2
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
Sa pag-aakalang napatay ang syota...
Negosyante, tinodas ang sarili Isang 51-anyos na negosyante ang nasawi matapos magbaril sa sarili at dahil sa inakalang napatay niya ang sariling syo-
ta sa Barangay Bulihan, Silang, Cavite kamakailan Kinilala ng pulisya ang nagpakamatay na si Sergio Biglaen, resi-dente
ng Greenville Subd. sa Brgy Mala-gasang 2B, Imus, Cavite. Samantala, ginagamot naman sa UMC sa Dasmari単as City ang
biktimang si Rosemarie Dela Cruz, 21 ng Barangay Bulihan ay nakaligtas sa tatlong bala ng baril sa kaliwang
dibdib. Batay sa ulat ni PO2 Primitivo Cante, nagkasigawan ang magsyota na humantong sa pamamaril ng
lalaki sa babae. Gayon pa man, sa pag-aakalang napatay ang biktima ay nagbaril sa sarili si Biglaen.
33 Biktima ng Illegal Recruiter, Balik Probinysa IBINALIK na sa kani-kanilang mga lalawigan ang 33 biktima ng illegal recruiter na mula pa sa Tacloban at Dagami, Leyte matapos humingi ng tulong ang mga it okay Mayor Alfred Romualdez at ilang opisyales ng Indang, Cavite. Kabulang sa 33 biktima ang dalawang menor de edad ang ibinalik sa Tacloban City. Ayon sa mga biktima, hindi makatao ang turing at pasweldo sa kanila matapos ng isang buwang pagbabanat ng buto sa tubuhan sa Cavite. Batay sat ala sa city social office ng Tacloban, 14 sa 33 biktima ay galling sa Diit district, 7 mula sa Basper, 6 sa Tigbao, 3 sa San Roque, 1 sa Cabalawan, at 1 sa Dagami. Ayon sa salaysay ng isa sa mga biktima, tinanggap nila ang alok na trabaho dahil sa nangako ang recruiter ng malaking sweldo, libre pa ang pagkain at matitirhan. Karamihan sa mga biktima ay magsasaka at trabahor sa constructions. Batay pa rin sa tala, ang mga biktima ay pinasahod lamang ng P170 taliwas sa ipinangakong P700 bawat araw. Nangako rin daw ang recruiter na sa Batangas sila magtatrabaho hindi Cavite. Kasalukuyang dumudulog ngayon ang mga biktima sa The Department of Labor and Employment para sa kaukulang aksyon BINIGYANG PUGAY ni Cavite Governor Jonvic Remulla (ikawalo sa kanan) si Weanne Myrrh Razon Estrada (nasa gitna) , 21 taong gulang at nagtapos ng kursong Nursing sa Adventist University of the Philippines at topnotcher sa mahigit 84,287 kumuha ng Nurse Lisensure Examination noong Disyembre 2010. Si Weanne ay naging class president, valedictorian at summa cum laude ng AUP. Makikita rin sa larawan sina Bise Gobernador Recto Cantimbuhan (ikawalo mula sa kaliwa); Board Members ng Cavite; Dr. Wealthy Estrada at Dr. Mirriam Estrada, magulang ni Weanne (ikalawa at ikatlo mula sa kaliwa); Dean Susy Jael ng College of Nursing-AUP (nasa kaliwa) at Dr. Romeo Barrios, Public Relations Director ng AUP (ikaapat mula sa kaliwa)
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
Mag-utol utas sa Bantay-Bayan NASAWI ang mag-utol habang naglalaro ng basketball makaraang pagbabarilin ng isang kasapi ng bantay-bayan. Kapwa patay ang magutol matapos na pagbabarilin ng isang miyembro ng bantay bayan kamakailan ng
hapon sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Kinilala ni P/Senior Insp. Juan Uroga, ang mga
biktimang sina Romeo Casas, 22, at Jeffrey Casas, 20, kapwa residente ng Barangay Pulido sa nasabing bayan. Kasalukuyan namang tinitugis ng pulisya ang suspek na si Camilo Pacaanas, 42, ng B-9, #52 Pulido ext., Barangay Pulido. Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw
na namagitan ang suspek sa kaguluhang nagaganap sa basketball court kung saan sangkot ang magutol na Casas. Napag-alamang sinuntok di umano ng isa sa mag-utol ang suspek kaya ito umalis subalit nang bumalik ay pinagbabaril na ang dalawa.
3
P1.6B Daang HariSLEX, tuloy na ANG National Development Co. (NDC) ay aarangkada para matuloy ang pagpapagawa ng, pago-operate at mintina ng P1.6-billion na pat na kilometrong daan na mag-uugnay ng Daang Hari sa South Luzon Expressway (SLEX), btay kay Lourdes F. Rebueno, manager ng NDC. Ayon kay Rebueno, may ilang investors ang nagpakita ng interes sa nasabing proyekto, maging ang umiiral na toll operators. Idinagdag pa nito na ang Alabang Sto. Tomas Development Inc. (ASDI) ang kasalukuyang may hawak ng Daang Hari-SLEX toll road. Sa kasalukuyan, ang ASDI, na 51% pag-aari ng Philippine National Construction Corp. (PNCC) at 49% na pag-aari ng NDC, ay gumastos na ng halos P325 para sa mga inisyal na trabaho. Ang nasabing proyekto ay kabilang sa PPP (private-public partnership). Inaasahang makakabawas ng trapiko sa Cavite, Las Pi単as at Muntinlupa ang nasabing proyekto.
HINDI malayo na ganito ang maranasan ng mga estudyante sa darating na pasukan dahil sa banta ng La Ni単a.
Ang echos ni Mayor Ramos ANG pinakamatinding kampayan ngayon ni Cavite City Mayor Romeo ‘Ohmee’ Ramos-- h’wag tangkilikin ang Responde Cavite! Ito ang echos ni Mayor Ramos sa isang proyekto ni Congressman Jun Abaya nang siya ay magsalita (kahit na hindi naman daw siya imbitado at hindi kailangan doon ay nagpunta). Ayon kay Ramos, hindi daw dapat tangkilikin ang mga naglalabasan sa pahayagan. --Ang mga naglalabasan, means marami. Maraming lumabas-- pahayagan, singular, isa lang. Malinaw na kami lang-- Responde Cavite lang. HIndi ba’t unang nagpalabas ang pang-arawang pahayagang Remate? Bakit parang sobrang pinepersonal na yata ni Mayor Ramos ang Responde Cavite? Para sa kaalaman ng mamamayang Caviteño, ang lahat ng inilalabas ng Responde Cavite ay base sa mga dokumentong siya mismo ang nakapirma. Na ayon sa batas, kahit na hindi ikaw ang gumawa ng isang dokumento, kapag pinirmahan mo ito ay kumakatawan na ito sa ‘yo. Matapos mong ipabura, Mayor Ramos ang mga tinig sa pader, ngayon naman ay kinakampanya mong h’wag tangkilikin ang Responde Cavite-- aba! Sa mga ikinikilos mo mukhang GUILTY ka, ah! Parang Martial Law, kulang na lang sa ‘yo ay ipagbawal ang pagtitinda ng Responde Cavite. Sa susunod na isyu ay iisa-isahin natin bawat paragraph ang pagka-ro por ng iyong sagot sa mga bill board na pinaglalalagay mo sa buong Cavite City!
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief reporter rex del rosario
nadia dela cruz
3rd district coordinator
2nd district coordinator
melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
4
Ratrat (Attention Matchete) HALA! Ayan na! Nagbago na ang ihip ng hangin. Mga konsehales na ng Cavite City ang nakakagitgitan ni Mayor Romeo 'Ohmee' Ramos dahil sa di umano'y pagsasabi ng Alkalde sa mga Kapitan ng Barangay na tumatanggap ng IF (Intelligence Fund) ang mga konsehal kung kayat may karapatan manumbat ang Mayor kung ba't nga naman hinaharang ang kanyang proyektong di umano'y pansagip sa problema ng lunsod sa pamamagitan ng pangungutang ng P200 Milyong Piso. Kung hindi talaga tumatanggap ang mga konsehales ng IF pero ito ang sinasabi ni Mayor, sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Naku, parang napanood ko na ito sa X-Files. "The Truth is Out There!" *** Uy, announcement mga kababayan ko, P600,000 kada buwan di umano ang IF ni Mayor. Mind you madlang pipol, hindi ito dumadaan sa audit kasi nasa diskarte ng Mayor kung paano gagamatin ang IF sa pagsugpo ng krimen sa Lunsod. Hmm, P600,000 kada buwan laban sa krimen at kaliwa't kanan ang krimen sa Cavite City, baka naman... kulang ang P600,00. Calling madlang pipol, baka may ekstrang pera kayo dyan para madagdagan natin ang pondo ng Lunsod laban sakrimen. Intelligence Fund should be used intelligently... but intelligence is a rare commodity in the public office. Kaya fund na lang ang pagdiskitahan. Hehehehe. *** Nagamit kaya ang intelligence fund para malaman kung ano na ang nangyayari sa mga babaeng basa, hamog at pakalog? Hmm, malamang hindi. Oo nga naman, hindi pala sila maaaring makagawa ng krimen. Hindi sila
pinagsususpetsahan na gagawa ng kasamaan. Hintayin na lang at saka pa sila magiging kwalipikadong pagagamitan ng Intelligence Fund. *** By the way, my way, hi-way... sa ibabayad pala ng lunsod na P40 milyon kada taon dahil sa uutanging P200 Milyon, alam nyo ba ka kaya nating makapagpaaral sa Cavite State University (Cavite City Campus) na 2000 kabataan kung marikula dito ay P10,000 kada semester? Naku, wala sanang out of school youth o tambay sa Cavite City. Panghabambuhay na pakikinabangan ng mga Caviteno... sana. *** Uy, dilapidated na nga ba ang City Hall ng Cavite City? Ibig sabihin hindi na safe para mag-opisina at tumanggap ng tao kaya kailangan na natin ng bago, kaya tayo mangungutang. Teka, ano kaya ang masasabi dito ni City Engineer Danilo Camposanto? Engineer, good day po. Nagmamalsakit naman pala si Ohmee Ramos kaya mas alam ni Mayor na ikocondemn na ang City Hall kesa sa mga iginagalang na Engineer ng Lunsod. Hala! Teka, teka, dilapidated at iko-condemn na pala ang City Hall, bakit ipinagawa pa ang bubong nito? Hmm, hindi ito sakop ng ating INTELLIGENCE! *** Ratrat ang kolokyal na salita na nagtataglay ng napakaraming gamit at kahulugan. Kayo belabed reders, paano nyo gustong maratrat o ratratin ng P200 milyong pisong utang at P600,000 Intelligence Fund? Rataratin mo, Baby. Teka, teka, teka... sino kaya ang nakakakilala kay Matchete at baka pwedeng makaratrat ng biyaya ng langit? Matchete, Matchete, Matchete... baka ikaw ang dahilan kaya kami napepeste?
Dapat sa ‘yo sa barangay hall mag-opisina NAGKALAT sa iba't ibang lugar ang mga billboard sa siyudad ng Cavite ang paliwanag ni Mayor Ramos tungkol sa nais niyang maka pangutang 200 M para sa pagbabago at pag asenso. Batayan ba ng isang maunlad na bayan ang pagkakaroon ng bagong city hall? Batayan ba ng pagbabago ang pagkakaroon ng bagong city hall? Mababago ba ang takbo ng pamumuhay ng mga mangingis-da,tsuper,mangagawa mga pang-karaniwang empleyado ng gobyerno at manininda ng sinsasabing bagong city hall at iba pang proyektong nais na ating mahal na mayor? Ano ba ang batayan ng isang gusali o establisamiento na malapit ng gumuho? Sapat ba ang isang salita o sulat ng mayor
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
para masabi na ang gusali ay mahina na at malapit ng gumuho? Aba teka lang saglit diba isang lisensiyadong inhinyero yata ang maaring makakapagsabi na ang isang gusali ay mahina na at maari ng gumuho at hindi ang isang alkalde? Kung may katotohan yan aba dapat mag ingat ang ating mga kababayan sa ating city hall, para maiwasan ang isang aksidente. Dapat yata sa iyo ay ipadala sa New Zealand para maituro ang mga gusaling mahina na at ng wala na tayong mga kababayan ang maging biktima ng pag guho. Kung may katotohanan iyan, ay dapat mag ingat ka mayor baka matulad ang city hall natin sa sa Church Christ School ng New Zealand, Mahal na mahal ka ng ating mga kababayan,mas maige yata sa isang barangay hall ka muna mag opisina para sa iyong kaligtasan.
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
5
Laging inaaway ng girlfriend
Dear Bebang, Lagi akong inaaway ng girlfriend ko. Minsan, bigla na lang siyang magaakusa na may iba akong babae. E, wala naman. Mahal na mahal ko nga siya, e. Minsan naman, inaaway niya ako sa maliliit na bagay. Naiinis din ako sa kanya kasi kapag kinukulit ko siyang gawin ang mga bagay na dapat namang talaga ay ginagawa niya at tinatapos, nagtataray siya. E, para din naman sa kanya ‘yon. Medyo isip-bata siya sa tingin ko. Minsan tuloy di ko maiwasang ikumpara siya sa dati kong girlfriend na napakamaunawain at talagang matured na. Twenty years naman kasi ang tanda sa akin ng ex kong ‘yon. Naghiwalay kami dahil di pa siya ma-annul-annul sa kasal niya. Godfrey Calapati ng Bucal IV-B, Maragundon Mahal kong Godfrey, Unahin natin ang problema mong selosjealous with your girlfriend. Bakit ka ba niya
inaakusahang may ibang girlfriend? Baka naman panay ang lapit mo sa mga kaibigan mong babae lately. O baka naman nakikita ka niyang kinikilig habang may ibang ka-text. Obserbahan mo rin ang sarili mo. Baka naman may nagagawa kang nagbibigay-duda sa kanya. Kung wala naman, aba, hindi naman siya dapat akusa na lang nang akusa di ba? Mag-set kayo ng special date para pagusapan ang problemang ito. Wala na kayong ibang tatalakayin sa special date na ito kundi ‘yan. Tanungin mo: ano ba ang bumabagabag sa ‘yo? Bakit? Ano ang puwede nating gawin para hindi ka na magselos? Sabihin mo rin kung gaano mo siya kamahal para ma-assure lang siya uli na hindi mo naman pansin kahit pa may mga umaaligid-aligid na girls diyan. I’m sure nai-insecure lang si GF dahil may gagolf ball na tigyawat siya sa tuktok ng ilong. Pag wala na ‘yan, back to normal na uli si GF. ‘Yong maliliit na bagay na ikinaiinis niya at siyang dahilan ng pag-aaway ninyo, ‘wag mong ismolin. Kasi the fact na inaaway
ka niya dahil sa isang partikular na bagay, maliit man o malaki, ibig sabihin, mahalaga ito para sa kanya. Sa tingin mo lang, hindi. So try your best to show interest. Try your best to do what she thinks you and her should do. In short, patalo ka naman or sundin mo siya (kahit pa-minsan-minsan lang). Makakatulong ka pang makapag-boost ng kanyang confidence. Tungkol sa pagkainis niya kapag nangungulit kang gawin at tapusin ang mga kailangan niyang gawin at tapusin ASAP, madali lang ‘yan. Gumamit tayo ng positive reinforcement. Sa’n ba siya mahilig? Pets? Pasyal? Pangakuan mo ng paborito niyang magasin tungkol sa hayop kapag may nagawa siya sa todo list niya. Magplano ka ng pasyal kapag may nagawa o natapos siyang malaki-laking task kaysa sa karaniwan. Ops, hindi kailangang maluho ang pasyal. Kahit ‘yong simple at praktikal na pasyal lang. Ang importante, nagka-bonding moments kayo, nabigyan mo pa siya ng premyo para sa kanyang accomplishment. Subok lang itong mga sinabi ko sa ‘yo, ha? Pag pumalya, sulat ka uli sa
akin. Tungkol naman sa ex mo, kalimutan mo na ‘yon. At lalo namang ‘wag mo siyang ikumpara sa present mong girlfriend. Dahil magkaibangmagkaiba sila. Dalawang tao ‘yan. Magkaiba.
Unfair sa kanilang dalawa kapag nagkukumpara ka. Cheer up. May happy moments kayo ng ex mo. Noon ‘yon. Time to add more happy moments kasama ang karelasyon mo ngayon.
Binibining Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.
Copyright at ang Principle of the Independence of Protection Ang Berne Convention ay isang pandaigdigang kasunduan sa pagbibigay-proteksiyon ng mga likhang pampanitikan at sining. Ito ay pinaiiral sa 164 na bansa. Lumagda ang Pilipinas dito noong 1951. Tatlong principles ang pundasyon nito. Una, ang principle of national treatment kung saan nakasaad na dapat ay pantay ang trato sa mga awtor mula sa mga kasaping bansa at sa awtor na mula sa sariling bansa. Ikalawa, ang principle of automatic protection kung saan ang akda o likha ay agad na may proteksiyon ng batas sa sandaling nailuwal na ito ng awtor. Ang automatic pro-
tection ay hindi dapat na nakasalalay pa sa formality o anumang mahabang proseso. Ang ikatlo ay tinatawag na principle of the independence of protection kung saan nakasaad na ang proteksiyon sa akda o likha na ibinibigay ng mga kasaping bansa sa Berne Convention ay hindi nakasalalay sa pagbibigayproteksiyon sa akda o likha ng pinagmulang bansa. Halimbawa, isang libro mula sa Somalia ang napadpad sa Pilipinas. Ang Somalia ay hindi kasaping bansa ng Berne Convention dahil sa kawalan nito ng isang functioning government. At dahil walang proteksiyon ang libro ng
ating fictional author mula sa Somalia hindi ito sapat na dahilan para hindi ito bigyang-proteksiyon sa Pilipinas. Kasama sa obligasyon ng Pilipinas na respetuhin ang karapatan ng may akda saang bansa man siya nagmula. Baliktarin naman natin. Ang librong ”It’s a Mens World” ni Bebang Siy na mula sa Pilipinas halimbawa ay napadpad sa Norway. Ang librong ito ay protektado sa Pilipinas at pagdating nito sa Norway ay bibigyan din ito ng proteksiyon. Kaya ipagtatanggol ng batas ng Norway ang karapatan ni Bebang Siy kapag may nag-reproduce ng libro para gamitin ng mga mag-aaral na nais maintindihan ang Mens sa Pilipinas. Ibig sabihin,
ayon sa batas, dapat ay may kumokolekta ng karampatang bayad mula sa mga paaralan para sa pagpa-photocopy ng libro ni Bebang Siy. Kung sakaling magkainteres ang mga Fil-Am sa libro ni Bebang Siy at napadpad ang libro sa United States of America, bibigyan pa rin ng mga Kano ng proteksiyon ang libro. Dapat lang. Ito ay bilang respeto sa Berne Convention at bilang pagsunod naman sa batas, kokolekta rin ng karampatang bayad mula sa mga institusyon na magpapaphotocopy o mag-ii-scan ng bahagi ng libro. Kaya lang, may isa pang isyu. Ang proteksiyon ng libro sa Pilipinas ay buong panahon na
nabubuhay ang awtor at 50 taon mula sa kanyang pagpanaw. Pero sa America ay buong buhay ng awtor at 70 taon mula sa kanyang pagpanaw. Kaninong batas ang masusunod kung ang libro ay galing sa Pilipinas at n a s a America ito? Ayon sa principle of the independence of protection, ang libro mula sa ‘Pi- nas ay mawawalan ng proteksiyon kapag umabot na sa 50 taon mula sa pagpanaw ng awtor. Hindi puwedeng madagdagan ng 20 taon
para maging kaparehas ng proteksiyon sa America. Inaanyayahan ang mga awtor, publisher o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS upang mabigyangproteksiyon ang kanilang mga akda. Wala pong membership fee. Ang mahalaga ay mayroon kayong published works (para sa mga awtor) at nasa inyo ang kapangyarihang mag-manage ng copyright (kung tagapagmana naman kayo ng awtor). Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols @gmail.com.
6
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
NATUKLASAN ng Responde Cavite, na bukod sa P200-M na gustong utangin ni Cavite City Mayor Romeo ‘Ohmee’ Ramos para sa pagpapagawa ng bagong City Hall, nagbigay din ito ng Letter of Request sa Sangguniang Panlusod na bumili ng limang (5) armalite! Ayon sa liham na ipinadala nito sa Sangguniang Panlusod, na nauna lang ng ilang minuto sa P200-M utang, sinasabi ni Mayor Ramos na humihiling siya sa konseho na bigyan ng permiso na bumili ng limang unit ng Norinco M-16-A1 Cal. 5.56, na mas kilala sa tawag na armalite. Sinasabi sa liham na gagamitin daw ito ng Cavite City Component Police Station. Pero ayon sa mga konsehal ng lunsod, hindi nila ito pinayagan dahil na rin sa alam nilang hindi ito magiging kapakipakinabang sa mamamayan sa lunsod ng Cavite, bagkus ay instrumento pa ng karahasan. Sinabi naman ng isang dating konsehal, lumang tugtugin na ito ng pulitiko, kunwari ay ilalaan sa PNP ang mga hinihiling na baril, pero ito ay naka-detain (nakatalaga sa pulitiko, partikular sa mga body guard nito na siyang gumagamit). Samantala, sinabi naman ng isang konsehal na may pagmamalasakit sa kapayapaan, saan mang anggulo tingnan ay walang mabuting maidudulot sa Lunsod ng Cavite ang iniisip ni Mayor Ramos na pagbili ng armas. “Magiging ugat lang ito ng karahasan.” aniya. “Ano pa ang mangyayari sa Lunsod kung sa kabi-kabila na ngang patayan ay magdadagdag pa tayo ng armas. Baka maging wild-wild west tayo.” Nariin ding kinondena ng marami ang sinasabing pagbili na ito ng armas ni Mayor Ramos, anila, wala na ba talagang maisip na maayos-ayos na proyekto ang ating alkalde? Una, pangungutang ng napakalaking halaga, ngayon naman armalite. “Bakit hindi unahin ang mga basic services ng siyudad kaysa mga walang kapararakang pinag-iisip ni Mayor Ramos. Hindi rin biro ang halaga ng isang armalite, lalo na kung padadaanin pa sa dealer tatlong doble ang presyo nito. Ilang kahong gamot din
iyon na puwedeng ipamahagi sa tao.” sabi ng isang dating konsehal ng lunsod. Sa isang pag-aanalisa, ang pagpapatayo ng bagong City Hall, pagbili ng mga armas ay mga proyektong pansarili lamang na hindi kailanman pakikinabangan ng isang ordinaryong mamamayan ng lunsod. Lalo na ng mga nagdarahop. “Kapag ba nakabili ng armalite o naipatayo na ang bagong city hall ay may makakain na ba ng tatlong o beses maghapon ang mga Caviteño? Ang armas ay bumubuga ng kamatayan, dapat sa halip ang isipin ni Mayor Ohmee ay pandugtong ng buhay ng kanyang mga nasasakupan.” sabi pa rin ng dating konsehal ng lunsod.
MARSO 6-12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
7
8
MARSO 06 - 12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
SECRET MARSHALL 2000 NI EFREN R. ABUEG
EFREN R. ABUEG
NAKARAAN: Napatay sa isang holdap ang nobya ng pulis na si Pol. Nakainuman niya si Dadong Kulot, ang kanyang suspek. Nang lumipat sila sa isang de klaseng klab, nakapuslit ito. NABAYARAN na ni Pol ang di-nainom na alak. Kumukulo ang kanyang dugo, hangos siyang lumabas ng klab. Nakatapal sa tainga ang mini-cellphone, apurang kumontak siya kay Mat. “Feedback, Mat… feedback!” May hingal ang sagot. “Negative! Still covering the area.” Tumatakbo na si Pol sa bangketa. Nakita niya si Hector, papasuot na sa isang kalyehon, tinutungo ang creek sa may Scout Santiago. Narinig niya ang sigaw ni Don sa kanyang cellphone. “Pol, si Don ito. May tumatakbong lalaki… palusong sa creek, dulo ng Scout Santiago!” Tinig naman ni Mat ang sumunod. “ Positive sa Scout Santiago! Positive!” Parang lumilipad si Pol. Binabagtas niya ang gilid ng kalyeng iyon. Humihinto ang nasasalubong niyang mga sasakyan. Nag-uusyoso. Palusong na siya sa dulo ng Scout Santiago nang makarinig siya ng sunudsunod na putok. “May tama si Hector…!” Tinig iyon ni Don. Nanlaki ang ulo ni Pol. Armado si Dadong Kulot. Pumapatay nga ang walanghiya, naisip niya. Mula sa malayo, gumuguhit sa gabi ang sirena ng mga mobile car. Natawagan na nga ng kanilang operatives. Hustong nakahuling igtad siya sa pagtakbo, napatutok sa kanyang likod ang mga headlight ng mga sasakyan ng pulisya. Nakatayo si Hector. Hawak ang dumudugong braso. “Gurlis lang, Pol! Okay lang ‘to!” “Si Dadong Kulot? Nasaan si Dadong Kulot?” Mainit, pausig ang kanyang mga tanong. “Na-hit ko rin…nasa creek!” sagot ni Hector. Inalalayan ng mga pulis si Hector, saka isinakay sa mobile car na mabilis na umalis. Dalawang pulis ang umahon sa creek, hawak sa mga braso ang lupaypay na lalaking hanggang balikat
ang buhok na nabasa. Si Dadong Kulot, may tama sa duguang balikat! Gumagala ang tingin nito sa paligid. Parang kinikilala ang mga pulis na naroon. “Hindi grabe ang tama n’ya!” nasabi niya sa sarili. Umatras siya. Naurungan si Mat. “Bakit?” “’Wag tayong pakita sa kanya! Hindi siya ibibigay sa atin ng grupo. May mga reporter na dumating kasi!” “Pakialamero!” sabi ni Mat. Narinig ni Pol ang sagot. Si Don. “ Naghahanapbuhay lang sila, Mat!” Umatras sila. Nawala sa dilim. Hindi sila nakita ni Dadong Kulot na maliksing isinakay sa isang mobile car ng dalawang pulis na dumampot dito sa creek. K u mukulo pa rin ang dugo ni Pol. SAKAY ng isang SUV, sa bandang West Avenue sila tum u l o y. Umorder sila ng tigisang boteng beer, light, saka pulutang utak ng kambing. “Pa’nong plano?” usisa ni Mat. “Pagalingin muna’ng sugat ni Dadong Kulot,” mahinahong sagot ni Pol, kahit nag-iinit pa rin. “Saka…dating gawi?” sabi ni Don. Tumingin si Pol kay Don, saka kay Mat. “Si Matilde, may abiso na?” “Basta lagi s’yang ready…okey s’yang magluto!” sabi ni Mat. “Sanlinggo lang ako maghihintay.” Sina Mat at Don naman ang tumingin kay Pol. “Paano?” Si Don. “Bahala si PSI Buenafe.” Hindi nag-alis ng tingin kay Pol ang dalawa. “Tiyak, may abugadong makikialam,” sabi ni Pol. “Pupunta ‘yon sa pagdadalhang ospital kay Dadong Kulot. Dahil nasa police gallery si Dado, hindi na ‘yon magdedemanda sa pagkakasugat sa kanyang kliyente. Pasok si PSI Buenafe, ipaaalam sa abugado na dahil nakasugat si Dadong Kulot ng isang pulis, idedemanda ito. Doon magpaparamdam si Sir na amanos na lang sa barilang iyon.”
“Kung magdemanda si Dadong Kulot?” ani Don. “Patay kang bata ka! Bibilisan natin ang pagkilos. Kapag nadiyaryo ang kaso ni Dado, magugulo ang kaso ni Malou. Magkakaroon ng proteksyon si Dado. Pag may nangyari sa kanya, pasok ang Commission on Human Rights! Sasakit ang ulo natin sa pag-iisip ng ibang paraan.” “E, kung kunin na natin s’ya sa ospital?” sabi ni Mat. “Kung hanapin naman siya ng mga reporter?” sagot ni Pol. “Si Hector…sana’y di matunton ng mga reporter.” Si Don. “Nasa safehouse na s’ya. Palilitawin sa report na n a -
kaengkwentro ni Dadong Kulot ay mga karibal sa hanapbuhay.” Uminom ang tatlo hanggang hatinggabi. Saka nagtungo sa opisina sa Crame. Doon natulog. Wala nang Malou na mag-uusisa kung bakit hindi siya natulog sa kanilang bahay, naisip ni Pol. Nalungkot siya. Ngunit pinawi niya iyon. Hupa na ang kulo ng kanyang dugo, ngunit may galit na parang sugat na kumikirot. Ginising silang tatlo sa umaga ni Police Senior Inspector Leonides Buenafe. “Maghilamos na kayo. Your breakfast is ready. Galing ako kay Hector… okey na siya. Gusto kayong makita, pero sabi ko, ayaw ninyo siyang makaharap hangga’t di pa lubos na magaling ang gurlis n’ya!” “Gurlis?” usisa ni Don. “’Yon ang tawag niya sa kanyang sugat.” “Malayo kasi sa bituka,” sabi naman ni Mat. “Exactly…pero he deserves some rest pagkaraan ng inyong bulilyaso!” Nagkatinginan ang tatlo. Si Pol ang nagsalita. “Sir…kumusta si Dadong Kulot?”
PART 2 Sa halip na sumagot, dinampot ang isa sa mga peryodikong patung-patong sa isang mesa roon. Iniabot kay Pol. Tama ang kanyang sinasabi. Sinasabi sa balita na kaya sugatan si Dadong Kulot ay dahil tinangkang patayin ng isang kalabang sindikato. “Nasa ospital pa s’ya?” “Kung gusto ninyong dalawin, baka hindi n’yo na abutan. May discharge paper na siya ngayong alas dies ng uma-
ga!” Humalakhak pa si PSI Leonides Buenafe. Nagkatinginan ang tatlo, saka pare-parehong napangiti. “Binuntutan, Sir?” tanong ni Pol. “Di bibitiwan ng tatlong operatives. May alalay pa’ng dalawang asset.” “Pwede kaya, in two days?”tanong uli ni Pol. “Kung gusto n’yo…mamayang gabi.” “Sir, salidahin na!” sabi naman ni Mat. “Ready na…si Matilde?” tanong ng opisyal. “Kagabi pa, Sir…sumablay lang!” “Sige, pakisabi lang kay Matilde, sarapan ang luto para sa kanyang boarder!” Pagkasabi niyon, hinagip sa braso si Pol. Pinauna sa katabing kwarto nito. “Pol, alam kong a big let down ang nangyari. Pero babawi ka mamayang gabi, before midnight... I promise you. Paalaala lang, Pol…iba tayo, ayoko ng physical torture.” Nagkatinginan ang dalawa. Sa kalooban ni Pol, hindi siya nangangako. Sa harap niya, buong simpatiyang nagpapagunita ang kanyang pinuno. “Sir…trust me! We will
come out clean!” Tinapik siya sa balikat ni PSI Buenafe. “Kapag tapos na’ng lahat, dating gawi, Pol. Try to forget…move on. Mahirap, pero iba ang mundo natin. Lahat, kailangang kayanin!” Napayuko si Pol. Tumalab sa kanya ang mga sinabi ni PSI Buenafe. Malou! “Sige na, Pol…your buddies are waiting. Lalamig ang breakfast ninyo!” WALA sa kanilang grupo ang nakaalam kung paano ang ginawa ni PSI Leonides Buenafe. Nakauwi na siya sa kanila, tulad din nina Mat at Don. Nakatulog siya nang mahimbing. Naligo pagkagising at nagpaalam sa kanyang ina na gagawa ng follow-up sa isang kaso. Alam niyang alam ng kanyang ina na si Malou ang nasa isip niya. Kung may hawak na kaso siya, iisipin ng kanyang ina na kaso iyon ni Malou. Ang pa g s u b aybay niya kay Dadong Kulot ay hindi awtorisado ni PSI Buenafe. May itinakda itong operatiba para sa kaso ni Malou. Sa halip na kagalitan sa kanilang bulilyaso, iginawa pa siya ng ibang paraan para makalusot sa kagipitang sinuot nila. At ngayon, nangako pa sa kanila. Marami na yatang utang sa kanya si PSI Buenafe, naisip ni Pol. Nagkakape siya sa gilid ng isang shopping mall nang may mahinang sipol siyang narinig sa kanyang mini-cellphone. “Sir…si Matilde.” “O? Okay na?” “Narito na sina Mat at Don. Narito rin si PO1 Tizon. Siya ang naghatid ng kargada. Wala pang malay.” Nag-isip siya. Walang malay ang kargada? Ano ang ginawa ni PSI Buenafe? Lumabas siya ng kapihan. May kopya na ng dyaryong panghapon. Binayaran niya ang isang kopya. Napangiti siya. Malinaw sa kanya ang balita. BIKTIMA NG SINDIKATO, INILIPAT NG OSPITAL. Ngunit palaisipan pa rin kung bakit nang gabing iyon, naipahatid ni PSI Buenafe ang kargada kay Matilde. Dali-dali, tumawag si Pol ng taksi. Napahatid sa park-
ing ng isang condominium. Pagkaalis ng taksi, tinungo niya ang isang pulang kotse roon. Sumakay siya. Hindi nagsalita gaputok man ang drayber. Pagkaraan ng sampung minuto, lumabas ng parking ang pulang kotse at maingat na binaybay ang gilid ng isang subdibisyon. Pumasok sa gate, sinilip ng gwardiya ang loob ng sasakyan, saka pinatuloy. Umikot ng tatlong kalye bago tinumbok ang isang cul de sac. Pagkababa ni Pol, umatras ang kotse at nawala sa madilim na daan sa dulo ng subdibisyon. Hindi niya nakilala kung sino ang drayber ng sasakyan. Nakatayo si Pol sa gitna ng putol na paikot na kalyeng iyon nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Sir…about face lang. Pumasok na kayo!” Humarap si Pol sa kanyang likuran. Madilim ang dalawang palapag na bahay sa kanyang harapan ngayon. Humakbang siya. Tumayo sa kanyang inalisan ang lalaki. Napailalim naman siya sa yungyong ng isang malabay na puno. Hinawi niya ang kulumpon ng mga dahon ng isang sanga at nakita niya ang ilang hakbang na daanan patungo sa isang pintuan. Pagtapak niya roon, may pumuslit na liwanag, nakatama sa door knob ng pinto. Ginagap at pinihit niya iyon. Pumasok siya sa isang maliit na kwartong kongkreto ang mga dinding. Sa isa sa mga dinding, may inihugis na isang pahabang liwanag. Lumipat siya at sumilip. Nakita niya si Dadong Kulot. Nakaupo sa isang ordinaryong silyang may katangan ng mga kamay. Nakalungayngay pa ang suspek sa pagpatay kay Malou. Nag-init ang tainga ni Pol. Nakuyom niya ang kanyang mga daliri. Ginala niya ng tingin ang paligid. Wala siyang nakitang pinto patungo sa kinalalagyan ni Dadong Kulot. “Ano ito?” naisaloob niya. Pipihit na siya para lumabas sa pintuan na kanyang pinasok nang tawagan siya ng pansin ng pagkislap ng ilan pang bombilya sa silid ni Dadong Kulot. Kitang-kita niyang binuhusan ng tubig si Dadong Kulot sa mukha. Nagising ito. Gulilat. Nahawakan ang balikat na may benda na may bakas pa ng basa-basang dugo SUNSAN SA P.9.
MARSO 6-12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
9
Mahirap maging mahirap NAGPASAMA sa akin ang pinsan kong babae sa PGH upang ipa-check-up ang sakit niya sa ovary. Madaling araw pa lamang ay umalis na kami ng Cavite para pumila at nang makakuha ng blue card. Ala singko pa lamang ay mahabang-mahaba na ang pila. May ilan kamaing nakasabay na mula pa sa Tanza at Amadeo. Unang pasok pa lang naming ay arogante na kaagad ang pagsikmat sa akin ng isang guwardiya. "Bawal ang lalake diyan!, umalis ka diyan!" ang bulyaw sa akin at sa iba pang lalake na naghihintay sa may OB-Gyn section. Mula nurse hanggang sa iba pang empleyado ay napuna kong palaging pasikmat at nakakabastos kung tratuhin nila ang mga pasyente. Makalipas ang ilang saglit ay tinawag na ang aking pinsan para ma-check-up. May hitsura ang pinsan ko sa edad na 25 at kahit dalawa na ang
naging anak. Ang asawa niya ay nagtatrabaho sa Bahrain kaya ako ang kanyang kasama. Kahit isa siyang titser ay hindi naman ganun kalaki ang sweldo niya at kaaalis pa lang naman ng mister niya kaya nag-arimuhanan siyang pumunta sa PGH para makatipid. Endometriosis ang sakit niya o ang pagkakaroon ng bukol sa matres. Nagulat ako nang lumabas siya pagkatapos ng check-up na namumugto ang mga mata. Pakiramdam daw niya ay binastos siya ng duktor na nag-check-up. Matagal daw munang tinitigan ng lalakeng duktor na si Dr. Ryan Joseph Lirazan ang kanyang ari tapos walang pakundangang ipinasok ang dalawang daliri sa kanyang pagkakababae kung kaya nasaktan siya. Sabi ko, talagang ganun kapag nagsasagawa ng internal examination ang mga duktor. Pero sabi ng pinsan ko ay bastos daw kung magtanong gaya nang "Nasasaktan ka ba kapag nagse-sex kayo ng mister mo o umaarte ka lang?" Pinahawakan din daw sa kanya ang glass slide ng
Muli na namang sinusubok ang ating lahi "HAMPAS sa kabayo, latay sa kalabaw!". Ganyan ang nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan. Sunudsunod ang pagtaas ng presyo ng gasolina bunga ng patuloy na gulo sa Libya at iba pang bahagi ng Middle East. Apektado tayo ng gulo sa ibang bansa. Unti-unting nagsisiuwi ng bansa an gating mga ineksport na manggagawa. Gaano na naman kaya karaming estudyante mula sa pribadong paaralan ang mapipilitang lumipat sa pampublikong paaralan? O mas malala, mapipilitang huminto sa pag-aaral? Kapag nakikita ko ang mga estudyante kong tamad na tamad mag-aral ay nalulungkot ako. Nagsasakripisyo ang mga magulang nila sa ibang bansa upang mapag-aral sila subalit binabalewala lamang nila. Ang mga estudyanteng kalalakihan ay abalang-abala sa paglalaro ng dota habang ang mga kababaihan naman ay okupado ang isipan sa K-Pop, Super Junior at iba pang dayuhang mangaawit. Papaano matututo sa paaralan ang mga kabataan kung ito ang laman ng kanilang isipan? Nang lumindol sa New Zealand ay bigla kong naalala si Pilosopo Tasyo sa Noli Me Tangere. Pinagtatawanan siya dahil sa pagiging baliw na naghahangad na magkaroon ng sigwa upang malipol ang mga walang kuwenta at masasamang tao noong panahon ng mga Kastila. Sa palagay ko, kung magkakaroon ng malakas na bagyo o lindol sa Pilipinas kung saan marami ang mamamatay at mapipinsala ay saka lamang muli mahihimasmasan ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagaaral at ng buhay. Kailangang dumanas ng paglilinis upang ang bayan ay matuto mula sa aral ng kasaysayan. Masama ang epekto sa ating bansa ng mga kaguluhan at mga kalamidad ngunit nakatutulong ito upang magkaisa ang ating mga mamamayan. Pinatitibay ng madidilim na karanasan ang pagkatao
ng ating lahi. Nasayang ang bunga ng EDSA sapagkat hindi naipagpatuloy ang paglilinis. Ang mapayapang pag-aaklas ay nagbunga lamang ng pagpapalit-lider na muli ring nagpatuloy sa umiiral na bulok na sistema. Mukhang hindi pa rin kumukupas ang pangangailangan sa diwa ni Simoun sa El Filubusterismo. Ngayon, muling susubukin ng mga hamon ng kasalukuyang panahon ang tatag ng ating lahi. Nawa ay matututo na tayo sa kasaysayan.
specimen na gagamitin sa Pap Smear gayong hindi pa siya nakakapagsuot ng panty. Pati raw ang blood pressure niya ay basta na lang hinulaan na 100/60 at isinulat sa papel. Sa asar ng pinsan ko ay nagdesisyon siyang huwag na lang magpa-check-up pa sa PGH. Marami na akong naririnig na kuwento tungkol sa kabastusan ng mga empleyado ng PGH noon pa man at ako ay nagtataka kung bakit sobrang baba ang pagtingin nila sa mga pasyenteng nagpapagamot. Isa lang ang sagot. Mahihirap kasi ang mga pasyente sa PGH. Mababa ang pagtingin ng mga duktor, nurse at iba pang empleyado sa mga nagpapakonsuta dahil nga libre o mababa ang bayad sa gamot. Pera ng taumbayan ang nagpapatakbo sa PGH. Kailangang mabigyan ng seminar ang mga aroganteng empleyado ng PGH upang hindi naman lalo pang maging kaawa-awa ang kalagayan ng mga pasyenteng nagpapagamot. At ang mga bastos na duktor ay dapat maireklamo upang maiwasan ang pagsasamantala sa kababaihan.
10
MARSO 6-12, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
Where is the Love MARAMING mga henyo ngayon ang nagtataka kung bakit maraming mga bata ang nagiging pasaway. Kung anu-ano ang iniisip na pwedeng sisihin. Kesyo impluwensya daw ng mga computer games kung kayat nagiging bayolente ang mga bata. At idagdag pa ang pag-usbong ng PSP na sya naman daw dahil na kung bakit wala nang malasakit ang mga bata sa kanyang kapwa. Mas mahal pa raw ng mga bata ang kanilang laruan at PC games kesa sa tao. Naku, lalong lalo na raw ang mga hayop na alaga, mas mahal ng mga bata ang mga ito kesa sa kanilang
mga magulang o kapwa tao. Ay naku, maaaring tama sila sa isang banda. Pero sa tingin ko, marami pang dapat silipin kung saan nanggagaling ang pagiging pasaway ng mga tao at kung saan-saan nalilipat ang pagmamahal (naku po, nalalapit na yata ang Valentine's day kaya kung anu-ano ang nasasabi ko tungkolo sa pagmamahal). Pero alam nyo ba, may mga bagay pa na itinuturo sa atin ang telebisyon na mahalin natin kesa sa kung anu-ano? Pero baka naman may punto sila? Naku, tignan nyo, ipinagpipilitan ng telebisyon na may mga tao talagang nagsasabi ng ganito: 1.I love my hair- oo nga naman, kesa magmahal ka ng kapwa na hindi naman sigurado na mamahalin ka rin, mahalin
mo na lang ang buhok mo. Kung nagsusuklay ka at bahagyang nalulugas ang hibla ng buhok, okay lang yun. At least hindi naman lahat. may natitira pa. Kesa naman tao, na kapag iniwan ka, hindi naman pwedeng ipaiwan mo ang isang bahagi ng kanyang katawan para mahalin pa rin. 2.I love my smile- eto yung mga narsiso sa katawan. At malamang ito yung mga taong laging nakatutok sa salamin. Bakit kanyo, paano nila malalaman na maganda ang ngiti nila kung hindi sila nakatingin sa salamin lagi. Hmmm, kunsabagay, madaling mahalin ang ngiti. Kasi, kaunting exercise lang ng mahal sa bibig, makakangiti ka na. Mahalin mo nga naman ang ngiti mo kesa tao. Minsan kasi, kapag nginitian mo ang isang tao,
baka kung ano pa ang isipin nito sa iyo. It's either manloloko ka o namamanyak ka na. 3.I love my milk- aba naku po, kita nyo nga naman… ultimo gatas ay pwede pa lang mahalin. Pero isipin nyo na lang, kapag nagmahal ka ng gatas at lagi mong iniinom, posibleng may benipisyo kang makukuha (maliban na lamang kung lactose intolerant ka o madaling masira ang tyan sa gatas). Sakaling mapanis naman ang gatas, okay lang. madaling magtimpla uli. Kesa nga naman na magmahal ka ng tao, kapag napanis na ang pagmamahal… mahirap nang maremedyo. At kung minsan, kapag napasobra ka… magtatae ka sa sama ng loob at luluha ng sinlapot ng gatas. 4.I love my instant noodles- kahit pa sabihing maraming msg o vetsin ang instant noodles, marami talaga ang posibleng magmahal dito. Mabubusog sa panahon ng kagutuman at makapagpapainit sa panahon ng lamig. Kung magmamahal ka nga naman ng tao, nakakalason na nga, posibleng maging dahilna pa ng iyong kagutuman at baka hindi maasahan sa panahon ng kalamigan. Bitter? Hang ups? O simpleng kawirdohan lang ng tao na magmahal ng kung anu-ano dahil sa kinailangan lang mahalin para mabuhay o sumaya kahit papaano. Hay naku. kapag ganito nang ganito… where is the love nga naman?
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Tutulungan mo siyaupang makalimot siya sa kanyang mapait na nagdaan sa buhay. Patuloy mo siyang suportahan sa mga panahong ito. Lucky days /nos./clor=Tuesday/Friday=1-121-18-26-30-38=red. AQUARIUS (Enero20 – Pebrero 18) – Huwag pairalin ang init ng ulo. Hindi ito makakabuti sa sitwasyon na kinahaharap mo sa kasalukuyan. Mareresolba din ang lahat. Lucky days/nos./c olor=Monday/Wednesday=7-910-27-32-40=blue PICES (Pebrero 19 – Marso 20) – Huwag agad bumitiw kahit pakiramdam mo ay nahihirapan ka sa iyong kasalukuyang kinalalagyan, may mga dahilankung bakit nagkakaroon ng ilang sagabal ang ibang bagay sa iyong buhay. Lucky days/nos./color= Wednesday/Thursday=19-26-31-324-45=pink ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Abutin man nang matagal ang mga plano mo ay ituloy mo pa rin. Magtiyaga upang maging matagumpay sa hinaharap. Lucky days/ nos./color=Thursday/Sunday=10-18-21-36-39-46=black TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Suwerte ka ngayon, at ang iyong suwerte ay makikitang tila nagmamadali na magsidapo sa buhay mo na para bang ikaw ang kanilang napiling tahanan. Lucky days/nos./color= Saturday/Sunday=3-8-14-24-29-30=green GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Masarap pakinggan pero ang pahabolna payo ay nagsasabing kailangan mong makipaglaban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Lucky days/nos./color=Monday/Tuesday=11-1527-30-40-42=blue CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Kung sa akala mo ay talunan ka ay nagkakamali ka. Ipakita mo ang iyong anking talent. Lucky days/nos./color=Thursday/Sunday=6-8-17-29-3444=yellow LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Ilabas mo ang totoo mong kulay. Huwag kang magkubli sapagkat ikaw din ang siyang mahihirapan, maging totoo. Lucky days/nos./ color= Monday/Wednesday=9-15-18-22-45-46=white VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) – Bilis ng isip ang wag mong pababayaang mawala sayo. Dahil gaya ng mga palaisipan na may limitasyon ang oras, ang mga suwerte ay mabilis ding daraan sa iyong harapan. Lucky dyas/nos./color= Wednesday/Friday=6-9-15-24-3439=purple LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) – Marami kang hinahangad na magandang bagay para sa iyong pamilya. Hindi ka titigil hanggat hindi mo ito natutupad. Lucky days/nos./color=Tuesday/Thursday=11-19-21-36-3844=brown SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – Ito ang araw na bibiruin ka ng iyong kapalaran. Makakaranas ka ng ayaw mong mangyari pero may mga kakambal na mga suwerte na labis mong ikagugulat. lucky days/nos./ color= Monday/Tuesday=6-12-26-30-37-42=peach SAGITARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – Kakambal mo ngayon ang mismong suwerte mo. Ibig sabihin, kahit pa mamamali ka o medyo malihis ng landas, ang suwerte mo ay gagana pa rin at ikaw ay bubwenasin. Lucky days/nos./color= Tuesday/Sunday=2-8-2236-38-40=cream
MARSO 6-12 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 23
11
GABRIELA ANG Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay taun-taong ipinagdiriwang o ginugunita ng sektor ng kababaihan sa buong mundo. Ito ay kuwento ng kasaysayan na nagsimula pa ng pakikibaka ng mga kababaihan noong unang panahon upang makalaya sila sa ilalim ng kapangyarihan ng mga kalalakihan at sa kasabihang sila ay tanging mga pambahay o pantahanan lamang at walang kapangyarihan. Sa Greece at France ay inilaban nila noon ang karapatan sa pakikialam at pagpapasya sa lipunan at sa pamahalaan maging ang kalayaan sa pagboto. Gumampan ang kababaihan sa malaking pagbabago at pagpapalaya sa Europa. Noong 1909 sa Estados Unidos naman ay unang kinilala ang Pambansang Araw ng Kababaihan noong Pebrero 28 sa pamamagitan ng deklarasyon ng Socialist Party of America. Sa Denmark sa pamamagitan na rin ng Socialist International ay naitatag ang Womens Congress upang pag-usapan at kilalanin ang mga kilusang pangkababaihan at ang karapatang pangkababaihan. Sa 100 kababaihang nagtipun-tipon dito mula sa 17 bansa ay ipinagtibay nila ang mahalagang gampanin ng mga kababaihan sa paghubog ng isang lipunan at bansa. Bilang resulta ng Kongreso ng mga Kababaihan na naganap sa Denmark noong 1910 ay sa kaunaunahang pagkakataon noong Marso 19, 1911 ay naganap ang malawak na martsa-rali ng mga kababaihan na dinaluhan ng mahigit sa isang milyon mula sa Austria, Denmark, Germany at Switzerland. Inilaban nila rito ang ganap na karapatan ng mga kababaihan na makalahok sa pagboto o paghalal ng lider sa kani-kanilang bansa, maging ang magkaroon ng karapatang makahawak ng pwesto o trabaho sa
pampublikong opisina at tanggapan ng pamahalaan, maging ang karapatan na mapayagang makapagtrabaho at makapag-aral at tuluyang mawakasan ang diskriminasyon sa kanila. Ang kaganapan sa tinaguriang Triangle Fire sa New York City noong Marso 25, 1911 kung saan biktima ang may 140 kababaihang trabahante na karamihan ay mga Italian at Jewish immigrants ang siyang nagmulat ng tuluyan sagobyerno ng Ameika na nagresulta ng pagpapatibay ng pagpayag o pagkakaroon ng karapatan ng mga kababaihan sa paggawa o pagtatrabaho sa mga pagawaan, engklabo at pabrika sa buong Estados Unidos. Bilang malaking bahagi ang kilusang kababaihan ng panawagang katahimikan, kalayaan at pagkakaisa ng bawat bansa sa buong mundo ay pinangunahan ng kababaihan sa Russia ang paggunita ng womens day noong huling Linggo ng Pebrero, 1913 at maging sa buong Europa ay sinimulan na itong ipagdiwang tuwing Marso 8 na petsang sinunod na ng buong mundo sa pag-gunita magpa hanggang ngayon. Dito sa Pilipinas, sa panahon pa lamang ng pananakop ng mga dayuhang Kastila, Hapon at Amerika ay ilan na ring mga kababaihan ang nanguna at nag-ambag ng malaki para sa tagumpay ng Katipunan at makamit ang kalayaan ng ating minamahal na bansa sa kamay ng mga mananakop, sila ay sina Gabriela Silang, Melchora Aquino, Eugenia Del Rosario at marami pang iba. Sa panahon ng madilim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay nariyan ang matatapang na kababaihan katulad nina Lorena Barros na founder ng Malayang Kilusan ng Makabayang Kababaihan para sa Kalayaan (MAKIBAKA) at Liliosa Hilao na estudyanteng manunulat ng Hasik na pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, sila ay pawang mga-
nagbuwis ng buhay para labanan ang diktadura at makamit muli ang demokrasya sa bansa. Samantala ang namayapang dating Pangulo Corazon "Cory" Aquino naman ang kauna-unahang babaeng Presidente ng Pilipinas matapos magtagumpay ang People Power sa kahabaan ng EDSA. Sa kasalukuyan maraming organisasyong pangkababaihan sa bansa ang natatag at kasalukuyang naglilingkod sa interes at karapatan ng kapwa nila kababaihan, subalit bukod tangi sa lahat ng ito ang GABRIELA na kilalang subok na ng mahabang panahon sa larangan ng pagtatanggol sa karapatan ng kapwa nila kababaihan at tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayang Pilipino. Batay sa kasaysayan ng bansa ay ang GABRIELA Womens Party lamang ang tumagal at patuloy na nanalo sa pakikibakang elektoral ng sunud-sunod at walang patlang kada halalan. Aktibo sa loob ng Batasang Pambansa at marami ng naipasang
panukalang batas at ang ilan sa mga ito ay ganap na ngang batas sa ating bansa ngayon. Kilalang mahusay at kahanga-hanga ang mga kasaping mambabatas ng GABRIELA Womens Party magmula pa sa pinakaunang kinatawan nito noon na si Liza Maza na sinundan naman ngayon nina Luzviminda Ilagan at Emmie De Jesus. Sila lamang ang bukod
tanging kilusang kababaihan sa bansa na antiimperyalismo, anti-burukrata kapitalismo at antipyudalismo na pawang mahahalagang sangkap upang mawakasan ang katiwalian, korapsyon at kahirapan; at upang makamit ang isang tunay na pagbabago sa ating lipunan, pamahalaan at bansa. Samantala tunay na kahanga-hanga rin ang
paninindigan at prinsipyo ng matalinong lider-kababaihan sa bansa na si Dr. Carol Araullo na isa ring mahusay na guro ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman Campus, na ngayon ay kilalang Tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Si Dr. Carol ang butihing ina ng batang-batang mahusay na broadcast journalist na si Atom Araullo ng ABS CBN 2.
Cavite, balik sa pagsasaka NANGAKO ang panlalawigang pamahalaan ng Cavite na muli itong magbibigay-pansin sa agrikultura matapos ang matagal na panahong pagbibigay-daan sa industriyalisasyon. Ito ang ipinahayag kamakailan ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla sa nakalipas na Agri-Fest and Farmers Congress sa Trece Martires City at idinagdag nito na ito ang tamang panahon na bumalik sa pagsasaka upang matiyak may sapat na pagkain sa Cavite sa halip na bumili pa sa ibang Lalawigan. Simula nang maging ganap na industriyalisadong lalawigan ang Cavite, lumobo ang populasyon nito sa halos sa apat na milyon na syang pinakamalaki sa
lahat ng lalawigan sa Pilipinas. Ayon pa kay Remulla, tutugunan ng kanyang pamunuan ang
kakapusan sa agrikultura maging ang kawalang interes ng kabataan sa pagsasaka. Sa nagdaang pagtitipon, sinabi ni Remulla na nakahanda itong tutukan ang teknolohiyang magagamit sa
pagsasaka at iba pang bagay na may kinalaman sa agrikultura lalong lalo na ang pagdadala nito sa pamilihan. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng humigit-kumulang na
culture ng lakatan, kape at pagpuprutas. Nagkaroon din ng libreng bakuna kontrarabbies, abono, semilya ng tilapia at iba pa sa tulong ng United Nations Food and Agriculture Organization.
REMULLA
NURSING BOARD TOPNOTCHER, SIMPLE PA RIN Ang CaviteĂąang si Weanne Myrrh Razon Estrada na nanguna sa nagdaang nursing board exam ay naghahangad na manatili sa kasimplehan sa kabila ng tinatamo ngayong kasikatan at tagumpay. Ang 21 anyos na si Estrada na nakatira sa loob mismo ng Adventist University of the Philippines (AUP) Faculty Homes sa Barangay Puting Kahoy, Silang, kasama ng kanyang mga magulang na sina Pastor Wealthy Estrada, 52, na vice president for academic affairs of Manila Adventist Colleges, Miriam Razon Estrada, 50, ang dekana ng AUP
6,000 magsasaka at mangingisda mula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan na nagtanghal ng makabagong pamamaraan, teknolohiya sa pagsasaka, nagsagawa rin ng workshop sa organic agriculture, tissue-
college of health. Nasa lahi di umano ng mga Estrada ang pagiging nurse dahil ang kanyang kapatid na babae na si Dianne Claire ay nagtapos ng nursing sa AUP at ang kanyang kapatid na lalaki na si Mimo ay nasa unang taon sa kursong nursing. Ang kanyang tyahin na si Irene IsturisRazon, ay nagtapos din sa AUP (dating Philip-
pine Union College) ay nanguna rin sa board examination sa nursing noong 1992. Ang boyfriend ni Estrada ay kumukuha rin ng nursing. Nagtapos si Weanne bilang summa cum laude sa AUP College of Nursing. Nanguna si Estrada na nagkamit ng 88.4 percent. Itinuturing na isa sa pinakamahirap
ang nasabing exam dahil sa 29,711 lamang mula sa 84,287 na kumuha o 35.25 lamang ang pumasa. "Pangarap ko talaga ito. Gusto kong paglingkuran ang kapwa't kababayan ko. Kung sakali, gusto ko ring magturo para naman maipasa ko sa iba ang natutunan ko." Wika ni Estrada. OBET CATALAN
Palengke, 500 bahay, naabo sa Bacoor Dalawa ang naiulat na nasaktan matapos kainin ng apoy ang pampublikong palengke at 500 kabahayan sa Bacoor kamkailan. Batay sa ulat, kumalat ang apoy sa Zapote Public Market sa Zapote I village kayat nagmadaling sagipin ng mga tinder ang kanilang mga paninda. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog nanagresulta ng milyong pisong pinsala at pagkakasugat ng dalawa pa. EWELL PEĂ‘ALBA
Stem cell research center, isusulong
Nanawagan si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, vice chairman of the House Committee on Science and Technology sa mga Pilipinong doctor at espesyalista na magtayo ng stem cell research center sa bansa upang makatulong sa lunas sa mga may sakit na cancer sa bansa. Ayon sa konggresista, ang pagkakaroon ng stem cell research and storage center ay malaki ang magagawa sa lunas sa cancer na dinaranas ng mga mahihirap na may sakit dahil magiging mura at abot kaya ang gamutan. Sa kasalukuyan, iilang doctor lamang ang lisensyadong magsagawa ng stem cell procedure sa bansa at napakamahal pa kung kayat hindi ito matustusan ng mga mahihirap. WILLY GENERAGA