4 minute read

Ordinansa, programa sa typhoon preparedness, hinmok ni Cua sa mga alkalde, SP member

Pagpasa ng mga ordinansa at mga programa tungo sa pagpapalakas ng depensa ng isla laban sa malalakas na hagupit ng bagyo ang hinimok ni Gov. Joseph C. Cua sa mga alkalde at mambabatas ng Catanduanes.

Sa ulat-probinsiya ni Governor Cua noong ika-18 ng Enero, hinamon niya ang mga mambabatas na magpasa ng mga ordinansa upang mas mapaigting ang paghahanda ng lalawigan sa mga kalamidad, tulad ng Super Typhoon Rolly na humagupit sa isla noong Nobyembre 2020.

Advertisement

“Resiliency, alone, is not enough. Something has to change. Let us find our resolve in moving forward as smarter citizens of a typhoon-prone island. Our minds must be geared towards a proactive disaster preparedness response,” wika ni Governor Cua.

Binigyang-diin din ng Gobernador na kailangang magpasa ng mga batas na magtatatag ng typhoon-resistant na mga imprastraktura tulad na lamang ng mga paaralan, opisina ng mnga pribadong sektor at ng pamahalaan, at higit sa lahat mga evacuation centers.

Maliban dito, hinimok din ni Cua ang mga alkalde na maglaan ng malaking pondo sa pagdadagdag ng mga cell sites at pagsasaayos ng mga service providers sa lalawigan, nang sa gayon ay mas mapadali ang komunikasyon sa pagitan ng mga munisipyo at ng Kapitolyo sa mga panahon ng kalamidad.

“We cannot afford to make the same mistakes again. It is no longer a question that we are indeed resilient people. But resiliency entails learning from our past experiences, and not tolerating inaction,” saad nito.

‘SIRONG SA HARONG’

Ipinagmalaki rin ng Gobernador ang bagong “Sirong sa Harong” program, kung saan ipagkakalooban ng limang kilong bigas ng lokal na pamahalaan ang mga pamilya o indibidwal na makakapagbigay ng tulong, pagkain man o tahanan sa mga panahon ng kalamidad.

‘RESILIENCY IS NOT ENOUGH’ ang naging tugon ni Gov. Joseph C. Cua sa paghikayat niya sa mga alkalde at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng mga ordinansang magpapatatag at maghahanda sa isla Catanduanes sa mga panahon ng kalamidad, tulad na lamang ng Super Typhoon Rolly noong 2020.

“Gusto kong bigyang diin na hindi ito aking programa, ito ay programa na mula sa kultura ng mga Catandunganon. Let us show the rest of the country that this virtue is worth emulating,” pagmamalaki nito.

Batay sa datos ng Emergency Operations Center (EOC), mahigit 57,500 na mga Catandunganon ang lumikas sa mga pribadong bahay, higit na marami kung ikukumpara sa 10,000 na mga Catandunganong lumikas patungo sa mga government-owned evacuation centers.

UPDATE ON TYPHOON-RELIEF

EFFORTS

Ayon din kay Governor Cua, hindi matatapos sa pamamahagi ng relief packs ang pagbangon ng isla ng Catanduanes mula sa hagupit ng Super Typhoon Rolly.

“Mga kaibigan, hindi pa tayo tuluyang nakakalagpas sa pagsubok na dulot ng nakaraang bagyo. Ngunit, asahan ninyong hindi tayo padadaig sa mga pagsubok na ito. We will not slack off,” saad nito.

Ibinahagi niya na nakapamahagi ang lokal na pamahalaan ng nasa 179,000 na relief packs sa mahigit 76,000 na pamilya sa 11 na bayan. May naipamahagi rin na nasa mahigit 2,000 laminated sacks at hygiene kits.

“Sa ngayon, umabot sa humigit kumulang 12,000 ang yero na ating naipamigay, at sa mga susunod na araw, may darating pang karagdagang suplay nito,” pagpatuloy dito, kung saan dinagdag niya ang mga yero ay galing sa mga donasyon.

DOH-Bicol suportado ang pagtatayo ng blood bank sa Catanduanes

Handang magbigay ng asistensiya ang mga miyembro ng Department of Health (DOH) – Bicol kung sakaling maaprubahan ang inihaing resolusyong magtatatag ng blood bank sa isla ng Catanduanes.

Inamin ni DOH-Bicol Representative Maita M. Mortega, at kasalukuyang coordinator ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) na ikinalulugod ng kanilang ahensiya ang planong ito.

Hinimok din niya ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang inihaing resolusyon ni Provincial Board Member Santos V. Zafe, ng

“It entails support from the province… since hospital-based siya. For the minimum requirements po [sa pagkakaroon] ng hospital blood bank, [ang kailangan ay] 1 pathologist, 9 medical technologists, 2 phlebotomists, and 1 registered nurse,” paliwanag ni Mortega sa isinagawang pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan, Hunyo 22, 2021.

Iminungkahi rin ng NVBSP coordinator na mas makabubuti kung magkakaroon ng consultation meetings sa pagitan ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC) at mga opisyal ng lalawigan para pag-usapan ang tungkol sa imbentaryo at karagdagang empleyado.

Sa kabilang banda, hiniling ni EBMC Chief of Hospital Vietrez Abella na gumawa na lang ng isang yunit na hahawak sa blood bank, at huwag nang idagdag pa ang naturang plano sa sangay ng EBMC.

“Madali magstart-up, [ang] mahirap ‘yung magmaintain,” pagamin ng EBMC chief.

Sa kasalukuyan, pito lamang ang regular na medical technologist sa kanilang hospital, kakaunti kung ikukumpara sa 40 na medical technologist na minimum requirement na itinakda ng national government.

Aquino.

Paliwanag naman ni Josefina Reyes, isa sa mga medical technologist ng EBMC, kailangan umano masunod ang minimum requirement dahil may iba’t ibang tungkulin ang bawat isa – koleksyon, pagpoproseso, at distribusyon ng dugo na kailangan suriin.

Samantala, inamin naman ni Celia Romano, provincial coordinator ng NVBSP, na lubos na naapektuhan ng pandemiya ang suplay ng dugo sa probinsiya, maging ang blood donation programs na regular isinasagawa sa mga munisipyo.

Ayon sa datos ng NVBSP ng DOH Central Office noong 2020, bumaba ng 1,041,037 bags o 22 porsiyento ang suplay ng dugo na kanilang nakolekta kumpara sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Mortega, ang resolusiyong ito ay malaking tulong sa pagpapabilis ng proseso ng pagsalin ng dugo dahil hindi na kakailanganin pang ipadala sa mainland Bicol ang mga blood sample para sa pagsusuri.

Tugon naman ni Dr. Robert John Aquino, Provincial DOH Officer, puwede naman makiusap at magpadala ng sulat sa national government kung kinakailangan.

“Siguro let us write a letter na lang sa licensing department [of national government] to consider [the suggestion], and provided also the explanations,” mungkahi ni Dr.

Samantala, kung maisasakatuparan ang naturang blood bank, Catanduanes ang tanging isla-probinsiya sa Bicol na magkakaroon ng sariling blood bank na may kapasidad sumuri ng dugo.

Sa ngayon, BRDC sa Albay, at Bicol Medical Center sa Camarines Sur ang tanging may kakayahang sumuri ng mga nakokolektang dugo para sa lahat na probinsiya sa rehiyon.

This article is from: