1 minute read

Gov. Cua nakiusap sa PLDT ukol sa reactivation ng lease line sa lalawigan

Hiniling ni Gov. Joseph C. Cua sa PLDT ang re-activation ng lease line para sa Provincial Capitol at mga pampublikong hospital sa lalawigan sa ginanap na pulong nitong Pebrero, 18, 2021.

“Baka pwede tayo makahiram sa Catanduanes ng temporary; lagyan natin ‘yung provincial hospital at kapitolyo, kasi talagang very essential sa amin ang malakas na internet. Tulad ngayon, due to this pandemic, puro Zoom meeting na, which hindi kami nakaka-attend because of poor internet,” saad ng gobernador sa naturang pulong.

Advertisement

Ayon kay Governor Cua, ang kaniyang hiling ay bilang karagdagan sa lumang radio internet equipment na kasalukuyang ginagamit ng lokal na pamahalaan.

Ito rin ay pansamantalang solusyon lamang upang maresolba ang problema kapag mayroong mga birtwal na pulong, aniya.

Kaugnay nito, hiniling din ng gobernador sa PLDT na bilang per- manenteng solusyon sa problema ng internet connection, kailangan kumuha ang Kapitolyo ng 200 mbps iGate dedicated internet plan upang sa darating pang mga taon, maaari rin aniya itong maipatupad sa buong probinsiya.

PAGPAPALAKAS NG INTERNET SERVICE

Samantala, ilang taon mula ngayon ay mararamdaman na ayon sa PLDT ang 10 Gbps bandwith ng fiber internet at mas pinabilis na mobile internet sa isla kapag natapos umano ang paglatag ng mga fiber-optic cable.

Dagdag pa ng naturang kompanya, malapit na ring matapos ang mga natitira pang fiber-optic segments na tatawid sa pagitan ng mga bayan ng Viga-Baras (A2), Caramoran-Viga (A3), and Lictin-Caramoran (A4). Samantala, ang linya ng Virac-Baras (A1) aniya ay natapos na noong Disyembre 2020 pa.

“Yung remaining three segments po, hopefully ma-complete po siya within the first quarter of this year.

Pero I’m not sure with our engineer-

PARA SA PAGPAPALAKAS, PAGPAPALAWAK NG MOBILE CONNECTION

ing team if makakaya pong ma-meet pa ‘yung target kasi sana po wala na pong mga unforeseen events na mangyari,” saad ng isang PLDT official.

Dagdag pa ng opisyal, sa nakalipas na taon hanggang ngayon, ang Catanduanes aniya ay umaasa lamang sa internet signal mula sa radyo kung kaya’t kapag masama ang panahon at may kalamidad gaya ng bagyo, nawawala o humihina ang mobile internet at cellular phone signal sa isla-probinsiya.

This article is from: