cavite_44

Page 1


2

HULYO 04 - 10, 2010

2 KILONG COCAINE, R E L P NAKUMPISKA NG PDEA! TRI NI JUN ISIDRO

BACOOR, CAVITE – Dalawang kilong cocaine ang nakumpiska sa mag-asawang Samareño ng Philippine Drug Enfornement Agency (PDEA) nang magsagawa ng entrapment-operation sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang suspek na sina, Miguel at Emperatriz Montances, parehong nasa edad 57, residente ng Phase 2, San Rafael Villa, Barangay Habay, sa nabanggit na bayan, ngunit tubong Samar. Dahil sa isina-

gawang buy-bust operation ng mga miyembro ng PDEA sa Aguinaldo Highway sa Barangay Niog bandang 10:00 ng gabi ay naaresto ang dalawa. Ayon sa impormasyon ng PDEA, sinubukan din ng mga suspek na iligaw ang kanilang

grupo ngunit sa huli ay wala din namang kawala ang mag-asawa at natiklo ng PDEA. Sa planong paghuli ng PDEA, nakipagkasundo ang kanilang kasabwat na magbayad ng halagang P8-milyon para sa dalawang kilong cocaine, na ayun sa

Cavite, payapa sa inagurasyon SA kabuuan ay naging mapayapa sa probinsya ng Cavite noong nakaraang araw ng inagurasyon ni President Benigno “Noynoy” Aquino at Vice President Jejomar Binay, ayon sa otoridad. Ayon kay Police Officer 2 Babes Eleazer of the Cavite Police Provincial Public Information Office (CPPPIO), iisa lamang ang naitala na krimen nitong nakaraang Miyerkules – kung kailan isinagawa ang araw ng panunumpa ng bagong president at bise-preisidente ng bansa. Sa tala ng otoridad, ang Cavite na binubuo ng 19 na bayan at apat na lungsod ay karaniwan ang pagkakaroon ng mga krimen katulad ng panghoholdap at pagnanakaw, ngunit nitong Miyerkules lamang nangyari na may naitalang iisang krimen

PRES. NOYNOY AQUINO sa buong probinsya katulad ng mga araw na may laban si Manny “Pacman” Paquiao. Isang patunay ito na ang panunumpa nina PNoy (Pres. Noynoy) atVP B (Vice Pres. Binay) ay lubos na nakatulong upang magkaroon ng kapayapaan sa probinsya ng Cavite, at maging sa ibang lugar ng bansa.

Sa taya ng mga otoridad, malamang ay naging abala ang taong-bayan sa pagsubaybay sa panunumpa ng dalawang bagong mamumuno sa bansa. Maging ang mga kalsada ay naging malinis sa araw na iyon, wala ang kinaiinisang trapik sa Cavite. Sinasabing si PNoy at VP B ang dalawa sa mga personalidad na pinakamamahal ng mga Caviteño, patunay dito ang pagwawagi ng dalawa sa botohan sa buong Cavite, maliban lamang sa isang lungsod. Ayon pa sa pulisya, bakas ang tuwa ng karamihan sa Caviteño habang inaabangan ang panunumpa ng dalawa, at maging ang mga gumagawa ng krimen ay nakisubaybay sa panunumpa ng dalawa.

mag-asawa ay nagmula pa sa South America. Ayon pa rin sa PDEA, hindi malabong may kasabwat na mga malalaking personalidad at ilang tiwaling pulis ang dalawa. Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang magasawa at kasalukuyan pang iniimbestigahan upang matunton ang nasa likod ng dalawa. Patuloy naman ang paghihigpit ng PDEA at pagtugis sa mga may kinalaman sa iligal na droga para sa ikatatagumpay ng bansa sa paglaban sa droga.

PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


HULYO 04 - 10, 2010

PAPUTOK SUMABOG, MAG-INA SUGATAN TERNATE, CAVITE –Isang mag-ina ang naiulat na nasaktan matapos sumabog ang isang improvised na paputok na pinaniniwalaang gagamitin para sa iligal na pangingisda kamakailan sa nasabing bayan. Kinilala ang dalawang nasaktan na si Susana Niemes, ina, at ang anak nitong si Juvy, 27, kapwa residente ng Barangay San Juan 2. Ayon kay Senior Superintendent Danilo Maligalig, Cavite police director, dakong 8:30 ng umaga nitong nakaraang Martes

nang maganap ang nakakagulantang na pagsabog ng hinihinalang dinamita sa Barangay San Juan 2. Kasalukuyan pang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari upang matukoy mismo kung sino ang dapat managot sa pangyayari. JUN ISIDRO

Lani Mercado nanumpa na! NITONG nakaraang Lunes ay ganap ng congresswoman si Lani Mercado matapos manumpa sa kanyang panunungkulan sa Bacoor. Kasama ang kanyang asawa, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at dalawang anak na sina Brian at Jolo nang manumpa si Mercado sa St. Michael Church.

Ayon sa Congresswoman, pipilitin nitong magampanan nang maayos ang tungkuling ipinagkatiwala sa kaniya ng mamamayan. Sa St. Michael Church din nanumpa para sa kanyang posisyon ang kapatid ni Bong Revilla na si Strike, bilang mayor ng Bacoor. SHELLA SALUD

CONGW. LANI MERCADO

3

Sunog sa Bacoor! BACOOR, CAVITE – Ilang pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na naganap kamakailan sa nasabing bayan. Ayon sa impormasyon ng pulisya, wala namang naitalang nasugatan o namatay sa trahedya ngunit tinatayang anim na pamilya ang nawalan ng tahanan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog nitong 4:00 ng umaga noong nakaraang Lunes at bago tuluyang maapula ng bandang 5:00 ng umaga ay

natupok muna ang anim na magkakadikit na pamamahay. Sinubukan ding tumulong ng mga residente sa mga bumbero sa pag-apula sa apoy, upang hindi makaapekto nang lubos ang sunog. Samantala, nagkaroon naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa Coastal Raod at Evangelista dahil sa insidente. Kasalukuyan pa ding iniimbestigahan ng pulisya ang tunay na pinagmulan ng sunog. WILLY GENERAGA

Panghoholdap, nag-iisang krimen nitong inagurasyon Binay, boses ng pulisya BACOOR, CAVITE – Isang lalaki ang binaril matapos manlaban sa panghoholdap ng di pa nakikilalang suspek sa nasabing bayan nitong nakaraang inagurasyon ni President Noynoy Aquino. Ito lamang umano ang nag-iisang krimen na naitala nitong araw ng Miyerkules sa buong probinsya ng Cavite. Kinilala ni Police Officer 2 Rommar Sinnung, may hawak ng kaso, ang biktima na si

John Philip N. Artacho, 32, isang nurse at residente ng Imus. Ayon sa imbestigasyon, bandang 9:30 ng gabi nitong nakaraang Miyerkules sa harap ng Sunwind Resort sa General Mariano Street nang holdapin si Artacho at nagtangkang maglaban sa di pa nakikilalang salarin kaya binaril ito sa ulo. Agad namang naisugod sa Imus Medical Center ang biktima at inilipat sa St. Michael Hospital sa Bacoor, kung saan kasalukuyang ginagamot ang natamong pinsala. Sa ngayon ay maigitng ng iniimbestigahan ang pangyayari para sa ikadadakip ng salarin. Bukod naman sa krimen na ito ay wala ng iba pang krimeng naitala sa buong probinsya ng Cavite. E. PEÑALBA VP JEJOMAR BINAY

SILANG, CAVITE – Ipinahayag ni bise-presidente Jejomar Binay sa nakaraang ika-30 alumni homecoming ng Philippine National Police Academy (PNPA), na siya mismo ang magsisilbing boses ng mga pulisya sa bansa. Nitong nakaraang Linggo habang kaharap ang tatlong libong mga pulis ay puno ng determinasyong ipinahayag ni Binay, na siya ring guest speaker sa naturang programa, na siya ang magiging boses ng kapakanan ng pulisya ng bansa habang ang bagong presidenteng si Benigno “Noynoy” Aquino III naman ang magsisilbing tenga. Hindi man tinanggap ni Binay ang posisyon sa gabinete na inialok ni bagong halal Pres. Aquino, pagtutuonan pa rin di umano nito ng pansin ang kapakanan ng mga pulis. Bagamat dati nang nagparamdam na nais ni Bi-

nay mahawakan ang Department of Interior and Local Government (DILG). Kabilang din sa mga pagtutuunan ng bisepresidente ang Bureau of Fire at Bureau of Jail Management and Penology. Dagdag pa nito pagkakalooban nito ang mga nabanggit na ahensiya ng karagdagang benepisyo, katulad ng pabahay at tulong pangpinansyal na manggagaling sa pondo ng local government units (LGU). Sa pahayag ni Senior Superintendent Jimmy Rivera, si Binay ang napiling gueat speaker ng programa ngayong taon, dahil na din sa malapit na relasyon nito sa ibang alumni ng PNPA. Ayon pa rin kay Rivera, itinututring na ring miyembro si Binay ng PNPA Class ’87, kaya hindi iba ang bagong bise-presidente sa pamilya ng PNPA. Iginiit din ni Rivera na wala silang intensyon na haluan ng pulitika ang programa, ang mithi nila ay magsilbing inspirasyon si Binay sa alumni ng institusyon. Dagdag naman ni Binay, na hindi dahil wala ito sa gabinete ng bagong pangulo ay hindi na ito makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa, ayon dito, parte pa rin siya ng gobyerno at bilang bisepresidente ay gagampanan niya ang tungkulin para sa pag-unlad ng bansa. NADIA DELA CRUZ


HULYO 04 - 10, 2010

4

MAGPAPATULOY NANG MULI ANG PAGBABAGO SA BAYAN NG INDANG –KGG. BENNY DIMERO

INDANG, CAVITE – Kung inyong matatandaan noong panahon ng kampanyahan ay tinalakay natin sa pitak kong ito ang lahat ng kumandidato sa pagkaalkalde ng aming minamahal na bayan ng Indang, ito ay ginawa natin sa ngalan ng patas na pamamahayag. Datapwat gaya na ng inaasahan ng marami ay ang re-eleksyunista at kasalukuyang alkalde ng bayan na si HON. BIENVENIDO “Benny” VILLA – DIMERO ng Partido Magdalo-Nacionalista Party pa rin ang nagwagi na lumamang ng napakalaking diperensya na 6 na libong boto sa sumunod sa kanya. Naisulat na natin dati ang artikulo para kay Kuya Benny na may pamagat na “Ituloy ang Pagbabago sa Bayan ng Indang” at ngayong siya ay muling naupo

bilang alkalde ay inaasahan na natin ang “Magpapatuloy nang muli ang Pagbabago sa Bayan ng Indang.” Kung noong nakaraang 2007 pagkaupo na pagkaupo pa lamang niya bilang unang terminong alkalde ng Indang ay kaagad niyang naasikaso ang mga pagbabago sa bayan ng Indang katulad ng pagsasaayos ng mga pathwalks/pathways sa paligid ng plaza patungo sa Brgy. Poblacion Tres na mula sa dating sira-sirang at nakakatisod na semento lamang ay nagawa niya itong maipaayos at mapaganda na ngayon ay yari sa bricks at napapinturahan pa ng puti ang lining upang mas lalong magmukang malinis at maganda. Malaking tulong din ang pagpapagawa niya ng mga waiting sheds o bubong sa paligid ng plaza ng Indang upang ngayong tag-ulan ay may masilungan at hindi mabasa ng ulan ang mga Indangeño o mainitan ng araw kapag tag-araw habang nagbabantay ng masasakyan o kapag may mga hinihintay lamang. SUNDAN SA P.11

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Wakas ng simula, simula ng wakas “Only in the stream of thought and life do words have meaning, (Tanging sa daloy ng kaisipan at buhay lamang nagkakaroon ng kahulugan ang mga salita)”--Ludwig Josef Johann Wittgenstein OPISYAl nang manunungkulan ang mga lider ng ating bansa at lalawigan nitong Hulyo 1. Wag tayong umasa na sa loob ng isa o dalawang buwan ay mararamdaman na ng ating lalawigan, distrito, munisipalidad o lunsod ang naging bunga ng ating pagpapasya noong nakaraang Mayo 10, 2010. Lalo na sa mga bagong lider. Kung si Noynoy ang bibigyan ng 100 Honeymoon days (hindi muna sisitahin, babatikusin, sisilipin ng media at ilang institusyon), marapat lang na yung mga bagong upo, bigyan ng kaunting palugit. Isa o dalawang buwan. Pero yung mga muling nahalal at sa loob ng ilang panahon ay wala pa ring nararamdaman sa mga napangako... ‘tang ina, hindi na yan kasalanan ng kandidato. Kasalanan na yan ng mga taong naghalal. Pagbabago, kaunlaran, kapayapaan etc. Ito lang naman ang mga salitang pambenta ng mga nanligaw sa sambayanan nitong nakaraang eleksyon. Ang mga salitang ito ay mananatiling salita pa rin hanggat kumakalam ang ating sikmura, walang makatarungang pasweldo, ligtas na pamayanan at kapaligiran... na magpapauloy sa tatlo o anim o siyam na taon. Wala itong kahulugan. Hndi nakakain ang salita. Hindi rin

naipambabayad ng kuryente o baon sa eskwela. Kapag puro saita lang ang ilalaman ng mga Caviteño sa kanilang tyan... kundi kabag ay kabuwangan ang ihahatid nito sa atin. Ang gutom at nabubuwang na mamamayan, walang bala’t tangkeng pwedeng humarang. SIMULA NA NG WAKAS NG SAKLAAN SA CAVITE May mga reader po tayong nagmo-monitor ng saklaan sa kani-kanilang lugar. At sa wakas... Bacoor pa lang ang hindi pa nagbabalik ng saklaan mula nang magkaroon ng malawakang panlalansag ng nasabing sugal. Saludo tayo kay P/Supt. Cosme A. Abrenica lalong lalo na kay Mayor Strike Revilla. Kung talagang gugustuhin at may political will, kayang kaya. Ewan ko na lang sa ibang lungsod at munisipalidad. Mahirap ang kalagayan... ang lagay ba naman eh... WAKAS NG SIMULA NG POLITIKA Kakatapos pa lang ng eleksyon. Sa 2013 pa ang susunod. Utang na loob, pwede ba? Tigiltigilan muna ang benggahan, tiryahan at tirahan. Baka pwede rin, lubay-lubayan ng mga dotaran na mga politikong ito ang mga Barangay at SK officials. Sa Oktubre 25, 2010 ay itinakdang petsa para sa SK at barangay Elections. Ngayon pa lang, kani-kaniya nang pilian ng manok ang mga politiko. Pati anak ng mga politiko, sigurado, sasawsawan sa SK Election. At sinong may sabing hindi totoong hindi politika ang arawaraw iniisip ng mga politiko?

Bagong Pilipinas! Bagong Pangulo! Isang tagumpay RAMDAM ko ang kasiyahan ng bawat Pilipino. Batid ko ang bagong pag - asa na kanilang inaasahan. Tiyak ko ang sama - samang pagkilos para sa ikauunlad ng bayang mahal. Isa ako sa milyong saksi ng panunumpa ni Pangulong Noy-Noy kasama ang Pangalawang Pangulong Binay. Nag mistulang Pista o malaking salu salo ang naging kaganapan namg mga oras na iyon. Maraming mga sikat na personalidad ang naging bahagi ng mahalagang okasyon na ito. May nag-alay pa ng awit , tugtugin at panalangin para sa kaunlaran at pagsasakatuparan ng panata sa bagong Pilipinas. Kitang kita ko ang bagong mukha ng gobyerno sa katauhan na rin ng bagong pinili gabinete sa Noynoy Administration. Buo and aking paniniwala na sila'y maglilingkod ng buong katapatan sa kanilang sinumpang gawain para sa taong - bayan. Bawat kagawaran ay nagtataglay ng malinis at maningning ng katuparan upang maiangat ang antas ng ating pamumuhay. Lubos ang aking tiwala na sa mga binanggit ng Pangulong giliw ay gagaan ang buhay. Malaman at puno ng pag - ibig at sinseridad ang kanyang pananalita. Damang - dama ko na magiging malaking pagbabago ang magaganap. Unti - unti man o

biglaan; anuman ang pamamaraan; natitiyak ko na ang TAGUMPAY sa liderato ni Pangulong Noynoy at Vice Binay. Kay saya ng aking pakiramdam para sa bayan. Malapit na ang simula ng bagong buhay at tuluyang pag -asa. Nariyan na ang malakas na ugong at sigaw ng Kaunlaran. Sama - sama at sabay - sabay nating Salubungin ang Umagang Kayganda at Bagong Pag - asa. Mabuhay ang lahing Pinoy! Mabuhay si pangulong Noy! Mabuhay ang bagong Pilipinas!! oOo Sabay ng pagbabagong kaganapan; baguhin ang pitak na ito. Nakatanggap po ang inyong lingkod ng sulat, text message at tawag mula sa mga suking mambabasa. Ibinabahagi ang kanilang kurukuro ukol sa mga issues at usap -usapan. Nasisiyahan po ako sa inyong pagtangkilik .Sana'y lumawig pa ang ganitong paraan ng pakikipagtalastasan sa inyo. Muli po; bukas na bukas ang aking Kolum para sa inyong pagbabahagi. Sa susunod na isyu, iisa - isahin ko na po ang inyong mga karanasan upang makapulot ng gintong aral ang ating mga suki. Magtext - 0919 - 376 9377; tumawag 537 0092; o sumulat sa ating tanggapan, 232 Garcia St. Caridad St. Caridad Cavite, City. Salamat po!


HULYO 04 - 10, 2010

PAGLILINGKOD PARA SA PAGLAYA AT PAGSASARILI

Tomas P. Tirona (6) Saksi ng kalayaan NAGPUGAY kay Heneral Aguinaldo ang mga rebolusyonaryo ng Cavite at napasama si Tomas Tirona sa delegasyong mula sa Imus. Nakaharap niya ang Heneral,Limang talampakan at walong dali,satsat ang gupit ,at may seryosong mukha’t tindig ng isang lider. Nabalani si Tomas ng kaharap sa personalidad at napukaw lamang ng imungkahing maging tagatala siya ng mga pangyayari’t lahat ng mga hakbang ng Heneral. Itinalaga agad siya ni Daniel Tria Tirona na mag-opisina sa Kwrtel Heneral . Alam ni Tomas ang pangangailangan ng rebolusyonaryong Pamahalaan .mga bisig at tapang ang saligan ng unang yu-

gto ng pakikipaglaban ng mga Pilipino. Ngayon ,kailangan ang kaisipan ,na kulang na kulang nang mga panahong iyon.Naroon nga ang matatandang tagapayo ni Heneral Aguinaldo, sina Ambrosio Rienzares Bautista,ambrosia Flores at ilan pang ilustradong galling sa maynila na aali-aligid sa Kwartel Heneral . Ang kaisaisang kabataang sinasangguni ng Heneral ay isa pang Lumpo, si Apolinario Mabini. At ngayong siyay naroroon, siya’y nagiging buhay na saksi ng minimithing kalayaan ng buong kapuluan. Cavite El Viejo. Hunyo 12,1898. Umaga. sinusubaybayan ni Tomas Tirona ang makasaysa-

yang pangyayari sa balkonahe ng bahay ni Aguinaldo. Binabasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ang prokmasyon ng pagsasarili ng Pilipinas. Mataas ang tinig ni Felipe Buencamino sa Tlumpati nya sa Tagalog na nagpapainit ng damdamin ng mga mamamayan para ipagtanggol ng mga ito ang bandilang Pilipino na yari pa sa Hongkong. Sinundan naman ito ng pagpapaliwanag ni Heneral Artemio Ricarte sa mga kahulugan ng mga sagisag at kulay sa bandila. Simbahan ng Barasoain, Malolos. Setyembre 15,1898. Umaga. Bidbid ng mga dahong sasa at mga bandila ang loob ng simbahan. Nakita ni Tomas Tirona nang mahawi ang nakalipumpong mga delegado ng kon-

greso upang bigyangdaan ang pagdating ng Pangulong Aguinaldo. Tinugtog sa labas ng simbahan ang mabilis na tempo ng musika ng Pambansang Awit. Nakita niyang umupo sa nakaangat na plataporma ang pangulo ,kasama sina T.H.Pardo de Tavera ,Joaquin Gonzales at Ariston Bautista . Saka binasa naman ng kalihim ang pangalan ng mga dumalong delekado mula sa iba’t-ibang lalawigan. At binuntutan ito ng sigawang Viva! Pumalakpak amg lahat ng naroon. Nang tahimik na ang lahat ,malakas na binasa ni Aguinaldo ang mensahe nito sa lahat .una’y sa Tagalog,saka sa kastila. At naiwan wari sa pandinig ni Tomas ang tinig ng pangulo na nagtatagubilin, nagpapagunita at

nagpapatatag ng mga dapat isagawa ng Kongreso . Nang hapong iyon ,madamdamin niyang binasa sa Kongreso ang Mi Patria isang tula ni Fernando Ma.Guerrero na lumabas sa rebolusyonaryong peryodikong La Independencia . Kumbento ng Barasoain,Setyembre 29, 1898. Ratipikasyon ng kongreso ng proklamasyon ng pagsasarili ng pilipinas .saksi pa rin si Tomas sa dami ng mga taong dumagsa sa simbahan upang dumalo sa misa at idalangin sa patrong si San Miguel na magtatagumpay sana ang bansa sa mga adhikain nito . Nakahanay sa harap ng simbahan ang mga sundalo .makisig sa kanilang mga Rayadillo ,marangal ang kanilang pagkilos bilang dagdag na palamuti sa pagluwalhati sa araw na iyon . Nagkita sila roon ni guerrero (Fernando Ma.)at bumuntot sila sa pangkat ng pangulo sa pagpasok sa kumbentong hinawan ang bulwagan ,nilagyan ng mga maringal na muwebles ,at ang mga dingding at kisame ay may kulapol ng pinturang asul. Sa isang panig ng dingding ,nakapinta ang isang bundok na napuputungan ng mga bituin at araw . Sumaludo siya sa isang tagamasid na Hapones, si Sakamoto at Heneral Riego de Dios na magarang-magara ang putting kasuotan. Nagsitayo sa pagkakaupo mula sa isang paarkong anay ng mga mesa ang mga director at sekretaryo ng mga tanggapan. Pagkatapos ,hinawi ang lahat ng nasa pasilyo at lumakad,palabas ng kumbento ang pangulo ,habang nalalaglag sa ulunan nito ang mga talulot ng bulaklak hanggang ito’y makalampas sa hanay ng mga sundalo at malaking balag na may arko sa harapan at nadedekorasyonan din ng mga dahong sasa at mga bandila. Ngayon patungo na ang pangulo sa kongreso. Nauna sa mabagal na martsa ang mga unipormadong guwardiya, mga represante, kasunod ang pangulo ,paterno ,Legarda at mga komisyoner ,militar at iba pa. sa dulo ng dingding ng kongreso ,nakpinta ang isang kastilyo. Nakasabit sa magkabilang dingding ang mahahabang lasong may iba-ibang kulay, wa-

5

lang kislot at waring nakamasid dahil sa kaalinsanganan ng panahon. Patuloy naman ang tugtog ng banda Pasig . Sa loob ,binasa na ng pangulo ang mensahe nito sa Tagalog,saka sinundan iyon ng talumpati ni Paterno sa mataginting na tinig .Humanga si Tomas at nagpalakpakan naman ang mga kabataang naroroon .May sumigaw na hinihinging gawing protektado na Amerika ang Pilipinas. Sinagot ito ng maraming “Viva Rizal”May isang Amerikanong nakatuntong sa isang bangko ,kumuha ng larawan ng seremonya. Paglabas ni Tomas ,nakatambang sa kanyang paningin ang isang Karosa ,sakay ang isang babaeng nakasaya ng pula at asul na tapis ,may hawak ito sa kanang kamay ng Bandilang Pilipino at isang karton sa kaliwa na may nakasulat ,libertad.Nakaangat ang pakiramdam ,marahil ay nasai loob ni Tomas. Ang dingl at dangal ng okasyong iyon ay itinala’t iniwan niya saposteridad. Kung saan naroroon ang Pangulo , Naroon din si Tomas Tirona.Kung madalas man sila sa Kawit, lumilipat din naman sila sa Bacoor,saka tumutuloy sa Imus. Sinasangguni siya ng pangulo hingil sa mga talumpati nito ,sa mga ipinahahatid sa Mensahe ,at sa mga sulat sa ibang tao. Kampante ang Pangulo sa pagkaunawa niya at kakayahan niyang gumamit ng wika ,Tagalog man o Kastila. Nang kapayanamin ni Dr. Arsenio Manuel ang Pangulong Aguinaldo (Diliman Review,Bolyum XIV,blg.4), sinabi nitong si Tomas Tirona ang Rizal ng Cavite.” Maaaring tinutukoy ng Heneral ay kapantay si Tomas ni Rizal sa Talino .Hindi pa masasabing malalim ang kamalayang –bayan ni Tomas dahil sa kabataan nito .Iba ang pagkakataong dinanas ni Rizal sa pagmamalasakit ,sa mga sinulat at pagmamartil para sa bayan. Kung nabigyang pagkakataon din si Tomas Tirona ,magiging ganap ang ibinansag sa kanya ng Panulong Aguinaldo. Ngunit sa paglilingkod para sa kalayaan at pagsasarili ng bayan sa yugtong iyon ng kasaysayan ng Pilipinas ,maibibilang na si Tomas Tirona.


HULYO 04 - 10, 2010

6

Mga tauhan ng Comelec, pinag-o-overtime pa

BARANGAY AT SK ELECTION TULOY NA! ITINAKDA ng ng Commission on Election ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election ngayong ika-25 ng Oktubre 2010. Kaugnay ito nang magpalabas ang COMELEC ng Resolution 8999 na nagsasabing kasalukuyang naghahanda na ito para sa paparating na eleksyon gayundin ang post-evaluation at pagsasaayos na gawain na may kinalaman sa nagdaang pambansa at lokal na eleksyon. At upang matiyak ang lahat ng operasyunal, administratibo at gawain ay handa na sa darating na Barangay at SK election at iba pang post election activities ay maisagawa, mahalagang maipagpatuloy ang kapangyarihan ng mga tauhan na makapagbigay ng overtime na trabaho mula Hulyo 2010 hanggang Disyembre 2010 kung kayat pinahihintulutan na mapalawig pa ang kapangyarihan ng mga filed personnel o tauhan ng dalawang oras tuwing weekdays at mula 8:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Pyesta Opisyal. MGA CASUAL, NATUWA Dahil dito, ikinatuwa

ng ilang casual na nakadetail sa COMELEC ang pananatili ng mga ito sa kanilang trabaho. Matatandaan na minsan nang nangamba ang casual na trabahador at personnel dahil posible nang mawalan ng trbaho ang mga ito pagkatapos ng National at Local Election nitong May 10, 2010. “Buti na lang... kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon, pasukan pa naman.” wika ng isang casual na personnel ng Comelec sa Unang Distrito ng Cavite. ITO NA SI KAP Samantala, nagalak ang ilang may intensyong tumakbo sa Pambarangay at SK Election dahil sa ngayon pa lang ay maari na nilang ihanda ang kani-kanilang mga line up. Kaugnay nito, nilalapitan na rin ang mga tatakbong Kapitan ng iba’t ibang politiko na nagwagi o natalo nitong nakaraang eleksyon. “Malaking bagay din kasi sa mga tumatakbong politiko ang mga kapitan. Kami kasi ang tumatayong tagapag-ugnay at tagapamagitan ng mga kandidato sa barangay. Syempre, kapag may caucus sa barangay, humihingi ang mga

kandidato ng tulong sa kapitan para sa audience at kaayusan.” wika ng isang outgoing na Kapitan na taga-Julugan, Tanza. Dagdag pa nito, idinadaan sa mga kapitan ang anumang biyaya na ipinamamahagi sa mga mamamayan tuwing kampanya. Ayon pa rin dito, hindi biro ang maging kapitan dahil isa itong full time job na may kakapiranggot na sweldo. “Kahit madaling araw, bumabagyo, may sunog, may gulo... puro kapitan ang hanap ng tao. May magkakasakit, may mamamatay, bago tumakbo kay Mayor, kay kapitan muna. Pag hindi ka nagbigay, sasama ang loob. Paano naman kung wala kang talagang pera.” Paglalabas ng sama ng loob ng kapitan. Kayat may ilang kapitan na napipilitang gumawa ng mapagkukuhanan ng dagdag na pera gaya ng paglalagay ng saklaan, pasabong, madyungan o kung ano pa man. “Limang libong piso, sa gamut at abuloy lang sa patay, kulang na yun, eh,” hirit ng isang kasalukuyang kapitan sa San Roque, Cavite City. Isa sa mga inirerek-

Mula kaliwa-kanan: Ang District 1 Coordinator ng Responde Cavite na si Salvador “Jun Tenga” Isidro, Out-Going Kapitan ng Bgy. 48-A Day Vale Cruz, dating Kapitan ng bgy. 56 Obet Catalan, kasalukuyang Kapitan ng Bgy. 40 Eduarde “Eddie” Saria at si 1st Kagawad ng Bgy. 42-C na si Rafael “Paeng” Adres habang nagkukwentuhan sa tanggapan ng Responde Cavite tungkol sa kani-kanilang barangay.

lamo ng mga Kapitan lalong lalo na sa Cavite City ay walang resibo ang barangay. Kapag kumuha ng barangay clearance at permit, walang maibigay na resibo. Gayundin, kapag kalaban ng nakaupong mayor ang isang Kapitan, paniguradong walang proyektong maibibigay. Nabanggit din na, kapag nag-aplay ng Business Permit, dapat sana ay pinakukuha ng barangay Permit para kumita naman ang barangay. Ngunit ang pinagtataka ng ilang kapitan, nakakakuha ng Business Permit kahit walang Barangay Permit. SILANG MGA KAGAWAD “Malaki ang papel ng mga kagawad sa isang barangay. Kasi, bago si Kap, kami ang unang takbuhan ng mga tao lalong lalo na kapag may away o gulo.” paliwanag ng isang konsehal. Binanggit din nito na sila rin ang nagbabalangkas ng pambarangay na ordinansa at abala sa iba’t ibang komite. “Kung tutuusin, saan aabot ang halos dalawanlibong pisong suweldo kada buwan... pero serbisyo publiko ito eh. Abonado pa nga sa oras, pagod, sakit ng ulo. Minsan, pati sariling pera napapasama. Ganoon talaga, eh.” dagdag ng isa pa ring konsehal na ayaw magpabanggit ng pangalan. LINE UP INIHAHANDA NA May ilang mga personalidad na lumulutang ang pangalan sa kanikanilang barangay ang sinisimulan nang ligawan ng iba’t ibang tumatakbo sa pagka-Kapitan upang maging kagawad ng barangay. Sa mga susunod na araw, inaasahang mas dadami pa ang mga pangalan na uugong dahil sa posibilidad na pagtakbo.

Si District 1 Coordinator ng Responde Cavite na si Salvador “Jun Tenga” Isidro.

Dating Kapitan ng bgy. 56 Obet Catalan

Out-Going Kapitan ng Bgy. 48-A Day Vale Cruz

Kapitan ng Bgy. 40 Eduarde "Eddie" Saria

1st Kagawad ng Bgy. 42-C na si Rafael "Paeng" Adres



8

HULYO 04 - 10, 2010

Kasalanan kasi ‘yan ng Agham SABI ng karamihan, necessity is the mother of all invention. Dahil sa pangangailangan, nakakalikha ang tao. Nakakapag-imbento. Nasosolusyunan ang mga problema. Nalulusutan. Utang ito sa Siyensya. Agham. Science. At dahil sa dito, pati ang hindi kailangan at paglikha ng hindi naman talaga kailangan, damay. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob humawak ng mikropo at kumanta simula nang maimbento ang minus one, multiplex, karaoke at ngayon ay videoke. Dahil sa imbensyong ito, lahat ay may lisensya nang kumanta sa mga pampublikong lugar, sa mga sulok-sulok, sa mga tindahan at kahit sang bakuran. Dahil sa imbensyong ito, biglang hindi na naging uso ang tono at melodiya sa pagkanta. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob na gumawa ng pelikula na basta’t may magandang mukha at pambatong katawan, kahit hindi marunong umarte, okay na. Mas okay kung ang artista ay galing sa mga reality show, mas tangi kasi. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob na magbitbit ng koleksyon ng libong kanta sa kanilang mp3,mp4 at kung anu-ano pa na para bang wala nang panahong makinig sa ibang tao o sa kanyang paligid. ‘Yan tuloy, kung hindi nasasagasaan, nahoholdap o nasasaksak. Mukhang mga CIA, FBI o PSG na may kung ano laging nakakabit sa tenga. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob na maging instant writer. Nagkalat sila sa internet, may gumagawa ng blog. Sariling website. At iimbitahan kang basahin ang kanyang mga obra maestro. At kapag

hindi mo napuri, sasabihing inggit ka lang o kaya ay insecure sa kanya. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob na maging instant photographer. Sa pamamagitan ng celphone at murang digicam, lahat ay nag-aastang model at photographer. Wala akong problema kung gusto nilang magkuhanan ng picture 24/7, basta’t wag lang silang mang-iistorbo sa akin na magpapakuha ng litrato maya’t maya. Kasalanan kasi ‘yan ng agham kung bakit ang daming tao ngayon ang nagkalakas ng loob na magmukha talagang tao na dati namang hawig lang sa tao. Injection dito, turok doon, pabawas ng taba dito, patangos ng ilong doon, pakipot ng labi nang kaunti, padagdag ng pwet at kung anu-ano pa. Naku, wala akong reklamo kung ubusin pa nila ang buo nilang kayamanan sa pagpapaganda o para itaas ang kanilang kumpyansa sa sarili… ang nakakatakot lang dito, paano kung umibig ka sa taong di mo alam na na-retoke lang pala ng agham. At nang magkaanak kayo, hindi mo alam kung nasingitan ka ng iba o sa iba ka nabuntis? Masaya ang science. Gustong gusto kong magexperiment at umimbento nung bata pa lang ako. Ngayon, gusto ko pa rin ito. Gusto kong Makita sa hinaharap ang pang matagalang epekto ng may nakakabit na earphone, nakakababad na kamay sa kamera, maghapong nagngangangawa sa mikropono, at sulat nang sulat. Lalong lalo na pagpupumilit na patangkarin ang pandak at paputian ang mga maiitim. Ang buong mundo ay isang malaking malaking laboratoryo. Bwawahaha!

Sumisipsip sa relative

Binibining Bebang, Itong si Sherwin, nangungulit sa akin. Pati ang Mommy ko, tinatawagan niya. Nangangamusta na parang magkakilala sila. Sumisipsip din siya sa mga kapatid ko. Panay ang pagpapahiram niya ng mga libro at japeyks na DVD na cartoons. Paano ko kaya itu-turn down ang lalaking ito? Nahihirapan na kasi ako, e. Belinda ng Justinville Subdivision, Bacoor, Cavite Mahal kong Belinda, May ganyan talagang lalaki. Kahit na iparamdam mo sa kanila na hindi mo sila type, sige pa rin, mangungulit pa rin at kung sino-sino ang iistorbohin nila: kaibigan mo, pamilya mo, mga ninuno mo. Harmless naman, ano? Pero nakakairita pa rin. At kapag ang isang tao, nairita sa iginawi ng iba, maaari na itong itu-

ring na harassment. Kaya maganda talaga, diretsahin mo na lang si Sherwin. Kasi baka hindi niya nari-realize na apektado ka na sa mga ginagawa niya sa ‘yo at sa pamilya mo. O ganito, huminga ka nang malalim at i-text mo ito sa kanya: Ibaling mo n lng s iba ang dmdamin mo kc, sherwn,d kta type.psnsya na ha? at kng may respeto kang tlga s akin,ttigilan mo na rn ang pagtawgtwg mo s mama ko. ttgilan mo na rin ang pkkpgusap s mga kptid ko. salamat tlaga J p.s. help stop piracy. wag n bili japeyks na DVD. Ipadala mo sa kanya ang text nang dalawang beses. Kung mag-reply siya o tawagan ka, huwag mo nang sagutin. Alam niya na ‘yon. Trust me. Kapag nangulit pa rin siya, liham ka uli sa akin. Iisip tayo ng mas malupit na estratehiya. Iyong tipong hindi lang niya ikaha-heart broken kundi ikaha-heart attack pa. You go, girl! Heart breaker kung kinakailangan,

Bebang oOo Binibining Bebang, Ang boyfriend ko ay nagkakagusto rin sa kapwa lalaki pero gusto rin daw niya ako. Dapat ko na ba siyang hiwalayan? Erika L. ng Zone IV, Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite Mahal kong Erika L., Oo. Kailangan niyang magdesisyon agad para hindi ka nalalagay sa alanganin. At dahil doon, kailangan niyang magnilay-nilay mag-isa. Ibig sabihin, hindi tunay na hiwalayan ang iminumungkahi ko kundi pisikal na hiwalayan lang naman. So, relax. Ngayon, kung hindi ka hihiwalay at hindi siya magdedesisyon agad, dalawa lang kayong masasaktan. Bakit? Paulit-ulit kang kukulitin ng mga tanong na: Ano ba talaga ang gusto niyang makarelasyon, babae o lalaki? Pag-ibig ba ‘yong nararamdaman niya sa akin o pagkakagusto lang? Siya naman, paulitulit siyang susurutin ng kanyang budhi dahil pinapaasa ka niya at pinaghi-

hintay. Surutin ka na ng lahat , huwag lang ng sariling budhi. Hangga’t hindi siya nagdedesisyon ay kaagaw mo sa atensiyon at affection ang kalalakihang close sa kanya at kahit iyong mga makikilala pa lang niya. Gusto mo ba iyon, dyowa mo pa lang ay may kaagaw ka na? Iyan ang tunay na problema at hindi iyong pagkakagusto niya sa lalaki. Dahil hindi mahalaga kung lalaki o babae pa ang kaagaw mo. Ang importante ay inamin niya sa ‘yo na nagkakagusto siya sa ibang tao habang magkarelasyon kayo. Kaya, magandang magnilay-nilay ka ring mag-isa. Baka diyan mo pa nga matagpuan ang tunay na sagot sa iyong tanong. Anuman ang kahinatnan ninyong dalawa, lumiham kang muli sa akin, ha? Hangad kong maging happy kayong dalawa. Laging susuporta, Binibining Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Nagtataglay ngayon ng positibong enerhiya kaya dapat sundin ang kutob sa mga pagdedesisyon. Magiging maayos at maganda ang takbo ng mga pangyayari na may kaugnayan sa paghahanapbuhay at maging sa romansa. LEO (Hulyo 23-Ago. 22) - Magkakaroon ng kalutasan ang proble-mang matagal nang pinapasan kung bubuksan ang isipan sa pagtanggap ng mga payo o opinyon ng ibang tao. Posibleng matupad ang pangarap na makapaglakbay dahil pumapabor ang mga oportunidad. VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Hindi lahat ay makakaunawa sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago sa pagpapatakbo ng nililinyang hanapbuhay o negosyo. Dapat maging matatag sa paninindigan upang makamit ang tagumpay sa idinedereheng sariling buhay. LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Dahil sa taglay na karisma, posibleng magtuloy-tuloy ang swerte sa trabaho kung magiging magaling sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao. Ingatan sa araw na ito ang mga pananalita at iwasang magmukhang mayabang at palalo. SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Sa kabila ng dinadalang mga problema, manatiling taas-noo at liyab-dibdib upang hindi maranasan ang pag-iwas o paglayo ng mga kaibigan o kakilala. Sa romansa, ngayon higit na madarama ang pagsuporta at mainit na pagmamahal ng minamahal. SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Umaayon ang galaw ng mga bituin upang makahakbang palapit sa inaambisyong puwesto sa trabaho o pag-asenso sa negosyo. May darating na hadlang sa mga pangarap pero madaling malalampasan kung tatalasan ang isipan sa mga pagpapasiya. CAPRICORN (Dis. 22-Enero 19) - Hindi dapat kontrolin ang minamahal sa paglalahad ng mga saloobin upang may makuhang kapaki-pakinabang na ideya sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Huwag maging mapagsariling kalooban sa pagsasagawa ng mahahalagang pagpapasiya. AQUARIUS (Enero 20-Peb. 18) – Dapat maging positibo ang isipan at damdamin upang marami pang magagandang bagay ang dumating sa buhay. Sa araw na ito masusubok kung talagang nagaangkin ng kakayahan at talento sa nililinyang hanapbuhay o negosyo. Maging magtiyaga sa pagpapaunlad ng bagong matututuhang kakayahan. PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Malamang na makakakilala ng isang tao na kung hindi man makapagpapatibok ng puso ay magiging inspirasyon o idolo sa pagpapatakbo ng sariling buhay. Pumapabor ang galaw ng mga bituin upang makalasap ng saya o liagaya sa isang buong buong maghapon. ARIES (Mar. 21-Abril 19) - Ang anumang problema ay dapat harapin nang buong tatag at may taglay ng positibong kaisipan upang hindi bumagsak sa panahon ng paghahanap ng kalutasan. Panahon na upang talikuran na ang mga kalayawan at mga kabarkadang may iba’t ibang bisyo. Huwag matakot na magsimulang muli. TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May maganda mang intensiyon, magbigay lamang ng payo sa nanghihingi nito upang hindi magmukhang nagmamarunong. Pilitin makuha ang loob ng mga katrabaho para sa ikakaayos ng takbo ng hanapbuhay. Kung hindi maayos ang sariling tahanan, lalong walang karapatan sa magpayo sa sinuman. GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)—Magiging mapalad sa paghahanapbuhay sa mga susunod na araw pero dapat pa ring kakitaan ng sipag, tiyaga at malasakit sa trabaho. Sa larangan ng pag-ibig, asahan na daraan sa maraming pagsubok bago makuha ang simpatiya at tiwala ng minamahal.


HULYO 04 - 10, 2010

9

HINDI PANGLABINLIMA KUNDI PANGLABINGWALO

PARA sa marami ay makasaysayan ang Hunyo 30, 2010 sapagkat sa wakas ay tapos na rin ang siyam na taong panunungkulan ni GMA sa Pilipinas at simula na ng pinaniniwalaang pagbabago sa ilalim ng administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III na mas kilala sa tawag na Noynoy. Sa telebisyon ay ipinahayag na siya ang panlabinlimang pangulo ng Pilipinas ngunit kung talagang susuriin ang kasaysayan ng bansa, si Noynoy ay panglabingwalo sa halip na panglabinlima. Ang tunay na unang pangulo ng Pilipinas ay si Andres Bonifacio na nagtangkang pagkaisahin ang bansa laban sa mga Kastila sa pamamagitan ng Kataas-taasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na itinatag sa Tondo, Manila noong Hulyo 7, 1892. Subalit animo kudeta ang sinapit ng gobyerno ni Bonifacio nang magsabwatan ang mga kasaping Magdalo at Magdiwang ng

Katipunan sa Kumbensyon sa Tejeros noong Marso 22, 1897 sa San Francisco, Malabon na ngayon ay sakop ng bayan ng Gen. Trias. Pinatalsik ng mga tauhan ni Aguinalado bilang pangulo ng Katipunan si Bonifacio bilang handog sa mismong kaarawan ni Aguinaldo noong araw na iyon. Pagkatapos maagaw ang pagkapangulo, hindi pa nakontento si Aguinaldo at ipinapatay ang magkakapatid na Bonifacio sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1899. isinuko din naman ni Aguinaldo ang sa mga Kastila ang rebolusyon sa Kasunduaan sa Biac na Bato noong Diyembre 14, 1897 at tumanggap siya ng halagang P400,000.00 bilang kapalit ng pagpapatapon sa Hongkong. Matapos salakayin ng mga Amerikano ang Pilipinas noong Mayo 1, 1898 sa tulong ng mga Amerikano ay muling nagbalik si Aguinaldo sa Cavite noong Mayo 19, 1898 at makalipas lang ang

isang buwan, ay nagdeklara ng huwad na kalayaan ng Pilipinas noong Huny 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Papaano masasabing malaya na ang Pilipinas noong panahong iyon ay hindi pa naman ganap na sumusuko ang mga Kastila at nakahimpil sa Manila Bay ang puwersang pandigma ng Amerikano na naghihintay lamang ng tamang pagkakataon at dagdag na puwersa upang sakupin ang bansa? Ginawa ito ni Aguinaldo upang tiyaking siya lamang at wala nang iba ang magiging pangulo ng Pilipinas. Bukod kay Andres Bonifacio, si Aguinaldo rin ang sinisisi sa pagpatay kay Gen. Antonio Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong Hunyo 5, 1899. Ayon sa historian na si Renato Constantino sa aklat niyang A Past Revisited, piñata si Gen. Antonio Luna dahil siya na lamang ang natitirang matinding karibal ni Aguinaldo bilang pinuno ng bansa. Sa ikalawang pagkakataon ay isinuko ni Aguinaldo ang rebolusyon laban sa mga Amerikano matapos siyang mahuli sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos

noong Abril, 1, 1901. Kung kaya ang pamumuno sa rebolusyon ay napunta sa Batangueñong si Gen. Miguel Malvar. Si Gen. Malvar, samakatuywid ang ikatlong naging pangulo ng bansa. Isinuko ni Gen. Malvar ang rebolusyon noong Abril 16, 1992. Ang pumalit kay Gen. Malvar sa hangaring mapalaya ang Pilipinas ay si Gen. Macario Sakay na nagtatag g Republikang Tagalog noong 1992. Nagtataglay ang gobyerno ni Sakay ng sariling watawat at saligang batas. Taga- Niog Bacoor ang isa sa pangunahin niyang tauhan na si Col. Cornelio Felizardo. Hanggang ngayon ay wala pang pagkilala kay Felizardo at ni wala kang makitang munti mang monumento ng pagkilala sa kanyang kadakilaan sa mismong bayan ng Bacoor. Tumagal hanggang limang taon (1902-1907) ang Republikang Tagalog ni Gen. Macario Sakay hanggang sa siya ay hulihin at bitayin noong Setyembre 13, 1907. Kung talagang tutuusin si Sakay ang pang-apat na pangulo ng Pilipinas na hindi kinilala ng mga Amerikano at hindi pa rin tinatanggap sa kasalukuyan.

Kung kaya, kung isasama sina Andres Bonifacio, Miguel Malvar at Macario Sakay bilang lehitimong pangulo ng Pilipinas, lumilitaw na si Pangulong Benigno Aquino III ay panglabingwalo sa halip na panglabing lima. Sa kanyang talumpati noong Hunyo 30, 2010 binanggit niya na “Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon. Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa. Nandito tayo ngayon

dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa. “ Idinagdag pa ng bagong pangulo na “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.” Patuloy na umaasa ang sambayanang Pilipino na matutupad ni Noynoy ang ipinangako niyang pagbabago at umaas rin naman siya ng kasama niya ang sambayanan upang makamit ang mga ito. Aabangan nating lahat ang mga magaganap sa susunod na anim na taon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III – ang ikalabingwalong pangulo ng Pilipinas.

Tawag Batanglalaki ni Mauro Angue (Caridad, Cavite City) Paano kaya ang umalpas sa mga taong kagaya ko? Sa lugar kong walang liwanag. Ikinubli dahil pinandidirihan. May lugar ngunit walang puwang doon sa kahon, sa loob ng kahon sa loob ng kahon –walang katapusan. Sakit pala ako na doo’y pinapatay nagnanaknak, sumasagad hanggang buto. Nais kong manghinaing sa hangganan dahil minulat akong may talim, makinang! Na unti-unitng pumapatay sa akin. Wala anaman akong mapagpilian. Kailangan kong magtago sa isang madilim na luklukan ng daan. Mandarayang kapalaran ng tao. Kaharap ko rito ang isang libong brilyante, paligid ako ng maliwanag na pangarap. Hinahanap-hanap para maligayahan. Ngunit ang tinatapakan ko’y putik kumunoy ng pagnanasa. “Ngayon ay akin ka.” Ni wala na akong imahe o anino na nagpapaalala na ako pala’y tao. Sinubukan kong turuaan ang puso upang sa bawat sandal, mukha nila ay lisanin ang aking ulirat. Wala sa kahong maliwanag. Hiwalay sa nais kong realidad. Pinagsawaan. Pinasakitan. Pinag-imbutan. Pabayaang tangayin ang aking Pangamba. Kasalanan bang sa katulad ko ang umasa sa limos na pag-ibig, Magkaroon lamang ng piso sa aking kalupi?


10

HULYO 04 - 10, 2010

Mga munting karapatan at tungkulin bilang mag-aaral MAITUTURING na isa ako sa mga mapalad na magaaral sa kasalukuyang panahon. Marami akong nakikitang mga tulad ko na nagkalat sa tabing daan nanlilimos, nanghihingi ng pagkain o barya para maibsan ang kumakalam nilang tiyan. Marahil dala ito ng hindi pa kumakain at kahirapan na hindi malungkot naman sa natin maitatago sa ating kadahilanang awa ang lipunan at maituturing nararamdaman ko para na suliranin sa buong sa kanila. kapuluan. Ang dapat sana sila Habang nakikita ko ay nasa loob ng sila, naghahalo ang paaralan nakasuot ng aking saya at lungkot at uniporme, nagsusulat, naitatanong ko sa aking nagbabasa at nakikinig sarili kung bakit may sa paksang tinatalakay ganitong mga tulad ng guro. kong bata na dapat ay Subalit dahil sa nasa loob ng paaralan kahirapan nawala ang subalit nagkalat sa karapatan nila na maglansangan upang aral at maging masaya maghanap-buhay sa bilang bata bagkus murang edad. maagang namulat sa Masaya ako dahil gawaing hindi karapathindi ako katulad nila na dapat para sa kanila. nanlilimahid ang mga Marahil hindi natin katawan at mukhang masisisi ang mga

lunsod na ito bagkus sa buong kapuluan. Ibigay ang karapatan ng mga bata, karapatang mag-aral sa pampubliko o pribadong paaralan. Habang may panahon pang nalalabi para maisalba ang kanilang mga buhay at maiwasan magumon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o sa anumang bagay na labag sa ating batas. Sana matulungan natin sila na makamit ang kanilang munting pangarap at hindi maging suliranin ng ating lipunan habang buhay.

Ni Nikky Fernandez (San Sebastian College-Recoletos, Cavite City) anumang korupsyon. batang ito, biktima nasan ang ganitong uri Sa mga hindi pinalad na lamang sila ng panahon ng suliranin sa ating mga kandidato, kalimuna maaring hindi rin nila lipunan. tan ang nakaraan kagustuhan ang mga Hindi lang ako, bagkus makiisa sa nangyayari sa kanilang kaming lahat na narito sa ikauunlad at ikakaayos buhay. Sa aking pagkapaaralang ito. kaalam, may mga batas ng bawat Lungsod nang Sana naman, sa sa ganoon makamit ang tayong umiiral sa bagong liderato ng tagumpay ng bawat isa. ganitong uri ng suliranin Lungsod ng Cavite may Kasulukuyan akong lalo na sa mga batang magawa sila para nag-aaral sa pribadong tulad namin at ito ay malunasan ang paghipaaralan ng San dapat ipatupad ng mga hirap ng mga batang Sebastian College sa taong nakaupo sa ating nakita ko, mawala sila sa Lungsod ng Cavite gobyerno. lansangan at malaman bilang freshman, at sabi Dapat maging ko rin na nag-aaral na makatotohanan sa mga ko nga napakapalad ko sila. Hindi lang sa programa o proyekto at at ako ay nakapag-aral makarating sa mga sa ganitong uri ng kinauukulan o sinuman. paaralan, malaki, kilala, Katatapos lang ng may mga mga gwardiya eleksyon, bagong at may iba’t ibang uri ng pamunuan, bagong mga kabataan ang nagsipinuno maging lokal o sipag-aral dito na nasyonal. maaring may kaya sa Ang tanging hinihinbuhay. At bilang ganti gi ng mga tao ay sa pagsusumikap ng maging tapat sa kaaking mga magulang, nilang sinumpaang may mga dapat akong tungkulin at iwasan ang gawin at ito ay dapat kong suklian ang kanilang pagpupunyagi para sa aking magandang kinabukasan upang hind ako matulad Si Nikky Fernandez Necessario ay bunso sa tatsa mga batang nakikita long magkakapatid. Ipinanganak noong ika-16 ng ko sa lansangan. Hunyo sa Lungsod ng Kabite at magdiriwang ng Inaasahan na Isa na rito ang ika-12 taon sa darating na Miyerkules. Sya ay kasangayong Setyembre ay lukuyang nakatira sa Block 1, Lot 1, Phase 2, Garpagbutihin ko ang aking magkakaroon ng land Compound sakop ng Lungsod ng Kawit, Cavpag-aaral upang paglulunsad ng ite. Kasalukuyan sya ngayong freshman sa San makamit ko ang tagumnasabing makasaySebastian College-Recoletos, Cavite City. Aktibo, pay sa susunod pang sayan at makabulupremyado at kinikilalang lider na mag-aaral si Nimga taon at makatulong hang aklat-pampanitikky. din kung paano malulukan.

Antolohiya ng mga Manunulat na CaviteĂąo, ilalabas na! MALAPIT nang mabasa ng publiko lalong lalo ng mga CaviteĂąo ang Tangway at Tagaytay (Antolohiyang Pampanitikan) na tinipon ng Cavite Young Writers Association Inc (CYWA) sa pangunguna nina Pamela Maranca, Allesandra Rose Miguel at Ronald Verzo bilang mga editor at paunang salita ng premyadong manunulat, ng pelikula, nobela at sanaysay na si Prof. Efren R. Abueg, Ph.D. Ang antolohiya ay naglalaman ng mga sinulat ng kabataan o bagong manunulat na tubo o inampon ng Cavite na lumikha ng pangalan sa larangan ng panitikan. Naging possible ang nasabing proyekto dahil sa masinop na pangangalap ng mga tala at dokumento ng mga mananaliksik at manunulat ng Cavite Young Writers Association sa pamamatnubay ng Council of Advisers na sina Ronald Verso, dating pangulo ng CYWA, Prof. Jimuel Naval, Ph.D. ng

University of the Philippines, Diliman, Prof. Eros S. Atalia ng University of Santo Tomas at Prof. Efren R. Abueg, Ph.D., dating professor ng De La Salle University, Manila.

PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pangaraw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang magaaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.


HULYO 04 - 10, 2010 akong makitang mga bahay at tao, madalang ang mga sasakyang dumadaan. Mga puno at bundok na lang ang (Isa sa mga kwentong kasali sa “Tangway at pwede kong pagtanunTagaytay” Antolohiyang pampanitikan ng mga batang gan. Pero sabi ni Lolo Isko manunulat na Caviteño) may naghihintay sa dulo, ha ko ang baon kong tu- Naic. Bakit hindi ko subu- tutuloy ako. Pataas baba na ang big, malamig pa ito. Unti- kan. Muli akong napadaan, mga kalsada. Nahihiraunti kong hinalikan ang labi ng dala kong botelya. sa punong nagbigay lilim pan na ang motorsiklo. Napakasarap ng tubig na sa akin kanina. Hindi ko Kailangan huminto, kaillumalabas doon, walang alam basta nakaramdam angang magpahinga, kaipagkakaiba nung una ako ng kalungkutan, lalo’t langan ng masisilungan. Sa lilim ng puno ng kong natikman ang pag- nakita kong may ibang lamamahal. Lalo na’t halos laki ng sa lilim noo’y na- malaking mangga. Wala matuyo na ang aking lal- kakanlong. Huli na, kail- itong maialok sa aking amunan. At damang- angan dumaretso at itu- bungga sa likod ng pangangalam ng sikmura. dama ko ang lilim na loy ang buhay. Kalahating oras, Wala na akong tubig, nabinibigay ng puno. Naic na ang susunod narating ko ang ng Naic. uuhaw na ako. Mahirap talaga ang na bayan. Napaisip ako. Titigil na ba ako dito. To Tutuloy ba ako o babalik Naic town proper sa kan- mag-isa, lalo’t higit pa an, to Indang ang kaliwa, kung ang lahat ay wala sa na? Padalos-dalos akong To Ternate pag dinaretso. plano. Ang lahat ay nangmagdesisyon. Babalik na Pagbumalik ako ay pap- yari ng biglaan. Ang lahat ay aksidente lang. Gabaylang ako. Iniwan ko na untang muli ng Tanza. Nasa gitna ako ng an sana ako ngayon nina ang isang bote ng tubig sa lilim ng puno. Napawi crossing, malaki na ako Tata at Nana, alam kong at nasa tamang pag-iisip. nandito lang sila sa paligna ang aking uhaw. Kapiraso pa lang ang Kailangan ko ng pupun- id. Wala ng atrasan, tuaking naandar ng matag- tahan. Sabi ni Lolo Isko, sa loy-tuloy na. Ilang kilopuan ko na lang ang aking sarili sa dulo ng trapik. buhay kailangan dare- metro pa at may nabasa Isa, dalawa, tatlo, parami daretso. Maliligaw ka pag akong isang malaking ng parami ang ang nasa lumiko ka. Pero pagnabu- signboard, You are Apbuntot kong sasakyan hay ka ng tuwid at tuloy- proaching Magnetic Field pero hindi umuusad ang tuloy, makakarating ka sa Zone. Ano yun? Hindi ko dulo at doo’y may naghinasa aking unahan. alam, pero alam kong Umiinit na, kailangan hintay sa’yo. Malayo na ang aking may kahulugan yun. ng desisyon. Hindi ko pa Pababa ang kalsada nararating ang bayan ng nalalakbay, wala na pero mayroon akong kakaibang naramdaman. makakalikha ng kapaki-pakinabang na proyekto at Isang pagsubok. Hirap mabibigyan pa ng trabaho ang mga walang hanapang makina ng aking buhay. Matatandaang maayos na rin ang sistema sasakyan, pababa pero ngayon ng pangongolekta ng basura sa Indang at tila ba hinihila ako pabadinadala sa bagong MRF ng bayan na kanya ring lik sa taas. Kailangan tatpinondohan. Patu-patuloy ang operation linis at tree agan ang manibela. planting ng kanyang administrasyon na kanyang piMagkabilang bangin ang nangungunahan kasama ang mga empleyado ng nasa tabi ko. Makalipas ang ilang munisipyo at mga NGO’s. minutong pakikipaglaban Simula ng sila ay maupo ni Hon. Vice Mayor sa kung anumang magPerfecto “Pecto” V. Fidel noong 2007 hanggang net na iyon, naramdaman ngayon ay nagawa nilang mapag-ipunan ng pondo kong ligtas na ako at ang upang mabili ang bahagi ng lupa sa bagong by pass aking motorsiklo. Sa mga road sa pagitan ng Brgy.Bancod at Brgy.Calumpang sandaling iyon ay hindi ko Cerca na planong paglipatan sa hinaharap ng maipaliwanag ang saybagong gusali ng munisipyo at Indang National High ang naramdaman ko. NilSchool (INHS) annex. Nakapagpatayo rin ang adingon ko ang dinaanang kalsada at hindi ko maiministrasyong Dimero ng mga bagong dagdag na wasang mapangiti. Kaclassrooms sa lumalaking bilang na mga mag-aaral kaibang pakiramdam. sa INHS. Tahimik ang buong Nakapaglaan din ng panahon si Kuya Benny para lugar maliban sa tunog pulungin, palakasin, suportahan ang mga kabataan ng aking motor at ibaat mga ibat-ibang youth organizations, ganoon din ibang huni ng ibon. May ang mga nakatatanda at mga senior citizens federbente minuto na rin akong ations. walang nakikitang duLumakas din ang mga livelihood programs at madaang sasakyan. Tila cooperatives na isang daan para mawakasan ang kahirapan. Kaya naman sa muling pag-upo ng mabait, masipag at mahusay naming alkalde na si Kuya Benny ay higit pa namin siyang inaasahan sa pagsasakatuparan ng mga magaganda, makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga programa, proyekto, pagawaing-bayan at imprastraktura para sa tuloy-tuloy na pagbabago, kagalingan at kaunlaran ng mamamayan at bayan ng Indang. Muli, congratulations and goodluck…Mabuhay ka Mayor Benny Dimero!!! Personal: Happy birthday to my cousin ATE NATY DEL ROSARIO –LAMBARTE of Brgy.Poblacion Tres, Indang, happy readings naman kina Margie at mga kapatid niya.

Sa Dulo Naghihintay NI LESTER DIMARANAN (Tanza, Cavite) LUMAKI at ipinanganak sa Tanza Cavite, si Lester Dimaranan ay nagsimulang magsulat ng mga kanta noong nasa sekondarya. Sumubok noong kolehiyo na magsulat ng maiikling kwento na nailathala naman sa Lumad, Paliparan, Shoreline, Muling Pagkabuhay, Perlas ng Silangan Balita at Liwayway. Isa sa mga Scriptwriters ng pelikulang Parolado ng Parole and Probation Administration. Siya’y kasalukuyang nagtatrabaho sa Provincial Information Office ng Cavite bilang Video Editor and Photographer. Kolumnista ng Responde Cavite. Iyun na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pagkatapos ng halos apat na taong pagtatrabaho bilang mekaniko, natupad din ang aking pangarap, ang magkaroon ng sariling motorsiklo. Walang halong pagaalinlangan kong binigay ng buo ang bayad sa kai-

bigang nag-alok nito sa akin. Lumang modelo na ito. Pero bilang mekaniko alam kong maganda pa ang kondisyon nito. Hindi ko na mahintay ang kinabukasan. Kaya naman maghapon kong kinundisyon at nilinis ang makina nito bilang paghahanda sa gagawin kong road test. Kaya kinabukasan, hindi pa man din nasabog ang liwanag ng araw, bitbit ang isang bag at suot ang isang long sleeve at helmet ay agad kong nilisan ang talyer. Hindi mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor pero pakiramdam ko’y isa akong ibong naglalaro sa hangin ng mga oras na iyon. Wala akong planong pupuntahan. Basta daredaretso lang hanggat may kalsada. Mula Bacoor ay narating ko ang bayan ng Tanza. Nagpahinga sandali sa lilim ng isang puno sa tabi ng hi-way. Mula sa bag ay kinu-

SULONG-BAYAN

MULA SA PAHINA 4

Kapansin-pansin din ang pagpapagawa ng malinis at maayos na comfort rooms sa may Indang Heroes Park na napakalaking tulong ginhawa sa sinumang biglang may tawag ng kalikasan sa kalagitnaan ng liwasang bayan. Marahil na hindi batid ng ilan na ang Indang Covered Court /Plaza na sentrong lugar na pinagdadausan ng iba’t-ibang palatuntunan at pagdiriwang ay napaglaanan niya ng panahon at pondo at kasama si Kuya Benny ay personal ko itong nasaksihan habang ginagawa ang maipatiktik o lasunin ang mga pundasyon, bakal at bubong upang hindi kalawangin at pagkatapos ay mapapinturahan ng kulay berde na siyang tatak na kulay na ng Indang sa anyo nitong luntian at malinis na bayan. Napakaraming farm to market roads din ang nabuksan ng administrasyong Dimero sa bawat barangay sa Indang at ang ilan dito ay may mga target pang butasin upang magsilbing farm to market roads din sa hinaharap na napakalaking alwan para sa mga kababayan nating magbubukid o magsasaka na magdadala ng kanilang mga produktong kalakal sa kabayanang pamilihan. Hinding-hindi rin matatawaran ang pagpupursige niyang maipasaayos, mapalawak at muling maipasamento ang mga pangunahing kalsada o national roads sa loob at labas ng Indang at mapa-aspalto naman ang iba pang kalsada upang komportable at maginhawa ang pagbabyahe ng mga mamamayan at maging mga nabisita o nakikiraan lamang papasok at palabas ng Indang. Maging sa mga tulay ay ilan na lamang ang luma sapagkat halos lahat ng tulay lalo na sa national roads ay bago, two way, kongkreto at malalaki na. Ntatandaan ko na nabanggit sa akin ni Mayor noon na sa susunod na termino niya kung siya ay muling magwawagi ay maisulong niya ang pagpapatayo ng munting pagawaan ng hollowblocks o bricks na yari sa inipong basura na gigilingin. Mula rito ay

11

ba wala ng katapusan ang kalsadang yun. Natatanaw ko na ang dead end ng kalasada. Isang malaking animoy bahay sa bingit ng bangin, pero ng lumaon ay nalaman kong resort. Sinubukan kong magtanong sa guwardiya na noo’y may kausap na magandang babae, pero ng malaman ko ang entrace na katumbas ng halos tatlong araw na paghahalo ng aking pawis at langis ay hindi na ako nagtangka pang pumasok doon. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang bumalik. Pinaghalong lungkot at uhaw ang nararamdaman ko ng sumakay ako ng aking motor. Ang pagtadyak ko sa starter ay kasabay ng pagpigil sa akin guwardya. Bakit kaya? Ano kayang kasalanan ko? Mga tanong na tumatakbo sa aking isipan habang lumalapit ang guwardiya. Sabi niya sa akin, “Pare, baka pwede mo ng isabay itong babae hanggang sa bayan ng Naic,” sabay turo sa babae na kanina ay nadatnan kong kausap niya. “Binayaran na niya kasi kanina ng buo yung tricycle na inarkila niya sa bayan, ang problema hindi na siya binalikan.” Wala akong maisagot, umusod na lang ako ng kaunti sa bandang unahan ng motor para bigyang luwag ang babaeng makikisabay. Napakagandang babae ang umangkas sa aking likod, kakaibang kasiyahan ang aking nararamdaman ngayong nakaangkas siya sakin. Tahimik at walang usapan ang namamagitan sa amin habang naglalakbay. Tumigil ang motor, sinubukan kong ii-start muli pero ayaw na. Sinilip ko ang lagayan ng gasolina, wala na itong laman. Ngumiti lang sa akin ang babae sabay bukas ng bag at sabing. “Doon muna tayo sa lilim, may dala ako ditong malamig na tubig.”

Happy birthday to Mr. Indang 2009 –RICHARD COSTA of Brgy. Buna Lejos, Indang, Cavite on July 9. Happy birthday pare, GOD bless you & we love you! Greetings from Rex Del Rosario & Responde Cavite


Computershop, pinasok ng magnanakaw! NI ERWELL PEĂ‘ALBA

NAIC, CAVITE – Isang computer shop ang nilooban kamakailan sa nasabing bayan. Luhaan ngayon ang manager ng Cipres Enet Shop sa Barangay Ibayong Silangan ng nasabing bayan, na si Ralph Joseph Cipres, nang madiskubre nitong nilamas ang kanilang computer shop. Ayon sa impormasyon ng pulisya, nitong nakaraang Martes, bandang 3:45 ng umaga nang looban ng mga armadong lalaki ang nasabing shop at tinangay ang libu-libong halagang mga computer kasama ang ilang pang mamahaling gamit. Sa tala ng pulisya, kabilang sa mga

ninakaw ng mga armadong lalaki ang 10 yunit ng CPU at isang flat screen monitor. Sa inisyal na

imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang nakawan ay may ilang nakakita ng isang pulang sasakyan na may

sakay na tatlong di pa nakikilalang lalaki. Kasalukuyan namang pina-iigting ng pulisya ang imbestigasyon upang matunton ang nasa likod ng pagnanakaw.

Estudyante, nagpakamatay ALFONSO, CAVITE – Isang minor de edad ang kumitil sa sariling buhay kamakailan sa nasabing bayan. Kinilala ng pulisya ang binatilyo na si Martin H. Andaya, Barangay Marahan I, edad 16 at nag-aaral sa ikatlong taon sa Alfonso National School. Ayon sa impormasyon ng pulisya, nitong nakaraang Martes ay natagpuan mismo ng

kasintahan na si Maria Angelica Romero, 15, ang kanyang nobyo na nakabigti. Agad namang isinugod ng mga kamag-anak ng biktima sa Dr. Poblete Memorial Hospital ngunit hindi na rin naisalba ang buhay ng binatilyo. Ayon kay Police Officer 2 Rosendo Pega Mojica, may hawak ng kaso, sa kanyang imbestigasyon ay

lumalabas problema sa pamilya ang nagtulak sa binatilyo na magbigti. Tinatayang ito na ang pangalawang kaso ng pagpapakamatay sa Cavite sa loob lamang ng dalawang araw, ayon sa tala ng pulisya. Ang nauna ay si Archie del Rosario, edad 20, resident eng Block 35, Lot 3, Freedomville Subdivision, Barangay Bucana, Sasahan sa Naic.

Lumalabas din sa imbestigasyon na personal na problema ang dahilan ni del Rosario para kitilin ang sariling buhay. Nitong nakaraang Lunes ay nakita na lamang si del Rosario ng mga kamag-

anak na nakabigti sa sariling bahay. Samantala, si Andaya na ang itinuturing na pangatlong kaso ng estudyanteng nagpakamatay ngayong taon sa buong probinsya ng Cavite.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.