Pw 16 05 03112018

Page 1

Compressed workweek 2 Mass transport sa PH 3 TOMO 16 ISYU 05

11 MARSO 2018

Pekeng ‘Bagani’ 8

Paglalantad sa pekeng

krisis sa bigas

Pekeng balita. Pekeng pangako. Ngayon naman, pekeng krisis sa bigas na gawa ng rehimeng Duterte. Ang biktima: ang mga mamamayang Pilipino na nangangailangan ng bigas. Sundan sa pahina 4

LARAWAN: LUISITA WATCH


2

OPINYON

PINOY WEEKLY | MARSO 11, 2018

Compressed work week: dapat bang ipatupad?

“P

ayag ka ba na sa isang linggo, ay babawasan ang araw ng trabaho at imbes na anim na araw ay gagawin na lamang itong lima?”, tanong ko sa isang manggagawa. “Aba, oo. Kung ganoon pa rin ba ang sahod na aking matatanggap eh”, sagot niya. “Payag ka rin ba na dadagdagan ang oras ng iyong trabaho sa isang araw at imbes na dating walong oras ay gawin itong sampu na walang dagdag na overtime pay?” tanong ko uli. “Teka muna. Mahirap yata yan. Paano naman yung Eight-Hour Labor Law?”, patanong niyang sagot. Sa House Bill No. 6152 (Compressed Work Week) na inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso noong nakaraang taon, ito na nga ang mangyayari. Layunin ng panukalang batas na ito na dagdagan ang oras ng trabaho sa isang araw ng mga manggagawa na walang overtime pay kapalit ng pagbawas sa tinakdang araw ng pagtatrabaho sa isang linggo Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagpasa ng nasabing House Bill at inaprubahan ito kaagad. Dahil aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ipinasa na ito sa Senado kung saan ito kasalukuyang nakabinbin. Okey ba sa mga

HUSGAHAN NATIN

Atty. Remigio Saladero manggagawa ang Compressed Work Bill na ito na nagbabago sa nakagawian nating EightHour Work? Ang Eight–Hour Work ay matagal nang bahagi ng kasaysayan ng mga manggagawa. Matatandaan na noong simula ng Industrial Revolution, halos lahat ng pabrika sa mundo ay 10 hanggang 16 oras ang trabaho. Nagresulta ito sa matindi at malawakang protesta sa panig ng mga manggagawa. Hiniling nilang maging walong oras ang maximum working time sa isang araw sa lahat ng pabrika.

Maraming kumampi sa mga manggagawa sa labang ito. Isa na rito ang tanyag na Welsh manufacturer na si Robert Owen na nagpauso ng slogang “eight hours labor, eight hours recreation, eight hours rest.” Ang pinakakilalang protesta para maging oras na lamang Jr. walong ang maximum na oras ng trabaho sa isang araw ay naganap sa Haymarket Square sa Chicago noong Mayo 1886. Sa protestang ito, maraming manggagawa ang namatay at marami rin ang hinuli at sinampaan ng kaso. Dahil dito, minungkahi ng International Workingmen’s Assoc-iation na gunitain ito tuwing Mayo 1. Ito ang dahilan kung bakit Mayo 1 ang tinuturing na Labor Day ng maraming bansa, kasama na ang Pilipinas, Makikita na ang eighthour working time ay nakakawing sa Mayo Uno at matagal nang bahagi ng ating kasaysayan.

Malinaw na ang panukalang Compressed Work Week na ito’y hindi nakakabuti sa kalagayan ng mga manggagawa.

Oo nga at maraming tumataligsa dito dahil di umano, ito ay outmoded na at dapat ng baguhin. Pero ang pagbabago na kanilang hinihiling ay upang lalong mabawasan ang 8 oras na ito, hindi upang ito ay habaan. Sa Sweden, halimbawa, maraming kompanya ang nagpapatupad ng anim na oras na maximum working hours per day sa kanilang manggagawa. Sa maraming service center ng Toyota sa ibang bansa, 6 na oras na rin ang maximum working time bawat araw. Ayon sa mga nasabing kompanya, ito ay nakapagdulot ng mas masaya at kuntentong mga staff at mas mababang turnover rate. Ayon sa may mga panukala ng HB 6152, ito ay naglalayong maisulong ang labor productivity at work efficiency. Ngunit ayon sa mga pagaaral na ginawa sa mga karatig na bansa, ang pagtatrabaho sa pabrika o opisina nang napakatagal o mahigit sa 8 oras ay nagpapataas ng posibilidad, mga 40 to 80 % na magkakaroon ang isang empleyado ng heart disease. Ito ay sa dahilang ang labis na pagtatrabaho ay nagdudulot ng psychological stress. Malinaw na ang panukalang Compressed Work Week na ito ay hindi nakakabuti sa kalagayan ng mga manggagawa. Hindi pa huli upang labanan ito. PW

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, Mykel Andrada, JL Burgos, Tarik Garcia, Marjo Malubay, Jaze Marco, Sid Natividad, Gabby Pancho, Soliman A. Santos, Lukan Villanueva Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), J Luis Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | MARSO 11, 2018

Inilatag ng Ibon ang mga dapat gawin para tunay na imodernisa ang sistema ng transport sa bansa. Ni Sherna Tesara

M

Mass transport sa Pilipinas: May pag-asa

ay malinaw na alternatibo sa kasalukuyang programang “modernisasyon” ng gobyerno sa sektor ng transport. At hindi ito nangangahulugan ng pagkait ng kabuhayan sa daan-daanlibong tsuper at operator ng jeepney at kaanak nila.

KR GUDA

Inilatag kamakailan ng Ibon Foundation ang resulta ng kanilang pag-aaral tungkol sa modernisasyon ng transportasyon sa Pilipinas sa unang People’s Transport Conference noong Pebrero 28 sa UP Diliman. Bahagi ng resulta: ang pagpapaunlad ng sistema ng pampublikong transport na hindi ipinapasa sa malalaking kompanya ang paggawa o pagpapatakbo. Kinondena ng Ibon na patuloy na nagbubukas ang sektor ng transportasyon sa mga pribadong organisasyon at nagreresulta ng kakulangan sa pagbibigay importansya sa mga mananakay. Ayon sa komprehensibong pag-aaral na inilathala ng Ibon sa librong Mass Trasportation System in Metro Manila and the Quest for Sustainability, ang mga polisiya ng gobyerno ay nagresulta sa isang “pribatisado, indibidwalisado at nakapokus-sa-pribadongsasakyan” na sistema ng transportasyon. Maliban dito, ibinahagi rin nila ang mga estadistika na nagsasabing 72 porsiyento ng trapiko sa daan ay mula sa pribadong mga sasakyan.

Tanging anim na porsiyento lang rin ng mga komyuter ang gumagamit ng pampublikong transportasyong gaya ng mga dyip at bus, higit na mas mababa sa 20 hanggang 40 porsiyento na benchmark para sa mga kalunsuran. Kanila ring pinuna ang pagsasapribado ng mga tren, at di lang mahal para sa karamihan ng komyuter, kundi nakatuon lang sa Luzon. Ayon kay Rosario Bella Guzman in Ibon, inilalantad ng pag-aaral na kanilang ginawa na ang masaklap at lumang sistema ng transportasyon ay isang sintomas ng paurong at dipaunlad na ekonomiya. Sinabi rin ni Guzman na laman rin ng libro ang mga mungkahi para sa isang sustenableng sistema ng pampublikong transportasyon na maaaring gamitin ng anumang gobyernong tunay na nais isaalang-alang ang interes ng bayan at mga

mamamayan. Malugod na tinanggap ng iba’t ibang organisasyon ang mga resulta ng pag-aaral ng Ibon at mga mungkahi para sa tunay na modernisasyon ng transportasyon. Kasama ang mga representante ng iba’t ibang organisasyon tulad ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), No To Jeepney Phaseout Coalition, Advocates of Science and Technology for the People (Agham), United Filipino Consumers and Commuters at Samahan at Ugnayan ng mga Konsumer para sa Ikauunlad ng Bayan (SUKI). “Walang moderno sa pageetsapuwera sa mahihirap,” puna ni Donna Miranda ng SUKI. Ayon kay Teddy Casiño ng Bayan, dapat mas malaki ang maging papel ng gobyerno sa paglinang ng mass transportation. “Hindi puwedeng manatili

(ito) sa kamay ng malalaking pribadong korporasyon na talagang pagkakakitaan at gagatasan lang ang ating mga komyuter,” ani Casiño. Tinututulan ng maraming grupo ng mga tsuper at operator sa panunguna ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o Piston ang programang “modernisasyon” ng mga jeepney. Para sa kanila, nangangahulugan ito ng pagkawala ng kanilang mga kabuhayan dahil sa di-bababa sa P1 Milyong kailangang gastusin para sa pagkumbert ng kanilang mga jeepney tungo sa “Euro-4” na makina o kaya pagbili ng e-jeepney kapalit ng luma nilang sasakyan. Nangangahulugan din umano ito ng monopolisasyon ng sistema ng transport ng iilang malalaking kompanya. Sa mga mananakay, nangangahulugan umano ang “modernisasyong” ito ng pagtaas ng singil sa pasahe. PW


4

PINOY PINOY WEEKLY | MARSO 11, 2018WEEKLY |

SURING BALITA

Pekeng demokrasya. Pekeng pangako. Ngayon naman, pekeng krisis sa bigas—na nakakaapekto sa ating lahat na kumakain ng bigas. Ni Abie Aliño

“M

Pangamba sa suplay

Sa pagpasok pa lang ng Pebrero, mismong administrador ng NFA na si Jason Aquino ang nagbalita: tatagal na lang ng dalawang araw ang stock ng kanilang bigas. Anila, hindi na nila maaaring dalhin pa ang natitirang bigas sa mga pamilihan. Nakapondo na ito para sa mga biktima ng kalamidad. Nagdulot ng pangamba ang pahayag ng NFA sa mga tulad ni Aling Gina at mga nasa sektor ng agrikultura. Sa katunayan, agad na tinungo ng grupong Bantay Bigas ang Nepa Q Mart upang magkaroon ng inisyal na imbetigasyon. Dito napag-alaman nila na patapos pa lang ang buwan ng Enero, wala nang suply ng NFA ang dumarating sa kanila. “Sinabi mismo ng retailer na Enero 22 pa lang, wala nang maidedeliber sa kanina na NFA rice,” ani Cathy Estavillo,

BANTAY BIGAS

Kuwento ito ni Aling Gina, 45, maybahay ng isang manggagawa, mula sa Montalban, Rizal. Katulad niya ang halos lahat ng Pilipino na tinuturing na staple food o pang-araw-araw na pagkain ang kanin. Ito ang pangunahing pagkain ng nasa 85 porisyento ng mga mamamayang Pilipino. At halos kalahati ng sinasahod ng isang manggagawang Pilipino, sa pagkain, kabilang ang bigas, napupunta. Pero sa panahon ng pagtaas ng pangungahing mga bilihin dahil sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train), lumabas ang balita mula sa National Food Authority (NFA) na kulang na ang kanilang suplay ng murang NFA Rice.

tagapagsalita ng Bantay Bigas. Mula pa noong nakaraang buwan, ayon sa Bantay Bigas, wala nang mabiling bigas na nagkakahalaga ng P27 at P32 kada kilo na siyang pangunahing binibili ng maraming mamamayang Pilipino. Kaya’t marami sa mga konsiyumer ang napipilitang bumili ng commercial rice sa presyong P40 kada kilo pataas. Inilinaw ni Sec. Leoncio “Jun” Evasco, NFA council chair, na hindi pa kailangang umangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Paparating pa lang umano noong Pebrero ang humigitkumulang 325,000 metrong tonelada ng bigas mula sa Maximum Average Volume (MAV) o ‘yung bigas na hindi pa natin naaangkat noong 2017 na alokasyon. Dahil doon, umalma ang mga magsasaka at Bantay Bigas. Dahil kasabay ng pagdating ng inangkat na mga bigas ang anihan ng mga magsasaka, partikular sa Gitnang Luzon, Isabela at ilang probinsiyang nagpoprodyus ng tone-toneladang bigas na siyang dapat na bumubuno sa pangangailangan sa bigas ng maraming Pilipino. Para sa mga magsasaka at ng Bantay Bigas, artipisyal lang ang sinasabing kakulagan sa bigas. Ang iskemang ito na ginagawa ng gobyerno, na dapat tumutugon sa pangangailangan ng Pilipino sa krisis sa pagkain, ay may layuning magbukas lang sa mas maraming oportunidad ng pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

SHERNIELYN DELA CRUZ

ahirap ang walang bigas. May lima akong anak. Bigas ang panlaman namin sa aming tiyan. Lugaw man yan o kanin. Kahit asin lang ang ulam.”

Pasakit ng importasyon

Di magagamot ang krisis sa bigas sa

Paglal

sa pekeng kr

pamamagitan ng pagbibigay ng maling reseta. Sa madaling sabi, ang kasalukuyang “artificial rice shortage” ay hindi magagamot ng pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa tulad ng Thailand at Vietnam. Higit kumulang 805,000 tonelada ang kabuuang inaangkat ng gobyerno ngayong taon. May daanlibong tonelada na ang naiangkat na dumating sa bansa ngayon taon. Ang iba pang natitirang tonelada’y para naman sa Agosto. Bukod pa rito ang ang 250,000 metric tons na inaprubahan ni Duterte na para rin sa pag-angkat ng bigas. Sa ganitong paraan, parehong konsiyumer at magsasaka ang papatayin ng sistemang importasyon. Kung magpapatuloy ang pag-angkat, ang kasalukuyang presyo ng commercial rice na


| MARSO 11, 2018WEEKLY | MARSO 11, 2018 PINOY

lantad

risis sa bigas

P38-P50 kada kilo ay maaari pang pumalo sa mas mataas pang presyo. “Kaming mga maralita ang isa sa unang maaapektuhan ang kalagayan ng pagtaas [sa presyo] ng bigas. Una, wala kaming sahod na nakabubuhay. Kung tindera ka at P100 ang tubo mo, wala ka nang ibibigay na pambaon sa anak mo dahil mapupunta na lahat sa bigas at hindi pa kasama ang ulam,” paliwanag ni Estrelieta “Inday” Bagasbas, tagapagsalita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Sa hanay naman ng mga magsasaka, sa ganitong patakaran, magpapatuloy din ang pagbagsak ng presyo ng palay sa mga probinsiya. Maaaring gamitin na dahilan ito ng mga asendero, panginoong maylupa at trader para baratin ang presyo ng palay na inani ng mga magsasaka. Maaari itong

SURING BALITA 5 SURING-BALmagbunga ng pagkalugi at pagkabaon ng mga magsasaka sa utang na maaari ring mag-ugat sa pagkawala nito ng lupang sinasaka. Sa pagpasok ng Hunyo ngayong taon, tatanggalin na ang quantitative restrictions o iyong paghihigpit sa bilang ng mga pumpapasok na produkto mula sa iba’t ibang bansa sa Pilipinas. At taliwas sa sinasabi ng gobyerno na ang taripa o buwis mula sa inaangkat na mga produkto ay magbibigay ginhawa sa ekonomiya ng bansa, ang pagpasailalim ng Pilipinas sa World Trade Organization-Agreement on Agriculture (WTO-AoA) ay nagtatanggal sa lahat ng subsidyo at suporta para sa pagpapaunlad ng rural economy. Isa pa sa iniuutos ng WTO-AoA ang pagbawas sa nakalaang badyet o subsidyo ng mga produktong pang-agrikultura. (Dominado ng US at iba pang imperyalistang bansa ang WTO. Sa pangkalahatan, ang mga bansang ito ang nagtatakda sa direksiyon ng mga polisiya sa ekonomiya na ipinapataw sa mahihirap na mga bansa tulad ng Pilipinas.) Dahil dito at sa marami pang dahilan, nanawagan ang progresibong mga grupo na kumalas na ang gobyerno ng Pilipinas sa WTO. “Dalawampu’t dalawang taon matapos pumasok tayo sa WTO, walang natitira sa atin. Wala tayong matinong imprastraktura para palaguin natin ang ating agrikultura,” ani Feny Cosico, pangkalahatang kalihim ng Agham.

Solusyon Dalawa ang nakikitang dahilan ng Ibon Foundation sa krisis sa bigas. Una, ang pagtigil sa panghihimasok ng WTO sa bansa. Pangalawa, ang pagtigil sa deregulasyon at pribatisasyon ng NFA. At upang arestuhin ang krisis sa bigas, ayon sa sektor ng agrikultura, walang ibang solusyon kundi ang pagpapalakas sa lokal na industriya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Nararapat ding pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang maigting na pagpapatupad ng suportang serbisyo sa mga magsasaka tulad ng libreng irigasyon, binhi at ilan pang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim. Ang pagbili ng gobyerno sa inaning palay ng mga magsasaka sa tamang presyo nang sa gayo’y maiwasan ang pagsasamantala sa kanila ng malalaking rice traders na siyang kumokontrol at nagtatakda sa suplay at presyo ng bigas na pinapasan ng kapwa magsasaka at mamimili. At ang huli ay ang mapangahas na pagkalas sa WTO at itigil ang libreralisasyon sa agrikultura upang ganap na maisulong ang interes ng mga magsasaka at mamamayan. Kung ipapatupad ng gobyerno ang mga mungkahing ito, mapapasakamay na sa ordinaryong mga mamamyan tulad ni Aling Gina, Inday, at iba pa, ang sapat ligtas at murang pagkain sa bansa. PW

Kinondena ng sektor sa agrikultura na pinangungunahan ng Bantay Bigas ang ‘artipisyal’ na rice shortage na pinapalabas ng NFA. Pinapanawagan din ng grupo na itigil na ang importasyon at pagtuunan ang pagpapalakas sa lokal na industriya ng bigas. ABIE ALINO


PINOY WEEKLY | MARSO 11, 2018

6 BALITA ALTERNATIBONG BALITA

Kalahating milyong Pilipino, nawalan ng trabaho noong 2017

Nasa mahigit kalahating milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Base sa report ng Ibon Foundation, ito na ang pinakamalaking pagbagsak sa bilang ng trabaho sa Pilipinas simula noong 1997 Asia Financial Crisis. Nasa 40.3 milyong Pilipino na lang ang may kasalukuyang may trabaho.

Biktima ng martial law sa Mindanao, nagsampa ng kaso

Nagsampa ng kaso sa Commission on Human Rights (CHR) ang dalawang minero mula sa Tagum City na dinukot at umano’y sinubukang sunugin nang buhay ng militar matapos mapagbintangang rebelde. Sa isinagawang Mindanao Human Rights Summit, lumantad din ang ibat ibang kaso ng paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga lumad at moro ng Marawi. Nanawagan ang mga personahe mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na itigil na ang batas militar.

Mass application para sa pabahay, isinagawa ng mga homeless

Nagsumite sa Malakanyang ng mga aplikasyon para sa pabahay ang mga homeless mula Caloocan at Tondo. Sa pangunguna ng Kadamay, nagsagawa ang mga maralita noong Marso 5 ng pambansang aplikasyon para sa pamamahagi ng mahigit isang daang libong tiwangwang na pabahay, alisunod sa Senate Resolution no. 8.

KASANGGA NI CJ. Nagsagawa ng kilos-protesta noong Marso 6 sa tarangkahan ng Kongreso ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Coalition for Justic at Movement Against Tyranny upang ipakita ang pagsuporta kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban sa ilang aksyon ng administrasyong Duterte at ilang mga huwes ng Korte Suprema para sa tuluyang pagpapatalsik sa nasabing mahistrado. Bitbit din ng mga sektor ang panawagang palakasin pa paglaban sa ANGELICA MERILLO patuloy na pag-iral ng tiranya sa bansa

(KONTRA)BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

NUPL, nakiisa kay CJ Sereno

Sinuportahan ng National Union of People’s Lawyer (NUPL ) si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nilinaw na hindi siya magre-resign sa kabila ng pressure mula sa administrasyong Duterte at mga kapwa huwes sa Korte Suprema. Ayon sa NUPL, walang ligal na batayan ang forced leave of absence ni Sereno at nagpapakita ng kawalan ng panggalang umano ng Supreme Court justices sa Konstitusyon.

Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ipinagdiwang

Nagkasa ang kababaihan ng iba’t ibang pagkilos sa mga komunidad bilang bahagi sa pagdiriwang at protesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Kabilang sa mga lumahok sa malakihang protesta noong Marso 8 ay mga kababaihang kontraktwal na dismayado sa kabiguan ng pangulo na wakasan ang endo at kontraktuwalisasyon dahil sa pagkiling nito sa mga kapitalista gaya ni Henry Sy.

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast! Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube! facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

REHIMEN NG PEKE. Kung mahilig si Pangulong Duterte sa mga pahayag niyang babaligtarin rin niya kinalaunan, napapaligiran din siya ng mga taong nagpapalaganap ng mga pekeng balita - at proud pa sila dito.Kasama dito sina Sass Sasot, Mocha Uson, at RJ Nieto, mga (dapat hindi na) kilalang personahe laluna sa social media kung saan laganap ang pekeng balita. Wala sa drowing (pero dapat kasama) si Harry Roque.


SAMUT SARI 7

PINOY WEEKLY | MARSO 11, 2018

T

Luyang dilaw para sa kalusugan

ni Darius Galang

inaguriang “Queen of spices” o reyna ng mga sangkap ang turmeric o luyang dilaw dahil sa mala-paminta nitong lasa. Ngunit may mga bentahe rin para sa kalusugan ang pampalasa, kaya popular itong halamang gamot hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa. Narito ang ilan sa benepisyo ng luyang dilaw sa kalusugan. • Iwas-prostate cancer - maaaring makatulong ang luyang dilaw sa pag-iwas sa prostate cancer sa pamamagitan ng pagpigil ng pagtubo ng kanser sa prostate. Kaya din nitong tuluyang patayin ang mga cancer cells. • Gamot sa arthritis - may kakayahang magpabawas ng pamamaga ang luyang dilaw kaya maaari nitong labanan ang pananakit dala ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Kayang puksain ng luyang dilaw ang mga free radicals sa katawan na siyang sumisira sa malulusog na mga cells. • Nakapagpapababa ng kolesterol May mga pag-aaral na nagpapakita na nakababawas sa kolesterol sa katawan ang pagkonsumo ng luyang

dilaw. Makakaiwas sa sakit sa puso at highblood sa pamamagitan ng pagpapanatili ng wastong dami ng kolesterol sa katawan. • Diabetes - may kakayahan ang luyang dilaw na balansehin ang insulin sa katawan. Ang pag-inom ng luyang dilaw ay dagdag tulong sa katawan na makaiwas sa insulin resistance na maaaring maging sanhi ng Type-2 diabetes. • Pampalakas ng immune systemmay taglay na lipopolysaccharide ng luyang dilaw, na nakakatulong na i-stimulate ang immune system ng katawan. Ang mga sangkap ng halamang gamot na ito ay kilalang pamatay-mikrobyo, upang matulungan ang immune system ng katawan.. • Pampagaling ng sugat - nagtataglay ng natural na antiseptic at antibacterial agent ang luyang dilaw, at mabisang gamitin bilang disinfectant. Pwedeng ibudbod ang turmeric powder sa sugat para bumilis ang paggaling nito. Dagdag pa, nakatutulong din ang luyang dilaw sa pagsasaayos ng nasirang balat. Kaya mapa-lutuin man o naprosesong pulbura, simulang ugallin ang paggamit ng turmeric o luyang dilaw. PW

ANG TARAY!

Kung may talent kayo, ’yun ang ipakita niyo sa ’min dahil talent ang hinahanap namin dito, hindi katawan.... Masyado ako nagmamalasakit para sa inyo para i-go ko ’to at patuloy kayong panoorin ng mga kalalakihan na ginagawa iyan. Puna ni Angel Locsin, sa ginawang halos-hubad na pagsayaw ng apat na kababaihan sa isang talent show.

KILITING DIWA

Makasaysayang away Bro: Repa, potek. Nag-away kami ng GF. Grabe sha, nag-historical sha, repa. Repa: Historical talaga bro? Baka hysterical. Bro: Hindi repa. Seryoso. Historical. Inungkat nya lahat ng kasalanan ko mula simula. *** Tanong: Saan nagtago si Asiong?

Sagot: Sa lungga.

*** Tanong: Anong baril ang gagamitin mo kung gusto mo makipag-bati sa utol mo? Sagot: Pistol. *** Tanong: Paano kumatok ang tokwa? Sagot: Tofu... Tofu...

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

Hapon, may programa sa Pilipinas

A

lam n’yo ba na nagtatag ang mga Japanese (Hapon) ng paaralan sa pagsasanay para sa pulisya at burukrasya para palakasin ang kampanyang kontrol sa mga institusyong panlipunan ng Pilipinas? Noong Mayo 1942, itinatag ang Constabulary Training Academy na nagbibigay ng tatlong buwang programa sa pagsasanay para sa mga sundalo ng Konstabularya upang pagbutihin ang kanilang pagmamantine ng batas-kaayusan. Itinatag ang programang ito sa pagsasanay upang lumikha ng lokal na puwersang magagamit ng Hapon para pigilin ang lahat ng kilusan laban sa kanilang rehimen. Tulad ng mga Amerikanong nauna sa kanila, itinuring din ng Hapon ang mga gerilya bilang bandido. Ang burukrasya ay nasakop ng bagong edukasyon. Nagtatag din ng Government Training Institute at dito ipinadadala ang mga piling opisyal ng pamahalaan at empleyado para sa maiikl;ing kursong naglalayong gawin silang higit na karapatdapat sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa ilalaim ng New Order. PW


KULTURA

Sagot ng isang guro sa eskuwelahang Lumad sa bagong teleseryeng ‘Bagani’ sa Dos. Ni Kenneth Cadiang

Pinekeng ‘Bagani’

B

agani teleserye? Haayy. May mahabang kasaysayan ang Bagani at Magahat, at may mahabang kasaysayan na rin ito ng pangwawalang-hiya dito ng militar. Mainstream media naman ngayon. Ang Bagani ay tribal warriors, defense system ng mga tribo noong may tribal wars pa. Nag-aagawan ng lupa, Manobo laban sa Mamanwa o iba pang tribo. Pero umabot ang panahon na nagkaroon na ng ‘Tampuda’ (peace pact) ang mga Manobo at Mamanwa, tulad ng ‘Diyande’ para sa mga B’laan at Bagobo. Nagkaisa ang mga tribo na itigil na ang lahat ng porma ng tribal wars. Lalo pa itong umigting sa panahong nakita nila na iisang kalaban nila ang malalaking dayuhang kompanya ng mina, dams, at plantasyon na nagpapaalis sa kanila sa kanilang lupa at pumapatay sa kanilang mga datu na tumututol. Ang Magahat naman ay ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng tribo sa pangunguna ng datu o tribal leader. Pero binabastos ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayon. Ginamit ang Magahat at Bagani para ipangalan sa mga grupong paramilitar nila. Inarmasan at sinanay nila ang mga iilang narekrut na Lumad para pumatay ng kapwa Lumad.

Sa totoo lang, maririnig ngayon ang matatandang Lumad na tumatanggi sa paggamit ng Magahat at Bagani para tukuyin ang mga grupong paramilitar. Dahil para sa kanila, sagrado ang Magahat at Bagani, at bahagi ng kanilang kasaysayan. Pero, binastos na nga ng AFP ang kultura, hinati-hati ang mga Lumad para mas madaling makapasok ang mina at plantasyon. Sa kabila nito, bigo ang AFP, dahil nananatiling matatag ang paninindigan at organisasyon ng mga Lumad. Sa paggamit ngayon sa midya ng mga katawagang ito, ang mga Bagani at Magahat ay mga tuta ng AFP, marahas na pumapatay, nagnanakaw at binibinyagang “datu” ng National Commission on the Indigenous People (NCIP) para papirmahin ng mining contracts na hindi naman pinayagan ng mga komunidad ng mga Lumad. Kaya tinuturing nating pambabalahura muli sa kulturang Lumad ang teleseryeng Bagani. Sa tweets ni Liza Soberano, dinepensahan niya ang pagganap sa naturang teleserye. Bilang sagot sa mga akusasyong hindi siya Pilipino para gumanap ng isang katutubo, sinabi ni Liza na kumakain naman siya ng sinigang. Sumagot

din ang isang manunulat ng Bagani sa Twitter, hindi naman daw halaw sa totoong buhay ang teleserye. Sa totoo lang, sinasalamin ng tweets na ito ang pagtingin ng burgis na kultura sa kasaysayan ng mga Lumad, pagiging invisible ng mga katutubo sa mga teksbuk at ang mukha ng mga katutubo sa mainstream media: nangingibabaw ang exoticism o pagpapakitang kakaiba ang kulturang katutubo. Walang pulitika ang teleserye at itinatatago nito ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Lumad. Masasalamin sa kamalayan ni Liza Soberano na ang pagtingin sa pagkaPilipino ay bilang pagtangkilik lang sa lutong Pinoy. Bukod sa pagtangkilik niya sa sinigang, sana mahal din niya ang mga nasa likod ng salitang Bagani, ang pakikibaka nila. Kailangang sagutin ang manunulat: ang mapagpalayang sining ay sumasalamin sa tunay na nangyayari sa lipunan. Ang ‘fantasy universe’ ay lalo lang dumadagdag sa kawalan ng kaalaman ng mga Pilipino sa sarili nating kasaysayan. Hindi matamis kundi mapait ang katotohanan sa likod ng salitang Bagani. Lumabas tayo sa pantasya natin. Puwede nating gamitin ang media para makatulong sa pagpapalaya ng bayan mula sa pagkakait sa atin ng sarili nating kasaysayan. PW


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.