TOMO 16 ISYU 04
4 MARSO 2018
Maoj Maga, palayain Pahina 2 Manggagawa ng Foremost Pahina 3
Tula: Sagot ng Puki Pahina 8
Kababaihang manggagawa ang malaking bahagi ng pinakaapi sa kontraktuwalisasyon. Walang karapatan at benepisyo, bulnerable pa sa abuso. Sundan sa pahina 4
Pasakit sa babaing obrero LARAWAN: KR GUDA (MARCH 8, 2016)
2
LATHALAIN
PINOY WEEKLY | MARSO 4, 2018
M
alinaw na ipinakikita ng mga nakaraang pag-atake sa mga epektibong kritiko ng rehimeng Duterte na wala itong pinagkaiba sa mga nakaraang rehimen sa pagsupil, pamamaslang, pagdukot at pagsampa ng gawagawang mga kaso sa mga legal na aktibista.
KONTRIBUSYON
Isa sa mga pinakahuling biktima nito si Marklen Maojo Maga, 39, organisador ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at dating lider estudyante sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Sa inisyal na ulat ng kaniyang pagkakadukot, naglalaro ng basketball si Maojo kasama ng kaniyang mga kapitbahay sa Greenland Townhomes sa San Mateo, Rizal sa pagitan ng 8:44 at 8:51 ng umaga noong Pebrero 22. Nilapitan siya ng kalalakihang nagpakilalang mga pulis na nakasibilyan sakay ng puting Hi-Ace van na may plakang VH 1410, isang silver Toyota Innova, at isang motorsiklo. Pinosasan siyang agad at sinabing sumunod na lamang sa mga ito. Hindi sinabi sa kaniya kung bakit siya inaaresto o sinabihan ng kaniyang mga karapatan. Kaagad siyang piniringan pagkasakay ng van. Base sa rekord ng van, nakarehistro ito sa ibang sasakyan. Sa logbook ng subdivision, isang nagpakilalang Ken Estocado Flores ang driver nito at
Bahagi ng crackdown ng kilusang masa ang pag-aresto kay Maga. Dapat itong kondenahin. Ni Pher Pasion
Maojo Maga,
organisador ng manggagawa ipinakilala ang sarili bilang pulis at nagpakita ng voter’s ID bilang pagkakakilanlan. Hindi kaagad nalaman ng kanyang asawa ang nangyari dahil tinakot umano ang mga kalaro ni Maojo at iba pang mga nakakita. Nalaman na lamang ito ng kaniyang asawa ng may nagsabi sa kaniya bandang 12:00 ng tanghali. Inaresto si Maga na walang anumang warrant laban sa kanya. Sa buong panahon ng kanyang pagkakadukot hindi siya nasabihan kung bakit siya dinala ng mga ito at kung anong kaso ang kaniyang kinakaharap. Ayon kay Maga, nagpaikut-ikot muna sila bago siya dinala sa Camp
Crame sa Quezon City bago mananghalian. Sumailalim siya sa interogasyon na walang abogado ng ilang oras. Lumalabas di umano sa interogasyon na na tila idinadawit siya sa isang insidente ng pamamaslang sa Agusan del Sur na kaniyang mariing itinanggi. Ilang sandali pa, isang pulis ang nagpakita ng larawan ng isang .45 baril na may pitong bala at sinasabing sa kaniya umano ang nasabing baril. Itinanggi iyon ni Maga at tumangging pumirma sa anuman na ipiniprinsinta sa kaniya ng mga pulis. Tinatayang natapos ang interogasyon ng ala-una
ng hapon at inilipat siya sa holding cell ng CIDG-NCR sa Camp Crame. Hindi siya pinayagang maka-usap ang kanyang mga abogado at pamilya. Nakontak na lamang niya ang kanyang pamilya bandang ala-singko ng hapon. Isang organisador si Maga ng KMU partikular sa mga pier at pabrika sa Valenzuela sa Central Luzon. Dati siyang miyembro ng League of Filipino Students sa PUP at founding National Council member ng Anakbayan. Nangyari ang pagdukot kay Maga kulang isang buwan matapos maaresto ang kaniyang biyenan na si NDFP Consultant Rafael Baylosis. PW
EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, Mykel Andrada, JL Burgos, Tarik Garcia, Marjo Malubay, Jaze Marco, Sid Natividad, Gabby Pancho, Soliman A. Santos, Lukan Villanueva Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), J Luis Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
LATHALAIN 3
PINOY WEEKLY | MARSO 4, 2018
Halimbawa ng magandang ibinubunga ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawa ang nabuong pagkakaisa ng mga obrero sa Foremost. Ni Abie Aliño
Obrerong mulat sa Foremost
Laganap sa kanila ang iba’t ibang klaseng paglabag sa kanilang mga karapatan. Nariyan ang lagpas sa oras na pagtatrabaho nang hindi bayad. Nariyan ang mga araw na walang sahod (kundi allowance, minsan wala pa nga) dahil sira ang makina o walang trabaho. Nariyan din ang 12 hanggang 16 oras na pagtrabaho na madalas na dinaranas ng mga manggagawang “pakyawan.”
ABIE ALIÑO
M
alalang problema ang kontraktuwalisasyon. Pero isa lang ito sa maraming problemang kinakaharap ng mga mangggagawa sa Philippine Foremost Milling Inc. (PRMI) sa Manila Harbour Center sa Tondo, Manila.
Kayod
“Sa pakyawan, walang kota. Hangga’t kaya ng katawan, bubunuin mo ‘yung buong 16 oras.” ani Eddie (di-tunay na ngalan), stocker sa nasabing pagawaan. Sa 16 na oras, isang oras lang ang kanilang pahinga. Dapat, iba na ang sitwasyon ng mga “arawan” tulad ni Jerry (di-tunay na ngalan). Sumasahod sila ng minimum—P512 kada araw. Pero ang trabaho, walang pinag-iba sa pakyawan. Kailangang makarami sa loob ng walong oras. Agad na nasisita ang mga “panakaw” nilang paghinga. Kahit walang ginagawa, pati dyaryo o anumang babasahin, kinukumpiska. Kada linggo ang sahod nina Jerry. Sa loob ng anim na araw ng trabaho, sumusuweldo siya ng P3,000 at kakaltasan pa ng para sa benepisyo. Ibig sabihin, P2,000 mahigit na
lang ang kanyang maiiuwi. Sa P2,000 ibabawas ang bayarin sa ilaw, tubig at utang. Ang matitira, panggastos na niya at kanyang pamilya na pilit na pagkakasyahin sa loob ng isang linggo. “Kulang talaga [ang sahod]. Kulang na kulang. Sa isang linggo ko na kita, ilang araw lang gagastusin ‘yan,” ani Jerry. Pagod at puyat man ang maranasan ng mga manggagawang ito, patuloy silang kumakayod para mabuhay lamang ang kanilang pamilya. Nag-organisa
Dahil sa maraming iregularidad at pagpalya ang nasabing kompanya, nabuo ang Samahan ng mga Manggagawa ng Foremost, asosasyon na nagtutulak ng regularisasyon sa kanilang hanay, pagkakaroon ng nakabubuhay na sahod
at paglaban sa kanilang karapatan. Ilang taon na nalunod at walang laban ang mga manggagawa sa Foremost. Marami sa kanila ang higit 15 taon nang manggagawa pero kontraktuwal pa rin. Ang masama, silang matatagal na ang pilit na tinatanggal ng manedsment at papapirmahan na lang ng resignation letter. Kaya’t naisipan ni Joel (di-tunay na ngalan), noo’y manggagawa sa Foremost at miyembro ng nasabing samahan, kasama nina Jerry at Eddie, na magsampa ng kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE). Wala pa itong desisyon. Nagsagawa sila ng mass leave noong Agosto 2017 na nilahukan ng maraming manggagawa. Nagbunga ang sama-sama nilang pagkilos. Nagresulta ito sa pagkamit nila ng 13th month pay, pag-update sa kanilang mga kontribusyon sa SSS at PhilHealth. Naibalik din sa kanila ang bayad sa kanilang uniporme. Sa kasalukuyan, mayroon na silang 117 miyembro at patuloy pa rin na nagmumulat ng mga manggagawa sa kanilang pagawaan. Sa kabila ng pagtalikod ni Duterte sa pangako nitong pagwakas sa kontraktuwalisasyon, magpapatuloy sina Jerry, Joel at Eddie sa pagtulak ng kanilang karapatan sa pagiging regular at ano man ang kahahantungan ng kanilang paglaban’y hindi sila titigil sa paglaban. PW
4
SURING BALITA
PINOY WEEKLY | MARSO PINOY 4, 2018WEEKLY
Kababaihang manggagawa ang malaking bahagi ng pinakaapi sa kontraktuwalisasyon. Walang karapatan at benepisyo, bulnerable pa sa abuso. Ni Priscilla Pamintuan
“M
arami kaming kontraktuwal at pare-pareho ang load o quota na kailangang gawin sa isang araw katulad ng mga regular. Pero napakahirap magregular.”
Kumakaunting unyonisado
Bayan ng kontraktuwal
Kahit pa bahagi ng gobyerno, tinitindigan ngayon ng NAPC sa ilalim ni
KONTRIBUSYON
Kuwento ito ng kababaihang manggagawa sa electronics at garments. Nakapanayam sila ng mga tagapagsaliksik sa isang pag-aaral ng National AntiPoverty Commission (NAPC) kamakailan. Ang pakay ng pag-aaral: Alamin ang epekto ng mga polisiya ng gobyerno sa paggawa na nagdudulot ng paglabag sa karapatan ng kababaihang manggagawa. Isinasalarawan ng sinabi ng manggagawang kababaihang ito ang isang bahagi ng kanilang problema: ang pagkunsinti ng gobyerno sa kontraktuwal na pag-eempleyo ng mga kompanya (20 empleyado pataas). Sa kabila ito ng paglabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Department Order No. 174 na lalong naglegalisa pa sa kontraktuwalisasyon. Sa kabila ito ng mga pangako ni Pangulong Duterte na papawiin niya ang kontraktuwalisasyon sa bansa. Pero bilang kababaihang manggagawa, hindi lang ito ang pinoproblema nila. Pinahihirapan din sila bilang babae, sa lipunang sa pangakalahata’y mas mababa pa rin ang tingin sa kababaihan, ayon sa naturang pag-aaral ng NAPC. Dahil sa kontraktuwal na istatus nila sa trabaho, nagiging mas bulnerable sila sa mga pangaabuso. Walang seguridad sa trabaho, walang benepisyo, walang karapatang mag-unyon. At bilang babae, walang proteksiyon sa mga panghaharas ng mga makapangyarihan sa pagawaan.
Sec. Liza Maza ang pagsusuri na grabe na ang paghihirap ng manggagawang Pilipino dahil sa kontraktuwalisasyon. Lalong pinahihirapan nito ang kababaihang manggagawa. Sinilip ng pag-aaral ang datos ng Intergrated Survey on Labor and Employment: halos 4.4 milyong manggagawa ang nasa manufacturing at retail (wala pa rito ang mga manggagawa sa agrikultura, pangingisda, at mga empresang may 19 empleyado pababa). Sa 4.4M na ito, 283,081 lang ang miyembro ng unyon. Samantala, sa 1.9M na kababaihang manggagawa, 99,180 lang ang miyembro ng unyon. Dahil sa mga polisiya ng gobyerno sa paggawa kasama na ang pagpayag sa kontraktuwalisasyon, bumababa ang bilang ng mga manggagawang naguunyon—mga manggagawang nakakapag-organisa sa sarili para depensahan ang kanilang mga karapatan. Sa hanay ng kababaihan, lalong mas kumakaunti ang bilang (mula 14.3 porsiyento noong 2004, naging 5.3 porsiyento na lang nitong 2016). “Lumalabas sa pagbabahagi ng kababaihang (manggagawa) ang maraming paglabag ng mga kompanya: ang iba’t ibang kontraktuwal na iskema, kawalan ng overtime pay, mas kaunting breaks lalo na sa peak season, walang break para umupo, walang libreng amenties kahit tubig, masamang kapaligiran sa trabaho, kawalan ng klinika o manggagamot,” ayon sa executive summary ng pag-aaral.
PASA
sa babain
Karamihan sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay kontraktuwal
at agency-hired. Ang marami sa kanila, nagtatrabaho nang nakatayo. Ang ilang kompanya na nag-eempleyo sa kanila, kailangan pang magpaalam isang linggo bago ang planong leave kahit na maysakit— pero minamarkahan pa rin itong “absent.” “Magastos ang muling pag-aaplay (matapos ang kontrata) na minsa’y umaabot hanggang P3,000. Pinagbabantaan din sila laban sa pag-oorganisa bilang unyon,” ayon pa sa executive summary. Sa kabila ng hirap na dinaranas nila sa trabaho, karamihan din sa kontraktuwal na mga manggagawa ay mababa pa sa minimum na sahod ang nakukuha. Lalong nagpahirap pa sa kanila ang pagtaasan ng
SURING BALITA SURING-BAL-
| MARSO PINOY 4, 2018WEEKLY | MARSO 4, 2018 din ang mga pang-aabuso (pisikal, minsa’y seksuwal) sa mga babaing manggagawa. Wala silang magawa dahil bilang kontraktuwal, maaari silang tanggalin anumang sandali. “Kasama sa inspeksiyon ng ilang kompanya ang inspeksiyon sa underwear ng mga manggagawa,” ayon sa executive summary. Ayon pa sa pag-aaral ng NAPC, sa Keyrin Electronics Philippines sa Cavite Export Processing Zone, isang Koreanong manedyer diumano ang nadeport matapos ireklamo ng mga manggagawa ang paulit-ulit na seksuwal na panghaharas at abuso nito sa mga manggagawa. Dahil dito, nagkaisa ang mga manggagawang kababaihan dito para bumuo ng unyon para palakasin ang kanilang hanay—sa kabila ng mga aksiyon ng manedsment kontra sa pag-uunyon nila. Samantala, mababa rin umano ang kaalaman ng mga manggagawa sa kanilang mga karapatan. Ang marami sa kanila, hindi alam ang kanilang karapatan bilang manggagawa at babae na nakasaad sa mga batas tulad ng Magna Carta of Women, mga utos sa gobyerno kaugnay ng paglalagay ng espasyo sa daycare at breastfeeding sa mga lugar-trabaho, Solo Parents’ Act, Family Welfare Program, Anti-Sexual Harassment Law at paglilikha ng Grievance Committees sa lugar trabaho. Hindi na ito nakapagtataka, kasi pinagbabantaan na nga sila na sumali sa mga unyon.
AKIT
ng obrero presyo ng mga bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law ng rehimeng Duterte. Lahat ng gawaing ito—na nagpapahirap sa mga manggagawa—ay ikinukubli umano ng mga kompanya sa mga inspektor ng DOLE. O kung nahuhuli o nakikita man ng mga inspektor ang mga pang-aaping ito at nasisita ang mga kompanya, walang mapagpasyang aksiyon na ginagawa ang naturang mga ahensiya para masawata ang pang-aapi. Mga abuso
Maliban sa talamak na pang-aapi sa kontraktuwal na mga manggagawa, talamak
Kawalang katarungan
Nagmistulang nag-iisang boses para sa mga manggagawa ang NAPC, lalo pa’t kamakaila’y mistulang isinusuko na ni Pangulong Duterte ang pangako niyang wawakasan ang kontraktuwalisasyon. “Palagay ko, hindi natin talaga
5
mabibigay iyan lahat (ng pangako niya sa mga manggagawa),” ani Duterte, “kasi hindi naman natin mapilit ’yung mga kapitalista na kung walang pera o ayaw nila o tamad.” Sabi pa niya, huwag daw dapat pinahihirapan ang mga nagpapatakbo ng negosyo na patakbuhin ang mga ito ayon sa kagustuhan nila. “Pera naman nila iyan. Kaya parang kompromiso dapat ang mangyari — siguro — na katanggaptanggap sa lahat.” Pero malinaw sa pag-aaral ng NAPC na hindi mga kapitalista ang nangangailangan ng saklolo ng gobyerno. Mga manggagawa — lalo na ang kababaihang manggagawa — na pinangakuan ni Duterte ng kaunting ginhawa sa pamamagitan ng pagpawi sa kontraktuwalisasyon ang nahihirapan ngayon. Ang lumalabas, hindi kaya ni Duterte banggain ang interes ng malalaking negosyante, o mga oligarko. Kaya ang inihahanda niyang kompromiso, ay pagkompromiso sa hiling ng mga manggagawa. “Ang pagsasabuhay ng ating mga karapatan at pagkamit ng batayan nating mga pangangailangan ang pinaka-sukatan ng pagiging makatarungan ng lipunan,” ani Maza. Sa lipunang ito, sa ilalim ng rehimeng Duterte, kung sukatan ang kalagayan ng mga manggagawa, lalo na ang mga babaing manggagawa, masasabi nating matindi ang kawalan ng katarungan sa ating lipunan. PW
6 BALITA
PINOY WEEKLY | MARSO 4, 2018 ALTERNATIBONG BALITA
Patuloy na kontraktuwalisasyon, ipinrotesta sa harap ng DOLE
Daan-daang kontraktwal na manggagawa mula sa Timog Katagalugan ang nagpiket sa Department of Labor and Employment (DOLE) at nagmartsa sa Mendiola. Hiling nila sa ahensya na ipatupad na ang desisyon ng DOLE Region 4-A na gawing regular ang halos 30,000 manggagawa mula sa 23 na kumpanya sa Southern Tagalog. Kasama sa mga nagpiket ang mga manggagawa ng Coca-Cola sa Sta. Rosa, Laguna kung saan halos 800,000 manggagawa ang hindi nairegularisa at mahigit 600 pa ang naiulat na tatanggalin sa trabaho. Dismayado naman ang ang iba’t ibang labor groups sa hindi pa rin pagpirma ni pangulong Duterte sa draft executive order na magwawakas sa kontraktuwalisasyon.
Mga magsasaka, hinikayat ang NFA na bumili ng lokal na palay
Kinalampag ng mga magsasaka ang regional offices ng National Food Authority (NFA) para bilhin ang lokal na palay, sa gitna ng malawakang importasyon ng bigas at pagtanggal ng murang NFA rice sa merkado. Ayon sa Bantay Bigas, kagagawan ng NFA ang umano’y artipisyal na rice shortage. Sa halip na bilhin ng ahensiya ang sampung porsiyento ng lokal na produksyon ng palay, nasa isa hanggang dalawang porsiyento na lamang ang kinukuha nito.
Nagsalita ang mga lider-magsasaka sa pagtitipon sa EDSA People Power Monument noong Pebrero 25 para humiling ng suporta sa madla hinggil sa kanilang problema: peste sa mga pananim na nagdulot ng gutom, at militarisasyon na nagdulot ng paglikas nila. “Nandito kami sa Maynila dahil ang mga magsasaka na lumilikha ng pagkain, nagugutom at naghihirap dahil napeste ang mga pananim namin,” sabi ni Jun Berino, lider ng Samahan Han Ngan Gudti Parag-uma Sinirangan Bisayas (SAGUPA-SB), ang regional chapter ng KMP sa Eastern Visayas. Noong Pebrero 27, marahas na binuwag ang kanilang kampo sa tapat ng pambansang tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City. Ang naturang pagtitipon sa People Power Monument ay komemorasyon ng ika32 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. Kinondena ng No to ChaCha Coalition ang planong pagkonsolida ng diktadura ni Pangulong Duterte sa pamamaraan ng charter change.. ABIE ALIÑO
BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ
Dalawang sibilyan, napatay ng AFP
Dalawang sibilyan na komyuter ang pinatay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa highway ng Calinan district, Davao City, ayon sa New People’s Army (NPA). Pahayag ni Rigoberto Sanchez ng NPA-Southern Mindanao, pinagdiskitahan ng AFP ang mga sibilyan dahil sa mga pagkatalo sa tatlong magkakasunod na NPA offensives sa rehiyon, kung saan labing dalawang sundalo ang namatay at dalawampu ang sugatan.
Militar, nang-gulo sa cultural workshop
Binulabog ng mga myembro ng 25th Infantry Battalion ang isang cultural workshop ng mga kabataan sa Montevista, Compostela Valley. Sa ulat ng Karapatan, dinukot ang guro na si Eugene Laurente, dalawang workshop volunteers at isang menor de edad. Ayon sa apat, pinipilit umano sila ng mga sundalo na sumuko bilang mga NPA. .
Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!
Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!
facebook.com/altermidya facebook.com/altermidya •• youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog
TEACHER JOY MARTINEZ AT SHEENA DUAZO, KABABAIHANG LUMALABAN. Sa kabila ng mga tangkang panunupil sa kanila, patuloy ang
paglahok nila sa pakikibakang masa. Si Teacher Joy ng Alliance of Concerned Teachers, tinangkang arestuhin ng gawa-gawang kaso. Pero nilabanan niya ito at di naaresto. Si Sheena, isa sa mga lider-masa sa Davao City na sinampahan ng gawa-gawang mga kaso. Nagpapatuloy sila na namumuno sa kababaihan at mamamayang lumalaban.
SAMU’T SARI 7
PINOY WEEKLY | MARSO 4, 2018
Paano maiibsan ang kati ng bungang-araw
ni Ryan Plaza
Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis
Hapon ginawang palamuti ang Kalibapi
A A
ng bungang-araw (prickly heat) ay isang sakit sa balat na madalas lumilitaw sa panahong mainit o tag-araw. Makikita ang sintomas ng bungang araw kung ang mga balat nito ay may maliliit na butlig o mga pantal-pantal. Hatid namin ang ilang tips upang maiwasan ang bungang-araw: • Magsuot ng kompotableng damit. Sobrang kati ng bungang-araw lalo na kapag napapawisan ang apektadong lugar sa katawan. Mainam na magsuot ng maninipis na damit para maibsan ang pagpapawis. • Maligo isang beses o higit pa sa loob
ng isang araw. Makakatulong ang pagpapalamig ng katawan upang maibsan ang pangangati ng katawan. • Gumamit ng mga mild soap sa paliligo upang maiwasan ang iritasyon ng apektadong bahagi ng katawan. Pag-gamot sa bungang araw Ang sakit na ito ay kusang mawawalang ngunit tatagal kung madalas kinakamot ang apektadong bahagi ng katawan. Para sa mga sanggol, iwasan natin ang paggamit ng oil-based lotion dahil ito ay maaaring makaepekto sa balat. Kung ang bungang araw sa sanggol ay lalagpas ng tatlong linggo mabuting sumangguni sa pediatrician. PW
Sambit ni Chief Justice Maria Lourders panayam sa kanya ni Boy Abunda.
KILITING DIWA
May dalawang donut na naglalaro. Umakyat ang isa sa puno. Natakot ang isa, ang sabi nya: Hoy, BAVARIAN!!! *** Teacher: Makakauwi na ang makakasagot sa tanong ko. (Tinapon ni Juan ang bag nya sa labas ng klasrum)
ANG TARAY!
Kailangang matutuo ang taumbayan na lumaban, karangalan, at kagandahang loob. Sereno, sa
Guro: Kaninong bag yon? Juan: Akin po mam! Bye mam, bye classmates, see you tomorrow! *** Umakyat ng puno ng guyabano si Juan para tignan kung may hinog nang bunga Juan: (hinawakan at kinilatis ang bunga)Pwede na ’to. Makababa nga’t masungkit.
lam n’yo ba na noong Hulyo 20, 1943, inatasan ng Hapon ang Kalibapi na magnomina ng 20 kataong bubuo sa preparatory Commission for Philippines Independence? Ang pagkakatalaga ng Hapon sa Kalibapi ang pangunahing papel sa paghahandang pulitikal para sa pagtalaga ng Republikang papet. Setyembre 4 nang binalangkas ng komisyon ang bagong konstitusyon. Itinakda nito ang pagkakaroon pagkakaroon ng pangulong manunungkulan sa loob ng anim na taon na sinunod nito ang istruktura ng saligang batas. Inutusan din ng Hapon ang mga lider ng Kalibapi na magpulong sa Maynila, buuin ang Generel Assembly at ratipikahan ang bagong Konstitusyon. Agad itong ginawa noong Setyembre 6. Subalit hindi ipinatupad ang ratipikasyon sa pamamagitan ng direktang pagboto ng mga mamamayan. Sa katwirang asosasyon ng mga tao ang Kalibapi, ang pagraratipika ng mga miyembro nito ay pagpapahayag ng Konstitusyon ng publiko. Ang kasunod na kautusan ay ang pagpupulong ng general assembly. Sang-ayon sa Konstitusyon, lahat ng Gobernador ng mga lalawigan at alkaldeng panglunsod, kabuuang 54 ay mga miyembrong ex-officio. Ngunit ang lahat ng patakarang ito’y palamuti lamang na idinisenyo upang palabasin na ang eleksiyon ay isang demokratikong gawain.
PW
TULA
SAGOT NG PUKI ni Joi Barrios-Leblanc
Ito ang utos ng Pangulo: Una, asintahin ang puki, ang bisong, ang uki, ang pita, anuman ang ngalan nito, sa anumang wikang Filipino. Iumang ang baril sa puki, hindi sa ulo, huwag pasabugin ang bungo, kundi ang puki, pagkat sagisag ng kasarian. Sa tuwi-tuwina ay dapat igiit ang paniniwala: Ano nga ba ang silbi ng babae, kung walang puki? Ipaalala ang sumpa ni Eba, ang kahinaan, ang mundo na dapat sana ay kama at kusina, at magwika: Kayo ay babae lamang. Ikalawa, barilin ang puki. Ang puki, ang bisong, ang uki, ang pita. Paputukan ang puki at hindi ang puso, huwag nang wasakin, o ipagpira-piraso ang balikat, paa, daliri, tiyan o pulso, pagkat ito -- ang puki ng mandirigma -ay puking mapangahas. Ano’t naghahangad, tumitibok ng layong pagbabago, Bakit nagbubuhos ng dugo, bakit nagluluwal ng pag-asa? Ipaalala sa puki ang kahihinatnan ng matapang, at magbabala: Titiyaking mabubuwal, ang lahat ng manlalaban. Ikatlo, hamakin, laitin, at pagtawanan ang puki. Gawing kahiya-hiya at kasuklam-suklam, kapwa ang pagiging babae at ang pagiging gerilya, subersibo, aktibista. Ganito ang sining ng pagdisiplina sa katawang nakikibaka. Kasabay ng pagkitil ng buhay ang paghamak, ang pagsasademonyo sa teroristang bansag, at nang ang pagpaslang, ay maging katanggap-tanggap. Isigaw ang hamon: Mauubos kayong lahat na nag-aaklas.
Si Joi Barrios-Leblanc ay coconvenor ng MALAYA: US Movement Against Killings and Dictatorship and for Democracy in the Philippines. Unang itinanghal ang tulang ito nina Prop. Judy Taguiwalo, Rep. Sarah Elago, Angeli Bayani, at Gleeza Joy Belandres. sa pagkilos kontra-tiraniya at charter change noong Peb. 24, anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. ng tula ay sagot sa pabirong utos ni Pangulong Duterte na barilin ng mga militar ang mga babaing miyembro ng New People’s Army sa kanilang puki para “wala nang silbi”.
Mga kapatid, kabaro, kapanalig: hayaang ang ating mga puki rin ang tumindig, at mangusap. Ipahayag at isiwalat sa lahat: Puki ang unang nakaririnig sa uha ng sanggol habang isinisilang, Puki ang talinghaga ng luwalhati at ligaya At kasama ang kanyang mga pasákit at pagdurusa sa kayraming dahilan na nagtutulak sa ating mag-armas at magbalikwas. Ang aking puki, ang ating mga puki, ay mandirigma. Pagkat naiwaksi na ang kalakarang paniniwala na katawan ang nagtatakda ng kasarian, halaga sa lipunan, at ating kapalaran. Ang ating puki. Hindi ito nagpapapapitik sa anghang ng salita. Hindi nagpapatinag sa bagsik ng banta. Ang ating puki ay dakila, pagkat mandirigma.