2
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
MAGLOLO NALITSON SA SUNOG
MARAGONDON, CAVITE – Dalawa katao patay, kabilang ang anim na taong gulang na bata, samantalang lima naman ang sugatan dahil sa sunog sanhi di umano ng pagsabog ng mga paputok sa isang compound ng nasabing bayan. Tatlo sa limang sugatan ay mga bata at dalawa naman ay babae. Ayon sa ulat na nakalap ng pulisya, naganap ang pagsabog mga alauna ng madaling araw sa
loob ng compound na pag-aari ni Lida Camacho sa Sitio Pasong Buwaya, Barangay Garita. Tinatayang malakas ang naganap na pagsabog dahil abot ang dagun-
dong nito maging sa isang fire station na may layong isang kilometro mula sa lugar na pinangyarihan. Ang mga nasawi naman ay kinilala na sina:
NI WILL Y GENERA GA WILLY GENERAGA
Salvador Olipan at Saul Arbias III na apo ng nauna na sana ay sasapit sa ikaanim nitong kaarawan sa December 26. Ang mga sugatan naman ay kinilala na sina: Harold (7) at Jimboy (4) na kapwa kapatid ni Saul, Nini Arbias na siyang ina ng magkakapatid na nabanggit, Vilma Olipan na siyang asawa ni Salvador
at Joel Olipan (4) na kamag-anak din ng mga biktima. Ang pamilya Olipan ay dumayo lamang sa Cavite mula Iloilo upang dito i-celebrate ang nakaraang Pasko kasama ang kanilang pamilya. Ayon din sa ulat ng mga pulis ay “suffocation”
CHYNNA ORTALEZA nisyon ang mga natatanging estudyante ng pampublikong paaralan sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, base sa kanilang
ARCI MUÑOZ academic grades, moral character, leadership track record at mga extracurricular activities. SHEILA SALUD
Chynna at Arci bumisita sa Cavite BACOOR, CAVITE – Pinasaya ni Chynna Ortaleza at Arci Muñoz ng GMA Artist Center (GMAAC) kasama ang Sisters Feminine Napkins ang mamamayan ng nasabing bayan sa maikli nilang pagbisita dito kamakailan para sa kanilang nationwide tour. Kasabay ng pagbisitang ito ay ang unang selebrasyon ng Emilu’s Supermarket sa Bacoor. Naging malugod naman ang pagtanggap ng
mamamayan ng Bacoor sa dalawang kapuso at maging sa opisyales ng Sisters. Nagkaroon ng bigayan ng regalo at awards sa mga natatanging estudyante ng nasabing bayan. Ito ay parte ng adbokasya ng Sisters Napkins na magkaroon ng healthy na pamumuhay ang mga kabataan. Dumagsa agad ang tao sa Supermarket ng mapag-alaman nila na kabilang sina Chynna at
Arci sa tour ng Sisters. Hinandugan ng dalawa ang mga tao ng kanta at sayaw na siyang ikinatuwa naman ng mga manonood. Ang dalawang Kapuso Artist ay nakikiisa sa adbokasya ng Sisters at kapwa tumatangkilik sa nasabing produkto. Hindi lamang dito sa Cavite magkakaroon ng pagbibigay ng regalo at award ang Sisters, kundi maging sa ibang parte din ng ating bansa, upang mabigyan din ng rekog-
Alahas nabawi…kalahating milyon ang halaga
Retired US Navy ninakawan, natiklo ng Brgy. Kagawad CAVITE CITY – Habang abala ang lahat sa pagsisimbang gabi, isang magnanakaw naman ang nagtangkang nakawin ang alahas ng dati niyang amo. Subalit hindi nagtagumpay ang kanyang masamang intension dahil sa pagkakahuli sa kanya ng isang Brgy. Kagawad. Kinilala ni P/Supt Simnar Gran, Chief of Police at P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera, Deputy Chief na ang suspek na si Renato Honra y. Mabini, nasa hustong gulang, may asawa, at kasalukuyang naninirahan sa 133 J. Miranda St. Sta. Cruz, Cavite City.
Habang ang biktima naman ay kinilala na si Rusty Cabuhat y. Antonio, 73 taong gulang, may asawa, isang retired US Navy at kasalukuyang naninirahan sa 634-A Cabanas St. Dalahican, Cavite City. Habang ang Brgy. Kagawad naman na nakahuli sa suspek ay nakilala na si Crisanto Trinidad ng Brgy. 7 Cabanas St. ng nasabi ring bayan. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay Trinidad, nangyari ang tangkang pagnanakaw noong Dec. 24, 2009 dakong alas 4:30 ng madaling araw sa loob mismo ng
Ang mga nabawing pera at alahas mula sa suspek.
bahay ng biktima. Base sa salaysay ni Trinidad, ay nakita ng katulong na babae ng biktima na nakabukas ang ilaw sa kwarto ng kanyang amo, kaya’t siya ay nagtaka dahil nang mga oras na iyon ay wala doon ang kanyang amo. Nang lumabas ito at tingnan kung dumating ang pamilya ng kanyang amo ay nakita nitong nakabukas ang kandado ng gate ng kanyang amo subalit wala ang sasakyan nito. Nang silipin niya ang bintana ng kanyang amo ay nakita nitong may lalake sa loob nito na naghahalungkat ng mga gamit ng mga oras na iyon. Kaya’t mabilis na ipinagbigay alam ng katulong sa kanilang barangay ang pangyayari na mabilis din namang nirespondehan ni Kag. Cris Trinidad at Kag. Ligaya Parales. At doon nga ay natiklo nila ang suspek bitbit ang iba’t ibang klaseng alahas ni Rusty Cabuhat na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso. Kasalukuyan ngayong nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek habang hinaharap ang kaukulang kaso laban dito. Sid Luna Samaniego
ang ikinamatay ni Olipan na nakulong sa banyo. Naisugod pa sa San Lorenzo Hospital ang dalawa ngunit idineklara naman kaagad na patay. Samantalang ang tatlong bata ay nagtamo naman ng “injuries” at kasalukuyang ginagamot sa nasabing ospital. Ayon naman kay Senior Fire Officer 4 Rafael Eblamo at Fire Officer 1 Rene Cayas, ang may responsibilidad sa nangyaring sakuna ay si Camacho na siyang may-ari ng compound pagka’t ito daw di umano ang mayroong tindang mga paputok na naging dahilan nga ng sunog. Ngunit isa din sa anggulo na tinitingnan ng pulisya ay ang overloaded na electrical wiring sa compound. Ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung dapat sampahan ng karampatang kaso o kung may sala nga ba si Camacho.
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
Tagaytay dinagsa ng mga Turista TAGAYTAY CITY – Dinagsa ng halos 140,000 katao nitong nakaraang Pasko ang Tagaytay upang mamalas ang ipinagmamalaking Taal Volcano ng lugar at dahil na rin sa malamig na klima na mayroon dito. Ayon sa mga opisyal, napakatindi ng naranasang trapik nitong nagdaang linggo sa Aguinaldo Highway pati na rin ang Tagaytay-Calamba Road. Kinumpirma ni Ms. Leilani D. Diesta, local public information officer, ang bilang ng mga turistang bumisita sa kanilang lugar nitong kapaskuhan. Ayon sa kanya, ang populasyon lamang ng Lungsod ay 60,000 ngunit nitong nagdaang lingo ay umabot ito sa 200,000 dahil sa mga dumayo sa kanilang lugar. Ayon in kay Diesta, nagsimulang tumaas ang bilang ng turista sa Tagaytay mula nung pumasok ang buwan ng Oktubre at hanggang sa ngayon ay patuloy sa pagdagdag ng bilang at karamihan pa sa mga turista ay nagmula sa Kalakhang Maynila at sa iba’t ibang probinsya ng ating lugar, mayroon ring mga taga ibang Bansa na bumibisita na karamihan naman ay galing sa Korea, China, Japan at USA. Di umano’y ang pinaka sentro ng atraksyon ng mga turistang bumibisita ay ang Taal Volcano kasama na din ang temperatura na kung minsan ay bumabagsak hanggang sa 18 degrees centigrade. Dagdag pa ni Diesta, mas pinaigting ng kanilang kapulisan ang seguridad sa Tagaytay para sa proteksyon hindi lang ng kanilang mamamayan kundi pati ng mga bumibisita dito. Pinaka nakatuon ang atensyon kapulisan sa mga krimen katulad ng “bukas-kotse” at “salisi” dahil ito ang usong modus kapag ganitong holiday season. ANDY ANDRES
Ang nabiting proyektong tulay na magdurugtong sa bayan ng Bacoor at Kawit na sinasabing may peligrong dulot sa pagtatayo ng napakaraming konkretong posteng bato na posibleng maging sanhi ng matinding pagbaha.
MMDA Village sa Carmona CARMONA, CAVITE – Halos 3,000 na empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang umaasang magkakaroon sila ng matinong bahay sa nasabing bayan sa parating na bagong taon. Nitong nakaraang Lunes ay iniutos ni MMDA Chairman Oscar Inocentes na pabilisin ang development ng MMDA Village, na mayroon di umanong kompletong pasilidad na
PNP CALABARZON ‘FULL ALERT STATUS’ NASA “full alert status” ang buong pulisya sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) pagkatapos ng naganap na raid ng mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA (New People’s Army) sa isang istasyon ng pulis sa Quezon Province kamakailan.
Nitong nakaraang Lunes ay pinasimulan ni Philippine National Police Director General Jesus Verzosa ang mahigpit na siguridad sa buong bahagi ng Luzon kabilang na ang Cavite at mga karatig bayan nito upang makatiyak at maging handa sa posibilidad na pag-atake ng NPA lalo na’t aniber-
saryo ng pagkabuo ng NPA nitong nakaraang Disyembre 26. Ipinag-utos din ni Verzosa ang pagtugis sa mga lumusob sa San Narciso Police Station nitong nakaraang Linggo. Ang mga rebelde ay tumangay ng mga dekalidad na baril tulad ng M16, apat na shotguns,
NI OBET TALAN CAT CA
kasama na din ang P30,000 na salapi. Ayon kay Verzosa, pinangungunahan ng Regional Mobile Group ng CALABARZON at ng Provincial Mobile Groups of Quezon Police Provincial Police Office ang pagtugis sa mga rebelde. Samantalang nakuha naman ng pulisya ang isang abandunadong Mitsubishi na kulay gray (THH 115) sa village ng Buenavista na siyang hinihinilang ginamit ng mga rebelde sa pagtakas.
3
magiging kumunidad para lamang sa mga rankand-file employees ng MMDA, upang magamit agad ang benepisyong ito ng kanilang mga manggagawa. Ayon pa kay Inocentes, nararapat lamang na kahit papaano’y masuklian naman ang loyalty at pagsisikap na ginagawa ng kanilang manggagawa. Ang lugar na pagtatayuan ng MMDA Village ay parte ng 65-hektarya na dati ay sanitary landfill ng Carmona, na isinira ng gobyerno noong dekada 90. Dagdag pa ni Inocentes, naglaan ang MMDA ng inisyal na P30 milyon para sa Village. JUN ISIDRO
39 na kandidato sa maliit na munisipalidad GENERAL EMILIO AGUINALDO, CAVITE – Sa maliit na bayan ng Heneral Emilio Aguinaldo, 39 na pulitiko ang magsisitakbo ngayong darating na eleksyon ayon sa pahayag ng Cavite Provincial Commission on Elections (COMELEC) kamakailan. Ang Heneral Emilio Aguinaldo ang itinuturing na pinakamaliit na bayan sa buong probinsya ng Cavite. Sa pinakahuling census ay naitala na meron lamang 17,818 mamamayan na bumubuo sa 14 na barangay ng bayan. Ayon kay Lawyer Juanito V. Ravanzo Jr., Provincial Comelec supervisor, ang Aguinaldo ang may pina-
ka-maliit na bilang na botante sa probinsya ng Cavite. Ayon naman kay Priscilla P. Golfo, Aguinaldo Comelec officer, ang kanilang bayan ay mayroong apat na maglalaban para sa pagkamayor, apat din sa pagka-vice mayor, at 31 naman para sa pagkakonsehal. Itinuturing na isang “fifth-class municipality” ang Aguinaldo, na ipinangalan sa unang Presidente ng ating bansa na si Heneral Emilio Famy Aguinaldo, dahil hindi pa ganap na abot ng serbisyong teknolohiyang lugar, gaya ng telepono. EWEL PENALBA
4
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
(Mga natatanging hiling ng tao tuwing Pasko)
Sana ngayong Pasko…
KAMUSTA po kayo, mga giliw naming mambabasa? Ilang issues na rin po ang ating dyaryo na di ninyo ako nababasa at nakita. Ako po ay naging abala sa aking “ADVOCACY” at sa “PROMOTIONS” ng Reader’s Digest na kung saan ang inyong lingkod ay nailathala bilang Natatanging Bayani sa buwan ng Nobyembre. Ipagpaumanhin po ninyo ang di ko pagsulat ng ilang panahon. Pero, ngayong Pasko, ako po ay nagbabalik at umaasang muli ninyong tatangkilikin ang ideya, konsepto, paniniwala at iba pang isyu na iikot sa larangan ng edukasyon, relihiyon, at panuntunan sa buhay. Maraming Salamat Po! *** Sana, Ngayong Pasko… manumbalik ang tunay na diwa nito. Maging makatotohanan ang kahulugan ng pagbibigayan at pagmamahalan. Maging tunay na masaya at kontento ang bawat isa. Maging buo at matatag ang samahan ng bawat pamilya.Maging makulay ang bawat relasyon; ‘yun bang preno ng pag-ibig , respeto at pagtitwala. Maging makabuluhan ang gawain ng bawat tao. At higit, palagiang magdasal, humingi ng awa’t habag, at maniwalang “habang may buhay; may pag-asa”. Sana, Ngayong Pasko… malaman mo na ang tama at mali. Iwasan na nating baligtarin ang kahulugan ng nararapat at di-dapat. Ang pagsisinungaling na di nakabubuti sa samahan at pakikipag-ugnayan sa tao. Maging totoo tayo sa isa’t-isa. Wala nang halong kaplastikan. Gawin na natin ang marapat at matuwid. Diretso at wala nang likuan; sabihin kung kaya o hindi; at higit, matutong magtiwala at di ang laging maghinala. Di kasi tayo uunlad at susulong kung tayo ay isip paurong. Magtiwala sa Diyos, sa ating sarili at sa ating pamilya.. SUNDAN SA PAHINA 12
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter rex del rosario
nadia dela cruz
6, 7 district coordinator 3, 4, 5 district coordinator
melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
Hindi tungkol sa New Year ang kolum na ito A philosopher who is not taking part in discussions is like a boxer who never goes into the ring (Ang isang pilosopong hindi nakikibahagi sa diskusyon ay tulad sa isang boksingerong hindi tumutuntong ng ring).— Ludwig Wittgenstein Sabi nga ni Robert Fulghum, ang kasaysayan ng tao ay kasaysayan ng tradisyon. Kaya ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay pag-ugat sa kamulatan ng tao sa panahon, pag-inog ng mundo, pag-ikot ng iba’t ibang buntala (heavenly bodies)… na sa 365 na araw sa isang taon, may panahon para magtanim, mag-ani, mag-imbak at magpahinga. Sa mga panahon na ito, nabubuo ang iba’t ibang tradisyon. Nandyan ang tradisyong ipagdiwang ang masaganang pag-aani, o ipagluksa ang kalamidad o manalangin bago magpunla. Ang tradisyon ng tao ay ang tradisyon kung paano isinasabuhay ng tao ang buhay. At sa pagsiklo ng panahon, nagbabadya ito ng isang taon na nakaraos at nabuhay. Ngunit higit pa sa simpleng buhay lang ang buhay. Sa oras ng pamamahinga, sobrang oras, pag-iisa at pangungulila… nag-iisip ang tao. Ano pa ba ang iba pang kahulugan ng buhay maliban sa paggawa, pagkain, pagtulog at iba pang rutinaryong gawain? May kahulugan at pakay ba talaga ang buhay? Kung meron, ano yun? Ito na ang pasimula ng pamimilosopo ng tao. Iginagalang ang mga Pilosopo. Mula kay Socrates, Plato at Aristotle. Kina Marx, Hume, Sarte, Foucault, Derrida, Habermas, Nietzsche at Chomsky. Sa Pilipinas, nandyan sina Rizal, Mabini at Jacinto. At ngayon,
sina Gripaldo, Ferriols, Dy, Mercado, Quito at Co. Pero, hindi maikakaila na animo’y nawawalan na ng puwang ang mga intelektwal sa ating lipunan. Hindi na rin natin halos nakikita ang mga intelektwal na nakikibahagi sa pambansang diskurso. Bibihira na rin natin nababasa ang kanilang mga isinusulat o mas masakit pa, hindi natin binabasa ang kanilang isinusulat. Pinalitan sila ng mga nagdudunung-dunungan sa lipunan na ang diskurso ay nasa dulo ng baril at kapal at lalim ng bulsa. Sila, na kapag isyung panlipunan ang pinag-uusapan, laging nakasabat at nakasahog. Lalo na sa politika, naku po, kayang sabihin kung ilan ang mananalo’t ilan ang matatalo. Kung anong istratehiya ang dapat gawin para manalo at kapag natalo ang laging sinasabi ay “kung nakinig lang sila sa akin...” Hindi na nga pilosopikal magisip, hindi pa rin sayantipiko. Lahat, puro gut-feeling lang. Sabi nga ng professor ko sa Graduate School sa De La Salle, Manila sa subject na Critical Text, “ilang henyo na ang nagsabing kulang ang buong buhay nila sa pagbabasa para masabing sila’y intelektwal, at minsan, inaamin sa mundo na tanga pa rin sila sa maraming bagay… pero mas maraming nagmamarunong sa mundo na parang may monopolyo ng karunungan ang laging nagsasabing… ‘kung nakinig lang sila sa akin,’ pero duwag naman humarap sa pampublikong diskurso dahil hindi naman nagbabasa.” Kung noon, ang mga hari ay sumasangguni sa mga pilosopo, ngayon, ang mga lider ng bayan, sumasangguni sa mga hao siao na guro na ang naimbentong subject ay “Akology” at ang pagsusuri sa posibleng manalo’t matalo sa susunod na eleksyon ay “TANTYAko Method.” Isang Risonable’t Responsableng Bagong Taon!
PEOPLE Power I ang tumapos sa rehimeng diktatorya ni Pangulong Ferdinand Marcos. Kasabay nito ay ang pagluluklok kay Presidente Corazon C. Aquino sa Malakanyang. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pangyayaring naganap ay hudyat sa muling pagkakabuhay ng mga institusyong demokratiko na ang pinakatampok ay paggalang sa mga Karapatang Pantao. Ang panahong 1987-1992 ay isang maningning na pagtutulungan ng Ehekutibo ng Pres. Aquino at Kongreso na binubuo ng Mababang Kapulungan ni Speaker Ramon Mitra at Senado ni Pres. Jovito Salonga. Isang magkatuwang na mission na ibalik ang bansa sa daanang patungo sa kaunlaran at katahimikan ng mga mamamayang matagal ding sinikil ang kalayaan. Mga piling batas ang ipinasa ng kongreso at ipinatupad naman ng Administrasyon ni Pres. Aquino. Mga panukala at programang ang mga layunin ay maibsan ang karalitaan, panatiliin ang kaayusan, paunlarin ang serbisyo publiko at maging epektibo at makatao na pamamahala.
Ukol sa pagpapasigla sa ekonomiya ng bansa, pinakauna ang ‘Comprehensive Agrarian Reform Law of 1998 (CARP) nakapaloob sa RA 6657. Nakatuon ang CARP sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, magbubukid, nangungupahan at mga iba pang nagtratrabaho sa mga lupang ang dating may-ari ay pinahihintulutan na matirhan ng di hihigit sa limang ektarya. Ang mga sumusunod pang batas na hanggang ngayon ay ipinaiiral pa ay ang Cooperative Code of the Philippines ‘ (RA 6938), Foreign ‘Inverstment Act‘ (RA 7042), ‘ Countrywide Industrialization Act of 1992’ (RA 7368),’ Seed Industry Development Act of 1992’(RA 7308), ‘Rural Bank Act of 1992’(RA 7353),’ Bases Conversion and Act Granting Incentives to Mini – Hydroelectric Power Developers’ (RA 7156). SUNDAN SA P.5
Isang pa gba balik-tana w pagba gbabalik-tana balik-tanaw
Peligrong dulot MINSAN ng ginawa ang tulay na magdudugtong sa bayan ng Bacoor at Kawit at ng lumaon ay giniba ito sa di malamang dahilan. Naubos ang pera ng bayan dahil sa walang kakwenta-kwentang proyekto. Ginawa ang tulay upang maibsan kuno ang sinasabing trapiko sa bayan ng Bacoor at Kawit. Napakaraming isyu ang naganap sa lumang tulay na giniba. Kung hindi ako nagkakamali, minsan na itong napa-imbestigador ng GMA7 dahil sa kotongang nagaganap sangkot ang ilang mga barangay tanod. At ngayon ay muli na namang binuhay ang nasabing tulay. Panibagong proyekto na naman ang nakuha sa kaban ng bayan. Sa panibagong lugar naman ito inilagay na abot tanaw din ang lumang tulay na sinira.Ang adjoining mouth of major river systems ay magiging reserved for stream river banks protection na mayroong lapad na 40 metro. At ito ay malinaw at
maliwanag na nakalarawan sa lahat ng ginagawang Land Classified Map, mula sa tanggapan ng DENR. At ngayon ang adjoining mouth of major river systems ay sinira at tuluyan ng pinabayaan. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng napakaraming konkretong posteng bato para gawing haligi ng tulay. Katulad ng tulay sa Sta. Rosa, Noveleta ay nagdulot ng flash flood sa tuwing bubuhos ang mahabang ulan. Na kung saan sa sandaling mabarahan ito ng mga inaanod na puno at mga basura ay nagdudulot ito ng isang malaking panganib sa kamatayan ng buhay ng mga tao, dahil sa pagkalunod sa tubig-ulan sanhi ng flash-flood. Dahil dito ay unti-unting nawawasak ang mga ari-arian ng mga tao. Dokumento ang bilang ng mga taong nasalanta ng nakaraang bagyong undoy. Sa masikip na bunganga ng ilog na maglalagos sa pintuan ng dagat ay tila mahihirapang paraanin ang dambuhalang baha dulot ng flashflood. At kapag paulit-ulit na mangyayari ito, ang proyektong pinagkakitaan ng mga poncio pilato ay mawawala rin na parang bula. Paulit-ulit itong gagawin ng mga taong hangad ay ang pangsariling kapakanan lamang. SUNDAN SA P.12
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
SENIOR CITIZENS CORNER Mula sa pahina 4 Sa pagpapalaganap ng kapangyarihan (democratization of political power), ay namumukod ang ‘Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao’ (ARMM) na akala ng karamihan ay magiging simula ng pagtatayo ng ‘regional goverments’ tungo sa ‘Federalization ‘ng ating gobyerno. Sinundan pa ito ng ‘Organic Act for the Cordillera Autonomous Region’ na sa pakiwari ng ilan ay tugon ito sa simulaing ipinaglaban ng grupo ni Father Balweg. Ang ‘Initiative and referendum Act‘ (RA 6735) ay tahasang pagkikilala sa kapangyarihan ng mamamayan na gumagawa ng petisyon o panukala sa Kongreso at mga Lokal na sanggunian at sumangayon o bumasura sa anumang batas o ordinansa sa pamamagitan ng eleksyon na isinagawa upang mabatid ang naging pasya ng mga elector. Ang ‘Local Government Code of 1991 (RA 7160) ang nagbigay ng autonomiya sa mga pamahalaang lokal mula sa pamahalaang nasyonal upang sila’y maging ‘self-reliant’ sa mga kapangyarihan at kautangan na ibinigay ng batas. Nakapaloob din sa autonomiya ang mga mekanismo ng ‘recall, initiative at referendum na nakapaloob sa ating Saligang Batas. Ukol sa pagpapairal ng katahimikan at kaayusan, ang mga sumusunod na tinaguriang ’Landmark legislation’: 1. RA 6955 – An Act Declaring Unlawful the Practice of Matching Filipino Women for Marriage to Foreign Nationals. 2. RA 7055 – An Act Returning to the Civil Courts Jurisdiction over Military Personnel. 3. RA 6968 – An Act Coup D’Etat a Criminal offense. 4. RA 7080 – An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder. Sa kasalukuyang panahon, marami nang maihahabla na mga popular na opisyal ng gobyerno sa kasalanang plunder. 5. RA 7077 – Armed Forces of the Philippines Reservist Act. 6. RA 6975 – Department of the Interior and Local Government Act of 1991. Itong batas na ito ang naglagay sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Philippine Public Safety College sa ilalim ng DILG. Marami pang makahulugang batas ang ipinaiiral na ang layunin ay ang pagpapaunlad ng Serbisyo Publiko. Ang ilan ay ang mga sumusunod: 1. RA 6655 – Free Public Secondary Education Act of 1988. 2. RA 6675 – Generics Act of 1988 3. RA 6846 – Social Housing Support Fund Act. 4. RA 7305 – The Magna Carta of Public Health Workers. 5. RA 7279 – Urban Development And Housing Act of 1992. 6. RA 6725 – An Act Strengthening the Prohibition on Discrimination Against Women. 7. RA 7277 – Magna Carta for Disabled Persons 8. RA 6982 – An Act Strengthening the Social Amelioration Program in the Sugar Industry. 9. RA 7164 – The Philippine Nursing Act of 1991. 10. RA 7355 – The Manlilikha ng Bayan Act. Saludo ang lahat sa mabungang pamamahala ni Pres. Cory Aquino at pakikipagtulungan ni Speaker Ramon Mitra at Senador Jovito Salonga. Ang Kanilang Legacy’ ay nakatitik na sa maningning na pahina ng ating kasaysayan. Ano kaya ang magiging katatayuan ng nakaraan at sumusunod pang panahon n gating pulitika kung ikukumpara sa naganap noong taong 1987–1992? Ano nga kaya ang mangyayari kung matuloy ang eleksyon sa 2010 sa kabila ng naggagandahang ‘promo’ ng mga presidentiables? Maghintay na lamang tayo at umasa sa pagbabago ng ating pulitika.
5
GOB. MALIKSI NAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE
TRECE MARTIRES CITY – Inihandog ni Cavite Gob. Ayong S. Maliksi ang P11,340,000 tulong-pinansyal sa 3,527 mag-aaral sa ilalim ng Provincial Scholarship Program bilang pagsunod sa adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan na maiangat ang antas ng edukasyon sa Cavite . Ayon kay Maliksi, “Sa pamamagitan ng ating ibinibigay na tulong-pinansyal, nais ko na mabigyan ang lahat ng kabataang Kabitenyo ng pagkakataong makapag-aral upang makamit nila ang kanilang mga mithiin sa hinaharap. Ang ating mga kabataan ang magiging lider sa hinaharap at kung huhubugin natin sila upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan, magsisilbi silang kabahagi sa makabagong rebolusyon na isinusulong ngayon sa Cavite sa ilalim ng bagong adbokasiya, “Cavite: Be Part of the Revolution!” Mula 2001 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa halagang P133, 514,680.17 tulong pinan-
syal ang naipagkaloob sa 41,912 mag-aaral ng ibat ibang paaralan at unibersidad ng lalawigan. Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinansyal ang mga anak ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan at ang mga mahihirap na mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo mula sa labinsiyam na bayan at apat na lungsod ng Cavite. Bukod sa mga scholarship program, marami pang programa ang pamahalaang panlalawigan ukol sa pagpapalago ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan. Sa ilalim ng termino ni Gob. Maliksi, mula 2001, may kabuuang bilang na 374 gusali ang naitayo at marami pa ang nakatakdang isagawa.
CAVITE, SA ISANG BISITA Ni Patrick Quintos MAY tatlong taon na rin balandra sa tenga ng mga ako sa Cavite—sa Das- taga lalawigan ay umiikot mariñas, Cavite. Pero sa sa imahe ni Emilio Agutatlong taon na ito, halos inaldo at sa mga mitong school-bahay lang talaga agimat ni Ramon Revilla. ang iniikutan ng araw ko. Noong nasa ManKaya naman sa tatlong daluyong pa ‘ko naglalataon ko rito, hindi ko pa gi, kapag sinabi sa aking rin talaga nararamdaman Cavite, ang naiisip ko ang Cavite. agad ay mga taong maiMinsan nga naisip ko itim, matatapang, walang rin kung meron nga ba sinasantong kalaban, na talagang dapat maram- may agimat o kung anong damang Cavite. Halos supernatural na bagay, at tadtad na ng mga mig- syempre, may baril. Hindi rante ang lugar na ito. ko sigurado kung ito ang Bukod pa doon, maging impresyon ng Cavite sa ang mga taal na Cavi- lahat ng mga tao sa’min, teño, lalo na ang mga na- pero ito rin ang karaniwan kakabatang henerasyon kong naririnig sa mga ay nababahiran na rin ng kaibigan ko. mga trends mula sa laProbinsyang-probinbas (Maynila, States, sya rin ang turing ko noon etc.). At marami ring tu- sa Cavite, lalo na nang lad kong hindi mo mata- maglipat ang isa kong tawag na migrante dahil tiyahin dito. Tingin ko hindi naman talaga na- noon ay hindi pa inaabukatira rito—mga taong tan ng sibilisasyong Maymay mga saglit na obli- nila ang lugar na ‘to at ang gasyon o gawain lamang salita ng mga tao rito ay dito. taal na Tagalog. Mga tiAng kaakuhan ng pong ganun. mga Caviteño na bumaKaya naman nagulat
Samantala, binibigyang prayoridad din ni Gob. Maliksi ang pag-angat ng Information/ Communication Technology (ICT) sa lalawigan. Taong 2005, isang kasunduan para sa pagpapalawak ng ICT Application on Public Education System sa Cavite ang nilagdaan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng Ministry of Education of Jeollabuk-do, Korea. Simula noon, nagpapadala na ang lalawigan ng mga guro sa Korea para sa libreng pagsasanay ukol sa ICT. Bilang karagdagang tulong, nagpapadala naman ang pamahalaan ng Korea ng computer units sa Cavite na ipinamamahagi sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan. May
kabuuang bilang na 81 guro na ang sumailalim sa naturang pagsasanay at 711 computer units ang natanggap sa ilalim ng programang ito. Nariyan din ang Cavite Computer Center na nagbibigay din ng libreng pagsasanay sa computer sa mga Kabitenyo. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 20, 000 katao na ang nakapagtapos mula sa pagsasanay sa CCC.
ako nang mapirme ako dito taong 2007. Aba’t wala ang probinsyanong hinahanap ko. Karaniwan ng mga nakikita ko ay kilos Maynila na rin. Wala na rin ang hinahanap kong maiitim na may laging sukbit na baril, at pinagtawanan naman ako nang magpakwento tungkol sa agimat ni Nardong Putik. Outdated na yata ang persepsyon ko sa Cavite noon. Akala ko rin noon ang Cavite ay palayan. Hanggang sa makarating ako Trece, Naic, Silang, at Amadeo. Napaka-diverse pala ng lugar na ito. Kumbaga, Cavite pa lang, marami ka nang pwedeng libutin. Akalain mong mula Dasmariñas hanggang Naic ay aabutin ka pa ng halos dalawang oras. Nataon rin ang Ondoy sa amin sa Cainta. Grabe ang pagwasak ng bagyong ito sa lahat ng mga taga-Cainta. Ultimong kami na hindi naman talaga bahain, ay pinasok ng tubig sa loob ng bahay— lagpas tao. Nang mabalitaan naming malaki ang posibilidad na ang bagyong Pepeng ay dumapo sa area namin, wala na akong ibang maisip na lugar na pag-lipatan kundi Dasmariñas. Na-realize ko ang ka-
gandahan ng geography ng lugar na ‘to. Hindi masyadong mataas, hindi masyadong mababa— ang Dasmarinas ay nasa pagitan ng highlands at lowlands. Kaya naman kinupkop na rin saglit ng Cavite ang pamilya ko. Ewan. Wala talaga akong maramdamang Cavite. Pero siguro ito talaga ang tunay na agimat, tapang, o angas ng Cavite, ang kakayahan nitong walang iparamdam na Cavite sa’yo tulad ng isang tahanan (hindi bahay) na mararamdaman mo lang kapag umalis ka rito—hinahatak ka pabalik. Tatlong taon na ‘ko rito sa Cavite at matapos ko lang ‘tong pag-aaral ko rito ay babat-si na rin ako. Hindi ko alam kung saan ako pipirme. Duda rin akong pipirme ako sa isang lugar. Mas kumportable kasi ako sa paglalaboy. Mararamdaman ko na rin ang Cavite. — si Patrick ay kasalukuyang Literary Editor ng Herarldo Filipino ng De La Salle UniversityDasmariñas, kumuha ng AB Communication na nasa ika-3 taon at kasapi ng Cavite Young Writers Association, Inc. (nasansipuroy@yahoo.com)
GOB. AYONG MALIKSI
6
a
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
7
8
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
Komersyalisasyon ng Pasko’t Bagong Taon DAINE II, INDANG, CAVITE -Pasko ang isa sa mga pinaka-popular na okasyon na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano sa mundo bilang paggunita sa kapanganakan ng Dakilang Manunubos na si Hesus. Ang Pasko ay ipinakilala sa Pilipinas ng dayuhang mananakop na bansang Espanya noong panahong tayo ay kolonyal pa nila. Batid ba ninyong dito lamang sa Pilipinas masasaksihan ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo? Sa mga bansang kanluranin tulad ng imperyalistang Estados Unidos, ang pagdiriwang ng Pasko ay mula Disyembre 25 hanggang Enero 6, tinatayang labing dalawang araw lamang na naging dahilan para mabuo ang christmas song na The 12 Days of Christmas. Samantalang dito sa Pilipinas, ang Pasko ay nagsisimula tuwing Disyembre 16 kasabay ng simbang gabi o Misa de Gallo at magwawakas ng Enero 6 kasabay ng Pista ng Tatlong Pantas na sina Melchor, Gaspar at Baltazar. Samantala para naman sa ibang Pilipino ay sinisimulan nila ang pagdiriwang ng Pasko ng mas maaga sa pamamagitan ng paglalagay ng mga Christmas decors pagsapit ng Disyembre 1, at mayroon pang mas maaga katulad ng isang pamilyang nakilala ko dito sa amin na sila ay naglalagay ng Christmas decors pagsapit ng Setyembre 1. Sa tahanan nga ni Mr. German Moreno araw-araw ay pasko dahil hindi na siya nagtatanggal ng kanyang christmas tree. Ang Pasko at Simbang Gabi ay sadyang nakatatak na sa puso ng sambayanang Pilipino at ito ay parte na ng mayamang kultura at tradisyon ng mga Pinoy. Ang Simbang Gabi ay siyam na araw na misa ng Iglesia Katolika Romana (Romano Katoliko) tuwing madaling araw hanggang matapos ang bisperas ng Pasko. Ang Simbang Gabi ay ipinatupad sa utos ni
Pope Sixtus V noong 16th Century, ayon sa kanya ito ay ipinatupad para sa mga bayaning uring magsasaka o magbubukid na nagnanais na makadalo sa misa bago magtungo sa bukirin bago magbukang liwayway. Ngayon, maging ang Iglesia Filipina Independiente (Aglipay), Iglesia Ebanghelikong Kristiyano (Protestante) at mga grupo ng Bagong Kristiyano (Born Again Christians) ay nagsasagawa na rin ng Simbang Gabi o para sa kanila ay Sambang Gabi para alalahanin ang kadakilaan ng Panginoong Hesus. Noong araw ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay payak o simple lamang. Nagkikita-kita at nagsasalu-salo lamang ang mga magkakamag-anak sa tradisyon na Noche Buena sa pagitan ng hatinggabi ng Disyembre 24 at 25. Dumadalo sa mga simbang gabi, nagbibigayan ng mga aginaldo sa isa't isa at bumibisita sa kanilang mga ninong at ninang para humalik o magmano. Sa pagputok ng industriyalisasyon at sa pagpapakilala ng kultura ng mga kanluraning bansa tulad ng imperyalistang Estados Unidos sa pagdiriwang ng kapaskuhan, dito na nagsimula ang pagbabago at KOMERSYALISASYON ng Pasko. Walang inisip ang mga mamumuhunan at kapitalista kundi samantalahing pagkakitaan pa rin ang pag-gunita sa kapanganakan ng Panginoong Hesus. Pwersahang sinamantala ng mga mamumuhunan at kapitalista ang lakas at pagod ng mga bayaning uring manggagawa para makalikha ng mas marami at kakaibang produkto upang pagkakitaan ang Pasko ng sa gayon ay kumita sila ng limpak-limpak na salapi, samantalang kakarampot na kita at sahod lamang ang mapupunta sa mga nagpakahirap at nagpakapagod na mga bayaning manggagawa. Ang mga imperyalistang bansang ito ay naglayag sa buong mundo dala-dala ang mga sari-saring inimbentong produkto't paninda na may kinalaman daw para sa pagdiriwang ng Pasko. SUNDAN SA PAHINA 9
Ang aking New Year’s Resolution na hindi ko gagawin sa darating na taon
NAKU bilabed riders, paglabas ko ng bahay kanina para tumunganga sa kalsada, naulinigan ko ang mga kapit-bahay kong abot-langit ang pagsumpa na gagawa ng listahan ng kanilang New Year’s Resolution at abot-langit rin ang pagsumpa na kanila itong gagawin. At kapag hindi nila ito magagawa, may isang taon pa naman na darating. At marami pa namang mga taong darating kung saka-sakali. ’Ba, hindi ako papahuli. Ako rin, dapat may New Year’s Resolution. At narito ang ilan: 1. Hindi na ako mangaalaska sa mga hindi naman napipikon.
2. Hindi ko na lalasunin sa pamamagitan ng pagpapalaman ng watusi sa hotdog ang mga asong gala sa amin. Mga may ari na lang ng aso ang lalasunin ko sa pamamagitan ng paghahalo ng liquid sosa sa kanilang fruit shake. 3. Hindi ko na sisitahin ang mga adik sa amin na singhot nang singhot ng marijuana sa likod ng bahay namin. Sa halip, pasisinghutin ko sila ng marijuana na siningitan ng cyanide. 4. Hindi ko na ililigaw ang mga pusang lampong sa amin. Iniisip ko, ililigaw ko na lang ang may ari ng mga ito. Kung wala mang nagmamayari, ililigaw ko na lang ang bahay namin para hindi maabala ng mga pusang lampong. 5. Hindi na ako malelate sa trabaho. Kapag na-late kasi ako, hindi na lang ako papasok. 6. Hindi ko na sasadyain ang Quiapo para lang bumili ng pirated DVD,VCD at Bluray. Mas okay yata kung magpapadeliver na lang ako ng
mga ito sa trabaho. Pwede rin na tanungin ko ang mga kaopisina ko kung ano ang gusto nilang film at ipapa-deliver ko sa mga kontak ko sa Quiapo. Mamumursyento na lang ako. ‘Ba, extra income din ito. 7. Hindi ko na ibubuko ang mga raket ng mga sindikato at mga tastarudong elemento ng ating lipunan. Basta hindi rin nila ibubuko na ako si Batman. 8. Hindi na ako magmumura. Pukang ama talaga. Tawagin nyo na akong tarantado, gago, ulol at kung anu-ano pa. *#%&! Ina ko na kung magmumura pa ako. 9. Hindi na ako tataya ng lotto, ending, jueteng. Hindi na rin ako magtotong its at mahjong. Hinding hindi na ako magsusugal. Pustahan, bente mo, manalo ng singkwenta, hindi na ako magsusugal. 10. Hindi na ako magiinom sa beerhouse nang walang ka-table na maganda at batang chicks. 11. Tatawid na ako sa tamang tawiran kapag
nakasakay ako sa LRT at MRT. 12. Hindi na ako bubusina nang malakas sa tapat ng ospital, simbahan, eskwelahan at iba pang lugar na may mga pormal na pagtitipon (wala naman kasi akong sariling sasakyan). 13. Hinding hindi na ako magwa-wan-tu-tri kapag sumakay na ako ng MRT at LRT. 14. Hindi na ako iihi sa tabi-tabi. Tatae na lang ako. 15. Hindi ko na lalaklakin ang libreng gatas sa mga coffee shop. Nagtatae kasi ako. Ayan, nasabi ko na ang New Year’s Resolution ko. Kung sakaling hindi man matupad, isipin na lang natin na habang may buhay, may pag-asa. Habang may bagong taon, pwedeng mangako. Pero alam ko, ang mga henyo nating politiko ay may New Year ’s Resolution na taon-taon nilang nasusunod. Ito yun: Hinding hindi na sila mangungurakot… nang garapalan.
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN : Mag-ingat ka sa araw na makita mo ang swerte mo dahil baka ito rin ang araw na makaranas ka ng pinakamatinding malas sa buhay mo. Gayun pa man lakasan pa din ang iyong loob. Lucky days / nos. : Mon. / Wed. = 7 – 14 – 35 – 39 – 41 – 42 AQUARIUS : Hindi magiging madali ang pagabot ng iyong swerte sa mga susunod na araw dahil may taong galit sa iyo. Kailangang makipagkasundo ka muna sa mga kaaway mo upang patuloy kang kampihan ng kapalaran mo. Lucky days / nos. : Tue. / Thur. = 1 – 10 – 16 – 28 – 31 – 34 PISCES : Pagkatapos ng unos na pinagdaanan mo ay makakaranas ka naman ng ginhawa. Magtuloy ka lang sa buhay dahil ang mga pagsubok ay siya ring biyaya mula sa itaas. Huwag kang matakot harapin ang problema. Lucky days / nos. : Wed. / Fri. = 2 – 4 – 30 – 40 – 41 – 44 ARIES : Huwag mong iyakan ang pagkawala ng iyong minamahal. Babalik din siya sa iyo sa takdang panahon. At sa mangyayaring ito ay magiging iyo na siya habang buhay. Kaya kalimutan na ang pagluha. Lucky days / nos. : Thur. / Sat. = 9 – 14 – 28 – 29 – 30 – 40 TAURUS : Huwag kang maniwala sa mga sabisabi tungkol sa iyo. Manalig ka sa boses na bumubulong sa iyong loob at tanging ito ang pakinggan mo at makikita mo magiging maayos ang lahat. Lucky days / nos. : Fri. / Sun. = 1 – 3 – 36 – 39 – 40 – 44 GEMINI : Sa panahong akala mo ay wala kang kasama, dun mo makikita kung sino talaga ang totoo mong kaibigan na handang dumamay sa iyo at handang tumulong anuman ang iyong problemang kinahaharap. Lucky days / nos. : Wed. / Fri. = 5 – 18 – 20 – 35 – 38 – 41 CANCER : Matuto kang manalangin! Hindi lahat ay nadadaan sa sariling kakayahan. Huwag mong kalimutan na tao ka lang at may limitasyon ka. Hindi mo kayang lampasan ang lahat ng mag-isa. Humingi ka ng tulong sa Diyos. Lucky days / nos. : Tue. / Fri. = 13 – 25 – 27 – 28 – 30 – 35 LEO : Huwag kang maging kampante sa takbo ng iyong kapalaran. May mga problema ka pang kakaharapin. Ngayon pa lang ay kumilos ka na at agapan ang paparating na mga problema hanggat maaari. Lucky days / nos. : Thur. / Sat. = 15 – 18 – 19 – 22 – 36 – 39 VIRGO : Mayroong kaibigan na nangangailangan ng tulong. Maging sensitibo sa paligid mo. Pakiramdaman mo ang kaibigan mong ito at tulungan mo siya bago mahuli ang lahat. Lucky days / nos. : Mon. / Tue. = 14 – 17 – 26 – 33 – 39 – 42 LIBRA : Sa darating na bagong taon ay may matatanggap kang bagong swerte. Kung anuman ito ay ipagpasalamat mo sa Diyos dahil dininig Niya ang iyong panalangin. Lucky days / nos. : Wed. / Thur. = 2 – 16 – 11 – 19 – 38 – 42 SCORPIO : Pagtiisan mo lang ng kaunti ang paghihirap na iyong dinadanas. Marunong maawa ang langit at marunong magsukli ng kagandahang loob. Magpatuloy ka lang at huwag sumuko. Lucky days / nos. : Fri. / Sat. = 1 – 19 – 16 – 20 – 38 – 44 SAGITTARIUS : Huwag mangamba sa iyong pinaplano. Kung naiisip mo ito at napapangarap kaya mo din itong abutin sa realidad na buhay. Magkaroon ka lang ng tiwala hindi lang sa iyong sarili kundi higit sa Maykapal. Lucky days / nos. : Wed. / Sun. = 7 – 14 – 47 – 32 – 23 - 26
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
Estud yante ebentador a Estudy ante,, rre att sakla NATUTUTO na ang mga Caviteño sa karanasan. Madalang na ang mga nagpapaputok ngayong papalapit ang Bagong Taon. Dulot na rin marahil ng krisis. Bakit ka pa nga naman magsusunog ng pera para masiyahan gayong mas dapat unahin ang pangangailangan ng bituka? At gaano na ba karami ang nawalan ng daliri o mismong buhay dahil sa pagpapaputok? Epektibo ang kampanya ng DOH para unti-unting mabago ang kulturang nagtataboy daw sa masasamang espiritu pero nagdudulot naman ng kapahamakan sa tao at pagkasunog ng maraming bahay at ari-arian. Ilan na naman kayang sunog dahil sa mga paputok ang magaganap bago tuluyang itiklop ang kalendaryo ng taong 2009? Noong grade five pa ako, paborito kong paputok ang rebentador. Natatandaan kong kapag pumupunta ako sa aming kapihan na nasa pagitan ng bayan ng Amadeo at Bgy. Mahabang Kahoy-Balagbag sa Indang, ay nilalagyan ko ng rebentador na five star ang mga lungga ng hantik na pula. Susungkitin at gagalitin ko ang mga hantik tapos papuputukan ng five star na ang
mitsa ay nilalagyan ko ng papel para makalayo muna ako bago pumutok. Hanggang 2 nd year hayskul na ako ay ginagawa ko pa rin ang libangang iyon. Iniimadyin kong ang mga hantik na pula ay sundalong sumusugod sa kanilang kamatayan sa pagtatanggol sa kanilang payapang pamumuhay na ginugulo ng isang mapagsamantalang dayuhan sa katauhan ko. Ngunit kasabay nang unti-unting pagkamulat sa mga nagaganap sa lipunan ay itinigil ko ang “pang-aapi” sa mga hantik na pula at itingil jko na rin ang pagpapaputok ng rebentador. Sa halip na ubusin ko ang pera sa pagpapautok ay naisip kong gamitin ang aking kaunting pera sa mas makabuluhang paghahangad ng kaligayahan: ang pagsasakla. Naging laman ako ng mga lamayan sa buong nayon. Basta at may patay sa nayon, kamag-anak man o hindi ay tiyak na may saklaan. Animo haring espada akong present sa lahat ng saklaan. At ang buong buhay-hayskul ko hanggang sa kolehiyo ay nagkakulay dahil sa pagsasakla. Naging kaibigan ko ang sotang kopas at dalawang bastos
at ang kunsintidor kong nanay ay nagsabing mas mainam pa nga raw na magsakla ako kaysa manigarilyo, uminom ng alak o magdroga. Tulad ng nararamdaman kong saya kapag pinapuputukan ko ng five star ang mga hantik na pula sa aming kapihan, wala ring katumbas na kasiyahan ang aking nadarama habang nag-aabang sa dalawang pares ng barahang magmimilagrong gawing P90 ang aking P5. Nang maging guro na ako, saka pa lamang tuluyang lumaya ako sa gayuma ng pagsasakla. Imoral na makitang ang isang gurong tulad ko ay nagsusugal kung kaya iniwasan ko na ang pagsasakla. Pero sa loob ng klasrum, muling bumalik sa akin ang imahe ng rebentador. Ang tingin ko sa bawat estudyante ko ay isang rebentador. Noong nagtuturo ako sa grade five sa elementarya, sa unang araw ng pasukan sa buwan ng Enero ay lumilikha ako ng isang kunwa-kunwaring malaking rebentador na yari sa long envelope na nilagyan ng buhangin. Dadalhin ko ito sa klase at sisindihan pero dahil walang pulbura ay hindi naman puputok. Saka ko ipababasa sa klase ang tula kong ito: REBENTADOR Ang kislap ng apoy sa dulo ng mitsa Ay simula ng pagkilala sa iyong pag-iral At ang dagundong ng putok Ay pagpapahalaga sa pagkakalikha sa iyo. Datapuwat, ang katahimikan Sa kabila ng pagapoy ng iyong katawan Ay kabiguan sa tumangan ng ningas At pakikiisa sa malakas na hilik Ng mga malaon nang nahihimbing!
Para sa akin, bawat estudyanteng namumulat at natututo mula sa aking pagtuturo ay isang “rebentador”. Kung talagang epektibo ako sa pagtatanim ng nasyonalismo at paghuhubog ng kritikal na pag-iisip sa lahat nang aking mga naging estudyante, inaasahan kong bawat isa sa kanila ay “puputok” bilang mga mamamayang kikilos upang baguhin at likhain ang isang lipunang mapayapa, maunlad at makatarungan. Kung tulad ng rebentador na “mag-aapoy” lamang ang kanilang katawan at hindi makalilikha ng makabuluhang ingay sa lipunan, ituturing kong bigo ako bilang isa sa mga humawak ng kanilang “ningas”. Ang bawat naging esyudyante ko na hindi magiging tagapagtaguyod ng pagbabago ay tiyak na “makikiisa sa lamang sa malakas na hilik” ng mga walang pakialam sa lipunan. Ngayong abala na ang mga estudyante ko sa hayskul sa friendster, facebook, multiply at dota ay para na naman akong nagsasakla. Isa lamang sa bawat dalawampung estudyante ang interesadong magbasa ng Noli Me Tangere at mas kilala ng marami si Edward Cullen at Bella Swan ng “Twilight” kaysa
kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Mahirap ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagaaral ng panitikan sa pagunawa sa kasaysayan at kritikal na pagsusuri sa kalagayan ng lipunan. Gaya ng sakla, sa bawat dalawampung estudyante ko ay umaasa akong may dalawang pares ng mag-aaral na balang araw ay kikilos upang maging tagapagtaguyod ng interes ng mga manggagawa at magsasaka, magiging negosyanteng hindi magsasamatala sa kaniyang mga empleyado, magiging makata na kikilos sa pagpapayabong ng ating panitikan, magiging makabayang musikero o kaya naman ay magiging pulitiko na tunay na magsusulong ng interes ng sambayanan. Pag nagkaganun, para na rin akong tumama nang koto sa sakla at hiigit pa ang kasiyahang madarama ko kaysa sa nadama ko sa pagsabog ng five star sa mga hantik na pula. Saka pa lamang magkakaroon ng katuturan ang aking pagiging guro. Gunitain natin ang ika113 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong Disyembre 30, 2009! Nawa ay makamit natin ang isang payapa at ligtas na Bagong Taon!
9
SULONG-BAYAN Mula sa pahina 8 Hindi raw kumpleto ang pagdiriwang kung walang hamon, keso de bola, paputok, lusis, christmas lights, Christmas tree, estatwa ni Santa Claus at marami pang iba. Nagsimula nang maging materyal ang pagtingin sa banal na okasyong ito. Ang mga Pinoy ay nakiuso na at tuluyan nang ginaya ang ginagawang paggunita ng mga bansang kanluranin at imperyalista tuwing kapaskuhan, ng lumaon nga ay mas hinigitan pa ng Pilipinas ang mga ito sa usapin ng gastusin at tagal ng pagdiriwang sa kapaskuhan. Ang KOMERSYALISASYON ng Pasko na sanhi ng mga makapangyarihan, imperyalista at kapitalistang bansa tulad ng Estados Unidos at iba pa ang sumira at nagwasak sa dating payak o simpleng tradisyong kinamulatan na ng mga Pinoy sa paggunita ng kapaskuhan, higit pa rito ay tila tuluyan ng nakalimot ang iba sa atin sa tunay na esensiya at diwa nito. Isa-isip at isa-puso sana natin na ang Pasko ay hindi okasyon ng pagarbohan, pasikatan, pasiklaban, payabangan at paluhuan. Sapat nang alalahanin natin ang Dakilang Manunubos na si Hesus at gunitain ang Pasko sa simpleng paraan katulad ng kapayakan ng unang Pasko kung saan isinilang sa isang munting sabsaban ng mga hayop ang ating Panginoong HesuKristo. Purihin ang Panginoong Diyos... Aleluya... Amen! Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon po sa inyong lahat na tagasubaybay sa aking pitak na Sulong Bayan at sa aming dakilang pahayagang Responde Cavite. Sa susunod na taong 2010, tuloy pa rin ang ating laban para sa patuloy na paghahanap ng katotohanan, katarungan at katuwiran ng lahi at ng lipunang Pilipino hanggang sa makamit natin ang isang tunay na malaya, mapayapa at maunlad na Pilipinas na pinakikilos ng bagong gobyernong bayan na nakabatay sa pagiging makaDiyos, makatao, makakalikasan at makabayan. Na may sosyalistang perspektiba na siyang pundasyon ng tunay na pagbabago at pagkakapantay-pantay ng sambayanang Pilipino kung saan mawawakasan na ang pagsasamantala ng iilang naghaharing uri sa ating lipunan. Maraming salamat at mabuhay ang Pilipinas!!!
10
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
ILAN sa mga pantyon na binisita ay nagtataglay ng natatanging mga inskripasyon sa mga pananda. Pag-aari ng pamilya Deseo-Patriarca ang isa sa pinakamatandang museleo sa Heneral Trias, Kabite. Sa loob ng nasabing museleo makikita ang isang panandang marmol na may inskripsyong: CECILIA DESEO PATRIARCA i AY CECILIA! BAKIT ISINADLAK SA BALON NG LUNGKOT ANG AMA AT INA MONG INIIROG? 22 NG NOVIEMBRE, 1874. 29 NG JUNIO, 1902 Tunay na katangi-tangi ang nasabing pananda sapagkat nagsasaad ito ng labis na dalamhati ng mga kaanak ng naulila ni Cecilia. May pagkakahalintulad ito sa kultura ng paglalagay ng mga pananda sa Estados Unidos, dahil isa sa mga katangian ng mga pananda ang mga paghahatid ng damdamin ng kalungkutan sa pagkawala ng isang mahal sa buhay, habang kasabay ang pagtatangka na paliwanag at tanggapin ang pagkawala ng minamahal. Sa pantyon ng kilalang manunulat na si Pascual H. Poblete sa Sementeryo del Norte, Maynila, makikita naman sa ibabaw ng kanyang huling hantungan ang replica ng “The Thinker” na yari sa bato, isang kilalang obra ni Aguste Rodin, isang eskultor na Pranses. Samantalang sa pananda ni “Mars” Ravelo, ang kilalang may likha sa mga popular na karakter sa komiks at pelikula na sina Darna at Dyesebel, mababasa ang nakaukit na inskripsyon na nagsasaad ng kanyang kahusayan at katanyagan bilang isang malikhang nobelista. Mars Ravelo Hari ng Pilipino Komiks October 9, 1916 – September 12, 1988 Sa pananda ng kilalang makata na si Timoteo “Teo” Seneca Baylen makikita naman ang isang tula na kanyang isinulat ilang taon bago siya namatay. SA LAGUSANG ITO
MGA PANANDA (LAPIDA)
NASOK ANG MAKATA PATUNGO SA ISANG PASTULANG PAYAPA TEO S. BAYLEN JAN. 24, 1904 DEC. 5, 1990 Bukod sa kanyang pansariling tula gumawa rin siya ng isa para sa kanyang kabiyak na kinalalagyan naman sa ganitong inskripsyon: SA LAGUSANG ITO SI INA NAGDAAN PATUNGO SA ISANG PAYAPANG PASTULAN CIRIACA B. BAYLEN MAY 10, 1912 FEB. 22, 1998 Sa paglalagyan ng mga inskripsyon sa mga pananda, lumilitaw ang mga katangian at nagawa ng isang tao noong nabubuhay pa ito. Naayon ang mga nakalagay sa kanilang mga huling kagustuhan o habilin bago namatay. Maari rin namang ayon ito sa pagkakilala sa kanya ng mga taong malalapit sakanya. Ang mga inskripsyon ay personal at akma sa pagkatao ng yumao. Sa loob ng simbahan ng Maragondon, Kabite, sa parokya ng Nuestra Señora Dela Assuncion, may isang pananda na nagsasaad ng: LABING BUTO NILA G. RODERO ANTONI 13-31836. T 29-31891. G. ELISEA RILLO 14-6-1835. T 13-21903. G. CRISPIN ANTONI 6-1-1874. T 15-31897. BB. PILAR ANTONI 10-10-1892. T 3-71902. SUMALANGIT NAWA. Malinaw na mga kalansay nalamang ang mga nakalibing dito. Sa hindi kalayuan, may isang panada namang nagsasaad ng isang anunsyo na naglalaan para sa eksklusibong gamit na isang kilalang pamilya sa bayan ng Maragondon ng isang sulok ng simbahan: RESERVADO POR EL ARZOBISPADO DE MANILA EXCLUSIVAMANTE PARA LA FAMILIA SOMOZA 22MARZO 1920 Sa loob ng isang simbahan ng Parokya ni San
Gregorio Magno sa Indang, Cavite, may ilang pananda na tunay na makatawag pansin: MARIANO PENAFLORIDA FEBRERO 20, 1912 SAKSI NG SA INYO’Y DI PAGLIMOT NG NAMIMIGHATI NINYONG APO AT MGA ANAK Sa isang posteng nasabing simbahan makikita naman ang kakaibang simbolo na ginagamit sa petsa ng kapanganakan ni Don Severino delas Alas: SEVERINO DELAS ALAS A ENERO 8, 1851 O NOV. 4, 1918 Popular sa mga pananda ang paglalagay ng mga inskripsyon na katulad ng S.L.N. o sumalangit nawa, na ayon kay Prospero R. Covar, ang nawa sa Malayo Polynesia ay katulad ng nawa sa Tagalog na tumutukoy sa espitu o kaluluwa, ang R.I.P. ay Requiescat in Peace, at ang D.O.M ay Deo Optimo Maximo. Sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay I.N.C. ang nakalagay upang ipabatid na kasapi ng nasabing grupong pangrelihiyon ang nakahimlay sa pantyon. Isang pantyon naman sa lungsod ng Kabite ay may isang pananda na ang inskripsyon ay E.P.D. na ang ibig sabihin ay En Paz Descanse sa wikang Kastila, na katumbas ng Manahimik sa Kapayapaan, marahil ito ang popular na ginagamit sa mga pananda noong panahon ng Kastila. Isang pananda sa loob ng simbahan ng Indang ang may natatanging inskripsyon: M.N.S.K Bb. MARIA OCAMPO NG IKA DALAWAPO AT ISANG TAONG GANAP NG KANYANG GULANG AY TINAWAG NI P. BATHALA AT ISINALIBINGAN NG IKA 20 NG ENERO NG TAONG 1918 KAILAN MAY HINDI KA LINILIMOT NG NAGMAMAHAL MONG YNA AT MGA KAPATID GARCIA VELARDE CARRIEDO 343-347 Sa Naik, ang pananda ni Macario G. Peña, dating punongbayan ay ganito naman ang isinasaad: Here lies the remains of a man whose deeds As a Mayor for two decades, had engraved In the hearts of his fel-
lowmen The immortal memory of his name. As a man of steel in the face of danger Even his enemies had learned to respect him. He fought with dignity even on his wheelchair Due to 14 gunshot wounds caused by the assasins. As a champion of the weak, the poor, and the oppressed, He fiercely fought for his people’s rights. He was re-elected twice even if he was paralyzed. His popularity as Cavite’s fightengest “wheelchair mayor” shall remain alive In the memory of his constituents Due to his great and noble deeds. Nakahimlay ang magasawang Daniel Mata Tirona at Felisa Osorio de Tirona sa maranyang museleo ng pamilya Osorio-Tirona, na maihahalintulad ang arkitektura sa mga Intsik ng Lungsod ng Kabite na malapit sa may dagat. Mababasa sa loob ng musoleo ang ilang inskripsyon at sa may gilid ng pader sa bandang kaliwa nakasulat ang: Chichay…! Linisin mo kami Sa Boong Kapanglawan Purihin ang Poon…! Harinawang ang aming Mga panalanging Maging iyong Kaakbay Magpasawalanghanggan Ang iyong asawa Sa bandang kanang
pader naman: Bumabasa…! Sandaling humantong Kaawaan ng isang panalangin Ang lumalagak dito Sa Mapanglaw na Libingan “Chichay” ang palayaw ng kabiyak ni Daniel na si Felisa. Siya ang kapatid ni Francisco Osorio, isa sa Labintatlong Martir. Mas kilala naman sa kasaysayan si Daniel dahil sa pangyayari sa Kumbensyon ng Tejeros noong 1897. naunang yumao si Felisa at mapapansin na inihandog ng kanyang asawang si Daniel ang inskripsyon. Sa pantyon nina Juan Salcedo y Mayobre at Basilia Ganal de Salcedo, mga magulang ni Leopoldo Salcedo mababasa ang ganito: LENGUAJE DEL AMOR Lenguaje del amor Palabras Que Pueden Marcar En Alma Con Tormenta De Renuncia Articuladas Con Labios De Un Matiz Seductor Colores De Vida Que Vuelen Entre Coroazones Lenguaje Del Amor Envia Mi Alma Hacia La Luz Te Suplico… Tonos Españoles De Sueños Y Romances Derritiendo Los Ojos Con La Pasion En Sus Ojos Amante Que Exige Y Amante Que Cura. Lenguaje Del Amor
Canta Esta Melodia Que Acuna Mis Ansias Por Un Beso… Estas Palabras Despliegan Alas Por Si Mismas Palabras Que Acarcian Como Manos De Vino Y Oro Letras Que Deletrean Abrasos Tan Audaces Que Nunca Desvanesera La Fuerza Delos Deseos Ellas Me Sostienen En Mis Horas De AutoCompasion Me Precipitan A Mundos Que Nunca Antes He Conocido Estas Palabras Que Mis Antepasados Decian Con Dignidad Son Las Palabras Que Me Obsesion Infinitamente Flores Creceran Para La Causa De La Eternidad Rios Surgiran En u Tan Sabio Camino Montanas Se Plegeran Valles Suspiraran La belleza De La Naturaleza Nunca Morira Si Los Labios Deben Responder De Ja Que Los Sentimiento Vayan Por El Lenguaje Del Amor Es El Lenguaje De La Vida… Para Don Juan Salcedo &Alejandro Ruiz 31 de Enero, 1998 Eulogia Salcedo Roxas & Mariano Daniel Alvarez
DIS. 27, ‘09 - ENERO 02, 2010
Mahirap maging masaya
Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Ate Bebang, Gusto ng tatay ko na sumama ako sa kanya ngayong Pasko para mamasyal. Gusto ko talagang sumama kaya lang ‘yong nanay ko na siyang nagpalaki sa akin mula nang maghiwalay silang dalawa, parang galit sa tatay ko. Kahit kailan, hindi niya sinabi sa akin na huwag akong sumama sa tatay ko pero nararamdaman kong malulungkot siya
kapag sumama nga ako. E, gusto ko lang namang magsaya. Medyo kuripot kasi ang nanay ko. Samantalang ang tatay ko, me pagkagalante. Kaya sigurado akong ano man ang ipabibili ko sa kanya, masusunod. Lalo na ngayon. Kasi Pasko, ‘no? EJ ng Lantic, Carmona, Cavite Mahal kong EJ, Lahat tayo, gustong magsaya dahil krismas. Pero nuknukan ng hirap magsaya kung alam mong may taong malungkot dahil sa iyong ginawa. Ngayon, kung ayaw mong malungkot ang nanay mo, huwag ka na munang sumama sa tatay mo ngayong Pasko. Baka puwedeng sa ibang araw na lang kayo mamasyal. Kasi mayroon namang 364 na araw na pu-
wede ninyong pagpilian. Bakit naman ngayong Pasko pa? Kung nais mo namang malaman kung galit nga ang nanay mo sa tatay mo, tanungin mo ang nanay mo. Magsasabi iyan nang totoo. Tanungin mo na rin kung bakit siya galit nang sa ganon ay maunawaan mo kung saan nanggagaling ang paraan ng pakikitungo niya sa iyong tatay. Kung hindi man siya magsabi nang totoo, malalaman mo pa rin ang tunay na sagot mula sa kanyang sagot at sa paraan ng pagsagot. Tungkol naman sa pagiging kuripot at galante ng nanay at tatay mo, mas mainam kung isasaalang-alang mo ang sitwasyon nilang dalawa. Kung ang nanay mo ang mag-isang kumakayod para mapakain, madamitan at mapag-aral ka, karapatan niya ang mag-
tipid (na madalas ay pinararatangan nating pagkakuripot). Kung ang tatay mo ay wala namang ibang pinagkakagastusan kundi ang bago niyang girlfriend, koleksiyon ng maong na pantalon at botebote ng pabango sa Bench, aba’y dapat lang siyang magpakagalante kapag kasama ka. Anak ka lang naman niya, hello? Dapat ang spelling ng pangalan mo para sa iyong tatay ay R-E-S-P-ON-S-A-B-I-L-I-D-A-D. Pasensiya na, nakaka-relate kasi ako kaya masyadong masungit ang aking payo. O, siya, para sa inyong mag-ina: maligayang pasko. Cheers! Dapat talaga meri ang krismas, Ate Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com
Noong ako’y bata na di pa ganito ang taglay kong gulang Noon ang diwa ko’y mumula-mulala sa Sandaigdigan, Akala ko noon ikaw’y isang tao na pangkaraniwan, Ngunit ng lumaki at ako’y sumapit sa ganitong buhay At aking mabasa ay ang among tulang busog sa parangal, Ang akalang yao’y biglaang kumupas ang aking isipan. Ang dakilang aklat na bunga ng iyong banal na panitik Ay humanga ako nang magkaroon at aking malirip Ang kahalagahan ng mga lagda mong batbat ng pag-ibig; Ako’y napalugmok nang di kinukusa’t tumakas ang isip, Subalit sa wakas ay aking natayang walang kahulilip, Na ang panulat mo’y dapat ngang Dyusin sa silong ng langit. Ako’y humanga ng lubusan sa pagkadakila Ng iyong isipang aking tinatawag na sulo at tala, Na dulot sa iyo noong kung tunay na may isang Bathala, Rizal! Ay tangi ka’t ang katangiang mo ay hindi pangmadla Na kagya’t kitain sa alin mang sulok na dako ng lupa, Sumapit o hindi ang taning na araw na iyong hiwaga. Katunayan nito, sa iyong panulat ay ikaw’y natangi Ikaw’y napaglirip na isang makata na kahilihili, Ikaw’y napabantog na isang bayani sa lahta ng lipi, Ikaw’y napagtanyag noong unang dako’y isang maka-pari Ay di nararapat na dito sa ating baya’y mamalagi. Sa pagiging guro ng iyong panulat sa giliw tang bayan Ikaw ay lagi ng itinutulad ko kina; Ernesto Bark, Salluts, Levy, Tolstoy, Kropotkin, Rosette, Pi Margall, Milton, Bakunine, Reclus, at Kausky na nagsiparangal na ang mga tao sa balat ng lupa’y dapat magmahalan, Na maging sino ma’y hindi nararapat na magsahalimaw. Ikaw nga’y makata na kinikilala sa taos sa hagap Na umaawit-awit ng mga kundimang patnubay ng palad, Ikaw’y isang Dante, Tennyson, Virgiliong kanpangapanga-
GREETINGS*GREETINGS*GREETINGS Pagbati sa ikasiyam na taong anibersaryo ng kasal nina Joel C. Malabanan at Carlie R. Malabanan ngayong Ika-30 ng Disyembre, 2009. Kasama sa larawan ang anak nilang si Rajah. Isang mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! Lalung-lalo na sa mga kababaihan at kabataan dito sa Lungsod ng Cavite. Nawa’y maging mapayapa at maging masaya sa ating lahat ang Bagong Taon. PO2 Michelle S. Pillega Women and Children Protection Desk / Police Community Relation PNCO *** Binabati ko ang Cavite Police Provincial Office sa pamumuno ni PSupt. Alfred Sotto Corpus ng Mapayapang Pasko at Masaganang 2010. Binabati ko din ang Cavite City Government sa pamumuno
ni Mayor Totie Paredes, Vice Mayor Omee Ramos at buong Konseho na aking hiling sa Panginoon na bigyan ng magandang kalusugan. Pagbati mula sa Cavite Police Station sa pamumuno ni P/Supt. Simnar S. Gran, Chief of Police at P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera, Deputy Chief of Police. *** Happy Birthday to MS. RONETTE DEL ROSARIO of Brgy. Poblacion 1 and to Mr. Damaso Mortonito of Brgy. Bancod, Indang Greetings coming from Rex del Rosario
Lorenzo B. Paredes
Isa kang Baltazar na naging dawitin sa mga pagsulat, (rap, Isa kang Cevantes, Sophocles, Shakespeare na nagsipamalas Nang di karaniwan na pagka-makata sa sangmaliwanag. Parangal sa ika-labingwalong pagkakitil sa buhay ng atng bayaning si Gat Jose Rizal, na inilaan ang buhay upang sumilang ang unang liwanag sa kanyang bayan. ANG PANULAT MO RIZAL
11
Kristong taga-akay sa mga nadidimlan na puso at diwa, Bitwin sa hapon na nagpapatunay ng buong tiwala Na ang isang bayan na nagpupunyagi na maging malaya’y Kinakailangang gamitin ang kanyang kinagisnan wika At hindi ang hiram na nangangaliping dito’y nagpapasasa At nagbubusabos sa irog ang bayan na lumuluha. Mga adhika mo na binubukalan sa tuwi-tuwina Ng ganitong isipan at mga layunin putos ng pag-asa; Tungkulin ng lahat na bago gumamit, humiram sa iba Ay dapat unahing ilagay sa ayos ang sariling kanya, Sapagkat naroon ang diwa na kanyang bayang labis ng halaga’t Kaluluwang lahing may sinimpang hangad sa pagka-bihasa. Hiwagang taglayin ng aklat mong Noli sa nagbigay loob Upang di tumigil at sumulong pa rin hanggang di umabot Sa lupang tadhanang pinamuhunanan ng buhay at pagod, At doo’y iwindang tinikalang tali sa pagkayupayop; Tuloy nakilalang kapag ang mahina’y paminsang kumilos Ay buhawi’t lintik at bulkang pangwasak sa buong sinukob. Mga bagong sibol sa bundok silangan na iyong pangarap Sa ikabubunyi ng lupa’t lipi mong lagi ng sa hirap, Gayong kapalarang inalagata mo sa mga pagsulat Na nagagpakilos sa tulong na isip at budhing banayad, Ang bisig na kimi at ulong payuko’y natutong umunat Sa Diyusdiyusan, mga damong nagtapon na dito’y nagkalat. Ang magpakaduwag kung na sa matuwid laking kadungan Na hanggang sa langit at dako pa roo’y dapat na iwasan, Dapat unawaing ang lahat ay pantay kung sa katarungan, Dilaw man at puti, kayumanggi’t itim ay iisa ang bilang Banal na tungkulin ng mga linikha ang ipagsanggalang Ang kanyang karapatan sa alin ma’t sinong masibang dayuhan. Ang budhing maamo’t tuwi’y pangtalima ng mga kapatid Na iyong inakay ng di mamalaging tuwina’y halukipkip; Sa ngayo’y mukahaan sa alin ma’t sino’y ipinababatid Na siya’y may bayan at lupang sariling pinakaiibig; Sa alin mang bansa na naglalakiha’y ipinasisilip, Na ang habilin mong paglaya sa tao ay di mapapakanit. Ang bangis ng punglong kumitil sa iyong mahalagang buhay
Ay lubos na dakila na sa tinubuan mo’y kusang inialay Na sinamantala ng kabig ni kain na ating kaaway Sa paninibulos na ang pagyao ma’y kanilang tagumpay, Subali’t ang gayong mga panukala ay kagyat namatay, Sa lusak ng lagim na pagkakasadlak at pagkahandusay. Sa piling ng iyong himlayang bauna’y hindi nga lungkot Kandila’t dalangin at mga pagluha ang dapat ihandog, Kundi ang pagtupad sa iyong habili’t lubusang pagsunod Na pamuhunanan ng sikap, tiyaga’t katiningang loob Tulo’y panumpan na talatinigan ang mga balakiyot, Pakapiliting malipol, mawala ang ngalang pag-ayop.
Kung sa libingan mo ikaw ay payapa sa pagkakaburol, Manalig ka namang ang mga aral mo’y bagkus sumisibol At nananariwasa sa pinaghasikan ng walang linggatong: At kaming naiwan sa iyong sanghaya ay sumasaililong Sa iyong pagkapanaw sa balat ng lupa ng hindi panaho’y Ala-alang ginto na taos puso ang aming pabaon. Kung sa pangalan mo at kadakilaan sa iba’y natapos Asahan mo namang kahit babahagya’t hindi pumapasok Sa aming gunitang ikaw na Bayani’t Diyos ng Tagalog Ay pagpahamakang iwaglit sa malay, iwala sa loob; Paanong di gayo’y ikaw ang kumalag, ikaw ang lumagot Sa taling matibay, na sa ating Bayan ay nakagapos. Mangyaring di gayo’y mulang sumilang ka sa mundong ibabaw Baya’y nagkaroon ng isang haligi at kutang matibay Ang mga mithi mo mula pagkabata’y mga mithing banal Ang mga aral mo ay lubhang dakila’t kapitapitagan; Bawat adhika mo’y pawang nasasalig, pawang nababatay Sa tapat na nasang maging maligaya ng kinamulatan. Sa wakas ay lalong di dapat limutin ang iyong panitik Na naging timbulan ng mga kalahi sa gitna ng sakit, Ang kinatakutan ng mga Praileng laging nag-iisip Ng mga paraang ikapagwawagi ng kanilang nais; Ang siyang nagbangon sa irog taong-bayan busabos ng hapis At siyang nagiba ng sangkahariang bayan ni Malupit. Tuloy nagpupugay sa iyong panulat na kahanga-hanga, Na wari’y bitwin samay himpapawid na nagbabalita Na diyan sa langit na tinatahanan ng ating Bathala Ay walang malakas na nangangapi sa mga mahina Na katulad dining madalas magwagi ang panggagahasa Ng mga makamkam sa di nila aring YAMAN NG KAWAWA.
Letter to the Editor Dear Responde Cavite, Marami pong nasaktan na mamamahayag sa inilabas nyong artikulo noong Dis. 13-19, 2009 (isyu 15) tungkol po sa pagsita nyo sa ilang kupal (ito po ang ginamit nyong salita) na tauhan sa opisina ni Mayor Ferrer at sinabi nyo po doon na hindi kayo tumatanghod sa anumang munisipyo at kapitolyo, hindi rin kayo naka-payola. Isa na po ako doon sa nasagasan. Maliit lang po ang kita naming mga mamamahayag. Kaya, kung pumipila man po kami sa munisipyo ay dahil may isinulat kami sa isang politiko. Dagdag kita na po namin ‘yun. Sige po, kung ACDC (attack and collect, defend and collected) o envelopmental journalism ang itawag nyo dito, pero ito na po ang kalakaran. Lahat naman po yata, ginagawa ito. Yung mga politiko nga po nakikisama sa mga tulad natin, bakit po inihihiwalay nyo ang sarili nyo? Kung ayaw nyo pong pumila o tumanggap, okay lang po. Pero sana, wag nyo na po kaming sitahin. Salamat po at Godbless. Salamat po, J.C.D via e-mail. Dear JCD, Maraming salamat sa iyong sulat. Hindi porket ginagawa na ng karamihan ay tama na. Ang mali ba, kapag lagi nang ginagawa at marami nang gumagawa ay nagiging tama na? Halimbawa, halos lahat ng pulis ay nangongotong, ibig sabihin ba noon ay kunsintihin na lang natin ang pangongotong? Wag na lang pansinin? Wag na lang itama? Porket ba uso ang ACDC at envelopmental journalism, ibig sabihin noon, tama na rin? Hindi ba’t tayong mga mamamahayag ang tagapagbantay ng tama at katarungan? Sita tayo nang sita sa korapsyon pero sa lebel natin, hindi natin mabura. Sigaw tayo ng sigaw ng katarungan tungkol sa Maguindanao massacre at bigyang dignidad ang propesyon ng pamamahayag, pero ayaw natin bigyang katarungan at dignidad ang ating trabaho. Ito po ang sinabi ni GOV. AYONG MALIKSI noong minsang interbyuhin namin sya at nagtakang hindi kami naniningil kahit singko… “Yung ibang press dito, mas malalaki pa ang ID sa mukha, laging nakapila, laging nakahingi, pag di mo binigyan, babanatan ka. Sana, bigyan halaga at dignidad ang trabaho ng pamamahayag.” Amen! Salamat uli, Responde Cavite p.s. Ang mga politiko (sa pamamagitan ng kanilang PIO/secretary) na takot o ‘nakikisama’ sa hao siao na dyaryo at dyarista, siguradong sya mismo ay hao siao din.
GOOD MORNING TEACHER Mula sa pahina 4 Sana, Ngayong Pasko… tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga biyaya. Magpasalamat tayo na hanggang ngayon ay buhay at maayos ang katapusan natin. May mga kaibigang napupuntahan at tumutulong sa atin. May
trabahong magbibigay ng karagdagang kaalaman at kaginhawaan. At may pamilyang masasandalan. Ganyan lang naman ang buhay – simple, masaya, tahimik at pasulong. Huwag na nating sayangin ang mga pagkakataon. Ituloy na natin ang pag-andar ng ating biyahe patungo sa maunlad na 2010. Sama-sama nating harapin ang magandang kinabukasan nakalaan
ALFONSO MAYOR PINABABA
ALFONSO, CAVITE – Dahil sa hindi matanggap na apela laban kay Mayor Peñano at tuluyan ng pinabababa sa pwesto upang lisanin na ang kanyang tanggapan ay nagkaroon ng magandang pagbabatuhan ng masasamang salita galling sa magkabilang panig. Sumiklab ang tensyon kamakailan nang harangin ng mga suporters ni Alfonso Mayor Jose Peñano ang mga miyembro ng Cavite Police Provincial Office(CPPO) at Department of Interior and
Readers’ Corner Good day po Responde Cavite. Bakit po patuloy pa rin ang videokarera at fruitgames sa Kawit ni Alvin? Totoo po bang hindi ito alam ni Mayor Tik Agunaldo at ni P/Insp. Malumay? Kap. X via text 09189236… Mga idol, pakikalampag naman po ang Munisipyo ng Bacoor sa naglipanang “babaeng hamog” sa pagbaba ng tulay ng Binakayan sa kanto ng Mabolo, mukhang tuod po ang mga barangay tanod at pulis. Nakikita pero hindi sinisita. Eh, kilalang-kilala na naman po ang lugar na ito na pick-up area para kumuha ng babae. Pretty Boy Kevs via email
Local Government (DILG) dala ang desisyon ng Supreme Court na nagpapababa sa alkalde sa bayang ito. Ang order ng Supreme Court ay batay sa apela ni dating Alfonso Mayor Ver Varias na siya ang nanalong alkalde at hindi si Peñano noong nakaraang 2007 eleksyon, Si Varias at Peñano ang magkatunggali sa
pagka-alkalde ng Alfonso noong 2007 eleksyon.Si Varias ang iprinoklama ng comelec na nanalo sa pagka-alkalde ng Alfonso. Naghain ng petition sa comelec si Peñano at napatalsik sa kanyang pwesto bilang alkalde ng Alfonso si Varias. Umapela naman si Varias sa korte suprema at kinatigan nito ang rek-
PAN AWAGAN ANA CNHS Batch ‘90 GET TOGETHER PARTY Sunday, Dec. 27, 2009 7:00 pm Patio Encarnacion, Samonte Park, Cavite City
Sa, Pantihan I, Ternate, usong uso po ang fruitgame. Isang pulis po ang may ari. Naku po, wala pong sinasanto raw ang pulis na ito. Pakicheck po. Nonoy R. via text
para sa atin. *** Sana, Ngayong Pasko… gawin at isakatuparan na ang tunay na pagbabago sa ating buhay. Minsan lamang ang pagdating ng isa pang pagkakataon. Paka-ingatan at sunggaban agad. Maaring hindi na ito bumalik kung kaya’t husayan at gawing maayos ang lahat ng bagay. Panatilihin natin ang mabuting pag-uugali at kagandahang-asal. Mag-
pakatotoo tayo at maging magalang. Dapat masayahin at puno ng pag-asa sa bawat pagkilos. Maging panatag sapagkat ang katahimikan ng puso at isip ay magbibigay ng tunay na diwa ng kapaskuhan. Kaya nga isinilang ng Panginoong Hesus at nagkatawang tao dahil Siya ang magandang halimbawa ng pag-ibig. Sana, huwag nating kalimutan na ang Diyos ay pg-ibig; at ang pag-ibig ay
Diyos. *** Mga suki! Binabati ko po kayong lahat ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon. Sana, isang bagong tao; isang nilikha na tunay na Kalarawan ni Hesus; isang larawan ng Umagang Kay Ganda at Bagong Pag-asa ang mapapasa atin ngayong Pasko. Pagpalain Nawa Tayong lahat ng Poong Maykapal!
lamo ni Varias hanggang mag-isyu ang korte suprema ng final and executory kaugnay sa reklamong inihain ni Varias. Kasama ni Varias si Cavite Gov. Ayong S. Maliksi na sumugod sa tanggapan ng alkalde para ihain ang desisyon ng korte suprema na siya at hindi si Peñano ang nanalong alkalde sa bayang ito.
SISID Mula sa pahina 4
NAGLIPANANG IMPROSTOR Marami ang nagsasabi na sila daw ang daan para sa tunay na pagbabago ng ating bayan. Sila daw ang kailangan natin kaya’t kailangan natin silang suportahan sa kanilang adhikain sa darating na eleksyon. Kahit na nga may dungis sa kanilang mga pagmumukha ay taasnoo pa ring makikipagkamay sa tao. Isinumpa na ng sariling kamag-anak dahil matapos na manalo ay hindi na nakita ang pagmumukha ng mamang ito, tapos ngayon pilit na isinisiksik ang kanyang sarili sa isang posisyong hindi naman karapat-dapat. Siya ay katukayo ng dating presidente Ramos. Konsehal na sa pangalawang pagkakataon ay posibleng mamalimos ng boto dahil sa umalingasaw na tunay na pagkatao nito. Its miracle…no father its “goat” saver, dahil sa nagkalat niyang mga kambingan sa hacienda.Mayor na gusto raw na maglingkod sa isang bayan sa upland na hindi man lamang yata humingi ng payo sa mga amigo niya sa casino kung papayagan sila nito na matapos na magsugal sa casino ay inubos ang pera ng kaban ng bayan. Ngayon pati lupa ng lolo isinanla pa, your show – my show, its showtime! Marami pang impostor tayong hindi nababangit, pero lahat sila ating iisa-isahin. Ika nga, hinay-hinay lang!