cavite_43

Page 1


2

HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

SUV SUMALPOK SA POSTE, 7 TIGOK! NI SHELLA SALUD

DASMARIÑAS, CAVITE – Pito-katao ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan matapos sumalpok ang isang SUV sa poste sa nasabing bayan, lamakailan lang. Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas4:30 ng medaling-araw

nitong nakaraang Martes sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas. Sa pitong bangkay ng mga nasawi ay isa

pa lamang ang kinilala ng pulisya, si Edmund Laurente na binawian ng buhay habang ginagamot sa Asian Medical Hospital. Ang anim na kasamahan ni Laurente ay namatay bago pa man maisugod sa ospital. Ayon kay Inspector

Wilfredo Llano, chief ng Dasmariñas traffic police unit, papunta ang SUV – Toyota Prado na may plakang NWI-964 sa Trece Martirez nang mawalan ng kontrol ang driver nito kung kaya sumalpok sa dalawang poste sa Brgy. Langkaan. Ayon pa ulat, 12 pasahero ang lulan ng SUV nang maganap ang aksidente. . Dagdag pa ni Llano, nasa implwensya ng alcohol o alak ang driver ng SUV at maging mga pasahero nito.

Dalawang Caviteño, nanalo sa BMC chess! MULING tinalo ng Caviteño na si Roel Abelgas ang ibang manlalaro sa ika-14 Baguio Center Mall (BCM) non-masters chess tournament kamakailan. Si Abelgas ang kauna-unahang manlalaro sa tournament na nagkamit ng pangkala-

hatang pagkapanalo nsa pangalawang pagkakataon. Si Abelgas din ang nanalo sa tournament noong ika-13 ng BCM chess tournament, na siyang nagkamit ng tropeyo at halagang P7,000. Samantala, nakuha naman ni Rafael

Kimmayog ang pwestong first runnerup, third runner-up naman si Lourelcel Hernandaz na Caviteño din at nasa fourth runner-up naman si Ryan Dungca. Muli ay pinatunayan nanaman ng mga Caviteño na hindi magpapahuli ang mga

Maynilad, hindi magtataas ng singil! HINDI magiging sanhi ng pagtaas ng singil sa tubig ang pagtapos ng P1 billion water treatment plant sa ilalim ng Maynilad Water Services, Inc, na siyang magbibigay ng supply sa ilang parte ng Metro Manila at Cavite mula sa Laguna Lake. Ito ay sinuguro ng Maynilad sa House Committee on Oversight, na siyang nagsagawa ng inspeksyon sa water treatment plant sa

Putatan, Muntinlupa City. Ayon kay Oversight committee chairman at Quezon Rep. Danilo Suarez, ang naturang planta na ay parte sa mga proyekto ni President Arroyo bago ang kanyang tuluyang pagbaba at ang misyon ngayon ng susunod na administrasyon ay tapusing matagumpay ang proyekto. Ayon pa kay Suarez, sa halip na magtaas ng

singil ang Maynilad ay pinili nito na habaan na lamang ang kontrata sa state-run Metropolitan Waterworks and Sewerage System. Pinagdesisyunan ng Maynilad na sundin ang proposal ng gobyerno na kunin ang Laguna Lake bilang supply ng tubig sa Muntinlupa at iba pang lugar kagaya ng Alabang, ilang parte ng Metro Manila at Cavite. JUN ISIDRO

ito kahit pa sa larangan ng chess kagaya ni Wesley So. Hindi lang karangalan para sa bayan ang ipinagkakaloob ng mga katulad nila kundi pati na rin sa kapwa nila mga kababayan. ERWELL PEÑALBA

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

LPG SUMABOG, 9 KATAO DEDO

CARMONA, CAVITE – Patay ang siyam na katao matapos maganap ang isang malagim na pagsabog ng liquefied petroleum gas (LPG) na lulan ng isang truck na sumalpok sa poste at karinderya sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jecelyn Pazcugin, mayari ng karinderya; mga anak nitong sina James Pazcugin, 2 anyos at Jonald Pazcugin; Joy Ann Vergara, 21; Jeremy Vergara, 25; at Julie Ann Vergara, 18; na pawang trabahador sa karinderya; Darlene Roa, Jomari Pancito at Jomar Bataan, mga kostumer sa nasabing karinderya. Isinsusulat ito ay nasa kritikal na kalagayan sina Jerald Escopan at isang nakikilala pa

lamang sa pangalang Jenny, na kapwa isinugod naman sa Silang Hospital. Ayon sa pahayag ng pulisya, naganap ang pangyayari nitong nakaraang Miyerkules, dakong alas-4:00 ng madaling-araw habang tinatahak ng Isuzu Elf truck na may plakang VRA-361 na may kargang 550 LPG tanks ang kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy. Bangkal ng nasabing bayan. Tinagka umano ng driver

ng truck na magovertake sa isa pang sasakyan subalit nawalan ito ng kontrol at bumangga sa dalawang poste. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang ibang tangke sa kalapit na bahay-karinderya at nagsunud-sunod na nga ang pagsabog ng mga tangke na siyang naging dahilan ng sunog. Inabot ng halos isang oras bago naapula ang sunog. Kaagad namang

NI WILLY GENERAGA

tumakas ang driver ng naturang truck na si Merco Lachica at ang pahinante nitong si Joel Ocawan matapos ang pangyayari. Sumuko naman sa pulisya ang dalawa pang pahinante ni Lachica na sina John Eric Es-melia at Jun Espartero na dinatnan ng mga rumespondeng pulis sa lugar. Napag-alaman ng pulisya na taga-Mindoro ang naturang driver kaya naman sa kasalukuyan ay nagtutulungan ang pulisya ng Mindoro at Cavite para tugisin ito.

Kumanta ng “Nobody”, patay! PATAY ang isang Caviteño dahil sa lamang pagkanta ng sikat na awiting “Nobody” ng all-girl Korean pop group na”Wonder girls”. Nitong nakaraang Lunes ay isinugod sa Manila Doctors’ Hospital si Michael Viray, 32 anyos, residente ng Dasmariñas, Cavite, na kaagad ding idineklarang patay.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, habang kumakanta sa videoke si Viray ng “Nobody” sa Benson Place Videoke Bar sa Ermita ay nairita dito ang nakainom na salarin at pinagsasaksak ito sa mukha at leeg. Kaagad namang tumakas ang di-pa nakikilalang salarin. Ayon sa ulat ng ilang saksi, dahil sa pagkanta ng “Nobody” ni Viray, kasama ang mga kaibigan, ay sinigawan ito ng isang nairitang igrupo na nag-iinuman. Upang maiwasan ang gulo ay pinaalis ng supervisor sa naturang bar ang mga nanguguglo at nagpatuloy naman sa pagkanta si Viray kasama pa rin ang grupo nito. Naglagay pa ng harang sa pinto ang supervisor upang magsilbing proteksyon laban sa mga nanggugulo na patuloy na nambubulyaw sa pagkanta ni Viray. Lumapit sa harang si Viray upang makipagayos sa grupo nang bigla na lamang itong pagsasaksakin ng isa sa kabilang grupo na pagkaraan ay dali-daling nagtakbuhang palayo. Pinaghahanap na ng pulisya sa kasalukuyan ang salarin upang masampahan ng kaukulang kaso. NADIA DELA CRUZ

3

Bye Gloria, Hello Noynoy! NI SHELLA SALUD MAY panibagong yugto nanaman ang kasaysayan ng Pilipinas. Panibagong kasaysayan sa ilalim ng bagong administrasyon. Mga bagong politiko… Bagong pamahalaan at bagong pamunuan… Bagong pag-asa rin bang maitatawag? Sa Hunyo 30, ibang presidente na ang mamumuno sa Pilipinas, presidenteng ibinoto ng karamihan, ang taong pinagkatiwalaan ng nakararaming Pilipino – si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III. Malaking paghahanda ang ginagawa ng pulisya para sa inagurasyon ng napipintong presidente. Naging abala sila sa pagbantay ng mga daraanan at sa mismong lugar na pagdarausan – sa Quirino Grandstand. Marami ang natuwa sa pagtatapos ng termino ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo, hindi ko lang alam kung may nalungkot, siguro naman meron kahit papaano dahil aminin man natin o hindi e may nagawa namang mabuti para sa bansa niya ang pangulo. Kita niyo naman at humabol pa ng kung anuanong proyekto bago matapos ang kanyang termino. Siga na, palakpakan na natin siya kahit dalawang bagsak lang. At kahit papaano ay nakakabilib pa din ang tikas ng presidenteng ‘to. Biruin mo halos lamunin na siya ng buong-buo ng mga nagpapababa sa kanya at kung anu-anong isyu na ang ibinato sa kanya, matigas pa rin niyang pinandigan na siya ang presidente ng bansang ito, siya ang boss at siya ang may hawak

sayo. ‘Di ba ang tigas! Dahil sa mga naransan natin sa ilalim ng pamamahala ni Gloria, napapaisip tuloy ako kung anu namang mga bagay-bagay ang mararanasan natin sa ilalim ng administrasyon ng presidenteng ibinoto “NINYO”. Ano nga kayang hatid ng pamahalaang Aquino? Pag-asa o paglala? Ano pa nga bang magagawa natin kundi subaybayan na lamang ang bagong yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kesa naman gumastos ka pa para magpahula kay Madam Auring o sa mga manghuhula sa Quiapo para lang malaman ang kinabukasn ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Aquino, abangan mo na lang. At kesa pagtuunan natin ng pansin at punahin ang mga magiging pagkakamali ni Aquino sa hinaharap, ba’t di nalang natin ipanalangin na gabayan siya ng Diyos sa mga bawat hakbang at desisyon na gagawin niya para sa bansa. At tandaan natin na kahit presidente pa siya, tao pa din siya na hindi perpekto at nagkakamali. Hindi ako proNoynoy, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko siya susuportahan ngayong presidente na siya.

VHT, pinapalawak SISIMULAN na ngayong taon ng Bureaof Plant Industry (BPI) ang proseso ng vapor heat treatment (VHT) para sa mga prutas na iluluwas sa Japan at South Korea, ayon sa isang Agricultural official kamakailan. Ayon kay BPI director Larry R. Lacson, ihahanda na nila ang VHT para sa dragon fruit, na karamihan ay namumunga sa Cavite; mangosteen at avocado na siyang pinaplanong ikalakal sa Japan at South Korea. Ayon din kay Lacson, kakailanganin ang halagang P1.5 milyon para sa pagsasagawa nito na siyang manggagaling sa BPI at Bureau of Agricultural Research. Dagdag pa ni Lacson, pinaplano din umano ng kanilang kompanya na magsagawa din ng VHT sa bell pepper, cantaloupe at squash sa susunod na taon na magkakahalaga naman ng P2 milyon.


4

HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

Bukas na Liham kay Gov.-Elect Jonvic Remulla 24 Hunyo 2010 Mahal na Gob. Remulla, Sumainyo po ang kapayapaan at pagpapala ng panginoon! Ilang buwan na pong hirap na hirap ang mga mamamayan ng Cavite na makapunta sa Maynila dahil ipinagbawal na ni Mayor Alfredo Lim na makapasok sa kanyang syudad ang mga byaheng panlalawigan lalong lalo na ang nanggagaling sa Cavite. Hanggang Buendia na lang po ang mga bus. Ang mga estudyante at empleyado ay lalong napapalaki ang gastos dahil nakakailang salin pa ng sakay. At higit sa lahat ay ang kinakaing oras at abala. Mas lalala pa po ito dahil sa papasok na tag-ulan. Alam po namin na may kapangyarihan ang isang alkalde na gumawa ng mga patakaran o kaukulang hakbang na sa inaakala nya ay higit na ikabubuti ng kanyang nasasakupan. Ngunit sana ay maisaalang-alang nya ang malaking empleyo at estudyante ng Maynila ay nanggagaling din sa mga karatig na lalawigan tulad ng Cavite. Bilang Ama ng Lalawigan ng Cavite, hinihiling po namin na magawan nyo ng paraan ang hinaing naming ito. Bagamat batid po namin na magkaiba kayo ng Partido-Politikal na kinaaniban ni mayor Alfredo Lim, nawa’y hindi ito maging hadlang para sa isang mas mabungang dayalogo para pos a higit na ikabubuti ng higit na nakararami. Maraming salamat po! Nagkakaisang mananakay ng Cavite-Lawton

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Cavite, Saklaan Capital of the Philippines ITO po ang text sa atin ng ating avid reader: Gud pm po Responde Cavite. Khiya po ang Cavite. Npnood ko sa Tutok Tulfo. Bwat kan2 may saklaan. Sinsangklan pti ptay. Sn mbgo n i2. Khiya tlg. 0916528.... Naku po, parang malalim na nakaugat sa kamalayan ng mga Caviteño ang sugal. Partikular ang sakla. Sa Cavite, mas ilag tayo sa mga taong gumagawa ng illegal. Kapag dumadaan ang mga bossing ng sugal, lahat ng tao ay sumasaludo, nakangiti, bumabati. Sila kasi ang may pera. May impluwensya. Lalo na nung nakaraang eleksyon. Kaya ngayong binansagan sa TV na Saklaan Capital of the Philippines, hindi ko alam kung paano mapagbibigyan ng mga politiko ang mga financier na may ari ng sugalan sa Cavite at ang pagpapatupad ng batas at pagpapabuti ng imahe ng bayan. oOo Maugong ang bali-balita sa paparating na Barangay Election ngayong Oktubre. Kesyo tuloy. Kesyo hindi tuloy. Panahon na naman ng panliligaw ng mga politiko sa mga kakandidatong opisyales ng barangay. Kani-kaniyang manok. Ayos yan. Tuloy nyo lang ‘yan. Kaya nagkakaletse-letse ang bansa, kasi pati ang pinakaliit nay unit ng pamahalaan, pinopolitika pa. Kaya nga hindi dapat magkaroon ng anumang political party ang sinumang lumalahok

sa barangay election kasi apolitical o hindi sumasangkot sa poltika ang mga opisyales ng barangay. Kaya nga nitong nakaraang eleksyon, mula sa sasakyan hanggang sa mismong barangay hall na gamit at pag-aari ng publiko, ginagamit sa pamumulitika. Kinakabitan ng mga streamer at banderitas ang mga barangay hall samantalang ang sasakyan ay nagagamit sa pagkakabit ng mga campaign matertials. Sa barangay din ipinapadaan ang ‘biyaya’ na galing sa kandidato. At ang mas malupit pa ditto, maging ang SK na mga musmosay kinakasangkapan pa sa politika. Kaya ang labanan ng mga kapitan ng barangay sampu ng kanilang mga kagawad ay representasyon ng labanan ng mga mayor, congressman at gobernador. Tapos nagtataka pa tayo kung bakit nagkakaletse-letse ang buhay natin. Pwe! oOo Ay sya nga pala, hindi masyadong malayo sa barangay hall ang mga saklaan sa Cavite. At para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa mga nasabing saklaan, rumoronda ang mga barangay tanod! Pwe uli! oOo May nakapagnguso sa atin na balik na naman ang tahong with kaunting buhok sa ilang bar sa Bacoor partikular sa Banalo. Hmmm, ma-redtide sana kayo.

Mahirap Maging Mahirap ANG hirap maging mahirap. Iba ang tingin sa iyong pagkatao. Mababa ka at balewala lang sa lipunan. Pwede kang sigaw-sigawan o di kaya’y takutin sa kanilang paraan. Wala kang magagawa kapag pinairal na ang pera o kapangyarihan. Susuko ka na agad o talo ka na sa labanan. Alam naman nilang wala kang tiyak na pinagkakakitaan o di mo alam kung saan kukuha ng panggastos sa bahay ay lalo ka pang dinidiin at binabagsak. Nakalulunos ang abang kalagayan. Mga suki, kwento po ito ng isa kong kakilala. Nang ito’y aking narinig ay agad ko siyang pinayuhang maging matatag. Humanda at kumabig sa katotohanan. Iwasang mawalan ng pag-asa. Ibinahagi ko rin sa kanya ang isa sa mga semon ni Fr. Ollie Genuino, dating parish priest ng Rosario, Cavite. “Di kasalanan ang ipinanganak kang mahirap, pero pag nanatili ka pa ring mahirap habang buhay, din na yan maganda at tama. Di nay an makakatulong sa ‘yo. Dapat magising ka na sa katotohanan. Magsikap ka. Magsimula ka nang kumilos paara sa hamon ng buhay. Mangarap ka’t tuparin mo ang nais sa buhay.”

Malaki ang naging bahagi ng sinabi ng par sa kanya. Nagsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy niya ang laban sa mga matitinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Paalala pos a lahat “Nasa ating kamay an gating kapalaran.” oOo Isa pong pagbabago ang aking gagawin sa pitak na ito. Inaanyayahan kop o ang lahat- kapwa guro, estudyante, magulang o sinuman na sumusulat, mag-email, magtext o tumawag sa inyong linkod tungkol sa mga kaanasan ninyo sa buhay na kayhirap kalimutan; para bang MMK ang dating. oOo Bukas po ang aking kolum para sa inyong lahat. Alam ko pong makakapagbigay kayo ng aral para sa iba at may mapupulot na tama ang mtga suking mambabasa sa inyo. oOo Maaari po kayong mag-txt sa Cell# 09193769377; tumawag sa Tel.No. 527-0092; O mag-email sa responde_cavite @yahoo.com at ulat@respondecavite.com I-address pos a Good Morning teacher... Ang lahat ng mga mensahe, Inaasahan ko po ang inyong pagtangkilik at pagsuporta sa gawaing ito.


HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

SA MGA PASILYO NG KARANGALAN

Tomas P. Tirona (5) Saksi ng kalayaan ABALANG-ABALA si Tomas sa Ateneo habang may paglalaban sa kanyang lalawigan. Mahigpit ang disiplina ng pagbabasa ng mga obrang pampanitikan sa orihinal na Griyego, Latin, at Espanyol. Ang pagsasalin ay kailangang gawin bilang bahagi ng pagsasanay. At higit sa lahat, pinasisigla silang kumatha ng sariling mga obrang pampanitikan. Gusto ito ni Tomas, ayon sa kanyang talaarawan, lumalago at namumulaklak ang kakayahan niya sa malikhaing pagsusulat. Kalagitnaan ng Hulyo 1897 nang

magsalin siya ng isang akdang pampanitikan at magtatapos naman ang Agosto nang isulat niya ang Cancion Elegiaca. Sumulat din siya sa wikang Pranses ng isang pagbati sa kaarawan ni Teodoro Saret (Oktubre 9, 1897) ang guro niya sa wikang iyon. Pinagkalooban naman siya ng isang diploma at set ng isang ginintuang pluma noong ika-anim ng Disyembre dahil sa isang sanaysay niyang komentaryong pangkasaysayan. Noong ika-pito ng Disyembre, tumanggap siya ng limang gantimpalang pang-akademi-

ko at noong Disyembre 28, natapos niyang sulatin ang isang soneto, santos Inocentes. Hindi siya umuwi ng Imus (maaring dahil lubog ito sa pagsulat). At noong Disyembre 31, isang araw pagkaraang barilin si Rizal sa Bagumbayan, sinulat niya ang Soneto al Año 1896, ngunit, marahil ay inuukil ng sensura noong panahong iyon ay umiwas na paksain si Rizal. Sa halip, dahil malayo sa kanyang pamilya ay sumulat siya ng kanyang kalungkutan nang taong iyon. Maaring hindi isinulat si Tomas sa kanyang talaarawan

kahit mahahalagang pangyayari ang mga iyon sa kanyang kapaligiran. Waring napakalayo ng kanyang isip, naglalakbay kung saan-saan. Halimbawa nga’y wala wari siyang kamalayan sa pagbaril kay Rizal, sa programang naganap sa pinapasukan niyang Ateneo Municipal na nagpaparangal sa Hukbong Sandatahan ng Espanya na pinababaha na noon sa Pilipinas upang masugpo ang rebolusyon. Maging nang sulatin at matanghal ang kanyang iisang yugtong dulang El Capitan Salcedo, ay wala siyang itinalang detalye na ang layunin niya ay

bigyang-halaga ang pagdating ni Kapitan Salcedo para mapigil si Limahong sa pagsakop sa kapuluan. Ang kabayanihan ni Salcedo at pagkagapi ni Limahong ay iniukol niya sa kabutihan ng Diyos. Noong Enero 27, 1898, itinanghal din ang isa pang iisahing yugtong dula, ang Venganza de un Santo. Walang malinis na kopya nito na natapos ni Tomas mula sa orihinal niyang sulat-kamay. Itinanghal din noong Pebrero 2, 1898 ang maikling dula niyang Filipinas Por Maria. Mabunga ang huling taon ng pagaaral niya sa Ateneo Municipal. Bagamat hinidi niya nakuha ang lahat ng gintong medalya sa mga asignatura niya, pangunahin naman siya sa maraming aralin. Indikasyon ito na lubhang maraming sinulat si Tomas sa taong iyon at hindi niya napantayan ang pinakamataas na karangalang natamo niya noong nakaraang taon, ang karangalang excelencia. PAGLILINGKOD PARA SA PAGLAYA AT PAGSASARILI Mga pangyayaring pandaigdig ang nagtakda ng kapalaran ni Tomas Tirona. Nauna nang binuksan ang mga pwerto ng Japan sa mga produktong

5

Amerikano bago pa nagrebulusyon ang mga Pilipino. Malaya nang nakakapasok ang mga bapor ng Amerika sa mga pwerto ng Japan na tulad ng Yokohama. May impluwensya na rin ang mga Amerikano sa Tsina, lalo na sa Beijing (Peking). Samantala, tumatagilid na ang kapangyarihang Kastila sa Cuba na nasa dunggot lamang ng estado ng Florida. Maluwag na nakapasok doon ang mga ahenteng dayuhan na nagsusulsol sa mga Cubano ng panghihimagsik. Sa panahong iyon sumiklab ang digmaang EspanyaAmerika. Tinawag ng isang ministrong Kastila si Presidente McKinley na isang “patakbuhing pulitiko”. Nagkataong daandaang sundalong Amerikano ang namatay nang sumabog ang bapor pandigma nitong “Maine” sa pwerto ng Cuba. Si Aguinaldo na nasa Saigon ay nagbalik sa Hongkong, sumangguni sa mga kasama at ilang tauhan ng konsulado roon ng Amerika. Noong Mayo 19, 2898, bumalik siya sa Pilipinas, nagproklama ng bagong himagsikan laban sa mga Kastila at nagtayo ng pamahalaang diktadurya sa Kawit, Cavite.


6

HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

BASAAN NAUWI SA KARAHASAN ANG bendisyon ng kapistahan ni San Juan Baustista ay nagkuloy dugo sa timpla ng alak. Isang lalaking nasaksak sa gitna ng pagdiriwang ng Regada ng magkarambol sa Paterno St. Caridad, Cavite City bandang 1:00pm Hunyo 24, 2010. humigit kumulang 20 kalalakihan at pawang mga nakainom. Isa sa mga kasama ni Santos ay susuray-suray at pinaupo ng mga kasama nito sa tambayan nina Dela Cruz. Kahit hindi naman nakikilala nina Mark Anthony ang mga dayo ay pinagbigyan nila ito sapagkat kinailangan ngang paupuin muna Sa ulat ni P02 Ar- 27 anyos, taga- yung susuray-suray. Nagulat na latemio Cinco Jr. at Aplayang Munti, Sta mang sila ng biglang PO1 Jonathan R. Cruz Cavite City. itaob ng isa sa mga Baclas, Ang biktima Ang Rambol ay nakilala sa panAyon sa sinum- kasama ni Dela Cuz galang Mark Antho- paang salaysay ng ang mesa sa tamny Dela Cruz, 19 ta- nakasaksi na itata- bayan at nagsimula ong gulang at nakat- go sa pangalang na ang rambulan sa ira sa Blk 24 Lot 3 RR, Nakatambay di- pagitan ng dalaRegal Homes Subd. umano ang grupo ni wang grupo. Nasaksihan din Alapan 10A Imus Mark Anthony sa PaCavite. Kinilala na- terno harapan ng NI RR noong bunutin man ang suspek sa Avon store ng du- diumano ni Santos pangalang Ritchie maan ang grupo na- ang isang ice pick at Dela Cruz Santos, man ni Ritchie na sugurin nito si Dela

Cruz at saksakin sa likod. Agad na hinila ni RR ang biktima papasok ng eskinita upang mailayo sa rambol at dinala sa ospital. Narekober din ng saksi ang Icepick na ayon sa kanya ay siyang ginamit sa pananaksak. Kasalukuyang nakapiit ngayon ang suspek sa naganap na krimen habang

inihahanda ang kaukulang kaso. Ang Nakipyesta Dumayo lamang si Dela Cruz mula Imus Cavite upang makipagdiwang ng Regada sa Cavite City kasama ang mga dating kamagaral sa Ateneum High school. Napagalaman lamang ng mga magulang ng biktima ang pangyayari ng tawagan ng mga kasama nito

ang kaniyang kapatid na babae na siya naming nagbigay alam sa kanilang mga magulang. Unang isinugod ang biktima sa Dra. Salama単ca Hospital ngunit dahil sa kakulangan sa pasilidad, agad na inilipat ito sa Cavite Naval Hospital. Sa kalubhaan ng kalagayan ng biktima, kinailangan pa rin itong ilipat muli sa AFP Medical


HUNYO 27 - HULYO 03, 2010 Center sa Quezon City. Sa pagbisita ng mga Imbestigador sa biktima, hindi na pinahintulutan ng mga doktor na kunan pa ng pahayag ang biktima sa kalubhaan ng kalagayan nito. Ang Tattoo Nakilala naman ang suspek dahil sa malaking tattoo nito sa leeg. Nuong una ay nag-atubuli pa ang saksi na tumestigo dahil sa takot na madamay at mapagbalingan dahil sa kilala rin diumano ang ang suspek sa pagkakasangkot nito sa iba pang rambol at gulo. Suballit positibo pa rin itinuro ng saksi si Dela Cruz nuong puntahan sa tahanan kasama ng mga awtoridad. Pyesta ng Tubig, Alak at Karahasan Ayon sa panayam ng Responde

Cavite kay Col. Simnar Gran, Hep eng Pulisya ng Cavite City, hindi dapat hinahaluan ng karahasan ang isang banal na paggunita ng pagba-bautismo ni San Juan Bautista kay Kristo-Hesus. Napansin ng Hepe na ang ilan bago pa pumunta sa Regada ay nakainom na, o ang iba naman ay umiinom ng alak habang isinasayaw ang santo. “Taon-taon na lang, nababahiran ng karahasan ang Regada at Pyesta ng san Juan.” Kumento naman ng ilang matatanda at lehitimong tagaCavite City, dapat rumoronda rin ang mga barangay tanod sa mga lugar na kanilang nasasakupan upang kahit papaano ay napagbabawalan ang nag-iinuman sa tabi o gilid ng lansangan. “Kahit hindi San

Juan o regada, lagi na lang may gulo dito (Paterno). Paano kasi, madaling araw na nasa lansangan pa ang mga mrnor de edad. Nagiinuman. Yung mga magsyota, naglalampungan sa mga

gilid-gilid. Mga magulang walang pakialam. Yung barangay... nagkikibit-balikat. Magsumbong ka, tatango lang. Hindi naman regular na iniikutan ang lugar na ‘yan (ang lugar na pinangyarihan ng

gulo). Madaling araw, may bigla na lang manghahagis ng bote sa lansangan. Tapos kapag nasangkot sa gulo ang mga bata, pagkatatapang ng mga magulang. E, sila naman itong

7

may kasalanan. Ano na ba ang nangyari sa curfew? Dahil sa kaguluhang ito, may curfew uli. Pero ilang araw lang... wala na naman.” Ang hinanakit ng isang residente ng Paterno St, Caridad, Cavite City.


8

HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

Pilipinas 3000 KAHIT lubog na ang buong daigdig dahil sa krisis pampinansyal, tigas leeg pa rin ang mga taong gobyerno sa pagmamalaki na hindi na tayo masyadong maapektuhan dahil sa padala ng OFW at EVAT. Wow! Bakit kaya hindi naisip ng mga bansang mauunlad gaya ng Amerika, United Kingdom, Germany, Japan at iba pa na ipadala ang kanilang mga mamamayan sa ibang bansa para magtrabaho at buwisan katakot-takot ang mga mamamayan? Kaya, kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, nakikita ko na ang mangyayari sa susunod na libong taon. Sa Pilipinas 3000 ay: 1. 250 Milyon na ang kabuuang Populasyon ng Pilipinas. Pero 20 Milyon lang ang nakatira sa Pilipinas. Lahat ay nakakalat sa buong mundo. Alipin, alila, tsimia-a, katulong, DH at iba pa… ang papel ng mga Pinoy. May mga unibersidad na pampubliko na nagbibigay ng kursong BS Home Management at AB Domestic Helping, may MA na rin sa Care Giving at PhD sa Entertainment. 2. 50% na ang buwis. 25% ang EVAT. At Kakaltasan ng Gobyerno ng 60% ang lahat ng remittance mula sa abroad na ipapadala sa mga kamag-anak dito sa Pinas. Ang mga OFW na magpupuslit ng padala sa mga kamag-anak (gaya ng ipapakidala sa ibang OFW na uuwi sa Pinas, iiipit sa sulat, magazine o libro, isisiksik sa mga ipapadalang gamit sa Pinas) parurusahan ang mga pamilyang pinadalhan (hindi ang nagpapadala, kasi, wala nang magpapadala kapag ang OFW ang pinarusahan). Parusa? Kukuhanin lahat ng gamit

na naipundar (kasi ang mga naipundar na gamit ay posibleng galing sa puslit na padala na pag-aari ng gobyerno) at pwersahang pagpapatrabaho (gaya ng pagtitibag ng bundok, paggawa ng tulay at paglilinis ng Ilog pasig). 3. Isang linggo lang pwedeng umuwi ang mga OFW sa Pinas para magbakasyon kasi nga pinagaral ang mga ito sa pampublikong unibersidad para sa mga OFW (kailangang mabawi ng gobyerno ang ginugol na pera). 4. Ang mga matatanda at mga batang wala nang kamag-anak na nag-aalaga ay dadalhin sa mga kalsada, harapan ng simbahan at kalsada para mamalimos. Ikakatwiran ng gobyerno na kesa pakinabangan ng mga sindikato, aba’y gobyerno na lang. 5. Wala nang 4 year courses. Lalo na yung mga liberal arts na mga kurso. Kasi, ikakatwiran ng gobyerno, wala namang trabahong naghihintay sa mga kumuha at nagtapos ng Philosophy, Literature, Music, History, Languages at iba pa. Puro Two-Year vocational at technical courses na lang. Wala nang writer, musicians, painters at iba pang artistikong gawain. Dapat lahat ay nagbabanat ng buto. Lahat ay dapat kumikita. Ilan lamang ito sa mga nakikita kong posibleng maganap sa Pilipinas 3000. Wag kayong magalala, marami pang darating. Paganda nang paganda ang mga plano ng gobyerno para sa bansa natin. Gusto nyong malaman ang ilan pang plano ng gobyerno sa atin na sa tingin natin ay maghahatid sa atin sa Pilipinas 3000? Manood kayo ng susunod na SONA. Harharhar!

May ‘something’ sa mga pamangkin?

Binibining Bebang, Laging inaasikaso ng Papa ko ang mga pamangkin niya. Minsan pa nga ay humantong na ito sa pag-aaway nila ng Mama ko. Dapat nga ba akong magduda na may “something” doon sa mga pamangkin niya? Michelle ng Pook 2, Silang, Cavite Mahal kong Michelle, Nahihirapan akong bigyan ka ng payo dahil kulang sa impormasyon ang iyong ipinadala sa akin. Ano kaya ang pakahulugan mo sa “something?” Seksuwal na relasyon? Ia-assume kong ito nga, okey? Hindi naman siguro. Wala naman sigurong seksuwal na relasyon ang papa mo at ang mga

pamangkin niya. So hindi ka dapat magduda kasi baka naman kaya inaasikaso ng Papa mo ang kanyang mga pamangkin ay dahil kulang na kulang sila sa pagaasikaso, pagmamahal at atensiyon mula sa sarili nilang magulang. O baka nga wala na silang magulang kaya talagang mega-asikaso ang tatay mo sa kanila. Kung ito ang sitwasyon, unawain mo na lang ang iyong ama. Nagiging mabuting kamag-anak lamang siya. Tulungan mo na lang siyang maipadama pa sa mga pamangkin niya ang inyong mainit na pagtanggap bilang isang pamilya. Maaari din namang bayad-utang ang ginagawa ng iyong ama. Baka siya ang tinulungan noon at sa ganoong paraan din kaya isinasauli lamang niya ang dati niyang naranasan sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa kanyang mga pamangkin. Ano pa kaya ang pakahulugan mo sa “something?” Nakakaintrigang katotohanan halimbawa ang mga pamangkin pala

ng iyong tatay ay mga tunay niyang anak? Ia-assume kong ito nga, okey? E, kung ito nga, naku, mabigat ito. Hindi ito dapat idinadaan sa pag-aassume-assume lang. Isang buong pamilya kayong magugulilat at mahaheart broken kung sakali. Sino at nasaan na ang nanay nila? May relasyon pa kaya ang nanay nila at ang tatay mo? Alam ba ito ng nanay mo? Paano ito nagawa ng inyong ama? Paano nga ba dapat pakitunguhan ang mga “bagong” kapatid? May iba pa ba kayong dapat na malaman? Heto na lang, Michelle, kausapin mo na ang iyong tatay. Sabihin mo na nababahala ka sa “natatanging pagtrato” niya sa kanyang mga pamangkin. Sabihin mo apektado na ang iyong peace of mind at nahihirapan ka rin para sa iyong nanay. Once and for all kamo, linawin niya sa iyo kung bakit ganon na lamang ang pagaasikaso niya sa mga “nakakaintrigang” kamaganak. Kapag nagsalita na

ang iyong papa, pakinggan siyang mabuti. Kung kailangan mong mag-urirat habang nagpapaliwanag siya, gawin ito sa pinakamagalang na paraan. Gayundin kung gusto mong maglabas ng iyong nararamdaman. Huwag kalimutan ang respeto. Ipulupot mo sa buong dila mo at sa buong katawan mo ang respeto bago ka makipag-usap sa kanya. Siya pa rin ang iyong tatay. Kung nais mong ibahagi ang kanyang mga sagot sa iba pang kapamilya, ipaalam ito sa kanya. Pero mas mainam pa rin kung yayakagin mong siya na mismo ang magpaliwanag sa iba. Good luck, Michelle. At salamat. Dahil sa liham mo, natanto kong hindi dapat nababalutan ng hiwaga ang mga relasyon at pakikipag-ugnayan lalo na kung kayo ay nasa iisang pamilya. Naliwanagan, Binibining Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Mamalaging masikap at matiyaga upang mapatunayan sa kompanyang pinaglilingkuran na karapat-dapat sa pagtanggap ng increase sa sweldo. Huwag ipagsawalang bahala ang anumang komento na maririnig sa mga kasamahan sa trabaho. TAURUS (Abr. 20-May 20) – Sa magandang kinikita ngayon sa paghahanapbuhay ay sikaping makapag-impok at makapagpundar ng mahahalagang gamit sa bahay. Ipagpaliban muna ang magagastos na aktibidad na wala sa plano upang hindi magipit sa pananalapi. LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ngayon mararanasan na dahil sa sobrang pagiging praktikal sa buhay ay hindi sadyang maisasakripisyo ang pansariling damdamin. Hindi dapat maging salawahan sa pag-ibig upang hindi malagay sa alanganing sitwasyon. SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Posibleng maharap sa araw na ito sa isang malaking problema kung hindi magiging madiplomasya at mapagpakumbaba. Panatilihin ang pagkakaroon ng paggalang ng mga taong nasa sirkulo ng nililinyang hanapbuhay. SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Napapanahon ang pakikipagkaisa sa mga kasamahan sa trabaho o negosyo na may magagandang hangarin sa buhay. Sa romansa, magiging masaya ang buong araw sa pagpapakita ng gilas at mainit na pag-ibig sa minamahal. CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - May malaking potensiyal na magtagumpay sa binabalak na bagong trabaho o negosyo kung nagkakaroon agad ng sapat na puhunan o kapital. Dahil sa pagkakaroon ng matinding ambisyon, ngayon lilitaw ang talento at pagka-malikhain ng isip LEO (Hul. 23-Ago. 22) –Huwag ipagsawalangbahala ang pagresolba sa problemang may kaugnayan sa pakikipagrelasyon sa mga kasamahan sa trabaho. Ngayon higit na dapat maging maingat sa pagbibitiw ng masasakit na salita o komenraryo sa kanino man. LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –Ang magagawa ngayong tulong sa isang problemadong kapamilya ay magbububunga ng kapayapaan sa loob mismo ng sariling tahanan. Dapat pahalagahan ang mga tao sa paligid upang sa panahon ng kagipitan ay mayroong matatakbuhan. ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Kung talagang naghahangad ng pag-asenso sa kabuhayan, ngayon higit na dapat maging agresibo at masikap sa pagtatrabaho o pagnenegosyo. Panahon na upang ibuhos ang panahon at kakayahan sa mga aktibidad na pwedeng pagkakitaan. TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Magiging produktibo ang mga kamay at isipan kung magagawang kalasan ang mga kabarkadang mahihilig sa kalayawan at walang ambisyon sa buhay. Ang galaw ng mga bituin ay hindi pumapabor sa pagbabakasyon o paglipat sa ibang trabaho. VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Sa mga walang asawa, umaayon ang galaw ng mga bituin upang makatagpo ng mamahalin at magiging inspirasyon sa paghahanapbuhay. Sa mga may-asawa, may darating ngayon na magandang oportunidad na makatutulong sa pagtataguyod ng pamilya. GEMINI (May 21-Hun. 21) – Magiging maligaya ang buong araw sa piling ng minamahal kung hindi padadaig sa kamagdag ng selos. Iwasang magpadaig sa negatibong isipan at damdamin upang hindi masira ang magagandang diskarte sa paghahanapbuhay.


HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

9 Tabujara, ililipat ng destino

MATAPOS ang limang buwang pagsisilbi, inalis sa kanyang tungkulin bilang Provincial Police Director si Senior Superintendent Primitivo Tabujara. Matatandaang nasampahan ng kaso si Tabujara kasama ang 17 pulis ng Bacoor dahil sa pagkakasangkot sa barilang naganap noong nakaraang eleksyon sa pagitan ng pulisya ng nasabing bayan at mga tauhan ni dating Cavite Representative Plaridel Abaya, na siyang nagresulta sa pagkamatay ng dalawang close-in bodyguard ng politiko na sina retired Colonel Arnulfo Obillos at Juanito Paraiso. Ayon kay Chief Superintendent Rolando A単onuevo, Calabarzon police director, walang kinalaman ang kasong isinampa kay Tabujara sa paglipat nito sa ibang lugar, normal lang di umano ang paglilipatan ng mga Provincial Police Director. Ayon naman kay Senior Superintendent Danilo Maligalig ng Philippine National Police Firearms and Explosives Division, inaasahang gaganapin ang turnover ceremony para sa posisyon ni Tabujara sa linggong ito.

Ang mga kabataang piniling maging makakalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng dahon ng saging bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Juan Bautista.

Maligayang pagbati Elhaijha Mae F. Cayas sa iyong ika-6 na kaarawan (June 17, 2010). Always pray to God and study hard. From- Jhaylhen-12


10

HUNYO 27 - HULYO 03, 2010

Cavite Geriatric Center, pormal ng binuksan! PORMAL ng pinasinayanan kamakailan ang Cavite Geriatric Center bilang pagbubukas nito. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan nina dating Indang Mayor at Board Member Lumin Silao at may bahay ni Gob. Ayong Maliksi na si Olivia Maliksi. Matatandaan na noong Enero 21, 2002

Social Welfare and Development at nagtalaga ng P3-M para sa pagbili ng lupa na katatayuan ng nasabing sentro. Kasunod ang pagbuo ng isang task force na magpapabilis sa pagtatayo ng nasabing sen-

ite Geriatric Center. Ayon kay Silao, may kakaibang katangian ang sentro kumpara sa karaniwang bahay-matanda ng mga religious group. Ang konsepto aniya ng sentro ay hindi lamang ordinaryong pagamutan. Ayon pa kay Silao, may schematic plan ang gusali ng sentro na may tatlong ward para sa lalaki at tat-

Dito aniya gagawin ang bonding na lubha umanong kailangan ng mga senior citizens upang ang sentro ay mapanatiling ‘A Home Away from Home’. Sa living room aniya ay lalagyan ng ga kasangkapang magbibigay ng kalayaan sa mga nakakatandang may talent sa sining ng pag-awit, pagtugtog ng mga instrument, pagpipinta, pananahi at panggangantsilyo. Live Well, Live Long, ayon pa kay Silao ang motto ng sentro. Samantala, nilinaw naman ni Silao na hindi ito tahanan ng mga matatandang mahihina,

may karamdaman, wala ng pag-asa sa buhay at naghihintay na lamang ng pagtiklop ng mata. Hindi rin umano ito isang rehabilitation center ng mga drug addicts o mga baliw na may sariling daigdig. Ang gusali at kapaligiran umano nito aniya ay isang tunay na kumunidad. Idinagdag pa ni Silao na ang likuran umano ng lote ay posibleng maging halamanan ng gulay, pru-

tas at bulaklak na ang mga mismong hardinero ay ang mga matatandang mahilig sa pagtatanim. Stay Young umano ang isa sa mga adhikain ng mga boarder ng sentro. Maaarin din umanong pasyalan o palaruan ang kaluwangan ng magkabilang bahagi ng lote. Inaasahan na maraming Senior Citizen ang higit na makikinabang sa Cavite Geriatric Center

PANAWAGAN

nang maipasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang Resolution No. 032-S-2002 na nagpapahintulot sa gobernador na magpatayo ng Cavite Geriatric Center para sa mga Senior Citizens na kung saan ay magkakaroon sila ng mataas na kalidad at halos libreng pagkalinga sa kanilang kalusugan. Bilang tugon, ginawa naman ni Gob. Maliksi noong September 5, 2002 ang Executive Order No. 20 na nagbuo ng nasabing sentro bilang special office sa ilalim ng Provincial Department of

tro. Ang Task Force ay kinabibilangan ni Gob. Ayong Maliksi bilang Chairman at Board Member Silao bilang vice chairman. Kabilang din sa task force sina Atty. Renato Ignacio, Raffy Gamad ng DSWD, Teasurer Salome Landas, Assessor Lamberto Parra at Engr. Leoppoldo Contemprado. Ang lupa sa Tambong Ilaya sa bayan ng Indang, Cavite ang napagkasunduang bilhin. Matapos ang magihit siyam na taon at pagugol ng hindi kukulangin sa P9-M, naitayo na ang Cav-

Reklamo sa CNHS Gandang umaga. Bakit walang kuryente ang CNHS particularly ang TLE shop, 2 anak ko ang nagaaral. Sabi nila voluntary contribution. 2 pesos para makabili ng kable. Wala bang budget ang school?

lo rin aniya para sa mga babae. Sa Likuran ay may laundry at kusina na may kasamang staff room. Sa bukana ng kusina ay may maluwang na dining room. Samantalang ang harap ay binubuo ng male staff room at female staff room. Sa dalawang panig ng lobby ay mayroon ding dalawang nurse station kakabit ng dalawang maliit na office na nagsisilbing center ng clinic. Maluwag aniya ang living room sa gitna at bukas na bukas ang dalawang paypay nito.

CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.

Sabi ng isang anak ko bago pa magbakasyon wala na silang kuryente. E, pasukan na at isang lingo na ang nakakalipas, wala pa rin. Kaya pala ang 2 kong anak, nagsisimula nang ubuhin at sobra sa init sa kwarto at madilim pa. Aba, paimbestigador na dapat yan. Nakakahiya.- 0906269>>>> oOo Baha sa Longos Good day po, Responde Cavite. Concerned lang po ako sa parang ilog sa ilalim ng fly over sa Longos, Bacoor. Although nakikita ko naman na ginagawa nila ang lugar nayun, pero parang dapat siguro mas madaliin pa ng kontratista noon. Kasi, kapag kaunting ulan, napaka-traffic na kasi lubak-lubak na ang daan. Mataas pa ang baha. Salamat po ang Gob Bless you! Mr. X ng Imus, Cavite. Via e-mail. oOo Trapik sa Tanza-Tejeros

Magandang Araw po. Nakakabili po ako ng Responde Cavite sa Pinoy Trip sa Tanza. Ask ko lang po kung paano masosolusyunan ang trapik sa TanzaTejeros? Minsan po kasi, kulang kulang medya ora para lang makatawid, eh. Sana po magawan agad ito ng paraan. 0922781>>>> oOo Reklamo sa Toda sa Silang Gandang umaga po a inyong lahat. Gusto o po sanang idulog ang problema ng isang TODA ditto sa aming bayan sa Silang. Wala nap o silang mapilahan. Nakakaawa ang mga residente at mga pamilya ng mga driver na naapektuhan. Sana po matulungan nyo sila. Alam kop o na may kinalaman ito sa nakaraang eleksyon. Nanalo na naman sila pero bakit kailangang umabot sa ganito. Ang alam ko, ang isang ama ng bayan ay mapagkalinga sa kanyang nasasakupan. Nakakaawa sila. 0922285>>>



Pinay bilang ‘White House doctor’

Iskolar ni Angara

NI JUN ISIDRO

ISANG Pilipinang Caviteña ang gumawa ng pangalan sa kasaysayan ng White House. Kilalanin si Dr. Connie Mariano, ang kaunaunahang Pilipina na naging “White House Doctor”. Isang karangalan na naman para sa bansa at sa kapwa Caviteño ang hatid ng Pinay na ito. Nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Mariano sa Amerika noong ito ay 2 taon, nang sila ng kanyang pamilya ay nagmigrate o nangibang bayan sa lugar na ito mula sa kanyang tinubuang bayan sa Sangley Point, Cavite City. Ayon kay Mariano, hindi naging madali ang buhay para sa kanila. Nag-

aral ito sa pampublikong paaralan at sinikap na makapagtapos hanggang kolehiyo. Nang makatapos ito noong 1977 ay pumasok sa Navy dahil sa gustong tularan ang ama na si US Master Chief Angel Mariano. Noong 1992, dahil na din sa pagkakaroon ng karanasan bilang militar, ay naging kauna-unahang Pinay ito na nagsilbi sa White Hose bilang physician ng president. At makalipas ang dalawang taon ay naging unang babae at Pinay na director ng White House Medical Unit.

Si Connie din ang unang Pinay sa kasaysayan ng Amerika na maging US Navy Rear Admiral noong July 2000 at pagdating 2001 ay nagdesisyon na itong magretiro. Ayon dito, kaya ring marating ng kahit sino ang narrating niya, dahil kung kaya niya ay kaya rin ng iba basta magkaroon ng determinasyon at pagsisikap. Nakapagtrabaho si Mariano sa tatlong presidente ng U.S: President George H. W. Bush, Pres-

ident Bill Clinton at President George W. Bush. Ngunit sa kabila nito ay inamin niya na hindi ganun kadali maging doctor sa White House, kinakailangan din ng matinding paggabay sa pasyente lalo na at presidente ng amerika ang kanyang pinaglilingkuran. Sa kasalukuyan ay gumawa din ng libro si Mariano, na naglalaman ng lahat ng kanyang karanasan bilang “White House Doctor” sa walong taong serbisyo dito.

Paghahanda para sa inugurasyon SA darating na Hunyo 30, idinekalara ng pulisya na “no-fly zone” ang Quirino Grandstand bilang parte ng inagurasyon sa pagiging ika-15 presidente ng Pilipinas ni Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III. Bukod dito idineklara din ng pulisya na bawal ang kahit anong sasakyang pandagat na dumaan sa Manila Bay. Para sa maigting na seguridad ay magpapadala din ng pulisya mula Calabarzon (Cavite, Laguna, Batnagas,

Rizal, Quezon) upang makipagtulungan sa pulisya ng Metro Manila. Ayon kay Director General Jesus Verzosa, Chief ng Philippine National Police, Linggo pa lamang ay inumpisahan na ng pulisya ang paghihigpit sa mga lugar na malapit sa Quirino Grandstand, kung saan gaganapin ang inagurasyon para kay Aqiuno. Ayon din kay Verzosa, nagbigay na sila ng Notice to Airmen (NOTAM) na nagsasaad na sa darating ng inagurasyon ay no-

fly zone ang Quirino. Gayun pa man, niliwanag ng hepe na tanging mga helicopter lamang mula sa mga istasyon ng TV na may permiso galing sa kanila ang papayagang lumipad sa lugar. Nagbigay na din ang kanilang grupo ng abiso sa mga marino na bawal ang pagdaan ng kahit anong sasakyang pandagat sa Manila Bay. Tintayang 5,500 na mga pulis ang nakapalibot sa lugar ng inagurasyon, ayon kay Police Director Roberto Rosales, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at deputy commander ng Task Force Panunumpa. Binubuo ang pulisya ng 1 ,000 pulis galing sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Central Luzon Police Regional Offices, 1,500 pulis galing sa limang distrito ng Metro

Manila, at ang iba ay mula sa NCRPO. Nakabantay din ang mga grupo ng militar na nasa 500, sakaling may di inaasahang pangyayaring maganap. Dagdag pa ni Rosales, maglalagay sila ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar at ilang lugar katulad ng Quezon Memorial Circle, upang masubaybayan ang mga galaw ng tao, na inaasahang aabot sa daang libo ang dagsa sa lugar. Maging ang mga ruta ng sasakyan ay magbabago pagsapit ng alas7 ng umaga. Isasara ang daan sa Roxas Boulevard simula Quirino Avenue to Anda Circle kabilang din ang P. Burgos at TM Kalaw. Hiniling naman ng pulisya na makipagtulungan sa pulisya ang mga taong inaasahang dadagsa at iwasang maging pasaway.

HALOS umabot na ng 5 milyon ang iskolar mula sa iba’t ibang lugar sa bansa sa ilalim ng programa ni Senator Edgardo Angara. Sa kabuuan ay mayroon ng 4,948,193 ang iskolar ni Senator Angara. Binubuo ng 22,292 science scholars, 293 scholars at the Commission on Higher Education, 115 private Angara scholars, 143 Fulbright scholars at 4,924,293 estudyante at guro sa pribadong paaralan. Nagsimula ang programa ni Angara, na mismo ay naging iskolar, noong 1994 na nagnanais na makapagbigay ng suporta sa mga mag-aaral na kapos sa pera ngunit may pagsisikap na matuto at makapagtapos. Nitong nakaraang taon ay mayroong 88 private Angara scholars sa University of the Philippines sa Diliman, Los Baños at Manila, Centro Escolar University, Far Eastern University, Polytechnic University of the Philippines, Rizal Technological College, Wesleyan College of Cabanatuan, Philippine State College of Aeronautics, AMA Computer Learning Center, Araullo University, Aurora State College of Science and Technology , at kabilang din ang Cavite State University. Ang tanging hinihinging kabayaran lamang ng programa ni Angara sa mga iskolar nito ay bumalik sa kanilang lugar at magsilbi sa kahit dalawang taon sa bayan. Tumatanggap din ng overseas iskolar ang nasabing programa ngunit pagkatapos makapagaral ay nararapat na bumalik ito sa bansang Pilipinas upang pagsilbihan muna ang bayan sa loob ng dalawang taon.

Militar, bukas para sa mga aplikante BUKAS na ang 7th Regional Community Defense Group ng Army Reserve Command Station sa mga aplikanteng nagnanais maging parte ng Probationary Officer Training Corps (POTC). Nakatakdnang magtipun-tipon sa darating na Setyembre ang mga aplikante sa headquarters ng Army Reserve Command sa Tanza, Cavite. Kinakailangang punan ng mga aplikante ang computerized form, magpasa ng Litrato at sertipiko ng kapanganakan na may tatak ng NSO. Kabilang din sa mga kinakailangang isumite ay kopya ng college diploma at transcript of record, sertipiko ng pagtapos sa ROTC. Kinakailangang ding magpasa ang mga aplikante ng medical record mula sa mga military hospital at affidavit statement ng military service. Ayon sa naturang ahensya, para sa mga nagnanais maging parte ng militar ay pinapayuhang nararapat na magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang anumang panganib para ipagtanggol ang bayan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.