ng p o g o Ba nak nas a lipi n paa Pi s
3
w w w . p i n o y w e e k l y . o r g
ESPESYAL NA ISYU M ATA PAT, M A PA N U R I , M A K A B AYA N
1 2 H U N YO 2 0 1 4
S
A PUNTONG ito, hindi na maitatanggi: Sangkot ang mga alyado ni Pangulo, at si Noynoy Aquino mismo, sa eskandalong pork barrel. Mismong sa digital files ng whistleblower na si Benhur Luy lumitaw ang pangalan ng maraming miyembro ng kasalukuyang administrasyon. Kahit si Janet Lim-Napoles na itinuturing na mastermind ng eskandalo, idinidiin si Budget Sec. Florencio “Butch” Abad na siya raw na nagturo kay Napoles kung papaano makakadekwat mula sa Priority Development Assistance Fund ng mga kongresista at senador, gayundin sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Hindi rin maalisalis at laging nakasungaw ang pangalan ni Sen. Franklin Drilon at Agriculture Sec. Proceso Alcala sa kontrobersiya at korupsiyon. Huwag pang kalimutan ang nadadawit na maraming kamiyembro ni Aquino sa Liberal Party.
ANALISIS
SUNDAN SA P. 6
LAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT KUHA NI MACKY MACASPAC
8
a g M vs o ng b nonira san a M ani lika p ka
2 EDITORYAL
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
Walang katuwirang kaayusan
T
57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City |
aliwas sa ipinangako ni Pangulong BS Aquino noong kampanya ang nakikita natin ngayon: maraming korapt, maraming mahirap.
wwwww.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
EDITORIAL POOL Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos
Published by
PinoyMedia Center, Inc. www.pinoymediacenter.org Email: pinoymediacenterinc@gmail.com
PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair) Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano Evelyn Roxas
BRUCE DIG
Halos isang taon matapos pumutok ang pork barrel scam, lalong umaalingasaw ang baho at nauungkat ang dumi ng kanyang administrasyon. Hindi napaparusahan, o naiimbestigahan man lang, ang lahat ng sangkot sa isa sa pinakamalawakang nakawan sa pera ng bayan. Pinagtatakpan ni Aquino ang mga opisyal ng gabinete at kaalyado na dawit dito. Espesyal ang kanyang trato sa kasapakat sa pandarambong na si Janet Lim-Napoles-pribadong pinulong sa Malakanyang, binigyan ng magandang “kulungan” at hinayaang halos mamahay sa ospital. Sa kabilang banda, malayo sa mata ng midya, walang tigil na tinutugis at ikinukulong ang mahihirap at ang kanilang mga tagapagtanggol. Sa kasalukuyan, nasa 489 na ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa. Karamihan sa mga bilanggong pulitikal ay mula sa uring anakpawis, kabilang sa mga mamamayang ninanakawan ng mga kurap na pulitiko. Dahil sa paglaban sa interes ng mga inaapi--o paminsa’y dahil lamang “napagkamalan”-pinararatangan silang
WEEKLY
rebelde, ilegal na inaaresto, at sinasampahan ng gawagawang mga kaso. Hindi makatao ang pagtrato sa kanila. Noong Marso, inaresto ng militar ang noo’y walong-buwang buntis na si Andrea Rosal, anak ng yumaong tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal at pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA). Minaltrato si Andrea at pinagkaitan ng atensiyong-medikal hanggang sa huling sandali ng kanyang kabuwanan. Dahil dito, namatay sa sakit ang kanyang kapapanganak pa lamang na sanggol na si
Baby Diona. Walang-puso ang pagtrato ni Aquino sa mag-inang Rosal. Walang-puso ang kanyang pagtrato sa daandaang bilanggong pulitikal. Hindi ito makatao -- 40 sa mga bilanggo ang matatanda ay may kapansanan, at dapat kagyat na palayain sa mga kadahilanang humanitarian. Higit pa rito, sa kanilang patuloy na pagkakapiit, lalo na ng 14 na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), inaabandona na rin ng pangulo ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GPH) at NDFP.
Kailangang kailangan ngayon ang usapang pangkapayapaan. Ito ay nasa yugto kung saan dapat pinag-uusapan na ang mga repormang sosyoekonomiko na layong lutasin ang mga ugat ng kahirapan. Nakapaloob ang mga repormang ito sa panukalang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (Caser) ng NDFP. Nilalaman ng Caser ang tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka, pagsasabansa ng mga industriya na lilikha ng trabaho, at iba pang batayang reporma na hindi kailanman ipinatupad ng anumang administrasyon, pangunahin SUNDAN SA P. 4
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
LATHALAIN
3
Ano’ng kalayaan ang ipagdiriwang ngayong Hunyo 12?
EDCA: Pagsuko sa soberanya
I
PINAGDIRIWANG sa Hunyo 12 ang “Araw ng Kalayaan”. Pero labas sa pagwagayway ng watawat at pagsuot ng barong, ano pa nga ba ang kahulugan nito -- ngayong pinirmahan ng administrasyong Aquino ang kasunduan sa Estados Unidos (US) na mistulang pagsuko sa kalayaan natin? Ngayong mistulang muli tayong sinasakop ng militar ng Kano?
Lumagda si US Pres. Barack Obama sa guest book ng Malakanyang noong Abril 27. Sa EDCA, hindi na lang guest si Obama at mga tropang Kano; mistulang may base na sila--kahit sa mismong Malakanyang. MALACANANG PHOTO
Tulad ng inaasahan, todo-depensa ang Malakanyang sa EDCA. Palalakasin daw nito ang depensa ng bansa mula sa banta ng China. Pero nanggaling sa mismong bibig ni Obama: Di sila papanig sa ‘Pinas sa sigalot nito sa China sa West Philippine Sea. Puwes, ano ngayon ang silbi ng EDCA? Malawak na layunin
Layunin daw ng EDCA na labanan ang anumang armadong atake sa Pilipinas. Batay ito sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at US na pinagkasunduan noong Agosto 1951. Pero ligwak na ang dahilang ito, batay sa mga sinabi ni Obama (at iba pang opisyal ng Kano). Nakasaad sa Artikulo II, Seksiyon 4 ng EDCA: sa “napagkasunduang mga
lokasyon” puwedeng maglunsad ng kung anu-anong aktibidad ang tropang Kano. Walang limitasyon sa lugar, basta “pinagkasunduan” ng gobyerno at Kano. Kumbaga, buong Pilipinas, puwedeng maging base-militar ng Kano. Ayon sa mga kritiko ng EDCA, ang ibig sabihin nito ay kabaligtaran ng “seguridad” na sinasabi ni Aquino; ang ibig sabihin nito, sino mang kaaway ng mga tropang Kano ay maaaring targetin sila habang nasa Pilipinas. At sino mang kaaway ng Kano ay kaaway na rin ng Pilipinas. At dahil sa mga giyera ng panghihimasok ng US sa iba’t ibang panig ng mundo, marami itong kaaway. Ang masama pa, ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Pilipinas na nga ang may dagdagpanganib, libre pang makakagamit
ng lupain at pasilidad ng bansa ang mga Kano. Nakasaad kasi sa Artikulo VII, Seksiyon 1 ng EDCA, puwedeng gumamit ng tubig at kuryente ang mga sundalong Kano -- nang walang buwis. Pati ang radio frequencies ng Pilipinas, libreng gagamitin ng mga Kano. Sa Art. III, Sec. 4 naman nakasaad na walang “operational control” ang mga Pilipino sa itinakdang mga lugar ng pagbabase ng tropang Kano. Kesehodang heneral ka ng AFP, kung tatapak ka sa base ng Kano, mas mababa ka pa sa ranggong private ng kanilang kasundaluhan. Labag sa batas
Labag din sa Konstitusyong 1987 ang EDCA, ayon sa Center for People Empowerment in Governance SUNDAN SA P. 4
4 LATHALAIN
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014 EDITORYAL | mula sa p.2
(CenPEG). Kaugnay ng pagbabawal ng pagpasok ng armas nukleyar na nakasaad sa Konstitusyong 1987, maaari na umanong makapasok ang armas nukleyar dahil hinahayaan ng EDCA na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barkong pandigma, eroplano at submarino ng US – na nagtataglay ng armas nukleyar. Ibinigay na halimbawa ng CenPEG ang pagkakabunyag noong 1995 na nagimbak ng 70 armas nukleyar ang US sa Pilipinas noong dekada ‘50 hanggang ‘80. Posible pa rin umano itong mangyari dahil walang kapangyarihan ang mga awtoridad na Pilipino na pigilan ang pagpasok ng mapamuksang mga armas na ito. Malaya silang makapasok sa bansa at walang silang karapatang inspeksiyunin ng mga Pilipino. Kahit na nakasaad sa Art. V ng EDCA na lahat ng napagkasunduang lokasyon ay mananatiling pag-aari ng Pilipinas, anumang istruktura o konstruksiyon na ginawa ng US ay kailangan munang pag-usapan bago isauli kabilang na ang usapin ng kompensasyon. Ibig sabihin, pababayaran pa rin ng US sa Pilipinas ang anumang naitayo nila sa bansa. Di makasuhan
Pamilyar na kasabihan na ang “Walang mas mataas sa batas”. Pero sa Pilipinas, dahil sa EDCA at Visiting Forces Agreement, mas mataas pa ang mga Kano sa batas. Hindi obligado ang tropang Kano na isuko ang kanilang mga sundalo na gumawa ng krimen. Napatunayan ito
BALIKATAN PHOTO
sa Subic Rape Case noong 2005; kahit na nahatulan na ang rapist na si Lance Corp. Daniel Smith, pinilit pa rin ng mga Kano na “ikulong” siya sa embahada ng Kano. Sa EDCA, lalong tali ang kamay ng mga Pinoy. Sa Art. XI nito, di puwedeng ireklamo ng Pilipinas ang mga Kano sa anumang lokal o internasyunal na korte. Maaari lamang pag-usapan ng dalawang panig ang anumang kaso. Dahil dito, mistulang may immunity ang mga Kano sa International Criminal Court, ayon kay Atty. Sarah Arriola. Nakita ng madla kung papaano hinarap (o di hinarap) ng mga Kano ang atraso nito sa pagkasira ng USS Guardian sa Tubbataha Reef, ang pagtapon nito ng basura sa may Subic Bay, at iba pa. Walang taning, walang kalayaan
Ang masahol pa nito, ayon kay Reyes, walang taning ang EDCA. Nakasaad sa Art. XII, Sec. 4 na ipapatupad ang EDCA sa loob ng 10 taon, pero magpapatuloy ang pagpapatupad nito matapos ang 10 taon hanggang wakasan ng US o Pilipinas ang implementasyon. Ayon sa mga kritiko ng EDCA, isa na ang paglagda ni Aquino sa kasunduang ito sa pinakamasahol na hakbang na ginawa ng kasalukuyang pangulo -- ang pagsuko sa soberanya at kalayaan ng bansa. Kumbaga, mistulang treason o katrayduran na sa mga Pilipino ang ginawa ni Aquino. Dapat umanong ituring ang EDCA bilang isyu na dapat ipanagot sa Pangulo, tulad ng korupsiyon at pork barrel. KR Guda / Soliman A. Santos
Mag-asawang Wilma Tiamzon (kaliwa) at Benito Tiamzon
MACKY MACASPAC / PW FILE PHOTOS
EDCA | mula sa p.3
dahil labag ito sa makauring interes ng mga namumuno. Dito, walang pinagkaiba si Aquino. Hindi siya interesado sa totoong mga reporma, o sa kapayapaan. Kamakailan, ibinuhos pa niya ang signipikanteng lakas-militar sa Southern Mindanao para durugin ang mga base umano ng rebeldeng NPA. Ngunit ang pawang resulta lamang ng mga opensibang ito ay ang pambobomba at paghahasik ng takot sa mga komunidad ng sibilyang Lumad. Ang pasistang panunupil -- sa halip na sinserong pakikipag-usap -- ang isa sa mga dahilan kung bakit, “hindi matalutalo” ang NPA, ika nga ng NDFP konsultant na si Wilma Tiamzon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lalong naglalagablab ang galit at paglaban ng mga mamamayan, saanmang sulok ng kapuluan. Ang hindi pinapatay sa gutom at pagpapabaya ng gobyerno ay pinapatay naman sa mga bomba at bala nito. Maraming kurap, maraming mahirap. Kinakanlong ang korapt, habang ikinukulong at dinudurog ang mahihirap. Walang katuwiran sa ganitong kaayusan, o maaasahang kapayapaan. Hahayaan pa ba ito ng taumbayan? Ilang-Ilang D. Quijano
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
BALITA
5
PAGKAKAISA KONTRA PORK BARREL NI AQUINO
N
agkaisa ang iba’t ibang grupo para magprotesta kontra sa sistema ng pork barrel at pagkakasangkot dito ng administrasyong Aquino ngayong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Sa pangunguna ng #AbolishPork Movement, nagbigkis ang iba’t ibang lider at personalidad para magprotesta at ihayag ang “galit at pagkasiphayo” sa kabiguan ng administrasyong Aquino na imbestigahan at usigin ang iba’t ibang opisyal, kabilang ang nasa gabinete ni Aquino, na sangkot sa multimilyong pisong pork barrel scam. Nagtipon din ang mga mamamayan sa iba’t ibang pampublikong lugar para ihayag ang kanilang protesta. Sa Maynila, nagtipon ang mga tao sa Liwasang Bonifacio ngayong Hunyo 12. Patungo silang Bonifacio Shrine at Mendiola, sa paanan ng Malakanyang, para dalhin sa bahay ng Pangulo ang
protesta. Hiniling pa ng #AbolishPork Movement ang pagbitiw sa puwesto nina Agriculture Sec. Proceso Alcala at Budget Sec. Florencio Abad na kabilang sa mga isinasangkot sa maanomalyang paggamit Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na pawang mga porma ng pork barrel. “Matagal nang alam ni Pangulong Aquino na sangkot ang mga alyado niya sa pork barrel scam. Inamin mismo ng pangulo na nakita niya ang dalawang listahan ng mga benepisyaryo ng pork, ang isang lista ay binigay sa kanya mismo ng pamilya ni (pork barrel scam suspect Janet) Napoles. Matagal nang alam ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang pagkakasangkot sa scam ng mga alyado ni Aquino,” sabi ni Mother Mary John Mananzan, na siyang nagbasa sa
Migrante, Gabriela nanawagan ng manhunt sa human trafficker
M
ula taong 2003, maraming guro na ang ilegal na nirerekluta patungo sa Washington DC, USA ng isang recruitment agency na pagaari ni Isidro Rodriguez. Matagal na ring inirereklamo ng mga biktima niya sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas at Philippine Overseas Employment Agency si Rodriguez. Pero walang katanggap-tanggap at mapagpasyang aksiyon ang ginawa ng naturang mga ahensiya, sabi ng Migrante International. Nitong Mayo 8, pinalaya mula sa kulungan si Rodriguez. Nakipag-areglo ang ilang nabiktima niya. Pero, ayon sa Gabriela-USA, patuloy na walang hustisya ang mas marami pang biktima ni Rodriguez. Hindi pa rin umano napapanagot ang mga opisyal ng administrasyong Aquino na nagpapalampas at nagkakanlong sa mga tulad ni Rodriguez. Nitong Mayo 14, hindi nagpakita si Rodriguez sa pagdinig sa korte. Kaya inilabas ng Migrante at Gabriela-USA ang panawagang ito (sa kanan): Ipasailalim sa hustisya ang pangunahing maysala sa human trafficking sa laksa-laksang Pilipino. Darius Galang
pahayag ng grupo. Kabilang sa mga personalidad at lider na dumalo sa press conference ng #AbolishPork ang mga convenor nito na sina Mananzan at Silvestre; Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption; artistang si Mae Paner; Lito David ng Kapatiran Party; Sr. Mau Catabian ng Church People’s Alliance against Pork Barrel; ang law student leader na si Victor Villanueva para sa Youth ACT Now; manunulat na si Menchu Sarmiento ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala); ang whistleblower na si Col. George Rabusa; Dick Penson ng grupong ATIN; negosyanteng si Johnny Chang; at Concerned Citizens Movement. Kasama rin ang mga lider-progresibo mula sa Kilusang Mayo Uno, Courage, RX Pork, UP Faculty vs Pork, TEACH vs Pork at iba pang progresibong grupo at pormasyong kontra-pork barrel. PW
6 LATHALAIN
PINOY WEEKLY ESPESYAL
Lahat ng sangkot, dapat managot Mula sa p.3
Nakakarindi at nakakagalit ang pagtatakip ni Aquino sa kanyang mga kaalyado at kaibigan. Sa halip na paimbestigahan ng Pangulo, o di kaya’y tanggalin sa puwesto at kasuhan ang mga miyembro ng gabinete na sangkot sa eskandalo, dinepensahan niya ang mga ito, laluna sina Abad at Alcala. Buo pa rin daw ang pagtitiwala niya sa dalawa. Marahil, dati na niyang alam ang baluktot na gawain ng mga ito – at okey lang ito sa kanya. Sa atin, hindi ito okey. Kung tutuusin, tahasang pag-absuwelto ang ginawa ni Aquino sa kanyang mga kaalyado. Anlakas ng loob niyang maghabol sa mga miyembro ng oposisyon na sangkot din sa eskandalo ng pork barrel, pero todo-tanggi agad sa tuwing sangkot ang mga alyado. May maniniwala pa ba sa sinasabi niyang “kampanya laban sa korupsiyon”? Ang tawag sa bulok na kalakarang iyan ay patronage politics. Matagal nang kaalyado ng kanyang pamilya sina Abad at Drilon – mula pa noong pangulo ang kanyang ina na si Cory. Sinuportahan ni Abad ang pagpasa
sa Kongreso ng bogus na repormang agrayo, ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Matapos maipasa sa Kongreso, itinalaga si Abad bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform. Sa panahong ito, dumami ang aplikasyon ng mga panginoong maylupa para sa stock distribution option (SDO) na iskema para mapanatili sa kanila ang lupa – tulad ng ginawa sa Hacienda Luisita. Si Drilon na noon na kalihim ng Department of Justice, sinusugan ang “legalidad” daw ng SDO. Ang Memo No. 44 ni Drilon ang naging basehan ng Korte Suprema noon na ideklarang legal ang SDO na kalauna’y binaligtad ng Korte Suprema sa panunugkulan ni Chief Justice Renato Corona. Hindi pa dahil sa pagkakasangkot sa korupsiyon kundi dahil binangga niya ang interes ng Pangulo sa Luisita kaya pinatalsik ni Aquino si Corona. Malinaw pa sa sikat ng araw: Kabaligtaran ng islogang “Kung walang korap, walang mahirap” ang nagaganap sa ilalim ni Aquino. Samantala, kumusta naman iyung bukambibig ng Pangulo na puno’t dulo raw ng mga problema ng bansa, si Gloria Macapagal-Arroyo? Hayun, mga progresibong grupo pa ang nagsampa ng kaso. Ngayon, tila papayag pa siyang makapagpiyansa si Gloria. Di rin natin nakitaan ng kakarampot na galit si Aquino nang maabsuwelto ng kanyang Ombusdman si Arroyo sa kasong fertilizer scam. Puro hangin mula sa Palasyo: Kesyo paiimbestigahan at magsasampa kuno ng kaso. Samantala, panay naman ang salag sa mga bintang na kasabwat din ang kanyang mga opisyal at kaalyado. Sa pagsalag na siguro sa batikos at imbestigasyon pinakamahusay si Aquino: mula sa pagsalag sa batikos sa malalaking
ANALISIS
Protesta kontra DAP sa harap ng Korte Suprema. Iginigiit pinakamasahol na porma ng pork barrel ang DAP.
burges komprador o negosyanteng nagpapakasasa sa pondo ng bayan at sa kita sa pamamagitan ng publicprivate partnerships hanggang sa imperyalismong US na gusto nang lubus-lubusin ang pagpapakasasa sa yaman ng bansa sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement at Charter Change. Sa ganito lang magaling si Aquino. Malaki ang pananagutan ng pangulong ito sa mga mamamayan.
Sa pags niyang lumala sangko mismo “matuw Pap Maaari karapa na paa pakund iilang i
NA ISYU | HUNYO 12, 2014
LATHALAIN OPINYON
7
Kolonyal at Elitistang Edukasyon
S
ng mga progresibo na MACKY MACASPAC / PW FILE PHOTO
salag niya sa batikos sa tiwali g mga alyado, siya mismo abas na tiwali. Siya mismo ot din sa korupsiyon. Siya , matagal nang lumihis sa wid na daan”. paano siya papanagutin? ing simula sa paggiit ng atan ng mga mamamayan alisin ang pangulong walang dangang nagsisilbi sa sarili at interes. Macky Macaspac
apagkat kinopya nang pira-piraso nagpa-blonde ng buhok, nagpalaki ng suso at mula sa edukasyong Amerikano ang pabalbal na nagpipilit mag-Ingles kahit mga ating edukasyon gayong hindi naman Pilipino ang kausap. Kahit sa mga awitin at katugma ang ating ekonomiya ng pelikula, malinaw na hinuhuwad natin ang industriyalisadong ekonomiya ng Estados kultura ng mga Yankee. Unidos, hindi nito matugunan hanggang Sa halip na isulong ng walang gulugod ngayon ang mga pangangailangan ng na pambansang liderato ang siyensiya at bansa tungo sa kaunlaran at, sa halip, teknolohiya tungo sa industriyalisasyon ng naging instrumento pa ito ng pang-aaliping bansa, naiiwan tuloy ang Pilipinas sa larangang pangkaisipan. Higit pang masama, mga ito ng mga 50 taon kung ihahambing sa korporasyong multi-nasyonal at dayuhang mauunlad na bansa sa Asya at mga 100 taon mga interes ang nakikinabang lamang naman ng industriyalisadong mga bansa sa talino at lakas-paggawa ng mga sa Kanluran. nagsisipagtapos sa kolehiyo na Nakakainsulto tuloy na hindi naman tinutumbasan ng saranggola pa lamang ang makatarungang suweldo. kaya nating gawin gayong Natural, dahil mga nagmamanupaktura na ng Amerikano ang naggiit ng kanilang mga eroplano ang kasalukuyang edukasyong Tsina, Japan o Korea. Rebentador Pilipino, isinalaksak sa ating utak lamang at dinamita ang nagagawa ang mga pagpapahalagang maka- PLUMA AT PAPEL natin samantalang bomba atomika Amerikano kaya dinadakila natin ROGELIO L. ORDONEZ ang nalikha ng India. May “ballistic hindi lamang ang kanilang lahi, missile” ang Hilagang Korea, ngunit wika, kasaysayan at kultura kundi maging ang tayo’y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon kanilang mga produkto. Ikinadena pa ang na hindi pa sumasagitsit paitaas kung minsan. pambansang liderato, pinanatiling tagahimod Kung may “cosmonaut” at “astronaut” ng kuyukot ni Uncle Sam kaya sunud-sunuran ang Rusya at Amerika na nakapaglalakbay sa dikta ng mga diyus-diyosan sa Washington sa kalawakan o nakararating sa buwan, — pampulitika man o pangkabuhayan o mayroon daw naman tayong mga aswang at anumang mga patakarang pabor lamang sa manananggal. Samantalang gumagawa at makasariling interes ng Amerika. nagbebenta ng mga sasakyan — bus man o Samantalang umunlad, at patuloy na kotse — ang Korea at Japan, tagapulot naman umuunlad, ang maraming bansa sa daigdig — tayo ng basurang mga makina at piyesa ng tulad ng Alemanya, Pransiya, Rusya, Tsina at sasakyan upang lagyan ng kaha at maging Japan — hindi sa pamamagitan ng paggamit sa mga behikulong pamasada. wikang Ingles sa kanilang edukasyon kundi ng Kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal kani-kanilang wika, banyagang wikang Ingles at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pa rin ang nangingibabaw sa ating edukasyon. pako o karayom at bumibili pa ng lagari, pait, Umiiral tuloy, at isang malaking kahangalan, katam at martilyo mula sa ibang mga bansa, o ang elitistang pananaw na “hindi edukado” at ng iba pang mga produktong puwede namang itinuturing nang bobo ang hindi mahusay sa tayo na ang lumikha. lengguwahe ni Uncle Sam gayong ang sukatan Ano nga ba ang naidulot sa bansa ng ng katalinuhan ay wala sa wikang ginagamit edukasyong Pilipinong kinopya nang pirakundi nasa laman ng isip. piraso sa edukasyong Amerikano? Sa larangang pangkultura, ayon nga sa Malinaw na pinatindi lamang ng mananalaysay na si Stanley Karnow, lumikha edukasyong ito ang kaisipang kolonyal at tayo ng mga Pilipinong Elvis Presley, Frank elitistang pananaw, pinanatiling atrasado Sinatra, Tom Jones o Michael Jackson, at ang bansa, at naging pabrika lamang ang iba pa. Nagsulputan ang makabagong mga pangmayamang mga kolehiyo at unibersidad Donya Victorina ng Noli at Fili ni Rizal — ng henerasyon ng mga lider na mandurugas, nagpatangos ng ilong, nagpaputi ng kutis, makadayuhan at may kaisipang-alipin, walang SUNDAN SA P. 9
8 LATHALAIN
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
Oplan Bayanihan, plano kontra sa bayan
P
Katutubong paglaban kontra sa pananakop ng militar
inakatan ang kanilang mga komunidad ng pinakamaraming bilang ng tropang militar sa buong bansa. Pero lumalaban sila. Sa napakahirap na sitwasyon, ipinapakita ng mga Talaingod Manobo ang pagkakaisa para sa kanilang lupang ninuno at karapatan. Ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, nakapakat sa buong isla ng Mindanao ang 60 porsiyento ng lahat ng tropang militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa layunin nito sa Oplan Bayanihan na puksain daw ang rebolusyonaryong New People’s Army. At sa lahat ng rehiyon ng Mindanao, mayorya ng mga tropang ito ay nakapakat sa Timog Mindanao. Nitong Marso, pinatikim sa mga mamamayan ng naturang rehiyon ang lupit ng presensiya ng militar. Nagdulot ito ng malawakang paglikas ng mga sibilyang komunidad. Marami ang kaso ng sapilitang pagkawala at pamamaslang, gayundin ang mga pag-abuso ng sundalo at tortyur. Sa Talaingod, Davao del Norte, tahanan ng libu-libong katutubong Manobo na patuloy na nagpepreserba sa kanilang kultura at kalikasan, pinakatan ng laksa-laksang militar ang
kanilang mga komunidad. Organisado nilang nilabanan ito, sa pamamagitan ng pagbakwit at paggiit sa publiko na kondenahin ang militarisasyon. Handa rin silang lumaban, gamit ang kanilang katutubong mga sandata, kung kinakailangan. Tagaprotekta ng kalikasan
Sa kabila ng pana-panahong pagpasok ng dayuhan at lokal na
komersiyal na mga interes, napreserba ng mga Manobo sa Talaingod ang kanilang kultura at kabuhayan. Bahagi ng bulu-bunduking Talaingod ang Pantaron Range, na isa sa natitirang virgin rainforest sa buong bansa. Noong dekada ‘90, sinimulan ng kompanyang Alcantara and Sons (Alsons) ang pagtotroso sa Pantaron at Talaingod. Dahil dito, nagdeklara ang mga Manobo ng pangayaw, o tribal war, sa naturang kompanya. Matagumpay nilang naitaboy ito. “Binalaan namin noon ang aming mga kalaban, tinuruan namin ng leksiyon ang Alsons. Bahagi ito ng pagdepensa sa aming lupain, hindi lang kontra sa Alsons kundi kontra sa militarisasyon dito sa Talaingod,” sabi ni Datu Guibang Apoga, lider ng pangayaw noon. Ngayon, kasabay ng pagbuhos ng militar sa Timog Mindanao, muling pinagbabantaan ng komersiyal na interes ang Talaingod at Pantaron. Sa pagkakataong ito, malawakang komersiyal na pagmimina banta. Katutubong paglaban
ITAAS: Datu Guibang Apoga; IBABA: Mga katutubong Manobo ng Sityo Bagang, Talaingod.
“Handa kaming ipaglaban ang aming lupain at kabuhayan. Kahit pa makaluma ang aming mga sandata,” sabi ni Datu Guibang. Noong 1995, ginamitan ng mga Manobo ng katutubong mga sandata tulad ng pana ang mga mangtotroso. Noong taon din, kasabay ng pangayaw, sapilitang nagbakwit ang maraming Manobo, patungong Davao City. Nitong Marso 2014, muling lumikas sila. Halos 1,000 Manobo BOY BAGWIS
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014 MONOPOLYO SA LUPA | mula sa p.12
Ipinagyabang naman ng Department of Environment and Natural Resources na nakapagpamahagi raw ng 3,755,357 ektarya ng lupang publiko sa mahigit 5 milyong benepisyaryo. Pero hindi nila sinasabi kung papaano nakakapanlinlang ang mga landlord para mabalik sa kanila ang monoployo ng lupa. “Kalakhan pa ng ipinamahagi ay mga public land. Hindi naman ginalaw ang mga asyenda at mga plantasyon,” ani Hicap. Halimbawa nito ang Hacienda Luisita na patuloy na kontrolado ng pamilya ni Pangulong Aquino. Napatunayan din ang pagiging kontramagsasaka ng CARP at Carper sa ibang lugar. Sa Negros, na balwarte ng tradisyunal na malalaking panginoong maylupa tulad ni Eduardo “Danding”
LATHALAIN
9
Cojuangco Jr. Libu-libong ektarya ng lupain ang nananatili sa kontrol ng mga asendero dahil sa mga iskema ng CARP na corporative scheme at stock-distribution option. Matindi rin ang sigalot sa 2,000 ektarya sa Hacienda Dolore sa Porac, Pampanga na inaagaw ng mga kompanyang may kaugnayan sa pamilyang Ayala na nagbigay ng pondo sa kampanya ni Aquino noong eleksiyon. Iba pa ang kaso ng mahigit 1,000 ektarya ng Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas na kinakamkam naman ni Henry Sy. Iginigiit ng KMP at Anakpawis na dapat wakasan na ang “pekeng reporma sa lupa” at palitan ng isang tunay na reporma sa lupa. Kaya’t sa mga darating na araw, magma-martsa ang libu-libong magsasaka mula sa asyenda para ipanawagan ang pagbasura sa CARP. Macky Macaspac
Si Ubunay Botod Manlaon, lider-katutubo na dinukot ng militar noong Marso para gawing giya sa kanilang mga operasyon. KR GUDA
ang pumunta sa Davao City – isang napakalaking organisadong paglikas. Mahigit isang araw na bumaba mula sa bundok ang mga mamamayan – matanda, bata, babae at lalaki. Dalawang sanggol ang nabalitang namatay dahil sa stress mula sa paglalakad ng kanilang mga ina. Matindi rin ang sitwasyon nila bilang bakwit sa Davao. Pero sa kabila nito, ayon sa Karapatan-Southern Mindanao Region, nagawa nilang ipresyur ang militar. Sa tulong ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at mga grupong pangkarapatang pantao, napakomit ang militar na umatras sa Talaingod. Noong unang linggo ng Mayo, bumalik ang mga Manobo sa Talaingod. Nananatili ang banta sa kanila. Pero nananatili rin ang paninindigan ng mga mamamayan ng Timog Mindanao, na kinakatawan ng mga Manobo. Patuloy ang kanilang paglaban para sa kanilang lupaing ansestral, para sa kalikasan, at para sa kanilang karapatan. KR Guda
Nanawagan ang mga magsasaka ng pagpapatalsik sa rehiimeng Aquino. ILANG-ILANG QUIJANO
Pluma at Papel | mula sa p.7
pambansang damdamin o malasakit para sa pambansang kapakanan. Sabagay, gusto naman talaga ng mga bansang industriyalisado — lalo na ng Estados Unidos — na manatiling bitukang agrikultural lamang nila ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang palaging umasa sa importasyon at maging tambakan ng sobra nilang mga produkto, lason man o gamot o pagkain, punglo man o baril, eroplano man o tangke. Kung hinahangad din lamang
na umunlad ang bansa at makita kahit anino ng industriyalisasyon, makabubuti marahil na ituwid muna ang ating kasaysayang kolonyal at ganap na wasakin ang balangkas o sistema ng umiiral na edukasyon at lipunan. Lubhang napapanahon na, sabi nga, na pagsumikapang isulong at pairalin ang isang edukasyong tunay na maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko na makatutugon at angkop sa pambansang mga pangangailangan tungo sa tunay na kaunlaran, kalayaan at kasarinlan. PW
10 LATHALAIN
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
Di makataong pagtrato kay Andrea Rosal
W
alang konsensiya. Dimakatao.
Ilan lamang ito sa paglalarawan ng maraming grupong pangkabataan at kababaihan sa pagtrato ng mga ahenteng panseguridad sa bilanggong pulitikal na si Andrea Rosal. Ayon sa Karapatan at Gabriela, direktang resulta ng masamang kalagayan sa kulungan kung bakit namatay ang napapanganak na sanggol ni Rosal na si Diona Andrea matapos ang isang araw. “Halos kaladkarin” naman pabalik sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Rosal matapos ipalabas ang discharge order niya sa Philippine General Hospital. Si Rosal ang bilanggong pulitikal na kamakaila’y namatayan ng sanggol matapos pahirapan ng mga ahente ng gobyerno sa pagkakakulong. Pinagbibintangan siyang lider-rebelde, bagay na pinabubulananan niya at mga tagasuporta niya na nagsabing
organisador sa hanay ng mga magsasaka si Rosal. Siya rin ang anak ng pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal. “Inaasahan ng mga kamag-anak niya na papayagan pa silang maghapunan, at maaaring ipagbukas na ang paglipat sa Bicutan dahil tapos na ang office hour. Aayusin pa kasi nila ang mga bayarin at kailangang abisuhan din ang mga abogado,” kuwento ni Rjei Manalo, pangkalahatang kalihim ng GabrielaSouthern Tagalog. Mistulang warzone pa umano ang kuwarto ni Rosal dahil sa dala-dalang malalakas na baril ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at BJMP. “Sobra-sobrang pagpapahirap ang ginagawa nila kay Andrea,” sabi ni Manalo. Ipinananawagan ng mga grupong pangkarapatang pantao at kababaihan ang agarang paglaya kay Rosal at iba pang bilanggong pulitikal. Nananawagan din sila ng hustisya sa pagkamatay ng anak niyang si Diona Andrea. PW
PINAKA-ITAAS: Gabatalyon ang nagbantay kay Andrea Rosal sa burol ng kanyang anak. ITAAS: Pagluluksa ng isang ina. BOY BAGWIS / MACKY MACASPAC
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HUNYO 12, 2014
LATHALAIN 11
Laban ng mga obrero ng NXP, laban ng maralita
N
oong Mayo 5, tinanggal ng manedsment ng NXP Semiconductors Inc. ang 24 lider ng unyon ng mga manggagawa sa naturang kompanya. Ang dahilan: lumiban daw sa trabaho ang naturang mga manggagawa noong Abril 9, 17, 19 at Mayo 1.
Protesta ng daandaang manggagawa ng NXP noong Hunyo 6, sa harap ng planta. MGA KUHA NI KR GUDA
Pero ang hindi sinasabi ng manedsment: legal na holiday ang naturang mga petsa; may karapatan ang mga manggagawa na lumiban sa trabaho. Araw ng Kagitingan noong Abril 9; Pasok sa Semana Santa ng mga Katoliko ang ABril 17 at 19; at, siyempre, Pandaigdigang Araw ng Paggawa ang Mayo 1. Sa kabila nito, ang pagliban ang ginawang dahilan ng manedsment. Pero batid ng mga manggagawa at
miyembro ng unyon ng NXP na nininais lamang ng manedsment na pahinain ang posisyon ng mga manggagawa sa nagaganap na negosasyon para sa bagong Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng dalawang panig. Sa naturang negosasyon, iginigiit ng unyon ang 8 porsiyento na taas-sahod, pero 3.5 porsiyento lang ang iniaalok ng manedsment. Hiniling din ng unyon na iregularisa ang kontraktuwal na mga manggagawa sa kompanya. Pero nagmamatigas ang manedsment ng NXP, na pag-aari na ngayon ng Amerikanong mga kapitalista. Ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education Dinikitan ng nagpoprotestang mga manggagawa ng NXP and Research (Eiler), ang signage ng NXP ng larawan ng dalawang opisyal ng mahalaga ang laban ng manedsment, sina Monina Lasala at Jose MIguel Orleans, na anila’y dalawa sa pangunahing promotor ng tanggalan ng mga manggagawa ng NXP: mga lider-unyon. maliban sa makatwiran ang
kanilang hiling, ang NXP ang kabilang sa iilang kompanya sa special economic zones ng bansa na may unyon ng mga manggagawa. Espesyal na ginawa ng gobyerno ang naturang mga lugar para sa dayuhang mga mamumuhunan -- sa mga lugar na ito, iniaalok ng gobyerno ang samu’t saring insentibo para sa naturang mga mamumuhunan. Kasama na sa insentibo ang pagkakaroon ng kontraktuwal na mga manggagawa. Isinasakripisyo ng gobyerno ang karapatan ng mga manggagawa para sa kaseguruhan sa trabaho at karapatang mag-unyon para akitin ang mga dayuhang mamumuhunan tulad ng sa NXP. Paglaban sa kontra-manggagawa at maka-dayuhang mga polisiya ng gobyerno ang paglaban ng mga manggagawa ng NXP. Paglaban din ito ng maralitang mga mamamayang Pilipino. Kenneth Roland A. Guda
MONOPOLYO SA LUPA
AT KUNG PAPAANO PINALALAKAS PA ITO NG GOBYERNONG AQUINO
N
iraratsada ng mga alyado ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na magpapahaba pa lalo sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Dalawang taon pa ang gustong iekstend ng mga kongresista sa CARP. Eksakto ito sa pagtatapos ng panunungkulan ni Aquino – ang kaanak ng angkang Cojuangco-Aquino na nagmamay-ari sa pinaka-kontrobersiyal MARALITANG MAGSASAKA, PINAGBABAYAD PA
30%
ng halaga raw ng lupa ang pinagbabayad sa mga magsasaka. Wala pa rito ang 6% interes bawat taon. Ito ang dahilan kaya marami ang di nakakabayad at nare-reclaim ng landowners ang lupa.
na asyenda, ang Hacienda Luisita. Nais daw kasing tapusin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Mayroon pa raw na di naipapamahaging lupa na mahigit 700,000. Pero ang totoo, gusto lang nilang panatilihin ang monopolyong kontrol ng mga nagdidiyos-diyosan sa mga lupaing agrikultural ng bansa.
mga lumalaban. Ang ilang magsasaka, pinaslang pa. “Sa loob ng 26 na taon, ginamit ng malalaking panginoong maylupa, higanteng kompanya ng real estate at lokal at dayuhang mga korporasyong agribusiness ang CARP sa maraming kaso ng exemption at exclusion, kumbersiyon at pangangamkam ng mga lupa sa kanayunan,” sabi ni Flores.
Walang mapapala
Kontra-magsasaka
Nitong Hunyo 30, sa pagtatapos ng Carper, (CARP extension with reforms), mabilis na ipinasa ng mga alyado ni Aquino ang muling ekstensiyon ng naturang programa, ani Anakpawis Rep. Fernando Hicap. Pinangunahan daw ni Tarlac Rep. Noel Villanueva ang pagpasa ng HB 4296 para lubusin kuno ang pamamahagi ng lupa ng administrasyong Aquino. Paliwanag ni Hicap, malinaw na bigo ang CARP at Carper sa pamamagi sa lupa. Karamihan sa mga nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) at Certificate of Land Titles (CLT) ay binabawi. Di kasi mabayaran ng mga magsasaka ang amortisasyon. Bukod pa ito sa panlilinlang ng mga panginoong maylupa para manatili sa kanila ang lupa – tulad ng nagaganap sa Hacienda Luisita. At habang niraratsada ang pagpasa sa Kongreso ng ekstensiyon, minamadali rin ang pangangamkam o rekonsentrasyon ng lupa sa mga panginoong maylupa at mga korporasyon. Laganap din ang pagmamaltrato sa mga magsasaka, at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa
Sa loob ng mahigit 40 taon, mula sa Presidential Decree 72 ni dating pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa CARP ni Corazon Aquino noong 1988, hindi natinag ang monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa. Ipinagmamalaki ng DAR na naipamahagi nito ang 4,597,445 ektarya.
1.8M Ektarya na nakalaan para sa agribusiness (2005-2010)
Maraming lupain ang nakukumbert para sa agribusiness sa pamamagitan ng joint venture, leasehold at contract growing na pinangangasiwaan ng DAR. Sa halip na impahagi sa magsasaka inilalaan angmga lupaing ito para sa agribusiness (kalimita’y para sa cash crops tulad biofuels, sugarcane, jathropa, oil palm-, fruits for export-banana, atbp).
SUNDAN SA P. 9
Kwenta sa lupa Mga numerong nagpapakita ng kabiguan ng CARP at kawalan ng tunay na repormang agraryo
15 % Naipamahagi
85 % HINDI naipamahagi na Private Agricultural Lands
Hanggang Marso 2013, 15% pa lang ng target na Private Agricultural Lands ang naipapamahagi mula nang mapatupad ang CARP noong Hulyo 1987. Halos 75% ng dinaipamahaging lupa ay nasa 25 probinsiya-karamiha’y nasa mga plantasyon at asyenda na lupaing agrikultural.
P82.9 Bilyon
Tumataginting na kabuuang gastos sa landlord compensation mula taong 1988 hanggang 2012. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na “pinakamagastos na land reform program” sa buong mundo ang CARP. Sa kabila nito, walang tunay na pagbuwag sa monopolyo sa lupa ang ginawa ng gobyerno.