1 minute read
‘Poon pa lang ini’- Gov. Cua layong paunlarin pa ang kalidad ng edukasyon sa Catanduanes
Nagsisimula pa lamang ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa pagpapatupad ng mga programa upang maging mas dekalidad at abot-kamay sa mga Catandunganon ang pormal na edukasyon.
“Poon pa lang po ini kan satong mga dagdag na programa sa edukasyon,” mensahe ni Gov. Joseph C. Cua sa isinagawang Memorandum of Agreement Signing program noong ika-29 ng Hulyo, 2021.
Advertisement
Matapos ang isinagawang programa para sa pitong bagong iskolar na bahagi ng Medical and Law Scholarship program ng pamahalaan, inilatag naman ni Cua ang ilan sa kaniyang mga hakbang sa pagpapaunlad ng antas kolehiyo at graduate school sa probinsiya.
Ngayong taon, planong amyendahan ang undergraduate scholarship program ng pamahalaan upang mas madagdagan pa ang mga iskolar ng probinsiya sa matrikula.
“Aamyendahan ta ang undergraduate scholarship program ta ini dai na gatupo sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Gusto tang madagdagan ang tuition fee assistance asin matawan nin stipend an satuyang mga Provincial Scholars sa kolehiyo,” banggit ni Cua.
Maliban sa Medicine at Law scholarships, patuloy naman ang pagpaplano ng lokal na pamahalaan upang maipasa ang ordinansang naglalayong magbigay ng scholarship sa mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng Master’s at Doctoral degrees.
“Satuya man pong ipadagos ang pagpasa kan specialized scholarship for Masteral and Doctoral degrees. Padagos tang pigaplantsa ang proposed na ordinance na makatao nin asistensiya sa mga professionals para sa saindang Continuing Professional Development,” ayon sa Gobernador.
Higit pa, pinaplantsa na rin ng pamahalaan ang pagtatag ng scholarship program para sa mga teknikal na kurso sa kolehiyo.
“In the coming years, we will have a scholarship program in critical areas like Meteorology, Agricultural Engineering, Urban Planning, Maritime, and Marine Science. This will be our next priority,” dagdag niya. Nagpaalala naman si Cua na ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon ay isang daan tungo sa mas magandang hinaharap para sa ating probinsiya.
“When we invest in education, we are securing a better future not only for the individuals but the society as a whole,” saad ng gobernador.
Kaugnay nito, binigyang-diin din niya na wala nang mas susulit pa sa paglalaan ng pondo’t mga programa para sa ikauunlad ng mga Catandunganon.
“There is nothing more worthwhile than investing in the development of the Catandunganon minds,” kaniyang pagtatapos.