3 minute read
200 tablets ihahandog ng PLGU sa mga estudyante ng CatSU
Dalawang-daang smart tablets ang nakatakdang ipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa mga piling estudyante ng Catanduanes State University (CatSU) sa pangunguna ni Gov. Joseph C. Cua.
Ang aksiyong ito ng lokal na pamahalaan ay pagtugon sa hiling na donasyong smart phones at tablets ni CatSU President Patrick Alain T. Azanza, upang maihandog sa mga nangangailangang estudyante ng nabanggit na unibersidad.
Advertisement
Sa ipinadalang sulat kay Dr. Patrick Alain T. Azanza, pangulo ng CatSU, ipinahayag ni Governor Cua na naging mahirap para sa mga estudy- ante ang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil sa bagong sistema ng edukasyong dala ng pandemiya.
“With the radical shift in the education system brought about by the COVID-19 pandemic, I understand how difficult it is for both the educators and the students to adjust in remote and/or virtual learning,” saad ng Gobernador.
Maliban dito, bahagi rin ang aksiyong ito sa pagsasakatuparan ng pangako nitong maging katuwang ng CatSU sa pagkamit at pagbigay ng kalidad na edukasyon sa mga Catanduanganon, pagpapatuloy ng sulat.
– Catandunganon
Tapos na ang mga araw ng pangungutang para sa mga magulang ni Catherine Tolentino, matapos niyang mapabilang sa pitong Catandunganon na napagkalooban ng limang taong scholarship ng programa ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes.
“Pa, Ma, tama na po ang pangungutang, scholar na ako,” taasnoong sinabi ni Catherine Tolentino sa kaniyang maikling mensahe nitong Hulyo 29, 2021, sa ginanap na Memorandum of Agreement Signing para sa mga bagong iskolar ng Catanduanes.
Ayon kay Tolentino, noong nalaman niya ang Catanduanes Medicine and Law Scholarship Program ng lokal na pamahalaan, nilkasan niya ang kaniyang loob na magpasa ng aplikasyon, kahit na para sa kaniya’y napaka-imposibleng matatanggap siya.
“Hindi na ako nagpatumpik- tumpik pa, muli kong nilakasan ko ang aking loob para sa pangarap, para sa aking kinabukasan,” ani Tolentino.
Sa kabilang banda, ibinahagi ng iskolar na hirap ang kaniyang pamilya sa paglikom ng pera para sa kaniyang tuition, lalo na’t nag-retiro na sa kaniya-kaniyang propesyon ang kaniyang mga magulang.
“Being raised in an average-income family, with both retired parents, napakahirap makabuo ng ipambabayad ng 6-digit tuition fee per semester ng aming paaralan,” banggit niya.
Binalikan din nito ang mga panahong kinailangan niyang magpadala ng promissory note sa kaniyang paaralan para lamang sa maipagpatuloy ang kaniyang pagaaral.
“Naalala ko na kailangan kong magpadala ng promissory note sa admission officer or cashier para
Samantala, ipinahayag naman ni Dr. Azanza ang kaniyang pagpapasalamat sa Gobernador sa isang Facebook post. Ayon sa kaniya, higit na kailangan ang kooperasyon at pagtutulungan ng kanilang unibersidad at ng pamahalaan lalo na sa mga panahong ito.
“Mabalos tabi Gov. Cua sa dakulang tabang na ini para sa satuyang mga estudyante na nangaipo tabi nin suporta hali sa gabos. This kind of partnership, and mutual cooperation are what we need with our local government units (LGUs),” pahayag ng Pangulo.
Ikinagulat din ni Azanza ang biglaang pagbisita ng Gobernador sa CatSU upang personal na magbigay suporta at asistensiya sa mga planong programa at proyekto ng unibersidad.
“Instead of inviting me to the Capitol, he said he personally wanted to express his support to my vision as well as plans and programs for the Catanduanes State University. He found time and squeezed into his busy schedule this surprise courtesy call,” ani Azanza.
Ayon sa pangulo, naging mainit ang pagtulong at pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng lalawigan, na pinangungunahan nina Governor makapagtake ng prelims, midterms, at finals,” dagdag pa nito.
Cua at Congressman Hector Sanchez.
“Our LGU’s, led by Governor Cua, have warmly responded and have given strong support to our vision and plans for CatSU. Cong. Hector Sanchez, who sits as member of the CatSU Board of Regents has also expressed his full support,” wika nito.
Nakatakdang maipamahagi ang mga nasabing tablets bago magtapos ang taon. Maliban sa 200 tablets na ihahandog ng Kapitolyo, mayroon pang karagdagang 500 smart phones ang ihahandog ang isang pribadong sektor sa mga piling mag-aaral.
Sa kabila nito, malakas pa rin ang loob ni Tolentino para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral at maging isang ganap na doktor.
“Hindi kami mayaman, pero may buo at malakas na loob ako para tapusin ang sinimulan ko,” ayon sa kaniya.
Dinagdag pa niya na walang imposible, at tibay at lakas ng loob na taglay ng isang tao ang magdadala sa kaniya sa tagumpay.
“Kapag gusto mo, magagawan ng paraan kahit na napaka-imposible. Persistence really pays off and success is always reachable if you really want it,” pagtatapos niya.
Si Tolentino ay kasalukuyang nag-aaral ng medisina sa AMEC –Bicol Christian College of Medicine sa Legazpi City.