cavite_35

Page 1


2

MAYO 02 - 08, 2010

Campaign group lider, pinagbabaril! NI SHELLA SALUD

BACOOR, CAVITE – Patay ang lider ng isang campaign group matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kamakailan sa nasabing bayan. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Eusebio, 54, lider ng campaign group na sumusuporta sa Nacionalista Party mayoralty candidate at dating alkalde ng Bacoor Jessie Castillo. Ayon kay Senior Superintendent Primitivo Tabujara, Cavite police director, naglalakad si Eusebio sa Barangay (Village) Niog 1 dakong 11:00 ng gabi nitong nakaraang Sabado, nang makasalubong niya ang suspek. Nagkaroon di umano

ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa na nagresulta sa pagbaril ng suspek kay Eusebio ng apat na beses. Naisugod pa sa ospital si Eusebio ngunit di nagtagal ay nawalan din ng buhay. Samantala, tumakas naman ang suspek sakay ng pedikab matapos ang pangyayari. Ayon sa pulisya, maaring pulitika ang dahilan ng pagpatay kay Eusebio ngunit hindi sarado ang imbestigasyon sa iba pang

anggulo ng pagpatay sa biktima. Ayon naman kay, Supt. Ramil Montilla, Bacoor police chief, minsan ng nasangkot si Eusebio sa kasong frustrated murder at nabigyan ng arrest warrant. Samantala, dahil sa mga sunud-sunod na kaso ng pag-gamit ng baril sa Bacoor ay hiniling ni Cavite first district Congressman Joseph Emilio “Jun” Abaya sa Comelec na ideklarang hot spot ang nasabing lugar.

Malugod na tinaggap ni Mayor Nonong Ricafrente kay Mr. Peter Anthony Abaya, CEO ng PNOC Development and Management Corporation, ang katibayan na nailipat na sa Pamahalaang Rosario ang lupa ng PNOC kung saan makikinabang ng lubos ang mamamayan ng Rosario Cavite.

450 katao, nawalan ng trabaho! ROSARIO, CAVITE – Halos 450 na manggagawa ng isang electronics company ang biglaang nawalan ng trabaho kamakailan. Gulat ang sumalubong nitong nakaraang Lunes sa 450 na mangagawa ng Dyna Image Corp. Philippines sa Cavite Economic Processing Zone Authority o EPZA nang ibigay sa mga ito ang papel na naghihintay ng pirma para sa kanilang separation pay. Ayon sa reklamo ng mga manggagawa, ang nasabing pagtanggal sa kanila ay epektibo pa sa darating na Mayo 10. Ayon kay Virgielita Morite, presidente ng

Samahan ng Manggagawa sa Dyna Image Corp. Philippines Independent Union, pinipilit di umano sila ng kumpanya na pirmahan ang cheke para sa kanilang separation pay Hanggang sa mga oras na ginagawa ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang nasabing kumpanya ukol sa nangyaring biglaang pagtanggal ng mga mangagawa. Ayon pa kay Morite, kinumpiska di umano ang kanilang mga cellphone upang hindi sila makakontak sa labas. Dagdag pa ni Morite, tinakot di umano sila na kung hindi sila pipirma

ay ide-detain sila sa loob ng kumpanya. Ayon naman kay Dennis Sequena ng Partido ng Manggagawa (PM) sa Cavite, kung ang pagkalugi ang dahilan kung bakit biglang nagtanggal ng manggagawa ang Dylan Corporation ay dapat mas minabuti nilang alisin na lamang ang overtime o ibang benepisyo bago tuluyang nagtanggal dahil ito ang payo ng DOLE. Gayun pa man, pumayag naman ang Dylan na bayaran ang natitira pang araw ng mga natanggal na manggagawa hanggang Mayo 10. E. PEÑALBA


MAYO 02 - 08, 2010

Apat na sasakyan nagkarambola, 17 sugatan! NI WILLY GENERAGA

BACOOR, CAVITE – Sugatan ang 17 katao matapos ang aksidenteng naganap sa pagitan ng apat na sasakyan sa nasabing bayan kamakailan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari, naganap sa Molino Blvd. nitong nakaraang Lunes, dakong 11:00 ng

gabi, isang Mitsubishi sedan ang bigla na lamang nag-overtake sa kabilang lane at sumalpok sa paparating na Mitsubishi Adventure. Nadamay naman ang dalawa pang sasakyan, Nissan Urvan at Dodge Ram truck na kasunod lang ng Mitsubishi Adventure. Tumakas naman ang driver ng Mitsubishi sedan matapos ang aksidente, ngunit napagkilanlan bilang Luisita Labares dahil sa naiwan nitong driver’s licence na naging dahilan ng pagkadakip dito. Kasalukuyang hawak ng pulisya si Labares upang lubos na maimbestigahan ang pangyayari.

3

Hustisya para kay Jacinto ipinanawagan sa Facebook SINUPORTAHAN ng halos 3,000 katao ang Facebook page ni Daniel Lorenz Jacinto, biktima ng frat hazing, na naglalayong manawagan ng hustisya. Maaalalang nagtamo ng malubhang mga pasa sa katawan si Jacinto, engineering student ng MAPUA sa Trece Martires, na naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa burol ni Jacinto nakiramay ang mga kaibigan at kapamilya ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt, may pin at mga puting lobo na sumisimbolo nang paghingi ng hustisya.

“Kinuha nila ang anak ko na malusog, isinoli nila nang durogdurog. Naiingit ako sa mga magulang na di makapagpaaral pero buhay ang anak nila. Ako, iginagapang ko pero patay naman,” malungkot na pahayag ng ama ng biktima na si Danny Jacinto sa isang panayam. Hinihingi naman ng pamilya Jacinto sa ilang suspek na nadakip na pangalanan ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni Daniel kabilang na ang president ng Cavite Cardinals Fraternity, kung saan umanib si Daniel. JUN ISIDRO

PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


MAYO 02 - 08, 2010

4

Ang putang amang si Isiong Armintia MINSAN, sa isang kasiyahan ng Responde Cavite na ginanap sa Amy’s Resort, nag-umpukan sa isang mesa ang inyong lingkod, si Prof. Eros Atalia, si Prof. Feddie Silao, si Efren Abueg, Ph, d at Piskal Dante Filoteo. Halos lahat sila ay kampeon sa kani-kanilang mga larangan. Mga mahuhusay at de kalidad na kolumnista. Sa aking palagay, walang puwedeng kumuwestiyon sa kanilang mga husay at galing sa kanilang mga larangan. Nang biglang tumira si Piskal Filoteo— “Ikaw pala, Prof,” sabi ni piskal na ang tinutukoy ay si Prof. Silao “Ay naging vice president ng UPDiliman?” Ngiti ang sinagot ni Prof. Silao. “Hindi naman sa minamaliit kita, prof,” banat uli ni Piskal Filoteo, “”Yung isang kilala kong kolumnista, presidente.” Kumunot ang noo ni Prof. Silao. “Presidente ng UP?” tanong nito kay piskal. “Hindi!” mabilis na sagot ni Piskal Filoteo. “Presidente ng bus driver association.” oOo Isang umaga ay sinugod ang tanggapan naming ng isang van na puno ng mga drayber ng baby bus, kasama ang tatlong presidente ng mga samahang kanilang kinabibilangan. Hinarap sila ng aming editor-in-chief. Katakottakot na reklamo ang kanilang ipinarating sa amin laban sa isang Mauricio E. Armintia alyas Isiong. Presidente at founder daw ito ng NECDA-CATADOA ASSN., ayon sa papel na kanyang pinirmahan. Wala akong planong pakialaman ang anumang reklamo sa putang amang si Isiong na ito dahil hawak na ito ng desk. Nag-init lang ang punong-tenga ko nang marinig ko ang mga kasinungalingang pinagsasasabi nitong si Isiong sa cellphone. SUNDAN SA P.5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor shella salud jun isidro acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Balot ng hiwaga ang balota MAYO 1, 2010 ay ang dakilang Araw ng Paggawa. Silang mga limot na bayani ng bansa. Mula sa kanilang pawis, luha at dugo ay naitayo ang mga dambuhalang gusali, naglalawakan at naglalaparang lansangan, nagiging abala ang mga pagawaan, may sumusugat sa dibdib ng mga bukirin at palayan, may lumulusong sa maalon na karagatan... silang mga nagpapakain ng bansa ngunit laging gutom, silang mga nagdadamit ng madla ngunit laging hubo’t hubad, silang lumilikha ng mga tahanan ngunit walang sariling bahay, silang lumilikha ng kinabukasan ngunit kinabukasan nila ay hindi matanaw. Ngayong darating na Eleksyon, kakasangkapanin na naman sila. Pangangakuan ng langit at lupa. Pupurihin at dadakilain. Ngunit hanggang doon na lang. Dahil ang mga batas ng Pilpinas ay nilikha hindi ng mga mangagawa kundi ng mga malulupit sa mga ito. Hindi ng mga maralitang tagalunsod kundi ng mga nagpapa-bulldoser ng mga dampang tahanan. Hindi ng mga mangagawang bukid kundi ng mga panginoong may lupa. Silang mga limot na bayani ng bansa ay taon-taong nangangarap ng kaunti umento. Umentong hindi naman nila ikayayaman, ngunit ikadaragdag lang ng ilang subo ng kanin at ulan. Kaya, bilang pagtanaw sa kadakilan at kaapihang kapwa dinaranas ng mga manggagawang Pilipino,

gamitin natin ang balota upang kahit paano ay mapahalagaan ang mga manggagawa. Humanap tayo ng mga kinatawan na nanggaling at patuloy na nanggagaling sa kanilang hanay. Mula konggreso hanggang sa konseho, humanap tayo ng mga lider na kakatawan sa hindi gaanong kinakatawang pinakamalaking sektor ng bansa. Mahiwaga ang balota. Kaya nitong baguhin ang ating kinabuksan... kahit paano. Mahiwaga ang balota, kaya nitong katawanin ang tinig ng bansa... kahit paano. Kaya naman, kung mananaig pa rin ang oligarkiya at pyudal na sistema, wala tayong dapat sisihin kundi ang maling pagpapahalaga natin sa balota. Oo. Walang santong politiko. At hindi natin kailangan ng santong politiko. Kailangan lang natin ang mga lider na tunay na tao. May tunay na pagpapakatao. May tunay na pagpapahalaga sa kapwa-tao. Sa lalawigan ng Cavite, may mga tumatakbo pa bang galing sa hanay ng maralita? Kumakatawan sa mga tinig na galing sa mga laylayan ng lalawigan? Hindi nahihiga sa salapi. Hindi yumayaman sa dugo at pawis ng kapwa? May mga tumatakbo pa bang tunay na palaban? Tunay na makabayan? Yun bang tipong laking lansangan? Mayroon pa naman. May iilan. Kung sino man sya... He is my Bet. Palaban, makabayan, laking lansangan!

Lumalaki ang hinanakit sa magulang Binibining Bebang, Parating nasa trabaho ang mga magulang ko kaya’t madalang lang kaming magkita. Nang dahil dito ay lumalaki na ang hinanakit ko sa kanila. Pilit kong iniintindi na ang lahat ng ginagawa nila ay para rin sa amin. Ang ipinagtataka ko lang, naiinis ako sa tuwing nakakakita ako ng kompletong pamilyang nagsasaya at namamasyal. Atom ng Marcelia Street, Bagbag, Rosario, Cavite Mahal kong Atom, Inggit ang tawag diyan. Naiinggit ka dahil ikinukumpara mo ang pamilya mo sa ibang pamilya. Alam mo, Atom, ang pamilya, dahil binubuo ng tao, ay magkakaiba. Kung ikukumpara mo ang pamilya mo sa ibang pamilya, dalawang bagay lang ang mangyayari: yayabang ka o malulungkot ka. Alinman diyan ang mangyari sa iyo ay hindi maganda. In short, pangit kung ikukumpara mo ang pamilya mo sa iba. Una, magpasalamat dahil buhay pa ang dalawa mong magulang. May pagkakataon ka pang makapiling sila sa hirap man o ginhawa. Magpasalamat din at may trabaho sila. Sigurado akong marami kayong natatamo dahil sa mga trabaho nila. Blessings iyan, tanong mo man kay God. Ikalawa, tanggapin ang sitwasyon: konti ang oras ng magulang mo para sa inyo dahil sa kanilang mga trabaho. Kung hindi mo ito tatanggapin, patuloy kang maghihinanakit sa kanila. Ikatlo, gumawa ng hakbang para makatulong sa pagpapagaan ng sitwasyon. Sangkatutak ang paraan ng pagba-bonding, hindi lang naman iyong pamamasyal nang magkakasama. (Actually, magastos pa nga iyon, e.) Heto ang ilan kong mungkahi: 1. Mag-conference o group chat. Kung nadestino sila sa malayo, i-request mo sa kanilang mag-usap kayo sa pamamagitan ng chat. Habang nagcha-chat, turuan mo na rin sila ng mga kahulugan ng LOL (laugh out loud) at GTG (got to go). O kaya, mag-imbento

kayo ng bagong emoticons tulad ng :) para sa smiley , :)) para sa smiley na double chin at :)> para sa smiley na may goatie. Malay mo, bigla mong matuklasang emoticon expert pala ang tatay mo. 2. Mag-party sa bahay. Oo,kahit walang okasyon. Puwede rin namang mag-imbento ng okasyon, kunwari: Araw ng mga Gulay. Tapos ang handa ninyo, na iluluto mo at ng mga kapatid mo (kung meron kang kapatid) ay puro…gulay! Huwag kalimutang magsuot ng something green, ha? Gumawa rin ng imbitasyon para mas maagang mapaghandaan ito ng mga magulang mo. Malay mo, mag-uwi pa sila ng ampalaya shake sa araw ng inyong kasiyahan. 3. Sunduin sila o daanan mula sa kanilang trabaho. Maaari mo itong gawin hangga’t may allowance ka. Para naman mailibre mo sila sa dyip o bus paminsanminsan. (Baka naman kasi pagkasundo mo ay saka ka hihingi ng allowance. Iisipin pa ng magulang mo na kaya mo iyon ginagawa ay dahil kinapos ka sa pera at hindi dahil sa gusto mo lang silang makapiling.) Iwasan mo ring magbitbit nang marami. Saka mo na iuwi ang tone-tonelada mong mga gamit nang sa ganon, pagkakita mo sa magulang mo, ay maaari mo nang buhatin agad ang kanyang dala-dala. Siyanga pala, mag-baby cologne ka para naman amoy-baby ka pa rin kay Nanay. Ayan, sana ay nakapulot ka ng ideya. Ang punto, ikaw na ang mag-isip at gumawa ng paraan. Kontrolado mo ang iyong sarili, hindi ang iyong magulang at ang oras ng kanilang trabaho. Mainam na ikaw ang umayon sa sitwasyon. Sa susunod na makakita ka ng kompleto at nagsasayang pamilya, ngumiti ka na lang. Alam mo naman, iba’t ibang pamilya, iba’t ibang paraan ng pagsasama at pagsasaya. Kapamilya, kapuso, kaibigan, Binibining Bebang oOo Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.


MAYO 02 - 08, 2010

5

Villanueva at Aquino, dikit ang laban sa unang resulta ng HK Polls NI REX DEL ROSARIO

SINA religious leader Bro. Eduardo “Eddie” Villanueva ng Bangon Pilipinas Party (BP) at Senator Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party (LP) ang mahigpit at malapit na nagtutunggali sa pagka-Pangulo sa inilabas na early result ng 2010 overseas absentee voting (OAV) sa HongKong para sa pambansang halalan sa Pilipinas. Sa resulta ng exit polls na isinagawa ng isang local news paper na The Sun noong unang linggo ng botohan noong nakarang April 11 na nagresulta ng kabuuang botong 2,901 ay naipakitang si Bro. Eddie Villanueva (BP) ang lumamang ng 396 votes or 36.13% laban sa katunggaling humahabol na si Noynoy Aquino na nakakuha naman ng 392

DOS POR DOS

votes or 35.7%. Samantala ang pambato naman ng Nacionalista Party na si Manny Villar ay pumangatlo na nagkamit ng 204 votes or 18.6% at ang mga sumunod na presidentiables ay nakakuha lamang ng malayong agwat ng mga boto gaya ng mga sumusunod: Joseph Estrada (PMP) 34 votes, Gibo Teodoro (LAKAS-CMDKAMPI) 26 votes, Richard

Gordon (BAGUMBAYAN) 22 votes at Jamby Madrigal (Independent) 2 votes. Samantala sina JC de los Reyes (AKP) at Nicanor Perlas (Independent) ay hindi pa nakakuha ng

MULA SA P .4 P.4

Sinabi n’ya sa aming editor-in-chief na kausap n’ya sa cell phone para linawin ang ilang bagay sa mga inirereklamo sa kanya na kakilala n’ya raw ako at dati raw kaming magkasama sa diyaryo! Hoy! Isiong ro por, kailan at saan tayo nagkakilala at kailan at saang diyaryo tayo nagkasama? Nuknukan ka ng sinungaling, ah! Nuknukan pa ng ro por! Isipin n’yo sumagot sa tawag sa cell na hindi naman n’ya kilala ang number, ang hindi n’ya alam, lahat ng pakikipag-usap sa kanya ay naka-speaker phone kaya naririnig ng lahat ng taong nagrereklamo sa kanya. Nang una siyang tawagan para sabihin sa kanyang may meeting sa bahay ni Mayor Nonong Ricafrente ng 8:00 n.u. Oo siya nang oo. At nang tawagan siya si Mr. Mike del Rosario, Traffice Regulatory Unit officer ng Rosario, sinabi n’ya ng 11:00 n.u. ang meeting. Ang hindi niya alam, kaharap na ang timano ni del Rosario at narinig na ang lahat ng kanyang pinagsasabi. At ang gamit na cell phone ni del Rosario ay ang opisyal na cell phone ng Responde, kaya hulinghuli ang kanyang pagsisinungaling. Ayon, pa sa reklamo dito ng mga kapwa tsuper, ipinagmamalaki daw nito ang pagiging kolumnista. Hoy!!!! Marunong ka ba talagang sumulat, Isiong? Saan press corps ka kabilang? Anu-ano ang media affiliations mo? Sige nga, ano ang code of ethics number 11? Ano ang meaning ng PRESS? Letra por letra! At kung talagang kolumnista ka at marunong sumulat, magharap tayo kasama ang mga tsuper. Sabay tayong sumulat, ikaw na mamili ng kung anong gusto mong isulat natin. At kung talagang marunong ka, naiintindihan mo ba ang ginawa mong memo o kung anumang tawag mo sa ginawa mong sulat na ikaw ang gumawa, ikaw din ang nag-approved. May ‘by’ na may kolon (:) pa! Magpasabi ka lang kung saan tayo magdu-duwelo sa pagsusulat, darating ako.

VILLANUEVA

anumang boto. Sa pagkabise-alkalde naman ay napakahigpit at napakalapit ng laban sapagkat bagaman at nangunguna si Mar Roxas (LP) 326 votes or 30.2% ay lumamang lamang siya ng isang boto kay Atty. Jun Yasay (BP) na nakakuha naman ng 325 votes or 29%. Pumangatlo naman si Loren Legarda (NP) 198 votes or 18%. Pinaniniwalaang ang maagang pagboto ng mga kasapi ni Bro. Eddie Villanueva sa kanyang ministeryong Jesus Is Lord (JIL) Church HongKong Chapter ang naging dahilan kung kaya siya at ang mga kapartido nito sa Bangon Pilipinas Party (BP) ang mga nanguna sa naunang resulta ng halalan sa HongKong. Sa pagka-Senador naman ay nanguna si Cong. Satur Ocampo ng BAYAN MUNA 248 votes, pumangalawa si Cong. Liza Maza ng GABRIELA 221 votes na pawang mga taga Nacionalista Party (NP). Ang lima na-

AQUINO mang sumunod ay pawang mga taga Bangon Pilipinas Party (BP) muli: former ABS CBN 2 broadcaster Kata Inocencio 215 votes, Seventh Day Adventist Church leader Dr. Israel Virgines 180 votes, former MNLF Commander Zafrullah Alonto 179 votes, NBN-ZTE scam star witness lawyer Atty. Rey Princesa 178 votes at GMA 7 broadcaster Alex Tinsay 177 votes. Pangwalo naman si Bongbong Marcos (NP) 173 votes at nag-tie naman sina Jinggoy Estrada (PMP) at former MILF Commander Adz Nikabulin (BP) sa botong tig-167. At para makumpleto ang top 12 senatorial race ay pasok sina Bong Revilla

163 votes at Franklin Drilon (LP) na mayroong 159 votes. Sa partylist naman ay naguna ang GABRIELA sa botong 257 habang ang CIBAC na kaalyado ng Bangon Pilipinas Party (BP) ni Bro. Eddie Villanueva ay pumangalawa sa botong 180. Bagaman at pumangatlo ay malayo pa rin ang boto na nakuha ng AGHAM sa botong 54 lamang. Inaasahang mababago pa ang mga resultang ito lalo at ilang araw pa o isang linggo na lamang ay dadagsain pa ng marami nating kababayang OFW’s sa HongKong ang magsisipagbotohan bago magtapos ang eleksyon sa Mayo 10, 2010.


6

MAYO 02 - 08, 2010

ALL you’ve got! All your power... all your strength with all your heart! Last round! Huing hirit! Last Lap! Sa linggong ito, ito na ang huling hirit ng lahat ng kandidato. Mapa-lokal man o nasyunal. Lalong lumakas ang pagawaan ng tarpaulin, poster at sticker. Punuan at libulibo ang order para maibuhos sa last

wave ng kampanyahan. Walang gustong pasapaw. Pati ang kahuli-hulihang sentimo kung madudukot pa sa bulsa ay bubunutin para magamit sa eleksyon. Ito rin ang panahon ng pangungutang, pagbebenta o pagsasanla ng mga ari-arian ng mga pulitiko para sa huling isang lingo ng kampanyahan. Pambayad sa mga coordinators,

pambayad sa mga lider, pambayad sa watchers, pambayad sa precint worker at kung anu-ano pa. Ito na rin ang panahon ng gapangan, pamimiili ng boto at pagbebenta ng boto. Ito rin ang paglalantad ng mga naitatagong baho ng mga kalabang kandidato at paglalantad ng huling baraha. Pagarbuhan ng mga meeting de

avance, paramihan ng artista. Paramihan ng hakot. Palakasan ng pala. Show of force ika nga. Naka-red alert na ang puwersa ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya. Samantalang excited naman ang mga nangunguna sa survey na matapos na ang halalan. Habang ang mga nahuhuli ay tila gustong pigilan ang pagtak-

bo ng araw para makahabol pa sa survey. Naideliber na naman ang mga opisyal na balota sa bawat bayan na siyang gagamitin sa kaunaunahang automated elections sa bansa. Kung masusunod ang iskedyul ng Comelec, limang araw bago mag-eleksyon ay kailangang naideliber na ang lahat ng balota at UV (Ultra Violent) lamp. Nakapagsagawa na rin ng mga testing ang bawat lokal ba tanggapan ng Comelec sa pagtatransmit ng elections result mula sa PCOS

(Prec int Count Optimal Scan) patungo sa mga canvassing office at iba pang dapat batuhan ng resulta. Samantala, pinapayuhan naman ng Comelec ang lahat ng botante na magsadya ng maaga sa kani-kanilang presinto dahil sa first time umanong gagawin ang automated elections. Sa panayam naman ng Responde Cavite sa PPCRV, hinikayat nito ang lahat na magng vigilante at mapagmatyag sa anumang banta ng dayaan.


MAYO 02 - 08, 2010 BA’T di niyo sinabi na hindi pala ganun kadali ang pagboto? Para sa katulad kong baguhan sa pagboto, marahil ay maituturing na kaabang-abang ang Mayo dahil sa wakas ay mabibilang na ang boto ko. Magagamit ko na ang karapatan ko dito sa demokratikong bansa na ‘to. Siguro nga’y swerte kaming mga perstaym na botante dahil kami ang unang batch na makakaeksperyens ng automation voting: bagong sistema na hindi ko sigurado kung nakahanda na nga ba ang Comelec sa mga nakaambang aberya o maging sa simpleng proseso ng pag-organisa ng mga taong magsisispagboto. Lagi naman kasi na sa tuwing dumadating ang eleksyon, nakikita at naririnig ko sa mga balita sa dyaryo at tv ang mga aberyang nagaganap sa bawat presinto kung saan bumuboto ang mamamayan. Malamang mas malala ngayon dahil bago nga ang sistema. Hah! Kabilang pa naman ako sa mga taong matatawag na maiksi ang pasensya. Pero hindi naman yun ang pinoproblema ko. Bilang isang bagong botante syempre, hawak-hawak ko ang prinsipyo na kailangan karapatdapat talaga ang mga taong iboboto ko, dapat yung d’best! Sabi nila, dapat kilalanin mo muna ang taong iboboto mo

mula sa pinaka mababang posisyon hanggang sa pinaka mataas. Pero paano ko magagawa yun kung lagi namang nakamaskara ang mga pulitikong ito? Palaging nakatago ang tunay na anyo sa likod ng mga ngiti at matatamis na pangako. Sa pamamagitan ba ng mga proyektong nagawa ng mga ito ko sila makikilala o dapat akong tumira ng ilang araw sa malalaking bahay o condo nila para lang makilala ko ang

tunay na pagkatao ng mga ito? Minsan naglalaban din ang isip ko kung dapat bang iboto ang mga kandidatong nagsasabing kakampi nila ang mahirap, e samantalang naglalakihan ang mga muka nila sa kung saansaang kalye, isama mo pa ang tv. Sa radio naman halos maturete ka na sa paulit-ulit na pagbigkas ng kanikanilang pangalan. Para sa akin, nagmumuka silang damak na maangkin ang

pwestong tinatakbuhan nila, sa mas maiksing salita “PG” patay-gutom sa kapangyarihan. Nakakairita! E paano nga kung wala akong mapiling karapatdapat? Kailangan ba pumili pa rin ako ng pangalan sa mga tumatakbong kandidato? Kailangan ba 12 na senador ang mapili ko, kung ang sa tingin ko naman e apat lang ang karapatdapat kong iboto bilang senador? Paano kung lahat ng tumatak-

bo sa pagkagobernador e wala namang maipagmamalaking nagawa? Kailan pa rin bang pumili ako sakanila kasi sayang naman kung iiwan kong blangko ang kategoryan ito. Paano kung walang kalaban ang tumatakbong kandidato pero hindi mo naman siya gustong manalo? Iboto mo man siya o hindi..siya pa rin ang mananalo. Maituturing na mas madali pa ang midterm at final exam namin kesa

7

sa pagboto. Kasi sa exam sa school pwede akong manghula pagwalang maisagot, pedeng magmini-minimaynimo kapag nagdadalawang isip, at higit sa lahat ako lang at tanging grade ko lang ang maaapektuhan kung sakaling may mali sa mga sinagot ko sa exam. Gayunpaman ang pagboto ang isang uri ng exam na kahit hindi ganun kadaling sagutan, ay hindi ko hahayaang maging exempted ako.


8

MAYO 02 - 08, 2010

Yang Interfaith Dialogue na ‘Yan

MABENTANG pag-usapan ngayon ang paggagalangan ng paniniwala ng iba. Sa opinyon at pagtataya kasi ng ilang eksperto, relihiyon ang maaaring pagmulan ng susunod na digmaan o pandaigdigang kaguluhan (Clashes of Civilization, Samuel Huntington, Ph.D). Kaya naman, sa takot ng mga eksperto ng mundo na magkagulo (sayang kasi ang bilyones at naipundar na ari-arian ng mga bilyonaryo kung hindi nila mae-enjoy ang buhay kapag may digmaan o kaguluhan) napag-isipan nilang mag-usapusap ang mga may iba’t ibang paniniwala. Sa isang banda, okay ito. Lalo na kung magkakasundo sila na maggalangan ng paniniwal ng isa’t isa at kung maaari ay walang pakialamanan sa paniniwala ng may paniniwala. Sana nga. Kaya lang, may iba talagang pasaway. Na okay ang paniniwala ng iba, pero paniniwala nya ang pinaka-okay. Tama ang paniniwala ng iba. Pero pinakatama ang paniniwala nya. At ang masakit pa nito, kasali sa pinaniniwalaan nyang tama na ikumbinsi ang ibang tao, na mali ang paniniwala ng mga ito. Kasi naman, hindi makakatulog ang mga ito dahil kasama sa itinagubilin ng pinaniniwalaan nyang dyos o dapat, ipalaganap ang kanilang paniniwala sa ibang hindi nananampalataya. At huwag makinig sa sinasabi sa paniniwala ng iba. Kaya naman, may mga bansa na ayaw tumanggap ng ibang relihiyon. Bawal magsagawa ang mga dayuhan ng ritwal o gawi ng pagsamba. Bawal magtayo ng ibang relihiyon. Bawal magtayo ng kapilya o bahay sambahan. Pero gusto nila, kapag sila ay pumunta sa ibang bansa, papayagan silang mag-practice ng kanilang relihiyon. Dapat payagan silang isuot ang kanilang panrelihiyong kasuotan. Magpahayag ng paniniwala at manghikayat ng ibang tao. Ang

galing ano po? Ito tunay na kahulugan ng salitang ‘patas’. Dito sa Pinas, malaya ang sinumang magtayo ng relihiyon, magsagawa ng anumang bagay na may kinalaman sa relihiyon hanggat hindi ito sumusuway sa itinakda ng batas ng tao. Yeah right! Kita nyo naman na hindi kinukunsulta ng mga poltiko ang mga lider relihiyon. Kita nyo naman na kapag sinabi ng grupo ng relihiyon na ito na ang ipinapanukalang batas ay immoral ay hindi abotabot ang depensa at hingi ng pasensya ng mga mambabatas. Hiwalay ang estado at simbahan di ba? Kasi naman, kasama sa doktrina ng mga grupong relihiiyong ito na makialam sa moralidad ng lipunan. At ang moralidad na iyon ay ang moralidad na batay sa doktrina ng isang dominante’t maimpluwensyang relihiyon. Kasama sa doktrina ng relihiyong ito na magbantay sa moralidad ng lipunan, ng bansa, ng pamahalaan (hindi ko alam kung kasama sa doktrina nila na bantayan ang sariling moralidad). Kaya, napakapositibo ng pagtanaw ko sa inter faith dialogue na yan. Amen! Lider relihiyon: Iginagalang ko ang paniniwala nyong lahat, sana, igalang nyo rin ang paniniwala namin na batay sa aming paniniwala, kami ang nagmamay-ari ng Pilipinas. Bwahahaha!

“Bagong Pag-Asa ng Indang” – Narding Papa (NOTE: Noong mga nakaraang linggo ay natunghayan na natin ang mga plano at pangarap ng mga kandidato sa pagka-alkalde sa aming bayan ng Indang na sina re-eleksyunistang si Hon. Benny Dimero, Lineth Espineli at Junior Ramos; ngayon naman ay tunghayan ninyo at kilalanin rin si Narding Papa.) Ipinanganak na kapos-palad sa Indang, Cavite si Leonardo Merlan Papa o mas kilala ng mga tagaIndang na si Narding Papa na ngayon ay sumasabak sa pagtakbo sa pagka-alkalde. Kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Buna Cerca. Nag-aral at nagtapos ng pag-aaral sa Indang Elementary School at Don Severino Agricultural College (ngayon ay Cavite State University ). Nagmula sa isang simpleng konduktor lamang hangganag naging isang bus driver sa loob ng matagal na panahon at sa sariling pagsisikap ay naiahon ang sariling pamilya sa kahirapan at ngayon ay matagumpay ng maituturing na negosyante sa bayan ng Indang o maging sa lalawigan ng Cavite. Nagsimula sa pagiging konduktor at naging driver subalit ngayon ay nakapagpundar ng sariling bus company na biyaheng Indang – Pasay (vice versa) at sa paglipas ng maraming taon ang isang bus na kanyang pinagsikapan dati ay umabot na ngayon sa mahigit 50 bus units na nagbibigay serbisyo sa mga lumuluwas at umuuwing Kabitenyo. Ngayon siya ay nalilinya bilang: Businessman / Proprietor ng Ferdinad Liner mula 1994 up to present, 4 years President ng Indang-Trece-Baclaran Bus Operators at 3 years ng Cavite Upland Bus Operators Association (CUBOA). Ang pinagdaanan niyang hirap sa karanasan sa buhay ang gusto niyang maibahagi sa kanyang mga kababayan sa pagkandidato sa pagka-alkalde ng Indang. Ang kanyang mga kababayan ay nais niyang mapaunlad sa pamamagitan ng sariling sikap, katuwang ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayudang tulong at programang pangkaunlaran o pangkabuhayan. “Rex narito ang aking vision para sa bayan ng Indang: Isang pamayanang may takot sa Diyos at Lipunan, nangangalaga sa kalikasan at mamamayan, katahimikan at maunlad na bayan. Ang amin namang mission na siya na ring aming plataporma ay ang mga sumusunod: pag-unlad na nakabatay sa mamamayan at kalikasan, kooperatibang nakabatay sa kolektibong pamamaraan ng pag-unlad, sistemang bukas sa mamamayan, malimitahan kung di man tuluyang masugpo ang kriminalidad,

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – wag kang matakot, lagi kang magpakatatag! Kahit kalian, sa anumang bahagi ng iyong buhay ang langit ay mananatiling iyong kaagapay. Lucky days/ nos./ colors – Wednesday / Friday : 6 – 21 – 23 – 30 – 39 – 40 : Red AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – walang magiging problema sa love life o sa trabaho. Kung magigng bukas ang isipan sa mga suhestiyon at pagbabago. Ngayon posibleng umunlad ang career o negosyo. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Tuesday : 7 – 14 – 18 – 26 – 31 – 39 : Blue PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – iwaksi ang takot sa paggawa ng

mahahalagang desisyon sa buhay. Kinakailangang maging mapangahas paminsan-minsan at gawin ang inaakalang dapat gawin. Lucky days/ nos./ colors – Tuesday / Thursday : 2 – 21 – 27 – 36 – 41 - 44 -: Yellow ARIES (Marso 21 – Abril 19) – magiging malaking kapakinabangan sa araw na ito ang pagtataglay ng matalas at alistong isipan. Marami pang magagandang oportunidad ang darating sa iyo. Lucky days/ nos./ colors – Friday / Sunday 1 – 8 – 10 – 15 – 22 – 30 : Green TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – bubuhos sayo ngayon ang sangkatutak na magagandang oportunidad. Kahit isa lang sa mga ito ang ioyng sung-

gaban. Sapat na upang yumaman ka nang husto. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Tuesday : 3 – 8 – 15 – 24 – 25 – 29 : Violet GEMINI (May 21 – Hunyo 21) – ito ang araw na didikit sayo ang isang maliit na buwenas, di rin magtatagal ang mga malalaking suwerte ay makikitang magsisipasok din sa iyong kapalaran! Lucky days/ nos./ colors – Saturday / Friday : 10 – 11 – 18 – 26 – 31 – 42 : Cream CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – ituring mong mga pagsubok lang sa iyong katatagan ang mga di kagandahang ipakikita ng iyong mga makakasama. Iwasan mong sila ay gantihan ng mga di rin kagandahan pagkilos. Lucky days/ nos./ colors – Friday / Wednesday : 2 – 4 – 12 – 22 – 28 – 38 : Orange LEO (Hulyo 23 – A-

pangangalaga at pagpapayaman sa natitira pang inang kalikasan, pagtulong sa mga kabataang kapos-palad na makapag-aral, pagpapaunlad ng serbisyong medical, pagsugpo sa drugs, pagpapaunlad ng turismo batay sa katangian at kagandahan ng Indang, pagpapaunlad ng mga produktong agrikultura na kabahagi ang mamamayan at institusyon, pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng kapaligiran, malawakang pagppatupad ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagbabawas ng bulto ng plastic at ibalik ang mga natutunaw na material, pangangalaga sa ilog at hangin, paghubog ng mga kabataang mamumuno at maglingkod ayon sa kanilang programa, maging bukas sa mga transaksyong apektado ang mamamayan, makipag-ugnayan para sa mga programang pang-edukasyon, maging publiko man o pribado, pormal man o di-pormal tungo sa pagiging mabuting mamamayan at pagpapaunlad at pagpapahusay sa hanay ng transportasyon, “ ito ang wika sa akin ni Narding Papa. Si Narding Papa ay kumakandidato sa pagka-alkalde ng Indang sa ilalim ng Liberal Party (LP) at ang kanyang katandem sa pagkabise-alkalde ay si Sherilon Villa Chevez. Para naman sa pagka-konsehal ay sina Bonifacio Telmo Cruzado, Reynaldo Rogel Garcia, Estelita Costa Lopez, Reynaldo Novero Nuestro, Marceliano Romano Peñaflorida, Gabriel Rogacion Rotairo, Nestorio Dilidili Tejo at Romelito Samonte Villa. Ang kanilang dala naman sa pagkagobernador at bise-gobernador ay sina Osboy Campaña at Recto Cantimbuhan. (NOTE: May mga kumakandidato rin sa Indang bilang mga Independent at sila ay sina Eleuterio Pecho Castillo Sr., sa pagka-alkalde at para naman sa pagka-konsehal ay sina Armando Tukodlangit Cordial (dating ABC President ng Indang) at Gavino Villanueva Nueva. Kumakandidato rin sa pagka-alkalde si Angeles Mojica Creus at sa pagka-konsehal si Edilberto Vidallo Espineli pawang nasa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan Party (KBL). Ito na ang huling labas sa pitak na ito ng aking pagtalakay sa mga kandidato sa pagka-alkalde at mga kapartido nila sa aming bayan ng Indang. Nawa ay makatulong sa inyo mga kapwa ko taga-Indang ang ginawa kong pagtalakay sa mga katauhan at pangarap ng lahat ng kandidato sa pamamagitan ng aking pitak na ito ng may ilang linggo ring nagdaan, upang makapili at makapag-desisyon kayo ng inyong napupusuang ihalal sa Mayo 10, 2010. GOD guides us.) gosto 22) – hawakan mong mabuti ang iyong sarili dahil may palatandaan na ikaw ay mai-inlove sa isang nilalang na may lihim na galit sa mundo pero ikaw ang kanyang saya at ligaya. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Wednesday : 6 – 17 – 22 – 25 – 38 – 40 : Purple VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) – ito na ang araw na ang mga swerte ay nasa pagpapakita ng maganda sa mga kasama sa bahay. Anuman ang maging pagkilos nila, ngiti at masayang mukha ang iyong isalubong. Lucky days/ nos./ colors – Wednesday / Thursday : 2 – 8 – 11 – 20 – 27 40 : Lavander LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) – wag mo na siyang pakialaman. Hayaan mo na siya sa kanyang diskarte. Kara-

patan niyang piliin ang siyang magpapaligaya sa kanya. Lucky days/ nos./ colors – Thursday / Friday : 10 – 19 – 22 – 26 – 36 – 41 : Fuchsia SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – hindi mo pa din siya makalimutan. Hanggang ngayon ay mahal mo pa din ang taong ito. Patuloy kang aasa na magkabalikan kayo. Lucky days/ nos./ colors – Tuesday / Thursday : 6 – 9 – 11 – 18 – 28 – 30 : Black SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – umiwas ka sa gulo. Huwag ninyong palakihin pa ang problema. Marahil ay hindi pa ito ang panahon upang magharap kayo. Lucky days/ nos./ colors – Sunday / Friday : 2 – 19 – 14 – 20 – 26 – 36 : Aquamarine


MAYO 02 - 08, 2010

KUWENTO NI AXEL Ikatlong bahagi

WALANG pinag-iba sa isang job interview ang interogasyon. Para kang pinagfill-out ng bio-data at iniisa-isa sa iyo ang mga impormasyong nakasulat. Pagkakakilanlang personal muna. Pati anak sa labas ng tatay mo, kung meron, ay itatanong. Kulang na lang ay uriratin kung saan ka naliligo at anong pwesto mo kapag natutulog. Sunod ay ang mga karanasan sa trabaho. Mga pinaglingkuran o sinalihang organisasyon. Ang giit nila rito’y “O, sa revolutionary background mo naman tayo”. Ang hassle sa interview na ito ay wala kang correct answer. Pag hindi nila kursunada ang sagot mo, mabilis ang reaksyong nagsisinungaling daw ako o kaya’y mas maagap ang kumbinasyon ng suntok-kutostadyak at pagdalirot ng dulo ng baril kung saan yun nakatutok. Parang ganito. “Gaano ka na katagal sa bundok?” “Matagal-tagal na rin, ho.” “Anong ginagawa mo run? Nagte-treyning? Di ba mahirap ang magakyat-manaog sa bundok?” “Hindi ho. Marami hong jeep. May aircon bus rin hong paakyat sa Tagaytay.” “Niloloko mo ba

ako?!” “Hindi ho. Bundok ho talaga ang Tagaytay. 500 to 700 meters above sea level ho yun.” Diin ng dulo ng baril sa batok. Kutos. Eto pa. “Kelan ka narekrut sa Partido?” “Sa Partido Anakpawis ho, e 2003. Pero, dati rin ho akong member ng Bayan Muna Partylist.” “Gago! Sa Partido Komunista!” Sikwat ng dulo ng baril sa tagiliran. Tadyak. Muntik na akong mahulog sa silya. Di naglaon may dumating na bagong boses. Mas umaalingasaw ang amoy-alak. Talagang nanghihiram lang ng tapang at lakas-loob sa bote! O sa marka-demonyo. Ika n’ya ay kung di pa raw ba tapos. Sabi na nga raw ba niya’t sya dapat ang magha-handle sa akin. Ganito naman ang daloy ng interogasyon. Sa “AOR n’yo, san nanggagaling ang revolutionary tax n’yo? Sa mga Meyor, di ba? Pati sa Kongresman, ano? Binubuwisan nyo pati ang mga pari at madre, di ba? Saan ka ba umiikot? Nakikita ka namin sa mga simbahan.” Ang sasabihin ko sana’y tanong nya’y sagot nya. Pero pag-imik ko’y, “Hindi ho yun revolutionary tax. Solicitation at do-

nation lang ho.” “Magkano ang nakukuha nyo?” “Pang-arkila lang ho ng jeep sa rally. Minsa’y pamasahe at pangsigarilyo lang ho.” Siguro’y lumingon ang interogador sa katabi niya saka sinabing ang ilagay daw ay sampung libo kada Mayor kada buwan. Tapos tinanong ako kung sino raw ang mga Mayor at politiko sa probinsya. E, di inilitanya ko ang lahat ng Mayor sa dalawampu’t tatlong bayan sa probinsya namin. “Lahat sila, binubuwisan nyo?” “Hindi ho, kanyo’y sinong mga Meyor sa amin.” Dinibdiban ako. “Sa mga madre, sinosino? Maraming kumbento sa Tagaytay, a.” “Si Sr. Mary ho. Sr. Veronica. Sr. Bridgette...” Lahat ng alam kong ngalan ng santa, inisaisa ko. “Anong kongregeysyon ng mga yun?” “Ahmmm... Sisters of Mercy, ho. Tsaka Lords of the New Church. Jesus and the Mary Chain pa, ho...” Malas ko lang kapag paborito rin nilang gothic at new wave band ang mga sinabi ko. Hindi ko na itinulak na sabihin pa ang Parokya ni Edgar. Bukod sa hindi ko sila kursunada ay halatanghalata rin na nagkakalokohan na. “May nakuha kaming laptap sa kotse nyo. Sa’yo ba yun? Puro sub-

ersib payl ang laman nun, ano?” “Hindi ho subersibo si Dan Brown.” “E yung plas drayb at empitri pleyer? Ilegal ang laman nun, ano? “Legal ho si Mick Jagger at Jamiroquai. Pati si John Lennon. Pwede nyo naman hong pakinggan.” “Tarantado!” Kutos. “Niloloko na kayo ng tserman n’yo...” Dalirot ng baril sa batok. “...habang nagpapasarap sa ibang bansa...” Tadyak sa hita. “...nakakapamilosopo ka pa!” Tadyak ulit. “Nagpapakahirap kayo sa bundok ang lider n’yo buhayhari!” Kahit nakangiwi sabi ko ay, “Hindi ho. Wala ho sa abroad ang chairman namin. Andun ho sa Cavite. Malamang, e, namimitas ng kape. Ibibigay ko ang address kung gusto n’yong puntahan.” Parang lulusot ang dulo ng baril sa batok ko. “Anong mga pag-aaral ang natapos mo?” “B.S. Agriculture ho, ako. Major in Horticulture.” “Sa kilusan! Ang putang inang ito!” Tuluyan na akong nahulog sa silya. Pero hindi ako umaaray. Kahit daing. Ngiwi lang. Siguro kahit mabuhay noong oras na iyon si Amorsolo, hindi kakayaning ipinta ang mukha ko. Mahaba pa ang itinagal ng interogasyon. Pinili ko na muna ang pinakamatipid na sagot, iling at tango. At

ang pinakaligtas na tugon, oho at hindi ko ho alam. Sa tuwing tataas ang boses ng interogador para na rin syang naggo signal na barilin ako. Pero kapag pinagkakasahan na ako ng baril at iduduldol ang dulo nito sa ulo ko ay para na akong namatay. Paulit-ulit na lamang ang mga tanong. Paikotikot na rin lamang ang ulo ko sa kaiiling at katatango. Hindi ko alam kung pinagtatawanan na nila ako, pero ang tiyak ay nabubwisit na sila sa akin. Lalo na siguro nung mapikon ako at nasabi kong. “Kayo na ho ang maglagay diyan ng gusto ninyong sagot ko para magkatapos na ho tayo.” Hanggang sa mapunta ang usapan sa kung ano pa raw ang pinagkakaabalahan ko bukod sa page-NPA. Ika ko sa di mabilang na pagkakataon ay hindi ako NPA. Aktibista

9

ako. Non-combatant. Sa kawalan na rin ng masasabi, ewan ba kung bakit naungkat ko rin na writer ako. Ano raw klaseng writer. Kako’y nagsusulat ako ng tula. Tulaan ko raw sila. Patay na. Wala akong kabisadong tula. Maski na raw ano basta’t tumula raw ako. E di pagbigyan. Kahit on-thespot. Mamamatay na rin lang, di ko pa ba susulitin. Sa dulo ng tula: “Ay, kamatayan! O, kamatayang anong tamis! Ihimlay mo sa piling ng mga gahis, Sa ritmo at awit ng putok ng mga baril At sa ngalit ng ganti ng tugmaan kong matatabil!” Tumighim ako at nagsabing tapos na ang aking tula. Tumahimik saglit. Ang interogador ang umimik. “Hep! Walang papalakpak! Okey, a. Magaling! Pero titiyakin ko sa iyong iyan na ang huling tula mo.” Mamamatay na nga ako. Pagtitiyak ko sa isip ko. ITUTULOY


10

MAYO 02 - 08, 2010

Resulta ng mga survey binatikos ni Dick Gordon TINAGURIANG “Anak ng Cavite” na si Richard Gordon ay nagpahayag na hindi dapat pansinin ang mga lumalabas na resulta ng survey. Ito ay matapos sampahan ni Gordon ng kaso ang dalawang survey firms, Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia ay nagbigay ng mensahe sa media ang presidential candidate na huwag bigyang halaga ang mga resulta ng di umano’y “misleading surveys”. Ayon kay Gordon, ang pagpapalabas ng media ng mga survey na ito ay nakaapekto ng di maganda sa kanyang presidential campaign. Dagdag pa ni Gordon, may mga taong nagsasabi sa kanya na siya ang gusto ng mga ito na iboto ngunit ayon naman sa survey ay hindi siya magwawagi.

2 sekyu, pinagnakawan at pinatay! NAIC, CAVITE – Pinatay at pinagnakawan ang dalawang security guard ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Robert Bunga, 37-anyos at Reynald Lacsa, 19 na kapwa sekyu ng Hillsview Royale Subdivision sa Brgy. Timalan, Naic, Cavite. Ayon sa report ng pulisya, may tatlong suspek na

lumapit sa dalawang sekyu at nagkukunwaring hinahabol ng magnanakaw. Saka naman pinaputukan ang dalawang biktima at ninakaw ang wallet pati na ang dalawang .38 pistola bago tuluyang tumakas sa lugar. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari upang mapag-alaman at mabigyan ng karampatang kaso ang mga salarin. J. MAGNO

GORDON Kung maniniwala di umano ang mga tao sa resulta ng survey ay hindi na dapat pang mag-eleksyon at idiklara na lamang na panalo ang nangungunang kandidato sa survey upang makatipid ang gobyerno, ayon pa kay Gordon. Nakasuporta naman si Bayani Fernando na tumatakbong bise presidente ni Gordon. Inaasahang maglilibot pa sa ilang parte ng bansa ang dalawa upang mangampanya.

Happy happy birthday to Felicidad De Castro on May 2, 2010-04-29 Greetings coming from your family and kids.

Happy Christening to Keisha Mhay Mojona on May 1, 2010 greetings coming from Romel Atalia and Responde Cavite family.

Happy birthday to MARJORIE “Joy” PANGANIBAN - ALCANTARA of Brgy Daine, Indang, Cavite on May 9, 2010. God bless you and we love you. -greetings from Alcantara Family namely: Alex, Mac-Mac, MicMic, Mika, Mayko, Mommy and Rex Del Rosario. PAID ADS BY FRIENDS OF DORY BOCALAN BACOLOD


MAYO 02 - 08, 2010

11

LORENZO B AREDES B.. P PAREDES ANG MAKA TANG EDUKADOR (2) MAKAT ANG EDUKASYON AT ANG SINING PAGKASILANG NI Dr. Paredes, tinangay siya ng mabilis na pagbabago sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi na niya naranasan ang mga hilahil na dulot ng paghihimagsik na agraryo ni Luis Parang, na lumao’y binansagang tulisan ng mga otoridad na Kastila. Ang pagkabuo ng mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang sa Kawit at Noveleta; at pagbangon ng Imus at ang pagiging larangan nito sa labanan ng mga PilipinoKastila. Maging ang mga kaguluhang dulot ng paglaban ng mga Pilipino sa nanakop na mga Amerikano ay hinagap na lamang kay Dr. Paredes. Ang nasapol niya’y ang benepisyo sa taungbayan ng pagsuko ni Hen. Aguinaldo, ang tagumpay ng kampanya ng Pasipakasyon at ang pagtanggap ng mga ilustrado sa pamamahala ng mga tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng mga Amerikano, una’y ng military at sumunod, mga administrasdor na sibilyan. Ang tuwirang pakinabang rito ni Dr. Paredes ay ang edukasyon. Itinatag ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyong unibersal sa Pilipinas, at kasama riyan ang lalawigan ng Cavite. Sa imus, si Dr. Paredes ay nakapag-aral sa mababang paaralan, saka ipinadala siya sa

Cavite Puerto para ipagpatuloy ang pag-aaral. Sumunod, ipinadala siya sa Liceo de Manila. Nagtapos si Dr. Paredes bilang balediktoryan sa intermediate course. Marahil, sa panahong ito nagsimula ang pagkahilig niya sa tula. Walang naiwang mga maagang tula ang ating kabataang makata— matagal linangin ang tiwala sa sarili ng malikhaing manunulat. Karaniwang bunsod ang tiwalang iyon ng paghanga, ng pagpuri, at ng paligid sa rurok ng imahinasyon. Noong 1913, inilathala niya sa La Vanguardia ang tula niya sa Ingles, ang Love na inihandog niya sa mga kabataang binibini ng kanyang tinubuang Imus. Ang kabuuan marahil ng tiwalang iyon sa pagkamakasining ay nagkaroon na ng tiyak na hubog noong Disyembre 30, 1914 nang manalo sa

isang timpalak-panulat sa Sampaloc si Dr. Paredes. Ika-11 taon ng pagkabaril ni Rizal sa Luneta—isang okasyong dinakila ng kabataang Paredes kay Dr. Jose Rizal na naglaan ng buhay “upang sumilang ang unang Liwanag sa kanyang Bayan.” (Reminiscences, P.29) Mula noon, nagkasunud-sunod na ang paglikha ng tula ni Dr. Paredes at naging masipag din siya ng paglalathala ng mga iyon. Lumilitaw na una muna siyang tumula sa Ingles, bago sa Tagalog at saka pa lamang sa Kastila. Yaon kaya’y bunga rin ng tiwala sa sarili dahil sa panahon niyang iyon namulaklak ang panulat sa Kastila? Nalathala na noong panahong iyon ang Bajo los cocoteros (1911) ni Claro M. Recto, Crisalidas (1914) ni Fernando Ma. Guerrero, Aromas de

PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan RESPONDE CAVITE sa numero 527-0092

ensueno (1915) st Arias de primavera (1915) ni Pacifico Victoriano at Electa (1915) ni A.V. Pica (Brown Heritage pp. 511512). Marahil, ang pagtula niya sa tatlong wika ay pagtangka niyang makipagsabayan sa galing ng mga makata noong panahong iyon. Aktibo marahil sa sirkulo ng mga manunulat si Dr. Paredes pagkasampa niya ng ika-20 taon. Sa kanyang antolohiya ng mga tula (na may listahan sa hulihan), maiisip ang lawak ng kanyang pakikipag-ugnay sa mga publikasyon. Inilalathala

ang kanyang mga tula dahil sa mga paksang pag-ibig sa bayan, dedikasyon sa isang minamahal, at buhay mismo, na kinakitaan ng kalaliman sa pag-iisip at imahinasyon, kahit sa murang gulang. Bukod sa mga tula, marahil ay sumulat din si Dr. Paredes sa mga ibang anyong pampanitikan (na hindi na rin nakaligtas sa dahas ng panahon). Sa likod ng kanyang librong Reminiscences ay nakaanunsyo ang paglalathala ng kanyang nobelang Mapalad. Wala ring naitagong

kopya ng akdang ito. Dalawa ang uri ng mga manunulat noong panahong iyon, ayon sa pulitika nito. Ang una’y ang mga patulay na sumusulat laban sa mga Amerikano dahil sa tindi pa ng alab ng himagsikan (na kinain din ng establisyimemto pagkaraan); ang ikalawa’y ang mga tumugon sa hamon ng pagbabago—ang gawin ang kanilang makakaya na pasulungin ang kanilang bayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga Amerikano. ITUTULOY


Ang dating kunduktor, susunod na mayor? (Narding Papa ng indang, Cavite) ANG buhay daw ay isang paglalakbay. Nagsisimula ang lahat sa isang payak na pagkilos hanggang sa magtuloy-tuloy ang arangkada. Hanggang sa makarating sa dapat karatnan. At mas makabuluhan ang paglalakbay kung isasaisip na wala sa pinagmulan at paroroonan ang lundo ng buhay, kundi sa mismong paglalakbay. Ganito ang kasaysayan at saysay ng buhay ni Narding Papa ng Indang, Cavite na tumatakbo ngayon sa pagka-Mayor ng nasabing bayan. Nagsimula sa pagiging simpleng kundoktor si Narding Papa. Puhunan nya ang pagsisikap, katapatan sa trabaho at pangarap na maiahon ang sarili’t pamilya sa kahirapan. “Nakita ng dalawa kong mata, ang kalagayan ng mga mamamayan ng Indang. Dahil ang sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, ang kumakatawan sa karaniwang buhay at pamumuhay ng Indang. Ang kanilang bagahe, bitbitn, dalahin... mula personal na gamit hanggang kalakal, mula personal na lakad hanggang pangkabuhayan... bata, matanda, babae’t lalake, magbubukid at manggagawa ay sumasakay ng pampublikong sasakyan.” wika ni Papa. Sa pinaghalong pawis, grasa at alikabok... sa gitna ng ulan at araw, hamog at alimuom, matapang na hinarap ni Narding Papa ang hamon ng buhay. Tuloy sa paglalakbay. Tuloy lang ang buhay. At sa bawat lubak, bahura, diskaril, flat, overheat, huli at iba pang mga bagaybagay na kaugnay ng pagbibiyahe, pinanday si Papa ng kanyang karanasan. Higit pa sa mga kurso sa pamantasan ang mga leksyong natutunan ng tumatakbong Mayor ng Indang sa kauna-unahang pagkakataon. Labing anim na taon ang inabot bago makita ang bunga ng pinagpaguran ni Papa. Sa ngayon, humigitkumulang sa tatlumpu (30) yunit ng bus ang bumabagtas sa dibdib ng Indang. Sa patotoo ng mga trabahador ni Papa, naramdaman di umano ng mga ito ang malasakit sa kanila ng may ari ng isa sa pinakamaunlad at malaking linya ng bus sa Lalawigan ng Cavite. “Kung nagawa nyang paunlarin ang kanyang simpleng buhay, sa kabila ng lahat ng pagsubok... tingin ko, kaya nya ring ibigay ang gayunding kaunlaran sa Indang.” wika ng isa sa mga empleyado ni Papa. Ang buhay nga ay paglalakbay. Nagmula sa hirap si Papa. At ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante. Sa haba ng nilakbay ng kanyang buhay, ang mga natutunan nya sa paglalakbay ang kanyang kaagapay ngayon sa pagtupad ng isa pang pangarap, ang makapaglingkod sa kapwa nya mahihirap. Hindi nga pala bawal umunlad ang isinilang na hirap. Ang makapaglingkod ng tapat ang kanyang pangarap.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.