Kontraktuwalisasyon 2
Buhay-Plastikan Du30/Ex-Battalion TOMO 16 ISYU 07
3 2
25 MARSO 2018
Pang-aapi ng PLDT Natutulak ang mga manggagawa ng isa sa pinakamalaking kompanya ng telekomunikasyon sa bansa na lumaban dahil sa pag-igting ng pagaalipusa sa kanila ng manedsment. Sundan sa pahina 4
Bagong logo ng PLDT, bagong mga iskema ng kontraktuwalisasyon at atake sa mga manggagawa. DIBUHO NI DARIUS GALANG
2
OPINYON
S
PINOY WEEKLY | MARSO 25, 2018
Contractualization of labor
a tradisyonal na relasyon ng kapitalista at manggagawa, dalawang grupo lang ang naghahatian sa tubo na kanilang kinikita: ang grupo ng kapitalista at ang grupo ng mga manggagawa.
Di-magkaparehas ang hatian nila sa tubo. Madalas, 80 porsiyento nito ang napupunta sa may-ari ng kapital, at 20 porsiyento lang ang napupunta sa mga manggagawa. Minsan, mas masama ang hatian: 90 porsiyento ang sa kapitalista at 10 porsiyento lang sa mga manggagawa. Pero lalong lumala ang hatiang ito nang mauso ang labor contracting. Sa labor contracting, imbes na dalawa lang ang naghahati ng tubo, naging tatlo na. Pumasok rito ang mga labor contractor o agency at ang hatian ngayo’y sa pagitan ng kapitalista, labor agency o kontraktor, at manggagawa. Ang epekto’y lalong lumiit ang bahagi na napupunta sa mangggagawa. Imbes na dati, 80 porsiyento sa kapitalista at 20 porsiyento sa mangagawa ang hatian, ngayo’y 80 porsiyento sa kapitalista, 10 porsiyento sa contractor o labor agency, at 10 porsiyento na lang sa mga manggagawa. Ang labor contracting ay bunga ng patakarang neoliberal sa ibang bansa at sinimulan dito ni Pang.
Ferdinand Marcos sa mga export-processing zone. Unti-unting naging uso ito dito sa atin. Ginagawa na ito kahit na sa ordinaryong mga pagawaan sa labas ng special economic zones. Sa Labor Code (PD 442) na inilabas ni Marcos noong 1974, nakasaad na may karapatan ang Labor Secretary maglabas ng mga regulasyon o alituntunin kaunay sa pagpakontrata sa pag gawa o contracting out of labor. Kaya noong 1997, inilabas ng Labor Sec retary ang DOLE Dept Order No. 10 na nagre-regulate sa labor contracting. Dito tahasang sinabi na legal ang labor contracting maliban lamang sa labor-only contracting o pangongontrata ng mga manggagawa na walang sapat na kapital ang agency o labor contractor. Ang labor-only contracting lang ang ipinagbawal. Ang ibang klase ng labor contracting ay pinayagan nito. Ang DOLE Dept. Order No. 10-series of 1997 ay nakaroon ng mga pagbabago hanggang maging Dept. Order No. 18 at Dept. Order No. 18A noong panahon ni Sec. Rosalinda Baldoz. Sa lahat ng DOs ito, pinagbabawal lang ang labor-only contracting at legal ang ibang uri ng labor contracting na tinawag nilang job contracting. Madaling malusutan ito ng mga kompanya at
kontraktor upang ipakita na ang kanilang ginagawa ay job contracting at hindi labor-only contracting. Kaya lalong naglipana ang labor contracting. Nagdulot ito nang mas mababang sahod ng mga empleyado, nang kalituhan kung sino talaga ang tunay na employer ng mga manggagawa: ang kompanya ba o ang agency; nang masamang epekto sa karapatang magbuo ng unyon; nang malawakang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa, at nagpauso sa salitang “endo” na ibig sabihi’y “end of contract” o pagtatapos ng kontrata sa agency pagkalipas ng limang (5) buwan at pagkatanggal ng mga mangagagawa sa kanilang mga trabaho pagdating ng endo. Malakas ang panawagan ng organized labor na wakasan ang labor contracting sa ating bansa. Kaya bago dumating ang 2016 presidential elections ay bahagi ng eight-point program ni Rodrigo Duterte ang pangakong wakasan na ito. Nang manalo siya sa pagkapangulo, inasahan ng lahat na tuparin ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako. Ngunit ang kasalukuyang Deparment Order na nilabas ng Department of Labor tungkol dito, ang DOLE Dept. Order No. 174, tulad ng dating department orders, ay nagbabawal lang sa laboronly contracting.
HUSGAHAN NATIN
ATTY. REMIGIO SALADERO JR.
Pinapayagan pa rin ng Dept. Order No. 174 ang malaking bahagi ng ibang uri ng labor contracting. Sa katunayan, ang DOLE Department Order No. 174 ay hawig na hawig at kinopya lamang sa DOLE Dept. Order No. 18-A. Noong Enero 2018, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 6908 na nagbabawal sa labor-only contracting. Ngunit tulad ng dati, ang pinagbabawal lamang ng panukalang batas na ito (HB No. 6908) ay ang labor-only contracting at hindi ang ibang uri ng labor contracting. Sa madaling sabi, kulang pa rin ang panukalang batas na ito. Patuloy pa ring lalaganap ang contractualization of labor sa ilalim nito. Ang panukalang batas na ito ay kasalukuyang nakabinbin sa Senado kung saan ito pinag-uusapan. Kaya ano pa ang ating hinihintay? Kilos na, mga manggagawa! Magkaisa at labanan ang labor contracting bill na ito. Isulong ang batas na magbabawal sa lahat ng uri ng labor contracting! PW
EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
LATHALAIN 3
PINOY WEEKLY | MARSO 25, 2018
Natulak silang magtrabaho sa pinakamaruming lugar sa lungsod. Sa kabila ng pagpapahirap ng mga makapangyarihan, nagpunyagi sila at lumalaban. Ni Iya Espiritu
Buhay at pagpupunyagi sa Plastikan
“M
ay buhay sa bundok ng basura.” Ito ang bukambibig ng marami kaugnay ng nangangalakay nating mga kababayan. Pero sa totoo lang, gumagawa lang ng paraan ang mahihirap, dahil sa kawalan ng disenteng hanapbuhay.
Sa kabila ng hirap at peligro sa pagtatrabaho sa basura, sinisikap nila na magtrbaho para mabuhay ang pamilya. Papatunayan ito ng kuwentong buhay at pakikibaka ng mga naninirahan sa Plastikan, Payatas. Ka Pando ng Plastikan
Si Normelito ‘Ka Pando’ Rubis, 44, tubong Masbate, ay nagmula sa pamilya ng magsasaka. Napadpad siya ng Maynila para makapagtrabaho at nangarap na mapabuti ang kanilang buhay. Dito na sa Maynila nakilala ang asawa na si Melanie tubong Bikol. Sa bundok ng basura
sila namuhay at nagpalaki ng tatlong anak. Sa pag-recylce ng plastik ni Ka Pando at sa pagtitinda ng sari-sari ni Melanie iniraraos ang bawat araw at pangangailangan ng pamilya. Nang magkasakit si Ka Pando noong 2016, nagpasya siyang maging “purchaser” na lang dahil hindi na kaya ng katawan na maghakot ng kilukilong plastik. Presidente si Ka Pando ng Samahang Nagkakaisa sa Plastikan (SNP) na bahagi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay). “Ang kawalan ng maaasahan at serbisyo para sa aming mahihirap ang nagturo mismo sa amin para humakbang at tuklasin kung paano pa kami mabubuhay. Dito na sa aming komunidad mismo hinanap ang trabahong maaari naming matutunan at maaasahan para buhayin ang aming pamilya. Sa Plastikan kami nakakita ng pag-asa. Halos dalawang dekada ng pag-recycle ng plastik ang bumubuhay sa amin,” ani Ka Pando. “Ipagkakait pa ba sa amin ito?”
Iba pang taga-Plastikan
Taong 1990, nang umpisahan ng mga maralita ang konsepto ng pag-recycle ng plastik sa Samsung na malapit sa Payatas. Natutunan nila sa karanasan na may tamang proseso sa pag-recycle ng plastik. Mula sa pagkolekta ng mangangalakay o “scavengers” ng iba’t ibang tipo ng plastik, ito’y dadalhin sa “Samsung”. Dito nagaganap ang “cleaning,” “washing” at “drying”. Pagkatapos, ililipat ito sa Nuebe para sa “bundling” at ihahanda na para ideliber sa malalaking pabrika sa Valenzuela. Mga negosyanteng Tsino at Koreano ang bumibili ng mga plastik. Ang kinikita nila’y depende sa tipo ng plastik na kanilang nakakalap. Ang makapal at malinaw ay P24/ kilo, ang gaya ng plastik ng mga mineral water ay P18/ kilo, ang malabong plastik ay P16/kilo at ang PE printed o colored ay P10/kilo. Nung 1960s, isang malaking swimming pool ang Samsung. Abandonadong lugar ito. Dahil maraming
maralita ang walang mapuntahan, tinirhan ito ng mga mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at probinsya. Dahil walang trabaho, nagisip sila ng paraan para makapaghanapbuhay. Dito nag-umpisa ang Plastikan. Taong 1998, sumulpot ang isang Arsellio Lim na nagpakilalang mayari ng lugar. Tinakot nito ng demolisyon ang mga maralita. Di-nasiraan ng loob ang mga taga-komunidad. Nagorganisa sila at itinayo ang SNP. Nagsulputan ang iba pang private claimants. Higit namang nagpursigi ang mga maralita at nagbarikada. Taong 2000, naganap ang trahedya sa Payatas. Marami ang namatay sa pagguho ng basura. Pero lalong nagkaisa ang mga maralita at kanilang napagtanto: Wala silang ibang kakampi kundi ang kapwa nilang mahihirap. Binabanggit ng gobyerno na pribadong lugar daw ang Plastikan. Pero 2009 nang ibenta kay Philip Lim ang lugar sa halagang P1,000/ sqm. Sa kabila ng papasahol na kalagayan sa bundok ng basura, nakikibaka sa buhay sina Ka Pando. At tanto nilang kung hindi magkakaisa silang mga maralita para makilahok sa panlipunang pagbabago, lalala lang ang pagsasamantala sa kanila. Unti-unti, nahihimok ang mga tulad nila na magbuklod at igiit ang mga karapatan. Para sa hinaharap ng kanilang mga anak. PW Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org
4
PINOY WEEKLY | MARSO 25, PINOY 2018WEEKLY |
SURING BALITA
Natutulak ang mga manggagawa ng isa sa pinakamalaking kompanya ng telekomunikasyon sa bansa na lumaban dahil sa pag-igting ng pag-aalipusa sa kanila ng manedsment. Ni Kenneth Roland A. Guda
“W
alumpu’t walong katao. Walumpu’t walong kaluluwa. Ilang anak ang umaasa sa kanila para tanggalan mo ng regular na trabaho?”
Galit na sinabi ito ni Charlito Arevalo, pangulo ng Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor sa PLDT (GUTS), sa piket ng mga manggagawa ng isa sa pinakamalaking kompanyang telekomunikasyon sa bansa noong Marso 14. Ang bilang na binanggit niya: bilang ng mga empleyado sa antas-superbisor na nasa IT (information technology) Department na naunang pinagsabihan na tatanggalin sila bilang regular na empleyado ng kompanya at ililipat sa isang hiwalay na contracting agency na nagngangalang Amdocs. Sa Abril 2 magiging epektibo ang naturang iskema. Pero hindi lang sila ang nakatakdang tatanggalin. Ayon kay Arevalo, humigit-kumulang 300 manggagawa ng PLDT ang planong ipasailalim ng manedsment sa parehong iskema--na sa esensiya’y ginagawang kontraktuwal ang mga manggagawang ito. Sa 300, humigit-kumulang 250 ang superbisor, habang 50 ang rank-and-file employees. “Walang ibang motibo
Pang-aapi ng PLDT
Nagsindi ng kandila ang mga manggagawa ng PLDT bilang protesta sa mga iskema ng manedsment para tanggalin ang istatus ng mga katulad nila bilang regular na empleyado. Di-bababa sa 300 ang pinangangambahang maipapasa sa outsourcing company sa PLDT matapos ang Abril 2. KR GUDA
sa iskemang ito kundi para kumita,” pahayag ng GUTS. Inaasahang kikita umano ang kompanya ng humigitkumulang P7-Bilyon sa loob ng limang taon--kita hindi lang para sa mga bossing ng PLDT, kundi para rin sa malalaking monopolyo kapitalista na tumataya ng kapital at kumikita mula sa dominasyon nito sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa. Matagal nang modus
Mula 2016, pinalulutang na ng manedsment ng PLDT ang iskemang ito para ikondisyon ang isip ng mga empleyado. Pero tinapatan ito ng mga protesta ng mga empleyado, kaya napaatras ang manedsment. Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga empleyado ng PLDT tulad ng pagsuot ng pula at itim na t-shirt, pagsasagawa ng mga
porum at seminar, at iba pa. Ayon kay Atong Castillo, pangulo ng unyon ng rankand-file employees sa PLDT, ito lang ang pinakahuli sa mga hakbang ng manedsment para pinagin ang mga empleyado para sila’y lalong kumita. “Ang mga supervisor, (bumibilang sa) 4,500. Kami (rank-and-file), ang dami namin, 1,100. Alam niyo ba kung gaano kadami ang kontraktuwal sa PLDT? Hindi bababa sa 30,000 nationwide,” ani Castillo, sa parehong piket sa harap ng malaking opisina ng PLDT sa Espana Avenue, Manila. Kabilang ang GUTS, gayundin ang Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas (MKP), unyong pinamumunuan ni Castillo, sa mga nagreklamo sa Department of Labor and Development (DOLE) kaugnay
ng malawakang praktika ng kontraktuwalisasyon sa PLDT. Nagsagawa ng inspeksiyon ang DOLE sa naturang kompanya. Nakita ng mga inspektor ang malalang kondisyon ng kontraktuwal na mga manggagawa rito. “Yung mga taga-Sales (na nakapanayam ng DOLE)--ito ‘yung makikita n’yo na may payong sa labas. Yung nasa ilalim ng arawan, nakapayong, ula’t arawin,” pagsisimula ni Castillo sa kuwento.
| MARSO 25, 2018 PINOY WEEKLY | MARSO 25, 2018 Abogado umano ng DOLE ang nakinapanayam sa kanila. “Alam n’yo (nang) tinanong sila? Lahat sila (sa) Sales eh. ‘Ne, magkano ‘yung suweldo mo rito sa PLDT?’ ‘Yung babae, nakakatuwa. Talagang halatang halata mong wala siyang kamuwang-muwang sa mundo. Sinabi niya, nakangiti pa siya eh: ‘Ay, P150 po (kada araw).’ Tapos sabi niya, ‘Kaya lang po, P100 na lang po binibigay sa amin. Kasi po sabi nung agency namin, ‘yung P50 daw po ay tax.’” Napamura umano ang abogado. “P___ ina! ‘Yung minimum wage (pababa), exempt sa tax. Ang suweldo mo sa NCR (National Capital Region), wala pa sa minimum,” sabi ng naturang abogado na kinuwento ni Castillo. Abang kontraktuwal
May binigay ding ibang halimbawa si Castillo ng kalupitan ng manedsment sa mga kontraktuwal: Ang mga janitor, halimbawa, pinagbabayad ng P833 para sa kanilang uniporme. “Magkano lang ang kinikita nila, tapos kukunin pa ‘yung P833. Grabe na,” aniya. Isa pang halimbawa: Ang mga manggagawa sa planta, nagsumbong na sinisingil pa ng kompanya sa tools na ginagamit nila sa trabaho. Hinihingian din sila ng P10,000 bond. “Kinakaltasan
kami ng P500 kada pay day. Pero okey lang po, nauutang naman namin,” kuwento ng mga manggagawa kay Castillo. Pero ang problema, tinutubuan pa sila ng 20 porsiyento sa mga pautang. Araw-araw, nalalagay din sa panganib ang mga manggagawa ng PLDT, lalo na iyung mga nagkakabit ng telepono. “Pito na ang namamatay dahil nakuryente habang nagkakabit ng telepono,” sabi pa ni Castillo. Sa pagsisimula ng taong 2018, nagpatawag ng pulong ang manedsment para ianunsiyo sa iba’t ibang departamento ang plano nitong pagpapaigting ng outsourcing. Iyung 88 empleyado sa IT Department ang sinampolan. Pinagbantaan sila at pinuwersang pumirma ng mga kontrata sa Amdocs. Mismong mga bossing ng PLDT ang nagsulat sa mga empleyadong ito para takutin sila, kuwento ni Arevalo. Paiigtingin ang paggiit
“Kabilang ang PLDT sa pangunahing mga kompanya na nagpapatupad ng neoliberal na mga polisiya at malawakang nagkokontrata (palabas ng kompanya) ng mga serbisyo sa third party service providers, na kilala rin bilang contracting agencies,” ayon sa GUTS. Ngayong taon lang din, batay sa reklamo ng mga manggagawa at matapos ang imbestigasyon, iniutos ng DOLE sa PLDT na iregularisa ang mahigit 8,000 manggagawang kontraktuwal. Binasura ng naturang ahensiya ang apela ng PLDT. “(Pero) sa halip na sundin ang desisyon ng Departamento, muling kinuwestiyon ng manedsment
KR GUDA
SURING BALITA 5 SURING-BALng PLDT ang desisyon at nagsumite ng isa pang apela, hindi lang para patagalin ang pagpapatupad ng desisyon kundi para tuluyang talikuran ang responsabilidad nito bilang prinsipal na employer ng libulibong mga manggagawa,” sabi pa ng GUTS. “Ingrata” (“ungrateful”) ang tawag ng GUTS at mga manggagawa ng PLDT sa manedsment ng kompanya, lalo na ang may-ari nito na si Manny V. Pangilinan. Nagkamal umano ng trilyuntrilyon ang kompanya mula sa pawis at hirap ng mga manggagawa nito sa tagal ng panahon. Pero ang turing lang nito sa mga manggagawa ay mga bagay na puwedeng itapon anumang oras--para makakuha ng mas maraming kita. Nangako ang mga manggagawa ng PLDT-mga empleyado man iyan, rank-and-file o superbisor,
regular o kontraktuwal, na ipagpapatuloy ang paglaban sa mga iskema ng manedsment na magkamal ng mas maraming kita sa kapahamakan nilang mga empleyado. “Maglulunsad ang GUTS ng marami pang kilos-protesta at aktibidad para mapigilan ang mga atakeng ito at maipagtanggol ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa,” sabi pa ng GUTS. Kapwa nagsumite na rin ang dalawang unyon sa DOLE ng notice of strike. Bahagi ng ipoprotesta nila, hindi lang ang manedsment at ang may-ari ng PLDT na si Pangilinan. Sinisingil din nila ang mismong rehimeng Duterte na sa kabila ng mga buladas kontra sa kontraktuwalisasyon ay lalong pinalalakas pa ang loob ng mga tulad ni Pangilinan na paigtingin ang atake sa karapatan ng mga manggagawa. PW
Welga sa Coca-Cola
H
abang tinatapos ang isyung ito ng Pinoy Weekly, sumiklab ang welga ng mga manggagawang kontraktuwal sa Coca-Cola Femsa Philippines Inc. sa Sta. Rosa, Laguna. Sa pangunguna ng Liga na Pinalakas ng Manggagawa sa Coca-Cola Femsa Philippines Sta. Rosa Plant at ng lider-obrero nitong si Raffy Baylosis, hinarang ng nasa 140 kontraktuwal ang Gate 5 at 6 ng pagawaan. Tinatangka itong buwagin ng mga guwardiya at SWAT. Ang panawagan nila: Ipatupad na ang desisyon ng Department of Labor and Employment-IVA noong April 2017 na nagsasabing regular ang 675 kontraktuwal sa Coke Sta. Rosa.
SOUTHERN TAGALOG EXPOSURE
6 BALITA
PINOY WEEKLY | MARSO 25, 2018 ALTERNATIBONG BALITA
Drug lords, pinawalang-sala
Kinondena ng iba’t ibang grupo ang pag-absuwelto ng Department of Justice sa drug charges laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pang pinaghihinalaang drug lords. Binatikos ng Makabayan bloc ang desisyon ng DOJ at hiningi ang pagbibitiw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Duterte, hindi pa rin lusot sa ICC
Hindi pa rin lusot si Pangulong Duterte sa panguusig ng International Criminal Court (ICC) sa kabila ng deklarasyon ng pangulo na magwi-withdraw ang Pilipinas mula sa ICC. Sinisimulan na ng ICC ang imbestigasyon sa libulibong pinatay sa ngalan ng war on drugs. Ayon pa sa International League of Peoples’ Struggle, tanging ang mga bansang nanggigiyera gaya ng US, Russia, China, at Israel ang hindi pumapaloob sa ICC.
Subpoena powers ng PNP, mapanganib
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang isang batas na nagbibigay-kapangyarihan sa Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na mag-subpoena o magpatawag sa korte. Ayon kay Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers, ang Republic Act No. 10973 ay magbubukas ng bagong oportunidad para sa pulisya na magsagawa ng illegal search, arrest, at seizure of properties ng sinuman. Tumanggi naman si PNP Chief Ronald dela Rosa na maglabas ng guidelines para sa pag-issue ng mga subpoena, at sinabing “konsensiya” lang ang gagamitin ng mga pulis.
PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO, PATULOY. Nagsagawa ng kilos protesta noong Marso 18 sa Mindanao State University-Main Campus ang mga Meranaw na naging biktima ng pambobomba at batas militar sa Marawi City. Pagkondena nila ito sa patuloy na panghaharas ng militar sa mga sibilyan, maging ang rehabilitasyon ng gobyerno na anila’y inuuna lamang ang pagtatayo ng mga kampo ng militar at pinapaboran ang mga malalaking negosyante imbes na tugunan ang kalagayan ng mga mamamayan ng Marawi maging ang diskriminasyon sa mga returning internally displaced persons (IDPs) sa Marawi. Kaalinsabay ang kanilang pagkilos sa ika-50 anibersaryo ng Jabidah Massacre. KONTRIBUSYON
BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ
Pagpapasara sa Boracay, magbibigaydaan sa casino?
Kinumpirma ng Leisure and Resorts World Corp. (LRWC) at ang kasosyo nitong Galaxy Entertainment Group Ltd. mula sa Macau na tuloy ang planong pagpapatayo ng hotel at resort sa Boracay. Ayon ito kay Katrina Nepomuceno, bise-presidente, corporate secretary, at compliance officer ng LRWC, na binili na ng kanilang korporasyon ang 23-ektaryang lupa sa bayan ng Manoc-Manoc, Boracay. Nagpahayag noong Pebrero si Pangulong Duterte na ipasara muna nang isang taon ang Boracay, para magkaroon ng “rehabilitation.” Pinuna ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya-Pilipinas) ang pagpapasara ng maliliit at Pilipinong pag-aari na istruktura, ngunit pinayagan ng pangulo ang transaksiyon. HD de Chavez
Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!
Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!
facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog
ELISA TITA LUBI. Dating bilanggong pulitikal na lumaban sa diktadurang
Marcos. Survivor ng karahasan sa kababaihan noong panahong iyon. Dating opisyal ng Gabriela at Gabriela Women’s Party, at ngayo’y tagapagtanggol ng karapatang pantao. Si Elisa Tita Lubi ay isinama ng Department of Justice sa listahan ng mga “terorista” sa ilalim ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Kasama niya ang maraming aktibista, lider-katutubo at iba pa, na binabansagang terorista ng rehimeng Duterte. Pero malinaw na hindi terorismo ang aktibismo.
SAMU’T SARI 7
PINOY WEEKLY | MARSO 25, 2018
gamitin ang extension chord bilang saksakan dahil maaari itong magoverheat. • Ilayo ang mga bentilador sa kurtina dahil maaari itong makain ng blade nito at makapagsimula pa ng sunog. • Huwag matulog nang may nakasinding kandila. Kung kinakailangan mang magsindi dahil walang kuryente, ilagay ito sa isang maliit na batsa na may kaunting tubig para maiwasang lumaki ang apoy.
Iwas-sunog sa Fire Prevention Month ni HD de Chavez
M
arso na naman, dahil • Kahit na mainit ang panahon, iwasang nakabukas ang bentilador nang mainit na bansa ang buong araw. Dapat ay maipahinga ito Pilipinas, doble ang kahit ilang oras lamang. init tuwing tag-init. Dahil dito, • Bago umalis ng bahay, huwag mas lumaki ang posibilidad ng kalimutang i-check kung naisara ba ang tangke ng LPG at nabunot ang pagkakaroon ng insidente ng nakasaksak na appliances. sunog. Maraming paalala para • Bunutin ang mga nakasaksak na plug makaiwas sa sunog: • Ilayo ang mga posporo, lighter o ano mang maaaring pagsimulan ng apoy sa mga bata. • Kung magsisindi ng kandila, o gagamit ng apoy, ilayo ito sa mga gamit na maaaring masunog kagaya ng mga papel, libro, at kurtina. • Ugaliing tingnan kung gumagana pa ang appliances, plug, at wire sa bahay dahil ang mga sirang plug at wire ay isa sa mga pinakaunang sanhi ng sunog.
kung hindi ginagamit. • Huwag umalis ng kusina nang may maiiwan na niluluto. • Iwasang gawing sala-salabat/ magkakapatong ang mga wire na nakasaksak sa extension. • Ilayo ang mga produkto na madaling masunog sa kalan at saksakan. (Halimbawa ng mga madaling masunog na produkto: lotion, alkohol, at nail polish) • Hanggat maaari, huwag ugaliing
Atty. Florin Hilbay (@fthilbay), bilang patutsada sa
ANG TARAY!
‘Imminent threat’ daw yung transport strike na hindi nangyari. May mas mabigat d’yan, yung ‘clear and present danger.’ Ito yung mga buang, hunghang, at siraulo sa Malacañang. pagsuspinde ng Malakanyang sa klase noong Marso 20 dahil daw sa transport strike. Nag-anunsiyo ang Piston na Marso 19 lamang ang tigil-pasada.
KILITING DIWA
Balik-barbero: Barbero: Magandang araw ser. Anong gupit po natin? Lalaki: Yung uka-uka, hindi pantay, yung masagwa. Barbero: Ser, sigurado po kayo? Hindi ko po alam yan. Lalaki: Ano ka? Yun kaya yung gupit mo sa akin
last time!
*** Nawawalang thermometer Nurese: Doc, bakit po may thermometer kayo sa tenga? Doktor: Naku! Kaninong pwet ng pasyente ko naitusok yung ballpen ko? ***
Ilan lamang ito sa mga maaaring gawin para makaiwas sa sunog ngayong tirik na tirik ang araw sa labas. PW
Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis
Perang Hapon, walang halaga
A
lam n’yo ba na ang soberenyang Hapon ang nagpairal ang paggamit ng perang Hapon at mapabilis nito ang pagkontrol sa ekonomiya? Dumaong ang puwersang Hapon sa Pilipinas noong 1941 dala-dala ang paldu-paldong naimprentang pera na handa nang gamitin. Inihayag ng militar na obligado ang lahat na tanggapin ang perang panggiyera. Agad itinago ng mga Pilipino ang kanilang dating pera. Hindi nagtagal, wala na sa sirkulasyon ang tunay na salapi. Madaling namang sumunod ang taumbayan sa paggamit ng perang panggiyera ng mga Hapon. Agad ginasta ng mga nakatanggap ang perang Hapon kapalit ng mga produkto at serbisyo at ipinambili ng sarili nilang pangangailangan. Maituturing pa ring pandarambong ito, dahil nagkakahalaga lamang ang perang Hapon ng papel at tintang ginamit sa pag-iimprenta nito. Wala itong halaga sa pandaigdigang palitan. Ang perang pangiyera ng isang bansang okupado ay hindi maaring ipalit sa isa pa at hindi rin ito maipapalit ng Yen. PW
KULTURA
I
Maaaring nakaka-relate ang kabataang mahihirap na naeetsa-puwera sa buhay sa kantang “Hayaan Mo Sila.” Pero ang ineetsa-puwera naman nito, ang karapatan ng kababaihan. Ni Ericson Caguete
Du30 ex B = tragedy
Sige, sige maglibang
sa sa mga klasik Hollywood na pelikula ang They Live ni John Carpenter. Tampok ang karakter ni Rody Piper bilang John Nada, isang construction worker sa Los Angeles. Nademolis ang kanyang bahay at pansamantalang tahanan ang isang simbahan. Doon natuklasan ni Nada ang mga kahon ng sunglasses na makapagpapabago sa kanyang buhay. Nag-iiba ang kanyang paningin sa tuwing isusuot ito. Nakikita niya ang anumang nakatagong mensahe sa mga poster, billboard, at magasin na di-kita ng ordinaryong mata. Nakikita rin niya ang katangian ng mga tao kung kaaway-sauri o hindi. Sa tuwing suot niya ang shades, naghihitsurang bungo ang mayayaman. Napansin naman niya ang tourism ad ng Caribbean na may larawan ng babae, at nakikita niya sa kanyang shades ang “marry and reproduce.” Nakita niya ang tunay na pagtingin sa mga babae bilang sex objects o kaya’y palahian sa lipunang kapitalista. Kalimutan mo na ’yan
Kung sa pelikulang They Live, may hibo pa ng pagpapanggap sa ideolohikal na mga aparato, hayagang inilalarawan naman ang mga babae bilang “manggagamit” o sa Ingles ay gold digger
sa kanta ng Ex-Battalion na “Hayaan Mo Sila.” Pagkamuhi sa kababaihan o misogyny, at pagturing bilang sex objects, ang mensahe. Walang bago sa kanta ng Ex-B. Magpahanggang ngayo’y sakit ng mundo kung paano kinikilala bilang kapantay ng kalalakihan ang kababaihan. Dahil sa mga atakeng neoliberal, nauso na rin ang pagsasapribado sa mga eskuwelahan kung kaya’t maraming di nakatutuntong sa kolehiyo o hayskul man lang. Prebilehiyo ang turing dito ng gobyerno dahil layunin nilang panatilihing mangmang ang nakararami sa kanilang tunay na kalagayan. Kasapakat ang makinarya ng kulturang popular ng imperyalismong US, nilalasing ang kabataan sa mga nauuso sa social media at telebisyon. Tulad sa pelikulang “They Live,” pinupurol at pinakakalma ng mga halimaw ang mga tao sa iba’t ibang pamamaraan. Huwag nang uulit pa
“May nanay din kayo!” ’Yan ang palaging sambit tuwing may insidente ng panggagahasa. Pero mukhang hindi na yata ito tumatalab. Nitong nakaraan lang, may babaing ginahasa ng apat na pulis. At dahil sa pananakot, inurong niya ang kaso. Presidente na rin ang nagsabing iaabsuwelto sila kahit manggahasa pa. Sabi ng matatanda, pagkain daw ng
kaluluwa ang awit. Dahil sa kagutuman at kahirapan ng ating kaluluwa, napipilitan na tayong kumain ng pagpag tulad ng mga kanta ng Ex-B. Mga pinagpagan ng mainstream hiphop sa US. Ganoon iyon karumi. Para bang ang sining ay ginagawa na lang ng mga walang magawa. Wala nang oras ang manggagawa para gumawa ng makabuluhang awitin. Apat na oras ba naman silang ipit sa trapik at sagad-sagad mag-overtime sa trabaho. Paano kung ang iba’y pamilyado pa? Ganito ang larawan ng mga manggagawa sa sistemang malakolonyal at malapiyudal: di hahayaang maging mapanlikha at kritikal. Ito ang paraan ng mga kapitalista para pagtiisin sila sa pagpag: barya-baryang pasahod, kontraktuwalisasyon, at Ex-B. Dahil kung may pagpipilian man, ang tiyak na yayakapin ng mga manggagawa ang sistemang naglilingkod sa kanila, walang iba kundi ang sosyalismo. Kaya’t ’wag magtiis sa Ex-B, maraming mga milenyal na progresibong grupo tulad ng The General Strike, Plagpul, at Tubaw. Kadalasang ang mga tema nila’y hinding hindi mo maririnig sa radyo. Kung sa tingin mo’y lunod na lunod na ka na sa kabaduyan ng mainstream, subukan mong pakinggan ang mga nabanggit. Sabi nga ng matatanda, marami raw sinasabi iyung di-gaanong naririnig. PW