vol.2 cavite 27

Page 1

DALAGA, BINOGA SA MUKHA Basahin sa P. 3

*Maliban sa 5 Armalite Riffle *Private Army, planong itayo?

Basahin sa P. 6


2

ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

Transport Protest Caravan sa Southern Tagalog, matagumpay CALAMBA CITY, LAGUNA – Kasabay sa panawagang pambansang kilos protesta ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) laban sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina; at ng mga toll fee hikes sa mga expressways at highways partikular sa Southern Luzon Expressway (SLEX) Toll Fee na umabot na sa 250% increase ngayong Abril 1 ay magkakasabay na pagkilos ang isinagawa ng mga militanteng grupo sa mga pangunahing siyudad at lungsod sa buong Pilipinas noong Marso 31, 2011. Sa Timog Katagalugan naman ay matagumpay rin ang transport protest caravan na isinagawa ng PISTONSouthern Tagalog (PISTON-ST) at BAYAN-Southern Tagalog (BAYAN-ST) kasama ang iba’t ibang peoples organizations at partylists groups kagaya ng ANAKBAYAN, KADAMAY, PAMANTIK-KMU, KASAMA-TK, GABRIELA, KABATAAN, BAYAN MUNA, ANAKPAWIS at marami pang iba. Nagsimula ang kanilang transport protest caravan sa may tatlong converging points sa Timog Katagalugan at nagsalu-salubong sa Calamba Crossing ganap na 12:00 ng tanghali upang magsagawa ng programa rito.

Ganap na 1:00 ng hapon naman ay nagtungo sila sa may Turbina sa Calamba City pa rin upang isagawa ang mayor nilang programa ng pagkundena sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina at ng napakabigat na 250% toll fee increase sa SLEX na ikinaaangal ng mga motorista, driver, operator na nagresulta rin ng pagtaas ng pamasahe na ikinaaangal naman ng mga mananakay at pasahero kung kaya apektado ang buong mamamayang Pilipino. Ayon kay Adrianne Mark Ng, ang Secretary General ng BAYAN-ST, “Inutil ang kasalukuyang pamahalaang Aquino sa kawalang aksyon nito sa walang tigil na pagtaas ng

presyo ng mga produktong petrolyo at ang pagkikipit-balikat lamang nito sa 250% toll fee increase sa SLEX. Ang pambansang pagkilos na ito ay patikim pa lamang at hindi kami magsasawang bumalik sa mga lansangan upang ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino kasama na ang sektor ng transportasyon para sa makatarungang presyo ng produktong petrolyo, toll fee at pamasahe.” Tinatayang mahigit sa kalahating porsiyento ng mga driver at operator ng pampublikong sasakyan ang nakibahagi at nakiisa sa pagkilos na ito sa buong rehiyon ng Timog Katagalugan. REX DEL ROSARIO

Artist sketch ng tirador ng Bacoor BIR officer inilabas Ipinalabas na kamakailan ng pulisya ang cartographic sketch ng gunman na suspek sa pagpatay sa BIR Officer na si Albert Hernandez sa bayan ng Bacoor, Cavite noong kamkailan. Kung matatandaan, si Hernandez, 51, Revenue Officer 1 ay document processor ng Bureau of Internal Revenue sa Bacoor Branch at residente ng Annex 35, Block 3, Lot 12, Cyrus Street, Parañaque City ay napaslang dakong ika-9 ng umaga matapos pagbabarilin sa kanyang opisina sa Tirona Highway, Barangay Dulong Bayan. Ayon kay P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. ng Calabarzon PNP, ang suspekna na gumamit ng Super 38 pistol ay nasa edad 43 at naglakad pa sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng BIR building. Dahil dito, inatasan na ni Pagdilao si Cavite PNP director P/Senior Supt. Danilo Maligalig na bumuo ng Special Investigation Task Group upang pabilisin ang imbestigasyon sa pagpatay kay Hernandez. Samantala, binigyan na rin ng direktiba ni Pagdilao ang Crime Laboratory Service ng Cavite PNP para tapusin kaagad ang resulta ng ballistic examination sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene nang sa gayon ay mai-cross match sa iba pang mga bala na narekober sa iba pang insidente ng pamamaril sa Cavite at Southern Tagalog Region. – Michella Vale Cruz


MARSO 27-ABRIL 2, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 26

INILIBING na noong nakaraang Marso 31, 2011 ang isang dalagang sinasabing saksi sa naganap na patayan sa Calumpang St., Caridad, Cavite City. Inaasahang kasama na nitong maililibing ang kaso sa pamamaslang kay Joaquin Martin at maging ang kaso sa pamamaslang sa una. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaslang kay Michelle Yap Santiago, 29, dala-

ga, may isang anak, at residente ng 537 Lopez Jaena St., Caridad, Cavite City dakong 2:00 n.u. sa Brgy. 30, Calumpang St., ng nasabing lunsod. Ayon sa ulat ni PO1 Nick Balberan, isang hindi pa nakikilalang salarin ang pumaslang sa bikti-

ma sa pamamagitan ng pagbaril dito ng hindi pa malamang kalibre ng baril na tumama sa mukha ng biktima. Agad namang naisugod sa Bautista Hospital ang biktima subalit agad din itong binawian ng buhay makalipas

Sports, prayoridad ng LMP—Strike Revilla Hinihikayat ngayon ni Mayor Strike Revilla ng Bacoor, Cavite, at pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), ang kapwa nya punong bayan na isama ang sports development at physical fitness sa talaan ng prayoridad sa kanilang nasasakupan. Inihayag ito sa media ng anak ng dating senador na si Ramon Revilla

Sr. at kapatid ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., upang maisagawa ang mga programa lalong lalo na sa mga rural na lugar . “Hindi lang sa Bacoor, pero dapat sa lahat ng munisipalidad ng buong bansa, magkaroon ng makabuluhang sports program. Hiling natin na magaan ng panahon, oras at pera ang mga mayor para sa kabataan pagdating sa sports para naman mailayo sila sa droga at krimen.” wika ni Revilla.

Mayor Strike Revilla Sa PSA forum

Appointed by Mayor Revilla to implement LMP’s sports program is former Sta. Lucia Realty coach and PBL Grand Slam mentor Alfrancis Chua, who also appeared in the Forum. Bilang dating basketball player noong kabataan, gustong isulong ngayon ni Mayor Revilla ang halaga ng sports s amga kasapi ng LMP. Ayon ditto, itutuloy nya ang kanyang programa hanggang sa matapos ang kanyang termino.

ng ilang minuto. Sa pakikipag-ugnayan ng mga kaanak ng dalawang biktima sa Responde Cavite, isiniwalat ng mga ito na si Santiago ay saksi umano sa naganap na pamamaslang kay Joaquin Martin kamakailan.

Sinabi ng mga ito na kasama umano si Santiago ni Martin at ilang mga kabarkada nito ng biglang may pumaradang isang sasakyan sa lugar na kanilang pinagtatambayan. Puwersahan umano silang pinaalis ng mga nakasakay dito, makalipas ang ilang sandali ay nakarinig na umano sila ng putok. Natakot umano ang mga kabarkada ni Martin sa pangyayari, at tanging si Santiago lang anila may lakas ng loob na tumestigo kung sino ang salarin.

3

Si Santiago rin anila ang sumama sa mga kamag-anak ni Martin sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa isang programa sa telebisyon upang isiwalat kung sino ang pumaslang. Hinihinala naman ng mga kaanak ni Santiago na malaki ang kaugnayan ng pagtetestigo nito sa kaso ni Martin kaya ito iniligpit. Sa salaysay ng mga ito sa Responde Cavite, inakyat umano ng salarin ang bahay ni Santiago at nagkataong natutulog ito ng barilin sa mukha.


4

ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

TaguanPing (Intelligent SALUDO tayo kay Sen. Ping Lacson. Kinupal at pinanis ni Sen. Ping ang mga pinakamahuhusay at pinakamatatalino sa pangangalap ng intelligence report para sa gobyerno. Si Sen. Ping na isang national figure, na ultimo bata ay mamumukhaan, na walang hindi makakakilala, ay hindi nila makita-kita, mahanap-hanap, ano pa ang maasahan natin kung mahuhuli pa ng mga henyong ito ang mga lider ng malalaking sindikato, droga at iba pang illegal na gawain? Ah, kaya naman pala, at large pa rin ang lider ng Abu Sayyaf at iba’t iba pang terorista na naghahasik ng lagim sa buong bansa. Nakuw pow, ang alam ko, ilan sa mga iskolar ng intelligence people ng gobyerno ay sa abroad pa nag-aral at may training pa mula sa FBI at CIA, at sa kabila ng daang milyong pisong intelligence fund… isang napakapamilyar na mukha at personalidad, hindi ma-

Suggestion para sa ISAF, PNP, AFP, Interpol at NBI) hanap-hanap! Hala! Ay sori naman. Kaya nga pala hindi madakidakip ang mga lider ng mga bandidong grupo’t terorista na humaharap sa telebisyon ay pawang nakamaskara ang mga ito. Kaya naman, ang suggestion natin sa mga henyo ng intelligence people ng gobyerno para sa susunod na may kagaya ni Sen. Ping Lacson na hindi nila mahanap-hanap, isang lugar lang ang dapat nilang puntahan: Quiapo! Aba naman, di hamak na mas matindi ang intelligence report ng mga espiritista at medium sa Quiapo. Yung kaluluwang ligaw nga, nahahanap at nakakusap pa nila, yun pa kayang pugante? Hindi pa masasayang ang milyong pisong buwis ni Juan dela Cruz. Sa Quiapo, P50 lang, katalo na. May libre kandila ka pa at padasal. Amen!

Mga bulkang buhay na buhay SA Seismology, tatlong pagsabog ng bulkan ang binigyan ng masusing pag-aaral at tinaguriang “classic eruptions”. Ang tatlong ito na nakasabog sa mundo ay ang Vesuvius sa Mediterranean, Krakatoa sa Indonesia at Mt. Pelee sa Caribbean. Noong February 5, A.D. 62 isang matinding lindol ang yumanig sa paligid ng Naples, Kanluran ng Italya, lalo na sa bayan ng Pompeii at Herculaneum na mas malapit sa Vesuvius. Sa loob ng labing-anim na taon ng patuloy ang pagyanig ng lupa na hindi naman pinapansin ng mga tao na sanay na sa mga pagputok ng bulkan. Nang sumapit ang Aug 24, A.D. 79 ay sumabog ng sobra lakas ang Vesuvius. Mahigit na dalawang-libong tao ang namatay sanhi ng pagkakalanghap ng gas ng “sulphurous tumes”. Ang Pompeii ay natabunan ng nagbabagang lava at abo at tuluyang nabura sa mapa.Gayon din ang kinahinatnan ng Herculaneum na sa ilang saglit ay tinabunan ng “mudflow” na binubuo ng putik, punice, boulders at debris. *** Ang Indonesia ay lugar na kinalalagyan ng maraming bulkan at “epicenter” ng malulubhang paglindol. Isa ito sa kasapi ng “Ring of Fire” na sa katotohanan ay ang Pacific Ocean at mga continente o kalupaang nakapaligid dito.Sa Sundra Straits naman na nasa pagitan ng Java at Sumatra ay mga isla na binubuo ng Krakatoa, Verlaten, Lang at Polish Hat. Dalawang “volcanic cone”, Rakata at Perboewetan ang matatagpuan sa Krakatoa. Nagsimula ang explosion ng May 20, 1883 na maririnig hanggang sa 150 kilometers na layo. Noong June, ang mataas na parte ng Perboewetan ay natanggal na. At pagkatapos ng tatlong buwan na pagyanig, pagbubuga ng usok at abo at pagkamatay ng kahoy at halaman ng Kratatoa, dumating ang pinakamatinding sakuna na naranasan ng Indonesia. August 26-27, 1883 ay tuluyan ng sumabog ang bulkan at ito ay narinig hanggang sa South Australia (3,224 kms), Diego Garcia (Indian Ocean 3,647 kms) at Rodriguez Island (Mauritius 4,811 kms). About 15 cubic kilometers of matter ang ibinuga 80 kms paitaas at ang hilagang kaputol ng Krakatao ay nabura kasama ng Perboewetan, Rakata at Polish Hat. Ang pinakamasaklap na nangyari ay ang patuloy na paglindol na nagbunga ng tsunamis na ikinaputi ng buhay ng mahigit sa 36,000 katao. *** Ang Mt. Pelee ay nasa sa St Pierre, isang bayan sa Martinique Island sa Caribbean. Ang isla, bayan at bulkan ay kilala sa angkin nilang kagandahan. Ang St. Pierre ay may matataas na gusali, katedral, ospital,sinihan at electric “lighting” noon pa mang panahon na yaon. May 5, 1902 nagsimula ang eruption mula sa “small crater” na Etang Sec. Pagdating ng May 8 (Ascension Day) tumindi na ng husto ang pagyanig ng lupa, ang pagtaas ng magma (molten lava) at paglitaw at pagsabog ng “nuees ardientes” (Glowing clouds) na binubuo ng napainit na husto na gas at kumikislap na mga solidong bagay. Tinatayang mga 30,000 tao ang kasamang nasunog sa St. Pierre. Nang August 30, malakas na “nuees” ang rumaragasang pababa mula sa Mt. Peelee, muling sinunog ang Morne Rouge at pumatay ng mayroong 2,000 tao. Ang eruption ay patuloy hanggang 1903 at ang namuong lava sa ibabaw ng Etang Sec ay tumaas ng 310 metro at naging palatandaan ng kahambal-hambal na sinapit ng St Pierre. *** Ang pinaka-aktibong bulkan ng Pilipinas ay ang Mayon “The Perfect Cone”. Ang unang naitalang eruption ng Mayon ay noong 1616 kung saan ilang nayon na malapit sa bulkan ay nabugahan ng masansang na abo at kumukulong lava. Muling naghimagsik noong 1776 at sumusubong putik ay pumatay sa mga 2,000 tao. Gayon din ang nangyari noong 1814 at 2,000 na namang tao ang nalibing sa dalawang bayan. Pumutok ang Mayon noong 1897, 1914 and 1928.

Nagsisimula na namang pumutok ang Mayon noong April 20, 1968 na nagpatuloy ng ilan pang araw. Matitigas na bagay ang ibinuga 600 meters paitaas “vertical columns” ng usok at abo ang pumaitaas hanggang 10 kms at ang nuees ardentes ay pumuno sa magkabilang panig ng Mayon. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapakita ng gilas ang Mayon. Nanatili itong buhay at nagbubuga ng lahar sa sentrong crater upang mapanatili ang matikas nitong porma. *** Napakagandang tanawin ang Taal Lake na may 25 kms ang luwang, may Volcano Island at isang maliit na lake sa gitna ng Taal Volcano at Caldera. Ang kasaysayan ng pagsabog ng Taal ay nagsimula noong 1572, naulit noong 1574 at namahinga sa loob ng 337 na taon. Muling sumiklab ang bulkan noong 1911 kung saan ang “ash-cloud” ay napagmasdan hanggang sa layong 400 kms, 500 tao sa loob ng Volcano Island ang nasawi at 800 pang tao sa pampang ng lawa ang natapunan ng kumukulong putik. Muli na namang nag-alburoto ang Taal noong 1965 sa buong dalawang araw. Napuno ng abo ang kapaligiran at muling lumitaw ang malamig na nuees ardentes. Mabuti’t naroroon ang “observatory” na nagbibigay ng babala sa napipintong eruption ng Taal kaya marami ang nagsilikas at 190 tao na lamang ang nasawi. Buhay na buhay pa rin ang Taal at manaka-naka ay nagbubuga ito ng abo at makulay at nagniningning na bagay na magandang pangitain mula sa Tagaytay City. *** Pumutok ang Mt. Pinatubo matapos ang may 500 taong pagkakahimlay. Marami pa ring mga bulkan sa iba’t-ibang sulok ng bansa na paminsan-minsan ay nagpapamalas ng sigla at panganib. Dapat nating tandaan na ang Pilipinas ay nakakabit sa “Ring of Fire”. Puwede nating paghandaan ang suliraning dulot ng pagputok ng bulkan at pagyanig ng lupa. “Nasa atin ang gawa, ngunit nasa Diyos ang awa”.

Akala ko parlor! AKO’Y labis na nabibigla sa mga kinikilos ni Cavite City Mayor Romeo ‘Ohmee’ Ramos. Maaaring tulad ko, maraming inaakala ang iba. Maraming iniisip sa kanyang pagkatao. Maraming haka-hakang lumalabas. Puro ekspekulasyon. Walang sapat na pruweba at buhay na ebidensiyang makakapagpatunay sa kanyang pagkatao na tulad ng iniisp ng marami. Akala nila ay na dahil sa mahlig at magaling sa ball room dance si mayor ay ganoon na. May isyu pa sa kanyang pagiging binata hanggang sa ngayon. Pero sa aking nakikita, malayo sa mga iniisip ng mga tao. Ayon sa kanyang mga pagnanais na dokumentong ipinararating sa Sangguniang Bayan, na kalimitan ay hindi alam ng taong bayan-- puro pang brusko ang kanyang mga kahilingan. Una ay limang armalite riffle... Ngayon naman ay Bushmaster Assault Riffle. Nagkamali ako! Nagkamali ang marami! Bhe!... Private army pala ang gustong itayo ni Mayor Ohmee Ramos! Hindi parlor!


ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

Hadlang o Tulong sa Pagiging Malikhain? DAPAT barilin sa ulo ang copyright.” Ito ang mariing pahayag ng tagapagsalita sa isang forum na dinaluhan ko kamakailan. Ayon sa tagapagsalita, na guro sa isang pamantasan sa Maynila, ang copyright ay hadlang sa pagdami ng mga bagong likha kaya dapat lamang na tuluyan na itong isantabi at kitlin ang buhay. Ikaw, ano sa palagay mo? Hadlang nga ba ang copyright sa creativity o pagiging malikhain o tulong sa paglabas ng mga bagong likha? Mataas ang tingin sa mga malikhaing tao mula noon hanggang ngayon. Makikita at mararanasan ang creative output nila sa mga tula, awit, nobela, drowing, at eskultura. Dahil naiaangat ng likha ang isip at damdamin, itinuturing na genius ang mga malikhaing tao. Angat kasi sila sa pangkaraniwan. Halimbawa, ang literotika o nobelang erotika ni Frida Mujer na “Mingaw” ay matatawag na likhang angat sa pangkaraniwan. Sa pamamagitan ng maiinit na sex scenes ay naipahayag ni Mujer ang kalagayan ng mga OFW. Maiinit ang aksiyon sa kama para malabanan ang lamig sa puso dahil sa pagkalayo sa sariling bayan at pamilya. Nakuha natin ang salitang muse mula sa mga sinaunang Greek. Ang musa ay diyosa na nagbibigayinspirasyon sa mga malikhaing tao. Kadalasan, ang

creative output ay likha sa literatura at sining. Ang pinuno ng mga musa ay si Apollo na isa sa mga diyos sa Mt. Olympus. Ayon sa mga eskultura at painting, si Apollo ay laging may hawak na lira. Ang musa ang siyang nag-uudyok sa may hawak ng lira na lumikha ng musika. Mula sa salitang musa ang salitang musika. Ang ibig sabihin ng musika ay ang sining ng mga musa. Mula rin sa salitang musa ang museum. Ang ibig sabihin naman nito ay lugar ng musa. Nagpatugtog kaya si Mujer ng lira? Nakinig kaya siya sa musika? Bumisita kaya siya sa museum kaya’t na-inspire ng mga musa para maisulat ang “Mingaw?” Ang copyright ay isang legal protection na ibinibigay sa mga awtor ng likhang scientific, literary, at artistic. Ibig sabihin ang awtor lamang ang may exclusive right o solong karapatan para magbigay-permiso sa sinumang nais gumamit o magparami ng kanyang akda. Si Mujer lamang ang may kapangyarihang bigyang-permiso ang publisher na ilathala ang kanyang libro. Ang tanong: bakit nakalikha pa rin siya ng “Mingaw” kung hadlang ang copyright sa creativity? Ang binibigyan ng copyright ay ang expression of ideas, hindi ang ideas o facts lamang. Ibig sabihin ang ideas tulad ng OFW, Korea, sex, love, college stu-

Secret Marshall mula P. 8

kutis at may mga matang hindi mababagabag ng anumang problema. “Sir!” Tuwid na tuwid si Pol, humahangang sumaludo sa heneral. “Wala ka na sa serbisyo, iho,” at naglahad ito ng palad. “ Okey ka na?” “Eto ho, sinisikap na makalimutan ang nangyari!” “Okey na malimutan mo ang nangyari…kaya lang, lagyan mo ng espesyal na lugar sa kalooban mo ang isang yumaong mahal sa buhay!” Ibig niyang mapapalatak sa husay ng pananalita ng heneral. “He need’s to forget…nang bumalik ang buhay niya sa normal!” singit ni Popsy. Kinindatan ni Cookie si Popsy. “ Wow! What an expression of concern!” Nakita ni Pol, nakalapit agad si Popsy kay Cookie. Nakurot agad ito sa tagiliran. Nagtatawang umigtad si Cookie, palayo. Naiwan ang dalawang militar, samantalang ang dalawang dalaga’y lumapit kay Misis Aguila. “So, okey naman ang trabaho sa korporasyon “namin?” anang heneral. Kabilang si Heneral Aguila sa may mga puhunan sa korporasyon. “Pinagbubuti ho….” “Sa security business, kailangang alert ka, may malasakit,at konsentrasyon. Sa mga sinasabi ni Admiral, most welcome ka sa korporasyon!” “Malaki’ng utang na loob ko kay Admiral. Tinanggap pa rin niya ako, kahit may bagahe ako. Pero sabi ko sa kanya, kung makasasagabal ‘yon sa trabaho ko, fire me out!” Lalong umamo ang mga mata ng heneral nang tumitig sa kanya. “We will do that…,” mahinang sagot ng heneral. “ Pero in the mean time, tutulungan ka namin. Para maalis ang bagahe na sinasabi mo, sabihin mo kung ano pa ang magagawa ko.” Naisip ni Pol si Perry Solo. Si PSI Leonides Buenafe. Sina Hector, Don, Mat at Matilda at iba pang bumubuo ng Support Action Force (SAF). At si Margallo at ang Embudo Gang. Ngunit hindi muna niya bubuksan iyon kay Major General Bernardo Aguila. “Sir…sasabihin ko sa inyo kung handa na ako.” Sa halip na mapanatili ang kapayapaan sa sarili, nakita ni Pol ang ulap ng pag-aalinlangan sa mga mata nito. Marami pa itong gustong itanong. Ngunit hindi niya ito sasagutin kung sakali. Kailangan muna niyang makausap si Perry Solo.

“ There are shadows in his eyes…bakit?” usisa nito kay Popsy. Gayong kaharap din siya, parang hindi siya pinansin nito. “Hindi nasabi sa ‘yo ng Dad mo? Si SPO 4 Leopoldo Alonso (resigned) ang boy friend ng pinaslang na babae sa holdap. Hindi mo nabasa ang sensational case na ‘yon?” “One month ako sa Singapore,” sambot ni Cookie. “ May kinuha ako roon na special course on the language of the computer!” “Hindi mo na-monitor sa CNN at BBC World ang sensational na holdapan na ‘yon? May broadcast ‘yon sa Singapore!” sabi ni Popsy. “ Sorry, Popsy…local news ‘yon,” hadlang ni Pol. “ A scholar should not be bothered about that news.” Hinarap ni Cookie si Pol, inilahad ang kamay sa pagsimpatiya habang nakatitig pa rin sa binata. “ A tragic incident like that is a concern of everybody!” sabi sa kanya ng dalaga. “Thank you,” sagot ni Pol. “ Closed na sa pulisya ang kaso.” Mahigpit ang hawak ni Cookie sa palad ni Pol. Nakatingin doon si Popsy. “ Nabasa ko just yesterday, a short write-up about the incident. The reporter said it should not be declared as solved. The police should deepened its investigation. Ang head ng balita: just a tip of an iceberg!” “And who’s the writer?” usisa ni Popsy. “Perry Solo, star reporter ng Daily Vanguard. Dahil pinatulan n’ya ang nangyari, there must be something in it!” Hindi nabasa ni Pol ang sinulat na iyon ni Perry Solo. Kilala niya ito. Matapang na reporter. Maraming kaso ng libelo. May mga nagpipiyansa rito para malayang makapagsulat. “And so my conclusion, hindi tunay na sarado sa kaibigan mo ang kasong ‘yon, Popsy!” Parang nalagay sa on the spot si Pol. Kailangan niyang makausap si Perry Solo. Naniniwala rin ang star reporter na sindikato at hindi indibidwal na tulad ni Dadong Kulot ang responsable sa pagkamatay ni Malou! Narinig ni Pol ang tikhim sa kanilang tabi. Si General Aguila. “At ikaw pala ‘yung boyfriend ng dalagang nadisgrasya sa hold-up!” Awtomatiko, nagtaas ng kanay kamay sa pagsaludo si Pol. Kaharap niya ang isang lalaking malaking bulto, matatag ang tikom nitong bibig, kayumanggi ang

Itutuloy

5

dent, at iba pa ay puwedeng gamitin ng kahit na sinong awtor sa kanyang nobela o tula. Pero ang may copyright ay ang expression nito o kung papaano ito naisulat at nabigyang-buhay. Tulad na lang ng “Mingaw” ni Mujer. Hindi naman ipinagbabawal ng copyright ang paggamit sa ideas. Lumilitaw pa ang husay ng awtor kapag pinaghahalo-halo niya ang mga sangkap na idea para makapagluto ng isang masarap at kakaibang putaheng nobela. Ang expression of ideas ang nagpapakita sa husay at pagkamalikhain ng awtor. Ang batas na nagsasaad ng mga karapatan ng mga awtor ay ang Copyright Law na nakapaloob sa Intellectual Property Code of the Philippines. Nagkaroon ito ng epekto bilang batas noong 1998. Kung totoong hadlang ang copyright sa pagkamalikhain, dapat ay simula pa noong 1998, wala nang mga bagong librong nailathala sa Pilipinas. Teka… bago ka magbigay ng iyong palagay, ako muna ulit. Si Abdon Balde, Jr. ay civil engineer sa loob ng 33 taon bago naging nobelista at makata. Sa huling bilang ay nakapagsulat na siya ng sampung nobela kung saan ang tatlo ang tumanggap ng National Book Awards: “Mayong” (2003), “Calvary Road” (2004) at “Hunyango sa Bato” (2005). Kamakailan, nagsulat din siya ng bestseller na “60ZENS: Tips on Senior Citizenship” (2010). Ang pinagsama-samang benta ng anim na libro ni Bob Ong noong 2008 ay lampas na sa 250,000 copies. Sa kasalukuyan ay nakakawalong libro na si Bob Ong. Ang mga libro ni Bob Ong ay binibili ng mga tao lalo na ng mga estudyante kahit na hindi ito required reading sa school. Ang pinakabagong nobela ni Bob Ong ay “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan” (2010). Si Miguel Syjuco ang unang Pinoy na nagwagi sa 2008 Man Asian Literary Prize para sa kanyang unang nobelang “Ilustrado.” Ang premyong tinanggap ni Syjuco dahil sa libro ay 100,000 US dollars o 4.3 million pesos. Papaanong nakalikha ng bagong libro ang mga awtor na nabanggit, at kumita pa nga, kung hadlang lamang ang copyright sa pagiging malikhain? Ang palagay ko ay nagdadahilan lamang ang mga taong hindi makalikha. Kesyo may copyright, kesyo walang copyright, kesyo mainit, kesyo malamig at kung ano-ano pang dahilan. Kung talagang pagaganahin ang utak ay maaakit natin ang mga musa at magiging malikhain din tayo, may copyright man o wala. Ito ang palagay ko. Ikaw, ano ang palagay mo? Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang-proteksiyon ang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang mag-manage nito kung heirs kayo ng author. Wala pong membership fee. Para sa mga tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.filcols.blogspot.com 747-9250 local 401746-7162- 0919-3175708


6

ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

*Maliban sa 5 Armalite Riffle *Private Army, planong itayo?

MAYOR RAMOS, BIBILI NG ASSAULT RIFFLE DALAWANG Bushmaster Assault Riffle ang gustong bilin ni Cavite City Mayor Romeo ‘Ohmee’ Ramos bukod pa sa naunang limang armalite riffle na hiniling nito sa konseho kamakailan. Ayon sa Letter of Request ni Ramos na may petsang March 22, 2011, hinihiling nito sa konseho na siya ay bibili ng dalawang Bushmaster Assault Riffle Caliber 5.56/223 na nagkakahalaga ng P.3-M. Nakasaad sa specification ng liham na pirmado ni Mayor Ramos na ang bibilin nitong riffle na Bushmaster USA ay 14 inches 9 riffle twist ay may 30 round box at adjustable sa anim na posisyon. Nagkakahalaga ang bawat isa nito ng P150,000 kaya may kabuuang P.3-M ang dalawang piraso. Matatandaan na kamakailan ay hiniling din ni Ramos sa konseho na nais niyang bumili ng limang armalire riffle. Dahil dito, umani na naman mula sa iba’t ibang sektor at indibiduwal ang planong ito ni Mayor Ramos. Ayon sa isang samahan ng mga maralita sa siyudad ng Cavite, sa halip na anila na pangtulong sa kabuhayan ng mamamayan ay mga instrumento sa pagkitil ng buhay ang mga proyektong nais ni Mayor Ramos. “Ano bang ganda ang idudulot ng baril sa tao?” pahayag ni Aling Beth na tindera sa palengke “Gaganda ba ang buhay nating mga Caviteño kung maraming baril ang namumuno?” “Marahil ay pilit nilang pinagugulo ang lunsod upang may katwiran silang bumuli ng malalakas na armas. At kung makabili man sila, solusyon ba ang karahasan para matigil ang isang karahasan. Maraming naluluging negosyo kapag sunud-sunod ang patayan.” pahayag naman ni Daniel, isang negosyante. Samantala, isang dating konsehal ang nagsabing maaaring may binubuong private army si Mayor Ramos, at nais niyang ga-

wing proteksyon ito upang manatili siya sa puwesto. Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan sa pagbuwag sa mga private army na binubuo ng mga pulitiko, ay nagpipilit naman si Mayor Ramos sa pagbili ng mga malalakas na kalibre ng baril. Matatandaan na ang mga Ampatuan ay isa sa mga kinikilalang may malakas na private army ay umabuso sa posisyon na humantong sa pagmasaker. Dahil dito, nangangamba ang mga Caviteño sa kapangyarihang maaaring idulot ng mga mamalakas na kalibre ng baril sakaling mapasakamay ito ng mga tauhan ni Mayor Ramos. “Natapos na sa Cavite ang malalagim na patayan ng mga grupo-grupo. Mahabang panahong nabalot sa pangamba at takot ang ma-

rami. “H’wag sanang hayaan ng Panginoon na maulit ito kung sakaling mapunta sa maling kamay ang malalakas na kalibre ng baril.” pahayag naman isang taong simbahan na nasaksihan ang matagal na pagbalot sa lunsod ng kilabot at takot.



8

ABRIL 23-9 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

SECRET MARSHALL 2000 NI EFREN R. ABUEG Nakaraan: Hinala ng pulis na si Pol na sindikato ang nasa likod ng pagkapatay sa kanyang kasintahan sa isang holdapan. Tumibay iyon nang masakote nila ang dalawang EFREN R. ABUEG nakapatay naman sa suspek. Pinalaya ito ng isang opisyal ng pulisya. Nagbitiw si Pol. NASA bangketa si Pol, katapat uli ng Blue Star. Nag-aanyaya pa rin, tulad nang huling naroon siya, ang kikindat-kindat na liwanag ng karatula sa maliit na resto-bar na iyon. Sumasaboy iyon sa ibaba, inaabot ang iista-istambay, sisiga-sigarilyong tatlong babaing waring napakahaba ng pasensiya sa pag-aabang ng kinasasabikang mga taong hindi malaman kung darating. Mula sa loob, may umaalpas na tugtuging maharot at maingay, tinatawagan ng pansin ang mga nagsasadya o naliligaw sa magkakrus na mga kalye roon. Kahapon, sinamahan niya si Misis Lorenzo at Popsy sa shopping mall. “Ano’ng pabango mo?” tanong ni Popsy. Biglang naalinsanganan, naitanong niya sa sarili kung naaamoy siya ni Popsy. Sinabi ni Pol. “ Pangbangketa lang.” “Okey…titingnan ko kung may ganyang brand,” biro nito. At hindi siya makapaniwala, ibinili siya ng pabango ni Popsy. “Gusto ko ‘yan para sa macho. At sana… laging maisip mo ako!” At tumawa ito nang malutong na ikinalingon ng nauunang si Misis Lorenzo. Narinig ni Pol sa kanyang likuran ang kantyawan, tawanan at lagutok ng mga bolang bumabangga sa kapwa mga bula ng bilyar. Parang lobong pumutok ang gunita kay Popsy. Ngayon, sa Blue Star, si Gwen ang unang makakalanghap ng pabango. Si Gwen na uusisain niya kung nasaan na sina Baldong Kaha , Pachoy at ang hindi niya nakatagpong si Cosmeng Baso. Kasapi kaya ang mga ito sa sindikato? Tumawid siya ng kalye. Nagkilusan ang tatlong babae. Pagsampa niya sa bangketa sa kabila, hindi niya kilala ang dalawang babaing naunang lumapit sa kanya. “Bosing…panrelaks?” sabi ng nakaunang bumati—bahagyang payat, mabigat ang boobs at malapad ang balakang. “Diana, beer muna…saka himas!” pasunod ng ikalawang malaman ang mga bisig, malaki ang katawan at may mga hitang palaban kung ilantad. Sorry, sabi ni Pol sa sarili. Hindi sa inyo, pagakyat ko sa kubo. “Si Gwen?” tanong niya. “Kilala mo si Gwen?” tanong ng unang lumapit sa ikalawa, may badya ang anyo ng mukha. “Kami na lang, Bosing. Bigay din namin… service sa ‘yo ni Gwen,”sabi ng pangalawa. Isang babae ang lumapit, parang lumilipad. “Hoy, regular ko ‘yan. Bosing, tuloy na tayo ngayon, ha?” Si Gwen nga, nakilala ni Pol. Paglapit, umakbay agad sa kanya at hinila siya. “Doon na tayo sa kubo…d’un ka na mag-beer! Aaswangin ka lang ng dal’wang ‘yan sa labas!” Nakatingin ang dalawang unang umestima kay Pol. Parang namalikmata. “Pasensya na. May atraso ako kay Gwen!” sabi niya sa mga babae. Napatangay si Pol. May sinabi si Gwen sa lalaking nakasalubong. At bago sila nakapanhik sa kubo, kasunod agad ang bukas nang kambal na mga bote ng beer. “One for you, one for me,” sabi ni Gwen at iniupo

siya sa kawayang sopa roon. May papag na nakaabang, may patong nang kutson at dalawang asul na unan. Sa kanyang kwarto, nang madaling-araw na iyon, hindi agad nakatulog si Pol. Hindi miminsang napalambutsing siya sa mga babae. Minsan o makalawa siyang pumatol nang all the way. Sa mga karaniwan, takot siya. Haplos, pindot, sapo lang ang trip niya. Ngunit iba si Gwen. May paso ang init ng dila nito, may bakas sa balat ang mga haplos nito, saka may habol ng hininga ang kipit ng mga hita nito. Nakabubuo ng imahe ng mga ginagawa sa kanya ni Malou ang mga anas at bulong nito. Ayaw niyang maging bisyo si Gwen. Malou.

Tama siya. Bumalik sa Blue Star sina Cosmeng Baso, Baldong Kaha at Pachoy. Inuusisa si Gwen tungkol sa isang gustong humamon kay Dadong Kulot sa bilyar. “Ikaw ‘yon. Sabi ko, ba’t ka hinahanap?” pagbibida ni Gwen. “Hinahanting ako?” usisa niya nang binibimpuhan na nito ang kanyang nanlagkit na dibdib. “ Hindi. Extra challenge daw…sa bilyar! Dalawang beses narito…itinatanong ka pa rin.” “ Di ko sila bistado. Paano kung mas mahusay pala sila kay Dadong Kulot? Di nalupog pati nadilhensya ko sa Pagcor.” “Sabi ko nga, kay Dadong Kulot ka interesado. Natuloy sana ang laban…kundi nadisgrasya si Dado. Nabasa ko sa Bulgar at Abante.” “Di nawala’ng mga holdap sa paligid?” usisa ni Pol. “Kataka-taka nga. Nang madedbol si Dado, lalong gumrabe krimen…di lang holdap. May kidnaping pa ngayon!” Naisip uli niya ang sindikato. Hinahanap nga siya. “Di ba delikado ako rito?” kunwa’y takot si Pol. “Sinadya kita…dahil walang nangyari n’un.” At niyakap niya si Gwen, tulad ng pagyakap na ginagawa niya kay Malou. Naglaro ang mga bituin sa mga mata nito. “Balik ka. Basta sa akin ka…sagot kita. Malakas ako ke Boss!”

PART 7 NAGBALIK siya sa Blue Star dahil nagmamalasakit siya. Hindi na dahil kay Malou. Ayaw niyang mabiktima ang iba pang mga babae. Ibig niyang makakuha ng dagdag na mga datos para mapatunayan niyang may aktibong sindikato at may mga opisyal ng pulisya na nagkakanlong sa mga ilegal na operesyon nito. Nakatingin si Pol sa kisame ng kanyang silid. Sa kaputian niyon, itinatanong niya sa sarili kung kailangan pa niyang magmalasakit. Hindi na maibabalik ang buhay ni Malou. Patay na rin si Dadong Kulot na pangunahing suspek para sa pulisya. Sarado na ang kaso. Ayaw paniwalaan ang kanyang sinasabi na may sindikato sa likod ng patuloy na holdapan at kidnapan. Nakapagbitiw na siya sa tungkulin. Hindi na siya si SPO 4 Leopoldo “Pol” Alonso. Pribadong mamamayan na siya. Assistant chief security siya ngayon ng isang korporasyon ng mga heneral. May natatanaw siyang maalwang kinabukasan. At nakadikit siya sa dating Admiral Damaso Lorenzo, nakatagpo ang magandang pamangkin nitong si Popsy na halatang gusto siyang maging kaibigan. “Mag-asawa ka na, Pol,” nagunita niyang payo ni Misis Saltiero. “Matutuwa si Malou kapag lumagay ka na sa tahimik!” Pumikit si Pol. Ibig na niyang makatulog. Ibig niyang matahimik ang kanyang isip. Ngunit umuukilkil si Malou sa malay niya. Ang mabangis na mukha ni Gargallo. Ipinalikida nito si Dadong Kulot. May pinagtatakpang sindikato. Gayundin din sina Hector, Don at Mat, at PSI Buenafe. Kailangan pa ba siya ng Support Action Force (SAF)? “All for one and one for all tayo!” sinasabi ng mga ito sa kanya. Ngunit higit sa lahat, naiisip niya na napakamahal ng pagmamalasakit sa kanyang panahon. Ugat ng kapahamakan. Kabangga’y kabulukan at pagnanakaw sa pamahalaan. Ang pagmamalasakit ay pagpapakasakit! Alam niya, nagmamalasakit din sina Hector, Don at Mat. Ipinagugunita sa kanya ang panganib: hindi siya agad-agad makahahawak ng mahahabang baril. Maaari siyang mapatay. Pinuno man siya ng isang security corporation, hindi niya maipangangahas ang pribiliheyo niya sa armas. Ang prebilihiyong magamit ang kapangyarihan ng estado ang ultimong proteksyon niya laban sa krimen. At ngayong sarado na ang kaso ni Malou, maaari na siyang tumahimik. May pagkakataon pa siyang maging chief security ng korporasyon kapag nagretiro na ang dating Admiral Damaso Lorenzo. Naglaro sa kanyang isip si Popsy—isang makabagong babaing maganda, malambing at malaya sa pagkilos. “Si Cookie,” pagpapakilala ni Popsy kay Pol. “Twenty lang ‘yan, pero sa thirty years old ang utak. Kilalang achiever ‘yan sa State University.” Walang reaksyon mula kay Cookie. Parang nagiisip. Lampas nang alas dos nang dumating silang tatlo sa malawak na bakuran ni Major General Bernardo Aguila, vice-chief of staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nakapananghalian na sila sa shopping mall, kaya hinainan sila ng mga prutas at dessert na ice cream. Sintaas at singkatawan ni Popsy si Cookie. Kung malambing at halos kangkarot si Popsy, medyo kimi si Cookie at parang ayaw ibahagi sa iba ang mga iniisip. Balikan sa P. 5


ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

G R E E T I N G S ! ! !

Happy Birthday to my dearest loving wife Ha

Hermie A. Catalan From your loving handsome husband OBET CATALAN


10

ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

Daang Matuwid ni PNoy, patungo sa kalbaryo ng ,mamamayan Sa pagtingin magmumukha nga namang malinis, maganda at maayos na sadyang kahali-halina, datapwat para kanino? Bakit ang mga kabahayan ng maralitang tagalunsod sa North at South Triangle sa Quezon City at Coastal Area sa Cavite ay marahas na dinedemolis? Bakit ang kabuhayan ng mga maliliit na maninindang naghahanapbuhay ng marangal sa Kadiwa Market ay kailangang idemolis? Makatwiran bang basta na lamang palayasin ang mga mamamayang Pilipino sa kanilang mga munting pamayanan na matagal ng matahimik na naninirahan at namumuhay malapit sa kanilang pinagkakakitaan at pinaghahanapbuhayan? Makatwiran bang palayasin ang mga maninindang matagal ng naghahanap buhay para sa kanilang mga pamilya at hindi naman nanganga na lamang o naasa sa gobyerno dahil sila ay nagbabanat ng buto para mabuhay? Samantala ang sektor ng uring magsasaka at manggagawang bukid ay apektado rin, dahil sa PPP ng rehimeng US-Aquino ay nagaganap ngayon ang malawak na land use conversion mula sa mga dating lupang sakahan tungo sa palit gamit nito na golf courses, executive subdivisions and villages, commercial establishments, malls at iba pa at isang halimbawa nito ay ang usapin pa ng mga magsasaka at lupang sakahan na pagtatayuan ng Eton City sa Sta.Rosa, Laguna. Ganito rin ang nangyayari sa mismong lupain ng pamilya ng panginoong may lupa o asenderong Pangulong Aquino -ang Hacienda Luisita na ang ibang bahagi ng lupang sakahan dito ay golf courses at commercial areas na. Ang sektor naman ng uring mangingisda ay apektado rin ng PPP kagaya sa Laguna Lake na ang plano ay ang buong paligid ng lawa ay tayuan ng nagdudugtong na kalsada paikot at mga commercial and business areas na magpapalayas din sa mga maralita at mamamalakayang umaasa sa biyaya ng lawa o mga

naghanapbuhay bilang mangingisda. Ganito rin ang mangyayari sa mga maralita at mamamalakaya ng baybayin ng Cavite hanggang Batangas na maapektuhan naman ng Cyber Bay City Project. Natatandaan ko tuloy na minsan may mga dayuhang kapitalistang Hapon at Intsik ang nahumaling sa ganda ng tanawin sa Bulkan at Lawa ng Taal at nagplanong magtayo ng hotel, resort at spa sa lugar, at dahil para sa mga aktibista at militanteng mamamayan ng Cavite at Batangas ay sisirain nito ang natural na ganda ng lugar ay kaagad silang nag-organisa at kumilos para labanan ito. At dahil nga sa pag-iingay ng mga grupong ito kasama na rin ang mga environmental activists ay napigilan ang katarantaduhang pagsalaula sa lugar at napilitan na ring yumupyop ang gobyerno na noong una ay tila parang payag at walang kibo pa. Sabi nga sa isang linya ng kanta, “Hindi nga masama ang pag-unlad kung hindi makakasira ng kalikasan,� at nais ko pang idagdag naman na hindi nga masama ang pag-unlad kung hindi makakasira hindi lamang ng kalikasan kundi ng kabahayan at kabuhayan ng mamamayan nito. At sa puntong ito hindi tamang isipin na lamang ng kasalukuyang gobyernong republika-kapitalista ang mga kikitain o tutubuin ng kanilang mga bulsa este ng kaban ng bayan kung mas marami namang bilang ng mayoryang Pilipino lalo ng masang anakpawis ang apektado at mawawalan ng kabahayan, kabuhayan bukod pa ang pagkasira ng kalikasan. Samakatuwid inihahanda ng kasalukuyang umiiral na gobyernong republika-kapitalista ngayon ang Pilipinas para sa mga dayuhan at turista lamang at hindi para sa interes at kagalingan ng sarili nitong kababayan. Sapagkat sa isang pamahalaang kapitalismo ay sadyang pawang mga ganid sa kapital, salapi at kayamanan ang naghahari kung saan ang mayayaman ay patuloy sa pagyaman at ang mahihirap ay lalo pang dadami sa paghihirap. Kabaligtaran ito ng ating inaasam-asam at pinapangarap na isang bagong gobyernong bayan na may sosyalistang pamahalaan na magwawakas sa pagsasamantala at pang-aalipin ng mayayaman sa mahihirap dahil sa sistema ng pamahalaang ganito ay iiral na ang pagkakapantay-pantay

at sabay-sabay na pag-unlad ng lahat. PERSONAL: Taos-pusong pakikiramay ang aking ipinapaabot sampu ng aming pamilya sa mga kapamilya at kamag-anakan ng aking pinsan na si Kuya RELLOSO REX DEL ROSARIO ng Indang, Cavite.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN: Hindi maiiwasan ipakita ang lihim mong pagkagusto sa isang taing bago mo lamang nakilala. Ang dahilan alam mo sa iyong sarili na siya ang iyong kaligayahan . Lucky days: Tuesday/ Friday. AQUARIUS: Minsan ang sobrang tiwala sa sarili ay nagdudulot ng kapalpakan tulad ngayon sobrang tiwala mo.Basted ka pala. Lucky days: Monday/Thursday. PISCES: Suwerteng-suwerte ka! Saan ka man magpunta magaganap sa iyo ang tunay na kaligayahan. Samantalahin ang araw na ito. ARIES: Kapag naduwag ka, isa lang magaganap, ang kabiguan ang iyong aanihin. Mayroon bang inaasahan ang taong mahina ang loob? Lucky days: Tuesday/Wednesday. TAURUS: Huwag kang matukso sa taong lalapit iyo, tila ba nang-aakit. Kapag natangay ka, malaking problema ang haharapn mo. Lucky days: Wednesday/Friday. GEMINI: Kakaiba ang damdamin mo ngayon. Puno ka ng sigal dahil umiibig ka na naman sa iyong katext. Lucky days: Monday/Wednesday. CANCER: Isang bagong yugto sa buhay mo ang nakatakdang maganap nang hindi mo inaasahan. Mabigla ka man ay matatanggap mo ito nang magaan sa kalooban. Lucky days: Thursday/Sunday. LEO: Assurance lamang ang iyong pagmamahal ang hinihintay ng kasuyo upang siya ay matahimik at magtiwala sa iyo. Lucky days: Saturday/Sunday. VIRGO: Tandan mo daig ng maagap ang masipag. Kaya wag kang pabagal-bagal. Baka iiyak ka sa sa bandang huli. Lucky days: Friday/Saturday LIBRA: Gumising kahit hindi ka naman talagang tulog. Di mo ba alam na ginagamit ka lang ng iba para sa kanilang kapakanan. Luckydays: Monday/Wednesday SCORPIO: Bakit ka patatangay sa mga negatibong pananaw? Layuan mo ang mga taong sawi at bigo sa buhay dahil maganda ang iyong kapalaran. Lucky days: Friday/Sunday SAGITTARIUS: Sosorpresahin ka ng iyong tadhana. Ang matagal mo ng kahilingan na akala mo nakalimutan na ng langit, biglang magkakaroon ng katuparan. Lucky days: Wednesday/Thursday


ABRIL 3-9, 2 0 11 | TA O N 2 | I S Y U 27

Panlaban sa putok BWAHAHAHAR! Magandang araw sa mga nagsa-sunbathing. Nawa’y makuha na ninyo ang tan na kulay na gusto nyo. Pati sana skin cancer. Ipinadala po sa pamamagitan ng isang paniking buking ang katanungan ng isa nating mambabasa. At ganito po ‘yun: Dear Abu Rhatbu, Sinekreto po ako ng bespren ko. Sinabihan akong pinag-uusapan na raw ng barkada ang matindi kong putok. Ano po kaya ang pwede kong gawin? Naguguluhan, Ebok Putok Dear Ebok Putok, nahamon ako ng katanungan mo. Kaya naman, ipinatawag ko ang pinakamahusay na chemist dito sa aming tribo. Tinesting namin ito sa ilan naming tauhan. At batay sa kanyang suggestion, subukan mo ang mga sumusunod: 1. (Nature’s Touch Lunas) Magpiga ng tatlong kalamansi sa isang platito. Isang kutsarang durog na tawas. Lagyan ng dinurog na tatlong pirasong mothballs o naptalina. Paghaluin ang mga ito hanggang sa lumapot. Ilagay sa kilikili sa kapag matapos maligo. Mabisang panlaban ang katas ng kalamansi laban sa bakterya. At ang tawas ay nakakapigil sa pagpapawis. Ang mothball ay mabisang pangontra sa baho at nagtataboy ng mga kulisap na nakakaamoy

ng baho. At para talagang umepektib, dapat magkulong ka muna sa loob ng baul sa loob ng limang araw. Huwag din maliligo sa loob ng limang araw. Hayaang manoot ang sangkap sa butas ng kiilikili.Maniwala ka, pagpapawisan na ang lahat nang bahagi ng iyong katawan, kilikili na lang hindi pa. Tuyong tuyo pa rin. Sa tapang ng anti-putok mo, hindi ka lalapitan ng bakterya, ng insekto at maging tao. 2. (Epektib Sintetik) Magpakuha ng kalahating basong pormalin sa pinakamalapit na punerarya. Pagnag-usisa ang hiningian, sabihin mo na lang na iimbalsamuhin mo ang alaga mong hayop. Isang kutsaritang Lysol. Isang medium size na dinurog na albatross bathroom deodorizer.Paghaluin ang lahat ng sangkap. Tapos, ipasipsip sa hiringgilya.Iturok sa mga butas sa kili-kili. Konting diin lang sa hiringgilya. Maraming butas ka kasing bubunuin. Mabisa ang formalin laban sa anumang bumabaho. Proven effective ang kemikal na ito. Hindi bumabaho ang mga bangkay, ginagamit din ito na pam-preserve ng mga hayop sa laborotoryo. Mabisa ang Lysol panlaban sa bactetria. At ang albatross bathroom deodorizer ay pampabango. Ipinapayo na wag muna masyadong magpapakapagod at magkikilos-kilos upang maging epektibo ang pormula. Isipin na lang na praktis mo ito kapag pinaglamayan ka. Ebok Putok, ako mismo ang magpapatunay sa iyo na ang mga tauhan kong pinagtestingan ng dati rati’y malalakas ang putok, ngayon ay hindi na namin sila naamoy. Pinag-uusapan na lamang naming sila. Paminsa-minsa, inaalayan ng bulaklak. Bwahahahar!

Laging tinatamad Dear Ate Bebang, Kahit na pilitin kong maging masipag ay lagi pa rin akong tinatamad hahaha siguro dahil lagi akong hahaha ewan… Ms. Colombia ng Sapang II, Ternate, Cavite Mahal kong Miss Colombia: Alam na alam ko ‘yan dahil nangyayari din sa akin ‘yan. Pero noon ‘yon. Nakuha ko namang tanggalin ang bisyo ng katawan ko, ang magtamad-tamaran. Buti at na-recognize mo na dapat problemahin ang ganitong habit ng katawan. Kasi ‘yong iba, wala na ngang ginagawa maghapon at magdamag, aba, galit pa pag tinawag mong tamad. Anyway, ‘wag mong puwersahin ang sarili mo. Unti-untiin nating ipasok ang sipag sa katawan mo. Hindi naman isang biglaan lang ang maging tamad. Kaya hindi rin isang biglaan lang ang maging masipag. Step one: Bukas, ilista mo ang lahat ng mga dapat mong gawin for the day. So kung 100 ‘yon, e di 100. Tapos pumili ka ng 10 bagay (representing 10% of the total things to do) na pinakakailangan mong gawin para bukas. I-consider mo ang urgency at ‘yong ikaw lang ang makakagawa. Tapos gawin mo. Yep. Pagkamulat na pagkamulat mo, iharang mo na sa mukha mo ang 10 things to do na ‘yan. Pag maaga mong natapos ang sampung ‘yan, mag-celebrate.

Paano magse-celebrate? E, di magpanakong-nakong kung gusto mo. Magpainat-inat sa kama kung gusto mo. Mahiga, matulog, manood ng TV. Bago ka matulog sa gabi, gawin uli ang step one. Pero this time, gawin na nating 15%. Okey ba ‘yon? Meaning, magkakaroon ka ng 15 things to do sa makalawa. Then ganon uli, pag natapos mo nang maaga, bahala ka na kung paano mo uubusin ang natitira mong oras. Next day? Ulitin ang step one with more things to do. Before you know it, masipag ka na. Before you know it, andami mo nang na-achieve. And before you know it, nagbago ka na pala! O di ba? Paano kung may hindi ka nagawa sa things to do mo? O, ‘wag malungkot. ‘Wag panghinaan ng loob. Bakit? Si Superman ka ba? Hindi, di ba? So okey lang ‘yon. Idagdag mo na lang ‘yong hindi mo nagawa sa things to do mo kinabukasan. ‘Wag ka rin munang kukuha ng tasks o things to do na nakakaubos ng oras. Saka na ‘yan. Kapag nakalevel up ka na. Lahat tayo, may weakness. Pero hindi dapat tayo nagpapadaig sa weakness natin. KAHIT ANO PA ‘YAN. Ang nagpapadaig sa sariling weakness, weakling! Agree? Magiging matatag at matibay habambuhay, Binibining Bebang Kung may suliranin sa sarili, pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.para sa panitikan, para sa bayan 0919-3175708 bebang_ej@yahoo.com

11


BACOOR, Cavite, — Bilang pinkamatandang anak, si Ramon Credo dapat ang magmamana ng bahay dito sa Pilipinas. Ito ay dahil ang kanyang ina na si Dolores, 65, at nakababatang kapatid ay nagpasya nang pumunta sa Canada at doon manirahan kasama ng kanyang kapatid na babae sa Ni taong ito. Obet Catalan

Abo ni Credo, dadalin sa Canada

SI Cornelia Peralta, 73, taga-Bacoor, Cavite byenan ni Ramon Credo, habang pinapainom ng tubig pamangkin na si Rina habang nagkukwento sa pagkakabitay ng kanyang manugang sa China, kamakailan. Itinuloy ng China ag pagbitay kay Credo at dalawa pang Filipino na napatunayang nagkasala ng drug trafficking sa kabila ng apela ng bansa, at ilang araw matapos batikusin ng Amnesty International ang nasabing bansa sa pagpapairal ng parusang kamatayan. Kabilang sina Elizabeth Batain, 38, na binitay sa pamamagitan ng lethal injection sa Shenzhen. Gayundin si Sally Ordinario-Villanueva, 32, at Credo, 42, sa Lunsod ng Xiamen naman.

Nabago ang plano ng pamilya nang mahatulan si Credo at dalawa pang Pinoy ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa China. “Nang masintensyahan si Ramon, nagpasya ang pamilya na ibenta na lang ang bahay,” wika ni Esperanza Pascua, tiyahin ni Credo. Si Pascua nag nagsilbing bantay sa bahay matapos pumunta ang mag-anak sa China para makita si Credo sa huling pagkakataon bago ito mabitay. Ayon pa rin kay Pascua, gusto ng pamilyang makalimutan ang masamang alaala. Nanatiling sarado ang bahay ng mga Credo sa publiko maging sa ilang malalapit na kaibigan at kapitbahay habang hinihintay ang masaklap na kapalaran

ni Credo. “Alam na namin na patay na bago pa ipalabas sa tv, tinawagan kasi naming ang staff ni Vice President (Jejomar) Binay” sabi ng kamaganak na ayaw magpakilala, saka pa lamang lumabas ang mga ito mula sa saradong bahay. “Gusto ni Dolores na madala ang abo ni Ramon sa Canada, o kung saan man sila pupunta para manirahan.” Samantala, isinisisi naman ng mag-anak ang lahat sa recruiter ni Credo na si Precy Evangelista, na taga Dasmariñas City. “Kapag naparusahan na ang babaeng ‘yun, saka pa lang kami matatahimik. Kakasuhan namin sya. Tulungan sana kami ng goby-

erno sa paghahanap ng katarungan” Samantala, hindi naman makita ang asawa’t anak nito habang hinihintay ang kahihinatnan ni Credo. Ayon sa ilang kamag-anak, nagpunta sa Imus ang mga ito upang doon magpahinga. Tumagal ng dalawang araw ang isingawang prayer vigil ng Migrante International sa labas ng bahay ni Sol, may bahay ni Credo. Ayon kay Gina Esguerra ng Migrante, mga 122 overseas Filipino workers ang nakakulong pa rin sa ibang bansa, 75 dito ay nasa death row sa China, 16 sa Saudi Arabia, at apat sa Middle East. Karamihan sa mga ito ay kinasuhan ng pagpatay dahil sa pagtatanggol sa sarili.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.