cavite_47

Page 1


2

HULYO 25 - 31, 2010

MAYNILAD: KAKAPUSAN NG TUBIG TATAGAL PA! MAAARING umabot hanggang sa Agosto ang pagkakapos ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite dahil nasa kritikal na lebel na ng tubig ang Angat Dam, ito ay ayon mismo sa Maynilad Water Services Inc. nitong nakaraang Lunes. Ayon kay chief operating officer Herbert Consunji, hindi nila nakikita ang maaaring pagbalik ng normal na sukat ng tubig sa Angat dam maliban na lamang kung uulan at siyang magtataas ng sukat ng tubig sa dam. Pinakiusapan ni Consunji ang kanilang mga konsyumer na magkaroon ng kaunti pang pasensya at pagtitiis. Inaasahan naman na kung patuloy

LRT sa Cavite, tuloy na! ITUTULOY na ang proyektong Light Rail Transit (LRT) na magdudugtong hanggang Bacoor, Cavite mula sa Baclaran, ito ay ayon mismo kay Department of Transportation and Communications (DOTC) under Secretary Jose “Ping” de Jesus sa isang panayam. Ang naturang proyekto ay isa sa mga magiging pangunahing proyekto ng DOTC. Ayon kay De Jesus, ang naturang proyekto ay magbibigay kaluwagan sa trapiko at kaginhawahan sa mga mamamayan ng Cavite. Ayon naman kay LRT Authority Administrator Melquiades Robles, hindi pa nila ganap na napag-uusapan ni De Jesus ang plano para sa naturang proyekto, ngunit kung masisimulan na ito kaagad ay aabot lamang sa apat na taon ang pagsasagawa ng pagdudugtong sa LRT bago tuluyang matapos. Ngunit itinuturing pa rin ang kakulangan sa pondo bilang pinakamalaking hadlang sa mabilisang pagsasagawa ng proyekto katulad din ng mga kinahaharap na problema ng ibang proyekto. JUN ISIDRO

ang pag-ulan ay babalik sa normal ang lebel ng tubig ng Angat dam. Mariin naman nitong itinanggi na walang water crisis sa Metro

Manila, dahil kontrolado pa ng kanilang kumpanya ang sitwasyon. Ayon naman kay Environment Secretary Ramon Paje, wala

5 empleyado ng Kapitolyo, pararangalan ni Gob. Remulla NAKATAKDANG parangalan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang limang empleyado ng Kapitolyo na unang pumasok o tumugon sa tawag ng kanilang trabaho noong kasagsagan ng bagyong ‘Basyang’. Ayon kay Remulla, dakong 4:00 n.u. nang gisingin siya ng kanyang maybahay at sabihing halos matanggal na ang bubungan ng kanilang bahay sa lakas ng bayo ng hangin. At sa halip na harapin ang sariling bahay ay agad na

GOVERNOR REMULLA

nagtungo sa Kapitolyo ang gobernador upang alamin ang kalagayan ng lalawigan. Ayon sa gobernador, dakong 5:00 ng umaga nang makarating siya sa kapitolyo at naupo sa bungad ng lobby, tanging siya at dalawang naka-duty na CSU ang nandoon. “Bawat department head ay may nakatalagang mga sasakyan na halos milyong piso ang halaga,” ani ni Remulla sa ginanap na flag ceremony sa Capitol ground. “Kaya wala tayong dahilan upang hindi tayo makarating sa kapitolyo sa mga oras na dapat ay inaasahan tayo ng taong-bayan.” Dahil sa pangyayaring ito, sinabi ng gobernador na bibigyan ng parangal ang limang empleyado na naunang pumasok sa Kapitolyo upang tugunan ang pangangailangan ng taumbayan. WILLY GENERAGA

NI ERWELL PEÑALBA talagang krisis sa tubig ang Metro Manila dahil Maynilad lamang ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Ayon naman sa weather bureau, maaaring sa huling linggo pa ng Agosto o sa Setyembre pa magiging sapat ang ulan na magbabalik sa normal na lebel ng tubig ng Angat dam. Ayon pa kay Consunji, hindi rin nakatulong ang bagyong Caloy upang maiangat ang lebel ng tubig sa Angat. Ngayon ay nasa 173 meters ang sukat ng tubig sa dam, mas mababa kesa huling tala noong 1992 na nasa 180 meters.

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


HULYO 25 - 31, 2010

3

Pagsasaayos ng Governor’s Drive, kinukwestyon CARMONA, CAVITE – Inalmahan ng ‘group monitoring road projects’ ang ginagawang daan sa Governor’s Drive, isang national road na nagbibigay daan sa dalawang bayan at lungsod ng Cavite. Tanong ng naturang grupo, “Bakit kailangang ayusin ang kalsadang wala namang sira?” Ayon sa naturang grupo, Citizens Infrastructure Integrity Watchdog (InfraWatch), isang

bagong buong nongovernment organization na pinangungunahan ni Ricardo Ramos at nagsisilbing mata sa inprastrakturang proyekto, maaaring ginagawang dahilan

lamang ito ng mga namumuno upang makamkam ang kaban ng bayan. Pinakiusapan ng naturang grupo si Public Works Secretary Rogelio Singson, na nanumpang

GM Wesley So, umaarangkada! HINDI man pinalad si Grandmaster (GM) Wesley So, isang Caviteño, na manalo kay GM Maxime VachierLagrave, tabla naman ang naging katapusan ng kanilang laro sa 43rd

Biel International Chess Festival Young Grandmasters tournament sa Biel, Switzerland. Isang malaking hamon para kay GM Maxime Vachier-Lagrave, isang Pranses, na

Nakialam sa linya ng Meralco, patay! NAMATAY matapos makuryente ang tricycle driver na si Danilo Painitan de Lara, 37, may asawa’t tatlong anak ng 1115 Julian Felipe Blvd., Cavite City bandang alas-4 ng hapon nang tangkain di umano ng biktima na pakialaman ang isang high tension wire sa tapat ng isang abandonadong gusali ilang metro sa tapat ng tirahan ni de Lara. Ayon sa ilang nakasaksi, nang hapong nabanggit, nasa bubong ng nasabing gusali ang biktima at may kinakalikot na high tension wire ng Meralco nang bigla na

lang itong bumagsak. Humingi ng tulong ang saksi sa mga construction worker na nagtatrabaho sa lansangang ginagawa sa tapat ng pinangyarihan ng insidente at dinala sa bahay ng mga magulang nito ilang metro sa kinabagsakan upang itakbo sana sa pinakamalapit na ospital ngunit binawian na ng buhay ang biktima. May lapnos sa dibdib at ilang bahagi ng katawan ang biktima na ayon sa ilang nakasaksi ay pagputok ng dugo dahil sa dumaloy na kuryente sa biktima. OBET CATALAN

(GM) WESLEY SO talunin ang ipinagmamalaki ng Cavite na si So na nasa 16 taonggulang lamang at tubong Bacoor. Kasalukuyang maganda ang ipinapakita ng Caviteñong GM na may 1.5 puntos. Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni So ang kanyang magiging susunod na laban. Isang karangalan naman para sa mga kababayan niya ang ipinapakitang kagalingan ni So sa larangan ng chess. NADIA DELA CRUZ

ISTORYA NI SHELLA SALUD magpapalaganap ng adbokasyang pagtatanggal ng kurapsyon sa mga public works, na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang proyekto . Ang naturang kalsada ay may sukat na apat na kilometro, na nagbibigay daan sa Carmona, General Mariano Alvarez at Dasmariñas City. Ayon sa pahayag ng InfraWatch, lumalabas na pag-aaksaya lamang ng public fund ang pagsasaayos ng isa sa apat na lane ng Governor’s Drive dahil wala naman itong sira. Dagdag pa ng grupo,

lumalabas na sisirain lamang nila ang daan upang gawin ulit. Ayon kay Ramos, kataka-taka din na walang engineer na naka-assigned sa proyekto at wala ring mga harang o paalala na siyang magbibigay ng babala sa mga motorista patungkol sa isinasagawang daan. Maging ang plakang nagpapahayag patungkol sa proyekto at kung magkano ito ay hindi rin matataguan sa mismong lugar, kung saan ay dapat ay nakapaskil. Kahit maging si Cavite Governor Jonvic

Remulla ay nagsabing nasa ayos pa naman ang naturang kalsada. Ang naturang proyekto ay hawak ng Langit Construction sa ilalim ng proyekto ng pamahalaang Arroyo, ayon kay Ramos. Isa din sa mga trabahador sa kalsada ang nagtataka kung bakit nga dapat ayusin ang kalsadang wala namang sira. Pahabol pa ni Ramos, maaaring umabot sa P50 million ang maaaksayang kaban ng bayan, na siyang hindi magandang pasimula sa administrasyong Aquino.


HULYO 25 - 31, 2010

4

SA SARILI SINIMULAN NI MAYOR(?) MEDINA ANG PAGBABAGO!

ILANG linggo pa lamang nanunungkulan si dating Piskal Ezon Medina ay marami na agad itong nagawa sa lunsod ng Cavite. Maraming kaalyado ng dating administrasyon ang nag-pledge allegiance na sa kanya. Lalo na sa mga empleyado ng city hall. Sa kanyang iilang linggo pa lamang na panunungkulan ay marami ng pinagbago sa takbo ng siyudad. Maraming nanibago siyempre, bago din naman kasi ang alkalde. Marami din ang nagpasalamat sa mga biyayang pinamudmod nito, lalo na ang tig-iisang kilong bigas kada-pamilya na ipinamigay sa mga nasalanta ng bagyo sa Badjao, limang araw pa ang nakaraan matapos manalasa si 'Basyang' at makapagdeklara ng state of calamity. Pero may sumunod pa naman na 12-kaban

ng bigas ng pinamudmod din sa nasabing barangay na ipinagkaloob umano ng City Social Welfare. Twelve times fifty divided by kung ilan equals kung tag-ilang gatang din ang mga taga-Badjao. Totoo at ramdam na ramdam at kitang-kita ng iba na sa loob lamang ng iilang linggo ay tila malaki ang inasenso ng siyudad. Marami ng pampasuweldo sa mga empleyado. Marami na rin kasi ang nadagadag sa mga empleyado. Pangarap ni Medina na maging ala-Makati o Rosario, Cavite ang lunsod. At tama rin naman ang kanyang panuntunan na kung gusto mo ng pagbabago ay magsimula ka sa iyong sarili. Kaya ginawa n'ya agad ang pagpapaunlad. IIhi lang daw si Medina sa banyo na kanugnog ng kanyang tanggapan ay dalawa na agad ang nakasunod at nakabantay na bodyguard. At hindi pa iyon, apat daw ang drayber nito na siyang nagpapalit-palitan bente kuwatro oras. Aba! Talagang malaki na mga inaasenso! Mabuhay ang alkalde ng Lunsod! --Dating piskal Ezon Medina!!!

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

ULAT SA BAYAN AT LANGIS NG BAYAN ULAT SA BAYAN Si Mayor Nonong at ang Cavite City Saludo tayo kay mayor Nonong Ricafrente. Kahit isang dambuhalang korporasyon ang Petron, hindi sya nagdalawang isip na harapin ito at papanagutin sa nangyaring oilspill sa Rosario, Cavite sanhi ng pagkakabutas ng isang submarine pipe. Hindi nangiming kampihan at unahin ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda lalong lalo na sa pagkasira ng mga bahura (coral reef)... dito kasi sa Cavite City, magkaletse-letse na ang mga mamamayan, mauna lang ang kapristuhan ng mga tastarudong diktador sa pamamahala dahil lamang sa malaki ang naging kontribusyon nila sa nagdaang eleksyon. Pwe! oOo ABALA SI MAYOR Kung sa darating na Hulyo 26, 2010 ay tatanungin ang mga halal na pinuno kung ano ang kanilang iuulat sa bayan, baka ganito ang kanilang sabihin: 1. Abala pa ako sa paglalagay ng mga taong ipinalalagay sa akin ng mga gambling lord, drug lord at king maker na nagbigay ng malaking kontribusyon sa aking kampanya 2. Abala pa ako sa pagtatanggal ng mga bataan ng pinalitan ko

3. Abala pa ako sa pakikipag-meeting sa mga naging financier ko noong nakaraang eleksyon sa mga proyektong dapat kong ibigay sa kanila tulad ng basura, public works, job order at iba pa 4. Abala pa ako sa pagsusuma kung magkano ang nagastos ko, nagastos ng contributors ko at paano ko ito babawiin sa susunod na tatlong taon 5.Abala pa ako kung sino-sino ang patatakbuhin ko ngayong barangay elections 6.Abala pa ako sa panliligaw sa konseho na mapasagot ko sila sa aking mga proyekto 7.Abala pa ako sa pagtatago sa mga botanteng pinangakuan ko ng langit at lupa noong nakaraang eleksyon 8. Abala pa ako sa paghahanp ng mga media na bayaran at umiwas sa mga media na di nababayaran Ito po kaya ang iuulat sa bayan ng mga pinili nating lider? Wag po kayong mag-alala, sa susunod na eleksyon, mangangako uli sila sa atin. Kaya’t dapat pa rin natin silang iboto. oOo Naimbitahan tayo ng Graphic magazine para magbigay ng kumento sa SONA ni P-Noy sa darating na Hulyo 26. Abangan!

AT YOUR SERVICE… MULI akong bumabalik sa Academy of St. John noong July 17, 2010, upang ituloy ang aking lecture sa Campus Journalism. Tinatalakay ko ang Editorial Writing, Copyreading / Headline Writing at Feature Writing. Kasunod ng bawat paksa ay may write-shop at critic / evaluation upang malaman ko kung hanggang saan ang kanilang natutunan. Di pa rin nagbago ang bilang ng mga participants; gayundin ang level ng interes sa pagkatuto. Kung kaya't lalo kong pinagbutihan ang aking pagbabahagi ng kaalaman sa larangang ito. Di ko rin pinagdamot ang mga secret formula upang madali nilang maisulat ang nais ipahayag ng kanilang mga puso. Kaysarap ng aking pakiramdam sa aking pagbabalik sa school na iyon. Isang kakaibang karanasan na kayhirap kalimutan; lalo't ang kapalit ay ang mayamang pagkatuto ng mga estudyanteng naghahangad ng karunungan ukol sa pamamahayag. May isang araw pa ng linggo ang natitira sa talakayang ito. At inaasahan kong mas higit na makulay ang kahihinatnan nito. Hanggang sa susunod na isyu. oOo Nakatutuwang isipin at patuloy ang pagbabahagi ng mga suking mambabasa sa kani-kanilang karanasan.Malaya nila kasing naipapahayag ang mga nasa puso nila na nais ipabatid sa masang Pinoy. Tulad nitong dalawang outof-school youths galing sa bayan ng Bacoor at

Rosario. Tawagin nating Joy at Rojin ang mga ito. Matagal-tagal na rin silang napatigil sa pagaaral. Marami na raw nangyari sa kanilang buhay. Pareho sila beinte-singko anyos ngayon at parang walang direksyon pa rin ang kanilang tinatahak. Nasasayang na nag mga panahon at pagkakataong dumaraan sa kanila. Kaya't naisipan nilang pumunta sa akin upang humingi ng tulong upang maipasok ko sila sa ALS (Alternative Learning System). Tamang-tama naman ang pagkakaayon ng sitwasyon; aking napag-alaman mula sa isang reliable source from DepEd BALS na extended pa ang Registration tungkol dito hanggang July 30, 2010; pati petsa ng aktwal n A and E test ay naging October 16, 2010 na po sa halip na August 15. O, hayan, Sa mga interesado ukol sa programang ito, magandang oportunidad muli ang naging desisyon ng mga kinauukulan dito. Huwag nang sayangin ang oras; pumunta na agad upang magpa-register para maisama na kayo sa listahan ng mga examinees. Para sa inyong dalawang kaibigan ko, heto na ang sagot sa problema ninyo. Kilos at bigyang katuparan ang inyong hangad na pagbabago. Hihintayin ko ang anumang resulta ng inyong pagbabakasakali sa pagbabagong buhay… Narito lang po ang inyong lingkod…


HULYO 25 - 31, 2010

5

Bukas na Liham kay Mayor Ohmee Ramos Kay Kgg. Romeo ‘Ohmee’ Ramos Mayor Cavite City Mahal na Mayor Ramos, Sumainyo po ang kapayapaan ng Panginoon! Kami po ay ilan lamang sa masugid nyong tagasuporta simula pa lang po sa pagtakbo nyo sa konseho, sa pagka-Board Member, ViceMayor at nitong nakaraang eleksyon sa pagka-Mayor. Buong puso po kaming sumuporta sa inyo dahil naniniwala kami sa inyong simulain at hangaring mabago ang Cavite City. Kami po ay nakikinig sa inyong sumbong sa amin kung paano kayo ginipit ng mga nakaraang administrasyon dahil wala kayong pera’t kapangyarihan. Sinuportahan po namin kayo at ipinaglaban sa inyong mga laban. Ginawa po namin ito nang walang hinihintay na kapalit kundi para sa kinabukasan ng ating lunsod. Ngunit nalulungkot po kami sa mga nababalitaan at naoobserbahan namin sa ngayon dahil marami na po ang nakakapuna na iba na po ang nangyayari sa city hall. Yung mga dati nyo pong tapat na kasama na sumama sa inyo sa hirap at ginhawa, sa balita po namin ay tinanggal na. Pati rin po yung mga malalapit nyong kaibigan at supporters na dati rati ay nakakarek-

ta sa inyo, bakit ngayon po kung sino-sino po ang dinadaanan nila at kadalasan ay ang mga taong ito ang nagdedesisyon para sa inyo? At ang ikinalulungkot po namin sa lahat, ang inaasahan po namin na mas personal na serbisyo mula sa hinalal naming mayor ay kay Fiscal Medina na po kami nakikipag-ugnayan (sa dati po kasing Mayor, sya po mismo ang kausap ng mga Caviteño at hindi ang city administrator). Karamihan po sa mga nasa City hall ay mga tao ni Fiscal Medina at naisantabi po ang mga matagal nyo nang tagasuporta. Mahal na Ohmee Ramos, kayo po ang inihalal naming mayor at hindi po si Fiscal Medina. Kung gusto po nyang maging Mayor, sana po tumakbo na lang po sya uli nitong nakaraang eleksyon, kung mananalo sya. Balak nya po bang tumakbo uli sa susunod na eleksyon kaya gusto po nya, lahat ng tao, naghahanap ng trabaho, proyekto at anumang may kaugnayan sa Cavite City ay sa kanya dadaan? Alam po namin na sya ang City Administrator. Taga-administer lang po sya ng Cavite City. Hindi po dapat ang nagpapatakbo. Wala po kaming personal na galit kay Fiscal Medina. Gusto lang po namin ng makatwiran at maayos na pamamalakad ng Cavite City. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Panginoon. Gumagalang, Concerned Citizens of Cavite City

Hello po! Wish ko lang po sana magkaroon ng column sa RESPONDE tungkol sa mga hinaing at problema ng mga taga-Cavite. Thanks. Carina of Tanza, Cavite 0909320>>>> oOo Gud pm po. Pwede po ba akong magbenta ng responde dito sa Silang, Cavite? Dami po kasi naghahanap pero konti lang po ang tinda. Ty po. Mercy of Silang 0927845>>>> oOo Gandang am po. Sana po magkaroon kayo ng kolum para sa mga driver dito sa Cavite tulad sa Remate. Maraming salamat po. Ka Erning, Tanz, cavite 0923566>>>> oOo Hello po sa lahat ng pasaway na Olweys Puyzatz sa Noveleta, Cavite lalong lalo na sa aming muse na c Che-che... sana sagutin mo na ako. 0918239>>>>


6

HULYO 25 - 31, 2010

Langis sa Tubig

BANTA NG OIL SPILL

SA KABUHAYAN AT KALIKASAN

Ang langis na kumalat sa karagatan ng Rosario, Cavite LABI NI BASYANG SA KALIKASAN Rosario, CaviteHindi lang mga putol na kawad ng kuryente’t telepono, gumuhong lupa, natumba o nabaling poste ng Meralco at telepono, nawasak na bahay at paaralan, nabunot na puno’t napinsalang taniman ang iniwang bakas ng Bagyong Basyang nitong nakaraang linggo kundi may isa pang nakapangwawasak ng kabuhayan at kalikasan, at ito ay ang pagkabutas ng submarine pipe ng Petron na di umano ay dahil sa pagkakagasgas ng anchor o angkla buhat sa isang barkong tinangay sa lakas ng hangin dulot ng nasabing bagyo. Ginulantang ang mga mamamayan at opisyal ng bayan ng Rosario, Cavite nang magising sila na may langis na nakakalat sa kanilang karagatan. Agad na nakipag-ugnayan ang Pamaalaang Pambayan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ni Mayor Nonong Ricafrente sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coastguard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung paano agarang matutugunan ang nasabing insidente. Kaugnay nito, ipinagutos ni Mayor Nonong Ricafrente ang agarang operasyon ng Petron hangga’t hindi pa lubusang napipigilan ang pagtagas ng langis.

600 ARITIFICAL CORRAL REEF, APEKTADO SA OIL SPILL SA ROSARIO Naisaayos na ang nasirang pipeline ng Petron sa ilalim ng dalampasigan ng bayan ng Rosario kamakailan, ayon mismo sa Petron Corp. Ito ay matapos na madiskubreng may tumamang angkla ng bangka sa sinasabing pipeline na hinihinalang nangyari noong kasagsaggan ng bagyong Basyang Nagdulot din ng pangamba ang naturang oil spill sa mga mamamayan ng nasabing bayan, na karamihan ay ang ikinabubuhay ang pangingisda. ‘Di umano’y nitong mga nakaraang linggo ay walang mahuling isda ang mga ito. Ayon sa mga mangingisda, itinataboy ng langis ang mga isda, kaya naman wala na silang mahuli. Nagdulot din ito ng pangamba sa butihing ama ng bayan, Mayor

Nonong Ricafrente, na siyang nagbibigay halaga at nangangalaga sa mga coral reef ng Rosario. Kilala rin ang Rosario na isa sa mga bayan na nangangalaga sa mga coral reef at naglalagay ng mga artificial reef, na sa ngayon ay umabot na sa bilang na 600 at siyang nagbibigay tahanan sa mga isda. At ngayon nga ay natakpan na ng Petron ang butas sa kanilang underwater pipeline at naalis na ang halos apat na drum ng langis sa dalampasigan at nagpapatuloy pa. Ngunit ayon kay Mayor Ricafrente, hindi sapat na tapalan o selyuhan lamang ng Petron ang sira ng kanilang pipeline, dapat ay palitan na ang kanilang tubo dahil ayon di umano sa nakuhang underwater footages ng kanilang munisipalidad ay luma na at marami ng gasgas ang naturang pipeline. Ayon kay Ricafrente, ito ay upang maiwasan na din ang pagkaulit ng naturang trahedya. Di umano’y nagdulot ng panandaliang pagkalugi sa kalakaran ng pangingisda ang kanilang bayan. Maraming tao ang hindi bumili ng mga isda. Bukod pa dito, itinataboy din ng langis sa dagat ang mga isda, dahilan upang mahirapan sa pangingisda ang mga mangingisda. Kaya naman hiniling din ng mayor na magkaroon ng long-term solution ang Petron sa mga ganitong klase ng aksi-

NG RESPONDE CAVITE REPORTORIAL TEAM dente, dahil hindi malabo na maulit ang ganitong pangyayari, hindi lamang sa Rosario, ngunit sa iba ding mga lugar. IMBESTIGASYON NG KAPITOLYO Samantala, hiniling ni Cavite 1 st District Board Member Dino Chua sa Sangguniang Panlalawi-

tugunan ang kahilingan ni Chua at sinabing magsasagawa ng imbestigasyon ang kanilang komite sa lalong madaling panahon. Kaugnay nito, sinabi ni Rosario Vice Mayor Jose Rozel ‘Jhing-jhing Hernandez na pinasasalamatan nila ang

Ang aktwal na paglalagay ng boya at pagbabantay upang maagapan ang pagkalat ng langis gan na magsagawa ng imbestigasyon ang committee on environment sa naganap na oil spill sa bayan ng Rosario at bigyan ng kaukulang ayuda o suporta ang lokal na pamahalaan sa anumang hakbangin nito. Agad namang kinatigan ni Cavite Vice Gov. Recto Cantimbuhan ang kahilingan ni Chua at agad itong ini-refer sa Commitee on Environment na pinamumunuan ni Board Member Aileen Bencito. Agad din namang nangako si Bencito na tu-

Ang pagsasanib-pwersa ng Rosario, Cavite Divers at Coral Reef Watchers

pagmamagandang loob ni Chua sa kanilang bayan. “We appreciate the moved of Board Member Dino Chua,” sabi ni Hernandez “And the local government through the leadership of our chief executive Mayor Jose ‘Nonong’ Ricafrente who is known for being pro poor and devoted to the environment are taking all the necessary steps to alight the burden of our marginalized sector which is the fishers’ folk. And we have carefully study what legal actions we’ll

take against Petron.” Sinabi pa ni Hernandez na personal din sa kanilang nakikipag-ugnayan si Cavite Gobernor Jonvic Remulla upang alamin ang status ng nasabing oilspill. HALAGA NG PINSALA Ipinahayag ni OIC ng Coral Reef Watcher na si Bgy. Capt. Albert Fuentes, mahalaga ang coral reef sa kabuhayan ng mga mangingisda kaya’t walang bayad nilang ipinagkakaloob ang kanilang serbisyo upang mabantayan ang natural at man-made coral reef. Sinabi rin ni Nestor Llanosa, ang nakadiskubre ng butas at umaabot sa isang litro bawat sigundo ang binubuga, na kung di naagapan ang nasabing oil spill, malamang ay mas malaking pinsala ang maihahatid nito. Tinatayang aabot na sa P3.6 milyong piso ang napinsala sa mismong pagkakagawa pa lang ng artificial coral reef, hindi pa kasama doon ang labor at bayad sa mga consultant, ngunit hindi pa matiyak sa ngayon ang halaga ng epekto nito kabuhayan ng mga mamamayan ng Rosario partikular sa sector ng mga maliliit na mangingisda. Ngunit ayon kay Mayor Ricarfrente, ang pagkasira ng kanilang artificial at natural coral reef na ngsisilbing paitlugan at tahanan ng mga isda ay walang katumbas na halaga, dahil ayon kay Ricarfrente, hindi kayang tumbasan ng halaga ang pagkasira ng kalikasan. Sa kasalukyan, hindi pa alam ang pangmatagalang epekto ng nasabing oil spill sa nasabing bayan.



8

HULYO 25 - 31, 2010

Ang Kabayanihan at Kabanalan, Bow! HOROSCOPE

Ang Kabayanihan daw ay Kabanalan. Pero mahirap maging bayani nang buhay ka pa. Lalo na sigurong maging banal. Yung mga bayani, namatay para sa bayan. Hindi pagpapakamatay ang tawag dito, pagpapakabayani. Kapag tinapos kasi ng isang tao ang kanyang buhay at walang ibang nakinabang, pagpapakamatay ang tawag doon. Pero kung mamamatay para sa ibang tao, o sa bayan… bayani ang tawag doon. Kapag namatay ka para sa relihiyon, martir ang tawag doon. Kapag gusto mong

maging bayani at gusto mo pa ring magpakamatay, pwedeng pwede. Hindi lalabas na ikaw ang pumatay sa sarili mo. Pero nagpakamatay ka na rin. Halimbawa, bulabugin mo ang bahay ng sikat na drug lord at gambling lord sa inyong lugar. Lalong-lalo na yung politiko, opisyales ng pulis o military na corrupt. Isigaw mo sa gate ng kanilang bahay ang mga katarantaduhan nilang ginagawa sa lugar nyo. Batuhin mo at piliting makapasok. Pero para mas maganda, may suot kang placard na ang nakasulat ay ganito: “Buhay ko’y Ibinuwis, Para Lipunan’y Luminis”. Makikilala ka pa rin naman kahit na tatlumpung bala ng M16, kalibre 45 at 9mm ang tumagos sa katawan mo. Malamang na magkaroon pa ng senate inquiry o special investigation ang congress dahil sa

kabayanihan mo. O kaya, punta ka sa Quiapo, sa may Hidalgo. Dun sa bandang dulo. Sa depot ng mga pirated DVD at VCD na hindi mapasok-pasok ng mga inutil na otoridad, bigla kang mantaob ng paninda at sabihing, “Putang inang nyong lahat, ha? Mga magnanakaw kayo ng talino” habang tinatapaktapakan mo ang kanilang panindang DVD at VCD… huminga ng malalim at pumikit. Kapag gusto mong maging bida at gusto mo pa ring magpakamatay, pwedeng-pwede. Hindi lalabas na ikaw ang pumatay sa sarili mo. Pero nagpakamatay ka na rin. Halimbawa, pasukin mo ang isang bangko at manghostage ka ng mga customer at teller. Dala ka ng props tulad ng baril at granada. Tapos, magdemand ka ng ganito: Sampung

milyong piso na nakabundle na tig-isandaang libo. Tapos magpapila ka ng mga pulubi, lumpo, nakatira sa kalsada, puta etc., tapos aabutan mo ng tigiisandaang libong piso. At tigi-tigisang cellfone para matawagan mo sila (kung babawiin ng mga pulis ang pera at kung alam nilang gumamit ng celfone). Siguro after ng buong maghapon, saka ka lumabas na dala ang props na granada at baril. Nakaakbay ka sa pinadalang negosyador ng pulis. Tapos bitawan mo na yung mga props mo. Kaway ng kaunti sa kamera at press. Presto. Bidang bida ka. Medyo masagwa nga lang ang bangkay mo. Kasi baka wala ng matirhang balat sa tama ng bala ng SWAT. Robinhood. Tangna, astig! Ano pa ang hinihintay ng mga banal at bayani? Try this at home.

May mga bagay na hindi mapagkasunduan

Binibining Bebang, Ang problema po namin ay may mga bagaybagay kaming hindi mapagkasunduan. Halimbawa, sa pagkain. Normal lang ba iyon sa magkarelasyon? Vim-vim ng Evangelista St., Talaba III, Bacoor, Cavite Mahal kong Vim-vim, Normal na normal. Dalawang tao kayo, di ba? At bawat tao ay unique. Kanya-kanyang trip, kanya-kanyang bad trip. Ang maganda sa pakikipagrelasyon ay natututuhan at natutuklasan mo ang ilang bagay tungkol sa iyong sarili. Halimbawa, kung gaano kahaba ang pasensiya mo. Inis na inis ka sa mga pakikay noon, noong wala ka pang girlfriend. Tapos pala ito palang girlfriend mo ay may nakatagong kakikayan sa katawan. Inis na inis ka na

sa inaakting niya minsan pero dahil mahal mo siya, napagpapasensiyahan mo siya. O, e, di matutuklasan mo ngayon na mapagpapasensiyahan mo naman pala ang mga babaeng pakikay? Di ba? Na puwede mo naman palang ma-stretch nang konti ang iyong patience sa mga taong ganito dahil may pagkakatulad lang naman sila sa GF mo? Eto na lang ang gawin: kapag hindi kayo magkasundo sa isang bagay, mag-usap kayo. Kahit gaano pa kaliit iyan, halimbawa, nagtatalo kayo kung paano ninyo huhulihin ang langaw na nakapatong sa lunch ninyong tahong. Sa 'yo, pa-

lad. Sa kanya, chopstick. Aba, pag-usapan ninyo. 'Wag paliparin este palampasin ang pagkakataon. Magpaliwanagan kayo sa isa't isa. Ngayon, kung talagang hindi mo siya mapapunta sa side mo, at hindi ka niya mapapunta sa side niya, 'wag malungkot. Hayaan mo na lang siya sa gusto niya. Sabihin mo sa kanyang hayaan ka na lang sa gusto mo. Tapos ibaon na ninyo sa limot ang isyung iyon. Move on. Makakasagabal lang iyan sa relasyon ninyo kapag: 1. inungkat ninyo 'yan sa future ninyong mga pagtatalo

2. inihalo ninyo iyan sa iba pang isyu Good luck, Vimvim, sa iyo at sa iyong minamahal. Bawas-bawasan na ang away. MLNW= make love not war (wink...wink...) Ako pa rin, Binibining Bebang Kung may suliranin ukol sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, magemail lamang sa beverlysiy@gmail.com. oOo Para sa panitikan, para sa bayan 0919-3175708 begin_of_the_skype_ highlighting 0919-3175708 end_of_the_skype_ highlighting bebang_ej@yahoo.com

NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19)= Walang makakapagsabi kung ano ang kahihitnatnan ng plano mo. Kung palagay ang loob mo ay sumige ka, huwag mo munang gawin. Lucky days/nos./ color=Wednesday/Friday=7-22-26-38-40-42=yellow AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)= Kailangang gawin mong pribado ang ilang bahagi ng iyong buhay. Sa ngayon ay isa kang bukas na aklat para sa lahat. Oo nga't napapansin ka ng mga mabubuting tao, dapat ay alam mong napapansin ka din ng mga masasamang elemento ng lipunan. Lucky days/nos./color=Monday/Wednesday=1-10-15-3538-44=red PISCES (Pebrero 19 - Marso 20)= Kung naguguluhan ka. Ilayo mo sandali ang sarili mo at pagaralan ano ang pwedeng solusyon. Minsan ay tila napakalaki ng problema pero pa sinipat mong mabuti, napakaliit lang pala. Lucky days/nos./ color=Tuesday/Thursday=2-8-27-37-39-45=purple ARIES (Marso 21 - Abril 19) = Alam mo kung ano ang tama kaya huwag kang magpadala sa impluwensya ng ibang tao. May mga pangyayari na hindi mo inanasahan subalit dumating sa buhay mo. Gawin mong leksyon ang mga karanasang iyon. Lucky days/nos./color=Saturday/Sunday=15-19-2139-41-47=green TAURUS (Abril 20 - Mayo 20)= Bwenas ka sa trabaho at sa negosyo ngayong Agosto hindi mo man asikasuhin ay darating at darating ang swerte sa'yo. Samantalahin mo ito. Mag-isp ka ng negosyo bago matapos ang buwan na ito. Lucky days/nos./ color=Tuesday/Wednesday=3-8-15-24-29-30=blue GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21)= May darating na magandang kapalaran sa iyo. Maaaring karagdagang pera o regalo. Magpasalamat sa dumarating na grasya dahil ang ibang tao ay nagdarahop. Lucky days/nos./color=1-9-18-27-29-42=lavender CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22)= Wag kang matakot. Lagi kang magpakatatag! Kahit kailan sa anumang bahagi ng iyong buhay ang langit ay mananatiling iyong kaagapay! Lucky days/nos./color= Friday/Saturday=6-14-20-21-37-44=violet LEO (Hulyo 23 - Agosto 22)= May isang nakahanda na gustong-gusto nya na siya ay ituring mo bilang iyong inspirasyon sa buhay! Huwag na magalinlangan pa! Ang kumbinasyon ninyo ay sapat upang kayo ay yumaman. Lucky days/nos./color= Thursday/Sunday=1-7-10-26-39-45=cream VIRGO ( Agosto 23 - Setyembre 23)= Kailangang malamam mo na ang iyong mga swete ay na sa mga tila imposible o mahirap mangyari. Ibig sahin, piliin mo ang mga di kapani-paniwalang pormula ng tagumpay. Lucky days /nos. / color= Monday/ Wednesday=8-11-16-30-37-42=black LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23)=Mapapalagay ka lamang kung harapin mo siyang makikita. Nais mong malaman kung maayos at mabuti ang kalagayan niya. Lucky days/nos./color=Wednesday/ Friday=2-4-19-23-40-46=purple SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22)= Magaan ang dating ng pera sa iyo sa kabuuan ng darating na buwan na ito. Kaya lang baka may iskandalo na madadamay ang pangalan mo. Mag-ingat sa mga taong makakasama.Lucky days/nos./color= Friday/Sunday=3-6-21-25-35-39=lavander SAGITARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21)= Muli, ang susi na iyong magandang araw ay ang pagkakaroon ng mahaba at malawak na pang-unawa! Samantala ang mabilis na pagkainis ay pintuang nabukas sa kalungkutan! Lucky days/nos./ color=Monday/Sunday=7-17-29-39-42=white


HULYO 25 - 31, 2010

SAMU’T-SARI IMPEACHMENTIsinampa nitong nakaraang Huwebes, July 22, 2010 sa ikalawang pagkakataon ang impeachment complaint kay Ombudsman Merceditas Gutierrez nina Congw.Risa HontiverosBaracquiel ng AKBAYAN at B/Gen.Danilo Lim ng MAGDALO. Matatandaang unang nagsampa ng impeachment complaint sa Kongreso si Former Senate President Jovito Salonga noong March 2, 2009. Ngayon, marapat lamang na gumulong na ang impeachment kay Ombudsman Gutierrez sapagkat marami ng usapin at kaso ang pinalagpas niya katulad ng NBNZTE Scandal kung saan dawit umano si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo at ang kabiyak nito, ganoon

din ang 1 million pesos na halaga ng hapunan ni GMA at mga kasamahan nito sa isang restaurant sa New York, at maging ang pagkamatay ni Navy Ensign Philiph Estaño na hinihinalang pinatay (at hindi nagpakamatay) dahil sa natuklasan nitong anomalya sa Philippine Navy mismo. Nawa ay makalikom ng pirma mula sa 96 solons upang gumulong na ang proseso ng impeachment trial kay Ombudsman Gutierrez. PALAYAINMakatwiran lamang na palayain na ang isang lider na inihalal ng sambayanang Pilipino upang ganap na siyang makapaglingkod sa bayan sa nalalabi pa niyang 3 taon sa termino, siya si Sen.Antonio Trillanes ng MAGDALO. Wala na ang gobyernong nagpakulong sa kanya, bago na ang administrasyon. Ano pa bang kaso ang nagdidiin sa kanya –coup de’etat, rebellion atbpa? Datapwat maka-

tarungan ang lumaban at manindigan sa isang gobyernong batbat ng kabi-kabilang katiwalian, korapsyon, pandaraya at kahirapan (sa panahon ni GMA) na nilabanan niya, na nagresulta ng malawak na pagkagutom at pagkauhaw ng mamamayan sa isang pagbabago. Pagbabago na siya namang nagpapanalo ngayon kay Pangulong Noynoy Aquino kaya naabot niya ang rurok ng tagumpay bilang Presidente. HUSGAHAN-Sabi nga ay masyado pang maaga para husgahan ang administrasyong Aquino, ika nga ay nasa honeymoon stage pa lamang ang pamahalaang ito at hindi pa umaabot sa kanilang 100 days sa panunungkulan. Datapwat hindi ko magagawang ipagpikit mata na lamang ang ilan sa mga kapunapunang kaganapan. Andiyan ang power crisis (rotational brown out), water shortage sa Metro Manila, napipintong toll hike sa

Agosto, implementasyon ng dagdag na buwis ng BIR kung saan pati na ang mga pwesto ng manininda sa palengke ay bubuwisan na rin at maging ang mga tricycles at padyak (pedicab) ay nais ng buwisan at resibuhan kung lampas P25. 00 ang babayaran ng costumer, idagdag pa ang imbes sanang mas malayang inaasahang makapaghayag ng mga isyu, hinaing at problema ng mamamayan ang mga militanteng grupo o yaong mas makalapit pa sana sila sa araw ng SONA ni Pangulong Noynoy Aquino ay bakit gusto na ng Pangulo na sa park ng Quezon Memorial Circle na lamang daw magsagawa ng rally ang mga militante at hindi sa kalsadang simbolo ng kanilang pakikibaka at pagpapahayag, kaya nga tinagurian silang street parliaments di ba? Ito ba ang tinatawag na bagong pag-asa, bagong Pilipinas na pamahalaang ang boss ay ang mamamayan na handang pakinggan at paglingkuran ang sambayanan?

Ito ba ang sinasabing PAGBABAGO? Ganoon pa man hindi pa rin muna ako magpu-PWE sa ngayon, masyado pa raw maaga. AUDITION-Calling the attention of all males and females 1318 years old, kung ikaw ay may talento sa acting, singing, dancing, modeling at hosting ay sumugod ka na sa SM Mall of Asia sa July 25, 2010 (Sunday), 8:00AM8:00PM at huwag kalilimutang magdala ng ID at close up and whole body colored pictures. Baka ikaw na ang susunod na sumikat para sa bagong programa ng TV 5 Kapatid Network na STAR FACTOR. E-ere ang programang ito sa September 2010 at iho-host ni Ms.Ruffa Gutierrez at sina Direk Audie Gemora, Direk Jose Reyes, Ms. Annabelle Rama, Mr. Raymund Isaac at Mr. Ryan Cayabyab ang magsisilbing mga judges. Maihahalintulad ang programang ito sa That’s Entertainment ni Kuya Germs noong araw sapagkat ang STAR FACTOR ay pinaghalong talent

9

search at variety show. One year contract as talent ng TV 5 at 1 million pesos ang premyo sa magwawagi sa programang ito. Kaya, audition na! MAGPALABA-May bagong bukas na business sa Indang na pagmamay-ari ng aking mabait na kaibigan na si Ms.Me-Ann Sernardo, ito ang MR.SUAVE MAGLABA Laundry Shop na talagang garantisadong malinis, mabango at maayos ang serbisyo. Narito ang kanilang offer services: for wash clean = batch load-P30 per kilo, jeans/maongP50 per kilo, bedsheets-P45 per kilo, comforter regular-P60 per kilo, comforter thick-P80 per kilo, stuff toys-P25 to P100 per piece; for dry clean = barong regular-P150 per pc, barong piñaP200 per pc, barong usi-P100 per pc, coatP400 per pc, blazerP350 per pc. Matatagpuan ang kanilang shop sa Raymundo Jeciel Road (Bañadero St.), Brgy. Poblacion Uno, Indang, Cavite (infront of Mrs. Julie Zafra). For more information please call or text 09394112017 / 09213452286.

Love ko ‘To, Love ko ang Rosario NAGSAMA-SAMA sa isang pagtitipon ang lahat ng HRD Managers ng EPZA Companies (Rosario), mga bangko, eskwelahan at iba pang business establishments sa Rosario, Cavite na tinawag na Good

Neighbourhood Day noong July 20, 2010 sa ganap na ika-12 n.t. upang ipakilala ang namumukod tanging serbisyo ng Mc Donald’s. Kaugnay nito, nagbigay ng suporta ang mga naroroon sa mga

proyekto ng Bayan ng Rosario. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Ko, Mao Luna, Raul Hernandez at Kris Go at ang may bahay ni Mayor Nonong Ricafrente na si Dina Ricafrente. ARNEL LAPARAN

Ang staff and crew ng Mc Donald’s Rosario, Cavite habang nagbabasa ng Responde Cavite.


10

HULYO 25 - 31, 2010

ANG KABAYANIHAN NI FELIPE SALVADOR LALABAS NA ANG

BAGO pa nakilala ang aktor na si Philip Salvador ay nauna nang natanyag ang rebeldeng si Felipe Salvador na magiting na nakipaglaban sa mga Kastila at Amerikanong mananakop. Hindi gaanong natatalakay sa klase ng Araling Panlipunan at Sibika ang kanyang buhay sapagkat limitado ang naitala tungkol sa kanya. Kung sabagay, matagumpay na naitago ng mga Amerikano sa kamalayan ng mga Pilipino ang mga bayaning lumaban sa kanila gaya nina Macario Sakay, Luciano San Miguel, Dionisio Magbuelas at marami pang iba. Noong panahong iyon, ang mga nakikipaglaban sa pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Pilipinas ay tinatawag na mga tulisan, bandido o kolorum. Si Salvador, na kilala rin sa tawag na Apo Ipe ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong Mayo 26, 1870.

Bagamat galing siya sa mayamang angkan, kabilang na siya sa mga lumalaban sa mga Kastila simula noong 1893. Noong 1894 itinatag ni Apo Ipe ang isang relihiyosong samahan na nakilala sa tawag na Santa Iglesia. Gamit ang relihiyon, nagsagawa rin ng misa si Apo Ipe at pinalakas ang loob ng kanyang mga tauhan sa pagpapaniwala sa mga itong kapag matapang silang nakipaglaban ay magmimilagro ang Diyos upang sila ay kampihan laban sa mga Kastila. Noong 1899 ay umanib siya sa puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo at nagpatuloy sa pakikipaglaban kahit pa noong madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela. Nahuli siya ng mga Amerikano noong 1902 at inakusahan ng pagaaklas laban sa Pamahalaang Amerika. Nagawa niyang makatakas at noong 1903, sa tulong ng kanyang

kanang kamay na si Manuel Garcia na mas kilala sa tawag na Kapitan Tui, muli nilang binuo ang Santa Iglesia at nakapagtatag ng malakas na puwersa sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Pangasinan, and Tarlac. Itinuturing ito na isang mahusay na pagooragnisa sapagkat ang mga lalawigang nabanggit ay may iba't-ibang wikang ginagamitat tradisyunal na pagkakawatak-watak ngunit ngawa niyang pagisahin. Noong Setyembre, 1903 ay matagumpay niyang nalusob ang cuartel in San Jose, Nueva Ecija, wkung saan walong constable ang namatay at labingapat naman sa panig ni Apo Ipe. Tulad ni "Robin Hood", ipinamahagi rin ni ApoIpe ang kanyang mga nasasamsam na mga ari-arian sa mga mahihirap at magsasaka. Karamihan sa kanilang pagsalakay ay pinamumunuan ni Kapitan Tui.. Hanggang 1905, ang kanyang pakikipaglaban ay umabo sa Cavite at Laguna kung saan malawak ang suporta sa kanya ng mga tao. Noong Abril 16, 1906, ang matagumpay na pagsalakay ni Kapitan Tui sa detachment ng militar sa Malolos,

PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pangaraw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang magaaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.

Bulacan ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga pag-aaklas sa ibang mga lalawigan. Subalit nagging dahilan din ito upang lalo pang paigtingin ng mga Amerikano ang pagtugis sa Santa Iglesia. Subalit noong Hulyo 9, 1906 ay napatay ng mga Amerikano si Kaptan Tui sa isang labanan sa Hagonoy, Bulacan na nagpahina sa moral at puwersa ng Santa Iglesia. Sa kabila nito ay madulas na natakasan pa rin ni Apo Ipe ang mga nagnanais humili sa kanya sa loob ng apat na taon. Dahil dito, maraming mga politikong lumalaban sa kolonyal na gobyerno ang gumamit sa kanyang pangalan bilang inspirasyon sa pakikibaka laban sa kolonyal na gobyerno ng Amerika sa bansa. Ngunit nahuli din si Apo Ipe ng mga Amerikano noong Hulyo 24, 1910 at nilitis sa sala ni Piskal EfipanioDe los Santosat hinatulan ng kamatayan ni Judge Francisco Santa Maria. Dito nagwakas ang isa sa pinakamatagumpay na pakikibaka ng mga rebelde laban sa mga Amerikano. Binitay siya noong Abril 15, 1912. Ipinagluksa ng sambayanang Pilipino ang kamatayan ni ApoIpe. Sa pahayagang Renacimiento Filipino ay tinalakay na si Apo Ipe ay huhusgahan ng kasaysayan at ituturing na rebelde sa halip na tulisan. Para naman sa makatang si Jose Corason de Jesus, kumpara kay ApoIpe ay higit na mas maituturing na tulisan ang mga Pilipinong nasa gobyerno noong panahong iyon. Kahit patay na si Apo Ipe, nagpatuloy pa rin ang ilan sa kanyang mga taga-sunod at ang kulto ni ApoIpe ay nananatili hanggang 1924. Sa kasalukuyan, nakalulungkot na hindi parin nabibigyan ng wastong pagkilala si ApoIpe. Panahon na marahil upang gunitain ang kanyang kadakilaan ng kasalukuyang henerasyon na patuloy pa ring nalalasing sa gayuma ni Tiyo Samuel.

BUHAY NA TITIK SA susunod na isyu ng Responde Cavite, matutunghayan sa unang pagkakataon ang Buhay na Titik, ang pinakabagong kolum sa nasabing pahayagan. Handog ito ng FILCOLS o Filipinas Copyright Licensing Society, Inc., isang organisasyon ng mga at para sa copyright owners tulad ng mga manunulat. Noong 16 Hulyo 2010 ay nagpulong sina Eros Atalia ng Responde Cavite, Alvin Buenaventura at Beverly Siy ng FILCOLS sa isang kapihan sa Dapitan, Sampaloc, Maynila upang talakayin ang paglabas ng nasabing kolum. Lalamanin ng kolum ang ilang mga usapin hinggil sa pagsusulat sa pangkalahatan, pagsusulat bilang isang kumikitang kabuhayan, pagsusulat para sa pagpapaunlad ng kultura at bayan at ang

karapatan ng mga manunulat sa kanilang akda. Naniniwala ang Responde Cavite at FILCOLS na napapanahon na upang iempower ang karaniwang mamamayan ng kaalaman ukol sa mga nabanggit na usapin. Inaasahang magiging interaktibo ang kolum dahil maaaring magpadala ng mga tanong ang mambabasa sa FILCOLS sa pamamagitan ng email. Sasagutin naman ang mga ito sa kolum. Inaasahan ding makakatulong ang Buhay na Titik upang makapagparami pa ng mga mambabasang higit na matalino at higit na responsable pagdating sa mga karapatang ari o copyright ng bawat akda. Kaya’t abangan ang unang labas ng Buhay na Titik!

Tangway at Tagaytay Joel Malabanan (Indang, Cavite) Isang guro, manunulat at mang-aawit na isinilang sa Laguna at lumaki sa Cavite. Nakapag-aral sa De La Salle University-Taft, Cavite State University, Philippine Christian University. Nakapagturo sa iba’t-ibang paaralan katulad ng Saint Vincent de Paul College, De La Salle University Dasmarinas, Elizabeth Seton School Las Pinas at Divine Light Academy. Kasalukuyan siyang guro ng Filipino sa hayskul ng University of Perpetual Help-Molino Campus. Nalathala ang kanyang mga gawa sa panitikan.com.ph, Imbestigador, Kabayan at Truth or Consequence. Naging editor ng Tugmaang Walang Tugma ni Axel Alejandro Pinpin at katulong sumulat ng mga librong pang elementarya katulad ng Balagtasan at BUKAL. Matatagpuan ang kanyang mga awit at tula sa iltabenla.multiply.com at musikangrabay.multiply.com Kalamay-Buna Ang Kalamay-Buna sa bayan ng Indang Nakapagpaaral ng hindi mabilang Datapwat ang mesket, nawaglit sa kamay Jollibee’y pamalit sa lagkit na taglay Kung anong linamnam, tamis ng arnibal Tumab-ang, nagluno ng baliw na asal Bagong henerasyong nagtapos, nag-aral Pabrika’t call center ang dasal at usal! Sudsod at talyasing gamit na panghalo Sa Bunang Malayo ay naghihingalo Simot na ang niyog sa mga looban Kalamay, pagkakuwan, alamat na laang!


HULYO 18 - 24, 2010

11

Kape mula sa ebs ng Alamid, Ok sa mga Muslim ANG alamid na naglipana sa mga kapihan sa Indang na mula sa dumi nito ay nakukuha ang kapeng itinuturing na pinakamahal na kape sa buong mundo. Ipinahayag ng mga lider-relihiyosong Muslim na walang probema sakaling iinom ang mga Muslim ng kape mula sa dumi ng Alamid at hindi ito

maituturing na marumi (haram). Sanhi ito ng minsang may isang lider-Muslim na nagsabing hindi dapat uminom ang mga Muslim ng kapeng nabanggit dahil tanging malilinis lamang ‘halal’ ang kinakain o iniinom ng Muslim, at ang kapeng galing sa dumi ng Musang ay itinuturing na marumi. Ngunit

matapos nang mahabang talakayan ng Indonesian Ulema Council sa Jakarta, Indonesia, maaaring inumin ang nasabing kape basta’t huhugasan lamang mabuti ang beans o buto nito. Ang nasabing kape ay nagkakahalaga minsan ng $200 bawat libra dahil sa pagiging malinamnam nito at walang pait na nai-

Sa tulong ni Capt. Sendong Escober, namahagi ito ng bigas na galing sa pondo ng Barangay 7, Badjao, Cavite City na sinalanta ng Bagyong Basyang. Laking pasasalamat ng taga-Badjao sa tulong na kanilang natanggap maliban pa sa karagdagang tulong mula sa DSWD ng Cavite City na isang kilong bigas. RUDY LUPA

iwan sa dila matapos inumin. Inihayag din sa nasabing pagtitipon na maaari ring magtanim, magbeta maliban pa sa paginom ng kapeng alamid. Naging makasaysayan ang pahayag ng mga lider-Muslim na ito ng Indonesia dahil ang bansang ito ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo. Sa Pilipinas, makikita sa Indang, Cavite ang ilan sa may malawak na lumilikha ng kape alamid. Ang Kape alamid ay naging kontrobersyal dahil ang mga buto o beans ng kape ay kinaain nang buo ng mga alamid at pagkaraan ay idudumi. Mula sa dumi ng mga ito, buong inilalabas ang buto, pupulutin, huhugasan at ibibilad saka gagawing kape. Pinaniniwalaan na kaya lalong sumasarap ang kape dahil sa iba’t ibang enzyme na nas bituka ng alamid at humahalo ito sa butong kinain ng mga ito. EWEL PEÑALBA

Cavite, number 2 sa NAT Ayon sa DepEd CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Buong pwersang dumalo para magbigay ng todo suporta kay Gobernador Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla ang buong pamilya ng DepEd-Cavite sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Cavite Provincial Capitol nitong Lunes, Hulyo 19, 2010, ganap na 8:00 ng umaga. Kinabibilangan ng delegasyong dumating ang may 20 supervisors, 29 district supervisors, 78 high school principals at 300 elementary principals sa buong lalawigan. Samantala ayon kay Dr. Yolanda Carpina (Head, DepEd-Cavite), “Isang maalab at mapagpalayang pagbati sa inyong lahat. Narito kami ang buong pwersa ng DepEdCavite upang magbigay

suporta sa bagong halal na Gobernador at mag-ulat na rin sa inyo ng ilang magagandang pangyayari mula sa aming kagawaran.” Buong pagmamalaking iniulat ni Dr. Carpina na ang Cavite ay nag number 2 sa katatapos na National Achievement Test (NAT) sa buong Region IV-A na nangangahulugan ng paghusay sa akademiko ng mga mag-aaral dahil sa turo ng mga masisipag at mahuhusay na guro sa lalawigan. Iniulat din ni Dr. Carpina ang pagpapadala ng may 13 students ng ating lalawigan sa Houston, Texas para lumahok sa World Softball sa ngalan ng ating lalawigan at bansa. “Let us put Cavite as number 1 for quality education,” pagtatapos ni Dr. Carpina. REX DEL ROSARIO

Gamit pagsasaka ipinamahagi sa mga Pesante sa Cavite CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Malaking kapakinabangan ang mga ipinamahagi ng Provincial Agriculture Office (PAO) katulad ng shedders at composting machines and facilities sa mga magsasaka sa lalawigan. Mahigit sa 15 organisasyong magsasaka ang nabiyayaan ng mga gamit pangsakang ito. Pinangunahan ang ceremonial distribution ng mga gamit na ito nina Gobernador Juanito Victor “Jonvic”

C. Remulla, at Provincial Agriculturist Elena Cron kasama sina Ariel Almeda at Edna Dimapilis ng PAO. Isinusulong din ng PAO at Pamahalaang Remulla ang organic agriculture system sa pamamagitan ng reduce chemical fertilizers campaign at ang use organic fertilizers campaign na malaking ambag para sa pangangalaga ng ating kapaligiran at kalikasan sa panahong ang ating mundo ay humaharap sa suliraning sanhi ng climate change. R. D. ROSARIO


Pagtanggal sa ghost employees ng Kapitolyo iniutos ni Gob. Remulla CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Sumentro sa dalawang bagay kaugnay sa kalagayan ng mga empleyado ng Kapitolyo ang mensahe ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla sa ginanap na Flag Raising Ceremony nitong Lunes, Hulyo 19, 2010, ganap na 8:00 ng umaga sa Provincial Capitol Grounds, Trece Martirez City, Cavite. Una niyang naiulat ang tuwirang pagtanggal sa mga ghost employees at 15/30 employees ng nagdaang administrasyon. Ayon sa Gobernador, malaki ang matitipid ng pamahalaang panglalawigan sa pagsibak sa mga ito lalo pa at 800 milyong pisong utang ang naiwan ng nagdaang nanungkulan kung saan nasa 180 milyong piso taun-taon ang nagagastos ng pamahalaang panlalawigan para lamang ipampasweldo sa mga ito. Ang matitipid ay ilalaan ni Gobernador Remulla bilang dagdag na pondo ng pamahalaang panlalawigan, pangdagdag sa pagbabayad ng 800 milyong pisong utang ng pamahalaang panlalawiagan at

pangdagdag umento sa mga tunay na empleyadong nagtatrabaho sa Kapitolyo at iba pa katulad ng kanyang bagong i-o offer sa mga guro sa lalawigan na magkakaroon ng incentives sa kanilang extra teaching program ng administrasyong Remulla at ng DepEdCavite. Pangalawang iniulat ng Gobernador ang pagbibigay niya ng assurance sa trabaho para sa mga job orders at casual employees ng government hospitals, general services, sanitation at engineering na may tuwirang serbisyo para sa mamamayan. Samantala itinalaga ni Gobernador Remulla sina Vice Gov. Recto Cantimbuhan at Board Member Andoy Remulla katuwang si G. Eddie

Parco (Head, HRD) bilang members ng selection panel ng mga tatanggalin, sasalain at itatalagang mga job orders at casual employees. Pinapurihan pa ng Gobernador ang ilan sa mga department heads ng pamahalaang panglalawigan katulad ng DSWD, GSO at iba na maagang pumasok noong kasagsagan ng bagyong Basyang at inabisuhan naman yaong mga tamad pumasok ng maaga lalo pa sa panahon ng kalamidad at krisis na kailangang-kailangan sila. Wala umano siyang ibibigay na parusa sa mga ito ngunit tiyak na gantimpala naman umano ang matatamo ng mga maagang pumasok na department heads noong dumaan ang bagyong Basyang. “We serve the country and we serve the province, Im doing my best kaya dapat sabayan ninyo ako,” ang pagwawakas na mensahe ng butihing Gobernador na si Kgg. Jonvic Remulla. REX DEL ROSARIO

Sunog sa Kawit! KAWIT, CAVITE – Tinatayang 25 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa naganap na sunog kamakailan sa nasabing bayan.

Tumagal ng limang oras ang naturang sunog bago ito naapula, na siyang lumamon sa hilera ng mga bahay sa Balong Dalig, Kawit, ayon sa town fire department nitong nakaraang Martes. Ayon kay Senior Fire Officer 3 Zosimo R. Vicedo, wala namang

nasaktan sa naganap na sunog at ayon sa inisyal na imbestigasyon, ngsimula ang sunog sa isang bahay ganap na 12:58 ng hating-gabi. Umabot sa ika-tatlong alarama ang naturang sunog at tinatayang halos P500,000 ang idinulot na pinsala.

BINISITA ni Gobernador Jonvic Remulla (ikalima sa kaliwa) ang Cavite State University Cavite City Campus para sa simbolikong pagpirma sa pagtatapos ng CvSU- Cavite City Campus Project. Makikita sa larawan ang mga Bise Presidente ng CVSU na kinabibilangan nina Dr. Hernando D. Robles,Ph.D., VP for Admin and Support Services (ikalawa sa kaliwa); Dr. Josefina Rint, VP for Research and Extension ; Dr. Lorna L Penales, VP for Academic Affairs; at Dr. Luzviminda A. Rodrin , VP for External and Business Affairs. Nasa larawan din sina Dr. Cristeta Montano, CvSU-Cavite City Campus Dean (nasa kaliwa) at Dr. Divinia C. Chavez, Presidente ng CvSU (ikatlo sa kanan). Makikita rin sa larawan ang mga magaaral ng CvSU-Cavite City Campus habang nagsasagawa ng panayam sa gobernador.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.