vol.2 cavite 26

Page 1

MAGASTOS NA GRADUATION, BAWAL-- DEPED P.3

Bika, bulkan at lindol

Trabaho lang, walang personalan

CM

PAHINA 4

ANG Cavite Coastal Road Ext. na papangalanang Aguinaldo Blvd.


2

MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

Nagdulot ng takot sa mga residente sa tabing-dagat

Intensity 3 na lindol, naramdaman sa Cavite Isang 5.7-magnitude tectonic na lindol ang tumama sa malapit sa baybayin ng Mindoro bandang 6:37 Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon kay Renato Solidum, director ng PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay 12 kilometero hilagang silangan ng Lubang Island. Samantala, naramdaman naman ito sa Cavite sa lakas na Intensity 4 sa Tagaytay at 3 naman sa Bacoor at sa mga karatig na lugar. Dagdag pa ni Soli-

dum, ang lindol ay bunga ng paggalaw ng Manila Trench, at inabisuhan ang publiko na maging mahinahon dahil lagi naman talagang gumagalaw ang nasabing gen-

erator ng lindol. Napag-alaman kasi na ilan sa mga taga-baybayin ay nagkagulo sa pag-aakalang magkakaroon ng tsunami gaya ng nagyari sa bansang

1,750 ligtas sa nadiskaril na barko LIGTAS ang 1,750 katao matapos masiraan ng timon ang isang pampasaherong barko na naglalayag malapit sa El Prayle Island ng Cavite. Inihayag ng Coast Guard Action Center sa Maynila na nakatanggap sila ng tawag na nagkakaroon ng problema ang timon ng M/V St. Peter the Apostle ng Ne-

gros Navigation habang naglalayag sa nasabing lugar. Matapos matanggap ang tawag, agad na kumilos ang Coast Guard National Capital RegionCentral Luzon (NCR-CL) sa pangunguna ni Commodore Luis Tuason Jr. upang tawagan ang Task Force Sea Marshall na kasalukyang nakasakay sa nasabing barko.

Babaeng marines, pasok na sa militar Ang mga bagong recruit na babaeng marines habang nagmamartsa sa marine barracks sa Cavite. Tumatanggap na ngayon ang Pambansang Militar ng kababaihan upang matiyak ang pantay na oportunidad sa sandatahang lakas.

Hapon. “Hindi pa ito masyadong malakas kasi magnitude 5.7-5.8; ang dapat paghandaan malapit sa magnitude 7,” pahayag ng direktor.

Mas maraming kababaihan para sa UN missions Silang, Cavite— Dapat pag-isipan ngayon ng pamahalaan ang pagpapadala ng kababaihan bilang peacekeepers sa mga bansang nasa gitna ng sigalot o kalimidad ayon sa kauna-unahang babaeng pulis na ipinadala sa United Nations mission. “Maaaring mas mahina sa aspetong pisikal ang mga babae pero kasinlakas din kami ng kalalakihan sa ilang mga bagay,” wika ni Supt. Portia Manalad. Si Manalad, 38, na kabilang sa Philippine National Police (PNP) Class ’95, ay ang kauna-unahang babae na nagtapos sa police academy. Naipadala si Manalad sa UN mission na tumutulong sa peacekeeping sa mga nagkakagulong mga bansa tulad ng Kosovo at East Timor. “Oo, iyakin ang mga babae. Pero para mailabas nila ang kanilang damdamin. Pero ang lalaking iyakin, pinararatangan na bakla. Kaya kapag ang mga lalakeng nahaharap sa mabibigat na problema, kadalasan, bumibigay ang mga ito,” wika nito. “Kaya kong tumayo sa loob ng mahabang oras na walang ibang ginagawa kundi mag-isip ng magagandang mga bagay,”dagdag pa ni Manalad. Kasalukuyan ngayong opisyal sa PNP’s training service sa Camp Crame si Manalad. Ayon pa rito, dumarami na ang kababaihang sa serbisyo at may malalaking ambag ang mga ito sa kabuuan.


MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

April 8, 1011

Happy 18th Birthday

Dory Bocalan-Bacolod April 3, 2011

Magastos na graduation, bawal— Deped MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Department of Education (Deped) ang magastos at magarbong graduation lalong lalo na sa mga pam-

publikong paaralan. Sa Deped Order No. 4 s 2011 na ipinalabas ni Bro. Armin A. Luistro, FSC, secretary ng Deped isinasaad nito ang ilan sa

mga dapat at di dapat gawin ng mga magulang at paaralan sa paparating na pagtatapos. Bilang pagtalima ng Kagawaran sa layunin ng Pambansang Pamahalaan na lutasin ang korapsyon tungo sa pagbabagong panlipunan, ang paksain ng pagtatapos para sa taong ito ay: “Ang mga Magsisipagtapos: Kaagapay Tungo sa Pagbabagong Anyo ng Lipunan Tungo sa Hamon ng Sambayanan.” Inaasahan ng DepEd na tatalima ang mga paaralan at magulang sa ipinalabas na kautusan lalo na’t nahaharap ang bansa ngayon sa malalaking suliranin at isyu na may kinalaman sa korapsyon. Ito ay dahil napag-alaman na rin ng Kagawaran na may ilang mga paaralan at guro na humihingi ng kung anuanong proyekto sa mga magtatapos, tulad ng mga kagamitang panlinis, sound system, electric fan at iba pa.

Congratulations

Angela Gabrielle P. Atalia

From: Outstanding Student Pulo Day Care Center SY-2010-2011

3


4

MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

Bika, bulkan at lindol (Awit 46) 1 Ang Diyos ay lakas natin at kanlungan, at handang sumaklolo kung may kaguluhan. 2 Di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat, ang bundok ay mabuwal, 3 Kahit na magalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. Sang-ayon sa kasaysayan ng mundo, ito daw ay binubuo ng kalaliman na tinawag na ‘core’, balot na metal ng ‘silicates and sultides’ natinatawag na ‘mantle’ at magaang-gaang na batuhan na pumaibabaw at tinatawag na ‘crust’! Sa pagitan ng tatlong bahaging ito ng mundo ay ang mga salansan ng lupa, lawa, bato, gas at iba’t ibang uri ng bagay na doo’y idiniposito ng kalikasan sa loob ng mahigit na tatlong bilyong taon na ang nakalilipas. Ang bantad sa paningin ng tao ay mga bundok, burol, gubat, parang, ilog, batis, dagat at iba pang anyo ng kapaligiran sa ibabaw ng mundo. Yaon naman pala, sa iba’t ibang dako ay may mga lamat, bika, guwang at puwang na ang lalim, haba at luwang ay itinakda ng Inang Kalikasan. Ang iba’t ibang anyo ng kapaligiran sa balat ng lupa ay may katumbas na ‘tectonic deformation’ sa ilalim na sa pamamagitan ng bitak at guwang ay nagbibigay-daan sa tinatawag na ‘earth movement or plate displacement’. Ang lindol ay may tuwirang kaugnayan sa ‘volcanic eruption’ and ‘earth movement’ sa ilalim man ng ‘Continental or Ocean Basin’. Isang realidad na ang mga islang nakapaligid sa Pacifice Ocean gaya ng Indonesia, Philippines, Japan, Kurile Island, Kamchitca Peninsula ay kinalalagyan ng mga aktibong Fault Line at bulkan. Gayundin ang Solomon at New Hebrides (hanggang New Zealand) na pawang nakakabit sa Pacific Ocean. (Sundan sa P. 9)

Ayoko na sana AYOKO na sanang maging kolumnista uli sa national daily tabloid gaya nang maging kolumnista ako sa Remate at Wow Balita. Nakakapagod kasi. Kahit na sabihing maraming materyales na pwedeng isulat kasi maraming mga pambansang karakter, isyu at paksain. Kahit na sabihing maimpluwensya ka kapag nasa pambansang tabloid ka nagsusulat (hindi kagaya ng isang kilala kong nagdudunung-dunungan sa larangan ng pamamahayag pero ni crossword puzzle ay hindi pa nakapagsulat sa mga pambansang tablod). Pero hindi ko matanggihan ang mentor at kabigan natin sa pamamahayag, si Boss RB (Rey Briones) ng Remate. May bago kasing bubuksan na daily tabloid, ang Dyaryo Pinoy. Kaya sa mga suki nating tagabasa, kagaya ng pagsubaybay nyo dito sa numero unong dyaryo (hindi PR) sa inyong mga puso, pakisubaybayan ang ating arawang kolum sa Dyaryo Pinoy. Sundot Lapirot pa rin po ang pamagat! Unang linggo ng Abril ang labas. Abangan! Ayoko na sanang makialam sa pulitika. Nakatatlong pambansang eleksyon na akong nagde-design at gumagawa ng survey materials, gayundin, ang pagte-train sa mga surveyor. Interpretation at analysis. Pati pagbibigay ng payo at istratehiya sa ilang kandidato ( isang kandidato sa pagk-Gobernador sa Region IV-A, Congressman sa Central Luzon at 4 na Mayor sa Southern Luzon, at isang Senador, hindi ko sasabihin kung nanalo o na-

talo, baka kasi makilala nyo). Maging sa isang tumakbong presidente nitong nakaraang eleksyon (hindi ko rin sasabihin kung nanalo o natalo), kasali ako sa pool of media consultants nya (hindi kagaya ng isang kakilala ko na nagdudunungdunungan din sa politika pero ni kagawad ng selda ay hindi sya nilalapitan para hingian ng opinion). Pero kamailan ay may lumapit sa atin ang isang NGO para gumawa ng survey para sa satisfaction/performance rating ng mga nakaupo. Dumistansya tayo. Sabi ko, laman ng dyaryo namin ang tinutukoy nila. Baka hindi nila paniwalaan ang resulta ng survey. Kasi ipapa-publish nila ang resulta ng survey. Hala! Tanong ko, kung saan nila balak ipa-publish. “Syempre sa inyo,” sabi ng kinatawan ng NGO. “Gusto namin, ang laman ng dyaryo, balita. Hindi puro PR! (Praise Release) “ dagdag nito. Aray ko! Pag-iisipin ko pa. *** Ayoko na sanang itsika sa inyo ito. Pero alam nyo ba, ngayon pa lang ay nagpupulong-pulong na ang mga nakaupo at di nakaupo kung paano ang diskarte sa 2013? May magbabalik. May mabubuwag na koalisyon. May mabubuong koalisyon. May mga bagong mukha. May mga dating mukha. Ang exciting sa 2013, ito ang magiging sukatan sa naging tungkulin at trabaho ng mga nakaupo sa ngayon na karamihan ay baguhan. At yung mga ga-graduate ay tiyak na magpapakitang gilas para nga naman makapag-asam ng mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon. Itutuloy ang tsikahan neks wik!

Trabaho lang, walang personalan SA trabaho namin bilang manunulat, kalayaan namin na ihayag ang katotohan at pawang katotohanan lamang. Sa bawat nakakalap naming impormasyon naghahanap kami ng mga dokumento na magpapaliwanag sa mamamayan. Kailangan maging konkreto at sagrado ang aming ibabalita, dahil nakasalalay dito ang aming larawan at imahe ng pagsusulat. Nagiging tunay lang kami sa aming ibinabalita, maging negatibo man ito o positibo. Wala kaming “paki” sa sinumang masagasaan. Karapatan na malaman ng mamamayan ang bawat impormasyong aming ibinabalita. Hindi kami kailangang diktahan ninuman, dahil dito sa Responde Cavite tunay at walang huwad ang aming isinusulat. Sinala at piniling maigi ang pahayagang ito bago ito nabuo. Mga de-kalibreng tao, na umani na ng di mabilang na parangal. Kinilala hindi lamang sa lalawigan ng Cavite maging sa nasyunal. Sa katunayan, ang ilan sa amin ay naging Media Consultant na ng isang tumakbong presidente ng Pilipinas noong nakaraang halalang nasyunal. Mga kasalukuyan at dating professor sa kilalang unibersidad. Gumawa na ng pangalan dahil sa di matatawarang kakayahan sa pagsusulat, kung ilang libro na ang nagawa at kasalukuyan pa ring makikita at hinahanap-hanap sa merkado.

Dumadaan sa tamang proseso ang isang artikulong aming ibinabalita. Kinakailangang mabasa muna ito ng aming patnugot bago ito maging ganap na balita. Sa bawat kolumnista ng Responde Cavite, responsibilidad namin kung anuman ang kanyang naisulat. Maninindigan kami, dahil sa konkretong dokumentong pinanghahawakan namin. Sa sinumang politiko o lingkod-bayan, kailangan ninyong harapin ang anumang batikos o puna ng mamamahayag maging sa diyaryo, radyo o telibisyon man ito. Dahil ang bawat puna sa inyong paglilingkod ay hango lamang sa sigaw ng taong bayan. At kung kailangang naming kayong purihin dahil sa inyong nagawang tama sa mamamayan ay marapat lamang na kayo ay aming purihin. Hangga’t may mga manunulat na totoo sa kanyang propesyon, hangga’t nandito ang Responde Cavite, magiging katuwang kami ng mamamayan sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Magiging katuwang din kami ng sinumang politiko na magiging totoo sa di matatawaran niyang paglilingkod na ihayag ang kanyang mga nagagawang kabutihan sa bayan. Subalit hangga’t nandito ang Responde Cavite ay hindi kami mangingiming ilantad ang katotohanan sa sinuman. Ika nga, walang personalan, trabaho lang. oOo Maligayang pagbabasa sa grupo ng Ciudad De Oro, E-Mar Production, Cagayan Brotherhood Organization, Police Hotline Movement, Cavite Pirates, Vikings, Lady Bikers, RACODA, Rosario Radio Group, DEKADA 90, Cavite Monitoring Group, at Brgy. 56 Labanos.


MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

5

Ang buhay ay telenobela Matindi ang naging pinsala ng lindol at tsunami sa Japan. Libu-libo ang namatay at maraming ari-arian ang nawasak. Sa kabila ng kaunlaran ng Japan sa larangan ng ekonomiya at teknolohiya, pinatunayan lamang ng pinsala na hindi pa rin talaga kayang pigilan ang galit ng kalikasan. Kung dito sa Pilipinas magaganap ang ganoong sakuna, nakakapangamba ang magiging kalagayan ng ating mga kababayan. Kung magkakaroon ng malakas na lindol, nangannganib ang mga mamamayan ng Upland Cavite lalo pa at ang Tagaytay ay bahagi ng earthquake fault. Hindi rin ligtas ang mga bayang malapit sa karagatan gaya ng Tanza, Naic at ang buong lowland Cavite. Kung sabagay, hindi naman tayo dapat maging matatakutin sapagkat ang alinmang natural na kalamidad ay kakambal ng ating pag-iral. Sa mga mahilig manuod ng telenobela, kapanapanabik ang paghihintay kung kalian matutuklasan ni Mutya kung sino ang tunay niyang mga magulang. O kung kailan matutuklasan ni Amante kung sino talaga ang may pakana ng pagkidnap kay Mara. Inaabangan din ng marami kung saan hahantong

ang labanan nina Lia at Mateo bilang mga “Imortal”. Sa sandaling hindi ka makapanuod, mahihirapan ka nang masundan ang istorya lalo pa at mabilis ang pacing ng kuwento nina Alexander at Javier sa “Minsan Lang Kita Iibigin”. Ang mga telenobelang ito na umaaliw sa masa ay masasabing bahagi ng eskapismo na naglalayo sa taumbayan sa mga isyung panlipunan gaya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin, paglabag sa karapatang pantao, pagkasira ng kalikasan, katiwalian sa pamahalaan at ang patuloy na kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng administrasyong nangangako ng “tuwid na landas”. Sa halip na mamulat ang taumbayan hinggil sa mga isyung panlipunan ay nagsisilbing pang-aliw ang mga telenobela upang patuloy na hindi kumikilos Secret...mula sa p. 8 Singkinis ng loob ng mga hita. “At teka, buti pa’y mag-shopping na lang kayo ng Nana Celia mo. Late in the afternoon, do drop by sa bahay ni General. Sasabihin n’yo, may mga taong naghihintay sa akin sa bahay. That way, puwede na tayong umalis.” Isinalikop ni Popsy ang dalawang palad sa batok nito, pasalo. Lumiyad, ineehersisyo ang kalamnan sa puson. Hindi makatingin nang tuwid si Pol sa kabataang babae. Naaalangan siya sa tiyuhin nitong admiral. “Ano ba? Hindi ka na sumagot.” Bumaling si Admiral Lorenzo sa pamangkin. “Nag-iisip pa, e…’wag mo naman akong apurahin, Uncle!” Tumindig ang militar at hinarap ang pamangkin. Ngayon, saklaw na ng tingin ni Pol ang kabuuan ni Popsy. Napalunok siya. “Stop that, will you?” Nagtaas ng tinig si Col Lorenzo. “Puntahan mo na ang Nana Celia mo, dali!” Parang sirkerang umigtad si Popsy. Nakatindig agad, makisig na makisig. Nakangiti. Paliyad, lumapit sa tiyuhin, saka hinagkan ito sa pisngi. “Uncle….nagkakapileges ka sa mukha. Relax lang!” Tumatawa, isang maikli, salbaheng sulyap ang iniwan nito kay Pol. Napakamot lamang ng batok ang admiral. Sinundan ng tingin ang nagtatawang pamangkin. “Spoiled sa akin ‘yan,” pagmamalaki pa nito. “Sobra kasi ng lambing. Nilalakad ko nga sa French Embassy para mabigyan ng scholarship sa ballet. Mahusay din sa languages ang batang ‘yan, pwede nang tour guide sa Paris!” “Kung nag-asawa ba agad kayo, Sir…di may matalino na kayong dalaga na tulad niya.” “Nakapagsisisi nga, e. Pero huli man daw ay naihahabol din. May senyales na. Walang bisita nitong end of the month si Misis.” “Congratulations, Sir…wala talaga sa edad!” Nagtawa, nagbiro pa si Pol. “Basta malakas ang tuhod.” Napahalakhak din ang admiral.. Tinapik sa balikat si Pol, “Okey ka, ha? O, ‘yung sinasabi ko sa’yo? Puwede kang sumama sa akin kina General?” “Ganito lang ang suot ko, Sir?” “Informal naman ‘yon,” agaw nito. “Ganyan si General. Basta naisipang imbitahan ang barkada, kahit walang okasyon. Very humble pa at matulungin. Isa na siya sa mga pinakasimpatetikong taong nakilala ko.” Hindi nagtagal, bumalik si Popsy. May suot nang maikling robe. Kasabay ang isang babaing may trenta anyos.

ang mamamayan upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Mas mainam kung ang mga telenobela bilang panitikan ay hindi lamang nang-aaliw kundi nakatutulong din upang iangat ang kamalayan ng masa upang makamit ang tunay na kalayaan. Sa kabilang banda, may mga telenobelang nagtataglay ng realismo at hango sa tunay na buhay at maaaring mag-iwan ng aral sa manunuod. Kung ang panoorin ay nagtataglay ng elemento ng katotohanan ay makapag-aambag ito ng kaalaman upang mapalawak ng sinuman ang pagtingin niya sa kahulugan ng buhay. Kung tutuusin, ang buhay natin mismo ay isang telenobela. Kung sakaling lilindol o magkakaroon ng tsunami, ang kamatayan ay ang pagwawakas na rin ng telenobela ng sarili nating buhay. Nakadagdag nang kaunti sa tunay na edad nito ang bilugang katawan. “A, Celia…eto si Pol, ‘yung sinasabi ko!” Masaya, bukas ang mukha ng ginang. Bumati agad si Pol. “May bisita pala, hindi ka agad nagpasabi,” sabi nito. “Ano’ng ipinakain mo?” Lumabi si Popsy, nagmamalaki. “I took care of him. Binigyan ko ng refreshment.” “Baka siya nagugutom, Song…ikuha mo kahit anong cookies, Popsy!” utos ng ginang kay Popsy. “Why not? But in one condition,” lumalabing sabi nito. Hinarap nang tuluyan ni Admiral Lorenzo ang pamangkin. “Behave. May bisita tayo, Popsy!” “Basta may kondisyon, Uncle!” Ngumiti, saka hinaplos nito ang baba ng admiral. Hindi nagpakita ng pagkayamot ang pag-aapura ng ginang. “ Sige na, Popsy…sabihin mo na.. Baka gutom na ang bisita natin!” “Please don’t bother. Di pa ako gutom,” wika ni Pol na “Gusto ko’y mag-shopping muna. Pero ayokong magdrive. Tutal, may aide ka na pala naman. Can he drive for us?” Natulala si Admiral. Lorenzo. Halatang napahiya. “”Wag kang presko, Popsy. Hindi ko aide si Pol. Assistant chief security ‘yan.!” Sumimangot si Popsy, pero nangatwiran pa rin. “Gladly, Sir.,” aniya. “No sweat ho sa akin ‘yon. Saka gusto ko namang magkaroon agad ng rapport sa pamilya n’yo!” Pumalakpak si Popsy. Tuwang-tuwa. “May katwiran si Pol, Song,” sabi naman ng ginang. “Pero ito’y ngayon lang, Popsy, ha? Just to know more, Pol!” “Of course! Masyado namang pogi ‘yang assistant ni Uncle para gawing driver forever!” at binuntutan pa iyon ng halakhak. Si Pol naman ang pinamulahan ng mukha. “Well, what can I do against two women?” Nagkibitbalikat si Admiral. Lorenzo. “O, sa bahay na lang ni General magkita-kita tayo.” Sumaludo si Pol. Tuwid na tuwid. “Wala ka na sa serbisyo, Pol. Just say Yes, Sir…okey na ‘yon!” “Yes, Sir!” sabi ni Pol. Nasulyapan niya, nakatingin sa kanya si Popsy. Kinabahan siya sa nakitang paglalambing nito sa tiyuhing admiral. (Itutuloy)


6

MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

Informal settlers sa ‘Bocaray’, ililipat...

COASTAL ROAD EXT., BUBUKSAN NA! NAKATAKDA nang buksan sa mga susunod na buwan ang Cavite Coastal Road Extention na magpapabilis at magpapaginhawa sa biyahe mula Cavite patungong Manila at vice versa Dahil dito, agad na inilipat ng pamahalaang panlalawigan ang 160 pamilya mula sa Pulvorista, Kawit, Cavite ang ililipat sa Sta. Isabel. Naglaan umano ang pamahalaang panlalawigan ng 30 metro kuwadro bawat pamilya na maaari nilang pagtirikan ng bagong tahanan. Pinangunahan ng Provincial Engineering Office ang pag-iinspeksyon sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga ililipat at pagdedemolis sa mga informal settlers. Ayon sa programa, lalagyan ng mga road network ang loob ng relocation area, kasabay ng pagpapatayo ng anim na unit ng pampublikong palikuran, tatlong poso at access road patungo naman sa mga pangunahing lansangan. Naglaan din ng libreng transportasyon at katulong din ang engineering office sa pagdemolis sa mga bahay sa ‘Boracay’ upang magamit pa ng mga ito ang ilang mga materyales mula sa pinagbaklasan. May kabuuang anim na libong piso (P6,000) naman ang ibibigay na tulong pinansiyal ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa bawat pamilyang mairerelocate. Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, bukod sa masisiguro ang kaligtasan sa kapahamakan at kalusugan ng mga informal settlers sa ‘Boracay’, mawawala ang eye sore sa

pagbubukas ng Cavite Coastal Road Ext. “I’ am very much concern on heath and safety ng mga pamilyang nakatira sa Boracay, hindi kasi sila safe sa dati nilang bahay. At the same time ay prone sila sa sakit dahil siksikan at walang proper sanitation.” pahayag ni Remulla. Ayon sa programa, noong nakaraang Disyembre pa dapat buksan ang Cavite Coastal Road Ext., nagkaroon lang umano ng problema sa concreting ng unahang bahagi ng high way kaya naantala ang pagbubukas nito. Pero nauna pa dito, noong nakaraang 2009

pa inaasahan na matatapos ang Cavite Coastal Road Ext., o pormal na pinangalanang Aguinaldo Boulevard. Inaasahang milyung Caviteno ang makikinabang nang husto sa pagbubukas ng Aguinaldo Boulevard, partikular ang mga nakatira sa Bacoor, Kawit, Noveleta, Cavite City, General Trias, Rosario at Tanza. Tinatayang aabot na lamang sa 30 minuto ang biyahe patungong Manila-Cavite o vice versa sakaling nabuksan na ang Aguinaldo Boulevard. Matatandaan na taong 1998 nang imungkahi ang pagkakaroon ng Cavite Coastal Road Ext.,at pormal na nagkaroon ng ground breaking noong

Pebrero 7, 2004 sa Barangay Longos, Bacoor, Cavite sa pangunguna ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo na pinondohan ng $117-M. Kasabay nito ang pag-ani ng iba’t ibang batikos buhat sa iba’t ibang sektor lalo na sa hanay ng mga mangingisda na sinasabing papatay sa kanilang hanapbuhay. Ilang mag-aaral pa buhat sa iba’t ibang kolehiyo o unibersidad ang gumawa ng dokumentaryo sa kinasapitan ng mga nakatira dito nang simulan ang proyekto. Gayunpaman, nanaig pa rin ang programa ng pamahalaan at ngayon ay naalapit na nga itong buksan at pormal pasinayaan.



8

MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

SECRET MARSHALL 2000 NI EFREN R. ABUEG

EFREN R. ABUEG

Nakaraan: Napatay si Dadong Kulot at pinawalan ni PSI Gargallo ang dalawang kriminal na nadakip nina Pol. Nagkasagutan sila ng pinuno at naisip ni Pol na magresayn. Ibig niyang makatulong sa pagsugpo ng krimen sa sarili niyang paraan. HINDI agad nagbitiw si Pol. Pinagbakasyon siya ni PSI Leonides Buenafe. Hindi matagal ang walong buwang pagkalayo sa serbisyo. Umuwi siya sa kanilang bayan sa Laguna at inasikaso ang pagkukumpuni ng bahay-Kastila na ipinamana sa kanya ng isang matandang dalagang tiya. Ipinagbili niya ang ilang antigong kasangkapan doon at ginastos sa pagbili ng ginamit na mga materyales. Sa house blessing, naganyaya si Pol. Dumating sina PSI Buenafe, Matilda, mga kaibigang sina Mat, Don at Hector na magaling na. Kasama rin ang ilang empleyadang dalaga sa Crame, kabilang si Eileen, pamangkin ng isang heneral sa Armed Forces. Dinala ni Pol ang kanyang mga bisita sa isang malaking bukal sa paanan ng gilid na hindi kalayuan sa bahay-Kastila. Kinabukasan pa babalik sa Metro Manila ang mga ito. Kinagabihan, sa maluwang na bulwagan ng bahay, inuntag ni PSI Buenafe kay Eileen ang waring napag-usapan na ng dalawa. “Pol, uncle ko si retired Rear Admiral Damaso Lorenzo. Chief security siya sa isang korporasyong itinayo ng mga retired and active generals. Kahapon ng umaga, bago ako pumunta rito, nasabi niyang kailangang-kailangan niya ang isang assistant. Pwede ka, Pol?” “Magiging jobless nga ako…after eight months. Hindi na ako babalik sa

Crame,” biro ni Pol. “Napag-usapan na namin ‘yan ni Eileen kangina,” sabi ni PSI Buenafe. “ Tinawagan ko na si Admiral Lorenzo sa cellphone ko.” “Talaga rin namang suwerte ang paghahanda ko. Sulit. Thanks, Chief…salamat, Eileen! Okey naman kaya ako kay Admiral?” “Tiyak ‘yon,” sabi ni Eileen. “ Mabait yata ‘yang Uncle ko. Paborito niya ako. Kundi sa akin, tumandang binata ‘yan. Matapang sa labanan, pero walang kasingtorpe sa babae. Ako’ng nagtulak kay Celia na siluin ang Uncle ko.” “That calls for a celebration,” sabad ni Mat. “May nasilip akong makapuno at ube sa mesa. Bakit hindi pa natin lantakan?” MALAKING lalaki si Admiral (ret.)Damaso Lorenzo. Liyad ang dibdib nito, pasok ang tiyan at nakabaluktot ang mga bisig na waring laging may kalaban na pinaghahandaan. May mga salit nang puti sa mga buhok nito, na bumagay sa mamulamula nitong mukha. Palangiti ito, na w a r i n g ibinabalanse ang nakapangangambang moog na kaanyuan nito. Mahusay magsalita sa Ingles ang admiral. Malinaw at walang ligoy ang ibig nitong ipahatid na mensahe. “Dalawa lang ang kailangan kong qualifications sa trabaho,” sabi ng opisyal kay Pol nang tugunan niya ang appointment dito pagkaraan ng tatlong araw na makaluwas siya mula sa Laguna. “Una’y galing sa serbisyo at ikalawa’y dedikado. Sa una, mahabahaba na rin ang karanasan mo sa serbisyon. Sa ikalawa, mag-uusisa ako.” Sumabad ang sumama kay Pol na si Eileen. “’Uncle,” sabi ng dalaga, “hindi ka kasi nagbabasa ng mga tabloid, e. Si Pol ang boyfriend noong babaing napatay ng isang holdaper.

Nag-leave ‘yan sa serbisyo dahil nakakainisan ng isang police official na ayaw ipaimbestiga ang isang hinihinalang sindikato. Maaaring miyembro ng sindikato ang suspek na nakapatay sa kanyang girl friend.” Napatango ang admiral. Lumimbag ang simpatiya sa mukha nito. “Ano na ang nangyari?” “Admiral, napatay na ang suspek, pero lumalala ang holdapan sa mga PUV, fx, bus at taksi. Mabagal ang proseso ng hustisya at may humahadlang pa na tingnan ang ibang angulo ng krimen.” Alam ni Pol. Hindi niya naikaila ang galit sa kanyang boses. Minsan pang minasdan siya ni Admiral Lorenzo. Saka inusisa kung kailan siya tuluyang magbibitiw. “May isinumite na ako sa opisina…kamakalawa pa.” “Kung gayon, magreport ka na bukas sa opisina. Be there at ten o’clock sharp. Ibig kong makilala ka agad ng President ng aming financing cor-

poration.” Kinabukasan, ikaapat at kalahati ng hapon, kausap niya sa opisina nito si Admiral Lorenzo. Isinulong nito sa kanyang harapan ang appointment paper. “ W a l a n g hassle…pirmahan mo ‘yang approval ng aming President!” Tahimik na pinirmahan iyon ni Pol. May binabasa si Admiral Lorenzo sa kanyang mukha.”Masakit pa yata, ano?”

PART 6 Ginanti niya ng tingin ang admiral. “Ang alin, Sir?” “’Yung girlfriend na nawala sa’yo.” Tumango si Pol. “Pinagaaralan kong limutin, Sir!” “Pero hanggang ngayon, halatang may galit ka. Kita ko…very uncomfortable ka sa inter-action mo sa mga tao.” Pinatatag ni Pol ang anyo ng kanyang mukha. “ Sir…kung makasisira sa trabaho ko, alisin n’yo agad ako!” “Ganon ba kadali ‘yon?” Hindi sumagot si Pol. Alam niya, papayuhan siya ng opisyal. “May ugat ang lahat, Pol. Ako, bakit nagpakatandang binata bago napakasal. Disciplinarian ang mother ko. Sasabihin ko pa, malupit. Ulila kami ng dalawa ko pang kapatid sa ama. Ang mother ko ang lahat-lahat sa amin. Takot kami sa kanya. Pagkamatay

n i y a , inakala kong mawawala ang takot. Hindi. Basta pag may nakaharap akong babaing very strong in character… natatakot ako. At lahat naman ng nagustuhan ko’y very strong ang personality. Kundi pa may isang Celia na itinulak ng pamangkin kong si Eileen para maging extranice sa akin, hindi maaalis ang takot ko. And Celia is so different, gentle ang loving…binura niya ang memory ko ng aking ina.” “ You’re right, Sir…pinakukulo ang dugo ko

ng sindikato!” Napangiwi siya, nasasaktan. “ Hindi lang ang aking si Malou ang naiisip ko. Marami pang ibang Malou na maaaring mabiktima. Kaya lang, resigned na ako. Wala na akong magagawa. Nasa private life na ako.” Muli siyang tiningnang mabuti ni Admiral Lorenzo. Nandoon pa rin ang simpatiya. “Naiintindihan kita, Pol. Pero don’t you worry. Magkakaroon ka rin ng tsansa. Pagdating ng araw, mabubunot din ang ugat ng problema mong ‘yan!” HINDI alam ni Pol kung lalapit siya o uurong sa kinaroroonan ni Admiral Damaso Lorenzo. Nasa isang lounging chair ito, sa tabi ng swimming pool, nakatayo, katabi ang isang babaing may labingsiyam na taong gulang, naka-bathing suit, at may ikinukuwento sa opisyal. Nangingislap sa katawan ng babae ang mga butil ng tubig, parang mumunting perlas na gumugulong sa maputing katawang nakahantad sa kanya. “Uncle… may bisita yata kayo?” anang babae pagkakita kay Pol. Bumaling ang opsiyal, sinisino siya. “Pol… halika, kangina pa kita hinihintay!” “Hin-di ko kasi alam, Sir… na ipatatawag n’yo ako. Sunday ngayon. Nagdaan pa ako sa memorial park…” “May lakad tayo, Pol…halika!” at bumaling sa katabing babae. “Siyanga pala…si Popsy, anak ng elder brother ko. Ballet dancer ‘yan!” Inabot ni Popsy ang palad kay Pol. Nagkamay sila. “Alam mo, Pol…may luncheon ngayon kina Brig. Gen. Bernardo Aguila…kilala mo siya?” “Yes, Sir…siya’ng com-

mandant ng Presidential Guard. Beterano sa Sulu!” Lumayo si Popsy, nawala. Nang bumalik, isang basong juice ang hawak. Iniabot kay Pol. “Mainit…magpalamig ka muna.”Nakangiti ang mga mata nito. “Salamat!” Ngumiti rin si Pol. “Itinawag ka sa akin ni Eileen, cousin ko. Matanda’ng hamak ‘yon sa akin!” Parang may laman ang sinasabi ni Popsy, ngunit binalewala ni Pol. “Isasama kita,”singit ni Admiral Lorenzo. “For two ang imbitasyon ko. Gusto niya, puro lalaki. Hanggang gabi na raw ‘yon.” Napa-ah si Popsy. “Siguro, Uncle…may entertainment… live?” Nagtawa si Admiral Lorenzo. “Wala, Popsy… clean fun lang! Inuman. Kainan. May magandang bilyaran sa basement ng bahay ni Gen. Aguila.” “D’on siguro ang showing, para hindi makita ng mga bata,” pangungulit pa ni Popsy. “Sa bahay, ganyan. Pero bakit puro lalaki lang ang puwede. Ako…di na naman bata. E, ano kung makapanood ako?” “’Yan ang pinakaanak ko rito, Pol. Intremitida. Sabagay, natural sa kanyang age. Nineteen na ‘yan… going twenty. Sa akin nakatira dahil hindi maasikaso ng ama. Masyadong malikot ‘yung kapatid ko. Backlash ‘yon ng kaistriktuhan ng mother namin.” “Isama mo na ako, Uncle…” at dumapa si Popsy sa lounging chair na inalisan ng opisyal. “Ma-a- out of place ka roon. Puro lalaki nga ang bisita.” “Nandoon naman si Grace, si Cookie…eighteen at nineteen na rin ang mga anak ni General. Sige na…” “Sabagay, pero mabuti na ‘yung humingi ka ng permiso sa Nana Celia mo…” “Talaga?’ at tumihaya si Popsy. Hantad kay Pol ang kinis ng tiyan nito. (Balikan sa P. 5)


MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

9

Copyright bilang Human Right “HINDI mahalaga ang copyright dahil hindi naman ito nakakain,” sabi ng isang estudyanteng nakausap ko kamakailan. Ang copyright ay isang salitang binuo ng mga legal expert para ipantawag sa proteksiyon na ibinibigay ng batas sa mga malikhaing tao sa ating lipunan. Binubuo ito ng isang bungkos ng mga karapatan na nakasaad sa Intellectual Property Code of the Philippines. Nakapaloob dito ang Copyright Law o ang batas ukol sa copyright. Dahil madalas na napapalibutan ng batas at nagiging paksa lamang kapag may mga abogado sa paligid ang copyright, marami ang hindi maka-relate sa mga konsepto nito. Tama ang estudyante! Hindi nakakain ang copyright. Pero mahalaga pa rin ito. Tulad ng maraming bagay na mahalaga kahit hindi naman nailalaman sa tiyan. Ang copyright ay binigyang-halaga ng mga international agreement o document bilang kabungkos ng human rights. Ibig sabihin, hindi kumpleto ang listahan ng human rights kung wala ang karapatan ng mga malikhaing tao. Maraming bansa ang pumirma para mapagtibay ang mga dokumentong ito. Dahil nagkaintindihan at nagkasundo ang mga lider sa international stage, pumayag silang ipatupad ang laman ng mga dokumento sa loob ng kani-kanilang mga bansa. Isa ang Pilipinas sa mga bansang pumirma sa Universal Declaration of Human Rights. Ito ay naganap noon pang 1951. At sumang-ayon din tayo sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights na inilabas ng United Nations General Assembly noong 1966. Sabi sa Artikulo 23.1 ng Universal Declaration of

Human Rights, ang lahat ng tao ay may karapatang magtrabaho, may layang pumili ng trabahong gusto niya, magtrabaho sa isang makatarungan at maayos na lugar, at may proteksiyon mula sa pagkawala ng trabaho. Ibig sabihin ang tao ay may karapatan (human right) na magtrabaho bilang manunulat, kompositor, pintor, manlililok, photographer, at iba pa kung gusto niya. Dahil may laya siyang pumili ng trabaho ayon sa hilig niya. May karapatan din siyang magtrabaho sa isang makatarungan at maayos na lugar, ligtas at may proteksiyon mula sa pagkawala ng trabaho. Sabi naman sa Artikulo 23.3, may karapatang makatangap ng karampatang bayad mula sa kanyang trabaho ang kahit sinong tao. Para saan ito? Para sa kanyang sarili at para magkaroon siya ng kakayahang mabigyan ang kanyang pamilya ng buhay na disente at may dignidad. Ibig sabihin, ang author o malikhaing tao na nagtatrabaho nang ayon sa kanyang hilig o talent ay dapat lang tumanggap ng sapat na kita mula sa kanyang isinulat, iginuhit, inililok, at iba pa. Kung libre o walang bayad, paano niya maitataguyod ang sarili at ang kanyang pamilya? Sabi naman sa Artikulo 27.2, ang lahat ng bansang pumirma sa Universal Declaration of Human Rights ay gagawa ng batas na magbibigay-proteksiyon sa mga karapatang moral at materyal ng mga lu-

SENIOR CITIZENS Sa kabilang panig man ng Pacific na nagigiliran ng North at South America ay aktibo din ang mga bulkan at tuluy-tuloy ang pagyanig ng lupa. May sapat ng basehan kung kailan puputok ang bulkan. Kasi may matagal-tagal na panahon (Preparation phase) na makikitaan ng palatandaan gaya ng pag-akyat ng magma, pauntol-untol na pagyanig, pagtaas ng temperature ng tubig at pagbabago ng gas chemistry. Isang halimbawa ang nangyari sa Mount Pinatubo noong June 1991. Bago tuluyang sumabog ang bulkan ay nailikas muna ang may 80,000 mamamayan at mga eroplano, barko at mga kagamitang pandigma ng Clark Airforce Base at Olongapo-Subic Complex. Ito ngayon ang uri ng pagbabantay sa Mayon Volcano, pati na ng sa Taal Volcano at Caldera. Hindi lang kasali sa usapan ang pinsalang idinulot ng Mount Pinatubo eruption sa pamayanan ng Tarlac, Pampanga at Zambales. Ngunit kaiba ang kaso ng Tagaytay City. Simula pa ng 1929 ay natuklasan na ang Marikina Valley Fault System (MVFS) na parang humati sa Metro Manila at umabot hanggang sa Tagaytay Ridge. Tinataya na ang MVFS ay gumawa ng apat na malalakas na lindol sa loob ng nakalipas na 1,400 taon. Ang huling pagyanig ay inaakalang nangyari noong 18th Century. Sa isang mapa na nayari sa tulong ng UP Institute of Photogrammetry and Geodesy, ay malinaw na nailarawan ang Southern Tagalog Volcanic Field na kakakitaan ng Large Composite Volcanoes ng Taal, Makiling, Banahaw, Batulao at Malipunyo. Nakakalat din ang Scoria Cones (small volcanoes), craters at Maar Volcanoes sa Laguna at Batangas. Mayroon ding lumabas na Sibuyan Sea Faulth Line na diretso sa Taal Caldera at paitaas sa Tagaytay Ridge at Batulao.

MULA SA PAHINA 5

Parang ‘Sword of Damocles’ na nakaamba sa Tagaytay City ang lindol na magmumula sa muling pagkilos ng MVFS o pagsabog ng Taal Volcano at Caldera. Siguro, ang kinakailangan ay isang detalyadong ‘Disaster Preparedness Plan’ na kinapapalooban ng ‘Contingency Measures’ kung sakaling dumating na ang kinatatakutang sakuna. Walang masama sa paghahanda. Huwag namang matakot ang lahat sa posibleng paglindol. Hindi ito matutuloy kung sama-sama tayong taimtim na mananalangin sa Poong Maykapal na iligtas tayo sa panganib. Katuwang natin sa pagdarasal ang mananamba ng religious institutions na ngayon ay nakakalat pa sa mga sulok ng lunsod, taliwas sa inaaasahan nating matipon sila sa ‘Special Institutional Area’ gaya ng isinasaad ng ‘Land Use Plan’ ng Tagaytay. Wala sa kaalaman at kapangyarihan ng tao ang pagpigil sa pagsabog ng bulkan at pagyanig ng anumang lugar sa mundo. Katulad din ng bagyo, buhawi kidlat at kulog—ang tanging makapag-uutos ay ang Dakilang Manlilikha. (Awit 95) 4 Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kadiliman. Ang lahat ay sa Kanya, Maging ang mataas nating kabundukan. 5 Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na Kanyang nilalang. (Dahil sa nangyari sa bansang Hapon, minarapat ng Editorial Board, sa pahintulot ng may akda na muli malathala ang kolum na ito mula sa Tomo 1 isyu 7-)- ed

mikha ng gawang siyentipiko, pampanitikan o pansining. Kung ang Artikulo 23 ay para sa lahat ng naghahanapbuhay at ang karapatan (human right) nilang mabuhay nang may dignidad mula sa kanilang pagtatrabaho, ang Artikulo 27 ay direktang binanggit ang human right ng mga lumikha ng gawang siyentipiko, pampanitikan o pansining. Ano naman ang mga artikulong may kinalaman sa mga author sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights? Ito ay ang Artikulo 7 at Artikulo 15.c. Sa Artikulo 7, nakasaad ang karapatan (human right) ng tao sa karampatang sahod mula sa trabaho. Malinaw rin dito na ang karampatang sahod o bayad ay para sa LAHAT ng nagtatrabaho. LAHAT. Walang etsapuwera. Hindi exempted ang mga author. Kung ang mga janitor ay nakakatanggap ng sahod sa paglilinis, dapat ang guwardiya ay nakakatangap din ng sahod sa pagbabantay. Ang hindi pagbibigay ng karampatang bayad ay malinaw na violation of human right. Kilabutan kayo kung kayo lang ang kumikita at nabubuhay. Binanggit din dito ang “equal pay for equal work” at ang halaga ng sapat na kita para mabigyan ang sarili at pamilya ng disenteng pamumuhay. Tandaan, hindi lamang kayo ang may tiyan at pamilya. Sa Artikulo 15.c, malinaw naman ang obligasyon ng Pilipinas na tutukan ang karapatan (human right) ng lahat ng authors ng mga gawang siyentipiko, pampanitikan o pansining na mabigyang-proteksiyon ang kanilang moral at materyal na interes. Ang mga author ay may tiyan at pamilya rin. Nagbibigay sila ng mga gawang napapakinabangan ng lipunan. Kaya dapat lamang na makinabang din sila. Ika nga “equal pay for equal work.” Hindi nga nakakain ang copyright pero marami ang nakakapamuhay nang may dignidad dahil sa mga likha tulad ng libro, musika, pelikula, at iba pa. Hindi nga nakakain ang copyright pero maraming pamilya (kasama na ang mga estudyante) ang nakakakain dahil sa mga trabahong umusbong dahil dito. Inaanyayahan ang mga author, publisher o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang-proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay author/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng author. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang safilcols@gmail.com.


10

MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

Daang Matuwid ni PNoy, patungo sa kalbaryo ng mamamayan TIMOG KATAGALUGAN, PILIPINAS– Kapatid na Phot, Bong at mga kapatid sa parliyamentaryo ng lansangan, pahiram muna ng tema ng ating kampanya para sa pagkilos sa Kalbaryo ng Bayan, siyang tama at angkop na pamagat para sa titulo ng aking artikulong ito hehehe. Para sa mga mananampalatayang Romano Katoliko ay panahon na ng Kuwaresma o Semana Santa sapagkat nagsisimula ito tuwing Miyerkules ng Abo. Ilan sa mga mananampalataya ay nangingilin o hindi kumakain ng marami at ng karne, habang ang iba naman ay sadyang hindi na kumakain tuwing Biyernes sa loob ng 40 araw bago ang Mga Mahal na Araw at sa mismong Biyernes Santo. Maririnig ang kabi-kabilang pagbasa ng pasyon o aklat ng naglalaman ng buhay ng Diyos ng Kasaysayan na si Kristo mula sa kanyang kapanganakan, pagpapakasakit hanggang kamatayan at muling pagkabuhay. Masasaksihan naman ang Daan ng Krus o istasyon, mga nagpepenitensya at ang dulaang Kalbaryo na tumutukoy sa paghihirap at pagpapakasakit ni Kristo mula sa pagpasan niya ng krus, pagpapapako at hanggang kanyang kamatayan. Samantala tila hindi nalalayo ang kalagayan ngayon ng mamamayang Pilipino sa tinatawag nating Kalbaryo ng Mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin; produktong petrolyo; pamasahe sa jeep, taxi, bus, mrt/lrt; toll fee; tuition fee at marami pang iba habang patuloy lamang na nakapako sa mababang halaga at hindi na angkop na sweldo o pasahod sa mga manggagawa mapa publi-

ko man o mapa pribadong kompanya at opisina. idagdag pa sa Kalbaryo ng Mamamayan ay ang programang Public-Private Partnership (PPP) ng rehimeng US-Aquino, na ang akala ng ilan sa atin ay pawang kabutihan at kaunlaran daw ang dulot nito sa ba Pilipino na ibayong kahirapan ang dulot nito lalo sa ordinaryong masang anakpawis gaya ng mga maralita, magsasaka, mangingisda, manggagawa at iba pa. Sapagkat dahil sa PPP ng rehimeng US-Aquino ay nagkakaroon ng malawakang demolisyon sa mga pamayanan ng maralitang tagalunsod katulad sa North at South Triangle sa Quezon City; Kadiwa Market sa DBB Dasmariñas, Cavite; Coastal Area sa baybayin ng Cavite mula Bacoor sapagkat ang mga lupa at lugar na nabanggit ay pag-aari ng gobyerno o pampubliko. At dahil sa PPP ay naglalayong iparenta, ipagamait o ipagbili ng gobyerno ang mga pampubliko at gobyernong pag-aari sa mga dambuhalang kompanya ng mga dayuhang kapitalista para umano kumita ang pamahalaan, kahit na sa kabila nito ay mga lehitimong mamamayang Pilipino ang nahihirapan at tuwirang apektado ng mga nagaganap na kabi-kabilang demolisyon sa kanilang mga kabahayan at kabuhayan. Sa North at South Triangle sa Quezon City itatayo ang isang central business district na katulad raw ng New York Central Business District; sa Coastal Area o mga baybayin ng Cavite sa ngalan ng tinatawag nilang Cyber Bay City Project ay itatayo naman ang isang modernong kalsada at tulay na maihahalintulad daw sa Golden Gate Bridge ng California at mga viaduct na tatagos hanggang Batangas para raw sa Eco-Tourism Project ngunit ang totoo ay tatayuan ng mga hotels, casinos at floating restaurants bilang magsisil-

Ang tungkulin ng kabataang Pilipino sakasalukuyang panahon

HOROSCOPE (Talumpati para sa mag-aaral sa Elementarya) BAWAT tao ay naghahanagad ng tagumpay at kaligayahan habang nabubuhay. Ang iba naman ay naghahanap ng kabuluhan sa kanilang pag-iral at nagtatanong: Ano nga ba ang papel ko sa mundong ito?” Kahit ako ay bata pa, ako man ay nagtatanong sa aking sarili: “Ano ang tungkulin ko sa ating lipunan?”. “Bilang kabataang Pilipino, ano ang magagawa ko sa kapakanan n gating bansa?”. Kagaya rin ninyo, mga mahal kong kaklase, hindi ko pa kayang mabuhay nang hindi aasa sa aking mga magulang. Subalit hindi ito hadlang upang hindi ko magampanan ang mga tungkulin ko sa aking pamilya. Paminsan-minsan ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay gaya ng simpleng pagwawalis at pagpapanatliling malinis n gaming bahay. Kung kayak o rin lamang ang mga Gawain ay hindi ko na iniaasa pa ito sa aming katulong o sa kung sinumang nakakatatandang kasambahay ko. Naniniwala akong unti-unti ay kailngan kong matutunan ang pagtayo sa sariling mga paa. Bilang kabataan, naniniwala ako na tungkulin kong mag-aral nang mabuti upang hindi masayang ang matrikulang ibinabayad ng aking mga magulang sa paaralan. Nagtititpid rin ako ng pera mula sa aking pang-araw-araw na baon sa eskuwelahan upang makatulong ako sa mga gastusin kahit papaano. Bagamat kung minsan ay hindi ko gusto ang mga ipinag-uutos sa akin ng aking mga magulang gaya ng pagbabawas sa panonood ng tv at paglalaro ng kompyuter, kailan man ay hindi ko sinasagot nang pasinghal ang aking mga magulang. Tinitiyak ko din na magalang akong nakikitungo sa lahat ng nakatatanda sa akin. Iginagalang ko din ang lahat ng tao sa labas n gaming bahay at sa paaralan. Inaamin ko, hindi ako perpektong kabataan, ngunit matapat akong umaamin

sa aking mga kamalian at pinipilit kong disiplinahin ang aking sarili sa lahat ng pagkakataon. Kung kaya, bilang kabataang Pilipino, patuloy akong nagsusuri sa nagaganap sa aking paligid. Inuunawa kong mabuti ang mga pinag-aralan naming sa Sibika hinggil sa kasaysayan ng ating bansa. Sa ngayon, alam kong naghihirap ang Pilipinas at ang mga Pilipino ay napipilitang magtrabaho sa ibang bansa mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Karamihan sa ating nakapag-aaral sa pribadong paaralan ay may magulang o kamag-anak na OFW. Mahirap ang ganitong kalagayan. Bilang kabataan, nangangarap akong baling araw ay uunlad rin ang ating bansa at hindi na magiging alipin sa ibang bansa an gating lahi. Mawawala na ang mga nangungurakot sa gobyerno. Mawawala na rin ang mga malalaswang palabas sa telelebisyon at sinehan. Mawawala na ang mga lumalapastangan sa kalikasan na nagiging dahilan ng pagbaha. Pahahalagahan na natin ang sariling kutura at panitikan. Sa ating sama-samang pagkilos ay unti-unting mababago ang kalagayan ng ating bansa. Matutupad na ang ipinahayag ni Dr. Jose Rizal na “tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.”. Kumilos na tayo. Mag-aral tayong mabuti at paglingkuran hindi lamang ang ating pamilya kundi ang ating bansa. Kung itakda man ng pangangailangan na tayo ay makapagtrabaho at manirahan din sa ibang bansa, hinding-hindi natin dapat kalimutan ang ating lupang tinubuan. Masarap mabuhay at mamatay sa sariling bansa. Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng Pilipinas. Sa gabay ng Panginoong Diyos, tayong mga kabataan ang magtutulong-tulong upang likhain ang isang Pilipinas na malaya, maunlad at mapayapa. Mabuhay tayong mga kabataan! Muli, magandang araw at maraming salamat sa inyong lahat.

bing Las Vegas umano ng South East Asia, at ang iginuhong Kadiwa Market na dating kilalang Little Divisoria ng Cavite ay tatayuan naman ng Save More, Pure Gold at iba pang dambuhalang commercial establishments. (Sundan sa susunod na isyu)

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN: Maging listo at alerto sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito, May mabuti at masamang mangyayari kaya maging maagap. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 7.20.30.5.8.2 AQUARIUS: Magiging masayahin ka at halos lahat ng mga kakilala ay magugulat sa asal dahil hindi ito ang dating nakagawian, isa lamang ang dahilan nito at ito ay pag-ibig. Lucky days at Nos: Thursday / Sunday / 9.25.35.11.10.6 PIECES: Buong-buo ang loob mo ngayon kaya malaya kang magawa ang anumang maibigan mo, kahit ang mga panganib ay isa-isa at tila nag-mamadaling tatakas sa iyong harapan. Lucky days at Nos: Wednesday / Thursday / 10.15.8.2.3.13 ARIES: Kabilang ka sa mga papalarin, kaya wag mong pang hihinayangan ang anumang mababawas sa iyong pag-aari, sa maniwala ka o hindi dobledoble ang magiging kapalit. Lucky days at Nos: Friday / Saturday / 18.27.10.5.1.9 TAURUS: Isang taong masayahin, palabiro at ang mga ngiti niya ay nakahahawa, siya ang ipinadala sayo ng iyong tadhana bilang kasagutan sa minsang hiniling na makasama ang iyong tuwa at saya. Lucky days at Nos: Tuesday / Thursday / 4.9.14.18.22.1 GEMINI: Lalayo sa iyo ang mga hindi magagandang pangyayari at lalapitan ka naman ng mga oportunidad na nakapag-papaunlad sa kundisyong tutulungan mo ang isang kapamilya. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 3.10.18.25.35.19 CANCER: Mapupuno ka ng pagdududa sa iyong kapareha, gayunpaman, kailangan kang gumawa ng paraan upang madiskubre mo ang totoo nitong nililihim. Lucky days at Nos: Saturday / Sunday / 1.6.15.29.20.11 LEO: Huwag mong hayaang maapektuhan ang trabaho dahil sa suliranin sa pag-ibig, mas mabuti pa na mag-usap kayo upang maayos ang problema. Lucky days at Nos: Friday / Saturday / 1.8.15.22.29.30 VIRGO: Sa negosyo mapalad ka at magtatagumpay ka, ngunit sa ngalan ng pag-ibig mabibigo ka pa rin. Lucky days at Nos: Thursday / Friday / 3.10.17.24.31.35 LIBRA: Tanggal lahat ng sama ng loob sa araw na ito, may darating na magandang suwerte sa iyo, lalo na sa pag-ibig. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 29.16.28.25.10.1 SCORPIO: Malakas ang iyong dating matamis manalita ngunit may posibilidad kang mahuli ng iyong minamahal. Lucky days at Nos: Tuesday / Thursday / 40.35.29.11.2.10 SAGITARIUS: Makinig ka aking anak, kapag na duwag ka ngayon, ang suwerteng darapo sa iyo ay mapupunta sa iyong kaibigan, kapag buo ang loob mo, bubuhos sayo ang magagandang kapalaran. Lucky days at Nos: Wednesday / Sunday / 39.29.14.21.8.17


MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

11

Anak ng pusang buhay ‘to! (‘Di ba kuting ‘yun?) BAHAHAHAR! Magandang araw sa mga nagbibilad ng isda upang gawing tuyo o daing. Malamang ay nagkakandaduling na naman ang mga kaaway natin para tayo’y likidahin. Mabibigo sila dahil masukal ang kabundukang kinalalagyan ko. Kahit mag-declare pa sila ng allout-war, di nila mapapasok ang aking sanktwaryo. Ipinadala po sa pamamagitan ng manananggal na pilantod ang isa na namang katanungan mula sa ating mambabasa. At ganito po ‘yun. Dear Abu Rhatbu, Tanong ko lang po kung bakit laging una ang paa ng pusa kapag tumatalon mula sa mataas na lugar? Bakit hindi po napipilayan ang mga ito? Totoo po bang syam ang kanilang buhay? Salamat po, Pussy Kathy Dear Pussy Kathy, Para maibigay ko ang iyong hinahanap na kasagutan, inutusan ko ang aking mga tauhan na manghuli ng tatlong pusa. Yung isa, inihulog ko sa bangin. Mga dalawandaang talampakanm yung bangin. Nang personal kong tignan, buo ang mga paa ngunit basag ang bungo. Ibig sabihin, naunang tumama ang bungo. Yung ikalawa, inihulog ko mula sa bintana. Mababa lang ang bintana. Mga tatlong piye lang siguro mula sa lupa. Patay ang pusa.

Nakalimutan kong sa gawing bintana ko pala nandoon ang lutuan. E, nagpapakulo pala ng mantika ang mga tauhan ko para sa crispy pata ng aso, yun, puro ngiyaw na lang ang narinig ko. Yung ikatlo, ipinapanhik ko sa tauhan ko yung pusa sa puno. Sabi ko, ihulog ng tauhan ko at mamasdan kong mabuti kung unang lalapat ang mga paa nila sa lupa. Nang ihulog ay hindi ko pa rin napansin. Sa mukha ko kasi naglanding ang mga paa ng pusa. Katakot-takot na kalmot ang inabot ng mukha ko. Sa galit ko, pinagbabaril ko. Nung araw na iyun, tatlong pusa ang patay. At isang tangang tauhan. Kung syam man ang kanilang buhay, sa hirap na kanilang inabot sa mga kamay ko, malamang hindi na nila gugustuhing mabuhay. Kung may mga pusa ka pang naitatago dyan, padala mo lang dito sa Kampo para muli akong makagawa ng pag-aaral. Masarap din pala ang crispy pata ng pusa. Nagmamahal sa sarili, Abu Ratbu

Kung may katanungan po kayo’t hinaing, ipagbigay alam po lamang sa inyong Abu Rhatbu. Pasasabugin natin ang kanilang baho at bibistayin ko kayo ng kasagutan. Mag-email sa ulat@respondecavite.com

Niyayayang Pakasal Dear Bebang, Niyayaya na akong magpakasal ng girlfriend ko. Pareho kaming nasa tamang edad na. Mahal ko siya at gusto ko rin siyang makasama habambuhay. Excited din akong magkaroon na kami ng anak. Kaya lang hindi ako komportable sa idea ng kasal. Mas gusto ko munang magkaroon kami ng anak. Saka na lang sana ang kasal. Okey lang ba ‘yon? Magagalit ba ang girlfriend ko kung hindi muna ako magpropose sa kanya? Magalit kaya sa akin ang pamilya niya kung unahin namin ang pagkakaroon ng baby? Siyanga pala, Bebang, handa naman ako financially. So hindi problema ang pera para sa kasal. Sherwin Lam ng Buck Estate, Alfonso, Cavite Mahal kong Sherwin, Single ka bang talaga? Baka may asawa ka na? O ikinasal ka na noon? O, joke lang. Alam ko namang single kang tunay. Sadya lang talagang may taong katulad mo: takot sa kasal.

Linawin ko lang na ang problema rito ay hindi ang partner mo kundi ang pananaw mo sa idea ng kasal. Hindi ka komportable dito. ‘Yan ang magandang ma-settle natin. Soul-search tayo. Magset ka ng isang araw na wala kang gagawin kundi kilalanin pa nang husto ang sarili. Kopyahin mo ang mga tanong na ‘to tapos interbyuhin mo ang sarili mo. ‘Yung mga sagot, isulat mo sa isang papel. Kung kulang ang isang papel, sige, dalawahin, tatluhin mo. 1. Ano ang kasal para sa akin? 2. Mahalaga ba ito o hindi? Bakit? 3. Ano-ano ang mababago sa akin kapag ikinasal ako? Gusto ko ba ang mga pagbabagong ito? 4. Ano ang tingin ko sa magasawang ikinakasal uli pagkatapos ng 50 taon? Naiinggit ba ako? O balewala lang? Napapangiti lang ba ako sa ganoong eksena? 5. Ano ang pakiramdam ko kapag may kaibigan akong ikakasal? Excited ba akong dumalo? Masaya ba ako para sa kanya? Kung masaya ako, bakit? Kung hindi naman, bakit pa rin? 6. Mahal ko ba talaga ang kasintahan ko? Ano ang pananaw niya sa kasal? Magkakasalungat kaya kami? Ano ang

puwede kong gawin kung oo? 7. Ano ang buhay at relasyon namin kung hindi kami ikakasal? 8. Ano ang buhay at relasyon namin kung ikasal kami? 9. Alin ang mas gusto ko sa dalawang uri ng buhay at relasyon? 10. Ano ang puwedeng gawin ni _________ (put name of GF here) kapag nalaman niyang ayaw ko talagang magpakasal? 11. Ano ang gagawin ko kapag ginawa niya ‘yon? 12. Ano ang meron sa pagiging single na ayaw kong iwanan? 13. Ano ang meron sa pagiging married na ayaw kong puntahan? Ipadala mo sa akin ang mga sagot mo. Saka tayo mag-usap. Bili ka ng inumin. Bibili ng pulutan, Binibining Bebang Kung may suliranin sa sarili, pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com. PS Maligayang bati kay Sean Elijah W. Siy sa kanyang pagtatapos sa elementarya. Tiyak na malayo ang iyong mararating. Go, EJ!


Dahil sa pagsisiga ng kapitbahay...

Bahay nina Heart Evangelista, nasunog NASUNOG ang bahay ng pamilya ni Heart Evangelista sa Carmona, Cavite kamakailan dahil sa kapabayaan di umano ng kapitbahay ng pamilya ng aktres na nakaugalian nang magsunog ng dahon at basura. EVANGELISTA

Umawat sa away, tigbak PATAY ang isang 64-anyos na may-ari ng isang videoke bar matapos pagbabarilin habang umaawat sa away ng dalawang kostumer kamakailan sa Barangay San Gabriel, General Mariano Alvarez, Cavite. Sa ulat ni P/Senior Insp. Juan Oruga, napuruhan sa dibdib si Rowena Pilverra, may ari ng Ken & Mai Pub House and Kitchenette at nakatira sa Teachers Village, sa nabanggit na barangay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na umawat ang biktima sa nag-aaway na kostumer sa loob ng nasabing videoke bar kung saan nabaril ang biktima ng dalawang beses. Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang isinasagawang imbistigasyon.

Ayon sa insiyal na imbistigasyon, ang pagkakasunog ng bahay ng aktres ay dahil sa lumipad na bahagi ng sinusunog dahil sa kalakasan ng hangin sa nasabing lugar at dumapo ito sa tahanan ni Evangelista. Batay sa pahayag ng aktres, madalas na nilang pinagsasabihan ang kanilang kapitbahay na h’wag nang magsunog ng

kahoy o dahon ngunit hindi sila pinakik-inggan. Umabot pa di umano sa punto na ipinagbigay alam na ng pamilya ang kanilang hinaing sa barangay ngunit walang ginawang aksyon di umano ang barangay sa kanilang lugar. “Lumipad [‘yung apoy] papunta sa loob ng bahay namin. Mahangin kasi dun eh, kasi we were on top of the hill.

Mahangin talaga so ang bilis [kumalat] ng apoy,” wika ni Heart na nasa Bacolod ng mga panahong iyon at nalaman nito ang pangyayari batay sa kwento ng kanilang boy. “Mga 1:30 [ng hapon nung] sinabi ng boy namin [na] lumiliyab ‘yung rooftop namin sa likod ng bahay. Pagdating ng fire [truck na] tinawagan namin, wala na. Ang lakas-lakas na nung

apoy. Ubos na ho,” pahayag ng ina ni Heart. Kasalukuyan naman naliligo ang ama ni heart nang maganap ang sunog kayat agad itong lumabas bitbit ang alagang mga aso kung kayat walang halos gamit na naisalba. Habang isinusulat ang balitang ito, nagsasagawa naman ng imbistigasyon ang mga nasa kapangyarihan. Scholarship Assistance : Ipinarating ni Gobernador Jonvic Remulla (inset) ang kanyang pagbati at mensahe sa humigitkumulang 3,800 iskolar mula sa ibat ibang paaralan at unibersidad sa ginanap na pamama-hagi ng tulong pinansyal para sa edukasyon ng mga kabataang kabitenyo kamakailan sa Provincial Gymnasium, Trece Martires City. Hinikayat ng gobernador ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang pagiging mabuting mamamayan ng Cavite.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.