Kaunlaran sa San Roque? Pahina 2
Inhustisya Harana Pekeng ‘terrorist’nglist sa empleyado pag-asa 3 ng BPO at pag-alsa Pahina 3 Pahina 4 8 Q&A Juliet de Lima
Peste sa pesante 5 TOMO 16 16 ISYU TOMO ISYU 02 06
1818PEBRERO 2018 MARSO 2018
Bigo sa Palaruan sa butas na paderpabahay ng Katuparan Sa palaruan ng mga bata na dating katayan na ngayo’y ginagawang at ngayon, itinuturing ring negosyo at hindi sabungan,Noon inasinta ng isang pulis sipaIlong, at binaril. karapatan ng mga ang pagkakaroon ng Sundan sa mamamayan pahina 6
tahanan. Sundan sa pahina 4
Okupadong pabahay ng mga miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan. Butas mula sa pader ng Katuparan, Vitas, Tondo
SHERNIELYN DELA CRUZ KR GUDA
2
OPINYON
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018
Panunupil sa kilusang paggawa, pinasasahol ng pasistang rehimeng Duterte
S
umasahol ang panunupil sa mga batayang karapatan nating mga manggagawa. Sa ilalim ng rehimeng Duterte, nagpapatuloy ang kontraktwalisasyon, kawalan ng pambansang minimum na sahod, at paglapastangan sa karapatang pangmanggagawa at pantao.
TINDIG OBRERO
ELMER “KA BONG” LABOG
Sa ganitong kalagayan, lantad na ang pasista at tiranong mukha ng rehimeng Duterte. Harap-harapan nang binabandera ni Duterte ang kanyang pagpanig sa mga kapitalista at ibang naghaharing-uri sa Pilipinas, kaya’t binalewala ang mga dati niyang pangako na itataguyod ang karapatan ng mga manggagawa. Sa halip, pinatitindi niya ang pasistang atake upang pigilan ang mga manggagawa na mag-organisa. Dalawang taon pa lang mula ng maluklok si Duterte sa kapangyarihan, subalit dinaig na niya ang mga nagdaang mga pasista at diktador na rehimen — tulad nina Marcos, Arroyo at Aquino — sa naitalang rekord ng mga pinatay, dinakip, tinortyur, at ikinulong na mga unyonista, lider manggagawa at mga tagapagsulong ng
karapatan sa paggawa. Sa kasalukuyan, nasasaksihan natin ang malawak at marahas na kampanya upang durugin ang lahat ng tumataliwas sa rehimeng Duterte. Sa hanay ng mga manggagawa at unyonista, 28 na ang pinaslang mula 2016. Karamihan dito ay mga lider manggagawa sa mga plantasyon sa rehiyon ng Southern Mindanao. Ginagamit ang Martial Law upang hadlangan ang karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa at magunyon. Binabansagang terorista ang
mga manggagawang lider at unyonista, o di kaya’y inaakusahan na sangkot sa giyera kontra sa droga. Noong ika-31 ng Enero, dinakip si Rafael “Ka Raffy” Baylosis, peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at senior advisory council member ng Kilusang Mayo Uno. Ang ilegal na pagaresto sa kanya ay bahagi ng crackdown ni Duterte sa mga nambabatikos sa kanya. Dinukot at iligal na kinulong naman si Marklen Maojo Maga, organisador ng PISTON, noong ika-21 ng Pebrero. Ipinapakita ng pag-aresto kina Ka Maojo at Ka Raffy na kinikilala at determinadong pigilan ni Duterte ang kolektibong lakas ng mga manggagawang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Tungkulin ngayon ng kilusang paggawa na tumindig at malakas na labanan ang mga pakana ng rehimeng Duterte na itatag ang kanyang pasistang diktadura. Sa panahon ng papatinding pasistang atake sa ating mga karapatan, kailangang tapatan natin ito ng papalakas, papalawak at papalalim na Kilusang masa ng mga manggagawa upang labanan at biguin ang pasistang rehimeng Duterte. PW
Dalawang taon pa lang mula ng maluklok
si Duterte sa kapangyarihan, subalit dinaig na niya ang mga nagdaang mga pasista at diktador na rehimen — tulad nina Marcos, Arroyo at Aquino
EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
LATHALAIN 3
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018
Anumang pagbabansag ng rehimeng Duterte sa mga aktibista, magpapatuloy ang paggiit ng karapatang pantao. Ni Darius Galang sa mga nagtatanggol
H
indi terorista ang aktibista.
Ito ang sagot ng mga grupong progresibo sa listahan ng Department of Justice (DOJ) na nagaakusa sa 656 indibidwal na “terorista”. Idinidikit ang mga pangalan nila sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Bahagi ito ng plano ni Pangulong Duterte na bansagang “terorista” ang naturang mga grupo sa ilalim ng Human Security Act. Naghihintay na lang sila ng desisyon ng RTC Branch 19 upang maging legal ang bansag na ito. Pero ayon sa mga liderprogresibo na nakakita sa naturang listahan, malinaw na walang terorista sa mga ito. Sa kabilang banda, marami sa mga nasa lista ay mga aktibista,
negosyador pangkapayapaan, at tagapagtanggol ng karapatang pantao. Isa si dating Rep. Satur Ocampo sa isinama sa listahan. “Hindi ako terorista, at hindi kailanman magiging isa,” aniya. Kasama niya ang ilang negosyador pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines tulad nina Jose Maria Sison at Coni Ledesma, at mga konsultant nito tulad nina Benito Tiamzon at Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, at iba pa. Maging ang ilan pang namatay na ay pinangalanan sa listahan tulad ni Camille Manangan, dating lider ng Gabriela-Youth na nasawi sa Batangas noong Nobyembre 2017. Kasama rin sina Windel Bolinget ng Cordillera People’s Alliance (CPA); Joan Carling
KENNETH GUDA
Aktibismo, di terorismo
co-convenor ng Indigenous Peoples Major Group for the Sustainable Development Goals; Atty. Jose Molintas, dating kinatawan ng Asya sa UN Expert Mechanism on the Rights of Indigenous Peoples; Janet Ribaya-Cawiding, dating tagapangulo ng CPA; Beverly Longid, kasalukuyang global coordinator ng International Indigenous People’s Movement for Self-Determination and Liberation; Sherwin de Vera ng Safe the Abra River Movement at kolumnista sa Northern Dispatch; at marami pang iba. Kasama pa sa listahan si Vicky Tauli-Corpuz, UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous People. Nasa listahan din ang ilang lider-katutubo sa Mindanao. Kaya atake ito
ng karapatang ng mga katutubo kontra sa malalaking negosyo at panginoong maylupa na umaangkin ng lupa at yaman nito, ayon sa Indigenous People’s Movement for Self-Determination and Liberation. May malinaw ding implikasyon ang pagbabansag na ito sa usapang pangkapayapaan. Ayon sa NDFP, ibig sabihin ng proscription na ito’y ang mga pangalan sa listahan ay mga terorista, at kung anuman ang kanilang ginagawa’y akto ng terorismo. Ibig sabihin, tuluyan nang tinalikuran ni Duterte ang usapang pangkapayapaan. Para sa mga liderprogresibo, napakamalisyoso, walang basehan at may intensiyong mangharas ang listahang ito. “Nakakatawa, dahil ang burden of proof ay nasa mga akusado,” ani Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Malinaw umanong itinuturing ng rehimeng Duterte na terorismo ang paggiit ng mga mamamayan ng kanilang karapatan. Dahil sa mga atake nito sa karapatan ng mga mamamayan, si Duterte pa umano ang numero unong terorista sa kanyang paglabag ng karapatang pantao. “Hindi kami natatakot, hindi ngayon, hindi bukas, hindi kailanman,” ani Elisa Tita Lubi, tagapagtanggol ng karapatang pantao. Aniya, magpapatuloy ang paggiit ng karapatan ng mga mamamayan—anuman ang pagbabanta ng rehimeng ito. PW
4
PANAYAM
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018
Hinggil sa panukalang mga repormang panlipunan at pangekonomiya na hapag sana ng rebolusyonaryong kilusan sa usapang pangkapayapaan. PW Reportorial Team
Juliet de Lima, hinggil sa NDFP draft Caser
Kung natuloy sana ang ikalimang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rehimeng Duterte at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), posibleng ngayon sana’y pagpapatupad na ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser) ang tinatrabaho ng magkabilang panig. Ano ang laman sana ng burador ng Caser na inihain ng NDFP? Bakit maituturing na napakalaking nasayang na oportunidad ng rehimeng Duterte ang di-paglagda rito? Wala na bang pag-asang bumalik sa negosasyon ang rehimen? Ito at iba pa ang tinanong ng Pinoy Weekly kay Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms (RWC-SER). Pinoy Weekly (PW): Sa pagkakaintindi namin, nilalaman ng panukalang Caser ang programa o plataporma para sa pagrereporma ng istruktura ng ekonomiya ng bansa– iyung klase ng programa na magbibigay ng kaginhawaan sa mayorya ng mga mamamayang naghihirap. Ano po ang naging prosesong isinagawa ng mga konsultant at kinatawan ng NDFP para makakuha ng input mula sa iba’t ibang sektor ng bansa? Anu-anong mga grupo, sektor, o industriya ang kinausap ninyo? Juliet de Lima (JL): Totoong magbibigay ng kaginhawaan sa mayorya ng mga mamamayang naghihirap ang katuparan ng mga panukala sa NDF Caser. Para buuin ang mga panukalang ito, ang mga kinatawan ng NDFP na naimbuwelto sa pagbubuo ng mga panukalang reporma ay nagsimula sa pagrepaso sa revolutionary literature ng kilusan magmula pa nang mabuo ang national consciousness ng sambayanang
Pilipino sa takbo ng paglaban sa kolonyalismong Espanyol at US; na sinundan ng mga mananakop na Hapon at muli ng US sa anyo ng neokolonyalista o imperyalista mula 1946 nang kunwa’y idinulot nito ang kasarinlan sa Pilipinas. Sinundan ito ng mga konsultasyon sa mga organisadong puwersa mula sa antas ng mga baryo at kabayanan, mga lalawigan at rehiyon hanggang buong bansa; mga konsultasyon sa mga organisasyon ng mga panggitnang puwersa, akademya at intelektuwal, mga simbahan at religious communities at komentaryo ng mga alyado at mga patriotikong negosyante at may-ari ng mga industriya, mga nongovernmental organization. Kinonsulta rin ang mga organisasyon ng overseas Filipinos sa iba’t ibang bansang kinaroroonan nila. Kinatas namin ang produkto ng mga komentaryo at konsultasyon at isinaalang-alang sa pagbalangkas ng Caser.
PW: Ano ang plano ng NDFP para sa mass transport ng bansa? JL: Sa lahat ng bahagi ng pagpapaunlad ng lahat ng bahagi ng ekonomiya at lipunan, nakasalabid o nakapaloob ang pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang interes o kapakanan ng mahihirap. Kaugnay sa programa para sa mass transport system, naroon ito sa Artikulo 18. Nais ng Caser na magkaroon ng accessible, mahusay at ligtas na mass transport system na abot-kaya ng lahat ng mga manggagawa at pangkaraniwang komyuter. Hindi na papayagan at babaligtarin pa nga ang pribatisasyon at deregulasyon sa sektor ng transport — tren, tollways, mga kalsada, mga tulay, mga daungan at paliparan. Dapat nakalahok ang publiko sa pagbabalangkas ng plano at mismong pagpapatakbo ng mass transport kabilang na rito ang pagtatakda ng abot-kayang pamasahe at pag-aayos ng trapiko.
Nararapat din na magkaroon ng komprehensibong programa para sa panglupa, pandagat at panghimpapawid na paraan ng transport at paglalakbay. Higit sa lahat, dapat na malaki ang maging ambag ng sistema ng transportasyon sa rural development at pambansang industriyalisasyon sa kabuuan. Kung sa kalikasan naman sa pangkalahatan, kinikilala nito ang nangyaring malaking pagkasira sa kalikasan bunga ng pandaramabong sa pambansang likas yaman na gawa ng sabwatang katutubong (domestic) komprador kapitalista at mga dayuhang monopolyo kapitalista, kaya ang malaking bahagi ng mga reporma ay pagharap sa rehabilitasyon at kompensasyon sa mga kapinsalaan sa kalikasan at na nagdudulot din ng kapinsalaan sa kalusugan ng mga mamamayan. Nasa buong Part IV, Upholding People’s Rights, isa sa pinakamahabang bahagi ng Caser ang pagsasaalangalang at pangangalaga sa mga karapatan ng mga uring anakpawis at iba pang uri’t saray ng sambayanan, kabilang ang pagpapalaganap ng patriotiko/makabayan, progresibo at kulturang propeople at ang pagkilala sa ancestral lands at teritoryo ng mga pambansang minorya. Sa lahat ng ito, binibigyandiin natin ang pagpapaunlad ng kamalayan tungkol sa ekolohiya (pagpukaw), organisasyon at pagkilos ng masa para itaguyod, pangalagaan at isulong ang kanilang mga interes. Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org
LATHALAIN 5 LATHALAIN
PINOY WEEKLY| MARSO | MARSO18, 18, 2018 PINOY WEEKLY 2018
Samar: Paglaban sa tagsalat Sinalanta ng peste, pinagbantaan ng mga militar, tumungo ng Kamaynilaan ang mga magsasaka ng Eastern Visayas para magprotesta. Ni Abie Alino
P
este, gutom at militarisasyon. Ito ang mga problemang dinaranas ng mga magsasaka sa Silangang Bisayas sa kanilang mga sakahan. Ang pananalanta ng mga ito ang nagtulak sa mga magsasaka sa pangunguna ng Samahan han Gudti nga Parag-uma – Sinirangan Bisayas (Sagupa), para bagtasin ang katubigan at magtungo sa kalunsuran upang irehistro sa rehimeng Duterte ang dinaranas na hirap sa kanilang lugar. Pebrero 22 nang dumaong sa National Capital Region ang mga magsasaka ng Silangang Bisayas. Peste ang isa sa pangunahing pasanin ng mga magsasaka ng Sagupa. Anila, higit sa P140-Milyong pananim ang sinira ng mga peste na kung tawagi’y bacterial leaf blight (BLB) brown hoppers, cocolisap at black bug or “kumawkumaw” Simula pa taong 2016 ay pinepeste na nito ang malawak na palayan sa probinsya ng Samar. “Kapag ang blight pest ay umatake sa aming palayan, ang mga dahon ng palay ay nagiging brown at ang rice kernels, nagiging pulbos. Ang tanging natitira na lamang sa aming palay ay ipa.” ani
Jun Berino, pangkalahatang kalihim ng Sagupa. Mahirap sa mata ng isang magsasakang tignan na pinepeste ang kanilang palayan subalit mas mahirap sa kanilang pakiramdam nakikitang walang pakialam ang Estado. subalit nang kanilang irehistro ang problema nila sa pinesteng palayan sa Department of Agriculture (DA), pulis ang isinagot sa kanila ng gobyerno na siyang nagpalayas sa kanila. Hindi lang peste at kawalang pake ng gobyerno ang pumatay sa kanilang pananim, maging ang mga nagdaang bagyo na mismong sumentro sa kanila. Mula sa bagyong Yolanda, Seniang, Ruben, Glenda, Nona hanggang sa bagyong Urduja ang sa kanila’y sumalanta. Subalit ang ipinangako at napag-usapang milyun-milyong pondo
sa mga biktima, hindi pa nararamdaman ng maraming nasalanta kabilang ang mga magsasaka. Gutom sa mga mamamayan ng Silangan Bisayas ang naging resulta. Militarisasyon
“Imbes na tulong at rehabilitasyon, militar ang ipinapadala sa amin. “kuwento ni Marissa Cabaljao, tagapagsalita ng People’s Surge. Katulad ng nangyayari sa maraming lugar sa Luzon at Mindanao, talamak din ang nangyayaring militarisasyon sa Kabisayaan. Iba’t ibang klaseng paglabag sa karapatang pantao ang nagaganap dahil sa pagkampo ng militar sa barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar. Kinakampuhan ng 8th Infantry Division ang naturang lugar. Aniya, kaya pinapadala
ang mga militar sa kanilang lugar ay upang kamkamin ang kanilang mga lupa at kunin ang likas na yaman na mayroon ang Rehiyong VIII. Pero kanyang pinagdiinan na hindi sila papayag na makuha ang kanilang lupain at patuloy ang kanilang paglaban sa pagdepensa sa kanilang lupa at karapatan. Dalawang linggong namalagi ang mga magsasaka ng Kabisayaan dito sa NCR. Matapos ang protesta noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, bumalik sila sa kanilang probinsiya ang mga pesante. Sa dalawang linggo, ipinakita nila sa sambayanan na ang pagtatanim ay hindi biro --hindi dahil sa maghapong pagkakayuko, kundi dahil sa pansariling interes ng mga nasa gobyerno at panginoong maylupa na pumepeste at sumasalanta sa kanilang mga pananim. PW
6
SURING BALITA
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018WEEKLY | PINOY
Sa palaruan ng mga bata na dating katayan na ngayo’y ginagawang sabungan, inasinta ng isang pulis si Ilong, at binaril. Ni Kenneth Roland A. Guda at Abie Alino
M
agpapakabata ang mga bata. Maglalaro sila, magtatatakbo, maghaharutan. At kung walang lugar para sa mga ito, maghahanap at maghahanap sila. Sa mga kalsada, saan mang may kaluwagan. Magpapakabata sila. Mahirap maging bata sa Katuparan Tenement Housing sa Vitas, Tondo, Manila. Maputik, marumi at masikip ang mga eskinita, habang mapanganib ang nabubulok nang mga pader at hagdan ng bilding na mga tirahan. Dekada ’90, naging relokasyon ito ng mga maralitang pinaaalis sa iba pang lugar sa Maynila. Pinagigitnaan ito ng dating bundok ng basura, maruming ilog at katayan ng hayop. Sa mahigit dalawang dekada, unti-unti at sadyang binulok ang bilding. Pero dumami ang nakatira. Dumami ang mga bata. Unti-unti na ring gumuguho ang pader sa pagitan ng katayan at Katuparan. Nagkarooon ito ng malalaking butas na kasya ang mga bata. Nakita ng mga residente ang kabila ng bakod: Maluwag, tinitirhan ng mga baka. Sa di-kalayuan, may pinatatayong tirahan ng mga manok-panabong at sabungan (ni Atong Ang, diumano). Nakita ito ng mga bata, at nakahanap sila ng paglalaruan. Dito tumatambay sina
Palaruan sa butas na pader ng Katuparan
Palaruan ng mga bata ng Katuparan
Aldrin, 13. “Ilong” ang bansag sa kanya ng mga kalaro dahil sa lapad ng ilong, pero niyakap na rin niya ang katawagang ito. Dito sila naglalaro, nagsisipa, minsan namumulot ng bakal para maibenta. Sa mga panahong katulad ngayong tag-init, ang paliguan ng mga baka’t kalabaw, naging lubluban na rin ng mga bata. Kapag nakikita ng mga guwardiya, nasisita, hinahabol. Kapag napapadpad na malayo sa pader, hinahabol ng mga tauhan ng slaughterhouse. Minsan, tinitirador. Marso 2, alas-otso ng gabi, tumambay muli sina Ilong sa butas. Bago nito, galing siya ng eskuwela—sa Vicente Lim Elementary School kung saan graduating siya, Grade 6. Kabibili lang niya ng panindang Red Horse sa Building 13. Kalilibre lang niya ng softdrinks sa mga kapatid
dahil nakadelihensiya mula sa pamumulot ng bakal. Nakaupo siya sa gumuhong bahagi ng pader, kaharap ang karimlan ng slaughterhouse. Kasama niya si Nano, 13. Maglalaro sila ng sipa. “May bigla pong nag-flashlight. Bigla po siyang inilawan,” kuwento ni Nano. “At binaril.”
S
a ikatlong palapag ng Building 8, nagpapatulog ng pitong buwang-gulang na apo si Cora. Nakahiga na ang kanyang asawa at naghahanda na ring matulog. Nagulat sila sa putok. Mula sa direksiyon ng pader. “Nabigla siya (asawa) at hindi agad
Sumilip sa kabaong ng labi ng kanyang kapatid si Alvin, 17
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018 MARSO 18, 2018 makatayo,” ani Cora. Kinutuban na siya. Tinulungan niya ang asawa at tiningnan ang pinagmulan ng putok. Mga sampung minuto na ang lumipas. Si Nano na lang ang naabutan niya. Kilala niyang kalaro ito ng kanyang apo, si Ilong. “Naglalaro lang po kami sa butas...” ani Nano. Kinuwento ng kalaro ang nangyari. Naglakad pa si Ilong papunta sa direksiyon ng bahay. Sinabi na niya kina Nano na binaril siya. Pero akala niya, nagbibiro lang si Ilong. Palabiro kasi ito. Nang makarating malapit sa bahay, nandun si Allan, ang tatay niya. Natumba na si Ilong. Hawak niya ang kanang tagiliran, pero lumabas pala ang bala sa kaliwa. Dumurugo rin siya sa kaliwa. Naghanap agad si Allan ng traysikel at tinakbo sa Tondo General Hospital. Nakapagsalita pa si Ilong. “Tay, lalabanan ko ito. Lalaban tayo...” Pagdating nina Cora sa ospital, nandun na si Allan. Nars ang kumausap sa kanila. “Dasal na lang po ang magagawa natin,” sabi sa kanya ng nars. Pinapirmahan ng nars si Allan, dahil ooperahan si Ilong at nauubusan na ng dugo. Wala nang magawa, bumalik silang mag-asawa sa Katuparan. “Sabi ko sa asawa ko, sweetheart, pasok muna tayo sa slaughterhouse,” ani Cora. Gusto niyang makita ang lugar kung saan nabaril ang apo. At baka nandoon pa ang bumaril. Sa loob ng slaughterhouse, naabutan niya ang barangay chairman at ilang taga-barangay. Nandoon na rin ang mga pulis. “Nahalata ko (iyung isang pulis), kasi tagaktak ang (kanyang) pawis,” kuwento ni Cora. Noong dumikit siya sa isang kagawad, biglang lumayo ang pawisang pulis. Binalikan ni Cora si Nano: Nakita mo ba ang namaril? “Naka-mask, tapos naka-t-shirt na puti. Nakapantalon ng pangpulis at naka-belt bag,” sabi ni Nano kay Cora. Hindi naman
SURING BALITA SURING-BAL-
7
nag-uuniporme ang guwardiya na ganoon. Naka-orange ang mga guwardiya. Pulis lang ang nagsusuot ng ganoong t-shirt. Bumalik sila ng bahay. Alasdos y medya ng madaling araw, kumatok si Allan. Wala na raw si Ilong.
U
maga na ng Marso 5 nang mabalitaan nina Allan at Cora na sumuko na ang isang PO2 Omar Malinao sa Homicide Section ng Manila Police District. Umamin daw ito na nabaril niya si Ilong. Aksidente lang daw ang pamamaril. Pero hindi makapaniwala rito sina Cora. Malinaw ang kuwento ni Nano: Inilawan ng flashlight si Ilong, saka binaril. Desidido silang ituloy ang kaso. Nag-alok ang hepe ng ayudang pinansiyal para sa pamilya, pero siniguro muna ni Cora na kung tatanggapin nila ito, hindi ibig sabihi’y iaatras na nila ang kaso. Mahirap magtiwala sa imbestigador na kasamahan din ng akusado. Magmula nang ma-convert ang slaughterhouse para gawing cockpit arena ng diumano’y tagapayo/ kaibigan ni mismong Pangulong Duterte, binabantayan na ng mga pulis ang lugar. Bahagi ito ng plano ng lokal na gobyerno ng Maynila para i-convert ang buong lugar para gawing lugar ng negosyo. Di kalayuan, nagtatayugan ang bagong tatag na mga condominium, tanaw sa bintana ng mga residente ng Katuparan. Tila nangungutya ito sa kanila. Tila nagsasabing wala kayong lugar dito. Umalis kayo. Kapag nagpumilit kayo, kapag nanlaban kayo, malilintikan kayo. Baka mabaril kayo. Ilang araw matapos ang pamamaril kay Ilong, bumalik ang mga bata sa butas na pader, sa malawak na lugar ng slaughterhouse. Maghahanap at maghahanap sila ng lugar na paglalaruan. Magpapakabata pa rin sila. PW
Itaas: Cora at isa sa mga apo niya. Ibaba: Nakita ng mga bata ang marka ng dalawang palad sa beam na natira sa gumuhong bahagi ng pader. “Ngayon lang namin ito nakita,” sabi ng isa. “Parang dugo. Parang kamay ni Ilong.” Ilalim: Patuloy ang paglalaro ng mga bata sa dating slaughterhouse. MGA KUHA NINA KENNETH GUDA AT ABIE ALIÑO
88
PINOY 2018 PINOYWEEKLY WEEKLY| |MARSO MARSO 18, 2018
LATHALAIN
PANAYAM MULA SA PAHINA 4
Pagbibigay-pugay sa lider-manggagawa na namuno sa laban ng mga manggagawang kontraktuwal. Ni Teo S. Marasigan
P
ara sa maraming manggagawa at maka-manggagawa, malungkot na balita ang pagkamatay ni Rey Cagomoc sa edad na 53 nitong Marso 8 dahil sa pneumonia. Si Ka Rey ang presidente ng Samahan ng mga Janitor sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o SJPUP, unyon ng National Federation of Labor Unions ng pambansang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. Sa naturang katungkulan, maraming taon niyang pinamunuan ang paglaban, kasama na ang mga welga,
uring manggagawa. Lagi siyang maaga sa mga pulong at aktibidad, tila malaya sa tinatawag na “Filipino time.”
kung paanong nag-ambagambag silang mga janitor para abutan siya ng tulong, siyang propesor, nang minsang maospital ang kanyang anak. Natatandaan naman ni N, aktibista sa kilusang paggawa, kung paanong si Ka Rey at mga kamanggagawa
Rey Cagomoc sa pakikihamok ng mga janitor ng PUP para manatili sa kanilang trabaho, maging regular, at mapabuti ang kalagayan sa paggawa. Ang kalakaran kasi, taun-taong nagpapalit ng kakontratang ahensiya ng manpower ang PUP, at laging nanganganib matanggal ang mga janitor na pawang kontraktuwal. Bilang lider-manggagawa ng KMU, at nang kasama ang mga opisyal at miyembro ng SJPUP, ipinaglaban ni Ka Rey ang mga kahilingan ng lahat ng manggagawa sa larangan ng sahod, trabaho at karapatan. Tinulungan nila ang maraming manggagawa na magtayo ng unyon at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa kani-kanilang empresa.
N
a kay Ka Rey ang magagandang katangiang tatak ng mga aktibistang galing sa
Parte kaya ito ng sinasabi nina Karl Marx at Friedrich Engels na walang bansa ang mga manggagawa? Ayon sa kanya at mga kamanggagawa, disiplina itong itinuturo ng mahapding kaltas sa sahod kapag nahuhuli sa trabaho at ng pag-iwas na maging pabigat sa mga katrabaho. Sa mga talakayan, matama siyang nakikinig, palaging pinagtutugma ang mga pinag-uusapan sa mga batayang prinsipyo at sariling karanasan. Sa mga pulong, tulad sa kanyang pamilya at kamanggagawa, maasikaso siya sa mga kasama sa pagkain at pagtulog. Kalmado at masigasig siya sa pagtangan sa gawain, pagbabahay-bahay man sa mga komunidad nang tirik ang araw o pagmamantine ng piketlayn kahit may bagyo. Hindi malilimutan ni R, aktibistang guro sa PUP,
ang kalmadong nasa unahan, humaharap sa pagtatangka ng mga pulis na i-disperse ang mga rali at protesta. Sila rin ang nangunguna sa pagagaw ng mga hose ng tubig na ginagamit sa pagwasak ng hanay ng mga raliyista. Laging nagsasabi na ninenerbyos si Ka Rey bago magtalumpati at tuwing maitatalagang magtalumpati sa mga rali at aktibidad. Pero kapag hawak na niya ang mikropono, ibinubuhos niya ang laman ng puso at isip niya, lalo na ang pagkasuklam sa kalagayan ng mga manggagawa at sa mga naghaharing uring responsable sa kalagayang ito.
A
ng mga janitor ng iba’t ibang pamantasan at kumpanya, itinuturing na “hindi esensiyal” sa paglikha
BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO SA WWW.PINOYWEEKLY.ORG
ng produkto o pagbibigay ng serbisyo. Kaya naman ipinapailalim sa mga ahensiya ng manpower na laging pinapalitan, kaya naman hindi direktang ineempleyo. Tulad din ng mga manggagawa sa kabuuan, itinuturing ng mga naghahari na hindi esensiyal sa pagtakbo ng lipunan. Sa ganitong kalakaran nakikita ng mga manggagawa na esensyal ang katotohanang kailangang baguhin ang sistema. At nalalaman nila, gayundin ng mga kapanalig nila, sa proseso, na esensiyal ang papel nila sa pakikihamok para sa naturang pagbabago. Marami ang naiyak sa balita ng pagkamatay ni Ka Rey. Pero taas-kamao silang nagpupugay, at pinagtitibay ang panata na isusulong ang tunay na pagbabagong panlipunan hanggang tagumpay. PW
PINOY | MARSO 18,18, 2018 PINOYWEEKLY WEEKLY | MARSO 18, 2018 PINOY WEEKLY | MARSO 2018
LARAWAN 939
Kababaihan kontra
diktadura B
iguin ang diktadura! Ito ang pangunahing islogan na dala-dala ng Gabriela at iba pang organisasyong masa na nagprotesta noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, sa Liwasang Bonifacio at Mendiola. Humigit-kumulang 10,000 ang nagtipon at nagmartsa para ihayag ang pagtutol sa itinuturing na diktadura nang pamumuno ni Pangulong Duterte. Binatikos ng kababaihan ang di-pagtupad ni Duterte sa mga pangako nito, tulad ng pagbasura sa kontraktuwalisasyon, pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, at pagrepaso sa mga polisiyang neoliberal na nagpapahirap sa mga mamamayan. Kinondena rin nila ang madugong giyera kontra-droga at giyera kontra-insurhensiya na tumatarget sa inosenteng mga mamamayan. Kinastigo rin ng Gabriela ang patuloy na pang-iinsulto ni Duterte sa kababaihan--pinakahuli na rito ang pabirong pag-utos niyang barilin umano ang mga babaing rebelde sa kanilang ari. PW
Larawan nina KR Guda, Darius Galang at Anakbayan
Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org
Tingnan ang iba pang mga larawan sa www. pinoyweekly.org
Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org
Tingnan ang iba pang mga larawan sa www. pinoyweekly.org
10 BALITA
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018 ALTERNATIBONG BALITA
Utos ng DOLE vs kaingin, tinutulan ng Tumandok Umalma ang mga katutubong Tumandok ng Panay sa direktiba ng Department of Environment and Natural Resources na ipagbawal ang Kaingin. Samantala, patuloy na mangangalampag ang mga magsasaka ng Northern Samar sa mga ahensiya ng gobyerno hangga’t hindi pa umano nasosolusyunan ang gutom at takot sa kanilang probinsya.
Kompanyang gumawa ng Dengvaxia ipinrotesta ng health workers
Nagpiket ang mga progresibong doktor at health workers sa opisina ng Sanofi Pasture, ang manufacturer ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine. Ayon sa Health Alliance for Democracy, kailangang managot ang Sanofi at administrasyong Aquino at Duterte dahil sa panlilinlang nito sa publiko at sa umanoy pagmamadaling tumubo sa Dengvaxia.
Kaanak ng biktima ng pamamaslang, ‘nanlalaban; ngayon
Nagtipon ang mga manggagawa ng University Hotel Workers Union sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City, sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno-Metro Manila, para magsagawa ng noise barrage kontra sa House Bill 6152 na nagtatakda ng 48 oras, 4-araw na work week para sa mga manggagawa. Kinondena ng mga manggagawa ang naturang panukalang batas na sabi nila’y magpapalala sa kasalukuyang iskema ng labor flexibilization sa KATHY YAMZON bansa.
[KONTRA]BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ
Sa forum ng Manananggol Laban sa Extrajudicial Killings o Manlaban sa EJK, tumindig ang kababaihang naulila dahil sa mga pagpatay. Ayon kay Jose Manuel Diokno, founding dean ng De La Salle University-College of Law, ang Tokhang Reloaded ay walang pinagkaiba sa naunang Oplan ng PNP. Pinakahuling napaslang ang 13anyos na si Aldrin Pineda. Ayon sa sumurender na pulis na si PO2 Omar Malinao, nadapa lang siya at aksidenteng nabaril ang bata. Ngunit sinabi ng isang testigo na tinutukan ng flashlight at sadyang binaril si Aldrin ng pulis.
Iba’t ibang komunidad sa Mindanao, pinipilit umano ng militar
Kung paniniwalaan ang AFP, nasa dalawang libo na ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumurender sa gobyerno. Pero sa iba’t ibang komunidad sa Mindanaw, pinipilit umano ng mga militar ang maraming sibilyan na sumurender. Napipilitan umano ang mga magsasaka at Lumad sa Mindanaw na lumikas sa bintang na supporters sila o miyembro ng NPA. Ayon sa mga biktima, nag-umpisa ang malalang pandarahas ng mga militar matapos palawigin ang Batas Militar sa Mindanao.
Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!
Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!
facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog
DATING HENERAL JOVITO PALPARAN. Tinaguriang “berdugo” sa
dami ng napatay at dinukot na mga aktibista sa kanyang panunungkulan sa militar. Ngunit kamakailan, “kinatay” niya ang sarili niyang testimonya sa huling pagdinig ng kanyang kaso sa pagkawala nina Karen Empeno and Sherlyn Cadapan. Ipinakita nito ang kanyang kahayukan sa karahasan at dugo, at pasistang pag-iisip. Sa Abril ilalabas ng korte ang desisyon sa pagdinig na ito.
SAMU’T SARI 11
PINOY WEEKLY | MARSO 18, 2018
Skin hydration sa bakasyon
ang katawan ngunit mainam pa rin na gumamit ng payong kung lalabas o sumbrero kung ikaw ay pupunta sa beach. Makatutulong ito sa paghadlang ng direktang sikat ng araw sa balat na maaaring magresulta sa maagang pagtanda at pagkatuyo ng balat. Ilan lamang ito sa mga paraan upang mapanatiling healthy at glowing ang ating balat ngayon parating na tag-init. Lagi lang alalahanin na maaari tayong magsaya ng hindi nakokompromiso ang ating kalusugan. PW
ni Sherna Tesara
Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis
P
apalapit na ang tag-init, at siguradong kabi-kabila ang bakasyon na ng pamilya at barkada ang nakaplano. Sa kabila ng mga kasiyahang ito, maaari pa rin tayong makaranas ng mga sakit na dala ng init lalo na sa ating balat. Paano nga ba natin mapapanatiling masigla at malusog ang ating balat ngayong tag-init? Una, at pinakamahalaga, ay ang pagpapanatili ng hydration. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig araw-araw. Nirerekomenda na uminom ng walo hanggang sampung basong tubig kada
araw, ngunit pwede itong madagdagan lalo na’t mainit ang panahon. Inaalis ng tubig ang dumi at toxins na nagreresulta sa makinis at malusog na balat. Ang ultraviolet (UV) rays na nagmumula sa araw ay delikado rin para sa kalusugan ng balat. Maaari itong magdulot ng pagkasunog ng balat at skin cancer. Para maagapan ang mga ito, hindi dapat natin kalimutang maglagay ng lotion na may Sun Protection Factor o SPF na hindi bababa sa 30. Maliban sa proteksyon na dulot nito, makatutulong din ito sa pagmo-moisturize ng ating balat. Sa kabila nito, hindi dapat tayo makampante. Magandang maarawan
Aiza Seguerra, ng National Youth Commission, sa kanyang pagbibitiw sa opisina.
KILITING DIWA
Tanong-sagot portion: Tanong: Ano ang karaniwang sakit ng mga anime? Sagot: Animec *** Tanong: Saan nag-aaral ang mga kalansay? Sagot: Sa skull ***
Tanong: Bakit hindi inuutusan ang sampalok? Sagot: Baka kasi tamarind *** Tanong: Sinong bayani ang hindi haggard? Sagot: Si Diego Chill lang *** Tanong: Ilang nurse meron sa jollibee Sagot: Edi thirty nine nurse. 39-ers
ANG TARAY!
Ayaw namin na ang kabataan ay mawalan ng gana sa paglahok sa Sangguniang Kabataan
Simbahan ninais kontrolin ng mga Hapon
A
lam n’yo ba na ang relihiyon ang tinangka ng mga Japanese (Hapon) na ilagay sa kanilang kontrol ang isa sa pinakamalaki at pinakamapanyarihang institusyon sa bansa ang Simbahang Katoliko? Binigyang-pansin din ang ibang institusyong relihiyoso ngunit ang Simbahang Katoliko ang mayorya ng populasyon. Hindi ninais ng Hapon na bukas ang poot ng simbahan dahil alam nila ang kapangyarihan ng institusyon sa paghuhulma ng isipan ng mga Filipino sa mga nakalipas na daantaon. Gumamit ang mga Hapon ng tatlong-sanga. Sa Simbahan, bilang pulitikal at ekonomikong institusyon, naging mapagpalubag-loob sila at mapagbigay. Tinangka din nila panghimasukan ang panlipunan at pang-edukasyong impluwensiya nito at pangasiwaan ang mga tungkuling relihiyoso. Noong Enero 14, 1942 nagsimulang kontrolin ng Hapon ang simbahan nang ipalabas ni Colonel Narusawa, pinuno ng Religious Section ng Japanese Army, ang Declaration to Christians in the Philippines. Agad dumalaw si Narusawa sa Arsobispo ng Maynila, si Michael J. O’Doherty, upang hilingin ang kolaborasyon ng Simbahang Katoliko at Hukbong Hapon. Naging malinaw ang balakin ng hukbo na gamitin ang simbahan upang makamit nito ang kanilang mga hangarin. PW
KULTURA
A
Nagsalu-salo sa pagluluto at pagkain, at nagsagawa ng palihan sa pagsusulat, ang mga boluntir para sa mga magsasaka ng Samar. Ni Ilena Saturay
ng handaan at pagsasalusalo sa pagkai’y isa sa pinakamatagal nang kagawian ng mga komunidad upang mas mapalapit ang mga tao sa isa’t isa. Sa mga panahon ng rehimeng Duterte na lalong lumalala ang panggigipit sa mga magsasaka, mahalaga ang mga pagtitipun-tipon gaya nito upang ang mga manggagawa, estudyante at magsasaka’y makakapagsalu-salo, mapagpahalagahan ang mga bunga ng pagsisikap na bungkalin ang lupa, at makapagpalitan ng karanasan at mensahe ng suporta sa isa’t isa. Nitong Marso 4, idinaos ang ganitong salu-salo sa porma ng Luto! Laban! sa United Church of Christ Philippines (UCCP) sa Maynila. Inorganisa ito ng Samahan ng mga Artista Para sa Kilusang Agraryo (SAKA) at Amihan Women, kasama ang mga magsasaka mula Eastern Visayas na dumayo sa Kamaynilaan para makipadiyalogo sa Department of Agriculture (DA). Sinalanta ang kanilang mga pananim ng mga pesteng cocolisap at bunchy-top virus na nakaapekto sa kanilang kabuhayan, gayong di pa sila nakakabangon mula sa bagyong Yolanda. Nang humingi sila nang tulong sa lokal na gobyerno, pangdadahas ng militar ang isinagot sa kanila. Sa pagpunta nila sa Maynila, sinalubong sila ng pangdadahas ng pulisya na gumiba ng kanilang
Luto! Laban!
kampuhan sa DA. Kanya-kanyang bitbit ng ambag na mga rekado ang mahigit 20 estudyante at manggagawang nagboluntir magluto. Ang mga putahe: pinangat na isda, adobong baboy, ensaladang talbos ng kamote, at minatamis na saging. Naghati sa maliliit na grupo ang mga boluntir para sa pagluluto. May tagahimay ng talbos, tagahiwa ng bawang at sibuyas, tagasaing at marami pang iba. Habang nagluluto ang iba, salitang lumahok ang iba sa talakayan sa mga magsasaka mula Samar. Ibinahagi ng mga magsasaka ang panggigipit sa kanilang sakahan. Inilahad nila ang di-patas na sistema ng hatian sa palay ng magsasaka at ng mga panginoong lupa. Halos wala nang natitira sa mga magsasaka dahil sa kanilang utang sa abono at kung anuano pang bayarin. Ayon kay Ka Barry ng Northern Samar Small Farmers Association
(NSSFA), di rin nabibigyanpansin ng gobyerno ang mga biktima ng bagyong Yolanda na Nobyembre 2013 pa nangyari. Mga tulay at gusali lang ang pinagtutuunan ng rehabilitasyon. May pondo man na P5,000 na inilaan bawat pamilya, di nila ito makuha-kuha. Sa Tacloban pa ito kukunin; anim na oras ang biyahe mula sa kanilang lugar at libo ang pamasahe. Matapos ang kainan, nagkaroon ng palihan sa pagsusulat ang mga magsasaka. Sina Faye Cura at Rae Rival-Cosico ng Gantala Press, grupong naglalayong paunlarin ang pag-aakda ng kababaihan sa Pilipinas, ang nangasiwa. Sa unang bahagi ng palihan, namahagi sila ng papel at bolpen sa mga magsasaka. Nagsulat sila ng kahit anong laman ng isip nila. Nailahad nila ang mga sakripisyo para makapunta rito: ang pag-iwan ng kanilang mga anak sa probinsiya, ang
galit nila sa pamahalaang pinagkakaitan sila ng kanilang mga karapatan, at ang pasasalamat nila sa mga grupo na patuloy na nagbibigay ng tulong at suporta. Nagsulat din sila ng mga bugtong, na siyang pinagmulan ng mga hagikhik at tawanan. Bandang huli, lahat ng magsasakang sumali’y bumuo ng kuwento sa pamamagitan ng dugsungan. Mula sa linyang “Isang araw, dumating si Yolanda”, nagpasa-pasahan sila ng papel at dinugtungan nila ito hanggang makapagsulat at makabuo ng kuwento ng kanilang karanasan ang lahat. Di lamang salu-salo ng pagkain ang Luto! Laban! Naging salu-salo rin ito ng karanasan, ideya at pakiramdam. Sa munting pagsasamang ito, nakapagpadama ng suporta ang bawat kalahok sa isa’t isa na siyang dadalhin sa susunod na panahon ng pakikipaglaban para sa mga karapatan. PW