2
AGOSTO 22 - 28, 2010
Libreng Operasyon, isinagawa sa Carmona SA tulong ng Philippine College of Surgeons, isinagawa ng munisipyo ng Carmona ang ikatlong surgical mission nito noong ika-13 ng Agosto. Ang proyektong ito ay naisagawa sa tulong ng presidente ng Philippine College of Surgeons Southern Tagalog Chapter (PCS - STC) na si Dr. Luis Buno, Jr. Kasama si Dr. Marc Brillantes, Dr.
Elvis Bedia, Dr. Ramon Inso at ilang doktor na mula sa University of Perpetual Help Medical Center. Ilan sa mga isinagawang operasyon ay ukol sa fibroadema o bukol sa dibdib; sebaceous cyst o bukol sa balat; lipoma o tumor o pamamaga sa balat; at marami pang iba. Tinatayang nasa 34 ang nakabenepisyo sa surgical mission
na ito. Dumaan muna sa screening ang mga pasyente at inebalweyt bago sumailalim sa operasyon. Matapos isagawa ang operasyon, nagbigay ang munisipyo ng mga libreng gamot tulad ng cloxacillin at mefenamic acid - mga gamot para maibsan ang sakit. Limang araw pagkatapos ng operasyon ay pinabalik ang
CONGW. LANI MERCADO-REVILLA, PANAUHING PANDANGAL SA KAPITOLYO Capitol, Trece Martirez City, Cavite – Iniulat ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. sa kanyang lingguhang ulat sa lalawigan sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Lunes, Agosto 16, 2010 ganap na 8:00 ng umaga sa Capitol Grounds, Trece Martirez City, Cavite na matapos ang ilang linggong pagaaral at pagsasala kung sino ang mga karapatdapat na manatili at matanggal na empleyado sa Kapitolyo ay ngayon naman ay panahon na upang magtrabaho ang lahat ng malinis, maayos at mabilis para sa lalawigan. Samantala ang aktres at maybahay ni Sen. Ramon Bong
Revilla, Jr. na si Congresswoman Lani Mercado –Revilla ng Lone District of Bacoor (2nd District of Cavite) ang naging panauhing pandangal sa maikling programa matapos ang flag ceremony.
CONGRESSWOMAN LANI MERCADO
Masayang naiulat ng baguhang babaeng kongresista na sa kanilang lugar sa Bacoor ay matagumpay na napababa ang datos o bilang ng mga malnourished at mga underweight lalo ng mga bata dahil sa kanilang matatagumpay na feeding programs at anti-malnutrition campaigns. Iniulat din niya ang iba pang programa at tagumpay na natamo ng kanilang bayan na ngayon ay patungo na rin bilang isang lungsod sa hinaharap. Nawika rin ni Kgg. Lani Mercado na, “Sa Nagkakaisang Kabite, Walang Imposible.” na kilalang political slogan nilang mag-asawa. REX DEL ROSARIO
2 patay, 1 sugatan sa aksidente sa jeep DALAWANG katao ang namatay at isa naman ang sugatan matapos sumalpok ang isang jeep sa isang convenience store ng isang gasolinahan sa Cavite noong ika14 ng Agosto, Sabado. Bandang alas sais ng umaga nang maaksidente ang isang owner-
type-jeep nang tumama ito sa isang convenience store sa Petron gas station sa Aguinaldo Highway, Bacoor. Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Nelson Gutierrez, isang jeepney drayber. Ang isa pang nasawi ay hindi pa rin nakikilala habang isinusulat ang
balitang ito. Si Jun-Jun Cordial, 23-gulang, ay malubhang nasaktan. Agad itong isinugod sa Saint Dominic Hospital. Hindi naman ito agarang inasikaso diumano ng mga doktor dahil inantay ng mga ito ang pamilya ni Cordia para sa usaping pinansyal. JUN ISIDRO
R E L P TRI PR SPECIALIST
CONG. ROY LOYOLA 34 pasyente para sa isang check-up. Pinasinayaan ni Cavite 5th District Representative Cong. Roy Loyola ang nasabing gawain at tinalakay kung gaano kahalaga ang mga ganoong gawain kung kayat naisipan nitong magtayo ng district hospital para sa kanyang nasasakupang distrito (CARSIGMA). MICHELLE VALE CRUZ
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501
AGOSTO 22 - 28, 2010
MAMAMAYAN NG TAGAYTAY CITY LUMUSOB SA OMBUDSMAN NI REX DEL ROSARIO
QUEZON CITY, PHILIPPINES – Tinatayang may dalawang daang mamamayan ng Tagaytay City ang nagkaisa at nagsama-samang nagtungo at nag-rally sa Office of the Ombudsman sa lungsod na ito noong Agosto 12, 2010 (Huwebes) ganap na 10:00 ng umaga para isampa ang mga kaso sa pamilya Tolentino partikular na sa bagong talaga ni Pangulong Noynoy Aquino na si MMDA Chairman na si G. Francis Tolentino. Ang pagkilos ay pinangunahan ng mga
Concerned Leaders and Citizens ng
Tagaytay City katulad nina Engr. Arnel Taruc,
Pastor Ronald Tan, Rotarian Ms.Tess Costa at Businesswoman Ms. Olivarez na anak ni G. Pablo Olivarez na may ari ng kilalang Olivarez Plaza. Ilan sa mga isinisigaw ng mga nagsidalo sa kilos-protesta na ito ay ang mga isyu umano ng land grabbing, kasong administratibo at pananamantala, paglabag sa karapatang pantao at nawawalang pondo ng lungsod. Matatandaang nagsimula ang political career ng mga Tolentino mula pa sa kanilang Ama at naipagpatuloy hanggang sa kaniyang mga anak na tinatayang may dalawang dekada na at hindi matibag-tibag ng mga oposisyunista ng Tagaytay, subalit sa kabila ng matagal na pamumuno nila ay untiunti silang kinakitaan ng ilang mga isyu at problema ng mga concerned citizens dito na nagresulta ngayon ng paglaban ng mga ito para sa katarungan. Nanawagan din ang mga lider ng Con-
cerned Citizens of Tagaytay City kay Pangulo Noynoy Aquino na sana ay isaalang-alang nito ang sinasabing kampanya sa pagbabago at laban sa korapsyon at katiwalian pero bakit nakapagtalaga umano si PNoy ng taong tila hindi umano dumaan sa tamang proseso katulad ni MMDA Chairman Francis Tolentino na may mga nakasampang kaso sa Ombudsman ngayon. Samantala ayon
3
naman kay MMDA Chairman Francis Tolentino ay pawang kasinungalingan at walang katotohanan ang mga ipinaparatang sa kanilang pamilya ng ilan sa kanilang mga kababayan na umano ay hindi pa rin matanggap magpa hanggang ngayon ang pagkatalo sa mga nagdaang halalan partikular ang katatapos na eleksyon kung saan ang kapatid naman niyang si Mayor Bambol Tolentino ang muling nagwagi.
AGOSTO 22 - 28, 2010
4
Kaguluhan sa tulay ng Noveleta-Tramo at LigtongTramo, nakababahala na
LUMAKI ako sa bayan ng Rosario at doon ay nahubog ang isip at paniniwala ko sa mga makabuluhang buhay. Mga magagandang kaganapan sa aking pagkatao na kailanman ay di ko malilimutan. Sa klase ng pamumuhay ng mga kabataan noon, ay namulat kami kung paano kumita ng pera upang maipangdagdag sa gastusin sa bahay kahit na nga sa murang edad namin ay alangan pang makipagsapalaran sa hanap-buhay. Pero masaya kami sa aming ginagawa, dahil alam naming malaking tulong ito sa aming mga magulang. Nakakatulong kami sa mga gastusin sa bahay...kasiyahan na namin ang makatulong sa simpleng paraan ay
natutuwa sila. Kasabay ng aming pag-aaral sa sekondarya. Isama pa ang natamong gantimpala sa paaralan. Malayung-malayo na ang klase ng pamumuhay ng mga kabataan ngayon kumpara noon, talamak na bisyo tulad ng alak, sigarilyo, at droga. Sa murang edad ay natutunan ang di dapat pamarisan, kaya ang resulta...napapariwara ang ilan sa mga ito. Napapabilang ang iba sa grupo ng mga kabataan na walang ginawa kundi ang maghasik ng kaguluhan sa kanilang lugar. Kung tawagin sila ay perwisyo...walang modo... at mga basag-ulo! Agosto 10 taong kasalukuyan sa tulay na nag-uugnay sa lugar ng Noveleta at LigtongTramo, naganap ang di inaasahang pangyayari. Rambulan ng dalawang grupo ng kabataan. Nang oras ding iyon, dalawang magkapatid ang agad bumagsak dahil sa tama ng saksak ng icepick. SUNDAN SA P.5
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor shella salud jun isidro acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario
rex del rosario
3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district
wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa erwell peñalba advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
ANG TELENOBELA NG POLITIKA SA CAVITE NGAYONG napawi na ang usok, luminis na ang hangin at sumilay na ang liwanag matapos ng katakot-takot na bagyo noong nakaraang eleksyon... lumabas na ang totoo. Na sa politika, parang nobela, walang totoo. Bumaligtad na ang mga talunan at lumipat sa mga nagwagi. Kung mapapadaan kayo sa kapitolyo, lalaglag ang panga nyo sa makikita. Hindi nyo aakalaing si ganitong kampo ay nakay ganito ng kampo. Parang telenobela na bagamat alam na natin ang ending, nabibigla pa rin tayo sa kinalabasan. Sa Cavite City, yung faithful kina dating gob. Ayong Maliksi at Cong. Junn Abaya, aba, yung kapatid ng nakaupo ay nakikipagnegosasyon na kay Gov. Jonvic Remulla. oOo Nobody loves a loser. Yung mga natalo kayang kandidato, dinadalaw pa rin ng mga di umano’y kaibigan at supporter nila? Dinadalaw pa rin kaya ng media? oOo Everybody loves a winner. “Congratulations po, kayo po ang ibinoto ko.” Hehehe. “Buti na lang po, kayo ang nanalo” Hahahaha. “sabi ko na nga ba, kayo po ang mananalo.” Harharhar! oOo Ngayon pa lang, pinagpaplanuhan na ng
natalo kung paano sya babalik? O kung paano mapapatalsik ang nakaupo. O kung makikipagalyansa na lang sya sa nanalo. O makikipagalyansya muna sya kunwari pero ilalaglag nya sa dulo. oOo Kulang isang taon mula ngayon, pwede nang bigyan ng posisyon ang mga natalong kandidato. Angsaya-saya! Paghahanda sa susunod a eleksyon o bilang kabayaran ng mga nanalong kandidato sa mga natalo nilang kasamahan? O pareho? Kayo ang humusga. oOo Ang telenobela ay laging labanan ng mga pami-pamilya. Ganito rin sa Cavite. Iilang pamilya. Kaya naman, walang sumisibol na mga bagong alternatibong lider. Mga pamilyang dating magkakaaway, pero sa ngalan ng ambisyon at kapangyarihan... pikit mata. Bahala na si Batman! Ang telenobela ay kakabit na ng kulturang Pinoy. Alam naman nating binobola lang tayo. Pero sige pa rin tayo ng panood. Ganoon din kaya ang politika? Kahit alam nating binobola lang tayo, sige pa rin tayo sa kakaboto. oOo E, ano na kaya ang mangyayari sa Cavite? Abangan ang susunod na kabanata!
USO PA RIN ANG LAHING KAYUMANGGI KAHIT NA… “SPEAK ENGLISH CAMPAIGN” plugging is the means of communication and instructions in the campus. Ganito po ang kalimitang anunsyo sa mga pribadong paaralan pati na rin sa iilang pampublikong paaralan mula elementary hanggang post graduate studies. Ito po rin ang paraan ng pagsasanay sa mga estudyante upang maging matatas sa pagsasalita ng Ingles bilang universal language. Mahusay. Kapaki-pakinabang. Napapanahon. Sumasang-ayon ako sa pagpapatupad ng ganitong policy. Tutal, ang higit na makikinabang rito ay ang mismo ring mga mag-aaral. Kaya sumunod tayo at palaganapin natin ang wikang Ingles sa pagsasalita at pagsusulat. Sa kabilang banda, pinapalaganap na rin ang wikang Filipino at kaugaliang Pilipino sa lahat ng paraan. Sa aking pagkakaalam ay ilang Presidente at Panahon na rin ang nagdaan ay ganito na rin ang kautusan. Sadyang matigas ba ang ulo ng mga Pinoy? Malakas ang aking kutob na maisasakatuparan na ito dahil na rin mismo sa mahigpit na tagubilin ni P-NOY. Sinimulan nya to sa mga radio programs. Kailangang apat na Original Pinoy Music (OPM) ang dapat na mapapatugtog sa loob ng isang oras. Tama naman! Sang-ayon ako sa ganitong pagkilos. Mas maganda dahil sinasalamin ng buhay ng tao ang mga likhang awit ng Pilipino. Pinababantayan nya to at kapag sumuway ang management ay may kaukulang parusa ang nakaabang. Saludo ako sa’yo P-NOY!Tuloy ang laban sa
pagpapahalaga ng Wika at kalikasan. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang wikang Filipino. Mabuhay ang Tatak Pinoy! Isa na namang usaping pantao ang aking napag-alaman. Dinalaw po ako ng isang mambabasa at kanyang ibinahagi ang mga isyu tungkol sa karapatan ng tao. Biktima siya ng pang-aapi ng mapanghusgang lipunan. Pilit siyang binabagsak sa kanyang kinalalagyan. Malimit din siyang baligtarin sa lahat ng anggulo ng kanyang sinasabi. Lahat ay nasisilip sa kanyang ginagawa. Di na nga raw nya alam kung saan pa siya lulugar. Wala siyang magawa kundi lumuha at magdasal upang lumakas ang kanyang loob. Pakiwari niya’y kalaban ang lahat. Tanging isa lamang ang aking naisagot sa kanya. :Maging matatag ka at patuloy na manalig sa Diyos.” Lalo siyang napaluha sa kanyang narinig. Binigyan ko siya ng pag-asa at ipinaalam na “Habang may buhay, may Pag-asa”. Inulit ko sa kanya ang kasabihang “Umiikot lang ang buhay; parang gulong ‘yan. Minsan nasa ilalim; minsan nasa itaas.” Tuloy lang po ang buhay. Huwag nating sayangin. Kumilos tayo ng naayon sa pagiging marapat at matuwid. Para sa’yo, Medy, dito lang kami sa’yo. Kakampi mo kami sa lahat ng bagay. Mag-text, tumawag at bumisita ka lang… Laging bukas ang aming pintuan para sa mga tulad mong nangangailangan. Mahal ka namin!
AGOSTO 22 - 28, 2010
SISID MULA SA PAHINA 4
Sina Joward at Jocson Convento, kapwa biktima ng krimen. Agaw-buhay si Joward ng isugod sa pagamutan at agad din namang nasawi ang nakababatang kapatid na si Jocson. Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng kapulisan sa kaguluhang ito. Samantalang ang suspek ay patuloy pa ring pinaghahanap. Sa kaguluhang ito, may naka-usap akong isang magulang na malapit sa pinangyarihan ng krimen. Ayon sa kanya, halos araw-araw daw ay may nagaganap na away sa kanilang lugar lalo na kapag dis-oras na ng gabi. Kaya nga nababahala na sila sa kanilang paninirahan doon. Sa pagkakataong ito, aksyon ang kailangan mga lider ng gobyerno na nakakasakop sa lugar na ito. Paging Noveleta ABC Pres. Gloria Fernandez, Ligtong III Brgy. Capt. Onad Victor, sa
hepe ng kapulisan ng Noveleta at Rosario, Mayor Nonong Ricafrente at Mayor Boy Alvarez, mga sir at ma’am, ang pagkasawi po ng isang kabataan sa inyong lugar ay patunay lang na walang katiyakang seguridad ang inyong mamamayan. Sana naman po, sa saglit na oras ay inyong dalawin ang madilim na lugar na ito na pinagmumulan ng away ng mga kabataan. Tulad ng ginagawa ninyong pagdalaw sa
lugar na ito noong panahon ng eleksyon. Upang malaman ninyo kung anong sagot sa problemang ito. Aasahan po nila ang inyong aksyong gagawin. At sana ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jocson Convento... oOo Maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa aming pahayagan, nang dahil sa inyo ay narating na namin ang isang taong anibersaryo... bagama’t ang inyong lingkod
ay nasa ibang bansa ngayon. Patuloy po kaming magsusumikap na makapag-balita at makapag-bigay ng makabuluhang impormasyon, dahil karangalan po namin na kayo ay paglingkuran. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.... Mula po sa patnugot ng pahayagang ito at sampu ng bumubuo ng Responde Cavite, Happy 1st Year Anniversary po sa ating lahat. Mabuhay po kayo mga sir...
Ang banggaang naganap sa J. Miranda St. Ng Cavite City na kinasasangkutan ng isang motorsiklo at Jeep. Bagamat sugatan ay ligtas naman sa kapahamakan ang drayber ng motor at agad nilapatan ng unang lunas. Kuha ni Ewel PeĂąalba
Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City
5
6
AGOSTO 22 - 28, 2010
FISHKILL? FISHKILL—Ito ang unang pumasok sa isipan at napabalita sa bayan ng Naic nang maglutangan ang libu-libong isda at iba pang lamang-dagat.
Nagkagulo ang mga resident ng Barangay Munting Mapino, Salabak, Timalan at Bangkaan noong nakaraang Miyerkules ng umaga nang makita nilang nagtatalunan at naglutangan ang mga isda sa malapit sa kanilang pampang. Agad namang nagsikuha ng mga lambat at panalok ang mga residente ng nasabing mga barangay upang mahuli ang mga buhay at sariwang isda na umabot sa daan-
daang banyera. May mga lumutang din mangilang-ngilang page, hipon, alimasag kung kaya’t dumagsag sa pampang ang mga residente ng Naic maging ang mga kalapit-bayan nito tulad ng Tanza at Rosario. Dahil dito, bumagsak ang presyo ng ilang uri ng isda at iba pang lamang-dagat sa pamilihan. Agad namang nagsagawa ng pagsasaliksik ang Bureau of Fisheries sa nasabing
insidente ng paglutang mga isda at iba pang lamang-dagat. Nilinaw ng kagawaran na ‘alig’ at hindi fishkill ang naganap sa karagatang sakop ng Naic. Nilinaw pa ng ahensiya na ang ‘alig’ ay isang phenomena sa karagatan dahil sa mabilis na pagbabago ng temperature ng tubig-dagat, na sanhi naman ng kakulangan ng suplay ng oxygen sa ilalim ng tubig. Itinuturo pa ng mga
eksperto na isa ang climate change at polusyon sa dagat na sanhi ng nasabing phenomena. Dahil sa mga pagbabagong ito, napipilitan ang mga isda o iba pang lamang-dagat na lumutang upang makalanghap ng hangin. Ipinag-utos ni Naic Mayor Edwina Mendoza, na magsagawa pa ng pag-aaral ang Bureau of Fisheries sa pangambang baka maulit pa ang phenomena kahit na bumalik na sa normal na sitwasyon ang baybaying dagat ng Naic
kinagabihan. Tiniyak din ng mga opisyal ng kagawaran na ligtas namang kainin ang mga isdang nahuli sa ‘alig’ dahil buhay naman ang mga ito at sariwa. Samantala, nagdulot naman ng pangamba sa ilang negosyante at maliit na mandaragat ang biglang pagsulpot ng ‘alig’ dahil hindi man ito derektang makaapekto o magdulot ng pagkamatay ng mga isda o iba pang lamang-dagat, delikado naman ito aniya sa mga tahungan. Ayon kay Nestor Llanosa, Officers-inCharge ng Rosario Divers, nangangamba umano sila na makarating sa kanila ang ‘alig’ dahil sa mga
pananim nilang tahong sa ilalim ng dagat. “Mabilis kasing mamatay ang tahong kapag sumigwada ang alig,” anito. “Hindi kasi ito tulad ng ibang lamang-dagat na nakakalutang. Isa pa, mahina talaga ang tahong sa tubig-tabang. Nakakatagal ang tahong sa red tide pero hindi sa alig.” Sinabi rin ng ilang may mga palaisdaan sa dagat o maging ang mga may kosignasyon sa mga pandawan na malaki ang ibabagsak ng kanilang negosyo kapag may ‘alig’. Bukod kasi anila sa talagang dagsa ang isda, mura itong naibebenta dahil nga sinasalok lang at walang puhunan at kahirap-hirap ang mga mangingisda. Gayundin naman ang mga mandaragat ng Cavite City at Kawit, na ang kanilang pangunahing hanap-buhay ay tahong at talaba. Sa karagatang sakop ng nasabing bayan, makikita ang libulibong kawayan na nakatolos na siyang kinakapitan ng mga nakatanim na talaba o tahong. Na karamihan sa kanila ay may maliliit na pabyayan na ang puhunan ay inutang pa at nag-aantay na lamang ng tamang panahon para anihin.
8
AGOSTO 22 - 28, 2010
Kung paano mabawasan ang mahihirap sa Pinas
SABI ng gobyerno, kapag kumikita ang isang pamilya ng mababa pa sa P5,000.00 sa isang buwan, pwede nang ituring na mahirap. Anak ng bakang buhay talaga ito, paano kung
kumikita ka ng P6,000. 00? Hindi ka na mahirap? Paano kaya nagkocompute ang mga henyong ito para maituring na mahirap ang mahirap? Itong mga henyong ito rin ang may pakana na nakakapag-compute ng minimum wage kahit sa buong buhay nila ay hindi pa sila nakakaranas tumanggap ng minimum wage. Anyway, sa kagustuhan ng gobyernong ibaba ang antas ng kahirapan sa bansa, kung anoanong pakulo ang ginagawa ng mga ito. Bilyong-
PATENT AT BAGONG MODELO O DISENYO Patent para sa mga munting pagbabago sa imbensiyon Intellectual property o IP ang tawag sa mga likhang nagmula sa isip ng tao. Dalawa ang uri nito. Ang copyright at ang industrial property. Sa ilalim ng industrial property nakapailalim ang patent. Ang patent naman ay ang karapatang ibinibigay ng gobyerno sa inventors at sa kanilang mga imbensiyon. May dalawang uri ng imbensiyon: ang produkto at ang proseso. Ang mga imbensiyon na ito ay lumulutas sa mga problemang teknikal na kinakaharap ng tao. Isang halimbawa ng produkto ay ang re-usable kabaong ni Antonio Andes, Sr. ng Taguig City. Halimbawa naman ng proseso ay ang imbensiyon ni Dr. Ramon Bar-
ba na pag-ii-spray ng tubig na may halong potassium nitrate sa mga puno ng mangga para mapabilis ang pamumulaklak ng mga ito. Ang imbensiyong reusable kabaong ni Andes ay may dalawang sangkap: kahoy na kabaong sa loob at bakal na kabaong sa labas. Ang bakal na
kabaong ang nakikita ng mga naglalamay at bisita. At pagdating ng libing, ang kahoy na ataol ang siyang ipinapasok sa nit-
bilyong piso ang binubuhos sa mga programa laban sa kahirapan? Pero magtataka tayo, bakit hindi maubos-ubos ang mahihirap. Hindi pa nakukuntento ang gobyerno, mangungutang pa sa ibang bansa. Mag-aapela sa mga NGO. Makikipagtulungan sa simbahan. Lahat ng ito para lang mabawasan ang kahirapan sa bansa. Kaya naman naisipan ko na makatulong kahit papaano sa pamahalaan kung paano mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa. so. Presto! Ang bakal na kabaong ay puwede na uling magamit ng susunod na kustomer. (Maaari mo nang ipila ang biyenan mo for future availment ng produktong ito.) Malaking tulong sa mahihirap ang ipinaaarkilang bakal na kabaong ni Andes dahil ang murang kahoy na ataol na lang ang kailangan nilang bilhin. Mas mura din ang pag-arkila ng bakal na kabaong kaysa bumili ng tradisyunal na kabaong. (Kaya talagang dapat mo nang ipila ang biyenan mo.) Samantala, ang anak ni Andes na si Mary Ann ay nagdidisenyo ng iba’t ibang masasayang larawan sa bakal na kabaong. Mula rin sa malikhaing isip ni Andes ang isa pang inobasyon sa kanyang kabaongfor-rent ang paglalagay ng LCD screen at music player sa kabaong. Dito ay puwedeng magpalabas ng mga video ng yumao o kaya ay magpatugtog ng mga paborito niyang awit. Ang mga disenyo ni Mary Ann at ang added features na LCD at music player ay maliliit na pagbabago o inobasyon sa orihinal na imbensiyon at puwede pa ring bigyan ng proteksiyon ng gobyerno sa pamamagitan ng patent. Ang iba pang binibigyan ng patent tulad ng industrial design, layout design ng integrated circuits, at mga bagong uri ng halaman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
0919-3175708 begin_of_the_skype_highlighting 0919-3175708 end_of_the_skype_highlighting beverlysiy@gmail.com / www.liraonline.org / www.panpilpipol.wordpress.com www.dagdagdunongproject.multiply.com / www.dagdagdunong.blogspot.com
Una, para hindi maituring na mahirap ang mahirap, dapat, kumikita sya ng P100.00 isang araw. Sa ganitong paraan, lahat ng minimum wage earner, tatlong beses nang mayaman kesa sa mahihirap. Ikalawa, lahat ng may telebisyon sa bahay, pwede nang ituring na mayaman. Kasi, sasabihin ng gobyerno na may luxury time na ang mga taong nakakapanood ng telebisyon. Ikatlo, lahat ng nakakabili ng sigarilyo, pwede nang ituring na hindi mahirap. Kasi maaaring sabihin ng gobyerno na sa halip na ipambili ng pagkain, inuuna pa ang bisyo. Ikaapat, lahat ng mga magulang na nakapagpapaaral ng mga anak sa high school, pwede nang ituring na hindi mahirap. Kasi, kaya nagpapaaral ng high school, may ambisyong makapag-college. At dahil mahal ang pagpapaaral sa college, tanging may pera lang ang may karapatang mangarap makapagpakolehiyo. Therefore, ang nagpapaaral ng high school, may pangarap maging kolehiyo, kung ganoon, may pera. Ikalima, ang lahat ng tumataya ng Jueteng, Lotto at ending ay pwede nang ituring na hindi mahirap. Kasi, may sobra pa silang pera na sa halip ipambili ng pagkain, ay nakukuha pang magsugal. Ito ang gusto ko sa bayang ito, sa patuloy na pakikipagbuno natin sa kahirapan, kapansin-pansin, lahat ng abala sa pagtulong sa mahihirap, sila ang yumayaman. Sino ang naghihirap dyan? Tutulungan ko lang.
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN (DISYEMBRE 22 – ENERO 19) Tanggapin mo ang kapalarang naghihintay sa iyo. Maraming pagbabagong magaganap sa buhay mo. Lucky days/nos./color=Wednesday/Friday=9-11-1526-38-45=white AQUARIUS (ENERO 20 – PEBRERO 28) - Huwag mong takasan ang problema. Anumang responsibilidad na nasa iyong balikat ay pagsisikapang hanapin. Lucky days/nos./ color=Tuesday/Thursday=4-8-21-33-36-44=brown. PISCES (PEBRERO 19 – MARSO 20) - Matuto kang maging tapat. Ano mang tukso na dumating sa paligid mo ay iyong iwasan at paglabanan. Lucky days/nos./color=Monday/Wednesday=6-20-39-4142-44=violet. ARIES (MARSO 21 – ABRIL 19) - Hintayin mo ang pagkakataon na kapwa na maghilomn ang pait ng iyong nakaraan.darating ang takdang panahon. Lucky days/nos./color=Thursday/Sunday=16-18-2231-36-39=red. TAURUS (ABRIL 20 – MAYO 20) - Suwerte ka! Ang gusto ng mga naiinggit sa iyo. Ikaw ay dapuan ng kamalasan. Pero ang dadapo sa iyo ay sobrang gandang kapalaran. Lucky days/nos./ color=Wednesday/Friday=1-10-12-19-3840=yellow. GEMINI (MAYO 21 – HUNYO 21) - Magsumikap ka sa buhay. Huwag kang umasa sa iba. May magandang kapalaran na naghihintay sa iyo sa ibang bansa. Lucky days/nos./color=Thursday/ Saturday=6-17-21-36-41-42=brown CANCER (HUNYO 22 – HULYO 22) - Maliwanag sa iyo ang mga pangyayari. Hindi ka niya mahal. Tanggapin mo ang katotohanan kahit na masakit sa damdamin. Lucky days/nos./color=Monday/ Thursday=10-15-19-25-35-45=pink. LEO (HULYO 23 – AGOSTO 22) - May dahilan ang lahat.ano man ang mangyari ay magpakatatag ka. Palagian manalangin at humingi na tulong sa poong maykapal. Lucky days/nos./color=Tuesday/ Wednesday=1-4-12-27-36-45=blue VIRGO (AGOSTO 23 - SETYEMBRE 23) Sikaping abutin ang mga pangarap. Marami man ang mga balakid ay hindi kaagad susuko sa kabila ng mga problema. Lucky days/nos./color=Friday/ Saturday=10-19-20-24-38-46=black LIBRA (SETYEMBRE 24 – OKTUBRE 23) Kausapin mo ang mga taong may kinalaman sa problema mo. Maaayos mo din ito, huwag kang magalala, masosolusyunan ito. Lucky days/nos./ color=Saturday/Sunday=2-8-11-29-34-39=purple SCORPIO (OKTUBRE 24 – NOBYEMBRE 22) Pagplanuhan mo ng mabuti ang iyong mga balakin. Huwag kang magpadalus-dalos ng desisyon upang hindi ka magsisi. Lucky days/nos./color=Thursday/ Sunday=1-7-17-37-40-42=lavender SAGITARIUS(NOBYEMBRE 23 – DISYEMBRE 21) - Huwag mo siyang tingnan sa panlabas niyang anyo. Marapat lamang na kilalanin mo muna siya. Lucky days/nos./color=Monday/Thursday=8-18-2029-34-45=green.
AGOSTO 22 - 28, 2010
PARANG taas-noong nakatindig ang tatlong palapag na mala-palasyong bahay-opisina ni Atty. Carlos sa tuktok ng burol. Pula ang bubong, puti ang mga dingding, mga pasimano at mga alulod. Makintab ang sahig. Walang maaaninag na bakas ng tsinelas at sapatos kahit maraming mga paang pabalik-balik doon. Matatayog ang magagaspang at makakapal na adobeng pader, na nakokoronahan ng mga tinik na bakal ang nakayakap sa malawak na bakuran. Puro rehas ang mga bintana. Bantay-sarado ng mga guwardiya ang bawat palapag at mga gate. Pag-aayos ng pensyon ng mga dating gerilya ang raket ng abugado. Palibhasa’y mahihina na ang mga tuhod ng kanyang mga kliyente, kaya
sa unang palapag na lang niya ipinuwesto ang kanyang opisina. Pagpasok sa pintuan ng opisina ay sasalubong na agad ang magandang ngiti ni Kris, ang binatang anak ni Atty. Carlos, na kumukuha ng abugasya sa kilalang unibersidad sa Maynila. Matangkad na payat, mabibilog ang mata, maputi at semi-kalbo ang gupit. Intelehente at magiliw kausap. Siya ang nagsisilbing assistant ng kanyang ama. Tagabigay ng numero sa mga kliyente, tagatingin ng mga papeles kung kumpleto at nagsisilbing tanungan na rin ng mga matatandang naghihintay. Apat na hakbang mula sa mesa ni Kris, na nasa kaliwa ng unang pinto, ang opisina ng kanyang ama. Sa unang tingin, hindi aakalaing abugado ang kaharap. Kung anong
gandang lalake ng anak ay kabaligtaran naman ng ama. Matangkad at maitim na lalake, malalaki ang eye bags, bumubukol sa T-shirt ang malaking tiyan. Nangingintab ang bumbunan. Laging nakatsinelas at shorts. Nakasisindak ang malaki at malakas na boses ni Atty. “Lolo ano po ang buong pangalan ninyo?” sabi ni Atty. Carlos habang hawak-hawak niya ang papeles ng matanda at binabasa ang mga impormasyong nakasulat doon. Manipis na ang abuhing buhok ng matanda. Hindi na mabilang ang malalalim na alon sa kanyang noo. Makapal ang salamin at singkit ang mga mata. Kung susuriin ng malapitan ay mapapansing nagluluha at nagmumuta ang mga ito. Matulis at malapad ang hubog ng kanyang ilong.
PANAWAGAN CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng
Manipis ang labi. Hukot ang maitim at payat na pangangatawan. Halatang batak sa trabaho kaya parang mas matanda pa ito sa edad niyang setenta. “Ano ‘ka mo?” sagot ng matanda na inilapit ng kaunti ang tenga sa abugado. “Buong pangalan po ninyo,” ang mas malakas na ulit ni Atty. “Ah… kuwan, Rafael. Rafael… Rafael…” sagot na hindi maituloy ni Lolo Paeng habang kunot-noo siyang nakalingon sa kanyang asawang si Lola Goria, na nakaupo sa tabi at tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. Rafael Bailon este Rafael Baylon. Tinamaan ng lintek! Sarili ko na nga lang apelyido e nalilito pa ako. Ito ang tumatakbo sa isip niya. Ang totoo “I” talaga iyon at hindi “Y.” Pero dahil nagmarunong pa sa may katawan ang hinayupak na typist, ay Rafael Baylon ang nakalagay sa lahat ng papeles na ipinadala sa Pilipinas mula sa Massachusetts. Palibhasa’y puti kaya oryentasyong puti rin. Ano pa bang aasahan? Habang tina-type niya ang pangalan ni Lolo Paeng ay Manila Bay siguro ang naiisip niya. Kaya ganoon na nga. Baylon imbes na Bailon. Abala ang kakambal ng simpleng pagkakamaling iyon. Apektado ang kanyang Birth Certificate, Baptismal Certificate, Marriage Contract, Voter’s I.D. at sandamakmak pang mga papeles. Mga piraso ng papel na nagpapatotoo sa kanyang pagkatao. Si Rafael Bailon na anak nina Lorenzo Bailon at Lucia Monticon. Si Rafael Bailon na nagmula sa uring magsasaka ng Laguna. Si Rafael Baylon na tatay ng pito. Ang dating Bailon na hinubog ng panahon, sa isang iglap ay naging bagong Baylon. SUNDAN SA P10
paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at mailing talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.
9
Romel Samson (Rosario, Cavite) Si Romel Samson, o Xam, ay tubong Rosario, Cavite. Nagtapos sa Technological University of the Philippines noong 1995. Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Customer Sales Representative sa isang Call Center sa Cavite. Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Pinoypoets. Isang samahan ng mga manunulat, makata, at mahilig magbasa ng literatura na itinatag noong 2004. Kasapi din siya ng Linangan Ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) na itinatag ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario (Rio Alma.) Bahagi din siya ng Cavite Young Writers Association (CYWA). Ang ilan sa kaniyang mga tula ay nalathala sa Obverse Vol I and II, CCP Ani 32, 33 and 34, at Crowns and Oranges (Works by Young Philippine Poets) na inedit nina Cirilo Bautista at Ken Ishikawa.
Pananalaba Pisi ang mag-uugnay sa balat at buhay. Ang makakawing-kawing Sa mga talukab. Muling itutubog sa alat at ilulublob sa kailaliman. Aasahang babalutan ng lumot at alikabok-dagat Sa takdang araw ay sisibulan ng bagong buhay? Sa Ika-20 Palapag Matiim ang aking pagkakatitig. Tinitibag ng mason ang pader; Muog na pumapagitan sa dalawang silid. Isang malawak, isang masikip. Dumadausdos ang mga tipak. May yanig ang paglagpak sa sahig. Sabay na natitigatig, natitibag itong sariling may dalawang silidMalawak na pagpupunyagi at makitid na kawalang-tiwala. Sa pagitan, ang pagpapakatatag. Kapag natibag ang pader, sisikip ba ang maluwang na silid o lalawak ang masikip? Matiim akong napatitig sa ligaw na damong tumubo sa gilid. Dilawing-lunti ang kulay ng pagtitiyaga na lumalago ng walang katiyakan. Hindi nalulubos ang pagyabong. Pinulot ng mason ang damo. Itinapon sa bintana kasama ng ilang piraso ng bato. Hinabol ng aking isipan. Nahuhulog mula sa tila walang hangang itaas patungo sa hindi matanaw na ibaba. Malalim…Sir malapit nang matibag. Marahan akong tumango. Napatungo. Tumungo sa loob ng elevator. Matapos na magsara, matiim akong napatitig sa pintuang naghiwalay sa malawak na palapag at masikip na loob. Nagsisikip ang aking dibdib. Palaging may pagitan. Naghihintay ang mga buton Roof deck o ground floor?
10
AGOSTO 22 - 28, 2010
Kutawtaw
Suot pa rin ang bracelet
Mula sa pahina 9 Dahil marami ang kuneksyon ng abugado, ay naikuha niya si Lolo Paeng ng katibayan mula sa opisina ng local civil registrar. Nakasaad sa katibayan na nasunog ang gusali noong May 1, 1962, kasama ang mga record ng mga kapanganakan. Kaya madali nilang naremedyuhan ang problema sa spelling ng kanyang pangalan. Pinasumpa na lang sina Lolo Paeng at ang asawa nitong si Lola Goria sa US Embassy, na Baylon talaga ang kanilang apelyido. Wala ng iba. Sa bandang huli’y magkakaloko-loko na. Sa pitong mga anak niya, may apat na Baylon ang ginagamit at tatlo naman na Bailon ang spelling ng kanilang apelyido. Aakalain tuloy na hindi sila magkakapatid o kaya nama’y magkaiba ang kanilang ama. “Lolo, pano kayo papasa sa interview kung pangalan nyo pa lang e hindi kayo sigurado? Kung ano yung nakalagay sa mga papeles na hawak nyo galing sa US, ay yon ang gamitin ninyo. Kailangang maging consistent tayo. Tandaan ninyong iba ang magiging interview na darating kumpara sa mga naunang interview sa inyo noon.” May punto rin naman ang abugado. Ngayon pa ba sila susuko? Ilang taon na rin namang nilalakad nina Lolo Paeng at ng kanyang asawang si Lola Goria ang mga papeles para rito. “Makabubuti po siguro Lolo Paeng na basahin ninyo ulit ang mga papeles ninyo para makapaghanda kayo sa interview. Anytime po kasi ay may darating sa inyong sulat
at nakalagay doon kung kailan kayo papupuntahin sa US Embassy. Tawagan ninyo na lang po ako kapag may natanggap na kayong sulat.” Sabi ni Atty. sabay abot ng isang long brown envelop na naglalaman ng mga dokumento. Kailangan nilang sundin ang pinapayo ni Atty. Sino ba naman silang grade four lang ang inabot, na tatanggi sa payo ng mas nakaaalam ng batas? Alam nito ang pasikutsikot na kalakaran sa US Embassy. Malawak ang kanyang kuneksyon. May doktor, may imbestigador, may nars. San ka pa? Marami na rin siyang natulungang beteranong Pilipino. Pero hindi libre ang serbisyo. May kapalit ang payo at tulong niya. Hindi siya magpapagod ng ganun-ganon na lang. Sa unang pag-uusap pa lang, pinapirmahan agad ng abugado sa kanila ang isang kontrata. Malinaw na nakasaad doon na kapag natanggap na nila ang malaking pensyon, obligado ang mag-asawa, na sa loob ng isang taon, ay hatian ang abugado sa kabuuang sahod. Mabigat man sa kanilang kalooban na pirmahan ang kasunduan ay naisip nilang mabuti na nga sigurong pumayag sa ganoong set-up kesa naman umasa sa sariling paglalakad ng papeles. Bukod sa napakabagal at walang kasiguraduhan ay baka kamatayan na nila’y wala pa ring malinaw na pensyon. Habang nasa byahe pauwi ang dalawang matanda ay wala silang kibuan. Iniabot lang ni Lolo Paeng ang kanyang dala-dalang brown envel-
op kay Lola Goria para pagpahingahin ang kanyang nangangawit na kamay. Si Lola Goria, tinititigan ang dala-dalang brown envelop. Kasabay ng malalim niyang iniisip ang paglalim din ng mga pileges sa kanyang maliit na mukha. Ang dating manakanakang uban sa kanyang laging nakapusod na buhok, ngayon ay di na mabilang. Mas matanda ng limang taon si Lolo Paeng kay Lola Goria. Ugali ni Lola Goria na mag-intindi sa buhay, kaya mukhang mas matanda pa ito sa asawa. Kailangang maipasa ang interview dahil dito nakasalalay ang lahat. Baun na baon na sila sa utang at sa kahihiyan. Halos ipinagkalat na sa buong barangay ng kanilang mga anak at apo na makakasakay na rin sila ng eroplano, na makakakita na sila ng totoong snow, na makakapunta na sila sa America at hindi na piso kundi dolyar ang sasahurin. Araw-araw pinuputakti ang bahay nila ng mga maniningil. Walang maihulog man lang ang mag-asawa sa mga pinagkakau-
LOLA NABUNDOL, PATAY ISANG 81-anyos na lola ang namatay matapos masagasaan ng isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City umaga noong ika-17 ng Agosto. Nakilala ang biktima na si Conchita Luma, mula sa Phase 4, Block 88, Lot 2, Mabuhay City, Dasmarinas, Cavite. Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente sa harap ng
Camp Crame sa kahabaan ng Edsa, Santolan sa ganap na alas-11:30 ng umaga. Kasalukuyang hawak ng Quezon City Police ang drayber ng nasabing pampasaherong bus na may plakang TWZ 433. Nakilala ang drayber ng bus na si Crisanto Cipres na hinainan ng kasong reckless
imprudence resulting to homicide. Ayon kay Cipres, hindi nito namalayan na mayroon itong nabundol at nalaman lamang ito nang sabihin na ito sa kanya ng konduktor ng bus. Nabangga at nasagasaan ang biktima na naging sanhi upang ito ay tuluyang bawian ng buhay. JUN ISIDRO
tangan, kaya katakut-takot na hindi malunok na salita ang pinagsisigawan sa labas ng kanilang bakuran. Ang kaisa-isang anak nilang nag-aabot ng panggastos paminsanminsan, ay natanggal naman sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Wala naman maitulong sa kanila ang iba pang mga anak. Bukod sa may sari-sariling pamilya na ay gipit na gipit din sa buhay ang mga ito. Ang pinakamabigat sa mga alalahanin nina Lolo Paeng at Lola Goria ay ang kapirasong lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay. Sa isang buwan ay iilitin na ito ng kanilang pinagsanlaan. Pagdating sa kanilang bahay, dumiretso agad ang mag-asawa sa kuwarto. Nagpalit ng damit pambahay si Lola Goria saka pumunta sa kusina para maghanda ng tanghalian. Si Lolo Paeng naman, pagkapalit ng damit ay inangat ang kutson ng kanilang lumang kama at kinuha ang isang itim na leather folder, halos namumuti na ito sa kalumaan. Dito niya inilalagay ang lahat ng papeles na may kaugnayan sa paglalakad ng pensyon. Bitbit ang folder ay lumabas ng kuwarto at naupo sa sofa sa kanilang sala. Dahan-dahan niyang binuksan ang zipper ng itim na leather folder. Medyo maganit at sumasala-sala na ang mga ngipin nito sa riles. Kinailangan pa niyang kuskusan ng kandila ang zipper para dumulas at magtuluy-tuloy ang pagbukas. ITUTULOY
Binibining Bebang, Bakit ganon po ‘yong ex ko? Bakit hanggang ngayon, suot pa rin niya ‘yong bracelet, e matagal na po kaming wala? Bakit po ganon? Di ba po, pag wala na kayo ng dating karelasyon ninyo, e dapat doon itago na lang? E, nakikita ko pa rin na suot niya pa rin ‘yon. Itago n’yo na lang ako sa tawag na #17. Mahal kong #17, May iba pang gamit ang bracelet. Hindi lang iyan souvenir ng isang relasyon katulad ng bracelet na sinasabi mo. Ang bracelet ay palamuti rin sa pulsuhan. (Kaya pulseras sa wika natin, isinusuot sa may pulso.) Para mas japorms, maganda nga namang may bracelet ka bukod sa relo, singsing at iba pa. Puwede rin naman itong maging simbolo ng yaman ng isang tao. Halimbawa ay gold ang bracelet mo o kaya may diyamante ito. Kapag may ganyang uri ka ng pulseras, ibig sabihin, mayaman ka o may pambili ka ng alahas. Kaya siguro suotsuot pa ni Ex ang bracelet ay dahil nagagandahan siya rito, gusto pa niyang suotin at nanghihinayang siya kung itatago na lang ito sa ilalim ng mga damit. So wala na tayong ‘say’ diyan. Wala kang
karapatan na humirit. Kamay at braso niya ang dinedekorasyunan niya. Wala na tayong paki. Kung sakali mang may pagtingin pa siya sa iyo kaya niya isinusuot ang bracelet na iyon, wala rin naman tayong magagawa o masasabi. Kahit pa mag-ex na lang kayo ngayon, may karapatan pa rin siyang isuot iyon kahit na nakapagpapaalala lang ito sa kanya ng tungkol sa inyong past. Baka iyon ang paraan niya para maka-get over you. O baka naman kasama ito sa ritwal niya para todo ka na niyang malimutan in the future. Alam mo, Numero Disisyete, palagay ko, ikaw ang may something pa para sa iyong ex. Kasi, the fact na napapansin mo pa kung ano ang suot niya, ibig sabihin, lagi mo pa rin siyang pinagmamasdan at sinusundan ng tingin. O baka inii-stalk pa! Madali lang iyan. Kung mahal mo pa at single pa rin naman siya, humayo ka at magsabi. Pero kung hindi na, utang na loob, huwag mo nang pansinin ang bracelet. Huwag mo na ring pansinin ang ex mo, puwede? Kanya-kanya na kayo ng buhay, kanyakanya na rin ng ilalagay na burloloy sa katawan. Simple lang, Binibining Bebang Kung may suliranin ukol sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.
AGOSTO 22 - 28, 2010
11
SA NGALAN NG LANDAS NG MATUWID NA DAAN, TUNAY NA REPORMA SA LUPA IPATUPAD NA INDANG, CAVITE – Kung ang uring manggagawa ang siyang tinaguriang hukbong mapagpalaya, ang uring magsasaka naman ang tinaguriang pangunahing pwersa. Ang dalawang sektor na ito ay maituturing na mga buhay na bayani sapagkat ang mga manggagawa ang siyang manlilikha ng lahat ng pangangailangan natin katulad ng kasuotan, gamit, kasangkapan, sasakyan, gusali at marami pang iba at ang magsasaka naman ang siyang tagapagpakain ng buong mundo. Datapwat ang katotohanan ang dalawang sektor na ito ay patuloy na kalunos-lunos ang sinasapit sa ganitong mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema ng ating kapitalistang bansa. Kaya kung susumahin bilang tanda ng pagkakaisa ay nararapat lamang talaga na patuloy na nakakawing ang karit ng mga magsasaka sa maso ng mga manggagawa na siyang simbolo ng sosyalismo at komunismo. Ang mga manggagawa na silang tagapaglikha ay may mga mapapait na kinakaharap na problema at suliranin. Ang karapatan nila sa tamang pasahod ay hindi pa rin nila nakakamtan kaya patuloy silang nakikipaglaban para sa dagdag na P125 sahod across the board nationwide para sa mga manggagawa sa pribado at dagdag na P3000 naman para sa mga manggagawa sa gobyerno o pampubliko. Ilan pa sa mga problema ng mga manggagawa ay ang patakaran ng gobyerno na casualization o contractualization na binibigyan lamang ng karapatang makapagtrabaho ang tao na gustong maging mangggagawa sa pabrika o enklabo ng 6 na buwan at pagkatapos ng 6 na buwan ay finished contract na. Tinanggalan na ng karapatan ang sinumang manggagawa na ma-regular sa kanyang trabaho at ito ay walang kaseguruhan sa kanyang trabaho para mabuhay, napakahirap na sitwasyon.
Idagdag pa sa problema ng mga manggagawa ang pagbabawal sa kanila sa pagtatayo at pagoorganisa ng mga unyon kahit na ito ay ginagarantiyahan naman at nasusulat sa Saligang Batas ng Pilipinas ang karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon. Mga dayuhang kapitalista na nagtatayo ng mga negosyo, produkto at kompanya sa ating bansa na silang pumapatay sa mga negosyo, produkto at kompanya ng ating mga kapwa-Pilipino. Nalaman ko rin na isa palang ginagawa ng ating gobyerno na pang-akit sa mga dayuhang kapitalistang ito ay ang free taxes o hindi pagbabayad ng buwis sa ating bansa sa sinumang dayuhang kompanya na nagnanais na magnegosyo sa ating bansa. Hindi patas ang patakarang ito dahil kapag kapwa Pilipinong kompanya, produkto at negosyo ay nagbabayad ng mga karampatang buwis pero kapag dayuhang kompanya, produkto at negosyo ay hindi pagbabayarin ng gobyerno ng buwis at ang pagdidiskitahang pagbayarin ng kakulangang ito ay ang mga kinawawang manggagawa na maliit na nga at hindi sapat ang sahod ay sila pang huhuthutan ng sari-saring buwis ng gobyerno. Ang mga magsasaka na silang tagapagpakain ng buong mundo ay nakakalungkot isipin na pagdating sa kanilang hapag kainan ay wala silang pagkain sa mesa? Sapagkat napakaraming usapin at problemang patuloy na ipinaglalaban ang mga magsasaka mula pa noon hanggang sa ngayon na hindi pa rin matugunan ng gobyernong ito. Nariyan ang problema sa mga ekta-ektaryang lupain na kahit na may batas na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang gobyerno ay tila walang itong pangil at bigo pa ring maipamahagi sa mga magsasaka ang mga hacienda na pag-aari ng iilang ganid na panginoong maylupa at mga asendero. Hindi natin dapat kali-
mutan ang naganap na Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987 kung saan siningil ng libu-libong magsasaka ang bagong talaga at tinaguriang revolutionary government ng namayapang Pangulong Corazon Cojuangco –Aquino upang ipatupad sana nito ang pamamahagi ng mga lupain (kasama na ang pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco na Hacienda Luisita sa Tarlac) sa mga magsasaka na isinasaad ng batas na CARP subalit sa mapayapang protesta ng mga magsasaka sa paanan ng Malacañang ay bala ang isinalubong ng gobyerno na nagresulta ng pagkamatay ng 13 magbubukid na taga-Cavite at Laguna. Sapagkat hindi na natuto ang gobyernong ito sa
karanasan at kasaysayan ay naulit lamang na naganap sa gobyerno ng pekeng Pangulo na si Gng. Gloria Macapagal –Arroyo ang pangyayari noong Nobyembre 16, 2004 sa mismong lupain ng mga Cojuangco sa Tarlac ng mapayapang magprotesta para sa dagdag na umento sa pasahod ang mga manggagawa ng hacienda sa pangunguna ng Central de Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at sa tulong ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) subalit gaya ng inasahan na sa gobyernong ito ay karahasan na naman ang isinagot ng paulanan ng mga bala ang nagpoprotestang magsasaka kung saan dugo ng 7 manggagawang bukid ang dumilig sa
lugar na iyon. Ngayon, ang mga magsasaka partikular ng Hacienda Luisita ay nasa ka-Maynilaan na naman upang patuloy pa ring igiit ang matagal ng ipinagdadamot sa kanilang lupain. Umaasang sa tinatawag na bagong gobyerno at bagong Pilipinas ng bagong Pangulo Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino ay magkaroon na ng katuparan ang pangarap na tunay na reporma sa lupa. Ngunit nagsalita na si PNoy na siya ay Pangulo na ng bansa at hahayaan na lamang daw niya na ang korte na ang duminig at magdesisyon sa usaping ito, ayaw niya umanong makialam dahil ang lupa ay sa angkan nilang mga Cojuangco. Hindi po ata tama na manahimik na lamang
kayo dahil sa kayo ay Pangulo na at sa inyong angkan ang Hacienda Luisita, sa halip ay bilang Pangulo (at sa ngalan po ng sinasabi ninyong TAYO NA SA LANDAS NG DAANG MATUWID KUNG SAAN ANG BOSS NINYO AY ANG MAMAMAYAN) ay nararapat pa nga po kayong magsalita at magdesisyon na maipamahagi na ang daan-daang ektaryang lupain ninyo para sa mga magsasaka. Daang taon na pong pinakinabangan ng inyong angkan ang lupaing ito, panahon na po para sa isang tunay at tamang pagbabago, hayaan na po sana nating pagyamanin ng mga magsasaka ang lupang para naman sa kanila at hindi lamang po sa Hacienda Luisita ito sana mangyari kundi sa buong bansang Pilipinas.
Rehistro para sa SK eleksyon, mababa MAHIGIT kumulang dalawang milyong bagong botante ang nagparehistro para sa eleksyon ng
Greetings
Belated happy happy birthday to YSABELLA MARI D.L. SANTIAGO last August 18,2010 from: daddy JOJO and mommy ARVE oOo Belated Happy Birthday to Edwin Portacio of Bry. 56 (E. Mariano) ng Cavite City. May you have more birthdays to come. From: Obet Catalan and Family and Cavite City Vendors Association oOo Happy reading to Shienna , Jella, Maxcine & Michelle of Imus cavite.
barangay at Sangguniang Kabataan na gaganapin sa ika-25 ng Oktubre. Ayon sa Commission on Election (Comelec), 1.6M lamang ang nagparehistro para sa nalalapit na barangay elections. Natapos ang araw ng pagrerehistro noong ika-15 ng Agosto. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 675,402 na nagparehistro ay nagpapalit ng rehistro, nagpa-reactivate, at may mga correction sa kanilang mga pangalan. 1,005,790 na botante naman ang nagparehis-
tro para sa eleksyon ng Sangguniang Kabataan. Ang gitnang Luzon ang nagtala ng pinakamaraming bilang ng botante para sa SK elections na may bilang na 131,677. Sinundan ito ng gitnang Visayas na nagtala ng 111,931 botante at sa Kanlurang Mindanao na mayroong 111,218 botante. Ang gitnang Luzon din na kinabibilangan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales naman ay mayroong 76,206 bilang ng nagparehistro para sa barangay elections. Sinundan ito ng Ca-
labarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may 59,264 at 42,672 naman sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Jimenez,ang pangkalahatang bilang ng mga nagparehistro ay mababa kumpara sa bilang na inaasahan ng Comelec. Dahil sa mababang bilang ng nagparehistro para sa eleksyon, maaaring iusod ang araw ng barangay at SK election. Ngunit, patuloy na umaasa si Jimenez na maipagpapatuloy pa rin ang eleksyon sa darating na Oktubre. EWEL PEÑALBA
Pulis GMA, inambush
MEDICAL MISSION NG MGA KOREANO pinamumunuan ni Dr. Francisco, Provincial SA CAVITE, MATAGUMPAY Health Service Office na
TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE – Maraming indigents Caviteños partikular sa lungsod na ito at mga karatig bayan katulad ng Indang, Amadeo, Gen.Trias, Tanza, Naic at Alfonso ang nabiyayaan ng libreng gamutan sa pamamagitan ng inilunsad na Medical Mission ng mga Korean Doctors noong Agosto 9, 2010 (Lunes) na ginanap sa Korean-Philippines Friendship Hospital (KPFH). Matapos humarap ang may 40 Korean Doctors sa pamumuno ni Dr. Sung Yo Kim kina Gov. Juanito Victor “Jonvic” Catibayan Remulla, Jr. at Cavite First Lady Dr. Agnes Tirona –Remulla para sa isang courtesy call na ginanap sa Ceremonial Hall ng Provincial Capitol Building ay kaagad na sinimulan ang libreng gamutan mula 9:00 ng umaga at natapos ng 5:00 ng hapon. Ilan sa tampok na
serbisyong ipinagkaloob ng mga Korean Doctors ay ang free check-up, free consultation, free treatment at free western medicine. Ang one day medical mission ay naisagawa sa
pagtutulungan ng Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dr. Vilma Diez, Jeju University Medical School ng Seoul South Korea, KOIKA Officials, Korean-Philippines Friendship Hospital na
pinamumunuan ni Dr. Bernardo, Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital na pinamumunuan ni Dr. Repique at ng Provincial Government of Cavite. REX DEL ROSARIO
Nakipagpulong ang Responde Cavite sa bagong talagang Provincial Information Office Head sa Provincial Capitol sa Trece Martirez City. (Mula sa Kaliwa si Rex del Rosario (columnist), Eros S. Atalia (Editor-in-Chief), Jo-Anne Nazareno-Loyola (PIO Head), Rommel Sanchez Atalia (managing Editor) at Obet Catalan (Dyaryo Patrol). Kuha ni Erwel Peñalba
ISANG pulis ang namatay matapos barilin ng isang armadong grupo sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite noong ika-16 ng gabi, Lunes. Nakilala ang biktima na si Police Officer 2 Marvin Restrivera. Ayon kay Superintendent Cosme Abrenica ng Cavite Police’s Intelligence Branch, si Restrivera at ilan pang miyembro ng intelligence branch ay ipinadala sa Barangay Granados dahil sa mga hinihinalang armadong grupo na naroon. Nang marating ng grupo nina Restrivera ang nasabing lugar, pinagbabaril ang kanyang grupo ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan. Nabaril ng ilang ulit at nagtamo ng mga sugat si Restrivera at namatay sa ospital habang siya ay ginagamot. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga autoridad ang mga suspek na pinangungunahan di umano ng isang nagngangalang Orlando Javelosa. MICHELLE VALE CRUZ
Pushers at Users, tiklo LABING apat na katao ang arestado matapos mahulihan ng mga pulis ng ilegal na droga. Ilang linggo na rin mula nang simulan ng mga pulis ang operasyon sa paghuli sa mga pushers at users ng ilegal na droga. Isinagawa ng mga pulis ang mga operasyon na ito sa bayan ng Bacoor, Imus, Tanza, at sa siyudad ng Dasmarinas. Naaresto naman ng mga pulis ang pitong suspek sa Sitio Bagong Anyo, Toclong I-A, Imus na pinaghihinalaang sentro ng kalakalan ng droga sa nasabing lugar. Labing pitong drug pushers at drug users naman ang naaresto ng pulisya sa mga operasyong isinagawa sa Bacoor, Naic, Noveleta, at iba pang bayan sa probinsya ng Cavite. Lahat ng mga arestado ay kasalukuyang nakakulong. Pinasimunuan ni Senior Supt. Danilo L. Maligalig, PPO director, ang nasabing operasyon hinggil sa pagtugis sa ilegal na droga. Katulong niya ang 19 pang chiefs of police (CoPS) sa 19 na bayan at 4 na siyudad sa Cavite. Ayon din kay Maligalig, ipagpapatuloy nila ang nasimulang operasyon hanggang sa tuluyang matugis ang paggamit ng ilegal na droga. WILLY GENERAGA