vol.2 cavite 25

Page 1


2

MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

Araw ni Aguinaldo, ipagdiriwang Ipagdiriwang ng mga Caviteño ang ika- 142 kaarawan ng kaunaunahang Pangulo ng bansa na si Gen. Emilio Aguinaldo sa Marso 22 na gaganapin sa makasaysayang tahanan nito sa Kawit, Cavite. Itinuring si Aguinaldo bilang pinakabata at kauna-unahang Pangulo ng bansa na lumaban sa mga Kastila at maging

sa mga Amerikano. S a m a n t a l a , idineklara naman ni Pangulong Aquino ang Marso 22 bilang special

non-working holiday sa Cavite nang sa gayon ay mapahalagahan at maipagdiwang ng mga mamamayang Caviteño

ang isa sa pangunahing personalidad sa kasaysayan na nanggaling sa kanilang bayan. Ang nasabing pyesta opisyal ay nakasaad sa Proclamation No. 123 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. nitong ika-10 ng Marso. Kinilala si Aguinaldo bilang “Heneral Miong” noong kabataan nito at naging pangulo noong 1898 sa gulang na 29. Lumaki at nanirahan si Aguinaldo sa Kawit, Cavite na kung saan ay sa nasabi ring lugar idineklara ang kalayaan ng bansa. Isinilang si Aguinaldo noong ika-22 Marso 1869. – Obet Catalan

ILAN sa mga ginagawang pagkukumpuni ng Manilad.

Malinis at ligtas na inuming tubig, tiniyak ng Maynilad TINIYAK ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) na ligtas at malinis ang tubig na kanilang ipinamamahagi sa kanilang nasasakupan batay na rin sa naging pagsusuri ng Department of Health (DoH). Sa pinakahuling buwanang quality compliance report, sinabi ng DoH na ang tubig na galing sa Maynilad ay pasado sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) at may 100% grado kung kayat ligtas itong inumin.

Ayon kay Teresita Mancera, Central Laboratory Head ng Maynilad, tinitiyak ng kanilang establisyemento na malinis at ligtas na tubig na kanilang ibina-bahagi sa mga bahay-bahay na kanilang nasasakupan dahil na rin sa mahigpit nilang pag-babantay nang kung ilang ulit sa maghapon lalo na sa mga delika-dong panahon gaya ng bagyo upang matiyak ang kalidad ng tubig. Batay pa rink ay Mancera, sa mahigit na 800 sample na gripo, pumasa ito sa paman-

tayan ng PNSDW. Ngunit nagbigay pa rin ng babala si Mancera na bagamat ligtas ang tubig na galing sa kanilang planta, maaring magkaroon ng kontami-nasyon sa distribusyon lalong lalo na sa mga lugar na may illegal na koneksyon. Kayat payo nito sa publiko na iulat ang mga illegal na kunek-syon ng tubig. Ang Cavite City, at mga bayan ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario at ilan pang bayan sa Cavite ay sineserbisyuhan ng Maynilad. – Jun Isidro


MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

3

Cavite, ligtas pa rin sa red tide— BFAR Ligtas pa rin ang baybayin ng Cavite mula sa mapaminsalang red tide matapos magbigay ito ng babala sa publiko na nagpositibo na sa red tide ang Orani, Samal, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles at Balanga City. Samantala, pinagsususpetsahan na rin ng BFAR ang ilang lugar tulad ng Duman-quillas Bay sa Zam-boanga del Sur, Mata-rinao Bay sa Eastern Samar, Murcielagos Bay Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Sorsogon Bay sa Sorsogon, Carigara Bay in Leyte, at Bislig Bay

sa Surigao del Sur. Kaugnay nito, nakikiusap naman sa publiko si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Marine Biotoxin Laboratory head Jun Relox na wag nang magtapon ng basura sa dagat dahil nakadaragdag ito sa lason na nagiging sanhi ng red tide. Michelle Valecruz


4

MARSO 20-26, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

Kulokoy

Maging sa gitnang Silangan Asya ay nag sisipag-aklasan ang mga taong bayan Laban sa kanilang dekada-nangkinikilalang hari. Unti unti ng namumulat ang kaisipan ng mga taong nag hahangad ng tunay na pagbabago sa lipunang ginagalawan. Mga hari na dekada ng naglilingkod sa kanilang kaharian na di mo akalain na mag aaklas laban sa kanilang hari gayong napaka higpit ng kanilang batas. Mga kaharian unti-unti ng bumabagsak. Kailan ba kaya magiging produktibo ang bawat individual sa pagsulong ng tinatawag ng pagbabago? *** Dito sa ating Lalawigan, maging sa ating pinakamamahal na Lunsod, walang kapangyarihang namalagi magpakailanman. Ang dahilan, hindi tanga ang mga mamamayan. Naalala ko pa noong panahong kumikilos pa ako at nakisama sa EDSA1, sinabi ni Enrile sa media na, “You can fool all of the people, some of the time. You can fool some of the people all of the time. But you cannot fool all of the people all of the time.”

Kaya naman, naniniwala ako, kasama ng mga kapatid natin sa parlyamento ng lansangan, kapatid sa pagsusulat, kasama sa hanapbuhay, mga katulad nating vendor… hindi tayo papaloko sa pagpapaikot sa ulo nating mga simpleng mga mamamayan ng ila nating lider. Titindig tayo. At kung kinakailangang magorganisa at lumabas muli sa lansangan upang ilantad lamang ang katotohanan at ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan, gagwin natin. Kahit natutulog ako, gisingin nyo lang po ako. Kasama nyo ako. *** Paborito nating mga tagatabing dagat ang kulokoy. Paboritong paglaruan noong mga bata pa tayo. Paboritong kainin kapag kumakalam ang sikmura. Paboritong itawag sa mga taong may kakaibang ikinikilos. Pero kolokoy man sa turing ang mga abang aba, pakaiingat ang mga naglalaro sa yagit na kulokoy. Ang kolokoy na nagigipit, napipilitang manipit. Ang mga Caviteño na akala natin ay nagsasawalang kibo, wag nating akalaing panghabambuhay nating mauuto. Ang Caviteño, kapag napuno, kahit kay Matchete, hindi susuko.

Kontra-Bida Ayaw na ayaw natin sa kontrabida. Kasi para sa atin, sa buhay na ito, tayo ang bida. Sino ba naman ang gustong maging kontra-bida? Kung tatanungin mo ang bawat isa, sa pagkadami-dami ng kanyang mga kaaway, tiyak sasabihin nito na kaya sya inaaway ng mga kaaway nya kasi tama ang kanyang gingawa samantalang mali naman ang kanyang mga kaaway. Sya ang bida. Ang iba,kontra-bida. Parang telenobela. Saya! Wala rin itong

pinagkaiba sa nangya-yari sa Cavite City. Maraming nagsasabing sila ang bida, at ang natitira, kontrabida kung hindi man ekstra lang sa eksena sa telenobela. Kahit na puro kabobohan at katangahan,kabalbalan at katarantaduhan ang pinaggagagawa, sila pa rin ang bida. At ang sumisita sa kanila, mga kontrabida. Kaya naman ang mga di umano’y bida sa eksena ng Cavite City, humihingi ng rescue sa kanyang televiewers ng telenobelang silasila rin ang nagsulat, nag-direct at higit sa

lahat, nag-produce. Nagmamamakaawa sila sa sambayanang Caviteno na wag na lang makinig sa mga puna at batikos,sa mga pagwawasto dahil ang mga ito raw ang kontra-bida sa pagpapaunlad ng bansa. Aba, hindi yata alam ng mga taong ito na nung gumawa si GMA ng eksena sa nakaraang 2004 election, nang tawagan nito si Garci at nagkabukuhan, nagsabi lang sya ng “I am sorry.” Tama na raw yun, magkalimutan na lang. At ituloy lang daw ang eksena ng bansa. Harharharhar!

Ito ang gustong mang-yari ng mga umaastang bida sa City Hall ng Cavite City. Matapos mabigo ang tangkang pangungutang ng 200 milyong piso, isinisi sa media at kung kani-kanino kung bakit hindi matutuloy ang pagunlad ng Cavite City. Oo nga naman, kinon-tra ang bida. Tuloy, nag-aalburoto ang bida sa kontrabida. Kung sa bagay, sa kasaysayan naman, maging sina Hitler, Mussolini, Marcos at Stalin, ang tingin nila sa kani-kanilang mga sarili ay bida. At ang buong mundo ay ang KONTRA-BIDA..


MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

5

Women’s Congress sa Cavite Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Jonvic Remulla , kasama si Board Member Irene Bencito , kinatawan ng ikapitong Distrito at pangulo ng Committee on Women, Family and Social Services at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang Women’s Congress kamakailan na may temang “ Babae, Tagumpay Mo, Inspirasyon Ko”. Ang naturang pagdiriwang ay dinaluhan nina Congressman Rexlon Gatchalian ng Valenzuela City, Congresswoman Emerciana De Jesus ng Gabriela Women’s Party , mga kababaihang lider ng ibat ibang sektor ng lipunan at mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan. Makikita sa larawan si BM Bencito , kasama ang kapwa Kabitenya na nagsusulong sa kahalagahan ng kababaihan sa pagkakaroon ng maunlad na lalawigan. Secret Marshall 2000 Mula sa Pahina 8 Umupo si Pol at tiningnang muli ang pinuno ng Anti-Kidnapping Task Force. “ Pasaway ka, alam mo ba ‘yon, Alonzo?” Namangha si Pol. Walang kurap na nakatingin siya sa pinuno. Patuloy ito sa pagbubuklat ng mga papel, parang may hinahanap. “Sinasabi sa dyaryo na napatay na si Dadong Kulot, ang suspek sa kaso ng girl friend mo. Napatay din ang isang pinuntahan nito sa bundok ng basura. Tapos na, closed na ang kaso ng girl friend mo!” “Hindi gano’n lang ‘yon, Sir. May follow-up operation kami hindi exclusive para sa girl friend ko kundi i-verify kung active na naman ang Embudo Gang!’ “Aba! Aba! Kidnapping ang forte ng Embudo Gang. Jurisdiction ko sila!” “Nagkataon, Sir…na hold-up ang sideline ng ilang kasapi nito!” “Kilala ninyo?” Parang naghahamong usig ni PSI Margallo. “Iimbestigahan namin ang dalawang nasakote namin!” “So…you’re not yet sure? Pipigain ang tamang tawag doon? Hindi ba’t violation of human rights ‘yan?” Natigilan si Pol. Halatang humaharang sa kanilang misyon ang pinuno. “May legal na proseso, Sir…kaya lumapit kami kay Superintendent.” “Nilusob n’yo ang kubakob ng mga ‘yon. Napatay ang isa sa kanila, bukod kay Dadong Kulot. Kayo raw ang naghagis ng granada. Luma’t kinakalawang ang mga armas na nakuha sa kanila. Walang nagrereklamo. Papaano natin sila mabibimbin sa kulungan kung ang gusto lang natin ay pigain sila? Papaano ang karapatan nilang pantao? Gustong mong ihabla tayo ng Commission on Human Rights?” Naisip ni Pol: bakit parang pinoprotektahan ni PSI Jack Margallo ang masasamang elemento na nadakip nila? Hindi ba’t sa information sheet na iniharap nila sa pulisya ay inirekomenda nila na sampahan ng kaso ang mga ito. Obstruction of justice. Illegal possession of firearms. Assault on police authorities. Possible members ng isang crime syndicate. “Bakit hindi pa kami ipinatatawag, Sir…para

liwanagin at patibayan ang aming rekomendasyon!” “May dumating na dalawang abugado ng mga suspek. Nilegal ang paliwanag. Kumbinsido ang aming task force. Baka kasuhan pa ang PNP sa nangyari. Pinakawalan namin!” Napatindig si Pol. “Pinakawalan n’yo? Hindi n’yo inimbestigahan tungkol sa Embudo Gang?” “Walang kaso laban sa Embudo Gang na iniharap sa pulisya! Ilalampaso tayo ng mga dyaryo…kapag naging pasaway tayo!” “Sir, muntik na kaming mapatay ng mga suspek na ‘yan! May solid info kami na active na naman ang Embudo Gang. Patuloy ang hold-up sa mga public utility vehicle. Hindi iisa ang specialty ng mga kriminal; may mga sideline sila. Gusto ninyong magkaroon pa ng pagpatay tulad ng nangyari sa girl friend ko? Baka hindi kayo nakikinig ng mga balita, Sir!” Alam ni Pol, nagsiklab na siya. Nakikita niya ang paglagablab ng mga mata ni PSI Jack Margallo. Ang pagkuyom ng mga kamay nito. Ang tikwas ng mga labi. Ang paghingal. “How dare you telling me all those things? Opisyal ako, Alonzo…alam ko ang tungkulin ko. What you did is unbecoming of a police officer!” At bumagsak sa mesa nito ang punggok, ngunit batong kamao nito. “Sorry, Sir! Hindi lamang ngayon nangyari na huli na’y pinawalan pa ang mga suspek! Dinagukan uli ng pinuno ang mesa nito. “Iniinsulto mo ba ako, Alonzo?” “Sir, inuulit ko lang ang sinasabi ng mga kababayan natin sa kalye!” “You put yourself into trouble, Alonzo. Get out! And get out of service!” PARANG tinig ni Malou ang mga salita ng magasawang Saltiero. Nag-imbita ito sa kanya, kay PSI Leonides Buenafe, kina Don, Mat at Matilda nang dumating ang kaarawan ni Malou. Nagsimba siya kanginang umaga, nag-alay ng ilang pumpon ng bulaklak sa puntod ni Malou at pagkapahinga nang hapong iyon, nagbihis at nagtuloy sa tahanan ng naudlot niyang mga bibiyenanin. “Inaayos ko, Pol, kay Superintendent…” ani PSI Leonides Buenafe. Magkakaharap na sila sa sala ng bahay ng mga Saltiero. “Sir, hindi na ako interesado. Pwede na akong magresayn,”sabi ni Pol. “Grupo tayo, Pol,” agaw ni Mat. “ Malalagasan tayo.”

“Pwede pa akong hilahin…kung emergency!” “Bawal kang magdala ng gamit, Pol,” pagunita ni Don. “ Ano ka? Dead man standing?” “Sige ka, mami-miss mo’ng mga luto ko! Puro karinderya at fast foods ang pagtitiisan mo!” pagpapatawa naman ni Matilda. Pumasok ang mag-asawang Saltiero na kangina’y abala sa paghahanda ng mesang hinahainan na ng dalawang inimbitahang kamaganak. Nakiumpok pagkaraang sabihing iniinit na lang ang mushroom soup. “Napag-uusapan naming mag-asawa na ginawa mo na naman, Pol, ang lahat mong magagawa. Hindi naman tayo nakatitiyak na hindi nga si Dadong Kulot ang bumiktima kay Malou. Ayon nga sa iyo, Pol, pag-istambay ni Dadong Kulot sa bilyaran, may holdap na nagaganap sa mga kalyeng di-kalayuan doon. Okey na ‘yon. Tahimik na si Malou. Payo nga namin sa ‘yo, Pol, mag-asawa ka na. Matutuwa si Malou kapag nakita niyang masaya ka na!”Ibig magsentimental ni Pol. Sabi lamang niya sa sarili, mahirap sa pulis ang sentimental. Kapag umiral ang damdamin, mauudlot ang pagtatanggol sa sarili. Mababalam ang pagbaril sa isang kriminal. Malilimot ang atraso ng masasamang tao. Kay PSI Leonides Buenafe bumaling si Pol. “ Chief, hindi na si Malou ang nasa isip ko kundi ang iba pang Malou na sumasakay sa jeepney, sa fx, sa van, sa tricyle at naglalakad nang dis-oras ng gabi. Gusto ko, kasama ako sa pagsugpo sa mga kasamaang nakasunod sa mga sasakyang ‘yan, mga aninong nakatultol sa mga ginagabi sa lansangan. Hindi ako patatahimin ng budhi!” “E, bakit ka magre-resayn?” Si Matilda. “Para hindi ako makatagpo ng isang tulad ni Margallo!” “Ano’ng balak mong gawin?” usisa ni Mister Saltiero. “Gusto kong in my private capacity…makakilos, makatulong laban sa masasamang elementong ‘yan!” Nagkatinginan sina Mat, Don at Matilda. Hindi kumikibo si PSI Leonides Buenafe. May iniisip. “Kalimutan mo na ‘yan, Pol,” nakikiusap na wika ni Misis Saltiero. “ Pag labas mo sa serbisyo, asikasuhin mo na ang iyong sarili. Inuulit ko. Hindi lang kami ang matutuwa kundi lalo pa si Malou. Malou.Malou. May kumakalabit sa kanyang isip. Alam niya, hindi mahirap ang magdesisyon. Itutuloy


6

MARSO 20-26, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

Ilang Konsehal di raw tatanggapin

P1.1 M sa Konseho, Tinanggihan

tanggapan din ng Responde Cavite at sinabi ng mga ito na hindi sila tatanggap ng anumang SOP. “Matagal na pinangalagaan ng mga magulang ko ang kanilang pangalan.” Pahayag ni Coun. Mupas “Kailan man ay hindi ko dudungisan

iyon lalo na sa kurapsyon. Mahirap nawala ang tiwala ng taong bayan, kapag nawala iyon ay mahirap nang maibalik. Sinabi naman ni Coun. Lary Crawford na makailang ulit na siyang naluklok sa konseho dahil sa patuloy na

pagtitiwala sa kanya ng taong-bayan. “Hindi naman ganoon karami ang pera natin, hindi man tayo ganoon kayaman, pero mahirap dibdibin at sikmurain ang ganoong sistema.” Pahayag ni Crawford. “Hindi naman sa nagmamalinis tayo, pero hindi naman tayo ang

the worst evil.” Tinangaka din naman ng Responde Cavite na kunin ang pahayag ng iba pang miyembro ng Sangguniang Panlunsod pero hindi tayo pinapalad. Bukas ang pahina ng ating pahayagan para sa sinumang nagnanais na magpahayag ng kanilang katayuan sa isyu ng SOP .

Ang Proyekto ng LDC na di umano’y panggagalingan ng P4.4M na SOP na kung saan ang 1.1M nito ay paghahati-hatian di umano ng mga konsehali Corruption Transparency —ito ang lumalabas na mahigpit na kampanya ngayon ng kasalukuyang administrasyon ng Lunsod ng Cavite matapos pag-usapan ng hayagan sa nakaraang meeting ng Local development Council (LDC) na ginanap sa Chefoo Restaurant kamakailan. Ito ang pagbubulgar na ginawa ni Coun. Pechie Consigo sa Responde Cavite. Ayon kay Consigo, hayagan umanong pinag-usapan na sa humigit-kumulang na P45-M na Local Development Fund ay may makukuha umanong Standard Operation Procedure (SOP) na P4.4-M. Bahagi umano ng nasabing SOP na P2.2M ay mapupunta kay Cavite City Mayor Romeo Ramos, samantalang P1.1-M naman umano ay paghahati-hatian ng mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod. Ayon pa kay Consigo, hindi n’ya aniya kayang tanggapin ang anumang salaping manggagaling sa kurapsyon. “Nakakahiya sa mga taong nagtiwala sa akin. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila.” pahayag ni Consigo. Sinabi pa nito na hindi man malaman ng taong bayan na tumanggap siya ng SOP ay baka hindi naman umano siya patulugin ng kanyang

konsensiya. “Maganda na sana ang mga proyekto, h’wag na lang sanang haluan ng hindi maganda. Tayo ay inihalal dahil may tiwala sa atin ang tao, upang ipaglaban sila at hindi nakawan.” Pahayag pa ni Consigo. Agad din naman nakipag-ugayan sa Responde Cavite si Coun. Denver Chua, sinabi nito na hindi umano siya miyembro ng LDC , pero hindinghindi umano siya tatanggap ng anumang galing sa SOP. “Baka napalo tayo sa puwet ni Board Member (na ang binabanggit ay si Cavite First District Board Member at Majority Floor Leader Dino Chua) kapag tumanggap ako ng anumang klaseng SOP.” pahayag ni Coun. Chua. Iginiit pa nito na siya ay tumakbo upang maglingkod sa lunsod at hindi para pagkakitaan ang lunsod. “Isa pa, mahigpit ang kampanya ni Gov. JonvicRemulla sa kanyang ELA (Executive and Legislative Agenda) na No SOP, No Gov’t Price. Isang magandang hangarin ng pinuno ng probinsiya na h’wag sanang dungisan ng iilan lalo na n gating lunsod.” pahayag ni Chua. Samantala, agad namang nagparating ng mensahe sina Coun. Mark Mupas at Coun. Larry Crawford sa



8

MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

SECRET MARSHALL 2000 NI EFREN R. ABUEG

EFREN R. ABUEG

Nakaraan: Nasaksihan ni Pol kung paano “sikolohikal” na pinahirapan si Dadong Kulot, suspek sa pagkapatay sa kanyang nobyang si Malou. Itinanggi nito ang akusasyon at nangakong ituturo ang talagang kriminal. Nagimbal ito nang tanungin tungkol sa isang sindikato, ang Embudo Gang. NAKATALUNGKO sila sa isang sagingan— si Mat, si Don at siya. Nakatanaw sila sa isang kubakob, sa gilid ng pinakadulo’t ilang na bahagi ng landfill na iyon. Sa likod nila, sa may silangan, umaatungal ang makina ng ilang trak, sinasalunga ang malagkit na putik na daanan sa gilid ng bundok ng basura. Hindi sila lumilingon o lumilinga; naririnig lamang nila ang banayad na pagutpot ng isang motorsiko, patungo sa kanila. “’Yong bata ni Matilda,” anas ni Don kay Pol. “ Koberan natin…kakalagan na niya si Dadong Kulot!” Patalikod na umurong sina Mat at Don, saka tumakbong pasalubong sa motorsiklo. Hindi inaalis ni Pol ang kanyang paningin sa kubakob na iyong hanggang bintana nito ang litaw sa bundok ng basura. “Pol, “narinig niya sa kanyang likod ang mahinang tawag ni Mat. “Lalargahan ko na ‘to!” “’Yung bata ni Matilda, nakaalalay?” paniniyak niya. “Positive. May pabaon si Matilda, sakaling gutumin daw tayo!”

Paborito nila si Matilda. Maalalahanin sa grupo. Ginaganti naman nila iyon ng pangangalaga rito. Kung sumasama ito sa operation, pambackup lang. Sumasabak lang ito kung emergency. Nilampasan si Pol ni Dadong Kulot. Sinusundan ito nina Mat at Don, pati ng dinagpapakilalang “bata” ni Matilda. Nang bumungad ang mga ito sa pinakaituktok ng basura, huminto, may sinabi kay Dadong Kulot na pagkaraa’y mag-isa nang lumusong patungo sa kubakob. Isang bangin ng putik ang likod ng kubakob. Sumunod na rin si Pol. Nakita niyang gume-gewang si Da-dong Kulot sa paglakad. Madulas sa putik ang dinaraanan nito. Mayamaya, narinig niyang sumigaw ito. “Si Dado ‘to…’wag kayong puputok!” Sinagot lamang ito ng katahimikan. Baka nakapuslit…wala yatang tao!” anas ni Don. “Kanginang dumating tayo’y may ilaw,” sabi ni Mat. Sumigaw uli si Dadong Kulot: “Yuhuuu!” Bigla ang bugso ng mga putok. Mahahaba ang gamit. “Pol, paano?” Parang napasasaklolo si Mat. “Dapa…walang kikilos, ‘wag puputok. Maghihintay tayo.” Nakita ni Pol na matatag pa rin na nakatayo si Dadong Kulot. “Si Dado ‘to… papasok na ako!” Sinagot uli ito ng k a t a h i m i k a n . Mayamaya pa, pumaloob na ito sa

kubakob. Nawala sa kanilang paningin. “Kilos!” anas ni Pol sa mga kasama. Maiikli ang kanilang dala. Magaan dalhin sa paggapang. Mabilis na maiuumang. Payuko, sumugod sila, saka dumapa sa putikan. Nakiramdam. Walang putok na narinig. Tumindig na sila. Sumugod uli. Ngayon, nakapasok na sila sa kubakob. Tumambad agad sa kanila ang isang lalaking nakadapa,

may saksak sa likod. “Si Dadong Kulot!” bulalas ni Mat. Halos palundag na tinakbo ni Pol, kasunod si Don at ang “bata” ni Matilda ang pinto sa likuran. Nakita niya sa sagimsim ng liwanag ang gumagalaw na mga bagay sa dalisdis ng bundok ng basura. “Lundag, Don!” sigaw ni Pol na nagpauna sa paglundag sa dalisdis. Naramdaman niya ang pagtama ng katawan ni Don sa kanya at ang paglampas naman ng bultong katawan ng “bata” ni Matilda. May sumambulat sa dikalayuan. Granada, pumutok. Pagbagsak nila sa ibaba, nakatutok ang baril ni Pol sa dalawang bumabangon sa putikan. Iglap din ang pagdaluhong sa mga ito ni Don at ng “bata” ni Matilda. “Pol…bagsak ang isa!”

PART 5 Tatlo ang nagpaputok kangina. Naisip agad ni Pol na hahagisan sila ng granada ng mga tumatakas. Hindi nakaabot sa kanila at bumalik sa mga ito. Dalawa ang nakatayo at nilagyan ng posas ng “bata” ni Matilda. Sinusuri na ni Don ang nakabulagta. SA opisina sa Crame, nag-iisip si Pol. Sinaksak sa

likod at napatay si Dadong Kulot. Natamaan sa leeg ng sharpnel ng granadang sumabog ang kinilalang si Luis Carbon, isang recividist— nasentensiyahan sa holdap at nakalaya, dalawang ulit. Mga suspek sa kidnaping ang dalawang nakabimbin sa detention cell. May humawak at yumugyog sa balikat ni Pol. “Chief…di kita napansin,” ani Pol na tiningala si PSI Leonides Buenafe. “Si Malou na naman?” “Lumabo ang kaso…” sabi niya at pinagmasdan ang kanyang pinuno na umupo sa silyang katapat ng kanyang inuupuang mesa sa kumperensya. “Hawak natin ‘yung dalawang suspek. Naturn over kay PSI Jack Margallo.” “Sino ‘yon, Chief?” Nagtatakang inusisa

niya ng tingin si PSI Buenafe. “Kilala kong galing sa Mindanao. Nakahuli ng dalawang kumander ng Abu Sayyaf sa Magindanao at nagpatahimik ng isang kidnapping gang sa General Santos. Biglang nirecall sa HQ at itinaas ng pwesto. Siya ang Chief ngayon ng AntiKidnapping Task Force.” “Hawak niya ngayon ang dalawang kayod n a t i n ? Maiimbestigahan pa ba natin ang mga ‘yon?” “Bakit naman hindi?” “Una, nasa jurisdiction sila ng Anti-Kidnapping Task Force. Ikalawa, hindi natin sila suspek sa pagkapatay kay Malou. Ikatlo, hindi tayo close sa Margallong ‘yan!” Nakatingin ngayon kay Pol si PSI Buenafe. Nakakunot-noo. Mayamaya, tumindig ito at tumanaw sa labas ng bintana, sa mga sasakyan at mga taong pumapasok sa kampamentong iyon ng pulisya. Ilang sandali pa, hinarap siya nito habang inaabot ang handset ng telepono. “Try natin sa itaas…okey ba na kausapin mo si Margallo?” Tumango siya. Dumayal si PSI Buenafe. “Superintendent, good morning!” Tumindig si Pol. Sumenyas sa kanyang pinuno. Pupunta siya sa CR. Paglabas niya, lumipat ng kwarto at tumawag siya sa Personnel. Humingi siya ng appointment sa Record Section. “Margallo? Sure, bagong update ang kanyang mga papel dito..bagong promoted. Tayo lang ang naka-

kaalam, ha? Hindi ko pa siya saulado.” Dating kontak iyon sa loob. Nang magbalik siya sa kanilang opisina, may kapirasong papel na iniabot sa kanya si PSI Buenafe. “Ipa-note mo lang kay Superintendent. Hinihintay ka ng kanyang secretary,” sabi nito, saka kinuha ang isang salansan ng mga papel at lumipat sa ibang opisina. MAY mga bisita si PSI Jack Margallo. Sa may reception room, lagos ang tingin ni Pol sa salaming pinto na nagpapasilip nang sapat sa kabuuan ng pinuno. Malaking bulto ito, may sapat na tangkad, may pangang mukhang matatag at may malalaking mata. Magalaw ang ulo at makumpas ito kung magsalita. Halatang matipid itong tumawa. Madaling husgahan ang katauhan nito, naisip ni Pol: hindi madaling lapitan. Binuksan ng sekretarya ang pintong salamin ng silid. Papalabas na ang mga bisita. Narinig ni Pol ang huling mga salita ni PSI Jack Margallo. “ Datung at hindi relihiyon ang usapan ngayon sa mundo!” Tumindig si Pol. Kinambatan siya ng sekretarya na pumasok. Singaw ng malamig na silid ang sumalubong sa kanya. “Ikaw si PO 4 Alonzo, ang girl friend ng napatay sa holdap?” usisa agad ng pinunong parang walang balak na alukin siya ng upuan. “Yes, Sir.” “Ibig mo pa rin na imbestigahan ‘yung dalawang nasakote ninyo?” “Yes, Sir.” Habang abala sa pagbubuklat ng ilang papel, itinuro nito ang upuang binakante ng umalis na mga bisita. (Sundan sa P. 5)


MARSO 20-26, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

ANG MUSIKA NI PAUL TOLEDO MARSO 10 ang kaarawan ng mga makatang Kabitenyong sina Alejandro G. Abadilla at Axel Alejandro Pinpin. Sa petsang ito rin pumanaw naman ang musikerong si Paul Toledo na ang ama ay taga- Rosario, Cavite at maraming kamag-anakan sa Silang, Cavite. Ipinanganak noong Hulyo 9, 1944 si Leopoldo Toledo Panganiban na sumikat na mang-aawit nuong late 802 s kung saan tinagurian siyang Rod Stewart of the Philippines dahil sa tinig niyang malat na angkop na angkop sa musikang rock. Pinasikat niya ang mga awiting “Lumba-Lumba”, “Babe, Come Home To Me”, “Pasosyal-Sosyal”, “Bahala Na”, “Filipino Time”. at “Mga Paruparong Buking”, kung saan naging pelikula pa nina Eddie Garcia at Eddie Rodriguez. Noong Linggo (Marso 13) ay nagtunfo ako sa kanyang burol upang personal siyang makita. Kasama ang mga kasapi ng Malayang Ugnayan sa Sining ng mga Kompositor ng Awit (MUSIKA) sa pamumuno ni Heber Bartolome ay nag-ambag ng awit ang mga musikerong sina Romeo Dado, Pol Camote, Henry Samaniego, Jake Lanting, Joven Aguilar, Jhake

Nebreja, Eduard Muli, Joey Tuzon at iba pa. Naroon rin si Freddie Aguilar na nagdala ng mga pagkain. Matagal ko nang ginagamit sa klase ang mga awit ni Paul Toledo gaya ng “Monkey See, Monkey Do” na tumatalakay sa pangongopya ng ng mga Pilipino sa mga dayuhan at ang “Nawawalang Thank You” na tungkol naman sa panawagang panatilihin ang magandang ugali ng pagpapasalamat. Ginagamit ko rin sa klase ang kanta niyang “Filipino Time” na nananawagan sa mga kababayan natin na kumilos. Kung tutuusin ay marami pang awit si Paul Toledo na sumasalamin sa kalagayan ng lipunan at hindi lamang nagkataong ang tinig niya ay kagaya ng kay Rod Stewart. Si Paul Tolerdo rin ang isa sa unang musikerong sumulat ng kanta tungkol sa kalagayan ng mga OFW sa kanta niyang “Going to Saudi” at “PaJapan-Japan”. Ayon sa manunulat na si Boy Villasanta, “Nakapagtataka lang at kokonti ang nagpapahayag kay Paul samantalang siya ay isang pasimuno ng kulturang Pinoy rock kasama ang mga icon nang sina Freddie Aguilar, Joey “Pepe” Smith, Wally Gonzales, Mike Hanopol, Sampaguita, Lolita Carbon at ang kanyang Asin, Maria Cafra at napakarami pang iba.Bale kasama rin sa mga nagsimula ng

9

Manila Sound si Toledo sa kanyang mga novelty songs na tulad rin ng mga pinasikat ng Hotdog, ni Ella del Rosario at marami pang iba tulad ng Circus Band, Ambivalent Crowd at iba pa at kung tatanggalin sa mga grupong ‘yan ay lalantad ang mga ambag nina Didith Reyes, Celeste Legaspi, Jacqui Magno, Basil Valdez, Mitch Valdez, Pat Castillo, Boy Katindig at napakarami pang iba. Icon na rin talaga si Paul sa maraming bagay kaya ang kanyang kamatayan kamakailan ay kailangang sundan ng paggunita at pagbibigay-parangal dahil malaki ang kanyang kontribusyon sa lokal na musika.” (http://pinoyweekly.org/new/2011/03/wakasng-isang-kabanata-ng-manila-sound-at-pinoy-rockmusic/)Noong 2008 ay pinadalhan niya ako ng CD ng huli niyang album na may pamagat na “Just for You” matapos kong ipadala sa isang kaibigan niya ang dalawang lumang cassette album niya na pinaglayan ko ng autograph. Hindi kami nagkita nang personal at sa burol niya lamang ko siya unang nakita. Bilang bahagi ng pagtatanghal ng MUSIKA ay inawit ko ang kanta kong “Ilusyon” at “Napagtripan Lang” bilang alay sa musikerong nakaimpluwensiya rin sa akin bilang musikero at guro.Sayang at marami pang awit si Paul Toledo na hindi napapakinggan ng kasalukuyang henerasyon na mahilig sa Super Junior, Justin Beiber at Lady Gaga.

Happyhappy Birthday to Prof. Freddie B. Silao.

Nakalulungkot din na wala pang angkop na rekognisyon ang ating lipunan sa kagaya niyang musikero na nagtangakang aliwin at imulat ang sambayanan sa pamamagitan ng kanyang sining.

Copyright sa Universal Declaration of Human Rights Wala ang salitang “copyright” sa Universal Declaration of Human Rights. Oo, kahit isa-isahin mo ang bawat deklarasyon ay hindi mo makikita ang salitang “copyright” dito. Ibig bang sabihin ay walang halaga ang talakayan natin tungkol sa copyright? Teka, bago ko sagutin ‘yan ay meron muna akong tanong sa ‘yo. Alam mo bang walang salitang “Pilipinas” sa ating Pambansang Awit? Ang pamagat nito ay “Lupang Hinirang” at kahit na isa-isahin mo ang bawat taludtod nito ay hindi mo makikita ang salitang “Pilipinas” dito. Ibig bang sabihin ay wala naman palang kaugnayan ito sa ating bansang Pilipinas? Siyempre, hindi ang sagot sa dalawang tanong. Dahil kahit wala ang salitang “copyright” sa Universal Declaration of Human Rights ay nakapaloob naman ang

konsepto nito sa mga pertinent na artikulo. At kahit wala ang salitang “Pilipinas” sa “Lupang Hinirang” ay nakapaloob ang kaluluwa ng ating bayan sa bawat taludtod ng pambansang awit. Ang salitang copyright ay isang terminong legal. Ibig sabihin ito ay salitang inimbento ng mga expert sa batas para magkaisa at magkaunawaan kapag pinag-uusapan ang karapatan ng mga manunulat, kompositor, at iba pang malikhaing tao na siyang creator ng mga gawang literary, artistic, at scientific. Ganito rin ang nangyari sa Pilipinas. Maraming pangalang ibinigay ang iba’t ibang tao o pangkat ng tao sa ating bayan tulad ng Felipinas, Las Islas Filipinas, Islas del Poniente, San Lazaro, Republica Filipina, at Philippine Islands. Alam nating ang pinagmulan ng pangalang Pilipinas ay ang haring Felipe

ng Espanya. Pero ang pinakaunang gumamit ng pangalang ito ay si Philip II na hari ng Macedonia. Siya ang ama ni Alexander the Great. Ang pangalang Philip ay kombinasyon ng dalawang salitang Greek na “philos” o kaibigan at “hippos” o kabayo. Ibig sabihin ng pangalang Philip ay taong maibigin o mahilig sa kabayo. Isang tanong: e bakit konti lang ang mahilig sa kabayo sa Republika ng Pilipinas? Para magkaisa at magkaintindihan ang mga tao ay idineklara ng mga mambabatas na ang official name ng ating bayan ay Republic of the Philippines. Makikita ito sa ating Saligang Batas 1935 (Article 18, sec. 1). Alam nating ang pinagmulan ng copyright ay ang Statute of Anne noon 1710. Ito ay naka-focus sa karapatan ng may-akda na magparami ng kopya ng kanyang mga aklat sa pamamagitan ng printing o right to copy. Mula sa right to copy or

print books ay lumawak ang sakop ng copyright. Sa kasalukuyan ang copyright ay isang bungkos ng mga karapatan. Siyempre nasa una pa rin ang “right to copy” na ang legal term ay “reproduction right.” Ang ibang karapatan sa ilalim ng Copyright Law na nakapaloob sa Intellectual Property Code of the Philippines ay ang mga sumusunod: dramatization, translation, adaptation, abridgement, other transformation of the work, first public distribution, rental, public display, public performance, at other communication to the public (IP Code Chap. V, sec. 177.1 -177.7). Isa sa naging basehan ng ating IP code ang Universal Declaration of Human Rights na binuo noong 1948. Dalawang articles ang masasabing pundasyon ng copyright sa ating batas mula sa Universal Declaration of Human Rights. Una, ang

lahat ng tao ay may karapatang magtrabaho, may layang pumili ng trabahong gusto niya, magtrabaho sa isang makatarungan at maayos na lugar, at may proteksiyon mula sa pagkawala ng trabaho (Article 23.1). Kasunod nito ay ang karapatan ng bawat nagtatrabaho na makatangap ng makatarungan at “favourable remuneration” para sa kanyang sarili at para magkaroon siya ng kakayahang mabigyan ang kanyang pamilya ng buhay na may dignidad (Article 23. 3). Ikalawa, dapat bigyangproteksiyon ang mga karapatang moral at materyal ng mga author ng gawang scientific, literary, at artistic (Article 27.2). Ang mga may-akda ay manggagawang dapat kumita nang sapat at mabigyan ng karampatang bayad sa bawat gamit ng kanilang mga akda o gawa. Bakit? Sapagkat may katawan din silang kailangang pakainin at may

pamilyang dapat itaguyod at mabigyan ng buhay na may dignidad. Hindi ako sang-ayon sa panukala ng ilan na dapat isantabi ang copyright dahil imbensiyon lang ito ng mga abogado at ni hindi naman ito nabanggit sa Universal Declaration of Human Rights. Kung gayon ay dapat na ring isantabi ang Pilipinas dahill wala namang mahilig sa kabayo dito. Kailangan nating magkaisa at magkaunawaan sapagkat maraming kabuhayan at maraming pamilya ang nakasalalay ang kita sa copyright. Inaanyayahan ang mga authors, publishers o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS para lalo pang mabigyang-proteksiyon ang kanilang mga gawa. Wala pong membership fee. Ang mahalaga ay mayron kayong published works para sa mga author at nasa inyo ang kapangyarihang mag-manage kung heirs kayo ng author. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.


10

MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

Celito Baccay CARMONA, CAVITE – Inihatid na sa huling hantungan noong Marso 17, 2011 ang labi ng pinaslang na isa sa mga lider manggagawa sa Cavite na si Celito Baccay, 31 taong gulang na kilalang aktibong board member at key leader ng Maeno Giken Workers Organization (MAGIKWO-Independent) na nasa ilalim ng bandila ng pamosong Solidarity of Cavite Workers (SCW) na naka base sa Rosario, Cavite. Nakilala ang kagitingan ng prinsipyadong si Baccay ng pangunahan niya ang pagoorganisa ng unyon sa kanyang kompanyang pinagta-trabahuhan ang Maeno Giken na isang kom-panyang pag-aari ng Hapon na kilalang gumagawa ng bakal, bubong at mga stainless na produkto sa First Cavite Industial Estate (FCIE) sa Dasmariñas City, Cavite. Matatandaang sa unang balitang lumabas sa pahayagang ito noong nakaraang linggo ay bandang 10:00 ng gabi ng Marso 8, 2011 ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang salarin ang ulo at katawan ni Baccay sa harap ng simbahan ng Romano Katoliko sa Brgy. Langcaan, Dasmariñas City, Cavite. Nagawa pang maisugod si Baccay ng kanyang mga kapwa mangga-gawa sa University Medical Center (UMC) ng nabanggit na lungsod ngunit bandang 10:45 ng gabi ay binawian na ito ng buhay. Naulila ni Baccay ang kanyang may bahay at dalawang anak. “Nakakaalarma na ang magkakasunod na atake sa buhay ng mga lider manggagawa sa ating lalawigan, si Baccay na ang panga-

lawang insidente ng ganitong pangyayari sa ilalim ng adminis-trasyon ni PNoy. Katulad nito ang nangyari noong Nobyembre 22, 2010 sa isa ring lider manggagawa na si Nolan Maquincio, 45 taong gulang at Public Relations Officer ng Nagkakaisang Manggagawa ng Hoffen Industries, unyong nakapailalim naman sa OLALIA FederationKilusang Mayo Uno (NMHI-OLALIA-KMU), kung saan tinambangan ito habang papauwi ng kanilang tahanan ngunit sa kabutihang palad ay nakaligtas si Maquincio,” ayon kay Merly Grafe ang Tagapangulo ng Solidarity of Cavite Workers (SCW), na kilalang militante at progresibong alyansa ng mga manggagawa sa lalawigan. Sina Maquincio at Baccay ay parehong mainit sa mata ng management ng kani-lang mga pinagtatrabahuhang kompanya dahil lamang sa aktibo nilang gampanin sa kanilang karapatang mag-unyon na ginagarantiyahan ng batas paggawa sa bansa at Saligang Batas ng Pilipinas. Ayon naman kay Leonila Baccay (ang esposa ng biktima), ay minsan ng nabanggit sa kanya ng kanyang asawa na mainit ang mata sa kanya ng management ng kompanyang pinagtatrabahuhan nito simula ng pangunahan nito ang pag-oorganisa at pagtatayo ng unyon noong 2009. Sa pinakahuling kaganapan ay nabanggit din ng kanyang asawa sa kanya na tinanggihan nito ang alok na promotion sa trabaho na ng management ng kompanya kapalit ang pagtalikod sa unyong itinayo nito. Datapwat magiting na prinsipyado si Baccay ay hindi nito kayang talikuran ang kanyang mga kapwa

manggagawa at mas namayani sa kanya ang mas matimbang na pagmamahal sa kanila at sa unyon. Daan-daan namang manggagawa ang lumabas sa kani-kanilang k o m p a n y a n g pinagtatrabahuhan upang sumama sa martsa-libing sa paghahatid sa huling hantungan sa labi ni Baccay. Ganap na 12:30 ng tanghali ng magsimula ang martsa-libing sa tahanan nito at idinaan upang misahan naman sa simbahan ng Carmona ng bandang 2:00 ng hapon at inilibing sa Sanctuario Cemetery ng Carmona. Ilan sa mga samahan ng mga manggagawa na nakiisa at sumama sa martsalibing ay ang Solidarity of Cavite Workers (SCW), OLALIA Federation (OLALIA), Ilaw at Buklod ng Manggagawa (IBM), Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK) at Kilusang Mayo Uno (KMU). Mahaba na ang listahan ng mga martir ng bayan na nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa pagsisilbi sa kapwa ngunit nakakadismaya na marami sa mga kasong ito ay hindi na nabibigyan ng katarungan ng kasalukuyang sistema ng pamahalaang umiiral sa ating bansa ngayon. Ang mas masakit pa nito tila ang gobyerno pa mismo ang bumabale wala sa mga lehitimo at demokratikong karapatan ng mga manggagawang Pilipino kahit na ito naman ay nasasaad sa batas paggawa na ginagarantiyahan mismo ng ating Saligang Batas ng Pilipinas, isang halimbawa nito ay ang karapatan sa malayang pagtatayo ng unyon at ito ay upang maprotektahan at maipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ngunit napakalinaw pa sa sikat ng haring araw

ang nagdudumilat na katotohanang pangyayri sa kasalukuyan na may mga binuong polisiya ang pamahalaan ng ating bansa na pawang antimanggagawa katulad ng No Union No Strike Policy sa mga pagawaan, pabrika at engklabo at ang sistemang casualization o contractualization na hanggang anim na buwan lamang maaaring mamasukan o magtrabaho ang mga manggagawa sa kompanya ng mga kapitalista at pagkatapos ng anim na buwan ay tapos na. Ang patakaran nilang ito ay upang hindi maging regular ang mga manggagawa sa kanilang kompanya upang hindi na makapagtayo pa ng unyon. Idagdag pa ang usapin sa dagdag na umento sa sahod na hindi kayang matindigang maipatupad ng gobyerno ang pag-apruba sa P125 wage increase across the board nationwide na noon pang 1998 ipinanawagan ng mga

manggagawa, ngunit magpa hanggang ngayon ay hindi pa ito magawang maipasa at maapru-bahan sa Kongreso at Senado dahil sa ang karamihan sa mga nanunungkulan o politiko ay mga burukrata-kapitalista na nagmula sa mayayamang angkan at nagmamay-ari ng mga malalaking kompanya at negosyo na kahit tubong lugaw na ay ganid pa rin ang mga ito at hinahadlangang huwag maipasa at maisabatas ang dagdag na sahod sa mga manggagawa upang huwag lamang silang mabawasan ng kita o tubo gayong ang mga manggagawa ang sila naman talagang tagapaglikha ng kanilang mga produkto ay hindi magawang maambunan ng dagdag na pasahod. Napakadami pang kaso ng pangmamaltrato, pananakit at pangha-harass ang nangyayari sa mga manggagawa mapalalake o mapababae man sa loob ng pabrika sa kamay ng

malulupit na dayuhang k a p i t a l i s t a n g nagsasamantala sa lakas-paggawa ng mga manggagawang Pilipino. Kung ang uring magsasaka ang silang pangunahing pwersa ay ang uring manggagawa naman ang silang hukbong mapagpalaya, kaya’t nararapat na laging pagsanibin ang dalawang makapangyarihan at bayaning sektor na ito. Dito sa atin sa Pilipinas ay napapanahon na upang ikawing na ng mga manggagawa ang kanilang masong tangan sa karit na tangan naman ng mga magsasaka. Darating din ang panahon na magtatagumpay ang lakas ng proletaryo na lulundo sa pag-agaw sa poder ng kapangyarihang pampulitika sa ating bansa at matatamasa na ng sambayanang Pilipino ang tunay na pagbabago at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng bagong gobyernong bayan na may sosyalistang perspektiba.


MARSO 20-26 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 25

11

Mabuti pa (raw) ang aso BAHAHAHAR! Magandang araw sa mga pamilyang binaha at kasalukuyang nagpapatuyo ng kanilang mga gamit. Ipinadala po sa pamamagitan ng isang bwitreng payat ang katanungan ng isa nating mambabasa. At ganito po ‘yun: Dear Abu Rhatbu, Ano po ba mayroon ang aso at kahit hindi ho sila nagsisipilyo ay hindi ho bumabaho ang kanilang naghuhugas ng pwet pero hindi naman po sila nangangamoy

tae. Pag-payuhan nyo po ako. Isko Bidoo Dear Isko Bidoo, Unang una, kahol ako ng kahol nang mabasa ko ang sulat mo. Biruin mo, meron pa palang isang tulad mo ang may tyagaang obserbahan ang mga aso. Para masubukan ko ang mga obserbasyon mo, pinalapit ko ang isa sa mga aso sa aming kampo. Sinuri ko ang mga ngipin nito kung may sira at inamoy ang hininga. Pinilit kong inilalapit ang bunganga nya sa ilong ko. At tinamaan ng kulog ng demonyo, sinakmal ako ng tarantadong aso ang ilong ko. Pagdating

naman kung may sira ng ngipin ng mga aso, hindi ko na malaman. Ayaw na kasing sumagot ng aso namin. Binaunan ko kasi ng balas sa bunganga. Inamoy-amoy ko rin ang pwet. Hmmm.

Medyo may amoy. Pero nang salat-salatin ko ang tumbong ko at saka amuyin ang kamay na ipinansalat, hindi nagkakalayo ng amoy. Binusisi ko rin ang katawan nila, akala ko libag yung nakita kong

nakakapit sa katawan. Pero nang busisiin ko, anak ng bakang bakla… garapata pala. Pero Isko Bidoo, ‘wag kang mainggit sa aso. Magsipilyo ka. Maghugas ka rin ng pwet matapos mong umebak.

At maligo ka. Ikaw rin, baka ka ma-garapata. Buti kung kuto lang. Madaling gamutin yun. Sariwang karne lang. Pero pag garapata, aba, baka talupan kang buhay para gawing kinilaw ang balat mo.

Problemado sa kapatid

Dear Bebang, Mahigit isang buwan na mula nang payagan ko ang kapatid kong trenta anyos na na manirahan sa inuupahan naming bahay dito sa Daine I. Binibigyan ko siya ng allowance buwanbuwan tapos tumutulong naman siya sa bahay namin. Naglilinis siya, n a g l a l a b a , nagbabantay ng teenager kong anak at marami pang iba. May kasama pa kaming dalawang babae sa bahay. Mga housemate ko. Kahati namin sila sa upa. Isang araw, nagsumbong ang isa kong housemate. Nagsasama daw ang kapatid ko ng mga

lalaki, mga “tropa” daw nito sa bahay namin kapag nasa trabaho ako at nasa eskuwela ang anak ko. Inabisuhan pa raw siyang huwag banggitin sa akin dahil siguradong mapapagalitan ko ito. Kinakabahan ako sa kapatid ko. Dati kasi siyang drug user. Kung sino man ang mga “tropa” niya, sigurado ako na may kinalaman din ang mga ito sa drugs, siguro user din. Ano ba ang dapat kong gawin? Geraldine Espanyo ng Daine I, Indang, Cavite Mahal kong Geraldine, Delikado ‘yan. Hindi lang para sa ‘yo ng anak mo kundi pati sa housemates mo. Bakit? Dahil lahat kayo, babae. Masama man mag-isip nang masama sa kapwa, iba pa rin kasi ang lakas ng lalaki lalo pa kung marami sila sa lakas ng babae. Isang suntok lang siguro

sa inyo ay baka mapatimbuwang na kayo at kung ano na ang gawin sa inyo. Mas maigi nang paranoid ngayon. Iwasdisgrasya ba. Kausapin mo agad ang kapatid mo sa pinakamahinahon na paraan. Sabihin mo na lang na may nakakita sa kanyang may kasamang mga lalaki diyan sa labas ng bahay. Ito ay para hindi niya maisip na ang housemate mo ang nagsumbong sa iyo sa pagdadala niya ng mga “tropa.” Sabihin mo rin ang panganib na dulot ng ginagawa niya. Bigyangdiin mo na concerned ka lang sa security ninyong mag-ina. Hamunin mo rin siya na kung talagang matitino ang “tropa” niya ngayon ay ipakilala naman sa iyo nang maayos. Kung hindi niya gagawin ito ay mas lalong nakakatakot kasi ibig sabihin, gusto talaga niyang ipanatiling nakatago ang ganitong gawain niya.

Kunin mo ang kanyang pagsang-ayon na hindi na siya magsasama ng kahit sinong kaibigan sa bahay ninyo. Pansamantala. As of now lang naman. Kamo kapag may ibang lalaki na diyan sa bahay ninyo para makakapagbigayproteksiyon kahit paano o di kaya ay may sarili na kayong bahay ay puwede na siyang magsama ng kaibigan niya. Pero ngayon na kayo-kayo

lang, nangungupahan pa at kalahati lang ang karapatan ninyo sa bahay, huwag na muna. Ipaunawa mo sa kanya na kailangang igalang ang mga tao sa bahay ninyo. Kung ayaw niyang sumang-ayon dito, sabihin mo na lamang na tumuloy na muna siya sa ibang bahay. Mukhang marami pang isyu sa buhay ang iyong kapatid. Kung teenager ‘yan ay maiintindihan ko naman.

Pero trenta anyos? Ayaw pa niyang ayusin ang buhay niya? Nakow. Pasulatin mo nga sa akin at baka matulungan ko pa siya. Biglang uminit ang ulo, Binibining Bebang Kung may suliranin sa sarili, pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com. para sa panitikan, para sa bayan 0919-3175708 bebang_ej@yahoo.com


Dahil sa katakawan sa gasolina...

4 nalambat sa pekeng credit card Arestado ang apat-katao na di umano’y gumagamit ng mga pekeng credit card ng mga pulisya sa bayan ng Amadeo, Cavite kamakailan. Kinilala ni P/Senior Insp. Reynaldo Juan ang mga suspek na sina Dennis San Antonio, 31; Erick Enriquez, 27; kapwa nakatira sa Dasmariñas City; Joel Perez, 38; at Roxan Radais na kapwa nakatira sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez, Cavite. Batay sa ulat, naaktuhan ang mga suspek sa gumamit ng pekeng credit card sa gasolinahan sa nabanggit na bayan. Napag-alamang namukhaan ng kahera ang grupo ng mga suspek na naunang gumamit ng di umano’y pekeng credit card nang magpakarga ng gasolina kaya ipinagbigay-alam sa pulisya. Agad na inaresto ang mga suspek na lulan ng pampasaherong jeepney (PIE 567) na pagpapakarga sana sa anim na plastic drum ng gasolina. Michelle Valecruz

Caviteña, nagtipon para sa karapatan TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Daan-daang kababaihan sa buong lalawigan ng Cavite ang nagsama-samang nagtipon sa Cavite Provincial Gymnasium sa Kapitolyo ng nasabing lungsod noong Marso 15, 2011 upang dumalo sa Womens Forum na may pamagat na “Magna Carta for Women” kung saan ang Gabriela Womens Party ang pangunahing host at organizer nito. Isa sa naging tagapagsalita ay ang GABRIELA Partylist Representative na si Emmie De Jesus. Ayon kay Emmie, “Mahalagang malaman ng bawat kababaihan ang kanilang mga lehitimo at demokratikong karapatan at kamtin ang taglay nilang kapangyarihan sa pagbabago hindi lamang ng kanilang papel sa loob ng tahanan kundi maging sa paglahok sa mga gawain at trabaho tungo sa pagpapahinusay ng gampanin sa pagbabago at pagpapalaya hindi lamang ng sarili kundi ng bayan.” “Masayang naisakatuparan ng matagumpay ang aktibidad na ito kung saan napagsama-sama ang mga kababaihan sa ating lalawigan, isa itong makasaysayang pangyayari sa ating lalawigan at batid kong pasimula ito ng kamulatan ng sektor kababaihan hinggil sa mga usapin at isyung hindi lamang pangkababaihan kundi ng buong sambayanang Pilipino,” ang wika naman ni Miriam Villanueva ng Gabriela – Langcaan Chapter. Idinagdag pa ni Amy Sto.Tomas, ang Tagapangulo ng Kabitenya – Gabriela – Cavite Chapter, “Malaki ang sektor ng kababaihan at hindi maitatatwang malaki ang bahagi namin sa ating lipunan, kaya hindi nararapat na ipagwalang bahala ang mga usapin, isyu at karapatan ng kababaihan. Mula sa araw na ito ay magpapatuloy ang pag-oorganisa, pagpapalawak at pagpapalakas ng mga Kabitenya tungo sa pagbabago at pambansang demokrasya. Ang kaganapang ito ay bahagi pa rin sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong March 8.” REX DEL ROSARIO

Bantay-Dagat, Inirereklamo sa Pangingikil MINAMANMANAN ngayon ng Philippine Coast Guard ang ilang kasapi ng “Bantay Dagat” mula sa Cavite dahil sa sumbong ng ilang mangingisda na nananakot at nangingikil ang mga armadong miyembro ng Bantay-Dagat na lumiligid sa Manila Bay. Ayon kay Petty Officer Tomas Langgido, Officer-In-charge ng Coast Guard BataanCavite Area, nakatatanggap sila ng reklamo mula sa mga mangingisda sa pananakot at pangingikil ng mga Bantay-Dagat maging sa mga lehitimong mangingisda. “Minomonitor na natin ‘tong mga nangingikil na ito sa dagat. In fact, may nasampulan na tayo last year na nangongotong,” pahayag ni Langgido. Humihingi ng tulong sa media ang mga

lehitimong mangingisda dahil sa pagmamalabis ng mga Bantay-Dagat na di umano ay tagaTanza. “Palagi po kaming tinatakot, tinututukan ng baril at hihilahin ang aming bangka kapag hindi kami nagbigay ng pera at isda sa kanila kapag nakikita kami sa dagat,” daing ng isang mangingisdang ayaw magpakilala para sa kanyang kaligtasan. Ayon pa rin sa isang mangingisda, ang mga Bantay Dagat ng Tanza ay nakakarating hanggang sa baybayin ng

Bataan. “Sabi po ng mga Bantay-Dagat na ito ay under daw nila ang Coast Guard at Maritime PNP, kaya puwede silang mag operate daw maski saan,” reklamo ng mangingisda. Ipinahayag ni Langgido na dapat nakikipagcoordinate ang mga Bantay-Dagat sa lokal na PNP sa tuwing magsasagawa ng operasyon ang mga ito nang hindi magkaroon ng anumang problema. Matatandaan na may ilang taon na ring nakalilipas nang may anim na bangkay ang lumutang sa Manila Bay na hinihinalang biktima ng pakikipagbarilan sa gitna ng karagatan. Wilfredo Generaga


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.