1 minute read
ISANG ISLA, SAMASAMANG PAGBANGON
Nang hagupitin ng Super Typhoon Rolly ang Catanduanes noong Nobyembre 1, 2020, nag-iwan ito ng malaking pinsala sa mga ariarian at maraming kabuhayan. Milyon-milyon din ang naitalang pinsala sa imprastraktura at agrikultura. Pinadapa nito ang linya ng komunikasyon at ilang buwan ding walang kuryente sa kalakhang probinsiya.
Advertisement
Umere sa milyon-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa, sa mass at social media ang pagdaan ng Bagyong Rolly. Nagbigay-daan ito upang mas maraming tao ang maging mulat sa kinahinatnan ng Catanduanes at mga karatig-probinsiya. Dito nagsimula ang kampanyang #TindogCatanduanes.
Matapos ang sakuna, umusbong ang malasakit ng karamihan. Bumuhos ang tulong at donasyon. Kapit-bisig sa pagsasaayos ng mga bahay, pagtatayo ng mga poste, at pagdadala ng mga relief good sa mga nasalanta. Buhay na buhay ang bayanihan sa bawat isa.