Pinoy Weekly Special Issue - March 8 2013 Tubbataha Issue

Page 1

Mahigit isang buwan nang nabalaho ang USS Guardian sa Tubbataha. Mahigit isandaang taon nang ginagahasa ng imperyalismong US ang Pilipinas. Nina Pher Pasion at Kenneth Roland A. Guda

www.pinoyweekly.org

espesyal na

m a t a p a t, m a p a n u r i , m a k a b a y a n

Sagasa sa Tubbataha, Gahasa sa Patrimonya

isyu marso 2013

U

nti-unti nang kumakaunti ang nahuhuling isda sa Palawan.

Nasa 600 pamilya sila, mga mangingisdang nasa silangang bahagi ng isla, na nangangamba para sa kabuhayan nila sa dagat. “Malaki na ang kabawasan sa mga nahuhuli ng mga mangingisda doon (sa Palawan). Iyung dating nasa 20 kilo na nahuhuli nila dati nasa isa hanggang tatlong kilo na lamang ngayon,” ani Salvador France, pangalawang tagapangulo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), batay sa ulat ng kanilang mga miyembro sa naturang probinsiya. Naranasan ng mga mangingisda ng Palawan ito matapos sumadsad sa nalalapit na Tubbataha Reef ang barkong pandigma ng Amerika na USS Guardian, mahigit isang buwan na ang nakararaan. Hindi na sila makalapit sa Tubbataha. Protektadong reserba ang pinangangalagaang reef na ito, at tradisyunal na namamalakaya silang maliliit na mangingisda sa Sulu Sea, sa lugar malapit sa naturang reef. Pero ngayon, hindi na sila makalapit. Apektado ang mga isda sa lugar, at pinagbabawalan pa ang anumang barko o bangka na makalapit sa lugar, habang unti-unting binabaklas daw ng US Navy ang sumadsad na USS Guardian. “Ayon pa sa ulat na nakuha namin, may nakikitang langis sa dagat na posibleng mula sa barko mismo, pero hindi pa opisyal na nailalabas (ito) sa (mainstream) media. Pero iyon ang nakuha naming impormasyon mula sa mga mangingisda roon,” sabi pa ni France. Nauna nang sinabi ng Philippine Coast Guard na walang pagtagas ng langis na mula sa USS Guardian. Pero iba ang nakikita ng mga mangingisda. Kabilang ang nararanasan ngayon ng mga mangingisda ng Palawan sa mga panganib na dala ng mga barkong pandigma ng US – at ng militar sundan sa pahina 6 ng pinakamalaking imperyalistang bansa sa mundo.


EDITORYAL

marso 2013 | pinoy weekly

K

ailangan lang tingnan ng mga maralitang Pilipino ang sariling kalagayan at ang kanyang kapwa maralita para mapasubalian ang mga pinagsasabi ni Pang. Benigno Aquino III nitong nakaraang buwan.

weekly 57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | Email: pinoyweekly@gmail.com

Editorial Pool Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos

Buong pagmamalaking inihayag ni Aquino sa unang linggo ng Pebrero ang 6.6 porsiyentong paglago sa Gross Domestic Product noong 2012. Tulad ng inaasahan, palakpakan ang mga tagasuporta niya, pati ang ilan sa media, sa sinasabing isa sa pinakamalaking growth rate umano sa Timog Silangang Asya. Palakpakan ang mga tulad nina Florencio Abad, budget secretary, na nagsabing pinatunayan daw nito na mahusay ang mga estratehiya ni Aquino sa pinansiya. Sabi naman ng tagapagsalita ng pangulo na si Edwin Lacierda, produkto raw ito ng kampanya ng administrasyon para sa good governance.

CONTRIBUTING ARTISTs Kendrik Bautista Rommel Mendez Boy Dominguez issue consultant Rafael G. Baylosis

Published by

PinoyMedia Center, Inc. www.pinoymediacenter.og Email: pinoymediacenterinc@gmail.com

dibuho ni rommel mendez

Kaunlarang para lang sa dati nang mayaman Pero malayo ito sa katotohanan. Hindi ipinapakita ng sinasabing paglago ng ekonomiya ang malawakang gutom; ang pagdami pa ng bilang ng walang trabaho at underemployed o kulang sa trabaho; ang bilang ng mga magsasakang walang sariling lupang tinatamnan; at ang mga maralita na napipilitang magsiksikan sa mga estero, tinaguriang danger zones, at mga espasyo ng lungsod na maya’t maya ay puwersahang itinataboy. Labas sa pulutong ng fans ni Aquino, kahit ang burgis na mga ekonomista, na pabor sa bulok na mga polisiyang neoliberal sa ekonomiya, hindi bilib sa nasabing growth rate. Kabilang dito ang ekonomistang si Benjamin Diokno, na nagsabing dati nang nakakamit ng nakaraang mga pangulo ang mataas na GDP growth rate (tulad noong 1988, panahon ni Cory Aquino na nakamit ang 6.8 porsiyentong “paglago” ng ekonomiya, at noong 2010, nang makamit sa ilalim ni Gloria Arroyo ang 7.6 porsiyentong GDP growth rate.). Pero hindi naramdaman ng karamihang mamamayan ang sinasabing paglago. Higit pang dumami ang naghihikahos.

Ang progresibong mga ekonomista ng Ibon Foundation ang nagpahayag ng pinakamatalas na kritika sa ipinagyayabang ni Aquino na kaunlaran. Sabi nila, makikita sa mismong datos ng gobyerno na tila pinilit ng administrasyon na gumastos sa konstruksiyon, o pagtatayo ng kung anu-anong imprastraktura sa buong bansa, para lumaki ang gastos at lumaki ang GDP growth. Napansin nilang umabot sa 24.3 porsiyento ang ginastos ng gobyerno sa pampublikong konstruksiyon. Di hamak na mas malaki ito sa 8.8 porsiyentong gastos noong nakaraang taon. Ang layunin nito: artipisyal na “palaguin” ang ekonomiya para maakit ang dayuhang mga mamumuhunan. Sa kabila nito, ayon sa Ibon, bumagal sa 29 porsiyento ang foreign direct investment o FDI sa bansa noong Enero hanggang Setyembre 2012, mula taong 2011. Maliban sa konstruksiyon, malaki rin ang ginastos sa transportasyon, pag-imbak at komunikasyon, kalakal at pagkumpuni, financial intermediation, real estate, pagpapaupa at mga aktibidad na pangnegosyo. Paliwanag ng mga ekonomista ng Ibon, hindi nakaugat

sa lokal na ekonomiya ang mga ito, at napupunta lamang sa dayuhang mga mamumuhunan at kompanya. Ibig sabihin, inilalabas din sa ibayong dagat ang yamang ito. Samantala, wala namang gaanong paglago sa produktibong mga sektor ng agrikultura at manupaktura. Sa kabilang banda, lumala ang kawalan ng trabaho. Dumami pa sa 11.9 milyon noong 2012 ang bilang ng walang-trabaho at kulang-sa-trabahong Pilipino. Tinatayang dumami ng 48,000 at umaabot na sa 4.4 milyon ang bilang ng mga walang trabaho. Lumaki naman nang 349,000 at umabot nang 7.5 milyon noong 2012 ang underemployed (may trabaho pero di sapat ang kinikita sa pangangailangan). Kahit na sa opisyal na datos ng gobyerno, hindi nagbago mula noong nakaraang taon na 7 porsiyento ang walang trabaho. Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamalalang tantos ng disempleyo (unemployment rate) sa East Asia kumpara, halimbawa, sa Thailand (0.6%), Singapore (1.7%), Malaysia (3.0%), Korea (3.0%), China (4.1%), Taiwan (4.3%), Vietnam (4.4%) at Indonesia (6.5%).

PMC. Inc. board of directors Rolando B. Tolentino (chair) Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano

Hinggil sa kober: Sa pagragasa ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong nakaraang buwan, naipamalas sa taumbayan ang mapagsamantalang katangian ng relasyong US at Pilipinas. Layon ng presensiyang militar ng US sa bansa na pangalagaan ang sariling pang-ekonomiyang interes ng US na nasisiguro sa patuloy na pandarambong nito sa ating likasyaman. Dibuho ni Kendrik Bautista

Matagal nang sinasabi ng mga progresibo na dapat na pagbatayan ng kaunlaran ang aktuwal na kalagayan ng mga mamamayan. Ibig sabihin, dapat na sinisilip ang kanilang income o suweldo, ang pagiging estable ng kanilang mga trabaho, at kahit ang akses nila sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pabahay, edukasyon, kalusugan, at iba pa. Sa pamamagitan nito, mas malalaman kung umuunlad ba talaga sundan sa pahina 11


lathalain 3

pinoy weekly | marso 2013

Biktima ng bagyo,

binibiktima uli ng gobyerno

Mga residente ng Purok 2, Purok 7 at Purok Langgab sa Brgy. Poblacion, Compostela Valley, na naghihintay ng relief goods.

H

Noong Disyembre 2012, winasak ng Bagyong Pablo ang dalawang probinsiya. Kuwento ng mga saksi, para itong hinulugan ng atomic bomb. Mahigit anim na milyong katao ang apektado. Naubos ang mga puno, at nabuwag ang malalaking istruktura gaya ng eskuwelahan at simbahan, habang nagkapira-piraso ang maliliit na kabahayan. Pero sa halip na maghintay lamang sa evacuation centers para sa tulong na didumarating, nagkasa sila ng barikada. Noong Enero 15, mahigit 5,000 katao ang umokupa sa Montevista National Highway sa Compostela Valley. Hindi nila pinaraan ang mga sasakyan, hangga’t hindi sila nabibigyan ng pagkain. “Talagang nagdesisyon kaming

balsa mindanao

indi pangkaraniwang mga biktima ng bagyo ang mga mamamayan ng Compostela Valley at Davao Oriental.

Anim na milyong katao sa Timog Mindanao ang apektado ng bagyong Pablo. Pinababayaan na sila ng gobyerno, napagkakakitaan pa. Samantala, patuloy ang pandarambong sa kalikasan na nagpalala sa sakuna. Ni Ilang-Ilang D. Quijano magbarikada dahil wala nang ibang paraan para mapakinggan kami ng gobyerno,” ani Karlos Trangia,

PAGMIMINA AT OPLAN BAYANIHAN

SA DAVAO ORIENTAL 1. Alberto Mining 12 (4,860 has.) 3 2. Boston Mineral Mining (338 has.) 67th 3. Pensons Mining IBPA (4,860 has.) 4. Titan Exploration & Dev’t Corp. (3,500 has.) 5. 3 Kings Sunrise Mining (4,000 has.)

6. Phil Jin Sheng Intl Mining (933 has.) 7. Hopewell Mining (1,033 has.) 8. PL Goodman Mining (1,033 has.) 9. Blue Ridge Mineral Corp. (3,715 has.) 10. St. Patrick Mining (2,288 has.) 11. Galactica Mining (2,377 has.) 12. Mt. Peak Mining (2,375 has.) 13. Oregon Mining (723 has.) 14. Phil Youbang Mining (1,010 has.) 15. Anaconda Mining (7,742 has.)

4 28th IBPA 5 16 17 15 6 14 7 701st IBdePA 9 8 11 10 12 13 16. Bunawan Mining (3,542 has.) 17. Zetoza Mineral Resources Corp. (1,134 has.)

magsasaka at tagapagsalita ng Barug Katawhan, grupo ng mga nakaligtas sa Bagyong Pablo. Sa halip na pagmalasakitan, kinasuhan pa ng pulisya ng salang public disorder ang pitong lider. Kinagabihan, dumating na ang tulong. Pero kasya lamang sa 10 araw ang ipinamahagi ng gobernador na relief packs at bigas. Ilang residente pa ang nakatanggap ng bulok na bigas. Sa barikada, nangako si Sek. Dinky Soliman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 10,000 sako ng bigas sa susunod daw na dalawang araw. Pero habang sinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin ito dumarating. Tapos na ang bagyo pero nagsisimula pa lamang ang unos. Ngayon, mismong ang gobyerno ang sumasalanta sa pagsisikap ng mga biktima na makaahon. Mapaminsalang mga kompanya

Hindi lamang relief ang hinihiling nila. Hinihiling din nila ang hustisya.

Para sa kanila, may dapat sisihin para sa malubhang pinsala: ang malalaking kompanya ng troso, mina, at plantasyon na sumira at dumambong sa kalikasan. Sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), may halos 83,000 ektaryang trosohan ang sakop ng mga Integrated Forest Management Agreement (IFMA) sa Baganga, Cateel, Caraga at Manay, mga bayan sa Davao Oriental na pinakaapektado ng bagyo. Kabilang ang IFMA sa mga hindi kasali sa diumano’y log ban ni Pangulong Aquino. Halos 20 porsiyento naman ng lupain sa dalawang probinsiya ang ikinumbert sa mga plantasyon ng saging na pang-eksport, mula 2000 hanggang 2010. Inulat ng grupong pangkalikasan, Panalipdan, na maging ang conservation site na Mt. Kampalili-Puting Bato sa Compostela Valley ay pinapasok ng Dole-Stanfilco at AMS-Sumifru, lokal na subsidaryo ng kompanyang mga transnasyunal sa bansa. sundan sa pahina 4


4

LATHALAIN

marso 2013 | pinoy weekly Mga biktima ng bagyong Pablo na nagbarikada sa National Highway sa Montevista, Compostela Valley, bilang protesta sa pagpapabaya sa kanila ng gobyerno at pananagutan nito sa kalamidad. (Larawan: @kaharianniken)

Biktima ng bagyo, binibiktima uli ng gobyerno Inakusahan nila ang DSWD na Kung tutuusin, bumabaha ng tulong “nakikipagkutsabahan” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para gamitin sa Samantala, may 30,000 ektarya ng para sa mga biktima ng Pablo. sakahan at kagubatan ang kinumbert Nagbigay ng tone-toneladang bigas kontra-insurhensiya ang relief efforts. Mga na rin sa mga plantasyon ng palm oil at milyun-milyong pisong halaga ng sundalo ng AFP ang namimigay ng relief at biodiesel. relief goods ang United States Agency for goods at nagtatayo ng mga bunkhouse. Namataan din ang mga sundalo na Malawakan din ang pagmimina. International Development (USAID), Sa Southern Mindanao, may 37,000 United Nations, at mga gobyerno ng may kasamang mga tropang Amerikano ektarya ang sakop ng mga Mineral Australia, Canada, at Indonesia. Bukod sa Baganga. Ayon sa Barug Katawhan, Production Sharing Agreement pa rito ang P18-Bilyon mula sa calamity tahasang panggagamit ito ng US sa sakuna para manghimasok sa internal (MPSA), at may isang milyong ektarya fund ng administrasyong Aquino. pa ang sakop ng mga aplikasyon para Ang tanong ni Trangia, “Saan na usapin ng bansa. Ginagamit din ang sitwasyon ng mga sa MPSA at eksplorasyon. napupunta ang tulong? Hindi ito Matapos ang bagyo, nanawagan kay umaabot sa mga magsasaka, lalo na sa kompanya ng mina, troso at plantasyon para gipitin ang kanilang mga Aquino ang Panalipdan at isang manggagawa. “Nagsasagawa grupo ng mga Lumad: “Itigil na Nasa bingit pa rin ng kamatayan sila ng early retirement program. ang liberalisasyon at pagbebenta ang mga binagyo. Walang pagkain at Pinapapirma rin sila ng ng aming mga lupaing ninuno kasunduan na hindi sasali sa para sa malalaking kompanya. tirahan ang karamihan. Wasak ang mga unyon bago makapagtrabaho Dapat ding mapanagot ang pananim at plantasyon, kaya hindi sila muli,” ani Trangia. mga kompanyang ito sa makapagtrabaho Kung ang mga residente pandarambong na nagdulot sa ng Compostela Valley at amin ng kamatayan!” Mahigit isang libong katao ang mga liblib na lugar.” Dalawang beses Davao Oriental ang masusunod, di namatay sa Pablo, na pinakamalakas pa lang daw sila nakakatanggap ng na dapat payagang muling tumakbo na nanalasa sa Mindanao sa huling 40 relief (ang huli, resulta pa ng barikada). ang mga kompanya ng troso, mina at taon. Iniulat din ng mga Lumad sa Baganga plantasyon, at dapat mapanagot ito sa Ngayong makaraan ang halos na binebenta sa kanila ang relief packs sa pagsira sa kalikasan. Tunay na reporma sa lupa--o pagbalik ng lupaing ninuno dalawang buwan, nasa bingit pa rin ng halagang P200 kada isa. kamatayan ang mga binagyo. Walang Kinuwestiyon din nila ang overpriced para paunlarin ng mga magsasaka ang pagkain at tirahan ang karamihan. na mga bunkhouse ng DSWD. Naiulat kanilang hiling. Pero sa mata ng gobyerno, rebelde Wasak ang mga pananim at plantasyon, sa midya na ginastusan ng ahensiya kaya hindi sila makapagtrabaho. ng kalahating milyong piso ang bawat ang sinumang may ganitong hiling. Sa laki ng pinsala, kailangang umasa bahay na gawa lamang sa ilang pirasong “Inaakusahan na kaming tagasuporta ng NPA (New People’s Army) kahit sa muna ng mga mamamayan sa tulong. kahoy at yero. “Dapat pakainin ng gobyerno nang Dagdag pa ni Trangia, “Ang paghingi lamang ng relief. Bakit daw isang taon ang mga taga-Compostela pagpuwersa sa amin sa mga bunkhouse kami sasama sa rali?” ani Trangia. Alam na niya ang sagot. Dahil kung Valley at Davao Oriental para sila ay porma ng hamletting. Labag ito sa makaahon,” ayon kay Francis Morales, aming customary laws (batas katutubo). hindi, lalo silang walang makakain. Lalo executive director ng Balsa Mindanao, Bakit hindi na lang kami bigyan ng silang bibiktimahin ng gobyerno, at ng nangunguna sa relief operation ng mga materyales para makagawa kami ng mga negosyong tila sakuna lamang ang dala.pw grupong pangmasa. sariling bahay?” mula sa pahina 3

‘Saan napupunta ang tulong?’

Panahon na naman ng tagisan ng mga pulitiko na nagmumula sa parehong naghahari at mapagsamantalang uri. Pero may alternatibong pulitika at ilang mga kandidato na tunay na opisisyon na naglalayong ilantad at labanan ang dominasyon ng mga naghaharing uri. Ni Macky Macaspac

S

imula na ang magarbo, magastos at mala-pistang kaganapan sa bansa -- ang eleksiyon. Nakangiti ang mga kandidato, parang mga payaso, umiindak at kumakanta. Nagbubuga ng matatalas na pananalita sa entablado, para lamang makakuha ng atensiyon at maakit ang publiko para sila'y mailuklok sa trono. Laro ng iilang mayayaman at maimpluwensiya ang eleksiyon. Panahon ito ng tagisan nila para sa boto ng mayoryang mahihirap. Eleksiyon ang nagpapasya kung aling paksiyon o kampo ng naghaharing uri ang tatangan ng kapangyarihang pampulitika. Pero ginagawa ito sa paraang marumi, batbat ng korupsiyon at dayaan, at karahasan. Dahil kailangan ng pera, impluwensiya at kapangyarihan para makapangampanya at posibleng manalo sa botohan, iilan at piling mga tao lamang ang nagiging kandidato. Sa kasalukuyang mid-term election para sa puwesto sa Senado, Kamara at lokal na mga posisyon sa mga probinsiya at munisipyo, dalawang malalaking kampo ang nag-uumpugan – ang Team PNoy ng administrasyong Aquino (pinagsanib na LP-Akbayan-NPC-NP-LDP) at ang United Nationalist Alliance na binuo naman ng tinaguriang tatlong hari (Estrada, Binay at Enrile). Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni Bobby Tuazon, propesor at political analyst ng Center for People Empowerment in Governance (Cenpeg), na karamihan sa dalawang kampo'y nagmula sa mga angkan


lathalain 5

pinoy weekly | marso 2013

halalang 2013:

Laro ng mga naghahari

(Pinaka-itaas) Mga kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Team PNoy; (Itaas) Mga kandidato sa pagkasenador ng United Nationalist Alliance o UNA

na tradisyunal na mga pamilya ng mga pulitiko. Sa loob ng mahigit 100 taon, dominante pa rin sa eleksiyon ang malalaki at mayayamang angkan. Ayon sa pag-aaral ng Cenpeg sa eleksiyong 2010, namayani ang 178 dinastiya. Umabot sa 56 porsiyento nito'y mula sa lumang mayayamang angkan, at 44 porsiyento naman ang mula sa bagong sibol na mga pulitikong pamilya, na naman sa mga eleksiyon pagkatapos ng Edsa 1. "Sila pa rin ang magdodomina sa kampanya at maging sa resulta ng eleksiyong ito,” ani Tuazon. Nito lamang ika-15 Kongreso, umabot sa 75 porsiyento ng mga dinastiya ang namayani sa mababang kapulungan. Samantala, 85 porsiyento sa 23 senador ang nagmula sa dinastiya. Hindi lang sa pambansang antas ang dominasyon ng mga dinastiya. Kahit sa mga probinsiya, namamayani sila. Sabi pa ng Cenpeg, 94 porsiyento ng probinsiya ang may dinastiya na pinaghaharian ng dalawa o higit pang pamilya ng mga pulitiko. Kaya kung mananalo sa Mayo ang ilang personahe mula sa mga pamilya ng pulitiko, dadami ang bilang ng dinastiya sa Senado pa lamang. “Kapag nanalo ang lahat ng descendants ng dominant political clans o dynasty, magiging limang pamilya ang mukha ng Senado,” paliwanag ni Tuazon. Pinatutungkulan niya ang pagkandidato ng pamilya Magsaysay,

Enrile, Estrada, Cayetano at angkan ng mga Aquino-Cojuangco, gayundin ang pamilya Villar. Sa kasalukuyan ang magkapatid na Cayetano ang mukha ng dinastiya sa Senado. “Kung mananalo sila, di-bababa sa tig-dalawang senador ang kada pamilya,” aniya. Tingin ni Tuason, umabot na sa sukdulan ang paghahangad ng mga angkan sa kapangyarihang pulitikal ngayon. “Dati paisa-isa lang o patatapusin muna ang isa bago kumandidato sa Senado. Ngayon, sabay-sabay na sila sa isang posisyon o mga posisyon.” Tunay na oposisyon

Kinakatawan ang dominanteng mga pamilya sa Pilipinas ng dalawang nag-uumpugang partido-pulitikal, ang Team PNoy at UNA. Kinakatawan ng dalawa ang interes ng mga pamilyang nagmomonopolyo ng kapangyarihan sa halos lahat ng larangan (ekonomiya, kultura, at pulitikal). Kaya, wala sa kanila ang tunay na oposisyon. Sa kabila ng pahayag ng tagapagsalita ng UNA na ang partido nila ay “constructive opposition” (maaaring pumuna sa mali at pumuri sa mga magandang gawi ng administrasyon), hindi maitatanggi na pareho silang “walang pinag-aawayang isyu o usaping pambayan,” ani Tuazon. Paniwala ni Tuazon, malaki ang pangamba ng mga taga-UNA na hindi

nila mahahamig ang mga taong bumoto kay PNoy noong 2010 kung tuwiran silang magdeklarang oposisyon laban sa administrasyon. “Ang paggamit nila ng terminong constructive opposition, alam natin na laro 'yan sa pulitika dito sa bansa. Lameduck opposition designed only for political convenience or political opportunism,” aniya. Hindi raw sigurado ang mga taga-UNA sa kanilang paninindigan. Dagdag pa, pinagaawayan lang nila ang mga posisyon sa gobyerno para madagdagan ang kapangyarihan at maghanda para sa 2016 presidential elections. “Testing ground itong mid-term election para sa mga nagaambisyon sa pagkapresidente. Pero

kritikal pa rin ito para sa tradisyunal na mga partido,” ani Tuazon. Paliwanag niya, kung makukuha ng sinumang partido-pulitikal ang 60-70 porsiyento ng posisyon sa lokal at nasyunal na antas, magiging bentahe ito sa 2016, lalo na ang paggamit sa rekurso ng gobyerno. Kaya sabi ni Tuazon, walang isyu na kinakaharap ng sambayanan ang pinagaawayan ng dalawang partidong ito. Malayo sa kinakatawan ngayon ng “constructive opposition” ang progresibong pakahulugan ang “oposisyon,” ayon kay Tuazon. Kasama sa dapat na paninindigan ng tunay na oposisyon: Pagpawi sa kahirapan, pakikipaglaban para sa karapatan at kagalingan ng mga manggagawa, magsasaka at ibang maralita; at pagsusulong sa interes ng mga mamamayan. “Wala akong nakikitang oposisyon sa tradisyunal na mga partido. Kahit ang LP, NP, NPC o iyung UNA,” aniya. Hindi rin nila kinakalaban ang tradisyunal na pulitika, bagkus pinapayabong pa nila ito. Pero may ilang kumakandidato na matagal nang oposisyon, sa loob man o labas ng Kamara. Nagsusulong sila ng interes ng mga mamamayan at tuwirang kumakalaban sa tradisyunal na pulitika. Partikular na tinukoy ni Tuazon ang pagkandidato bilang senador ni Rep. Teddy Casiño ng partidong Makabayan, at ang progresibong mga grupo na tumatakbo sa eleksiyong party-list bilang tunay na oposisyon. “Sila ang tunay na kumakatawan sa oposisyon ngayon at nagtataguyod sa laban ng mga mamamayan. Galing naman sila sa kilusan para sa pagbabago o people’s organizations,” sabi ni Tuazon. Idinagdag pa ni Tuazon na may mga palatandaan na lumalaki ang bilang ng mga botanteng nagnanais ng pagbabago. “Sa nagdaang mga buwan, batay na rin sa mga ulat sa midya, may sumisibol nang mga pagkilos laban sa m g a dinastiya,” aniya. sundan sa pahina 11

Tunay na oposisyon, tunay na alternatibo. Independiyenteng kandidato sa pagka-senador na si Teddy Casiño (pangatlo mula kaliwa): Naghapag ng platapormang malinaw na pabor sa tine sabillo mga karaniwang tao.


6 SURING-BALITA

pinoy weekly | espesya

Sagasa sa Tubbataha, Gahasa sa Patrimonya afp photo

mula sa pahina 1

Papalaking pinsala, kakarampot na ‘bayad’

Inaasahan ang paglaki ng pinsalang nagagawa ng USS Guardian hangga’t hindi pa ito naiaalis sa Tubbataha Reef, ayon sa mga dalubhasa. Enero 17 nang sumadsad ang 224-talampakang USS Guardian, isang Avenger-class minesweeper (tingnan ang sidebar) sa Tubbataha Reefs Natural Marine Park. Bago ito, ilang ulit umanong niradyo ng park rangers na nanganganib silang bumangga sa naturang reef. Pero di ito pinansin ng kapitan. Matapos sumadsad, sinabi ng US Navy na pumalpak lamang ang kanilang navigational charts kaya di napansin ang pagbangga sa Tubbataha. Dumating na ang dalawang barkong magtatanggal sa USS Guardian sa Tubbataha Reef na magmumula sa Singapore. Pero nangangailangan umano ng mga eksperto na independiyenteng magsusuri kung ito nga ba ang pinakaligtas na paraan para matanggal ang barkong pandigma ng US, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Sinabi ni Giovanni Tapang, tagapangulo ng Agham at propesor sa pisika ng Unibersidad ng PilipinasDiliman, na hindi masusukat ang pagkasira ng Guardian sa Tubbataha hangga’t hindi naaalis ang barko. Ayon sa US Navy, aabot nang ilang buwan ang pagbaklas sa Guardian. “Kailangang magkaroon ng independiyenteng pagsusuri mula sa mga eksperto kung gaano talaga kalaki ang pinsala sa Tubbataha Reef kapag natanggal na ang barko. Doon pa lang natin aktuwal na makikita gaano kalaki ang damage na nalikha. Higit pa ito sa isyu ng kompensasyon,” sabi ni Liza Maza, tagapangulo ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan). Sa inisyal na tantiya ng World Wildlife Fund, dibababa sa 1,600 metro kuwadrado ang nasira ng 1,300toneladang USS Guardian. Halos doble ito sa coral reefs sa

Hawaii na nasira ng USS Port Royal noong 2009. Hindi pa rin sa ngayon masukat kung gaano katindi ang epekto nito sa kabuhayan ng mga mangingisda ng Palawan at iba pang coastal regions malapit sa Tubbataha. Nasa 808,000 metrikong tonelada kada taon ang nakukuhang yamang dagat mula sa karagatang malapit sa Tubbataha Reef. Tinataya ng Pamalakaya na aabot sa 20 porsiyento ng produksiyon ng mga mangingisda ang apektado, ayon kay France. Bawat kilometro-kuwadrado sa Tubbataha ay nakukuhanan ng mahigit 200 metrikong tonelada ng seafood, ayon sa WWF. Ikumpara umano ito sa hanggang 60 metrikong toneladang nakukuha sa bawat kilometrokuwadrado ng ibang coral reefs. Sa 2,400 na species sa karagatan ng mundo, aabot sa 1,500 ang sinasabing matatagpuan sa Tubbataha Reef, na itinuturing ng United Nations bilang isang World Heritage Site. Aabot sa mahigit 200 taon bago muling tumubo ang corals. Bilang “parusa,” sinisingil lang ng gobyerno ang mga barko ng US$300 kada metro kuwadrado na nasisira

USS GUARDIAN:

Tagabantay ng komersiyal na interes ng US sa karagatan

nitong coral. Ibig sabihin, P12,000 kada metro lamang ang babayaran ng US, sa 1,000 square meters na nasira nito. Inaasahang nasa P24-Milyon lang ang babayaran ng US. Pero di hamak na mahigit pa sa halagang ito ang mawawala sa mga mangingisda at sa bansa. “Hindi lang naman ang mga mangingisda ang apektado r’yan. Maging ’yung mga tindera ng isda, ‘yung mga naghahatid ng huling isda, at siyempre maging ang mga mamamayan na kumokonsumo ng yamang dagat -- lahat apektado. Kung ngayon pa lang, malaki na ang epekto, lalo na kapag nagtagal ito,” ani France. Apektado maging ang karatig na mga probinsiya gaya ng Negros, Iloilo, Guimaras at iba pa hindi lamang ang Pilipinas. Bukod pa rito, hindi masusukat ang epekto nito sa biodiversity ng Tubbataha. Bakit naroroon?

Paliwanag ng US Navy, dumaraan lamang ang USS Guardian sa Sulu Sea mula sa isang rest and recreation sa Subic Bay Seaport, Zambales patungong East Timor nang masadsad sa Tubbataha. Pero malinaw na labag sa soberanya ng bansa ang presensiya nito, maliban pa sa labag ito sa batas ng bansa hinggil sa protected areas. Napapasailalim sa Visiting Forces Agreement ng gobyerno ng US at Pilipinas ang presensiya ng USS Guardian, at ayon sa Junk VFA Movement, halimbawa lamang ang insidente sa hindi pag-ayon ng VFA sa pambansang kasarinlan ng bansa. “Ano ang ginagawa ng isang barkong pandigma sa isang protected area?” tanong ni Trixie Concepcion, regional director ng Earth Island Institute. Nauna nang idinahilan na false navigation daw ang dahilan ng pagkakapadpad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef. Pero para sa isang bansang may pinakaabanteng kagamitang teknolohiya sa nabigasyon, at isang barko na ang pangunahing trabaho ay silipin ang ilalim ng dagat para sa mina, mahirap paniwalaan ang dahilang ito ng US Navy. “Kinakailangang magkaroon din ng independent investigation kung bakit naroroon ang USS Guardian at kung bakit patuloy ang pagpasok ng mga barkong pandigma ng US sa bansa. Nagugulat na lamang tayo na bigla-bigla na lamang sumusulpot ang mga ito. Hindi nga natin alam kung ano ang mga ipinapasok nila dito sa bansa,” ayon kay Sammy Malunes ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Inihalimbawa ni Malunes ang pagdaong ng isang barko rin ng isang contractor ng US Navy sa Subic na nagtapon ng dumi sa baybayin. Halimbawa rin ng

Ang USS Guardian (MCM 5) ay isang barko ng US Navy na nagsisilbi sa mine countermeasures (MCM). Unang kinomisyon noong Disyembre 16, 1989, ito ang ikalimang Avenger Class MCM ship. Ito ang ika-14 na Avenger Class ships ng US Navy. Mayroon itong state-of-the-art na sonar system at robot na nagsasagawa ng mine neutralization, o robot na nagnunyutralisa ng naval mines na maaaring ilagay sa dagat ng mga kaaway ng US. Pinapunta ito ng US Navy sa estratehikong mga port sa US at labas nito, at sa susing karagatan para mamantine ang mahahalagang shipping lanes, o lugar na dinadaanan ng mga barkong komersiyal.


suring-balita 7

al na isyu: marso 2013 pagyurak sa soberanya ng Pilipinas ang aniya’y basta na lamang na paglitaw ng mga submarino ng US sa dagat ng Pilipinas at ang pagbagsak ng drone sa kalangitan naman ng Masbate. “Hindi itong pangyayari sa Tubbataha ang unang pagkakataon. Makikita rito ang arogansiyang palaging ipinapakita ng US. Bukod dito, kailangan ding managot ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpahintulot na mangyari ang ganito,” sabi naman ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela. Tinawag ng Gabriela ang pagsadsad sa Tubbataha bilang “panggagahasa sa Tubbataha,” na maihahalintulad umano sa panggagahasa ng imperyalismong US sa pambansang kasarinlan ng bansa. Bukod pa ito sa aktuwal na mga paglabag sa karapatan ng kababaihan at mga mamamayan tuwing may matinding presensiyang militar ng US sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Marami na umanong namomonitor ang Gabriela na insidente ng pagtaas ng bilang ng prostituted women (kababaihang natutulak sa prostitusyon) sa mga lugar na pinamamalagian ng militar ng US, kasama na rito ang Palawan. Dito nagsagawa ang militar ng US at Pilipinas ng ehersisyong militar noong nakaraang taon.

I s a n g b i l y o n g b a b a e,

bumangon

Paglaban sa iba’t ibang porma ng karahasan sa kababaihan ang mensahe ng matagumpay na One Billion Rising sa Pilipinas. Pangunahin dito ang paglaban sa “panggagahasa (ng imperyalismo) sa Inang Bayan.” Ni Darius Galang

Pagpapanagot sa US

Nagkakaisa ngayon ang iba’t ibang organisasyon sa ilalim ng Junk VFA Movement para muling kuwestiyunin ang VFA at ang pagtindi ng presensiyang militar ng US sa Pilipinas. Hangga’t naririyan ang VFA, hindi magiging ligtas ang ating kalikasan, sabi ni Clemente Bautista ng Kalikasan – People’s Network for the Environment. “Iniisip din natin ang posibilidad ng pagpapanagot sa mga responsable sa pag-alis ng mga sakay ng USS Guardian dahil hindi dapat sila umaalis ng bansa. Dapat nasa kustodiya sila ng gobyerno ng Pilipinas habang iniimbestigahan pa ang insidenteng ito. Paano natin sila ngayon mahahabol at mapapanagot?” sabi ni Terry Ridon, abogado at unang nominado ng Kabataan Partylist. Dapat ding itulak ang administrasyong Aquino sa pag-aksiyon para mapanagot ang US sa insidenteng ito sa Tubbataha. “Hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas. Parang may impunity (o kawalan ng pananagutan) na nangyayari sa paglabag ng soberanya natin,” ayon naman kay Concepcion. Ayon kay Renator Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan, dapat itulak ang mga kongresista at senador na suriin sa Kongreso ang kasong ito. Dapat maging bukas ito sa publiko, at dapat gawing isyu ito na pinag-uusapan ngayong eleksiyon. Pero higit sa pagtutulak na gawing isyu sa eleksiyon ang pagpapanagot sa USS Guardian, dapat magkaroon ng malawakang pagtutol mula sa mga mamamayan. Sa ganitong paraan, maitutulak ang gobyerno para kumilos, ayon sa Bayan. Sinabi naman ni Salvador na kung hindi tututol ang mga mamamayan, magpapatuloy lang ang mga ganitong paninira sa kalikasan. Magpapatuloy ang pandarahas at paglabag sa karapatan ng mga mamamayan. Magpapatuloy ang ganitong panggagahasa sa pambansang patrimonya. Magpapatuloy lang ang lahat nang ito, kung hindi kikilos ang sambayanan. pw

K

Mga kuha nina Macy Macaspac, Darius Galang at KR Guda

umilos, sumayaw at bumangon ang kababaihan ng Australia (Melbourne), Canada (Toronto), The Netherlands buong mundo upang wakasan ang lahat ng anyo ng at USA (Seattle, San Francisco, Washington DC, Los karahasan laban sa kanila. Angeles, San Diego, New York). Sa Pilipinas, tinatayang umabot sa daanlibong Nagsilbing protesta laban sa gobyerno at kasalukuyang mamamayan – babae, lalaki, bata – ang bumangon at sistema ng patriyarkiya at panunupil ang mga “pagbangon.” sumayaw sa One Billion Rising (OBR) noong Pebrero 14. Pagsayaw, at pagkanta na rin, ang pangunahing porma ng Ito ang pandaigdigang kampanya na pinangunahan ng protestang ito. manunulat na si Eve Ensler laban sa karahasan sa anumang Pangunahing isinayaw ang tema ng OBR sa Pilipinas, anyo sa kababaihan. Mahigit 200 bansa sa buong mundo ang kantang “Isang Bilyong Babae ang Babangon,” na ang lumahok dito. sinulat ni Merlee Jayme ng ad agency na DM9JaymeSyFu. Pinangunahan ang OBR sa Pilipinas ng Gabriela, Bukod sa pisikal na karahasan sa kababaihan tulad ng Gabriela Women’s Party at New Voice Company, kasama gahasa at pambubugbog, dala ng iba’t ibang sektoral na mga ang iba’t ibang sektoral na mga organisasyon. organisasyon ang iba’t ibang panlipunang isyu na dinaranas Isa ang Pilipinas, sunod sa Australia at New Zealand, ng kababaihan. Kabilang dito ang demolisyon sa bahay sa mga bansang naunang nagsagawa ng mga pagdiriwang. ng mga maralita, miltiarisasyon sa kanayunan, mababang Pinangunahan ni Monique Wilson, tanyag na artista sa teatro, sahod at panunupil sa paggawa, pagsasapribado sa mga ang mga pagtatanghal sa Tomas serbisyong panlipunan, polisiya ng pagMorato Ave., Quezon City. Katuwang eksport sa lakas-paggawa, at marami nila ang lokal na pamahalaan ng pang iba. lungsod, sa tulong ni Vice Mayor Joy Pangunahing dinala rin ng Gabriela Belmonte. ang “panggagahasa sa Inang Bayan” Samantala, nagsagawa rin ng ng imperyalistang US, ang presensiyang iba’t ibang pagtitipon ang mga militar nito at pandarambong ng mamamayan sa buong kapuluan: malalaking korporasyon sa mga likasBaguio City, Nueva Ecija, Angeles na-yaman ng bansa. Binigyang pokus City, Batangas, Cavite, Laguna, din ang “panggagahasa sa Tubbataha” Quezon, Rizal, Legazpi City, Naga City, Emosyonal na pag-awit ni Monique Wilson ng – ang pagsira ng barkong pandigma ng Sorsogon, Bacolod City, Dumaguete, kantang “I Am Rising,” na may lyrics na sinulat ni US sa aquatic reserve ng Pilipinas sa Iloilo City, Cebu City, Tacloban City, Joi Barrios. Si Wilson ang tagapag-ugnay ng One Tubbataha Reef. Billion Rising Philippines. Aklan, Davao, Cotabato, General Tunay na madagundong ang One Santos, Cagayan de Oro, Zamboanga City, at Butuan. Billion Rising sa Pilipinas, at malakas na nairehistro nito ang Kasama rin sa mga “bumangon” ang mga tsapter ng paglaban sa karahasan sa kababaihan at kahirapan. Gabriela at Migrante International sa Hong Kong, Japan, Pero para sa kababaihang bumangon na, simula pa lang Singapore, South Korea, UAE, Saudi Arabia (Jeddah), ito ng laban. pw


LATHALAIN

marso 2013 | pinoy weekly

Inihahanda ng gobyerno ni PNoy ang pagsasapribado ng iilan pang natitirang serbisyong panlipunan – ang serbisyomedikal, transportasyon at edukasyon. Walang ibang patutunguhan ito kundi pagtaas ng mga singil sa serbisyong dapat libreng iginagawad ng gobyerno. Ni Pher Pasion

L

abimpitung taon nang naka-confine si Mario Maniego sa Philippine Orthopedic Center (POC). Noong 1996, matapos ang operasyon sa naipit niyang ugat sa leeg, nanatili si Mario sa POC sa Quezon City. Naratay siya, di makagalaw. Wala siyang perang pambili ng respirator, kaya nanatili sa ospital – nang 17 taon. Lumiit na ang kanyang paa, sa tagal na di nagagamit. At ang buhay ng kanilang pamilya, tuluyang dumausdos. Ang kanyang asawang si Susan Maniego, buong-panahong bantay kay Mario sa POC mula 1996. “Dito na namin ginugol ang buong buhay naming mag-asawa. Wala na akong magawa kundi umiyak, dahil hindi ko na alam kung saan kukuha ng panggastos niya sa pang-araw-araw,” sabi ni Susan. Marami silang katulad nina Susan at Mario – na nadaragdagan pa araw-araw. Dahil sa dumadausdos na kabuhayan ng maraming mamamayan, dumedepende sila sa kumakaunting pampublikong mga ospital sa bansa. Pero nanganganib ang mga ito na maisapribado sa ilalim ng programang Public-Private Partnerships (PPP) ng administrasyong Aquino. Ang unang ospital na gustong sampolan ng gobyerno: ang Orthopedic, o POC. Parang negosyo

Bahagi ang serbisyong pangkalusugan sa iilang natitirang serbisyo ng gobyerno na nais nito na ipanegosyo sa pribadong sektor. Kasama sa gusto pa nitong gawing negosyo ang transportasyon (Light Rail Transit, LRT at Metro Rail Transit, MRT) at edukasyon. Mayroong iba’t ibang porma at antas

Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente, maging sa corridor nakapuwesto ang marami sa kanila.

Taas-singil

kaakibat ng pribadong pag-aari ang pagsasapribado. Kabilang dito ang “korporatisasyon”, o pagpapatakbo sa ahensiya o pampublikong kompanya bilang isang korporasyon. Isang porma rin ang mga proyektong PPP sa mga serbisyo, ayon sa Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik. Sa Pilipinas, anim sa bawat sampung nagkakasakit ang namamatay nang hindi nakakikita ng doktor. Sa kabila ng estadistikang ito, nais ng administrasyon na lalong di-maabot ng mahihirap ang serbisyong medikal. Itinulak ni Aquino sa Kongreso ang korporatisasyon ng 26 na publikong ospital sa bansa, sa pamamagitan ng House Bill 6145 at HB 6069 sa Kamara at Senate Bill 3130 sa Senado. “Umaasa lamang ang pinakamahihirap nating kababayan sa publikong mga ospital. Hirap na nga sila sa pagbayad sa gamot, pagkain, pamasahe at iba pang gastusin. Lalo itong lalala kung maisapribado ang mga ospital o sa mas malala baka hindi na makatuntong sa ospital,” ayon kay Sean Velchez ng Network Opposed to Privatization. Ayon sa Department of Health, 12

sa 26 na ospital ang may nakahain o mayroon nang proyektong PPP. Ramdam rin ang epekto ng pribatisasyon sa National Kidney and Transplant Institute-Hemodialysis Center Fresenius Medical Center. Dito, tumaas ang singil sa dialysis kada sesyon – mula P3,000 noong 2011 tungong P3,500. Sa Lung Center of the Philippines, umaabot sa P10,000 ang depositong kailangan bago tanggapin ang pasyente. Sa Orthopedic, tumaas ang singil sa mga laboratoryo, mula 62.5% tungong 212.2%. Transportasyon, edukasyon

Samantala, nakaamba ang pagtaas nang P10 sa pasahe ng MRT at LRT. Layon ng gobyerno na bawasan ang subsidyo dito. Ayon sa Ibon, di-kumikita ang

1,000% Alam mo ba:

taas-singil sa tubig sa maynila mula nang maisapribado ang m.w.s.s. noong 1997

kr gudA

8

MRT dahil sa binabayaran nitong 15 porsiyentong return on investment sa Metro Rail (partnership ng Ayala Land Inc. at Fil-Estate Management) sa ilalim ng build-operate-transfer na naunang porma ng PPP. Sa 2010 halimbawa, P8.52Bilyon ang obligasyon ng gobyerno sa MRT, pero binubuo ng guaranteed debts at bayarin sa utang ang 76 porsiyento nito na ibinabayad ng gobyerno sa Metro Rail. Sabi pa ng Ibon, malamang na itinataas ng MRT at LRT ang singil sa pamasahe para gawing kaakit-akit ito sa foreign investors at lokal na mga negosyante. Samantala, kinakaltasan din ng administrasyon ang badyet ng natitirang 110 state universities and colleges para gawing “self-sufficient” ito. Nagreresulta ito ng paglobo ng mga bayarin at pagbebenta o pagrerenta ng mga pagaari ng mga pamantasan sa pribadong sektor para matugunan ang kakulangan sa badyet. Malaya namang nakakapagtaas ang pribadong mga pamantasan dahil deregulated ito sa ilalim ng Education Act of 1982. Wala rin umanong ginagawa


lathalain 9

pinoy weekly | marso 2013 ang Commission on Higher Education para imbestigahan ang mga bayaring taun-taong tumataas, ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP). “Hindi ito sariling problema lang ng isang pamantasan. Isa itong pambansang isyu; sistematikong pinakakakitaan ang edukasyon,” ani Issa Baguisi, pangkalahatang kalihim ng NUSP. Sa tubig, kuryente

Inanunsiyo nitong Pebrero 2013 ang taas-singil sa tubig sa Marso sa Maynila. Pinahintulutan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad Water Services (MWSI) at Manila Water Company (MWCI) na magtaas nang 2.3 porsiyento sa kanilang Consumer Price Index (CPI) sa kanilang singil. Ang dating average na taripa ng MWSI na P4.96 per cubic meter, nasa P32.92 noong 2012. Gayundin ang Manila Water Company na ang dating average na taripa na P2.32 per cubic meter, nasa P27.44 na. Sa Survey ng Japan External Trade Organization, Maynila ang may pinakamahal na singil sa tubig, sumunod ang Singapore at Jakarta noong 2011. Makikita sa pagsasapribado sa MWSS noong 1997 na kaakibat ng pribatisasyon ang taas-singil – sa kaso ng

Dala umano ng pribatisasyon ang kamatayan sa milyun-milyong mahihirap na di maaabot ang serbisyo sa pribadong mga ospital.

MWSS, umabot nang 1,000 porsiyento. Sa kabila nito, may 204,036 pa ring pamilya ang walang malinis na tubig noong 2008. Samantala, gusto ng administrasyon na isapribado na ang serbisyo ng tubig hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa. Itinutulak nila ngayon ang Senate Bill 2997 o Water Sector Reform Act of 2012. Mahigit 500 water districts

PHER PASION

ang maaaring pasukin ng pribadong kapital, ayon sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage). Samantala, nakaranas ng halos buwanang taas-singil sa kuryente ang mga konsiyumer ng Meralco noong 2012. Nagtaas ito nang pitong beses sa generation charges noong Mayo. Nasa P48 ang itinaas nito noong Hulyo pa lamang.

Noong Oktubre nasa P0.10 ang itinaas ng generation charge o dagdag-singil na P24 sa mga komukunsumo ng 200 kWh kada buwan. Hinihintay naman ng Power Sector Assets and Liabilities Management (Psalm) ngayong 2013 ang petisyon nito sa Energy Regulatory Board na mangingil ng universal charge-stranded debts na P0.0313 kada kWh at universal charge-stranded contract cost na P0.3666 kada kWh upang bayaran ang stranded cost na P65.02-B at P74.3-B stranded contract cost. Ipinangako raw sa kanila ito ng gobyerno, nang maisapribado ang sektor ng enerhiya. Hindi sikreto na itinutulak ng gobyerno ang pagsasapribado batay sa dikta ng World Bank at Asian Development Bank. Malaki ang nakatakdang kitain ng dayuhang mga kompanya na papasok sa pagnenegosyo ng mga serbisyong ito. Ang ikinagagalit nina Susan at marami pang ibang maralitang umaasa sa serbisyo ng gobyerno, mga dayuhang negosyante pa ang inuuna ni Aquino sa halip na sila. Sa kabila nito, inaasahang tatagal pa sina Susan at Mario sa ospital. Hangga’t maralita at kailangan ng pagpapagamot, igigiit nila ang karapatan sa serbisyong tungkulin ng gobyerno na ibigay sa kanila. pw

PPP: Pribatisasyon, Pandarambong at Pambubusabos

P

aboritong programa ng gobyernong Aquino ang PPP, o ang PublicPrivate Partnership. Kunyari ay ka-partner pa ang gobyerno. Pero ang totoo, pinauubaya na nito ang lahat-lahat sa malalaking negosyanteng lokal at dayuhan. Ang masaklap, kasama rito ang batayang pangangailangan natin, tulad ng kuryente at tubig. Pati serbisyo sana ng gobyerno, ginawa na ring negosyo, habang lahat ng likas-yaman ng bansa ay hinahayaang limasin ng mga dayuhan at malalaking negosyo. Tuwing gagawing negosyo ang serbisyong panlipunan, pagtaas ng bayarin ang resulta nito. Ang habol kasi ng pribadong mga kompanya ay ang kumita, kaya nga may

dagdag-singil tulad ng bill deposit itong Meralco. Hindi naman tumataas ang suweldo. Masaklap pa, dumarami ang walang trabaho. Mawawalan ng trabaho ang nasa pampublikong mga ospital at mga water district kapag nailusot na ni PNoy ang batas sa corporatization ng pampublikong mga ospital at sektor ng patubig bansa. Di totoong naghahatid ng maraming trabaho ang dayuhang pamumuhunan. Habol ng dayuhan ang minimal at kontraktuwal na empleyo para tipid sila sa pasuweldo. Mas malaking bangungot pa sa ating mga Pilipino ang PPP sa pag-arangkada ng dayuhang mga negosyo sa pagmimina at ekplorasyon ng langis, ginto at mga mineral

sulong, gabriela

joms salvador

sa ating bansa. Pasakit sa atin ang mataas na presyo ng langis na ini-import natin. Pero bakit nga ba tayo nag-i-import pa kung may sarili naman tayong mga deposito ng langis? Bakit dayuhan ang nakikinabang sa yamang langis ng Pilipinas? Pandarambong ito sa ating likas-yaman! Sinasaid ng mga dayuha’t malalaking negosyo ang ating likas-yaman. Malupit ang pinsalang dulot ni Pablo

sa buhay at kabuhayan ng kababayan natin dahil sinira na ng malakihang negosyo sa pagmimina at pagtotroso ang kabundukan ng Mindanao. Hindi bagyo kundi barkong panggiyera ng US naman ang nangwasak sa Tubbataha sa Palawan. Labas-masok ang mga barkong panggiyera ng US dahil sa Visiting Forces Agreement. Nagpiprisintang tagapagtanggol kuno ng Pilipinas laban sa China, ang totoo’y bantay-sarado ng US ang likas-yaman ng bansa laluna ang langis. Puwestado rin ang US sa teritoryo ng Pilipinas para sa kontrol niya sa buong Asya-Pasipiko. Hindi titigilan ng mandarambong na dayuhan ang ating likas-yaman at ang pagkamal ng tubo mula sa pagnenegosyo sa bansa. Kung

kaya’t kailangang ipakita at ipalasap sa kanila, at sa papet na si Noynoy Aquino, ang malakas nating pagtutol at paglaban. Tutulan natin ang kontramamamayang programa na Public-Private Partnership na pawang pabor sa malalaking negosyante at dayuhan habang pahirap sa taumbayan. Tutulan ang pagkontrol ng malalaking negosyo at dayuhan sa likasyaman ng Pilipinas. Tutulan natin ang panggagahasa ng mga dayuhan sa ating Inang Bayan. Sa darating na Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ipakita natin ang paglaban sa imperyalistang pandarambong sa bansa at ang garapalang pagkapapet ni Aquino. pw


10 LATHALAIN

marso 2013 | pinoy weekly

MALANGIS NA BALAK NG us SA sPRATLYS

Offshore drilling ng isang kompanya ng langis sa Pilipinas.

na sumusuporta na sa trabaho ng limang milyong Amerikano ngayon.” Napakahalaga ng West Philippine Sea at Asya-Pasipiko sa pang-ekonomiyang interes ng US. Nagkakaisa ang mga dalubhasa na malaki ang rekurso ng krudo o langis, at gas (crude oil at natural gas) sa naturang lugar. At sa patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan (dulot ng tinaguriang “Arab Spring” at mga digmaan doon), may oportunidad ang US para makopo ang malaking rekurso ng langis at gas sa bahaging ito ng mundo. Sa bagong pag-aaral ngayong taon ng US Energy Information Administration (USEIA), isang ahensiya sa gobyerno ng US na nag-aaral sa mga rekursong pang-enerhiya sa daigdig, nakasaad na may tinatayang 11 bilyong bariles ng langis, at 190 trilyong cubic feet ng natural gas sa West Philippine Sea. Mas malaki pa rito ang tantiya ng US Geological Survey (USGS), na nagsabing posibleng mula 5 hanggang 22 bilyong bariles ng langis at 70 hanggang 290 trilyong cubic feet ng gas ang nasa lugar. Mas malaki pa rito ang tantiya ng Chinese National

Isang kabataang aktibista sa rali harap ng embahada ng US, kontra sa visiting Forces Agreement, noong Peb. 18. kr guda

Larawan mula sa website ng Petroenergy Corp.

mula sa pahina 12

Offshore Oil Company (CNOOC), ang pangunahing kompanyang pag-aari ng gobyerno ng China na nagsasagawa ng offshore drilling (o paghuhukay para sa langis sa gitna ng karagatan). Palagay ng CNOOC, aabot sa 125 bilyong bariles ng langis at 500 trilyong cubic feet ng gas ang nasa West Philippine Sea. Ayon sa USGS, sa Reed Bank, na bahagi ng pinag-aagawang Spratlys, mayroong tinatayang 0.8 hanggang 5.4 bilyong bariles ng langis at 7.6 hanggang 55.1 trilyong cubic feet ng natural gas na di pa nadidiskubre. Bukod pa rito, mahalaga ang West Philippine Sea bilang daanan ng komersiyal na mga barko ng multinasyunal na mga korporasyon na nagaangkat at nagtatambak ng mga rekurso at produkto mula at patungong Asya. Ayon sa USEIA, mahigit kalahati ng bilang ng mga barkong pangkomersiyo ay dumadaan sa Straits of Malacca, Sunda at Lombok, at mayorya sa mga dumadaan dito ay tumutuloy sa West Philippine Sea. Tinataya namang 1/3 ng mga kinakalakal na liquefied natural gas ay dumadaan din dito. Hindi kataka-taka, kung gayon, na nagiging agresibo sa pagkopo nito ang

imperyalistang bansa na tulad ng US at kakompetisyon nito na malaking kapitalistang bansa tulad ng China.

Maaaring maugat ito sa sunud-sunod na pagbisita sa bansa ng matataas na opisyal ng gobyernong US, tulad nina US Sec. of State Hilary Clinton, Pagharang sa China at US Senators John McCain at Joe Noong Agosto 2011, pumayag na si Lieberman na nagluwal ng “Manila Aquino na makipagsosyo sa gobyerno Declaration” hinggil sa alyansa ng ng China para sa sabayang eksplorasyon US at Pilipinas, kaalinsabay ng ika-60 sa West Philippine Sea, kabilang ang anibersaryo ng Mutual Defense Treaty Reed Bank. noong Nobyembre 2011 at paglunsad Pumayag noon ang Department of ng US-PH Partnership for Growth Trade and Industry na makipagsosyo Initiative. sa Sino Petroleum Corp., isa pang Pagsapit ng Enero 2012, isang US kompanya ng langis na pag-aari ng -PH Bilateral Strategic Dialogue sa gobyernong Tsino, sa eksplorasyon sa Washington DC, US ang isinagawa. lugar na nagkakahalagang $1-Bilyon. Dito, itinakda ng gobyernong US Ipapatupad sana ang Pilipinas bilang ito sa ilalim ng Nagkakaisa ang mga “partner” sa “Asiaprogramang PublicPacific Century” ng dalubhasa na malaki Amerika. Bumisita Private Partnership ni Aquino. ang rekurso ng krudo rin sina US Asst. Pumayag pa nga of State o langis, at gas (crude Secretary ang Sino Petroleum for Political-Military na isagawa ang oil at natural gas) sa Affairs Andrew eksplorasyon sa Shapiro at US Trade West Philippine Sea ilalim ng batas ng Rep. Demetrios Pilipinas. Marantis noong Pero noong Pebrero 2012, laking Pebrero 2012. gulat ng dating mga embahador ng Panahon din ito nang magsimulang China sa Pilipinas na sina Wang Yingfan uminit ang pagbatikos ng administrasyong at Wang Chungui nang ianunsiyo ni Aquino sa “incursions” ng mga barkong Department of Foreign Affairs Sec. pangkomersiyo ng China sa pinagAlbert del Rosario sa harap nila na aagawang mga teritoryo sa Spratlys. ibinabasura ng Pilipinas ang alok ng China. Mga aplikasyon para mandambong Ano kaya ang nagpabago sa Samantala, abala ang administrasyong isip ng administrasyong Aquino? Aquino sa paglako sa iba’t ibang offshore


lathalain 11

pinoy weekly | marso 2013 at onshore na lugar sa bansa para sa dayuhang mga mamumuhunan. Sa halip na paunlarin ang kakayahan ng bansa na mamaksimisa ang sariling reserbang yaman para sa sariling kaunlaran, tuluyan nitong ibinubukas ang bansa sa malalaking korporasyon. Noong nakaraang taon, isinagawa ng administrasyong Aquino ang Philippine Energy Contracting Round 4. Ito ang pagbubukas ni Aquino sa bidding ng lokal at dayuhang mga korporasyon para sa eksplorasyon at extraction (pagkuha) ng mga reserbang langis at gas sa bansa. Nakatakdang magkaroon ng Round 5 (PECR5) ngayong taon. Sa PECR4, may 15 malalaking multinasyunal na korporasyon – at lokal nilang kasosyo – ang nagaplay. May lima nang aplikasyon na inaprubahan: Planet Gas Pty. Ltd., Australyanong kompanya sa Area 1 (Cagayan basin); ang consortium ng Philex Petroleum Corp., PNOC-EC, at PetroEnergy Resources Corp. sa Area 4 (Northwest Palawan basin); ang consortium ng Pitkin Petroleum Plc. At Philodrill Corp. para sa Area 5 (Northwest Palawan basin); NorAsian Energy Philippines, Inc. para sa Area 7 (Mindoro basin-Cuyo platform); at isa pang kompanyang Australyano na Loyz Oil Pte. Ltd. Para sa Area 14 (East Palawan basin). Marami sa mga kompanyang ito ay may dayuhan at US na mga mamumuhunan. Pati ang Benham Rise, isang offshore site sa silangang bahagi ng Luzon na idineklara ng UN noong nakaraang taon na bahagi ng Pilipinas, ay ibinubukas na ng administrasyong Aquino para sa pandarambong. Noong Setyembre 2012 pa, sinabi na ni Energy Undersec. Jose Layug Jr., “Magandang maisama ang Benham Rise sa PECR 5.” Pinag-aaralan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Benham bilang lugar ng mayaman na rekursong marino, para maibenta sa dayuhang komersiyal na mga mangingisda. Ipinakita ng pagkasadlak ng barkong USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 2013 na nagkalat na ang mga barkong pandigma na nagpoprotekta sa iba’t ibang multinasyonal na korporasyong nagdarambong sa mga rekurso ng bansa. Malinaw narito sa bansa ang militar ng US para protektahan ang interes nila, at agresibong bantayan ang kakompetensiyang kapitalistang bansa na China. pw

Editoryal

Reed Bank sa Spratlys: May mayamang reserba ng langis at natural gas.

Philippine Energy Contracting Round 4 (O ang tuwirang pagbenta ni PNoy ng langis at gas ng Pilipinas sa dayuhang mga kapitalista)

mula sa pahina 2

ang buhay ng mayorya. Samantala, sa mundo ni Aquino, umuunlad na raw ang bansa porke lumaki ang GDP growth rate. Ang ibig sabihin lang naman ng kaunlarang ipinagmamalaki ni Aquino, lalong yumaman ang dati nang mayayaman. Makikita ito sa datos ng magasing Fortune. Dito, makikitang tumalon ang pinagsama-samang yaman ng 40 pinaka-mayayamang Pilipino mula sa $22.8 Bilyon noong 2009 tungong $34-B noong 2010 at $47.43-B noong 2011. May kaunlaran nga – lalong yumaman ang iilan na dati nang pinakamayayamang tao sa Pilipinas. Pero ang mayorya ng naghihirap na mga mamamayan – tayo – lalong dumadausdos ang kalagayan sa ilalim ng administrasyon ni Aquino. pw

Halalan

mula sa pahina 5

Maaaring maging positibo umano ang mga palatandaang ito para sa tunay na progresibong mga lider na kumakandidato, tulad ni Casiño at ilang kandidato. Maaari umanong maging puwersa ang signipikanteng bilang ng mga kabataang tutol sa tradisyunal na pulitika para baguhin ang diskurso sa pagtaya sa kredibilidad at rekord ng mga kandidato. Pero hindi pa rin naaalis ang pangamba na mamamayani pa rin ang tradisyunal na pamumulitika sa eleksiyong ito. May pagasa umano na manalo ang mga katulad ni Casiño kung hindi na tatangkilikin ng mayorya ang maruming taktika ng tradisyunal na mga pulitiko. “Kung hindi magiging mapagpasya ang patronage politics, vote buying at pandaraya, maaaring makalusot si Teddy,” aniya. Kaya’t mahigpit din ang panawagan ni Tuazon na magbantay ang lahat, di lang sa kampanya, kundi maging sa resulta ng eleksiyon. Mahalaga umano ito laluna’t maaaring makompromiso ang eleksiyon sa paggamit ng Prescint Count Optical Scanner (PCOS) machine. Mahigit 25 taon na -- mula kay Claro M. Recto at Wigberto Tañada -- na walang makabayan at makamasang senador sa Senado. pw


Malangis na balak ng US sa Spratlys Nagiging mas agresibo ngayon ang US sa pagbuhos nito ng mga tropang militar sa Pilipinas. Isa sa pangunahing mga dahilan: Maagaw sa China ang malaking reserba ng langis at gas sa lugar ng Spratlys na pag-aaari dapat ng Pilipinas. Nangunguna naman si PNoy na manikluhod sa harap ng US. Ni Kenneth Roland A. Guda

T

umitindi na ang kompetisyon ng US sa China. Isa sa mga pinag-aagawan ng dalawa: ang malaking reserba ng langis at gas ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Noong nakaraang mga taon, sinasabi ng gobyerno ng US na di ito papanig sa Pilipinas sa sigalot nito sa China sa usapin ng mga isla ng Spratlys at Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (South China Sea). Pero tila nagbabago na ang tono ng mga opisyal nito ngayon. Noong unang linggo ng Pebrero, sinabi ng bagong-upo na US Secretary of State, si John Kerry, na sinusuportahan nito ang posisyon ng Pilipinas sa pag-angkin sa ilang bahagi ng Spratlys na idinulog sa United Nations. Kaugnay nito, mas nagiging agresibo na rin ang administrasyon ni Benigno Aquino III sa paggiit sa Spratlys, at sa paggamit sa Spratlys bilang dahilan para paigtingin ang presensiyang militar ng US sa bansa. Pero sinumang seryosong tagasuri ng pulitika ang magsasabing anumang hakbang ng US, laluna ng militar nito, ay nakaayon sa pang-ekonomiyang interes nito. Inilalatag ng US ang militar nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo para protektahan ang interes nito at ang multinasyunal, o dambuhalang, mga korporasyon. Kaya maaaring tanungin: Ano ba talaga ang interes ng US sa Spratlys, sa West Philippine Sea at sa Pilipinas? Langis sa Spratlys: Mahalaga sa US

Malinaw na inilatag ni US Pres. Barack Obama noong Nobyembre 2011 ang dahilan ng “bagong estratehiya” ng US na nakapokus sa Asya-Pasipiko. Sa gitna ng Asian Tour niya noong panahong iyon, sinabi ni Obama: “Bilang rehiyon na may pinakamabilis na pagunlad sa mundo, walang merkado na mas mahalaga pa sa kinabukasan ng ekonomiya (ng US) kundi Asya-Pasipiko – isang rehiyon sundan sa pahina 10 “Kalingkawasan” Freedom in Acrylic on 14 X 20 inches illustration board-boydominguez 2009


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.