2 minute read
Kauna-unahang abaca fiber processing facility ng PhilFIDA itatayo sa Caramoran
Pinangunahan ni Gov. Joseph C. Cua ang groundbreaking ceremony ng Abaca Tuxy Buying Special Project (ATBSP) Fiber Processing Facility ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa barangay Sabangan, Caramoran nitong Hunyo 22, 2021.
“With an established abaca facility in Catanduanes, the quality of our hemp and its production will transcend into new heights,” saad ng gobernador sa kaniyang mensahe sa naturang okasyon.
Advertisement
“Our farmers will no longer have to be self-sufficient but will instead develop into entrepreneurs,” dagdag pa niya.
Tiwala aniya ang gobernador na ang naturang pasilidad ay simula pa lamang ng marami pang mga proyekto para sa pagpapaunlad ng industriya ng abaka sa lalawigan.
Hinimok din ni Governor Cua ang kooperasyon ng bawat isa.
“I am confident that this launching is just one of many more breakthroughs in the industry but only our collaborative efforts will help cement these possibilities,” kaniyang pagtatapos.
Samantala, suportado rin ni Cong. Hector S. Sanchez ang nasabing proyekto.
Sa mensahe na ipinaabot ng kanyang representante, sinabi nito na ang itatayong pasilidad ay susi para mapabilis ang proseso ng tuxying, at magbibigay ng dobleng kita sa halos 100 magsasaka ng abaca.
Nabanggit din ng kongresista na inaasahan ni PhilFIDA executive director Kennedy Costales sa naturang abaca facility na makapagpo-proseso umano ng mga firstclass na abaca fiber.
Sa ngayon, ang presyo nito ay umaabot ng P120 kada kilo, at sa isang araw puwede umanong kumita ang mga Abacalero ng hindi bababa sa P1,000 hanggang P4,000 kada araw.
“No longer will our abaca farmers remain poor, and no longer, will other provinces or nations poach our world-class abaca,” mariing inihayag ni Congressman Sanchez.
Samantala, inihayag naman ni PhilFIDA - Technical Assistance Division (TAD) officer-in-charge Orlando Cocal na ang pinakalayunin ng proyekto ay mapabilis at madoble ang produksiyon ng abaka sa isla.
Ayon sa PhilFIDA, ang naturang abaca facility ay unang ipinatayo sa lalawigan ng Catanduanes dahil dito nanggagaling ang pinakamalaking porsyento ng produksyon ng abaka sa bansa.
Sa katunayan, tatlo pa aniya ang inaasahang itatayo na kapare- hong pasilidad sa probinsiya sa mga susunod na taon.
How about vying for the Longest Rope made of Natural Fibers in the Guinness World Record with our prized Abaca for next year’s Abaca Festival?
Kaugnay nito, nasa P15 million Capital Outlay ang nakalaan para sa unang itatayo na pasilidad. Ang naturang pasilidad aniya ay mayroong warehouses, sleeping sheds, office spaces, trading centers, at covered drying space.
Kasali rin sa proyekto ang pagkakaroon ng 16-wheeler na truck at mga motorsiklo na gagamitin sa pagkuha ng abaka mula sa mga abaca farmers sa ‘collection hubs’, at ito rin umano ang magdadala sa mga natapos na produkto sa mga local processor maging sa mga exporter.
Pabor din aniya ang proyekto sa mga abaca farmer dahil hindi na ito dadaan sa mga ahente, bagkus ang kita ay mahahati direkta sa pagitan ng magsasaka at ng naturang pasilidad.
Current record holder: NONE
Our Target: 251 km of Abaca Fiber rope