vol.2 cavite 24

Page 1


2

MARSO 13-19, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

Sa pribadong kolehiyo sa buong lalawigan..

3,800 ISKOLAR UMAABOT sa 3,800 na iskolar mula sa pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad ang matatanggap ng P5,000 tulong pinansyal para sa kanilang pag-

aaral, ayon na rin sa mga opisyal ng Lalawigan ng Cavite. Ayon kay Alvin S. Mojica, Provincial Scho-larship Committee chair-

man,ang nasabing ayuda ay ibibigay sa Kapitolyo sa pangunguna ni Gov. Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr., Provincial Social and Welfare

Development Officer Felipa V. Servañez, Provincial Board Members Marcos C. Abutan, chairman of Committee on Education; at Rolando S. Remulla, Personal Affairs and Appointments Committee chairman; Emilio Aguinaldo College (EAC)-Cavite

Student Affairs Dean Jaime Encabo at ilan pang opisyales ng kapitolyo. Sa pahayag ni Mojica, naglaan ang panlalawigang pamahalaan ng P19 milyon para sa P5,000 ayuda sa pag-aaral. Ang nasabing halaga ay

galing sa Development Fund of the Office of the Governor. Naglalaan ang kasalukuyang administrasyon ng budget para sa patuloy na tulong pinansyal para sa pag-aaral ng kabataang Caviteño, ayon pa rin sa opisyal ng lalawigan.

Dahil sa utang, mister inutas Nasawi ang isang 36-anyos na mister makaraang pagbabarilin ng kanyang nakaalitan dahil sa di umano’y pagkakautang kamakailan ng umaga sa bahagi ng Barangay Pasong Camachile sa bayan ng General Trias, Cavite. Tinapos ng apat na bala ang buhay si Galileo Miranda ng Maricris Complex sa nabanggit na barangay. Kasalukuyang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Christian “Buddah” De Ocampo ng Dexterville Subdivision sa Brgy. Malagasang 2 sa bayan ng Imus, Cavite. Batay sa police report, kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa sinasabing pagkakautang nito hanggang sa magkasigawan ang dalawa na nauwi sa pamamaril.


MARSO 13-19 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

3

Araw ng Ramon Revilla Sr. ipinagdiwang Kababaihan, sa Southern ang ika-84 na taong kaarawan Tagalog May museo at tansong bantayog...

DINALUHAN ng mga politiko’t artista nang ipinagdiwang ng dating action star at senador na si Ramon Revilla Sr. ang ang kanyang ika-84 na karaawan noong Martes, March 8, sa Revilla residence sa Bacoor, Cavite. Ilan lamang sa pinakamalalaking personaldad na dumating ay sina Pangulong sina Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Samantala, naging emosyunal si Revilla Sr. sa pangyayari dahil tampok kasi rito ang paghahawi ng tabing sa isang 10-meter bronze statue ng dating action star. Gayundin din ang pagbubukas ng Memo Revilla, isang museo kung saan makikita ang mga lumang larawan at

Calamba City, Laguna – Ginanap sa kinikilalang capital ng Southern Tagalog sa Calamba City ang pag-gunita sa ika-100 taong anibersaryo ng International Declaration of Womens Day. Ang pagkilos na ito ay dinaluhan ng mahigit sa 500 mama-mayan ng rehiyon na pinangunahan ng mga kababaihan sa ilalim ng bandila ng GabrielaSouthern Tagalog (GABRIELA-ST) noong Marso 8, 2011.

memorabilia mula sa mahigit 50 taon ni Revilla Sr. sa showbiz. Naluluha si Revilla Sr. habang nagpapasalamat sa mga tagasuporta niya. Abut-abot naman ang pagpapasalamat ni Revilla Sr sa mga nagsidalo at ngapaabot ng pagbati. Kinilala si Ramon Revilla Sr. noong 1951 sa ilang classic Filipino action films, tulad ng Nardong Putik: Kilabot ng Cavite, Pepeng Agimat: Sa Daigdig ng Kaba-balaghan, at Hulihin si Tiagong Akyat.

Revilla Sr.

Sa tapat ng simbahan

Lider manggagawa sa Cavite, pinaslang DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang lider mangga-gawa sa lalawigan ang pinatay ng hindi pa matukoy na salarin. Ang biktima ay kinilalang si Celito Baccay, 31 taong gulang at active board member, key leader at organizer sa pagkaka-buo ng unyong Maeno Giken Workers Organi-zation (MAGIKWO-Independent) Ang MAGIKWO ay kilalang unyong nakapaloob sa pamosong alyansa ng manggagawa sa lalawi-gan, ang Solidarity of Cavite Workers (SCW). Ayon sa imbestigasyon ang biktima ay binaril bandang 10:00 ng gabi ng Marso 8, 2011 sa

tapat ng simbahan ng Brgy. Langcaan habang papauwi na sana sa kanilang tahanan galing sa trabaho. Dalawa ang tama ng bala ng baril kay Baccay, isa sa ulo malapit sa sentidong kanang bahagi at pangalawa ay sa tagi-lirang kanang bahagi ng katawan nito.Bandang 10:45 ng gabi ng ideklarang patay ang biktima sa University Medical Center (UMC). Inulila ni Baccay ang kanyang asawa at dalawang anak. Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakahimlay sa kanilang tahanan sa Carmona, Cavite. REX DEL ROSARIO

Apat na converging points ang pinagmulan ng mga mamamayan na nagmartsa at nagsa-labungan sa gitna ng Calamba Crossing kung saan mahigit sa 10 minutong pansaman-talang huminto ng tuluyan ang trapiko ng magprisinta ng makulay at magiting na interpre-tative dance presenta-tion ang grupong Soutern Tagalog Cultural Network (STCN) sa mismong gitna ng sentrong krus na lansa-ngan. Maihahalintulad sa naganap na victory proclamation ng Red China at sa USSR noon ang makapanindig balahibong cultural presentation na ito ha-bang nakapaligid ang nagsasayang mama-mayan sa apat na gilid ng Calamba Crossing. Ilan sa mga dumalo sa womens day rally na ito ay nagmula pa sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon kasama ang iba’t-ibang grupo kagaya ng BAYAN, ANAKBA-YAN, PAMANTIK, KA-SAMA-TK, KADAMAY, BAYAN MUNA at

ANAKPAWIS. Ayon kay Rjei Manalo, Secretary General ng Gabriela-Southern Tagalog (GABRIELA-ST), “Hindi matatawaran ang lakas ng kababaihan bilang kabahagi sa pagpapanday ng kasay-sayan ng lipunan at ng buong sandaigdigan at sa ika-100 taong aniber-saryo ng pandaigdigang araw ng kababaihan ay hudyat ito ng patuloy na paglakas ng kilusang kababaihan para makamit natin ang matagal ng pinapangarap na pag-babago partikular sa ating bansang Pilipinas.” “Isang malinaw na tagumpay ang ginawa nating pagkilos sa araw na ito, hindi ito ang simula at wakas ng ating pagsasama-sama, sa halip ito pa lamang ang unang salvo ng ating pakikibaka sa taong ito na lulundo sa araw ng paggawa sa Mayo uno hanggang sa SONA ni PNoy sa Hulyo,” ayon naman kay Nonie Entena na President ng Gabriela-Southern Tagalog (GABRIELAST). REX DEL ROSARIO

Bantayan ang kaban ng bayan. H’wag paloloko


MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

Bill board ni Mayor Ramos, ginagawang ro por ang Caviteño MINARAPAT kong isa-isahin bawat talata ang sinasabing paliwanag ni Cavite City Mayor Ohmee Ramos sa isyu ng P200-M. Hindi ko lang alam kung sinong henyo ang gumawa nito, dahil sa halip na maingat ang public trust rating ni Mayor Ramos ay lalo itong nalubog sa ginawang paliwanag-- kung paliwanag ngang matatawag. KUNG naiintindihan ni Mayor Ohmee Ramos, ang isinisigaw ng mamamayan sa mga pader na kanyang pinabura dahil sa kahihiyan ay NO TO P200-M LOAN o UTANG, ang ibig sabihin ay ang pangungutang ang tinututulan. Saka matuto kang maglagay ng comma o period, mamamatay sa pagkaubos ng hininga ang babasa nito. Ahhh... Nangungutang pa lamang naman daw. Plano pa lang mangutang. Hindi pa nakakapangutang. Sa madaling salita, plano pa lang n’yang gahasain ang kaban ng lunsod, pero hindi pa nagagahasa. Plano pa lamang n’yang patayin ang lunsod, hindi pa pinapatay. At maliwanag sa dakong huli-- HINDI PARA SA PAGPAPATAYO NG BAGONG CITY LAMANG. Dito naman, totoong ikaw mismo ang nagmungkahi na magpatayo ng bagong city hall? Ano ba takaga, teh? At ayon kay Prof. Freddie Silao dating vice president ng UP for planning, there is no such thing as self liquidating kapag proyektong bayan ang pinag-uusapan. O, ano?... Mangangatwiran ka pa? UP na ‘yan.-- University of the Philippines. Totoong wala kang kinukuhang komisyon, mayor ka, e. May taga kuha siyempre. Baka tamaan ka ng palakol ni Ma-siyete haba, ay!... Machete pala sa kasinungalingan mo.

4

Kaya nga namin ibinubulgar ang lahat ng ito dahil hindi kami natatakot, e. 2011 na ang pinag-uusapan, wala pa rin bang pondo? H’wag mong gawing ro-por ang taong bayan. 2010 nang mahangal ka... sus! bakit ba ko laging nagkakamali. Mahalal pala! Walang humaharang sa pagbabago at pag-asenso ng Caviteño, ang project mo ang depektibo, sa komisyon lang epektibo. Hindi ka Trapo-- teka, mula nung una kang mahalal na konsehal, anong election year ka hindi tumakbo? Ikaw ang may sabi n’yan, magiging transparent ka-- ipakita mo nga ang ginastos mo na milyung-milyong piso sa bubong ng city hall na hindi pa naaaprubahan at wala pa sa budget nang pinagawa mo. At matapos mong gastusan ng milyon-milyong piso ay plano mo palang ipagiba at magpatayo ng bago. Susmariosep! Anong kaputahang ama ‘yan?!

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

wilfedo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Di na natuto SA pagkakaalam ko, noong panahon ng diktaturyang Marcos, may busal ang bibig ng mga mamahayag, nakatali ang kamay, may piring ang mata at takip ang tenga. Pero ni minsan, hindi nito sinabi sa mga mamamayan na “Wag na kayong magbasa ng dyaryo!” Salamat po Mayor Ohmee Ramos, dahil sa ganyang mga diskarte ninyo, nakaka-90-95% sales ang Responde Cavite sa Cavite City, mga 80% sa 1st District ng Cavite at mga 75-80% sa iba pa naming mga ahente at news stand sa buong lalawigan. Inuulan ang aming website ng papuri dahil sa masinop naming pagbabalita kasabay ng paglalathala ng mga opisyal na dokumento. *** Naku, paano kaya kung maging Presidente ng bansa si Mayor Ohmee at may mga sumisita sa kanya sa telebisyon at radio, ano kaya ang sasabihin nya sa sambayanan, wag na ring manood ng tv at making sa radio? Hala, matindi pa kay Mc Coy! *** Kung sinoman ang media consultant at PIO (Pub SUNDAN SA P. 10

Piggery MAGANDANG araw po mga giliw kong tagasubaybay ng Responde Cavite. Kabila’t kabila po ang panawagan ng ating mahal na alkalde na huwag tangkilikin ang mga pahayagan na nagsusulat ng mga paninira sa kanya at mga walang mga katotohanang balita. Puro pang bababoy lang daw ang sinusulat laban sa kanya. Lahat po ng dokumentong inilathala ng Responde Cavite pawang katotohanan at pirmado ng ating mahal na alkade at hindi gawa-gawa lamang. Kung sa inaakala niya siya ay aming binaboy bakit hindi niya kami idemanda ng “PIGGERY” tutal babuyan din lang ang usapan di ba? Nais pa ng ating mahal na alkalde na maging pipi at bingi ang mga kabitenyo sa Katotohanan. Siyanga pala belated Happy b day po Mayor...


MARSO 13-19, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

Nabuntis sa tingin

lahat ‘yan. Lalo naman kung walang katotohanan. Nagmamahal, Binibining Bebang

Secret Marshal

Dear Bebang,

Binibining

Natsismis akong nakabuntis ng isang babae sa probinsiya namin sa Quezon. Kababata ko siya, si Nena. Magkatapat lang ang bahay namin kaya noong high school kami ay sabay kaming pumapasok sa eskuwela halos araw-araw na gawa ng Diyos. Isang araw, nabalitaan ko, noong dito na ako nakatira sa Cavite, na nabuntis siya. Lumuwas din pala siya noong lumuwas ako mula sa Quezon para mag-aral. Pagbalik niya doon ay buntis na ito. Sabi ng mga pinsan ko, ako raw ang natsi-tsismis na ama ng bata. Hindi naman ako.

Hindi ko alam kung saan siya nagpunta noong lumuwas siya. At ni hindi ko naging nobya si Nena. Ni hindi ko nga hinawakan ang kamay niya kahit sambeses lang noong nasa Quezon pa kami. Ang pinakamalupit ko nang ginawa sa kanya ay titigan ang basa niyang buhok na nakalungayngay sa puti niyang blouse na pamasok sa eskuwela. Ang problema ko talaga, nakarating ang tsismis na ‘to sa nobya kong si Jerose. Siyempre, galit na galit siya. Kulang na lang kalmutin nito pati ang kaluluwa ko para lang makaganti sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ano na ang mangyayari sa amin? Mahal ko si Jerose! Rusov Erdera ng Palico IV, Imus, Cavite Mahal kong Rusov Erdera,

‘Wag mag-panic. Kung talagang mahal ka ni Jerose, ipagtatanggol ka pa niya KAPAG ipinaliwanag mo sa kanya nang maayos ang sitwasyon ninyo ni Nena. Wala kang dapat na ikatakot. Nakikita ko rin naman na malinis ang konsensiya mo. Kailangan mo lang itong ipakita kay Jerose para mawala ang pagaalinlangan niya sa ‘yo. Kung ayaw ka niyang pansinin, i-text mo, iemail mo, sulatan mo through snail mail, telegramahan mo o kaya pumunta ka kay Boy Abunda at magpa-interview sa TV. Pag di pa naman naniwala sa ‘yo ‘yang si Jerose ay ewan ko na lang. Puwede mo rin siyang dalhin sa Quezon sa bakasyon. Ipakilala mo siya sa mga kababata mong naiwan sa Quezon. Para makilala nila si Jerose at matanto nilang ang tsismis ay tsismis

lang talaga. Kung may isang galon ng tuba sa bahay ninyo, inumin mo tapos ipakilala mo si Jerose kay Nena. Ayan, malinaw na malinaw. Hindi ka naman siguro magkakalakas ng loob na ipakilala ang sariling nobya sa isang babaeng buntis kung ikaw ang ama ng pinagdadala nito, di ba? Sigurado akong magiging masaya ang pagbabakasyon ninyong ito ni Jerose. Bonding time na ay nalinawan pa sa kanya ang tungkol sa masamang tsismis tungkol sa sinasabing “anak” mo. Sana ay mawala nang tuluyan ang galit sa ‘yo ni Jerose. Kung sakaling di pa rin umubra ang mga ipinayo ko, sulat ka ulit sa akin. Siyanga pala, ‘wag ka na ring mag-alala tungkol sa tsismis sa Quezon. Pagkatapos ng ilang linggo o buwan, makakalimutan din ng

5

Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.

mula P. 8

ang ilaw sa silid na iyon pagkalabas nilang lima. Saklob ng kadiliman ang paligid. Hindi na nila naririnig kung ano ang sinasabi ni Dadong Kulot. NAPAIGTAD si Pol. May humaplos sa kanyang mukha. Mainit-init ang palad. “Pol, nagbe-breakfast na sina Don at Mat…maubusan ka!” Nakangiti ang babae. Si Matilda. Parang sirena sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Naka-robe pa, hawi sa bandang kanang hita. Midyum ang taas nito, malapad ang dibdib na malusog. Bilugan ang mga braso, tabain. Nasa kaputiang parang maputlang liha ng suha ang kariktan nito. Alam niya, hindi ito nakaligtas kay Police Senior Inspector Buenafe, ngunit alam din niya na hindi na ito pinaulit ni Matilda. “Nand’yan si PSI?” usisa agad ni Pol na nagbangon. Nagbigay-daan naman ang tumindig na si Matilda. Nakangiti itong parang tinutukso siya. Ngunit alam nito na magkaibigan lamang sila. “Pero hindi dito natulog!”At humalakhak ito. Asset na ang turing ng mga operatiba kay Matilda. Kapag nakatindig ito, parang militar. Kung magusisa, parang imbestigador. Kung maglambing, parang nangangako ng isang matimyas na gabi. Hindi nila binabastos, mahusay sa martial arts ito. Hindi iisa, hindi dadalawa. Hindi kumibo si Pol. Naghila ng tuwalya para maghilamos. Pag-uwi na saka siya maliligo. “Pol, may sinabi sa akin si Chief…move on!” “ ‘Aga pa, Matilda!”Nagkibit-balikat siya at nagtuloy sa banyo. Nag-antabay sa kanya sa pagkain sina Don at Mat. “Si PSI?” Ang tinutukoy ni Pol ay ang pinuno nilang si Leonides Leviste. “Kumain na rin?” “Nasa interrogation room…sinisilip si Dadong Kulot!” “Ano’ng balita?” usisa pa niya sa dalawa. “Mukhang leon na inalisan ng balahibo!”Tumawa si Don. Tinapik siya pagkadulog sa pagkain. “Ikaw yata ang hinihintay para marinig mo ang kanyang magic sing!” Humigop muna ng kape si Pol, saka tumingin kay Don. “Isara na natin ngayong gabi…positive ang damdam ko!” “Positive?” ani Mat. “Tapos na kayo sa pagkain, ‘no? May inihabol sa akin si Matilda…pumanghi raw sa interrogation room!” “Alam na namin ‘yon. Biro nga namin kay Chief…baka kung ano ang malanghap niya!”sabi ni Don. “Pustahan tayo, wala ‘yon kay Dadong Kulot!” Nagtatawang tudyo niya sa dalawang kasama. “Ba’t naman…inspection time n’ya ngayon,” salo ni Mat. Itinuon ni Pol ang daliri niya sa kanyang bibig. “Tsst… babae lang ang kanyang nilalanghap.” Lumingun-lingon si Mat, saka kumindat kay Pol. “Si Matilda?” “Trying hard siya…gustong maka-iskor uli,” sagot ni Pol. “Ano ba ‘yan? First hour in the morning…tsismis at kay Matilda pa naman!” Si Don. “ Nakakatuwa si Chief…talagang parang sa kabayo ang hormones!” sabi uli ni Mat. At winakasan ni Pol ang usapan. “’Yan ang sikreto niya sa service…ever active kaya maraming naaccomplish!” Tamang-tama ang pagsulpot ni Matilda sa kumedor. Bihis na ito. Pantalong maong. Blusang maaligasgas ang tela. Pan-rugged.


MARTIAL LAW? MINSAN nang nabalot sa kadiliman ang buong bansa noong panahon ng diktaduryang Marcos. Kontrolado ang mga palabas sa istasyon ng telebisyon, gayun sa radio. At ipinasara ang lahat ng mga pahayagang kumakalaban sa kanyang administrasyon.Walang tanging mababasa kundi ang mga magagandang proyekto ng pamahalaan. Ngunit tila malapit na ditong masalamin ang kasalukuyang takbo ng administrasyon ni Cavite City Mayor Romeo ‘Ohmee’ Ramos. Mahipit ngayong ikinakampanya ng alkalde ng lunsod sa lahat ng pagtitipon na kanyang puntahan na h’wag magbabasa ng diyaryo dahil puro kasinungalingan lang aniya ang mga nakasulat doon laban sa kanya. Hindi man direktang tinukoy ni Mayor Ramos sa kanyang bawat pagsasalita sa bawat pagtitipon na puntahan, maliwanag na tumutukoy ito sa Responde Cavite. Nagsimula ang isyu sa Letter of Request ni Mayor Ramos sa Sanggunian na payagan siyang makapangutang ng P200-M sa Land Bank of the Philippines para sa pagpapagawa ng bagong city hall, up grading ng MRF (material recovery facility) at pagpapagawa ng isang terminal. Tila apoy na kumalat ang isyu! Dahil sa init ng apoy na nilikha ng Responde Cavite, walang konsehal na pumabor sa kanyang planong pangungutang. Nagsalita pati mga pader na naunang binusalan ng mga maaamong tuta ni Mayor. Pinagbubura ang mga nakasulat sa pader, na nagsisibolo na bilang tinig ng mamamayan. Mas pinakinggan ng mga tutang nagbura ang tinig ng iisang tao kaysa boses ng sambayanan na siyang nagpapasuweldo sa kanila. Sumunod ang pagpapaliwang ni Mayor Ramos sa kanyang mga bill board. Isinunod naman ng Responde Cavite ang pagsisiwalat ng umano’y tangakang suhulan sa konseho. Ang huli ay ang plano naman ng alkalde ng Lunsod ng Cavite na pagbili ng mga armalite. At ang lahat ng ito ay dokumentado naming inilabas. Nakapirma si Mayor Ramos. Na kalaunan, sa kanyang paliwanag sa mga bill board ay itinatanggi nang hindi sa pagpapatayo ng City Hall lamang ang plano n’ya sa uutanging P200-M. Dahil sa sunud-sunod na pagbubulgar na ito ng Responde Cavite, at sa kakulangan ng mga henyong nakapalibot kay Mayor Ramos na magpaliwanag, mas minabuti ng alkalde na magreklamo na lang sa taong bayan sa sinasabi n’yang walang katotohanang naglalabasan sa diyaryo. Mahigpit ang kanyang hindi tuwirang pangangampanya laban sa Responde. Sa isang pagtitipon ng mga SK Chairman (Sangguniang Kabataan), maliwanag na sinabi nito na h’wag nang bibili ng diyaryo at

puro pambaboy lang daw ang isinusulat laban sa kanya. Gayundin nang magsalita ito sa isang pagtitipon sa eskuwelahan nang mamahagi ng scholarship si Cavite 1st District Rep. Junn Abaya. Tahasan nitong sinabi na: H’wag na kayong bibili ng diyaryo, puro kasinungalingan lang ang nakasulat doon. ‘Yung ibibili n’yo ng diyaryo, ibili n’yo na lang ng gamit sa eskuwela ng mga anak n’yo! Kung aanalisahin ng isang matinong pagiisip ang mga sinabi ni Mayor Ramos, at kung mahusay din ang mga nakaligid sa kanya, mukhang hindi nalalaman ni Mayor Ramos ang kanyang sinasabi. Tinuturuan o hinihikayat n’ya ang kanyang

mga nasasakupan na maging kapus sa kaalaman. Dahil lahat ng mga progresibong lunsod o bayan, o bansa ay mataas ang literacy level. Hinihikayat nila na magbasa ang kanyang mga mamamayan. Lalo na ang mga kabataan. Maging sina Adolf Hitler, Joseph Stalin, Benito Mussolini, ay hindi ipinagbawal sa kanyang mga mamamayan ang pagbabasa. Sa inaasal na ito ni Mayor Ramos ay siya mismo ang ayaw na maging pregsibo ang kanyang lunsod, taliwas na naman sa mga nakasulat sa kanyang bill board. At kung kasinungalingan ang mga isyung ibinubulgar ng Responde Cavite, lalabas din na siya ang unang sinungaling dahil nilagdaan n’ya ang mga dakumento at sasabihing hindi iyon totoo. Dahil sa namimilipit si Mayor Ramos sa pagpapaliwanag, ang ginagawa na lang n’ya ay magreklamo sa taong bayan na wala na raw ginawa ang diyaryo kundi ang tirahin s’ya. Minsan ay nasabi ni Joey de Leon-Explain before you complain!



8

MARSO 13 - 19, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

SECRET MARSHALL 2000 NI EFREN R. ABUEG

PART 4

EFREN R. ABUEG

NAKARAAN: Lingid sa mga reporter, nailipat din sa safehouse mula sa ospital si Dadong Kulot, ang suspek sa pagkamatay ng nobya ng pulis na si Pol. Nabigo si Pol na maimbestigahan ito nang harapan dahil pinagbawalan siya ni Chief Buenafe na pumasok sa kwartong pinagkulungan sa suspek. Pigil ang poot, ipinasya niyang basagin ang salaming maaaring nagkukubli ng gadyet na magbubukas sa nasabing kwarto. SALAMIN nga ang pahalang na liwanag na iyon. Kapag nabasag iyon, may buton, switch o gadyet na maaaring makapa niya sa kabila niyon. Nakapa niya ang nakasukbit na baril sa kanyang likuran. Mabilis niyang binunot iyon at iniamba sa pahalang na liwanag. “Pol… huwag!” Biglang nasuspindi sa hangin ang kamay niyang ay hawak ng rebolber. Si Don ang nagsalita, kasabay ng hawak sa kanyang bisig. Bigla namang humarap sa kanya si Mat. “Suspindido tayong lahat ni Chief Buenafe!” Nahimasman siya. Galit na galit na pala siya. Pigil nga lamang. Nang hadlangan siya ng dalawa, saka lamang iyon nakawala. Nagmura siya nang nagmura. Wala namang pinatutungkulan. Isinuksok ni Don sa kanyang likod ang baril na dinaklot nito sa kanyang kamay. Saka siya inakbayan. Nanginginig siya sa poot at lungkot. Malou! Malou! “Naiintindihan ka namin,” sabi naman ni Mat. “Hindi lamang sa ‘yo nangyari ‘yan. Pero may paraan para sa lahat ng sitwasyon. Di kailangang laging patangay sa bugso ng galit!” “Paano? Paano?

Gusto ko nang malaman kung sino’ng responsable!” “Sige…upo ka lang, “ sabi uli ni Mat at narinig ni Pol sa dilim ang ingay ng mga paa ng hinihilang silya. “Mapapatay mo si Dadong Kulot, Pol…pero natitiyak mo ba’ng siya ang bumiktima kay Malou?” May isinisiksik na duda sa isip niya ang mahinahong wika ni Mat. Naiupo rin si Pol ni Don pagkaraan ng ilang saglit. May pinaltik naman sa isang sulok si Mat at biglang bumaha ang liwanag sa silid. Inabot naman ni Don ang switch ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa silid n a kinaroroonan ni Dadong Kulot. Saka niya narinig na sumigaw si Mat sa cellphone: “Ipasok na ‘yan! May dala-wang lalaking pu-masok. Dumadaing ang unang nakita ni Pol. Humahagok naman ang ikalawa. “Binasag mo’ng mukha,‘tol?” Sadyang nagpalakas ng tinig si Mat. “ ‘Pre, inabot ang sangmata! sabi naman ni Don. “Tama na! Tama na!”malakas na pakiusap ng unang lalaki, pahaluyhoy ang daing. “Di nag-magic sing, ‘tol. Binasag namin ang tadyang n’un isa!” sabi ni Mat. “ Bali na’ng mga tadyang n’yan, ‘pre!” sambot ni Dong. “Di na pwedeng pakawalan…bisto tayo rito, ‘tol. Nakakuha na ng sulok sa sementeryo?” “ Oo, ‘pre, pero malapit na sa Sierra Madre!” “Kahit aso, ‘ t o l … w a l a n g magkakalkal doon!” “O, paano, ‘pre?” Nagbaba na ng tinig si Don.

“Ready ka na, ‘tol?” Hindi na nagsalita sina Don at Mat. Sabay na nagbunot ng rebolber. Sabay-sabay na tinarget ang isang sulok ng silid. Rapido. Alam na ni Pol kung ano ang nangyayari. Biglang humiyaw sa kabilang silid. “ ‘Wag po! Maawa kayo! Di po ako!” Bukas nga ang switch, naisip “Tama na ‘yang tsismis…di na kayo sumawa sa akin. Tawag na kayo ni Chief…eto ang text n’ya, nasa

interrogation room siya!” Nagkatinginan ang tatlo. Hindi “nilanghap” ni PSI Buenafe si Matilda kundi ang silid na kinaroroonan ni Dadong Kulot. Sa silid na one-way mirror ang pinto, dinatnan nilang nag-iisip si Chief Buenafe. Napabaling ito kina Pol pagkarinig ng kanilang mga yabag. “May bagong information ang isa pang suspect sa holdapan din…miyembro raw ng Embudo Gang si Dadong Kulot!” Tumingin sila sa pintuang salamin. Lagos ang kanilang tingin sa teheras ni Dadong Kulot. Nakapamaluktot ito. Malamig ang umaga. Makayanig-kaluluwa ang karanasan nito kagabi. “’Tagal nang pahinga ang Embudo…may five years na!” sabi ni Mat. “Lumaki na. Hindi na gang lamang…sindikato na!” “Ano’ng line of business?” ani Don. “Umeentra pa lang

ako sa CIDG noon, dinig ko na ang Embudo. Baka balik-linya ‘yan?” Hinagisan si Pol ng sulyap ni Chief Buenafe. “You’re not wrong, Pol.” Holdap sa kalye, sasakyan, bangko. Puslit ng droga sa hangganan ng mga siyudad—Cebu, Bacolod, Tacloban. Murder for hire. Walang pinatatawad kahit maliit na raket. “ An’ng disposisyon natin,

Chief?” Si Don. “ Ilabas dito…’asan bata mo, Matilda” baling ni PSI Buenafe sa may alaga ng safehouses. “ Dito, Chief…makikilala kaming lahat!” Parang tutol si Don. “Bakit? Inaasahan mo bang makakakita pa ng liwanag si Dadong Kulot? Babalbasin na siya sa Boracay!” Alam iyon ni Pol. Isang isla ng mga pinagtataguan nila ng mga suspek sa krimen. Iyong maraming alam. Hahanguin lamang doon kapag nakumbinse na magiging straight government witness. May kontrata na hindi nakasulat. Death certificate ang huling dokumento sa buhay nito. Pumasok sa silid ang isang batibot na lalaki. Bilugan. Maliit ang ulo. Ang malaki rito: panga at mga masel. Tuluy-tuloy ito sa pintuang salamin na binuksan ng hawak na susi ni Matilda. At ilang saglit pa, nakapamulagat kay Pol si Dadong Kulot.

“Kumusta? Tinakasan mo’ng hard na inorder ko sa club.” Hindi nagsalita si Dadong Kulot. O hindi ito makapagsalita dahil nanginginig ang baba nito. “Okey, madaling tanungan lang ito,” simula ni PSI Buenafe. “Diosdado Posos ang pangalan mo?” Hindi umimik si Dadong Kulot. Bahagyang binatukan ito ni Don. :Sagot ka na!” “Opo!” biglang sagot. “Idiniin ka ng isang kasama mo….miyembro ka ng Embudo Gang.” Nag-alangang sasagot si Dadong Kulot. Malakas na ngayon ang pagbatok ni Don. “Sila po ang miyembro, hindi ako!” sabi ni Dadong Kulot, pabulalas. Sumunod, napamaang ito. Parang nagsisi sa pagkabigla. Humarap si Pol sa suspek. Pinitserahan ito. “Ikaw ang pumatay sa babaing hinoldap!” Nanginig lalo si Dadong Kulot. Hindi kumilos ang sino man sa mga naroon. “ Sila po…sila!” Naisip ni Pol ang sinabi ni Mat—hindi siya nakatitiyak na si Dadong Kulot ang pumatay kay Malou. Huminahon siya. Binitiwan niya si Dadong Kulot. Tiningnan ito nang matagal. “Kung hindi ikaw ang pumatay…ituturo mo sila sa amin!” “Papatayin po nila ako!” “Ganoon din ang gagawin namin sa iyo…dadalhin ka namin sa Boracay.” Sumingit si Don. Umilap ang mga mata ni Dadong Kulot. Alam ni Pol, narinig na nito ang Boracay. Hindi na nabalitaan pa ang mga kriminal na itinapon doon. Pinaniniwalaan ng

mga kriminal ang alamat ng lugar na iyon! Si PSI Buenafe ang tumitig kay Dadong Kulot. “Ang totoo, ngayong umaga ka na iskedyul na dalhin sa Boracay.” Biglang nilapitan ni Pol si PSI Buenafe. “ Hindi ko alam ‘yan, Chief!” “Order sa itaas…para sa lahat ng madarakip na miyembro ng Embudo Gang. We have to nuetralize them as early as possible,” sagot nito. “Pero, Chief…hindi ko na malalaman ang pumaslang kay Malou!” parang batang maiiyak si Pol. Nagtaas sa kanya ng mukha si PSI Buenafe. “Pol, hindi ka nag-iisa, Pol. At alam mo kung bakit. May mga vigilantes na kriminal na ang tingin sa mga suspek.” Biglang pumalahaw ng iyak si Dadong Kulot. “Sige po…ituturo ko na po sila sa inyo!” Biglang sinunggaban ng batibot na lalaki si Dadong Kulot. Ipinasok sa kwartong may pintuang salamin. Bago nakalapat ang pinto, nahagip ng kanilang ilong ang ilanglang ng panghi sa loob ng silid ni Pol. Dinig na dinig ni Dadong Kulot ang kaingayan sa kanilang kinaroroonan. Kung ano ang bilis ng gapang ng poot at kung ano ang bagal ng nadarama niyang kilabot ng lungkot, naisip ni Pol ang nakasakmal ngayon kay Dadong Kulot. Kangina pa siguro ito tinakasan ng kaluluwa. Biglang pinatay ni Don ang ilaw sa kabilang silid. Ngunit hindi ang switch ng gadyet na sumasagap ng ingay. Pinatindig ni Mat si Pol at hinila ang upuan nito. Mayamaya, kumikiskis sa lapag ang mabigat na kutsong may balot sa dulo ng banig. “Ang pick-up?” Narinig sa labas ang busina ng isang papalapit na sasakyan. “Nakasisiguro ang look-out?” “Walang tao…walang sasakyan!” At pinatay na rin ni Don BALIKAN SA P. 5


MARSO 13-19, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

ANG PAGTUTURO AY PAGHUBOG NG BUHAY MAGPAKAILAN MAN SINASABING ang ating pag-aaral ay habambuhay. At sa bawat sandali ng ating pagaaral, palaging mayroong guro sa likod ng ating pagkatuto. Sa simula ay maaaring an gating mga magulang ang ating unang guro ngunit sa pagtuntong natin sa paaralan, makakasalumuha na natin ang ating pangalawang mga magulang—ang mga guro ng paaralan. Kaugnay nito, mainam na itanong natin sa ating mga sarili, sinu-sino ba ang mga gurong naging maimpluwensiya sa ating buhay? Gaano ba kalawak ang saklaw ng kapangyarihan ng isang nagtuturo sa paghubog ng ating pagkatao? Ano ang papel ng propesyon ng pagtuturo sa paghubog at pagbabago ng ating lipunan? Sa anim na taon sa elementarya, imposibleng makalimutan natin ang pinakamahuhusay na guro na nakasalamuha natin. Bawat isa sa kainila ay tiyak na mag-iiwan ng aral na hindi natin malilimutan. Tanungin natin ang mga nakatatanda sa atin at tiyak na may isasagot sila kapag tinananong kung sino ba ang paborito nilang titser o kaya ay sino ba ang guro na nakaimpluwensiya sa paghubog ng kanyang talino. Kung tutuusin, ang bawat guro ay parang mga mgasasaka na nagtatanim ng binhi ng pagkatuto sa puso at diwa ng kanyang mag-aaral. Bawat mabuting guro ay nakatutulong sa paghubog rin ng mabuting mamamayan na siya naming bubuo sa ating lipunan. Totoong mahusay ang naiaambag ng isang duktor

na gumagamot ng mga iba’t-ibang uri ng sakit. Mahusay ang gusaling dinisensyo ng isang inhinyero o arkitekto. Makabuluhan ang akda ng isang makata o manunulat. Tagapagtanggol ng hustisya ang isang matapat na sundalo o pulis. O kaya naman, mahusay ang plataporma at programa ng isang pulitiko o lingcod bayan. Subalit sa likod ng pagkadalubhasa ng sinumang propesyunal sa alinmang larangan ay nasa likod niya ang mga gurong humubog sa kanyang pagkatao at humasa sa kanyang kakayahan. Dahil dito, higit na dakila ang propesyon ng isang guro kaysa alinmang propesyon sa kasalukuyan na pinagkakakitaan ng malaking suweldo. Sapagkat ang mga mahuhusay na duktor, inhinyero, arkitekto, abogado, narses at mga pulitiko ay nalikiha sa pamamagitan ng mga mahuhusay nilang guro. Sa pangkalahatan, ang impluwensiya ng isang guro sa kanyang estudyante ay hindi natatapos hanggang sa makagradweyt ang kanyang mga estudyante. Bitbit ng mga estudyante ang kaalaman at pag-uugali na kanilang natutunan sa kanilang mga guro hanggang sa kanilang pagtanda. At isasalin nila ito sa kanilang mga anak at sa susunod na salinlahi. Kung tutuusin, ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa uri ng edukasyong iniaambag ng mga guro. Ang mga matatalinong botante, makabayang pulitiko at mamamayang responsable ay malilikha sa pamamagitan ng mga gurong may dedikasyon sa kanilang propesyon. Tunay nga na ang pagtuturo ay paghubog sa buhay magpakailan man. Mabuhay ang mga dakilang guro ng ating sambayanan!

9

Happyhappy Birthday to Prof. Freddie B. Silao. From:

Belated happy b-day to Arturo A. Libay Last March 5, 2011

and advance happy b-day to

Joseph Notarte on March 19, 2011. Greetings Coming from Mr. Rey Ventura


MARSO 13-19 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 24

10

Tagumpay at Kabiguan ng Dalawang EDSA NASAKSIHAN ng buong mundo ang magarbo at magastos na pag-gunita ng kasalukuyang pamahalaang US-Aquino sa ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa 20 dekadang pasismong pamahalaang USMarcos na nagluklok naman sa rebolusyunaryo kunong pamahalaan ng US-Cory Aquino. Ang tagumpay sa EDSA People Power ay tagumpay ng sambayanang Pilipino na nagdesisyong wakasan na ang pasismo sa panahon ng Batas Militar ng pamahalaang USMarcos at maibalik ang demokrasya sa bansa. Subalit kung sa usapin ng ganap na paglaban sa korapsyon at kahirapan ay bigo ang EDSA People Power na makamit ito. Bukod kasi sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa ay ang paglaban sa korapsyon at sa kahirapan ang isa rin sa ipinaglaban noon sa EDSA People Power 1 hanggang sa EDSA People Power 2 na nagpabagsak naman sa pamahalaang US-Estrada at nagpaupo naman sa poder ng kapangyarihan sa pamahalaang US-Arroyo. Na sa pag-upo ng pamahalaang US-Arroyo ay lalo pang nabigo ang sambayanang Pilipino sa pangarap na mawakasan ang korapsyon at kahirapan sa paglobo ng mga kaso ng katiwalian na hindi na inaksyunan noon hanggang ngayon ng papet na Ombudsman na si Merceditas Guttierrez kaya naman siya ngayon ay napipintong ma-impeach. Kaya may kahirapan ay dahil may korapsyong nagaganap, partikular ang limpak-limpak na milyong

Sundot... mula P. 4 lic Information Officer) ni Mayor Ohmee Ramos, handa akong magbigay ng libreng lecture, workshop at seminar kung paano humarap at makitungo sa media ang isang public official nang sa gayon ay matuto itong sumagot at magbigay ng reaksyon. Pwede ko ring turuan kung paano tuturuan ng mga di umano’y adviser ni Mayor ang Alkalde kung paano magsalita sa publiko at sa mga pagtitipon. Libre po ang serbisyo ko, pramis! Hindi ko uutangin! *** Basic sa doktrina ng public administration, kung ang lider ay hindi katalinuhan (euphemismo ng ‘tanga’) dapat kumuha ng mas matalinong adviser. Kung ang binibigyan ng advise at ang tagabigay ng advise ay parehas lang ang tayog ng talino, disgrasyang malaki. Minsan, magtataka tayo kung bakit puro katangahan ang pinagagagawa ng isang lingkod-bayan sa kabila ng sangkatutak ang adviser nito… dalawa ang basa natin dito: una, yung adviser hindi talaga nagmamalasakit sa kanyang binibigyan ng advise, gusto nyang was akin ang kanyang amo… siguro si adviser ay pakawala ng kalaban, hehehe. Ikalawa, yung adviser ay mas tanga sa binibigyan ng advise. Harharhar! *** Ilang lider na ba ang matapos mailuklok sa kapangyarihan ay naghahari-harian pero noong nanunuyo pa ng boto ay pangako ang langit at lupa, pagkababait at pagkagagalang? Sino ba talaga ang hindi na natututo, ang botante o ang politico? Hala!

salaping nabisto sa “pabaon system” at ngayon ay mayroon pang “pasalubong system” na nabulgar sa mga matataas na opisyal ng militar at hinihinalang may mataas pang pinuno ng bansa na nagdaan na sangkot din kaya naman nauwi sa pagpapatiwakal ang papet na Heneral na si Angelo Reyes dala na rin ng konsensya. Ang pagpapakamatay kayang ito ay nangangahulugang matutuldukan na ang korapsyon sa militar? Samantala, sinasamantala naman ng pamahalaang USAquino ang pagkakataon o ang mga pangyayari upang makapagkunwari at linlangin ang sambayanan na pamahalaan niya ay antikorapsyon at antik a h i r a p a n . Sinasakyan nito a n g katampukan ngayon ng m g a p a g dinig sa Kongreso at Senado hinggil sa korapsyon sa military upang mapaniwala ng husto ang sambayanan na ang kanyang pamahalaan ay tunay na bago at naiiba upang patuloy na maging kampante ang ma-mamayan. (Ito ay bunga na rin ng advise o sulsol ng mga personalidad na nag--pa-panggap na pulahang aktibista ngunit kilala naming dilawan gaya ng AKBAYAN na ngayon ay nasa loob na ng pamahalaang US-Aquino at humahawak pa ng matataas na pwesto sa ahensyang pang-gobyerno. Kaya naman kung ano ang patakbo ng pamahalaang US-Aquino ngayon ay kinikinita-kita o masasabi na natin na parang ganito na rin ang sistema pala ng pamahalaan o gobyerno ng mga social democratic (SOCDEM) odilawang grupong nagpapanggap na pulahan gaya ng AKBAYAN kung sakaling sila ang makaagaw ng poder ng kapangyarihan.) Ngunit ang katotohanan ay magpa hanggang ngayon naman ay hindi kaya ni Noynoy Aquino na matigas na matindigang mahabol, mausig at maparusahan ang sandamakmak na kaso ng korapsyon ng nagdaang pamahalaang US-Arroyo, ultimong ang kanyang pinagmamalaking Executive Order No.1 na pinirmahan niya noong unang araw ng kanyang pag-upo sa Malacañang upang maitatag ang isang independent Truth Commission sa pamumuno ng hinirang niyang si Former Chief Justice Hilario Davide na naglalayong imbestigahan ang mga korapsyon ng nagdaang pamahalaang US-Arroyo ay hindi niya nagawang maipaglabang maisulong at sa halip ay nagawa pang mapawalang bisa ng Supreme Court noong mga huling araw ng Disyembre 2010. Bakit may kahirapan? Dahil may korapsyon. Bakit may korapsyon? Dahil sa imperyalismo, burukratakapitalismo at pyudalismo na siyang tunay na ugat ng kahirapan at korapsyon. Tandaan natin na hanggat ang isang rebolusyon ay kuno lamang at ang tanging nagaganap ay pagpapalit lamang ng pinuno ng bansa, ay sadyang wala tayong maaasahang tunay na pagbabago. Sapagkat ang isang tunay na rebolusyon ay hindi lamang basta simpleng pagpapalit ng pinuno ng bansa kundi dapat ay lahatang pagpapalit ng bulok na sistema na nanganagahulugan ng pagpapabagsak ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo

at kasabay ang pagtatatag ng isang demokratikong gobyernong bayan na may sosyalistang perspektiba kung saan mawawakasan ang pagsasamantala o lamangan ng bawat isa’t-isa at magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao sa lipunan na siyang matatawag na langit sa lupa o sa mundo na naayon sa kagustuhan ng Diyos ng Kasaysayan sa kanyang banal na kasulatan. Ayon nga kay Senador Gringo Honasan ay wala raw saysay ang pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power sapagkat bigong mawakasan ang korapsyon at kahirapan sa Pilipinas. Nakakagulat naman ang biglaang pag bawi ng suporta ng kilalang veteran political activist na si Jose “Linggoy” Alcuaz na kilala rin na isa sa supporter at leader noong panahon ng kandidatura ni Noynoy Aquino, kamakailan lamang sa isang presscon ay ipinahayag niya ang kanyang pagkalas ng suporta sa pamahalaang US-Aquino dahil daw sa bigo itong maisulong ang pagbabago at daang matuwid dahil umano sa walang paninindigan si Noynoy Aquino at lahat ng nasa paligid nito ay pinapakinggan at basta sinusunod na lamang nito ng walang pag-iisip, or in short walang sariling desisyon sa mga isyu at kaganapan. Kasabay ng pahayag ni Alcuaz ang pagtatatag niya ngayon ng Sorry Yellow Movement. Bagaman at matagal ng kilala si Alcuaz na nakibaka noong panahon ng diktaduryal na pamahalaan ng USMarcos ay higit pa siyang nakilala ng kasalukuyanghenerasyon ng mula sa dating kilalang supporter at leader ng panahong ng kandidatura ni Erap Estrada ay nagawa rin nitong kumalas ng suporta at bumalik sa kalye at matatandaang naitatag niya ang Silent Protest Movement o mas kilala sa Exclamation Point Movement na nagpalaganap sa mga tao ng mga sticker na Exclamation Movement at kasa-kasama ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa mga kabikabilang protesta sa lansangan na nagluwal para maitatatag ang Estrada Resign Movement na nagging mitsa sa matagumpay na panawagan ng pagpapatalsik sa pamahalaang US-Estrada. Nakilala rin si Alcuaz na supporter at leader ni Gloria Arroyo matapos ang EDSA People Power 2 ngunit ng lumaon ay kumalas din ng suporta sa pamahalaang US-Arroyo at may ilang beses na naaresto at naiditine rin sa panahong iyon dahil sa pag-aaklas. Ang tanong ngayon, ay ang pagkalas kaya ni Linggoy Alcuaz sa pamahalaang US-Aquino ngayon ay nangangahulugan ng tagumpay ng pagpapatalsik sa pamahalaang USMarcos, US-Estrada o nangangahulugan ng bigong pagpapatalsik sa pamahalaang US-Arroyo. Samantala, sa aking personal na paglalagom ay hinahangaan ko ang tagumpay ng sambayanang Pilipino sa dalawang EDSA na nagdaan upang maibalik ang demokrasya at malabanan ang korapsyon at kahirapan sa bansa. Ngunit hindi maitatatwang bigungbigo ang dalawang EDSA na nagdaan upang malabanan ang korapsyon at kahirapan sa bansa. Sana sa susunod na EDSA (kung mayroon pa) ay maganap na ang isang rebolusyong magpapanday ng tunay na pagbabago, at malaki ang inaasahan ng sambayanang Pilipino sa isang gobyernong umiiral ngayon sa kabundukan at kanayunan na kapag sila na nga ang ganap na nagtagumpay (sa mahigit 40 na taong pakikibaka) at papalit na mamumuno sa bansa ay magkakaroon na nga ng isang gobyernong bayan na dama ng mamamayan nito ang tunay na pagkandili sa kanilang kapakanan ng walang pagsasamantala at pagtatangi, at ito ang mukha ng pamahalaan ng mga national democratic (NATDEM) o anyo ng gobyernong ipapatupad ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), Communist Party of the Philippines (CPP) at kasama na ang armadong grupo nitong New Peoples Army (NPA).


MARSO 13-19 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23

11

Pampaputi ba ang hanap mo? Subukan mo ito

Dear Abu Rhatbu, Tanong ko lang po kung paano pumuti. Kasi po, may kaitiman po ako, lalo na yung kilikili ko. Medyo mahal po ang mga sabon at lotion na ipinakikita sa telebisyon. Lalo nap o kapag pumunta ako sa dermatologist. Gustong gusto ko po talagang pumuti sa murang paraan. Paano po ba? Salamat po, Dina Diliman Hay naku, Dina, madali lang ang solusyon sa problema mo. Hindi na

kita kukulitin kung bakit gusto mong pumuti at anlaki ng problema mo sa maitim mong kilikili samantalang wala na ming taong titira dyan o gustong pagmasdan ‘yan tulad ng isang painting na nakasabit sa dingding. Gayunpaman, tutulungan na lang kitang pumuti. Gusto ko sanang pumunta ka dito sa bulubunduking sanktwaryo ni Abu Rhatbu, marami kasing halaman na makatutulong sa ‘yo. Pero, sige, gamitin na lang natin ang mga bagay na matatagpuan mo sa paligid mo. 1.Kumuha ng isang drum na bakal (yung pinaglalagyan ng langis o pinag-iimbakan ng tubig). Isalang ito sa apoy. Lagyan ng isang sakong papayang hilaw, isang sakong dahong papaya at isang sakong papayang

hinog. Punuin ng tubig. Pakuluan. Bumili ng goggles at haircap (yung gamit ng swimmer). Maghubo’t hubad (wag gawin sa public area, baka damputin ka ng mga pulis dahil sa nakaririmarim na eksena). Uminom ng kala-hating tasang morphine (yung ginagamit sa operasyon at bitamina ng mga adik). Pakuluin ang drum ng tubig sa loob ng isang oras. Kapag labog na ang mga papaya’t dahon, maglublob sa loob ng drum una paa. Tiyakin na lubog ka hanggang noo. Bumilang ng sampu. Tapos umahon. Patuyin ang katawan sa pamamagitan ng magaspang na twalya. Limang buwan matapos nito, ganap ka nang maputi. (abangan bukas ang iba pa nating

mungkahi) 2. Bumili ng dalawang bote ng battery solution (tubig ng baterya) at isang brotsang de sais (6"). Dalawang tasang mafenamic acid (pain reliever) at isang basong gin. Isang bimpong magaspang. Durugin ang mafenamic acid at ihalo sa isang basong gin. Pagkainom, palipasin ang dalawang oras. Isalin ang dalawang boteng tubig ng baterya sa isang planggana. Maghubo’t hubad. Sa pamamagitan ng brotsa, pintahan ang katawan ng tubig ng baterya. Habang bumubula ang balat, agad kiskisan ng magaspang na bimpo. Pagkatapos gawin ito sa buong katawan, balutan agad ng plastic wrap. Magbilad sa araw ng dalawang oras. Isang lingo lang, maputi ka na.

3. Maghanap ng taong may an-an. Ikiskis ang buong parte ng katawan sa taong may anan. Tiyakin na lahat ng parte ay maidadaiti para magpantay ang kulay. Medyo matagal nga lang ito, mga apat hanggang limang buwan ang epekto. Pero lesser pain naman. 4. Magpa-tattoo ng puti sa buong katawan (medyo magastos nga lang). Para makatipid, pumunta sa mga nagsisimula pa lang magta-tattoo at magboluntaryong maging panestingan at praktisan. 5. Talian ang gawing likuran ng isang delivery truck o trailer truck na laging on the go. Gaya ng mga nagdo-door to door. Maghubo’t hubad. Sa pag-arangkada ng sasakyan, kapitan ang dulo ng tali. Magpagulong-

gulong habang umaandar-adar ang sasakyan. Tiyakin na pantay ang paggulong para pantay din ang pagkakalapnos ng balat. Sa maghapon nilang paged-deliver, tiyak ang pagputi. Mga dalawang buwan ka nga lang nakaratay sa banig. 6. Pumunta sa isang med student. Sabihin na handa ka kamong ipa-eksamen ang iyong balat kaya’t okay lang sa ‘yo na buong buo itong ipatalop. May pangmiryenda ka pa paguwi. Ilan lamang ito sa mga mungkahi natin sa mga kababayan nating gustong pumuti. Sa iyo, Dina Diliman, nawa’y maging matagumpay ka sa pagpapaputi. Gudlak! Bhawarharhar!

Copyright at ang Universal Declaration of Human Rights ANG dokumentong Universal Declaration of Human Rights ay binuo at pinagtibay ng United Nations noong 1948. Tatlong taon matapos ang World War II ay nagbigay ng iisang pahayag ang mga bansa sa buong mundo na tapos na ang panahon ng pagsasawalangbahala sa karapatan ng bawat tao. Alam natin mula sa kasaysayan na naging malupit at madugo ang mga pangyayari noong World War II. Sa Europe ay pinangunahan ni Adolf Hitler ng Nazi Germany at ni Benito Mussolini ng Fascist Italy ang pagtrato sa bawat tao bilang mga kasangkapan lamang para maisagawa ang pananakop sa buong mundo. Sa Asia ay pinangunahan naman ito ni Emperor Hirohito ng Japan. Ibig sabihin, nang mga panahon na ito, may halaga lamang ang tao kung siya ay nakakatulong o nagagamit sa pangarap ng mga nabanggit na pinuno na maging Masters of the

World. Ang sinumang humahadlang o sumusuway sa pagkamit sa pangarap na ito ay pinagmamalupitan. Kinakamkam ang lahat ng ari-arian, kinukulong pati na ang kanilang mga mahal sa buhay, at kinikitil ang buhay. Hindi lamang isa o dalawang tao ang naging biktima ng ganitong uri ng karahasan. Walang pinipili ang mga mapaniil: lalaki, babae, bata, matanda, pari, madre, manunulat, propesor, sundalo, o pulubi man. Ang mga manunulat ay hindi maaaring magpahayag ng totoong damdamin. Ang State propaganda lamang ang maaaring gumawa nito. Ang mga pintor ay hindi puwedeng gumuhit ng kahit ano na bugso ng inspirasyon. Tanging ang magpapaganda lamang sa imahen ng mga taong nasa kapangyarihan ang maaaring iguhit ng mga pintor. Milyon-milyon ang kinulong at namatay sa

loob ng mga concentration camp. Ang tao ay itinuring na pinagkukunan ng resources lamang. Ang mga gintong ipin ay binubunot para lusawin bilang alahas. Ang mga malakas ay ginagawang manggagawa sa mga pagawaan ng bala at iba pang gamit sa gera. At kapag nagkasakit at mahina na ang isang tao ay dadalhin sa malalaking oven para sunugin. Ang mga buhok sa katawan ay binubunot at inaahit para lamang gawing lining sa mga boots at jacket ng mga sundalong Nazi na nakikipaglaban sa gera sa Russia. Pagkatapos, kapag kalbo na ang mga ito, papatayin sila at susunugin sa mga oven. Ang abo naman ay ginagawang panambak sa mga kalsada. Ito ay malinaw na pagsasawalang-bahala sa karapatan ng mga tao. Ngunit may mga nagningning na hiyas sa gitna ng kadiliman ng panahong ito tulad na lamang ni Anne Frank na namatay sa concentration camp subalit ang aklat niyang “Diary of a Young Girl” ay patuloy na

binabasa ngayon. Marami ring naging santo sa gitna ng impiyernong ito tulad ni St. Maximillian Kolbe na ibinigay ang sariling buhay kapalit ang paglaya ng isang Hudyo. Si Kolbe ay isang paring Pransiskano at nakulong kasama ang mga Hudyo sa isang concentration camp. Pagkatapos ng kabaliwang dulot ng gera ay nagkasundo ang mga pinuno ng mga bansa na tapos na’t hindi na mauulit pa ang panahon ng pinakamalupit na karahasan. Ang United Nations ang siyang nagtipon sa mga pinuno at nagdeklara na ang dokumentong Universal Declaration of Human Rights ang siyang magiging batayan ng mga batas na makatao, mga patakaran ng Estado na magbibigay-proteksiyon at paggalang sa karapatang pantao. Inaanyayahan ang mga author, publisher o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS para mabigyang-proteksiyon ang kanilang mga gawa. Wala pong membership

fee. Ang mahalaga ay mayroon kayong published works (para sa mga author) at nasa inyo ang kapangyarihang mag-manage ng copyright kung heirs kayo ng isang author. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.


sindikato, nalansag

5Kalaboso tikloangsa bato inabot ng 5

hinihinalang tulak ng bato matapos masakote ang mga ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isinagawa kamakailan sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat na natanggap ni

operation sa Bacoor, Cavite.

Director General Jose S. Gutierrez Jr., ang mga ahente ng PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) sa pamumuno ni Director Wilkins M. Villanueva ay ikinasa ang nasabing buy-bust

Naisakatuparan ang operasyon sa RFC Mall, Barangay Molino II, na nagresulta sa pagkakaaresto nina Majeid Macadatar Capiyalo, ng 49 Doña Manuela Avenue, D. Manuela Subdivision,

Las Piñas City; Ameroding Angantap Mohaimen, ng 384 Globe de Oro Street, Quiapo, Manila; Salma Mama Mohaimen, ng Molino II, Bacoor, Cavite; Ibrahim Bantog Taurac Banayo at Noraliah Bantog Ibrahim, kapwa taga263 Kaunlaran Subdivision, Barangay Molino, Bacoor Cavite. Narekober sa mga ito ang mga ebidensya gaya ng plastic bag na hinihinalang naglalaman ng shabu na tumitimbang ng halos 50 gramo at

dalawang piraso ng P 500 marked-bills na ginamit sa operasyon. Kinilala ang mga naaresto bilang kasapi ng Jamil-Odin Drug Group na kumikilos sa Metro Manila at mga karatig-lugar partikular sa Region IV-A.—Michelle Valecruz

Militanteng Mamamayan ng Timog Katagalugan Lumusob sa Mendiola Manila, Philippines – Lumusob sa ka-Maynilaan ang mahigit sa isang daang militanteng mamamayan mula sa Timog Katagalugan noong Marso 2, 2011 upang tumungo sa mga ahensya ng gobyernong may tuwirang pakialam sa mga usapin at isyung tinututulan ng mga ito. Ganap na 7:00 ng umaga ay nagsimula ang kanilang caravan sa Calamba Crossing, bandang 9:00 ng umaga naman ng makarating silang ka-Maynilaan at sunud-sunod na nilang kinalampag ang mga tanggapan ng Toll Regulatory Board (TRB) at Department of Transportation and Communications (DOTC) para kundenahin ang 250% Toll Fee Hike sa Southern Luzon Expressway (SLEX), Department of Labor and Employment (DOLE) para kundenahin ang kawalang aksyon sa problema at karapatan ng mga manggagawa partikular sa Timog Katagalugan. Bandang 1:00 ng hapon ay tumungo naman sila sa Senate of the Philippines at nagsagawa ng picket rally sa harap ng gate nito habang nakipag-dialogue naman ang mga lider militante sa loob kay Senador TG Guingona na siyang tanging nagpaunlak, nakinig at tumanggap sa mga ito. Ganap na 4:00 ng hapon ay huli nilang tinungo ang makasaysayang Mendiola at dito isinagawa ang kanilang mayor

na programa kung saan ipinahayag nila ang kanilang mga hinaing at saloobin sa kasalukuyang pamahalaan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Adrianne Mark Ng, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST), “Walang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino. Imbes na pagbabago ay puro panggagago lamang sa mamamayan ang ginagawa nitong pamamahala na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino katulad ng mga sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, petrolyo, pamasahe at iba pang bayarin gaya ng toll fee hike at tuition fee hike sa darating na semester. Hindi rin nahinto ang patuloy na extra judicial o poltical killings sa hanay ng mga aktibista.” Ang pagkilos na ito na tinawag nilang “Ratsada sa Mendiola” ay pinangunahan ng BAYAN-ST kasama ang ilang makabayang sektoral na samahan kagaya ng AnakbayanTimog Katagalugan (ANAKBAYAN-TK), Gabriela Southern Tagalog (GABRIELA-ST), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK), Kalipunan ng Damayang Mahihirap-Southern Tagalog (KADAMAYST) at Katipunan ng mga Samahang Magsasaka sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK). –REX DEL ROSARIO

tinangay ng yaya

10-anyos na utoy, nabawi Nabawi ng ng pulisya ang isang 10-anyos na batang lalaki na napabalitang dinukot ng kanyang yaya kamakailan sa Barangay Naic, Cavite. Pormal namang sasampahan ng kaso ang nadakip na suspek na si Delia Ramos, 32. Sa pagsisiyasat ni PO1 Michael Bebesen, humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng bata para mahuli ang suspek at mabawi ang anak nito na di umano’y tinangay ng yaya. Sa follow-up operation ay natunton ang kinaroroonan ng suspek kung saan nailigtas ang biktima sa Barangay Ligtong sa bayan ng Rosario, Cavite.- Ewel Peñalba

Dumayo pa sa Bataan

2 Caviteña,timbog sa bato Himas rehas ngayon ang dalawang Caviteña matapos diumanong naaktuhan na magbenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Roque ng Bataan kamakailan. Ayon kay P/Insp. Reynaldo C. Manganti, Jr., Samal deputy police chief, narekober ang tatlong sachet ng shabu at isang libong pisong marked money mula kina Hilda Escorel 52 at Marilou Superable, 24, kapwa taga-barangay Niyog, Bacoor, Cavite. Batay sa pahayag ni Manganti, matagal na di umano nilang minamanmanan ang dalawang babae na may kasama pang iba na ngayon ay patuloy pa rin nilang pinaghahanap. Galing di umano ang ipinagbabawal na droga sa Bacoor, Cavite. Pansamantalang nakadetine ang dalawang babae sa Samal Municipal Police Station. Habang inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa sa mga suspek tulad ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Sa ulat, napag-alamang may kasama pang batang maliit ang dalawang babae na di umano’y pamangkin ni Superable sa hangaring maitago ang iligal na gawain ng mga ito, sabi ng mga pulis. Inamin naman di umano ng dalagang si Superable na sa Cavite nila nakuha ang shabu pero ito pa lamang diumano ang kauna-unahan niyang pagbebenta. Itinanggi naman ni Escorel na sangkot siya sa iligal na transaksyon. Nagpasama lamang diumano ang dalaga sa kanya at ngayon lamang siya napunta ng Bataan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.