Pw 16 08 04082018

Page 1

TOMO 16 ISYU 08

8 ABRIL 2018

Tiempo muertos sa Negros 2 Peace talks muli? Kapansanan sa TV

3 8

Nakawelgang obrero ng Coca-cola, dinahas Basahin sa pahina 5

Bakit dapat nating ipaglaban ang National Minimum Wage Basahin ang espesyal na kolum ni Atty. Remigio Saladero sa pahina 4

“ITAK SA PUSO NI MANG JUAN” NI ANTIPAS DELOTAVO


2

OPINYON

PINOY WEEKLY | ABRIL 8, 2018

Nagugutom na magsasaka ng Negros, sinisiraan ng AFP

P

atuloy ang paninira diumano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lumalabang mga magsasaka. Sa Negros Occidental, binabansagang rebelde ang mga magsasakang gumigiit ng kanilang karapatan sa lupa. Kamakailan, tinawag ni Brig. Gen. Eliezer Losañes (brigade commander ng 303rd Infantry Brigade ng Army) at Capt. Ruel Llanes (tagapagsalita ng brigada) na rebelde ang mga magsasaka ng Negros. Ang naturang pahayag ay mula umano sa impormasyon ng isang “source” na miyembro ng “Komiteng Rehiyon-Negros” ng rebolusyonaryong New People’s Army (NPA). Ano ang binabansagang mga magsasaka? Mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NSFW) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Negros na nagsasagawa ng kampanyang “bungkalan” kasama ang mga manggagawang bukid sa tubuhan na dumaranas sa tiempo muerto.

Nagbubungkal sila sa mga lupaing tubuhan sa panahong walang pagtatanim ng tubo o panahon ng tinatawag na tiempo muerto. Tiempo muerto o dead season ang panahon sa pagitan ng pagtatanim at pag-aani ng mga tubo, kung kailan halos walang trabaho na magawa ang mga manggagawa sa mga hacienda sa Negros. Ayon kay John “Butch” Milton Lozande, pangkalahatang kalihim ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), “katawa-tawa” pero mapanganib sa buhay ng mga magsasaka sa islang tinatawag rin na simbolo ng piyudalismo sa Pilipinas ang kasinungalingan na pinapakalat nina Losañes at Llanes. “Ang pahayag ni Hen. Losañes ay kahalintulad ng sa despotikong mga haciendero na ilang siglo nang naghahariharian sa industriya ng asukal sa Negros kapalit ng dugo at pawis ng mga manggagawa. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag ang Negros na bulkang naghihintay lang na sumabog,” ani Lozande. Sa datos ng Sugar Regulatory Administration, nasa 33.99 porsiyento ng kabuuang 424,130 ektarya ng lupain sa Negros ang

pagmamay-ari ng 1,860 haciendero. Samantala, 30 porsiyento naman ang pagmamayari ng malalaki at maliliit na panginoong maylupa at ang natitirang 36 porsiyento ay pinaghahatian ng nasa 53,320 magsasaka at manggagawang pangagrikultura. Sa isang linggo, nakatatanggap lang ng P500 hanggang P750 na sahod ang mga manggagawa sa tubuhan. Umaabot lang sa P245 kada araw ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa bukid. Samantala, may ilan na nasa P80 hanggang P120 lang ang natatanggap sa isang araw. Marami sa kanila, hindi nakapaghahain ng sapat na pagkain sa kanilang hapag at hindi napag-aaral ang kanilang mga anak. Wala rin silang proteksiyon sa Social Security System (SSS) at iba pang benepisyo na nakasaad sa batas. Ito ang dahilan kung bakit inilunsad ng NSFW at KMPNegros ang Land Cultivation Area (LCA) o kampanyang “bungkalan” kasama ang mga manggagawa sa tubuhan na dumaranas sa tiempo muerto. Ayon sa NSFW, layunin ng LCA na punan ang gutom na nararanasan ng sugar workers

NONOY ESPINA

Nilalabanan ng mga magsasaka ang taggutom tuwing tiempo muertos. Hindi sila dapat pinagbabantaan. Ni Angelica Merillo

dala ng tiempo muerto. Isa rin itong repleksiyon ng kabiguan ng gobyerno na magpatupad ng mga reporma sa agrikultura at nilinaw nila na hindi ito pagnanakaw ng mga rebelde sa mga lupain. Ang apela ni Losañes sa mga panginoong maylupa na maghain ng kaso laban sa mga “rebelde” ay nagpapatunay umano na minamaliit ng mga nasa kapangyarihan ang mga problemang nararanasan ng sugar workers ng Negros at nangangahulugan rin na pumapanig ang opisyal sa mga panginoong maylupa. “Di kailanman naduwag ang NSFW kahit nang idineklara ang batas militar noong 1972. Mas lalo pa itong lumakas sa kabila ng napakaraming abuso na ginawa sa mga miyembro nito, kabilang na ang masaker sa Escalante, Negros Occidental. Di rin natatakot ang grupo sa mga banta ng militar. Mananatili kaming kakampi ng masang Pilipino laban sa pang-aapi at pagsasamantala,” pagtatapos ni Lozande.PW

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


Mga rebolusyonaryo,

matagal nang handa sa negosasyon Mahalaga sa mga mamamayang Pilipino ang pagtutulak ng mga repormang sosyo-ekonomiko sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan. Ni Priscilla Pamintuan

M

uling nagbubukas si Pangulong Duterte sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Para naman sa NDFP, matagal na silang bukas at handang ipagpatuloy ang negosasyon— habang nagpapatuloy ang paglaban sa lahatang-panig na panggigiyera ng rehimeng Duterte laban sa kanila. “Bukas din at handa kami na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan at inaahsan ang mga negotiating panel ng GRP (gobyerno ng Pilipinas) at NDFP na magkita sa pinakamadaling panahon para siginipikanteng umabante sa batayan ng mga burador (para sa Comprehensive Agreement of Social and Economic Reforms o Caser) na inihanda noong Oktubre 4, 2017,” ayon kay Prop. Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng NDFP. Noong Abril 3, sa isang talumpati sa Oriental Mindoro, sinabi ni Duterte na muling nagbubukas siya

sa usapang pangkapayapaan. Pero may mga kondisyon siya. “Puwede tayong magusap. Hintuan ninyo ang revolutionary government, huwag na kayong magsunog in the name of taxation kasi kaawa ‘yung mga negosyante,” ani Duterte. Gusto diumano ni Duterte ng tigil-putukan bago magpatuloy ang usapan. Pero matagal nang inililinaw ng NDFP na katunaya’y naghanda na ng burador sa bilateral na tigil-putukan na lalagdaan sana matapos nalagdaan din ang Caser. Inilinaw rin ng rebolusyonaryong kilusan na kailangang maipuwesto ang Caser bago ang tigilputukan dahil pagtugon ito sa mismong ugat ng armadong tunggalian. “Sinsero kmai sa pagtutulak na makipagnegosasyon at makapaglagda kasama ang GRP ng komprehensibong kasunduan sa repormang panlipunan, pang-ekonomiyia at pampulitika para tugunan ang ugat ng armadong tunggalian at ilatag ang batayan ng pangmatagalan at

makatarungang kapayapaan... (Ipinaglalaban din namin ang paglagda sa) kalakip na mga kasunduan na iamnestiya at palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal at pagkakaroon ng koordinadong unilateral ceasefires para matamasa ang kapayapaan,” pahayag pa ni Sison. Malaking bahagi ng panukalang reporma ng NDFP ang pagpapasimula ng pambansang industriyalisasyon sa bansa, gayundin ang pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Noong Lunes, Abril 2, ipinangako ni Duterte na patuloy na magkakaroon ng “tunay” na reporma sa lupa magpatuloy man ang peace talks o hindi. Pero ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, noong Hunyo 30, 2014 pa natapos ang Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Hanggang ngayon, walang pumapalit na programa ang gobyerno para sa repormang agraryo. Matatandaang muling

nagbukas si Duterte sa posibilidad ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan matapos makausap siya kay Idun Tvedt, Norwegian special envoy to the peace process, noong Peb. 15. Ang gobyerno ng Norway ang third party facilitator ng usapan. Sa Kamara, mahigit 60 mambabatas din ang pumirma sa resolusyon ng blokeng Makabayan na naghihikayat sa administrasyong Duterte at NDFP na ipagpatuloy ang negosasyon. Sa kabila nito, patuloy ang paghayag ng ilang miyembro ng gabinete tulad ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ng pagtutol sa usapang pangkapayapaan. Kahit sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at punong negosyador na si Silvestre Bello III ay nagpahayag ng pagtutol o negatibong pagtingin sa negosasyon. PW May ulat ni HD de Chavez

JON BUSTAMANTE

LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | ABRIL 8, 2018


4

SURING BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 8, 2018 WEEKLY PINOY

Pambansang minimum na sahod:

Nararapat ba?

KATHY YAMZON

HUSGAHAN NATIN

A

lam ba ninyo na noong panahon ni Pangulong Marcos, hindi iba-iba kundi iisa lang sa buong bansa ang minimum wage na tinatanggap ng mga manggagawa sa pribadong sektor? Ibig sabihin nito, ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila ay katulad rin ng minimum na sahod ng mga manggagawa sa ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Walang pagkakaiba ang minimum wage na binibigay sa mga manggagawa kahit saan man sila naroroon. Kaya kahit

ikaw ay nasa Bikol, Cebu, Lanao, o saan mang lupalop ng Pilipinas, parehas lang ang pinakamababang sahod na inilalaan sa iyo ng batas. Ang lahat ng ito’y nabago magmula nang dumating ang administrasyong Aquino. Noong Hunyo 2009, ipinasa ang Republic Act 6727 o Wage Rationalization Act na nagbabago sa pamaraan ng pagtukoy sa minimum na pasahod sa mga manggagawa. Sa kagustuhang maglipatan sa probinsiya ang mga pabrika at upang ma-decongest ang Metro Manila, sinasabi ng batas na ito na dapat ang minimum wage ay batay sa rehiyon na kinaroroonan ng manggagawa at batay rin sa

klase ng kanilang trabaho. Nang sa ganoon, maraming kapitalista ang lilipat sa mga probinsiya at doon na magtatayo ng negosyo sa mga rehiyong mas mababa ang minimum wage kaysa Metro Manila. Ang magpapasya kung magkano ang ibibigay na minimum wage ay ang regional wage boards ng bawat rehiyon. Kumbaga, may sariling Regional Wage Board ang Region 1. Ang Region 2 ay may sarili ding regional wage board, at ganun din ang Region 3, Region 4, at iba pa. Kaya sa ngayon, ang minimum wage ng mga mangggawa na nasa Metro Manila ay magkaiba sa

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

minimum wage ng mga manggagawa na matatagpuan sa Region 1, at magkaiba rin ito sa Region 3, Region 4 at iba pang rehiyon sa bansa. Ngunit di lang ganito ang idinulot ng Wage Rationalization Act o lalong kilala sa tawag na Herrera Law. Ibinatay rin nito ang minimum wage, depende sa klase ng trabaho ng mga manggagawa. Kaya ang minimum wage ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa retail and service sector, tulad ng


SURING BALITA SURING-BAL-

| ABRIL 8,PINOY 2018WEEKLY | ABRIL 8, 2018 restaurant o di kaya ay department store, ay magkaiba sa minimum wage ng mga nagtatrabaho sa pabrika, at magkaiba rin sa minimum wage ng mga nagtatrabaho sa bangko. Kaya tuloy, napakarami ng uri ng trabaho ng mga manggagawa at napakarami rin ng kanilang minimum wage pagdating rito. Ayon sa Department of Labor and Employment, magmula nang maging batas ang Herrera Law noong 1989, mayroon nang hindi bababa sa 1,000 klasipikasyon sa trabaho ang isinagawa ng mga regional wage board. Ibig sabihin, mayroon tayong mahigit 1,000 minimum wage sa buong bansa. Tanong: Kailangan ba talagang iba-iba ang minimum wage ng mga manggagawa? Bakit, ang bigas ba sa Metro Manila’y magkaiba ang halaga kung ihambing mo sa bigas sa Ilocos o bigas sa Bikol? Ang halaga ba ng sabon o softdrink sa Maynila’y mas mahal kaysa sabon o softdrink sa Davao o sa Cebu? Ang batayang pangangailangan ba ng manggagawa sa pabrika’y magkaiba kaysa batayang pangangailangan ng manggagawa sa department store o restaurant? Hindi. Pare-parehas lang ang halaga ng bilihin at batayang mga pangangailangan ng mga manggagawa sa ating bansa, saan man sila naroroon at ano mang klase ang kanilang trabaho. Kaya malinaw na dapat nang buwagin ang mga regional wage board na mga ito at ibalik ang dating National Minimum Wage Law. Bukod rito, nagdudulot din ng pagkawatak-watak at hindi pagkakaisa ng mga manggagawa ang regionalization ng minimum wage. Ang hindi nila pagkakaisa halimbawa ay makikita sa patuloy na pang-aapi sa manggagawa at pagkiling sa mga kapitalista ng

regional wage boards. Tulad, halimbawa, sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, ang mimimum wage dito sa Metro Manila para sa mga non-agricultural workers ay P512.00 bawat araw. Pero ang tunay na halaga lang ng P512.00 kung ihambing mo sa taong 2006 ay bale P360.00 lang. Isa pa, inaasahang gagastos ang isang pangkaraniwang pamilya sa Metro Manila ng P1,171.00 arawaraw para sa pagkain at iba pang pangangailangan nito. Malinaw na kulang na kulang ang P512.00 na kinikita ng isang padre de pamilya para matugunan ang pang-araw- araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Mabuti na lamang at may mga grupo ng mga mangagawa na sumusulong sa pagtanggal ng regional wage boards at pagsagawa ng national minimum wage na bale P750.00 bawat araw. Kung tutuusin, kayang-kayang ibigay ng mga negosyante at kompanya ang kahilingang ito. Ayon mismo sa estadistika ng ating pamahalaan, ang kabuuang ganansiya ng lahat ng negosyo sa ating bansa ay umaabot ng P1.63Trilyon sa isang taon. Kung magiging P750.00 ang minimum wage araw-araw, gagastos lang ng P447-Bilyon tuwing taon ang mga negosyante. Sa makatuwid, may maiiwan pang P1.2-T sa kanilang kinikita sa isang taon. Bakit hindi natin pagbibigyan ang panukalang ito? Makakatulong ito sa 10 milyong pamilya ng minimum wage-earners. Sa Kongreso, iilang kongresista lang tulad ng nasa Gabriela, Bayan Muna, Kabataan, Anakpawis at ACT Teachers’ Party-list ang sumasang-ayon sa panukalang ito. Sana nama’y maliwanagan ang iba pang mambabatas at tulungan tayong maisabatas na ang panukalang ito. PW

5

Nakawelgang manggagawa sa Coca-cola sa Davao, dinahas

Ilan sa inarestong manggagawa ng Coca-cola, binisita ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate (ikalawa sa kanan)

H

abang tinatapos ang isyung ito ng Pinoy Weekly, may balitang pumasok muli hinggil sa mga nagwewelgang manggagawang kontraktuwal sa planta ng Coca-Cola sa Davao City. Nitong Marso 31, marahas na dinisers ang mahigit 100 manggagawa ng armadong koponan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Task Force Davao ng Philippine National Police (PNP). Kabalitunaan ang pandarahas na ito, ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), dahil ang nilalabanan pa nga ng mga manggagawa ng Coca-Cola ay ang ilegal na pagtanggal ng kompanya sa 140 kontraktuwal na manggagawa. Hindi ang mga manggagawa ang gumagawa ng ilegal na gawain, kundi ang kompanyang Coca-Cola. “Muling pinapakita ng kontra-manggagawang rehimeng Duterte na ang loyalty nito ay sa malalaking korporasyon at dayuhang mga negosyo, at hindi sa mga mamamayang Pilipino,” sabi ni Labog. Sa nasabing dispersal, inaresto ng SWAT PNP at Task Force Davao ang 10 manggagawa dahil diumano sa “di-pagsunod sa mga awtoridad” at “grave coersion”, at iba pang paratang. Nakakulong sila sa estasyon ng pulisya sa Talomo. Ikinuwento ng naturang mga manggagawa na hinaras, pinagbantaan at tinutukan sila ng baril ng mga pulis. Nanawagan ang Kilusang Manggagawa sa Coca-Cola o Kimaco sa Coca-Cola manedsment na agarang ibalik sa trabaho at iregularisa ang tinanggal nitong mga manggagawa. Marami sa kanila, mahigit limang taon nang nagtatrabaho sa naturang planta sa Davao City. Karamihan sa kanila’y nagtatrabaho sa delivery trucks, nagtatrabaho bilang pickers, tarpers, segregators at sweepers. Nanawagan din ang grupo na agarang palayain ang 10 ikinulong na mga manggagawa. PW


6 BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 8, 2018 ALTERNATIBONG BALITA

Hindi state witness si Napoles - Bayan

Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang plano ng Department of Justice (DOJ) na gawing state witness si Janet Napoles sa mga kaso kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam. Kinuwestiyon ng Bayan ang motibo ng DOJ sa paggamit kay Napoles, na tinawag nilang “mastermind” ng pork barrel scam, bilang state witness. Ayon pa sa grupo, nananatili pa rin ang sistema ng pork barrel sa bansa dahil sa mga mambabatas na gumagawa ng mga paraan para maisama ito sa budget ng iba’t ibang ahensya. Angelica Merillo

Lorenzana, utak-pulbura - Pamalakaya Kinundena ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, militanteng grupo ng mga mangingisda, ang paghadlang ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan. Anila, ipinapakita umano ni Lorenzana ang pagiging utak-pulbura nito at ang kanyang kawalan ng interes sa pagtamo ng ganap na kapayapaan sa buong bansa. Dugtong pa nila na ang pagpapatuloy sa usaping pangkapayapaan ay makabubuti sa mga mangingisda dahil ito ay magbibigay sa mga mangingisda ng karapatan sa mga munisipal na pala-isdaan. Sherna Tesara

Noong Abril 2, Lunes, nagtipun-tipon sa Makati City ang mga personalidad, lider ng iba’t ibang organisasyon, pulitiko, artista, at iba pang tao sa isang programa at aktibidad para mabuo ang pagkakaisa para sa pagtatanggol ng karapatang pantao at paglaban sa tiraniya sa panahon ng rehimeng Duterte. Mula mga pulitiko at personalidad ng Liberal Party, hanggang lider ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, naging oportunidad ang aktibidad para ipagugnay ang malawak na hanay ng kilusang kontra-tiraniya sa mga isyu ng mga mamamayan tulad ng pandarahas sa mga maralita at kawalan ng pabahay at kabuhayan. Sa larawang ito, nakipagkaisa si Sen. Kiko Pangilinan sa laban ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap INDAY ESPINA-VARONA o Kadamay.

BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Kontraktuwalisasyon tuloy pa rin “Mas inaalala pa ng pangulo ang mga mayayamang kapitalista kaysa sa nagugutom na mga manggagawa,” ani Anakpawis Rep. Ariel Casilao, ukol sa aniya’y malatalunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kontraktuwalisasyon. Aniya, nagmukhang trapo na ang pangako ng noo’y alkalde ng Cebu na wakasan ang ‘endo’ sa oras na siya ay mahalal bilang pangulo. Dagdag pa ni Casilao, dapat umano ay isaalangalang ang kapakanan ng nakararaming Pilipino sa isang demokratikong gobyerno, ngunit malinaw raw ang mas pagpapahalaga ng presidente sa iilang mga kapitalista at oligarko lamang. Sherna Tesara

Pagpaslang sa Gaza kinondena Kinondena ng International League of People’s Struggle (ILPS-Phils) ang pagpatay ng militar ng Israel sa 17 Palestino sa Gaza. Mahigit 1,400 ang sugatan, kabilang ang mga kababaihan at kabataan, sa nangyaring insidenteng ginanap sa gitna ng mapayapang demonstrasyon na naghihikayat sa UN na suportahan ang karapatan ng mga Palestinian refugee sa Gaza. Ayon sa ILPS-Phils, lumakas ang loob ng gobyerno ng Israel matapos ideklara ni US Pres. Donald Trump ang Jerusalem bilang kapitolyo ng Israel. Sherna Tesara

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

POPE FRANCIS. Matagal nang naghahayag ng progresibong mga

tindig ang Santo Papa, mula sa paghayag ng suporta sa mga migrante at manggagawa, hanggang sa pagbatikos sa kapitalismo. Sa kanyang mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay, kinondena niya ang pagpaslang ng mga sundalong Israeli sa di-bababa sa 17 sibiyang Palestino na nagprotesta sa kawalan ng kanilang mga lupain noong Marso 29.


SAMU’T SARI 7

PINOY WEEKLY | ABRIL 8, 2018

D

Mga recipe gamit ang mangga

ni HD de Chavez

ahil panahon na naman ng mangga ngayong tag-init, handog namin ang ilang recipe gamit ang mangga. Ensaladang Mangga Maganda itong kasalo ng pritong isda o prinito/nilagang talong na may kasamang itlog na pula. • Hilaw na mangga, binalatan at hiniwa sa maliliit na cubes • Sibuyas, hiniwa sa maliliit na cubes • Kamatis, hiniwa sa maliliit na cubes • Bagoong Sa isang mangkok, paghaluin lamang ang mga sangkap at dagdagan ng bagoong depende sa inyong panlasa.

lutuin sa katamtamang apoy. Hinaan ang apoy kapag kumulo na ito. Ugaliing haluin ito para hindi manikit sa kaserola. Kapag luto na, patayin ang apoy at itabi muna. Sa isang kawali, paghaluin nang mabuti ang ang gata, asukal, at asin. Pakuluin sa katamtamang apoy. Kapag kumulo na, hinaan ang apoy at hayaang maluto hanggang limang minuto. Patayin ang apoy at isantabi muna. Ilagay ang lutong malagkit na kanin sa plato, ibuhos sa ibabaw ang ginawang sauce na gata, pagkatapos ay ternohan ng hiniwang manggang hinog sa tabi.

Suman sa Gata at Manggang Hinog • 1 ½ tasa ng malagkit na bigas, binabad ng 10 minuto sa maligamgam na tubig • 2 tasa ng gata • 1/3 tasa ng asukal • ½ kutsaritang asin • Manggang hinog Banlawan ang malagkit na bigas at

Manggo Gelatin • 4 na pirasong manggang hinog • 1 lata ng evaporada • 1 sachet ng gulaman • asukal (depende sa panlasa) • 1 kutsaritang vanilla Maghiwa ng ilang pisngi ng mangga at ilagay sa ilalim ng llanera o molde na gagamitin. Tunawin ang gulaman sa

Sen. Loren Legarda, pinuno ng Senate finance

ANG TARAY!

Dapat ituloy natin ang usapang pangkapayapaan at ipagpatuloy ang mga talakayan hinggil sa CASER [Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms] na itinuturing na ‘puso at kaluluwa ng usapan. committee. Sinabi ni Legarda na dapat pondohan ang mga repormang sosyo-ekonomiko na magiging bunga ng kasunduan sa usapan ng gobyerno at National Democratic Front.

KILITING DIWA

Tanong: Ano ang tawag sa hayop na nasa ulo ang paa? Sagot: Kuto. *** Tanong: Kung ang kuto ay gumagapang sa ulo ng tao, at garapata naman sa aso, ano naman ang sa kabayo? Sagot: Plantsa

Tanong: Ano ang hindi puwede kainin sa umaga at tanghali? Sagot: Hapunan. *** BOY: Globe ka ba? GIRL: (kinikilig) hihirit ka ng pick up line ’no? BAKET? :D BOY: Hindi! Makikitext lng sana ako e.

maligamgam na tubig. Magpakulo ng 2 tasang tubig. Kapag kumulo na hinaan ang apoy at ilagay ang tinunaw na gulaman. Samantala, i-blender ang mangga, evap, at asukal. Isalin ito sa nilulutong gulaman at haluin nang mabuti. Ilagay ang vanilla at asukal ayon sa panlasa. Kapag medyo lumapot na ang mga pinaghalong sangkap, isalin na ito sa mga llanera o molde. Palamigin muna saglitbago ilagay sa ref. PW

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis Hapon kinontrol ang pagbabangkong lokal at dayuhan

A

lam n’yo ba na ang Hapon ay nagsagawa ng patakaran ng pananalapi para sa pagkontrol sa sistema ng pagbabangko? Nang masakop nito ang Maynila sa ikalawang araw pa lang, pinangsiwaan ng Japaneses (Hapon) ang mga bangkong Amerikano at pagaari ng iba pang dayuhan. Isinumite ang mga ito sa Bank of Taiwan para sa kaukulang likidasyon. Noong Pebrero at Marso tatlong pribadong bangkong Filipino at ilang sangay ng Philippine National Bank ang inatasang muling magbukas ngunit nilimitahan ang paglalabas ng pera. Inilipat naman sa Bank of Taiwan ang lahat ng bangkong lokal at lahat ng deposito ng mga Amerikano at iba pang kaaway na dayuhan. Inatasan din ng Hapon na magbayad sa Bank of Taiwan at Yokohama Specie Bank ang mga nangutang sa mga bangkong pagaari ng kaaway at mga mamamayan ng Estados Unidos at iba pang kaalyansang bansa ng perang militar. Nagbayad agad ng utang ang mga indibidwal ng milyun-milyon na perang militar sa kanilang operasyong buy and sell, at nagmamadaling bayaran ang kanilang utang ng perang walang halaga. Umabot sa halagang P34 milyon ang tinanggap ng Bank of Taiwan sa mga nagbayad ng utang. PW


KULTURA

T

Paano nga ba tinitingnan ng mga palabas sa telebisyon ang kapansanan, at ipinapasa ito sa mga manonood nila? Ni Teri Malicot

inatangkilik ng sambayanan ang primetime shows, tulad ng Eat Bulaga at ng kay Vice Ganda. Masayahin nga daw kasi ang Pilipino, katunayan pangatlo ang Pilipino na pinakamasayahin tao sa buong mundo ayon sa pagsasaliksik ng Gallup International Survey na isinagawa taong 2017. Sa kabila ng kasikatan ng Eat Bulaga at ni Vice Ganda patuloy na sinasangkapan ang kondisyon ng Persons With Disabilities (PWD) sa trabaho nila bilang komedyante, parang nakaliligtaan nila na ang isa rin sa kanilang tagapagtangkilik ay mga disabled-body, silang may ‘depression’ o iba pang mental health problem, at mga in-patient sa ospital na sumasailalim sa panggagamot ng kanilang sakit o disabilidad. Hindi rin mapasusubalian na paulit-ulit na ipinapakita ng mga primetime show na ito ang pagdarahop at trahedya ng pamilya o indibidwal, at matapos ay babalasubasin ang kuwento ng personal na buhay. Ganito ipinapakete ng kapitalista ang may-kapansanan sa likod ng entertainment and media, ng mga primetime show, comedy show at magazine show para tumaas ang ratings.

disabled-body? Naglalaan ang pribadong mga kompanya at ahensiya ng gobyerno ng isang porsiyento na empleyo para sa PWD. Kung sa pribadong kompanya, 1 sa bawat 100 na naeempleyo. Ngunit ang 1 porsiyento na ito ay isinasailam pa sa Corporate Social Responsibility

porsiyentong na diskuwento sa basic commodities. Makatao at mapagsamang pagpapatawa

Bagamat nagpapaalala ang Movie and Television Review and Classification Board, wala itong pangil magbigay ng kaukulang parusa laban sa berbal na pang-aabuso sa PWD lalo pa ang mga dominanteng midya ay pinagmamay-arian ng mga namumunong pamilya ng oligarkiya sa bansa na wala naman habag o pang-unawa sa kalagayan ng populasyon ng PWD kungdi ay ang nais na pagkakitaan ang kalagayan ng PWD (halimbawa ang deformity na nagresulta sa kakaibang itsura) sa mga programang pangtelebisyon nito na magazine show at comedy show. Halimbawa na lang sa mga magazine show, ipinagmamalaki ang may kapansanan sa kanyang kamangha-manghang ta-lento at husay, ngunit ang diskurso sa kalagayan ng may kapansan ay hindi tinatalakay – ang malawakang kawalan ng maayos na sistemang pangkalusugan ng bansa at ang kakulangan sa komprehensibong programa sa iba’t ibang tipo ng sakit at disabilidad. Nagpapalaganap lamang ang mga programang pangtelebisyon ng disbentahe ng pagkakaroon ng kapansanan at sakit imbes na talakayin ang sanhi ng pagkakaroon nito. Ikinakatuwiran ng mga komedyante tulad ni Vice Ganda at ng Eat Bulaga ang self-expression na brand ng kanilang pagpapatawa, kahit ang self-expression na ito ay makailang ulit nang ininsulto ang komunidad ng mga may-kapansanan. Sa tindi ng kapabayaan ng gobyerno, pagsasangtabi sa karapatan ng PWD, di makatwiran na ang kanilang kondisyon ay gawin pang katatawanan. Ang insensitibong pahayag at dekadenteng kaugalian na ibinunga ng atrasadong kaisipan laban sa kondisyon ng PWD lalo na kung sasambitin sa pambansang telebisyon ay magbubunsod ng galit at diskriminasyon, at magpapakalat ng mapanganib na isipan sa publiko. PW

Kapansanan

sa mata ng Eat Bulaga at ni Vice Ganda

Kalagayan ng PWD

Maraming pangangailangan ang PWD lalo na sa gamot at serbisyong pangmedikal subalit lalo lamang magpapalala ng kahirapan ay ng kanilang kondisyon. Sa istadistika, 45.9 porsiyento ng PWD sa urban ay mahirap at 61.9 porsiyento ng mahihirap na PWD ay nasa rural. Ayon pa sa datos, nasa 1.4 milyon ang populasyon ng PWD sa Pilipinas (PSA, 2010). Nasa 50.9 porsiyento ang kalalakihan at nasa 49.1 porsiyento naman ang kababaihan na PWD. Kakaunti lamang ang mga PWD na nakakatuntong sa paaralan, nasa 40,181 ang PWD na kabataan ang pumapasok sa Special Education (SPED), ayon sa datos ng Department of Education (2012-2013). Kung ang abled-body nga ay hirap makahanap ng trabaho, paano pa ang

bilang pabango sa imahe ng pribadong mga kompanya. Sa kapitalismo, itinuturing na ‘non-productive agents’ ang disabled, konsiderasyon ng kumpanya ang walang sagabal sa mabilis na produksiyon dahil dagdag-gastos ang pasilidad na sana ay makatutulong sa PWD para komportable niyang magampanan ang kanyang trabaho. Sa kasalukuyan, mas lalong palalalain ng neoliberalismo ang bahagi PWD sa partisipasyon niya sa lipunan. Kaya ang iba’t ibang iskema ng pleksibleng paggawa, halimbawa na ang ‘quota’ at Compressed Work Week, ay magdudulot ng mas lalong kumplikasyon sa sakit o kapansanan ng PWD. Tumatagos din ang mga antimamamayang polisya ng gobyerno sa mga PWD. Sa kaso ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train), magtataas ang pangunahing mga komoditing tinatangkilik ng ordinaryong mamimili, mababalewala ang esensiya ng PWD bill kung saan nagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa serbisyong medikal, amusement at recreational center at pampublikong transportasyon, at 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.