PW Special Issue (magazine) on the PH visit of Pope Francis

Page 1

o n i S ope P cis? i s n a Fr

4

ESPESYAL NA ISYU M ATAPAT, M APAN UR I , M AKAB AYAN

1 5 EN ERO 2 0 1 5

S

imula nang maging Santo Papa si Pope Francis — na ang tunay na pangalan ay Jorge Mario Bergoglio, at dating arsobispo ng Bueno Aires, Argentina — nagulantang na ang mundo sa kanya. Kakaiba siya sa nagdaang mga Santo Papa. Liban sa simple, mapagkumbaba, at mapagmalasakit, lalo na sa mahihirap, walang trabaho, maysakit, at matatanda, matapang siyang naglalabas ng kanyang mga saloobin. Kamakailan lang, hayagan niyang pinuna ang mga kardinal ng simbahan na nagpapayaman sa posisyon nila. Bago pa nito, nagbuo na rin siya ng komisyon para imbestigahan ang seksuwal na pang-aabuso sa mga bata ng mga alagad ng simbahan, at mayroon na ngang pari na itinakwil ng Roma dahil dito. Tinuligsa rin niya ang isang sistemang pang-ekonomiya na nagluluwal ng kahirapan, ang mga kasamaang dulot ng kapitalismo, ang human trafficking, at ang terorismo. Sa halip na kondenahin, itinuring

DIBUHO NI EDSA MANLAPAZ

SUNDAN SA P. 3

HANGAD NG BAYAN

KAY POPE FRANCIS Kinikilalang maka-mahihirap at nagpahayag ng progresibong mga paninindigan ang Santo Papa. Sa pagdating niya sa Pilipinas, nais ng iba’t ibang sektor ng mga mamamayan ang kanyang interbensiyon: Makiisa sa aming paglaban sa kahirapan at pagsasamantala. Ni Yanni Fernan


2 EDITORYAL

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015

Paglahok at pananampalataya

K

ahit ang demonyo, kayang sumipi sa Bibliya. Ito ang minsan nang sinabi ng Ingles na manunulat na si William Shakespeare. Totoo, kahit ang pinaka-makasalanan, pinaka-sakim, pinaka-mabangis ay kayang magdilang-anghel, kayang magpanggap na siya’y walang-dungis at mabuti. Kaya naman, sa ating kasaysayan, kahit ang pinakamalulupit na mga kolonyalistang Espanyol, na pumatay at nang-api sa ating mga mamamayan sa mahigit 300 taon, ginamit ang Krus para pahupain ang pagtutol ng mga Pilipino sa kolonyalismo. Araw-araw na ginamit ng mga prayleng Espanyol ang mga pulpito para sermonan ang mga “Indio” hinggil sa kabilang-buhay, pero pagkatapos nito’y pinangasiwaan nila ang pagtortyur at pagpatay sa lumalabang mga Pilipino. Tulad ng kinuwento ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela, malaganap din ang pagsasamantala ng mga prayle sa ating kababaihan. Marami sa pinaka-despotikong mga panginoong maylupa at malalaking burgesya-kumprador ay nagsasabing deboto sila ng kung sinu-sinong santo. Nagpatayo sila ng sariling mga simbahan, nagpaaral ng mga anak sa Katolikong mga paaralan. Samantala, sa tatlong pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas (1970, 1981, at 1995), lahat nang ito’y dumaan sa Malakanyang, nakipagkamay ang Papa sa Pangulo ng Pilipinas, na mula noon hanggang ngayo’y nangangasiwa sa pagsasamantala at kahirapan ng mga mamamayan. Tunay na ginagamit ng mga mapagsamantala ang relihiyon para manatili sa kapangyarihan. Kaya’t aasahan na natin ito kay Pangulong

Aquino sa pagbisita ni Pope Francis. Itinuring na pastoral visit at state visit ang pagbisita ng kasalukuyang Santo Papa sa Pilipinas. Ibig sabihin, samantalang nandito si Pope Francis para bisitahin ang mga mananampalataya sa simbahang Katoliko sa Pilipinas, nandito rin siya bilang kinatawan ng isang Estado na may ugnayang diplomatiko sa gobyernong Pilipino. Muli, makikipagkamay siya at makikipag-usap sa Pangulo. Muli, gagamitin ng Malakanyang ang okasyon para magmalinis at matabunan ang milya-milyang lista ng kasalanan nito sa bayan: ang malawakang korupsiyon, lalo na sa porma ng pork barrel at Disbursement Acceleration Program; ang malawakang paglabag sa karapatang pantao; ang pagpapatupad ng neoliberal na mga polisiya tulad ng pagsasapribado sa mga serbisyong panlipunan; ang pagpapabaya sa mga biktima ng kalamidad; at maraming iba pa. Kinatawan si Pope Francis ng institusyong matagal nang kumalinga sa mga makapangyarihan at nagsasamantala. Gayunman, may kakaiba sa Santo Papa na ito, sa kanyang hayagang pagpanig sa mga inaapi, sa mga manggagawa, migrante, at iba pa. Palagi rin niyang sinasabi ang pagtutol sa sistema ng kapitalismo na nagsasamantala sa mayorya ng daigdig. Dahil dito, may espesyal na halaga ang pagpunta niya sa Pilipinas: pagkakataon din ito para patibayin ang kanyang makamahihirap na tindig. Pagkakataon ito para ipakita ng mga mamamayan ang tunay na kahirapan at pagsasamantala sa mga Pilipino. May mga pagkakataon din sa kasaysayan na naging kakampi ng

WEEKLY 57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com

EDITORIAL POOL Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos

Published by

PinoyMedia Center, Inc. www.pinoymediacenter.org Email: pinoymediacenterinc@gmail.com

PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair) Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano Evelyn Roxas

inaaping sambayanan ang mga alagad ng simbahan. Mula sa Gomburza (Gomez, Burgos, at Zamora), hanggang mga kaparian, madre at mananampalataya na lumalahok sa kilusan para sa kalayaan at demokrasya, marami ang tumutugon sa “propetikong misyon” ng simbahan. Sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ngayong Enero 15 hanggang 19, maaaring pagtibayin natin ang pakikilahok na ito. PW


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015 HANGAD NG BAYAN

Mula sa p.3

pa rin niyang anak ng Diyos ang mga bakla at tomboy, gayundin ang gumagamit ng artificial contraceptives. Sabi nga ng editor at manunulat ng isang Katolikong journal, parang bulkang lumalabas ang kanyang mga ideya. Sa mga giyera at kaguluhang nangyayari ngayon sa daigdig, naniniwala rin siyang nagaganap na ang Third World War bagaman maliitan pa. Layon ni Pope Francis

Pupunta si Pope Francis sa Pilipinas sa Enero 15-19. Ang pakay niya ay makarating sa Tacloban at makahalubilo ang mga biktima ng Yolanda. Tinatayang milyon ang dadalo sa misa niya sa Luneta at libu-libong kabataan naman ang kanyang haharapin sa University of Santo Tomas. Siyempre, dadaan din siya sa Malakanyang. Pero ang tiyak na aantabayanan ng marami ay ang kanyang sasabihin tungkol sa Pilipinas. Nananatiling tanging Pilipinas ang bansang Katoliko sa Asya. Subalit sa pagdaan ng panahon, marami na ring mga Katoliko ang sumanib sa iba’t ibang sekta tulad ng Born Again at lumakas pa lalo ang Iglesia ni Cristo. Bihira na rin ang gustong magpari o magmadre. Bunga ito marahil ng katotohanang liban sa ilang progresibo, ang simbahan na dati’y malapit sa tao ay kasinglamig na rin ng semento sa pakikitungo sa mga nangangailangan dito. Mas malala pa, kung saan masasabing malakas ang Kristiyanismo, isa pa rin ang Pilipinas sa pinakamahihirap at pinakabulok na bansa sa daigdig. At malaki ang kinalaman dito ng nakaraan at kasalukuyang mga lider ng bansa tulad ni Pangulong Aquino na kung umasta’y mga saradong Katoliko. Pang-apat na si Pope Francis sa mga Santo Papa na nakarating sa Pilipinas. Ngunit dahil kakaiba nga siya -- sa

LATHALAIN

maraiing pagtuligsa sa mga kabulukan at katiwalian, sa panawagang buksan ang mga pinto ng simbahan, sa pagsasabi sa mga taga-simbahan na tumungo at makinig sa mga nangangailangan -maraming Katoliko ang humihiram ngayon ng lakas ng loob sa kanya para harapin ang mga hamon nila sa buhay.

goberyno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para malutas ang ugat ng armadong rebolusyon sa Pilipinas. 5. Nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa at pagbabawal sa kontraktwalisasyon.

5

Bigyan ng pansin

Ngunit hindi lamang ito para sa mga Katoliko kundi para sa buong sambayanan. Dahil sa kanyang mataas na moral at ispiritwal na impluwensiya, at umani ng taguring “people’s pope” o “pope of the poor”, marami ang nakikinig kay Pope Francis. Marami ang natatauhan sa katotohanang kanyang binibitawan, at nakukumbinsing kumilos sa iba’t ibang paraan. Kaya may buting idudulot sa bansa kapag mula mismo sa bibig ni Pope Francis ay mabigyan niya ng pansin ang alinman sa sumusunod:

6.Pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa para sa mga naghihikahos na mga magsasaka ng bansa.

7

1

9

3

3. Patuloy na paglabag sa karapatang-pantao, laluna sa mga tumututol sa rehimen. Kaalinsabay, ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal.

4. Pangangailangang ibalik ang peace talks sa pagitan ng

6

7. Pagkilala sa ancestral domain ng katutubong Pilipino. 8. Ang pagtigil labor export policy at paglalantad ng hirap at pang-aabuso sa mga migranteng Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

1. Lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa bansa. Ang katotohanang iilang pamilya lamang ang kumokontrol sa kabuuang yaman ng Pilipinas. 2. Korupsiyon ng administrasyong Aquino, lalo na ang pagwawaldas sa yaman ng bayan, at kriminal na pagpapabaya nito sa mga biktima ng delubyo tulad ng Yolanda.

3

2

sa

8

9. Ang walangawang demolisyon sa mga bahay ng maralita na dahilan para mahiwalay sila sa kanilang hanapbuhay, kapamilya at kaanak. 10. Pagsira ng mga multinational corporations, laluna ang mga kompanya ng minahan, sa kabundukan at karagatan ng bansa.

10

Sa harap ng Papa, di malayong kasinungalingan at pagkukunwari ang maririnig mula sa mga residente ng Malakanyang. Subalit matalino si Pope Francis, at lalo na ang sambayanang Pilipino. Ang mahalaga’y magamit ang talinong ito para sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan at simbahan. PW

4


4 LATHALAIN

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYUPINOY | ENERO WEEKLY 15, 2015 ESPESYAL

Sino si Pope Francis? Nakilala ang kasalukuyang Santo Papa sa kanyang ilang progresibong paninindigan sa mga isyung pambayan. Ni Priscilla Pamintuan

P

inanganak sa Buenos Aires, Argentina noong Disyembre 17, 1936 si Jorge Mario Bergoglio. Naging pari siya sa ilalim ng kongregasyong Society of Jesus (SJ, o mga Heswita) noong 1969. Bago nito, naging chemical technician at bouncer sa isang nightclub si Jorge. Mula 1973 hanggang 1979, naging Provincial Superior si Jorge. Panahon ito ng matinding panunupil sa mga mamamayan sa Argentina. Lumakas ang kilusang makabayan at progresibo doon, at tinapatan ito ng pandarahas ng gobyerno. Katulad ng Batas Militar o martial law sa Pilipinas

ang tinaguriang “Dirty War� o maruming digmaan sa Argentina. Ito ang bahagi ng kasaysayan ng bansa mula 1974 hanggang 1983 kung kailan matindi ang atake ng mga sundalo at mga death squad ng gobyerno sa mga mamamayan. Sa harap ng lumalakas na legal at armadong mga paglaban ng mga mamamayan sa bulok

na sistema, lumaganap ang pagdukot at pagpatay sa mga sibilyan at aktibista. Tinatayang mahigit 7,000 hanggang 30,000 mamamayan ng Argentina ang pinaslang sa panahong ito, samantalang 13,000 naman ang dinukot (desaparecidos). Ayon sa maraming kuwento, tahimik na sumuporta si Obispo Bergoglio sa mga Katolikong pari na lumaban sa diktadura. Maraming aktibistang Argentinian ang nagsabi na kinupkop sila ng obispo nang tinutugis sila ng militar noong panahon ng Dirty War. Gayunman, binatikos siya sa kaso ng dalawang pari, sina Orlando Yorio at Franz Jalics, na dinukot at tinortyur

ng militar noong Mayo 1976. Noong maging kardinal, namalagi si Bergoglio sa maralitang mga komunidad ng Buenos Aires. Naging tanyag siya sa Simbahang Katoliko bilang lider-simbahan na malapit sa mga maralita. Noong Abril 2005, nang mamatay si Pope John Paul II, itinuring siyang isa sa nangungunang papabiles o kandidato sa pagka-Santo Papa. Nang mahalal ang Aleman na si Joseph Ratzinger bilang Santo Papa (at naging Pope Benedict XVI), nagdesisyon si Bergoglio na magretiro. Pero noong Pebrero 2013, biglang inanunsiyo ni Pope Benedict XVI na magbitiw bilang Santo Papa (dahil umano sa kanyang mahinang

“


NA ISYUPINOY | ENERO WEEKLY 15, 2015 ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015

LATHALAIN

5

kalusugan). Sa isang sorpresang botohan, “propetikong misyon ng nahalal si Bergoglio bilang susunod na simbahan”, kabilang ang lider ng Simbahang Katoliko. Pinili niya aktibong paglahok ng ang pangalang Francis, mula kay St. mga nananampalataya Francis of Asisi, ang patron saint ng mga sa pakikibaka ng Katoliko sa mahihirap. sambayanan para sa Bilang Pope Francis, nakitaan ang kalayaan at demokrasya. Santo Papa ng pagpapakumbaba at Matagal na kinokontra simpleng pamumuhay. Tumanggi ng matataas na opisyal ng siyang tumira sa malaking mansiyon Simbahang Katoliko ang sa Vatican City. Tinanggihan din ni liberation theology. Francis ang mamahaling Popemobile, Kabilang sa mga o ang bullet-proof na sasakyan ng lumaban sa tradisyong mga santo papa, at nagmantine ito si Pope John Paul II at ng mumurahing sasakyan. Pana- Pope Benedict XVI, noong panahong nakita rin siyang sumasakay siya’y Bishop Ratzinger pa. sa mga bus at tren. Noong obispo, arsobispo o malalaking korporasyon, at iba pang Maraming deklarasyon si Pope kardinal pa, hindi rin naman Francis na maituturing na progresibo. aktibong sinuportahan ni Bergoglio demokratikong karapatan ng mga Kabilang dito ang pagsabing “sino ako ang liberation theology. Pero ayon sa ilang mamamayan. Noong Oktubre 2014, pinangunahan para maghusga” sa mga bading at mananaliksik, tahimik lang na sumangni Pope Francis ang World lesbiyana o mga miyembro ng Gayunman, binatikos siya sa kaso ng Meeting of Popular komunidad ng LGBT. Binatikos Movements, isang pagtitipon dalawang pari, sina Orlando Yorio at Franz din niya sa publiko ang mga opisyal ng simbahan na nagmamantine Jalics, na dinukot at tinortyur ng militar noong ng mga social movement o mga kilusang masa sa iba’t ibang ng magagarbong mansiyon at Mayo 1976. Hindi umano pinrotektahan ni bahagi ng daigdig. Sa pagtitipong enggrandeng lifestyle. Bergoglio ang dalawang pari kaya tinortyur. ito, hinikayat ng Santo Papa Naging matinik na kritiko ang mga kilusang masa na siya ng kapitalismo, ng pag-aari ng iilan sa mayorya ng kayamanan ng ayon si Bergoglio sa pakikilahok ng mga ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa mga mundo. pari at nananampalataya sa pakikibaka istruktura sa lipunan na nagpapanatili ng kahirapan at pagsasamantala sa mayorya Noong Setyembre 2013, pinulong ng sambayanan. niya ang isa sa mga tagapanguna ng Nagpahayag na rin siya ng pagpanig ng mga mamamayan. “Hindi na makakapaghintay ang liberation theology, si Fr. Gustavo sa karapatan ng mga manggagawa, mahihirap, nais na nilang lumahok; nagGutierrez ng Peru. Liberation theology gayundin sa reporma sa lupa sa mga oorganisa sila, nag-aaral, nagtatrabaho, ang isang tradisyon sa loob ng magsasaka. Tinataguyod din umano Simbahang Katoliko na nagyayakap sa ni Pope Francis ang karapatan ng mga gumigiit, at hingil sa lahat, nagbubuo migrante, pangangalaga ng espesyal na pagkakaisa sa pagitan sa kalikasan mula sa nilang naghihikahos at naghihirap,” pandarambong ng sabi niya. PW Hinggil sa pandarahas sa maralita Nawa’y di tayo masanay sa kahirapan at pagkabulok sa ating palibot. Dapat na kumilos ang isang Kristiyano. (Abril 3, 2014) Hinggil sa paggawa Hinggil sa kapayapaan Kung walang paggawa walang dignidad! (Kawalang Handong mula sa Diyos ang kapayapaan, pero trabaho) ay resulta ng isang pandaigdigang desisyon, isang kailangan pa rin ng ating pagsisikap. Maging mga sistemang pang-ekonomiya na dumudulo sa trahedyal mamamayan ng kapayapaan tayo, sa panalangin at isang sistemang pang-ekonomiya na nakasentro sa idolong gawa. (Hunyo 6, 2014) tinatawang na ‘pera’. (Setyembre 22, 2013) Hinggil sa kawalan ng pagkakapantay Wala nang mas lalala pa (sa klase ng) materyal na Samantalang mabilis ang paglaki ng kita ng minorya, kahirapan, gusto kong idiin, kaysa sa kahirapan na pumipigil lumiliit ang kita ng mayorya. (Mayo 16, 2013) sa mga tao na kumita para sa pagkain at pinagkakain sa kanila ang dignidad ng trabaho. (Mayo 25, 2013)

Sabi ni Kiko...


6 ANILA

D

ahil kinikilala nating ang mga reporma (ni Pope Francis) ay di magbabago sa reaksiyonaryong katangian ng Simbahang Katoliko, tungkulin pa rin nating pag-aralan at kumilos, magsuri at gumawa ng balanseng paghusga at magpalaganap (ng mga paninindigang) kapakipakinabang sa mahihirap, pinagkaitan at inaapi... Dapat maging aktibo tayo sa pagkuha sa atensiyon ng Santo Papa sa sitwasyon ng bansa: nagpapatuloy na paghihirap at tumitinding karalitaan na dulot ng mga polisiyang pangekonomiya na pumapabor sa iilan; pandarambong sa pambansang likasyaman; nagpapatuloy at pagpapailalim sa imperyalistang kontrol... Pero hindi lang ang Santo Papa ang gusto nating makausap. Dapat nating maabot ang buong pamunuan ng Simbahang Pilipino sa iba’t ibang diyosesis, kongregasyon, parokya at magsagawa ng mga diyalogo at kumuha ng kooperasyon para kailangang radikal na panlipunang pagbabago. Kailangang ipaliwanag sa kanila ang batayang mga pagbabago tulad ng komprehensibo at tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon at ang nagpapatuloy na armadong rebolusyon na naglalayong tugunan ito. Pero higit sa mga diskusyong teoretikal, dapat na aktibong mapalahok sila sa pakikibaka ng mga mamamayan, hindi lang dahil maimpluwensiya sila sa opinyong publiko tundi miyembro sila ng lipunang Pilipino na may taya sa kagalingan at kaunlaran nito.” Christians for National Liberation (CNL) Oktubre 2014

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015

Ano ang masasabi ng mga mamamayan

kay Pope Francis at sa pagbisita niya sa Pilipinas?

A

ng Simbahang Katoliko, may mga propetikong tungkulin. At si Pope Francis, pinili siya para lutasin ang mga problema sa loob ng simbahan. Alam na alam ng mga taong-simbahan iyan. Alam nilang siya’y progresibo. Kritikal siya at nagpapakilos laban sa kasamaan ng sistemang kapitalista. Ang bisita niya sa Pilipinas ay pagpapakita ng pag-alala niya sa Pilipinas at mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Nagsasalita rin siya tungkol sa supertyphoons na gawa ng tao—itong pagsasamantala at pang-aapi ng mga may kapangyarihan at mayaman... Magandang palaganapin lahat ng sasabihin niya para sa kabutihan ng sambayanang Pilipino...Ang pagbisita ng Papa ay puwedeng tingnan, pangalagaan at bigyang halaga sa framework ng Christians for National Liberation at sa framework din ng kasaysayan. Ang rebolusyong Pilipino, sumulpot dahil ginarote ang leeg ng Gomburza (mga martir na pari na sina Gomez, Burgos at Zamora) ng kolonyalismong Espanyol. Prop. Jose Maria Sison Tagapangulo, International League of Peoples’ Struggle

D

eka-dekada na kaming lumalaban para sa lupa at hustisya. Sampung taon matapos ang masaker sa Hacienda Luisita, wala kaming

nakakamit kundi higit pang kawalang-hustisya at kawalan ng pananagutan. Samahan ninyo kami sa paglaban, Santo Papa ng Mahihirap! Florida Sibayan Tagapangulo, Alyansa ng mga Magbubukid ng Asyenda Luisita

T

ulad mo, Pope Francis, lubos na nalulungkot at nababahala kami sa trahedya ng pagkakahiwalay ng mga pamilya (ng migrante). Sumisigaw kami para sa paghihirap at sakit na nararanasan ng mga anak na naiiwan at lumalaking walang sapat na paggabay, ng mga magulang at pamilyang napapaglayo sa isa’t isa, at ang resultang ekonomiko, emosyonal at sikolohikal sa mga mahal sa buhay dahil sa pagkakahiwalay sa mga pamilya... Nananawagan kami sa iyo [Pope Francis] na makipagtrabaho sa mga organisasyon ng mga migrante at tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan para suportahan ang pakikibaka ng mga migranteng Pilipino. Marami pang kailangang gawin. Santo Papa ng mahihirap, makipaglaban kasama namin... Migrante International

L

ubos na napukaw ng mga salita at kilos ni Pope Francis ang damdamin ng kabataang Pilipino. Pero nangangamba kami na di-papayagan ng gobyerno (ni Pangulong Aquino) na masaksihan


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015 ni Santo Papa ang tunay na abang kalagayan ng malawak na mayorya ng mga Pilipinong namumuhay sa kahirapan. Walang duda, magtatayo ang mga opisyal ng gobyerno ng isang Potemkin Village para sa Papa sa opisyal na itinerary niya, at itatago ang mga reyalidad panlipinan sa Pilipinas sa likod ng pader ng pakitang-tao.

ANILA/BALITA

7

#PopeFrancisPH

Kaanak ng biktima ng karahasan ng Estado, dumudulog sa Santo Papa

Einstein Recedes Tagapagsalita, Student Christian Movement of the Philippines

H

indi simpleng pagbisita ang pagdating ng Santo Papa. Mayroon itong mensahe at ang mensahe ay laging pulitikal. Sa mahirap na bansa gaya ng Pilipinas na isa sa pinakakurap at may anti-mamamayan na gobyerno, mahalaga ang pagsasalita ng Santo Papa. Tinay Palabay Pangkalahatang Kalihim, Karapatan

B

iktima ang inosenteng anak ko ng gawa-gawang mga kaso laban sa akin. Di makatarungan ang pagkakulong ko. Wala akong kasalanan sa mga bintang laban sa akin habang patuloy na nagluluksa ako sa pagkamatay ng anak ko...Umaapela ako sa tulong mo [Pope Francis]. Naniniwala akong may magagawa ka para makalaya ako... Andrea Rosal Bilanggong pulitikal

N

apanalangin namin na tulungan kami ni Pope Francis at ng lokal na mga lider ng simbahan sa aming pakikibaka para gumawa ng hakbang sa pagtulong sa mga komunidad na apektado ng Yolanda at ng supertyphoon Ruby (at Seniang) para makabalik na kami sa palayan at pangisdaan nang walang takot sa panghaharas at pamamaril ng mga militar. Dr. Efleda Bautista Tagapangulo, People Surge

“N

ais kong hilingin kay Pope Francis na tulungan ang tatay ko na makalaya.” Ito ang pagsusumamo ng 10-anyos na si Joanna Mae, habang nagsusulat ng liham para kay Pope Francis na nakatakdang bumisita sa bansa sa Enero 15 hanggang 19. Nanawagan ang kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o desaparecidos, bilanggong pulitikal at mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang kay Pope Francis na pakinggan ang kanilang hinaing para sa mga mahal sa buhay na nakakulong, pinaslang o nawawala dahil sa pampulitikang paniniwala. Kuwento ng ina, isinilang si Joanna na nakakulong ang kanyang ama na si Cirilo sa Camp Bagong Diwa, Bicutan. Magsasaka sa Quezon siya, at pinaghinalaang rebelde ng New People’s Army at sinampahan ng kasong illegal possession of firearms at murder. “Masaya ako kung nakakasama ko si Tatay,” ani Joanna. Pero malulubos daw ang kasiyahan niya kung makakalaya ang ama. Tulad ni Joanna, nais din iparating ni Nikki Gamara, anak ni Renante Gamara, ang kaso ng kanyang tatay na organisador ng mga manggagawa na kinulong batay sa gawa-gawang kaso noong Abril 3, 2012. Sabi ni Gamara, pareho ng ipinaglalaban ni Pope Francis ang ipinaglaban ng kanilang mga mahal sa buhay. “Tuwing naririnig namin ang mga salita ng Santo Papa hinggil sa hustisyang panlipunan, tumitibay ang aming pag-asa na kasama namin siya at ang iba pang pinuno ng simbahan na makakamit namin ang hustisya,” ani Gamara. Dagdag pa ni Gamara, nais din nilang makadaupang palad ang Santo Papa. Ani Erlinda Cadapan, ina ni Sherlyn Cadapan na biktima ng sapilitang pagkawala noong 2006 kasama ang kapwa-estudyanteng si Karen Empeno, di bago kay Francis ang pinagdadaanan nila. “Mayroon din sa bansa ni Pope Francis (Argentina) na desaparecidos, kaya’t alam niya ito. Pero dito sa atin, nagpapatuloy ang ganitong mga kaso. Sana, ang mga pinuno ng simbahang Katoliko, tularan ang Santo Papa na tumindig para sa mga biktima,” ani Cadapan. Nakatakdang maglunsad ng hunger strike ang mga bilanggong pulitikal, habang sisikapin naman ng kanilang mga kaanak na maiparating sa Santo Papa ang kanilang kalagayan. Macky Macaspac


8 LATHALAIN

N

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | ENERO 15, 2015

ahimok ng paparating na pagbisita ng Kanyang Kabanalan, Pope Francis, ang pagtatag ng People’s Committee to Welcome the People (People’s Welcome) mula Enero 15 hanggang 19, 2015. Kasama sa multisektoral na network na ito ang mga kinatawan ng mga manggagawa, magsasaka, maralitang lungsod, estudyante, propesyunal, artista, tagapagtanggol ng karapatang pantao, at mga biktima ng kalamidad, kasama rin ang mga relihiyoso at clergy. Nais natin ipahayag ang pagpapahalaga sa malalim na pagmamalasakit na pinakita ni Pope Francis sa mga mamamayan ng Pilipinas, lalo na sa mahihirap at milyun-milyong biktima ng bagyong Haiyan/Yolanda sa Visayas. Napukaw ang damdamin natin sa progresibong mga tindig ni Pope Francis sa maraming isyung panlipunan, kabilang ang kahirapan, karapatang pantao, korupsiyon, paggawa at iba pa. Nagsalita si Pope Francis hinggil sa kahalagahan ng pakikisa sa mahihirap at pinagsasamantalahan, bilang bahagi ng pananampalatayang Kristiyano. Malugod nating tinatanggap si Pope Francis at inaanyayahan siyang makiisa sa atin. Inorganisa ang People’s Welcome para dalhin sa atensiyon ng Santo Papa ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Maraming sektor, lalo na sa mardyinalisadong bahagi ng lipunan, ang umaapela sa Papa na suportahan ang mga isyu na may malalim na epekto sa mga mamamayan. Mula sa mga isyu tulad ng pangangamkam ng lupa at repormang agraryo, pagmimina, militarisasyon sa kanayunan, prosesong pangkapayapaan, dignidad ng paggawa, pangekonomiyang globalisasyon, militarismo at giyerang pananakop, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan--nais ng sambayanan na ipalaganap ito sa pag-asa. Malugod nating tatanggapin ang suporta ng Kanyang Kabanalan, Pope Francis, sa pakikibaka ng mga mamamayang Pilipino para sa

soberanya, demokrasya at panlipunang katarungan. Hindi lang dahil sang-ayon ang mga konseptong ito sa mga itinuturo ng Simbahan na pinamumunuan ng Papa, ang progresibong mga tindig ng Santo Papa sa mga usaping ito ay nagbibigay-pag-asa na maririnig natin ang boses ni Pope Francis pabor sa mga mamamyang Pilipino. Tungo sa mga hangaring ito, mag-oorganisa ang People’s Welcome ng mga aktibidad na dudulo sa pagbisita ng Santo Papa at mag-iisponsor ng iba’t ibang “pagtitipon ng mahihirap” sa buong bansa para isalarawan ang kalagayan ng sambayanan. Ang panawagan namin ay “Pope Francis, pakinggan mo ang sigaw ng mahihirap! Tumindig kasama namin!” PW

ITINERARY NI POPE FRANCIS (AT PAGLAHOK NG MGA PROGRESIBO)

Enero 15 Pagdating sa Pilipinas Huwebes 5:45pm Paglanding sa Villamor Airbase Caravan patungong Residence of the Papal Nuncio, Taft, Manila Enero 16 Welcome ceremony sa Malacanang Biyernes 9:15am Courtesy visit kay Pang. Aquino Aktibidad ng People’s Welcome mga progresibo: kay Pope Francis 7:30 am assembly Morayta cor Recto Martsa to Mendiola 11:00am Holy mass sa Basilica of the Immaculate Concepcion Karapatan: Women in Black Action 5:30 pm Meeting with families Manila International Airport Enero 17 Sabado 10:00am Holy mass sa Tacloban airport People Surge march to Tacloban Airport 1:00 pm 5:30 pm

Lunch with Yolanda survivors, Palo, Leyte Trip back to Manila

Enero 18 Linggo 9:45 am Brief meeting with religious leaders meet with youth contingent, UST 3:00 pm Holy mass, Rizal Park Paglahok sa Luneta 10:00 am assembly sa Liwasang Bonifacio Enero 19 Lunes 10:00 am Departure ni Pope Francis


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.