, IBM, Olalia Courage, Kadamay at Piston. PW

Nagtipon ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa matapos ang pagtanggi ni Pangulong Duterte na lagdaan ang EO.


4

WEEKLY | P PINOY WEEKLY | PEBREROPINOY 18, 2018

NARATIBO

From ‘Marawi’ with love, atbp. kuwento ng pag-ibig Pangatlo sa serye. Umibig sila hanggang sa huling sandali. Ni Kenneth Roland A. Guda

D

isyembre 28, 2017. Sa ibabaw ng puntod ni Dondon, nagtipon sila—mga kamag-anak at kaibigan, ka-org at tropa. Dala nina Kat at Nanay Baby ang abo ni Kamil. Pinagtabi nila ang urna at lapida. Sa wakas, muling nagkasama sila. Ang kanilang mga pangalan, kapwa nakaukit sa marmol: Camille A. Manangan sa urna, at Engr. Julieto C. Pellazar Jr. sa lapida. Kapwa Setyembre 18 ang araw ng kapanganakan: 1993 kay Kamil, 1991 kay Dondon. Pareho ang araw ng pagpanaw: Nobyembre 28, 2017. “Hindi na naman puwedeng ikasal sila,” natatawang sabi ni Anne (di tunay na ngalan), malapit na kaibigan ni Kamil sa Gabriela Youth. Pero tiyak, iyun ang gusto nila. Sa araw na iyun, isang buwan na matapos masawi sina Kamil, Dondon, at 13 iba pang rebolusyonaryo sa Nasugbu, Batangas. Sa araw na iyun, kung hindi nangyari ang nangyari sa kanila, nagtitipon sana ang lahat sa isang masukal na gubat sa nasabing probinsiya. Sa harap ng bandilang pula, sa piling ng mga saksing magsasaka, pinag-isang-dibdib sana ang dalawa. Pero hindi na nga. Sa halip, mula sa sementeryo, umuwi sila sa bahay nina Dondon. Pinanood ang bidyo ng dalawa: nagbabakasyon sa beach, kumakain sa kung saan-saan, nagkakasama sa mga rali. Nagbibidyoke. “Bakit Ngayon Ka Lang”. Sa dulo ng bidyo, mga larawan ng dalawa na magkatabi sa isang duyan, napapalibutan ng mga bata. Sa sonang gerilya.

Kamil at Dondon: May ‘forever’

“L

ate 2012, may nanliligaw kay Kamil,” kuwento ni Kat. “Pero hindi nagwork out.” May ipinakitang larawan si Kamil sa kapatid: “Ate, ito na lang ang i-bet mo (para sa akin).” Kinikilig siya. Katrabaho ng nanligaw sa kanya. Si Dondon. “One time, tumawag si Kamil,” kuwento pa ni Kat. Nangungumusta siya. “Sabi ko sa kanya, ‘Uy, baka nandiyan na ‘yung Don ha, kasama mo.’ Nandun na pala. Magkasama sila. Hindi pa sila, pero sabay na naglalaba.” Mga Hulyo 2013, alaala ni Anne, nag-date ang dalawa. Sa Luneta. “Tawang tawa sila sa isa’t isa,” kuwento niya. Mahilig magbato ng makukulit na tanong si Dondon: Bakit ang dolphin may paling sa ulo, ‘yung whale, wala? “Mga ganung tanong, mga nonsense,” sabi pa ni Anne. Pero si Kamil, sineryoso ang pagsagot sa mga tanong ni Dondon. Biro o hindi, pasensiyoso siyang nagpaliwanag. Pero natatawa rin siya. Swak ang humor ng dalawa. Tawang tawa si Kamil na “seryosong” sinasabi ni Dondon

na gusto niyang maging artista. Siyempre biro lang, pero tuwang tuwa siyang sinasakyan ito. Kaya marami silang bidyo. Pati pagbidyoke, binibidyo. Minsan, kunyari reporter si Dondon. Si Kamil ang magbibidyo. Lakas ng tawa nila sa ganitong mga trip. Ganoon si Dondon, lalo na sa kanyang mga kaibigan. May tropa sila: “Senyoritos” ang tawag. Wala namang kahulugan, kulitan lang. Magkakabata sila, napalahok sa progresibong kilusan dahil sa eleksiyong barangay sa kanilang lugar noong 2007. “Mula noon, lagi na kaming sumasama sa mga kilosprotesta at aktibidad na kahit na pumapasok (si Dondon) sa kolehiyo ay lagi siyang sumasama rito,” kuwento ni Momoy, kaibigan ni Dondon at kabahagi ng Senyoritos. “Ang nagustuhan talaga ni Kamil kay Don, yung pagiging komedyante at korni niyang tao,” ani Momoy. Si Don naman, bilib na bilib kay Kamil magsalita sa mga rali at pampublikong mga pagtitipon. Lider na siya noon ng Gabriela Youth. Siyempre, gandang ganda rin siya

kay Kamil. Matapos magi si Dondon sa is organisasyon professionals. “ i-practice ang profe enhinyero),” sabi n Tulad ng mar ng engineering, ma kanya ng pagtatrab kompanya. Dun Dondon noong 2 kay Kamil,” ani A niyang buong kumilos si Dondo kilusan. Kailanga enhinyero, pero m mga aktibistang mga komunidad, n maralita na magb para sa panlipunan Hindi binitaw mga katropa si D rin siyang naiim sa educational d sa mga isyung pa Kamil, napapasam mga aktibidad ng G “Dahil sa sobra ’yung naging Mil ‘Mil at si Aldon Anne. Buong panahon paliwanagan si naman nila kailan pamumuhay. Kaya buhay, habang pakikibaka. Saman na rin si Dondon n liligaya sa pagtatra kompanya. Nakita buhay ng pakikiba Na-inspire siya. M taon, nagbitiw siya Tumulong s pangangampanya Party-list noo 2016. Matapos ito mga direktang n pagbubuo ng P o ang talaan ng ng kilusang masa Duterte para maip na makabuluhan bansa. Samantala,


INFOGRAPHIC NARATIBO 5 SURING-BALITA

PEBRERO PINOY 18, 2018 WEEKLY | PEBRERO 18, 2018

ing sila, pumasok sang progresibong ng computer “Gusto niyang fession niya (bilang ni Anne. raming nagtatapos alakas ang hatak sa baho sa malalaking nga napunta si 2014. “Struggle ito Anne, dahil gusto panahon sanang on sa progresibong an dito ng mga mas kailangan ng nag-oorganisa sa naghihimok sa mga buklod at kumilos ng pagbabago. wan ng kanyang Dondon. Palagi pa mbitahang sumama discussions hinggil ambayan. Kahit si ma si Dondon sa Gabriela Youth. ang solid nila, kami ldonatics. Si Yaya Ricardo,” alala ni

n, sinikap ni Kamil Dondon: Hindi ngan ng burgis na a nila ang simpleng puspusan ang ntala, nakaramdam na hindi talaga siya abaho sa malaking a niya si Kamil, ang aka na pinili nito. Matapos ang isang a sa trabaho. si Dondon sa ng Bayan Muna ong eleksiyong o, kasama siya sa naghanda para sa People’s Agenda, mga panawagan a kay Pangulong patupad ang tunay ng pagbabago sa nagbukas

ng

usapang pangkapayapaan ang administrasyong Duterte sa National Democratic Front of the Philippines, ang pampulitikang organo na kumakatawan sa rebolusyonaryong kilusan. Lalong na-inspire si Dondon. Nag-volunteer siyang maging istap ni Alan Jazmines, isa sa mga konsultant ng NDFP. Noong panahong ito, katapusan ng 2016, unti-unti namang napagtanto ni Kamil: May maiaambag siya sa rebolusyonaryong kilusan. Hindi niya alam kung papaano, pero gusto niyang makita ang rebolusyon sa kanayunan. Sa pamamagitan ng mga kontak dito, napunta si Kamil sa Batangas. Nakilala niya ang mga gerilya. Mahirap ang buhay, pero natuwa siya. Bumalik pa siya sa Maynila. Gusto niyang isama si Dondon sa sonang gerilya.

S

a kabilang dako ng bansa, sa ibang panahon, minsang naharap din ang pamilyang Pacaldo sa sangandaan sa buhay. Davao City, taong 1987 noon. Katatalaga pa lang ni Pang. Corazon Aquino na OIC o officer-in-charge ng Davao si Rodrigo Duterte. “Pero hindi pa siya sikat,” kuwento ni Elay Pacaldo. Aktibista siya noon sa Davao at ang asawa niyang si Glenn. Umiikot si Glenn kasama ang grupong pangkultura na Busilak, para magtanghal sa mga magsasaka

Ciela Mae Pacaldo

at manggagawa sa Mindanao. Noong taong iyon, matapos mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos, tumindi ang kampanyang kontrainsurhensiya ng gobyerno. Target sa mga komunidad sa Davao ang mga aktibista. Isang grupong paramilitar ang nabuo: ang Alsa Masa. Tinuturo ang grupong ito (na suportado ng militar) sa maraming pagpatay sa mga aktibista. “Nagdesisyon kaming lumabas ng komunidad. Gabi noon,” kuwento ni Elay. Ang problema, maliliit pa ang mga bata. Mag-iisang taon si Erwin, at sanggol pa si Joy. “Ayaw sa amin ipasama ang mga bata ng (mga kasamahan sa komunidad),” aniya. “Balikan na lang daw namin. Pero makakabalik pa ba kami?” Hudyat iyun ng mahabang panahon ng paglipat-lipat ng tirahan: Sa mga kamag-anak sa Leyte at Cebu, sa isang nongovernment organization sa Maynila, sa Naga sa rehiyong Bicol. Samantala, lalong lumaki ang pamilya. Ipinanganak na si Lean. Taong 1994, si Ciela Mae naman. Habang nasa probinsiya ang kanyang pamilya, muling nakipagsapalaran sa Maynila si Elay. “Wala eh, kailangang (pumunta ng Maynila). Hindi kayang makabuhay sa pamilya ang trabaho dun.” Ibaiba ang pinasok na trabaho niya. Taong 2004, may nakapagsabi: naghahanap ang Gabriela ng istap. Hindi simpleng trabaho, dahil hindi naman ito burgis na opisina. Gusto na ring bumalik sa aktibismo si Elay. Sumunod sa kanya si Glenn, na nagtrabaho sa mga konstruksiyon sa Maynila. Kalaunan, unti-unting sumama na ang mga anak. Mistulang lumaki si Ciela, at ang nakababatang kapatid niyang si Betchay, sa Gabriela. “Sumasama sila sa mga aktibidad. Kaya kahit papaano, may alam din sila sa kung ano ang ipinaglalaban,” kuwento pa ni Elay. Sinikap nilang ipakita kay Ciela na ang pagmamahal sa bayan ay di hiwalay sa pagmamahal sa pamilya. “Pamilya Von Trapp” ang tawag ng mga taga-Gabriela sa

mga Pacaldo—dahil magagaling kumanta, tumugtog ng gitara, magtanghal. Natural na may talento si Ciela, kung kaya kinuha siya sa Sining Lila, grupo ng mga mangaawit ng Gabriela. Kalaunan, nakapasok si Ciela sa isang NGO na nagtataguyod ng karapatan ng mga bata. Taong 2016 na.

S

a kabila ng karanasan ng kanyang pamilya, pangkaraniwan pa rin ang kabataan ni Ciela. Maaga siyang natigil mag-aral. “Tinatamad,” ani Elay. Sa bahay, naging busy sa pakikipagkilala sa mga tao online. Nahilig sa Wattpad. Tulad ng maraming social media platforms, naging espasyo ang Wattpad para magkakilala ang iba’t ibang tao. Kung magkakapareho ang binabasa ninyo sa Wattpad, posibleng mas madali kayong magkakilala. Dito, nakilala niya niya si Dina (di tunay na ngalan). Enero 13, 2015. Natisod lang si Dina sa profile ni Ciela. Naakit siya. “Ni-stalk ko talaga siya noon,” kuwento ni Dina. “Nagkaroon ako ng interes (sa kanya, kahit) knowing (na) sa mga website, maraming hindi naglalagay ng tunay na mukha.” Naglakas loob si Dina na kontakin ang dalaga. “May common friend kami na nagkagusto sa kanya. Para siyang nahihirapan kung paano i-turn down ‘yung tao,” ani Dina. Nagpayo siya kay Ciela. Kalaunan, sila mismo, nagkalapit na. Mabilis ang pagliligawan sa Internet. “One time, kinulit ko siya na maggitara. Kinanta niya ‘yung ‘Harana’ ng Parokya ni Edgar. Ang ganda ng boses niya.” Enero 30, naglakas-loob agad si Dina na sabihing “I love you dre”. Nailang nang kaunti si Ciela, pero pagdating ng Pebrero 2, sila na. Maraming tanong si Ciela kay Dina. “I know, marami ang di-gusto ang same sex relationship. Paano kung ma-discriminate kami? (Pero) ako, wala akong pakialam. Kasi alam ko, kakayanin ko.” Samantala, SUNDAN SA PAHINA 7


6 BALITA

PINOY WEEKLY | PEBRERO 18, 2018

ALTERNATIBONG BALITA

Cha-cha, arangkada sa Kamara

Itinutulak ng mga mambabatas na isama sa bagong konsistusyon ang sistemang pork barrel. Ito ang babala ng mga kritiko ng Charter Change. Ayon sa draft constitution na isinumite ng House of Representatives Committee on Constitutional Amendments, taun-tao’y may bahagi ang mga kongresista at senador mula sa state at federal budget. Ilalaan diumano ang pondo sa mga proyekto para sa kanilang constituents. Pero ayon kay Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna, wala itong pinagkaiba sa pork barrel na ginagawang balon ng korupsiyon. Aniya, kapag natuloy ang Cha-cha, maisasama na sa konsistusyon ang pork barrel at lalong magiging sistematiko ang korupsiyon.

Kakulangan sa bigas, gawa-gawa?

Artipisyal diumano ang rice shortage sa bansa. Ayon sa mga magsasaka, isa itong pakana para bigyang-katwiran ang malawakang importasyon ng bigas at itaas ang presyo ng bigas. Sinabi ng National Food Authority na mababa ang kanilang suplay ng bigas kaya halos walang makitang NFA rice sa mga pamilihan. Pero ayon kay Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sapat ang bigas na pinoprodyus ng lokal na mga magsasaka. Umano’y ginagawa lamang ng NFA na dahilan ang rice shortage para mag-angkat ng tonetoneladang imported na bigas.

KOALISYONG KONTRA-CHA-CHA. Inilunsad noong Pebrero 13 sa UP College of Law ang asembleyang kontra Charter Change o Cha-cha. Nagsalita sina dating Punong Mahistrado Hilario Davide, kasama ang dating miyembro ng 1986 Constitutional Commission na si Christian Monsod, at sina Lorenzo Tañada III, Neri Colmenares, Bishop Deogracias Iniguez, Satur Ocampo, at Sis. Mary John Mananzan. Layon ng koalisyon na malakas na irehistro ang pagtutol sa Cha-cha at bakit ito kailangang tutulan. Maraming nakahanay na aktibidad ang gagawin ng koalisyon, tulad ng mga public forum at diskusyon, multimedia at social media campaigns, kilos-protesta, at KONTRIBUSYON maging mga legal na hakbangin.

BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Magsasaka sa Leyte, hinaras ng militar

Binantaan ng isang miyembro ng 78th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga magsasaka sa Leyte matapos ang isinagawang relief drive para sa mga biktima ng bagyong Urduja. Ayon sa ulat ng Eastern Vista, nagpunta sa Sitio Biga-a, Alang-alang, Leyte ang isang sundalo para kunin ang listahan ng mga benepisyaryo ng relief drive na isinagawa ng organisasyong Sagupa Eastern Visayas. Tinanong din umano ng sundalo ang kinaroroonan ng tatlong lider ng Alang-alang Small Farmers Association. Binantaan ang mga residente na “gagawing Marawi” umano ang kanilang komunidad.

Website ng Kodao, inatake

Inatake ang website ng alternative news outfit na Kodao Productions, na isang miyembro ng Altermidya Network. Umano ng pagkondena sa pandaigdigang mga grupo ang atakeng ito sa independiyenteng midya. Ang Kodao ang isa sa pinakamatagal nang alternative news outfits sa bansa.

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

RAFAEL BAYLOSIS. Konsultant ng National Democratic Front of the

Philippines para sa usapang pangkapayapaan. Ilegal na inaresto siya kasama si Roque Guillermo ng mga miyembro ng militar at pulisya noong Enero 31. Protektado si Baylosis ng Joint Safety and Immunity Guarantees o Jasig.


SAMU’T SARI

PINOY WEEKLY | PEBRERO 18, 2018

From ‘Marawi’ with love matagal namang tanggap na nina Elay ang piniling kasarian ng anak. “Wala kaming problema riyan.” Pero pinayuhan pa rin ni Elay ang anak. “Maraming napahamak na diyan sa social media,” sabi ni Elay. “Kapag nagsabing mag-eyeball eyeball, ‘wag ka talagang magpakita diyan.” Pero noong Marso 19, 2015, nagkita na nga sila. “Doon ako naniwala sa magso-slow ang mundo mo kapag nakita mo na siya. Anlakas ng tibok ng puso ko. Nasabi ko sa sarili ko, siya na talaga,” ani Dina. Mabilis silang nagkakilala. Nakatulong, siyempre, na tahimik lang si Ciela, habang palakuwento si Dina. “Napakabait niya, hindi siya selfish na tao. Good listener,” aniya. “Pero matigas ang ulo.” Isang buwan matapos ito, nakilala nina Elay si Dina. “Galing Japan (si Dina). May negosyo na parang inuman.” Pinayuhan niya muli si Ciela: Baka gawin kang dancer niya. Pero kumpiyansa si Ciela sa pagkakakilala kay Dina. Kalaunan, bumisita rin siya kina Dina sa Bulacan. Si Dina naman, napapsama rin ni Ciela sa mga aktibidad ng NGO. Paminsan-minsan din, nahahatak na sumama sa rali. Pinag-awayan nila ito, pero kalauna’y nakumbinsi si Dina na nasa tama ang puso ni Ciela. Agosto 2017, nagpaalam si Ciela sa

Mula sa pahina 5

kasintahan. “Pupunta akong Marawi,” aniya. Matindi pa ang mga operasyong militar noong panahong iyon. Hindi naman malayo sa reyalidad, kasi talagang nagseserbisyo ang NGO na pinagtatrabahuan niya sa mga batang biktima ng giyera. Pero hindi pa rin agad napaniwala si Dina. “Hindi ko sineryoso ‘yung sa Marawi siya pupunta,” ani Dina. May kutob na siya, na hindi na sa NGO ang pag-alis ni Ciela. Palaging nagkukuwento ito ng tungkol sa pang-aapi sa mga magsasaka. “Alam kong NPA (New People’s Army) talaga ang sasamahan niya.”Nag-away sila. Dalawang linggo bago umalis ng bahay nila, biglang dumating si Dina. Nakikipagbati na si Dina. Pinayagan na niyang umalis si Ciela, basta babalik bago ang anniversary nila sa Enero. “Niyakap niya ako nang mahigpit...Hinalikan niya ako. Minsan lang niya gawing maunang humalik sa akin. May kakaiba sa halik niya noon. Full of love and promises. Parang sinasabi sa aking huwag akong mag-alala.” Setyembre 7, umalis na si Ciela sa kanilang bahay. May mga kontak siya sa rebolusyonaryong kilusan. Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka ng Bulacan. SUINDAN SA PAHINA 8

Mary Ann Arnado, abogado at peace advocate na tumanggap ng World Vision International Peace Awardee noong 2009 sa Davao City, ukol sa sinabi ni Pangulong Duterte na barilin sa ari ang mga babaing miyembro ng New People’s Army

ANG TARAY!

Mahirap magsalita dahil sasabihin lang ng Malakanyang na ‘biro lang ito.’ Pero seryoso, kung gusto (ng militar) ng armadong labanan at tapusin ang isa’t isa, bakit kailangang puntiryahin ang ari ng babae?

KILITING DIWA Sa mental hospital, bumisita ang doktor sa mga pasyente. Inis-isa niya itong kinausap: Duktor (sa unang pasyente): Aba, magaling a, malaki ang improvement mo ha. Pasyente 1: Opo dok, ito nga po nagbabasa na. Duktor (sa ikalawang pasyente): At ikaw rin, malaki rin ang improvement mo ha. Pasyente 2: Opo dok. Ito po, nagsusulat po ako.

Duktor (sa ikatlong pasyente): Aba, at ikaw, anong ginagawa mo diyan sa poste? Pasyente 3: Dok, hindi nyo po ba nakikita, ilaw po ako. Ilaw ako! Duktor: Hindi ka ilaw! Bumaba ka riyan! (Naibaba ng duktor ang ikatlong pasyente) Pasyente 1 at 2: HOY! SINO NAGTANGGAL NG ILAW??!

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

Paghihigpit ng pagkilos, curfew ipinairal

A

lam n’yo ba na ipinairal ng pamahalaang militar ang curfew matapos masakop ang Hapon ang Pilipinas? Kinontrol nito ang pagkilos ng mga mamamayan, na isang mabisang paraan ng pagdisiplina ng hapon. Noong una ang oras ng curfew ay mula ika-8 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga, naging ika-10 ng gabi, at nauwi sa hatinggabi hanggang ika-6 ng umaga mulang Mayo 18, 1942. Matapos bumagsak ang Bataan, inihinto ang pangkalahatang pagpatay ng ilaw (blackout) noong Mayo 4, 1942. Nagtalaga ng mga bantay na sundalong Hapon sa mga lugar na nag-uugnay sa mga lalawigan o hanggahan sa mga lunsod at hindi maaring makadaan ang mga mamamayan nang walang pases ng militar. Inihimpil naman ang mga sundalo ng konstabularyo sa mga estratehikong lugar upang kapkapan ang mga nagbibiyaheng mga mamamayan na posibleng may dalang armas partikular na sa gabi. Noong kalagitnaan ng 1942 binuwag ng Hapon ang pases sa paglalakbay. PW

7


From ‘Marawi’ with love MULA SA PAHINA 7

S

a isang maliit na pinasok ng mga gerilya. Kinuha pagtitipon ng mga ang armas, at ipinaliwanag sa kaibigan sa Maynila mga guwardiya at empleyado noong Agosto 2017, bumangka kung bakit ginawa ito ng NPA. si Kamil sa kuwentuhan. “Sa kasaysayan ng probinsiya, Kinukuwento niya ang mga iyun ang pinakamaraming karanasan niya sa hanay ng armas na nakuha. 44 ang mga magsasaka sa Batangas, nakuha.” kasama ang mga gerilya ng Naging matunog sa NPA. “Heaven ang lugar na iyun Batangas ang pamangahas na sa akin,” pagsisimula ni Kamil. aksiyon ng NPA. “Nabuhay ang (Nirekord ng mga kaibigan niya diwang palaban (ng mga tao ang pagkukuwento ni Kamil.) roon),” ani Kamil. Maraming “Pero ang mindset ko, anim lugar ang humiling sa mga na buwan lang. Gusto (kong) gerilya na puntahan din sila. maranasan ang buhay bilang Tulad ng inaasahan, hukbo.” matapos nito, sunud-sunod Nakita niya iyun—at ang malulupit na operasyong higit pa. Nakasama siya sa militar ng Armed Forces of the pagdiriwang ng mga magsasaka Philippines o AFP. at hukbo ng anibersaryo ng Naiulat ng mga grupong Communist Party of the pangkarapatang pantao ang Philippines o CPP noong aerial bombings. Walang Disyembre 26. Noong Enero, puknat ang mga operasyon nagkaroon ng pagsasanay- ng militar. Napalaban ang militar. Noong katapusan ng yunit na nasamahan ni Kamil. buwan, nagkaroon ng taktikal “Walang nakapansin, madaling na opensiba ang yunit ng mga araw. Kinubkob kami. May gerilya na sinamahan ni Kamil. isang namatay. Iskuwad lider,” “Hakbang pamamarusa ani Kamil. Unang bugso ng kay Henry Sy,” ani Kamil putukan, nabitawan ni Kamil noon. “Security agency ito na ang baril niya. Pero nakatakbo itinayo para paalisin ang mga siya. Nahiwalay siya at tao para sa mga resort niya.” dalawang sugatang gerilya sa Sa Pico de Loro Resort ito sa pangunahing grupo. “Sobrang Nasugbu. Ilang araw pa lang sirit yung dugo niya. Nabitbit ang nakalipas, nasa naturang ng isa ang bag, kaya may first resort ang mga kandidato ng Miss Universe. Nakausap ng mga gerilya ang mga magsasaka sa lugar: gusto nilang parusahan si Henry Sy at mga guwardiya sa pangangamkam sa kanilang lupain. May mga magsasakang gustong patayin ang mga Inilunsad noong Pebrero 14 ang guwardiya. “Pinaliwanag kampanyang One Billion Rising sa naman natin na hindi Pilipinas sa Remedios Circle, Manila. Sa naturang pagtitipon, kinilala kaaway-sa-uri ang mga ng Gabriela ang kabayanihan ng guard. Hanggang agawtatlong mandirigmang kababaihan (na dati ring kasabi ng kanilang armas lang bilang parusa.” organisasyon) na nasawi sa Nasugbu Dalawa ang opisina ng noong Nob. 28, 2017. Kinondena naman nila ang “macho-pasismo” security agency. Pareho, ng si Pangulong Duterte, lalo na ang pagbitaw ng salitang “dapat barilin sa ari ang mga babaeng NPA para wala nang silbi”.

Naka-display sa burol nina Ciela Mae Pacaldo at Camille Manangan ang larawan ng mga kapwa martir sa Nasugbu na sina Jo Lapira at Dondon Pellazar.

aid kit pang nagamit. Dito, aniya, nakita niya na literal na “masa ang tunay na bayani.” “Atrasan na. Nakalimang bahay kami bago kami mapapasok. Pero sa bawat bahay, tumulong din. (Di sila nagpapapasok) kasi ayaw lang ang militar. Sa unang bahay, binigyan kami ng cellphone. May nagbigay ng pamasahe. Sa ikalima, halos ayaw din. Pero dahil ako na lang ang may kakayahang magpaliwanag, ako na ang nagpaliwanag. Pinapasok kami. Gabi na nang sunduin. Limang minuto nalang, mahuhuli na kami. Handa na sana kami,” kuwento ni Kamil. “Dito ko na-realize na ito pala ang digmaan,” aniya. “Yun ang turning point sa akin. Ang masa dun, alam nilang armado (kami, pero) tinatanggap nila.” Matapos noon, at matapos

MGA LARAWAN NI KR GUDA

makadugtong sa malaking bahagi ng yunit ng mga gerilya, muling napalaban sila. Pero mas handa silang nakaatras. At si Kamil, kumbinsido na: doon na siya. Samantala, nangulila si Dondon sa kasintahan. “Yung dadalhing damit ni Don para kay Kamil, lagi niyang tinitiklop at inaamoy kahit maayos ito,” kuwento ni Momoy. Umuwi si Kamil noong Agosto 2017 para magpaalam sa mga magulang— at para magpaalam na rin sa kanila na magpapakasal na sila ni Dondon. Bumalik din agad si Kamil. Si Dondon naman, sumunod kay Kamil noong Setyembre. “Gusto niyang i-celebrate nila doon (sa sonang gerilya) ang birthday nila pareho,” ani Anne. Bumalik din ng Maynila si Dondon. Unang linggo ng Nobyembre 2017 nang bumalik si Dondon sa Batangas. Kasama na niyang pumasok sa lugar si Ciela. Naghihintay sa kanila sa sonang gerilya sina Kamil at Jo Lapira— rebolusyonaryong tumibok ang puso para sa mga aping magsasaka at sambayanan, kababaihang nagmahal nang higit sa sarili at kasintahan. Sabay-sabay na tumigil ang pagtibok ng kanilang puso noong Nobyembre 28, 2017. PW


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.