2
HUNYO 13 - 19, 2010
NDCC, handa sa pagsabog ng Taal! TAGAYTAY CITY – Sinugurado kamakailan ng gobyerno sa mamamayan na nakahanda na ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon sa pahayag ni Leandro Mendoza nitong nakaraang Miyerkules, executive secretary, patuloy ang paghahanda ng ahensya sa nakaambang panganib ng Taal at ma-
ging sa kasalukuyang panahon na tag-ulan. Dagdag pa nito, mula ng pumasok ang tag-ulan ay handa na sa anumang sakuna ang NDCC. Kabilang din ang Taal sa ka-
nilang pinaghahandaan. Nagkaroon na ng ilang pagpupulong patungkol sa mga dapat gawin sakaling mag-alburoto ang nasabing bulkan. Sa kasalukuyan, ha-
Bagong school building sa Bacoor! Bacoor, Cavite – Pinangunahan ni President Gloria Macapagal Arroyo ang inauguration ng twostory school building, na nagkakahalaga ng P4million sa nasabing bayan. Ang nasabing paaralan ay itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at inaasahang makakatulong ng malaki sa mga estudyante ng Queen’s Row Elementary School upang hindi na magsiksikan sa klasrum. Pinangunahan ni Pres. Arroyo ang ribbon cutting kasama nina Education Secretary Mona Valisno, Cavite Rep. Lani MercadoRevilla at Bacoor Mayor
Strike Revilla. Dinaluhan din ang seremonyas ng ilang mga magulang at estudyante na lubos ang tuwa. Ipinakita din ng mga ito ang lubos na pasasalamat sa pangulong at sa mga personalidad na nasa likod ng proyekto. Sa pahayag ni Valisno, isang patunay lamang ang proyektong ito sa pagpapahalaga ni President Arroyo sa edukasyon, upang lalong mapaunlad ang pag-aaral ng mga estudyante sa bansa. Dagdag pa nito, sinisigurado din ng administrasyon na ang edukasyon sa bansa ay mayroong maayos na kwalidad ng pagtuturo ng mga guro, na siyang
gumagabay at nagbibigay kaalaman sa mga estudyante. Ayon naman kay President Arroyo, nakakataba ng puso ang mga taong nasasaksihan niyang umuunlad at nagkakaroon ng magandang mithiin sa buhay dahil na din sa mga proyektong inilunsad niya.
PGMA
bang ginagawa ang balitang ito ay nasa Alert level 2 ang siyam na bayan sa probinsiya ng Batangas, na siyang nakapaligid sa bulkan. At nasa 6,000 na residenteng naninirahan sa paligid ng bulkan ang pinayuhang lumikas. Hindi na rin maaring pumunta ang mga turista sa crater at sarado sa mga ito ang Daang Kastila Trail. Matatandaan na noong Oktubre 3, 1977 ang huling tala ng pagsabog ng bulkang Taal at noong Sept. 28 hanggang 30 taong 1965 ay sinasabing pinakabiolente nitong pagsabog. Patuloy naman sa pagmamatyag ang mga ahensiya, upang mabalaan ng maaga ang mga mamayang apektado ng bulkan sakaling ito ay sumabog. WILLY GENERAGA
R E L P I TR PR SPECIALIST
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501
HUNYO 13 - 19, 2010
Misyon sa Silang! SILANG, CAVITE –Isang misyon na may kinalaman sa art ang isinasagawa sa nasabing bayan. Pinangunahan ni Koni Pascual, art teacher, ang programang “Kulayan mo ang Buhay ko” na isinagawa mismo sa kanyang itinayong art school sa nasabing bayan na “Artreach”.
Nitong nakaraang summer ay nagkaroon ng 120 art scholar sa ilalim ng programang nabanggit, ngunit patuloy pa rin si Pascual sa paghihikayat sa mga kabataan na lumahok sa programa. Misyon ni Pascual na umabot ng 1,000 ang art scholar sa kanyang paaralan. Nagsimula ang pa-
aralan nitong 2001 bilang libreng pagtuturo lamang sa mga bata mula sa mga depressed area sa Silang. Kabilang ang pamilya ni Pascual, na siyang miyembro din ng Christian Church Jesus the Anointed One, sa mga tumutulong sa pagtaguyod ng kakayahan ng mga estudyante sa paaralan, sa pamamagi-
Richard, walang sala! TULUYAN na ngang nahatulang walang sala ang aktor na si Richard Gutierrez laban sa kasong isinampa sa kanya ng may bahay ni Nomar Pardo, personal assistant ng aktor na nasawi sa vehicular accident. Matatandaang nitong
RICHARD GUTIERREZ
nakaraang July 23, 2009 ay nagsampa ng kaso si Lorayne Pardo ng reckless imprudence resulting in homicide laban kay Richard sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite, dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa car accident na
kinasangkutan ng aktor. Ayon sa resolusyon, walang basehan ang Provincial Prosecutor ng Cavite upang hatulang may sala ang aktor. Ayon pa sa resolusyon, hindi alam ng may bahay ni Pardo ang kondisyon ng kalsada sa Tagaytay Road sa Silang, na siyang naging sanhi ng aksidente, at wala ang nagrereklamo sa mismong lugar ng pinangyarihan kaya nagkaroon ito ng ibang akusasyon laban sa aktor. Si Gutierrez ang nasa likod ng manebela ng kanyang Nissan Skyline GTR sports car ng sumalpok ito sa isang poste sa pakurbang daan ng kalsada. Lubos naman ang saya ng aktor dahil sa pagkapanalo nito sa kaso. ERWELL PEÑALBA
NI SHIELA SALUD tan ng pagtuturo ng music instrument, pagsasayaw, at pagbabasa ng bibliya. Isa din ang asawa at anak ni Pascual sa nagbibigay ng malaking suporta sakanya upang maitaguyod ang kanyang misyon. Ayon kay Pascual, nais niyang mapalago Artreach sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad sa mga bata na may puso sa sining. Dagdag pa niya, nakakataba ng puso ang mga magulang ng estudyante na nagbibigay ng tiwala sa kanyang paaralan at sinusuportahan ang kanilang mga anak. Ito ay isang patunay na naman na karapat-dapat ipagmalaki ang mga Caviteño.
Emergency landing ng MG520, bubusisiin! IIMBESTEGAHAN ng PAF investigators team ng Sangley Point sa Cavite ang emergency landing ng MG520 helicopter gunship sa isang beach sa Talisayan village ng Zamboanga kamakailan. Ayon kay Brigandier General Horacio Lapinid, commander ng Philippine Air Force’s 3rd Air Division, ang mga piloto na sina, Major Sabrino at Captain Parcia ay nagsasagawa ng “element lead training” at nagmula sa Edwin Andrews Airbase. Dagdag pa ni Lapinid, habang tinatahak ng dalawa ang himpapawid ng Talisayan, ay nagkaroon ng problema ang makina ng helicopter kaya naman napilitang mag emergency landing ang dalawang piloto. Nagtamo naman ng malaking pinsala ang helicopter dahil sa pagsalpok nito sa lupa, ngunit nasa mabuting kalagayan naman ang dalawang piloto. Aalamin naman ng PAF investigators team ng Sangley Point ang siyang pinagmulan o dahilan ng pagkasira ng makina ng helicopter. Samantala, ipinakita naman ng pangyayari kung gaano kadalikado ang buhay ng mga sundalo na sa isang iglap at sa simpleng kapabayaan ay maaring mawala. JUN ISIDRO
3
PAGHAGUPIT NG BAGYO PINAGHAHANDAAN NA! MGA posibleng evacuation center sa pagsapit ng hagupit ng bagyo sinimulan ng piliin sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Ilang pampublikong paaralan ng Calabarzon sa elementarya at sekondarya, maaaring maging evacuation center pagsapit ng hagupit ng mga bagyo. Ayon kay Vicente Tomazar, Director ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC), matapos ang pananalanta ng bagyong Ondoy, nagpahayag na ang kanilang ahensiya sa lahat ng mga LGU na magsagawa at magpasa ng mga listahan ng mga maaring maging evacuation center sa paghagupit ng bagyo. Gayunpaman, bukod sa mga paaralan, kabilang din ang sa mga posibleng maging evacuation center ay mga covered basketball court, barangay hall, at pribadong estabisyemento, upang maiiwasan din di umano
kahit papano ang pagkatigil ng klase sa mga paaralan ng mahabang panahon at maging ang pagkasira ng mga gamit sa paaralan. Ayon kay Tomazar, maraming mga evacuees ang nagtatagal ng sobra sa paaralan, dahilan upang matigil din ang mga klase sa paaralan. Dagdag pa ni Tomazar, karamihan din sa mga gamit at pasilidad ng paaralan ay nasisira ng mga evacuees. Kaya naman hanggat maari ay mas humahanapang mga ito ng ibang establisyemento maliban sa mga paaralan. Ang tema ng RDCC ngayong taon ay pinamagatang “Sariling Kaligtasan Alagaan, Paghandaan”. Ayon pa kay Tomazar ay mamimigay sila sa mga paaralan ng mga video clip na magsisilbing paalala sa mga dapat gawin pagsapit ng sakuna upang magkaroon ng dagdag na pagiingat ang mga mamayang maaring maging apektado. NADIA DELA CRUZ
PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan RESPONDE CAVITE sa numero 527-0092
HUNYO 13 - 19, 2010
4
ELECTION POSCRIPT
NAIPROKLAMA na ang nagwaging presidente at bise presidente ng Pilipinas. Nauna na rito ang mga pinalad na 12 senador. Lalo pang nauna ang sang talaksang congressman, governors, mayors, at councilor. Nararapat lamang na magsaya ang buong sambayanan sa tagumpay ng automated election. Sa kabila ng di mabilang na paratang ng dayaan sa kakulangan ng hindi perpektong PCOS machine. Bakit nga hindi naging katanggap tanggap sa mga natalong kandidato na hindi sila naiboto ng bayan? Tuloy pa rin ang bintang ng dagdag bawas, bilihan ng boto, pagtatraydor, pananakot, paggastos ng sobra-sobra, sa itinadhana ng batas at mga gawaing nkakasira sa adhikain na magdaos ng clean na fair election. Sport lang sana and hindi makalusot sa elek-
syon at tanggapin na niloob na maykapal na mangyari ang nangyari at paalalahanan ang lahat na ginawa nating sugal ang institusyon na dapat sanay naging matibay na pundasyon ng demokrasya. Lahat halos naman ay may nagawang katiwalian ang mga kandidato at mga mamboboto. Ang boses na bayan o ng sinabi nating mayorya sa lipunan ay pang karaniwan nang mali. Natatandaan pa natin na ang bayan ang humatol at nagcucity sa ating manunubos sa kabila ng pagkatiklo na pilato mahigit na dalawang libong taon na ang nakaraan. Pahintulutan ninyong baliktarin ko ang babala ng pilosopong “Machiavelli in the end does not justify the means “. Sa ginawa ng mga lider politiko n dating bansa lahat halos ng kaparaan ay gagawin makamit lamang ang tagumpay sa eleksyon. Ang naging reyalidad the end the means lahat halos ng mga politiko at kanilang mga taga sunod ay di aamin sa nangyayaring ito. Sa ating politika naririyan ang kasabihan “truth hurts “. SUNDAN SA P.5
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor shella salud jun isidro acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario
rex del rosario
3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district
wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
Ambon, Ulan at Bagyo (p.s Siyam-siyam) Nasa tikatik ng ulan Ang ikapagpuputik ng daan -Matandang Kasabihan SA mga nagsipagwagi sa nakaraang eleksyon, malamang nakakaramdam na ang mga ito ng pagambon ng mga bulung-bulungan kung mananatili pa ba ang loyalty sa partido o mangingibangbakod na. Ito rin ang panahon na umaambon-ambon na ng pagpaparamdam ang mga financier ng mga nagwaging kandidato kung paano nila babawiin ang kanilang ‘itinulong’. Naku, ano nga kaya? Mas maraming pwesto pio (permanenteng pwesto) ng saklaan? Doblehin ang sabungan? Mas dumami ang mga lewd show o mga sumasayaw na tahong na may kapirasong buhok? Mas dumami ang mga kupal at maangas sa lansangan dahil ang amo nila ay hawak sa leeg ang nagwaging politiko? Umaambon ng alingasngas. Babahain kaya ang Cavite ng problema? oOo Ngayong papasok na ang tag-ulan, samut-saring problema ang hatid nito kasabay ng pagbubukas ng klase. Nariyan ang mga pasaway na eskwelahan na pilit igigiit na agad magsipagbayad ang mga pobreng magulang ng ganito at ganyan kahit malinaw na sa sinabi ng Deped (Department of Education) na isang buwan pa matapos ang pagpapatala sisimulan ang unti-unting paniningil sa mga bayarin sa eskwelahan. Kung may malalaman kayong pasaway na eskwelahan, tawagan nyo kami at kami ang magpapaulan sa kanila ng hambalos. oOo Bagyo ang dating ng ilang nagsipagwaging kandidato sa Cavite na kaalyado ni President-Elect Noynoy Aquino. Asahan dapat nating magamit nila ang hanging dala nila sa paghahatid ng mas ma-
kabuluhang serbisyo sa Lalawigan. Eh, paano yung mga natalo? Mga ilang tulog na lang, makikita din natin sila sa munisipyo o sa ilang tanggapan ng gobyerno na hinirang ni Noynoy Aquino batay sa rekomendasyon ni ganito at ganyan bilang ganti sa utang na loob dahil sa naganap na eleksyon. oOo Ang malakas na hangin at ulan ay simbolo lamang kung naging gaano katindi ang nagdaang taginit. Ang mga dumi sa kalangitan, ay sapilitang ibabababa ng tubig-ulan. Dahil matagal na panahon nagging tigang ang lupa, kinakailangan ng mas maraming kulog at kidlat. Dahil sa pamamagitan ng mga ito, nagsasaboy ng mineral ang mga ulap kasama ng ilang sangkap na nasa atmospera upang muling maging mataba ang lupa. Marunong ang kalikasan. Binabalanse nya ang kanyang sarili. Kung kinakailangang bahain ang mga taniman upang sa paghupa nito ay maiwan ang mga mineral, kanya itong gagawin. Ganyan din ang sistema ng politika sa Pilipinas. Lalong lalo na sa Cavite. Ang resulta ng nagdaang halalan ay simbolo lamang ng mga pangyayari sa loob ng tatlo o higit pang taon. May dapat palitan dahil dahil dapat palitan. May dapat maiwan dahil dapat maiwan. Nagdulot ng pansamantalang kaguluhan para sa hinaharap ay maging mas maayos. Mas maraming makinabang. Ang mga dating maangas at kupal na bodyguard ni ganito at ni ganyan… tahimik na muna ngayon. Naghihintay nang buong pasensya. Nagbabakasakali, sa susunod na eleksyon, muli silang makabawi. Kaya lang, baka dahil nasobrahan ang kanilang kakupalan at kaangasan dati, mahaba-haba ang kanilang ipaghihintay. Aabutin sila ng siyamsiyam.
PEDICAB CLASSROOM- Tanging Alay Sa Mga Batang Salinas KASABAY ng 112th Philippine Independence Day Celebrationay ang kauna-unahang anniversary ng Pedicab classroom. Ilang beses ko rin naisulat ang paanyaya ukol ditto. Muli na naman iikot ang pedicab sa pagpadyak ng inyong lingcod. Kaya mga bata,humand na sa inyong pagpasok sa pedicab classroom dalay aklat ng karunugan at pag asa. Tuwing sabado at lingo po ng umaga ang schedule na pagtuturo. Kung saan pwedeng lugar at barangay ay nandoon po ako. Kitakits tayo! oOo Langit sa piling nina kuya Efren Peñaflorida at KB ang aking nadama noong kami’y nagkita at nag-usap. Nagbigay sila ng mga gamit pang-eskwela, pang-espaghetti at gift certificates para sa aking mga estudyante. Ontime para sa 1 st Anniversary ng Pedicab classroom. Di ko akalain na ang pangyayaring itoay naganap. Ika nga sa Ingles, “ From Dream to Reality”. Kahanga-hanga ang pagkatao— very humble inspite his fame and achievements. Talagang binigyan nila ako ng sapat na oras upang kami’y magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa aming pagkilos. Ramdam ko ang ganitong pusong-taglay niya. Pati nga picture taking ay aking ni-request para magsilbing ala-ala at inspirasyon. Maraming Salamat Po sa inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya. Nakaukit nap o sa aming mga puso ang kagandahang loob ninyong ipinamalas sa lahat. Di naming kayo malilimutan bilang bahagi nag aming pagkilos at paniniwala. Sana maulit muli....
oOo By ispirit, kasama rin po si Eman, isa sa mga bagong bayani ng bayan. Gayundin sina Josh at Kesz na kaysarap din kausap. Touched ako sa pag abot ni Kesz sa akin ng isang”Ako Mismo” na kwintas bilang regalo nga sa aking 1st anniversary. Napaiyak ako sa tuwa noiong ako’y nanood na programang”Ako Mismo” sa chanel 5 na kung saan isa siya sa future bagong bayani. Iniabot sa kanya ang nasabimg kwintas after the presentation. At mga suki, alam ba ninyo na ang ibinigay na kwintas sa akin ay ang mismong kanyang natanngap sa programa. Kakaibang feeling ang aking nadama. Napakabait niyang bata. Sa kanyang murang edad ay puno na siya ng mayaman na karanasan. Huwaran ka sa aming mga puso. Hats off ako sa iyo. Keep it up, Kesz1 oOo Nais ko pong pasalamatan ang Silver Jubilarian Batch ’85 ng PNU sa tulong suportang alay nila sa Pedicab Classroom. Patikular sa aking mga classmates (BSESE) na sina; Nimia Delgado- Centillo, Germalyn Bacosa Cadlaon, Medy Malcat Bianzon, Helen Grace Guerra-Reyes at Dr. Leonardo Tabaranza at syempre sa aking mga kasama sa Responde Cavite. Gayundin po kina Mayor Nonong at Vice Mayor Jhing-Jhing, Kon. Voltaire Ricafrente,Kon Mao Luna at Dr. Apolo Portez ng TUP para sa kanilang pagbati at patuloy na tiwala sa inyong lingcod. Mabuhay ang mga batang Salinas! Mabuhay ang mga taong nabanggit! Mabuhay ang Pedicab Classroom!
HUNYO 13 - 19, 2010 SENIOR CITIZENS... Mula sa pahina 5
Iwas baha BACOOR, CAVITE – Pinuntahan ng Bayan Mo, Ipatrol Mo (BMPM) ng Kapamilya ang nasabing bayan upang tiyakin ang pagtugon sa isang reklamong natanggap ng BMPM.
Nakatanggap ng reklamo ang BMPM, patungkol sa madalas na pagbaha sa Barangay Tabing Dagat, Bacoor, isang BMPM patroller ang nagpadala ng video sa nasabing istasyon na nagpapakita ng pagkalubog sa baha ng buong kalsada ng nasabing barangay. Ayon sa nagreklamo, kaunting ulan lamang sa kanilang barangay ay bumabaha kaagad dahil
sa baradong kanal, kaya naman palaging nangangamba ang mga residente na pasukin ng baha ang kanilang bahay, lalo na’t tag-ulan nanaman. Dagdag pa ng BMPM patroller, ilang beses na silang humingi ng tulong sa munisipyo ngunit wala namang ginagawang aksyon ang mga opisyal. Kaya naman nitong nakaraang Lunes, hindi
na hinintay ng barangay ang aksyon ng munisipyo, nilinis na ng barangay ang mga baradong kanal, na siyang punung-puno ng mga plastik at iba pang mga basura. Ayon sa kapitan ng barangay na si, kinailangan na nilang aksyunan ito upang hindi na magbigay ng perwisyo sa kanilang lugar. Pinaalalahanan naman ng barangay ang mga residente na huwag itapon kung saan-saan ang mga basura upang hindi magbara ang mga kanal at maiwasan ang pagbaha.
Ang mga naluklok o nabalik sa poder ng kapangyarihan ay nagpasalamat ng buong kagalakan mayroon pang mag papamisa ng pasasalamat. Tama! Ang banal na misa ay isang uri ng pagsamba at paggalang sa kagustuhan ng dakilang manlilikha na isang maawaing Panginoon na tuwina’y magpapatawad sa kanyang mga nilalang na umaamin ng pagkakaisa at humihingi ng kapatawaran. Sana naman ay huli na itong paghingi ng kapatawaran sa kabila na maraming puna sa 2010 eleksyon sa kampanyana ng ABS-CBN ay ito na ang naging simula ng pagbabago. Our country is worth dying for. Kaya pinili pa ni Sen. Noynoy Aquino ang kamatayan dito sa kanyang bayang sinilangan minahal at pinagsilbihan. Ganyan din ang panuntunan ng Pres. Cory Aquino na sa tawag ng bayan ay iniwan ang tahimik na pamumuhay at pinasok ang magulong pulitika kaya nga matagumpay na ipinamalas sa buong mundo na ang kaayusan ng pamamahala at kalusugan ng demo-
Tomas P. Tirona Saksi ng kalayaan MAAARING maagang nag-aral si Tomas. Sa silong lamang ng kanilang malakimg bahay ang mga silid aralan. Lahat ng mag-aaral sa mababang grado ay tinatanggap marahil ,inoobliga ni maestro Emong ang anak na maglagi roon .Sa kastila itinuturo ang mga aralin at kung kailangan ,dinadagdagan ng paliwanag sa tagalong . Pinapag-aral din si tomas ng latin sa ilalim ni Maestro Angel Buenaventura ,isang nag-aral sa pagpapari ,ngunit nag-asawa at nag-karoon ng maraming anak kay maestro Fidela . kung minsan ,lalo na kung mga araw ng bakasyon ,umaasiste sila ng kuya Eliseo sa ama sa pag-aasikaso sa mga nagaaral sa mga klaseng primera ,segunda ,tarcena cuarta,at guinta. Maitatanong natin kung saan nanggaling ang dugong malikhain na dumadaloy sa mga ugat ni tomas ? Kung matatandaan, mag-uukit sa kahoy ang lolo niyang si Mariano Paredes at matiim na mambabasa na awit at korido at manlalaro pa ng duplo ang kanyang lolang si Flomena Caldo Cruz. Gayundin, ang kanyang inang si Maestra Coba ay manlalaro rin ng duplo at kahit abala sa negosyo,alam na alam nito ang kasaysayan ng Juan Tinoso at buhay ni Florante at Laura. Nahalina si tomas sa malakas na pag-babasa ng kanyang ina ng mga kwento at maaring nak-
SI TOMAS SA LILIM NG KANILANG TAHANAN (3) ikinig din siya sa mga salaysay ng matatanda ,magsasaka at mga bisita sa kanilang bahay . hindi rin niya maiiwasang makarinig ng duplo at makapaglaro ng juegode prenda dahil popular na popular noon ang mga libangang iyon. Tiyak na nakasaksi din siya ng palabas noon ang mga libangang iyon. Tiyak na nakasaksi din siya ng palabas ng Tropang Chananay, mga dulang kastila at sarsuela na dinudumog pa rin ng mga manood sa huling 30 taon ng siglo labingsiyam . Tagapagtaguyod at tagahanga ang kanilang pamilya kapag ipinalalabas iyon ng mga hermano/ hermana kapag panahon ng kapitahan. Kaya sa isang kapaligirang may sanghaya ng sining,ang wala pang sampung taong gulang na si tomas ay bumibigkis na ng tula sa mga kaarawan ng kanyang lolo,si Mariano Paredes .may mga okasyon din na inimbitahan siyang tumula at iyon ay nagagawa niya ng walang paghahanda. At dahil tagalog at kastila ang mga wika nila sa tahanan kina-tutuwanan siya ng mga kabilang sa gitna at mataas na antas na lipunan .Isa pa hilig din niya ang pag-babasa ng anumang nakalimbag na iniuuwi ng matanda niyang kapatid na si Eliseo na nag-aaral noon ng Escuela Normal sa Padre Faura.
krasya ay nakasalalay sa uri ng dangal at simulain ng mga pinuno nito at higit sa lahat sa katangitanging halimbawa ng pangulo. Kaya Presidente Noy Noy Aquino ipinagmamalaki ni Gob. Vilma SantosRecto na ikaw daw ang pag-asa ng bayan. Mabago mo kaya ang ating political system? Anim na taon kung uuglit sa ating pamahalaan Lincoin Democray is government of the people walang puwang ang makasariling hangarin walang relihiyon o sector na pinapanigan, walang pamilya, kaibigan, o partidong pinapaboran sa inyong pamamahala ang mahalaga ang sala aming lagi mong pag mamasdan ay ang kalagayan suliranin at adhikain ng baying sa iyoy nagluklok sa kapangyarihan mangyari. Nawa sa iyon ang katotohanang ang voice of the people is the voice of God. Isang political miracle ang pagwawagi ni Vice President Jejomar Binay na magiging katuwang ni President Noynoy Aquino sa pag ukit ng pamahalaang makamahirap at
5
makasandig sa Maykapal na ang kalooban ay di kayang tarukin ng tao. Matatandaan na noong Feb. 1986 kasama ng dalawang OIC ng Cavite Mayor Elvei Nazareno ng Naic at Lumen Silao ng Indang si Atty.Jojo Binay ay pinasumpa ni President Cory Aquino sa Malacañang bilang Mayor ng Makati ang dalawa at kalahating dekada na paglilingkod ni Mayor Binay sa pamahalaang lokal ay isang yaman at karanasang handang ihandog ni Vice President Binay upang ang pagbabagong hangad ng lahat ay umabot at lahat matupad sa kabayanan at kanayunan ng ating bansa. Totoo nga bang marumi ang pulitikang pinoy? Nasa inyong kamay ngayon Presidente Aquino at Bise Presidente Binay ang pagbabago ng politikang pinoy. Iyan ang aral ng mandato ng eleksyon 2010 ang kabutihan ay hindi na magiging pipi habang ang kasamaan ay mamamayagpag. THE LORD WILL BLESS OUR BELOVED COUNTRY AND OUR PEOPLE . MAY KARUGTONG...
SA MGA PAKPAK NG HARAYA Dose anyos si Tomas nang ipasya ng kanyang mga magulang na pag-aralin siya sa Maynila . Nakapantalon na siya ng mahaba nang ipalista siya ng kanyang ama sa Colegio de San Juan de Letran sa Intramuros .Maaring hindi niya nagutuhan ang kapaligiran doon,kaya naging malungkutin siya ,pagkaraan ng isang taon, lumipat siya sa Escuela Normal ,kasama ng kanyang kapatid na si Eliseo. Naging masayahin na siya at nasapawanpa niya ang husay ng kanyang mga klase.Ilang taon pa, ,natapos na niya ang kursong maestro elemental nang may higit na mataas na marka . Noon , lubhang bata pa para siya magturo ,kaya pinakuha pa siya ng higit na mataas na kurso sa pagkaguro. Sa edad na kinse at kalahati ,natapos niya ang Maestro Superior at nakakuha siya ng marking sobresaliente .bilang pagkilala sa pambihirang hasay sa pag-aaral ,pati na ng kakayahan niyang magtalumpati ,tinatanggap siya sa ikalawang taon ng segunda ensenanza (sekundarya) sa Ateneo de Manila noong Hunyo,1895 . Bakasyon ng 1896(marso)nang umuwi siya sa Imus. Kinsemedya ang edad niya noon, ngunit matipuno na ang kanyang mabulas na pangangatawan .Namalas niya sa kanilang looban ang malalaking punong mangga ,yumuyuko na ang mga sanga sa bigat ng mga maninilaw nang prutas na aanihin sa bandang Mayo .May kakaibang halina ang pag kamalas niya sa pamumunga ng mga mangga at nakatambad sa kanya ang ibat-ibang urit hugis ng prutas nito,tulad ng kalabaw ,piko,sapadera o supsupin, o kaya sa dako roon ng kanyang tingin ,ang senorita ,ang bayag-toro o ang bulak. Narito ang isang bahagi ng senoto na isinilang ng kanyang haraya: SUNDAN SA P.9
6
HUNYO 13 - 19, 2010
Pagdiriwang sa 112th ARAW NG KALAYAAN—
PAGLULUKSA SA KALAYAAN SA IMPORMASYON
NI MELVINROS ATALIA
MALIBAN sa bandila, Ibabandera sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Quirino Grandstand ang di umano’y naging tagumpay ng papatapos na Administrasyong Arroyo. Tatawagin ang pagdiriwang na “Kalayaan: Tagumpay ng Bayan”. Dadaluhan din ito ng mga prominentang Pilipinong nagkapag-ambag ng karangalan ng bansa.
Inaasahan ang parada ng mga float na magsasalarawan ng mga proyekto at mga pangyayaring itinuturing na naging landmark ng administrasyon tulad ng PCOS machine ng nakaraang automated election. Mayroon ding Full Military Honors na tila ngayon lamang mangyayari sa kasaysayan ng Independence day celebration. Ang pagdiriwang sa Grandstand ay tila selebrasyon na rin ng Pangulo sa kanyang mga pinaggagagwa sa bayan. Sa kabilang banda, tagumpay ding maituturing ng mga kaalyado ng pangulo ang hindi pagpasa sa Free-
dom of Information Bill nuong nakaraang linggo. Ang mga lumagda at nagsusulong ng nasabing bill ay masasabing pawang oposisyon (maliban kay Sen. Lito Lapid na kasapi
ng Committee on Public Infoimation and Mass Media) Ang batas na ito sana, kung naaprubahan, ang magbibigay kalayaan sa mamamayan upang malaman ang mga naganap sa mga proyekto ng pangulo at ng anumang sangay ng pamahalaan. Marami sa mga kritiko ng pangulo ang nakabanaag sa kamay ng pangulo sa di pagpasa ng batas. Matatandaan na nuong naiipit si dating NEDA Director General Romulo Neri, tumanggi itong ilahad ang mga
detalye ng naging usapan nila ng Pangulo sa usapin ng ZTE scandal. Malaki ang dapat na maging gampanin ng bill na ito laban sa kurapsyon sa pamahalaan, mga naging papel at gampanin ng sinumang politiko, at anumang transaksyong may kinalaman sa publiko. Ito sana ay mabisang armas sa pagtataguyod ng kalayaan at demokrasya. Nagsara ang huling sesyon ng ikalabing-apat na kongreso ng kulang sa bilang ang mga mamabatas upang ratipikahan ang
nasabing batas. Dalawang hakbang na lamang sana at buo na ang batas, ngunit sa ngayon sa pagbubukas ng ikalabinlimang kongreso ay balik uli sa simula ang Fredom of information Bill. Sa Kawit, mas simple ang magiging pagdiriwang. Tradisyunal ang pagbasa ng proklamasyon nuong 1896, pagtaas ng watawat at ang pagdalo ng Bisepresidente. Makalipas ang 112 na taon
ng “kalayaan”, malaki na ang ipinagbago ng kabite, hindi na kastila ang kalaban kundi kahirapan at korapsyon. Gayunpaman, pito na ang distrito ng probinsya at pito rin ang ang kanyang kinatawan sa kongreso at inaasahang magsusulong ng pagbabago. Manindigan at maging singtapang din kaya nila ang mga nauunang lider ng lalawigan 112 taon na nakaraan?
8
HUNYO 13 - 19, 2010
NOY, Sineng pi-NOY na pi-NOY; Tatak NOY NAPAPANAHON. Puno ng Emosyon. Makatohanan. Tatlong makabuluhang paglalarawan tungkol sa pelikulang pinag-uusapan ng bayan. Maramingmatututunan ang bawat manonood, sapagkat taglay nito ang aral sa buhay na dapat talagang lumaban ka sa hamon nito para mabuhay. Ang mga nagsiganap ay magaling. Sa kanilang pag-arte, ipinamalas nila ang masidhing damdamin at katangiang pinoy na pinoy. Ang konektadong buhay-kampanya ni Pres. Elect Noynoy Aquino ay nakadagdag ng makuay na sining para sa kabuan na kwento. Ang makatotohanang pag ganap ng bilang lalaki na si Coco
Ni Nimia Delgado Centillo Master teacher I – Aurora Quezon Elem. School, Q.C.
NOYNOY Martin na siyang pumapel kay noy bilang huwad na mamamahayag ay lumutang ng todotodo. Kayganda rin ng pagdugtong–dugtong ng mga pangyayari. Biglang nahirapan akong huminga sa bandang
COCO huli ng istorya dahil na nga sa makabagbagpusong eksena sa pambubugbog kay Joem bilang nakatatandang kapatid ni Noy at kasunod ang walang awing pagbaril sa inosenteng si Noy.
Napaluha ako sa sobrang sakit ang aking nadrarama ng oras na iyon. Halos apektado ako sa aking pinanood. Pero sulit naman ang aking naibayad sapagkat sobarang katuparan at karangalan ang aking nakamit sa pagbabahaging ito ng panahon at pera sa isang sineng buhay Noy-pi. Pati ng mga kaibigang kasama ko sa panonood ay nasiyahan din. Malugod kaming nagpalitan ng kuro-kuro ukol dito.Isang makahulugang pagsasamasama ang nabuo sa pagtatanghal ng isang “ a must see movie”, ika nga sa ingles. Masaganang palakpakan at “ standing
Sinisiraan ng Ex-BF
Binibining Bebang, Tatlong buwan na mula nang makipagbreak ako kay Erna. Umabot din nang isang taon ang relasyon namin. Hanggang ngayon, sinisiraan niya ako sa mga kakilala namin. Sinasabi niyang manyak ako. Ang hilig ko raw sa babae. Manloloko raw ako, playboy. Bad trip na ako sa kanya. Baka isang araw, hindi na ako makapagpigil at makakatikim sa akin ng sapak iyan, e. Kerwin ng Alapan 1A, Imus, Cavite Mahal kong Kerwin, Baka naman kasi totoo. Ay, hindi. Biro lang. Ambayolente mo naman, tsong. Ang babae o kahit na sinong tao ay hindi dapat sinasaktan kahit na ano pa ang atraso sa atin. Kasi, kapag sinaktan natin sila, gaganti at gaganti sila sa iba’t ibang paraan. Puwedeng sa marahas din, puwedeng psychological, puwedeng etcetera. Ang point ko, kapag
sinaktan tayo, hindi ba, gaganti na naman tayo? Tapos sila uli. Tapos tayo uli. At cycle of violence na iyan bago pa natin mamalayan. Gantigantihan na walang patda, ganon. Mukhang napuruhan mo nang husto si Erna nang makipag-break ka sa kanya. Sa sobrang sakit na naramdaman niya sa break up ninyo, nag-isip siya ng paraan para makaganti sa iyo. Kasi akala niya, kapag nakaganti siya sa iyo ay mawawala ang sakit na nararamdaman niya. So parang isang sundalong sugatan ang iyong ex na si Erna. Habang nakikita niyang umaagos ang dugo sa sugat niya, lalo siyang tumatapang, lalong tumitindi ang pagnanasa niyang patayin ang taong inaakala niyang bumaril sa kanya. Kaya baril siya nang baril. Wala na siyang pakialam kung sino ang masaktan o mabaril niya. Baka nga hindi rin niya napapansin na ang baril na kinakalabit niya ay sa kanya na pala nakaharap. Para na rin niyang pinapatay ang kanyang sarili. Kung ganito ang kalaban mo, ano ang magandang taktika?
Balewalain mo ang mga putok mula sa kanyang baril. Maging kalmado ka lang. Kasi histerikal na siya, huwag mo na siyang sabayan at banggain. Kilala mo ang sarili mo. Kung walang katotohanan ang kanyang pinagsasasabi, huwag mo na lang itong intindihin. Tiyak akong nauunawaan ng iyong mga kapamilya at kaibigan ang sitwasyon ninyo at babalewalain lang din nila ang mga naririnig na galing kay Erna. Tanging ang mga tsismoso’t tsismosa lang naman ang maniniwala riyan at sigurado akong wala naman silang kuwenta sa buhay mo kaya hayaan mo na, huwag na silang pag-aksayahan ng panahon. Samantalang si Erna, mapapagod din at manghihina. Matutuyuan ng dugo. Mauubos din ang bala sa kanyang baril. Wait ka lang. Sa ngayon, iwasan mong madagdagan pa ang kanyang sugat. Iwasan mo munang magpakita sa kanya, baka naman haharahara ka pa sa daraanan niya araw-araw habang nagpapatugtog ng kantang How do I live
without you. Insulto ‘yon, loko. Iwasan mo na rin muna ang mga kapamilya at kaibigan niya. Baka naman paiskeiskedyul ka pa sa nanay niyang derma at sa best friend niyang dentista para lang makalibre ka. Ipostpone mo muna, kesehodang pumuputok na parang bulkan ang iyong mga taghiyawat at nahihiwa na ang gilagid mo sa pagkakabasag ng iyong bagang. At higit sa lahat, kung may gusto kang ligawan, gawin mo ito sa medyo patagong paraan. Ibig kong sabihin, huwag naman iyong tipong ipaparada mo pa sa tapat ng bahay nina Erna ang bago mong epol of the eye. O kaya pupunuin mo ng picture ng bago mong source of inspirasyon ang account mo sa Facebook. Saka na. Pagka-nagdeklara na si Erna ng kanyang pagkatalo. Magsosori din iyan sa ‘yo. Pustahan pa tayo. Mag-aabang sa puting bandera ni Erna, Ate Bebang oOo Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, magemail sa beverlysiy@gmail.com.
ovation” ang sulit na kapalit para sa pelikulang ito. Hangad ko’y tuluyang mamulat ang baying suki para sa mga sineng todo-sulit. Sana’y dumami pa
ang mga producers na katulad nila kasi malaking kontribusyon ang alay nito sa industriya. MABUHAY ANG NOY! MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPNO!
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)- Magiging malakas ang dating ng karisma pero dapat iwasan ang masabit sa isang bagong relasyon upang hindi magkaroon ng sakit ng ulo. Maaaring magkaproblema sa kalusugan kung magiging pabaya sa sarili. CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22)- Umaayon ang galaw ng mga bituin upang mapatatag ang samahan sa loob ng sariling tahanan at sa trabaho. Sa romansa, magiging mas mainit sa pagpapadama ng pag-ibig ang minamahal kung magpapakumbabang-loob. LEO (Hulyo 23-Ago. 22)- Hindi dapat maliitin ang kakayahan at talino ng mga kasamahan trabaho upang hindi magkaroon ng anumang suliranin sa paghahanapbuhay. Iwasang lumaki ang ulo at magyabang kung gustong madagdagan ang mga kaibigan sa kinabibilangang sirkulo. VIRGO (Ago. 23-Set. 23)- Kung nabigo ang pangako sa minamahal, huwag kaligtaang humingi ng pasensiya at lalong huwag na muli itong paasahin pa. Tandaan na higit na mahalaga ang gawa kaysa anupamang matatamis na pananalita. LIBRA (Set. 24-Okt. 23)- Magiging maunawain sa mga taong makagagawa ngayon ng atraso o pagkukulang. Napapatunayan sa sarili na ang pagpapatawad sa mga nakagawa ng kasalanan ay magiging mahalaga lamang kung magagawang maituwid ang kamalian. SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)- Sa halip na maghinanakit, dapat pang pasalamatan ang isang kaibigan na magsabi ng mga tinataglay na kahinaan o kapintasan. Hindi dapat magbalat-sibuyas upang maging bukas ang isipan sa maririnig na kritisismo sa araw na ito. SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)- Kung may tungkulin sa trabaho, dapat seryoshin ang pagtupad ng mga gampanin. Sa mga may-asawa, sa araw na ito masusukat ang katapatan sa minamahal kaya dapat maging matatag sa darating na pagsubok. CAPRICORN (Dis. 22-Enero 19)- Maaaring magdalawang-isip sa binabalak na pagtatrabaho sa abroad dahil sa minamahal na maiiwan. Ang mga pangarap ay magkakaroon lamang ng katuparan kung susundin ang pansariling plano. AQUARIUS (Enero 20-Peb. 18)- Mahalagang pakinggan ang mungkahi o suhestiyon ng mga magulang o kaibigan na may kinalaman sa pagpapaunlad ng career o negosyo. Dapat samantalahin ang pagpabor ng galaw ng mga bituin upang makamit ang inaasam na tagumpay PISCES (Peb. 19-Mar. 20)- Iwasan ang mga nakakaintrigang usap-usapan o tsimis upang hindi masubo sa pakikipag-alitan sa isang kasamahan sa trabaho. Kung magkakaroon ng awayan sa paligid, makabubuti ang pananahimik o pagsasawalang kibo kaysa kumapi sa isang panig. ARIES (Mar. 21-Abril 19)- Papaboran ngayon ng magandang pagkakataon upang maisakatuparan ang mga plano sa trabaho o negosyo. Huwag panghinaan ng loob kung magkaroon ng kahadlangan sa simula dahil magaan naman itong malalagpasan agad. TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Kung magkakanegosyo o magkakaroon ng extra income ay madali nang matutugunan ang mga obligasyon at pananagutan sa pamilya. Kinakailangan ang pagtitipid at matalinong pagba-budget upang hindi magipit sa pera.
HUNYO 13 - 19, 2010
9
Ang pwede sa mga bata na di pwede sa matatanda NOONG mga bata pa tayo, madalas tayong pagalitan ng ating mga magulang tungkol sa ilang mga bagay-bagay na ginagaya natin sa mga matatanda. Sermon, pingot, mura o kung minsan ay palo ang kabayaran ng ating panggagaya sa kanila. “Hindi pa pwede sa iyo yan, bata ka pa” “Ang bata-bata mo pa, gagawin mo na yan.” “May gatas ka pa sa labi, saka na yan.” “Kaya mo ba ang buto mo?” Pero alam ko na marami tayong ginagawa noong mga bata pa tayo na madalas kainggitan ng mga matatanda.
Yun bang maglakad at lumabas ng bahay ng walang salawal? Wala raw malisya kapag bata. At sa pagkakaalam ko, matatanda ang naglalagay ng malisya. “Tuli ka na ba?” “Magba-bra ka, wala ka pa ngang regla.” Kahit anong kulay ng damit pwede sa mga bata. Cute pa nga tignan kapag medyo saliwa ang kumbinasyon ng kulay. Kapag matanda, naku, napakapartikular sa kulay at uso. Kapag bata ang pinasasayaw kahit wala sa tyempo o ritmo ng tugtog, okay lang. Masayang tignan. Kapag matanda na ang sumasayaw at parehong kaliwa ang paa, sarap kaladkarin palabas. Kapag bata ang kumakanta kahit sala ang tono at mali-mali
ang lyrics, okay pa rin. Palakpakan pa nga ang matatanda. Kapag matanda ang kumakanta na hindi napagsabihan ng mga kaibigan na uso pa rin ang tono at hindi pa naiimbento ang bagong-wika-na-maylimang-tao-pa-lang-samundo-ang-nakakaintindi, sarap bulyawan o hugutan ng mikropono. Ang batang kumukupit ng barya sa bulsa ng matatanda, iniisip natin na lalaking mapamaraan ang bata. Ang matandang nagungupit sa bulsa ng iba (kahit pa sa kamag-anak kumupit masarap palayasin. Ang batang makulit,maurirat at tanong nang tanong… lalaking scientist o genius. Ang matandang maurirat at tanong nang tanong o paulit-ulit,
kadalasang lasing o naghahanap ng away. Hindi alam ng bata kung ilang araw pa bago dumating ang pasko at Birthday nya. Kaya ang paliwanag natin ay “sampung tulog na lang.” Ang matatanda, ayaw alamin kung ilang araw pa kung kelan ang pasko at birthday. Madaling makalimot sa petsa ang walang pera. Maraming mga bata ang nagmamadaling tumanda. Naiinggit ang mga bata sa kapangyarihan at kalayaan ng mga matatanda. Kung alam lang ng mga bata kung gaano kasarap maging bata. Teka, may masarap nga pala sa matanda na hinding hindi pa pwede sa mga bata... “Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?”
BAGWIS
MULA SA PAHINA 5
SA MANGGA NG CAVITE May dantay ng bulo, luntian, Masaya Pitas sa panahon sa galas ng sanga; May ningning ang hinog, dilaw sa umag Kung daho’t dayami, may lambot na kuna. Nang panahong iyon,nalantad na ang sabwatan ng katipunan .Naaresto at naitapon na sa Palawan at iba pang pulo ang mga napaghinalaang rebelde. nagbangon na rin ang Cavite. Ngunit hindi pa natitinag si Tomas ng kaguluhang bahagya ng nakagambala sa mga kabataan sa lungsod at wala pa siyang kamalayan sa tuminding kawalang kasiyahan ng mga mamamayan sa mga parang at kabukiran. Malayo ang Maynila sa ugong ng mga labanan. Patuloy siya sa Pag-aaral at pag-aani ng mga karangalan. Katunayan,noong akademikong taong 1896-1897 siya ay ginawaran ng pinakamataas na karangalang excelencia sa Ateneo de Manila. Ngunit ang hudyat ng pagkagarote sa tatlong pari, ang pagkatuklas sa katipunan ,at ang usap-usapan tungkol sa pagdakip kay Rizal ay nagdulot ng kakaibang kabalisahan sa paligid. Lumulubha na ang mga pangyayari.Lumaganap ang pagdakip at pagbilanggo sa mga napagsuspetsahang kainalam sa himagsikan ,wala pang bunga ang mga pananaliksik kung bakit na bilanggo si tomas. Hindi matiyak kung kailan ang at papaano siya dinakip at ipiniit sa Fuerza Santiago. Iyon ba ay dulot ng laging reaksyon ng mga awtoridad na kastila na ang dakpin ay mga kabataan kapag nagkakaroon ng mga kaguluhan? At lalong isipang si Tomas ay anak ng Imus at may kapatid(eliseo) na lingid sa kanya ay aktibo sa sabwatan laban sa mga prayle at sundalong kastila sa kanilang bayan . Kaya bunga marahil ng matinding lungkot dahil sa kawalang-tiyakan sa loob ng bilangguan, nasulat niya ang A MI MADRE. Narito ang ilang bahagi : O, kaawa-awa kong ina Na umiyak sa tindi ng dusa Pagtuklas mong nagiisa ka Wala ang anak na luwal mo sa umaga. Naku! Anong kirot sa iyong dibdib Ang nadarama mo sa hapdi at sakit Nilalaro’t naguusisa ang diwa at isip Kung magkikita pa sa lupa o langit. Kung sagana pa ang luha mong natigis Na magpapagaan ng hapdi at pasakit Kung matatakasan ko ang lagay na gipit At sa mga bisig mo’y luwalhating maibalik Kung sa dilim ng gubat hinagpis ng libing Mula sa malayo ang aking marinig Sa ulilang puntod na walang sinlamig Iiyakan ko ang krus mong walang titik. ITUTULOY
10
HUNYO 13 - 19, 2010
Hallucination 2
ISA sa pinakapopular na uri ng halusinasyon sa Pilipinas ay ang pagkakarinig ng boses at pagkakakita ng mga multo o di umano’y espiritu. Sa Sikolohiya, Tinatawag na illusion of grandeur ang pagkakarinig ng diumo’y tinig mula sa langit o dyos. Dahil sa nais ng tao na magmukha syang mahalaga sa pagiging mensahero o tagapaghatid ng mensahe sa kapwa. Sa likod di umano ng isipan ng nakaranas ng ganitong halusinasyon, nagiging importanteng tao sya pagkat bukod tanging nahirang na sugo o mensahero. Maaring hindi batid ng may katawan na itinataas nya ang kanyang sarili. Subalit kapag naging maganda ang reaksyon ng mga taong na sa kanyang paligid ukol sa kanyang halusinasyon, maaari itong ma-reinforce o
mapangatawanan pa mismo ang nasabing halusinasyon. Halimbawa, kung ang ikaw ay nakarinig ng diumano’y tinig mula sa isang anghel at inuutusan kang ipalaganap ang isang kautusan, at ang mga kamag-anak at kaibigan mo ito ay naniwala at sinuportahan ka ipalaganap ang kautusan, hindi malayong muli ka pang magkahalusinasyon
ukol kundi man kaugnay o karugtong nung nauna. Malamang sa bandang huli ay magtayo ka pa ng relihiyon. Maraming ganitong kaso Pilipinas. Ang Halusinasyong pagkakita multo o espiritu ay mas palasak. Halimbawa, namamalantsa ka sa tahimik na silid. Sabihin nang hindi man lang nasasagi sa isip mo ang anumang bagay na may kinala-
man sa multo. Ngunit tahimik ang silid at may banayad na hangin mula sa bintana na nag pagalaw sa kurtina. Hindi mo pa rin naiisip ang multo. Maya maya ay parang nakaramdam ka na ng yabag na tila may lumalakad mula sa likuran mo gayong wala naman. At saka ka kikilabutan . Multo! Ang halusinasyon ay sinasabing false perception. Ang binasa ng isip mo sa pagkakataong ito ay ang pattern ng pagkakaroon ng multo. Ang atmosphere kung saan karaniwang kararamdaman ng ganong bagay. Ang halusisansyon din ay magkakaiba sa bawat bansa. Dahil nga sa inuugnay ng isipan ang mga nararamdaman at naiisip kung kaya’t ang konteksto nito ay ayon pa rin sa kultura. Sa PIlipinas at iba pang kristyanong bansa, ang mga boses ng halusinasyon ay karaniwang si Maria o si Kristo o anghel. Hindi mo maasahang si Maria rin ang maging laman ng halusinasyon sa Middle East halimbawa o sa Japan. Ang bangungot ay isa sa maglalarawan ng
impluwesya ng kultura sa konteksto ng halusinasyon. Dito sa Pilipinas, multo, demonyo o namayapa ang karaniwang nagiging laman ng bangungot. Nakatanghod kunwari ang namayapa sa iyong higaan habang hindi ka makagalaw gayong alam mong buhay ang iyong diwa. Sa mga hapones, Shinigami naman o dyos ng
kamatayan ang di umano’y nararamdaman. Kung minsan ay Sadako na may pagkakahawig sa White Lady ng Pilipinas. Sa Tsina, babaeng espiritong maninipsip ng dugo at may papel na selyo sa noo ang nakaupo sa dibdib ng natutulog kung kaya’t hindi makagalaw. Tipong version naman nila ng bampira.
HUNYO 13 - 19, 2010
11
HUNYO 12: ARAW NG KALAYAAN O ARAW NG KADAYAAN? TAONG 1998, huling yugto ng panahon ng panunungkulan ni Pangulong Fidel V. Ramos nang gunitain ang ika-100 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas. Gumastos ang pamahalan ng malaking halaga para sa magarbong mga programa para sa okasyon. Halos lahat ng lugar sa ating bansa ay nabihisan ng pambansang watawat. Ngayong taong 2010 ay gugunitain na naman ang Hunyo 12 bilang ika-112 taon na ng tinatawag na Unang Republika sa Asya- ang gobyernong itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo. Subalit talaga bang malaya na ang Pilipinas pagkalipas ng 112 taon? Ang pagwawagi ba ni Noynoy Aquino bilang pangulo ng Pilipinas ay may maitutulong upang palayain ang bansa sa kumunoy ng kahirapan? Kung babalikan ang kasaysayan, ang pamahalaan ni Aguinaldo ay nabuo matapos na maagaw niya ang liderato ng Katipunan kay Andres Bonifacio sa halalang na-
ganap noong Ika-22 ng Marso, 1897 sa Kumbensiyon sa Tejeros (ngayon ay bayan ng General Trias sa Cavite). Planadong kudeta ang naganap sa mismong kaarawan ni Aguinaldo mula sa sabwatan ng mga kasapi ng Magdalo at Magdiwang na nagtakwil kay Bonifacio bilang Supremo. Mismong mga tauhan din ni Aguinaldo ang pumatay kay Bonifacio at sa mga kapatid nito noong Ika-10 ng Mayo, 1897 sa Maragondon, Cavite matapos ang scripted na paglilitis mula sa hindi makatotohanang mga akusasyon ng pagtataksil di umano nina Bonifacio laban sa mga tagapagtaguyod ng rebolusyon. Subalit pitong buwan pagkatapos ng kamatayan ni Bonifacio ay isinuko din namanni Aguinaldo ang rebolusyon sa bisa ng Kasunduan sa Biac na Bato kung saan pumayag sina Aguinaldo na maipatapon sa Hongkong kapalit ng halagang P1, 700,000. Ang kabuuang halagang P400,000.00 ay napunta sa bulsa
ni Aguinaldo habang ang ibang pera ay pinaghatian ng mga oportunistang lider ng pag-aaklas na naiawan sa Pilipinas. Halagang P600,000.00 lamang ang kabuuang aktuwal na naibayad ng gobyerno ni Heneral Primo de Rivera sapagkat kapwa hindi naman tumupad sa usapang wawakasan na ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino. Samantala, ang Amerika na malaon nang may interes sa Pilipinas ay nagkaroon ng dahilang giyerahin ang España nang sumabog sa Cuba ang barkong Maine na pag-aari ng mga Kano noong Pebrero 15, 1898. Ibinintang ng pamahalaan ni Pangulong William McKinley sa mga Kastila ang pagsabog at gaya ni Pangulong George Bush na wala namang sapat na ebidesnsiyang naipakita tungkol sa pagtatago ng Iraq ng weapons of mass destruction, nagdeklara ang Amerika ng pakikidigma sa España noong Ika25 ng Pebrero, 1898. Si Aguinaldo na nasa Hongkong ay kinumbinsi ng mga Amerikanong sina Spencer Pratt at Rounseville Wildman, kapwa mga kinatawan ng Amerika sa Singapore at Hongkong, na magbalik sa Pilipinas at ituloy ang rebolusyon laban sa España. Ika-1 ng Mayo ngang sumalakay ang puwersa ni Commodore George Dewey ng Amerika sa Manila Bay at tinalo ang
puwersang pandagat ni Admiral Patricio Montojo. Pagkalipas ng labimpitong araw ay nagbalik mna si Aguinaldo sa Pilipinas sa tulong ng mga Amerikano at nagtayo ng Revolutionary Government. Isang buwan pa ang lumipas at nagdeklara na siya ng kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa Kawit, Cavite sa kabila ng katotohanang hindi pa naman lubusang nagagapi ang mga Kastila at hindi pa malinaw kung ano talaga ang plano ng mga Amerikanong nakahimpil sa Manila Bay. Samakatuwid,hilaw at hindi pa napapanahon ang pagdedeklara ng kalayaan ni Aguinaldo na ginawa lamang niya upang matiyak na siya pa rin ang may control sa rebolusyong minsan na niyang isinuko. Ang pinakamalungkot ay ang katotohanang sa mga Amerikano isinuko ng mga Kastila ang Maynila noong ika-13 ng Agosto, 1898 na nagpapatunay na hanggang sa kahulihulihang yugto ng paghahari ng mga Kastila ay mababa ang tingin nila sa mga Pilipino at mas nanaiisin pa nilang sumuko sa mga kagaya nilang maputi ang balat kaysa sa mga kayumangging itinuturing nilang alipin. Sa kabila ng katotohanang ito ay hindi parin natigatig si Aguinaldo at buong-buo pa rin ang kumpiyansang ang mga
Amerikano ay kaibigan at hindi mga bagong mananakop. Ika-10 ng Disyembre, 1898 nang pormal na ipinabigili ng mga Kastila ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang P20,000,000.00 sa Kasunduan sa Paris. At dahil pag-aari na ng mga Kano ang Pilipinas, hindi na napigilan pa ang pagsiklab ng digmaang Pilipino-Amerikano noong Ika-4 ng Pebrero, 1899. Tumagal pa ng ilang taon ang pakikipaglaban nina Aguinaldo hanggang sa ito ay mahuli ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Simula 1898 hanggang 1902 ay mga Amerikanong Heneral ang namahala sa Pilipinas. Pagdating ng 1902 hanggang 1935 ay pinamunuan tayo ng mga Civil Governors mula kay Gov. William H. Taft hanggang kay Gov. Frank Murphy. Mula 1935 hanggang 1941 ay itinatag ang puppet government ni Manuel L. Quezon na mas kilala sa tawag na Commonwealth Government. Nang sakupin ang Pilipinas ng mga Hapon noong 1941 ay bumuo din ng puppet government ang mga Hapon sa pamumuno ni Jose P. Laurel. Para masabing sila ay kakampi at hindi mananakop, idineklara ng mga Hapon ang kalayaan ng Pilipinas sa Amerika noong Oktubre 14, 1943. Natalo sa digmaan
ang mga Hapon at idineklara ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 (katulad ng petsa ng araw ng kanilang deklarasyon ng paglaya sa Britain noong Hulyo 4, 1776). Subalit ang kalayaang ito ay hungkag lamang sapagkat sa politika, ekonomiya at kultura ay nanatili tayong hawak ng mga Amerikano. Mula 1946 hanggang 1962 ay Ika-4 ng Hulyo ginugunita ang araw ng kalayaan ng Pilipinas. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay muli niyang kinilala ang petsa ng deklarasyon ni Aguinaldo at mula 1963 hanggang ngayon ay Hunyo 12 na uli ang petsa ng araw ng ating kalayaan. Kung noong 1998 ay 100 taon na tayong malaya, ano ang itatawag natin sa panahon mula 1902 hanggang 1935? Malaya ba tayo muula 1941 hanggang 1945 na panahon ng mga Hapon? Petsa pa lamang ang pinag-uusapan natin. Hindi pa binabanggit ang usapin sa Parity Rights noong 1947, ang Visting Forces Agreement noong 1998 at ang malaking utang natin sa IMF-WB na dahilan ng paghihirap ng Pilipino. Wala pa rin sa paksa ang E.O. 464 at Proclamation 1017 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas batay sa E.O. 210 na ang pangunahing pokus ay ang wikang English sa ngalan ng globalisasyon. Hunyo 12, 2010— ika112 taong anibersaryo ng ating kalayaan. Kalayaan nga ba o kadayaan? May pag-asa bang makakamit ang ating bayan mula sa bagong administrasyon ni Noynoy Aquino? Mapaparusahan ba si GMA sa kanyang mga katiwalian o mapapagaya rin lamang sa pamilya Marcos at pamilya ni Erap na inabswelto na sa kanilang mga kasalanan at ngayon ay namamayagpag nang muli sa pulitika? Tayong nabubuhay sa kasalukuyang panahon ang dapat magsagawa ng makabuluhang pagkilos upang makamit ang ganap na kalayaan.
Dalawang sasakyan, Housing Project, inilunsad ni PGMA! BACOOR, CAVITE – Ipinagkaloob ni President Gloria Macapagal Arroyo ang susi ng panibagong bahay ng limang beneficiary ng Scientia Villas Housing project ng Department of Science and Technology, kasama ang lokal na pamahalaan ng Cavite, Housing and Urban Development Coordinating Council at Pag-Ibig Housing. Tinatayang mayroong 570 units na bahay ang itatayo at may sukat na 36 square meters floor area bawat isa, na siyang isasagawa ng Moldex Realty. Ang limang mapapalad na lubos ang pasasalamat ay sina Robert Loredo, Arnis Ordona, Ronald Agustin, Teresa Navarro at Edgar Ortiz. Dinaluhan naman ang ribbon cutting ceremony ng ilang indibibdwal, kagaya nina DOST Secretary
Estrella Alabastro, newly-reelected Senator Bong Revilla, re-elected Mayor Strike Revilla at newly-elected Congresswoman Lani Mercado Revilla, kasama din ang daan-daang empleyado ng DOST at iba pang benepesaryo ng nasabing proyekto. Pinasalamatan naman ni Mayor Revilla si President Arroyo para sa mga housing project at iba pang suporta na ipinagkakaloob nito sa nasabing bayan na lubos na nakakatulong hindi lamang sa Bacoor kundi higit sa mga mamayan nito. Dagdag pa ni Revilla, mananatili ang sa puso at isipan ng mga taong natulungan ng pangulo ang lubos na pasasalamat sa mga proyekto na ngayon ay kanilang napapakinabangan upang patuloy na umunlad. SHIELA SALUD
Bagong planta ng Maynilad, inihahanda na NAGSIMULA na ang operasyon ng Maynilad Water Services Inc. sa pagsasagawa ng bagong planta. Ang naturang planta na may pangalang “Putatan” ay magbibigay ng tubig sa ilang parte ng Cavite kasama na din ang Las Piñas at Muntinlupa, na siyang magmumula sa Laguna Lake. Sa isang pahayag ng Maynilad, tinatayang 4,585 kabahayan sa Muntinlupa ang masusuplayan ng tubig at ilang kabahayan din sa Cavite at Las Piñas. Ang Putatan ay ang kauna-unahang
planta na magmumula ang supply ng tubig sa Laguna Lake bilang alternatibo sa Angat Dam. Inaasahang magsusupply ng 50 million liters ng tubig kada araw ang naturang planta sa darating na Hulyo at 50 million liters naman pagdating ng Setyembre. Ayon din sa Maynilad, ang naturang planta ay gagamit ng “microfiltration and reverse osmosis” upang masala ang tubig at makapagbigay ng malinis na supply ng tubig sa mga kabahayan. WILLY GENERAGA
NI JOSEPH MAGNO
NAGSALPUKAN!
BACOOR, CAVITE – Dalawang sasakyan ang nagsalpukan kamakailan sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-
way, ilang metro ang layo mula sa bahay nina Sen. Ramon Bong Revilla Jr. Ayon sa impor-
masyon ng pulisya, nitong nakaraang Sabado, isang Mitsubishi Lancer na minamaneho ni Maricel
delos Reyes ang sumalpok sa taxi na minamaneho naman ni Millan dela Rama. Ayon sa saksi na si Ronald, dahil sa sobrang bilis ng Mitsubishi Lancer, nawalan ito ng control kaya buong lakas na bumangga sa naturang taxi. Naisugod naman kaagad sa pagamutan ang mga nasaktan. Kasalukuyang malubha ang kalagayan ng driver ng taxi samantalang nagtamo naman ng minor injury ang pasaherong sakay nito.
Job fair sa Cavite!
Nakipagpulong si CNN Hero Efren Peñaflorida kay Prof. Arnel Laparan, Education Consultant ng Munisipalidad ng Rosario, Cavite para sa nakatakdang anibersaryo ng School on Wheel ng Rosario. Nagbigay ng mga school supplies ang CNN Hero para sa mga batang Salinas.
KIDS, pupuntahan ang Cavite! NAKATAKDANG mamigay ang samahang “Kabataang Inyong Dapat Suportahan” (KIDS) ng mga gamit sa pag-aaral sa mga estudyante sa elementary sa lugar ng Cavite. Kabilang din sa mga lugar na kanilang pupuntahan ay Laguna, Bukidnon at iba pang mga lugar na malayo sa kabihasnan. Ang nabanggit na programa pinangungunahan ng aktor na si Diether Ocampo, ng siyang founder ng samahan. Sa isang panayam sa aktor, sinabi nito na alam niya ang pakiramdam ng isang estudyante na ni pambili ng lapis ay wala. Naalala pa di umano ng aktor noong estudyante pa
ito ang pagkagat sa dulo ng lapis upang magkaroon lamang ng pambura, at ngayong nasa maayos ang pamumuhay niya ay nais nito na tulungan ang mga nangangailangan, lalo na ang mga estudyante. Ang KIDS ay nakatanggap ng halagang P200,000 na mga gamit sa paaralan galling sa Star Paper Corp. sa ginanap na children’s party sa Trinoma Mall sa Quezon City, dinaluhan din ang naturang pagdiriwang ng mga bata sa Gawad Kalinga Foundation. Dagdag pa ng aktor, malaking tulong din sa KIDS ang suportang ibinibigay ng mga katrabaho nito sa
showbiz, ganun na din sa mga tumutulong na organisasyon sa samahan. Itinaguyod ang KIDS noong Nobyembre 2006, at noong nakaraang Marso, nagsagawa ang samahan ng isang proyektong medicaldental mission para sa mga kabataan. Ayon pa sa aktor, tinitiyak nito na mayroon siyang oras para sa foundation sa kabila ng mahigpit nitong schedule bilang artista. Ipagpapatuloy di umano ng aktor ang kanyang adbokasiya, lalo na alam niyang nakakatulong ng lubos ang kanyang foundation sa mga batang nangangailangan. JUN ISIDRO
KAWIT, CAVITE – isinagawa ang isang araw na job fair sa nasabing bayan kamakailan. Bilang parte ng Independence Day festivities nagsagawa ng job fair sa Aguinaldo Shrine sa Kawit nitong Hunyo 12 para sa mga Caviteño. Ang nasabing job fair ay isinagawa ng Smart Communications Inc. sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Kawit, Bacoor, Imus at Noveleta, kasama na din ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pimagatang “Biyaheng Abroad Job and Fun Fair 2010”. Nagsimula ang job fair ng 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Dinaluhan naman ang naturang job fair ng mga Caviteño na nagnanais magkatrabaho sa ibang bansa. Inaasahang magpapatuloy taun-taon ang programa ng Smart Communication Inc. upang makatulong sa mga Pilipino na magkatrabaho sa ibang bansa. ERWELL PEÑALBA