CAVITE_45

Page 1


2

HULYO 11 - 17, 2010

Surveillance TV, Palawakin—Pidi Barzaga NI JUN ISIDRO

IMINUNGKAHI ni Lone District of Damariñas, CAVITE Rep. Elpidio Barzaga Jr. sa administrasyong Aquino na higitan pa ang pagbabawal nito sa di awtorisadong paggamit ng “wangwang” sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming surveillance camera sa mga pampublikong lugar upang lalong maipatupad ang mga batas trapiko at labanan ang krimen. Sinasabi nito na dapat mas damihan ang paglalagay ng closedcircuit TV (CCTV) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pangunahing lansangan at mga mataong lugar. “Sa ngayon, hindi sapat ang dami ng umiiral na public surveillance cameras. Dapat, may isang camera sa bawat isanlibong mamamayan,” sabi nito. Sinabi ni Barzaga na dapat saluhin ng video

cameras ang kakulangan ng pulis. Sa ngayon, mayroon lamang isa sa bawat 700 mamayan n asana ay isa sa bawat 500 manlang dagdag nito. “Mabuti’t pinamunuan ni P-Noy ang DILG. Mababantayan nya hndi lang ang pagpapatatag ng local government, gayundin ang peace and order at ang kaligtasan ng publiko ,” wika ni Barzaga Ang Internet Protocolbased CCTV video cameras na pinapagana ng WiFi zones ay

makakatulong sa cable TV networks sa surveillance, Barzaga said. “Sa tulong ng aming pribadong cable TV service provider, dito sa Dasmariñas City, nakapaglagay kami ng 24-hour surveillance cameras sa pangunahing lansangan ng walang dagdag na pasanin mula sa buwis ng mamamayan”, wika ng kinatawan ng Lone District ng Damariñas. “Kung maraming surveillance camera, mas matitiyak ang pagpapatupad ng

Mr. Tereso O. Panga, DDG for Policy & Planning, PEZA; Hon. Jose ‘Nonong’ Ricafrente, Jr., Municipal Mayor-Rosario, Cavite; Mr. Takashi Kawano, Pres. Hayakawa Electronics (phils.) Corp.; Mr. Yang Son Choi, Pres. Phils-Jeon garments, Inc.; Mr. Mitsumasa Ito, Pres. Ito Mfg (Phils) Corp. at Atty. Lilia B. De Lima, Director General, PEZA

katarungan,” sabi nito. Sinasabi rin ni Barzaga na kung maraming video surveillance malaki ang maitutulong nito sa pagpigil ng krimen. Maaari ring makadagdag sa kaban ng yaman ang malilikom na multa sa mga lalabag sa batas trapiko. Hindi inalintana ni Barzaga ang usapin ng posibleng “invasion of privacy”. Para sa kanya, ang mga video camera sa mga pampublikong lugar ay hindi makakasagasa sa mga taong masunurin sa batas at mapagmahal sa kapayapaan na itinatakwil ang krimen.

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


HULYO 11 - 17, 2010

3

Noynoy, binisita ang mga kapartido sa Cavite fellowship night “SAMAHAN nyo ako sa pamamahalang walang ‘wang wang’ at “GMA,” ang pahayag ni Pangulong Aquino sa isang pagtitipon ng kanyang mga kapartido sa Liberal Party na ginanap kamakailan sa Taal Vista Lodge, Tagaytay City, Cavite. “Wang-wang” ang bansag sa sirenang mariing tinutulang gamitin ni Aquino samantalang si Gloria Macapagal- Arroyo naman ang tinutukoy na GMA na kanyang sinundan sa pagkapangulo ng bansa. “Nagsimula na ang bagong administrasyon, kung saan wala ng ‘wangwang,’ at higit sa lahat, wala ng GMA. Pakiusap ko sa inyo, walang susuko at wala sanang iwanan,” banggit ni Aquino Nagalak naman ang Pangulo sa kanyang mga kapartido na hindi napagod sa maghapong nangampanya sa gitna ng ulan at araw.

“Ito na nga yata ang pinakahihintay kong pagkakataon upang makilala kayong lahat ng mas mabuti, lalo na yung mga bago nating kaalyado sa Partido Liberal. Hayaan niyo pong pasalamatan ko kayong lahat sa inyong suporta na siyang nagdala sa atin sa tagumpay,” dagdag ni Aquino.

“Inaasahan ko na ang okasyong ito ay magiging hudyat ng mas malakas pang samahan sa loob ng ating partido, kailangan ng LP ng matatag na samahan upang harapin ang mga problema’t paninira ng kalabang partido...” ang pahayag ng ikalabinlimang Pangulo ng

bansa. “Sana, dito sa gabing ito, magwakas ang pagkakaiba ng mga beterano sa bagong kaalyado. Oo, nagwagi tayo ng laban para sa daan patungo sa Malacañang pero hindi pa ang pagbabalik ng tiwla ng mamamayan sa pamahalaan.” “Ang layunin natin ay maibalik ang tiwala sa gobyerno, at kakailanganin natin ang inyong pakikiisa mula sa mga pinunong lokal hanggang sa mga lider na may matataas na posisyon sa pamahalaan,” pagwawakas ni Aquino. WILLY GENERAGA

CONG. BOYING REMULLA NG 7TH DISTRICT, NANUMPA NA INDANG, CAVITE – Hindi mahulugan ng karayom ang dami ng taong du-

magsa upang saksihan ang panunumpa ng tinaguriang peoples congressman na si Kgg. Jesus Crispin “Boying” C. Remulla (Kongresista, 7 th Distrito ng Cavite) noong June 26, 2010 sa Liwasang Bayan ng Indang. Samantala nanumpa rin sa okasyong ito ang alkaldeng lumamang ng mahigit sa anim na libong boto sa kanyang sumunod na katunggali, si Kgg. Bienvenido “Benny” V. Dimero kasama ang kanyang ka tandem na si Vice Mayor Perfecto “Pecto” Fidel at walong Konsehal

ng Indang na sina Raquel Quiambao, Ronald Bernarte, Ismael Rodil, Teofila Atas, Pedro Romea, Rey Zafra at ang baguhang si Ruben Baes at nagbabalik na si Estelita Lopez na pawang mga nanumpa rin sa katungkulan. Ilan sa mga kilalang

personalidad na dumating at nakiisa ay sina Gov. Jonvic Remulla, dating Gov. Johnny Remulla at maybahay na si Madam Ditas Catibayan-Remulla. Dumating at sumuporta rin ang ilan sa mga bagong halal na Bokal ng Cavite gaya nina Irene

Bencito ng 7 th Distict at Rex Mangubat ng Dasmariñas City. Samantala sa lugar ding iyon ay isang salu-salo naman ang naganap kasama ang mga taong dumalo pagkatapos ng pagdiriwang. REX DEL ROSARIO

EDUKASYON SA CAVITE, SINURI NG MGA KABATAAN

HULYO 3, 1892 nang buuin ni Rizal ang La Liga Filipina, Hulyo 3, 2010 rin naman nang isagawa ng Kabataan Partylist ang KLaSE: Konsultasyon ng mga Lider Estudyante sa Imus Institute. Bitbit ang temang “Pagkaisahin ang Tindig para sa ating Karapatan sa Edukasyon,” nagtipon ang 42 estudyanteng manunulat at miyembro ng konseho ng mag-aaral sa lalawigan sa Cavite. At tinalakay ang kasalukuyang suliranin ng mga mag-aaral. Kasama

sa mga dumalo ang mga kinatawan ng Kabataan Partylist Southern Tagalog, National Union of Students of the Philippines and College Editors Guild of the Philippines. Lumitaw sa talakayan na ang pangunahing suliranin ng mga eskwelahan sa Cavite ang kakulangan ng budget at bilang resulta kulang ang mga pasilidad at mababa ang kalidad ng edukasyon. Nakararanas rin ang ibang mga campus journalists ng harassment mula sa mga

pamunuan ng kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado. Inihayag rin ng iba ang mga hindi makatwirang sininisingil sa mga estudyante na nakapagdagdag ng pasanin sa mga magulang. Bilang solusyon, ipinanukala ng Kabataan Partylist na magkaroon ng student leaders consultation at buuin ang Students’ Agenda na ila-lobby sa mga district offices ng mga congressman bilang paghahanda sa 15th congress. JP AUSTRIA


HULYO 11 - 17, 2010

4

Kinukulangan ang kampanya ni PNoy

AGAD na tumalima ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at pinaigting pa ang kampanya ni Panguong Nonoy Aquino sa kanyang inagurasyon na walang wang-wang, walang counter flow at walang tong. Sa tatlong nabanggit, agad na kumilos ang pulisya kinabukasan. Buena mano ang isang kongresista. Hanggang sa kasalukuyan ay maigting ang kampanya ng pulisya. May suhestiyon pa nga na i-text lang sa pulisya ang kakilala na may wang-wang ang sasakyan at pupuntahan ito ng pulisya upang tanggalin ang wang-wang. Wala na ring nagkacounter flow. Paano ba naman, mismong Pangulo ng bansa ay nasunod sa batas-trapiko. Masiglang-masigla ang panghuhuli ng pulisya sa mga nagamit ng wang-wang at nagkacounter flow. Wala na kasi silang pangingilagan. Pero teka muna... Tatlo ang binanggit

ni PNoy sa kanyang inagurasyon na bawal— wang-wang, counter flow at tong. Bakit hindi pinapaigting ng PNP ang kampanya sa tong? Bakit nga kaya?... Hummh! oOo Mabuhay ang bagong alkalde ng Cavite City! Matapos ang mahigit 20 taon ng pamamayagpag ng Magdalo sa Lunsod ng Cavite ay nakaupo na ngayon ang bagong alkalde. Maraming kinabahan na mga empleyado ng city hall. Lalo na ang mga casual. Marami rin natuwa, ang mga kapanalig ng bagong administrasyon. At dahil bago na nga ang may hawak ng renda, natural na yun ang masusunod. Lahat ng kanyang naisin ay masusunod. Walang tinanggal, pero iilan ang nirenew—ang mga nag-pledge allegiance! Maraming pagbabagong ipapatupad. Maraming gagawing nakaambang proyekto. Maraming ipinangako. Maraming papasok na investor (ng fruit games at video-karera?). Mabuhay ang lunsod ng Cavite! Mabuhay ang bagong alkalde— Dating Piskal Ezon Medina?!

Sino ang Tunay na Nakaupo? UTANG na loob ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaletse-letse ang pagpapatakbo ng isang nanalong kandidato. Pinatunayan na ito ng kasaysayan. Ilang ulit na. Minsan kasi, sa laki ng utang na loob ni waging kandidato sa mga tumulong sa kanyang kampanya, hindi nya maiwasang mag-isip o gumawa ng pabor kung paano makakabawi sa mga ito. I-a-appoint nya ang mga ito sa iba’t ibang posisyon. Okay lang ito sana kung hindi sangkot ang interes ng sambayanan. Kaya lang, minsan, mas makapangyarihan pa ang mga hinirang na ito sa mismong nanghirang. Sa tantya tuloy ng mga tao, walang silbi ang napili nilang lider dahil ang nagpapatakbo ng kanilang lugar ay ang mga na-appoint o yung mga financier ng nasabing nagwaging lider nang tumakbo ito nitong nakaraang eleksyon. Dahil dito, yung mga tumulong kay waging lider hindi man sa anyong pinansyal na umaasa na kahit papaano ay mabibigyan ng marangal na trabaho o posisyon, nasisingitan pa ng mga gustong dalhin o isama ng nahirang na financier. Kaya, etsapwera ang mga gustong i-appoint ni waging lider. Pasok ang mga gustong i-appoint ng nasabing financier o adviser. Tanong? Sino ngayon ang mga magpapatakbo sa isang nasasakupang lugar ni waging lider kung bawat kibot at kilos nya ay kinakailangang may basbas ng kanyang adviser na financier kanya nya na ngayong in-appoint?

oOo Wangwang at Buwang Hindi naman problema ng Cavite ang wang-wang. Ang problema natin ay ang mga buwang na drayber ng baby bus sa lansangan ng Cavite. Hindi naman sa nilalahat natin, pero may ilan na talagang nuknukan ang kapal ng mukha na hindi man lang tumatabi kung magsasakay o magbababa ng pasahero. Titigil ng ilang minuto sa kanto. Kahit anong busina mo, hindi aalis. Kung kelan ka mag-o-overtake, saka naman sila aandar. Wala silang pakialam kung maging dahilan sila ng trapiko. Basta titigil magsasakay, magbababa sila sa lugar na gusto nila kung kelan nila gusto. Minsang nakasakay ako sa baby bus na nagkataong nasa likuran lang ako ng drayber, talaga namang busina na nang busina ang kotseng kasunod namin. Isang iresponsableng sagot ng drayber ang narinig ko, “Paliparin mo, gago!” Etong mga gagong ito na nuno ng kabuwangan ang dapat paliparin papuntang buwan para kahit kelan hindi na sila magiging sakit ng ulo sa kalsada. oOo Peryahan at Sugalan May nakakarating na balita sa atin na hindi lang libangan ang peryahan ngayon. Uso na rin dito ang sugalan. Lalong-lalo na ang kulay-kulay. Hintay lang po kayo, ipapaamoy natin ‘yan sa ilan nating nagmamalasakit na mamamayan na patuloy na nagpapadala ng impormasyon sa inyong pahayagan.

NAGKAMIT ng Unang Karangalang Banggit sa 2009 Talaang Ginto- Gawad Komisyon sa Tula. Naging Fellow ng 42nd UP National Writers Workshop sa Baguio City (2003) at 19th C. Faigao Memorial Annual Writers Workshop sa Romblon (2002). Aktibo siyang kasapi ng LIRA noon pang 2003. Erwin Lareza (Rosario, Cavite) Naging kasapi rin ng UP Writers Club at UP Quill. Mababasa ang ilan sa kaniyang akda sa Ikatlong Bagting, Sitting Amok Series, Likhaan Online, Panitikan.com. ph, at ANI.

PANDAWAN

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Sumikad ang alimpungat sa kape kahit nag-iinat pa ang kutsara sa tasa. Kisapmatang napalusong ang paningin sa pantalan, sa pulutong ng dumadaong na mga lunday sakay ang kawang-kawang huli ng mga basnig, bakal, taksay. Iste-isterepon, banye-banyera kung iahon ang mga lamandagat na siyang kumikinang na hiyas ngayong madaling-araw. Sumunod ang daluyong ng mga tinig at larawan. Ibinubulong ang mga tawad kumalampag man at kumaskas ang mga hinihilang banyera.

Bukas na ang likuran ng mga dyip at trak ng mga biyahero. Nakanganga ang mga timba ng mga mamamakyaw, tindera, mamimili, suki. Sumasagasa sa makaliskis na putik ang mga bota. Ang mga pahinante pumupuwesto— iniuumang, iniaalok ang kani-kaniyang kariton, serbisyo, presyo. Maya’t maya’y may pinapasan ang kilohan; sinusubuanbinubunutan ang mga kaha de yero’t belt bag; bumibigat ang mga delantar. Wala mang altar taimtim ang relihiyon ng tumatawad, nagbabayad, umuutang, tagakilo, tagatadtad, tagabalot. Lantaran ang pagsaksak ng icepick sa yelo habang may ipinupuslit ang paslit na mambabakaw. Sumisilbato ang nagtatrapik sa gitna ng mga sasakyang palusong, pauwi, aangkat, magdedeliber. Dito humaharurot ang oras dahil bawal mabilasa ang sandali. Dahil hinihingal ang hasang at natutunaw na ang kinaskas na yelo! Gayunman, kaysarap asnan ang bawat pumupusag na saglit at imbakin sa iyong dibdib.


HULYO 11 - 17, 2010

HIWAGA’T TAMIS NG KABATAAN

Tomas P. Tirona (7) Saksi ng kalayaan ANG batis ng talaarawan ni Tomas ay naampat pagkaraan ng Oktubre 11, 1898. Buhay at masiglang umaagos iyon mula Mayo, 1898 hanggang sa petsang ito. Sa mga panahong saklaw ng mga petsang iyan, bukod sa mga nakatagpo niyang opisyal ng Republika, nakilala niya si Donya Maria Rizal; sina Heneral Gregorio del Pilar, Bugallon Torres, at Mariano Cailles; Don Joaquin Luna, administrador ng La Independencia; at si Gabriel Beata Francisco, isang makatang Tagalog. Ngunit may isang batis na nagpapatunay na hanggang sa mga naunang buwan ng 1899, hindi pa siya bumibitiw sa

Unang Republika ng Pilipinas. Halimbawa’y may isang kopya siya ng kanyang tulang may petsang Nobyembre 2, 1898. Ang tula’y alay kay Padre Rafael Canlapan, naglingkod sa parokya ng Imus sa ilalim bg isang paring Rekoletos, si Jose Maria Liarte. Mahal ni Tomas ang paring ito dahil may mga liberal na ideya ito para sa kapakinabangan ng Pilipinas, nanindigang walang hidwaan ang maging mason at ang sumampalatay sa Simbahang Katoliko, itinaguyod nito ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga katulong na pari, ang karapatang mag-

kasal. Kaya, isinulat niya ang tulang A la Memoria del que fue Coadjutor de Imus el Patriota P. Rafael Canlapan. Narito ang ilang taludtud: Ngayong araw ng kaluluwa, padreng mahal Yumao ka sa Malolos sa panahonh mapanglaw! Anong pabaon ko sa ulila mong paglalakbay? Hindi ang mga bulaklak sa isang libingan Hindi rin ang panangis ng bayan mong minamahal; Hindi rin dalamhati ng mga babae mong supling O himutok ng Simbahang may pighati ang kantahin. Nakabagbag din ang

Kasunduan sa Paris ng mga Kastila at Amerikano. Ipinagbili ang bawat mamamayang Pilipino sa halagang dalawang dolyar. Bigung-bigo ang mga lider ng Republika, pati na rin ang maraming kapanalig sa buong kapuluan. Sa hangad na maibangon ang nanlulumong diwa ng karamihan, may nakaisip na gawing maringal ang pagdiriwang ng ikalawang taon ng kamatayan ni Jose Rizal. Nakiisa ang mga pahayagan, kaya sa mga isyu ng La Republika Filipinas at La Independencia, inilathala ang mga akda ng pambansang bayani at mga gunita ng kanyang mga kapanahon. Kabilang naman sa mga tulang alay sa bayani

ang Al Martir de la Patria ni Tomas Tirona. Kung kailan humiwalay sa pamahalaan ng Republika si Tomas ay walang makapagsabi. Kung nagbitiw siya o bigla na lamang tumalikod sa Republika, wala ring nakakaalam. Noong Pebrero, 1899, nasa Imus na siya, kasama ng mga magulang at mga kamaganak sa paninirahan sa isang kamalig sa looban ng kanilang bahay na inokupa ng mga sundalong Amerikano. Hindi gaanong nakapagsulat si Tomas sa panahong ito. Maaaring abala siya sa pagdalaw sa bahay ng mga kaibigan. Maaring pinag-aaralan niya ang wika ng bagong mananakop, ang Ingles, mula sa mga sundalong Amerikano. Hindi nagtagal, naging interpreter siya ng mga sundalong puti at ipinatatawag din ni Heneral Lawton kung kailangan nito ng serbisyo niya. Lumilitaw sa mga naiwan niyang alaala ang isang tulang inialay niya sa kaarawan ni Fidela Buenaventura, isang kabataang maestro sa kumbento ng Imus at nagtuturo sa mga batang babae lamang. Binisita pala ito ni Tomas noong Abril 24, 1899. Binate niya ito sa okasyon ng kaarawan at inabutan ng isang sobreng kinapapalooban ng tulang A La Maestra Fidela B. en sus Dia. Ganito ang ilang bahagi ng salin ni Nick Joaquin sa Ingles ng tulang iyon. Today is your day, Maestra, And I wish I could elate you, When I go to facilitate you, With a most harmonious orchestra. But since you don’t like noise, Let me sing with lyre That sighs like a lonely wire With a soft, soft voice. Sa mga nakagunita sa buhay at mga sinulat ni Tomas Tirona, si Maestra Fidela ang malinaw na nakapaglarawan sa makata bilang isang baguntaong may anyong seryoso, batambata ang mukha, ngunit kung kumilos at magsalita ay parang isang umabot na sa mahuwisyong gulang. Hindi mapagtawa at

5

mapagbiro si Tomas. Hindi ito nakasulat ng minsan man ng kahit ilang taludtod ng pag-ibig. At higit sa lahat, walang alam ang maestro na babaing pinag-ukulan nito ng natatanging pagtingin. Ngunit sa mga pahina ng kanyang talaarawan, hindi miminsang lumitaw ang isang pangalang kapansinpansin, Ninay. Ito ba ang dahilan ng hindi nito pagpansin sa mga kadahalagahan ng Imus o sa parinig ng kanya tungkol sa dalagang anak ng represetante sa Kongreso na si Mariano del Rosario? Noong Setyembre 17, 1898, halimbawa, mula sa seremonya ng ratipikasyon ng proklamasyon ng pagsasarili ng Pilipinas, nagtungo siya sa Maynila at sa dakong gabi, isinulat niyang naghapunan siya sa Ermita, kasama ang isang babaing nagngangalang Ninay. Noong Oktubre 6, nagtungo uli siya sa Maynila mula Malolos, ngunit hindi niya nadatnan sa bahay nito sa Ermita si Ninay. Nagbalik siya rito kinabukasan pagkaraang makapagpangumpisal sa Simbahan ng Ermita. Ngunit kailan man ay hindi nakilala ng kanyang mga magulang si Ninay na itinala niya sa kanyang talaarawan. Gayunman, sa iilang sulat ni Tomas Tirona na hindi nawaglit, may isang sulat na may petsang Agosto 12, 1899 na galling sa isang kaibigang pari ng Imus, si Fruto Satorre. Lumilitaw sa sulat na si Tirona ay nakitira sa Sampalok, kasama ng kanyang asawa at biyenan. Hindi siya nakitira sa piling ng kanyang mga magulang sa nilipatang apartment ng pamilya sa may Intramuros noong Hunyo, 1899. Pinalabo naman ang katotohanan nito sa mga huling linya ng sulat nni Satorre kay Tomas, “Adios hasta el martes que me tendran alli con niños. Un abrazo a mi antiguo colega Ed Cruz y miz respetos a su Senora, y Suegra.” Kung ang mga batang tinutukoy sa sulat na ito ay mga anak ni Ed Cruz, bakit sa tirahan sa Sampalok ipinadala ang mga sulat at hindi sa apartment ng mga Tirona sa Intramuros?


Tugon ni Cong. Barzaga sa “Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap” ni Pnoy

Paggastos sa Pork Barrel, Ilantad “Dapat mahikayat kung hindi man maobligang ilantad ng sinumang mambabatas sa publiko kung paano ginagamit nito ang pork barrel sa kanyang mga proyekto sa pamamagitan ng paglalathala nito. Ito lang ang paraan upang makita ng mga mamamayan at ng mga nasasakupan ng sinumang mambabatas ang paraan ng pagkakagastos ng pondo, “ Wika sa media ni 4th District Representative Elpidio ‘Pidi’Barzaga Jr. Ito ang naging tugon ni Barzaga sa gitna ng maugong na panukalang bawasan ang pork barrel ng mga Konggresista at sa halip ay magkaroon ng “greater transparency and public accountability” sa paggamit ng pondo bilang tugon sa hangarin ni Pangulong Aquino na labanan ang katiwalian. Sa maikling pahayag ni Barzaga sa Responde Cavite, ipinunto ng mambabatas na sa pangmalas ng mamamayan at media, sanhi ng korapsyon ang Pork Barrel. May ilang grupo di umano na naghahangad na ito’y bawasan o tuluyan nang alisin. “Kung lilibutin ang aming constituents, sila ang magpapatunay na malaki ang naitutulong sa kanila ng pork barrel. Mula sa basketball court, sakit, pagpapadala ng tao sa PGH... lahat ‘yan mula sa Pork Barrel.” “Dapat ay mailathala tuwing anim na buwan ang tiyak at espisipikong paggastos ng pondo sa mga pambansang pahayagan, at ilagay ang mga ito sa website ng Mababa at Mataas na Kapulungan para makita’t masuri ng lahat. Kung hindi Masaya ang mga nasasakupan sa paraan ng paggatos ng kanilang kinatawan, sa susunod na eleksyon, malamang, hindi na nila ito ihahalal muli. Kung may mga kwestyunableng proyekto, makakagawa ng tamang aksyon ang mga mamamayan,” wika nito. Ito ang tugon ng Kinatawan ng 4th District ng Cavite sa hangad ng bagong pamahalaan sa mas maayos na pamamahala. Ito rin di umano ang hinahangad ng Freedom of Information bill.

Transparency International Philippines Sa website ng Transparency International Philippines, pumuwesto ang Pilipinas sa ika-139 sa 180 mga bansa (mula sa pinakababa-pataas) na minamatyagang mga korap na bansa noong 2009 bagamat bahagyang umangat nang kaunti mula sa pagiging 141. Inilahad din na may mga mambabatas na ayaw ipakita ang kopya ng mga pinagkagastusan nitong proyekto mula sa kanilang pork barrel. Marami di umanong ghost projects na daang milyong piso ang ginastos pero walang nagawang proyekto. Kabuntot lamang ng Pilipinas ang Timor Lester, Cambodia at Burma sa katiwalian. Halos kapantay naman ng Pilipinas sa

korapsyon ang Pakistan, Bangladesh at ang Baltic state of Belarus.

Mga May Ayaw at Gusto Hinahangad ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada III, tagapagsalita ng Partido Liberal (na partido ni Pnoy) na bawasan ng halos 10 bilyong piso ang Priority Assistance Development Fund (PDAF) ng mga mambabatas upang matulungan ang bagong administrasyon na magawan ng paraan ang kakulangan sa badyet at maiwasan ang magpataw ng karagdagang buwis na papasanin ng sambayanan. Tutol naman dito si Albay Rep. Edcel Lagman dahil artipisyal lamang di umano ito at mga mahihirap ang unang tatamaan. “Kung ako ang tatanungin nyo, okay lang sa akin kung babawasan ang Pork barrel, basta’t makatarungan at pantay-pantay itong gagawin, kasama na ang mga nasa ehekutibo para naman pare-parehas magpapasan ng krisis, “wika ni Barzaga.

Solusyon Kailangan di umanong matugunan ng bagong administrasyon ang kakulangan ng budyet n umaabot sa P300-bilyong piso para sa taong ito. “Kung kulang ng P300 bilyon, dapat ba itong madugtungan ng P150- bilyong dagdag na pagkakakitaan ng pamahalaan at magbawas ng P 150-bilyon? O bawasan na lamang ang badyet ng P300 billion?” wika ni Barzaga.

Si Cavite 4th District Rep. Pidi Barzaga sa Dasmariñas Community Building na nagsisilbi nitong tanggapan sa nasabing lunsod tuwing kanyang people’s day. OBET CATALAN Tinukoy ni Barzaga ang bagong puno ng Bureau of Internal Revenue na si Kim Henares ay nangakong patataasin ang koleksyon na paabutin sa P 150 bilyom sa pamamagitan ng paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis, mga tiwaling ahente at ismaglers. Tinataya rin na aabot sa P 400 bilyon ang matitipid sa pamamagitan ng pagbabantay sa korapsyon ng pamahalaang Aquino. “Para makamit ang P 150 bilyong dagdag na kita nang hindi nagdaragdag ng buwis at maisakatuparan ang P400 bilyong savings, kinakailangan ang mga bagong istratehiya,” pagwawakas ni barzaga.



8

HULYO 11 - 17, 2010

Walang Kamatayang Kamatayan “PARANG kanina lang, kausap ko pa yan ha?” “Nagtetext pa nga kami nya kahapon, eh” “Mabait yan ha? Tsk! Tsk! Tsk!. Buhay nga naman, hindi mo masabi.” Ilan lang ito sa madalas nating marinig kapag may nadededbol. Lalo na kapag hindi inaasahan. Ganito lang daw talaga ang buhay, una-unahan lang (kung gusto nyo pong mauna, okay lang po, hindi po ako nagmamadali). Kapag ganito ang usapan, ang madalas na bida sa kwentuhan at pulutan sa inuman ay si… dyandyararan! Si kamatayan! May mga kinukuha daw si kamatayan kahit natutulog lang. Swerte naman ng mga yon na walang kahirap-hirap na pinitisyon. May iba nga, abot-abot ang pagtawag kay Kamatayan para lang mamatay lalo na yung may canser o sobrang malas na sa buhay pero no pansin kay Kamatayan ang mga taong ito. Tapos yung iba, natutulog lang… kinuha na. Parang unfair. Pero kung may Kamatayan talaga, malaki ang problema ko sa kanya. Una, paano yung mga nagpakamatay? Obligado bang sumunod si Kamatayan na kunin ang kaluluwa ng mga ito kahit wala pa sa iskedyul? Kung hindi nya kukunin ang kaluluwa ng mga ito, paano mamamatay ang mga ito? A, siguro, ito yung mga nagpakamatay pero nabigo. Nabuhay pa. Frustrated suicide. Paano nga kaya ginagawa ni kamatayan ang ganoong kabigat na trabaho? ‘Ba, hindi biro ang mangolekta ng kaluluwa sa buong mundo. Paano kung may sabay-sabay na dapat mamatay sa halos parehas na oras-minuto-segundo at nano-second? Kung sabagay, sabi ng statistics, 2 ang namamatay kada se-

gundo. Ibig sabihin, dapat mangolekta si Kamatayan ng 1 tao kada kalahating segundo. Paano kung yung isang dapat kunin ay nasa Amerika at yung susunod ay sa Japan? Naku, siguradong mapapagod nang husto si Kamatayan nun. Siguradong lagareng Hapon sya nun. E, paano kung may maramihan ang namatay sa isang lugar? Gaya ng massacre? O kaya yung mass suicide? O kaya, yung hinulugan ng Atomic Bomb sa Hiroshima at Nagasaki? Yung biktima ng 9/ 11 sa World Trade Center sa New York? Napeste na. Baka tarantang bulate si Kamatayan kapag maramihan na ang dapat nyang kuhanin. Hindi kaya sya nagkakamali? Paano kung nakuha nya yung wala sa isked? Ibabalik na lang. Kaso paano kung ang instrumento ng pagpetisyon ay pagpapasabog o pagsagasa sa biktima tapos nabuhay kasi nga nagkamali lang? Pag nabuhay yung biktima, wala nang paa o kamay. Bulag o kaya ay nasunog ang buong katawan. Hindi kaya hangarin ng biktimang ito na magpakamatay na talaga? Halimbawa yung bulag ay tumawid sa kalsada. O kaya yung nasunog ay uminom ng lason. Pero problema pa rin. Paano kung isnabin ni Kamatayan ang kanilang pagpapakamatay? Lalong napeste. Kasi yung bulag, napilay pa. Yung nasunog, nalantang gulay pa. Kaya dapat pag nag-suicide, wag isnabin ni Kamatayan. Kung totoo man si Kamatayan, gusto kong wag nya munang kukunin ang mga pulitiko pagkababait po talaga. Hayaan nya muna sanang mabuhay ang mga ito ng matagal na matagal na panahon. Sana umabot ang mga ito ng lampas 200 y.o. Yung may puno na ng kawayan sa likod, yung may kabute na sa braso at may baging na sa dibdib.

Bading na gumagamit ng hormone pills

Binibining Bebang, Ako po ay isang bading na nag-hormone pills para maging ganap na babae. May mga nanliligaw sa akin na type ko rin. Kapag ipinagtatapat ko na sa kanila ang tungkol sa pagkatao ko, nilalayuan na nila ako at pinandidirihan. Ergs ng General Mascardo Extension, San Antonio, Cavite City Mahal kong Ergs, First things first. Ako ay nababahala sa ginagawa mo. May doktor bang nagsabi sa iyong maghormone pills ka? Kasi kung wala, itigil mo muna ang pag-inom niyan. Hindi kasi idinisenyo ang hormone pills para sa mga lalaki o bading. Baka makasama lang iyan sa kalusugan mo. Isa pa, alam mo, noong 2005, idinagdag na ng cancer research agency ng UN, as in United Nations, ang hormone pills

sa listahan ng mga substance na nagdudulot ng kanser. Nakupo! Sayang ang buhay mo kung sakasakali. Di bale nang walang kadedean o kapirasong katabaan sa balakang basta buhay ka. At kung ako ang nasa katayuan mo, hindi ko na muna poproblemahin ang itsura ko. Dahil ang gusto ko, mamahalin ako ng isang tao dahil sa aking personalidad at ugali at hindi dahil pretty ako o sexy. Kung may boobs ako, okey. Pero kung wala, okey lang din. Mas importante sa akin ang honesty ko sa kanya at honesty niya sa akin. Actually, ang nakikita kong isa sa mga dahilan ng maraming heartbreaks ng mga baklang nagdadamit-babae at nagpapakababae talaga, iyong tipong hindi na halata ang tunay nilang kasarian, ay ang kanilang dishonesty sa mga lalaking type sila at type din nila. Aba, siyempre dahil mukha kang babae, iisipin ng lalaki na babae ka nga. At mata-type-an ka dahil sa akala niya, babae ka. Kapag ipinagtapat mo na o kapag nalaman na

ng lalaki na ikaw pala ay hindi totoong babae, malulungkot siya o kaya magagalit. Kadalasan, hindi dahil sa lalaki ka o bading kundi dahil nagsinungaling ka sa kanya. Masakit iyon. Kasi nga niloko mo iyong tao. So, Ergs, stay put. Stay healthy and happy. And siyempre, gay. Stay gay. Lalapit at lalapit ang may gusto, garantisado, mukha ka mang babae o hindi. Tapos mula sa kanila, pumili ka. Nawa’y guwapo at mabuti ang puso ng magiging papa mo. Nagmamahal, Binibining Bebang oOo Binibining Bebang, Bakit ang mga babae, once na masaktan, sinisisi na ang lahat ng lalaki? Bakit? Nakarelasyon na ba nila ang lahat ng lalaki? Dylan ng Buck Estate, Alfonso, Cavite Mahal kong Dylan, Generalization ang tawag diyan. At marami talaga sa atin, guilty sa pag-iisip niyan. Halimbawa, lahat ng lalaki, magulo ang sariling kuwarto. Lahat ng babae, emosyonal. Lahat ng nagkukyu-

tiks nang pula, malandi. Lahat ng may tato, siga. Lahat ng ex-con, marahas. Lahat ng mayaman, matapobre. Mali ang ganitong paraan ng pag-iisip. Dahil iba-iba talaga ang tao. Katulad ng thumb marks natin, iba-iba tayo. May magkahawig man, hindi pa rin saktong-sakto ang pagkakatulad. Kaya naman makakasakit lang tayo ng damdamin kung magdye-generalize tayo nang madyegeneralize. Ituring mong thumb mark ang bawat taong makakasalamuha mo, babae man sila o lalaki. May sariling kalakasan at kahinaan. Huwag mo na lamang pansinin ang mga naggegeneralize tulad ng mga babaeng tinutukoy mo. Problema na nila iyon. Basta ikaw, iiwasan mo iyon. Mula ngayon, ha? Natatawa nga ako sa una mong tanong, may bahid din kasi ito ng generalization. At hindi totoong ang mga babae, kapag nasaktan sila, sinisisi nila ang lahat ng lalaki. Tingnan mo, babae ako pero hindi ko sinisi ang LAHAT ng lalaki noong lokohin ako ng ak-

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –Laging pagkatandaan, ang suwerte ay minsan lang kumatok sa pinto. At kung hindi magiging maagap ay malamang mawala ito. Lucky days/nos./color= Tuesday/Friday=7-29-30-35-40-42- Red AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)- Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan ang tatamasahin at kung gumawa naman ng mali ay ngayon ang paniningil. Huwag kalimutan ang Law of Karma. Lucky days/nos./color = Tuesday/Thursday=1-9-15-18-2530=Yellow PICES (Pebrero 19- Marso-20)- Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte subalit isang scorpio naman ang magbibigay ng problema o sakit ng ulo. Hangga’t maaari ay iwasan pansamantala ang mga Leo dahil may di pagkakaunawaang magaganap. Lucky days/nos./color= Wednesday/Friday=8-14-2936-41-45=White ARIES (Marso 21- Abril 19)- Maging handa at alerto sa anumang darating at kung inaakalang makabubuti ay sunggaban kaagad at wag bigyan ng pagkakataong makawala. Lucky days/nos./colors= Wednesday/Friday=10-12-22-28-36-39=Pink TAURUS (Abril 20- Mayo 20)- Isang gawain ang hahamon sa iyong talino. Pagsikapan dahil may biyayang mapapala. Sikaping mapagana nang husto ang imahinasyon. Lucky days/nos./color= /FridaySaturday/ =6-11-14-26-35-40= Lavander GEMINI ( Mayo 21- Hunyo 21)- Anuman ang gawin at sa mga susunod na mga araw, kailangang ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalos-dalos sa gustong gawin. Lucky days/nos./color= Saturday/Sunday=7-19-21-35-37-43=Aquamarine CANCER (Hunyo22-Hulyo22)- Unti-unting makakamit ang tagumpay kaya tutukan ang kasalukuyang ginagawa. May hindi pagkakaunawaang mamuno sa tahanan o pinapasukan kaya mag-ingat na hindi ito maganap. Lucky days/nos./color =Monday/Tuesday=1-4-26-30-39-44= Purple LEO (Hulyo 23- Agosto 22)- Mag-ingat sa anumang ginagawa, tiyaking hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky days/nos,/color= Wednesday/Sunday=6-8-24-34-36-39=Violet VIRGO (Agosto 23- Styembre 23)- Maswerte ka ngayon. Pero kakaiba ang magiging dating ng mga suwerte mo dahil ito ay dala-dala ng mga nilalang na palareklamo, paladaing at may negatibong pananaw. Lucky days/nos./color=Friday/saturday=110-21-29-37-41 =Fuchsia LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23)- Tatanggapin mo ang hamon ng pangingibambayan. Batid mo sa sarili na sa kabila ng pangambang nararamdaman mo ay makakaraos ka din. Lucky days/nos/ color=Thursday/Friday=2-4-15-26-35-38=Blue SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22)- Paliwanag ang hinahanap mo sa kanya. Alam mo kung gaano mo siya kamahal ngunit handa mo siyang iwan dahil sa kanyang ginawa. Lucky days/nos./ color=Tuesday/Friday=10-14-22-36-41-43=Purple SAGITARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21)Huwag mong ibigay nang buo ang pagmamahal sa iyong iniibig. Magtira nang kahit kaunti para sa sarili upang hindi ito pagsisihan sa huli. Lucky days/nos./color=Monday/Friday=6-19-29-3744-45=Green ing ex. (Siya pala ay may ibang karelasyon habang magkarelasyon kami.) Siya lang ang sinisi ko at inaway ko at ginera ko at dinakdakan ko at… Hay.

Nauurat dahil sa nakalipas na naungkat, Binibining Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.


HULYO 11 - 17, 2010

9

HANGGANG SAAN ANG IMPLUWENSIYA NG GURO SA KANYANG ESTUDYANTE? ANG isang mahusay na guro ay may walang katapusang impluwensiya sa kanyang mga estudyante. Tangan ang paniniwalang ito kung kaya tumagal ako nang mahigit labingwalong taon sa propesyon ng pagtuturo. Kung tutuusin ay nakakapagod na rin ang magturo at umasang may maiaambag na pagbabago sa lipunan ang lahat nang aking ginagawa. Pero patuloy pa rin ako sa propesyong ito dahil may ilan pa rin namang naniniwala. Narito ang isa sa maikling kuwento na nalikha ng isa sa mga dati-

han kong estudyante. Marahil, ang akda niyang ito ang patunay na minsan ay nagsanga ang aming landas at may naiambag ako kahit papaano sa kanyang pagkatuto. DAYALOGO NG ISANG GURO AT ESTUDYANTE ni Bea Kylene Jumarang Sir, may itatanong po ako sa inyo ha. Wag po sana kayo maiinis. Sino ho ba kayo? Ano ba namang klaseng tanong yan, ha? Madali lang naman po ah. Sino ba kayo? Bakit ikaw? Kilala mo ba kung sino ka?

Sir, di niyo pa po nasasagot yung first question ko. Yun muna, tapos saka na yung tanong niyo. Daya niyo naman eh. O siya, sige na nga. Ako si Rafael, 42 taong gulang, isang guro at isang Pilipino. Sigurado kayo Sir? Hindi niyo po ba naiisip na baka panaginip lang lahat ng ito? Na baka kayo ay isang gurong nanaginip na siya’y Pilipino o isang Pilipinong nananaginip na siya’y guro. Alin dun ang tama, Sir? Ano ba naman yan. O sige. Nung bata ako, stateside yung pagpapalaki sa akin ni Mama. Decidedly American daw dapat yung pamumuhay namin. Tapos?

Si Tatay, dating serviceman sa Air Force noon. Nakadestino siya sa Clark. Makakailang taon na rin siya doon, nang makasagap siya ng impormasyon na nagplaplano daw ng insurgency yung mga Pinoy dahil second-class daw ang trato sa kanila sa sariling bansa. Sumali naman siya? Oo. Naging lider siya nung mutiny, tapos nung nalaman ng mga Kano, ipinapatay silang mga involved. Natural, pati si Tatay natigok. Ay, tanga. Ano? Bakit? Kahit kailan hindi ko ikinahiya ang sinapit ni Tatay. At least siya, may lakas ng loob na labanan ang pagma-

Lider-estudyanteng Kabiteño kay Noynoy:

TUTUKAN ANG ADYENDA PARA SA EDUKASYON INIREHISTRO ng mga kabataang lider-estudyante ng Cavite ang kanilang kagustuhan para sa konkretong pagpapahalaga sa edukasyon sa ilalim ng bagong adminidtrsyon ni Noynoy Aquino na mamumuno sa bansa sa loob ng anim na taon. Sa pangunguna ng Southern Tagalog chapter ng KABATAAN Partylist, College Editors Guild of the Philippines and the National Union of Students of the Philippines, inilunsad ang mga serye ng konsultasyon na tinawag na “KLaSE: Konsultasyon ng mga Lider Estudyante” sa iba’t ibang probinsya ng CALABARZON at MIMAROPA. Alinsunod sa temang: “Pagkaisahin ang tindig para sa ating karapatan sa edukasyon”, layon nitong talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa bansa at humugot mula sa mga miyembro ng konseho ng mag-aaral at pahayagang pangkampus ng kanilang kasalukuyang pinagdaraan sa loob ng pamantasan. Animnapung liderestudyante mula sa iba’t ibang lugar ng Cavite ang nagtipon ngayon sa Imus Institute, Imus upang talakaying ang mga importanteng isyu

patungkol sa matrikula at iba pang bayarin, karapatan at kapakanan ng mga estudyante at maging ang sitwasyon ng kanilang kalayaan sa pamamahayag. “Pagod na kaming mga kabataan sa paghihintay na sa esensya ay wala ring nangyayari. Sa ilalim ng rehimeng Aquino, kikilos na kami ngayon pa lamang hanggang ang aming mga kagustuhan para sa edukasyon ay seryosong matugunan,” ani Justine McDivith, KABATAAN Partylist – Cavite coordinator. Binanggit ni McDivith ang ilang mga partikular na kaso sa mga pamantasan ng Cavite tulad ng sa EARIST-GMA na kung saan ang kontrobersyal na Php500 development fee ay naging malaking usapin sa mga estudyante. Ang malawakang kampanya ay nagdulot ng harassment at pagbabanta ng suspensyon sa mga estudyante mula sa kanilang mga administrador.

Isang estudyante rin ng satellite campus ng Cavite State University ang nagkwento kung paano ang kanilang mga pasilidad ay nananatiling kasadlak-sadlak at hindi kaaya-aya para sa pagkatuto. “Hindi nakikita ng mga administrador ng pamantasan ang potensyal na pwersa nga mga estudyante sa paghubog ng eskwelahan at ng sambayanan. Pinakita ng mga lider-estudyante ng Cavite ngayon na may pangangailangang pagkaisahin ang kanilang hanay upang makayanang harapin ang mga usaping tulad ng kalayaang pang-akademiko at represyon sa loob ng kampus,” dagdag pa ni McDivith. Noong nakaraang eleksyon ng Mayo 2010, isa ang Cavite sa may pinakamalaking botong naibigay para sa Kabataan Partylist mula sa lahat ng probinsya sa bansa. Sabi ni MacDivith, ito’y isang malinaw na

manipestasyon ng pangangailangan na palakasin ang boses ng kabataan sa probinsya. “Nananatiling kolonyal, komersyalisado at pasista ang sistema ng edukasyon sa bansa; hindi kami umaasang agad itong mababago ng kasalukuyang administrasyon. Naniniwala kami na kapag walang makabuluhang pagbabago sa socio-political na kalagayan sa bansa sa ilalim ni Aquino, mananatili sa kasalukuyang kalagayan ang sektor ng edukasyon. Dito namin nakikita ang pangangailangan na isanib ang aming pinaglalaban sa pinaglalaban ng aming mga kababayan para sa ganap na pagbabago.” Sa pagtatapos ng programa, naglunsad ng isang compact signing ang mga estudyante na may panawagang “Edukasyon, karapatan ng kabataang Kabiteño!” Ihahain ng KABATAAN Partylist sa lokal at pambansyang opisyales ang mabubuong provincial youth agenda base sa binanggit na mga punto ng mga estudyante sa pagtatapos ng Hulyo.

maltrato sa kanila. Eh, Sir, bakit kayo naging teacher? Di ba walang pera yang ganyang trabaho? Wala naman akong maitatapat sa ginawa ni Tatay kundi ito. Ikinararangal ko na rin, paglilingkod ko na to sa bayan eh. Hindi matatawaran ng kahit na ano ang tungkulin kong ito. Tignan niyo naman estado niyo sa buhay Sir. Bakit? Wala kang dapat ikahiya sa estado mo sa buhay. Kahit pa contractual ka lang o gurong tulad ko, lahat yan ay may naitutulong sa Pilipinas. Itong pagtuturo ang nagbibigay sa akin ng aking sense of self-worth. Tanungin mo nga ang sarili mo iho, may naitutulong ka ba? Wala ata Sir eh. Gusto ko lang naman grumadweyt. Yun lang. Magtrabaho sa ibang bansa, yun, tapos siyempre umangat sa buhay. Aba, ganun lang ba talaga ang gusto mong marating? Sir, malayo-layo na rin yun ah. Oo nga, pero kung ang gusto mo lang e magtrabaho sa ibang bansa, bakit kaya pagdating ng

graduation mo e magpatatak ka ng ready for export sa noo mo? Sobra naman yun, Sir. Bakit, may iba ka bang balak? Sir, kaya nga po ako nagtanong sa inyo kung sino kayo eh. Gusto ko lang din malaman sa sarili ko kung Pilipino ba talaga ang trato ko sa aking sarili. Iho, makinig ka. Ang pagka-Pilipino mo ay di mo na matatanggal. Maitatago, oo, pero hindi mo yan maalis. Kaya kahit pa estudyante ka lang, ipakilala mo sa mundo ang sarili mo bilang Pilipino, anak ng lupaing ito, anak ng bayan nila Rizal at Bonifacio, isang taong matahimik man ay di papayag na matapakan ang kanyang kalayaan at karapatan bilang tao. Tama kayo Sir. Salamat po sa pakikipagusap sa akin. Sige Sir, una na po ako. 10 minutes na lang po, tapos Science na eh. Ayoko ho ma-late. Sige, pero maitanong ko lang. Mag-aaral ka ba para ma-export ka lang? Hindi po Sir. Magaaral ako sa IKAUUNLAD NG PILIPINAS.

Greetings Corner Belated happy birthday Roberto “OBET” Peji last July 08, 2010. More birthdays to come God bless you. Greetings from Pareng Bayot, Ruel, Richard, Aba, Bokyo, Ewel, Biboy and Toto oOo Happy readings to Ma. Lourdes V. Guemo, Nerissa L. Monton, Charlie N. Garrido, Concepcion P. Villanueva at Milagros A. Pangilinan ng Provincial Library Office, Trece Martirez City, Cavite. Salamat po sa pagtangkilik sa Responde Cavite. Greetings from Rex Del Rosario & Responde Cavite. oOo Belated happy birthday to Lilia Bautista (July 5) and happy birthday to Marina Destura (July 12). – Greetings from Rex Del Rosario & PIO Family. oOo Belated happy birthday to Mr. Indang 2009 3rd Runner Up KEANNE MERVYN CRYSTAL of Brgy. Calumpang Lejos, Indang, Cavite. God bless you & we love you. Greetings from Rex Del Rosario & Responde Cavite. oOo Happy reading to IZELLA MARGARITA L. DEL MUNDO of Indang, Cavite. Greetings from Rex Del Rosario. Belated happy birthday Jason “KIDD” Salvacion last July 09, 2010. Mula sa iyong mahal na asawa at Lebron at tropang bote, ilang matador ba kaya mong ipalasa sa ‘min? Hehehe


10

HULYO 11 - 17, 2010

Bagong Pangulo, Administrasyon at Pilipinas

INDANG, CAVITE - Bago pa man ang eleksyon ay marami ng lumabas na alingasngas na hindi matutuloy ang halalan, na matuloy man ay magkakaroon ng malawak na dayaan, na magkakaroon ng failure of election, na may maproklama man ay hindi raw matutuloy ang panunumpa maging ang pagupo at kung ano-ano pa. Ngunit sa wakas nakahinga na rin ang sambayanang Pilipino ng makita natin ang makasaysayang pagbaba sa hagdanan ng Malacañang ng pekeng Pangulo na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay Congresswoman naman ng Pampanga (at least kahit papaano ay hindi na peke ang pagkapanalo niya ngayon, di ba hehehe). At nang isagawa na ang seremonya ng pagmamartsa ng huling pagpupugay bilang pamamaalam sa kasundaluhan sa harap ng Quirino Grandstand ay narinig natin ang malalakas na sigawan at palakpakan ng himig panunuya dahil sa tuwa ng sambayanan sapagkat nagwakas na nga ang 9 na taong rehimen na batbat ng katiwalian, korapsyon, pandaraya at kahirapan. Bagong Pangulo, bagong administrasyon. Sa dami ng lumusob na kapwa natin Pilipino sa pangunguna ng yellow army sa Rizal Park para saksihan ang makasaysayang panunumpa nina PNoy at VPBinay ay masasabi kong napakalaki ng ekspektasyon ng sambayanan sa administrasyong Noy-Bi. Ito ay nangangahulugan lamang na uhaw na uhaw talaga sa pagbabago ang sambayanang Pilipino kaya nararapat lamang na doble o triple pa ang pagkayod na pagsisilbi sa bayan ang gagawin nina Aquino at Binay hanggat hindi naaabot ang kakuntentuhan ng sambayanan sa gustong marating na pagbabago.

Datapwat isaisip din nating mga mamamayan na nararapat din tayong kumilos at makibahagi para makamit ang totoo, tunay at matagalang pagbabago. Sadyang magaganda, malalaman at makabuluhan ang mga binigkas sa talumpati ni PNoy, datapwat tandaan natin ang kasabihang “Action speaks louder than words” kaya aanhin natin ang mga pangako kung wala naman itong kalakip na aksyon, kilos at gawa. Kaya naman ang mata ng mga kapatid nating mamamahayag ay nakatutok sa 100 days ng pamumuno ng bagong halal na Pangulo. Samantala, isang Bayan Muna Partylist Leader ang napaslang sa katauhan ni Fernando Baldomero, nakakalungkot na sa pangarap nating pagbabago ay isa na agad na makabayang lider ang napaslang sa kabago-bagong upong Pangulo at talagang administrasyon, sana naman ay ito na nga ang talang pinakauna at huling mabibiktima ng paglabag sa karapatang pangtao sa gobyernong ito. Hangad ko rin na ang isang PNoy na mula sa angkan ng mga Cojuangco na kilalang mga asendero’t panginoong maylupa ay tumupad naman sana sa tunay na repor-

ma sa lupa para mabahaginan ng lupang sakahan ang mga kapatid nating magsasaka, magbubukid, at manggagawang bukid sa buong bansa lalo sa lugar ng mga Cojuangco sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Katwiran ng administrasyong Aquino ay nag-aadjust pa lamang ang kanyang administrasyon at gabinete kung kaya pagpasensiyahan na muna sila sa napakaagang pangit na pakikitungo ng ilan sa kanyang mga cabinet members sa ilang mga kapatid sa media na ang pakikitungo ay napipikon sila sa kakulitan at kritisimo naming mga mamamahayag. Naunang napikon at nagtaray si Presidential Spokesperson. Edwin Lacierda, sumunod si DepED Sec. Bro. Armin Luistro na nagwikang tayong mga media raw ay pampagulo lamang at walang naitutulong kundi ang makagulo lamang, ganoon. Pinaka-latest na ay ang pakikipagsagutan ni DFA Sec. Alberto Romulo na nabugnot ng kuwestiyunin ng kapatid sa propesyon na si Ellen Tordesillas kung bakit na extended ang pag-upo ng mga Filipino ambassadors & attaché na appointed ni Gng. Arroyo sa mga embahada at konsulado sa ibang bansa, ganoong

bago na ang Pangulo. Ang lahat ng ito ay hindi pagtuligsa, naibabahagi ko lang naman. Hindi naman natin binabatikos ang administrsayong Aquino, masyado pang maaga para sa bagay na iyan. May 100 days pa ang Pangulo para maipakita sa sambayanan na totoong ganap ang tinutungong pagbabago ng tinaguriang Bagong Pilipinas. Ako kasi kahit inaamin kong nagandahan at bumilib din ako sa talumpati ni PNoy e hindi ko itinatali agad na kampante na nga ako, sapagkat sa tulad nating makabayang mamamahayag ay mas tinitingnan natin ay ang aksyon, kilos at gawa sa pamamalakad at panunungkulan. Bale wala lamang ang salita kung ito ay hanggang doon na lamang, mas mainam at mas matimbang pa rin ang serbisyo. Kaya ang masasabi ko ay GOODLUCK President Benigno Simeon “NOYNOY” Cojuangco Aquino and Vice President Jejomar Cabauatan Binay… oopppssss CONGRATULATIONS na rin. Personal: Maligayang pagbabasa sa aking mga kasamahan sa aking bagong trabaho sa Provincial Information Office (PIO) sa Kapitolyo na sina

PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pangaraw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang magaaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.

Gina Pereña, Del Llacer, Ana Villariasa, Janice Del Mundo, Evelyn Diloy, Annamay Serrano, Amy Cabrera, Delia Monreal, Ester Tulabot, Rosalina Vinzon, Marina Destura, Rosalio Rodriguez, Lilia Bautista, Arnulfo Creencia, Nestor Soro, Victor Bibit, Paul Mark Ferranil, Leonel de Vega, George Santos, Augusto Gonzales, Emi Catcalin, Cecille Gonzaga, Joy D. Nazareno at sa aming maganda at mabait na

hepe na si Ma’am JoAnn Nazareno-Loyola na anak ng napakabait din na Naic Former Mayor Efren Nazareno na ngayon ay administrator sa Kapitolyo ng bagong administration ng Tapat sa Usapan at Tapat sa Bayan na mahusay na Gobernador Jonvic Remulla. Salamat po sa laging pag-aabang na bawat kopya ng Responde Cavite.

May isa pong nanalong konsehal sa Tanza na nakabuntis na kanyang pinalaglag kasi parehas po silang may asawa. Yung babae, alam ko, nasa abroad ang asawa nya. Ganyan na po ba kagarapal ang mukha ng mga pinuno natin ngayon? Hindi po ba dapat sila ang magpakita ng magandang halimbawa?—0921288>>>> oOo Sana po dagdagan nyo ang balita dito sa amin sa Naic. Napapansin ko po na halos sa 1st District na lang ang balita. Ty po and more power.— 0922715>>>>> oOo Dear Responde Cavite, Nasaan ang sinasabi niyong kayo ay Responsable? Bakit hindi ko mabasa ang mga “big event” ng Cavite City. Residente ako ng loob ng Cavite City kaya hinahanap ko iyon. Big event ng Indang nasa Responde, “Geriatric Center Opening” Big Event ng pag-upo ni Pres. Noy, nasa Responde, pati na panunumpa pa nila. Bakit ang Big Event natin sa loob mismo ng Cavite City, wala? Totoo ba, na kaya wala ay may nagbayad, para walang maisulat na anuman sa ating bagong Mayor? Pakisagot lang po... Dear Concerned Resident of Cavite City Dear Concerned Resident of Cavite City, Maraming salamat sa inyong sulat. Una po, ang Responde Cavite ay dyaryo ng buong Lalawigan ng Cavite at hindi Cavite City lang. Marami na pong isyu at malalaking pangyayari sa Cavite City ang na-cover ng Responde Cavite. Pakibisita po ang past issues namin sa www.respondecavite.com. Marami na pong nagtangkang manuhol sa amin. LAHAT sila ay binigo namin. Mula sa sugalan hanggang noong nakaraang eleksyon. Baka ibang dyaryo ang tinutukoy nyong tumatanggap ng lagay. Kung may kilala po kayong kahit sinong tagaResponde na tumatanggap, pakibanggit po kung sino, sa susunod na isyu ay nasa cover sya ng Responde na tinanggal ng pamunuan. Maraming salamat po sa malasakit nyo sa ating bayan at sa malinis na pamamahayag. EIC- Responde Cavite oOo We are very proud na may jaryong kagaya nyo na nakatutok at my malasakit sa Cavite. Dito sa California, maraming Caviteño. Lagi naming binibisita ang website ninyo. Sana po, ituloy nyo lang ang inyong marangal na pamamahayag. Salamat po, God Bless! Mrs. J. E. Paulino-de castro, Via email


HULYO 11 - 17, 2010

11

Si Pedro at ang Sisiw (Isa sa mga kwentong kasali sa “Tangway at Tagaytay” Antolohiyang pampanitikan ng mga batang manunulat na Caviteño) Ni Lester Dimaranan (Tanza, Cavite)

Lumaki at ipinanganak sa Tanza Cavite, si Lester Dimaranan ay nagsimulang magsulat ng mga kanta noong nasa sekondarya. Sumubok noong kolehiyo na magsulat ng maiikling kwento na nailathala naman sa Lumad, Paliparan, Shoreline, Muling Pagkabuhay, Perlas ng Silangan Balita at Liwayway. Isa sa mga Scriptwriters ng pelikulang Parolado ng Parole and Probation Administration. Siya’y kasalukuyang nagtatrabaho sa Provincial Information Office ng Cavite bilang Video Editor and Photographer. Kolumnista ng Responde Cavite. Butil-butil ang pawis sa hubad barong katawan ni Pedro sa kalalaro. Nagbakasali siyang dumungaw sa bintana at makita ang kanyang ina na may dalang pagkain. Pero bigo siya. Palubog na ang araw, nananatiling itlog na pula at kaning lamig na kinain kaninang umaga ang laman ng sikmura ng batang si Pedro. Nakatulugan na niya kagabi ang paghihintay sa kanyang ina. Ang bilin nito sa kanya’y wag lalabas ng bahay at hintayin ang kanyang

pagbalik. Masunuring anak ang musmos na si Pedro. Muling binuhol ni Pedro sa kanyang leeg ang manggas ng kanyang baro. Umikotikot sa kanilang maliit na bahay bitbit ang isang laruang espada na animoy isang super hero na naghahanap ng matutulungan. Hindi nagtagal ay muling napagod si Pedro. Dumungaw sa binta at nagbakasakali na darating na ang kanyang ina. Kumakalam na ang kanyang sikmura.

Walang laman ang kaldero at ubos na ang itlog na pula. Sa pagkakadungaw ay napako ang tingin ng batang si Pedro sa inahing manok at mga sisiw. Natuka ang mga ito sa lupa. Sa loob-loob ni Pedro ay wala naman siyang nakikitang bulate o anumang makakain nila sa tinutuka nila, maliban sa basura at putik na dala ng ulan kagabi. Nakahig ang inahing manok ng tatlong beses sa lupa, pagkakatapos nu’n ay una-unahan ang mga sisiw sa lupang

kinahig ng kanilang ina. Tumutuka kahit walang anumang nahuhukay dun. Binubusog si Pedro ng mga nakikita niya. Isa... Dalawa... Ammm... Tatlo.... Ammm.... Apat... Isa.... Dalawa... Tatlo.... pagbilang ni Pedro sa pitong inakay na kanyang tinitingnan. Masaya ang pamilyang manok na nakikita ni Pedro, pero hindi lumaon ng makita niyang lumalayo na ang inahin sa harap ng bintana nina Pedro. Nag-unaunahan ang mga sisiw sa paghabol sa kanilang inahin. May nadadapa’t sumasayad ang tuka sa lupa at meron din namang ilang mabibilis na animo’y nagkakarera. Pero ang isang yun, nakaagaw ng buong atensyon ni Pedro. Wala sa isip ng isang inakay, na naiwan na siya ng kanyang mga kapatid at inahin.

Patuloy pa rin yun sa masigasig na pagtuka sa pinagkahigan ng kanyang ina. Ilang segundo din ang nakalipas bago maramdaman ng inakay na yun na wala na ang mga kasama sa paligid. Luminga ito sa kaliwa at sa kanan pero walang bakas na naiwan ng mga nakaiwan sa kanya. “Diyan sa kaliwa!” Ang hindi napigilang sigaw ni Pedro sa sisiw na balisa. Nabulabog ang sisiw sa pagaakalang walang ibang nasa paligid. Napatakbo ito sa kaliwa. Pero hindi! Nahulog ito sa maliit na siwang ng kanal. Maging si Pedro ay nagulat sa pagkakahulog nung sisiw. Hindi napigilan ni Pedro ang sarili at agad lumaktaw sa bintana upang saklolohan ang sisiw. Nawala na sa isip ni Pedro ang kabilinbilinan ng kanyang ina na huwag lalabas ng bahay. Bitbit ang espadang laruan, nakatali ang baro sa leeg, para itong superhero na agad dumapa sa ibabaw ng kanal upang abutin ang sisiw na yun na nasiyap-siyap. Pero hindi niya maabot ang sisiw sa ilalim ng kanal. Masyadong maliit ang butas. Ginamit niya ang espadang laruan sa

hindi maabot paninging lalim na yun ng kanal, pero bigo pa rin si Pedro. Nagkapit na ang putik sa damit na nagmimistulang kapa kay Pedro sa kagugulong pero hindi niya talaga maabot ang sisiw, ng walang anoano ay dumapo ang humahagupit na palad sa puwitan ng nakadapang si Pedro. “Aray!” sigaw ni Pedro. Ang kanyang ina. Nanlilisik ang mga mata na tila kakahigin siya ng sipa at tadyak. Agad tumayo si Pedro at tumakbo sa loob ng bahay. Paikot-ikot siya sa sala na para bang naghahanap ng tataguan. Bitbit ang espadang laruan at barong tinali ang mga manggas sa leeg ay para itong super herong hinahabol ng masamang loob. Ang mga siyap ng sisiw sa labas ng bahay ay sinabayan ni Pedro ng mga iyak habang pinapalo ng kanyang ina. Ilang sandali, si Pedro, butil-butil ang pawis sa likod, nakadungaw sa bintana at bumubulong sa sumisiyap na sisiw, “Wag ka munang aalis diyan, hintayin mo lang ang iyong ina, babalik din siya,” habang hinihimas ang nananakit na puwet.


STAR toll magtataas ng singil MANILA – Nilinaw ng Toll Regulatory Board (TRB) na ipapatupad na ngayong Sabado ang 10% pagtataas ng singil sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Sinabi ni Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB, ang pagpigil sa pagtataas ay para lamang sa magtataas ng 250% sa South Luzon Expressway (SLEx). “Magsisimula sa July 10 (Sabado) ang pagtatataas. Hindi naman tumutol ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Vilma Santos-Recto nang ipaliwanag ng kinatawan ng Startoll ang basehan ng pagtataas.

Ipinaliwanag ni Corpuz na ang bahagyang pagtaas ng singil ay para sa proyektong pagpapabuti ng nasabing tollway sa ilalim ng Star Infrastructure Development Corp. (SIDC). “isinagawa ang pagaayso ng lansangan batay na rin sa kahilingan ng mga local na pamahalaan at ng Department of Public Works and Highways upang higit na makinabang ang mga mananakay at manlalakbay,” paliwanag ni Corpuz. Ang 42-kilometerong Apolinario Mabini Superhighway (formerly STAR) ay may apat na linya ma tumatago sa mga probinsya sa Southern Luzon tulad ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang nasabing highway ay idurugtong sa 97-km SLEx through an 8-km loop mula Calamba, Laguna hanggang Sto.Tomas, Batangas.

Magkaisa!: Panawagan ni Remulla IMUS, CAVITE —Nanawagan si Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla na magkaisa na at magsikap upang makamit ang kaunlaran sa mga lunsod at bayan ng nasabing lalawigan. Ito ang naging sentro ng mensahe ni Remulla sa mga mamamayan ng Probinsya matapos matanggap ang simbolo ng Cavite mula kay outgoing Governor Ireneo “Ayong” S. Maliksi na naganap sa Kapitolyo sa Trece Martires City. Ang pagsasalin ng simbolo ay tanda ng matahimik at maayos na pagsasalin ng kapangyarihan.

Nangako naman si Remulla na magtatrabaho nang husto upang ipagkaloob ang tamang sebisyo, kapayapaan, at kaayusan, kaunlaran at iba pang pangangailangan ng lalwigan. Itinuturing na ang Cavite ay isa sa pinakamataong lalawigan sa bansa na may 19 na bayan at apat na lunsod. Ilan sa itinuturing na suliranin ng lalawigan ay

kahirapan, krimen, droga, edukasyon at kalusugan. Si Remulla ang itinuturing na isa sa pinakabatang gobernador sa bansa sa gulang na 43. Anak ng dating Gobernador ng cavite na si Johnny Remulla na namuno sa lalawigan sa loob ng 14 na taon at kapatid ni 7th district Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Pinalitan ng tatlong terminong bise gobernador ng lalawigan ang 72 anyos na si Maliksi na nagtapos ang termino nitong ika-30 ng Hunyo. Si Maliksi naman ay ang kakaupong kinatawan ng lone district ng Imus. Pinasalamatan din ni Remulla si Maliksi na tinawag nyang “mentor at political ally,” para sa mabuti nitong pagganap bilang gobernador, mga nagawa sa lalawigan at iba pa. Tiniyak naman ni Maliksi sa kanyang pananalita na susuportahan nya ang pamumuno ni Remulla at pinasalamatan ang lalawigan sa pagsuporta sa kanyang panunungkulan. Pinamunuan naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Efren Echavia. Ang nasabing panunumpa samantalang sinaksihan ng mga bagong halal at dati nang halal na mga lider ng Lalawigan. ERWELL PEÑALBA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.