2
AGOSTO 1 - 7, 2010
Dating sekyu ng Munisipyo ng Bacoor, binoga ISANG dating kasapi ng municipal security group ng Bacoor ang pinatay habang isa pang bystander ang sugatan nang paslangin ng di pa nakikilalang suspek ang kinilalang si Ronaldo Vizcarra, 40, na nagtamo ng
ilang tama ng baril sa Bacoor kamakailan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, nilapitan ng dalawang lalake si Vizcarra noong bandang 8:30 n.u. habang ito’y nasa tulay ng Barangay Talaba 2.
Ayon sa ilang saksi, pinilit ni Vizcarra na agawin ang baril ng papatay sa kanya ngunit ito’y ilang ulit binaril. Samantala, nasugatan naman ang bystander na si Danilo Lunas sa nasabing insidente at
agad na isinugod sa Las Piñas City district hospital. Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang motibo sa pagpatay samantalang isinasagawa ang paghuli sa suspek. WG
Kano, tiklo matapos mangidnap ng asawa’t anak DINAKIP si Russel Earl Gorris, 50, isang amerikano, ng operatiba ng pulisya sa pangunguna ni Superintendent Rodrigo Maranan matapos kidnapin ng dayuhan ang sarili nitong pamilya kamakailan sa isang partment sa Bacoor. Sumuko si Russel Earl Gorris, matapos ng
limang oras ng limang oras na negosasyon sa Unit B, Gess Apartment compound sa Camella Homes Subdivision, Salinas, Bacoor. Narekober kay Gorris ang isang calibre 45 baril. Ipinahayag ni Senior Supt. Danilo L. Maligalig, Cavite Police Provincial Office director, na hindi
naman nasaktan ang anak ni Gorris, isang yaya at ang asawa nitong si Junalyn. Napilitan nang sumuko si Gorris matapos pasukin ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at ni Supt. Redrico A. Maranan, Bacoor police chief ang ikalawang palapag ng bahay na pinangyari-
Cavite, dapat maging historical capital ng Pinas— Abaya
distrito ay binubuo ng 19 na bayan at 4 na lunsod. Si Abaya na tubong Cavite at kabilang sa Liberal Party (LP) ay inapo ni Gen. Emilio Famy Aguinaldo, ang kauna-unahang pangulo ng bansa. Kinatawan sya ng Unang Distrito ng Cavite na binubuo ng Cavite City, Rosario, Kawit at Noveleta. Binanggit din ni Abaya na ang mga pangyayari noong panahon ng Kastila at Amerikano ang nagtulak sa kanya upang ihain ang House Bill 106 na naglalayong gawing kapital ng kasaysayan ng bansa ang Cavite. “Sa Cavite nagsimula ang pag-aalsa laban sa mga dayuhan noog 1896, tahanan ito ng kauna-unahang pangulo ng bansa at ng napakarami pang bayani, dito rin galing watawat ng bansa maging ang pambansang awit, lalong lalo na ang pagpapahayag ng kalayaan noong 1898. “ wika ni Abaya.
Rep. Joseph Emilio A. Abaya
INIHAIN ni Rep. Joseph Emilio A. Abaya ang panukalang batas na naglalayong maging historical capital ng Pilipinas ang Cavite. Matagal nang inihayag ng Kapitolyo na ang Cavite ang syang capital ng kasaysayan ng bansa ngunit dapat pa rin itong sang-ayunan ng Kongreso at Malacañang. Ang dating gobernador ng lalawigan at ngayon ay Kongresista ng Imus na si Erineo “Ayong” Maliksi, maging ang mga nagdaang gobernador na ang Cavite ay ang historical capital ng bansa dahil sa rebolusyon at sa iba pang mahahalagang pangyayari na nangyari sa lalawigan nitong ika-20 siglo. Nasa baybayin-dagat ang Cavite na pinagmulan ng rebolusyon at kalayaan ng bansa. Ipinahayag ni Abaya na oras na upang kilala-
nin ang Cavite bilang historical capital dahil sa mga makasaysayang naganap sa lalawigan. Sinabi rin nito na ang pitong distrito ang pinagganapan ng rebolusyon at maraming pangyayaring may kinalaman sa kasaysayan ng bansa. Ang mga
han ng krimen. Sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revllla at Supt. Josemarte Paras, Cavite Police Provincial Office (CPPO) deputy director for administration, ay naging mapayapa naman ang pagsuko ni Gorris. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinasabing nagwala si Gorris matapos mabigo itong makakuha ng ticket pabalik sa USA kaya’t posibleng ito ang pinagmulan ng pag-aalburoto ng kano. JUN ISIDRO
R E L P TRI PR SPECIALIST
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501
AGOSTO 1 - 7, 2010
Manila-Cavite toll road, B2 Rating PANSAMANTALANG binigyan ng Moody’s Investors Service ng B2 rating ang $175-million debt securities na ipapalabas ng Manila-Cavite Toll Road Finance Company (MCTR), ang unang pagkakataon na binigyan ng grado ng credit watcher ang isang toll road project ng bansa. Ang pansamantalang B2 rating ay nangangahulugan na ang utang o loan ay itinuturing na high-risk (delikado) at mababang kalidad. Ang utang na matatapos sa 2022 ay babayaran sa pamamagitan ng oleksyon mula sa ManilaCavite expressway. Ayon kay Paul Ovner-
ud-Potter, ang vice president/senior credit officer in Moody’s Asian Infrastructure Finance team, ang B2 rating ay dahil sa napakaraming dahilan gaya ng usaping egal, pagpapagawa, dami ng trabaho at iba pa. Sinabi rin ni OvernudPotter na ang CTR ay posibleng maharap sa
mas mababang inaasahang dami ng sasakyan at paglala ng rapiko sa hinaharap. Binanggit din nito na samantalanga ng R1 expressway ay may 12 taon nang nasa operasyon, baka amagkaproblema sa R1 extension dahil sa hindi pa tiyak ang posibleng maging vol-
Wesley So, ika-5 sa Biel Chess PINAGHATIAN nina So at Vietnamese GM Nguyen Ngoc Truong Son ang puntos sa ika-9 na round ng torneo sa larangan ng chess. Ang 16 anyos na tagaBacoor na si So a nagtamo ng 4.5 points gaya nina GM Evgeny Tomashevsky ng Russia at GM Maxim Rodshtein ng Israel. Matapos iaplay sa tie break ang SonnebornBerger (SB), nagtamo si So ng 19.50 upang maging ikalima samantalang siTomashevsky ay may 18.75 para sa ika-6 while Rodshtein notched 18.50 for 7th. Ang The SonnebornBerger tie break ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iskor ng mga kalaban na tinalo ng isang manlalaro at kalahati ng iskor ng kalaba na tumabla sa kanya. Galing ito sa
round-robin tournaments at kadalasang ginagamit bilang ikalawang pamamaraan. Tatlong manlalaro ang nagtamo ng kapwa 5.5 na sina Ngoc Truong Son, GM Maxime Vachier-La-
grave ng France at GM Fabio Caruana ng Italy Si Vietnamese GM Ngoc Truong Son (ang itinuturing na best player ayon sa Sonneborn-Berger points) ay pasok sa finals.
ume ng trapiko na makagagamit nito. Ayon pa rin dito, may mga ulat na nagsasabing tataas at dadami ang bilang ng mga sasakyang gagamit pero ang kakayahan ng MCTR na pasanin ang ilang posibleng problema ay nakapigil sa rating. Wika ni Ovnerud-Potter, ang rating ay dulot na rin ng problema sa pagkakagawa na inuugnay sa pagtatapos ng bagong pitong kilometrong R1 extension. Sinabi ng Moody na bagamat ang malaking nagawa ay nang mkapagtambak at masimulan ang pagkakagawa, ang malaking trabaho ay sa katapusan pa ng Disyembre 2010. EP
3
Magpinsan, ginahasa at sinaksak ng kamag-anak DALAWANG magpinsang babae ang sinaksak ng isang nakakatandang kamag-anak kamkailan sa Bacoor, ayon sa pulisya ng nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na isa sa magpinsan ay possible pang ginahasa bago saksakin. Ayon kay Supt. Redrico Maranan, Bacoor police chief,a ang biktimang si Janice Pausanos, 19, ay natagpuang patay at walang suot sa loob ng tahanan nito sa Barangay Molino 7 dakong 4:40 n.h. kamakailan. Samantala, ang is apang biktimang si Leona Paloma, 19, ay isinugod sa St. Michael hospital ngunit dineklarang dead on arrival (DOA). Kapwa namatay ang mga biktima sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon kay Maranan, iniwan ng tiyahin ang mga biktima sa kanilang tahanan nang umatake ang suspek na si Elvin Baluyot, 20. Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang suspek na hinihinalang nagtatago ngayon sa Las Piñas City. SHELLA SALUD
AGOSTO 1 - 7, 2010
4
LETTER TO THE EDITOR Dear Editor, Nito pong Hulyo 25, 2010 mga bandang ala-una ng hapon nang dumating si Engineer William Palomar kasama ang mga security guards at tauhan ng Homark (dating Nicorp) na developer ng aming subdivision dito sa Greentown Villas I, Mambog 3, Bacoor, Cavite at tinanggal ang mga gamit ng simbahan na nakalagak sa Club House ng subdivision. Sinira nila ang padlock ng pintuan kung saan naroon ang mga kagamitan ng banal na misa at pilit na isinasakay sa kanilang truck ang mga upuan. Mabuti na lamang at naagapan ng mga residente ang kanilang balak at napigilan. Sinasabi ni Palomar na ang Homark ang may-ari ng Club house ng subdivision at hindi ang mga nakatira gayong limang taon na ang subdivision at may mga residente na fully paid na sa kanilang bahay. Ang tumatayong president ng Homeowners association na si Francis Cabacaba ay hindi nakialam at lumilitaw na kasabwat ng mga tauhan ng developer. Ang mga opisyales naman ng Mambog 3 ay ayaw makialam. Ano po ba ang karapatan ng developer at ano rin ang karapatan ng mga residente? Kanino po kami hihingi ng tulong lalo pa at nagbanta si Engineer William Palomar na babalik at kukunin ang mga gamit ng simbahan na mga residente naman ng subdivision ang nagpundar? Maraming salamat po. Gumagalang, Concerned Homeowners ng Greentown Villas I Mambog 3, Bacoor, Cavite
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario
rex del rosario
3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district
melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
KAMATAYAN NG LUNSOD NG CAVITE An honest man can feel no pleasure in the exercise of power over his fellow citizens (Ang isang tapat na tao ay hindi nasisiyahan sa panggiit ng kapangyarihan sa kanyang kapwa) . —Thomas Jefferson (1743 - 1826) Welcome sa Violence Capital ng Cavite Kakatapos ko lang basahin ang ‘The World Worst Murders’ (Chancellor Press 2007) at naaliw ako. Kasi hindi ko akalain na may mga taong ganoon karahas at kabrutal pumatay. Parang Tom and Jerry lang na cartoons. Parang Road Runner and Cayote lang. Ganoon lang. Kaya nang muling ginising ang Cavite City ng magkasabay at magkaugnay ng pagpatay kina Andaya at Viray, hindi na ako nagtaka. Totoo pala na kaya ng taong gumawa ng ganoong krimen na higit pa sa kayang isipin ng mga kwentista, nobelista at kartunista. Pinatay nang malapitan sa gitna ng ulan at sa harap ng mga kasamahan, pinatay at sinunog habang nakasuklob ng gulong na goma. Parang cartoons lang di ba? Kung ang pulis at asset nito (anuman ang dahilan o motibo ng pagkakapatay sa kanila) ay ganun-ganun na lang patayin... ano pa kaya ang karaniwang Caviteño? Ligtas ka pa bang makakalabas anumang oras mo nanaisin? Sarili mong bayan, natatakot kang maglakad? Sarili mong bayan, alangan kang mamuhay nang matiwasay? Nangyari ang krimen noong Martes ng gabi, hanggang sa mga panahong isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagko-convene ang Peace and Order Committee dahil hindi pa nagpapatawag ng meeting ang mga kinauukulan. Paalam, Sir Marcelo T. Gello-agan! Nakilala ko si Sir Gello-Agan noong nasa Grade 4
pa lang ako sa Manuel S. Rojas Elementary School ako. Gusto ko kasing sumali sa Boy Scout. Sakitin ako at patpatin. Ayaw sana ng nanay ko. Pero si Sir Gelloagan ang nabigay ng lakas loob sa akin na sumali. Naging Boy Scout ako. Mula sa pagiging assistant patrol leader, patrol leader, hangang assistant senior patrol leader... hindi nakalimot si Sir na gabayan ako. Naging Science teacher ko sya noong Grade 6 ako. Pero maliban doon, naging isa syang tagapayo, kaibigan at tagapatnubay. Noong makatapos ako ng Grade 6, tinulungan nya akong mabigyan ng scholarship sa high school sa pamamagitan ng Gabriel Ejercito Memorial Scholarship Foundation. Lagi nya akong pinaaalalahanan kung nalilihis ako sa tamang direksyon. Kaya’t isa sya sa natuwa nang kumuha ako ng edukasyon sa PNU at ngayon ay nagtuturo na sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas. Guilty ako na hindi sya gaanong nabibisita nitong naging abala sa pagsusulat, pagtuturo at pagiging researcher. Pero ganoon yata talaga ang teacher. Hinahayaan nya ang kanyang mga mag-aaral na tumahak sa buhay nang nag-iisa dahil alam ng teacher na mas mahusay syang guro kapag ang kanyang mag-aaral ay nabuhay na sa mundo na hindi na kailangang turuan pa ng tama at mali. Sya ang nagsabi sa akin na, “Sa classroom nauuna ang lesson bago test. Sa totoong buhay, test muna bago lesson.” Sa pagpanaw ni Sir Gello-Agan, pakiramdam ko, bahagi ng Lunsod ang namatay. Pero alam ko, nabubuhay sya sa isanlibo’t isang mag-aaral na nahipo nya ang puso... tulad ko!
MAY 2 PANG BAGONG HANGAL NA MAYOR SA CAVITE CITY O, lunsod ng Cavite Siyudad kang pinagpala Intelligence Fund ay pilit kinukuha sa empleyadang nag-withdraw Tibay mo, neng! At... Ober sa epal Brother on the side, sister sa mga sideline Engineer yata kanyang pangarap, kunstruksyon ng Montano Hall ay inispeksyon Tricycle ang dati’y minamaneho... ngayon lunsod ang gustong patakbuhin! Grrr!!! Yes, akala ko ay ang Kingdom of Saudi Arabia lang ang absolute monarchy, pati pala ang lunsod ng Cavite ay ganoon na rin. Sina Osit at Obet po ang mga bangong hangal na mayor ngayon ng lunsod. Pero siyempre ay si Mayor Ohmee Ramos lang ang tunay na halal. Ang mga ito ang gustong magmanipula o magmaniobra ng halos lahat ng transakyon sa lunsod ng Cavite. At may pangarap pang maging inhinyero o artitekto. Isipin n’yo, noong nakaraang linggo ay tumawag kay Mayor Ohmee Ramos (binubuo natin ang pangalan dahil baka magdulot ng kalituhan kung sinong mayor sa dami ng may-
or sa city hall) ang base commender ng Sangley at nagsabing magka-courtesy call daw ang ibat ibang opisyal ng military sa bagong halal na mayor, nagsabi naman si Mayor Ohmee Ramos na hindi siya aalis at aantayin n’ya ang mga darating. Pero biglang umeksena ang wonder brother and sister, pilit na niyakag at hinila si Mayor Ohmee Ramos sa Montano Hall at mag-inspeksyon daw sila. Bakit? Sabi nga ng isang may ‘ulo’ na makausap ko, ano ang malaking kaputang ama ang sadya nila sa Montano Hall? Dahil kung safety ang pag-uusapan, dapat ay engineer ang kasama ni Mayor Ohmee Ramos. At isa pa, walang kinalaman ang lunsod sa konstruksyon ng Montano Hall dahil ito ay pinapatakbo ng probinsiya (gaya ng Dra. Salamanca Hospital). At pangatlo, walang personalidad ang woder twins para pakialaman ang kung anumang pinapagawa sa Montano Hall at higit sa lahat, hindi ba nila naiisip na mararangal na tao at opisyal ng sandatahang lakas ang kausap ni Mayor Ohmee na magka-coutesy call sa kanya? Sino ngayon ang ipinihiya ng Wonder Twins? Saan nila kinaladkad si Mayor Ohmee Ramos?
AGOSTO 1 - 7, 2010
5
Panawagan sa mga tagasuporta ni Mayor Ohmee Ramos July 27, 2010 Mga minamahal naming kababayan ng Cavite City, Kami po ay nananawagan sa inyo, na mga taga-suporta at bumoto sa ating minamahal na Mayor ‘Ohmee’ Ramos, na magkita-kita tayo sa Samonte Park, para patunayan na si Ginoong “Ohmee” Ramos ang ating ibinoto noong nakaraang eleksyon at hindi kung sino pa man. Sa August 2, ganap na ikasiyam ng uma (9:00 am) OSCA member- Rosita Garduque RMA B. delos Reyes Josie S. Chan Rosemarie G. Sumapig
6
AGOSTO 1 - 7, 2010
PULIS AT ASSET, INILIGPIT MAITUTURING na isang hamon o isang malaking dagok sa pulisya ng lunsod ng Cavite ang sunud-sunod na patayan sa dahil isa sa pinakahuling biktima nito nito ay galing sa kanilang hanay. Idineklarang dead on arrival (DOA) ng Bautista Hospital si PO2 Macamio H. Andaya, 47, nakatalagang pulis sa Cavite Component City Police Station dakong 8:45 ng gabi noong nakaraang Hunyo 27 ng taong kasalukuyan. Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pasakay na umano sa kanyang pulang kotse ang biktimang si Andaya na may temporary plate number DRW 488 nang pagbabarilin ng suspek na kinilala naman ng saksi na si William Ejercito, resident eng Brgy. 57 Plaridel St., ng nasabing lunsod. Sa imbestigasyon naman ng Responde Cavite, ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, may isang lalaki umanong nakapayong at nakatayo sa kanto ng Lopez Jaena at J. Felipe Boulevard Sts. na inaakala nilang nag-aantay ng pampasaherong sasakyan sa kasagsagan ng ulan ng gabing iyon. Ilang minuto pa umano ay dumating si Andaya kasama ang isang nakilala sa pangalang Evey Cristobal. Sumakay umano si Andaya sa driver seat at dumukwang ito upang ipagbukas ng naka-lock na pintuan ng kasama nang biglang lumapit palakad ang lalaking nakapayong at sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima. Matapos ang pamamaril, parang walang nangyari umano naglakad ang suspek sa
daan patungo sa J. Felipe Blvd. Agad din namang isinugod sa Bautista Hospital ng mga nakapilang tricycle sa kanto ng Calumpang ang biktima sa Bautista Hospital ngunit idineklara itong DOA. Samantala, wala pang 12 oras ang nakakalipas nang matagpuan naman ang isang hindi makilalang bangkay ng lalake na sunog ang katawan sa kanto ng De Guzman St., corner Cabuco, di kalayuan sa pinangyarihan sa pamamaril kay Andaya ang inireport na natagpuan sa mga awtoridad. Pinaniniwalaan na biktima ang natagpuang bangkay ng summary execution na siyang malaganap sa lunsod. Ayon sa mga nakatagpo sa biktima, nakita nitong nababalutan ng sunog na goma ang bangkay na pinaniniwalang sinakluban ng mga lumang gulong ang biktima bago sinunog. Dakong 8:00 ng umaga nang magsadya sa tanggapan ng pulisya ang isang nagngangalang Julieta Bartolome Viray, 52, at kinilala ang sunog na bangkay na kanyang anak na si Francis Bartolome Viray. Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, malaki umano ang kaugnayan ni Viray kay Andaya dahil sinasabing asset umano ito ng huli at inaanak pa. CHIEF OF POLICE: Samantala, nagpa-
Ang duguang driver’s seat ni Viray
hayag naman ng kanyang kalungkutan si P/ Supt. Simnar Gran, hepe ng pulis sa lunsod ng Cavite sa pangyayari. Anito, tila wala ng kinatatakutan ang gumagawa ng mga pamamaslang sa lunsod dahil mismong kagawad na ng kapulisan ang binibiktima nito. Dahil dito, magpapakalat umano ng mga larawan ng suspek ang kapulisan sa buong siyudad at maglalaan sila ng pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek. NEGOSYO: Dahil sa walang humpay at sunud-sunod na patayan sa lunsod, lalong humina ang naghihingalo ng mga negosyo sa lunsod. Ayon kay Christopher Aguillon, pangulo ng Bar Owner Association sa lunsod ng Cavite, dahil sa mga nagaganap na pagpatay ay wala ng parukyanong pumapasok na tagalabas sa lunsod ng Cavite dahil sa malaking pangamba sa mga ito. “Sa gabi ang negosyo namin,” Ani Aguillon. “pero halos wala nang pumapsok na kostumer. Takot na kasi ang karamihan na lumabas ng gabi dahil sa patayan. Sinabi pa rin ni Aguillon na malaking bulto ng kanilang mga parukyano ay mga sundalo na nakadestino sa dalawang base sa lunsod, pero dahil sa patayan, pinagbabawalan nang lumabas ng kampo ang mga sundalo dahil nan-
Ang sinunog na bangkay ni Viray
Ang sasakyan ni Andaya
gangamba ang commamding officer (CO) ng mga ito na madamay sa kaguluhan. Sinabi pa ni Aguillon na ayon sa kanilang talaan, bumama ng halos 60% ang kinikita ng kanilang mga negosyo. Samantalang 70% na ang nagsara dahil sa pagkalugi. “Dati, noong wala pang patayan, umabot sa 54 ang member namin sa buong Cavite City. Ngayon nasa 13-15 na lang. Kasama pa dito ang hindi pa member.” Ani’to. Malaking bulto rin aniya ang nawalan ng trabaho. Kung dati ay may kabuang 120 ang
Si Kon. Penchie Consigo, ng Peace and Order Committee
mga guest relation officer (GRO) sa buong siyudad sa dami ng bar and restaurant, ngayon aniya ay 30-40 na lang ang kayang bigyan ng trabaho. Bukod pa dito aniya ang mga waiter at janitor na nawalan ng trabaho dahil sa hindi na kayang pasuwelduhin. Sinabi pa ni Aguillon na kapansin-pansin din ang pagkawala ng pila ng mga tricycle sa San Antonio at PN kung gabi na siyang nag-aantay ng mga pasahero na galing sa mga pang gabing establisimyento. EKONOMIYA: Sa ekslusibong panayam ng Responde
Cavite kay Coun. Ric Alvarez, committee chair ng Trade and Industry sa lunsod, sinabi nito na lalong namamatay ang naghihingalo ng mga negosyo sa lunsod. “Sino pa ba ang pamumuhunan sa ating bayan kapag ganito kagulo?” Ani Alvarez. Sinabi pa ni Alvarez, maraming negosyo sa siyudad ang ginagawan nila ng paraan para maka-survive, pero dahil sa sunud-sunod na patayan lalo silang mahihirapang iahon ito. Mahihirapan din umano makakumbinsi ng bagong mamumuhunan dahil hindi maganda ang kalagayan ng peace and order. Sinabi pa nito na kapag nagpatuloy pa ito at hindi mapigilan ng kapulisan, baka tuluyan ng malugmok ang lunsod. “Bilang dating alagad ng batas,” ani Alvarez, “Alam ko na kulang at kulang ang ating kapulisan. Pero may mga alternatibong paraan. Kailangan ay ibinigay nila ang lahat ng kanilang effort.” SUNDAN SA P.7
Si Christopher Aguillon, Presidente ng Bar Owner Association ng Cavite City
PULIS AT ASSET... Idinagdag ni Alvarez na maaaring makipagugnayan sa provincial police ang city upang hingin ang tulong nito sa pagpapakalat ng mga bagong mukhang intelligence na hindi kilala sa siyudad. Maaari din aniyang hingin ang suporta ng intelligence ng mga dalawang kampong naka-base sa siyudad at kasabay nito ang police visibility upang kahit paano ay magdala-
wang isip ang sinumang nagnanais makapanggulo sa siyudad. PEACE AND ORDER Sa isa pang eklusibong panayam ng Responde Cavite kay Coun. Pechie Consigo, committee chair ng lunsod sa Peace and Order Commitee (POC)sinabi nito na bilang lehislatura ay mga nakaamba siyang plano at ordinansa na ipapasa sa konseho sa sandaling magkaroon sila ng sesyon.
Gayundin, ay hinihintay nito ang pag-abiso si Cavite City Mayor Romeo G. Ramos na magpatawag ng POC meeting. “As a legislator, I’ am only the mere representative of the executive sa POC.” Ani Consigo. Inaalala din umano ni Consigo ang pumapangit na imahe ng lunsod dahil sa sunud-sunod na patayan. Sinabi nito na kasama sa kanyang ordinansa ang
pagpapalawak ng police visibility, isasaayos ang bara-barangay para magkaroon ng agreement at magkaroon ng grupo ang bawat sona na siyang magroronda gabi-gabi. “Alanganin kasi ang pagkakahati ng mga barangay, tumawid ng kalye yung hinahabol nag-aalangan na ang mga barangay tanod o maging ang kapitan dahil ibang barangay na ang nakakasakop.” Sabi ni Consigo.
Ang pinangyarihang krimen sa kanto ng Lopez Jaena at Julian Felipe Blvd sa Calumpang
8
AGOSTO 1 - 7, 2010
Kung bakit hindi pa tayo sasakupin ng Aliens
HINDI pa tayo sasakupin ng aliens kapag nalaman nilang tayo lang ang specie na nakikipagtalik sa patay na kapwa natin specie. Wala kang nakitang bakang nagkipagsex sa patay na baka. Gayundin, tayo lang ang specie na nakikipagsex sa hindi natin kaspecie. Madalas kong mabasa sa dyaryo, mapanood sa tv at marinig sa radio na may isang binata, matanda o bata na nakipag-sex sa alagang hayop o hayop na pinapapaalagaan ng kanyang amo. Pero wala pa ako nakitang elepante na nagkainteres sa daga o pusang nagkainteres sa ka-
bayo. Tao rin lang yata ang alam kong mahilig magpakamatay kapag may problema o kapag trip nya lang. Wala kang nakitang gagambang nagbigti sa sarili nyang supot. Wala ka rin nakitang ahas na lumingkis sa kanyang sarili. Tao rin yata ang gustong gustong makalamang sa kanyang kapwa. Kaya, alam ko, tao rin lang ang nababaliw sa kakahanap ng agimat. Inggit kasi ang tao sa ibang specie kaya gusto nyang nakakalipad din siya, nakasisisid nang matagal sa ilalim ng tubig, mabilis lumangoy at tumakbo, nagiging invisible gaya ng hunyango at magtaglay ng pambihirang lakas at karunungan. Kunsabay, may ilang pagkakataong hindi mo na kailangang magkaagimat para makalipad. Makinig ka lang sa kwento ng ilang tinalo pa ang namayapang si Rod Na-
varro sa kayabangan, siguradong tatangayin ka ng hanging nakapaligid sa kanila. May ilang singhusay din ng isdang kung sumisid. Sumisid ng mali ng iba pero hindi nya alam na sya pala ay naglalakad na bantayog ng katangahan. Mabilis lumangoy kapag may gusot. Mabilis tumakbo kapag nagkakaletse-letse na ang sitwasyon at isisisi sa iba ang kapalpakan. May mga taong hindi na kailangan pang makahanap ng agimat para maging invisible. Sa ilang opisina, tanggapan at samahan, marami na ang ganito. Mga hunyango. Kung saan nakadikit, yun ang kulay. May mga taong may pambihirang lakas sa kanilang mga bossing. Kailangan nilang magpalakas kasi wala naman talaga silang talento.Taglay ng mga ito ang pambihirang karunungan. Alam
nila kung paano hihimasin ang kahinaan ng mga amo. Insecured ang tao sa ibang specie. Pero lalong lalo nang insecured ang tao sa kanilang sarili. Ang mga taong wala naman talagang talent ay kailangang magmagaling at magkunwaring magaling. Kailangang sumipsip kasi kapag natanggal na sa trabaho, wala nang ibang kababagsakan kundi ang magbilang ng poste sa lansangan. Kung nakamonitor ang aliens ngayon, pihadong nailing lang sila. Kala nila, hindi pa rin nage-evolve ang tao. Tsk.Tsk.Tsk. Kaya mga belabed riders, muli, muli at muli pa… wag kayong mabahala. Hindi totoo ang balitang sasakupin na tayo ng aliens. Luminga lang tayo. Sabay ngumiti. Hindi pa tyo sasakupin ng mga aliens.
Nahihiya sa kaibigan
Binibining Bebang, Nahihiya ako sa kaibigan ko kasi hindi ako makaka-attend ng birthday party niya sa Sabado. -Marne ng Amaya, Tanza, Cavite Mahal kong Marne, E, kung busy ka talaga, ipaliwanag mo na lang nang maayos at mahinahon kung bakit hindi ka makakadalo sa party niya. Tapos bumawi ka para hindi siya tuluyang magtampo. Lagi mo siyang i-text para kamustahin. Budbudan mo ng lambing and mga text mo, ha? Magconceptualize ka rin ng espesyal na regalo. Iyong tipong pinagisipan nang husto, mainam din kung personalized, para naman matunaw na ang tampo niya sa iyo. Hep! Huwag kang magrerega-
lo ng mga generic na item tulad ng bimpo, notebook, ballpen at iba pa. Ngayon kung hindi ka makaka-attend sa party niya dahil sa mabababaw na dahilan, ihanda mo ang iyong puwet. Aba’y dapat lang na may karampatang parusa iyan, siyempre. Palo. Papaluin kita. Kuuuu, birthday naman niya e, bakit hindi mo pa siya unahin? Pero ibang kaso naman kung hindi mo talaga gustong pumunta sa party niya. Ke ano pang dahilan, maiging huwag na ngang tumuloy. Kasi pag napipilitan ka lang, mas malaki ang tsansa na hindi ka mag-e-enjoy. Kung hindi ka mage-enjoy, baka ikalungkot lang ito ng birthday celebrant. Kaibigan magpakailanman, Binibining Bebang oOo Kung may suliranin hinggil sa pag-ibig, seksuwalidad o relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com. Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / bebang_ej @yahoo.com
TATLONG URI NG ARI TATLONG Uri ng Ari-Arian: Personal Property, Real Property at Intellectual Property Bilang mga ari-arian, ano ang pagkakaiba ng relo sa bahay at lupa? Maliban sa pagkakaiba ng halaga, ang relo ay personal property. Ito ay maaaring buhatin o dalhin saan ka man pumunta. Maaari mong isuot ang relo sa trabaho o paglalakwatsa. At dahil pag-aari mo ito ay may karapatan kang desisyunan ang magiging gamit nito sa buha mo. Maaari mo din itong ipahiram sa asawa mo. Maaari mo ding ipagbawal ang pagpapahiram nito sa iyong biyenan. Maaari mo ring isanla o ibenta ang relo. Maaari mo rin itong ipamana sa iyong anak. Samantala, ang bahay at lupa ay real property. Ito ay hindi maaaring mabuhat o mailipat kung saan mo nais pumunta. Hindi maaaring dalhin ang bahay at lupa sa trabaho o sa pamamasyal. At dahil pag-aari mo ito ay may karapatan at kapangyarihan kang pagdesisyunan ang gamit nito. Maaari mo itong ipahiram sa iyong biyenan o ipagbawal ang pagpapatira sa iyong kapitbahay. Maaari mo itong isanla, ibenta, ipaupa, o ipamana. Ano naman ang intellectual property O IP for short? Ang IP ay mga tuklas o likhang nagmula sa isip ng tao. Ang IP ay may dalawang uri: industrial property kung saan nakapaloob ang patent para sa mga imbensiyon, trademark para sa mga tatak ng produkto o servicemark para sa mga tatak ng serbisyo at copyright o karapatang-ari para sa mga gawang pampanitikan at sining. Tulad ng personal property at real property, ang IP ay mayroong nagmamay-ari. At ang mga may-ari nito ang may karapatang magdesisyon kung paano ito gagamitin. Ang IP ay maaari ding ipahiram, isanla, ibenta, ipaupa, o ipamana. Tatalakayin natin ang mga uri ng IP sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. oOo Para sa panitikan, para sa bayan 0919-3175708 / bebang_ej@yahoo.com
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Walang mapapala sa pakikisalamuha sa mga taong may bisyo at walang ambisyon sa buhay. Nasa kapalaran ang pag-unlad kung mapapabilang sa sirkulo ng mga kaibigan na nasa mataas na katayuan sa lipunan. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Sa araw na ito ay may darating na magandang pagkakataon sa pagpapaunlad ng kabuhayan na pwedeng mauwi sa wala kung panghihinaan ng loob. Dapat magdagdag ng tiwala sa sarili. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Umaayon ang galaw ng mga bituin sa pagkakaroon ng masayang romansa sa araw na ito. Higit na magiging malalim ang relasyon sa minamahal kung makikilala ito nang lubus-lubusan. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mahaharap ngayon sa problemang pampamilya na may kinalaman sa mga gastusin, pero kaagad din namang malulutas. Pairalin ang hinahon at pang-unawa kung may darating na suliranin. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi man magbunga ngayon ang mabubuting gawa ay tiyak na may aanihin sa malapit na hinaharap. Hindi dapat maging pisimistiko sa nararanasang ilang kabiguan sa buhay. .CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maaaring kabaligtaran sa inaasahan ang mga pangyayaring nagaganap ngayon. Patuloy na magsumikap at umasa pero hindi dapat magtiwala sa pangako ng sinuman na madalas ay napapako lamang. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ibigay ang maayos at magandang gawa sa pagtatrabaho upang maipakita ang talento na nilalakipan ng tiyaga. Walang mapapala sa buhay kung ang pahahalagahan lamang ay ang arawang kita. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – May darating na malaking okasyon sa sariling tahanan pero dapat iwasan ang paggastos ng sobra sa budget. Dapat maging simple sa pamumuhay upang makaiwas sa krisis pampinansiyal. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Pumapabor ang mga pagkakataong upang makakuha ng magandang proyekto sa trabaho o negosyo. Ang pagiging maalalahanin at malambing ay magiging daan sa pagkakaroon ng mainit na romansa sa minamahal. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sa araw na ito ay magiging maaaliwalas ang buong maghapon sa trabaho at sa sariling tahanan. Ang mga pinaplano sa buhay ay unti-unting maisasakatuparan sa pakikipagtulungan ng minamahal at mga kapamilya. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Makakaiwas sa malalaking problema kung mananatili sa matuwid na landas sa paghahanapbuhay. Hindi mabibigo sa hinahangad na pag-asenso basta’t maging matiyaga lamang sa patuloy na paggawa at paghihintay. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Malaki ang posibilidad na magkatotoo ang mga pangarap sa buhay kung hindi pahahadlang sa darating na mga problema. Ang tinataglay na talino at kakayahan sa nililinyang trabaho ay aani ng tagumpay.
AGOSTO 1 - 7, 2010
Walang hanggang pagtuklas
9
Tangway at Tagaytay Imelda Estrella (Tanza, Cavite)
MALAYO na talaga ang nararating ng utak ng tao. Ang mga siyentipiko sa pagpupursige na tuklasin kung ano ba talaga ang nasa loob ng utak ng mga notoryus na kriminal ay bumuo ng isang eksperimento. Sa loob ng laboratoryo ay nakaimbak ang utak ng mga kilalang mamamatay-tao at kriminal. Makikita dito ang utak ni Jack the Ripper, Jason at Freddie Kruegger, at iba pang serial killer. Napangisi si Dr. Moore. “Sino ba ang nagsabi na kathang-isip lang ang mga karakter ng krimen?” Sinipat niya ang nakaimbak na utak ng mga karakter na sa bangungot lang makikita pero nabuhay pala. “Amazing!” Hawak ni Dr. Moore ang rekord kung paano nasangkot ang mga utak na ito sa serye ng mga pagpatay. Mga karumaldumal na krimen. Ang misteryosong pagpatay ni Jack the Ripper sa mga prostityut na animo ay may supernatural na epekto. Isang perennial thriller ang paglitaw nito sa dilim habang may usok at marahas na pumapatay ng biktima at sa isang kisapmata ay bigla na lang naglalaho matapos gawin ang krimen na wala man lamang iniwan na bakas ang salarin. Si Jason ang karakter sa panakot na Friday the 13 th ay walang awa rin kung pumatay. Si Freddie Kruegger ng Nightmare on Elm Street na may matutulis na kuko at mukhang kasuklamsuklam ay ni hindi papangarapin ng sinuman na makita maging sa bangungot o guniguni man lang. Ang mga kriminal na ito ay may mga balon ng kuwento tungkol sa pagpatay. Para sa kanila, ang pagpatay ay para lang kumakatay sa isang bagay na walang buhay. “Iba talaga ang lupit ng utak ng mga ito.” Ang iba pang utak ng mga notoryus na kriminal ay dumadaan ngayon sa mga pagsusuri. Parang utak ng hayop na binubulatlat ni Dr. Moore ang utak ng isa sa kriminal. “Ano ito?” May kakaiba siyang nakita sa utak nito na mahirap ipaliwanag pero alam niyang nanduon. He has found wha he calls “a cookie-cutter syndrome,” a striking similarity in serial killers. “They tend to be hypochondriacs, chatty, remorseless men who are addicted to the most brutal acts -
stabbings, strangulation, rape - and see their victims as inanimate objects, “ ayon duktor. Maging ang duktora ay namangha. “Ang utak ay parang humihinga, humihingal sa galit.” “Punumpuno ng galit ang utak ng isang ito,” hindi rin makapaniwala ang forensic expert. Ano nga ba ang nagtutulak sa utak ng mga ito para pumatay? Uubusin talaga nila ang panahon matuklasan lang ang lihim sa loob ng utak ng mga krimen. “Masyadong agresibo. Puno ng pagnanasa ang laman ng utak nito!” “Ang isang ito naman ay puno ng galit, kumukulo sa galit ang utak na parang anumang sandali ay handang sumabog.” Medyo napaatras ang duktora sa takot. Sa pag-aaral ay nakita nila na ang matinding “urge” ang nagtutulak sa ibang kriminal para manghalay at pumatay. Ang napakatinding pagnanasang ito ang pumapatid sa nalalabing katinuan para mag-isip nang tama. Hindi na nito mapaghiwalay ang tama sa mali. Nanniwala rin ang duktora na hindi na dapat bigyan ng tsansa na makawala ang mamatay tao dahil puwede pa rin nilang ulitin ang pagpatay. “Nakakatakot talaga ang takbo ng mga utak ng kriminal. Ang nakaprograma sa utak nila ay pumatay. Pumatay nang pumatay.” Saglit pa may panibago na namang utak na dinala sa laboratoryo. Ang utak ay mula sa isang hurumentadong estudyante na matapos mamaril sa eskwela, kumitil ng maraming buhay at ikinasugat nang ilan ay saka nagpakamatay. Pumipintig-pintig pa ang utak at kita doon ang paghihimagsik. Ang killing spree ay kumitil ng buhay ng 12 estudyante, isang guro at 24 katao na pawang sugatan. “Ano naman kaya ang nag-udyok sa estudyanteng ito para gawin ang nakapangingilabot na krimen?” Naiiling
si Dr. Moore. “Ang bayolenteng paggawi ng mga salarin ay isinisi ng ilan sa musika,internet, video games at pelikula na ang tema ay pawang karahasan,” anang kasama nilang chemist. “Ang kabataang ito ay kinakitaan na ng sintomas ng pag-aamok sa kanilang blog na nagtuturo ng paggawa ng pampasabog, tahasang pagtuligsa sa lipunan at kasunod ay pagbabanta sa mga estudyante at guro sa nasabing eskuwelahan,” dagdag pa nito, na agad ding lumabas. Palaisipan pa rin sa mga duktor kung ano ba talaga ang utak na nagpapagalaw sa isang kriminal. Umaasta sila na parang mga halimaw. “Daig pa kamo ang baliw na halimaw.” Kung ano ang motibo at mental state ng mga kriminal na ito ay hindi pa rin malinaw kung saan degree sila magkakapareho. Ipinalagay na may sakit sa utak ang estudyanteng ito dahil minsan na rin itong na-diagnose na may anxiety disorder at kinakitaan ng matinding panlulumo. Mailap sa tao. Parang autistic. Ilang pagsusuri pa at may nakita silang humalong kemikal mula sa utak nito. Ipinalagay na ang ininom na gamot ang nagdulot ng matinding mania at paghihimagsik. “Ano nga ba mayroon sa utak ng mga kriminal na ito at sa kanilang nalalabing katinuan ay tila nakaprograma ang pumatay nang pumatay?” Nagdudulot pa nang kalituhan sa mga nandun kung ano ang paniniwalaang teorya. Hindi maubos-ubos ang dahilan. Kung bubuksan ang utak ng isang kriminal ano ang pagkakaiba sa utak ng normal na tao? “Kakaiba talaga. Humihinga pa. Humingal sa matinding pagnanasa.” Ang utak ng isang serial killer na bumiktima ng 33 kabataan sa madilim
na daan sa magkakaibang insidente ng pagpatay ay matindi rin ang hingal. Halos umuga ang mga gadget na nakakabit sa utak nito na animo ay nililindol ang lalagyan. Minsan na raw sumailalim sa interbyu ng isang forensic psychology ang kriminal na ito pero pawang kasinungalingan, pambabastos at kung anu-anong inimbentong sagot lang ang nalaman tungkol sa ginawang krimen ng nasabing kriminal. Sa pagbitay sa lalaking ito na nakilalang si Gacy ay pinagaralan din kung ano nga ba talaga ang kayarian ng utak nito? Bigo ang naging pagaaral ng duktor noon na makatuklas kung ano mang kaibahan ng utakkriminal kumpara sa iba. Itinago niya ang utak ng kriminal sa isang plastic bag sa pag-asa na isang araw ay may matuklasan din sa DNA nito o magkaroon ng scientific advances hinggil sa pag-aaral na ito. Sa tinagal-tagal ng panahon ay napasakamay nila ang utak at ngayon ay parang may sariling buhay na humihinga ito. Para bang natulog lang ng mahabang panahon at ngayon ay muling bumabangon. “Hindi kaya magkaroon ng paa at kamay ang mga utak dito? Baka habulin tayo!” pabirong sabi ng duktora. Ang gusto lang naman niya ay pagpagin ang nerbiyos na
nagsisismula nang gumapang sa kanya. “Ang sabihin mo baka magkaroon ng ngipin at una ka pang kagatin.” Nagbiro na rin si Dr. Moore. Hindi nila puwedeng tulugan ang eskperimentong ito. Nakasalalay dito ang isang pagtuklas sa larangan ng siyensiya. Walang hanggang pagtuklas. Ang tanong, kung may kinalaman din ba ang genes ng tao sa paglikha ng hukbo ng mga mamatay-tao? Sa resulta sa laboratoryo ay di lang ilang beses napatunayan na may genetic abnormality sa utak ang mga kriminal na ito. Kung posible na sa hinaharap ay maikorek ng genetic engineering ang depektong ito ay posible ring mabawasan na ang pagtaas ng crime rate sa buong mundo. “Huwag kayong magpanic. Wala nang katawan para makapanakit ang mga ito….. kahit pa sabihing halimaw ang mga utak na ito!” Hindi talaga tutulugan ni Dr. Moore ang eksperimentong ito. Nagpaalam muna ang duktora sa kasama. “Invited ako para maglecture bukas para sa behaviour ng mga bata,” anito. Ang paksa ay kung ang bata ba na kinakikitaan ng bayolenteng paggawi at lumaki sa tahanan na parang sona ng digmaan ay may potensiyal din na maging serial kill-
er o notoryus na kriminal?” Walang sagot. “Kailangan ko munang magpahinga para makabawi nang lakas.” Tumango ang duktor na tutok na tutok sa mga specimen. Mahirap malingat dahil minu-minuto ay may pagbabagong nagaganap. “Bye, Dok…..” Parang wala itong narinig. Mas pinakikinggan nito ang tibok ng utak na habang nagigising ay tila matang nandidilat. Ang utak na ito ay tila humihiyaw at parang naghahamon ng away. Kapag may naghahamon may kumakasa. Nagulat ang duktor nang makitang gumalaw ang utak ng isa pa, at ng isa pa. Parang nakakawalang halimaw na galit na galit, handang pumatol sa galit. Narinig niya na parang nagkaboses ang utak ng naghamon. “Ako ang utak ng krimen ng lahat ng krimen. Lumabas diyan ang matapang para magkasubukan na kung sino ang hari!” Sumagot ang utak ni Jason. “Baka gusto mong mapalakol!” Hindi nagpatalo ang utak ni Krueger. “Hibang! Huwag kang pipikt at baka hindi ka na dumilat! Ugok! Matitikman mo ang bangis ko sa bangungot!” Hindi kumibo ang utak ni Jack the Ripper pero nagpausok. SUNDAN SA P.10
10
AGOSTO 1 - 7, 2010
MGA KABITENYO, NABIKTIMA NG ILEGAL REKRUTER BUWAN ng Enero, 2010 nang mangako ang tagaSilang, Cavite na si Tess Medina, ahente siya ng Mheyman Manpower International na sa halagang P70,000 bilang placement fee ay kaya nilang makapagpaalis ng mga manggagawa patungong Cyprus bilang fruit picker. Sa sahod na $23 kada oras, kayang-kayang mabawi ang puhunan sa loob ng isang buwan. Mahigit tatlumpung Kabitenyo na karamihan ay taga-Silang, Mendez at Indang ang nag-aplay. Pagkalipas ng anim na buwan ay wala pa ring nakakaalis isa man sa mga aplikante. Ang Mheyman Manpower International ay dating may opisina sa 9619 KAMAGONG STREET, SAN ANTONIO VILLAGE, MAKATI CITY, PHILIPPINES at tumatayong representative si ELENA M. BUENAVENTURA. Ngunit nabili diumano ang ahensiya ni FEY URQUICO at lumipat ng opisina sa San Fernando, Pampanga. Magmula noon, puro pangakong hindi natutupad ang ibinigay ni Urquico hanggang sa magsara ang opisina nila sa Pampanga dahil hanggang Maynila lamang ang lisensiya. Samantala, inaasam ng mga nabiktima na maibalik ang kanilang pera. Subalit itong si TESS MEDINA ay patuloy pa rin sa pagrerekrut kahit pa wala namang napapaalis ang Mheyman Manpower International sa kanilang aplikante. Kamakailan ay naipalabas na sa IMBESTIGA-
DOR sa channel 7 ang kaso ng Mheyman at lumilitaw na marami rin itong nabiktima maging sa Pampanga. Naghahanap ang mga Kabitenyong biktima ng taong malalapitan upang matulungan silang mabawi ang kanilang placement fee. Samantala, isang Kabitenyo naman ang matagumpay na nakapunta sa Korea at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pabrika. Sa pamamagitan ng isang tula ay ipinahayag niya ang kanyang karanasan: BUHAY ABROAD (tula ng taga-Indang na nasa Korea William “Oway” Viado Perido Ang hirap aking MAHAL kapag ako’y nag-iisa larawan ninyo ang tangan at tanging ala-ala ang mag-abroad nga pala’y kay hirap talaga sakripisyo’y lungkot ang aking nadarama..... Sa bawat sandali lagi kayong nasa sa isip pangungulilang labis akin na lamang tinitiis ang kayo’y makita at mayakapak ng mahigpit at maipadama ang pagmamahal na walang kaparis.... Ang mag-abroad sa marami ay ‘’isang hamon’’ na nagpapatatag ng loob sa taong may ambisyon na maitaguyod ang pamilya sa tamang panahon upang ang kinabukasan nila’ay maiayos at maiahon! Maraming Kabitenyo ang nangangarap na makapangibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. May ilang mga pinapal-
Sa pagpili ay may naghihintay na kapalit AYAW ko sanang simulan ang sanaysay na ito sa paglalarawan sa buhay kolehiyo bilang isang konsepto ng bagong yugto ng ating buhay. “Bagong uniporme, bagong kaklase, bagong guro, at bagong eskwelahan.” Tila masyado nang gasgas at gamit ang linyang iyon. Subalit, yun naman talaga ang totoo. Ngunit, ang kalimitan nating hindi nabibigyan ng pansin ay ang ating magiging bagong buhay sa kolehiyo. Pumasok ako sa isang napakalaking unibersidad. Marahil ay sampung ulit nang laki ng paaralan ko noong hayskul. Malaki ang pinagkaiba ng hayskul sa kolehiyo. Sa hayskul, ang mga magaganda ay kilala ng lahat. Ang mga pasaway ay kinaiinisan ng lahat. Noong hayskul, kapag napatawag ka sa guidance, halos buong kampus ay nakakaalam. Halos lahat ay magkakakilala kung kaya’t, ang alam ng isa ay pihadong malalaman ng lahat. Dito may malaking pagkakaiba ang kolehiyo. Bago pa ata maging kilala ang isang estudyante sa unibersidad ko, marahil ay mayroon siyang video. Isang hindi kanais-nais (pwede ding
Michelle A. Vale Cruz, 16 years old, Political Science Student. Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas, Born in Cavite City on Nov. 15, 1993, Highschool: SSC-R de Cavite
kanais-nais) na video. Sa madaling salita, mahirap maging sikat sa eskwelahang ginagalawan ko ngayon.
Mula noong tumuntong ako sa unibersidad na kinabibilangan ko, nakalimutan ko na ang salitang “bakasyon”. Kung makapagtambak ng projects at assignments, parang ayaw kaming pagpahingahin. At kung makapagpaeaxam? Ayos. Parang ayaw magpa-graduate. Wala pa dyan ang mga propesor na pa-major. Mga propesor na hindi nabibigyan ang kanilang
asignatura ng atensyon. Sa madaling salita, kulang sa pansin. Dito sa kolehiyo ko rin naranasan ang magkaroon nang pagkahaba-habang coverage sa exam na 20 items lang at True or False. Para kaming pinaglalaruan. Para kaming niloloko. At kung makapagparecitation? Iba! Gumagamit sila ng index cards at binabalasa ito. SUNDAN SA P.11
PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.
ad ngunit marami rin ang nalilinlang ng mga ilegal na ahensiya gaya nga ng Mheyman Manpower International. Hustisya ang hanap ng mga biktima.
Walang hanggang... MULA SA PAHINA 9 Palibhasa ay mainit-init pa ang utak ng estudyanteng nag-amok sa klase kaya katakut-takot na mura ang inabot ng mga utak na naroroon. At parang terorista na nagbanta pa na papasabugin ang mga utak nila. Nagkairingan. Lalong umaatikabong na hamunan. Manghang-mangha si Dr. Moore na naiipit sa labanan. Nagkakabasagan na nga ng mukha, ng utak. Kita niya kung paano patalsikin at pasabugin ang bao ng hininga ng utak ng isa. Ngtatalsikan at naglalabu-labo sa kanilang labanan. Matira ang matibay. Parang mga halimaw na gutom at sabik pumatay. Pumatay nang pumatay. Bago pa man madale ay nakita ni Dr. Moore ang sarili na may hawak na ring panghambalos. Naghuhurumentado na rin ang utak niya. Isang utak ang nagkagutay-gutay nang hampasin niya nang ubod ng todo. Hampas dito, hampas doon. Nagkabasag-basag na nga ang mga gamit sa laboratoryo. Habang nakakadale siya ay lalong nauuhaw ang pagnanasa ni Dr. Moore na makadale pa ng isa. The more na nakakadale siya, the more na gusto niya pang makadale ng iba. Napangisi siya nang madurog niya ang utak ni Jack the Ripper. “Lintik ka! Ang dami mong biniktima, ako lang pala ang magpapatumba sa iyo,” aniya, todo ang ngisi. Nakaramdam siya ng kakaibang kapangyarihan nang makitang parang maamong tupa ang mga utak na kanina lang ay parang halimaw na handang manakmal. “O, ano? Sino ngayon sa atin ang hari?” hamon niya. Ang hindi niya alam ay traydor pala ang mga utak na ito. Kumbaga, nagpapabugbog muna bago aatake uli. Humagis sa ere ang isa, parang may isip talaga. Isa ang tumapal sa kanyang mata. Wala siyang makita. Hampas dito, hampas doon ang ginawa niya pero parang kinakain ng utak ang mukha niya. Dinumog siya ng mga utak na bagaman malambot ay may lakas ng puwersa na tila gustong pumasok sa loob ng katawan niya. Binubutas ang ulo niya. Pinupuno ng utak ang loob ng katawan niya. Hanggang sa tuluyan na siyang dinumog. Sa kanyang natitirang lakas ay nagdilim ang lahat sa kanya. Katahimikan. Wala na ang kaguluhan. Lumipas ang buong magdamag. Ginising si Dr. Moore ng mga tapik ng janitor na noon ay maglilinis sa loob ng laboratoryo. “Dok, bakit ka diyan natutulog sa sahig?” aniyon, puno ng pagkabahala. Napabalikwas nang bangon si Dr. Moore. Kinapa niya ang ulo. Hindi butas. Pinakiramdaman niya ang sarili, may kakaibang lakas. Nananaginip ba siya? Tiningnan niya ang mga utak ng kriminal, wala sa lalagyan ang mga utak-halimaw. Parang niyuyugyog ang kanyang katawan. Pumipiglas. Kung gayon, totoo ang lahat, nasa loob ng katawan niya ang utak ng mga demonyong halimaw. Bago pa man niya utusan ang kamay ay nakita niyang sakmal-sakmal na ng mga kamay ang janitor, hanggang sa tuluyan na iyon nawalan ng hininga. Ang lakas niya. Lakas na sampung beses sa lakas ng halimaw. Napangisi si Dr. Moore matapos kunin ang utak ng janitor. Siya na ngayon ang hari ng krimen ng mga krimen….ang killer doctor!
AGOSTO 1 - 7, 2010
11
Lalawigan ng Cavite, tagumpay na mapababa ang kaso ng malnutrisyon
CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Sa pagdiriwang ng ika-36 th National Nutrition Month na may temang “Pagkaing Tama at Sapat, Wastong Timbang ni Baby ang Katapat” ay malugod na inanunsiyo sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol Grounds nitong July 26, 2010 (Lunes) na nakamit ng lalawigan ng Cavite ang talang 5.8% na nabawas sa malnutrisyon. Naging matagumpay ang pagsugpo sa malnutrisyon sa buong lalawigan sa pagtutulungan ng panglalawigang pamahalaan kabilang na sina Dr. Wilma Diez (Provincial Health Officer) at sa tulong ng Provincial Nutrition Council at mga Municipal Nutrition Action Officers at DepEd-Cavite sa pamamagitan ng mga programang breast feeding, complementary feeding, feeding programs of schools and NGO’s, nutrition drive, anti-malnutrition campaign at iba pa. Ayon sa guest speaker na si Dr. Juanito D. Taleon (DOH Regional Direc-
tor, CALABARZON) ay malaki itong tagumpay sa layuning masugpo ang malnutrisyon katulad ng underweight at underheight. “Nagpapasalamat kami kina Gov. Jonvic Remulla, Vice Gov. Recto Cantimbuhan at mga kasamahan sa lalawigang pamahalaan sa kanilang suporta sa programa at budget ng nutrition. Maganda ang mga performance at service ng Cavite, pede kayong maging model at examplery sa buong bansa sa pagsugpo ng malnutrisyon,” dagdag pa ni Dr. Taleon. Samantala nagbigay naman sa provincial government ang Jesus King of Kings Ministries (JKM) sa pangunguna ng President nito na si Ms. Elizabeth Perez ng may 40 boxes of relief milks na tatagal ng 3 to 4 months na supply sa isang area sa lalawigan na nangangailangan ng nutrisyon. Ang tulong na ito ay nagkakahalaga ng P675,000 at nagmula sa USAID na ipinagkatiwalang maipagkaloob sa lalawigan sa effort ng JKM. Pansamantala namang humalili sa regular na lingguhang ulat sa bayan ng Gobernador si BiseGobernador Recto Cantimbuhan dahil si Gobernador Jonvic Remulla ay dumalo sa meeting ng Governors League ng umaga at dumalo sa SONA ng Pangulong Benigno Simeon ”Noynoy” C. Aquino, III ng hapon.
Ayon kay Bise-Gobernador Cantimbuhan ay tunay na kapuri-puri ang talang 5.8% na pagbaba ng kaso ng malnutrisyon sa buong lalawigan kaya pinasasalamatan ng administrasyong RemullaCantimbuhan ang lahat ng kabahagi sa tagumpay na ito. Ayon pa kay Bise-Gobernador Cantimbuhan, isa umano ang Cavite sa nagunguna sa pagkakaroon ng maganadang Legislative Building sa bansa datapwat nais umano niyang maging high tech ang lehislatura na katulad ng sa ibang lalawigan sa pamamagitan ng tinatawag na electronic session, kaya ito ang kaniyang isinusulong na mangyari at aniya nilalakad nila ito ng Gobernador na maipatupad sa loob ng 2 hanggang 3 buwan ng taong ito. Idinagdag pa ni BiseGobernador Cantimbuhan na ang kasalukuyang nagaganap na screening process sa mga empleyado ng Kapitolyo ay upang maalis ang mga ghost employees at mga 15/30 employees. Ipinaabot ng Gobernador na ang personnel selection ay huwag bahiran ng kulay at pamumulitika, kundi ginagawa lamang ito para isaayos ang personnel structure na ang tanging layunin ay maisaayos ang sobrang gastusin ng pamahalaang panglalawigan upang mas makatipid at mailaan
ang matitipid sa ibang mas kapaki-pakinabang pang programna at proyekto na direktang serbisyo para sa mamamayan. Samantala maganda ang mensahe ng Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang SONA noong nagdaang Lunes, kalakip nito ang pag-e exposed ng mga anomalya at eskandalo ng nagdaang rehimen ni Gng. Gloria Macapagal -Arroyo. Maganda rin ang seryoso at sinsero niyang pakikipaglaban sa katiwalian at korapsyon, yaong mga hindi natuwa at hindi pumalakpak na mambabatas sa SONA ng Pangulo ay malamang sila yaong mga tinamaan, hehehe. Kaya lamang kapansin-pansin pa rin na mayroong kulang sa mensahe ng Pangulo katulad ng isyu sa kakulangan ng trabaho at kung papaano ito matutugunan ng kanyang bagong pamahalaan at maging ang usapin sa palupa ay hindi rin niya nabanggit kung magkakaroon ba ng malawakang tunay na reporma sa lupa sa kanyang bagong Pilipinas kung saan nararapat ng maipamahagi ang sobrasobrang ektarya ng mga lupain para sa mga magbubukid na tinagurian nating mga buhay na bayani na tagapagpakain ng sangkatauhan kahit ang sarili nilang mesa ay salat naman sa pagkain. Lubusan pa akong hahanga sa bagong Pangulo kung
magagawa niyang maipamahagi ang mga lupain para sa uring magbubukid katulad halimba-
wa ng Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng kanilang pamilya Cojuangco.
Sa pagpili ay may naghihintay na kapalit MULA SA PAHINA 10 Hindi lang index cards naming ang binabalasa, kundi pati aming kapalaran. At kapag natawag ka dahil nabunot ang iyong card, yari ka. Buong period kang nakatayo at gigisahin ng iba’t ibang mahihirap na tanong. Pero para sa akin, ang pinakamahirap na tanong ay hindi iyong nanggagaling sa propesor, kundi iyong nanggagaling sa iyong katabi. Ang tanong na ito ay, “Papasok ka pa ba mamaya?” na sinasagot ko naman nang pinakamapanuksong sagot na, “Ikaw?” At diyan nauuwi ang isang kasunduan. Hindi ko na sasabihin pa kung ano ang kasunduang iyon dahil alam kong nagkakaintindihan tayo. At dito ko unang nalaman, natutunan, at naranasan ang konsepto ng artipisyal na kalayaan. Kalayaan ng mga taong mababaw ang kaligayahan. Kalayaang ngayong kolehiyo ko lamang naramdaman. Dito ko nalaman na hindi pala lahat ng itinuro ng titser ko noong hayskul ay tama. Hindi pala lahat ng tinitignan ay tunay na nakikita. Hindi lahat ng isinisigaw ay naririnig. Hindi lahat ng sinasabi ay pinakikinggan. May mga bagay na binubusisi, inaalam, tinatanong, inuusisa, at binubunyag. Ang kolehiyo ang bumago ng buhay ko. Hinulma ako nito at ginawang tunay na tao. Ipinaalam nito sa akin ang mga bagay na dating isinekreto. Ipinakita sa akin ang mga bay na dating nakatago. Binuksan ang mga bagay na dating nakasara. At ibinigay ang kaalamang ngayon ko lang nakuha. Pero dapat nating isaisip na ang pagpasok sa kolehiyo ay isang pribilehiyo na may kaakibat na pagsubok. Ang pagpasok sa kolehiyo ay isang responsibilidad na kapag pinasok na, at nasa loob ka na, panindigan mo na. Ito ay nababalot ng iba’t-ibang tukso. Ang mga tuksong ito ay natural hindi lang sa buhay kolehiyo kundi sa buhay mismo. Ang kolehiyo ay may kapasidad na gawin ang buhay mong napakahirap at napakasarap. Ngunit, sa pagpili ay may naghihintay na kapalit. Kung kaya’t sa kapwa ko mag-aaral, laging isaisip ang mga bawat gagawin. Timbangin ang pasya. Alamin nang mas malalim. Makipaglaro sa buhay tulad nang kung paano nito tayo laruin. Ngunit sa huli, ating alalahanin ang leksyon ng buhay na itinuro sa atin.
Kotse ng ermat ni Ramsey, na-hijacked sa Cavite NI WILLY GENERAGA
KASALUKUYAN ngayong pinaghahanap ng pulisya ang dalawang di pa nakikilalang lalake na tumangay ng kotse ng ina ng kilalag artista sa telebisyon na si Derek Ramsey sa Tagaytay City, kamakailan. Ang kotseng itim na Volvo na may plakang ZAX887 ay pag-aari ni Remedios Ramsey. Ipinahayag ni Superintendent Dexter Rellora, police chief ng lunsod,ang kotse ay makaparada sa labas ng rest house ng mga Ramsey sa Ligaya Drive, Barangay (village) Sungay West. Nakasakay ang driver ni Ms. Ramsey’s nang tutukan ito ng baril ng dalawang lalake at sapilitang tinangay ang sasakyan bandang 5:35 n.h. Nakipagtulungan naman ang pulisya sa iba pang ahensya sa lalong pagkakahuli ng mga suspek.
DEREK RAMSEY
LRT hanggang Imus, alok ng Romero INALOK ng The Romero group ang pamahalaan sa pagdurugtong Light Rail Transit line mula Taft Avenue hanggang sa lalawigan ng Cavite sa Imus at isagawa ang operasyon sa halagang P57 billion. Ang EcoRail Transport Services Inc., isang yunit ng the Romero group, ay nagsumite ng proposal sa Transportation Department at sa National Economic and Development Authority,
upang maging eklsklusibong tagapamahala, pagpapatakbo at pagsasaayos ng LRT Line 1 System na tatawaging EcoRail Transit One System. Ipinahayag ng EcoRail na ang proyekto ay magkakaroon ng tatlong bahagi—ang ekstensyon sa Cavite, pagsasaayos at pagpapabuti ng LRT Line 1at angpamamahala ng buong sistema nito. Ang kabuuang proyekto ay aabot sa P56.6 bilyon
ion,at ang 44% nito o ang P25.2 bilyon ay popondohan ng dayuhan. Sinabi ng EcoRail na mangangalap sila ng pondo sa pamamagitan ng utang naaabot sa 79% at ang natitirang 21ay equity. Aabot sa P15.7 bilyon ay manggagaling sa export credit agencies samantalang ang P28.8 bilyon ay sa commercial loans. Ang ektensyon ng LRT Line 1 (South Extension) ay lalamani ng 16kilometerong haba
mula Baclaran station hanggang Imus, Cavite, syam at apat na intermodal stations, ‘Smart Card’ fare collection system at isang expandable main depot sa Bacoor. Ang minumungkahing istasyon ay ang Redemptorist, Manila International Airport Authority, Asiaworld, Ninoy Aquino International Airport, Sucat, Manuyo Uno, Las Piñas, Zapote, Talaba, Niog, Bacoor, Aguinaldo at Imus.
Pag-angat ng nutrisyon sa Cavite, itinaguyod TRECE MARTIRES CITY —- Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa pamumuno ni Gob. Jonvic Remulla at ng Provincial Health Office, sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Nutrition Council ang kampanya upang iangat ang tamang gawi sa wastong nutrisyon at ang pagsasakatuparan ng Millenium Development Goals tungo sa pagbaba ng insidente ng malnutrisyon sa mga kabataan kamakailan kaugnay ng pagdiriwang ng ika-36 nutrition month na may temang , “Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat” . Naglunsad rin ang Provincial Nutrition Council ng ilang proyekto upang mabawasan ang malnutrisyon sa lalawigan gaya ng pagsasagawa ng nutritional counseling para sa mga ina , pasyente at mga bantay ng pasyente tuwing MWF sa mga pampublikong pagamutan na pinangangasiwaan ng PHO; paglulunsad ng nutrition parades sa lahat ng pampblikong paaralan at day care centers; pagsasagawa ng DepEd ng mga paligsahan na may kinalaman sa nutrisyon sa 29 pampublikong paaralan sa elementarya sa lalawigan ; pagsasanay sa mga panibagong lumahok sa barangay nutrition scholars; pagbibigay ng mga posters at child growth standard reference table sa mga lunsod at rural health centers , kasama na ang feeding programs at mothers classes. Nagbigay din ng mga medalya ang pamahalaang panlalawigan sa mga nanalo sa poster at slogan making contest at quiz bee . Katuwang din si Bb. Elizabeth Perez ng Jesus King of Kings Ministry, namahagi din siya ng Reliv milk na nagkakahalaga ng 675,000 para sa mga kabataan upang mapababa ang malnutrisyon sa Cavite . Kasama rin sa naturang pagdiriwang si DOH Regional Director, Dr. Juanito D. Taleon ng Center for Health Development IV-A na nagsilbing panauhing tagapagsalita at nagbigay ng ilang epektibong istratehiya at makabagong paraan upang maibaba ang bilang ng malnutrisyon sa lalawigan.