Pinoy Weekly Special Issue May 1, 2014 (w/ special supplement)

Page 1

www.pinoyweekly.org

ESPESYAL NAISYU

M A T A P A T, M A P A N U R I , M A K A B A Y A N

M AY O 1 , 2 0 1 4

SA ISYUNG ITO Sabwatan ng kapitalista at gobyerno: Ang kaso ng mga obrero ng Carina Apparel | Kontraktuwal sa gobyerno | 10 katotohanan hinggil sa “pagkakaibigang” PH-Amerika | Anino ng Batas Militar | Pandarahas sa Hacienda Luisita | Cha-cha, banta sa soberanya | Gang of 5 sa Yolanda | West Philippine Sea: Teritoryo ng Pilipinas | Monopolyo sa kuryente

Manggagawa VS

AQUINOBAMA

Panggugulang, pandarahas, panloloko: iyan, tila, ang polisiya ni Presidente Aquino sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Pero wala siyang maloloko. DIGITAL MANIPULATION NG PW | KINUHANAN NA DI PA TAPOS ANG MURAL NI ORLY CASTILL AT NG MGA ARTISTA NG KMU


2 EDITORYAL

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

Kasuklam -suklam

WEEKLY 57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com

S

a puntong ito, kasuklam-suklam na para sa maraming Pilipino ang rehimen ni BS Aquino III. Ibayo na ang kagutuman at kahirapang dinaranas ng mga mamamayan, habang nabubundat sa mga biyaya ng estado ang mga burukrata, negosyante’t panginoongmaylupa na yumayaman nang yumayaman sa pagsasamantala. Halimbawa na lamang ang mahigit 11 milyong biktima ng Bagyong Yolanda sa Eastern Visayas na biktima rin ng kriminal na kapabayaan ng rehimeng Aquino. Mahigit limang buwan makaraan ang bagyo, lumabas ang balitang ibinaon ng gobyerno ang tone-toneladang nabubulok na relief goods, habang ang karamihan na mga magsasaka ay kumakain na lamang ng mga kamoteng kahoy at wala pa ring kabuhayan dahil sira ang mga pananim. Naninirahan pa rin sila sa mga tent, at walang tubig at kuryente. Ayaw silang pabalikin sa dating mga tirahan na ngayo’y nakareserba sa mga negosyanteng interesado sa lupa nila para sa turismo at pagmimina. Samantala, sa Kamaynilaan, biktima ng Meralco at pribadong mga planta ng kuryente ang mahigit limang milyong konsiyumer. Hinagupit sila ng delubyo ng 89 sentimos na pagtaas sa singil ng kuryente kada kilowatt hour

EDITORIAL POOL Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos

Published by

PinoyMedia Center, Inc.

MAX BALUYOT SANTIAGO

www.pinoymediacenter.org

ngayong Abril at Mayo. Bukod pa ito sa nakaambang P4.15 kada kwh na taas-singil, na napigil lamang pansamantala dahil sa pagtutol ng mga mamamayan. Dahil sa malakas na protesta, napilitang muling kuwestiyunin ng Energy Regulatory Commission ang halagang gustong idagdag -singil ng Meralco. Lumalabas na P0.45 lang ang dapat nito singilin. Sa pag-apruba ng rehimeng Aquino sa mga taassingil, nakipagkuntsabahan ito sa Meralco at pribadong mga planta para manipulahin ang presyo ng kuryente sa merkado upang ipasa sa mga konsiyumer. Ipaalala natin na ang mga konsiyumer sa kalakhan ay mga manggagawang binabarat ang sahod at ginagawang kontraktuwal, o di kaya’y tinanggal o walang trabaho. Ang ipangkakain na lang sana ng mga manggagawa sa kanilang pamilya, mapupunta pa sa bulsa ng mga negosyanteng kakuntsaba ng gobyerno sa

panloloko sa publiko. Sa kabila ng pagmamalinis niya, si Pangulong Aquino pa rin ang numero unong tagapagtaguyod ng korap na sistema ng pork barrel. Hindi niya binuwag ang sistema, kundi tinugis lamang ang mga piling kalaban sa oposisyon. Hindi niya ginalaw ang sariling bilyunbilyong pisong Disbursement Acceleration Program, at pinagtakpan ang maling paggamit nito. Nananatili ang pork barrel —tinatayang nasa P1.3 Trilyon pa rin ng pera ng bayan ang nakalaan sa mga proyekto ng mga mambabatas batay sa kanilang mga “rekomendasyon”—at kontrolado na rin ngayon ng pangulo. Ang pagpapayaman ng sarili at kanyang mga alyado pa rin ang inaatupag ni Aquino, habang ang mga mamamayan ay pinababayaan, ginagatasan, at ninanakawan. Lubhang nagdurusa ang mga Pilipino sa ilalim ng pamunuan ni Aquino. Kaya lumalakas ang panawagan ng mga

Email: pinoymediacenterinc@gmail.com

PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair) Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano Evelyn Roxas

mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na wakasan ang rehimeng ito. Hindi katakataka na maging punto ng pagkakaisa ang pagkasuklam sa rehimeng Aquino sa ngayo’y di na mabilang na mga isyu at problemang kinakaharap ng mga mamamayan. Pero para rito, ang kailangan ay ibayo pang pagpapalawak at pagpaparami ng hanay ng mga mamamayan upang mabuo ang sapat na lakas nila para kumprontahin at yanigin ang nabubulok na sistema, at mapalitan sa kagyat ang nagpapahirap na pangulo. Magiging kapana-panabik ang bunga ng makabuluhan at kolektibong pagpapasya ng mga mamamayang mulat sa klase ng pamunuan—at lipunan—na kanilang kailangan para mabuhay nang maalwan at matiwasay. PW


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

ANALISIS 3

Bakit tinututulan ng mga makabayan ang Agreement on Enhanced Defense Cooperation at iba pang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Amerika at Pinas? Ni Kenneth Roland A. Guda

N

iluluto na ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino ng Pilipinas at Obama ng US ang Agreement on Enhanced Defense Cooperation ng dalawang bansa para magpirmahan sa pagdating ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas sa Abril 28 at 29. Ito ang pinakahuling debelopment sa mahigit 100 taong “pagkakaibigan” ng dalawang bansa. Pero pantay ba ang “pagkakaibigang” ito? O higit na mas nakalalamang ang mas malakas at dehado ang mahina? Natukoy ng Pinoy Weekly ang sampung (10) susing katotohanan na dapat mabatid ng madla hinggil sa “pagkakaibigang” ito.

10 katotohanan hinggil sa ‘pagkakaibigang’ US-Pilipinas 1. Nakapokus na ang militar ng US sa AsyaPasipiko. Noong 2010, inanunsiyo ng US ang “US pivot to Asia” bilang polisiya ng administrasyong Obama na pagtalaga ng 60 porsiyento ng barkong pandigma ng US tungo sa Asya. Magmula noon, sunud-sunod na ang pagbisita sa Asya ng senior officials ng militar at pampulitikang liderato ng US. Sunud-sunod din ang military at naval exercises ng US sa South Korea, Vietnam at Pilipinas. Noong Agosto 2013, inanunsiyo ng gobyernong Obama at Aquino ang negosasyon ng dalawang panig tungo sa isang “rotational access agreement” (na naging Agreement for Enhanced Defense Cooperation) para sa mas matinding presensiya ng US Armed Forces sa Pilipinas.

2. Bagong pananakop, bagyong kolonyalismo? Isa sa pangunahing mga katangian ng Agreement for Enhanced Defense

Cooperation ang walang-taning na pagbabase ng mga tropang militar ng Kano sa mga base at pasilidad ng militar ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, wala pa man ang EDCA, mistulang permanente nang nakabase sa Mindanao ang humigit-kumulang 600 tropa nito. Wala pa ito sa labasmasok na mga tropang Kano tuwing may ehersisyong militar (Balikatan) o tuwing may humanitarian missions daw ang mga tropang ito sa mga lugar na nasalanta raw ng kalamidad. Sa bagong kasunduan, titindi lamang ito. Mistulang sinasakop uli tayo ng isang banyangang puwersang militar.

3. Hindi makikialam ang US sa sigalot ng Pilipinas sa China. Ayon sa mga eksperto, di-hamak na mas mahina ang militar nito kumpara sa US. Pero nakaambag ang “US pivot to Asia” sa pagtindi ng agresyon ng China sa West Philippine Sea. Natulak ang China na magpakitanggilas sa harap ng US at mga alyado nito. Kamakailan, sinabi rin ni dating

Sen. Leticia Ramos-Shahani ang matagal nang sinasabi ng maraming makabayan: Hindi poprotektahan ng US ang Pilipinas sa sigalot nito sa China.

4. Narito ang tropang militar ng US para protektahan ang mga negosyo nito. Sinabi ng US na layunin ng “bagong” defense strategy nito ang pagkontrol sa “global commons” (karagatan at himpapawid) na susing ugnay sa pandaigdigang sistema ng kalakalan, gayundin sa “anti-access and area denial environments” (undersea, space-based, cyberspace). Pangunahing pakay ng US sa Asya-Paspiko ang pagpoprotekta sa South China Sea kung saan dumadaan ang 55 porsiyento ng lahat ng trade vessels sa buong mundo. Isa pa, may malaking pang-ekonomiyang potensiyal ang mismong South China Sea at sa buong Southeast Asia. Aabot sa 125 bilyong bariles ng langis at 500 trilyong cubic

feet ng natural gas ang matatagpuan sa South China Sea pa lang.

5. Noong huling bumuhos ng tropa ng US sa Southeast Asia, Halos 4 na milyong tao ang nasawi. Noong Digmaang PilipinoAmerikano, mula 1899 hanggang 1902, daan-daan libong Pilipino ang napaslang sa paglaban sa mga Amerikanong kolonisador. Noong 1965 hanggang 1975 naman nang sakupin ng US Armed Forces ang South Vietnam para labanan ang Viet Cong at North Vietnam. Binomba ng US ang North Vietnam na humigit pa sa bilang at lakas ng aerial bombing na naranasan sa buong World War II. Aabot sa 3.8 milyong katao ang nasawi dahil sa Vietnam War. Tinatantiyang mula 195,000 hanggang 430,000 South Vietnamese ang nasawi sa digmaang ito, samantalang 50,000 hanggang 65,000 ang nasawi sa North Vietnam. SUNDAN SA PAHINA 10


4 LATHALAIN

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

P

utok ang ulo, bali ang kamay, inaresto, kinulong at patuloy na tinatakot. Ganito ang nararanasan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita ngayon.

Ala-Martial Law

Simula noong nakaraang taon, walang habas ang pandarahas ng mga guwardiya ng mga korporasyong nagnanais na paalisin ang mga manggagawang bukid na nagbubungkal sa lupang matagal ng dapat sa kanila. Pinakahuling biktima ng pandarahas sina George Gatus, Gerry Catalan, Jaime Quiambao, Alvin Gratil and Leoncio Suarez—mga magsasaka ng Brgy. Mapalacsiao. Inaresto sila ng magkasanib na puwersa ng mga guwardiya ng Tadeco,

MACKY MACASPAC

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ang libulibong ektarya ng lupain, nananatiling nasa kontrol ng pamilyang CojuangcoAquino ang mga ito. Sa katunayan, dalawang korporasyon na pag-aari din ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang nagpapalayas sa mga magsasaka sa mga lupang dapat na saklaw ng desisyon – ang Tarlac Development Corporation (Tadeco) at Central Azucarera de Tarlac (CAT). Iba pa ang Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), na una nang nagpalayas sa mga magsasaka at nagbakod sa mga ilan daang ektaryang lupa bago pa man ang pinal na desisyon hinggil sa pamamahagi ng lupa. Mistulang isang malaking garrison ang mga barangay ng Balete, Lourdes, Cutcut at Central Mapalacsiao. Napapaligiran ito ng nagtataasang bakod na may mga outpost na mga guwardiya. Ang iba, barbed wire ang ginamit na pambakod. Ang mga pader at barbed wire ang nagsisilbing harang sa mga lupaing bahagi sana ng mga lupang ipapamahagi, pero hindi ito isinama. Sa Brgy. Cutcut, 104 ektarya na ang binakuran ng Tadeco. Kasama na rito ang mga lupang tinaniman ng mga magsasaka na tinagurian nilang bungkalan.

Mistulang garrison ngayon ang Hacienda Luisita sa dami ng armadong goons ng pamilyang CojuangcoAquino.

PANDARAHAS sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita

Sa mismong lupain ng angkan ng Pangulo, pandarahas at pagtapak sa karapatan nararanasan ng mga magsasaka. Ni Macky Macaspac pulis at mga sundalong nakatalaga sa lugar noong Abril 3, 2014. Kuwento ng mga biktima, nais lamang nilang kausapin ang isang representante ng FF Cruz, isang survey firm na kinomisyon ng DAR para magsagawa ng sarbey sa mga lupang ipapamahagi, nang bigla silang arestuhin. Sila pa ang kinasuhan ng coercion at paglabag sa pagpapatupad ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law. “Patunay itong huling pangyayari na kasabwat ang DAR sa pananakot sa amin. Malinaw na tinutulungan ng DAR ang mga asendero para manatiling kontrolado nila ang asyenda,” sabi ni Florida Sibayan, tumatayong pangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala). Sugatan sina Mesa at Corpuz matapos pagtulungang bugbugin sila ng aabot sa 20 guwardiya ng Tadeco noong Marso 28. Kasama nilang

nakulong sina Marcelo Lugay at Ofelia Hernandez. Sa kuwento ni Fernan, dakong alas-dos ng hapon nang mabalitaan nila na muling magbabakod ang mga utusan ng Tadeco. Hindi pa raw nakakalapit sa lugar na babakuran ang biktima nang salubungin sila at biglang paluin ang isa nilang kasamahan na taga-Balete. Nagalit at kinumpronta ni Renato Mendoza, lider sa Brgy. Cutcut, ang mga guwardiya. Sa halip na tumigil ang mga ito, inatake na raw ng mga guwardiya ang mga magsasaka. Bali ang kaliwang kamay ni Fernan, samantalang putok naman ang ulo ni Jerry. Dinala sila sa San Manuel Police Sub-station. Nalapatan lamang ng lunas ang mga sugat ni Fernan nang dalhin siya sa ospital, bandang alas-9 na ng gabi. Dahil na rin sa may sakit siya sa puso, nanatili si Mendoza sa ospital hanggang Abril 3. Matapos dahasin ang mga magsasaka, sinira

ng mga guwardiya ang kubol na na nagsisilbing opisina ng Ambala. Tuluy-tuloy din ang pandarahas at pananakot ng mga guwardiyang inupahan ng mga korporasyon sa Hacienda Luisita. Umiikot sa gabi ang mga guwardiya. Hinala ng mga magsasaka, may mga kasamang militar ang mga ito. Tumanggi naman ang mga guwardiya ng GreatStar Security Agency, ahensiyang kinuha ng Tadeco, na magbigay ng pahayag hinggil sa paratang ng mga magsasaka. Pero kahit dinadahas, palaban pa rin ang mga magsasaka. “Wala akong maasahan kay Pangulong Aquino. Kunwaring wala siyang alam sa nangyayari dito sa asyenda. Pero siya ang nag-uutos sa mga guwardiya, pulis at militar. Wala siyang ibinigay na lupa sa mga magsasaka, bagkus kinukuha pa nga niya,” sabi ni Fernan. “Tuloy pa rin ang laban. Hindi kami papatinag sa kanila,” ani Sibayan. PW


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

M

Anino ng batas militar

istulang nanunumbalik ang madilim na panahon ng batas militar. Hindi pa man nangangalahati ang taong 2014, sunud-sunod na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang, pananakot at pagbansag sa mga kritiko ng administrasyong Aquino bilang rebelde. Malawakan din ang paglikas sa kanayunan dulot ng matinding mga operasyong militar.

Sumisiklab

Mistulang naghuhuramentado ang mga militar sa iba’t ibang panig ng bansa ngayon. Halos kada-linggo, may pinapatay na mga magsasaka, aktibista, kritiko, at maging mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Sa tala ng grupong Karapatan, 19 na ang pinaslang sa loob lamang ng 13 linggo ng taong 2014. Pinakahuling biktima si William Bugatti, isang tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa probinsiya ng Ifugao noong Marso 25. Bago ang pagpatay kay Bugatti, pinaratangan muna siya ng militar na miyembro raw siya ng New People’s Army (NPA). Kasama siya sa 28 kataong nasa

Atake sa karapatan, tumitindi sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ni Macky Macaspac

MACKY MACASPAC

Ayaw pang pasimulan muli ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa rebolusyonaryong National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pamamagitan ng pagkilala sa nakaraang mga kasunduan. Patuloy pa nga nitong tinatanggihang palayain ang mga lider ng NDFP, kasama sina Wilma Austria at Benito Tiamzon. Habang inaaresto ang mga sangkot sa usapang pangkapayapaan, dinadahas at nagiging biktima naman ng pagdukot at pangaabuso ang maraming ordinaryong mamamayan, lalo na ang mga tumututol at lumalaban sa mapangaping sistema.

LATHALAIN 5

listahan ng 21st Infantry Batallion na nagsasabing mga rebelde ang mga ito o di kaya’y tagasuporta ng NPA. Pareho rin ito sa sinapit ni Romeo Capalla, kapatid ni Archbishop Antonio Capalla, na pinatay sa Iloilo. Ayon sa Karapatan, naghahabol ang militar na makamit nila ang kanilang target sa kampanyang kontrainsurhensiya, Oplan Bayanihan. Sabi pa ng grupo, hindi kaiba sa Oplan Bantay Laya ni Gloria Macapagal Arroyo ang kampanya ng militar na ito. “Tahasang itinatanggi ni Aquino at mga kasabwat niya ang mga paglabag ng militar. Sa halip, ipinagyayabang niya na para raw siya sa kapayapaan,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan. Sinabi ni Palabay na tumitindi ang panawagan ng mga mamamayan para sa kongkretong hakbang laban sa tumitinding kahirapan. Pero tugon ng gobyerno ang paghahasik ng karahasan sa mga ito. Naitala rin ng grupo ang dalawang insidente ng masaker—isa sa Ifugao na may tatlong katutubong biktimang mag-aama, at isa sa Bikol, kung saan

apat na minero ang minasaker. Militarisasyon

Matagal nang kinukondena ng mga grupong para sa karapatan ng bata ang pananatili ng militar sa mga komunidad sa kanayunan. Anila, nabubulabog ang kaayusan ng mga komunidad sa pagkampo ng mga militar sa kabahayan, eskuwelahan at klinika. Dahil sa militarisasyon, napipilitan ang mga sibilyan na lumikas para lamang iwasan ang militar. Nitong Abril, sinabi ng Children’s Rehabilitation Center (CRC) na isang 12-araw na sanggol ang namatay sa evacuation center sa Davao City. Kasama ang sanggol sa mahigit 1,000 katutubong Ata-Manobo mula sa Talaingod na naglakad ng mahigit isang linggo para makarating sa Davao City at matakasan ang pananalanta ng militar. Ayon sa CRC, nagsimulang dumating ang mga elemento ng 60th IB ng Philippine Army noong Marso 4 sa malalayong sityo ng Talaingod, Davao del Norte. Simula noon, walang humpay ang pagdating ng

militar. Noong Marso 20, pinaulanan ng bomba ang mga taniman ng mga katutubo. Nagdurusa naman ang 503 bata sa evacuation center sa Davao. Karamihan sa kanila ang nakakaranas ng iba’t ibang sakit tulad ng pagtatae, sore eyes, tuberculosis, ulcer gastrititis at malnutrisyon. Tatlong sanggol na ang dinala sa ospital dahil sa dehydration na dulot ng pagtatae. “Nasa malubhang panganib ang mga bata dahil sa matinding militarisasyon. Nahaharap din sila sa matinding gutom at magkasakit sa evacuation center. Sana makabalik na sila sa kanilang lugar, pero sa ngayon mahirap pa,” ani Rius Valle, advocacy officer ng CRC-Southern Minanao Region. Bukod sa mga bakwit na Lumad, nasa Joaquin Enriquez Sports Complex sa Zamboanga City ang halos 30,000 pamilya na lumikas noong salakayin ng militar ang siyudad dahil sa armadong presensiya ng Moro National Liberation Front doon. Pangamba ng grupong pangkababaihan na Gabriela na masasadlak pa ang kababaihan at SUNDAN SA PAHINA 10


6

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014ESPESYA PINOY WEEKLY

LATHALAIN

Galit ang mga manggagawa sa polisiya ng murang paggawa ni Aquino. Bigo ang pangulo na lumikha ng disenteng trabaho para sa mga Pilipino, at lalo pang pinahirapan ang mga manggagawa

MGA manggagawa ng Carina Apparel na nakapiket sa harap ng kanilang pabrika sa Laguna na nagsara. KING CATOY

Tinakasan ng kapitalista, ipinagkanulo ng gobyerno

Isang halimbawa ang kaso ng Carina Apparel sa Laguna ng kung papaano nakikipagkuntsabahan sa gobyerno ang malalaking kapitalista (na kasosyo ng dayuhang mga kapitalista) para lalong magkamal ng kita at abusuhin ang mga manggagawa nito. Ni Ilang-Ilang D. Quijano

H

INDI makapaniwala ang halos 3,600 na manggagawa ng Carina Apparel Inc. sa sinabi sa kanila ng manedsment na magkakaroon sila ng isang linggong paid leave. Sa kanilang 15 taon na pagtatrabaho, hindi pa sila pinagbakasyon nang may sahod. Nagsuspetsa nila na may mali. Hindi sila nagkamali. Noong Pebrero 21, huling araw ng kanilang “leave,” pinatawag ng manedsment ang mga manggagawa at sinabi ang kanilang kinatatakutan: magsasara na ang kompanya; nalulugi raw ito. Imposible ang sinasabi ng kompanya, ayon sa mga manggagawa. Kamakailan lang, pinamadali sa kanila na matapos ang napakalaking order: 10 container vans ng mga bra, panty, at iba pang lingerie na may mamahaling international brands gaya

ng Victoria’s Secret, Dillard’s, Marks & Spencer, Uniqlo, at iba pa. Mamahaling lingerie, murang sahod

Ang Carina Apparel sa Laguna International Industrial Park ang pinakamalaking pagawaan sa bansa ng imported na lingerie. “Akala ng mga Pinoy sa labas ginagawa, dito lang gawa ‘yon,” sabi ng isang manggagawa. Ang mga manggagawa rito’y sinasahuran ng mula P337 hanggang P408 kada araw para sa

masinsing paggawa ng mga produktong binebenta sa merkado nang mula $18 hanggang $70 kada isa. Noong Pebrero, dapat sana ay papasok na ang kanilang unyon sa panibagong round ng Collective Bargaining Agreement. Pero nagsara na nga ang kompanya, bago pa man ihapag ng mga manggagawa ang kanilang mga kahilingan, pangunahin ang dagdagsahod. Karamihan sa kanila, nagmula na sa iba’t ibang pagawaan ng garments (sister companies ng Carina), na ‘ilegal’ ding nagsara rin noong dekada ’90. Hinala nila noon, isinara ang dating mga kompanya at itinayo ang Carina para mabuwag ang mga unyon at makapagtanggal ng mga manggagawa. Ngayon, sa ‘ilegal’ na pagsasara naman ng Carina, parehong dahilan

ang kanilang nakikita: pambubuw ng unyon, pagtatanggal ng regu na mga manggagawa para palitan kontraktuwal. O di kaya, ang paglilip ng mga operasyon sa Sri Lanka, ku saan sinasabing lalong mas mura a lakas-paggawa. Sa ngayon, wala pang pinatutunguh ang paghahabol nila sa Departme of Labor and Employment (DOL ng kasong illegal closure sa mga mayng kompanya, na pinangungunah ng dayuhang si Andrew Sia ng AC Style Intimate Apparel Ltd., moth company ng Carina na nakabase sa Ho Kong. Kailanman, hindi nakita ng m manggagawa ni anino ni Sia. Hindi r maobliga ng DOLE ang may-ari humarap sa mga manggagawa, lalo pa sinasabi ng mga abogado ng kompan na nagpalit na ang mga may-ari ito. “Sa ngayon, hindi namin alam ku saan kami kukuha ng ng ikabubuha kung paano kami makakapagsimula u Dapat humarap ang may-ari at panagut ang pinsalang ginawa niya sa ami manggagawa,” sabi ni Elmer Mercad bise-presidente ng unyon. Sa ngayon, marami ang napipilita manahi sa ibang pagawaan sa piece ra o napakababang halaga na 20 sentim kada piraso. Umaabot lang sa P1 ang kinikita nila maghapon—sapat lan umano, para sa isang kilos bigas galunggong na ipangkakain sa pamilya “Walang pangangalaga (si Pangulo Aquino) sa amin. Napakarami foreign investors ang tinakasan ang m manggagawa, at hinahayaan lang gobyerno na panay ang akit sa padati nila,” dagdag ni Mercado. Aniya, milyu milyong Pilipino na nga ang wala trabaho, madadagdagan pa ng 3,6 mula sa kanilang hanay. Mga ‘pahirap’ ni Aquino

Sa darating na Mayo 1, Araw Paggawa, muling pangungunahan sentro ng paggawa na Kilusang Ma


ESPESYAL YAL NA PINOY ISYU |WEEKLY MAYO 1, 2014 NA ISYU | MAYO 1, 2014

wag ular ng pat ung ang

han ent LE) -ari han CE her ong mga rin na a at nya

ung ay, ulit. tan ing do,

ang ate, mos 150 ng, at a. ong ing mga ng ing unang 600

ng ng ayo

Uno (KMU) ang malakihang mga pagkilos ng mga manggagawa at iba pang sektor ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nais nilang wakasan na ang pagpapahirap umano ni Pangulong Aquino sa mga mamamayan, lalo na sa mga manggagawa. “Galit ang mga manggagawa sa polisiya ng murang paggawa ni Aquino. Bigo ang pangulo na lumikha ng disenteng trabaho para sa mga Pilipino, at lalo pang pinahirapan ang mga manggagawa,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU. Ayon sa sarbey ng Social Weather Stations noong huling kuwarto ng 2013 nasa 12.2 milyong Pilipino ang walang trabaho. Tinatantiya rin ng Migrante International na 4,000 Pilipino ang umaalis kada araw para magtrabaho sa ibang bansa, dahil sa kakulangan ng trabaho at mababang sahod sa bansa. Sa loob ng apat na taon, ayon sa KMU, hindi dininig ni Aquino ang panawagang P125 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa buong bansa. Barya-barya kung mag-utos man ang gobyerno ng taassahod. Ipinatupad ang Two-Tiered Wage System, na kinakaltasan pa ang sahod ng mga manggagawa o di kaya’y pinapako ito sa napakababang halaga. Lumala rin ang kontraktuwalisasyon. Sa tantiya ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o Eiler, mahigit pa sa apat na milyon ang mga manggagawang kontraktuwal sa bansa. Kalahati nito ay mga agency-hired, na tumatanggap ng mas mababang sahod kaysa direct-hired. Sinabi ng KMU na hangga’t walang pundamental na mga pagbabago sa lipunan, lalala lamang ang kawalang trabaho at pagpapahirap sa mga manggagawa. “Sa gita ng pandaigdigang krisis, kailangan natin ng pag-eempleyo na hindi nakaasa sa dayuhang pamumuhunan para lumikha ng mga trabaho. Kailangan palayain ang potensiyal ng ating mga produktibong puwersa sa pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon,” ani Labog. Pero kabaligtaran nito ang ginagawa ni Aquino. Ayon nga sa tinakasang mga manggagawa ng Carina, “walang maasahan” sa gobyernong nagkanulo sa kanila. Nabigla man sila sa pagtanggal sa kanila sa trabaho, handang-handa naman silang lumaban. PW

LATHALAIN 7

(Kaliwa) Ang pabrika ng Carina Apparel, na gumagawa ng mamahalin at imported na mga damit panloob. (Itaas( Piketlayn ng mga manggagawa ng Carina na idinadaing ang ilegal na pagsara ng pabrika. KING CATOY

Mapanganib na trabaho, walang benepisyo

KONTRAKTUWAL SA GOBYERNO

H

INDI lang sa pribadong sektor matatagpuan ang penomenon ng kontraktuwalisasyon. Sa hanay ng public sector workers o mga kawani ng gobyerno, laganap din ito. Katulad ng sa pribado, madalas ding mas marami pa ang kontraktuwal, walang benepisyo at ginigipit ang karapatan, kaysa sa regular na manggagawa at may karapatang mag-unyon. Sa Dep’t. of Social Welfare and Development (DSWD), ganito ang kaso, ani Manny Baclagon, pangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (Sweap). “Sa DSWD, may regular na empleyado, may kontraktuwal o kaswal na nire-renew taun-taon ang kontrata. Pareho sila may plantilya. May mga benepisyo at Philhealth, GSIS, Pagibig, atbp.,” ani Baclagon. “Pero mas marami ang kontraktuwal na tinatawag naming job order workers o MOA (memorandum of agreement) workers na walang benepisyo, walang overtime pay, at iba pa.” Sa ngayon, aabot sa 2,000 ang mga empleyado ng DSWD na may plantilya—kasama rito yung regular at kontraktuwal na may plantilya. Pero aabot na sa 12,000 ang MOA workers. Sila yung talagang nasasabak sa field, iyung nasa special projects, at

mga proyektong tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ang programang conditional cash transfer ng administrasyong Aquino. “Bawat anim na buwan, nire-renew ang kontrata. Walang GSIS, walang Philhealth, Pagibig, unless magvoluntary contribution sila,” kuwento pa ni Baclagon. “May kilala kami na mga 17 taon na nasa serbisyo, pero MOA worker pa rin.” May dalawang MOA worker na nasaktan sa pagbagsak ng helikopter na ginagamit para sa relief operations sa Tacloban City noong Enero. Dahil sa Collective Negotiation Agreement (CNA) ng Sweap at DSWD, naitulak ang huli na magbigay ng insentibo sa MOA workers—pondo na nagamit para makakuha sila ng health card mula sa pribadong health maintenance organization (HMO). Nagawa nitong makarga ang P80,000 mula sa gastusing pangospital ng dalawang nasaktan. Di itinuturing ng DSWD na may employee-employer relationship ito at ang MOA workers. Pero di ito sinang-ayunan PHOTO COURTESY: COURAGE

ng Bureau of Internal Revenue, kaya pati MOA workers, nababayad pa ng witholding tax. Ipinaglalaban ng Sweap ang pagreregularisa at seguridad sa trabaho ng MOA workers, habang patuloy ang paglaban para sa mga benepisyo ng regular at “kontraktuwal” na mga empleyado. KR Guda PW


8 LATHALAIN

S

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

Cha-cha banta sa soberanya

entrong tunguhin ng itinutulak na Charter Change (Cha-cha) ng mga alyado ni Pangulong Aquino sa Kongreso ang pagpasok ng dayuhang kapital sa bansa. Ayon sa Resolution of Both Houses (RBH), ang unang amyenda Kung Enhanced Defense Cooperation ang niluluto ng US at Pinas sa pagbaseng militar ng sa Konstitusyong 1987 Kano sa bansa, Charter Change naman ang niluluto ng Kongreso para sa higit na pagpasok ng ang sumusunod: “Whereas, negosyo ng Kano sa Pilipinas. Ni Darius R. Galang in order to realize the full layunin ng Cha-cha na tanggalin ang ekonomiyang aktibidad; Defense Cooperation sa pagitan ng benefit of inclusive growth the ang probisyon ukol sa pambansang pagkakaroon ng trabaho, at paglaki mga gobyernong US at Aquino na restrictive economic provisions patrimonya at soberanya. Anila, at kaunlaran ng bansa. magpapahintulot sa US na maikutan paatras ang ekonomiya ng bansa Tinututulan ito ng makabayang ang ilang probisyon sa 1987 Saligang in the Philippine Constitution dahil kulang ang kapital. Hindi mga kongresista. Batas laban sa pagpasok ng dayuhang must be lifted.” umano makapasok sa bansa “Magdudulot ng pangangamkam pasilidad pangmilitar. Sa tulak ng administrasyon, minadaling aprubahan ang panukalang Cha-cha noong Marso 3. Ayon sa mga kritiko nito,

ang malalaking dayuhang mamumuhunan dahil sa restrictive provisions sa Konstitusyon. Anila, sa pagtanggal ng mga probisyong ito, kasama ang pagtanggal sa 60-40 na hatian ng pagmamay-ari ng lupa ng Pilipino at dayuhan; papasok ang dayuhang puhunan, palalakasin

ng lupa at paglala ng kawalan ng lupa ng mga magsasakang Pilipino ang pagpayag sa 100 porsiyentong pag-aari ng dayuhan sa mga lupain,” sabi ni Anakpawis Rep. Fernando L. Hicap. “Kung hindi natin tututulan ang Cha-cha, isang araw, magigising na lang tayo na mga dayuhang negosyo na ang may-ari ng buong Pilipinas.” Paliwanag ng mga makabayan, kung makapapasok nang malaya ang dayuhang interes sa bansa, maaari ring makompromiso ang mga polisiya ng bansa sa mga usapin ng ugnayang internasyunal, kasama na rito ang pagpasok ng banyagang militar, partikular na rin ang sa US. Nasa loob ng usapin ng pangekonomiyang aspekto ng Cha-cha ang panghihimasok ng tropang Kano sa bansa. Bahagi ito ng “US pivot” sa AsyaPasipiko kung saan matatagpuan ang Pilipinas. “Habang di-mabilang ang hinaharap na banta sa ating soberanya, kabilang ang tumitinding banta ng Beijing at pagpasok ng tropang US sa ating mga teritoryo, mayroon tayong Kongreso na handang magpasa ng mga amyenda na magbibigay-daan sa mas matinding presensiya ng dayuhan sa bansa,” sabi pa ni Kabataan Rep. Terry Ridon. Hindi pa man lubusang nararatipika ang Cha-cha, nalulusutan pa rin ng maka-US na gobyerno ang saknong sa Saligang Batas ukol sa soberanya ng Pilipinas. Kasalukuyan, niluluto na ang Agreement for Enhanced

Matatandaan na nang nasa bansa ang USS Carl Vinson noong Mayo 2011, nagkataong umingay ang paggiit ng gobyerno sa ilang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (South China Sea) at nananawagan ng ayudang militar sa US. Sa nasabing tratado, malayang makakapasok ang mga barkong pandigma ng US sa mga daungan at kampo ng Pilipinong militar. Ayon sa mga eksperto, isang sangkap ito kung bakit agresibo ang China sa pagpapakitang-gilas sa West Philippine Sea. Kasaysayan ang nagsasabing layunin ng panghihimasok ng tropang Kano ang pangangalaga ng pangekonomiyang mga interes nito, lalo na sa negosyo at likas-yaman tulad ng langis. Nakaugat na sa ekonomiya ng Pilipinas ang multinasyunal na mga kompanya na karamiha’y nagmula sa US. Unang tingin pa lang sa kalye, makikilala na ang mga negosyong pagmamay-ari ng US na namimihasa sa Pilipinas. Ilan lamang ang AOL, TeleTech, Convergys, Procter & Gamble, Hewlett Packard, Citigroup, at JPMorgan Chase sa mga kompanyang nagnenegosyo sa bansa. Sa kanayunan, nariyan ang agricorporations at malalaking kompanya ng mina na naglalabas ng mga yaman ng bansa para pakinabangan ng iilan. Sa pagtulak ng Cha-cha, inaasahan nila ang pagmamaksimisa ng kita ng monopolyo kapitalista sa Pilipinas. PW


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014 Kilalanin ang limang pahirap sa mga mamamayan ng Eastern Visayas matapos ang bagyong Yolanda. Ni Pher Pasion

Gang of 5

LATHALAIN 9

M

atapos manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa na kumitil ng libu-libong buhay at nag-iwan ng bilyun-bilyong halaga ng pinsala, humihingi ang mga biktima ng hustisya sa naging kapabayaan ng administrasyong Aquino. Nagtungo sa Maynila ang mga biktima sa ilalim ng People Surge para singilin ang mga opisyal ng gobyerno na umano’y nagkaroon ng kriminal na kapabayaan at nagdudulot ng higit na pahirap sa mga biktima. Tinagurian nila ang mga ito na “Gang of 5.”

SA BUHAY NG MGA BIKTIMA NI YOLANDA

Noynoy Aquino, Presidente ng Republika ng Pilipinas

H

umarap siya sa midya bago dumating ang Yolanda: Handa na raw ang gobyerno sa pagdating ng bagyo. Handa na ang mga sasakyang pandagat na nasa Bikol, Cavite, at Cebu. Handa na rin daw ang relief goods. Sa aktuwal: Toink. Inabot ng ilang araw bago dumating ang tulong na sinasabi. Pilit niyang pinapababa ang bilang ng mga nasawi sa bagyo. Ipinapasa sa lokal na gobyerno ang sisi sa di paghanda sa kalamidad. Pumunta siya sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at nangakong di-aalis hangga’t di maayos ang lugar. Pero agad na tumalilis matapos ideklara ng Korte Suprema na ilegal ang pork barrel system. Nang magtungo sa Malakanyang ang mga biktima para sa kanilang petisyon, pinahirapan silang makapasok para tanggapin ang nakalap na pirma pero hindi sila hinarap ng Pangulo—na may bisitang beauty queen sa Palasyo. Nagbibinata si Prexy.

Mar Roxas, Kalihim ng Department of Interior and Local Government

B

ago pa man dumating si Yolanda sa Eastern Visayas, nauna na si Roxas sa lugar para raw tugunan ang magiging epekto ng bagyo. Pero tila walang epekto ang presensiya niya sa lugar sa mga nasalanta ng bagyo. Lumabas sa media ang pagpupulong nila ni Tacloban City Mayor Alfredo Romualdez. Dito, inuutusan ni Roxas ang alkalde na gawing “legal” ang pagpasa ng national government sa lokal na gobyerno ng tungkuling rescue at relief, ilang araw matapos ang bagyo at marami pa rin ang nagugutom. Bilang kalihim ng DILG, imbes na dagdag na relief goods at agarang tulong sa mga biktima, dagdag kapulisan at sundalo ang ikinalat sa mga lugar na nasalanta. Pa-macho.

Dinky Soliman, Kalihim ng Dep’t of Social Welfare and Development

M

arami ang nadismaya sa bagal at dalang ng pamimigay ng relief goods. Nabalitang kailangan munang dumaan sa nasabing ahensiya ang relief goods at pinapalitan muna ng supot ng DSWD bago ipamigay. Habang nagugutom ang mga tao at walang kabuhayan sa mga nasalantang lugar, nag-anunsiyo ang ahensiya niya na ititigil na ang pamimigay ng relief goods at iaasa na lamang sa pribadong sektor. Itinatanggi niya ito, pero huling huli: Nakapaskil ang anunsiyong ito ng DSWD sa buong Tacloban. Lumabas din ang eskandalong pagkabulok ng traktrak ng relief goods na ibinaon na lamang at di napamahagi. May relief goods din na nakitaan ng mga uod at bulok na bigas ang umabot sa mga biktima. Iba rin.

Panfilo Lacson, Rehabilitation Czar

I

tinalagang rehabilitation czar ni Aquino si Lacson para ibangon ang nasalantang mga lugar. Pero hindi pa rin siya humaharap sa mga biktima. Matapos pumutok ang eskandalong overpriced bunk houses para sa mga biktima, dumepensa siya na hindi raw overpriced ang mga ito. Ows. Pansamantala lang daw na silungan ito para sa mga biktima. Binuksan ang mga lugar na nasalanta sa malalaking negosyante habang pinagbabawalan ang mga mamamayan sa tabing-dagat na magtayo muli ng kanilang mga bahay dahil sa No Build Zone policy. Matapos magrali noong Enero ang libu-libong mamamayang nasalanta ng bagyo, pinaratangan niya ang nasabing pagkilos bilang gawa ng mga komunista. Chika mo. (P.S.: Dati rin siyang totoong na-wanted dahil sa Kuratong Baleleng Rubout Case.)

Jericho Petilla – Kalihim ng Department of Energy

K

alihim ng DOE at isa siya sa naatasan ng Pangulo na pangunahan ang panunumbalik ng suplay ng kuryente sa Eastern Visayas. Nangakong magbibitiw siya sa tungkulin kung hindi maibabalik ang suplay ng kuryente sa target nito bago mag-Pasko noong 2013. Pero nabigo at naghain ng pagbibitiw na hindi naman tinanggap ng Pangulo dahil sa mga nagawa raw ni Petilla ang trabaho niya. Haha. Hindi naman maibabalik umano ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sakop ng No Build Zone policy dahil bawal nang muling magtayo ng mga kabahayan dito. Imbes na tugunan ng gobyerno ang pagpapanumbalik ng ilaw sa nasalantang mga lugar, ipinauubaya niya sa pribadong sektor ang muling pagpapailaw sa Eastern Visayas. Kapal din, ano. PW


10 LATHALAIN

10 KATOTOHANAN 6. Humanitarian Assistance tuwing kalamidad? Alamin ang nangyari sa Haiti. Maihahalintulad ang pagsalanta ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Eastern Visayas noong Nobyembre 2013 sa paglindol sa bansang Haiti noong Enero 2010. Tinatayang 230,000 katao ang nasawi noon. Kasabay nito, nagdeploy ang US, hindi ng aid workers, kundi ng militar. Umabot sa 22,000 tropa ang itinalaga nito sa Haiti. Ayon sa mga Amerikanong doktor, hinarang pa ng militar ng US ang emergency teams ng mga Amerikanong doktor na aayuda sana sa mga Haitian, isang araw matapos ang lindol. Naganap din ito noong panahon ng Yolanda: naikuwento ng mga residente na sa kabila ng pagpapapel ng tropang Kano roon, hindi epektibong naipamahagi ang tambak-tambak na relief goods sa paliparan ng siyudad noong krusyal na mga araw matapos ang bagyo. Nagdeploy rin ang US ng di-bababa sa 8,000 tropa sa Eastern Visayas.

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014 MULA PAHINA 3

7. Military assistance ba kamo? Heto ang antigong mga gamit. Sa halos 100 taon ng baseng militar ng US sa Pilipinas, hindi nito nagawang imodernisa ang kapasidad ng Armed Forces of the Philippines na protektahan ang sariling bansa mula sa eksternal na mga banta. Halimbawa ng “ayudang militar” ng US ang binili kamakailan na Hamilton Class Cutters (naging BRP Gregorio del Pilar at BRP Ramon Alcaraz) na barkong pandigma pa ng US noong panahon ng Vietnam War. Binili ito ng Pilipinas sa halagang P423 Milyon na kinuha pa mula sa Malampaya Fund. Umaabot pa sa P881-M ang pagmamantine ng kagamitang ito.

8. US ang tinitingnang pinakamalaking banta sa kapayapaan sa mundo. Sa isang sarbey ng WIN/Gallup International noong 2013, US ang

ANINO NG BATAS MILITAR bata sa prostitusyon. Sa mga ulat sa midya, nagaganap na ang ganitong kalarakan sa loob mismo ng evacuation center na karamihan daw ay mga menor-de -edad. “Kailangan nang umaksiyon si Aquino para malutas ang kaawaawang lagay ng mga refugee…Pati kabataang babae’y natutulak na sa prostitusyon at trafficking,” ani Gabriela Rep. Emmi de Jesus. Lumang taktika

Panahon pa ng batas militar, ginagamit na ng militar ang order of battle (OB) at ang tahasang pagbabansag sa mga kritiko ng administrasyon bilang mga komunista at rebelde. Sa ngayon, patuloy pa rin ginagamit ang mga ito. Sa Kordilyera, laganap din ang pagpapakalat sa mga poster na nakalagay ang mukha ng mga aktibista, lider at miyembro

MGA BATA ang ilan sa pinakaapektado ng mga paglabag ng militar sa karapatang pantao. NIEL BRENE LOPEZ

ng progresibong grupo, kahit mga abogado’y binabansagang NPA. Sa Compostela Valley, tahasang binansagang rebelde ang isang human rights worker. Tinangkang arestuhin siya ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group

tinitingnan ng mga mamamayan ng mundo bilang “pinakamalaking banta sa kapayapaan ng mundo”. Umabot sa 24 porsiyento ng mga nasarbey ang nagsabing banta sa kapayapaan ng mundo ang Amerika. Ang pinakamalapit na sumunod na banta ang Pakistan, sa 8 porsiyento; China sa 6 porsiyento; at apat na bansang (Afghanistan, Israel, Iran at North Korea) tabla sa 5 porsiyento.

9. Maraming beses nang tinrayduran ng US ang Pilipinas. Matagal nang sinasabi ng mga historyador na niloko ng US si Emilio Aguinaldo. Ayon sa mamamahayag na Pranses na si Henri Turot, plano ng US na masakop ang Pilipinas bago pa madeklara ang digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika. Matapos madeklara si Aguinaldo ng kalayaan ng Pilipinas (sa ilalim daw ng proteksiyon ng Estados Unidos), nangako si US Adm. George Dewey na poprotektahan umano ng US ang Pilipinas mula sa Espanya. Matapos ang ilang buwan, sinakop ng US ang Pilipinas.

10. Marami ang tumututol sa presensiya ng militar ng US sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinututulan ng mga mamamayan ang agresyong militar ng US sa daigdig. Sa Pilipinas, noong 1902, tampok ang armadong paglaban sa pananakop ng Amerika: mula sa mga gerilya ni Makario Sakay, hanggang sa Hukbong Mapagpalaya ng Bayan bago at matapos ang World War II, hanggang sa New People’s Army mula 1969 hanggang sa kasalukuyan. Sa larangan ng kilusang masa, malakas ang paglaban ng makabayang kilusan kontra sa US Bases mula dekada ’60 hanggang 1991, nang ibasura ng Senado ang baseng militar ng US sa Subic at Clark. Hanggang ngayon, mainit ang pagtutol ng makabayang mga organisasyon laban sa presensiyang militar ng Kano sa Pilipinas. PW

MULA SA P. 5 (CIDG) sa isang rali ng mga kaanak ng napatay na isang bata. “Hindi ako sumama sa CIDG. Wala sa warrant ang pangalan ko, pero pinipilit nila na ako si Evelyn,” sabi ni Ana, ditunay na ngalan. Para sa mga lider ng NPA Front Committee 18 ang arrest warrant na dala ng mga pulis. Hindi pa kuntento, naglabas ang mga pulis ng isang taong nakatakip ang mukha at itinuturo si Ana na isang NPA daw. Tuluy-tuloy din ang pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga aktibista at progresibong grupo tulad ng nagaganap sa Negros. Sa tala ng Samahan ng ExDetainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), noong 2013, mayroon nang 449 na bilanggong pulitikal sa buong bansa. Tatlumpu’t lima rito mga babae, 48 naman ang may sakit at 28 ng matatanda na. Kasama na rito sina Randy Vegas at Raul Camposano, mga

organisador ng Courage at si Virgilio Corpuz ng Piston. Maliban pa rito ang mag-asawang Tiamzon at si Andrea Rosal, anak ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, pumanaw na tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kung si Janet Lim-Napoles ay nakakulong sa maluwag na bahay sa loob ng kampo sa Laguna, ikinulong naman sa Camp Bagong Diwa si Andrea na malapit nang manganak. Di-pinayagan ng korte ang hiling ng iba’t ibang grupo na nanawagang palayain si Andrea o di kaya’y isailalim sa hospital arrest. Samantala, si Napoles ay pinagbigyan ang kahilingan at grupo pa ng mga doktor ang tumitingin sa kanya. Habang sinasabi ng administrasyong Aquino na para ito sa kapayapaan, iba ang ikinukumpas ng armadong puwersa nito—hindi kapayapaan kundi karahasan. PW


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014

ANALISIS 11

West Philippine Sea: Teritoryo ng Pilipinas Tama na iginiit ng mga Pilipino ang pambansang soberanya at patrimonya sa mga teritoryo nito sa West Philippine Sea. Gayundin, kailangang tutulan ang “bagong pananakop” ng US sa Pilipinas. Ni Yanni Fernan

M

ainit na pinag-uusapan ngayon ang panduduro ng China sa Pilipinas kaugnay ng pag-angkin ng China sa mga teritoryo sa karagatan sa kanluran ng Pilipinas (o West Philippine Sea). Itinuturing ng Pilipinas ang West Philippine Sea na nasa exclusive economic zone ng bansa dahil saklaw ito ng 200 nautical miles ng Pilipinas, bagay na kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos). Ayon sa Unclos, hanggang 200 nautical miles ng karagatan ang limit ng teritoryo ng isang bansa. Pero di-kinikilala ng China ang Unclos, at inaangkin ang lahat ng mga isla sa paligid ng China nang naaayon sa 9-dash line map nito na isinumite sa United Nations noon lang 2009. Sinasabi ng China na sa panahon ng piyudal na dinastiya nito, bahagi na ng China ang mga islang lampas pa sa 200 nautical miles nito. Pero sumasapaw na ito sa teritoryo ng ibang bansa tulad ng West Philippine Sea, na ikinagalit di lang ng Pilipinas kundi ng iba pang bansa sa Asia. Limang malaki at maliliit na isla sa Spratly Islands ang itinuturing ng Pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea tulad Pag-asa, Scarborough Shoal, Ayungin Shoal, Subi Reef at Panganiban Reef. Noon pang 1995, nagtayo na ng imprastruktura ang China sa Panganiban Reef noong 1995, gayundin sa Subi Reef, na pinaghihinalang military garrison. Ilang beses na ring nangingisda ang mga Tsino sa West Philippine Sea, na may escort na mga gunboat ng China. Samantala, ang tanging sagot ng administrasyong Aquino ay isalampak bilang military outpost sa Ayungin Shoal ang sira-sira at kalawangin nang BRP Sierra Madre, umangal sa China at publiko, at maghabla ng kaso sa International Tribunal on the Law of the Sea (Itlos) laban sa China.

Interes ng Kano Sa pagiging agresibo ng China, pumapasok sa eksena ang Estados Unidos (US) at sumusuporta diumano sa claim ng Pilipinas. US ang kinikilalang power sa Asia-Pacific at ang pangyayaring ito’y nagbibigay katwiran sa US para lalong magpatibay ng poder nito di-lamang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon ng Asia. Nakatakdang italaga sa karagatan ng Asia-Pacific ang 60 porsiyento ng depensang nabal ng US. Mayaman ang West Philippine Sea sa mineral resources tulad ng langis at gas, isang bagay na hindi kaila sa mga bansang nagkakainteres dito tulad ng China at US. Lumalakas ang China bilang isang mayor na kapitalistang bansa at kailangan nito ng raw materials--dahilan para magpalakas ito ng hukbong pandagat, na banta naman sa poder ng Estados Unidos. Pero sa paningin ni Prop. Jose Maria Sison, chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines, mas matinding manalakay at manlupig ang US dahil nakapasok na nga ang mga tropa nito sa Pilipinas. Aniya, sa isang pahayag nitong Abril 4, “Ang US ay malaon nang lumalabag sa soberanya ng Pilipinas kaysa iba pang dayuhang puwersa. Inaangkin na nito ang kapangyarihan at prebilehiyo na sakupin ang Pilipinas ayon sa nais nito, habang pinapalabas ang sarili bilang tagapagtanggol at iba pang pagbabalatkayo (salin mula sa ingles).” Ngayong huling linggo ng Abril, parating si US Pres. Barack Obama sa Pilipinas para selyuhan ang kasunduan (sa tawag na Enhance Defense Cooperation) sa pagitan ng Pilipinas at US na nagbibigay ng pahintulot na pumasok at magbase ang mga tropang Kano sa loob mismo ng mga kampo ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa alinmang bahagi ng bansa. Lalabas pa na security guard ng mga Kano ang mga sundalong Pilipino. Kaso laban China Gayunman, ayon pa rin kay Sison, di-dapat ipagkamaling “maka-China” ang pagbatikos ng pambansa-demokratikong mga organisasyon sa gobyerno ng Pilipinas at US. Dapat lamang tindigan ang karapatan ng Pilipinas na magpasya

Baseline map ng West Philippine Sea.

para sa sarili at ipagtanggol ang teritoryong saklaw nito. Kaugnay nito, inayunan ni Sison ang paghahabla ng gobyerno ng Pilipinas sa Itlos laban sa China, kahit huli na ito. Mas maigi, aniya, na naipuwesto ang tindig ng Pilipinas laluna para sa matagalan o malayong hinaharap. Sinabi rin ni Sison na kapag naitayo ang isang rebolusyonaryong gobyerno sa Pilipinas, mas nasa bentaheng posisyon ito na ipaglaban ang pambasang kasarinlan at karapatan. Sa pagtataguyod ng gobyernong ito ng pambansang industrialisasyon, saka pa lamang magkakaroon ang Pilipinas ng kapasidad na magtayo ng mga sasakyang pandagat, panghimpapawid, at iba pang makinarya, para ipagtanggol ang bayan at mga mamamayan. Samantala, habang nagbabangayan ang US at China, pareho rin nilang minamaliit at dinuduro ang Pilipinas sa pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan sa Pilipinas at sa rehiyon. Ang problema naman sa administrasyong Aquino, sa halip na tindigan ang dignidad ng bansa, nagawa pa nitong ideklara sa mga Kano nitong Abril 9, sa Araw ng Kagitingan pa mismo, na tulad noong World War II, “Ang laban n’yo ay laban namin.” Pero ang laban ba ng Pilipinas ay laban ng mga Kano? Kung mangyari man, sa takbo ng mga pangyayari’y di ito para sa interes ng Pilipinas, kundi para sa sariling interes ng US. PW


MONOPOLYO

MONOPOLYO SA LAHAT NG ASPEKTO NG SERBISYO SA KURYENTE

SA KURYENTE

O, kung papaano kinokopo ng iilang malalaking kompanya (na pag-aari ng mga burgesya komprador) ang serbisyo ng kuryente sa bansa--dahil sa liberalisasyon at pagsasapribado nito na itinakda ng imperyalismo. SOURCE: POWER

MONOPOLYO SA KURYENTE SA BUONG BANSA

INFOGRAPHIC: SOURCE: KPMG GLOBAL ENERGY INSTITUTE

MAKIKITA sa iyong Meralco Bill ang iba’t ibang singil, mula generation charge hanggang VAT. Ang mga ito, ipinapataw dahil sa layunin ng pribadong mga kompanya na mamaksimisa ang kanilang kita, sa kapahamakan ng ordinaryong mga konsiyumer tulad natin.

SUMA TOTAL:

Inihahandog ng Pixel Offensive at PW ang Gabay sa

ANG MGA POWER TRIPPER

Tatlong kompanya lang ang nagdodomina sa buong industriya!

(aka: Mga G*** at Gahamang “Independent Power Producers”)

*

*Libre lang sa mga nagbabayad ng P50,000 pataas ang bill. Kung hindi, bibilhin mo pa rin kay Manny Pangilinan ang Paracetamol--at lalong sasakit ang ulo mo.

PATALASTAS MULA SA PXO

Manny Pangilinan, mayoryang may-ari ng Meralco

LAHAT ng malalaking kompanyang ito ay kasosyo ng dayuhang mga monopolyo kapitalista. Ang mga dayuhang imperyalistang ito rin ang nagtulak sa nakaraang gobyerno na iliberalisa at isapribado ang serbisyo ng Kuryente sa bisa ng EPIRA.

Kontrol niya, di lang ang beer natin, kundi pati kuryente natin. Si Danding ang PINAKAMALAKING panginoong maylupa, na may 30,000 ektarya sa Negros lang. Sa laki ng lupa niya, pagsamahin man ang lupa ni Anne Curtis at Janet Napoles, magmumukhang flower pot lang ito. Dating kroni ni Marcos, at tiyuhin/ tagapinansiya ni Pang. BS Aquino.

Si Aboitiz ang pinakamalaking power producer batay sa “installed capacity”. Dating empleyado niya si dating Energy Sec. Rene Almendras. Pag-aari ng pamilya niya ang 2GO at gusto niyang ang pera ninyo ay 2GO sa bulsa niya at di sa bulsa n’yo. Magiging ABO ang sweldo ninyo.

Ang pamilya niya ang nagbenta pausong Tabang t-shirts; pero gusto nila “tabangan” nating kumita pa sila. Kung di sila masusunod, gagawin nilang katulad ng Tacloban ang bahay natin: Walang kuryente. Kontrol nila ang 50% ng suplay ng tubig sa Kamaynilaan at 100% ng ABS-CBN, kasama na si Korina Sanchez at Noli de Castro.

May-ari ng Metrobank, may net work na $1.7Bilyon. Pag-aari rin niya ang Global Business Power Corp. Binili kamakailan ng Meralco ang 20% shares ng kompanya niya, kaya kailangan siguro talagang magtaas sila ng singil. Sa sobrang yaman niya, kaya na niyang bilhin ang Maka Ty.

Siya ang ika-8 pinakamayaman sa Pilipinas na may net worth na $1.9B. Sa edad na 91 taong gulang, patunay siya na walang age limit ang katakawan sa pera. Sa ating buhay, si Consunji ay Konsumisyon.


PINOY WEEKLY ESPESYAL w w wNA. ISYU p i |nMAYO o y1,w2014 ee EDITORYAL

kly.org

EKSTRA M A T A P A T, M A P A N U R I , M A K A B A Y A N

M AY O 1 , 2 0 1 4

Sa isyung ito ng Pinoy Weekly Ekstra (supplement ng espesyal na isyu ng PW para sa Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa), inilalabas natin ang mensahe at panayam sa dalawa sa pinakaartikulanteng political prisoners na nakapiit sa kulungan ng gobyernong Aquino -- sina Benito Tiamzon at Wilma Tiamzon. Kapwa konsultant pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines, mahigit 40 taong kalahok sila sa pakikibakang masa ng sambayanang Pilipino.

Mensahe sa Mayo Uno NINA BENITO TIAMZON AT WILMA AUSTRIA-TIAMZON

K

ami ay malugod na nakikiisa sa lahat ng manggagawa at anakpawis na Pilipino sa araw na ito ng pista ng uring manggagawa sa buong daigdig. Sumasaludo kami sa inyong magiting na pakikibaka laban sa imperyalista at lokal na reaksyunaryong paghahari, pambubusabos at pag-aapi. Sa dakilang araw na ito ay dapat din nating gunitain at parangalan ang mga bayani at martir ng kilusang manggagawa. Dapat patuloy na hanguan ng inspirasyon at aral ang buhay at pakikibaka nina Ka Bert Olalia, Ka Lando Olalia, Ka Crispin Beltra at ng napakaraming kapuri-puring lider at mandirigma ng paggawana ibinigay ang kanilang lakas at buhay para sa kalayaan ng uri at bayan. Ang kanilang sakripisyo at paglaban ang tinutuntungan ng anumang lakas natin ngayon. Sa nakaraang mahigit tatlong dekada, ang kilusang manggagawa sa pamumuno ng KMU ay nagpursigi sa pagbubuo, pagpapalawak at pagpapalakas ng militanteng unyonismong nagtatanggol sa araw-araw na kapakanang pangekonomiya at mga demokratikong karapatang pang-unyon ng mga manggagawa. Ipinaglaban nito ang makatwirang sahod, katiyakan sa empleyo at disenteng kalagayan sa paggawa at pamumuhay laban sa walang tigil na pag-atake – tuwiran at d-tuwiran, sa paraag legal at ilegal, marahas at hindi - ng kapital na dayuhan at lokal, sa tulong ng reaksyunaryong estado at mga alagad nito. Ang mga tagumpay at pakinabang sa labang ito ay parsyal at pansamantala lamang gaya

LIKHANG SINING NI ORLY CASTILLO

ng anumang tagumpay at pakinabang ng mga manggagawa hangga’t namamayani ang kapital. Gayunpaman, sa pamamagitan ng labang ito, nabuo ang militanteng pagkakaisa at lakas ng kilusang unyon. Ito ang tagumpay na pinaka-importante sa lahat, na siyang tunay na sandigan ng mga manggagawa sa matagalang pakikipaghamok sa kapital, laluna sa naghaharing lokal na malaking burgesyang kumprador at monopolyong burgesyang dayuhan. Mula’t sapul ang militanteng kilusang unyon ay hindi maihihiwalay na bahagi ng malawak na kilusang bayan laban sa imperyalismo, pyudalismo at pasismo. Ito ay iniluwal, lumawak at naging mahalagang pwersa sa pulitika at

lipunan sa pakikibaka para labanan at ibagsak ang pasistang diktaduryang US-Marcos. Ang palagiang oryentasyon nito ay abutin, pukawin, organisahin at pakilusin ang kabuuan ng masa ng uri para sa araw-araw na pakikibakang unyon, gayundin sa pampulitikang pakikibaka laban sa paghahari ng imperyalismong US at mga lokal na reaksyunaryo para makamit ang lubos na pambansan kalayaan at tunay na demokrasya. Mulat ito sa mga istorikong ugat nito sa lumangtipong demokratikong rebolusyon nina Andres Bonifacio at sa bagong-tipong demokratikong rebolusyong inumpisahan ng lumang pinagsanib na Partido Komunista ng Pilipinas. Nasasapol nito kung bakit para patuloy na SUNDAN SA PAHINA 16


PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | MAYO 1, 2014 PINOY WEEKLY EK

14 PANAYAM

Q&A:

Wilma Austria-Tiamzon at Benito T

‘Ang 45 taon ay matagal sa buhay ng isang tao pero sandali lamang sa buhay ng bayan’

B

antay-sarado ng Philippine National Police ang dalawa sa pinaka-artikulanteng bilanggong pulitikal at lider-rebolusyonaryo ngayon sa bansa: sina Benito Tiamzon at Wilma AustriaTiamzon, na pawang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines sa usapang pangkapayapaan. Nagpadala ng mga tanong ang Pinoy Weekly para sagutin ng dalawa. Ito ang mga tanong namin at sagot nila.

tambakan kami ng mga inimbentong kasong kriminal para bulukin kami sa bilangguan at pasamain sa mata ng publiko. Ang batas at hukuman ay sinasalaula at walang habas na kinakasangkapan sa “counter-insurgency” ng rehimeng “daang matuwid”.

Maari po ba na mabigyan ninyo kami ng impormasyon sa sirkumstansiya ng inyong pagkahuli?

WB: Sukdulan ang pinsala ng superbagyong Yolanda. Sukdulan din ang pagkamanhid at iresponsibilidad ng papet na pangulo sa mga nasalanta. Ang mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa sa landas ng bagyo ay agad-agad na nagbigay-prayoridad sa pagsagip at pagdamay noong mga unang linggo. Natural ito dahil ang kilusan ay integral na bahagi na ng malaking bahagi ng mga komunidad. Ngayon nakabaling na ang pansin sa rehabilitasyon at rekonstruksyon. Mamamatay ang tao nang dilat ang mata kung aasa sa gobyerno. Hanggang ngayon ang rehabilitasyon ng gobyerno ay walang malinaw na kabuuang plano, napakakupad at nakatuon sa interes ng gobyerno at negosyo. Obligadong magsariling-sikap ang mga biktima, laluna ang mga maralita. Sama-sama silang kumikilos at nagtutulungan para magtayo ng tirahan, magtanim ng makakain at mag-umpisang tumindig muli sa sariling paa. May bentahe kaugnay nito ang mga nasa labas ng mga sentrong syudad, laluna kapag organisado. Pero mainit ang mata ng reksyunaryong militar sa ganitong inisyatiba na karaniwang ginigipit at inaatake bilang pakana ng BHB (Bagong Hukbong Bayan). Upang maisulong ang rehabilitasyong may higit na proteksiyon laban sa natural na kalamidad sa hinaharap, dapat ipaglaban ang rehabilitasyong tumutumbok sa usapin ng lupa, kabuhayan at pabahay ng maralita. Dapat ipaglaban ang boses ng maralita sa paggastos ng mga pondong publiko at mga donasyong internasyunal at pribado na nakalaan sa mga nasalanta. Dapat labanan ang pangungurakot sa rehabilitasyon. Ibig sabihin, bukod sa sariling-sikap at pag-oorganisa sa sarili ang mga maralitang biktima ay dapat magpalawak ng kanilang organisasyon at koordinasyon, gayundin ang pakikipagalyansa sa lahat ng demokratiko at positibong pwersa at elemento.

Wilma & Benito (WB): Ilegal ang pag-aresto sa amin ng ISUAFP (Internal Security Unit-Armed Forces of the Philippines) at CIDG-PNP (Criminal Investigation and Detection Group-Philippine National Police). Nilabag nila ang garantiya ng immunity at safety na ipinagkakaloob sa amin ng Jasig ( Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees). Maagap naming ipinaalam sa kanila ang aming katayuan bilang mga NDFP national consultant. Pero binalewala nila ito. Humingi kami ng abogado pero ipinagkait ang aming karapatan. Hindi kami kinapkapan. Mahigit 11 oras na kaming hawak nila nang imbentaryuhin ang laman ng sasakyang inuupahan namin at maging ang sasakyan ng mga kaibigang Lorraine at Josue. Ang pokus nila sa mga unang oras ay ang pag-establisa sa identidad naming magasawa. Inirekord sa video at minasdan ng 2 sa mga inaresto ang pagimbentaryo at pinapirmahan sa kanila ang dokumentong naglilista ng lahat ng laman ng 2 sasakyan. Wala doong baril, bala, o granada. Inaresto kami sa hangganan ng Carcar at Aloguinsan, Cebu, noong 22 Marso. Papunta kami sa Aloguinsan upang kumuha ng sasakyang-dagat patungong Negros. Balak naming magdaos sa Negros ng konsultasyon tungkol sa pinsala ng bagyong Yolanda. Ito ay bahagi ng preparasyon para sa nakatakdang pag-uusap ng mga komite ng GPH at NDFP tungkol sa mga repormang sosyoekonomiko. Nagsagawa din kami ng katulad na konsultasyon sa Samar, Leyte, at Cebu.

Kumusta na ang inyong kalagayan sa Camp Crame?

WB: Nababatid ang custodial center ng PNP tungkol sa makataong pagtrato sa mga bilanggo. Pero siyempre ang bilangguan ay instrumento ng estado sa pagsupil at pagkakait ng kalayaan sa mga kriminal, rebelde at iba pang tinuturing na kalaban ng naghaharing kaayusan. Ang malubhang di-pagkakapantay-pantay at kabulukan sa lipunan ay mas masahol ding makikita at masasalamin sa mga bilangguan. Ang pinakaseryoso at pinakalansakang paglapastangan sa mga karapatan at kapakanan namin ay ang pagsasampa ng patung-patong na gawa-gawang mga kaso batay sa mga palsipikadong ebidensya at testimonya. Nagtutulung-tulong ang AFP, PNP at DOJ para

Batay sa mga pahayag ng militar, malimit po kayo sa Leyte/ Samar bago kayo mahuli sa Cebu. Sa pahayag naman ng NDFP at ng inyong legal team, kayo ay gumagampan ng gawain para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Maari po ba ninyong bigyang linaw ang inyong partikular na gawain hinggil sa rehabilitasyon ng mga biktima? Ano ang ginagawang hakbang ng rebolusyonaryong kilusan sa post-Yolanda rehabilitation?

Sinasabi ng panel ng GPH sa usapang pangkapayapaan maging ni Sec. De Lima ng DOJ at tagapagsalita ng pangulo na kayo ay hindi saklaw ng Jasig. Iginigiit pa ni Atty. Alex Padilla na hindi daw kayo kahit minsan lumahok sa peace negotiation, hindi daw po niya nakita kahit anino ninyo. Maaari niyo bang ilinaw kung ano ang inyong tungkulin/ gawaing ginagampanan para sa usapang pangkapayapaan bilang konsultant ng NDFP?

WB: Bukod sa mga negosyador ay saklaw ng garantiya ng

proteksyon ng Jasig ang mga con at liason personnel ng NDFP pambabaluktot ni Atty. Alex Padil prosesong pangkapayapaan sa mg Ang mga consultant ng NDFP bumubuo ng mga panukala para talks. Sumusubaybay sila sa mg talks, nagbibigay ng mga pagsusu hakbang. Tumutulong din ang m at pagpapaliwanag sa mga alyado kasapi at mamamayan ng mga us panukala, at mga kontrobersya kau Kaugnay nito, sinasabi pa ng mga lider ng NDFP na nakabase s nakabase naman dito sa Pilipinas. ang mga nasa labas ng bansa ang “ ninyo ang ugnayan ninyo/mga lide Netherlands sa usapang pangkapay Lubos na walang batayan alingasngas na ikinakalat ng AFP Solido ang pagkakaisa ng buong peace talks. Matatag na sinusupor ang peace panel, at pinapupuriha pagtataguyod sa kapakanan ng sam

Sinasabi po ng militar na malu halimbawa daw ang pag-aalag tuta, malaking bahay, at iba pa

WB: Ang gawa-gawang isyu s pusa ay maniobra ng AFP at PNP ng pagtatanim ng ebidensya at p ng illegal possession of firearms an kanin at ulam ang mga alagang h nakakaubos ng 2-4 na kuyom lama ng pinalabas na kwenta ng AFP na bawat kain. Maliban sa mga tuta, a asawang may sariling kita. Nag-su


ESKSTRA |PINOY MAYOWEEKLY 1, 2014

PESYAL

iamzon

nsultant, staffer, security personnel peace panel. Kaya lantay na lla ang paglimita sa mga sangkot sa ga negosyador. P ay kabilang sa mga nag-aaral at sa iba’t ibang adyenda ng peace ga pangyayari at isyu sa peace uri at mga panukalang solusyon o mga consultant sa pagpapalaganap ong organisasyon ng NDFP, mga sapin, mga napagkasunduan, mga ugnay ng peace talks. g gobyerno na may hidwaan ang sa The Netherlands at mga lider na . Kayo daw po ang “hardliner” at “moderate”. Maari po bang ilinaw er na nandito sa bansa sa mga nasa yapaan? at purong kasinungalingan ang P tungkol sa diumanong hidwaan. NDFP sa linya at pakikitungo sa rtahan ng kilusan sa loob ng bansa an ang kanilang walang-pagod na mbayanan at rebolusyon.

uho ang inyong pamumuhay, ga ng mamahaling mga aso at a. Totoo po ba ito?

sa malaking gastos sa mga aso at para palabuin at tabunan ang isyu pagsasampa ng gawa-gawang kaso nd explosives. Kumakain ng tirang hayop at dahil maliliit na klase ay ang na dog o cat food, at hindi gaya a nakabatay sa kilo-kilong konsumo ang mga hayop ay pag-aari ng magublease lang kami ng ilang kwarto

PHOTOS: MACKY MACASPAC

sa bahay. Ang badyet namin sa pagkain ay nakabatay sa P50 na alokasyon bawat tao bawat araw. Tinutustusan kami ng kilusan batay sa standard na pamantayan. Ang kita ng kilusan ay mula sa mga boluntaryong kontribusyon na walang kapalit at mga buwis.

Kaliwa: Wilma Austria-Tiamzon; Itaas: Benito Tiamzon

Bilang mga lider na matagal na panahong nasa underground, hindi kayo gaanong kilala ng publiko. Maaari niyo bang ikuwento kung paano kayo namulat at paano naging mga rebolusyonaryo?

WB: Kami ay galing sa mga nakabababang panggitnang magsasaka at nakabababang petiburgesya. Nakapag-hayskul at nakapag-kolehiyo kami dahil sa scholarship. Pumasok kami sa UP Diliman noong nag-aalimpuyo na ang makabayang kilusang estudyante. Lumahok kami sa First Quarter Storm, naging mga aktibista at nag-organisa sa mga manggagawa at maralitang komunidad. Napaloob kami sa underground noong 1971 at mas puspusang kumilos nang underground mula nang isuspinde ang writ of habeas corpus. Malaki ang naging papel sa aming pagkamulat at pagkapanday bilang mga rebolusyonaryo ang paglahok sa kilusang protesta, sa mga welga ng mga manggagawa, mga laban ng mga maralitang tagasyudad at, kalaunan, sa kilusang magsasaka sa kanayunan. Pinalawak at pinalalim namin ang aming kaalaman sa demokratikong rebolusyong bayan at Marxismo-LeninismoMaoismo sa pamamagitan ng mga kolektibo at indibidwal na pagaaral. Sinamantala namin ang lahat ng pagkakataon para magbasa ng mga publikasyon ng Partido, mga sulatin ni Jose Ma. Sison, gayundin nina Marx, Engels, Lenin, Stalin at Mao. Interesado rin kami sa mga publikasyon ng iba’t ibang Maoista at anti-imperyalistang partido at kilusan sa ibayong-dagat.

Anu-ano ang mga sakripisyong inyong pinagdaanan? Hindi niyo ba naisip na tumigil na o magretiro dahil sa inyong edad at kalagayang pangkalusugan?

WB: Hindi kailanman sumagi sa aming isip ang pagreretiro sa rebolusyon. Maaaring ipaubaya namin ang mas malaking responsibilidad sa mga nakababata at mas may-kakayahan. Pero hindi namin gustong maging tagamasid lamang sa tabi. Gusto naming makapag-ambag ng anumang aming makakaya. Natural na bahagi ng buhay ang pagkakasakit at pagtanda. Ang importante ay mabuhay nang makatuturan alinsunod sa proletaryong rebolusyonaryong pananaw at paninindigan hanggang sa huling sandali. Ano ang inyong pananaw hinggil sa tinatakbo ng peace negotiations sa pagitan ng GPH-NDFP, at sa katatapos na pirmahan ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro sa pagitan naman ng GPH at MILF? Pundamental na magkaiba ang naging pag-unawa at pakikitungo ng NDFP at MILF sa negosasyong pangkapayapaan. Sa aming tingin may mga pundamental na kahinaang magbubunga sa malao’t madali ng pagkabigo ng ipinapalagay na kumprehensibong solusyon sa mga pundamental na problema ng sambayanang Moro. Sa anu’t anuman hindi pwedeng tanggapin ng NDFP ang balangkas ng pagsurender at pasipikasyong ipinipilit ng rehimeng

PANAYAM 15 Aquino nang labag sa The Hague Joint Declaration. Kung tumatanggi ang rehimeng Aquino sa de-prinsipyadong peace talks at sa halip ay agresibong nagpapaigting ng mga opensibang militar—walang magagawa ang mga rebolusyonaryong pwersa kundi ang uboskayang magtanggol sa sarili at lumaban sa pamamagitan ng lahat ng lehitimong anyo at pamamaraan. Tiwala kaming lilitaw muli ang mga kondisyong mas paborable sa muling pagsulong ng prosesong pangkapayapaan.

Nasa ika-45 taon na ang pakikidigma ng rebolusyonaryong kilusan, ano na po ba ang kalagayan nito at patutunguhan?

WB: Ang 45 taon ay matagal sa buhay ng isang tao pero sandali lamang sa buhay ng bayan. Ang rebolusyonaryong yugtong hindi kayang kumpletuhin ng isang henerasyon ay magpapatuloy para harapin ng susunod na mga henerasyon hanggang malutas ang mga saligang kontradiksyong magtatakda at magbibigay-hugis sa yugto at magbibigay-daan sa susunod na mas mataas na yugto. Para sa milyunmilyong maralita sa kanayunan at kalunsuran na nagtitiis sa buhay na walang-wala, aba at palaging nasa bingit ng lubos na kapahamakan, ang patuloy na paglaban ay usapin ng buhay-at-kamatayan. Mabilis man o matagal ang laban, wala silang magagawa kundi ang patuloy na lumaban. Sa pagpupunyagi sa linya ng DRB (demokratikong rebolusyong bayan) sa pamamagitan ng PPW (protracted people’s war o matagalang digmang bayan), matagumpay na napreserba ng rebolusyonaryong kilusan ang sarili, nabigo ang di na mabilang na mga kampanya at opensiba ng kaaway, at naipon ang pwersang armado at di-armado na pinakamalaki sa kasaysayan. Nagawa ito ng rebolusyonaryong kilusan sa harap ng napakalaking mga disbentahe at sa kalagayan ng malawakan at malakihang pag-atras ng internasyunal na kilusang sosyalista at anti-imperyalista. Kailangang patuloy na pagyamanin at lahatang-panig na palakasin ang pwersang ito para madala ang pakikibaka sa susunod na mas mataas na yugto. Kumpiyansa tayong malawak at matibay ang mga batayang internal at paborable ang sitwasyon sa bansa at daigdig para makamit ito.

Maaari po bang magbigay kayo ng maikling pagtatasa ng administrasyon ni Pangulong Aquino? Ano po ba ng tingin niyo sa mga panawagan ng pagpapatalsik kay Aquino?

WB: Patuloy na pinatutunayan ni Aquino ang kanyang pagiging sukdulang papet at reaksyunaryo. Siya at ang kanyang reaksyunaryong paksyon ang isa sa mga pangunahing nakikinabang sa sistema ng pork barrel at korupsyong talamak na umiiral sa pinakatuktok ng rekasyunaryong kapangyarihan. Gayunman, nagagamit nila ang selektibong prosekusyon para ibunton ang ngitngit ng publiko sa oposisyon. Ang laganap na paghihikahos sa bansa ay ibayo pang pasasahulin sa pakana ng rehimeng Aquino na Free Market at Rebalancing Chacha. Sa Chacha, ang Konggresong lubog hanggang leeg sa korupsyon ay bibigyan ng ekstraordinaryong kapangyarihang distrungkahin ang Konstitusyon. Layunin nitong hawanin ang lahat ng hadlang sa todong pananalasa ng Free Market globalization at imperyalistang interbensyon ng US. Ang mga krimeng anti-nasyunal, anti-masa at anti-demokratiko ay labis-labis pa sa sapat na batayan para patalsikin ang papet na pangulo. Pero may mga limitasyon pa ang mga pakikibakang bayan at mga problema at kahinaan ang mga reaksyunaryong karibal ni Aquino. Todo pa rin ang suporta at pagtatambol ng corporate media para kay Aquino. Sa anu’t anuman, dapat palawakin at palakasin ang pagoorganisa, pagpupukaw at pagpapakilos sa masa laban sa anti-nasyunal, anti-masa, at anti-demokratikong paghahari ni Aquino. Hangga’t napapalawak at napapalakas ang mga kilusan at pakikibakang bayan, lalakas ang inisyatiba ng mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa— aktwal mang mapatalsik o hindi si Aquino. PW


MENSAHE SA MAYO UNO MULA SA PAHINA 13

maisulong at maipagtagumpay ang mga mithiin ng uring manggagawa ay dapat itong mag-ukol ng pinakamataas na pagpapahalaga sa mahigpit na pakikipagtulungan sa anti-pyudal na kilusan at pakikibakang magsasaka sa kanayunan. Alam din nito kung bakit kailangang magmartsa ito nang nakakapit-bisig sa pinakamalapad na nagkaka-isang hanay na kabilang ang iba pang progresibo at demokratikong uri at saray ng lipunan. Batid nito ang istorikong misyon ng uring manggagawa na pawiin sa kalaunan ang mga uri sa lipunan at wakasan ang pagsasamantala ng tao sa tao. Ang kabuuang pananaw nito ay anti-imperyalista, sosyalista, rebolusyonaryo at siyentipiko. Itinataguyod nito ang panawagang “Manggagawa ng buong daigdig, Magkaisa!” Ngayon ang manggagawa at mamamayang Pilipino ay nahaharap sa lalo pang pinaiigting na opensibang anti-nasyunal, anti-masa at antidemokratiko ng imperyalismong US at papet na rehimeng Aquino. Ang opensibang ito ay nakapaloob sa “Free Trade Chacha” na niluluto ng kongreso at karugtong ng Trans-Pacific Partnership ng US, ang higanteng free trade area na itinutulak ng US sa Asia-Pasipiko, at sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ng US at Pilipinas na kunektado sa pivot/ rebalancing sa Asia ng imperyalismong US. Ang Chacha ay naglalayong alisin natitirang legal na balakid sa storm surge ng denasyunalisasyon, pagkamkam sa mga lupain, kagubatan at katubigan para sa pagmimina, pagtotroso, plantasyon, proyektong turismo at proyektong real estate; at sa todong pagpiga sa lakas paggawa ng bansa. Ang panibagong pagsagasang ito ng imperyalistang globalisasyon ay itinutulak din ng free trade area ng ASEAN (Asean Economic Community) at Trans-Pacific Partnership na nasa dominasyon ng US at Japan. Ibayong patitindihin ng mga ito ang mga hambalos ng imperyalistang globalisasyon na inumpisahang malawakang ipatupad ni Corazon

Aquino, kabilang sa mga tampok na epekto nito ang: Todong presyur pababa at todong pagpiga sa dati nang binabarat na lakas paggawa. Ibayong pag-atake sa sahod, seguridad sa trabaho at benepisyo. Mas masahol na pangangamkam at pagkakait sa mga magsasaka at pambansang minorya. → Tahasang dayuhang pag-aari at pagkontrol sa mga negosyo, lupain, public utilities, mass media at iba pang serbisyo. → Mas masahol na paagwasak sa kapaligiran alang-alang sa tubo. Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay tahasang pagbaligtad sa desisyong patalsikin ang mga baseng militar ng US at tahasang paglapastangan

na pakikipagribalan sa Tsina na itinuturing na nangungunang potensyal na kaagaw ng US sa dominasyon sa Asia at daigdig. May katwiran ang Pilipinas sa claim sa bahagi ng South China Sea laban sa Tsina. Pero ang alitang itoa ay ginagamit para pasidhiin ang pagtatambol sa media hindi ng patriyotismo kundi ng papet na mentalidad at patakarang pro-US. Sinasangkalan ng papet na rehimeng Aquino ang alitan para para bigyangmatwid ang EDCA at lalong sumiksik sa palda ng imperyalismong US. Hungkag ang posturang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa laban sa Tsina kung kaakibat naman nito ang mas masahol na pagpapagahasa sa US ng teritoryal na integridad ng bansa, lalu-pa’t sinasabing may imbitasyon ang paggahasa. Sa kabuuan, ang free trade chacha at enhanced defense cooperation ay panibagong pananakop ng imperyalismong US. Nagsisilbi ito sa

“Dapat ubos-kayang labanan ang pinaiigting na opensiba ng imperyalismong US at papet na rehimeng Aquino. Kailangang palawakin at patindihin ang mga pang-unyon at pakikibaka ng mga manggagawa para ipagtanggol ang mga kapakanan at karapatang demokratiko at bakahin ang mga pag-atakeng anti-nasyunal at anti-masa” sa soberanya ng bansa. Ibinubukas nito ang mga kampo ng AFP at teritoryo ng bansa sa ibayong pinalawak na pagpasok, pagtigil at operasyon ng mga pwersang militar ng US kabilang ang pagtatayo ng mga permanenteng pasilidad militar para sa command, control, computer at kominikasyon; pag-iimbak ng mga kagamitang militar; pagsu-suplay at iba pang operasyon. Ibinubukas nito ang bansa sa mga tropa, barkong pandigma at eroplanong pandigma ng US para sa pagmamaniobra at maging pag-atake sa Tsina, iba pang karibal na kapangyarihan at mga anti-imperyalistang gobyerno at pwersa sa Asia. Higit sa anupaman, ang EDCA ay nagsisilbi sa rebalancing US tungong Asia para sa pinaigting

pagsisikap ng imperyalismong US na maka-alpas sa matagal na krisis ng pandaigdigang kapitalismo at ipasa sa mga atrasado at mahinang bansa gaya ng Pilipinas ang mga pasanin sa krisis. Nagtataguyod din ang mga ito sa pagpapanatili ng unipolar na dominasyon ng US laban sa mga karibal at laban sa mga bansa at sambayanang naghahangad lumaya. Pinapatunayan din ng mga ito ang lubos na pagka-papet ng rehimeng Aquino. Kakabit ng mas pinatitinding paghuthot at pananakop ang pagpapatindi sa kontra-rebolusyon at pasismo. Pinatitindi ang militarisasyon at opensibang militar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Patuloy na pinaparalisa ang peace talks ng NDFP at GPH at nagkukumahog

sa pagdurog o pasipikasyon sa rebolusyon sa pamamagitan ng pwersang militar. Sa pagbira sa armadong rebolusyon, sadyang hinahagip at idinadamay ang mga progresibong organisasyon at lider at mga demokratikong organisasyon ng masang manggagawa, magsasaka, mga pambansang minorya at iba pang inaaping uri at sektor. Patuloy na malaganap ang targeted na asasinasyon ng mga lider at aktibistang masa, mga iligal na pag-aresto, pagsasampa ng gawagawang kasong kriminal, panggigipit, pananakot at iba pang paglabag sa mga demokratikong karapatan. Dapat ubos-kayang labanan ang pinaiigting na opensiba ng imperyalismong US at papet na rehimeng Aquino. Kailangang palawakin at patindihin ang mga pang-unyon at pakikibaka ng mga manggagawa para ipagtanggol ang mga kapakanan at karapatang demokratiko at bakahin ang mga pag-atakeng anti-nasyunal at antimasa. Dapat lutasin ang mga sagka at bara sa pag-oorganisa upang mapalawak ang mga unyon at mapasigla ang mga pakikibakang masa. Dapat magbunsod ng tuloy-tuloy na malawakang kampanya sa propaganda at edukasyon para ipaliwanag sa mamamayan ang nilalaman, motibo at masamang epekto ng free trade chacha, imperyalisatang globalisasyon, enhanced defense cooperation at US rebalancing sa Asia. Dapat ituon ang pinakamalakas na hambalos ng pakikibakang manggagawa at pakikibakang bayan sa imperyalismong US, malaking burgesyang kumprador at papet na rehimeng Aquino. PW Mabuhay ang Manggagawang Pilipino! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! Palawakin ang Kilusang Unyon at mga Pakikibakang Unyon! Palawakin at palakasin ang kilusan at pakikibakang anti-imperyalista, anti-pasista at anti-pyudal! Ilantad, ihiwalay at labanan ang imperyalismong US at papet na rehimeng Aquino!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.