cavite_39

Page 1


2

MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

Diskriminasyon, R E L P I nagpapalawak ng HIV! TR NI WILLY GENERAGA

Kabilang ang mga researcher ng Cavite sa nagsagawa ng interview sa ilang biktima ng sakit na HIV/AIDS kamakailan. Itinuturing ang diskriminasyon na isa sa mga dahilan kung bakit nauuwi sa pagkitil ng sariling buhay ang mga biktima ng AIDS. Ito ang unang tangka ng “The People Living with HIV Stigma Index”, na idokumento ang basehan o dahilan ng diskriminasyon sa mga biktima ng AIDS. Bukod sa mga taga Cavite, kabilang din ang mga researcher sa Angeles, Metro Manila, Bulacan, Bacolod at Davao sa mga nakipagpanayam sa

80 katao na biktima ng sakit na AIDS upang makabuo ng polisiya at pamagitan laban sa sakit na ito. Ang nasabing panayam ay inorganisa ng Department of Health. Kalakip ng AIDS ang masamang opinion o pangit na palagay, lalo na sa mga taong meron nito. Ngunit ayon sa samahan,

kung mayroong buong pagkaunawa ang mga tao sa sakit na AIDS ay marahil mawala ang maling impresyon ng mga tao dito. Kadalasang itinataboy ang mga taong may sakit na AIDS, pinapaalis sa trabaho at pinandidirian maging ng sariling pamilya at kaibigan. Dahil dito, hindi

KILALA ang Tanza sa pagiging tahimik na lugar ng Cavite at sa pagiging makasaysayang lugar kung saan ginanap ang panunumpa ni Heneral Emilio Aguinaldo, ngunit bukod dito kilala rin ang Tanza sa pagkakaroon ng bagong sibol na mga tourist destination na dinadayo ng lokal at foreigner. Dito makikita ang iba’t ibang resort katulad ng Hardin ng Postema, Villa Buenaflor, Villa Excellance, at marami pang iba. At katulad ng pagsibol ng mga resort sa nasabing lugar, sumisibol din angkaragdagang pagunlad ng nasabing bayan. At bukod sa mga bagong establisyemento na naturang bayan ng Cavite, may mga iilang lugar pa rin sa Tanza, ang napapakinabangan ng mga magsasaka para sa kanilang hanap-buhay. Kapag sumapit na ang summer ay napupuno ang mga resort ng Tanza ma-

ging ng Naic, na sadya namang dinadayo ng mga turista sa loob at labas ng Cavite at ng bansa. Inaasahang patuloy ang paglago ng at pagunlad ng bayan ng Tanza sa tulong na rin ng mga bagong establisyemen-

tong itinatayo. Umaasa naman ang mga mamamayan ng bayan na mapanatili at lalaong mapaunlad ng bagong alkalde ng Tanza ang kanilang mahal na bayan. ERWELL PEÑALBA

Pag-unlad sa Tanza

Proyekto ng DA, nilagdaan! PINAGKALOOBAN ng halagang P38.5-milyon ng pamahalaan ng Kingdom of Spain ang Department of Agriculture (DA) para sa pondo ng proyekto sa CALABARZON (CaviteLaguna-Batangas-RizalQuezon). Ayon kay DA Secretary Bernie Fondevilla, nanawagan ng tulong ang pamahalaan upang maibangon ang mga mangingisda at magsasaka sa pinsalang idinulot ng pagbaha noong nakaraang taon dahil sa bagyong Ondoy at Pepeng. At ang nasabing halaga ay ang naging

tugon ng Spain para sa panawagan. Dagdag pa ni Fondevilla, pangangasiwaan ng Food and Agriculture Organization (FAO) ang proyekto, kabilang din sa sakop ng proyekto ang technical assistance at farm inputs tulad ng mga butong pananim, poultry, fingerlings at livestock. Inaasahang matatapos ang proyekto, na nilagdaan nina Mr. Kazuyuki Tsurumi ng FAO at ni Luis Arias Romero na Ambassador ng Espanya, sa Oktubre ng taong ito. SHELLA SALUD

nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga biktima ng sakit na magpagaling at mag-counseling. Ito rin ang naging dahilan kung bakit may mga mayroong AIDS ang nagtatago ng kanilang sakit na nagiging dahila ng pagkalat pa ng sakit at pagkahawa ng iba. Kaya naman isinagawa ang forum upang masolusyunan ang nararanasang diskriminasyon ng mga biktima ng nasabing sakit.

PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

Iligal na armas, nakumpiska! NI JUN ISIDRO

TANZA, CAVITE – Ilang armas na hinihinalang pag-aari ng mga miyembro ng private army at gun-for-hire group ang nakumpiska sa nasabing bayan kamakailan.

Sinalakay ng pulisya ng Tanza ang bahay ni Escolastico Mintu at Ramil Mintu sa nasabing bayan bago magmadaling araw at natagpuan ang tatlong rifle na may lamang

bala, shotgun, handgun, at ilang aksesori ng baril. Agad namang inaresto ang dalawa, na hinihinalang miyembro ng Ambagan Group, na kilala bilang isang guns-

Magsasaka, baon na sa utang! NAIC, CAVITE—Nagdulot ng pagkalugi sa mga magsasaka ang pagimport ng mga bigas nitong nakaraang eleksyon. Ayon sa opisyal ng rica agency, nagsimula ang pag-import ng 2.4 milyon metric tons (MT) na mga bigas nitong Disyembre ng nakaraang taon at nagpatuloy hanggang Mayo. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga magsasaka ay lubog sa utang at lugi ang negosyo. Giit ng isang magsasaka na si Ciriaco Catibayan, 68, kung gusto mo malubog sa utang ay magtanim ka dapat ng palay. Dagdag pa nito, kulang din ang pondo ng gobyerno para sa magsasaka.

Ayon pa sakanya, halos P38,000 ang nagagastos nito sa pagtatanim lamang ng palay sa 1.5 ektaryang lupa. Ayon naman kay Lita Mariano, spokesperson ng Bantay Bigas, isang non-government na grupo na nagbabantay sa presyo ng bigas, ang kasalukuyang malakihang bentahan ng bigas ay P10 hanggang P15 kada kilo. Giit pa nito, umaabot ng P50,000 hanggang P90,000 ang nagagastos ng magsasaka para sa panananim hanggang sa maani ang mga palay ngunit kulang naman ang kinikita sa bentahan. Isa pang tinutukoy na problema ng mga magsasaka ay ang irigasyon na mayroon

lamang 30 hanggang 35 na pursyentong sakop ng lupa na may aksesibilidad sa tubig sa buong bansa. Nabanggit din ni Mariano na ang mga magsasaka sa Naic ay mas nahaharap sa pagkalugi dahil walang NFA (National Food Authority) traders kaya napipilitan ang mga ito na ibenta ang kanilang mga aning bigas sa mga local traders sa mas mababang dahilan. Ayon naman sa spokesperson ng NFA traders, ang naturang pangyayari ay maaaring magresulta ng isang malawakang protesta ng malawakang protesta at food riot katulad ng nangyari sa Haiti noong 2007 SHELLA SALUD

for-hire at pagmamay-ari ng ilang lokal na pulitiko bilang private army. Ayon sa pahayag ni Region 4-A director Chief Superintendent Rolando Añonuevo, maaaring sangkot ang mga nadakip sa mga patayan at salvage na nangyari dito sa Cavite nitong nagdaang eleksyon. Kasalukuyang hawak ng Tanza Municipal Police Station, ang dalawang suspek at hinaharap ang kasong illegal possession of firearms at violation sa nationwide gun ban nitong election period. Dagdag pa ni Añonuevo, kahit tapos na ang eleksyon ay pananalitiin nila ang masugid na paglaban sa mga criminal maging sa mga partisan armed groups upang manatili ring payapa ang region na kinasasakupan nila.

3

Tollway firms, binabalaan ng BIR MAGSISIMULA ng mangulekta sa susunod na buwan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P6.5 bilyung halaga ng tax sa operator ng anim na tollway ng bansa kung hindi susunod ang mga nasabing operator sa direktiba ng BIR. Ayon kay Joel Tan-Torres, Revenue Commissioner, hindi niya ikinatuwa ang pagtaas ng singil ng mga ilang operator nang hindi isinasama ang VAT sa singil na siyang dapat para sa pagsunod ng direktiba ng BIR. Pahayag pa ni Tan-Torres, hindi nila hahayaang sa mga motorist ipasa ng mga operator ang singil sa VAT, at ipapatupad nila kung ano ang nasa kanilang awtoridad. Dagdag pa nito, magpapadala ang kanilang ahensiya ng notification letter sa Tollways Management Corp., na siyang may hawak ng the North Luzon Expressway; Citra Metro Manila Tollways Corp. para sa South Luzon Expressway; UEM Mara Philippines at PEA Tollway Corp. para sa Manila-Cavite Toll Expressway; stateowned Bases Conversion Development Authority para sa Subic-Clark-Tarlac Expressway; Skyway O&M Corp. para sa South Metro Manila Skyway Project; at STAR Tollway Corp., na siyang may hawak ng Southern Tagalog Arterial Road. Ang pagpapadala ng notification sa mga tollway operator ay isang pagkakataon upang ayusin ng mga operator ang atraso nila sa BIR, kung hindi ay maaaring gumawa na mas magigat na hakbang ang ahensya.

Paghahatol sa kaso ni Richard, muling naudlot! MULI nanamang naudlot ang pagsasakdal ng kaso ni Richard Gutierrez laban sa “Reckless Imprudence Resulting to Homicide” nitong nakaraang Miyerkules. Tinatayang ito na ang ika-tatlong beses ng pagkaudlot ng paghahatol sa kaso ni Richard kung “guilty” o

“not guilty” ba ang aktor sa isinampang kaso ni Lorayne Pardo, na siyang maybahay ni Nomar Pardo, personal assistant (PA) ng aktor. Maaalalang nasangkot sa isang vehicular accident ang aktor habang nagmamaneho at sakay ang kanyang PA, na ikina-

RICHARD GUTIERREZ

sanhi naman ng pagkamatay nito.Itinakda ang paghahatol sa kaso nitong nakaraang Pebrero 10 sa Municipal Circuit Trial Court ng Silang, Cavite. Ngunit hindi natuloy dahil sa pagkakaroon ng “acute gastroenteritis” ni Richard. Muling itinakda ito noong Marso 31, ngunit muling naudlot matapos hindi sumipot ang actor at ang prosecutor nito sa korte. Sa pagkakataong ito, ang pagbitaw ni Municipal Circuit Trial Court Judge Veronica Cupin-Tesorero sa kaso ang itinuturong dahilan ng pagkaudlot ng paghahatol, matapos magfile ng motion ang kampo ni Lorayne na humihiling ng pagbitiw ng naturang judge sa kaso, na sa tingin ng kampo ni Lorayne ay kinakampihan ang aktor. Kasalukuyang naghihintay ngayon ang kampo ni Lorayne sa panibagong judge na hahawak ng kanilang kaso. NADIA DELA CRUZ


4

MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

Utak Biya

KAMUSTA po mga masusugid naming mambabasa. Matagal-tagal din tayong lumiban sa pagsusulat dahil naging abala tayo sa personal na hanap-buhay sa ibang bansa. Nasa ibang bansa po tayo ngayon, ganunpaman tayo ay patuloy pa ring nakasubaybay sa bawat galaw at takbo ng balita higit sa ating bayang Cavite. Natapos ng mabilis ang nakaraang halalan, mabilis na nalaman ang resulta ng bilangan. Bagamat nakakalungkot lang ang madugong barilan sa syudad ng Bacoor nang dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig. Syangapala... Noong bata pa ako hanggang ngayon ay hindi nagiging palasak ang katagang “utak biya”. Maging sa mga pelikula man o teleserye ay

nagiging bukang-bibig pa rin ito lalo na nang mga kontra-bida. Kapag may pagkakataong tayo ay naglalakad sa parte ng palengke, nagkalat ang maraming kwento ng buhay. Ang hindi masolusyunang trapiko sa kalye sa dami na yata ng pampasadang saksakyan kahit na nga sangkatutak na ang pulis-trapiko ganun at ganun pa rin ang eksena. Ang dami kasing nagkalat na utak-biyang driver na hindi ko malaman kung papaano pinapayagan ito na bigyan ng lisensya. Kung sabagay... hindi na kataka-taka ang pagkuha ng lisensya. Sabi nila basta’t may pera ka lang okay na? Paano ba naman, sa gitna ng kalsada kung saan abutin ng pag-para ang kanyang pasahero ay doon titigil. Kung minsan pa nga, kung saan may nakasulat na “bawal magbaba at magsakay” ay doon mo pa makikita ang iba na nagbababa at nagsasakay. Hay ang utak biya... Tingnan naman natin ang ibang eksena ngayong tapos na ang eleksyon. May nagsumbong sa atin sa pamamagitan ng text na ilang residente sa parteng Ilaya. SUNDAN SA PAHINA 9

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor shella salud jun isidro acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Saludo ako sa’yo, FISCAL! SA dami ng aking kakilala, isa si Fiscal Dante Filoteo sa aking hinahangaan- masayahin, maaasahan at tunay na tao. Straight forward kung magsalita, may sense of humor at tiyak na hahalakhak ka sa tuwa kapag naririnig mo siyang magbiro. Para sa kanya, “may tamang oras sa bawat gawain. May tamang panahon sa bawat pagkakataon”. Very professional at marami akong natutuhan sa kanyayuwing may tagpong usapan at palitan ng kuro-kuro. Aking naalala, noong dinalaw ko siya sa ospital, parang walang dinaramdam, siya pa ang todo asikaso sa bawat bisita. Sama-sama pa kaming nanood na TV at kumain ng mga prutas. At syempre, di rin nawala ang usap-usapan ng mga issues. Makulay at makabuluhan ang bawat pagkakataon ko siyang kasama. Sa maiksi at madaliang pagsasama namin ni Fiscal Filoteo,itinuturing ko itong “priceless at award-winning moment” pa. Para sa isang Dakilang Tao tulad niya, saludo po ako sa kanya! Di ko siya malilimutan. Nakatatak na siya sa puso ng bawat matuwid na tao. oOo Sa mga kasapi ng JEJEMON, isang paalala lamang; “ If that’s considered means of your expression; I respect. If that will be your means to invite fellow youths to join your group; Fine. (No question asked) But if you will bring that means to educate fellow youths on that way or apply

on school based setting; I strongly disagree. It won’t do good for you guys’. Better watch out!. oOo Malapit na naman ang pasukan. Ibat ibang paghahanda ang aking namamlas. Sa public schools, sinimulan na ang Brigada sa Divisoria. Sang katutak ng ang mga school supplies sa murang halaga, pero meron parin sa malls namimili, aircon daw kasi. Sumasakit na ang ulo ng mga magulang kung papano at saan kukuha ng budget para sa pagpapaaral sa mga anak. At ang mga estudyante, mixed emotions-exited, nervous,happy at curious. Mga suki, abangan na lang natin ang mismong pagbubukas ng mga klase upang malaman ang tunay na kaganapan sa pagbabalik eskuwela. oOo Malapit na rin ang First Anniversary ng Pedicab Classroom Kabahagi po kayo ng pagkilos na ito. Sama-sama at sabay-sabay nating ipagdiwang ang muling pagpapadyak ng Pedicab Teacher upang muling turuan ang mga bata, Ito ay gaganapin sa Hunyo 12, 2010, Sabado, 4pm sa Rosario,Cavite. Sa mga may kaugnayan at naniniwala sa advocacy i Teacher Arnel,Kita-kits tayo! Text or call at 0919-3769377para sa mga detalye. Good Morning Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kayganda at Bagong Pag-asa. Edukasyon. . . . Kahit Kailan . . . Kahit Saan , Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran.

Tomas PP.. Tirona Saksi ng kalayaan

Ang linya ng sining sa mga paredes NASA hinagap na ng mga tirona ang paglipat sa poblacion nang may dumating na isang estranghero mula sa hilaga. Sinasabing itinanan ni Cripiano Paredes sa kanyang bayan sa ilokos ang babaing gusto niyang pakasalan, ngunit hinadlangan sila na mga magulang nitong huli. Naglayas ang lalaki at napadpad sa Iba, Zambales at nakatagpo roon ng isang kamag-anak na pari, nagkataong inililipat na ito sa parokya ng Imus, kaya napasama roon si Cripiano. Hindi nagtagal, dinamayan ang istranghero ng isang Leoncia Topacio, anak ng isang pamilya ng mga may-ari ng lupa hanggang sa magkagustuhan at tuluyang makasal ang dalawa. Kabilang sa mga naging supling ng dalawa si Mariano Paredes, na kahit magbubukid ay may talinghaga ang mga kamay. Sa pamamagitan ng lanseta, nakalilikha ito ng mga sarisaring bagay tulad ng alkansya, kalikot, hawakan, ng sandok at gilingan, at maging anyo ng tao. Hinangaan ito ni Filomena Caldo Cruz, isang babaing makisig ang tindig, matangos ang ilong, ngunit may kaitiman ang kutis. Dugong Bumbay, sasabihin ngayon. Kahanga-hangang mismong si Filomena ay may inklinasyon sa sining. Panahon noon ng unang pamumulaklak ng panitikan sa Tagalong. Kinahihiligan noon ang pagbabasa (at pagsulat ng malaon) ng awit at korido, mga mahahalagang salaysay tungkol sa kahiwagaan, abentura, at makukulay na pag-iibigan na ang mga tagpuan ay dayuhang lupain at kapaligiran. At sinasaulo niya ang mga salaysay at oral niyang pagkukwento ay lubhang hinangaan ng kabataan at may gulang. Pati sa duplo’y kasama sya, kabilang sa maga”manlalaro” na batid lahat ng mga popular na mito, alamat at kwentong bayan. Marahil, ang pagba-

basa niya sa harap ng madla ay tulak ng panghihinayang na amagin at anayin lamang sa mga lumang baul ang mga babasahing awit at korido. Nagkapangasawahan sina Mariano at Filomena. Lumawak ang kanilang mga bukid na pinauupahan sa mga magsasaka, una, sa Anabu, saka sa Malagasang(kapwa sa Imus), hanggang sa magkaroon din ng ilang lagay na lupa sa Salitan (Dasmariñas). Nagkaroon sila ng limang anak-sina Bernardino, Manuel, Agustin, Doroteo , at ang pangalawa sa panganay, si Jacoba(Disyembre 27, 1854).


MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

5

CAVITE CITY TECHNICAL AND VOCATIONAL SCHOOL JUDGE IBAÑEZ ST. SAMONTE PARK, CAVITE CITY MGA NAGTAMO NG KARANGALAN SA MGA KURSONG:

PRACTICAL ELECTRICITY HOUSE WIRING INSTALLATION 1. NELSON S. REYES (GOLD) 2. NOEL R. BUEN AOBRA (SILVER) 3. JAN RINO WEEMBER S. ALARCON (BRONZE) ELECTRONIC RADIO TECHNICIAN 1. NELSON B. MOJICA 2. JHON MARK A. BUCAL 3. EMERLINA G. DE VILLA ELECTRONIC TELEVISION TECHNICIAN 1. CELSO Y. ADRID CRISANTO T. TRINIDAD INSTRUCTOR SOFTWARE APPLICATION 1. NICOLE DA. NARRIDO

(GOLD) (SILVER) (BRONZE)

(GOLD)

(GOLD)

2. MARITES T. RIVERA 3. LORAINE A. CADAÑO RODERICK A BORRAS INSTRUCTOR COMPUTER TECHNICIAN 1. JOYCE ANN RODILLO 2. ALAN REPALPA 3. PAMELA SANTILLAN CARLA S. MALLARI INSTRUCTOR WELDING (ARC) 1. JOANNE ALVAREZ 2. JHONALYN JUNTILLA 3. RODEL FLORES

(SILVER) (BRONZE)

(GOLD) (SILVER) (BRONZE)

(GOLD) (SILVER) (BRONZE)


SHOOTOUT?

ILANG anggulo ang gumugulo sa isipin ng mga residente at kaanak ng mga napaslang na sina Ruben Alejo, at lalo na ni Brian Faustino ang malagim na kamatayang sinapit ng dalawa sa Manila-Cavite Road, sakop ng Brgy. 8 Dalahican Cavite City.

AYON SA POLICE REPORT Ayon sa spot report na nilagdaan ni P/Supt. Simnar Gran, hepe ng pulisya ng siyudad na ito, isang shooting incident ang naganap na ikinamatay ng isang Ruben Alejo at hindi pa umanong nakikilalang kasama nito (Brian Faustino, 34, fish vendor, resident eng E. Mariano St., San Roque, Cavite City) nang tinakangka nitong lusutan ang isinasagawang checkpoint sa nasabing lugar dakong 11:30 n.g. noong nakaraang Mayo 27, 2010 matapos umano silang makatanggap ng impormasyon buhat sa hindi nagpakilalang caller na isang putting motorsiklo na may plate number 1129 DP ang may dala-dala umanong baril. Ayon sa report, tinangka umanong harangin ng mga nagpapatrolyang pulis sa pangunguna ni P/Sr. Inps. Atarlight Rivera ang nasabing behikulo ngunit nagtulut-tuloy ang suspek kaya tinangkang habulin ng grupo ng kapulisan na nagresulta naman sa nagtumba ng motorsiklo na may tinatayang may layong 200 metro buhat sa checkpoint. Tinangka umanong pasukuin ng mga awtoridad ang mga suspek ngunit agad umanong nagpaputok ang mga suspek , dahilan upang gumanti ang pulisya na nagresulta na-

MGA KUHA NI DIOKNO SANDRINO

ALEJO FAUSTINO

m a n sa agad na kamatayan ng dalawang suspek. Agad naman tumawag sa Scene of Crime Operative ang mga kinauukulan at narekober sa dalawang suspek ang isang kal.45 at isang kal.38 mga bala at dalawang Granada. Ayon sa record ng pulisya, si Alejo ay may tatlong kasong nakabinbin na suspek sa pagpatay kina Arturo Bnaag, Romeo at Capt. Boy Domingo. AYON SA MGA KAANAK NG SUSPEK Ayon sa live-in partner ng biktimang si Faustino na si Rose, dakong 9:30 n.g nang pumunta sa kanilang tahanan si Alejo at hinahanap si Faustino, dahil sa wala ang huli, ang

asawa nito ang danatnan ng una. Ayon kay Rose, pinahanap sa kanya ang live-in partner na si Brian para ipagmaneho ng motor si Alejo na umano’y pupunta sa burol ng kapatid sa Bacoor. Pasado alas 10:00 n.g umano nang bumalik si Brian kasama na si Alejo at dala na ang motorsiklo upang magpaalam sa kanya. Tumabi pa umano ito sa kanya sa higaan sandal at yumapos sa mga anak bago umalis ng bahay kasama na si Alejo. Idinagdag pa ni Rose na kaya pumayag ang kanyang asawa na ipagmaneho nito si Alejo sa pangakong papautangin ng P1,000 kapag nagkapera ito pandagdag sa puhunang isda na itinitinda ni Brian.


Samantala, ayon sa kaanak ng hiniraman ng motorsiklo, dakong 9:00 n.g nang magsadya sa kanya si Alejo upang hiramin ang motorsiklo para nga pumunta sa burol ng kanyang kapatid sa Bacoor. Isa umanong barkada nito ang nilapitan upang ipagmaneho siya ng motor, subalit hindi pumayag ang inanyayahan dahil kailangan pa umano nitong kumita. Papayag lamang umano ang nilapitan nito na ipagmaneho siya kung bibigyan siya ng P100. Pero dahil sa walang pera ng mga oras na iyon, napilitan si Alejo na lumapit kay Faustino. MGA KAANAK AT KABARANGAY NI FAUSTINO, MASAMA ANG LOOB Hindi namang maiwasan na sumama ang loob ng mga kaanak at kapit-bahay ni Faustino sa nangyari sa kanilang kabarangay sa pagkakadamay nito sa pagkakapatay kay Alejo. Ayon sa mga kapit-bahay nito, walang isa man sa kanila ang makakapagsabi na may masamang ginawa sa kanila si Faustino. Katunayan anila ay masipag itong magtinda ng isda at masayahin. “Wala anumang rekord ang apo

SI P/Supt. Gran sa eksklusibong ko,” hinaing ni Flora Cañete Bautista, lola ni Faustino. “Bakit ganito ang sinapit niya? Ginilitan pa ang leeg!” Bukod kasi sa tama ng bala ng baril, may nakita ring mga saksak ang mga kaanak ni Faustino na katawan nito. May nakita pa umano ang mga kaanak ni Faustino na mga putik at dahon ng talahib at damo sa bangkay ng biktima.

ANG mga kamag-anak ni Faustino

panayam ng Responde Cavite AYON SA PULISYA Bagamat wala pang opisyal na salaysay ang pulisya, sa pakikipagugnayan ng Responde Cavite, sinabi ni P/Supt. Gran na ayon sa paunang report ay nagkaroon umano ng komosyon o nagpambuno ang isang kagawad ng pulisya at ang mga suspek sa baril na hawak ni Alejo. At para neutralized umano ang komosyon, sinasaksak umano ng isa sa mga pulis ang mga suspek dahil sa wala umano itong baril. Ganunpaman, idinagdag pa ni Gran na ang kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng imbestigasyon at sa lalong madaling panahon ay ilalabas umano ang kanilang progress report. PNP PINURI Samantala, pinuri naman ng iba’t ibang non government organization (NGO) at ilang civic organization ang pagkakapatay ng pulisya kay Alejo na kilalang sangkot sa maraming patayan sa lunsod.


8

MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

Hang ad lang nila’y b umang on ang ba yan Hangad bumang umangon bay

JIL CHURCH, INDANG, CAVITE – Marami sa mga kapatid na Kristiyano ngayon at maging sa mga kapwa natin Pilipinong Muslim ang nalulungkot at hindi pa rin makapaniwala sa mahigit 1 milyong boto lamang na nakuha ng aming sinuportahang kandidato sa pagkaPangulo na si Bishop Eduardo “BRO. EDDIE” C. Villanueva ng Bangon Pilipinas Party (BP). Ang tanong ng mga tagasuporta ay nasaan ang mga boto namin, matatandaang tumaya ng siguradong boto na 1 milyon ang grupong MNLF at MILF sa

Mindanao, 2 milyon ang Seventh Day Adventist Church, 3 milyon ang sa Baptist Church, 1 milyon sa Pentecostal Missionary Church of Christ 4th Watch, 3 milyon ang sa Evangelical Protestant Churches, 2 milyon ang sa iba pang Born Again Christian Churches at 3 milyon ang sa mismong Jesus Is Lord Church (JIL) ni Bro. Eddie. Saan na napunta ang may 15 milyong botong ito at bakit mahigit sa 1 milyon lang ang napatala? Sa bagay ngayon ay may mga alingasngas pa rin ng dayaan at ito’y iniimbestigahan na ng mga mambabatas at kinauukulan. Sa kabilang banda, tanging ang BP lamang ang nagtaguyod noon pang halalang pampanguluhan ng 2004 at maging ngayong 2010 ng naiiba at bagong estilo ng pulitika at pangangampanya kung

saan ang mga kandidato nito ay hindi naglabas ng sariling pera kundi sa halip ay ang mga supporters pa ang gumagastos para sa kanilang kandidato sapagkat sila pa ang bumibili ng mga posters, tarpaulins, t-shirts, pins at iba pang campaign materials upang ang pinagbentahan ay malilikom pa para pa rin sa suportang kampanya ng mga kandidato ng BP. Lahat ay tunay na pawang mga volunteers at maging ang pagpapatawag ng malalaking political rallies sa Luneta na dinaluhan ng milyong tagasuporta ay kusangloob at sariling gastos ng mga supporters. Bagaman at dalawang beses ng bigo ang BP (2004 at 2010) sa

NI MIDNIGHTJT GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Pumapabor ang galaw ng mga bituin upang makipagsosyalan sa araw na ito kaya hindi dapat tanggihan kung may mag-iimbita. May pagkakataon na makatagpo ngayon ng mahuhusay na kliyente sa ipinaglilingkod na serbisyo o pinatatakbong sariling negosyo. CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Dapat makipagkaisa sa mga kasamahan sa trabaho upang maging matibay at matatag ang relasyon sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Pahahalagahan ang interes ng pangkalahatan at hindi dapat maging makasarili upang magkaroon ng mga kakampi sa oras ng kagipitan. LEO (Hulyo 23-Ago. 22) - Huwag maging barabara sa pagtupad sa mga gawain upang maging maganda at mahusay ang kalidad ng trabaho. Mapapatunayan sa sarili sa araw na ito na ang matitiyagang kamay sa paggawa ay nakalilikha ng mga produktong karapat-dapat hangaan ng marami. VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Maging mapagpigil sa bugso ng damdamin lalo’t mararamdaman na parang sinusubok ang taglay na kahinahunan ng

Hindi nila nais makilala, Hindi nila hiling na mabayaran, Hindi nila inisip na sila’y pasalamatan, Hangad lang nila’y bumangon ang bayan. Sila’y napapagod din naman ngunit tuloy ang gawa, Nangampanya, nagdikit, nagrali, Kusang nag-ambag ng dunong, lakas, kabuhayan at kagamitan, Hangad lang nila’y bumangon ang bayan. Buong tapang na nagsuot sila ng pins at kamiseta, Naghayag ng isang paniniwalang Itinuturing ng iba na suntok sa buwan at panaginip lamang, Hangad lang nila’y

Stepfather

Binibining Bebang, May stepfather ako. Paano ko kaya maipapakitang tanggap ko siya bilang kabiyak ng aking ina? Arlene Joy ng Paseo De Carmona, Governor’s Drive, Maduya, Carmona Cavite

HOROSCOPE

pakikibakang elektoral ay ipinakita at nasimulan naman nito na kaya palang labanan ang matandang pamamaraan at bulok na sistema ng animo’y pista at circus na pulitika ng kampanya at halalang pinaiiral ng popularidad at kasikatan, salapi at kapangyarihan, pananakot at pandaraya, at ang guns, goons at golds. Kaya sa mga kumilos, nanindigan at nakibakang workers, supporters at volunteers na tinagurian ni Bro. Eddie na unsung heroes ng Bangon Pilipinas ay iniaalay sa inyo ang tulang ito ng pagpupugay. HANGAD LANG NILA’Y BUMANGON ANG BAYAN ng Bangon Pilipinas (BP) Party

Mahal kong Arlene Joy, Nakakatuwa ka naman. Batay sa iyong tanong, palagay ko ay isa kang mabuting tao at anak. Nawa’y dumami pa ang tulad mo. Heto ang aking mga payo: Maging magalang. Alam kong alam mo na ito, pero ang maidadagdag ko ay maging

konsistent. Gumamit ng po at opo sa LAHAT ng pagkakataon na kausap mo siya at siyempre ang iyong nanay. Kung napagdesisyunan ninyong tawagin siyang Daddy, Papa, Tatay o Tito o Uncle, lagi itong gamitin kahit wala siya. Ibig kong sabihin, halimbawa ay kapag ikinukuwento mo siya sa iyong best friend o kaya kapag nagsusulat ka sa iyong diary o blog ay tatawagin mo pa rin siyang Daddy o Papa o Tatay o Tito o Uncle. Basta, laging may ganyan nang matanto niya o di kaya ng mga tao sa inyong paligid na hindi ka naman nagpapakitang-tao lang. Kapag may okasyon, halimbawa ay anibersaryo nila ng iyong ina, magbigay ng regalo. Ipakuwadro mo ang pinakanakakatawang retrato kung saan ay magkasama silang dalawa. Kung kaarawan niya, tumulong ka

sarili. Kaysa mapikon o magalit sa mga mangangantiyaw at palabiro, ituon na lamang ang isip sa mga gawaing dapat nang tapusin. LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Ang lahat ng bagay na labis ay nakasasama rin kaya hindi dapat sobrahan ang ipinakikitang kabaitan at pakikisama sa lahat upang hindi maabuso. Sa larangan ng pag-ibig, pagaralan kung mapapaibig ang minamahal nang hindi dadaanin sa materyalistikong pamamaraan. SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Ngayong pumapabor ang mga pagkakataon para maging masagana sa pamumuhay ay lalong dapat na maging masigla sa paghahanapbuhay. Hindi makararanas ng kakapusan kung magiging masikap sa pag-iimpok at matututong magtipid sa paggastos. SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Ang mga biyaya at pagpapala ay kusang darating hihigpitan ang pagyakap sa pananalig sa Poong Maykapal. Sa romansa, magiging masaya at makulay ang araw na ito sa piling ng minamahal kung maipapakitang tapat ang hangarin. CAPRICORN (Dis. 22-Enero 19) – Nasa kalagayang kapos sa pananalapi pero kung dodoblehin ang

sa pagluto ng paborito niyang ulam. Makipagkuwentuhan. Puwedeng habang naghahapunan o kapag kayo ay nasa biyahe o habang naghihintay na mag-umpisa ang misa. Magkuwento ka tungkol sa nabalitaan mong kapit-bahay na nanalo sa lotto o kaya sa sarsa ng tindahan ng isaw sa kanto. Kahit ano, basta magaan ang paksa. Tapos tanungin mo rin siya. Tumataya po ba kayo sa lotto? Ano po bang mas masarap iulam, ang isaw na may sarsa o wala? Nawa ay maging pundasyon ito ng mas malalim at matatag ninyong communication lines. Maaari ka ring sumangguni sa kanya kapag may dinaramdam ka o suliranin o di kaya ay kapag kailangan mo ng gagabay sa iyo. Ito ay para madama niyang pinagkakatiwalaan mo ang kanyang talino at deci-

bumangon ang bayan. Sumuyod sila sa mga kapit-bahayan at kamag-anakan, Sa mga kompanya at mga samahan, Sa lahat ng sulok ng ating bayan Upang iluhog ang ating mithiin at humanap ng kakampi, Hangad lang nila’y bumangon ang bayan. Nagpakain, sumundo, naghatid, naghandog Nanalangin, umiyak, nagsumamo, Upang dinggin ng langit ang hinaing ng ating lahi, Hangad lang nila’y umunlad, magising ang lahat. Salamat sa kanila, bumabangon na ang bayan. sion-making skills bilang isang magulang. Halimbawa, hindi ka makapagdesisyon kung dapat kang magbawas ng volunteer work ngayong summer dahil madalas sumakit ang iyong ulo sa init ng panahon o kaya hindi mo alam kung dapat tanggapin ang alok ng iyong auntie na mag-part time marketing officer sa kanyang resort sa Silang kahit na ang pinag-aralan mo ay, halimbawa, BS Biology. Ang mga ito ay ilang paraan lang para maipadama mong tanggap mo siya hindi lamang bilang kabiyak ng iyong ina kundi bilang mahalagang bahagi ng inyong pamilya. Nawa ay makuha niya ang iyong mensahe. Para sa iyo, hangad ko ang isang pamilyang masaya at payapa. You deserve it. Ngiting-ngiti, Binibining Bebang Kung may suliranin sa pagibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverl ysiy@gmail.com.

sipag at pagsisikap ay agad na malalampasan din. Kung hindi maiiwasan ang pangungutang, unahin munang ipundar ang mga gamit at kailangan sa paghahanapbuhay bago ang anupamang bagay. AQUARIUS (Enero 20-Peb. 18) - Iwasan ang hindi inaasahang panauhin na darating sa tahanan sa araw na ito kung kukutuban na may dala-dala itong negatibong enerhiya. Maging maibigin sa pamamahagi ng biyaya pero dapat ay totoong nangangailangan ang mapagkalooban ng tulong. PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Magkakaroon ngayon ng malaking partisipasyon sa isang proyektong pangkomunidad ang kinabibilangang samahang pangsibiko. Dapat isabuhay ang kasabihang “charity begins at home” upang sa dakong huli ay hindi mapulaan ng sinuman. ARIES (Mar. 21-Abril 19) – Darating din sa buhay ng pamilya ang kaginhawahan kung ang bawa’t miyembro ay maaasahan sa pagbibigay ng bahagi ng kinikita sa mga gastusin. Panahon na upang panindigan nang lubus-lubusan ang responsibilidad sa sariling tahanan.


MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

SISID

MULA SA PAHINA 4

Noon daw bago ang eleksyon, nagugulat sila sa dami ng mga bisitang dumarating, kahit na nga walang pasabi sila ay kusa na lang kakatok o makikipagkamay sa loob ng iyong bahay. Syempre, dahil taong lumapit sa’yo ay tao mo ring haharapin. Kapag ngumiti, syempre ang kapalit ang dobleng ngiti din. Ganito ang senaryo, masyado yatang dinibdib ng

tumakbong mayor ang kanyang pagkatalo noong nakaraang halalan. Ang dami kasing buraot noon sa kanyang paligid na nagsasabing malaki ang tsansa niyang manalo. Pero kabaligtaran ang nangyari, natalo ang magiting na kandidato. Inaakala noon ng kanyang mga residente na ginintuang puso itong natalong politiko ay nilapitan nila itong muli upang humingi ng tulong-pinansyal sa kadahilanang kailangan ng pambili ng gamot sa may sakit niyang anak. Alam nyo ba kung ano ang sinagot ni-

9

tong tumakbong mayor na natalo? Ang garapalang sinabi ng politiko ay ganito: “Kung ako ang nanalo matutulungan ko kayo, pero dahil hindi ako binoto ng mga tao, bahala na kayo sa buhay nyo wala akong maitutulong sa inyo.� He...he...he... Utakbiyang politiko! Kayo baka may kilala din kayong ganitong klaseng tao, huwag nang magbaka sakaling lumapit at siguradong baka ganito rin ang inyong sapitin. Sa taong may sayad na at utak-biya pa!!! Buwisit... pwe!


10

MAYO 30 - HUNYO 5, 2010


MAYO 30 - HUNYO 5, 2010

KUWENTO NI AXEL Ika-5 bahagi

INILABAS na naman ako para i-interrogate. Malamang ay makatanghali noon. Tirik ang araw at ramdam ko ang init sa balat nang ilabas ako ng building. Sa airconditioned room na naman kami. Mortal kong kaaway ang pekeng lamig lalo na’t galing ako sa impyerno. Habol ko ang hinga habang nakasalang sa panel interview. Tatlong magkakaibang boses ang nagpapalitan nang pagtatanong sa akin. Ang topic: laptop at rali ng manggagawa kinabukasan. Hindi raw makakarating si Badong sabi nung isa sa akin. Pero kung may kailangan daw ako o kaya’y may importanteng sasabihin ay sa kanila ko lang banggitin at sila na ang bahala. Kako ay wala akong kailangan at wala

rin akong importanteng sasabihin. Tulungan ko na lang daw sila kasi ay di nila mabuksan ang laptop ko. Kailangan raw nila nung password. Muntik na akong matawa. Paano’y sa hinaba na ng usap namin ang tantya ko sa tono ng pagsasalita at diin ng pagtatanong nila ay mga computer literate at technician kundi man wizard itong mga kaharap ko. Ginagago ako ng mga ito. Syempre ay di na nila kailangan pa ng password para mabuksan ang isang ihahack na computer. E di ibypass ang password kung meron talaga. Kaya nga iha-hack. Mga tamad. O nagtatanga-tangahan. Sila na lang. Sa kapipilit, kakukulit at kauulit nila para ibigay ko ang password kung bakit ba ang naisagot ko’y

hindi ko na matandaan. Hindi umubra ang joke ko. Hindi sila natawa. Pero mahaba ang pasensya ng mga ito sa akin. Matyaga pa rin silang nagtanong nang bakit ko naman daw agad malilimutan. Baka rin daw kaya kong alalahanin. Masusubukan yata ang pagiging pikon ko sa mga ito. Maagap ang sagot ko na kasi ho ninenerbyos ako. Kako ay sila man ang nasa katayuan ko tiyak papalya rin ang memorya nila. Pati nga kako sense of time at direction ay wala ako. Para patibayin ang depensa ko, ika ko’y pangalan nga ng nanay ko noong unang itanong sa akin ay nakalimutan ko rin. ”Pailang araw na ho ba kaming nawawala?”, urirat ko pa. Unang mapikon ay talo. Marami naman talaga akong nakalimutan noon. Katunayan, sa loob-loob ko’y pinipinli ko na munang kalimutan ang mahahalagang

detalye sa buhay ko mula pa nung dukutin kami. Wala akong plaong magiwan ng souvenir sa mga taong di ko kakilala. Kahit sunugin ako, desidido na akong hinding-hindi mangangamoy ng kahit na anong impormasyon ang binarbekyu kong buto. Isinemento ko na sa dibdib ko ang parang lapidang may nakaukit na kung mapapahamak ako sa oras na iyon ay ako na lang. Wala ng iba. Biglang may nag-ring na telepono. Si Badong daw ang tumatawag at kinukumusta ako. Ulul. Kaharap daw noon ni Badong ang laptop ko. Ano raw bang encryption software ang ginagamit ko. Ulul talaga. Noong una’y hindi mabuksan ang laptop dahil walang password. Tapos magtatanong nang tungkol sa laman ng laptop. Pinili ko na ulit mag-ulyanin saka ko sila hinamon na kung gusto nila ay iharap nila

ako sa computer ko at bakasakaling maalala ko ang gusto nilang malaman. Buti at hindi nila ako pinayagan kundi’y dalawa kami ng laptop kong tiyak na magka-crash down. Binago na nila ang paksa. Saan ba raw ang tagpuan ng May 1 rally. Ilan raw ang inaasahang dadalo, saan ika ang main program. Ano raw mga organisasyon ang pupunta. Sinagot ko na ring lahat ng tanong nila tutal ay malamang na narinig at nabasa na rin nila sa mga anunsyo sa TV, radyo at dyaryo ang tungkol sa rally. E sino naman ika ang mga guest speaker. Inilitanya ko na rin ang mga pangalan ng national leader ng mga pangmasang samahan. Ikinagulat ko sa bandang huli ng tanungan ang bago nilang script. Nagpaala-ala yun na nasa isang pelikula nga pala ako. At controversial ang plano nilang story line. Kung papunta raw pala kami sa rally malamang ay isa ako sa magkocommand. Kadre raw kasi ako, singit nung isa. Sino pa raw ang iba? Sabi ko’y hindi ko alam dahil dinukot na nila ako at wala naman ako sa rally. Kung didiretso raw ba ang rally sa Mendiola. Ika ko’y oo. Paano naman raw ang plano kapag bobombahin na namin ang Mendiola. Hindi ko napigilang matawa nang mahina. Bakit naman kako namin pasasabugan ang sarili naming rally. E yung Magdalo soldiers naman daw paano ang coordination sa amin at kailan e-entrada. Paano raw namin gagawin ang kudeta. At sino raw ang kontak namin sa mga rebeldeng sundalo. Lalo na akong napatawa. Pero pigil pa rin. Wala nang kwenta ang mga tanong nila. Nabuo sa isip ko na ang tyempo nang pagkakadukot sa amin ay para iprisinta kaming tropeyo ng sindikatong may hawak sa amin. Para sa kanilang latest accomplishment. Destabilization plot ng NPA at Rebeldeng sundalo, nabuking. Bakyang-bakya. Desperado. Luma at gasgas na tugtugin. Lalangawin ito sa takilya. Basta’t wag lang kami ang lalangawin. Lalong

11

tumidi ang kagustuhan kong mabuhay. Pinili ko munang hikain. Napilitan silang ibalik ako sa selda. Isang full-pack na hapunan ng sardinas na nilunod sa sabaw ang nilanguyan ko rin. Lagpas sa kaya kong kainin. Baka kako huling hapunan ko na yun o kaya ay kung kelan na naman masundan. Isinaksak ko sa kukote ko na mahirap manatiling buhay kapag gutom. At inalis ko na muna sa isip ko ang dinurog na bubog. Di pa ako halos nakakadighal nang madalian akong inilabas ng selda. Halos kaladkarin ako. Mahigpit at walang ingat ang pagkakabiyabit nila sa akin. Umaangat ang paa ko. Sa hangin na ako humahakbang. Kulang na lang ay kargahin ako. Wala ring kwentuhan habang naglalakad. Baka kabilugan ng buwan at nagladlad na ng anyo ang mga dyablo sa lumang impyerno. “Bilis, bilis!” at “dali, dali!” lamang ang naririnig ko. Paglampas ko sa dambuhalang bentilador, ang buga ng hangin nito’y parang apoy na inihilamos sa akin. Impyerno nga. Mataas ang tensyon. Nasa makipot na lagusan na kami. Payuko akong naglalakad. Itinutulak ako sa puwit ng nasa likuran at hinihila naman ako sa unahan ng Putang ina! Bilis! Double time! Tuwing mabubunggo ako, nagpapaalala ito nang mga pinong-kirot nang kawalang pag-asa. Katulad noong teen-ager pa ako at nakita ko yung nililigawan ko na may kaholding hand. Ganun na lang ang pagpuputok-ngbutsi. Katulad rin noong harangin ng tatatlumpu’t walong magsasaka ang mahigit sa apat na raang armadong pulis at demolition team. Agrabyadongagrabyado sila. Ganun na lang ang dagok sa dibdib. Tuwing mauuntog ako, nagpa-flashback ang mga dagan-dagang pasakit na naranasan ko. Gaya noong sulutin sa akin ang syota ko ng lalakeng nakabingwit rin sa una kong niligawan. Ganun na lang ang kagustuhang bumawi. Gaya rin noong walang nagawa ang mga magsasaka kundi panoorin ang paggiba at pagwasak sa kanilang tahanan at taniman dahil may mga nakatutok sa kanilang baril. ITUTULOY


LALAKI, TINUMBA... BINASURA

GREETINGS

NATAGPUAN sa loob ng itim na garbage bag ang bangkay ng isang lalaki na kinilalang si Jay Peñalosa Tiong 32, ng 78 Mascardo St., San Antonio, Cavite City. Mas kilala sa bansag na Jay Siakol. Sa ulat na natanggap ng Responde Cavite mula kay PO1 Jonathan R. Baclas, nakatangap ang tanggapan ng pulisya ng tawag dakong 8:30 ng umaga May 25, 2010 mula sa isang KUHA NI SPO1 ADORVIN RIEGO DE DIOS concern citizen, na anya’y natagpuan ang nasabing bangkay sa likod ng matayan.

Belated happy birthday sa mag-asawang KUYA ALEX at ATE JOY ng Brgy. Daine, Indang, Cavite. GOD bless you & we love you. –greetings from Alcantara Family namely: Mac-Mac, MicMic, Mica, Maiko & Mommy Greetings also from Rex Del Rosario & DITTODA. oOo Belated happy birthday to katropang MARLON RODIL ng West Coast Mafia (WCM) Dancers. GOD bless you & we

palengke ng lungsod. Ang amang si Frankie Peñalosa Samson ang nanlulumong kumilala sa bangkay ng anak. Ang bangkay na nakasilid sa sakong itim na plastik ay nagtamo ng mga saksak sa bandang kanang bahagi ng leeg at kanang ibaba ng dibdib ang tipong ginawaran ng summary esecution. Dinala ang labi sa Cavite City Health Office para sa Autopsy upang mapagalaman ang sanhi ng kaOBET CATALAN

love you. Greetings from katropang Rex Del Rosario & katropang Rafael Telmo ng Daine, Indang, Cavite. oOo Happy readings to katropang CHRISTOPHER BARTOLOME, RAFAEL TELMO, KELVIN RODIL, JHAY-AR RODIL, CHRISTIAN RODIL, EMOND at sa buong West Coast Mafia (WCM) Dancers ng Daine, Indang, Cavite. GOD bless you & we love you. Greetings from katropang Rex Del Rosario.

AMANG NANGGAHASA NG 3 ANAK, TIKLO SA CAVITE ULAT NI ERWELL PEÑALBA

HINDI na nakapalag ang isang lalaking wanted sa salang panggagahasa ng mga anak matapos na supresang damputin ng operatiba ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest nung ika-25, ng Marso sa Cavite City. Nahaharap sa kasong Rape Incest si Jose Francisco Abuyog mula Brgy

Apitong Tacloban City. Pauwi na noon si Francisco galing trabaho tungo sa

kanyang tinutuluyan sa San Roque nang tumambad sa kanyang harapan

ang mga arresting officers na sina SPO1 Adorvin Riego de dios at PO1 Ejie Potacio at hindi na nakapagkaila pa. Ayon sa ulat ni SPO1 Riego de dios, Mula Augusto 2006 hanggang Octobre 2009, Inisa-isa ni Francisco ang 3 sa kanyang 13 anak na itinago sa pangalang Maria 14 taong gulang, Kristina 15 at Lina 17. Nagsimula sa palamas-lamas at pahalik-halik sa maseselang bahagi ng katawan ng mga dalagita tuwing maglalasing ang suspek kasama ang asawa, nang lumaon ay tinatabihan na sa pagtulog ang anak na dalagita habang tulog sa tabi ang inang lasing. Nagtagal ang tampalasan sapag-

Jose Francisco Abuyog

kat pinagbabantaan ni Francisco ang mga biktima na papatayin ang ina at isusunod ang kanilang ina kapag nagsumbong. Nabisto lamang ang modus ni Francisco nuong hindi na nakatiis si Maria at nagsumbong sa tiyuhin.

Sa panayam ng Responde Cavite kay Francisco, itinanggi nito ang panghahalay sa 3 anak pagkat isa lang naman daw ang kanyang pinangahasan at ang iba ay nagpapasubo lamang sya at kanyang nilalamas.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.