cavite_52

Page 1

NASA PAHINA 6


2

AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

SEKTOR NG MAGTATANIM NG KAPE, NANUMPA SA TUNGKULIN NI REX DEL ROSARIO

TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Pormal na nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga lider ng magtatanim ng kape sa lalawigan ng Cavite na pinamumunuan ng kanilang Chairman na si Mr. Oriel Salazar noong Lunes (Agosto 23, 2010) ganap na 10:00 ng umaga sa harap ni Gov. Juanito Victor C. Remulla, Jr. na ginanap sa Ceremonial Hall ng Provincial Capitol Building ng lungsod na ito. Sa ilalim ng kanilang samahan ng mga magsasaka o magtatanim ng kape na tinawag nilang Cavite Coffee Farmers Growers Cooperative ay nanumpa sa tungkulin sina Oriel Salazar (Chairman), Nestor Dela Cruz (Vice Chairman), Zynia Cortez (Secretary), Teresa Remulla (Treasurer), Liderato Perez (Business Manager), Teresita Limbo (Book Keeper), Guillermo Toledo, Teodoro Dela Cruz, Rene Malimban, Ato Alegre, Teodoro Tampis, Rene Marasigan (Board of Directors), Andy Mojica, Rosy Mendoza at Violeta Dela Cruz (Advisers). Ang grupo ay may siyam na kapehang sakahan sa bayan ng Magallanes, Maragondon, Gen. Aguinaldo, Alfonso, Indang, Mendez, Tagaytay, Amadeo at Silang.

Iniulat ng grupo kay Gov. Remulla na ang industriya ng kape ay pumapangatlo sa mga pananim sa ating lalawigan maging sa buong bansa (1.palay, 2.niyog, 3.kape) at tinatayang may 9,344 ektaryang lupang kapehan na kinapapalooban ng may 11,000 magsasaka ng kape sa lalawigan. Kinikilala rin na ang Cavite na sa ngayon ang pinaka-source ng kape sa bansa, ito ay ayon naman kay Mr. Andy Mojica na kilalang professor ng Cavite State University sa Indang, Cavite. Nagkaroon din ng diyalogo ang grupo kay Gov. Remulla at nasundan pa ito ng isang consultation meeting noong Miyerkules (Agosto 25, 2010) para sa mga problemang kinakaharap ngayon ng sektor katulad halimbawa

ng pagbaba ng bilang ng mga susunod na tagapagtanim ng mga kape lalo pa at matatanda na umano ang mga natitirang magtatanim ng kape sa lalawigan at ang kanilang mga anak o kabataan sa lugar nila ay wala ng hilig sa pagbungkal ng lupa. Pagbibirong nawika naman ni Gov. Jonvic Remulla sa mga magsasaka ng kape na ang kanya umanong Ama na si dating Gov. Juanito Remulla, Sr. ang may kasalanan kaya ayaw ng magbungkal ng lupa ang mga kabataan ngayon dahil umano sa industrilisasyong programa sa lalawigan na ipinatupad ng kanyang Ama katulad ng EPZA at iba pa kung saan ang mga kabataan sa ngayon ay mas pinili na o mas ginusto ng

Building sa PEZA, natupok TUMAGAL ng tatlong oras ang sunog sa isang building sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa bayan ng Rosario sa Cavite. Ito na ang ikaapat na sunog na nangyari sa nasabing lugar ayon kay Senior Fire Officer 2 Elpidio Urbano ng Cavite – Bureau of Fire Protection (BFP). Ang PEZA com-

pound sa Rosario at Dasmarinas, Cavite ay kilala bilang isang highclass na industrial at commercial area. Ayon sa report ni Senior Inspector Ariel C. Avilla, natupok ang buong Deco Candles firm unit. Ang nasabing firm ay kinilalang pagmamay-ari ng isang nagngangalang Martin Carlstenson.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog bandang ikasampu ng gabi sa Research and Development Office na nasa ikalawang palapag ng building. Humupa ang apoy bandang ala-una ng madaling araw, Sabado, ika-212 ng Agosto. MICHELLE VALE CRUZ

magtrabaho sa de air-con na pabrika na hindi pa nakabilad sa init ng araw. “Gagawa tayo ng mga programa para magkaroon muli ng gana ang ilan sa mga kabataan natin sa ngayon na magkainteres na sila sa pagbubungkal ng lupa katulad ng pagtatanim ng kape sa pamamagitan ng pag-offer natin sa kanila ng mas pagagandahin at isasaayos nating kurso katulad ng Agriculture. Malawak ito at katuwang natin ang mga pamantasan sa lalawigan kaya nararapat na magtulongtulong tayong lahat para maipagpatuloy ang pagunlad ng industriya ng kape sa ating lalawigan,” dagdag pa ng Gobernador.

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

3

Oportunidad para sa Cavite inmates, inihain NOONG Linggo, ika-22 ng Agosto, ay pormal nang pinroklama ng gobyerno ng Cavite na magbibigay ito ng mga bagong oportunidad para kumita ng pera ang mga preso kahit sila ay nakakulong. Ayon kay Engr. Ruperto T. Arca, Senior Provincial Environmental Management Specialist, ang kailangan lamang gawin ng

mga preso ay makilahok sa dalawang araw na seminar-workshop kung saan sila matututo kung paano gumawa ng handicrafts mula sa recycled materials. Sa ganitong paraan, ang mga bilanggo ay matututo kung paano gumawa ng mga bags at iba’t ibang aksesorya mula sa basura. Nilalayon ng programang ito na mabigyan ng oportunidad ang mga

preso na magkaroon ng kabuhayan sa paraang makakatulong sila sa kalikasan. Ang programang ito ay nagmula kay Cavite Governor Juanito Victor C. Remulla Jr. at Engr. Ruperto T. Arca. Ang mga gawa ng mga preso ay ibebenta ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG – ENRO). MICHELLE VALE CRUZ

Jing goy, pina pa tang gal Jingg pinapa patang tangg ang tric ycles sa R UT tricy RUT

DAPAT ay magkaroon ng eksempsyon ang mga ordinaryong pampasaherong tricycles sa Road Users’ Tax (RUT). Ayon kay Senate President

Pro Tempore Jinggoy Estrada. Ihinain ni Estrada ang Senate Bill 2416 na naglalayong baguhin ang Republic Act 8794 upang maialis ang mga tricycles at motorsiklo mula sa sakop ng Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC). Ani Estrada, ang batas na ito ay nagsasabing magkakaroon ng MVUC ang lahat ng uri ng motorsiklo mula sa pagpaparehistro nito, mapa-pampasahero man o pangpribadong kagamitan. Kasama na rin dito ay ang mga sasakyang pag-aari ng gobyerno. Ayon din sa batas na

ito, ang mga makukuhang tax o buwis na na malilikom ay gagamitin para sa maintenance at ikagaganda pa ng mga kalsada. Sa Senate Bill na ipinanukala ni Estrada, mababawasan ang pasanin ng mga drayber at mayari ng mga tricycle na siyang kinabubuhay lamang ng iba. Isa ang Lalawigan ng Cavite sa may pinakamaraming tricycle na nagsisilbing pangunahing transportasyon sanhi na rin ng lumalagong townhouses at housing project sa naturang lalawigan. JUN ISIDRO

Ipinakita nina PG-ENRO Senior Environmental Management Specialist Engr. Ruperto T. Arca, (kanan) at Environmental Management Specialist Vonn Ernest F. Javier (kaliwa) kay Cavite Provincial Administrator for External Affairs Efren Nazareno, ang mga bag mula sa resiklo na ginawa ng mga preso sa Provincial Jail sa ginanap na dalawang araw na livelihood seminar/workshop. Layon nito na mabawasan ang basura, mapalawak ang kamalayang pangkalikasan at makapagbigay ng oportunidad pangkabuhayan upang mabawasan ang kahirapan. Katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa naturang programa ang San Technology and Hella Philippines.

Jeepney nadiskaril, 17 katao sugatan LABING-pitong katao ang naiulat na sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang pampasaherong jeep. Agarang isinugod ang mga biktima sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City, Cavite. Nagtamo ang mga biktima ng sugat sa ulo at katawan. Siyam sa mga biktima ay pawang mga magaaral mula sa Cavite State University at pitong biktima naman ay mga empleyado ng gobyerno. Isa

sa mga biktima ay ang drayber ng jeep na si Noel L. Mojica, residente ng Indang, Cavite. Ayon kay Mojica, nawalan siya ng control sa kanyang pagmamaneho na naging sanhi ng pagtaob nito. Ayon sa pulisya, ang jeep na minamaneho ay Mojica ay nagkaroon nga ng aberya na naging sanhi ng aksidente. Ani Police Officer 1 Dexter Anadilla, naganap ang aksidente sa Indang-

Tagaytay Road sa Barangay Mahabangkahoy, Cerca, Indang, bandang 7:30 ng umaga noong Lunes, ika-23 ng Agosto. Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries. Dahil sa nasabing aksidente, nagbabala ang mga pulis sa mga drayber na mag-ingat dahil araw-araw ay may nagaganap na aksidente sa Cavite tuwing tag-ulan. WILLY GENERAGA


4

AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

Sa bangketa tayo magsimula

BUENAS dias con todos sa ating mga kababayang Caviteño. Isang pagpupugay sa hanay ng mga anak-pawis, maralitang tagalunsod, mamamalakaya at manggagawa. Ang inyo pong lingkod ay matagal-tagal na ring nagsisilbi bilang Pangulo ng Cavite City Sidewalk Association kayat kakambal na ng aking pagtulog at paggising ang suliranin ng ating mga kasama. Kaya naman, nagpapasalamat tayo at nabigyan ng puwang ang inyong lingkod na magkaroon ng pitak dito sa Responde Cavite upang magsilbing tinig ng mga nasa laylayan ng ating lipunan partikular ang mga sidewalk vendor. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang suliranin sa palengke ng Cavite City. Unang-una rito ay ang pagiging matumal ng bentahan dahil na rin sa hirap ng buhay, walang pera ang mga mamayan at walang trabaho ang karamihan. Ikalawa ay ang walang katiyakan ng pwesto

ng mga sidewalk vendor. Ikatlo ay ang pagiging disorganisado ng ating mga kahanay. Ikaapat, ang basura at mga nakaharang na istruktura na sagabal sa ating mga mamimili. Kamakailan, nakipagpulong tayo kay Mr. Oca Sabater na bagong hirang na Executive Assistant to the Mayor (Peace and Order/Security Affairs) upang alamin ang ilang suliranin sa ating palengke. Napagusapan na matamlay ang palengke dahil sa kawalan ng puhunan ng ilang mga tindera gayundin ang hindi organisadong hanay ng mga ito. Hindi nagdalawang isip ni Mr. Sabater na tumulong kay Mayor Ohmee Ramos sa pamamagitan ng pagsasaayos ng palengke at ng mga sidewalk vendor kaya’t nagsabi itong handa nyang tulungan ang mga vendor sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan nang walang tubo o interes. Isa itong malaking hakbang upang maayudahan ang ating mga kasama sa sidewalk. Lalo na ngayong nalalapit na ang magkakasunod na okasyon mula Pyesta hanggang Bagong Taon. Hindi na rin laging magaaway o magkakagulo sa pwesto dahil aayusin ang mga ito at lalagyan ng lona bilang proteksyon sa ulan at araw. SUNDAN SA P.5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa erwell peñalba advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

TRABAHUHIN ANG CAVITE CITY MARAMING taga-Cavite ang nanghihinayang sa Cavite City. Dati, ang mga taga-Tanza, Kawit, Noveleta at iba pang bayan ay wiling-wiling pumunta sa Cavite City. Paano, eto nga naman ang simbolo ng kapangyarihan at kaunlaran. Pero kalaunan, nanamlay ang Cavite City. Nawala ang ningning ng lunsod. Nagkalat ang mga suliranin. Ang gulo ay matitisod mo kung saan-saan. Ang kahirapan ay maamoy mo kahit kalayuan. Ang kalungkutan ang nakabadha sa mga lansangan ng Lungsod. Tinawag itong “Bedroom City.” Gaya ng tulugan, nangungulila. Nagiisa. Tahimik. Mag-iisip ka kung magigising pa o hindi na. Napuna ng ilan, tila patay na ang palengke. Walang katao-tao. Wala na ring halos bumibili. Lugi na raw ang mga tindera. Mabibilang na rin sa daliri ang mga nangingisda. Patay ang palengke. Patay ang dagat. Dahil may isang patay sa Cavite na nagmumulto sa ating lahat. Kailangan itong buhayin at palakasin. Ito ang eknomiya. Wala kasing gaanong economic movement ang Cavite City dahil ang lungsod mismo ay hindi nakakalikha ng trabaho sa kanyang mga mamamayan. Dahil hindi na nga istratehiko ang lokasyon at tapograpiya ng Cavite City, kakailanganin itong sadyain ng mga taga-”labas” para may dumating na pera. Pero walang dahilan o maihahandog ang lungsod sa ibang bayan para ito sadyain, kailangan ni-

tong buhayin ang sarili. Halimbawa ang Noveleta, may housing o subdivision na mapagkukunan ng income. Istratehiko dahil nasa krus na daan ng Kawit, Cavite City at Rosario. May SM, EPZA, Oil Refinery, tinapa, pandawan at subdivisions ang Rosario na pinagkakakitaan. May resorts at housing projects ang Kawit at sangandaan ng Bacoor, Noveleta, Rosario at Imus. At ano ang sasadyain at dadayuhin sa Cavite City? Ano ang pagkakakitaan sa Cavite City? Dahil hindi ito maakaasa sa iba, dapat itong umasa sa sarili. Lumikha ng trabaho. Lumikha ng pagkakakitaan. May mga bakanteng lote sa Cavite City lalong lalo na yung likod ng palengke. Pribadong pag-aari daw ito. May nakukuha kayang amilyar at buwis ang pamahalaan dito? Kung ilang taon na itong bakante, baka pwedeng mapag-isipan kung paano ito makalilikha ng trabaho. Ang lawak ng baybayin ng Cavite City. Dapat itong pasiglahin. Tulungan ang mga mangingisdang bantayan ang karagatan ng Cavite City nang sa gayon ay hindi ito abusuhin ng mga dayong mangingisda. Ayusin at balansehin ang mga tahungan at palaisdaan. Matagal-taga na laban ito. Hindi makukuha sa magdamagang pagpaplano at pagpapatupad. Pero laging may puwang ang pagbabago at progreso kung desidido ang syudad na maiangat ang kanyang sarili. Pwede pa naman. Wag lang haluan ng politika.

ANG PINO Y NGA NAMAN! PINOY ‘SANGKATUTAK na kuru-kuro ang lumamon sa buong paligid ‘tong linggong nagdaan. Magkasunod na pang-international ang laman ng mga balita sa dyaryo, TV at radio. Nauna pa ang mga balitang aksidente na karumal-dumal pa. Mga kilala at di-gaanong kilala ang nailgay sa ulo ng mga balita. Iba talaga ang Pinoy kung rumatsada. Kahit sang anggulo pinag-uusapan. Simulan ko sa melodramang laban sa buhay ni Maria Venus Raj – ang kandidato ng bansa sa Miss Universe 2010. Araw-araw na ipinapakita sa telebisyon ang mga highlights sa prestihiyosong patimpalak sa pagandahan. Pati na rin ang pangunguna nya sa poll votes sa Internet, sobrang suporta ng mga kababayang Pinoy sa US. Nakadagdag kumpiyansa sa kanya at sa buong Sambayanang Pilipinas ang mgagandang komento at kritisismo. “Buhay na buhay ang katawang lupa ko”, wika nga ni Ai-ai selas Alas. Nang dumating na nga ang Araw ng Koronasyon – tuluy-tuloy ang kaba, pressures at kung anu-ano pa. Sigawang umaatikabo nang tawagin sa panghuling slot ang Miss Philippines upang mapabilang sa Top15. Take note out of 83 beautiful, sexy and amazing candidates, all over the world. Lalo pang umigting ang excitements nang muli siyang mapasama sa Top10. At ang halos mapatalon ang lahat sa sobrang tuwa nang muling sambitin ng host ang “Miss Philippines” sa huling pagkakataon. Sure winner na ang laban. Hero na; nang mapasabak sa Q.A. porion, walang halos umiimik o ku-

murap man lang – inaabangan ang natatanging sagot ni Miss Philippines. To cut the story short. Nakalusot! Nasungkit ang 4th runner up. Laking tuwa sa naging hatol ng inampalan. Muli na naman kasing pinatunayan ng Pinay ang gandang Filipina sa buong mundo. Pero, umandar na naman ang utak talangka natin. Sa isang bahagi ng sagot ni Venus ay buong pusong ginawang katuwatuwa ang nabanggit na “Major,major”. Eh, ano naman kaya? Buti na lang, di siya apektado sa isyu. Ang mahalaga sa kanya ay ang palakpak, galak at pagiging proud n higit na nakararaming Pinoy na todo-suporta sa kanyang laban. Totoo pa rin ang kasabihang “You can never put a good man down. If you’re doing something good, then you’ll go places and you can make it on top!” Mabuhay ka! Miss Maria Venus Raj – 4th runner up Miss Universe 2010! Isang araw bago ang makapigil-hiningang Miss U ay may bumalandrang nakakagulat na hostage taking sa Quirino Grand Stand. Isang may kasong dating pulis na si Capt. Mendoza ang nagpatawag pansin sa buong Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ang kaso, nakahihiya at nakakabawas ganda at pogi points sa ating mga Pinoy. Labing isang oras na drama, suspense at barilan ang nasaksihan at nasubaybayan ng mga tao. Daig pa ang teleseryeng kinawiwilihan nating lahat. SUNSAN SA P. 5


AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

Takdang-Aralin NI RONALD VERZO SI Ronald Verzo ay dating pangulo ng Cavite Young Writers Association at ngayon ay isa na sa board of advisers nito. Manlilikha ng pelikula at makata si Verzo at kasalukuyang tinatapos ang Journalism sa PUP-Manila. ANG komunidad ay isang mga telenobela, laman guro at isa ako sa kan- na rin sila ng mga talumyang mga estudyante. pati ng politiko, ano pa ba Ganyan ko na marahil ti- ang bagong masasabi? Nag-research ako nitingnan ang relasyon ko tungkol sa mga parolado sa komunidad. Hindi iyon gaya nang para sa isang short film kinasanayang relasyon (na may parehong pamang guro sa estudyante sa gat). Dito ko natuklasan ang mga rehas na humapaaralan. Kapag pinilit mong harang sa kanila kahit maging guro ang komu- wala na sila sa Bilibid. nidad, kadalasan, may Mayroon pa ring mas mamga aralin na hindi niya tigas, mas mahigpit, at higit na mahirap na pakikayang ituro. Marunong magpa- kipagtunggali sa pagikumbaba ang guro na ito. ging malaya, doon sa laMinsan, tatabihan ka niya, bas ng kulungan. Nang ipinalabas ang parang kapwa estudyanteng nakalimutang guma- Parolado sa Bilibid, luwa ng homework, na sa mapit ang ilang detainee natitirang panahon ay sa akin. Inakbayan ako nag-aalala sa kahihinat- no’ng isa, kung anuman nan ng kanyang pagpa- daw ang totoo sa pelikupabaya, kaya’t sasamah- la, naging malinaw daw an ka niya sa mabusisi sa kanya ang nadaramong pag-aaral sa kan- mang lungkot sa nalalapit niyang paglaya. Itinuro yang sarili. Sa ganitong pagka- niya ang isang kasamahkataon tayo nagkakasilbi an na nangungulila sa asawa. Buo raw ang kansa komunidad. Noong gumawa ako yang magiging paglaya ng documentary video kung pagkakatiwalaan tungkol sa mga batang siyang kaya pa rin niyang kalye, naging malaking maging mabuting padre tanong kung bakit ko ito de pamilya sa kanyang kailangang gawin. Mad- mag-anak. Kapag isinama mo alas nang laman sila ng

ang komunidad sa iyong pag-aaral, matutulungan mo siyang intindihin ang kanyang sarili. Iyon ang pinagmumulan ng progreso at pagbabago. Sa Rotonda ng Bacoor, may batang kalye roon na laging nanununtok sa likod kapag tinatanggihan ko ang kanyang panlilimos. Bakit hindi ko sila tulungang talakayin ang sarili nila sa documentary video? Dapat kong tanggapin ang mga suntok na ’yon bilang maliliit

na katok sa aking pintuan, pagbubuksan ko siya, yayayaing tumabi sa kinauupuan, sabay kaming mag-aaral. Hindi pabaya ang komunidad. Hindi problema ang komunidad. May listo itong ayusin ang sarili. Nariyan naman ang kanyang pagsisikap. Pero hindi niya ito kaya nang mag-isa. Kailangan tayo ng komunidad. Ito ang itinuturo niya sa atin.

Sonny Eldrich Salamatin (Amadeo, Cavite) HINDI lang isa, dalawa, o tatlo ang humagalpak sa katatawa sa paraan ng pagbabasa ni James, kundi ang buong madla. Wala pa sa kalahati ang piyesang kaniyang binabasa ay hindi na napigil pa ng kaniyang mga kamag-aral ang mapabulalas nang tawa. Halos mabasa ng luha ang kanilang mga panyo habang buong galak siyang pinakikingan at pinagmamasdan. Pinilit niyang ipagpatuloy ang pagbabasa sa kabila ng pangungutya. Pinakakalma ang nangangatal na kamay. Namumula na ang kaniyang mukha sa nilalabanang pagkapahiya. Bahagyang napaigtad si Ginoong Vallesfin na pinipigilan ang tawa nang makitang nanggigilid ang luha sa mga mata ni Sonny. Ang ambang pagsaway sa klase ay nawalang saysay nang mabilis na tinahak ni James ang daan palabas ng silid. Nasaktan siya; maraming ulit. At ngayon ay napagod nang maghanap at mag-isip ng katangaptangap na dahilan upang makapagpagaan man lamang ng kaniyang kalooban. Kinuyumos niya ang papel na hawak at pinisil ang nanggagalit niyang kamao. Simple ang kanilang buhay sa isang Sitio. May maliit na sagingan at isang tindahan. Lima silang magkakapatid. Tatlo ang nag-aaral sa elementarya at ang isa ay nasa ikatlong antas ng high school. Si Sonny, bilang panganay ay kailangang tumigil matapos makagraduate. Hindi na kaya ng kanilang kita ang gastos sa kolehiyo. Naisin man niyang tumutol ay nauunawaan niya ang punto ng kaniyang magulang. Taliwas sa kagustuhan niya, tila sapat na para sa mga ito ang kaniyang natapos. Ikinagulat na lamang niya, isang araw, ang balita ng kanyang ama na susunduin siya ng kaniyang Tito Rolly. May pamilya na rin ito kapisan ang asawang si Ema. Kapwa nasa Abroad na ang dalawang anak at may maayos na trabaho. Nagmagandang-loob ang mag-asawa na kupkupin siya at pagtapusin sa kolehiyo. Iniwan niya ang Davao at tumungo sa Cavite na kimkim ang pangarap na makapag-aral. Muli niyang binuklat ang nilamukaos na papel at muling sumubok. “E nays romantek denir en e batel of cheld wayn, en her wi ar togedir en a momen stip en taym…” Kasabay ng lagunos ng luha ay ang pagpunit niya sa nasayang at gusot niyang piyesa. “Mo abot ang panahon nga mo nganhi pud mo sa amu…” MULA SA PAHINA 4

Sa bangketa...

Malaking respnsibilidad ito na nakaatang sa ating balikat. Ngunit alang-alang sa interes ng kapwa natin vendor, buong tatag ko itong tinanggap. Bagong hamon ng pakikibaka ang ating susuungin. Bilang matagal nang kumikilos sa mga isyung pambansa at lokal, hinog na tayo sa karanasan sa pamantasan ng lansangan. Itinuro na ang tyan na walang laman ay madalas na sanhi ng maraming sigalot at di pagkakaunawaan. Itinutulak ng kahirapan ang taong gumawa ng krimen. Sa pamamagitan g proyektong ito, baka kahit papaano ay maibsan ang krimen sa Lunsod at madagdagan nang kaunting pagkain sa hapag kain-

5

Good Morning, Teacher! Mula sa pahina 4 Ang katapusan ay malungkot. Namatay ang hostage taker damay ang mga Hongkong nationals na hostage kahit na may ilang nakaligtas. Ang nakakagigil na eksena ay ang pagsulputan ng mga usisero na di mawari kung saan nanggaling. Para bang mga langgam na biglang nabalahaw! Haay! Ang Pinoy nga naman! ‘Wag lang maunahan sa tsika. Ayaw patalo! Buti na lang naisipan ni Sen. Bong Revilla na maghain ng panukalang batas sa ganitong usapin. Ayan, mga usiserong Pinoy- Konting ingat na ha! Dahil may nakalaan ng batas para ditto. Better watch out! Heto pa ang isang kganapan, mismo sa bayan ng Rosaro, Cavite. Dumalaw. Bumisita! Nakibahagi ang 11 principals galing pa sa Palawan- iba’t ibang municipality. Ang sadya, kausapin at makita ang anyong lingkod para sa advocacy na Pedicab Classroom. Ang saya ko sa kanilang pagbisita dito. Pinuntahan din nila ang Cognoscere Academy kung saan ako po ang Principal. Nagtapos ang bisitahan sa Mt. Sea Resort kung saan pinakain namin sila ng food specialty natin. Naganap rin ang maikling programa ng pagkilala at pasasalamat. Para sa inyong lahat, lubos po ang aming pasasalamat. Malaking bagay po ang ainyong pagdating at tulong suporta para sa amin. Gayundin pos a Management ng Mt. Sea Resort and Restaurant para sa napakaayos na pagtanggap sa aming lahat. At siyempre kay Mayor Nonong Ricafrente at Dr. Emelo sa inyong walang sawang pagsuporta sa lahat ng aming pagkilos para sa “Isang bayang tahimik, masaya at maunlad”. Isa na namang larawan ng Bayanihan an gating namalas at nasaksihan. Angat talaga ang kulturang Pinoy. Tatak ng tunay na tao. Maipagmamalaki mo kahit kailan, kahit saan. Pinoy Talaga!

P2.5M para sa SWAT INAPRUBAHAN na ni Cavite Governor Juanito Victor C. Remulla Jr. ang hinihinging P2.5M para sa karagdagang armas at kasangkapan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) upang mas madaling makaresponde ang mga ito tuwing may insidente ng hostages at iba pang krimen. Isinumite ang kahilingang ito isang buwan na ang nakakaraan na inaprubahan ng gobernador ng Cavite noong Lunes ng umaga, ika-23 ng Agosto, ilang oras bago magsimula ang hostage sa Quirino Grandstand. Ayon kay Senior Superintendent Danilo L. Maligalig, director ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), nagsagawa ang kanilang grupo ng 10-day Close Quarter Battle (CQB) Course sa CPPO compound sa Camp General Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus. Ang kursong CQB ay isang training para sa SWAT at ibang opisyales na naglalayong magturo kung paano nireresolba nang maayos at payapa ang mga hostage taking, shooting encounters, at iba pang krimen. Sa pag-apruba ng gobernador sa kanilang kahilingan, makakakuha ang CPPO ng hi-tech na kagamitan o kasangkapan na magagamit sa iba’t ibang insidente. Tinatayang magiging malaking benepisyo o tulong ito lalo na sa mga residente ng Cavite sapagkat ang probinsyang ito ay nagtatala ng maraming krimen dahil na rin sa malaking populasyon nito. MICHELLE VALE CRUZ an ng ating mga kasama. Gayundin, hangad natin na maging maliwalas sa tingin ng madla ang ating pamilihang bayan. Sa mga susunod na araw, makikita nyo po ang inyong lingkod at aking mga kasama na magiging abala sa ating pamilihang bayan upang unti-unti nating maayos ito at tulungang maging organisado ang mga sidewalk vendor. May kumakalat nang membership form. Nawa’y maghing instrumento ang inyong lingkod at ang pitak na ito upang makatulong sa ating kababayan at bayan. Sakaling may katanungan kayo hinggil sa tulong pihunan, wag mag-atubiling dumalaw sa tanggapan ng Responde Cavite o magtanong sa mga tindero’t tinder na naging kasapi na. Tuloy ang laban!


6

AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

PORMAL na nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Responde Cavite si Executive Assistant to the Mayor for Peace and Order and Security Affairs Mr. Oscar Sabater upang upang manawagan ng pagkakaisa sa lunsod ng Cavite. Sa eksklusibong pahayag ni Sabater sa Responde Cavite, sinabi nito na bilang bahagi ng kanyang bagong tungkulin ang pagpapanatili ng kaayusan sa lunsod ng Cavite, wala aniya siyang nakikitang pinakamabisang solusyon kundi ang pagkakaisa ng lahat. “Sa aking nakikita, makakamit lang natin ang tunay na pagka-

Ito aniya ay isasabay niya sa pagdiriwang ng Cavite City Day sa buwan ng Setyembre, kung saan ay sabay na maghahapunan sa iisang mesa ang lider ng dalawang grupo na nagdudulot ng pagkakahati ng lunsod na sina dating Mayor Bernardo ‘Totie’ Paredes at kasalukuyang alkalde na si Romeo ‘Ohmee’ Ramos.

naghahati sa dalawang grupo at ang pagkakamay ng dalawa sa harap ng publiko na susundan ng hapunan sa iisang mesa upang mapagusapan ang mga hakbangin para sa ikauunlad ng siyudad. Ang makasaysayang simbolismong pagtitibag ng pader ay sasaksihan aniya ng lahat ng legislator ng siyudad, mga depart-

Ang eksklusibong panayam ng Responde Cavite kay Oca sabater

SABATER, SA NAG-UUMPUGANG PADER kaisa kung sisimulan natin sa local top level.” ani Sabater “Kadalasan kasi ay yung mga taong nasa paligid ng magkabilang partido ang siyang mas nagbabangayan kaysa doon sa talagang mga boss. “Pero kung ‘yung mismong mga ulo ang siyang magkakasundo sa ngalan ng pagkakaisa para sa ikasasaayos at ikauunlad ng lunsod, wala na sigurong dahilan para magbangayan pa ang nasa ibaba o magbangayan pa ang lahat.” Ayon kay Sabater, nakatakda niyang ilunsad ang kanyang kauna-unahang programang Abot-Kamay na Pagkakaisa.

Si Oca Sabater at ang Responde Cavite para talakayin ang ilang hakbang para buhayin at ayusin ang imahe ng Cavite City Isinalarawan ni Sabater na ang magiging highlight ng nasabing programa na Abot-Kamay na Pagkakaisa na gaganapin sa bakanteng lote ng lumang palengke ay ang simbolismong pagtibag ng dalawang lider sa isang pader na

ment heads, barangay captains at lahat ng lider ng marginalized sector. Magkakaroon din ng numerical prayer na pangungunahan ng iba’t ibang sekta ng relihiyon. “Sa palengke nagsimula ang lahat ng

Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City

hidwaan... dito natin tapusin.” pahayag pa ni Sabater. Kaugnay nito, hiniling din ni Sabater ang kooperasyon ng Responde Cavite para sa pagsasaayos ng programa at upang mapabatid sa lahat ng mamamayan ng lun-

sod ng Cavite ang kahalagahan ng programa. Nanawagan din si Sabater sa lahat ng sektor na nakahanda siyang makipagtulungan sa kanila sa anumang problemang kinakaharap ng kanilang hanay para sa ikasasaayos at ikauunlad ng Cavite. RELIGIOUS GROUP Ikinatuwa naman ng mga religious group ng nasabing programa at nagpakita ng kahandaan at kanilang pagkakaisa. Anila, napapanahon ang nasabing programa para tapusin na ang anumang hidwaan sa pagitan ng dalawang partido. Kasabay ng panalangin

ng pag-asam na sana’y matuloy ang programa. “Kahit na pangunahan namin ang isang signature campaign kung kinakailangan mapapayag lang natin ang dalawang lider ng lunsod sa makipag-participate at magkaroon ng taos-pusong pakikiisa sa programang ito.” pahayag ng isang religious lider sa lunsod. SEKTORAL Nagpahayag na rin ng suporta ang iba’t ibang sektor sa lunsod para sa nasabing programa. Nauna na rito ang hanay ng mga vendor dahil sa sila ang unang tinamaan ng politika sa palengke. “Kung magkakaisa ang mga lider, wala rin sigurong dahilan para hindi kami makiisa mga vendor sa mga proyektong ipapatupad’” pahayag ng isang nagngangalang Hector. Ito ay matapos mapabalitang tutugunan ni Sabater ang kaayusan ng mga vendor sa palengke, mga tahungan, terminal ng mga baby bus at bar owner.



8

AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

Kadiri to Death

SA pagkarami-raming maseselan sa mundo, nakapagtatakang marami pa rin ang namamatay sa iba’t ibang sakit. Siguro dahil sa sobrang kaselanan, nagiging inutil ang kanilang immune system. Kadalasan, mga mayayaman ang nadadale ng kung anu-anong sakit san-

hi na rin ng nag-uumapaw na kaartihan sa katawan. Di gaya ng mahihirap, praktisado ang immune system sa samut-saring kabalahuraan sa buhay. Well, mahirap yatang sabihing kabalahuraan, sabihin na lang nating paraan ng pamumuhay. Normal na‚ ika nga. Yun bang lagi kang lumulusong sa tubig baha, ba, bilyong-bilyong bakterya ang kumakapit sa katawan mo. Naku pow, katakut-takot na praktis mayroon ang katawan mo. Di ba’t may mga bata nga na naliligo pa sa tubig baha. Baka may lugar nga na habang nag-iinuman

Patent para sa Industrial Designs ANG mga likhang nagmula sa isip ng tao ay tinatawag na Intellectual Property o IP. Ang dalawang uri nito ay ang copyright at ang industrial property. Nakapailalim sa industrial property ang patent. Patent tawag sa karapatang ibinibigay ng gobyerno sa inventors at sa kanilang mga imbensiyon. Kasama sa binibigyan ng patent ang industrial design. Ano ang industrial design? Ang industrial design ay kumbinasyon ng kulay, hugis, at texture na nagsisilbing pattern sa mga industrial products o handicrafts. Ito ang nabibigay ng kaaya-ayang anyo sa mga produkto. Ang kakaibang anyong ito ng produkto ang siyang umaakit sa mga mamimili kung kaya’t nagiging mabenta ito sa merkado at nagiging isang commercial success. Halimbawa ng industrial design ay ang hugis ng botelya ng Coke; anyo ng sikat na mga gadget na iPod, iPhone, at iPad; mga relong Swatch at TechnoMarine; mga rubber shoes ng Nike, Adidas, Bata, World Balance, Advan, at iba pa. Ang hugis salagubang na Volkswagen ay

isang matagumpay na produkto dahil sa kakaibang anyo nito. Ito ay itinuturing na icon sa larangan ng disenyo. Noong 1933, nagutos si Adolf Hitler na dapat gumawa ng sasakyan para sa masa si Ferdinand Porsche na siyang may-ari ng pagawaan ng

mga kotse sa Germany. Isa sa mga pangarap ni Hitler ay magkaroon ang lahat ng mga Germans ng sasakyan. Maliban sa dapat ay mura ito, kundisyon din ni Hitler ay dapat na makakapagsakay ito ng ama at ina sa harap at tatlong anak sa likod. Agad kumilos si Porsche at inatasan ang kanyang chief designer na si Erwin Komenda na agad ring nakagawa ng disenyo ng sasakyan ng masa o sa wikang aleman ay volks (masa) at wagen (sasakyan). Taliwas sa mga kwento ukol sa Volk-

sa gitna ng baha, tubig baha pa ang pinaka-chaser nila. Yun bang sumakay sa pampublikong jeep, bus, fx, tricycle, pedicad, trol at iba pa. Imadyinin na lang kung ilang libong pwet na ang umupo sa pwestong eksaktong kinauupuan mo. Iba doon ay may almuranas, umuutot, napapautot na may kahalong tae, may tinagusan, may nagdurugo ang pwet nang wala lang dahilan, may natumbungan, may nagahasa, may kung anuanong sakit… siguradong ang mga bakteryang ito ang nagpapalakas sa masang Pinoy.

swagen, hindi si Hitler ang nagdisenyo nito. Sa huling bilang, nakagawa ng halos 21 milyong Volkswagen. Maraming pamilya ang nakinabang dahil dito. Ang industriya na nalikha ng Volkswagen ay nagbigay ng mga trabaho sa mga nasa factories, sa mga suppliers, sa mga dealers ng kotse, at sa mga allied business na umusbong sa paligid ng Volkswagen success. Nagpalago ng kalakalan ng mga bansa sa mga makina, ilaw, kabilya, salamin, car seat, radiator, silinyador, preno, kambiyo, gulong, at iba pang piyesa upang mabuo o kaya ay makumpuni ang Volkswagen. Syempre, kasama na rin ang mga gumagawa ng pintura at ang industriya ng langis. Naka-pagpaunlad ng maraming buhay at maraming bansa ang likha mula sa isip ng tao. Ang isang disenyong hawig salagubang ay nakapagbigay ng mahahalagang gunita sa maraming tao. Ang Volkswagen ay siya ring inspirasyon ng mga aklat, mga pelikula, at mga awit. Ang computer ay isa sa mga imbensiyong naka-apekto ng malaki sa ating buhay. Ang patent para sa layout design ng integrated circuits na matatagpuan sa mga computer ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail. com.

0919-3175708 begin_of_the_skype_highlighting 0919-3175708 end_of_the_skype_highlighting beverlysiy@gmail.com / www.liraonline.org / www.panpilpipol.wordpress.com www.dagdagdunongproject.multiply.com / www.dagdagdunong.blogspot.com

Sa simbahan na lang, hindi ba’t ilang libong kamay na ang sumawsaw sa lalagyan ng holy water? Ilan libong tao na ang humalik sa paanan at humaplos sa iba’t ibang parte ng katawan ng santo? Pero sige pa rin tayo sa paghalik at pagpahid. Yun na lang makisalamuha ka sa pawis, anghit, hininga, bahing, lagkit at singaw ng libo-libong kataong nakakabanggang balikat at nakakasiksikan mo sa traffic, palengke, mall, tiyangge, pilahan ng bigas na NFA, pilahan sa lotto at iba pa… sapat na yun na pag-uwi mo sa bahay ay amoy United Nation ka na. Ibilang na rin natin ang nakikiinom sa drinking fountain, nakikigamit sa public cr, sa cr sa mall, fast food at iba pang publikong lugar at higit sa lahat… sa mga pampublikong hospital. Lahat na yata ng sakit makukuha sa mga lugar na ito, pero tignan nyo naman ang Pinoy, hindi hawa sa sakit ang ikinamamatay… kundi kunsemisyon sa traffic, kuryente, baha, pila sa bigas at pagpila sa studio network para makasali sa mga variety shows. Wag din nating kalimutan na walang paraan na pinakamasarap kumain kundi ang nakakamay. Kasi pagsubo, ang unang tumatama sa dila o ngipin ay balat o kuko. Hindi kagaya ng mayayaman, ang unang nalalasahan ay bakal o pilak dahil sa kagagamit ng kubyerto. Naku ha, kala naman nila, e pag kumain sila sa mga restaurant na de kubyertos, malinis na sila. E, ilang libong bunganga na kaya ang sumubo sa kubyertos na yun? Kahit pa sabihing hinugasan at pinakuluan, iba pa rin ang kamay. Wala namang ibang taong gumagamit ng kamay mo sa pagkain. “Pare, pahiram naman ng kamay mo, kakain lang ako.” Kaya, sa mga nagmamalinis dyan, mag-isi-isip kayo. Para kayong mga politiko, kumpletos sa kubyertos, sa labawan naman ng baboy kumakain. Yuk! Haler!

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN (DISYEMBRE 22 – ENERO 19) Iwasang mag-isip ng negatibong bagay dahil makakasira ito sa magandang diskarte sa iyong gawain. Lucky days/nos./color=Tuesday/Thursday= 10-14-25-36-41-42=red AQUARIUS (ENERO 20 – PEBRERO 18) - Iiral ang iyong kayabangan at kung hindi ito susugpuin ay makakahanap ng katapat at pagsisimulan ito ng malaking gulo. Lucky days/nos./color=Friday/ Sunday=8-11-19-20-36-46=beige PICES (PEBRERO 19 – MARSO 20) - Kung may lalapit na kaanak o kaibigan na kailangan ang tulong ay huwag ipagkait. May ganti ang kabutihang gagawin. Lucky days/nos./color=Wednesday/ Friday=2-9-14-22-36-39=white ARIES (MARSO 21 – ABRIL 19) - Walang mapapala kung panay ang salita at plano kung hindi gumagalaw at kumikilos. Ang ngayon ay hindi na babalik bukas kaya huwag ng sayangin. Lucky days/ nos./color=Monday/Wednesday=1-10-27-33-4045=brown TAURUS (ABRIL 20 – MAYO 20) - Ito ang araw na natatangi ka sa pera. Ibig sabihin na ang mata ng langit ay nakatutok sa iyo na kapag kailangan mo ang swerte. Agad na ihuhulog sa harapan mo. Lucky days/nos./color=Tuesday/Friday=2-8-16-2937-39=green GEMINI (MAYO 21 – HUNYO 21) - Ito ang malakas na kapangyarihang naghahari sa iyong kapalaran. Para iyong kapakinabangan, mas mabuting huwag komontra. Sa halip sakyan mo ang agos ng iyong buhay. Lucky days/nos./color=Thursday/Saturday=119-24-28-38-46=violet CANCER (HUNYO 22 – HULYO 22) - Malakas ang loob mo na harapin siya. Dahil alam mo na wala kang kasalanan at wala kang itinatagong lihim sa kanya. Lucky days/nos./color=Monday/Tuesday=110-19-21-38-44=purple LEO (HULYO 23 – AGOSTO 22) - Hangad mo na makatulong sa iyong kapwa. Ngunit sa kabilang banda ay tingnan mo din ang mga taong nangaabuso sa iyo. Lucky days/nos./color=Tuesday/ Friday=2-14-26-31-39-43=cream VIRGO (AGOSTO 23 – SETYEMBRE 23) - Ilabas mo ang totoo mong kulay. Huwag kang magkubli sapagkat ikaw rin ang siyang mahihirapan, maging totoo. Lucky days/nos./color=Friday/Saturday=3-722-35-40-42=yellow LIBRA (SETYEMBRE 24 – OKTUBRE 23) - Mali man ang pagkakakilala mo sa kanya ay pinagsisisihan mo na ang mabilis mong panghuhusga. Isang leksyon ang matututunan mo. Lucky days/nos./color=Monday/Wednesday=10-1125-33-41-44=black SCORPIO (OKTUBRE 24 – NOBYEMBRE 22) Iwaksi ang takot sa pag gawa ng mahahalagang desisyon sa buhay. Kinakailangang maging mapangahas paminsan-minsan at gawin ang inaakalang gawin. Lucky days/nos./color=Tuesday/ Friday=1-6-21-23-30-39=beige SAGITARIUS (NOBYEMBRE 23 – DISYEMBRE 21) - Maging maingat sa pagpasok sa isang kasunduan kung walang panghahawakang garantiya o kasunduan. Maaaring mabiktma ng panloloko kung iiral ang kalambutan ng puso. Lucky days/nos./ color=Wednesday/Friday=9-21-24-35-36-40=blue


AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

HULING BAHAGI MAY pag-aalinlangan man ay isa-isang pinapasadahan ang mga dokumento. Dear Mr. BAYLON: We are making arrangements for you to have a medical examination in connection with your claim for service connected disability compensation benefits… Iiling-iling habang napapahagikhik mag-isa si Lolo Rafael. Tandang-tanda niya ang pangyayari sa medical examination na ito. Kasama noon ni Lolo Rafael si Lola Goria at panganay na anak na si Isidro. Pinayuhang huwag magahit at huwag magpagupit ng buhok si Lolo Rafael, para magmukhang wala sa katinuan ang matanda. Loko-loko talaga si Atty. Carlos. Kahit ano raw ang itanong ng mga tao sa klinika ay huwag siyang sasagot. May mga hidden camera raw kasi sa loob at labas ng klinika kaya dapat galingan ang pag-arte. Papasok pa lang sa klinika ay sinakay na ang

matanda sa wheel chair na tulak-tulak ni Isidro. Pagkapasok sa klinika ay agad pinalitan ng hospital gown si Lolo Rafael. Nasa reception room pa lang ay kinuhanan na siya ng retrato. Ganoon na nga ang nangyari. Kung anu-ano ang tinatanong sa kanya pero pagtulo lang ng laway ang isinagot niya sa lahat ng katanungan. May kung anong kapilyuhang pumasok sa isip niya, bigla niyang tinanggal ang hospital gown at nagtatatakbo siya ng hubo’t hubad sa loob ng ospital. Habul-habol siya ng mga nars at doktor. Ilang araw matapos ang pangyayaring ito ay naaprubahan ang hinihinging benepisyo. Malinaw na nakalagay sa resulta ng kanyang medical examination na may hypertension, beriberi heart disease at psychosis siya. Ang mga hinayupak na puting ito kung hindi pa dadaanin sa matinding pag-arte ay hindi pa

mapipilitang magbigay ng benepisyo. Pero barya lang ito kumpara sa inaasahang malaking pensyon. Isinunod niyang buklatin ang nakalagay sa long brown envelop na nasa loob ng folder. SWORN DECLARATION I, Felimon B. Santos, of legal age, male, Filipino, married with postal address at Liliw, Laguna, Philippines, after having been sworn to in according to law depose and say; That, I was a former USAFFE and EX POW, inducted at Camp Malvar, Batangas, on November 3, 1941 and with Army Serial number 167668, belong to F. Co. 2nd B. 41st INF. Division; That, I remember very well that when I was in captivity I meet one RAFAEL BAYLON, and I got to now him well because he was also from Laguna, Mamatid, Cabuyao, Laguna and I am from Liliw, Laguna. Dalawampu’t limang taon siya nang magsundalo. Kapag inabutan sila ng

PANAWAGAN

CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng

matinding uhaw sa gitna ng palayan ay naghahanap sila ng sipeng maiinuman. Madalas minamalas, wala silang inaabutang patubig sa bukid. Binubunot nila ang tangkay kasama ang ugat ng pinagputulan ng palay mula sa lupa. Ang tubig na kulay putik sa hukay na iyon ang kanilang ininom. Ang malupa-lupang likido ang nagtawid sa kanilang matinding uhaw noong ikalawang digmaang pandaigdig. Kung minsan, mariin nilang itinatapak ng patulis sa lupa ang kanilang sapatos. Ang mababaw na hukay ay parang nagiging maliit na balon. Kahit medyo may lumo’t lumot pa ang tubig doon ay talu-talo na sa kanilang uhaw. Kaya nga marami sa kanila ang may malaria. Sa maraming pagkakataon, hindi na maipaliwanag ang amoy ng pinaghalu-halong lansa, asim at panghe ng kanyang suot. Kaya na ngang tumayong mag-isa ng kanyang uniporme sa tigas at tindi ng natuyong dugo, pawis, ihi at dumi. Kapag may paparating na Hapon at alam nilang wala silang kalaban-laban ay doon sa malaking hukay sila nagtatago. Nagpapanggap silang patay katabi ang mga umaalingasaw na bangkay. Talaga namang nakababaligtad ng sikmura ang maasim-asim, malansang amoy ng namamaga at naglalangis na naagnas na katawan. Parang dumidikit sa ngalangala ang sangsang. While in Camp Odonnell, Capas, Tarlac, we were in the same group that was in the later part of May 1942 and because Rafael Baylon was small, thin and very weak and I am much bigger than him, it seem that said Rafael Baylon cannot survive that unholy moment being a Prisoner of War… Bago pa man sila makulong sa Tarlac ay napalaban sila sa mga Hapon. Kitang-kita niya kung paano napaigtad ang kanyang tiyuhing si Cornelio sa tatlong tama ng bala. Isa sa kaliwang hita, isa sa may kanang tagiliran at isa sa

paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.

may kaliwang balikat. Patakbo niya itong nilapitan. Panay ang daing ni Cornelio. Tinalian ni Rafael ng pinunit na manggas ng kanyang sariling uniporme ang hita ng tiyuhin. Halos mapipiga na ang dugo sa suot nitong uniporme dahil sa pagbulwak ng dugo sa iba pa nitong sugat. Habang nagsasagutan pa ng putok ang kanilang grupo at ang grupo ng mga Hapon ay iniatras na nila ng kasamahang si Marcelino si Cornelio pabalik sa kampo. Maraming tumimbuwang sa kanilang kasamahan sa sagupaang iyon sa Tarlac. Tumagal ang matinding labanan ng halos tatlong oras. Nangalahati ang bilang nila. Paubos na rin ang kanilang bala. Maggagabi na nang magpasya ang kanilang opisyal na pabalikin na sa kampo ang iba para kumuha ng mga bala, gamot at pagkain. Pinagutos din ng opisyal na maghukay para mailibing ang mga kasamahang namatay habang hindi pa ulit sumasalakay ang mga sakang. Ilang taon na ang lumipas pero sa tuwing naaalala ni Lolo Paeng ang matinding gutom at hirap at matinding pagpapahirap na pinagdaanan nila noon dagdag pa ang isang alaala na dinadala n’ya sa kanyang konsyensya hanggang ngayon ay talagang nadudurog siya. Inilapag na muna niya sa sofa ang kanyang binabasa. Tumayo at dumiretso siya sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Naghilamos. Kunwari ay naglinis ng muta para kung sakali mang mapansin ni Lola Goria na namumula ang kanyang mga mata ay hindi iisipin nitong umiyak siya. Nakatungong bumalik si Lolo Paeng sa sala at umupo sa sofa. Kinuha ulit ang mga papeles at ipinatong sa kanyang kandungan. Habang nakatitig siya sa makinilyadong dokumeto, parang may kung anong lagabog siyang naramdaman. May kirot na dahandahang gumagapang. Parang may matalas na bagay na unti-unting humihiwa, nanunuot ang hapdi hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang sarili, ng kanyang pagkatao. Ibinaba na niya ang dokumento. Hindi na niya kayang ipagpatuloy pa ang pagbabasa. Mabigat ang kanyang dibdib. Parang nagkakatawang tao ang mga letra. Sa kampo, bago tabunan ang malaking hukay ay tinawag ng opisyal si Rafael. Tinanong nito ang kalagayan ni Cornelio. “Kasalukuyan pong nagdedeliryo,” sagot ni Rafael.

9

Nag-isip ng ilang segundo ang opisyal. Tumitig kay Rafael. Matalim na titig. Humihiwa’t nag-iiwan ng pilat na kailanman ay hindi niya malilimutan. Matigas ang tono ng boses. Walang kakurap-kurap niyang sinabi na, “Rafael ilibing mo na rin si Cornelio.” Parang alingawngaw… Rafael ilibing mo na rin si Cornelio. Ilibing mo na rin si Cornelio… na bunsong kapatid ng tatay mo. Ilibing mo na rin si Cornelio… na iyong tiyo. Nakaramdam siya ng pamamanhid ng kanyang buong katawan. Nalilito. Paano niya ililibing ang tiyuhing alam niyang humihinga pa? Inunahan na ng nguso ng baril ang kanyang pagaalinlangan. Alam niyang buo ang loob ng kanilang opisyal. Hindi mangingimi itong kalabitin ang gatilyo. Pinagtulungan nilang buhatin ni Marcelino si Cornelio. Ibinaba at isinamang pahiga sa hukay. Umakyat pabalik ang dalawa. Doon sa tumpok ng hinukay na lupa, hinawakan ni Rafael ang pala. Pikit mata itong tumingala. Gusto na lang niyang maglaho bigla. Pakiramdam niya’y tumigil ang oras. Tanging tibok lang ng kanyang puso ang malakas na umiiral sa kanyang buong katawan. Bigla niyang hinubad ang kanyang pang-itaas na uniporme. Iniitsa sa mukha ni Cornelio. Natakpan ang buong ulo nito. Napakabigat ng bawat pag-igkas ng pala sa lupa. Lupa sa mukha! Lupa sa dibdib! Lupa sa tiyan! Lupa! Lupa na lahat hanggang maging patag ang hukay! Panay ang hingi niya ng tawad sa tiyuhin. Ano ang isasagot niya sa tiyahin kapag nagtanong kung anong ikinamatay ng kanyang tiyuhin? Anuman ang kanyang isipin ay hindi niya maatim na siya pa mismo ngayon ang naglibing nang buhay sa tiyuhing humikayat sa kanya para maging sundalo. Kitang-kita pa rin niya sa kanyang isip ang nakasalansang bangkay ng mga kasamahan. Parang mga hayop na samasama sa isang hukay. Hindi rin malayong mangyari iyon sa kanya, o kahit sa sinuman sa kanila. Kinukumbinsi niya ang sarili na suwerte na ang maibaon ng ganoon, kaysa maagnas na lang ang katawan sa kinamatayan. Ipapasok na niya ang mga dokumento sa folder nang biglang kumalansing sa sahig ang medalya. Dinampot niya ito. Mariin niyang kinuyom sa kanyang kaliwang palad.


10

AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

Nonong-Jhing-jhing, EVP ng mga Liga KAPWA nahalal bilang mga executive vice president sina Rosario Mayor Jose ‘Nonong’ M. Ricafrente, Jr at Vice Mayor Jose Rozel ‘Jhing-jhing’ E. Hernandez sa kan-kanilang mga hanay. Matatadaan na naunang nahalal sa kanyang ikalawang termino si Ricafrente

bilang executive vice president ng Cavite Mayors League matapos nitong pagbigyan si Bacoor Mayor Strike Revilla na maging pangulo ng liga hangga’t hindi nagiging siyudad ang Bacoor. Samantalang nahalal naman bilang Exeutive Vice President ng Cavite Vice Mayor League si

Hernandez sa halalang ginanap kamakailan sa Manila Pavillion. Si Hernandez ang lumalabas na isa sa pinaka-senior sa liga pero tulad ni Ricafrente, nagawa rin nitong magbigay sa bayan na mas higit na ngangailangan sa posisyon bilang pangulo ng liga. Lubos namang

ikinatuwa ng mga tagaRosario ang nakamit na posisyon ng kanilang dalawang pinakamataas na lider. Patunay lamang ito anila ang patuloy na pagiging progresibo ng kanilang bayan kaya maging ang lider ng ibang bayan ay may tiwala sa kanila. EWEL PEÑALBA

‘Paano malalaman na gusto ako ng taong gusto ko?’

Binibining Bebang, Paano ko malalaman na gusto ako ng taong gusto ko kung hanggang text lang at paminsan-minsan lang kaming magkasama? Marne ng Real St., Binakayan, Cavite Mahal kong Marne, Iyan ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko ipinapayo na ang stage ng paglili-

Sa mga tropang Wala Pa at EMAR... galaw-galaw baka pumanaw! Lakad-lakad para iwas high blood! Greetings from Higino “Jimmy” Andaya

(Silang, Cavite)

Isinilang sa Kayquit, Indang Cavite subalit nagtapos ng elementary at hay-iskul sa Silang, Cavite. Nagtapos ng mataas na pag-aaral sa UP Diliman bago hinirang na Associate Dean ng College of Arts and Letters sa UP. Premyadong makata, kuwentista, at manunulat ng sanaysay. Kasalukuyang tagapangulo ng UP Depto. ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Isa sa mga Board of Advisers ng Cavite Young Writers Association Inc.

Sa Manila Southwoods

gawan ay magaganap sa text-text, emailemail o tawagan lang sa telepono. Kapag kausap at kasama mo ang isang tao nang harapan, mas madali mo siyang makikilala. Kapag mas madali mo siyang makilala, mas madali mong malalaman kung siya ay may gusto sa iyo o wala. Sa text kasi, titik lang ang maaari mong mabasa. At siyempre, mga happy face, sad face, simangot face at iba pang emoticon. Hindi mo masisipat ang

Greetings to all E. Mariano beauties madlang pipol! May nagtext... cute daw tayo! Yehey! From Jasmin “Jaja” Catalan

Jimmuel Naval

(Sa Pagdating ni Jack Nicklaus)

Kahapon ay nilulon na parang banig ang dating taniman ng mani; ngayon nama’y ang mga natirang nakatanod na lagundi at alugbati ang winawalis ng paupahang lawn mover. Samantala, habang iniihian ng de motor na dambuhalang lagadera ang lupang dating tuyo, unti-unti nang isinusukat ang bago nitong bestido: ang magkaternong bermuda at damong kalabaw na may kuwintas pang pilak na buhanginan.

kanyang mukha, hindi mo maririnig ang kanyang boses, hindi mo rin makikita ang kanyang body language. Hindi mo tuloy agad-agad na maaaninag kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Sa text, maaaring hindi naman niya naiisip at nararamdaman ang kanyang sinasabi. Puwede kasing meron lang siyang isang kaban ng quotes na ginagamit para ipang-text sa ‘yo. Tapos naiinlab ka doon sa mga text niya na ‘yon. Di ba, mahirap? Kasi baka naiinlab ka sa text messages pala, at hindi sa mismong nagpapadala. Kung gusto mo ang taong ito, i-pursue mo na siya. Ikaw na ang

gumawa ng paraan na makapag-meet kayo nang mas madalas kaysa sa dati. Kung sa tingin mo ay nagpapakita siya ng interes na makipagrelasyon sa iyo, well and good. Go, go, go. Pero kung negatibo ang nakikita mong senyales, meaning nararamdaman mong hindi ka nga niya type, okey lang iyan. At least, ginawa mo ang makakaya mo. Mainam din na malinaw sa inyong dalawa na kayo ay textmates lang. Muna. O, bakit may muna? Aba, M4 Time = Malay mo, may ma-develop over time. Yihi. Kinikilig na ngayon pa lang, Bebang

Kung may suliranin ukol sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com. para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 begin_of_the_skype_highlighting 09193175708 end_of_the_skype_highlighting bebang_ej@yahoo.com

Pinagupitan din ang mga puno ng manggang piko at supsupin habang tastas na dalisdis ay nililipan upang maitago ang mga dati nang bahayan; maging ang lubluban ng kalabaw ay ginawa na ring ilog-ilugan. Kinabukasan, mataas na ang araw nang dumating ang bisitang hinihintay. Kasabay rin nitong nagpanakbuhan ang mga bata mula sa dating palaruan; tuwang-tuwa sa mga pinulot na puting batong buhay, sa mga iniuwing banderang patpat at hangos ang bida sa ina na dumating na raw sa Carmona si Santa Klaus. Daang Kahel Umiihip na ang hangin kasabay ng pagtatapos ng usapan sa klase. Tutungo na ang lahat sa labas ng silid upang sumakay sa punuang dyip. Kailangang habulin ang usapan sa susunod na klase sa karatig gusali, sa loob ng silid. Subalit kung bakit ayaw pabagalin ng sasakyang naghahatid ang paggalaw ng kamay ng orasan. Baybayin ko lang kaya ang isang daang diretso at mas malapit? Ang daang nakamamangha dahil sa kahel nitong sahig. Isang bulaklak pa ang napigtal sa patuloy na pag-ihip at sumabit ito sa nagmamadali kong dilidili’t panaginip A, oo nga pala, simula na naman ng taglagas kaya dahan-dahan lang ang paghakbang at huwag padadala sa nag-aatubiling usapan at punuang dyip. Ano pa’t makararating din sa silid kahima’t Hiramin ng kulay ng dapithapon Ang kahel na kanina’y imahe ng daanang sahig


AGOSTO 29 - SETYEMBRE 04, 2010

11

ANG MGA PULIS, MEDIA AT PULITIKO MATAPOS ANG HOSTAGE CRISIS SA LUNETA INDANG, CAVITE - Nalagay na naman sa kahihiyan at balag ng alanganin sa harap ng buong mundo ang ating minamahal na bansang Pilipinas sa naganap na madugong hostage crisis sa harap ng makasaysayang Quirino Grandstand (kung saan nanunumpa ang ating mga nagiging Pangulo ng bansa) sa lugar ng Luneta Park, Manila (kung saan naman pinatay ang ating Pambansang Bayani na si Dr.Jose Rizal). Mga dayuhang turistang Intsik pa ang mga nabiktima na ang layon lamang ay makapagrelax at makapamasyal sa ating maganda at makasaysayang bayan. Datapwat ang kanilang pag-gagala ay byaheng kamatayan na pala. Matapos ang pangyayaring ito ay kaniya-kniyang pagpapasikat sa harap ng telebisyon, radyo at mga pahayagan ang ilan sa ating mga lingkod-bayan o pulitiko. Kanya-kanyang bigay ng opinyon, pagalingan ika nga. May mga mambabatas na ang sinisisi ay ang mga pulis dahil daw sa kapalpakan ng mga ito sa pagresolba. May mga mambabatas naman na ang sinisisi ay tayong mga kasapi ng media o press dahil daw sa pagsasa-ere ng ilang mga kapatid sa national tv ng kaganapan. Hay naku, matapos ang kapalpakan ng lahat ay kanya-kanyang sisi, batuhan at turuan kung sino nga ba ang may mali kaya 8 sa 15 dayuhang turista ang nalagas ang buhay at iniuwing bangkay sa Hongkong, China. Sa aking sariling opinyon ay hindi nararapat na ibunton ang sisi sa mga kapatid sa hanapbuhay (media / press) sapagkat malinaw ang ating sinumpaang tungkulin sa bayan na maihatid sa mamamayan o sa buong mundo ang lahat ng totoong kaganapan negatibo man ito o positibo, pangit man ito o maganda, makasasama man ito o makabubuti batikos man ito o kapuri-puri. Ito nga ang esensiya ng tina-

tawag na freedom of the press. Sang-ayon ako sa tinuran ng bagong Commission on Human Rights (CHR) Chairwoman na si dating AKBAYAN Partylist Rep. Loretta Anne “ETTA” Rosales na ibinigay na lang sana ang demands kay Mendoza sapagkat sa isang hostage crisis ay nararapat na maisalba ang ng buhay ng taong nabiktima ng hostage taker. Oo nga naman, ibinigay na nga lamang sana ang demands nito para tapos na ang lahat at wala ng buhay ang nasakripisyo at pagkatapos sana ay di muling kasuhan si Mendoza sa mga pagkakamali at pagkakasala nito. Kasi buhay ang nararapat na isa-alang alang sa mga hostage taking. Buhay at kaligtasan ng sinumang biktima ang dapat na mapro-

tektahan at masiguro. Para sa akin ay hindi lang sa ang sangkot ba rito ay buhay ba ng kapwa natin Pilipino o buhay ba ng mga bisitang dayuhang turista? Kundi ang katapusan nito ay ang imahe na namang kikintal sa isip at puso ng bawat nasyon ng sandaigdigan sakaling pumalpak nga. Datapwat nangyari na nga ang hindi natin gustong mangyari, maraming buhay ang nalagas at mga bisita o mga dayuhang turista pa naman ang nabiktima. Isa itong malaking pagkakamali at isa itong malaking kahihiyan sa international communities. Isa rin itong napakalaking dagok sa kakaupong bagong gobyerno, bagong Pilipinas ng bagong Pangulo Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco –Aquino III lalo pa at kapansin-pansin nga ang

pananahimik nito at hindi pagpapakita sa madla sa kasagsagan mula ng pumutok 9:00 ng umaga hanggang magwakas ang palpak na pag-aksyon sa hostage crisis ng 9:00 ng gabi. Ganap na 12:00 ng hatinggabi ng magpakita sa national tv si PNoy sa awra ng mukha nitong may pagngisi o pagbungisngis na lalong umani ng putakti ng pagpuna at pagbatikos. Mangilan-ngilang mga dayuhan partikular ang mga kasingkitan at kachinituhan kasama na rin ang ilang kapwa Pilipinong kritiko ni PNoy ang ngayon ay nanawagan na dapat ng magbitiw sa pwesto ang mga hepe ng ahensyang may tuwirang pakialam dapat sa pangyayari at nadamay na rin sa panawagan nila na magbitiw na rin daw ang Pangulo. Hahaha… nakahanap tuloy ng butas

ang mga kritiko niya para ipanawagan siyang magbitiw na lang dahil sa hindi raw nito nahawakan ng maayos ng husto ang pangyayari at sa halip ay kapalpakan ang naghari. Tunay na kataka-taka at katawa-tawa para sa akin senaryong hagisan ng tear gas ang loob ng bus kung saan lulan ang isang hostage taker at ang maraming hostage victim nito. Hindi ba at para mo na ring pinatay ang buhay ng mga nabiktima. Nakakalungkot isipin at saksi pa ang buong mundo na ganito pala ang tanging paraan ng ating mga tagapagpatupad ng batas pagdating sa ganitong krisis at suliranin. Dahil na rin sa pangyayaring ito ay nakita at napatunayan din natin ang wala palang kahandaan ang ating sinasabing magigiting na ka-

pulisan na miyembro pa naman ng ipinagmamalaking SWAT. Sana ay sa susunod hindi lamang sila sa mga ensayo at pakitang-gilas mahusay. Kundi ang pinakamainam ay mas mahusay sila sa aktuwal na pagsasapraktika o pagsasaganap na nito sa ngalan ng pambansang pulisya at ng mga liderato nito. Ngayon nasaksihan ko na kung pagdating pala sa paglutas at pagresolba ng malaking hostage crisis kung saan marami ang bilang ng biktima ay bagsak ang ating kapulisan. Subalit pasang-pasa naman ang mga ito kung ang usapan ay pagdating sa panghahataw, pagtataboy, pambobomba ng tubig o pagdisperse ng mga aktibista at raliyista. Hay naku ang buhay nga naman…parang life, asus hahaha.

Ang kalikasan ng Pagka-Pilipino at ang larong Plants VS Zombies SA dahilang daynamiko ang wika at hindi naman maaaring manatili itong puro, mainam na gamiting analohiya ang usung-usong larong Plants VS Zombies na pinagkaaabalahan sa ngayon ng maraming mahilig sa computer games. Ang nasabing laro ay binuo at inilathala ng kompanyang PopCap Games noong Mayo 5, 2009 kung saan ang manlalaro ay kailangang pigilan ang mga sumusugod na zombie gamit ang iba’t ibang halaman na may iba’t iba ring katangian bilang sandata. Gamit ang mga halamang tulad ng Peashooters, Cattails, Hypnoshrooms, Cabbagepults, Melon-pults at iba pa, kailangang mapigilan ang mga zombies na makapasok sa bahay ng manlalaro upang hindi makain ang kanyang utak. Upang makuha ang mga halamang pang depensa, kailangan ang sikat ng araw

at ang sunflower na nagbibigay ng liwanag. Ang mga zombie ay may iba’t iba ring kakakayahan at mahirap mapigilan kung hindi tama ang diskarte ng naglalaro. Sa sandaling maubos ang mga zombie, patungo na sa next level ang laro. Ano ngayon ang kinalaman ng larong Plants VS Zombies sa usapin ng pangangalaga sa wikang Filipino at sa kalikasan? Ang mga zombie ay sumasagisag sa mga mananakop na gustong pasukin ang bahay (bansa natin) upang kainin ang utak ( ang ating pagkakakilanlan). Ang mga halamang nagsisilbing depensa ay ang mga tagapagtaguyod ng wika, panitikan at kulturang Pilipino. Ang araw na pinanggagalingan ng enerhiya upang mapadami ang mga halaman ay mismong ang mga bayani na pinanggalingan ng ating mga inspirasyon upang hindi natin tuluyang isuko ang ating pagka-Pilipino sa mga mananakop (zombie) na may bitbit na

mga bagong teknolohiya at kulturang bahagi ng globalisasyon. Ang mismong laro ay tunggalian sa pagitan ng mga makabayang Pilipino (halaman) at mga mapagsamantalang dayuhan (zombies). Sa sandaling ang utak ng manlalaro ay nakain na ng zombie, ibig sabihin, ang utak rin niya ay nilamon na ng kaisipang kolonyal. Sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan, parehong analohiya rin ang maaaring gamitin. Ang mga zombies ay

ang dayuhang kompanyang multinasyunal na sumisira ng ating kalikasan habang ang mga halaman ay ang mga magsasaka at iba pang sektor (environmentalists) na nangangalaga sa ating kapaligiran. Kung ang lahat nang ating mga palayan at lupang sakahan ay naging golf courses na at subdivisions na pag-aari ng mga dayuhan at kasabwat na Pilipino, ibig sabihin, hindi lamang ang ating mga utak ang kinain na ng mga zombie kundi maging ang kinabukasan ng ating

mga anak. Sa pangkalahatan, ang mga laro gaya ng Plants VS Zombies ay may pakinabang rin kung ang mga laro ay mabibigyan ng konteksto batay sa kalagayan ng ating lipunan at kung maibabahagi sa mga kabataan ang ganitong konsepto upang higit na mapalalim ang malasakit nila sa ating bayan. Kung magkakaganun, magagamit pa natin ang mga ganitong impluwensiya sa positibong pagtataguyod ng ating pagka-Pilipino.


Graft Free, Komisyon Free at Tongpats Free Hangad ni Gov. Jonvic Remulla CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE Graft free, komisyon free at tongpats free ito ang sinumpaang mensahe ng bata at magiting na puno ng lalawigan na si Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. sa ginanap na maikling programa sa Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol Grounds, Trece Martirez City, Cavite noong Lunes (Agosto 23, 2010) ganap na 8:00 ng umaga. Isa ito sa highlight ng mensahe ni Gov. Remulla bilang tugon sa talumpati ng guest spekar na si New Supervising Auditor - Mrs. Merde Peñafranda ng Commission on Audit (COA). Iniulat ni Mrs. Peñafranda ang kahalagahan ng COA Memorandum Order 2009-006 na naglalaman ng Settlement of All Accounts bilang parte ng kampanyang pagbabago at paglaban sa katiwalian at korapsyon. “COA is trying to keep up the changes in government with the present

government and governance,” wika ni Mrs. Peñafranda. Naiulat din nito na magkakaroon ng Seminar on Rules and Regulations at COA Briefing for LGU’s sa September 7-8, 2010 sa Tagaytay City at inaanyayahan nito ang pamahalaang panglalawigan at lahat ng pamahalaang lokal sa Cavite na dumalo at matuto rito. Samantala bilang tanda ng katapatan at kaseryosohan ni Gov. Remulla sa kanyang tinurang graft free, komisyon free at tongpats free sa lahat ng transaksyon sa lalawigan sa ilalim ng kanyang pamumuno ay iniulat at inihalimbawa nito ang isa sa pinakahuling bagong gusali na pinagawa ng nagdaang administrasyon kung saan P53,000 per square meter ang halaga. Datapwat sa kanya umanong ipapagawang bagong gusali sa ilalim ng kanyang administrasyon ay mula sa P18,000 per square meter ay nagawa niyang maging P2,000 per square

meter lamang ang halaga na ayon sa kanya ay siyang tunay at tamang market price ng pagtatayuan nito. Idinagdag pa ni Gov. Remulla na dahil dito ay nasa P2.8 million kada taon ang target na matitipid ng Kapitolyo sa kanyang administrasyon kung saan ito ay direktang maibabalik at mapapakinabangan ng mga empleyado para sa dagdag na pasahod at

benepisyo sa darating na mga taon ng kanyang pamumuno. Ito aniya ang patunay ng bagong pamamahala, malinis na serbisyong bayan na tinagurian niyang graft free, komisyon free at tongpats free. Umani ng masigabong palakpakan mula sa mga taong nakarinig ng tinurang ito ng Gobernador na tanda ng kanilang suporta. REX DEL ROSARIO


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.