2
AGOSTO 15 - 21, 2010
Apat na opisyal ng Provincial Health na-retained ni Gobernador Remulla CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Masayang iniulat ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. sa kanyang lingguhang ulat sa lalawigan sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Lunes, Agosto 9,
2010 ganap na 8:00 ng umaga sa Capitol Grounds, Trece Martirez City, Cavite ang pagkakaretained ng apat na matataas na opisyal ng panglalawigang tanggapan kaugnay sa kalusugan at pagamutan. Ayon kay Gobernador
Remulla, “After five weeks of checking and examining ng ating selection panel para sa mga hepe at empleyado ng nagdaang administrasyon ay napatunayang muli na karapat-dapat na manatili pa rin sa pwesto ang apat sa
Mga Lider-Mangingisda sa Cavite, nanumpa CAPITOL, TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Humarap kay Gobernador Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. ang mga lider ng sector ng mangingisda sa lalawigan upang manumpa sa kanilang tungkulin. Ginanap ang panunumpa ng grupong Pinagkaisang Mangingisda ng Kabite (PAMANGKA) noong Lunes,
Agosto 9, 2010 ganap na 9:00 ng umaga sa Ceremonial Hall ng Provincial Capitol Building sa Trece Martirez City, Cavite. Ang ilan sa mga nanumpang opisyales ay sina Felizardo Lim bilang President, Mario Tecson bilang Vice President, Wilfredo Galang bilang Secretary, Rodolfo Saltan bilang Treasurer,
Kumpanyang 3M, magtatayo sa Carmona ANG kumpanyang kilala sa buong mundo dahil sa paglikha ng mga pandikit at iba pang kagamitang pang-opisina na 3M ay inaasahang magtatayo ng sangay sa Carmona bilang pagpapalawak ng nasabing kumpanya ayon kay year, President and Managing Director ng 3M na si W.S. Shim. Ang lokal nay unit mula sa Minnesota ng 3M Co. Ay inaasahang lalong lalago ngayong taon kung ihahambing sa paglago na nagaganap sa buong mundo ngayong taon matapos ng pananamlay ng ekonomiya sa buong
mundo. Inamin ni Shim na ang nakaraang taon ay lubhang nakapagpabagal sa pagpapalago ng kanilang kumpanya. Ngunit ang taong ito ay nagpakita ng paglago, ayon kay Shim. Dahil dito, itutuloy na ng 3M ang ekpansyon nito sa Carmona sa susunod na taon. Nasa Pilipinas na ang nasabing kumpanya sa loob ng 46 na tao at may 200 trabahador at tinatayang 10,000 ng produksto nito ay naibebenta sa Pilipinas at ang kalahati nito aymismo ditto ginawa.
Rolando Balustre bilang Auditor, Ruel Marasigan bilang Business Manager at Robles Posas bilang PRO. Matapos ang panunumpa ay nagkaroon ng dialogue ang PAMANGKA sa Gobernador. Ilan sa mga napagusapan dito ay ang ilang kaso ng illegal fishing at mga problemang kinakaharap ng mga mamamalakaya. Samantala kinumusta ni Gobernador Remulla ang mga patrol boats at communications ng grupo at sinabing baka maaari pa itong mapalakas at magdagdagan. Ayon pa sa Gobernador, “Mas maganda na gumawa tayo ng Task Force para mahuli ang mga illegal fishers at mabigyan kayo ng assistance para madagdagan ang inyong mga communication facilities at patrol boats. Makaaasa kayo ng tulong sa aking pamunuan at magtulungan tayo.” Lubos naman ang galak at pasasalamat ng mga lidermangingisda sa Gobernador. REX DEL ROSARIO
Barzaga, magsusulong ng Cha-Cha NAGHAIN kamakailan si Cong. Elpidio Barzaga Jr. Ng batas upang amyendahan ang 1987 Saligang Batas. Ninais din ni Barzaga na maituro ang Saligang Batas sa elementary at sekondarya at kolehiyo kung kayat naghain ito ng Bill No. 2265. Samantalang nauna nang naghain si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at La Union Representative Victor Ortega, ang
chairman sa pagaamyenda sa konstitusyon ssathe chairman of the committee on constitutional amendment, in the 14th Congress. "Mukhang hindi na angkop ang 23 taong 1987 Konstitusyon para sa mga pangangailangang pagbabagong pangangailangan ng banasa," wika ni Barzaga sa kanyang resolusyon. At para maging
malinis sa mata ng publiko ang nasabing pag-amyenda, kinakailangang maihalal ang ang mga delegado, ayon pa rin Kongresista ng Lone District ng Dasmariñas. Sa kanyang panukalang batas, ang eleksyon ng mga deligado ay sa Mayo 2013 at magsisimula ang kumbensyon sa Nobyembre ng taong ding iyon. MICHELLE VALE CRUZ
matataas na opisyal ng pamahalaang panglalawigan na nasa sector ng pangkalusugan at pagamutan at sila ay magiging kabahagi ng ating bagong administrasyon para sa tapat at mabilis na serbisyo sa bayan kaya kaagad akong pipirma at magpapalabas ng Executive Order para mapagtibay ito.” Ang apat na naretained ay sina Dr. Diez bilang Provincial Health Officer (PHO), Dr. Francisco sa KoreaPhilippines Friendship Hospital (KPFH), Dr. Repique sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) at Dr. Bernardo bilang Provincial Health Services Office (PHSO). REX DEL ROSARIO
R E L P TRI PR SPECIALIST
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501
AGOSTO 15 - 21, 2010
MANDATORY HELMET LAW, SAPAT NA-REVILLA NI ERWEL PEÑALBA
INIHAYAG kamakailan ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. na hindi na kailangang amyendahan pa ang kapapasa pa lamang na Mandatory Helmet Law upang mabigyan-proteksyon ang mga bata habang isinusulong naman nya ang bagong panukalang batas na ipagbawal ang pagsakay ng mga bata sa motorsiklo.
Bagamat pinakikinggan ng senador ang hiling na palawigin pa ang Republic Act 10054 o ang Mandatory Helmet Law upang tugunan ang napakadelikadong pagpapasakay ng mga bata sa motorsiklo, ipinaliwanag
nya na may hiwalay na panukalang batas na ganoon din ang nilalaman. Ayon pa rin kay Revilla pitong taon at pababa ang mga batang hindi na pwedeng isakay sa motor upang matiyak ang kaligtasan ng mananakay,
pasahero, motorist at publiko. Kaugnay kasi ito nang imungkahi ng mga Philippine National Police (PNP) na palawigin pa ang Mandatory Helmet Law upang isama ang pagbabawal sa mga batang 1 taon pababa sa pagsakay sa mga motorsiklo kahit may protective gears ang mga ito o kasama ng mga nakakatanda. Sa sulat na ipinadala kay PNP Director General Jesus Verzosa, sinabi ni Cavite Chief Prosecutor Emmanuel Velasco na ang pagpapasakay sa mga bata sa motorsiklo ay maituturing na kaso ng child abuse dahil nailalagay sa panganib ang bata. Bilang reaksyon, sinabi ng mambabatas na maaring magsagawa ng
rebisyon tungkol sa edad na sasakupin sa pagbabawal sa pagsakay sa uri ng motorsiklo at ang klase ng kalsadang pagdaraanan. Ayon pa rin kay Revilla, depende pa rin ito sa gagawing public hearing. Ngunit ang mas mahalaga rito ay maiangat ang kamalayan ng mga mamamayan sa peligrong hated ng nakagawiang pagsasakay ng mga bata sa motor. Ngunit wika ni Revilla, dpat isaalangalang rin ang mga mahihirap na pamilya na tanging motor lang an sasakyan na nagagamit sa paghahatid-sundo sa mga bata sa kani-kanilang eskwelahan. Sa ilalim ng Senate Bill no. 21, labag sa batas ang sinumang magsasakay sa sa mga batang pitong taon pababa sa motorsiklo sa mga national highway o highway maliban sa mga lalawigan na walang gaanong sasakyan at tanging motorskilo lamang ang magagamit. Papatawan ng parusang pagbabayad mula 3,000 hanggang 10,000. Katwiran ng senador, hindi pa kayang pangalagaan ng mga bata ang kanilang sarili habang nakasakay sa motor.
3
Walang dengue outbreak sa Cavite WALANG dengue outbreak pero pinag-iingat pa rin ng health officials ng Lalawigan ng Cavite ang mga mamamayan dahil sa naitalang apat na nasawi at 231 kaso. Ipinahayag ni Provincial Health Officer Ma. Vilma V. Diez na nabiktima ng dengue ang isang 6-anyos na guro at tatlong bata ang binawian ng buhay matspos tamaan ng dengue sa Dasmariñas noong Hulyo, 2010. Madalas tamaan ng dengue ang Dasmariñas, na ngayon ay isa nang ganap na lunsod matapos makapagtala ng 8 sa 28 ng degue ang namatay noong 1998 sa buong lalawigan. Pinag-iingat ang mga Caviteño ngayong panahon ng tag-ulan sa pamamagitan n paglilinis sa buong paligid, bakuran at kabahayan lalong lalo na yung mga stagnant water na madalas pamahayan ng itlog ng dengue. WILLY GENERAGA
AGOSTO 15 - 21, 2010
4 x
Crush yata ako ni Osit
UY!!! isang Ositbuwisit daw ang nagpunta sa isang tanggapan ng DILG at nagtatanongtanong tungkol sa inyong lingkod. Akala siguro ng putang amang buwisit na ito ay makakatagpo siya ng kakampi. Akala n’ya siguro ay lahat ng tao ay nag-aantanda na sa kanya bilang paggalang, ang hindi n’ya alam, kinabubwisitan siya! At dahil sa buwisit nga sa kanya, ang kanyang pinagtanung-tanungan tungkol sa akin ay nakarating din mismo sa akin. Siguro may gusto ka sa akin, no? At para hindi ka
mahirapan putangama ka, eto— nandito lang ako sa opisina ng Responde Cavite 24/7. Bukas na bukas naman ang aming opisina, puwede mong pahagisan ng granada. Puwede mong pa-ispreyan. H’wag ka ng magpakahirap. At kung anuman ang mangyari, alam ng mamamayan ng Cavite na isang buwisit lang ang may kagagawan. Oh, teka muna... ang butas ng ilong mo lumalaki! Ang BP mo baka tumaas. Poging-pogi ka pa naman. Siyanga pala, kamusta nga pala ang usapan n’yo ni Gov. Jonvic Remulla? Alam na ba ni Cong. Ayong Maliksi at Cong. Abaya ‘yan? Kung hindi pa ay puwede kitang tulungang ipaalam. He, he, he!
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario
rex del rosario
3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district
melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director erwell peñalba goldie baroa advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
NOON AT NGAYON! PANAHON NG SENTI AT EMO “There are nights when the wolves are silent and only the moon howls (May mga gabing tahimik ang mga lobo at tanging buwan ang umaalulong)”. —George Carlin Dati, sa Cavite City, nakikinig ang mga tagaCity Hall sa kung ano na ang nangyayari sa mga mamamayan. Pag may alingasngas, sugod ang mga taga-munisipyo para makiusyoso. At alamin ang puno’t dulo. Ngayon baligtad na. Kapag nagkakagulo sa City Hall, may alingasngas at kakaibang nangyayari, mamamayan na ang pumupunta rito para malaman kung sino ang promoter. At lalabas silang iiling-iling, tama kasi ang hinala nila. Nakialam na naman ang angkan! oOo Dati, sa Lalawigan ng Cavite, nakakatakot lumabas ng gabi. Baka ka mahagisan ng bangkay na pinalipad mula sa rumaragasang sasakyan. Ngayon, nakakatakot pa rin lumbas kung gabi, baka ikaw ang damputin at ihagis na bangkay sa kung saang lugar nang ganun-ganun na lang.
Dati, kinatatakutan ang madidilim na daanan sa Lalawigan ng Cavite. Baka may sumitsit sa iyo na white lady. Ngayon, nakakatakot ap rin ang dumaan sa madidilim na daanan sa Cavite, baka may sumitsit sa iyo at sabihing “BOSS,CHICKS?” oOo Tik-tik kalawang noon! Epza ngayon! oOo Kontrabando noon. Droga ngayon! oOo Sugalan noon. Sugalan pa rin ngayon! oOo Beer house noon. Beer house pa rin ngayon... yun nga lang, walang tao. oOo Baseball noon. Karera ng motorbike sa gabi ngayon! oOo Talahiban at Pastulan dati ang Bacoor at Dasma noon. Mall na ngayon! Palakpakan! 1st Class City ang Cavite City noon. 5th Class ngayon. Maghanda tayo kapag naging pang-10. Palakpakan...ang angkan!
…IPAGLABAN MO! IBA’T IBANG isyu na naman ang naglantaran sa larangan ng edukasyon. Nariyan ang biglang pagbulusok ng K-12; ang mga naiulat na mga karahasan sa mga paaralan at ang mungkahing ituro muli ang sex education sa mga estudyante. Di na yata mapipigilan ang DepEd sa suhestyon na dagdagan pa ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estdyante. Lahat ng anggulo ay kanilang pinag-aralan upang agad itong maisakatuparan. Ngunit, agad din itongtinanggihan at binigyan ng maraming dahilan ng di pagsang-ayon sapagkilos na ito ng mga magulang at mga guro. “Talagang di nararapat at di napapanahon ang pagsasagawa nito.” aking pahayag para sa inyo. Dagdag budget ito as makakasira pa sa mga plano. Nakikisa po ang inyong lingcod sa pagbaklas ng pagsasakatuparan ng programang ito. “Ibasura ‘to;wa kwenta!” Ang mga kasong karahasan sa mga mag-aaral gaya ng pambubugbog, panghahalay at pananakit para sa mga guro at estudyante - pilit tinatago pero kusang nangangamoy ang baho nito gawa na rin ng kapabayaan at pagwawalang-bahala. Aba! Kung di kayo lalantad at ipaalam ang mga ganitong kaso sa mga kinauukulan, kayo pa rin ang talo sa laban na ito. Huwag nang matakot! Wika nga, “’Pag may katwiran, Ipaglaban Mo!”. Napanood ko rin po ang isang episode ng “Correspondents tungkol sa isyu ng pre-marital sex. Laking gulat ko sa aking nasaksihan. Napakabata pa nila upang sila’y malulong agad sa tawag nilang “LARO”. Imagine, isa nang dalagang ina ang katorse anyos na bata. Kaysakit sa puso. Nahabag ako sa kanyang kalagayan. Sa kabilang banda, ang mga kabataang lalaki ay kabaligtaran naman. Kaysasaya ng mga ito sa kani-kanilang karanasan ukol sa isyu. Kaysarap tuktukan ng mga ulo! ano bang pumasok sa inyong mga kukote at ganitong asal ang inyong ipinamalas.
Nakakalungkot isipin na ganito nap ala ang kalagayan ng mga out of school youth sa ibang lugar. Maga suki, magtulungan tayo kung papaano natin maisasalba ang mga kaawa – awing kondisyong ng mga kabataan. Di rin naman sila sakop ng DepEd upang maituro ang sex education; kasi nga di sila pumapasok sa school. Sa mga magulang, nakikiusap po ako na alagaan at bantayan ang mga anak ninyo. Mahalin at ibigay ang nararapat para sa kanilang magandang kinabukasan. At sa inyo mga kabataang mahal, pakatandaan “Kayo pa rin ang tinuturing na Pag-asa ng Bayan”. Maging mabuting anak at ‘wag maging pasaway… Masuwerte ang mga batang kinagisnan ay ang pamilyang pawing pagmamahalan at paggalang ang laging nasa puso’t isip. NAibibigay ang lahat ng pangangailangan Ngunit di lahat ay ganyan ang kapalaran. Higit pa ring marami ang mga kaawa-awang kalagayan. Tulad na lang ng mga batang nasa likod ng Pedicab classroom. Patuloy silang umaasa sa ating programa upang makamit din nila ang kanilang mga pangarap na matuto at maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Nagtitiyaga silang maghintay sa aking pagdating upang sila’y turung bumasa at sumulat. Pero sa mga panahong ito, DI PO AKO MAKAPAGTURO NANG LUBOS gawa na rin po ng mga ulan at si inaasahang pangyayari. Kulang talaga ang araw ng pagtuturo pati bilang ng mga volunteers. Kasi nga p, tuwing weekends na lang ang scheldule ng padyak classroom, naulan pa o di kaya’y may mga biglaang lakad ang inyong lingcod. Ngunit ‘wag po kayong mabahala… Tuloy-tuloy pa rin ang paglilingkod ng pedicab teacher. Di po ako titigil at mawawala sa inyo. Mahal ko ang mga bata at kabataang taga-Salinas. Hangga’t kayak o.. Magtuturo ako dala ang pedicab ng pagkatuto. Konting tiis at malapit na muli ang Umagang Kayganda para sa ating lahat.
AGOSTO 15 - 21, 2010
5
Isang bukas na liham para kay Mr. Oca Sabater ISANG mapagpalayang araw sa lunsod ng Cavite. Sa ngalan ng pagkakaisa, kapayapaan at ikauunlad ng siyudad, kami ay nagsama-samang dumulog sa Responde Cavite sa pamamagitan ng isang liham. Kami ang mga mamamayang may masidhing pagnanasa na maisaayos ang lunsod. Kami ang mga mamamayang hindi man naririnig ang tibok ng
aming damdamin at hindi nararamdaman ang init ng aming hininga, ay mayroon kaming samasama tinig at puwersang naipamalas na hindi matatawaran noong nakaraang eleksyon. Matagal kaming naghanap ng isang amang kakalinga sa lunsod. Isang taong may malasakit sa kanyang nasasakupan. Isang mapagmahal na ama sa kanyang mga anak.
At ito po ay ihinain sa amin ni Mr. Oca Sabater sa katauhan ng ngayo’y alkalde ng lunsod na si Ohmee Ramos. Dahil sa aming malaking tiwala sa pagkalalaki ni Mr. Sabater, at sa kanyang pagpapaliwanag sa amin na si Ohmee Ramos ang makakapagbigay ng magandang buhay sa siyudad ay buong puso at paggalang namin siy-
ang binuhat nang buo. At dahil sa paniniwalang ito, hindi lamang kami, kundi maging ang aming mga kamaganak, kaibigan, kumpare o maging kakilala na iniiisip naming may malawak na pag-iisip at pagmamahal sa lunsod ang aming nilapitan upang makuha ang suporta para kay Mayor Ohmee Ramos. Kasama kami sa libu-libong mamamayan na sumuporta sa kanyang kandidatura na nagtiis ng pagod, hirap, gutom. Umulan man o umaraw. Gayunman, wala ni isa man sa amin ang nanghinawa, walang nagreklamo, sa kabila ng boluntaryo ang aming pagsuporta at walang bayad alang-alang sa minamahal naming lunsod at sa paniniwala namin sa pagkalalaki ni Mr. Sabater. Ngayon, matapos ang halos dalawang buwan buhat ng mailuklok si Mayor Ramos, matapos lumabas ang samu’t saring kontrobersiya... Matapos magpapalitpalit ng administrator... Matapos umasa ang sambayanang Caviteño... Matapos naming maniwala sa kanyang kakayahan... Hindi ba nakakapagsisi, Mr. Sabater na ikaw ay pinaniwalaan namin?
Reklamo sa DSWD sa Cavite City Gud pm po nais ko lamang pabigyan ng aksiyon kay mayor ohmee ramos ang dswd. Nung Lunes ako ay nagpunta ng DSWD umaga upang magpapirma ng tulong pinansyal ni Mayor ngunit hapon na nang aming itong makuha at mapirmahan ni Mrs. Ambat. Bakit ganoon, walang aksyon ang kanyang sekretarya upang pumasok at papirmahan an gaming nasabing route slip. Nadinig namin na may meeting pero wala naman at inabot na kami ng ulan at hapon sa kanilang opisina. Sa lahat ng opisina, natatanging DSWD ang napakatagal bago mapirmahan ang aming mga papel. Di ba dapat ito ay agarang mabigyan ng aksyon ni Mayor Omee. Sana po ay mailathala niyo an gaming reklamo. – 09231240>>> Ibalik ang mga tinggal sa kapitolyo Kung talaga pong nananawagan si Cong. Boying Remulla na panahon na magkaisa, sana po sabihin nya kay Gov. Jonvic Remulla na ibalik na ang mga natanggal na dating nagtatrabaho sa kapitolyo. Salamat po—09062287>>> Droga sa cavite City Kung pati pulis nasasangkot sa droga sa Cavite City, hindi nakapagtataka na nagkalat ang droga sa lansangan.—K.R. via email Kalampagin ang Calumpang Ano na ang ginagawa ng Barangay sa Calumpang? Bakit hindi nya malinis ang sarili nyang barangay? Sa mga pulis, kelan nyo ba talaga malilinis ang lugar namin?—B. Dlr. R. Via email Sana si Jun de Sagun na lang Bakit kasi hindi si Mayor Jun de Sagun ang nanalo. Nagkalat na kasi ngayon ang pasugalan sa Cavite. Lalo na ang saklaan at color game sa mga peryahan. Dito sa Trece, napatunayan naming na wala talagang sugal at droga. Sana magawa ito ni Gov. Jonvic para hindi isipin na nagkakaroon sya dito.—09335514>>> Hukay sa Julian Felipe Boulevard (Cavite City) Dear Responde Cavite, sana po ay magkaroon ng early warning signs sa mga hinukay na kalsada sa Julian Felipe Boulevard (Cavite City). Delikado po kasi sa gabi. Thank youand God Bless!—R.R. via e-mail
Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City
6
AGOSTO 15 - 21, 2010
WALANG TONG-PATZ o walang patong sa anumang proyekto o pagawain ng gobyerno sa lalawigan ng Cavite! Ito ang mariing sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla, sa kanyang unang tapak sa kapitolyo na siya n’ya ring inihayag sa nakaraang Executive and Legislative Agenda (ELA) sa lunsod ng Tagaytay. Bukod sa walang patong o tinatawag na government prize, sinabi rin ng gobernador na sa kanyang panunungkulan ay ipagbabawal din n’ya ang SOP na pinaganda lamang sa tagalang katawagan na Standard Op-
no ay umaabot na ng P90,000-P100,000. Ganundin aniya sa iba pang proyekto ng gobyerno. Na kaya naman aniya, lumalaki ang presyo ay dahil sa mga patong, komisyon o SOP ng mga dadaanang tao sa gobyerno. “No SOP for the good Cavite!” ani Remulla. Kaya naman ipinanawagan ng gobernador sa lahat ng local government unit (LGU) na kung talagang sila ay may malasakit sa bayan na
aniya ang nagpahayag ng suporta sa magandang layunin ng gobernador. A WORD FROM A FRIEND “I’m a proud witness of a good governance of a good governor!” pahayag ni Rosario Vice-Mayor Jose Rozel ‘Jhing-jhing’ E. Hernandez. “It is one way of the governor to prove to the Caviteño na siya ay tapat sa bayan.” “Sinisimulan na ni Gob. Jonvic ang pagmu-
NO TONG-PATZ!- GOV. REMULLA eration Procedure pero sa katotohanan ito ay UTT o under the table o sa palasak na katawagang red tape. Sinabi ng gobernador na kung masusunod ang kanyang mga panuntunan mas malaki ang matitipid ang pamahalaan at mas malaki ang maitustos sa mga mas makabuluhang proyekto. Sa kanyang pahayag, inihalimbawa nito na ang tarpoulin na ang siyang pinakamadalas gamitin sa halos lahat ng munisipyo na may market prize lamang na kinse pesos (per square foot) sa labas, pero pagdating sa loob ng gobyerno ay nagkakahalaga na ng P40-P45. Ang computer aniya na nagkakahalaga lang ng P30,000-P40,000, sa transaksyon sa gobyer-
kanilang pinaglilingkuran, at pangangalagaan nila ang kabang-yaman ng bayan ay suportahan ang kanyang kampanya laban sa NO-TONGPATZ! Sa eksklusibong panayam ng Responde Cavite kay Ms. Joan Nazareno-Loyola, Provincial Information Officer, sinabi nito na bagamat na ito ay isang office declaration pa lamang ang kampanya ng gobernador, hindi malayo aniya na maging kautusan ito sa buong lalawigan. “Maganda ang kautusang ito ng ating obernador,” ani Loyola. “Bukod sa malaki ang matitipid ng pamahalaan, maiiwasan o mawawala ang kurapsyon!” Sinabi pa ni Loyola na ngayon pa lamang aniya ay marami na
mulat sa taong-bayan kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng pamahalaan, ang mga dating hindi transparent ay nagiging transparent na ngayon.” dagdag pa ni Hernandez. THE BOARD “We are all behind our governor in implementing the No SOP policy.” pahayag naman ng senior board member na si Dino Chua. “Its a big turn off to our investors. Our contention is the government should not be a hindrance to development. Red tape and corruption blocks the development opportunities. “I’m willing to sponsor and be the proponent of a resolution/ordinance regarding the governor’s plan for adoption of all 23 LGU’s.” Sinabi pa ni Chua na nakapaloob na sa kan-
yang gagawing ordinansa ang mga kaparusahan laban sa sinumang lalabag dito. THE CONTRACTOR Samantala, nangamba naman ang karamihan sa mga kontratista ng gobyerno, partikular sa Kapitolyo sa deklatasyong ito ni Gob. Remulla. Anila, mukhang mahihirapan sila ipaliwanag sa Commission on Audit (COA) kung bakit biglang bumaba ang presyo sa halip na tumaas ito sa pagkalipas ng isang taon. Sinabi din ng ilang kontratista na kung bakit mataas ang presyo sa gobyerno ay bukod nga sa red tape at SOP ay matagal din umano silang makasingil. Kadalasan anila ay natutulog ng matagal ang kanilang puhunan at kung minsan ay inaabonohan pa nila ang ilang proyekto o kontrata. THE COMMISSION Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite sa isang opisyal ng COA na ayaw magpakilala, sinabi nito na maganda ang adhikain ni Gov. Remulla at panahon na aniya para tapusin ang maliligayang araw ng mga nagpapasasang kontratista. “Hindi totoong magkaka-problema sila sa amin (COA) kung bababa ang presyon. As long it is advantageous to the
government, hindi ito subject sa anuman.” pahayag ng opisyal.” Sinabi pa ng opisyal na matagal ng batas talaga para sa mga proyekto ng gobeyerno tulad ng RA 9184 at Arta Law na mas kilala sa Anti Red Tape Law pero walang implementasyon. “Karamihan kasi sa mga proyekto o ibang pangangailangan ng gobyerno ay pre-awarded o compromize na ilang malalapit sa local chief executive. Unang-una na d’yan ang asawa, bago ang anak, kapatid, kumpare o mga contributors nila sa eleksyon na kalimitang gumagamit lang ng ibang pangalan.” LGU’s Ilan sa mga alkalde ang agad na nagbigay ng suporta kay Gov. Remulla sa kanyang kampanyang no government prize. “The town of Noveleta are very much willing to supprt the governor in
his endeavor.” pahayag ni Noveleta Mayor Boy Alvarez. “Actually, matagal na naming ginagawa ‘yan sa aming bayan sa Noveleta. At willing kami na ipa-check ang aming rekord. “Basta’t maganda ang layunin ng sinumang lider ay nakahanda tayong suportahan ito lalung-lalo na sa kung para sa ikabubuti ng lahat.” pahayag naman ni Rosario Mayor Nonong Ricafrente. Ayon naman kay majority floor leader ng Cavite City na si Kon. Ric Alvarez, kung ito’y para sa ikabubuti ng mas nakakarami, dapat talagang suportahan. Sakaling dumating ang memo o kung anuman, agad nia itong pag-uusapan sa konseho. NOTE: Sinubukan ng Responde Cavite na hingan ng reaksyon ang iba pang alkalde sa lalawigan pero hindi kami napagbigyan.
8
AGOSTO 15 - 21, 2010
Kung Bakit Laging Kakaiba ang Sports/Libangan ng Mayayaman
PATI sports/libangan ay hindi pinaliligtas ng malaking agwat ng mayayaman at mahihirap. Kitang kita sa sports kung ano ang kalagayan ng isang tao sa lipunan. Kakaiba kasi ang ugali ng mayayaman, gusto nila, ang sports nila ay hindi kayang gawin o hindi magagawa ng karaniwang tao kaya nag-iimbento sila ng sports na can’t afford ang masa. Saka ayaw rin nilang madaiti sa pawis ng karaniwang tao. Gusto nila, pawis ng kapwa mayayaman ang kanilang nalalanghap at nasasagi. Kaya resulta, ang sports nila ay parang sports ng mga taong parang walang naging kalaro noong mga bata pa sila. Golf. Kakapirasong bola, kinakailangang ng ekta-ektaryang lupa. Didiligan ng libo-libong galon ng tubig. Titirahin ang bola at kapag malayo na, lalapitan uli. Libo-libong Pinoy ang walang sariling lupa, heto’t may ilang ugok na mayayaman na libangan ang ipasok ang kaprasong bola sa kaprasong butas sa ekta-ektaryang lupa. Kapag tinanong mo sila, sports ito kasi mind and body coordination. Bakit hindi sila maglaro ng jolens at syato? Eew! Yucks. Earth is so dirty (salamat kay george carlin at bonglo). Wall/rock climbing. Dahil bored na bored ang mga mayayaman sa kanilang buhay, gusto nila ng excitement. Dahil likas naman sa dugo nila ang pagiging akyat bahay (ninanakaw ng mga mayayaman ang kaligayahan sa bahay ng mahihirap dahil ang mga ina’t amang purdoy ay kanilang inaalipin sa kanilang pagpapayaman). Bibili sila ng harness, clamps at locks na titanium. Sapatos na kapresyo na ng isang taong baon sa kolehiyo ng karani-
wang mag-aaral. Membership na isang taong budget sa pagkain ng karaniwang pamilya. Lahat ng ito, dahil gusto lang nilang umakyat ng pader o bato. Ba’t di na lang sila maglaro ng ober da bakod, langit-lupa-impyerno, kluksong tinik/bak kaya? O mag-volunteer na linisin ang mga bintana sa naglalakihang building sa Makati? Eww, manual labor. Yucks! Scuba diving. Inggit kasi ang mga mayayaman kay Dyesebal at Muro Ami (sekreto nila ito, ayaw nilang ipabisto) kaya gusto nilang makita ang di umano’y tagong yaman ng karagaratan (hindi na
tago yun, nakita na nila,e). At sa kanilang pag-ahon, bigla silang sasapian ng kung anong espiritu na gusto na nilang pangalagaan ang dagat. Kayat magbo-volunteer sila sa pangangalaga ng coastal areas at coral reef. Hindi dahil mahal nila ang kalikasan, gusto kasi nil ang malinis na dalampasigan at coral reef para nga naman okay sa kanilang pagscuba diving. Pero ayaw nilang aminin na ang duming itinatapon ng kanilang mga planta at pabrika na itinatapon sa ilog ay dumidiretso sa karagatan. Bakit hindi na lang sila mag-volunteer
INDUSTRIAL PROPERTY AT SANGAY NA PATENT
Patent Para sa Mga Imbensiyon Ang intellectual property o IP ay mga tuklas o likhang nagmula sa isip ng tao. Ang IP ay may dalawang uri: una ay ang industrial property kung saan nakapaloob ang patent at trademark, at ikalawa, ang copyright o karapatang-ari. Patent ang tawag sa karapatang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga imbensiyon. Ito’y maaaring mga produkto o paraan na tumutulong para malutas ang mga suliraning teknikal na kinakaharap ng mga tao. Halimbawa ng produkto: ang washing machine. Ito
ay imbensiyong tumutulong para maibsan ang problema ng asawa mo sa tambak na labada. Halibawa naman ng proseso: ang pagdidilig ng potassium nitrate sa mga puno ng mangga ay imbensiyong tumutulong para maaga itong mamulaklak at magbunga. Si Dr. Ramon Barba ang siyentipikong nakaimbento nito noong 1960s. Bago ang imbensiyon ni Dr. Barba, pinapausukan ang mga puno ng mangga para mamulaklak ang mga ito. Maraming usok ang kailangan at matagal na paraan ito. Mas madalas na maraming beses maluha ang
sa pagsisid sa mga lumubog na barko at isalba kunin ang mga bangkay na na-trap sa loob? Eww! That’s spooky. Sa kakaiwas ng mga mayayaman na malaro ng mahihirap ang sports nila, ang hindi nila alam, luma ang sports ng mga mayayaman. Ng mga Mangyan at Igorot ay nakakaakyatpanaog sa bundok kahit walang safety harness. Ang mga Badjao ay nakatatagal ng ilang minuto sa ilalalim ng dagat kahit walang oxygen tank. Mas magagaling ang body and mind ng mahihirap sa paglaro ng tumbang preso at trumpo. Kaya kayong mga mayayaman, hindi na bago ang sports nyo. Laos na yan. Panis. Walang pikunan. Sports laang kabayan. mga nagpapa-usok bago umusbong ang bulaklak ng puno. Dahil dito ay seasonal ang mangga at kaunti lamang ang kita ng mga nagtatanim nito. Sa pananaliksik ni Dr. Barba, nalaman niyang ang ethylene mula sa usok ang siyang responsable sa pamumulaklak ng mga puno ng mangga. Para mapabilis ang proseso ay kailangang balutin sa gas na ethylene ang isang puno. Malaking problema ito. Noon lumabas ang pagkamalikhain ni Dr. Barba. Nag-ekperimento siya sa iba’t ibang kemikal hanggang madiskubre niya na ang pagdidilig ng 100 litrong tubig na hinaluan ng isang kilong potassium nitrate ay sapat na para mapabulaklak ang puno sa loob lamang ng isang linggo. Ito ang dahilan kung bakit lumago ang industriya ng mangga sa Pilipinas. Dahil madalas at mabilis ang pagbubunga ng mangga, nakapagbigay-hanapbuhay ito sa mga may-ari ng mga puno, mga katuwang sa pag-aalaga, mga nagtitinda ng pestisidyo, mga magpuprutas, mga biyahero, mga factory ng mango products tulad ng juice, palaman, kendi, preserved fruits, mga karinderya sa paligid ng mga pabrika, mga nagsu-supply ng isda, gulay, karne, at bigas, at iba pa. Sa kasalukuyan, ang industriya ay nagkakahalaga ng mahigit 40 milyong dolyar o 1.8 bilyong piso. At dahil pag-aari ni Dr. Barba ang imbensiyong ito, ginawaran siya ng go-
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19)Kakatukin ka ng mga swerte sa taong ito. At may surpresa kang matatanggap sa isang malayong kaibigan. Lucky days /nos./ color=Monday/Wednesday=6-28-32-36-40-44=violet AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)- Magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga adhikain sa buhay. Posibleng sa araw na ito mo makakamit ang tagumpay.Lucky days/nos./color=Tuesday/Thursday=1-10-19-28-37-41=red PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Masisiyahan ka sa ibubungad na balita ng iyong mga kaibigan, may kaugnayan ito sa inyong trabaho. Lucky days/ nos./color=Tuesday/Friday=6-22-25-35-37-45=lavender ARIES (Marso 21 – Abril 19) Pag-aralan ang dikta ng puso at ng isipan. Nasasa iyo ang huling pagpapasya sa maseselang bagay na nagaganap sa iyo. Lucky days/nos.color=Thursday/Sunday=1014-28-37-39-43=black TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Huwag balewalain ang pagpapala sa iyo ng mga tao sa paligid. Masuwerte ka dahil marami ang nagmamahal sa iyo. Lucky days/nos.color=Saturday/Sunday=6-19-2535-40-46=pink GEMINI ( Mayo 21 – Hunyo 21) Mapapatunayan mo ang bissa ng taos pusong panalangin, magtiwala palagi na may katapat na solusyon ang bawat problema. Lucky days/nos./color=Thursday/Saturday=7-14-28-39-43-46=turquoise CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pilitin mong magiging maayos ang pakikitungo sa kapwa at huwag mong isipin na palagi kang tama. Tanggapin ang pagkakamali. Lucky days/nos./color=Monday/ Wednesday=8-18-22-29-36-41=aquamarine LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Di ka pa rin susuko. Gagawin mo pa rin ang lahat upang magbalikan kayo. Batid na hanggang ngayon ay may pag-ibig pa rin para sa kanya. Lucky days/nos./color= Wednesday/Friday=9-15-19-22-36-39=orange VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Matuto ka mula sa iyong pagkakamali. Ngayon ay may pagpipilian ka na kung ito ba ay gagawin pa o tuluyan ng talikuran ang bagay na tulad nito. Lucky days/ nos./color=Saturday/Sunday=11-15-26-39-4446=purple LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ipagpatuloy mo lang ang plano. May magandang ibubunga ito para sa iyo. Tiyak na ikakatuwa mo ang resultang kalalabasan. Lucky days/nos./color=Friday/Saturday=2-9-17-27-30-34=yellow SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) Kay among gawin yan. Kung pananayiliin mo lang ang positibong pag-iisip, ay tiyak na tagumpay ang kaakibat na lahat na ito. Lucky days/nos./color=Monday/ Thursday=8-7-19-23-27-32=blue SAGITARIUS (Nobyembe 23 – Disyembre 21) Pasasaan ba at matutupad din ang mga naisin mo sa buhay. Ipakita mo sa kanila na kaya mo itong gawing posible. Lucky days/nos.color=Wednesday/ Friday=1-10-21-29-35-38=fuchsia byerno ng patent sa pamamagitan ng Intellectual Property Office of the Philippines. Ito ay para maprotektahan niya ang kanyang karapatan pagkatapos ng insidente kung saan mayroong isang nagpapangap na imbentor nito. Bilang patent owner si Dr. Barba ay may karapatan at kapangyarihang pagdesisyunan ang gamit nito. Maaari niyang pahintulutan ang sinumang nais niyang gu-
mamit, gumawa, o magbenta ng kanyang imbensiyon. Maaari niya itong ibenta, ipaupa, o ipamana. Paano naman kung ang imbensiyon mo ay isang improvement sa isa ring imbensiyon? Maaari ka bang mabigyan ng patent? Tatalakayin natin ito sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail. com.
AGOSTO 15 - 21, 2010
ALAS sais kwarenta y singko na ng umaga, labinlimang minuto na lang at darating na ang propesor namin ngunit paalis palang ako ng aming bahay. Kung tutuusin, sapat lamang ang mga nalalabing minuto na ito upang makarating sa eskwelahang kulay berde; malapit lang naman kasi ito mula sa aming lugar. Subalit dahil sa mga pasakalye ng dyipni na sasakyan ko, siguradong mahuhuli nga ako. Alas otso na kasi natapos ang klase namin kagabi. At sa mga ganitong pagkakataon hindi na madaling makapara ng dyip na may DBB-G na karatula…tuloy mas ginagabi ako ng uwi. Pagdating ko sa bahay, halos higupin na ako ng aking higaan upang ipahinga ang aking katawan lalo na aking mga binti mula sa mahigit anim na oras na pagkakatayo sa aming laboratory class. Pero hindi pwede, marami pa kasi akong dapat gawin. Kaya matapos ang isang mabilis na hapunan, tinungo ko ang lamesa kung saan madalas akong magpuyat. Umupo ako at sinimulang buklatin ang mga nakalipas na pahina ng aking filler at hand-outs para sa dalawang mahabang pagsusulit bukas. Mag-aalas dose na nang matapos ako sa pagsusunog ng aking kilay; iaayos ko na-
man ang mga bagay na dapat kong dalhin kinabukasan. Ihahanda ko na rin ang isusuot ko. Ano nanaman kaya ang damit ko para bukas, paulit-ulit nalang. Kabisado na nga yata ng mga kaklase ko ang mga damit na isinusuot ko tuwing kalagitnaang araw ng linggo. Pero hayaan mo na, apat na linggo na naman ang nagdaan, hindi na siguro nila tanda iyon. Ilang oras ang lumipas, narinig ko ang tinig ng aking ina, “Nak, gising na.” Pupugak-pugak pa ang aking mga mata habang tinatanong ko si Mama, “Anong oras na ba?” “6:20 na”. Halos mahulog ako sa higaan. Ano! Mali pala ang pagkaka-alarm ng cellphone ko, dala siguro ng sobrang pagod at antok kagabi.Dali-dali akong kumuha ng tuwalya at tinungo ang paliguan. Kahit sinlamig ng yelo ang tubig, wala akong pakialam. Ang tanging alam ko lang ay mahuhuli na ako. Matulin akong nagbihis, at pagkatapos ay nagsepilyo; ni hindi ko na nga nakuhang kumain ng agahan. At kung dati ay labinlimang minuto ako sa salamin dahil sa pagme-make up, ngayon ay nagsuklay nalang ako at naglagay ng pulbos. Kinuha ko ang bag ko pati ang aking clear book, humalik sa nanay ko sabay layas. Mabuti nalang at in-
ayos ko na ang lahat kagabi para sa araw na ito. Buti na lang. Mabilis ang aking paglalakad. Di ko alintana kung may mga rumaragasang sasakyan mula sa aking likuran. Madalang kasi ang mga dyip na may DBB-F dito sa may kanto namin. Kaysa naman maghintay pa ako, lalakad nalang ako sa mismong sakayan kahit na may kalayuan. Sayang naman ang sais pesos kung magdi-dyip pa ako papuntang sakayan. Pamasahe ko na rin yun pauwi. Nakahinga ako ng kaunti ng makasakay na ako ng dyip. Ngunit halos umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa pagkainis. Ayaw pang umalis ng dyip, nag-aabang pa ito ng pasahero. At nang wala na talagang maisakay, tuluyang nang pinaandar ng Mamang Drayber ang sasakyan. “Ma, bayad po”, sabay abot ng sampung piso. Pagbalik ng sukli, “Ma, estudyante lang po yung sa sampu”. Oo nga pala, hindi pala ako naka-uniporme ngayon, nakalimutan ko na rin kasing magpabarya sa tindahan kanina. Tinitiyak ko kasi na eksakto ang iniaabot kong barya sa tuwing sasakay ako ng dyip. Minsan kasi may mga Drayber talaga na
kahit halata nang estudyante ang pasahero eh siete singkwenta parin ang ibinabawas sa ibinabayad nila. At kung sinusumpong naman ako ng hiya, hinahayaan ko nalang na kulang ang isinusukli sa akin. Pero hindi ngayon. Nag-iinit na talaga ang ulo ko, hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Sapagkat sa bawat kantong aming nadaraanan kami ay hihinto, mag-aabang ng sasakay. Masamang titig na ang ginagawa ko, gusto ko na talagang sigawan si Manong Drayber. Nagpipigil nalang talaga ako, pero ang kalooban ko ay sumasabog na, nagmumura na sa inis. Hindi pa tapos ang kalbaryo ng araw ko. Dadaan pa kami sa pinakasikat na palengke sa aming lugar. Masikip, magulo, mabaho at mabagal ang usad ng mga sasakyan. Naiiyak na ‘ko, gusto ko nang bumaba at tumakbo papuntang La Salle! Dumaan sa elementarya, sa hayskul, sa bayaran ng tubig, sa ospital. Haya’n na, 711 na. Inilabas ko ang aking ID at paghinto na dyip sa may tapat ng waiting shed, nagmamadali akong bumaba at kumaripas papasok sa gate. Pagkakabit ng ID ay tumingala ako agad sa orasan, 7:05 palang, abot pa. Pagdating ko sa aming silid-aralan, laking pasasalamat ko, hindi pa nagtse-tsek ng atendans si Sir! Pagkatapos ng klase ay ikinuwento ko sa aking mga kaklase ang maaga kong kamalasan. Ibinulalas ko sa kanila ang matindi kong pagkainis sa drayber ng nasakyan kong dyip. Alas-kwatro na ng hapon, maaga ang uwian naming ngayon. Isinasama pa nga ko ng kaklase ko na mamili ng mga kakailanganin namin para sa laboratory namin bukas pero hindi ako sumama. Ang mahal kaya ng pamasahe papunta sa Mall na ‘yun, ipapamasahe ko nalang ‘yun para bukas. Kaya pinili ko na lang na umuwi nang maaga. Habang nakatayo sa labas ng gate na nakapangalan sa partido ni Aguinaldo, iginala ko ang aking paningin sa kabilang bahagi ng kalsada upang makahanap kaagad ng dyip na may DBBG sa harapan nito. Sa pagmamasid ko, na-
pansin ko lang ha, ang dami palang pumapasadang dyip ngayon ano? Sa araw-araw na pakokomyut, ngayon ko lang napansin ang malaking populasyon ng mga pampasaherong dyipni. At ibaiba man ang ruta nila, marami parin talaga sila! Naisip ko nga, ilan kaya ang dapat nilang isakay sa isang araw para makaipon ng pang-boundary? Ilan kayang P6.00 at P7.50 ang kailangang masingil para may maiabot si Manong Drayber sa misis nito, para makabili ng mga pangunahin nilang pangangailangan sa bahay, lalo na ang pagkain? Magkano kaya ang ibinabawas ni Manong sa kinikita niya para panggasolina? Sus, ang mahal a naman ng gasoline ngayon! Magkano nalang kaya ang natitira sa kanila? Naputol ang pagtatanong ko sa aking sarili nag may bumangga sa akin. Tinignan ko nga ng masama, hindi man lang nag-sori. Akala mo naman hindi makakatawid. Mag-isa akong nagaabang ng dyip sa harap ng gotohan nang may kumalabit sa akin. “Ate, pahingi ng pera”. Nung una ay dinedma ko lang ang batang babae, baka kasi kung hindi ko papansinin ay aalis din ito nang kusa. Pero hindi, patuloy parin ito. Ngayon ay nainis na ‘ko. Ayoko kasi ng ganitong eksena. Agaw pansin ka kasi ‘pag nilapitan ka ng mga batang paslit na ito. Hindi naman sa nag-iinarte ako o nagpapakasosyal—— may mga dahilan kung bakit ayoko ng ganitong sitwasyon. Una, dahil hindi ko alam kung paano sila tanggihan. Pangalawa, sabi kasi sa isang palabas na napanond ko, huwag raw basta-basta magbibigay sa mga ito dahil hindi mo alam kung sa anong paraan nila gagamitin ang pera. Ikatlong dahilan, wala kasi talaga akong maibigay. “Wala eh”, sabi ko sa bata, pero parang wala itong narinig, paulit-ulit pa rin. “Ate, pengeng pera”. “Wala talaga, eto nalang o”, sabay abot ng isang balot ng empanada na binili ko kaninang lunch break para sa nanay ko. “Ayoko nyan, gusto ko pera” Napataas ang aking kilay, aba, sosyal ang ba-
9
tang ito. Sinusunod ko lang naman ang napanod ko sa TV, imbis na pera ay pagkain nalang ang ibigay. Sus menti, grasya na , tinanggihan pa. Naglakad ako papalayo sa bata at pinara ang dyip na sasakyan ko pauwi. Bago sumakay ay tinignan ko muna ang loob ng dyip. Walang tao bukod sa drayber. Kawawa naman si Manong, walang pasahero. Pagkaupo ay ibinaling ko sandali sa batang iniwan ko ang aking atensyon. Wala na ito sa lugar na pinag-iwanan ko. Ibang estudyante naman ang kinukulit nito. Nakunsensya naman ako——sana ay may naibigay ako sa batang iyon. Paano kung kailangan nya talaga ng pera? Sana ay may magbigay sa kanya. Sana bigyan sya ng estudyanteng ‘yon. Sayang, pamasahe ko na lang kasi ang perang ‘yon. Dumaan sa ospital, sa botika, sa bayaran ng tubig, wala pa ring pasahero si Manong bukod sa akin. Malas yata talaga ako ngayong araw na ito at pati ang drayber ay nahawaan ko pa. Huminto ang sasakyan sa may public school. May dalawang lalaking estudyante ang sumakay. Sumunod ay tatlong estudyanteng babae. Bumabagal ang usad ng mga sasakyan, nasa palengke na kasi kami. May naalala nanaman ako. Dito sa tapat ng tindahang ito, dalawang lingo na ang nakakalipas. Mamimili kami ng kaklase ko ng mga kakailanganin namin para sa laboratory class. “Akin na bayad mo’. “Mamaya na, ikaw muna”. “Ngayon na, malapit na tayo bumaba”. “Magwa-wan-tu-tri ako”, sabi nya sa akin nang walang tinig. “Sira ka talaga, ibabayad nalang kita” “Wag na, malapit na naman tayo, OK lang yun”. Wala akong nagawa. Pagtapat sa tindahang ‘yon, bumaba na agad kami. Hindi na ako lumingon. Kinakabahan kasi ako at baka may marinig akong sigaw. Buti na lang, hindi nabuko. Naputol ang aking pagmumuni-muni dahil sa malakas na kalabog. Siguro ay sampung kilo ang bigat ng bigas na ‘yon. SUNDAN SA P.11
(Si Carol Jane Landa ay nagtapos sa De La Salle University-Dasmariñas at ang akdang ito ay isa sa mga napasamasa sa librong Palad na lumabas noong 2006)
10
AGOSTO 15 - 21, 2010
Paksa: “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan” BAGO na ang gobyerno at may positibong paniniwala ang karamihan na matatamo na rin ng sambayanan ang minimithing kaunlaran. Ganun din naman sa pagtataguyod ng wikang Filipino, panibagong taon ito ng pakikibaka laban sa kolonyal na sistema ng edukasyon na umiiral. Sapul nang lagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang E.O. No. 134 na kumikilala sa Tagalog bilang basehan ng Pambansang Wika noong Disyembre 30, 1937, ang sumunod na 73 taon ay pawang pakikibaka ng mga guro sa Filipino upang igiit sa sistema ng ating edukasyon ang pagtuturo gamit ang Wikang Filipino. Ang mapanupil na E.O. No. 210 ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong gamitin ang 70% ng oras sa pagtuturo sa lahat nang paaralan gamit ang English ay indikasyon ng kolonyal na sistema ng edukasyon na nararapat buwagin. Nakalulungkot na ang ang hangarin ng gobyerno at ng DepEd ay ihanda at sanayin ang ating mga kabataan bilang pang-eksport na caregiver, call center agent, nurses at OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa halip na magplano ang pamahalaan ng mga programang lilikha ng trabaho para sa ating mga mamamayan ay mas pinili nito ang madaling daan ng pagpapaalis sa mga skilled workers upang kumita ng dolyar sa ibang bansa. Hindi kailan man pinangarap nina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Macario Sakay, Apolinario Mabini at iba pang dakilang bayani ng ating lahi na maging alipin ng iba’t ibang lahi sa mundo ang ating mga kababayan. Marahil, kahit ang bagong pangulo ng bansa na si Pangulong Benigno Aquino III ay hindi rin ganito ang ninanais para sa sambayanang Pilipino na nais niyang dalhin sa “tuwid na landas”. Ang temang paksa para sa taong ito na mula sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan” ay makabuluhan sapagkat totoong ang wika at ang ating kalikasan ay nagkakaugnay. Ang panahong ito ng globalisasyon ay kadikit rin ng “global warming” at pagkasira ng ating kalikasan dulot ng mga kompanyang multinasyunal na kumukontrol ng ekonomiya. Dito na lamang sa Cavite, labing-isang golf courses ang naitayo na naging dahilan ng pagkawasak ng mga lupang sakahan, kagubatan at kabundukan. Ang Tagaytay Highlands ay pagaari ng mga dayuhang nakikinabang mula sa malamig na klimang umiiral rito. Totoong may mga nalikhang trabaho ang industriyalisasyon ngunit higit na malaki ang pinsalang naidudulot nito sa pagkawasak ng kalikasan na pinagkukunang kabuhayan ng ating mga mamamayan. Samantala, ayon naman sa manunulat na si Edgardo M. Reyes, sa kanyang talumpati sa PICC noong Abril 2, 2009 sa paggunita ng kaarawan ni Francisco Balagtas, araw-araw ay namamatay ang mga salita
We of Brgy. 47-M are grateful to Mr. Jose babar, our Bgy. Captain for his effort against marijuana and drug addiction. FRom looban and Ram oOo Happy-happy birthday to Mrs. Boy Matro on Aug 14 and to Joel 'Boy' Morales, my inaaanak frm tita ninang. Love you-RAM
ng wikang Filipino. Ang labis na pagbibigay ng atensyon sa English sa mga paaralan at ang mass media mismo na kontralado ng mga dayuhan at negosyante ang dahilan ng pagkamatay ng mga salita ng ating wika. Mapupuna sa kasalukuyan na ang mga estudyanteng nasanay sa facebook at dota ay may limitadong bokabularyo sa wikang Filipino at ni hindi makapagpahayag ng kanilang pananaw gamit ang tuwid at matatas na katutubong wika. Kung kaya, tunay na malasakit nga at pagmamahal ang kailangan upang mapangalagaan ang ating kalikasan at ang ating wika. Sa paglalagom, ang pagkawala ng ating kalikasan ay hakbang papalapit sa ating katapusan kung kaya dapat nating pag-ingatan ito. Ganoon din, ang pangangalaga sa ating wika ay nakabatay sa gagawing pagpupunyagi ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Likas sa mga Pilipino ang gamitin ang sariling wika at hindi ang magsalita ng wikang dayuhan. Huwag nating labanan at sirain ang ating kalikasan bilang isang marangal at malayang lahi. I. Layunin Layunin ng Programa ng Buwan ng Wika na: A. maitaguyod ang wikang Filipino bilang pinakamahalagang wika ng ating bansa; B. mahikayat ang mga mag-aaral na lumikha ng tula gamit ang teknolohiya ng cellphone. C. mapahalagahan ang wika bilang bahagi ng kalikasan ng pagiging Pilipino; at D. maipamalas ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga pagtatanghal na nagbibigay halaga sa kultura at wikang Filipino. II. Pamamaraan A. Ang tema ng Buwan ng Wika 2010 ay “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan”. B. Ang mga Patimpalak at Programa ay kabibilangan ng mga sumusunod: 1. Pagsulat ng Sanaysay Agosto 16, 2010 Silid-aralan 2. Pagbigkas ng Tula: “Republikang Basahan” ni Teodoro Agoncillo Agosto 3-6, 2010 Silid-aralan 3. Talumpati Agosto 16-19, 2010 Silid-aralan 4. Balagtasan Agosto 16-19, 2010 Silid-aralan 5. TEXTULA 2010 – paglikha ng tula sa cellphone sa istruktura ng DALIT. Ang DALIT ay tulang binubuo ng apat na linya na may ganap na tugmaan at tigwawalong pantig. Halimbawa: Langgam, langgam, kagatin mo Ang singit ng pulitiko Asam, asam, aming boto Pag nanalo, lustay-pondo! (Joel Costa Malabanan) Ang paksa para sa taong ito ay ipapaskil sa Ika-23 ng Agosto, 2010 kasama ang Numero kung saan pwedeng ipdala ang tula. 6. Pangkalahatang Programa (Agosto 27, 2010 Ika-1:30 ng hapon, New Gym) III. Mga Taong Kabahagi: Lahat nang guro sa Filipino Lahat ng gurong Tagapayo Mga Opisyal at kasapi ng KAUSAP (Kapatirang Umuugnay sa Sining at Panitikan) Mga mag-aaral sa hayskul
SALUNGGUHIT ni Maica Liboon Si Maica Liboon ay natapos ng Bachelor of Arts, Major in Communication Arts sa Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas
Mga palad ko lamang pala ang maaari kong guhitan at isang pagkakamali pala ang sulatan ang iyo. Hindi ko pala maaaring ipinta ang tadhana mo noong mga panahong buong paniniwala ko na sa hangaring pagdaupin ko kayo ng mundong alam ko ay sasabay sa magkaparehong saliw ang ating mga buhay. Isang malaking kabulaanan... kasama na rin dito ang paniniwalang kaya kong gawing umaga ang gabi, itama ang mali, isantabi ang mga naganap at lumikha ng dapat ng naganap, at isipin na ang mga paniniwala natin ay magkaugnay sa ilang aspeto dako paraan ar paritong hindi ko pa man nawari... Lahat ay dahil sa paniniwalang ako lamang ang lumikha. Ang larawan mo sa aking isipan, ay hindi mo kawangis at sadyang nakapaskil sa iyong harapan sa inaraw-araw. Marahil bunsod na naman ng paniniwalang ikaw at ang larawan ay sadyang iisa. Isang paslit na biglang gumuguhit at nagsulat sa pader habang hindi pa naman niya natatapos ang kanyang takda: sa tingin ko, iyan ay ako. Kaya sa ngayon ay babalikan ang takda pagkat ito ang kailangang pagtuunan para bukas, na may panibagong takda muli. Gawin mo na rin ang iyo, hindi ko guguhitan ang palad mo.
PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng
paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.
AGOSTO 15 - 21, 2010
11
Joel Villanueva ng TESDA, Prisco Nilo ng PAGASA at Teddy ng TAWATAKUTAN INDANG, CAVITE – Aking binabati ng Congratulations at Goodluck ang anak ng aming Jesus Is Lord Fellowship (JIL) leader, Bishop Bro. Eddie Villanueva na si Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Congressman Joel Villanueva sa pagkakahirang ni Pangulo Noynoy Aquino bilang bagong DirectorGeneral ng TESDA. Nangangahulugan lamang na tunay at tapat na serbisyong bayan ang matatamo ng sinumang lalapit sa ahensyang ito ng gobyerno sapagkat subok ng masipag, mahusay at maaasahan si Villanueva base sa performances na ipinakita nito sa loob ng siyam na taong mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sapagkat nanalantay ang dugo ng pagiging tunay na makadiyos at makabayan ay nais nitong
MAGLAKAD-MASOK MULA SA PAHINA 9
“Miss makikiusod na lang”, bulalas sa akin ng ale. Ngumiti ako at sumunod sa pakiusap ng babae. Sumunod sa kanya ay dalawang bata, isang lalaki at isang babae. Pareho silang nasa elementarya ang antas. Sa tansa ko, magkapatid ang dalawa. Lagi silang inihahatid at isinasakay ng kanilang ina sa may tapat ng simbahan tuwing umaga. Parehong bagong ligo, namumuti ang leeg sa pulbos, parehong plantsado ang lumang damit. Makikita mong alagangalaga sila ng kanilang ina. “O, yung kapatid mo ah”, sabi ng ina sa anak na lalaki. Pagkasakay ng dyip, ikinalong nito ang kapatid na babae at saka ibinayad ang baryang kanyang hawak. Naawa akong bigla— —hindi dahil pang-isang tao lang ang kaya nilang ibayad, kundi dahil sa may kung anong bagay ang ipinapahiwatig ng kanilang mga mata. Sa murang edad ng mga batang ito, masasalamin mo sa kanilang mga mata ang kahirapang ka-
malinis ang TESDA na ipinagkatiwala ngayon sa kanya ni PNoy at ng sambayanang Pilipino kaya naman hindi na katakataka na pagkaupongpagkaupo pa lamang niya sa pwesto ay kaagad siyang nakakita ng dalawang malalaking anomalya mula sa dating namuno rito at ng nagdaang administrasyon. Ang una ay ang mga computer at laptop na ayon kay Villanueva ay may patong na hindi kukulangin sa P10 milyon samantalang bagsak presyo naman ngayon sa merkado ang mga ito. Ayon nga sa kapwa mamahayag na si Ms. Korina Sanchez –Roxas ay maaaring ang style siguro ay pineresyuhan ngayon pero bibilhin pagkalipas ng tatlo o anim na buwan pa kapag bagsak na bagsak na ang presyo. Para may kita, kaso inabot ng pagpapalit ng bagong administrasyon at nadiskubre pa ng mag-
iting na pumalit. Pangalawang natuklasan ni Villanueva ay ang pagbili ng mga gamit para sa pagsasanay ng mga nag-e-enroll sa TESDA sa iba’t-ibang trabaho. Ayon sa halimbawang ibinigay ni Villanueva ay ang pamputol ng masa na nagkakahalaga ng P14,000 ngunit kung sa merkado mo titingnan ay nagkakahalaga lamang naman ito ng P120 bawat isa. Grabe ang mga tongpats ng nagdaang namuno sa ahensyang ito, sa bagay hindi na katakataka iyan sa ilalim ng dating pamahalaan na umalis ng trono ng kapangyarihan na nag-iwan ng kabi-kabilang anomalya, katiwalian at pandaraya. Nakakadismaya naman ang ginawang pagsibak ni Pangulo Noynoy Aquino kay Mr. Prisco Nilo bilang hepe ng PAGASA dahil umano sa pumalpak ng dalawang magkasunod na beses ang weather forecast nito at ng
ahensya sa nagdaang mga bagyo. Kaya nga forecast e, kaya nga weather e, pabago-bago naman talaga ang panahon at walang 100% na accurate para sa pagtataya rito kahit pa sa buong mundo at lalo pa sa atin na ang mga kagamitan para sa pag-aaral ng panahaon ay pinaglumaan na ng kasaysayan. Deka-dekada na ang serbisyo sa bayan ni Mr. Nilo at sa tagal na niyang naglingkod bilang weather chief bureau ay hindi naman makatwiran na basta na lamang siya sisibakin. Hindi naman laging sablay ang PAGASA sa tagal na panahong nakatayo na ito, maraming beses din naman na may nagawa at naitulong ang mga ito sa pagbibigay ng babala at gabay sa sambayanang Pilipino sa pagdating ng mga bagyo. Sa kabila ng maraming mga expert natin sa PAGASA at PHIVOLCS
ang ngayon ay nagre-resign at lumilipat sa ibang bansa para doon magtrabaho sa ngalan ng mataas na pasahod at magandang benepisyo ay mayroong Mr. Prisco Nilo pa rin na nanindigang hindi iwan ang bansa at patuloy na maglingkod sa bayan (sa kabila ng maliit sa sahod) datapwat ngayon ay ganito lamang pala ang kasasapitan niya. Sana naman ay makapag-isip-isip si PNoy kung tama ba ang kanyang ginawang pagsibak sapagkat sa pakiwari ko ay hindi maganda at talagang pangit ang kanyang ginawa. Kung sa usapang sikat, prominente at may pangalan sa aming bayan ng Indang ay ilan na rin ang nasa mahabang listahan nito sa pulitika, paglilingkod sa bayan, sports, pamamahayag, musika, teatro, at sa pelikula’t telebisyon. Nariyan ang lahing Indang na magkapatid na
nilang dinaranas. Kung tutuusin, masyado pang musmos ang mga ito upang maging bukas ang isip at maranasan ang bigat na dulot ng lipunan. Bigla ko tuloy naisip ang kapatid ko——limang taong gulang palang siya ngayon at nag-aaral na sa kinder. Nakabuo tuloy ako ng pangarap para sa kanya. Gusto ko, bago ang damit at iba pa niyang gamit tuwing pasukan. Makintab ang sapatos, maayos ang pagkakatirintas ng mahaba nitong buhok, masarap ang baon, at hatid-sundo sa eskwela. Kung maaari ay may serbis pa. Hindi naman sa bubuhayin ko sa maluhong mundo ang kapatid ko. Ayoko lang na lubos itong mahirapan sa kabila ng mura nitong kaisipan. Tatlumpung minuto mula nang pauwiin kami ng aming propesor, wala pa sa kalahati ang iniaandar ng sasakyang ito papunta sa aming bahay. Pero ayos lang! Maaga pa naman kahit na alas siete pa ang pasok ko bukas. Hindi parin ako mahuhuli. Dahil bukod sa maaga kong pag-uwi, wala naman akong
asaynment ngayon at quiz para bukas. Sisiguraduhin ko ring tama na ang pagkaka-alarm ng cellphone ko. Makakaligo at makakapag-almusal na din ako ng maayos. Usad-pagong ang andar ng mga sasakyan. Nakahinto ang sinasakyan namin malapit sa traffic light. May mga lalaking naka-uniporme na nagsesenyas ng kamay sa gitna ng kalsada, may ilan ding nasa tabi lamang. Tuluyan nang umandar papalayo sa palengke ang sinasakyan namin. Mablis na ang takbo ng dyip namin bagama’t sa bawat kanto na aming dinadaanan, ito’y humihinto pa rin at nag-aabang ng sasakay. Pero ayos lang sa ‘kin——hindi naman siguro ako gagabihin ngayon dahil nga maaga ang labas namin. Kaya lang siguro ako naiinis at nagrereklamo kaning umaga, eh dahil nagmamadali ako. Ilang bloke nalang ang daraanan at malapit na akong makauwi. Iilan nalang din ang kasakay ko. Ang iba ay bumaba na at may iba pa rin naman na sumasakay at nagbabayad P7.50 o P6.00. Ang
iba’y nag-aabang ng sukli at ang iba naman ay “keep the change” na. May mga nakakalong at ang iba naman ay nakikisabit. May ibang mga pagkakataon din na ang makakasabay mo ay nagtsi-tsimisan at halos bumula na ang bibig sa sobrang daldal. Ma tila tambutso ang bunganga. May ilan din na nakalimot yata magsuklay. May natutulog at mayro’ng may dala-dalang kung anuman. Minsan ay napakasikip, at kung minsan naman ay kakalog-kalog ang dyip dahil sa kawalan ng pasahero. Hay…ang buhay pasahero nga naman. “Manong, para ho”. Alas sais kwarenta y singko na ng gabi. Labinlimang minuto nalang at umpisa na ang balita sa TV. Namamalantsa ako ng isusuot ko para bukas: kulay puting blouse at berdeng slacks. Isinilid ko na rin sa bag ang uniporme ko para sa laboratory namin. Pagkatapos no’n ay inihanda ko na rin ibang dadalhin ko para bukas. Maya-maya ay umpisa na ang balita. Ayon sa balita, tataas
daw ang singil ng buwis sa mga dyipni at bus operators. Napaisip nanaman ako bigla… kailangan mas maaga na akong gumising dahil siguradong mas matagal pang mag-aabang ang drayber sa bawat kanto. ‘Di naglaon ay tumungo na ako sa aking higaan. Ang sarap sa pakiramdam at mahimbing ang aking naging pagkakatulog. Tila napakahaba ng gabi at ang haba ng naging pahinga ko. Ilang oras ang nagdaan at narinig ko ang tinig ng aking ina. “Nak, gising na”. Pupugak-pugak pa ang aking mga mata habang tinatanong ko si Mama, “Anong oras na ba”? “Eight na”. “Ano?!”, kinuha ko agad ang aking cellphone. “Ma, 4:50 pa lang, ni hindi pa nga nag-aalarm, o”. “Eight na, eight pesos na ang pamasahe ngayon, napakamahal na. Kumilos ka na dyan at magmadali, para masimulan mo nang maglakad papasok”.
Janice at Gelli de Belen, magkapatid na PY at DonDon Nakar, Mark Salazar ng GMA News, Floredeliza Del Rosario –Herrera ng sikat na grupong Jitterbug noong 50’s hanggang 60’s at marami pang iba na nagbigay ng pangalan para sa aming bayan. Noong nakaraang Martes ay nanood ako ng programang Tawatakutan ng mga komedyanteng sina Empoy at Teddy sa TV5 kung saan ang episode ay tungkol sa lumalabas umanong Kapre sa isang lumang bahay sa Maynila. Sa pagkukuwento ng TV Host na si Teddy ay nagulat na lamang ako sa kanyang tinuran, “Naniniwala ako sa Kapre kasi laki ako sa Cavite, natatandaan ko noong bata pa ako sa lugar namin sa Indang ay magubat ang aming lugar sa Bancod at sinasabing may mga nakikitang kapre…” natawa at natuwa na lamang ako sapagkat nalaman ko na isa rin pala siyang Indangeño. Nakakatuwa na may mga indibidwal o grupo man na taga-Indang na nagkakapangalan at kahit sa mismong TV program nila ay nagagawa nilang maisingit na maipaalam sa mga manonood na siya o sila ay taga-Indang. Ang Indang na kilala bilang bayang maganda, malinis at makasaysayan na bukod bayang pinagpala dahil sa maipagmamalaking bukal ng buhay ang malinis, malamig at fresh na tubig na kahit sa panahon ng el niño ay hindi nauubusan. Samantala ang TV Host na si Teddy ay unang nakilala sa TV sitcom na Idol Ko Si Kap ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 at nasundan ito bilang TV host kasama si Empoy sa TV program na Shockattack Mga Video na Nakakagulat ng ABC5 at nasundan pa ng pagiging co-host niya sa TV talent program na Showtime ng ABS-CBN 2 at ngayon nga ay napadagdag pa ang pagiging host niya kasama si Empoy sa Tawatakutan ng bagong TV5. Congratulations and goodluck kababayang Teddy, nawa ay maging matagumpay ka pa sa iyong career.
Unang Taong Anibersaryo ng Responde Cavite, Ipagdiriwang IPAGDIRIWANG ng Responde Cavite ang unang taong anibersaryo sa darating na Setyembre 18, 2010 sa bago nitong opisina sa 125 J. Miranda St. Santa Cruz, Cavite City. Ang pagdiriwang ay pasisimulan ng feeding program ng mga bata sa nasasakupan ng nasabing barangay at magkakaroon ng motorcade sa ika-2 n.h. pagkatapos ay ang tuloy-tuloy na programa sa tapat ng nasabing opisina na dadaluhan ng ilang piling lider at personalidad ng Lalawigan ng Cavite. Magkakaroon din ng pa-raffle sa mga dadalo at makikisaya sa nasabing selebrasyon. Abangan ang iba pang detalye sa mga susunod na isyu. (Panawagan sa mga Masugid na Mambabasa) Handog-Pasasalamat ng Responde Cavite Dahil sa mainit na pagtangkilik ng Lalawigan ng Cavite sa Responde Cavite, mamimigay ng tatlo (3) cellular phone ang nasabing pahayagan sa sinumang mambabasa na may pinakamaraming naitagong isyu ng Responde Cavite na maipapakita sa mismong araw ng pagdiriwang nito sa unang taon ng anibersaryo na gagawin sa ika-18 ng Setyembre 2010 ganap na ika-6 n.h. sa bago nitong opisina sa 125 J. Miranda, Sta. Cruz, Cavite City. Pakidala ang inyong mga kopya sa nasabing lugar at petsa at ang tatlong may pinakakumpletong kopya ay makakatanggap ng cellular phone mula sa Responde cavite. Sakaling higit pa sa tatlo ang may pinakamaraming kopya, magkakaroon ng palabunutan upang matukoy ang mapalad na nagwagi. Hindi maaring sumali ang mga empleyado, manunulat, dealer o ahente ng Responde Cavite maging ang kanilang kamag-anakan (hanggang sa ikalawang antas ng pagkakaugnay).
Bagong Toll Price sa SLEX at Coastal: Tuloy na NI OBET CATALAN
MANILA, Philippines - Hindi na paawat ang pagtataas ng singil sa mga toll kabilang dyan ang South Luzon Express Way at Manila-Cavite (Coastal) Road na dinadaanan ng libo-libong Caviteño sa darating na Lunes (Agosyo 16) kung walang legal na utos na makapagpapabawal dito, ayon na rin sa Malacañang. "Korte Suprema na lang ang makapagbabawal upang ito'y ipatupad," ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda. Ito ay matapos gisahin ng mga senador si Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Kim Henares dahil sa pagpapataw ng 12% VAT sa toll. Matatag ang paninindigan ng Malacañang ayon sa tagapagsalita nito na dapoat sana ay matagal nang ipinatupad noong pang 2005 nang isabatas ang E-VAT. Binanggit din ng tagapagsalita na mahala
ang VAT para makaikom ang pamahalaan ng salapi para sa mga pangunahing serbisyo nito. "Itong VAT na ito,
bagama't ay masasabi nating makakasakit sa mga motorista, ito pong makokolekta po natin ay magagamit po natin sa mga programang pangkalahatan po. Kya nga may buwis, para sa ikabubuti ng nakararami, " wika ni Lacierda. Ngunit para kay Sen. Ralph Recto na syang may akda ng batas at committee chair ng
ways and means ng senado, hindi dapat kasama sa E-VAT ang tollway. Sa Manila-Cavite (Coastal road) Expressway, magiging P25 ang dating P22 para sa Class 1; P48 mula P43 para sa Class 2; at P78 mula P65 para sa Class 3. Samantalang ang South Luzon Expressway na may mahigit sa 200% pagtaas, mararamdaman na rin ng mga motorista ang VAT. Ang Class 1 ay magbabayad ng P85 na dating P22 at ang Class 2 ay P170 na mula sa P43.
Ang bandila ng Pilipinas at ang bandila ng Cavite City habang malayang kumakaway sa mga papasok at paalis ng Lunsod. Ang bandila ng Cavite City na may nakasulat na “Dakilang Sagisag” ay pinangangambahang ng iilan na parang gustong palitan ng “Angkanko Corporation” ng iilang magkakapamilyang naghahari-harian sa Lunsod.