nt y e hm yno no c ea i No qui p Im n A
3
w w w . p i n o y w e e k l y . o r g
ESPESYAL NA ISYU M ATAPAT, M APAN UR I , M AKAB AYAN
2 5 A GOS T O 2 0 1 4
Adik sa pork Patuloy ang ‘pambababoy’ ng gobyernong Aquino Makikita sa pinakabagong panukala na badyet ng administrasyong Aquino para sa 2015 na ayaw pa rin nitong bitiwan ang pork barrel kahit matagal nang binasura ito ng Korte Suprema at ng mga mamamayan.
I
nuulan na ng batikos mula sa iba’t ibang panig ang administrasyong Aquino dahil sa pagkakasangkot sa eskandalong pork barrel—ng mga kaalyado man nito sa Kongreso o kahit ng mismong pangulo, sa uri ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Pero hindi pa rin ito nakapigil sa pagpasok ng mala-pork barrel na alokasyon sa 2015 pambansang badyet. Sa pagsalang ng P2.6 Trilyong 2015 proposed budget ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) sa House Committee on Appropriations sa Kamara, nahalata ng mga kritiko na nanatili pa rin ang mga katulad ng DAP na idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon. Ang taktika ng administrasyong Aquino para itago ang bagong pork barrel, ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares: Binago ni Aquino ang depinisyon ng savings sa para maiwasan ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabawal sa Priority
ANALISIS
SUNDAN SA P. 6
5
p i Is dor a ang t dik na gulo n Pa
2 EDITORYAL
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
Pamalit sa naghahari
WEEKLY
N
agkakandarapa ang buong gabinete at mga kaalyado ng Pangulo na salagin ang matinding bayo ng Korte Suprema laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP) matapos ideklarang ilegal ito.
wwwww.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
EDITORIAL POOL Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos
Published by
PinoyMedia Center, Inc. www.pinoymediacenter.org Email: pinoymediacenterinc@gmail.com
MAX BALUYOT
Pero pilit pa ring sinasalag at ipinagtatanggol ni Pangulong Aquino ang DAP, noong State of the Nation Address hanggang ngayon. Wala raw mali dahil “in good faith” naman ito. Ibig sabihin, magtiwala na lang tayo sa kanya na ginagamit n’ya ito sa mabuti. Sa kabila ng desisyong 13-0 Sa Korte Suprema (13 pabor na di-legal ang DAP, walang di-pabor), pilit na ginagawan ng paraan ng administrasyon na gawing legal ang DAP sa panukalang badyet sa 2015. Malinaw na sa sambayanan na baluktot na ang daan ni Aquino. Kung susuriin, lumalabas na may basbas siya sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, ano mang palusot ang gawin ng kanyang mga kampon. Si Aquino ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno, kaya’t di-puwedeng hindi niya alam ang korupsiyong nagaganap sa sariling bakuran. Siguradong may pakinabang din siya rito, tulad ng kompensasyon ng kanyang kaanak sa lupa ng Hacienda Luisita na dapat naipamahagi na pero hindi pa ginagawa. Kaya naman, hindi mapigilan ang bumubulwak na galit ng sambayanan sa tumitinding korupsiyong
57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City |
sa administrasyong Aquino. Makatarungan ang panawagang umalis na sa puwesto si Aquino, sa paraang impeachment man o direktang pagpapatalsik tulad ng nangyari sa dalawang nakaraang pangulo–sina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada. Bagamat itinatakda ng batas na legal ang impeachment, masalimuot at mahirap ang prosesong ito. Dahil sa kabila ng mas malawak na suporta ng mga mamamayan, mayorya ng mga kongresista at senador ang kaalyado ng pangulo. “Number’s game”, ‘ika nga, o laro ng mga numero, ang labanan sa impeachment. Pero sakaling mabigo ang impeachment, nasa mga
mamamayan pa rin ang pinakamabisang sandata para panagutin ang mga korap. Ito ang sama-samang pagkilos para patalsikin si Aquino, tulad ng naganap sa dalawang pagaalsang EDSA (1986 at 2001). Pero sa kabila rin ng malakas na panawagang panagutin at wakasan ang paghahari ni Aquino, may ilang nag-aagam-agam. Nag-aalala raw sila kung sino at ano ang ipapalit kung sakaling mapatalsik si Aquino. Ang agam-agam na ito ang ginagamit na dahilan ng mga kampon ni Aquino para imungkahi ang pangalawang termino na idadaan sa pagrepaso sa Saligang Batas. Isinisiksik nila sa isipan ng publiko na walang
PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino [chair] Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano Evelyn Roxas
negatibo sa kasalukuyang administrasyon, lalo na’t ang “potensiyal” na mga kalaban sa Panguluhan ay sangkot din sa korupsiyon sa iba’t ibang paraan, at trapo rin. Mainam, kung gayon, na pag-isipan ang matagal nang iminumungkahing pamalit sa napatalsik na pangulo: Ang pagtatayo ng isang transition council o konseho ng mga mamamayan. Kaiba ito sa itinayong “revolutionary government” ni Cory matapos pabagsakin si Marcos at sa constitutional succession ni Gloria Macapagal-Arroyo matapos patalsikin si Estrada. Sa parehong pagpapalit, nagkaroon lang ng palitan ng presidente pero ni ang SUNDAN SA P. 4
PINOY PINOY WEEKLY WEEKLY ESPESYAL ESPESYAL NA ISYU NA ISYU | AGOSTO | AGOSTO 25, 2014 25, 2014
LATHALAIN
3
Impeachment ni Aquino:
Ano’ng iskor?
Ginagawa ng mga alyado ni Aquino ang lahat para harangan ang impeachment complaint laban sa Pangulo. Dahil numbers’ game ang impeachment, maaaring manalo sila. Pero ngayon pa lang, tiyak na talo na sila sa taumbayan. Ni Macky Macaspac
H
abang sinusulat ang artikulong ito, sinimulan na ng Committee on Justice sa Kamara ang pagdinig sa tatlong impeachment complaint na isinampa ng makabayang mga kongresista. Pero sa takbo ng mga pangyayari mula nang isampa ang mga reklamo, nakita ang kawalan ng interes dito ng karamihan sa mga kongresista, lalo na ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino. Nakita ito lalo sa pagbasura sa ikaapat na impeachement complaint ng mga guro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Sabi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, binasura agad ng Kamara ang naturang reklamong impeachment kahit di pa nababasa ito ng mga kongresista. Haharangin
Lantaran pa nilang sinabi na walang patutunguhan ang impeachment. Kamakailan lang, pumirma sa isang resolusyon ang 33 party-lists at mga kongresista sa rehiyon ng Visayas na pinangunahan ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez. Haharangin daw
nila ang pagpapanagot kay Aquino sa pamamagitan ng impeachment. Naniniwala raw kasi sila sa programa ng Pangulo na makakatulong ang mga proyekto nila sa mga distrito sa Kabisayaan. Pero matagal nang nasa listahan ng gobyerno na ilan sa mga probinsiya sa Kabisayaan ang pinakamahirap sa buong bansa, tulad ng Samar at Negros Occidental. Ibig sabihin, walang pagunlad ang mga mamamayan sa mga probinsiyang ito. Sa halip na bigyan-pansin ng mga kongresista ang reklamong impeachment at pag-usapan ito, abala sila sa pagdinig sa nakasalang na badyet para sa taong 2015. Siyempre, nakasingit kasi dito ang pork barrel at Disbursement Allocation Program (DAP) sa ibang katawagan. Sabi nga ni Kabataan Rep. Terry Ridon, punung-puno ang panukalang badyet ng tinaguriang “savings” na para raw sa Special Purpose Fund. Mistulang ginawang legal ang DAP na sa tingin ng makabayang mga kongresista ay pork barrel pa rin na nasa kamay ng Pangulo. Namumutiktik din ng malalabong
proyekto ang panukalang badyet. (Basahin ang artikulo hinggil sa 2015 badyet sa pahina 1.) Malaki ang posibilidad na dahil sa badyet, mayorya ng mga kongresista ang magkikibit-balikat sa impeachment complaint. Siyempre, nakasalalay sa inilalawit na pondo ng administrasyong Aquino ang mga “proyekto” kuno na para sa ikakaunlad daw ng kanilang mga distrito. Pero giit ng mga kritiko, malinaw na bahagi ito ng give-and-take ng mga mambabatas at Presidente—isang marka ng patronage politics. Kaya’t malaki ang posibilidad na diumusad o maibasura agad ang impeachment complaint at may basehan ito at suportado ng mga mamamayan. De-numero ang labanan sa Kamara, at paramihan lang ng alyado at dami ng perang ipapamudmod. Isa pang termino?
Bukod sa natatakaw na sila sa pondong maaaring ibigay ng kaalyado nilang si Aquino mula sa panukalang badyet, pinapalutang pa ng mga SUNDAN SA P. 4
4 LATHALAIN
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
EDITORYAL | mula sa p.2
IMPEACHMENT | mula sa p.3
ipinangakong pagpapanagot sa mga tiwali at abusado sa nakaraang rehimen ay di nagawa (Hal., di man lang naparusahan ang mga opisyal ng militar na lumabag sa mga karapatang pantao noong diktadurang Marcos). Lalo pang hindi natupad ang batayang mga pagbabagong kailangan ng bayan. Hindi pa man ganap na rebolusyonaryong pagbabago ang pagkakaroon ng isang transition council, magkakaroon naman ng boses rito ang mardyinalisadong mga sektor at organisasyong kumakatawan sa mga mamamayan. Magiging bahagi nito ang iba’t ibang pampulitikang puwersa na lumahok sa pagpapatalsik kay Aquino, kasama siyempre (at may malakas na boses) ang mga organisasyong masa. Hangga’t kakayanin, itutulak nila ang progresibong plataporma sa pulitika, ekonomiya at kultura. Napapanahon na para pag-aralan ang pagbubuo ng isang konseho ng mga mamamayan. Hindi totoo na walang maaaring ipalit kay Aquino. Maraming indibidwal sa progresibong mga grupo, maging sa akademiya, hudikatura at iba pang sektor, na walang bahid ng korupsiyon at napanday sa pakikibaka ng mga mamamayan para sa tunay na pagbabago. Maaaring may ganito rin sa mga indibidwal at personaheng lantarang kumontra kay Aquino. Puwedeng tipunin ang mga ito kapag napatalsik si Aquino. Unang tungkulin ng konseho ang pagpapanagot sa mga opisyal ng administarsyong Aquino na sangkot sa pandarambong. Ilalatag nito ang malayang panuntunan sa paghalal ng makabayang mga opisyal ng bayan. May hangarin itong pahinain ang dominasyon ng tradisyunal na mga pulitiko na nagmula sa mga uring nagsasamantala sa bayan. Ang nagkakaisang boses ng maraming sektor ng lipunan ang dapat na manaig sa isang konsehong maitatayo at magbubuo ng mga programang tulad ng tunay na reporma sa lupa, industriyalisasyon at pagkamit ng panlipunang hustisya. Sabi nga, mas mabuti ang maraming nag-iisip kaysa sa isang pangulong sarili at interes lang ng iilan ang iniisip. PW
kongresista na posibleng tumakbo ulit si Aquino sa susunod na eleksiyon. Si Aquino mismo, idineklara na sa publiko ang “pagiging bukas” daw niya sa pag-amyenda sa Saligang Batas para payagan siyang tumakbo sa ikalawang termino. Kasabay pa nito ang pagbawas sa kapangyarihan ng Korte Suprema na silipin kung legal o hindi ang ginagawa ng Ehekutibo (Pangulo) at Lehislatibo (Kongreso). Halos sambahin ni Caloocan Rep. Edgar Erice si Aquino nang sabihin niya sa midya na bihira raw ang katulad ni Aquino na “walang pagiimbot at kayang maging inspirasyon ng mga mamamayan.” Gusto niyang magsampa ng panukalang batas para baguhin ang Konsitusyon para muling makatakbo sa panguluhan si Aquino. “Kalokohan! Nais lang nilang ilihis ang isyu ng DAP,” sabi naman ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Dapat daw na managot si Aquino at hindi na dapat bigyan pa ng isang termino. Sabi naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, “Hindi hinihingi ng taumbayan na magkaroon pa ng pangalawang termino si Aquino para lang magkalat ng kaparehong kalagayan tulad ng kahirapan, korupsiyon at kawalang hustisya.”
Kasabay din ng panukalang term extension para kay Aquino ang pagpapalutang naman ng mga kapatid na babae ng pangulo na susuportahan nila si Bise-Presidente Jejomar Binay sa darating na eleksiyong 2016. Posible raw kunin ng Liberal Party si Binay bilang standard bearer nito. Katwiran ng mga kapatid ni Aquino, hindi naman daw kasi nila “kaaway” si Binay, at mabait siya sa ina nilang dating pangulo. Malinaw na pagmamaniobra ang mga ito para maiwaksi sa isipan ng sambayanan ang nakasalang na impeachment complaint laban kay Aquino. Pilit nilang isinasaksak sa publiko na walang bahid ng katiwalian ang administrasyong Aquino. Marahil, nasa kanila ang bilang sa loob ng Kamara at Senado. Pero sa labas nito, mas malawak na bilang ng mga mamamayan ang nakahandang magpatalsik sa rehimeng Aquino. Sabi nga ni Colmenares, “Hindi matanggap ng gobyernong Aquino ang hatol ng sambayanan, na ang kanyang gobyerno ay responsable sa korupsiyon, mababang pasahod kahit nagtataasan ang mga bilihin, at dumarami ang pagabuso sa kapangyarihan.” Pakay lang daw ng panukalang term extension na manatili sa kapangyarihan ang administrasyong Aquino— taliwas sa panawagan ng malawak at diskontentong mga mamamayan. PW
Tinatayang halos 30,000 ang nagprotesta noong State of the Nation Address ni Aquino, Hulyo 28. Kung hindi impeachment, makakaasa umano tayo na sa kilusang masa mapapatalsik ang tiwaling BOY Presidente.
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
LATHALAIN
Para maiwasan ang pananagutan sa sambayanan dahil sa dambuhalang pork barrel, gusto ni Aquino ng pangalawang termino matapos ang 2016. Kaya para sa mga progresibo, mas nabibigyanhalaga ngayon ang pangangailangang patalsikin na siya sa poder. Ni KR Guda
5
Inisyatiba ng bayan para pigilan ang pambababoy
MALACANANG
M
ISIP-DIKTADOR
NA SI NOYNOY
K
ataksilan sa alaala ng mga magulang niyang sina Ninoy at Cory Aquino, at ng milyunmilyong Pilipino na nagdusa at lumaban sa tiraniya ng diktadurang Marcos. Ganito inilarawan nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ang mga pahayag ni Pangulong Aquino na bukas siya sa pagrerepaso ng Saligang Batas, kabilang ang pananatili sa poder matapos ang termino sa 2016, gayundin ang pagbawas sa kapangyarihan ng Korte Suprema. Anila, mistulang pagdedeklara ito ng intensiyon na magpatupad ng diktadura sa bansa. “Nahihibang at gutom-sa-kapangyarihan si Aquino, kaya di siya sapat na mamuno. Kailangang madurog ang ambisyon niyang maging diktador. Kailangang mapatalsik siya sa puwesto para mapigilang maipataw ang masama niyang plano,” sabi ni Colmenares. “Bago nito, bago nangyari lahat nang ito, sarado ako, aminado ako. Pero ngayon, napapag-isip talaga ako…’yung tinatawag na
judicial reach: ‘Yung Kongreso, ‘yung executive, kumilos kayo. Pero at anytime, puwede namin kayong katstiguhin’, imbes na magkaroon ng tinatawag na judicial restraint. Bibihira noong ginagamit itong kapangyarihang ito, pero (ngayon) andalas nang ginagamit. Ngayon, ’yung balance between three balances, tila nawala,” sinabi ni Aquino, sa isang panayam ng TV-5 kamakailan. Dahil sa DAP
Para kay Colmenares, malamang na itinutulak ni Aquino ang Charter Change para hindi siya mapanagot sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ng Korte Suprema na ilegal noong Hulyo 1. “Ang Cha-Cha ay isa ring paraan ni Aquino para hindi siya managot sa kasalanan niya sa DAP at sa pagpapatuloy ng pork barrel system dahil kapag siya’y nagtagumpay ay magkakaroon na naman siya ng immunity. Dito, makikita na dapat talagang isulong ang impeachment laban kay Aquino upang siya ay mapanagot na ngayon at hindi na gumawa SUNDAN SA P. 9
ag-iisang taon na sa Agosto 26 ang protestang Million People March, na naghudyat sa malawakang pagtutol sa sistema ng pork barrel sa administrasyong Aquino. Pero sa kabila nito, at sa kabila ng pagtindig ng Korte Suprema laban sa pork barrel, nanatili ito sa pagbabadyet ng gobyerno. Kung kaya, sa Agosto 25, Araw ng Kagitingan, muling nananawagan silang mga nag-organisa ng Million People March ng isang malawakang protesta, para muling igiit ang pagbasura sa sistema ng pork barrel. Sa Roxas Boulevard malapit sa Lunet Park, isang malaking programa ang gaganapin, habang titipunin ang pirma ng pinakamaraming bilang ng tao para sa People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel System. Ayon sa #AbolishPork Movment, na isa sa mga tagapanguna ng aktibidad, sinisikap nilang lalong palawakin ang suporta ng protesta at inisyatiba. Maliban sa iba pang grupong kontrapork tulad ng #ScrapPork Network, inaasahang susuportahan din ito ng di-bababa sa 73 Katolikong obispo. Sinusuportahan din ng naturang mga SUNDAN SA P. 11
LATHALAIN 6 ANALISIS
PINOY WEEKLY ESPESYAL N
Mula sa P.1
Development Assistance Fund (PDAF) at DAP. “Una, inamin ni (Budget) Sec. (Florencio) Abad na binago nila ang depinisyon ng savings dahil sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng DAP. At sa proposed 2015 budget, inamin nila na it will grant the president the power to realign the budget,” ani Colmenares, sa panayam ng Pinoy Weekly. Sinabi ni Abad na hindi na raw masasakop ng desisyon ng Korte Suprema laban sa DAP ang savings kapag napalitan na ng Kongreso ang depinisyon nito. “The Constitution mandates Congress to define what savings is. It is not the Supreme Court that will define what savings is,” ayon kay Abad. “Hindi ho kami ang nagbago. Binago ng Korte Suprema. That’s why we are going back to Congress to review that decision.” Ipinakikita umano ng panukalang badyet na hindi pa rin nais tanggalin ng administrasyong Aquino ang pork barrel nito sa proposed national budget. Nagpapakita umano ito na sinusuportahan ni Pangulong Aquino ang pork barrel, ayon kay Colmenares. Sa pag-aaral ng Kabataan Partylist sa badyet, tinatayang nasa P501.6 Bilyon ang lump sum funds sa anyo ng Special Purpose Funds na programmed o may nilalaanang programa (P378.6-B) at Special Purpose Funds na unprogrammed (P126.03-B) ang nakapaloob sa 2015 proposed budget. “Pork barrel budget pa rin ito, habang badyet na rin ito sa eleksiyon. Nariyan pa rin ang lump sum funds,” ayon kay Colmenares. Paliwanag ni Colmenares, parang magiging dalawa ang badyet pagdating ng 2015: ang una, aaprubahan ng Kongreso; at pagkatapos ng kalahati ng taon, ang badyet naman na aaprubahan ng presidente mula sa “savings” na makukuha nito.
Ang sampung nangungunang departamento para sa badyet sa 2015: edukasyon (P365.1-B), public works and highways (P300.5-B), national defense (P144 -B), interior and local government (P141.4-B), social welfare and development (P109-B), kalusugan (P102.2-B), agrikultura (P88.8-B), transportasyon at kumunikasyon (P59-B), environment and natural resources (P21.3-B), at siyensiya at teknolohiya (P19.4-B).
ANALISIS
Walang dagdag-sahod
Wala namang aasahan ang mga nasa kawani ng pamahalaan ng anumang dagdag sa kanilang sahod, ayon kay Abad, nang tanungin ni ACT Teachers
P501.6 Bilyon LUMP SUM FUNDS SA 2015 BUDGET NI AQUINO
Rep. Antonio Tinio. “(Sa) salary increase, wala ho… Ang gagawin po namin d’yan, we are targeting 2016,” ayon kay Abad. Paliwanag ni Abad, hindi umano natapos ang sarbey para sa dagdagsahod na ginawa ng gobyerno sa buong bansa, matapos tamaan ng bagyong Yolanda ang Visayas noong naraaang taon. Palusot pa ni Abad, inaalala rin daw ng gobyerno ang epekto ng paglaki ng pondo sa makakakuha ng pensiyon sa mga retirado kung itaas na lang “nang basta” ang sahod ng mga kawani. “Ibig sabihin, isang taon na maaantala ang taas-suweldo,” paliwanag ni Tinio, dahil dapat magkaroon na ng pagtaas sa sahod ng mga kawani sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 3. Sa SSL3, dapat kada tatlong tao’y nagkakaroon ng proposal ang DBM para sa adjustment sa sahod ng mga kawani. Kinuwestiyon naman ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap ang paglaki ng
Papalaking utang
Kinuwestiyon naman nina Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan at Colmenares ang panibagong uutangin ng Pilipinas na nasa P700.8-B, samantalang mayroon naman palang nakukuhang savings ang gobyerno. Ayon sa DBCC, nasa P6.596-T ang inaasahang magiging kabuuang utang ng Pilipinas sa taong 2015. Nangangahulugan ito ng pagkakautang ng P62,856 bawat Pilipino sa 102.965 milyong populasyon pagdating ng 2015, batay sa tantsa ng National Statistical Coordination Board, ayon sa Kabataan Party-list. “Ibig sabihin nito, kahit ‘yung mga Pinoy na hindi pa pinapanganak ngayon, may utang na agad na halos P63,000 pagdating ng 2015,” ayon kay Kabataan Rep. Terry Ridon. Kabilang din sa pagkukunan ng badyet ng DBM para sa P2.6-T badyet sa
Pork barrel sa 2014 badyet, isiniwalat ni Rep. Tinio ng ACT
PHER PASION
ADIK SA PORK
mahihirap na Pilipino sa kabila ng sinasabing “inclusive growth” daw ng Pilipinas. Hindi raw kasi malinaw kung bakit kailangan pang taasan ang badyet para sa condition cash transfer mula P62.6-B noong 2014 patungong P64.7-B para sa 2015.
NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
LATHALAIN ANALISIS
7
ACT-TEACHERS REP. ANTONIO
2015 ang magmumula sa koleksiyon ng buwis, non-tax revenues, at pribatisasyon. Magreresulta ito sa pagtaas ng buwis– pagtaas ng singil sa governments fees, halimbawa, at pagtataas ng mga singilin sa mga serbisyo tulad ng mga ospital
I
at transportasyon gaya ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit. Samantala, mananatili sa kontrol ng Malakanyang ang napakalaking lump sum–ang bagong bersiyon ng presidential pork barrel ni Aquino. PW
Istrimer ng Alliance of Concerned Teachers, sa piket ng mga guro sa harap ng Batasan Pambansa para iprotesta ang patuloy na pagkakaroon ng pork barrel sa 2015 badyet. PHER PASION
SINIWALAT ni ACT Teachers pagsisiwalat sa mga pinagSa recording, maririnig ang dalawang Rep. Antonio Tinio ang uusapan sa executive sessions opisyal ng ehekutibo na nagsasabing audio recordings sa sa Kamara, lalo na’t malinaw na may kontrol pa ang mga mambabatas sa executive sessions sa Kamara makikita rito na buhay na buhay mga pondong lump-sum... na nagpapatunay na buhay ang pork barrel sa badyet pa rin ang pork barrel sa nitong 2014, kahit na binasura Isinama ang naturang mga na ng Korte Suprema ang PDAF. administrasyong Aquino. recording bilang ebidensiya sa ikaapat Sa naturang mga recording, “Pilit tayong tinatakot at maririnig ang dalawang opisyal ng na impeachment complaint laban pinagbabantaan para mapatalsik sa Ehekutibo (Health Undersec. Janette kay Aquino na agad na binasura ng Kongreso. Itutuluy-tuloy natin ang Garin at Commission on Higher Kamara sa pangunguna ni Espiker laban. Ang laban sa pork barrel ay Feliciano Belmonte Jr. Education Sec. Patricia Licuanan). laban para sa mga kawani at para Dito, sinabi nila na bahagi ng sa mga mamamayan,” ani Tinio, sa pondo para sa Department of Health Di takot makasuhan pagharap sa mga guro. Samantala, sinabi ng mga alyado (sa kaso ni Garin) at CHED (sa kaso Ipinagtanggol naman ni Bayan ni Licuanan) ay nasa kontrol pa rin ng ng Palasyo na maaaring kasuhan daw Muna Rep. Neri Colmenares si Tinio. mga mambabatas—walang pinag-iba si Tinio ng paglabag sa Republic Act Aniya, hindi nilabag ni Tinio ang sa Priority Development Assistance No. 4200 o ang Anti-Wiretapping Law, Wiretapping Law dahil nagmula ang Fund (PDAF) na idineklara nang ilegal dahil nirekord at isinapubliko niya ang kanyang inirekord sa pampublikong nasabing executive sessions. ng Korte Suprema. mga opisyal na tinatalakay ang Pero giit ni Tinio, makatwiran ang
8 ATBP.
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
HIWAGA NG DAP
N
oong Hulyo 14, kasabay ng talumpati ni Pangulong Aquino, inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang inisyal na listahan ng mga proyekto na ginastuhan umano ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa ibaba, makikita ang mga departamento, ahensiya o programa at pondo na inilaan sa kanila. May ilang obserbasyon tayo hinggil dito (sa kanan):
Agency/ Project
•
•
Amount (in millions)
DPWH (including P2 Billion for national road projects in Tarlac province)
•
29,198.176
DOF-BSP 20,000.000 Other Various Local Infra Projects (requested by legislators, LGUs, agencies) 19,465.000 NHA (relocation) 11,050.000 BSP (First equity infusion out of P40-B capitalization under BSP Law) 10,000,000 ARMM: Comprehensive Peace and Development Intervention 8,592.000 DOTC (LRT/MRT Projects) 7,767.512 LGU Support Funds 6,500.000 DA/ DAR Projects 5,832.543 CHED 4,284.400 DepEd PPP for school infrastructure Program 4,077.000 GSIS-DepEd: GSIS Premium 4,077.000 PNP 3,993.556 OPAPP/ DSWD/ KALAHID CIDDS 2,868.702 DOST 2,325.000 NEA: Rural Electrification 2,264.000 DoH 2,254.000 DOLE/TESDA 1,780.000 DOTC-Phil Coast Guard (West Phil Sea) 1,644.171 DOT 1,585.413 PHIC: Obligations incurred 1,496.103 DILG 821.993 DND 397.300 31 Other Items 14,787.531
•
•
Maraming “soft projects”, ibig sabihi’y mga proyekto na walang malaking imprastraktura. Ang marami rito, para sa information technology (IT) development, at e-government system. Marami ang konektado sa agrikultura at repormang agraryo. Isiniwalat na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na P7.2-Bilyon ang ginastos ng gobyerno mula sa DAP para sa kompensasyon o kabayaran sa mga panginoong maylupa. Pero di pa nito nagagawang buwagin ang napakalaking monopolyo ng iilan sa lupa. Pansinin din ang malaking gastos sa DAP sa agrikultura, habang sangkot naman sa PDAF scam si Agriculture Sec. Proceso Alcala. Sandamakmak rin ang releases sa mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa seguridad, hal. Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, atbp. Hanggang ngayon, may mga seryosong isyu ang pulisya at militar hinggil sa malaganap na paglabag sa karapatang pantao. Bahagi rin ng pinondohan ng DAP ang “pagbabantay” sa West Philippine Sea, Scarborough Shoal, atbp. Marami ring items para sa programang kontra-insurhensiya, binigay sa OPAPP, DND at ARMM sa pamamagitan ng mga programang PAMANA, KALAHI CIDSS, atbp. May malalaking halaga na itinalaga para sa mga pabahay sa mga tao na inililikas mula sa danger zones at sa North Triangle – kahit na napakitang substandard naman ang mga relokasyon nila sa Montalban, Rizal at San Jose del Monte, Bulacan (tingnan ang kaugnay na infographic sa likod). Sandamakmak ang lump sum amounts para sa imprastraktura na walang detalye-- hindi alam kung nasaan itinayo, ano ito, o kung kailangan ba talaga ito ng mga mamamayan. ALAM NA.
Mga Aquino, Nakinabang din sa DAP? Mula kay Renato Reyes Jr. ng Bayan:
A
yon sa 2013 Commission on Audit report sa National Dairy Authority, ang Assisi Development Foundation, na co-chaired nina dating embahador Howard Dee at presidential sister Viel Aquino-Dee, ay nilaanan ng P51.648 Milyon para sa milk feeding program na pinondohan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) noong 2011. Nakaupo rin sa board ng naturang NGO ang bayaw ni Pangulong Aquino at asawa ni Viel na si Richard Joseph Dee. Inindorso ang nutrition program na HAPAG-ASA ng ADF ng walang-iba kundi si Department of Budget and Management Sec. Butch Abad, ayon sa COA report. Samantalang nagkakahalagang P51.648-M ang inilaang pondo mula sa DAP para sa ADF, umabot sa P2.77-M lang ang “obligated” hanggang Disyembre 31, 2013. At dahil hindi pa dapat nagsisimula ang proyekto, wala pang opisyal na disbursement na nabibigay sa COA noong panahon ng auditing. ANG TANONG: Sa Pangulo: Tama ba ang paglalaan ng pondong publiko sa foundation na pinapatakbo ng kamag-anak mo? Para sa COA: Wala ba kayong nakitang problema rito? At para kay Sec. Abad: Inutusan ka ba ng Pangulo na mag-endorso ng foundation na ito?
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
9 nasa gabinete ngayon ni Aquino. Maliban sa mga tagasuporta mula sa dating civil society na nasa gabinete na ni Aquino, mahigpit din ang suporta sa kanya ng mga alyado ng Pangulo mula sa Liberal Party. Kasama sina Caloocan Rep. Edgar Erice at Samar Rep. Ben Evardone, na pawang mga miyembro ng Liberal Party, sa nagtatambol ng panawagang pangalawang termino para sa Pangulo.
ISIP-DIKTADOR | mula sa p.5
pa ng mga paraan para makalusot,” paliwanag pa ni Colmenares. Sa panayam sa TV-5, sabi rin ng Pangulo, “Siyempre yung mga boss ko, kailangan kong pakinggan ’yun eh.” Pinatutungkulan ni Aquino ang mga inisyatiba ng mga tagasuporta niya sa social media na nananawagan ng pangalawang termino ni Aquino–sa kabila ng pagbabawal dito ng Saligang Batas. “Paano gugustuhin ng mga tao na tumagal pa si Aquino sa puwesto gayong sa rehimen niya dumami ang walang trabaho at mahihirap, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lumalala ang korupsiyon at mga paglabag sa karapatan pantao?” tanong ni Zarate. Sinabi naman ni Rafael Mariano, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mistulang “lasing sa kapangyarihan ang pansamantalang okupante ng Malakanyang.” “Ang nakaambang diktadurang Aquino, Cha-Cha at mga maniobra para sa term extension ay itinutulak ng personal na vendetta (paghihiganti), korupsiyon, at pagkahibang sa kapangyarihan. Ang malala pa, pinatatamis ito ng bogus at mapanlokong mga mantra ng sinasabing mga reporma na pakana ng ‘dilawang’ midya at mga pekeng-progresibo tulad ng Akbayan,” sabi pa ni Mariano. Suporta ng ‘Yellow Army’
Sinabi naman ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), may kaugnayan ang bagong pahayag ni Aquino sa mga ulat na nagpaplano raw ang mga tagasuporta ni Aquino ng isang ‘Yellow Rally’ sa Agosto 25 para mag-ingay para sa pangalawang termino ni Aquino. “May mga ulat na nakaabot sa atin na ang mga tagapanguna ng kaganapang ito ay mga personalidad na sangkot sa grupong Black and White at , gayundin ang CODE-NGO (Caucus of
MALACANANG
Development NGOs),” sabi pa Reyes. Ang grupong Black and White ay dating grupong kontra kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sumuporta sa pagtakbo ni Aquino noong 2010. Hyatt 10 naman ang dating mga miyembro ng gabinete ni Arroyo na nagbitiw at sumuporta sa pagpapatalsik sa dating pangulo. Inanunsiyo nila ang kanilang pagbitiw sa Hyatt Hotel noong 2005. Ang CODE-NGO naman ang kalipunan ng nongovernment organizations na nasangkot sa maanomalyang mga transaksiyon noong panahon ng administrasyon ni Fidel Ramos, pero sumuporta kay Aquino. Marami sa mga miyembro nila, katulad nina Teresita Quintos Deles at Dinky Soliman ay
Walang clamor Para kay Reyes, tila “masyadong mataas” ang tingin ng Pangulo sa sarili niya, na kaya niyang labagin ang Saligang Batas at baguhin ito sangayon sa kanyang kagustuhan, habang “kinakapon” ang Kongreso at Korte Suprema–dahil lamang may sinasabing clamor, o kagustuhan ng marami, na manatili siya lampas ng 2016. “Malinaw na walang clamor ang mga tao na iekstend niya ang termino niya. Ang matinding clamor ng mga mamamayan ay para sa pagbasura sa korap na sistemang pork barrel na pinagpapatuloy ni Aquino at para maparusahan ang nagdambong at nagabuso ng kapangyarihan (sa gobyerno), kabilang si Aquino,” paliwanag pa ni Zarate. PW
#MAKEUPTRANSFORMATION
PIXEL OFFENSIVE
10 ATBP.
Anila Hinggil sa Charter Change at term extension daw ni Noynoy
“
Pinakikita nito na may bahid siya ng pagiging diktador (authoritarian streak) kung gusto niyang ilayo ang mga aksiyon niya sa silip ng hudikatura (judicial review). Kung may ganito pa nga tayo na Pangulo mas kailangan ng silip ng hudikatura. Labis na makasarili itong pagbago ng posisyon ng Presidente, mula sa mariing pagtanggi (sa pangalawang termino) hanggang masiglang pagtanggap sa Charter Change. Inaamyendahan lang ang Saligang Batas sa seryosong mga dahilan at hindi seryosong dahilan ang pagpapahaba ng termino ng isang Presidente.” --Fr. Ranhilio Aquino, dean San Beda Graduate School of Law “Sino mang pambansang lider ay gugustuhing pakinggan ang boses ng sambayanan sa mga isyung may malayong kahihinatnan. Ang mahalaga ay ang boses na pinakikinggan niya ay awtentiko at totoong boses, hindi ‘yung boses na ginawa ng mga pangkat na may sariling interes (at) pangunahing tinutulak ng pangangalaga-sa-sarili.” --Bise Pres. Jejomar Binay “Hindi na niya dapat iniisip ito at dapat tugunan muna ang maraming problema sa bansa tulad ng peace and order, ang ekonomiya at iba pa. Isa pa, kahihiyan ang dinadala nito sa kanyang ina at ama na lumaban sa batas-militar.” --Vicente Joyas, pangulo Integrated Bar of the Philippines “Talagang nakakabalisa na hindi na katunog ni Presidente Cory ang Presidente (Noynoy). Nagtunog-Marcos siya noong 1972 sa tanong kung labas sa sakop ng Korte Suprema ang mga pampulitikang isyu. Tapos, nagtunogRamos siya noong 1997: Na siya lang
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014 daw ang makakapagpatuloy ng mga reporma. Tapos, nagtunog-Arroyo siya noong 2006, na (nagsabing) nakikinig siya sa mga boses ng sambayanan.” --Christian Monsod, dating Comelec Komisyuner at delegado ng 1986 Constitutional Convention “Hindi ko naisip na s’ya ang taong gusto ng term extension, akala ko ang gusto niya hair extension. Aba! may term extension ang lolo mo!...Sinabi ito ni Ninoy [Aquino] kay [Ferdinand] Marcos, sinabi ni Cory kay FVR [Fidel Ramos], ayaw
na ayaw sa term extension, tapos ‘eto siya sasawayin ang mga magulang. Saan ito nanggaling? Ano’ng katol ba ang tinitira ni PNoy?” --Mae Paner, a.k.a. ‘Juana Change’ “Lumabas din ang katotohanan. Gusto ni Pangulong Aquino na gamitin ang Infinity Stone na Charter Change para labanan ang tinitingnan nitong kalaban na Korte Suprema, palawigin ang termino niya, at palawakin pa ang kanyang kapangyarihang ehekutibo.” --Kabataan Rep. Terry Ridon
Isara Na Natin Ang Telon NI ROGELIO L. ORDONEZ
i
sara na natin ang itim na telon wakasan na pagtatanghal ng sarsuwela ng kahangalan ng ilusyon at panlilinlang nahubaran na ng maskara mga pumapapel na santo-santito sa bulok, inuuod na lipunan wala bang isang demonyo man lamang aaminin ang kasalanang siya ang nandambong sa paminggalan ng bayan? isara na natin ang itim na telon wakasan na pagtatanghal ng mga kabalbalan matagal nang tuyung-tuyo’t titiguk-tigok ang lalamunan ng madlang kulang sa kanin at ulam kulang sa damit, kulang sa pera walang bahay, walang lupa walang-wala, ayon sa isang makata sa palasyo naman ng mga pinagpala nagpapakabundat mga impakto ng lipunan. isara na natin ang itim na telon ano na namang kahangalan nais pang itanghal sa entablado ng kasinungalingan? nagigising na rin ang madla sa daluyong ng dusa’t dalita nanlilisik na rin pati ang buwan habang binabangungot ang bayan
TULA
dula na ng katarungan nais nilang matitigan pagmulat ng kinabukasan mga ulong ibinibitin sa sampayan mga katawang nilalaplap ang laman sirit ng dugong idinidilig sa halaman. isara na natin ang itim na telon dugo ng mga lapastangan paagusin sa tanghalan idilig sa nabansot na pangarap idilig sa mga punla ng pula, pulang mga rosas hanggang tuluyang mamukadkad at magsabog ng halimuyak sa lupaing binaog ng mga mandurugas silang iilang diyus-diyosang pinaglalaruan lamang sagradong buhay ng dinustang mamamayan. isara na natin ang itim na telon “di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi” nagigising na madlang manonood sa sarsuwela ng inhustisya’t kawalanghiyaan nag-aalab na kanilang mga utak nais tabasin ng mga tabak madawag na landas ng pangarap upang magbanyuhay busabos na buhay at malanghap sa wakas halimuyak ng luwalhati’t ligaya sa pinakasisintang la tierra pobreza!
PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | AGOSTO 25, 2014
“
Tulad ng mga tirada niya noong nakaraang buwan laban sa Korte Suprema, pinapakita ni Aquino ang pagka-panginoong maylupa niya sa kawalang-paraya sa mga taong lumalaban sa kanya. Matapos makatikim ng kapangyarihan, tumitindi ang kawalang-kabusugan niya, naghahanap pa ng dagdagkapangyarihan para sa pekeng islogan na ‘matuwid na daan’.” --Communist Party of the Philippines “Pinakikita ng suporta ng Pangulo sa Charter Change kung papaano niya
gusto ang pagbabalik ng diktadura sa gobyerno.” --Jojo Guerrero, Supreme Court Employees Association “Kung sa palagay ni Aquino’y epektibong paraan ang mala-diktador na pangalawang termino para kontrahin ang mga panawagan sa pagbibitiw niya dahil sa korupsiyon sa kanyang gobyerno at mga polisiya niyang kontramahihirap, nagkakamali siya. Lalong magagalit ang mga manggagawang Pilipino at mga mamamayan sa kanyang pamumuno.
ATBP. 11 “Ang nararapat kay Aquino ngayon ay mapuwersang magbitiw, ma-impeach, o mapatalsik mula sa kapangyarihan. Naging matigas at walang-kabusugang matakaw siya sa pagdepensa sa sistema ng pork barrel at Disbursement Acceleration Program. Lumala lang sa panahon niya ang korupsiyon at kahirapan.” --Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo, Kilusang Mayo Uno “Kung etong first term nga e di mo alam ginagawa mo, magse-second term ka pa. Bullshit ka, BS.” --Dong Abay, musiko
People’s Initiative Mula sa P.5
NOEMI LARDIZABAL-DADO
obispo ang pangangalap ng pirma para makapagpasa ng batas na nagbabawal sa discretionary lumpsum spending o pork barrel. “Noong nakaraang taon, sinimulan natin ang krusada kontra sa korupsiyon (at) sistemang pork barrel. Isang taon na at nagawa nating iangat ang kamalayan ng publiko tungkol sa congressional at presidential pork, (gayundin ang) patronage politics at pambansang badyet. Nagwagi tayo sa Korte Suprema sa paglaban sa PDAF (Priority Development Assistance Fund) at DAP (Disbursement Acceleration Program). Pero nakakita ang gobyernong Aquino ng mga paraan para mamantine ang korap na sistema ng pork barrel,” sabi ng musiko at convenor ng #AbolishPork na si Monet Silvestre. Kabilang sa mga hakbang ng Malakanyang para manatili ang pork barrel ay ang di-pormal na aregluhan sa pagitan ng mga mambabatas at kinatawan ng mga departamento sa gabinete ni Aquino. “Hindi pa naipagwwagi ang laban. Kailangan na muling lumabas tayo, manindigan at pumirma laban sa pork,” sabi pa ni Silvestre. Maliban sa #AbolishPork at #ScrapPork Netwrok, kasama rin sa magpapakilos at magpoprotesta ang mga grupong Volunteers Against Crime and Corruption, Concerned Citizens Movement, Babae Laban sa Katiwalian, Youth ACT Now, Whistleblowers Association, Artista Kontra Korapsyon, at progresibo at sektoral na mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan. Nakiisa ang iba’t ibang personahe ang sa pormal
na paglulunsad sa planong protesta na ginawa noong Agosto 12, kabilang sina Bernardo Bernado; VACC Chair Martin Dino; ang artistang si Mae Paner (a.k.a. Juana Change); Renato Reyes Jr. ng Bayan; Ang whistleblowers na sina Melchor Magdamo at Col. George Rabusa; si Fr. Robert Reyes; si Victor Villanueva, na presidente ng University of Sto. Tomas Law Student Council; ang lider-guro na si France Castro; ang nars na si Robert Mendoza; si Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno, ang petisyuner sa Korte Suprema na si Greco Belgica at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Maliban sa noise barrage, naglunsad din ang nabanggit na mga grupo ng isang People’s Congress na nag-apruba sa panukalang batas na lalamanin ng People’s Initiative noong Agosto 23. “Sa halip na pag-usapan ang pangalawang termino para kay Aquino, o ang tambalan at pakikipagalyado ng mga pulitiko, dapat pag-usapan natin ang natatagong congressional pork na isiniwalat ni Rep. Tinio. Dapat mapanagot natin si Aquino sa DAP at mapigilan ang plano niya na isama sa 2015 badyet ang ilegal na mga iskemang mala-DAP,” sabi ni Reyes ng Bayan. PW