cavite_42

Page 1


2

HUNYO 20 - 26, 2010

NBI-CAVIDO, iimbestigahan! Hiniling na ni Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco sa National Bureau of Investigation (NBI) na suriin ang di umano’y pagkakasangkot ng NBI Cavite District Office (CAVIDO) sa isang anumalya.

MANTARING Sa sulat na ipinadala ni Velasco kay Nestor Mantaring, NBI Director, nakasaad dito na ayon sa dating NBI confidential

agent na si Peter G. Ignacio, tumatanggap ng lagay at protection money mula sa mga illegal na pasugalan ang NBI-CA-

Reporter, na-trap sa bulkang Taal! TAGAYTAY CITY – Isang television reporter ang matagumpay na nasagip matapos na ma-trap ng mahigit limang oras sa bunganga ng bulkang Taal kamakailan. Ayon kay Chief Superintendent Leonardo Espina, isang nagngangalang Joshua Garcia, 21 at field reporter ng Global News Network, ang natrap sa bunganga ng Taal mula 10:30 ng umaga

hanggang 4:20 ng hapon nitong nakaraang Huwebes. Ayon sa ulat ng pulisya ng CALABARZON, dumating sina Garcia kasama ang mga crew nito sa Polo Island sa baryo ng Tabla, Talisay upang gumawa ng istorya patungkol sa bulkang Taal, Pumunta di umano si Garcia sa bunganga ng Taal upang kumuha ng mga footage nito ngunit nabigo

VIDO na pinangungunahan ni SA Dominador Villanueva III. Ayon pa kay Velasco, simula ng pamunuan ni SA Villanueva ang NBICAVIDO, walang malaking kaso ang nahawakan ng nasabing unit, sa halip ay puro maliit na kaso lamang, katulad ng pag-raid sa mga maliliit na beerhouse at pasagulan. Ayon naman sa affidavit ni Ignacio, ginamit di umano siya ni Villanueva bilang taga-kolekta ng protection money galing sa iba’t ibang lider ng pasugalan. Ang lahat ng mga nakokolekta ay idinideposito sa bank account ni Villanueva sa BPI Family Savings Bank. Dagdag pa ni Velasco, may mga nakarating din na balita sa kanilang tanggapan patungkol sa di umano’y pagbili ni Villanueva ng multi-million na itong makabalik. Nagawa naman ni Garcia na makahingi ng tulong sa isang lokal na coastguard ngunit sa kasamaang palad ay hapon na dumating ang inaasahan niyang tulong. Agad namang dinala ang naturang reporter sa JRC Clinic para gamutin ang natamong sugat sa balikat. Kaagad din namang nakalabas ng klinika si Garcia matapos mabigyan ng lunas. Wala namang malalang sugat na natamo si Garcia kaya kaagad naman itong nakauwi. NADIA DELA CRUZ

NI JUN ISIDRO na bahay sa Ponticelli Subdivision at Daang Hari, Bacoor, Cavite, at dalawang bagong kotse na hindi biro ang halaga. Ipinakita din ni Velasco ang affidavit nina Roselily Sta. Romana-Linao at Roderick Linao patungkol sa pangingikil ni Villanueva ng halagang P1 milyon nitong nakaraang Pebrero kapalit ng paghinto ng kasong robbery laban kay Roderick Linao. Pahabol pa ni Velasco, kung mapapatunayan ang mga alegasyong ito kay Villanueva, maaapektuhan ng malaki ang integridad ng NBI, kaya naman magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon patungkol dito upang maparusahan ang dapat maparusahan na siyang dumudungis sa ahensiya ng NBI.

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


HUNYO 20 - 26, 2010

Drug den sa Bacoor, sinalakay ng pulisya! BACOOR, CAVITE – Arestado ang tatlong katao matapos salakayin ng pulisya ang hinihinalang kublian ng droga sa nasabing bayan kamakailan. Ayon kay Chris Abrahano, regional chief ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon region), apat sa walong arestado, na sina Loloy Botones, Rosauro

Botones, Boboy Quezon at Alan Ramirez, ang binigyan ng search warrant, dahil sa hinihinalang pagpapatakbo ng isang drug den sa Barangay Zapote 1 ng Bacoor. Damay naman ang apat pang kasama ng mga ito nang salakayin nitong nakaraang Linggo dakong alas-singko ng umaga ang nasabing drug den. Narekober ng pulisya

ang 45 gramo ng shabu na may halagang of P150, 000. Di umano, ayon kay Abrahano ay matagal ng minamatyagan ng PDEA ang nasabing drug den at ngayon ay nagkaroon na nga sila ng pagkakataong mahuli ang mga tao sa likod nito. Samantala, kinukwestyon naman ni Dionisio Santiago, chief ng PDEA, ang mga pulisya ng Ba-

Dalawang highway, inilunsad! LABINGLIMANG araw bago ang pagbaba ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang posisyon, inilunsad nito ang dalawang malalaking daanan na nagkokonekta sa Maynila at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) bilang parte ng proyekto ng kanyang administrasyon. Sinimulan ni Arroyo ang pagsasakatuparan ng 7.6-kilometer South Luzon Expressway (SLEX)-STAR (Southern Luzon Arterial Road) Tollway Interface o Toll Road 3 (TR3) na siyang magkokonekta sa

Laguna at sa bayan ng Sto. Tomas sa Batangas. Sinundan ito ng ground breaking ceremony ng Toll Road 4 (TR4) project, 54.20-km highway na siyang magkokonekta naman sa Sto. Tomas at Lucena City sa Quezon. Ayon kay Saul Pa-a ng Media Accreditation and Relations Office sa ilalim ng Office of the President, ang mga naturang highway ay maaari ng daanan kung maayos na at handa na ang mga toll collection equipment. Nagpasalamat naman ng lubos si Datu

Azmil Khalid, chief executive officer ng Malaysian-Thailand Development (MTD) na siyang investor ng proyekto. Ngayon ay maaaring bumiyahe ng isang oras ang mga motorista mula Makati hanggang Batangas, na sinasabing isang magandang pagbabago. Ayon din kay Khalid,

Araw ng kalayaan sa Kawit dinaluhan ni Corona

NI WILLY GENERAGA coor. Di umano’y napakalapit sa istasyon ng pulis ang nasabing drug den ngunit wala namang ginagawang aksyon ang mga pulis na nakatalaga dito. Ayon pa sa isang panayam kay Santiago, nais nito na ipatanggal ang hepe ng pulisya sa nasabing bayan dahil sa hindi nito pagkilos sa pagsugpo ng droga. ang naturang proyekto ay magbibigay ng malaking oportunidad sa ekonomiya ng rehiyon at makakabawas ding trapik sa SLEX. Ayon din kay Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas Police Director, ang proyekto ay makakabawas ng tinatayang 25 -30 minuto ng trapiko. Ikinatuwa din naman ng ilang biyahero ang magandang idudulot sakanila ng proyekto. SHELLA SALUD

Preso na nakatakas, nadakip GENERAL TRIAS, CAVITE – Muling naaresto ng pulisya ang isa sa apat na nakatakas na preso mula sa presinto ng General Trias kamakai-

3

lan. Nitong nakaraang Martes ay muling nasakote ng pulisya si Jessie Lobutap, na hinaharap ang kasong pagnanakaw. Ayon kay Superintendent Gregorio Evangelista, chief ng pulisya ng General Trias, naaresto si Lobutap sa pinagtataguang bahay sa Area B, Barangay Burol 1, Dasmariñas dakong 9:30 ng gabi. Kasalukuyan namang pinaghahanap ang tatlo pang kasama ni Lobutap na kapwa nakatakas nitong madaling araw ng Lunes na sina Randy Mercadero at Christina Capulong, na parehong hinaharap ang kasong may kaugnayan sa droga, at Michael Valdez na may kaso ding pagnanakaw. Ayon sa lumalabas na imbestigasyon, gamit ang hawakan ng walis tambo ay pwersahang nabuksan ng apat na preso ang kanilang selda at tuluyang nakatakas nang hindi namamalayan ng mga naka-duty na pulis. JOSEPH MAGNO

CORONA KAWIT, CAVITE – Isang pagdiriwang ang isinagawa sa nasabing bayan bilang pagalaala sa ika-112 na araw ng kalayaan. Ginanap nitong nakaraang Hunyo 12, 2010 ang simpleng selebrasyon para sa araw ng kalayaan ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine, kung saan unang winasiwas ang bandila ng Pilipinas. Kasabay din ng selebrasyon ang naturang oath-taking ni re-elected Kawit Mayor Reynaldo Aguinaldo. Imbitado din sa selebrasyon ang ilang personalidad katulad ni Chief Justice Renato Corona, na siyang guest speaker sa

pagdiriwang. Kasama rin sa dumalo si newly elected first district Representative Joseph Emilio Aguinaldo Abaya. Ayon kay Abaya, ikinagulat nito na hindi ang pangalawangpangulo ang guest speaker sa selebrasyon dahil karaniwan ay VP talaga ang dumadalo sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng Pilipinas. Ayon naman kay Fil Frank Ortega, municipal tourism officer, dahil sa hindi makakarating ang VP Noli de Castro ay inimbetahan ng National Historical Institute si Corona upang humalili sa VP. ERWEL PEÑALBA

PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan RESPONDE CAVITE sa numero 527-0092


HUNYO 20 - 26, 2010

4

SALAMAT PO

SA pagbukas ng Pedicab Classroom noong ika-12 ng Hunyo 2010, isang makahulugan at makasaysayang pagsisimula ang naganap. Sa kalye, samasama kaming nag-aral, kumain at nagsulat. Sabay-sabay naming binasa ang mga unang aralin at umawit ng masasayang kanta upang masimulan ang pagkatuto sa sarili naming paraan. Di ko pinansin ang mga sinabi ng mga tao ukol sa advocacy na ito. Ang mahalaga ay ipagpatuloy ko ang pagtuturo ng tamaat matuwid para sa mga bata. Kahit saan, tuwing sabado at lingo handa akong magturo. Kay saya ng mga batang ito noong tanggapin nila ang mga gamit eskwela na handog nina kuya Efren Peñaflorida at KB.

Kay lugod nilang pinagsaluhanang mga pagkaing alay ni Kon. Voltaire Ricafrenteng Rosario,Cavite. Kay sarap ng kanilang pakiramdam noong ipinahayag ni Kon. Mao Luna ng Rosario pa rin ang kanyang tiwala atsuprta para sa pagkilos na ito. Dumating din ang mga kasama kong katekista na tumulong sa paghahanda ng pagkain at nagbigay ng mga aralin tungkol sa edukasyong pagpapahalaga. Walang sawa pa rin ang kanilang pag gabay at pagmamalasakit sa akin. Di ko po malilimutan ang inyong ginawa para sa amin. ‘SALAMAT PO’. Sis Raquel Profeta, Ma’am Lorenz Nazareno at Sis Dolly Guillermo. Nakaukit nap o ang inyong pangalan sa aming mga puso. Tuloy-tuloy na po ang tapat na paglilingkod sa paraang pagtuturo sa mga street children, anak ng mga nagtitinda ng tinapa at nga OSY’s ng mga bayan ng Rosario. SUNDAN SA P.5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa erwell peñalba advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Sa pamantasan ng puso

If I don’t have wisdom, I can teach you only ignorance (Kung wala akong karunungan, tanging kaignorantehan lang ang maituturo ko sa iyo)—Leo Buscaglia PRODUKTO ako ng Pampublikong Paaralan. Sa Manuel S. Rojas ako nag-Kinder at elementarya. Sa Cavite National High School ako nagtapos ng high school. Sa Philippine Normal University ako nagkolehiyo. Minsan lang ako nakalasap ng pribadong edukasyon noong nag-Masters ako sa De La Salle University-Taft. Kaya napakalaki ng paghanga ko sa mga teacher at prof ko dahil sa laki ng kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pagtuturo sa kabila ng kaliitan ng sweldo. Kaya naman, kahit saan at kailan, basta naiimbitahan ako magsalita o magbahagi ng kaunting kaalaman sa mga pampublikong paaralan o pamantasan, hindi pa ako tumanggi. Ito ang aking panata, bilang pagtanaw ng napakalaking utang na loob sa kanila at sa kanilang institusyong pinaglingkuran. Sa tuwing nagbubukas ang klase at humaharap ako sa mga estudyante ko sa Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas, lagi kong ibinabalik sa mga mag-aaral ko kung paano ako pinahalagahan at kinalinga ng aking mga guro at propesor. Dahil ang pag-aaral sa mga eskwelahan, dalubhasaan o pamantasan ay paghahanda sa mas malaking paaralan—ang buhay. Sa eskwelahan, nauuna ang aral bago ang test. Pero

sa tunay na buhay, una lagi ang test, bago ang aral. Lahat sana tayo, makapagtapos na may karangalan—mula sa Pamantasan ng Puso. oOo Simula na ng klase. Simula na rin ng bagong set ng mga lider sa ating lalawigan. May baguhan. May datihan. Abangan natin kung sino ang mangangamote sa kani-kanilang assignment na mapaglingkuran ang kani-kanilang nasakupan. Kaabang-abang kung sino ang matutulog, mananahimik, magpapasikat at talagang matatrabaho sa munisipyo, kapitolyo at kongreso. Kaabang-abang kung sino ang nasa ‘row four” at kung sino ang pala-recite. Kung sino ang mangongopya at magpapakopya. Kung sino yung nakikisabay na lang ng taas ng kamay depende kung sino ang mas nakakarami. Depende kung sino ang maninindigan kahit sya na lang nag-iisa. Abangan kung sino ang mabibigyan ng gradong pasang awa, bagsak o nasa honor roll ng sambayanang Caviteño. oOo Ano nga kaya ang magiging kapalaran ng Caviteño sa susunod na tatlong taon? Dadami o kakaunti ang naghihirap? Dadami o kakaunti ang pagawaing bayan? Dadami o kakaunti ang pasugalan? Dadami o kakaunti ang mga pasaway? Dadami o kakaunti ang makikinabang sa bayan ng bayan? Abangan!

SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL LAYUNIN ng pamahalaan na magkaroon ng kaalaman ang mga kabataang mag-aaral na maging handa sa oras ng kalamidad. Ang Lindol ang isa sa mga sakunang dapat paghandaan upang makaiwas sa tiyak na kapahamakan. Ilang bayan sa lalawigan ng Cavite ang nagsagawa ng Earthquake Drill noong Hunyo 18, 2010. Aktibong lumahok ang 4,200 na mag-aaral kasama ang kanilang mga guro ng Trece Martires National High School sa bayan ng Trece Martires City sa pangunguna ni Mayor Jun De Sagun at ng City Disaster Coordinating Council (CDCC) na si Jose Maria Fermeza. Mahigit 700 magaaral na nagmula sa Gen. Artemio Ricarte School at San Francisco de Malabon ang maagap na sumunod sa bawat sasabihin at ituturo ng mga nagsasanay kasama rin ang mga kawani

ng munisipyo ng General Trias, Cavite. Sa pangunguna nila Capt. Fernando Olimpo ng Municipal Disaster at Capt. Jose Callos ng Bureau of Fire ay naging matagumpay at kapakipakinabang para sa lahat ang isinagawang earthquake drill sa kanilang bayan.

Si Mr. Luisito Alix ng Municipal Disaster at Mayor Boy Alvarez ng Noveleta Cavite naman ang namuno sa ilang mag-aaral na nag mula sa ibat ibang paaralan at mga empleyado ng munisipyo para sa nasabing pagsasanay. Hangad ng bawat isa na magkaroon ng kaala-

man upang makaiwas sa bawat panganib na darating katulad ng lindol. Ang sariling kaligtasan ang dapat isipin para higit na makapagbigay ng tulong sa kapwa. Dahil kung ang sarili ang mapapahamak paano pa makakatulong sa mga nangangailangan. NADIA DELA CRUZ


HUNYO 20 - 26, 2010

Tomas P. Tirona (4) Saksi ng kalayaan SA MGA PAKPAK NG HARAYA HINDI nagtagal sa bilangguan si Tomas. Nakialam ang kanyang mga gurong Heswita at nakalaya siya. Hindi pinag-alinlangan ng mga Heswita ang kawalan niya ng kasalanan kahit nagmula pa siya sa bayan ng mga rebelde. Naipagpatuloy niya ang kanyang pagaaral. Nagbangon na ang mga mamamayan ng Imus noong gabi ng Agosto 30, 1896. Sinalakay nila ang kwartel ng mga sundalong Kastila.kahit tatatlo ang pusil at amg iba’y armado lamang ng mga itak at kawayang tinulisan ang dulo ay pinanalo nila ang laban. Nakatakas pagkaraan ang mga sundalo at nagtago sa bahay na baton g mga prayleng administrador ng Hacienda Imus. Tatlong araw na kinubkob nila ang bahay-Kastila hanggang sa mapasok nila iyon noong Setyembre 4, 1896. Nagpaulan ng mga salaping pilak ang mga prayle, ngunit hindi naapula ang poot ng taumbayan. Nawalan din ng saysay ang pagtatangkang tumakas ng mga nasa loob. Iisa ang nakaligtas na prayle. Noon din anitatag ang dalawang pangkat ng mga rebulusyunaryo sa Cavite: ang Sangguniang Bayan ng Magdalo sa pamumuno ni Baldomero Aguinaldo bilang panulo at Emilio Aguinaldo bilang punong heneral ng hukbo; at Sangguniang Bayan ng Magdiwang sa ilalim ng mag-amang Mariano Alvarez (ama) bilang pangulo at Santiago Alvarez (anak) na pangkalahatang pinuno ng hukbo. Sakop ng pangkat Magdalo ang

Imus at sa pagbagsak ng kapangyarihang Kastila roon, naitatag ang bagong pamunuuang bayan. Si Bernardino Paredes, tiyuhin ni Tomas ang naging kapitan ng bayan, na hindi nagtagal ay napatay nang pataksil ng hukbong Kastila. Pagkaraan ng mababangis na paghahamok sa Cavite, umuwi si Tomas sa Imus. Nalanghap niya sa hangin ang mga labi ng nagdaang labanan at nakikita sa paligid ang mga guhong likha ng mga apoy at sandata. Dumating na ang dagdag na pwersa mula sa Espanya at pamuksa ang mga ito nang may 500 katao sa lalawigan. Napatay sa tulay ng Zapote si Heneral Edilberto Evangelista noong Penrero 17, 1897, bumagsak na ang Dasmariñas noong Pebrero 25 at sumunod na nabawi ng mga Kastila ang Imus noong Marso 25. Parang napukaw mula sa isang bangungot si Tomas nang mapagmalas ang Imus. Laganap ang pagkawasak sa kapaligiran. May mga sunog sa ilang bahagi ng bayan at dama ang init at usok ng lumipas na labanan. Alam niyang ang nagbangon niyang baying sinilangan ay dinumog ng naghihiganteng hkbo ng Kastila. Alam niyang ang madugong paglalaban ay kumitl ng buhay ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Nakarating siya roon nang tawirin niya ang ilog-Imus sa bahagi ng utlay na di-ganap ang pagkawasak. Bagama’t mapaglalarawan, ang tulang isinulat niya’y nagtatampok ng damdaming may hapdi ng matinding pagkahambal. Sa mga Guho ng Imus Sumasaludo ako sa iyo, Imus, aking sinilangan

5

Nandito na ako, makatatlong buwan ng kalungkutan Masaya kong nalalanghap, simoy ng amihan! Ngunit, bakit walang kislap sa mga kakahuyan Ng malilinis na pader ng mapuputi n’yong tahanan? At sa dakong malayo’y wala nang matanaw Matataas na punongkahoy at matatarik na bubungan? At yaong maitim na usok na pumapailanlang Tanda ban g kahambal-hambal na aking dinatnan? Mahabaging langit: ano’ng aking natatanaw Lambong ng mga abong tanda ng kamatayan Mapanglaw, lasug-lasog na lupang tiwangwang Na dati’y kinatatayuan ng Imus ng kagandahan! Mahal kong baying sinilangan, nasaan ang kadakilaan? Sino’ng nagputong sa ulo mo ng gumuhong karangalan? Sino’ng humati sa malinding hubog ng iyong tulay Na pinag-uugnay ang magkabilang pampang? Higanteng larawan ay punit s tubig At pati mga agos ng sakal mong ilog Nakasalagmak ngayon, may tinig na paos!

Dinatnan din niyang nakawindang ang tahanang ipinalit ng kanyang ama sa isang bahay-pawid. Walang tao maliban sa mga sundalong Kastila na abala sa pagsasaayos ng paligid na titigilan ng mga ito. At halos dibdib niya ang tumatanggap ng kirot, pinakiusapan niya ang ilang sundalong kinakahoy ang mga poste at pasamano ng kanilang bahay. Nabatid niyang nagsilikas ng Cavite ang kanyang kaanak. Doon, iniyakan niya ang pagyao ng isa sa mga kapatid niyang babae. Parang nagbawing-hininga lamang ng mga Pilipino nang pansamantalang ilagda ang kapayapaan sa Pakto ng Biyak-na-Bato (San Miguel, Bulakan) noong Disyembre 14-15, 1897. Nabiyayaan ang mga estudyante na nagbalik-aral, tulad ni Tomas na rumehistro uli sa Ateneo de Manila noong Hunyo, 1897. May labingwalong taong gulang na siya noon. ITUTULOY

GOOD MORNING... MULA SA PAHINA 4

Nais ko pa ring banggitin ang taos pusong pasasalamat sa butihing alkaldeng bayan ng Rosario, Mayor Nonong Ricafrente at mahal naming Vice Mayor Jhing Jhing Hernandez at maybahay na si Ms. Mimie Hernandez sa walang katapusang pagtulong sa pedicab classroom. Muli ang aking pasasalamat sa lahat ng nagtitiwala at naniniwala sa pagsulong na edukasyon upang maitaas ang antas ng pamumuhay. Tunghayan at abangan ang magiging kaganapan sa pag-iikot ng inyong lingcod gamit ang pedicab bilang classroom. Ipagbunyi ang Kalayaan sa Kamangmangan.


6

HUNYO 20 - 26, 2010

SAKLAAN SA KANTO HULI SA AKTO CAVITE—June 11, 2010 – Nagulantang ang residente ng Kawit at Bacoor nang salakayin sa aktuwal operation ng raid sa saklaan sa nasabing mga lugar sa pamamagitan ng Special Operations Project Division sa pangunguna ni PCI Conrado T. Masongsong ng Special Operations Project Section - PRO CALABARZON. Nagpulasan ang mga mananaya’t personel ng saklaan sa isinagawang raid ngunit hindi nakaligtas ang mga ito sa maagap na responde ng kapulisan.

Dalawang saklaan sa Bacoor, Cavite na matatagpuan sa Talaba 4 at Kaingen ang agad na nasampulan ng mabilis na paglusob ng operatiba. Dinala naman sa himpilan Special Operations Project Section ang mga nahuling mananaya at personel sa Camp Vicente Lim Canlubang. Ipinagtataka naman ng nasabing operatiba nang salakayin ang tinatarget na ilan pang saklaan sa Marulas, Panamitan at Magdalo sa Kawit, Cavite ay naglaho ang mga tao rito na parang bula na ayon sa asset ng pulisya na residente ng Kawit ay parang piyesta sa dami ng tao na dumadayo dahil malakas ang taya. Ngunit sa gabing iyon ay tanging mga tolda, upuan,mesa ang nagsilbing piping saksi sa naganap na saklaan. “Sayang, hindi naabutan ng mga taga-SOPS ang mga saklaan dito, la-

long lalo na yung malapit sa bahay ni Aguinaldo. Salaula talaga ang operator ng saklaan na ‘yan, walang galang sa simbolo ng kabayanihan ng mga Caviteño. Hindi ko nga alam kung gaano kainutil ang mga pulis dito, pati barangay, kalapit-lapit sa police station, hindi alam na may saklaan. Tapos, may nagroronda pang mga barangay tanod... di halatang

kinukunsinti ng Kapitan.” pahayag ng isang residente na naging informant ng pulisya. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite, sa programang Tutok Tulfo ng Ch. 5, kasama sa isinagawang operation ang batikang mamamahayag at komentarista na si Erwin Tulfo na naisasahimpapawid tuwing Sabado, ganap na 5:30 n.h. Kaugnay ng nasabing raid sa Bacoor at Kawit, napansin din ang pagkatigil ng mga saklang patay sa Noveleta at Cavite City. Nang araw ding na isinagawa ang raid ay sinubukan ng nasabing programa na makipag-ugnayan sa lahat ng hepe na bayan sa lalawigan ng Cavite na naaktuhang may saklaan pero lahat ay may kani-kaniyang dahilan. Ayon sa isang retiradong opisyal ng pulisya

na ayaw magpakilala, na dating naging hepe din ng iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cavite, sinabi nito na bago pa man makapaglagay ng saklaan sa isang bayan ay may goodwill money na agad ito sa hepe ng pulisya ng nasabing bayan. Gayundin sa Provincial Director na kinakatawan ng S2 o Intelligence, na mas kilala sa tawag na departamento ng intelehensiya. Sinabi pa ng opisyal ng dating opisyal ng pulisya na kapag regular na nagpapasakla sa isang bayan, maging saklang-

patay o puwesto piho, may regular na tinatanggap na ang hepe ng pulisya sa nasabing bayan, gayundin ang Provincial Director, o minsan pa ay maging ay ang Regional Director ng Pambansang Kapulisan. “Hindi rin naman natin masisi kung minsan ang mga hepe,” sabi ng retiradong mataas na opisyal ng pulisya, “Alam naman natin na maliit na ang sinusuweldo ng pulis, gayundin ang opisyal o hepe.

“Dahil hepe ka, ikaw ang takbuhan ng pulis. Sagot ang pagkain nila sa araw-araw sa loob ng isang buwan habang ikaw ay hepe. Saan ka pa kukuha? Alam naman natin na hindi naman ganoon kalaki ang suporta ng lokal na gobyerno sa kapulisan. Karamihan kasi sa kanila, hindi naglalaaan ng pondo sa peace and order para mapalaki ang kanilang IF (Intelligence Fund).” Pahayag pa ng source ng Responde Cavite.



8

HUNYO 20 - 26, 2010

Praise the Lord, di maubos-ubos HOROSCOPE ang mga Jueteng Lord at Drug Lord NI MIDNIGHTJT

Anyway, alam nyo ba belabed riders, maraming mga bayan sa Pinas ang relihiyoso. Lagi silang nakatawag kay Lord. Kay Drug Lord at kay Jueteng Lord. Sila ang takbuhan ng mga mamamayan. Kapag may nagkakasakit (tinipid ang sarili para lang makapagsugal gaya ng sakla at jueteng), kay gambling Lord ang takbo. Sa bisa ng kapangyarihan ni Gambling Lord, isang basbas lang ng kaunting barya at tawag sa opisina ng politiko para makagawa ng referral letter sa ospital, agad gagaling ang nasabing maysakit. Kapag may napapraning at kailangang ipa-rehab o dalhin na sa mental (dahil sa kaka-shabu, kay Drug Lord din ang kanilang punta). Sa bisa ng kapangyarihan ni Drug Lord, gagaling (hindi ang napraning) ang mga kamag-anak ng biktima. Malilimutan nila na si Drug Lord ang dahilan kung bakit nabaliw ang kanilang kamag-anak. Bibigyan sila ng barya ni Drug Lord para may pamasahe ang mga ito na ihatid ang kamag-anak sa bakasyunan ng mga tinakasan ng katinuan. Sina Drug Lord at Jueteng Lord ay malapit kay Lord. Ang mga ito ang malalakas magbigay ng donasyon sa simbahan. Nagiging Hermano tuwing piyesta. Sumasagot ng kombo at banderitas tuwing piyesta. Namumudmod ng pera tuwing Pasko. Sinasaluduhan ng mga pulis. Inaamo ng mga politiko para makapagbigay ng pera sa kampanya. Sina Drug Lord at Jueteng Lord ay iniilagan sa kanilang lugar. Takot ang mga magnanakaw na looban ang bahay ng mga ito.

Takot ang mga tambay na makabangga ang mga ito. At para talaga silang mga tunay na Lord, umiiwas ang mga tao na titigan ang mga ito sa mata. Hindi dahil matutunaw ang sinumang makatitig nang diretso sa kanilang mga mata, bagkus, ang magtangkang tumitig ay malamang hindi na makikita kahit kelan sa kanilang lugar. Kahit na gutom na aso ay hindi maamoy ang kanilang mga buto. Mabibigo ang maraming manghuhula na maituro kung nasaan ang kanilang bangkay. Mapapahiya ang maraming espiritista na hanapin at kausapin ang kanilang kaluluwa. Ay naku, kaya naman, tayong mga Pinoy ay naging ganap na relihiyoso. Kinakatakutan at iginagalang natin ang mga Gambling Lord at Drug Lord sa ating mga lugar. Wala nang naglalakas-loob na magsumbong ang mga mamamayan sa kapulisan o sa tanggapan ng pamahalaan dahil malamang, mas mauna pa sila kaysa sa mga isinusumbong. Ang payo ko na lang sa mga nagrereklamo, magtirik ng itim na kandila tuwing hapon. Manalangin tayo kay Lord at sabihin natin, “Lord, ambabait po ng mga Gambling Lord at Drug Lord sa aming bayan. Alam ko po na ginagamit Nyo silang instrumento para makatulong sa aming mga maliliit at mahihirap. Kaya po sana, kunin Nyo na po sila habang sila po’y mababait pa. At pagdating nila sa Inyong kaharian, pakibalik po sila uli dito sa lupa. Mahihiya po kasi Kayo sa kanilang kabaitan. Amen”

Ayaw na sa Girlfriend!

Binibining Bebang, Ayaw ko na sa girlfriend ko. Anong gagawin ko? Michael Francis ng Sara Subd., Bayanluma, Imus, Cavite Mahal kong Michael Francis, Teka. Grabe ka naman. Sigurado ka ba? Ha? Oo? As in? Okey. Sige. Kung talagang sigurado ka na, as in wala nang bawian, as in ayaw mo na siya sa iyong buhay bilang nobya, as in hindi mo na siya mahal, heto ang dalawang paraan. 1. Now Na Way Ito ‘yong walang paligoy-ligoy. Kakausapin mo siya at sasabihin mo sa kanya na BREAK NA TAYO. Tapos ieenumerate mo sa kanya ang mga dahilan. Kung mangatwiran siya,

makinig ka. Pero hanggang doon lang. Kinig lang. Dahil nakapagdesisyon ka na. Ang pakikinig ay para lang ipakita na kahit nakikipaghiwalay ka na sa kanya ay iginagalang mo Hmm…sa isang park kaya? Kapag wala nang masyadong tao. Siguro sa gabi. Puwede rin iyong malapit sa simbahan para kung kakailanganin niya ay makakahugot siya ng lakas sa larawan ng Diyos pagkatapos ng inyong break up. Magdala ka ng tissue o di kaya ay panyo. Saka tubig. Magpaka-gentleman ka pa rin. Alalahanin, minsan mo rin naman siyang minahal. 2. Killing Me Softly Way Ito ang mas mahirap. Kasi mas marami kang gagawin. At higit sa lahat, matagal-tagal mong sasaktan ang iyong girlfriend para lang maiparating sa kanya ang iyong mensahe. Heto: bawasan mo na ang pagte-text sa kanya.

Iwasan mo nang tawagin siyang honeybunch, bebe ko, lablab, sweet, dah-ling at iba pa. Iiwasan mo na ang mga kaibigan niya. Isang beses isang taon ka na lang dadalaw sa bahay nila, Biyernes Santo pa para ang tanging activity ninyo ay magbasa ng pasyon. Wala nang sweet-sweet moments. Makakalimutan mo nang magregalo ng Toblerone sa mga monthsary ninyo. Hindi mo na siya susunduin sa eskuwela o trabaho. Mawawalan ka na ng oras para tulungan siya sa anumang proyekto niya. Hindi mo na gagamitin ang mga ibinigay niya sa iyo kahit ang paborito mong Spartan na tsinelas. Tatanggalin mo na ang mga retrato niya at ninyong dalawa sa Facebook account mo. Siguradong mahahalata na niya ang panlalamig mo. Kaya siya na mismo ang magyayayang mag-usap kayo. Doon mo na ihuhulog

ang bomba. The Break na Tayo Bomb. Huwag kang magalala, mas handa ang GF mo sa ganitong pagkakataon kaya maaaring hindi na siya mangatwiran o kaya makipagdebate sa iyo para pigilan ang napipinto ninyong paghihiwalay. Pero maging handa ka pa rin sa iyong mga isasagot kapag tinanong ka na niya ng isang milyong bakit. Mas masakit ang ganitong paraan ng pamamaalam. Kung ako ang be-break in mo, gamitin mo ang Now Na Way. Kasi napakalinaw ng iyong mensahe. At para rin isang iyakan na lang. Kapag ganito ang nangyari, baka pasalamatan pa kita. Walang break-break (sa trabaho), Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, magemail sa beverlysiy@gmail.com.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) - Isang malapit na kaibigan o kamag-anak ang lalapit sa araw na ito upang manghingi ng payo sa problemang pampersonal. Kung makakaisip ng magandang solusyon, huwag ipagkait. Kung wala, mas mabuti pa ang manahimik na lamang. CANCER Hunyo 22-Hulyo 22) -Pumapabor ang galaw ng mga bituin sa pagsisimula ng pagtitipid at pag-iimpok para sa mga darating na gastusin. Magkakaroon ng malaking kapakinabangan ang mga lumilipas na oras sa maghapon kung ilalaan sa ekstrang pagkakakitaan. LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Kung talagang nasa gipit na kalagayan, huwag magdalawang-isip na lumapit sa kaibigan o kamag-anak na may kakayahang tumulong. Hindi ngayon ang tamang panahon sa pagpapairal ng mataas na pride sa sarili. VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) –Sa araw na ito ay magkakaroon ng mga bagong kakilala o kaibigan sa isang lugar na hindi pa napupuntahan. Makatatanggap ng magandang alok sa trabaho o negosyo pero dapat maging maingat sa pagpili ng kakaibiganin o sasamahan sa hanay ng mga bagong mukha. LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – May darating na magandang swerte ngayon sa trabaho o paghahanapbuhay kung sa umpisa pa lamang ng araw ay magagawang iwaksi ang mga negatibong damdamin at kaisipan. Tandaan na ang positibong resulta sa mga ginagawa ay batay sa pagkakaroon ng positibong enerhiya ng mismong sarili. SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 21) – Ang panggigil sa pagkakamal ng salapi ay lalong magpapailap sa pagkakaroon ng magandang kapalaran sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo. Hindi dapat kainipan ang pagdating ng swerte dahil nakalaan itong mapasapalad sa kaukulang panahon. SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)Sa araw na ito ay papaboran ng magagandang pagkakataon upang maipakita ang natatanging talento sa trabaho o sa nililinyang hanapbuhay. Sa mga walang asawa, magiging maamo ang swerte sa pagtatamo ng kaligayahan sa piling ng napupusuan o minamahal. CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) -Kung mangangailangan ng kasama sa trabaho o partner sa negosyo, ibigay nang buo ang pagtitiwala at katapatan upang tumagal at maging maganda ang samahan. Kung magpaplano para sa isang proyekto, huwag mag-atubiling kumonsulta sa marurunong na tao. AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)- Ang bantang magiging hadlang sa pagkakamit ng tagumpay sa buhay ay magagawang pangibabawan kung hahabaan ang pasensiya at hindi magpapadalus-dalos ng pasiya. Kung iiral ang katigasan ng ulo, ang mga naging pagkakamali sa nakaraan ay posibleng maulit pa. PISCES (Pebrero 19-Marso 20)- Panahon na upang lingunin ang mga taong pinagkakautangan ng loob sa pagkakaroon ng maalwang pamumuhay. Bigyan ng puwang sa puso ang pagpapatawad sa mga taong nakagawa ng pagkukulang o kasalanan upang maging lubos ang paglasap sa kaligayahan. ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa araw na ito mapapatunayan na madaling ang pagsok sa gulo pero ang paglabas ay napakahirap. Sa lahat ng oras ay dapat pairalin lagi sa sarili ang kahinahunan. Sa mga may asawa, dapat maging mapagpigil sa kaway ng bawal na pakikipagrelasyon. TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Kung sa pakiramdam ay kulang pa ang tiyaga at sikap para umunlad, doblehin ang pagtitiyaga at pagsusumikap. Kung hindi naman, panahon na upang mag-isipisip kung dapat nang baguhin ang linya ng trabaho o negosyo.


HUNYO 20 - 26, 2010

9

Ang FOI at ang ilang tunay na may pusong kandidato at pulitiko INDANG, CAVITE - Hindi man lang nag-iwan ng maganda ang pagsasara ng 14th Congress sa mababang kapulungan ng planadong patayin ni House Speaker Prospero Nograles ang Freedom of Information Bill. Ito ay ikinadismaya ng mamamayang Pilipino partikular ng mga kapwa mamamahayag na isang dekada ng nakikibaka at naghahangad na maisabatas ito upang magkaroon ng madaling access o makakuha ng impormasyon sa mga transaksyon ng gobyerno ang sinuman. Sa panukalang batas na ito sana ay kahit papaano

ay maiiwasan na ang korapsyon at katiwalian dahil matatakot ng gumawa ng katiwalian o kick back ang sinumang empleyado o opisyales ng gobyerno o pulitiko mismo. Iginiit pa mismo ng principal authored ng panukalang batas na ito na si Cong. Emmanuel Joel Villanueva (anak ni Bro. Eddie Villanueva) ng CIBAC Partylist na ipaaresto o sapilitang papuntahin o pabalikin sana sa plenary ang mga mambabatas na nagtatago lamang sa kani-kanilang kwarto o opisina sa Batasan Complex, na sinigundahan ni Congw. Risa Hontiveros-Baraquiel ng AKBAYAN Partylist, ngunit kahit ito ay nasasaad sa batas ng Kongreso ay pinagtawanan lamang ito ng Speaker sabay pukpok sa malyete na hudyat ng

tuluyang pagpatay sa Right To Information Bill na ito. Galit at luha ang naghari sa mga mamamayan, concerned citizens at media na naroon sa gallery ng oras na iyon. Talo na nga sa halalan at papaalis na sa Kongreso ay hindi pa nagiwan ng magandang ala-ala o pamanang batas itong si Nograles at ang administrasyong ng pekeng Pangulong Gloria Arroyo. Kaya naman hinahamon natin ang papaupong administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na sana ay maisama sa prayoridad niya na maisabatas ang ganitong klaseng panukalang batas na mahalagang sangkap sa ipinangako niyang pagbabago sa bansa. Pagkatapos ng eleksyon makikita o

lumalabas ang tunay na kaugalian ng mga kumandidato o pulitiko, ito man ay nanalo o natalo. Marami sa mga nanalo ngayon ay hindi mo na makita o malapitan, mga nagtatago. May isang lumapit sa akin at nagsabi na “Kagagaling at kababait lang kapag mangangampanya, tapos ngayong nanalo na ay hindi mo na malapitan.” Kung ganito na ang ugali ng mga kandidatong nanalo ay lalo pa marahil siguro ang mga talunan, na hindi mo na mahanap at miski tawagan at puntahan mo sa kanila ay hindi na para harapin ka pa. May kilala akong kumandidato sa pagkaBokal sa 7th District na natalo datapwat nagtago na at marami pang utang na tinakbuhan katulad sa isang inarkilang jeep na

ginamit sa pag-iikot noong kampanyahan P7,000 pa ang hindi nababayaran. Datapwat mayroon pa rin naman na okay at talagang nasa puso ang pagtulong sa kapwa katulad nina Mayor Nonong at Vice Mayor Jhing-Jhing ng Rosario, Mayor Strike ng Bacoor, Mayor Jenny ng Dasmariñas, Mayor Alvarez ng Noveleta, Mayor Romera ng Mendez, magkakapatid na Remulla at iba pa. Datapwat kahangahanga naman ang ilan sa mga natalong kandidato subalit nandoon pa rin ang pagiging concerned para sa kanyang nasasakupan katulad ng natalong Vice Mayoralty Candidate ng LAKASIndang na si Leo Cruzate na nagawa pa ring makatulong na makapagpasaya at makapag-organize ng dance party sa kapistahan ng Brgy. Daine (Mayo 18) ilang araw na matapos ang halalan, kaya hindi kataka-takang lalo siyang napalapit sa mga taga-rito at sa mga kabataan. Ganoon din si Atty. Timoteo Encarnacion Jr. na natalo sa Mayoralty Race sa ilaim ng Partido Magdalo sa Cavite City, matapos ang halalan ay inatasan niya ang lahat ng mga ka-brad namin sa Chevaliers sa lahat ng chapters nito na magsagawa ng “Operation Manananggal” o

pag-aalis at paglilinis ng mga campaign materials na isinabit o idinikit kung saan-saan, pinangunahan at sinamahan pa rin niya ang mga ka-miyembro sa mismong paglilinis. Iilan lang ang masasabi nating mga kandidato at pulitiko na tunay na may puso at pagmamalasakit sa bayan manalo man o matalo. Muli kong kinukundena ang pinaka-latest na pagpatay sa mga kapwa mamamahayag na sina Lito Agustin ng Bacarra, Ilocos, Norte at Desiderio Camangyan ng Manay, Davao Oriental. Umabot na sa 102 ang media killings sa ilalim ng administrasyon ng pekeng Pangulong Gloria Arroyo kasama na rito ang 32 media sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 2009. Si Lito ay kilalang bumabanat sa katiwalian at korapsyon ng gobyerno at si Desiderio naman ay kilalang lumalaban sa quarrying at pagmimina sa kabundukan at kalikasan. Isa pa rin itong hamon sa papasok na administrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino ang matiyak ang kahalagahan ng malayang pamamahayag at walang anumang pagbabanta sa mga buhay ng ganitong propesyon sa ating bansa.


10

HUNYO 20 - 26, 2010

CHILD LABOR

CHILD LABOR ang isa sa mga problemang hindi agad matugunan ng gobyerno sa ngayon. Apat na kaibigan kong menor de edad ang nakalusot at kasalukuyang nagtatrabaho sa isa sa mga Export Processing Zone dito sa Cavite, di ko sila masisisi dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon. Ang masama, kalimitan at karamihan ng mga kabataang biktima nitong Child Labor ay sa mga illegal pa napapasabak, gaya ng prostitusyon at mga kasong sangkot sa droga. Illegal na nga ang child labor, illegal pa din ang trabaho. Sa dinami-dami ng mga nabasa kong libro sa historya ng Pilipinas at pagpunta-punta sa mga lugar na may mga panulukang bato o historical marker dito

sa Cavite, wala akong makitang katibayan ng naging malaking papel ng mga bata noong panahon ng himagsikan. Maliban na lamang sa ilang tala na, ang mga bata daw noong araw ay tumutulong sa himagsikan. Pero sa paanong paraan? Iniisip kong maaaring sa pakikipaglaban, pero hindi ba masyadong delikado sa kanila? At payagan naman kaya sila ng kanilang pamilya? Mula sa isang libro ni Mr. Ambeth Ocampo binanggit niya sa isang maikling pangungusap na, “The bigger problem was that even if they had guns, they (mga naghihimagsik) did not have sufficient ammunition. This explains the numerous orders, sometimes even to children, to return to a battle site and gather empty cartridges.� Malaking patunay ang pangungusap na iyon na (1) kinakapos sa bala ang mga naghihimagsik, (2) at

malaking papel ang ginagampanan ng mga kabataan noon sa himagsikan. Parang ang daling isipin na yun lang ang silbi o trabaho ng mga bata noong panahong iyon ng himagsikan, pero kung iisipin hindi madali ang pagsunod sa utos na iyon na bumalik sa lugar kung saan katatapos lang ng labanan. Dahil kung iisipin delikado ang gawain na iyon dahil maaring may mga buhay pang kalaban na naiwan doon at hindi biro ang magpulot ng mga basyo at bala sa isang lugar na katatapos lamang ng giyera, kung saan wala kang magandang tanawing makikita kung hindi mga patay na naliligo sa mga sariling dugo. Nang panahong dinakip si Heneral Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela, sumigaw ito na itigil ang pagpapaputok ng baril dahil sayang ang bala, sa pag-aakalang nagkakatuwaan ang kanyang mga kasama

dahil sa katatapos lang ng kanyang kaarawan, kaya naman laking gulat ng Heneral ng mapansing sa kanilang direksyon napunta ang bala. Iyon na ang ang huling utos na nabitawan ni Heneral Emilio Aguinaldo bago siya tuluyang madakip ng mga Amerikano, ang magtipid ng bala. Kung iisipin talaga

malaking hirap ang dinaranas ng mga naghihimagsik noon dahil sa problemang wala silang gawaan ng armas at wala din silang gawaan ng bala. Tumugon ang mga Intsik sa problemang iyon, dahil hindi lang pala mga batang pilipino ang namumulot ng basyo kung hindi ang mga Intsik, at ibinebenta(raw) sa murang halaga sa mga naghihimagsik (at hindi raw yun smuggled).

Pero gaya ng una kong sinabi wala tayong gawaan ng bala, ibig sabihin wala o hindi pa abot ng kamalayan ng mga Pilipino noong pagkakataong iyon ang paggawa ng pulbura. Kung kaya’t ang mga sangkap lamang na ginagamit nila ay ang pinaghalong uling, sulphur at salitre (pangunahing sangkap ngayon sa paggawa ng tocino) sa tulong na rin ng mga bata.


HUNYO 20 - 26, 2010

11

ANO BA ANG RSEC 2010? SINALUBONG ang mga guro sa unang antas ng hayskul ng pagpapatupad ng Revised Secondary Education Curriculum of 2010. Hindi pa nga nakikita ang bunga ng Basic Education Curriculum of 2002 ay meron na namang bagong patakaran ang DepEd na nais ipatupad para sa kagalingan ng sistema ng ating edukasyon. Bahagi ang programa ng hangaring maisakatuparan ang Edukasyon Para sa Lahat 2015 (Education for All 2015) na nakabatay sa hangaring matamo ang “kapakinabangang literasi sa lahat” o “functional literacy for all”. Sa esensiya, hangad ng RSEC 2010 na ang lahat ng pinag-aaralan ay kongkretong magagamit batay sa pangangailangan ng lipunan. Ang pikabalangkas ng programa ay nakaayon sa framework na Understanding by Design (UbD) na ibinatay sa modelo nina Jay Mc Tighe at Grant Wiggins. Ayon kay Prof Genaro Gojo Cruz (http://www. vibalpublishing.com/ sales/files/2010-02-2314.02.08.pdf) ng DLSU Taft, ang UbD ay isang balangkas lamang at di isang programang pang edukasyon. Ito ay isang pagtatangka na pagsamahin ang mga natatanging praktis (best practices) at mga hango a pananaliksik na disenyo (design principles) kaugnay ng pagtuturo at pagtataya para sa pagunawa. Binibigyang diin nito ang “backward design process” sa paraan ng pagtuturo at ang pagtatangkang makamit ng mga magaaral ang “six facets of understanding”. Pabaliktad ang pagtatangkang buuin ang mga aralin sa pamamagitan ng pagbubuo ng plano batay sa hinahanap na pangmatagalang resulta. Ang mga kakailanganin sa

pagtuturo ay itatakda ng pagtuklas kung ano ba talaga ang dapat na matutunan ng mga mag-aaral. Kailangan ding ang mga patunay ng pagkatuto ay tunay na tumutugon sa layuning ninanais at ang mga gawain (performace tasks) ay tumutugon sa iba’t ibang uri ng pagkatuto (multiple intelligences). Ang pagtataya ay dapat gamitan ng konkretong rubrics upang masukat ang mga ebidensiya ng pagkatuto at maging makatwiran ang pagbibigay ng marka para sa mga estudyante. Samantala, ang “six facets of understanding ay kinabibilangan ng pagtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagpaliwanag, makapagbigay ng bagong kahulugan, maiaplay ang natutunan, makapagsuri, makadama at makabuo ng kaalamang sarili. Kung tutuusin ay hindi na naman bago sa ma guro ang ganitong layunin para sa kanilang magaaral. Subalit sa pamamagitan ng UbD, masinsin at sistematiko ang pagbubuo ng lesson plan na magtataglay ng tatlong bahagi: 1. Pagtukoy sa mga nais na maging resulta

ng pagkatuto, 2. Pag-alam sa mga katangggap-tanggap na ebidensiya 3. Pagpaplano ng mga gawaing pagkatuto Ang pinakamahalagang katangian ng UbD bilang balangkas ng RSEC 2010 ay ang tiyaking lahat ng pinagaaralan ay aktuwal na magagamit nang pangmatagalan (enduring understanding) lumipas man ang maraming taon. Magan-

da kung sa maganda ang nilalaman ng RSEC 2010 ngunit ang tanong ay kung may sapat na bang mga pagsasanay ang ating mga guro upang lubusang maunawaan at maisapraktika ang UbD. Pangalawa, talaga bang angkop sa kultura at gawi ng mga estudyanteng Pilipino ang mga pamamaraan nina MC Tighe at Wiggins?. Pangatlo, may sapat bang kagamitan ang

mga pampublikong paaralan para tiyaking maisasakatuparan ng mga pagbabago sa sistema ng pagtuturo? At ang panghuli, sapat ba ang sahod na ibinibigay sa mga guro upang lalo silang ganahan na maging malikhain sa sistema ng kanilang pagtuturo? Sa huli, ano ba ang layunin ng programang Edukasyon Para sa Lahat 2015? Kung ang lahat ng ating pag-

sasanay ay patungo sa hangaring i-eksport ang ating mga prupesyunal upang maging OFW ay isang malaking kahangalan lamang ang lahat. Ang kailangan natin ay isang programa sa edukasyon na magpapalaya sa sambayanang Pilipino mula sa kamangmangan at magpapaunlad sa kabuhayan ng mamamayan nang hindi nagpapaalipin sa dayuhan.

PAN A WAGAN

CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pangaraw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang magaaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.


Taas-singil sa SLEX, kinuwestyon HINIHINGIAN ng paliwanag ng dating economic adviser ni outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo ang 300 porsyentong pagtaas ng singil ng Toll Regulatory Board at South Luzon Tollways Corp. sa South Luzon Expressway (SLEX). Sa pahayag ni Albay Gov. Jose Salceda, dating kaalyado ni Arroyo, hinid sapat na dahilan ang pagsasagawa ng ilang highway sa SLEX upang itaas ng 300 porsyento ang bayad sa toll gate. Giit ni Salceda ay kailangan nila ng matinong paliwanag patungkol dito. Ayon pa sakanya, hindi kinunsedera ng korporasyon ang mga maapektuhang motorista, lalo na ang mga manggagagling sa ka-

ad na ang Class 1 ng P77 mula sa dating P22, Class 2 vehicles (light truck at bus) ay magbabayad ng P155 mula sa dating P43, Class 3 vehicles (heavy, multi-wheeler truck) ay sisingilin ng P232 mula naman sa dating P65. At dahil sa 300 por-

syentong pagtaas ng singil ay nagbigay din ng pahayag ang South Luzon Bus Operators Association, na mapipilitan din ang mga ito na magtaas ng singil sa pamasahe dahil maaaring ikalugi nila ang biglaang pagtaas ng singil.

GOV. JOSE SALCEDA timugang bahagi ng Luzon at Bicol region. Hiniling ni Salceda na magkaroon ng pagpupulong hinggil dito upang magsagawa ng aksyon ang TRB na siya ring nagpahintulot sa SLTC na magtaas ng singil sa toll gate. Dahil sa petisyon ng SLTC, ay magbabay-

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Em Bagual, ipinagmamalaking Caviteño KILALANIN si Emanuel “Em” Bagual, nasa edad 16 at tubong Cavite, may pangarap na maglingkod sa kabataan sa pamamagitan ng pagiging abugadong tagapagtanggol ng mga inaabusong bata. Sa murang edad ay nagsimula ng tuparin ni Em ang kaniyang adbokasya para sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang organisasyon na Mind Your (M.Y.) Rights, bukod pa dito ay kabilang din si Em sa Dynamic Teens Company ni CNN Hero Efren Peñaflorida. Bata pa lamang si Em nang simulan niya ang rganisasyong M.Y. Rights, sa edad na 14 ay itinaguyod niya ang naturang organisasyon kahit pa may responsibilidad din ang binatilyo sa pamilya at pag-aaral ay napapamahalaan nito ng maayos ang bawat isa. Ang M.Y. Rights ay may mithiing mailigtas ang mga kabataan

mula sa pang-aabuso na kadalasan ay dulot pa mismo ng mga magulang ng mga ito. Kagay na lamang ng sapilitang pagtratrabaho sa kanilang mga anak, na kadalasan ay mapanganib, sa kabila ng murang edad na mayroon ang mga ito. Kaya naman ipinagbibigay alam ng organisasyon sa pangunguna ni Em ang

mga karapatan ng bata, may mga pagkakataon din na ito mismo ang nagpapakulong sa mga mapangabusong magulang ng mga bata. Dumating din ang pagkakataon na makatanggap si Em ng banta sa kanyang buhay at masaktan ng mga taong hindi sangayon sa kanyang adbokasya, ngunit ayon kay Em ay hindi ito

magiging dahilan upang itigil nito ang kanyang mithiin at adbokasya para sa mga kabataang naabuso. Kaya naman napagisipan ng binatilyo, na ang tanging paraan upang magkaroon ng tagumpay sa kanyang adbokasya, ay maging isang abugado. Sa ngayon ay Freshman student si Em sa University of the

EM BAGUAL

Rexaco Land sa Cavite CAVITE ang unang pagtutuunan ng proyekto ng Roxaco Land, isa sa mga bagong business organization sa bansa. Kasalukuyang naghahanap na ng lugar sa Cavite ang Roxas group, para sa pagtatayuan ng Roxaco Land ng panibagong resort, na maaaring maghatid dito sa tagumpay bilang isa sa mga pinakakilalang resort chain sa Pilipinas. Pinagtutuunan ng nasabing organisasyon ang pagpapatayo ng resort at residential complex sa Cavite na

tinatayang may halagang P600 milyon. Ayon sa isang panayam kay Santiago R. Elizalde, senior vicepresident ng Roxaco Land Corp., mithiin ng kanilang kompanya na mapalawak at mapaunlad ang pinaplano nilang resort at maging sikat na resort chain sa bansa. Nakipagkasundo din ang Rexaco Land sa VJ Properties, Inc. na siyang tutulong sa pagpapatayo ng Resort. Inaasahan naman na mauumpisahan ang proyekto sa July at matatapos sa loob ng dalawang taon. SHELLA SALUD

Abugado, pinagbabaril BACOOR, CAVITE – Isang abugado ang pinagbabaril ng dalawang di pa nakikilalang mga suspek sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang bikitma na si Atty. Ricardo De Leon Jr., 38, may-ari ng De Leon and De Leon Law Firm na matatagpuan sa Room H Heritage Building sa Barangay Niog, Bacoor. Ayon sa imbestigasyon, nitong nakaraang Miyerkules, habang nasa loob ng opisina si De Leon

Philippines, at kinukuha ang kursong Community Development bilang pre-law course, na sumisimbolo ng unang hakbang nito sa pag-abot ng kanyang pangarap. Ngunit hindi rin madali para kay Em ang mag-aral sa UP, gayung hindi naman mayaman ang kanyang pamilya, kaya sa kasalukuyan ay gumagawa din ng paraan si Em upang makaipon ng pangmatrikula. Sa pamamagitan ng mga honorarium fee na

kasama ang kanyang sekretarya ay pinagbabaril ang mga ito ng dalawang lalaki. Agad itong kinamatay ng naturang abugado na siyang nagtamo ng tama sa likurang bahagi ng tenga, samantalang kritikal naman ang kalagayn ng sekretarya nito. Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari upang malaman ang totoong motibo ng krimen at mabigyan ng karampatang parusa ang dalawang suspek.

natatanggap niya sa tuwing magsasalita siya at magbibigay ng mensahe ay nakakatulong ito sa pamilya upang magkaroon ng pantustos sa kanyang pag-aaral. Sa ngayon ay pinagbubutihan ni Em ang pag-aaral upang magkaroon ng katuparan ang kanyang adbokasya. Isa nanamang Caviteño ang nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa kanyang bayan kundi sa kapwa nito kababayan. WILLY GENERAGA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.