1 minute read

Motortrade nagpaabot ng 1.1-M medical supplies sa lalawigan

Personal na tinanggap ni Governor Joseph C. Cua ang mga donasyong medical supplies na nagkakahalagang P1,100,000 mula sa Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation sa turnover ceremony na ginanap sa Provincial Health Office nitong Hulyo 09, 2021.

Advertisement

Ayon sa gobernador hindi madali ang paglaban sa pandemya, kaya naman aniya ang mga donasyong mula sa pribadong sektor gaya ng Motortrade ay malaking tulong para sa maayos na serbisyong medikal ng mga hospital at rural health unit sa lalawigan.

“The assistance from the private sector, like the Foundation, has been an immense help in ensuring that our local health system remain pushing forward despite a lot of challenges,” saad ni Governor Cua.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng gobernador kay Motortrade president Thomas Ongtenco, at sa managing trustee ng foundation Helen C. Ongtengco, sa mga natanggap na donasyon ng lalawigan.

Nakapaloob sa naturang donasyon ang 1,550 kits ng Surgentech Antigen Rapid Test Kit, 72 units Blood Pressure (BP) apparatus set, 72 units Pulse Oxymeter, at 62 units Oxygen Tank na ipamimigay sa pitong Municipal hospitals at labing-isang Rural Health Units sa buong lalawigan.

Kada RHU ay nakatanggap ng 50 test kits, tatlong BP apparatus at dalawang oxygen tank samantala ang mga district hospital ng Pandan, Viga, Gigmoto, Bato, San Andres at Caramoran ay tatanggap bawat isa ng 125 test kits, limang BP apparatus at lima namang oxygen tank. Ang Eastern Bicol Medical Center naman ay tumanggap ng halos 250 pirasong test kits, at sampung

BP apparatus at oxygen tank. Dumalo sa naturang turnover ceremony ang kinatawan ng Motortrade na si Jane S. Bagadiong, Motortrade area manager, Provincial Health Officer Dr. Hazel Palmes, EBMC chief Dr. Vietrez Abella, mga branch head ng Motortrade, at iba pang mga opisyal ng provincial at municipal health office ng probinsiya.

Program.

Samantala, lahat na SK sa loob ng isla-probinsiya ay kwalipikado upang magawaran ng Most Outstanding Sangguniang Kabataan Award.

Para naman magawaran ng parangal ang isang proyekto ng kabataan, ito ay kinakailangang nakaangkla sa tinatawag na ‘Nine Centers for Youth Participation’ alinsunod sa Philippine Youth Development Plan 2017-2022.

Nakasaad din sa nasabing ordinansa na ang proyekto ay kinakailangang naipatupad na nang halos isang taon upang maging kwalipikado na magawaran ng parangal at mayroon aniyang “verifiable” at “significant” na resulta.

Ang mga organisasyon at SK ay kinakailangan ding makitaan ng mga sumusunod na pamantayan para magawaran ng parangal: Effectiveness, Good Planning, Transparency, Financial Accountability, at Promotion of People’s Participation and Empowerment.

Samantala, ang mga proyekto na ipinapatupad aniya ay kailangan mayroong ‘Positive Results and Impact on Stakeholders, Promotion of People’s Participation and Empowerment, Effective Use of Resources, Innovation, and Transferability and Sustainability’.

This article is from: