2 minute read
P2k-10k educational assistance program para sa mga nasa kolehiyo, aprubado na ng SP
Aprubado na sa ikatlo at huling pagdinig ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang ordinansa na magbibigay educational assistance sa mga estudyanteng nasa pribado at pampublikong kolehiyo o unibersidad ng lalawigan.
Sa botong 11-0, nakalusot nitong Setyembre 13, 2021 ang resolusyon na inihain ni Provincial Board Member Robert Fernandez na aamyenda sa Provincial Ordinance No. 018-2013 o ang College Education and Livelihood for the Youth (CELY) Program na tatawagin ng “College Education Financial Assistance Program (CEFAP)”.
Advertisement
Ayon kay Fernandez, layunin ng CEFAP na magbigay ng ayudang pinansiyal sa mahigit 800 na estudyanteng nasa kolehiyo.
“This [CEFAP] will provide financial aid to the less fortunate Catandunganons,” saad ni Fernandez.
Ang programa aniya ay produkto rin ng kaniyang pakikipag-ugnayan kay Gov. Joseph C. Cua at sa tulong din ng kaniyang mga kasamahan sa SP.
“We [Governor Cua and SP members] have pushed [this] for the continuous inclusion of provisions in the provincial programs and budget for scholarships in our State Universities and Colleges (SUCs),” dagdag pa niya.
Nakasaad sa ordinansa na ang mga estudyanteng nasa pribadong institusyon ay makatatanggap ng
P4,000 kada semestre kung saan mas malaki ito ng P2,000 sa kasalukuyang tinatanggap ng mga benepisyaryo ng CELY Program.
Samantala, ang mga estudyanteng nasa pampublikong unibersidad naman gaya ng Catanduanes State University (CatSU) ay makatatanggap ng P2,000 kada semestre. Ito ay mas mababa ng 50 porsiyento dahil walang binabayarang matrikula sa State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa batay sa RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.
Nabanggit din ni Fernandez na ang naturang batas umano ang dahilan upang amyendahan ang CELY program at magkaroon ng bagong programa.
“The main purpose of the revision of an existing ordinance [CELY program] is to provide a more aligned policy to the current situation of higher edication,” paliwanag ng SP member.
“The original ordinance provides subsidized tuition-free education [in SUCs] but it is no longer applicable because of the RA 10931,” dagdag pa niya.
Bukod pa rito, nakapaloob din sa panukalang ordinansa na may halos 200 piling mag-aaral ang makakukuha ng P10,000 kada semestre, kung saan P2,000 ang nakalaan sa transportation allowance, P5,000 para sa living allowance at P3,000 naman para sa internet allowance.
Kaugnay nito, tanging mga estudyante mula sa mga kolehiyo at unibersidad na may 92 o 1.8 General Weighted Average (GWA) ang kwalipikadong maging benepisyaryo ng P10,000 scholarship grant.
Samantala, ang mga mag-aaral na may 85-92 0 2.2-1.8 na GWA ay maaaring makapasok sa P2,000 na ayudang pinansiyal sa pampub- likong kolehiyo at P4,000 naman sa pribado.
NAGBUNGA ANG PAGTUTULUNGAN nina Gov. Joseph C. Cua at Provincial Board Member at Chairman ng Committee on Education Robert Fernandez dahil naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang College Education Financial Assistance Program (CEFAP) na naglalayong magbigay ng pinansiyal na asistensiya sa mga estudyanteng nag-aaral pampubliko at pribadong kolehiyo sa lalawigan.
Batay sa naturang panukala, halos 15 milyong piso ang taunang pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.
Sa ngayon, ang pinal na kopya at pirma ni Governor Joseph C. Cua na lamang ang hinihintay upang tuluyan na itong maging ordinansa at maipatupad sa isla-probinsiya.