Responde Cavite

Page 1


2

NOBYEMBRE 22- 28, 2009

4 na bebot, minolestiya ng senglot CARMONA, CAVITE – Isang lalaki ang pinagkaisahang bugbugin ng taong-bayan matapos na magsumbong ang apat ng kabataang kababaihan na diumanoy nangbastos sa kanila. Sa nakuhang balita ng Responde Cavite kay C/ Insp. Tibayan, hepe ng kapulisan sa bayang ito kinilala ang suspek na si Franco Bello, 26 taong gulang, residente ng Brgy. 3 sa bayang ito at tubong Pandan Antigue. Samantala kinilala naman ang mga batang biktima na itinago sa pangalang Harlene 13, Erica 16, Meica 18, at Jasmine 17 mga kapwa residente ng Brgy. Milagrosa ng bayan ding ito. Base sa pahayag ng mga biktima nangyari ang pangmomolestiya ng suspek noong Nov. 17, 2009 dakong alas 11:30 ng gabi nang masayang nakakwentuhan ang mga biktima sa isang birthday party na kanila umanong dinaluhan. Habang kasarapan ng kanilang kwentuhan ay bigla na lamang dumating ang suspek na pasuray-suray dahil sa kalasingan. Laking gulat nila ng bigla silang yakapin at halikan ng suspek. Hindi pa nakuntento ang huli sa kanyang pinaggagawa dahil pinaghihipo rin nito ang mga maseselang bahagi ng mga biktima. Dahil sa pangyayari, nagsisigaw ang apat na magkakaibigan na nakatawag pansin naman sa mga residente na kaagad sinaklolohan ang mga biktima at dito nga pinagbubugbog ang suspek. Kasalukuyang nakapiit ngayon ang suspek habang hinaharap ang kaukulang kaso laban dito. JUN ISIDRO

Almelor

ABANGAN... Dominic Almelor at Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News and Current Affairs Team KAPAMILYA na ng Responde Cavite

LOLO NA NAGMAGANDANGLOOB, DEDO SA BEBOT NI OBET CATALAN

SILANG, CAVITE – Isang lolo ang pinagsasaksak ng isang babae na hindi nakilala matapos na ito ay makituluyan sa bahay ng biktima. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay P/Supt. Danilo Buentipo, hepe ng pulisya sa bayang ito, kinilala ang biktima na si Anastado Ventuza y Cipriano, 73 taong gulang, may asawa, karpintero, at residente ng B-25 L-7 Brgy. Narra 2 ng bayang ito. Ang suspek naman ay kinilala lamang sa pangalang “Carmen” na hindi matukoy ang tunay na pagkakakilanlan na mabilis tumakas matapos ang krimen. Nangyari ang pananaksak sa biktima noong Nov. 16, 2009 dakong alas 5:30 ng umaga matapos na ito ay matuklasan ng anak na si Victor Ventuza. Base sa kwento ng anak ng biktima na si Rowena Ventuza ay biglang may kumatok sa kanilang tahanan na nagpakilalang “Carmen” na hinahanap diumano ng suspek ang kanyang nawawalang AMBROSIO

dalawang anak na sina Susan at Renato Asahan. Hindi naman ito nakitaan ng masamang intensyon kaya napaniwala nito ang pamilya ng suspek upang mapapasok siya sa loob mismo ng kabahayan ng biktima. Nang makapasok ang suspek sa loob ng bahay ay pinaupo ito ni Rowena sa kanilang sala na kung saan ay naroon ang kan-

yang ama na namamahinga sa sopa. Sandaling nilisan ni Rowena ang suspek sa loob ng kanilang tahanan, subalit ng bumalik na ang anak ng biktima ay laking mangha nito na duguan at wala ng buhay ang kanyang ama na nakahandusay sa sahig. Matulin na nawala ang suspek na si Carmen matapos ang krimen na

iniwan pa ang kanyang suot na T-shirt na lavender at puting short, gayundin ang tsinelas at pony tail na hinihinalang nagpalit muna ng kasuutan bago tumakas. Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa babaeng ito habang nakikiusap naman ang pamilya ng biktima na kung sinuman ang nakakakilala sa suspek ay ipagbigay alam lang sa kanila at makipagtulungan para sa ikalulutas ng kaso.

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209

AQUA 2599

Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1


NOBYEMBRE 22- 28, 2009

3

Sa Pacquiao vs Cotto Fight...

Lalaki, nagpakamatay dahil talo sa pustahan Ni Shiela Salud

NOVELETA, CAVITE – Habang nagsasaya ang buong sulok ng Pilipinas dahil sa panalong ibinigay ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa ating bansa ay isang lalaki naman sa bayang ito ang diumano’y ikinasama ang pagkakapanalo ni Pacquiao dahil sa pagkakatalo nito sa pustahan. Kinilala ang lalaking nagpakamatay na si Rodelio Alvarez, 47 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Poblacion sa bayang nabanggit. Nagluluksa ang pamilya ng biktima matapos na ito ay patay na ng marekober ng Philippine Navy sa ilog na pinaglundagan ng biktima. Sa nakalap na impormasyon ng Responde Cavite kay P/Insp. Gil Torralba, hepe ng kapulisan sa bayang ito huling nakita ang lalaki na umakyat

sa rooftop ng pamilihang bayan ng Noveleta matapos manood ng laban nina Cotto at Pacquiao. Nakitang malungkot nitong nilisan ang lugar na pinagdausan ng live telecast ng laban ng boksingero. Hanggang sa mamataan ito ng ilang nakasaksi na umakyat sa rooftop ng palengke. Ayon sa nakakakilala sa lalaki ay nakipagpustahan pa umano ito sa laban nina Pacquiao at Cotto na pabor kay Cotto, subalit ng ideklara na

panalo si Pacquiao ay umalis itong malungkot.

Hinihinalang natalo sa pustahan ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. Subalit hindi pa rin inaalis ng awtoridad ang angulong foulplay sa kasong ito.

2 Inaresto dahil sa iligal na droga

CAVITE CITY - Dalawang suspek ang inaresto dahil sa iligal na droga kamakailan sa Caridad St., ng nasabing lungsod. Kinilala ang mga suspek na sina Benjamin Cayas, 32 – taong gulang at si Fernando Santiago Berzaga, 52 – taong gu-

lang. Ang dalawa ay kapwa residente ng Brgy. 30, 528 Lopez Jaena St. Calumpang Caridad, Cavite Cty. Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, na sina PO2 Marvin Agabin, PO2 Ronaldo Nabos at PO1 Edgie Por-

NAGSAGAWA ng seminar sa pagsasanay sa paggamit ng organikong pataba sa pagtatanim ng gulay at halamang ugat ang Agriculture Office ng Amadeo sa pangunguna ni Milagros Cueno at Larry Cotoner. Kuha ni ERWELL PEÑALBA tacio, ang dalawang suspek ay inaresto dahil sa iligal na sugal nitong nakaraang Nobyembre 13 sa dakong alas 12:00 ng tanghali sa nasabing barangay ng Cavite City. Ngunit nakuhanan din diumano ang mga ito ng 10 pirasong plastic sa-

chet na naglalaman ng puting pulbos na kristal na hinihinalang shabu at mga parapernalyas na maaaring maging ebedensya laban sa mga ito. Ngayon ay hinaharap ng dalawa ang karampatang kaso na isinampa laban sa mga ito.


4

NOBYEMBRE 22- 28, 2009

Mga Bulkang Buhay na Buhay

SA Seismology, tatlong pagsabog ng bulkan ang binigyan ng masusing pag-aaral at tinaguriang “classic eruptions”. Ang tatlong ito na nakasabog sa mundo ay ang Vesuvius sa Mediterranean, Krakatoa sa Indonesia at Mt. Pelee sa Caribbean. Noong February 5, A.D. 62 isang matinding lindol ang yumanig sa paligid ng Naples, Kanluran ng Italya, lalo na sa bayan ng Pompeii at Herculaneum na mas malapit sa Vesuvius. Sa loob ng labing-anim na taon ng patuloy ang pagyanig ng lupa na hindi naman pinapansin ng mga tao na sanay na sa mga pagputok ng bulkan. Nang sumapit ang Aug 24, A.D. 79 ay sumabog ng sobra lakas ang Vesuvius. Mahigit na dalawanglibong tao ang namatay sanhi ng pagkakalanghap ng gas ng “sulphurous tumes”. Ang Pompeii ay natabunan ng nagbabagang lava at abo at tuluyang nabura sa mapa.Gayon din ang kinahinatnan ng Herculaneum na sa ilang saglit ay tinabunan ng “mudflow” na binubuo ng putik, punice, boulders at debris. *** Ang Indonesia ay lugar na kinalalagyan ng maraming bulkan at “epicenter” ng malulubhang paglindol. Isa ito sa kasapi ng “Ring of Fire” na sa katotohanan ay ang Pacific Ocean at mga continente o kalupaang nakapaligid dito.Sa Sundra Straits naman na nasa pagitan ng Java at Sumatra ay mga isla na binubuo ng Krakatoa, Verlaten, Lang at Polish Hat. Dalawang “volcanic cone”, Rakata at Perboewetan ang matatagpuan sa Krakatoa. Nagsimula ang explosion ng May 20, 1883 na maririnig hanggang sa 150 kilometers na layo. Noong June, ang mataas na parte ng Perboewetan ay natanggal na. At pagkatapos ng tatlong buwan na pagyanig, pagbubuga ng usok at abo at pagkamatay ng kahoy at halaman ng Kratatoa, dumating ang pinakamatinding sakuna na naranasan ng Indonesia. SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief reporter rex del rosario

3rd district coordinator

nadia dela cruz

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Ignoramus Politicus Peryodismus Alyadus (kasalang politiko at peryodiko)

STILL, a man hears what he wants to hear And disregards the rest - Paul Simon Sa sandaling maghain ng Certificate of Candidacy ang isang politiko, opisyal na syang kandidato. Nangangahulugan, hangga’t hindi pa pormal na binubuksan ang petsa ng opisyal na pangangampanya, hindi pa pwedeng manghikayat na bumoto ang politiko. Sana! Pero alam nating may lusot ang mga politiko’t kandidato. Nakakahanap sila ng kaalyado. Isa na nga dito ay ang mass media. Partikular ang dyaryo. Sa dyaryo kasi, pwedeng lumabas ang sinumang politiko bilang PR (press release) na nagtatago sa anyong balita. Para nga naman hindi mawala sa alaala ng mga botante, dapat laging nakikita ang isang politiko. Kaya, kahit pilit, gagawan ng balita ng dyaryo ang isang politiko. Sa totoo lang, matagal nang nangyayari ito. Ginogoyo tayo ng dyaryo at ng politiko. Maraming laman ang mga local/community newspaper na PR lang talaga. Yun bang tipong parang photo album na ang laman ng isang dyaryo dahil sa dami ng mga larawan

ng mga politiko na ipinangangalandakan ang kanilang ginagawa para sa kanilang nasasakupan. Pabor ito sa isang fly by night na dyaryo. Kumikita sila nang walang kahirap-hirap. Yun nga lang, naisasakripisyo ang dignidad at integridad ng pamamahayag. Pabor din ito lalung-lalo na sa isang kandidato o politiko, lalo silang pumopogi. Akala lang nila iyon. Hindi naiisip ng dyaryo na kapag puro mukha na lang ng iyon at iyon ding politiko ang kanyang laman, hindi tanga ang taong bayan para hindi isiping malaki ang kapakinabangan ng dyaryo sa politiko/kandidato ginagawa itong makinaryang pang-PR. Pampapogi. Hindi naiisip ng politiko na kaya naman sya nilalapitan ng dyaryong ito ay hindi dahil tunay syang lingkod bayan. Kundi isang malaking-malaking palabigasan. Hindi rin naiisip ng politiko na hindi tanga ang taong bayan na masuri ang dyaro na nakalagay ang pagmumukha ng isang politiko. Na ang politikong laging nakabandera ang mukha sa dyaryong walang integridad at kredibilidad ay inilelebel ang sarili sa pahayagang tsutsuwariwap. Gusto lang mabasa ng politiko ang gusto nyang mabasa. Gusto lang isulat ng dyaryo ang pwede nyang pagkakitaan. SUNDAN SA PAHINA 12

ANG PANUKULANG IDERECHO ANG MGA ‘BABY BUS’ SA SAMONTE PARK, KWESTIYONABLE

KUMAKAILAN lamang ay tinutulan ng may-akda nito ang patuloy na pagbibigay laya sa mga ‘baby bus’ na tumuloy hanggang palengke upang doon pansamantalang humimpil at gawing garahe ang isang lugar sa may palengke upang mamulot ng mga pasahero na babiyaheng palabas ng lunsod. Nabanggit na ang pangunahing dahilan sa pagtutol ay ang preserbasyon ng petrolyo na ginagamit ng mga sasakyang ‘baby bus’ ng walang karapatang bumiyahe pa hanggang palengke gayung sa pag-ikot pa lamang sa may Romualdo St, ay mga walang laman na upang magkaroon pa ng dahilan na makarating sa pamilihan. Dagdag pa rito na nagpapagulo ng daloy ng trapiko hindi lamang sa palengke, manapa’y sa mga kalsadang dinadaanan ng mga ito. Usadpagong pa man din ang takbo nito habang namumulot ng ibang pasahero sa Cavite City sa kaperwisyuhan ng mga sumusunod sa mga ‘bus’ na ito. May solusyon naman. Huwag ng paabutin ang mga sasakyang yan sa ‘downtown area’ at paikutin na lang sila sa may Ronquillo St,sa may McDonalds at presto! Wala ng perwisyo sa higit na maraming tao. Mawawala na ang mga nagpapagulo sa pamilihan hanggang San Sebastian College. Mawawala na ang mga nakaparadang ‘baby bus’ sa may panulukan ng Hermanos at P. Burgos St. na parang kanilang terminal ang kabuuang lugar na iyon. Bukod pa sa pagbabawal sa kanilang prangkisa na kumuha ng mga pasahero na babiyahe lamang sa loob ng lunsod. At inaagawan pa ang mga dyip na sa loob lamang namamasada. Ang hanap-buhay ng

mga drayber ng tagasiyudad ay nadidisgrasya pa. Hindi tama ang ganito. Samantalang kung sa Ronquillo St. lang iikot, madaragdagan pa ang kita ng mga drayber na taga-rito. Sa ngayon, gaano katotoo ang balitang sa halip na mabawasan ang biyahe ay bumalitang didiretso pa hanggang Samonte Park kung saan naroroon ang isang sangay ng Baste upang mapagbigyan ang mga estudyanteng nanggagaling sa labas ng lunsod, ng sa ganoon ay isang sakay lamang sila. Menos nanga naman. Samantalang ang mga taga-lunsod ay muling lalanghap ng bango ng diesel ng mga ’baby bus’ na ito. At muling dadanas ng abuso sa mga walang disiplinang drayber. Ilang taon na ang nakalilipas, nang sinubukan baguhin ang takbo ng trapiko sa kahabaan ng J. Felipe Blvd. o kilala din na Manila-Cavite Road sa pagitan ng San Sebastian College, Caridad at McDonald’s na ’oneway St’ na sinubukang gawin ’two-way St.’. Makaraan ang ilang panahon at dala pa rin ng mga napakaraming taon na nakasanayan na ’oneway’ iyon, at makatapos ng ilang insidente na hindi na itinuloy ang eksperimentong iyon. Ganoon ang pag-aaral sa batas trapiko. Kung hindi maayos ang kahihinatnan, huwag ipagpatuloy. Gawin ang nararapat.

Babuyan ni Kapitan, umaalingasaw sa kabahuan MASARAP ang magnegosyo ng babuyan. Konting kapital lang, tapos maraming tiyaga okay na. Sa pagsisimula ng biik sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan siguradong may pang-lechon ka ng pangbenta. Siyempre, konting tiis lang sa pag-aalaga at tiyak na ang biyaya… Pero kailangan mo pa rin ng isang maayos at tamang lokasyon ng pag-aalaga ng baboy. Hindi pwede ang basta-basta na lang. Isang sumbong ang natanggap natin mula sa ating mga masusugid na mambabasa tungkol sa babuyan ng isang kapitan. Ayon sa hinaing ng kanyang mga residente, uma-

alingasaw diumano talaga ang kabahuan ng babuyan nitong magiting na kapitan del baryo. Maaga pa lang, pupunta na si kapitan sa mga canteen sa loob ng Epza kasama ang kanyang mga bataan upang lumikom ng tira-tirang pagkain para ipangkain sa kanyang mga alagang baboy. Ang masama nito, kapag inuwi na ang nakolektang kaning-baboy ay sa harap mismo ng mga kapitbahay ito sinasalok . Ipaparada ang truck sa gitna ng kalsada at doon ay mano-mano itong sasalukin upang iluto naman sa isang malaking talyasi. Kaya ayun umalingasaw ang kabahuan… nalanghap na ng mga kabataan. Ayos ‘yan kapitan…..hangga’t walang nagrereklamo tuloy lang ang babuyan! Kaso ang hindi mo alam, marami ng residente mo ang nagrereklamo sa babuyan mo. Kumpleto ang dokumento! May video na may litrato pa! Ang masakit pa nito sa oras na niluto na ang kaning-baboy, ayun nalintikan na. SUNDAN SA P.12


NOBYEMBRE 22- 28, 2009 SENIOR CITIZENS CORNER...

Mula sa pahina 4 August 26-27, 1883 ay tuluyan ng sumabog ang bulkan at ito ay narinig hanggang sa South Australia (3,224 kms), Diego Garcia (Indian Ocean 3,647 kms) at Rodriguez Island (Mauritius 4,811 kms). About 15 cubic kilometers of matter ang ibinuga 80 kms paitaas at ang hilagang kaputol ng Krakatao ay nabura kasama ng Perboewetan, Rakata at Polish Hat. Ang pinakamasaklap na nangyari ay ang patuloy na paglindol na nagbunga ng tsunamis na ikinaputi ng buhay ng mahigit sa 36,000 katao. *** Ang Mt. Pelee ay nasa sa St Pierre, isang bayan sa Martinique Island sa Caribbean. Ang isla, bayan at bulkan ay kilala sa angkin nilang kagandahan. Ang St. Pierre ay may matataas na gusali, katedral, ospital,sinihan at electric “lighting” noon pa mang panahon na yaon. May 5, 1902 nagsimula ang eruption mula sa “small crater” na Etang Sec. Pagdating ng May 8 (Ascension Day) tumindi na ng husto ang pagyanig ng lupa, ang pagtaas ng magma (molten lava) at paglitaw at pagsabog ng “nuees ardientes” (Glowing clouds) na binubuo ng napainit na husto na gas at kumikislap na mga solidong bagay. Tinatayang mga 30,000 tao ang kasamang nasunog sa St. Pierre. Ng August 30, malakas na “nuees” ang rumaragasang pababa mula sa Mt. Peelee, muling sinunog ang Morne Rouge at pumatay ng mayroong 2,000 tao. Ang eruption ay patuloy hanggang 1903 at ang namuong lava sa ibabaw ng Etang Sec ay tumaas ng 310 metro at naging palatandaan ng kahambalhambal na sinapit ng St Pierre. *** Ang pinaka-aktibong bulkan ng Pilipinas ay ang Mayon “The Perfect Cone”. Ang unang naitalang eruption ng Mayon ay noong 1616 kung saan ilang nayon na malapit sa bulkan ay nabugahan ng masansang na abo at kumukulong lava. Muling naghimagsik noong 1776 at sumusubong putik ay pumatay sa mga 2,000 tao. Gayon din ang nangyari noong 1814 at 2,000 na namang tao ang nalibing sa dalawang bayan. Pumutok ang Mayon noong 1897, 1914 and 1928. Nagsisimula na namang pumutok ang Mayon noong April 20, 1968 na nagpatuloy ng ilan pang araw. Matitigas na bagay ang ibinuga 600 meters paitaas “vertical columns” ng usok at abo ang pumaitaas hanggang 10 kms at ang nuees ardentes ay pumuno sa magkabilang panig ng Mayon. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapakita ng gilas ang Mayon. Nanatili itong buhay at nagbubuga ng lahar sa sentrong crater upang mapanatili ang matikas nitong porma. *** Napakagandang tanawin ang Taal Lake na may 25 kms ang luwang, may Volcano Island at isang maliit na lake sa gitna ng Taal Volcano at Caldera. Ang kasaysayan ng pagsabog ng Taal ay nagsimula noong 1572, naulit noong 1574 at namahinga sa loob ng 337 na taon. Muling sumiklab ang bulkan noong 1911 kung saan ang “ash-cloud” ay napagmasdan hanggang sa layong 400 kms, 500 tao sa loob ng Volcano Island ang nasawi at 800 pang tao sa pampang ng lawa ang natapunan ng kumukulong putik. Muli na namang nag-alburoto ang Taal noong 1965 sa buong dalawang araw. Napuno ng abo ang kapaligiran at muling lumitaw ang malamig na nuees ardentes. Mabuti’t naroroon ang “observatory” na nagbibigay ng babala sa napipintong eruption ng Taal kaya marami ang nagsilikas at 190 tao na lamang ang nasawi. Buhay na buhay pa rin ang Taal at manaka-naka ay nagbubuga ito ng abo at makulay at nagniningning na bagay na magandang pangitain mula sa Tagaytay City. *** Pumutok ang Mt. Pinatubo matapos ang may 500 taong pagkakahimlay. Marami pa ring mga bulkan sa iba’t-ibang sulok ng bansa na paminsan-minsan ay nagpapamalas ng sigla at panganib. Dapat nating tandaan na ang Pilipinas ay nakakabit sa “Ring of Fire”. Puwede nating paghandaan ang suliraning dulot ng pagputok ng bulkan at pagyanig ng lupa. “Nasa atin ang gawa, ngunit nasa Diyos ang awa”.

5

‘Maliksing Pasko, handog ng Kabitenyo’ inilunsad TRECE, MARTIRESISANG selebrasyon na pinamagatang Pampaskong Selebrasyon na Maliksing Pasko, handog ng Kabitenyo ang inulunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Trece Martires City kamakailan. Ang nasabing selebrasyon ay isang mahabaang pagdaraos na binuksan at nagsimula noong nakaraang Nobyembre 20 at matatapos sa Disyembre Pinangunahan naman ni Governor Ayong S. Maliksi ang pagsisindi ng Cavite Brand Tower na itinuturing na pinakatampok sa selebrasyon dahil ito ang nagsisilbing simbolo ng makasaysayang nakaraan ng rebolusyon at ng kalayaan ng ating bansa. Maliban dito nagkaroon ng presentasyon ang mga piling banda at sinundan ng misa bago sinimulan ang fire works display. At sa pagbubukas ng okasyon na ito ay si Kris Aquino ang naging pangunahing tampok. Inaanyayahan naman ni Gob. Ayong Maliksi na makibahagi sa naturang selebrasyon ang lahat ng kanyang nasasakupan. WILLY GENERAGA


6

NOBYEMBRE 22- 28, 2009

BINALOT ng sindak at takot ang mga estudyante at mga guro ng Cavite National High School (CNHS) matapos lumabas sa kuha sa larawan ng isang cell phone ang hinihinalang multo ng isang estudyanteng babae. Nagpapalahaw sa sindak at takot ang estudyanteng si Christine Joyce R. Filio, estudyante ng CNHS, Sec. II-Papaya matapos nitong kuhanan ng larawan ang sarili sa pamamagitan ng cell phone. Ayon sa salaysay ni Filio, kasalukuyan silang nasa loob ng teacher room ng kanyang kaklaseng si Riza Espina at gurong si Ms. Agustin bandang alas-8 n.u. May pinakuhang gamit umano sa kanya ang kanyang teacher sa loob ng silid. Nang makapasok na umano siya sa loob ng teachers room, kasama ang kaklaseng si Espina ay nagsuklay siya sa salamin na nasa gilid ng pintuan. Samantalang nasa dulong bahagi naman ng silid ang gurong si Ms. Agustin. Matapos manalamin at magsuklay ay naisipan nitong kunan ng larawan ang sarili ang cell phone sa harap ng salamin. Kaya itinutok nito ang cell phone sa sarili at pinindot ang shoter ng camera ng cellphone. Nang tingnan umano niya ang sariling larawan ay hindi niya mapigilan ang masindak sa natuklasan-- may isang estudyanteng babae nakasama sa kanyang larawan

kaya’t nagsisisigaw ito. Agad naman itong dinaluhan ng gurong si Ms. Agustin na noong mga oras na iyon ay nasa dulong bahagi ng silid at kaklaseng si Espina. At maging mga ito ay laking sindak ang matuklasan nang ipakita ni Filio ang nasa larawan. “Tatlo lang kami sa silid, at magkakalayo pa ang puwesto namin,” anang gurong si Agustin sa panayam ng Responde Cavite, “Kaya hindi namin maiwasang mangilabot sa pangyayaring ito!” Samantalang ang kaklase naman nitong si Espina ay naiyak na rin sa sindak. Sa pagsisiyasat ng Responde Cavite, nang magsadya si Filio, kasama ang miyembro ng Police Hotline Movement Inc. (PHMI) na si Nestor Capili at guwardiya ng CNHS na si Antonio R. Villarino, ipinagtanong namin sa karamihan ng estudyante kung sino ang batang babaeng nasa larawan na pinadevelop ng malaki para madaling masino, pero sa kasamaang palad ay walang nakakakilala sa batang nasa larawan. “Imposibleng may isang nagbiro lamang sa amin na isang kaklase namin,” ani Espina “Maliit lang silid at hindi namin

maaaring hindi makikita kung may papasok dahil nasa bukana lang kami. At isa pa, nakatingin ako sa kanya nang kumuha siya ng picture sa harap ng salamin, dahil susunod din sana akong manalamin.” AYON SA MEDIUM Agad na kumunsulta ang Responde Cavite sa isang medium na gusto lamang magpakilala sa pangalan Willy, ipinakita namin sa kanya ang larawan at kung ano ang kanyang interprestasyon sa kanyang nakikita dito. “Kung mapapansin ninyo, mas maliwanag at

maliwanaw ang kuha ng batang babae sa larawan kaysa sa tunay na subject na si Joyce (Filio),” anito, “Indikasyon lamang ito na gustong magpapansin ng sinasabing multo sa larawan. “Maaaring ligaw itong kaluluwa na may unsettled or unfinished business dito sa lupa. Posibleng hindi masama ang multo ng batang ito dahil hindi naman siya nanakit o sumasapi sa mga batang mag-aaral.” Dinala namin si Filio kay Willy, at sa pamamagitan ng pag-usal ng orasyon, pinakiusapan nito ang sinasabing multo ng bata na h’wag nang gambalain si Joyce, at pagpasensiyahan na nito kung sakaling nagamba-

la ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan. Aniya pa, dala lamang ng kabataan ni Joyce ang ginawa nitong panananlamin at pagkuha ng larawan sa cell phone. Inaanyayahan din ng Responde Cavite si Willy sa mismong silid kung saan nagpakita ang sinasabing multo matapos pakiusapan nito ang PHMI at ang guwardiya na paalisin muna nito ang lahat ng tao sa silid dahil sa kanyang pangambang sumanib sa mga ito ang kaluluwa ng multo. Pagpasok pa lamang ng silid ay agad na umanong naramdaman ni Willy ang presensiya ng mga sinasabing multo. Sinabi pa nito na hindi ito nag-iisa sa silid at ma-

rami pang kasama. “Wala namang dapat ipag-alala dahil hindi naman masasama ang mga multong nasa loob.” pahayag pa ng meduim. PAHAYAG NG MGA DIGITAL-VISUAL EXPERT CELL PHONE TECHNICIAN Isang ekspertong cell phone technician ang nilapitan ng Responde Cavite sa katauhan ni Ferdie Obias, sinabi nito na para maging buo ang imahe at maliwanag ang kuha nito sa cell phone kaysa sa subject, kailangang iedit ito. “Pero kung pagbabasehan natin ang pahayag ng mga estudyante, at

mahirap kuwestiyunin ang kredibilidad ng nakasaksing guro, mahirap ipaliwanag ito. NON-LINEAR EDITOR Isang award winning on-linear editor din ang hiningan ng paliwanag ng Responde Cavite matapos ipakita ang larawan sa cell phone, lalabas daw umano itong edited dahil sa mas malinaw pa nga ang kuha sa sinasabing multo kaysa subject. At dahil sa hindi ito makapaniwala sa mga pahayag, sinadya mismo nito ang lugar kung nakunan ng larawan ang sinasabing multo. “Kung pagmamasdan natin kasi ang larawan ng sinasabing multo, para itong tinapatan ng reflector o sadyang inilawan. Maaari ding sinag ng araw. Pero sa kondisyon ng kuwarto na ang sahig ay magaspang na semento at hindi naman tiles, wala ring lulusutan ang sinag ng araw dahil lihis ang puwesto ng pintuan sa sikat ng araw sa oras na sinasabi ni Joyce,

mahirap nating ipaliwanag kung paano ginawa o nangyari ito. “Kung sasadyain kasing gawin ito, madali. Crop at timpla lang ng kulay at liwanag. Pero kung pagbabasehan ko ang mga pahayag din ng mga nakasaksi, lalo na ng guro. Kinikilabutan ako.” ani Daniel Generaga, non-linear editor. Photographer “Kung papasinin natin, malinaw ang image n’ya. karaniwan kasi ng mga picture ng multo na aksidente umanong nakukuhanan ay malabo at halos hindi magrehistro. Kung inedit ito, malinis ang pagkaka-crop. nakarehistro pati mga hibla ng buhok. Parang iisang picture lang siya kung titignan dahil sa texture. Personally kasi, hindi ako naniniwala sa multo.” pahayag naman ni Leslie Francisco, isang free lancer photographer.


NOBYEMBRE 22- 28, 2009 Jenielyn Mogayon

Jen Allen Espineli

2

4

Erica Ratchel Abas

7

Tricxie del Mundo

6

1 3

Ronaliza Rodil Jhoanna Romen

10

Ailyne Angeles

BINIBINI AT GINOONG ndang

Amiely Venus Notario

5

Abigail Suarez Regine Nica Garcia

I

8 Maika Nishi

7

13

Bea Katrina L. Ferre

11

9

12

Jacquelyn Ashley Williams 1

Christian Mark C. Bano

Bryan Philip C. Lagrama

Rhen Jeciel

9

8

7

4

3

2

Keanne Mervin A. Crystal

10

Richard Costa

COUPON ISYU 12

Eugene Co

Noel E. Hintog

11

12

Raymond H. Peji

Suportahan ang gusto mong susunod na Ginoo at Binibing Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite). Punan ang Kupon sa ibaba at ihulog sa Tourism Office sa Munisipyo ng Indang. Ang magwawaging Ginoo at Binibining Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite) ay tatanggap ng tropeyo at sash at magiging opisyal na tagapag-endorso ng Pahayagang Responde Cavite (Risonable, Responsable) sa ilang piling isyu. Maaari ring bumoto on-line sa www.respondecavite.com

100 pts Nathaniel Esguerra

6

5

NOVEMBER 22 - 28, 2009

CANDIDATE NO.______ NAME OF SPONSOR:___________________________________ ADDRESS:_____________________________________________ VOTE FOR

Bb. Indang

G. Indang

SIGNATURE: _____________________________________________ Dominic Feranil Feranil Dominic

Jan Jerwin Cresino

Kernell Warren Rodil


8

NOBYEMBRE 22- 28, 2009

INDANG DAY 2009

INDANG, Cavite – Muli na namang magdiriwang ang Municipal Government of Indang kasama ang buong mamamayan nito ng Araw ng Indang o mas kilala sa tawag na Indang Day. Ang Indang Day ay ang araw ng pagdiriwang, pagsasaya at pasasalamat ng buong bayan sa Panginoon. Ito ay taunang pagdiriwang tuwing ika-1 ng Disyembre, datapwat tradisyong may mga programa, proyekto, palatuntunan at pasaya na rin sa Municipal Covered Court ng Indang bago pa man sumapit ang mismong Disyembre 1 na siyang talagang Araw ng Indang. Sa taong ito ay limang araw ang pagdiriwang mula ika-27 ng Nobyembre hanggang Disyembre 1. Narito ang Schedule of Activities ng Indang Day 2009. Sa ika27 ng Nobyembre (Biyernes) mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay magkakaroon ng Mega Jobs Fair na gaganapin sa Municipal Covered Court . Ito ay sa kagandahang loob ng Municipal Government of Indang sa pangunguna nina Hon. Mayor Benny Dimero, Hon. Vice Mayor Pecto Fidel at Sangguniang Bayan Councilors / Members. Nais ng makabuluhang proyektong ito ang mabigyan ng trabaho sa lokal at maging sa ibayong dagat ang mga Indangeño na walang hanapbuhay at trabaho. Sa ika-28 ng Nobyembre (Sabado) mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay itinalaga bilang Senior Citizens Day sa Indang.Magkakaroon ng ibatibang aktibidad at programa para sa mga nakatatandang Indangeño na gaganapin din sa Municipal Covered Court at ito ay sa pangunguna ng Federation of Senior Citizens of Indang. Samantala susundan naman ito sa kauna-unahang pagkakataon ng bago at naiibang palabas na ilulunsad ganap na 5:00 ng hapon hanggang gabi, ito

ang Talentadong Indangeño na proyekto ng inyong lingkod sa tulong ng mga organisasyong Samahang Magdalo – Indang Chapter, The Fraternal Order of the Chevaliers Inc.–Walang Tinag Indang Conclave #5 at nina Hon. Councilor Raquel Quiambao, Hon. Mayor Benny Dimero at Hon. Congressman Boying Remulla. Sa ika-29 ng Nobyembre (Linggo) mula 5:00 ng hapon hanggang gabi ay gaganapin ang Talent Competetion ng lahat ng nag-gagandahan at nag-gagwapuhang candidates para sa Mr.&Ms.Indang 2009. Ito ay sa pamamagitan naman ng Mr.&Ms.Indang Foundation (MMIF) nina Virgilio “Boknoy” Buhay, Jr., Christopher “Topher” Mesa, Talal Rissour, Rex Cosio, Rhona Mojica, Municipal Tourism Officer Mr. Mario Nuestro, Kuya Ming at ng inyong lingkod sa pakikipagtulungan ng Municipal Government of Indang at ng Responde Cavite. Sa ika-30 ng Nobyembre (Lunes) mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay masesentro ang aktibidad sa Brgy.Limbon, Indang sa Bonifacio Shrine. Sapagkat Bonifacio Day ay magkakaroon dito ng Flag Ceremony and Wreath Laying. Pagkatapos dito ay lilipat sa Indang Heroes Park sa sentrong bayan ng Indang para magpugay din sa mga bantayog ng tinaguriang Mga Bayani ng Indang. Ito ay sponsored pa rin ng Municipal Government of Indang. Sa araw na ito ay ipagdiriwang din ang Pulo Day sa Brgy.Pulo,Indang at ang Barrio Fiesta sa Brgy.Banaba Cerca, Indang. Babalik sa Municipal Covered Court ang programa ganap na 5:00 ng hapon hanggang gabi para sa taunan ng pampasayang proyekto ni Hon. Congressman Boying Remulla at ng inyong lingkod, ito ang Search for Star Idol. Nasa Season 6 na ito sa taong ito, at bukod tangi ang special edition nito ngayon dahil ito ay isang Chorale Competetion na paglalabanan ng mga choir mula sa mga barangay ng Indang. Ang ika-1 ng Disyembre (Martes) ang mismong

Araw ng Indang at mula 6:00 ng umaga ay magkakaroon ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos ng Kasaysayan sa pamamagitan ng Ecumenical Service ng ibat-ibang lider ng sekta ng relihiyon sa Indang. Susundan ito ng mahaba, makulay at masayang Parada ng Bayan na lalahukan ng mga opisyal ng bayan, opisyal ng barangay, mga NGO’s, mga simbahan, street dancers at marami pang iba. Susundan ito ng maghapong palatuntunan at programa sa Municipal Covered Court . Ganap na 6:00 ng hapon hanggang gabi ay ang pinaka-highlight ng pagdiriwang na dinadagsa ng napakadaming tao sa loob at labas ng Indang, -ito ang Coronation Night ng Mr.&Ms. Indang 2009 na exclusive na ico-cover ng buong pwersa ng hinahangaang lokal na tagapagbalita sa lalawigan, -ang Responde Cavite. Ang limang araw na pagdiriwang na ito ay maisasakatuparan na sa pamamagitan ng Municipal Tourism Officer a si Mr. Mario Nuestro na siyang Chairman ng Indang Day 2009 at sa pamatnubay ng Municipal Mayor na si Hon. Benny Dimero na siyang Honorary Chairman ng Indang Day.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN – Di mo kaya! At kahit pilitin mo, di maari ang sa iyo. Isang makapangyarihang tukso ang makakaharap mo. Matindi ang gayuma, kakaiba at ngayon mo lang mararanasan. Lucky days/no.- Tues/Thurs 20-22-27-39-40-41 AQUARIUS - Maliit lang ang pag-kakaiba at halos magkatulad ang pag-ibig na tunay na iaalay sa iyo ngayon at ang pag-ibig na makasarili, di mo matutukoy kug alin sa dalawa. Lucky days/nos. - Mon/Wed 10-14-29-33-35-40 PISCES – Maraming idudulot na hindi maganda ang iyong pagiging mayabang. May mga naiinis sa iyong pag-uugali na magiging dahilan upang iwasan ka. Lucky days/nos. – Wed/Fri 1-7-10-20-25-29 ARIES – Magiging karibal mo ang taong malapit sa iyo. Huwag gamitin ang mga bagay na alam mo sa kanya para makuha ang simpatiya. Maging fair ka. Lucky days/nos. – Wed/Sun 2-8-15-30-35-41 TAURUS – Ito ang takdang araw na kahit ano ang gawin mo, kahit ano ang iyong pagkaabalahan at kahit ano ang matutukan mo, magiging kapakipakinabang at mamumunga ng tuwa at ligaya. Lucky days/nos. - Mon/Wed 1-10-19-20-30-40 GEMINI – Bawat pagpapamalas mo ng tapang at lakas ng loob, tutumbasan ng suwerte at magagandang kapalaran. Kaya kahit isang sandali wag pasisingitin ang karuwagan. Lucky days/nos. - Thurs/Fri 2-22-34-38-39-41 CANCER – Nang dahil sa taglay na problema, madali kang mataranta sa mga simpleng utos. Kalmahin ang sarili at magpakahinahon. Lucky days/nos. – Mon/Fri 16-19-22-25-28-30 LEO – Ito ang takdang araw ng pananahimik para sayo. Sa iyong pag-iisa, ituturo sayo ng langit kung ano ang mga nararapat mong gawin na magdadala sa iyo ng magandang kapalaran. Lucky days/nos. – Wed/Sat 15-18-26-34-39-44 VIRGO – Iwasan ang pag-angal at paghhimutok sa langit, walang dapat gawin kundi ang ipanatag ang kalooban. Dahil ito ang sikreto upang hulugan ka ng malalaking suwerte. Lucky days/nos. – Fri/Sat 1-7-15-35-36-42 LIBRA – Ito ang takdang araw upang patawarin mo ang mga nagkasala sa iyo, lalo na ang mahal mo, muling buksan ang puso upang mabigyan ng isa pang pagkakataon ang iyong kaligayahan. Lucky days/nos. – Sat/Sun 2-6-17-29-30-35 SCORPIO - Luminga-linga ka sa iyong paligid upang mabawasan ang nadarama mong kawalan ng pag-asang makaahon sa kahirapan. Masdan ang sikat ng araw diba, nagbibigay ng pag-asa? Lucky days/nos. – Fri/Sun SAGITTARIUS – Labis na pagtitiwala sayo ang dapat mong magapi sa araw na ito, may babalang kahihiyan ang aabutin mo kapag ipinagpalagay mong ikaw lamang ang mahusay at matalino. Lucky days/nos. – Sat/Sun 11-12-31-35-36-39


NOBYEMBRE 22- 28, 2009

Ilang Tula ni Tomas P. Tirona

MGA B.I. SA SCHOOL

only funeral throes, then on the cold tomb I shall weep in bereavement; I shall weep forever upon your cross. To The Memory Of The Late Coadjutor Of Imus The Patriot Priest Rafael Canlapan TO MY MOTHER O my poor mother who weeps in anguish to find yourself parted from the son you bore. Alas, what pain transfixes your bosom as you wonder if you will see him once more. One joyful day, full of ideals as pure as the draperies of his childhood bed, happy you saw him depart for school, your loving blessings on his head. There with great zeal. ever thinking of you and ever desiring your heart to please, in the lovely pages of prodigal science a future of peace. But – hapless hour! – when on your lap the sweet prize at last he would have laid, the horrible war unloosed by chance shut the way home with a barricade. Like a tree without boughs.

without hope of fruit, which the hurricane cries away to destroy, lonely you linger on the edge of Imus, separated from your pride and joy. Your customary vivacity gone, night and day in sorrow you languish; confiding to the winds your grief, that they may bear your son your cries of anguish. He hears – and tries in vain to cross the gap that has opened between him and his mother. But let not your grief call heaven cruel because it keeps us apart from each other. No more unjust and wild complains: calm the sea of your bitterness, silence your grief. The tears that you shed in abundant streams shall soften harsh pain and end in relief. If, stolen by sorrow, when I return to your arms I should find in the woods

All Souls Day. Oh. Noble father, Malolos has lost you in this melancholy weather! What shall I give you as you descend alone to where only the dead may rest together? Not the flowers of funeral wreath, nor the sorrow of a town that groans; not the pietous weeping of its daughters, nor the psalmodies the church intones. Rather shall my voice repeat the prayers of this my town, where faithfully in the past you fed in fostered a faith in the native ground, the faith that has redeemed this land at last. Rest in peace! The prayers of this town that I adore, I carry to your grave. And if rising to another life you find no songs, no flowers, no grief, no knave, the echo of these prayers shall be your witnesses, shall be a faithful testimony unfurled, proclaiming before the great tribunal of heaven the good you did when you were in the world. TO CAVITE IN THE FEAST OF THE VIRGIN OF PORTA VAGA Nymph that was born to the kisses of the sea upon a flower that the waves released: I bring you now the sound of my rhapsody; open to my song your shutters of mist. I am the Malayan on the opposite beach: ecstatic, your white image I adore. Ecstatic, upon the azure waves I preach your praises to the rhythm of an oar. Upon the breezes a minifold perfume comes to you from the province of my birth, because that heroic land where flowers bloom carries your name a name of heavenly worth. Virgin of Solitude, to your sanctuary I go to bear you redly flowering greens; watch over Cavite: it is your reliquary; watch over the best port of the Philippines!

9

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Nagkakaroon ako ng problema sa mga kaibigan ko dito sa university namin. Natututo po akong uminom ng alak. Ano kaya ang puwede kong gawin? Franz ng Kaysuyo, Alfonso, Cavite Mahal kong Franz, Tumakbo ka. Takbuhan mo sila. Layuan mo sila ASAP. Sa ikli ng sinabi mo, damang-dama kong ayaw mo silang maging kaibigan. At hindi dapat tawaging kaibigan ang mga taong niyayaya kang gawin ang mga bagay na hindi mo naman natural na ginagawa at sa tingin mo ay nakakasama pa sa iyo. Pero alam ko rin namang mahirap na bigla ka na lamang lalayo sa kanila. Baka magalit pa sila sa iyo at mapag-initan kang bigla. Kaya unti-untiin mo ang pag-iwas. Kung dati, sinasamahan mo sila tuwing MWF (Mondays, Wednesdays, Fridays), bawasan mo na. Gawin mong tuwing WF na lang. Pagkaraan ng ilan pang linggo, gawin mong F na lang. Maaari ding gumawa ka ng dahilan kapag niyaya ka ulit sa isang

okasyon kung saan napapainom ka ng alak. Maaari mong sabihin na hinihintay ka ng nanay mo sa bahay. Kahit kantiyawan kang mama's boy o Takuzana (takot sa nanay), okey lang iyon. Hindi nakakalasing ang kantiyaw. At lalong hindi kayang butasin ng kantiyaw ang atay mo pagdating ng araw. Maaari mo ding sabihin na may kailangan kang tapusin sa library. Oo, kahit kantiyawan ka rin nilang nerd, okey lang iyan. Kasi alam mo naman ang katotohanang hindi ka nerd. Ang mas mahalaga ngayon ay mabawasan ang pagkikita mo at ng mga sinasabi mong "kaibigan" mo. Maaari mo ding sabihin na kinausap ka ng iyong magulang at gusto nilang pataasin mo pang lalo ang iyong grades kaya naman, mababawasan talaga ang oras mo sa pagsama sa kanila. Kapag hindi nila naunawaan ang mga iyan o di kaya ay nagalit sila sa iyo dahil sa mga ibinibigay mong dahilan, diyan mo mapapatunayan kung anong klase silang tao. At mula roon, magtimbang ka, ganito ba ang gusto mong maging kaibigan? Kung oo, ihanda na ang iyong sarili sa mga ituturo pa nilang mga "lesson" sa iyo. Pero kung hindi naman, magrubber shoes ka na, Franz. At ihanda ang puso sa pagtakbo. Ready, get set... Nagmamahal, Ate Bebang


10

NOBYEMBRE 22- 28, 2009

GREETINGS!!! Happy 18th B-Day To: Norma P. Oncihain On Nov. 21, 2009 (Pa ice cream ka naman) From: Zeny, Rose, Luving and Responde Cavite

HAPPY 5TH BIRTHDAY AIEZTHER JHANCE TINOCO NOV. 23, 2009 FROM: MAMA JHANHICE PAPA OHMAR & STEPHANIE JANE *** HAPPY BIRTHDAY JHENG SANTIAGO Nov. 28, 2009 From: YOUR BABY WENG *** HAPPY 8th B-DAY KEN-KEN HERNANDEZ Nov. 22, 2009 From: FAMILY

HINDI biro ang gugulin ang kabataan sa Pilipinas ngunit nang maglaon ay kailangang pumunta sa ibang bansa upang doon pansamantalang manirahan, mag-aral at maghanapbuhay. Laging naaalala ang sarap at sayang mabuhay sa sariling bayan. Kaya’t nang maagang magretiro si Carlo “Kadyo (ang tawag sa kanya ng mga kaibigan”o “Cage (tawag sa kanya ng mga kaibigan sa Amerika) Filoteo mula sa US Airforce, hindi sya nagdalawan isip umuwi sa Pilipinas at dito gugulin ang kanyang lakas at talino. Tapunan sa Bagong Pook ang unang tumambad kay Kadyo. Nadurog ang kanyang puso nang masaksihang may mga taong nabubuhay mula sa dumi at basurang itinatapon ng lunsod. Nagtataka sya kung paanong nabubuhay ang kahabag-habag

Ni Shiela Marie G. Salud

Happy Birthday Melissa “Chester” Quemuel On Nov. 23, 2009 From: Bheck, Anthony, Jeff *** Happy Birthday Uncle Tom Gaffney On Nov. 15, 2009 From: Biboy, Audrey, Eryll *** Happy 2nd year anniversary to RACODA (Radio Communication and Disaster Assistance)

HAPPY 6th BIRTHDAY DANNYCA PRINCESS TINOCO NOV. 21, 2009 From: DADDY, MAMA at mga KAPATID

“NALILIGAW SA MUNDO MO” “Bata.” Anong pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang “bata”? Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mo ito? Kung ako ang tatanungin mo, simple lang ang sagot ko, ang sagot ko ay ‘malaya’. Simpleng salita ngunit ito’y napakahalaga. Kapag naiisip ko ang salitang bata, o ang mga bata, nararamdaman ko ang pagiging malaya lalo na kung nakikita ko ang mga ito na naglalaro at nagtatawanan. Napaka-inosente nila sa kanilang mundong ginagalawan at malayangmalaya sa mga problema na bumabalot sa mundo ng mas nakatatanda. Kung minsan, naka-

kainggit ang mga bata dahil wala silang mga intindihin sa buhay at ang tanging mga pinoproblema lang nila ay kung paaano manalo sa laro nilang magkakaibigan o kung paano sagutan ang mahirap na assignment ni ma’am o di kaya nama’y kung paano makakatakas kay nanay at tatay para makapaglaro. Napaka-simple ng mundo ng mga bata at iyon ay dahil bata nga sila, karapatan nilang maging malaya. Ngunit ewan ko lang kung napansin mo, may mga ilang bata ang naligaw sa mundo ng mas nakatatanda, dun sa magulong mundo na nababalutan ng mga problema. Oo, may mga naligaw dun at dumadami pa sila. Noong una, kagaya

ako ng iba na hindi ito napapansin. Hindi ko namalayan na may mga bata na pala talagang pumasok na sa mundo ng mas nakatatanda. Alam kong may mga ganoong balita: na may mga batang nagtratrabaho para sa kanilang pamilya at alam kong may mga batang namamalimos. Ngunit hindi ko inakalang iba pala ang sitwasyon nila. Noon napaka-babaw lang ng salitang “child labor” sa akin, pero noong napanood ko ang dokyumetaryo ni Dixie Carolina na pinamagatang, “Minsan lang sila Bata”, napagtanto na napakabigat ng salitang “child labor”. Ito ang dalawang salita na hindi dapat pinagdugtong. Tatlong lugar lamang ang pinuntahan ni Dixie para ipakita sa dokyumentaryo niya kung gaano kahirapa ang hinaharap ng mga batang nagtratrabaho sa mga lugar na ito, ngunit sapat na ang mga ito… sapat na para mabuksan ang ating mga mata. SUNDAN SA P.12

Nagretiro sa US Airforce

EROPLANO DATI ANG PINAPALIPAD, SA BASURAHAN PINADPAD NI WILLY GENERAGA

nyang kababayan sa ganoong sitwasyon. Hindi nagdalawang isip si Kadyo. Nag-organisa sya sa nasabing lugar. Inalam ang puno’t dulo ng problema. At para maintindihan nya nang lubusan ang tibok at pulso ng mga tagaTapon,nakisalamuha, nakipamuhay, nakiramay at nakiisa si Kadyo sa mga taga-Bagong Pook. “Hindi pala totoong nakangingiwing uminom ng Gin Bulag basta’t masarap ang inuman at kasama mo ang mga taong may tatag ng sikmurang labanan ang lupit ng buhay.” Ang pagiging trained nutritionist at consultant dietician nya sa Air Force, ang pagiging physical fitness expert nya sa Amerika ay kasa-

mang umagos sa tubig baha at katas ng basura dahil hindi nya maintindihan kung paano maituturo sa mga taga-Tapunan ang pagiging malusog at malakas gayong nabubuhay ang mga ito sa gitna ng basura at dumi ng lungsod. Kaya naman, hindi na sya nagdalawang isip na tanggapin ang hamon ng lunsod na permanenteng maging tagapagugnay ng munisipyo sa nasabing lugar upang matutukan ang problema sa basura at mapabuti ang kalagayan sa buhay ng mga nakatira doon. Kalaunan, halos tagaroon na rin ang turing kay Kadyo ng mga taga-tapon sa Bagong Pook. Dumami ang mga kumpare’t kumara ni Kadyo. Hindi na mabilang ang kanyang ina-

anak sa lugar na iyon. Hindi na nga iba si Kadyo sa mga tagaTapon. Mula sa sariling bulsa, sinikap nyang makapagpaaral ng mga kabataan. Mula sa kanyang natatanggap na pension mula sa US Airforce, sinikap nyang makatulong sa mga kababayan. “Ang alam ko, yung sweldo nya dati sa Munisipyo bilang consultant, isa o dalawang araw nya lang gagastusin sa baon at pagkain ng kanyang mga scholar sa Bagong Pook,” banggit ng isang taga-Tapon na ayaw magpakilala. At sa kanyang paglilibot sa mga barabarangay,higit nyang naintindihan ang problema ng Lungsod sa basura. Dahil sa dami ng

lugar na nararating nya sa mundo, nakita nya kung paano nalulunasan ng mga bansa ang suliranin sa basura. At ang pangunahing hakbang ay edukasyon ng mga mamamayan at sayantipikong pagsasaayos at pagpoproseso ng mga ito. “May nasimulan na

KADYO FILOTEO

tayo kahit papaano, pangarap kong ipagpatuloy ang hangaring makitang malinis ang lunsod. Ang basura ay hindi dumi, kundi pwedeng tignan bilang pagmumulan ng kabuhayan at pagsasagip sa kalikasan.”ang wika ng Kadyo Filoteo, Caviteño.


NOBYEMBRE 22- 28, 2009

11

CAVITE CITY TECHNICAL AND VOCATIONAL SCHOOL (CCTVS) “CONGRATULATIONS”

ELECTRICAL RADIO TECHNICIAN TOP TEN STUDENTS 1.CELSO Y. ADRID (GOLD MEDAL) 2.DARWIN L. HILARIO (SILVER MEDAL) 3. NOEL B. MONZON (BRONZE MEDAL) 4. ALVIN’J R. DELA CRUZ (FOURTH HONORS) 5. ERIC P. PANGILINAN (FIFTH HONORS) 6. VON MARK T. PANGILINAN (SIXTH HONORS) 7. JASMIN S. VELOSO (SEVENTH HONORS) 8. ROSENDO C. ROSARIO (EIGHT HONORS) 9. REY JOHN V. VILANUEVA (NINETH HONORS) 10. CHRISTOPHER G. TECSON (TEN HONORS) KAG. CRISANTO C. TRINIDAD ELECTRONICS INSTRUCTOR

SA PAMANTASAN NG LANSANGAN

“SA ekwelahan, nauuna ang aral bago ang pagsubok. Sa totoong buhay, dapat munang maranasan ang pagsubok bago ang aral.” “Ito ang laging pinanghahawakan kaisipan ni Obet Catalan. OBET CATALAN

Ginugol ni Obet ang halos buong buhay nya sa lansangan ang syento por syentong dugong Cavitenñong nagtapos sa San Roque Elementary School produkto ng Cavite National High School at nakadalawang taon sa San Sebastian College sa kursong AB Economics. Mula sa pagiging dating pasaway noong kan-

yang kabataan, hanggang sa mapadpad sa kolehiyo sa Manuel L. Quezon University sa Maynila at kumuha ng Political Science. Dito, nakasalamuha ni Obet ang ilang progresibong kabataan, propesor at ilang personalidad sa mapagpalayang kilusan. Naging ganap na aktibista si Obet. Kumilos. Nag-organisa. Nag-aral.

Sa piling ng mga magsasaka, manggagawa, maralitang tagalunsod, kabataan at ilang mapagpalayang samahan, namulat si Catalan sa kawalang katarungang namamayani sa lipunan. Ang malayong agwat sa pamumuhay ng mga mayayaman at mahihirap. Ng mg inaapi at nang-aaping uri. Ang panginoong may lupa at mangagawang

bukid. Ang lahat ng ito ay itinuring ni Ka Obet na isang malaking malaking slid akalatan na pwedeng paghanguan ng babasahing teksto ng buhay at katotohanan. Nang magkapamilya, pansamantalang namahinga sa pagkilos si Obet. Nangibang bansa upang kahit papaano’y paghanadaan ang kinabaukasan ng mga anak. Sa pagbalik sa sariling bayan, palengke ang naging bagong daigdig nya. Nagtinda sya ng kung anu-ano. Mula kutsara’t tinidor hanggang mantel sa mesa. Mula sa tabo hanggang sa damit pambata. Naranasan nya kung paano sipain at wasakin ng ilang naghahari-harian sa palengke ang kanilang paninda. Itinataboy na parang pusa. Binubugaw na parang langaw. Maging ang mga lehitimong may pwesto sa palengke ay nagging biktima ng pandarahas at pangbebengga ng ilang

tigasin sa palengke. Ito ang nagtulak kay Catalan na organisahin ang mga tindero’t tinder sa palengke. Ipinaglaban nya hindi lang ang mga may lehitimong pwesto kundi maging ang mga sidewalk vendors. “Paano kung wala kang malaking kapital na pambayad sa pwesto? Ibig sabihin nun, wala na ring karapatang maghanapbuhay ang karaniwang tao? Mas gusto nilang linisin ang sidewalk kesa linisin ang lunsod mula sa ilegal na sugal, prostitusyon at basura.” Ang sinabi noon ni Catalan habang nag-oorganisa ng mga tindero’t tinder. “Nakakalungkot na ang mga dating original na tindero’t tindero, yun bang ang mga pwesto ay minana pa sa mga magulang at magulang ng mga magulang... ay nawalan na ng kabuhayan. Dahil ang maraming pwesto sa bagong palengke, pag-aari na ng iilang mayayaman at maiimpluwensya.” Dugtong ni Cata-

NI SID SAMANIEGO

lan. Hanggang ngayon, patuloy na kumikilos si Obet sa iba’t ibang paraang alam nya ay makakatulong sa kanyang kapwa. “Bilib lang ako kay Obet, walang wala na, nakukuha pang tumulong sa kapwa.” Banggit ng isang minsang natulungan ni Catalan na ngayon ay may permanente nang trabaho. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho at pag-oorganisa, maaayos na napalaki ni Obet ang kanyang mga anak. Hindi man daw nakakariwasa, si Catalan na dating Kapitan ng Barangay 56, nakakaraos pa rin sa buhay. Ipinagmamalaki nito na tanging malinis na pangalan at makataong pamumuhay ang kanyang naipamana sa mga anak. “Hindi mo kailangang maging mayaman para makatulong sa kapwa.” Pagwawakas ni Obet Catalan, Organisador ng Bayan, Ehemplo ng Tahanan.


SISID... mula sa pahina 4 Umuusok sa paligid ng mga kabahayan sa gitna ng mga sampay na damit. Ang pinabanggong amoy na damit dala ng downy ay tinalo ng kabahuan ng babuyan nitong magiting na kapitan. Alam mo kapitan, humanga na ako sa iyo minsan dahil di ka matinag sa iyong kinalalagyan bilang kapitan. Natapos mo nga ang mahaba mong termino upang paglingkuran ang iyong mga nasasakupan. Kaso may nagrereklamo pala sa iyo. Simpleng problema lang naman ito kung tutuusin. Gawin mong tama lang ang iyong kabuhayan, siguradong walang magrereklamo sa iyong mamamayan. Matunog ang pangalan nitong kapitan dahil di pa man ito kapitan ay minsan na itong gumawa ng pangalan sa ating bayan. Kilalang-kilala nyo na siya dahil sa oras lang na mabanggit ang ganitong mga kataga ay makikilala nyo na siya: ‘The master of the universe…By the power of the gray skull…I’am HeMan….

SUNDOT LAPIROT... mula sa pahina 4 Envelopmental journalism. Ang pamamahayag, nasusukat sa kapal ng inilalagay sa envelop o sobre. Ideological State Apparatus (sang-ayon kay Louis Althusser). O nagagamit ng mga makapangyarihan ang mass media upang mapalaganap ang kaisipang gustong manaig ng mga ito. Tuwing Lunes ang kanilang pag-iisang dibdib. Pagkatapos ng flag ceremony, makikita ang kinatawan ng dyaryo na nasa PIO (public information office) na sya namang kinatawan ng politiko. At doon, magpapalitan sila ng matatamis na sumpaan. PIO: Ipangako mong laging pogi ang amo ko sa dyaryo mo, siguradong lagi kang may sobreng may biyaya, siksik, liglig at umaapaw. Dyaryo: Ipangako mong sa akin lang dadaloy ang biyaya, tinitiyak kong amo mo’y bida sa tuwi-tuwina, sa bawat linggo ay may laang pahina. Kaya naman, sa ating dyaryo, ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay may mahigpit na patakaran. Kung may politiko o kandidatong ibig magparamdam, dapat malinaw na ito ay paid advertisement. Na ang binibili ng politiko o kandidato ay ang puwang lang sa ating dyaryo, hindi ang panulat at kredibilidad. Walang write up. Advocacy kung advocacy. Pagbati kung pagbati. Paramdam kung paramdam. Ang inyong dyaryo ay hindi nakikipila tuwing Lunes sa kahit anong munisipyo. Kahit sa kapitolyo. Dahil mataas ang pagtingin natin sa ating mga kababayan. Hindi sila tanga. Mataas ang paggalang natin sa dyaryo at propesyong peryodismo. At higit sa lahat, nagtitiwala tayo, gumagalang at humahanga sa mga lider, politiko at kandidato na nagtitiwalang ilagay ang kanilang mga pangalan at imahe sa ating dyaryo… na may kredibilidad at dignidad, risonable at responsable… yan ang Responde Cavite.

Gov. Maliksi tatakbong congressman sa Imus

KINUMPIRMA ni Cavite Provincial Information Community Affairs Department head na si Alda Lou Cabrera ang pagtakbo ni Gov. Ayong Maliksi bilang congressman sa Imus District. Ayon din kay Cabrera, si Imus Mayor Emmanuel

L. Maliksi ay muling tatakbo para sa pa din pagi-

MUSIKA GINTONG TINIG 2009

JOYCE ANNE ROBLEDO-GRADE VI – LDES CRISTINE ARAGA- GRADE VI – DES NASHRINE JOY VERGARRA- GRADE IV - KING OF GLORY ZYRA CAJANDAB- GRADE IV – DES KYLA ESTOY- GRADE V – MRES ALLAINE S. GOMEZ- GRADE V – LADES ANGELO AOAY- GRADE VI – JPES LAIDEL R. ROSETE- GRADE VI – JPES HONEYLYN P. MONTERO- GRADE V – GARITA CLEOBELLE PAMILENTA- GRADE V – PAG-ASA MULING naglunsad ng proyekto ang Supreme Pupil’s Government matapos ang matagumpay nilang proyekto na “Modelong Ginto Tuklas Talino”.

Matatandaan na inumpisahan ng Supreme Pupil’s Government ang “Modelong Ginto Tuklas Talino” noong nakaraang Oktubre at naging matagumpay naman ang

STUDENT CORNER... mula sa p.10 Sa Cebu, aakalain mo bang may mga bata pala na nakakapagtrabaho sa slaughter house. Kung sa atin ngang matatanda, napakabigat na ng trabahong pagiging matador, ano pa kaya sa mga bata na nasa edad 10 hanggang 14 lang? Napakaraming panganib na naka-ambang sa paligid nila. Nandiyan ang matatalim na kutsilyo na gamit-gamit nila sa pagtatanggal ng balahibo at taba ng baboy na maaring humiwa sa kanilang munting mga kamay. Nandiyan ang bagong kulong tubig na maaring tumilamsik sa kanila. At ang madulas na semento na maaring ika-pilay o ika-bagok nila. Gayun pa man, wala silang makukuhang benepisyo dahil batang manggagawa lang sila. At wala din silang nakukuhang sweldo kundi ang mga kakarampot na laman at taba ng baboy dahil batang manggagawa nga lang sila. Pero sa halip ay patuloy sila sa ganoong trabaho para may pantawid gutom at at makatulong sa pamilya. Sa Ormoc, may mga batang ‘hornal’ – mga tagatabas ng tubo sa kabukiran o hacienda. Napakaliit ng kanilang mga katawan ngunit pagkatataas na tubo ang tinatabas nila gamit ang matatalim na gulok. Ang masakit pa dito ay napupunta lang sa utang nila sa mga pagkain sa hacienda ang sweldo nila na P26 kada araw. Hindi birong trabaho ito lalo na sa mga bata na nais sana ay makapag-aral.

ging Mayor ng kanyang nasasakupan. Ang mag-

Sa Dapitan, at ang para sa akin ay ang pinaka nakakabasag ng puso sa lahat, may mga batang kargador na ginugulangan ng mga mas nakakatanda nilang katrabaho, maging ng tinatawag nila na bantay na siyang nagpapasweldo sa kanila sa pier ng Pulawan. May mga kasama silang mas malalakas, mas malalaki ang katawan, at mas matanda sa kanila, pero bakit? Bakit tanging silang mga bata ang nagpapakahirap na bumuhat ng mga saku-sakong semento na may bigat na 40 kilo kada isa at may bilang na dalawang libo na kailangang ubusin sa loob ng dalawang araw. Higit pa ito sa kanilang timbang! Napaakatuso ng matatandang kargador at marahil ay mga wala ngang puso. Paano nila nakakayang hayaang gawin nitong mga bata ang mas mahirap na trabaho. Maging sa hatian ng sweldo ay kawawa ang mga paslit. Ang buong paghihirap ng mga batang kargador kasama na ang pagsinghot nila ng alikabok ng semento ay katumbas lang ng P10. Mayroon kayang mga anak o

nasabing proyekto. Ngayon naman ay may bagong proyekto ang nasabing organisasyon. Sa pamumuno ni Iana Famy na siyang president ng SPG, bibigyan pansin nila ang mga mag-aaral na may angking kagalingan o talento sa pag-awit. Ito ay nakatakdang ganapin sa Monday November 23, 2009 ng 1 pm sa SSC-R Cañacao sa direksyon ni Ginoong Bong Famy.

ama ay tatakbo di umano sa ilalim ng partidong Liberal, kung saan kabilang sina Senator Noynoy Aquino at Mar Roxas. Ang kumpirmasyon ni Cabrera ay naganap nitong Nobyembre 20, ang unang araw na pasahan ng certificate of candidates o Cocs ditto sa ating bansa. Sa partidong Nacionalista naman ay inaasahang tatakbo din si former Representative Gilbert Remulla sa pagkacongresista sa bayan din ng Imus, kung saan kabilang naman si Senator Manuel Villar Jr. Ngayon ay kinikilala na ang Imus bilang ikatatlong distrito ng Cavite na kamakailan lang ay naipasa na sa senado, na ang Cavite ay nahahati na sa pitong distrito. Ang Kawit, Noveleta, Rosario, at Cavite City ay magkakasama na sa unang distrito. Ang Bacoor ay second district; Imus ay ika-tatlong distrito; and Dasmariñas naman ay nasa ika-apat na distrito. Ang Carmona, General Mariano Alvarez (GMA), at Silang ay ang bumubuo ng ika-limang distrito, samantalang ang General Trias, Alfonso, Tanza, and Trece Martires City, ay nasa ika-anim na distrito. At ang General Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Ternate, at Tagaytay City ay kabilang sa ika-pitong distrito. S. SAMANIEGO

batang kapatid ang mga tusong matatandang kargador na ito? Ang bata ay dapat malaya! Huwag sana natin silang hayaang pumasok sa mundong ginagalawan nating mas nakatatanda. Hindi sila nararapat sa mundo natin dahil sa ngayon ay bata lang sila at minsan lang sila bata. Iparanas naman sana natin sa kanila ito at huwag ipagkait. Tatlong mga lugar lang at mga ilang bata ang naipakita sa dokyumntaryo ni Ditsi pero laganap ang “child labor” sa ating bansa at marami pa ang alipin nito, maging sa iba pang mga bansa. Tila yata habang mas nagiging moderno at maunlad ang mundo ay may mga bagay na naipagwaalang bahala natin. Mabigat ang salitang “child labor”. Ito ang dalawang salita na hindi dapat pinag-dugtong. Huwag natin itong suportahan! Ngayon muli kitang tatanungin, ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mo ang salitang ‘BATA’?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.