Responde Cavite Isyu 18

Page 1


2

ENERO 03 - 09, 2010

HOY NIGISING PINOY! SHELLA SALUD

HABANG tumatagal at lumilipas ang panahon, lalong lumalala ang kalagayan ng ating bansa, lalo tayong naghihirap. At kahit na may tinatawag tayong gobyerno dito sa bansa natin, maging sila rin naman ay walang magawa. Ano nga kaya ang priyoridad nila? Hindi kailangan naming taong-bayan ang mga pangako. Ang kailangan naming ay kilos at gawa. Ano nga kayang pinagkakaabalahan nila? Idadahilan ba nila na gumagawa sila ng paraan o hindi talaga nila kayang solusyunan ang problema ng nasasakupan nila? E bakit noong huling eleksyon ipinangako nilang may solusyon sila dito? Kabi-kabila pa nga ang pagpromote nila sa sarili nila di ba? Ginawa nila yun para makuha ang boto mo. At ngayon na nakuha na nila at magtatapos na nga sila ng termino, nasaan na ang mga pangako? Aling problema ng bansa ang nasolusyunan nila? Nandiyan pa rin ang kahirapan, kawalng trabaho ng maraming Pilipino, problema sa edukasyon, ilan lang yan at napakarami pang iba, ngunit ito ang mga pangunahing problema ng ating bayan hindi ba? Tinatawag ko ang atensyon niyo! Hindi ng Gobyerno, kundi nyong mga Pilipino, lalo na tayong mga kabataan at lalong lalo na kung ikaw ay Caviteño. Oo pati ang sarili ko’y ginigising ko. Wala naman sa atin ang problema, nasa kanila talaga. Pero hindi ibig sabihin nun e, wala tayong kasalanan at hindi tayo pwedeng sisihin. Kasi pwedeng-pwede! Sa ilang buwan na

natitira, may mapapatunayan pa kaya ang gobyerno? Pero at least may ilang buwan pa sila para may mapatunayan (yun ay kung meron nga silang mapapatunayan). At ilang buwan na rin lang ang natitira e magkakautuan nanaman tayo. Mauulit lang ba ang nagyari dati? Pare-parehong pangako na naman ang naririnig natin na nagamit na nung iba noong nakaraang kampanya. History repeat itself na lang ba tayo ha? Sana sa mga nagsisitakbo ngayong eleksyong May 2010, lalo na pagkapangulo ay normal na tao, yung tipong hindi bingi, bulag, pipi at pilay, para buong-buo ang pagkatao nilang harapin din ang problema ng bansa. Hindi yung puro taong bayan nalang ang laging humaharap sa mga problemang ito, di ba totoong taong-bayan lang naman ang nakakaranas ng problema ng bansa. Ayon nga kanta ni Gloc 9, natutulog ba sa ilalim ng butas na bubong ang mga opisyal ng gobyerno? Napapagkasya ba nila ang P50 sa loob ng isang araw? O pinagaaral ba nila ang kanilang mga anak sa eskwelahan na pinagkakasya ang mahigit 60 na estudyante sa isang maliit na klasrum? Sana hindi lang sila marunong humarap sa mga problemang ito ngunit marunong din gumawa ng sulusyon. Pero ang tanong, meron nga kayang tatakbo sa eleksyon na normal? O maghihintay nalang talaga tayo kay Darna at alien? Hindi ko nilalahat ang paratang na ito sa lahat ng namumuno, dahil meron naman talagang mga naging kapaki-paki-

GET WELL SOON

FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY

nabang sa kanilang pinamumunuan at talagang gumawa ng pagbabago, pero kung tinamaan, hindi ko na iyon kasalanan… sana lang ‘wag nila akong ipa-salvage. Kay dami na ng mamamahayag ang namatay at nawawala dahil sa pagsusulat nila ng katotohanan. Huwag sana muna akong idamay, hindi pa ko ganap na mamamahayag. At sa lahat ng Pilipino diyan, lalo na sa ating kabataan na mararanasan ang unang pagboto, meron pa tayong ilang BUWAN NA NATITIRA PARA PAG-ISIPAN KUNG SINO ANG ATING IBOBOTO. Kasi kung palpak ang mga iboboto natin, tayo ang may kasalanan, nagpa-uto kasi e. At para sa aking huling talata, lilinawin ko lang na hindi ako nagmamagaling, dahil hindi naman talaga ako magaling. Kung magaling ako, ako na ang tumakbong presidente ng ating bansa. At para sa mga nagsasabing magaling lang ang mga katulad ko na mangutya ng gobyerno, TAMA KAYO! Pero kumumutya kami dahil may kakutya-kutya. Oo walang perpekto… wala dahil walang sumusubok maging perpekto. Pero ano ba naman na gumawa ng konting effort para makamit ng paunti-unti ito, hindi man ganap na perpekto at least mayroong development na nagaganap.


ENERO 03 - 09, 2010

GM Wesley So, magbabalik sa Top 100 list ng FIDE

3

NI SHELLA SALUD

PATULOY na nagpapakitang gilas si Wesley So ng Bacoor, Cavite sa world chess board. Inaasahang muling magbabalik ang 16-taong gulang na si So sa Top 100 list ng World Chess Federation or FIDE matapos ipaalam ng pederasyon nitong nakaraang Sabado (December 27) na malapit na nilang ilabas ang bagong rating ng batang GM. Matapos matalo ni So sina World No.12 GM (Grand Master) Vassily Ivanchuk ng Ukraine sa round 2 at World Chess Cup GM ng nakaraang taon na si Gata Kamsky ng U.S sa round 3 ay nagkamit si So ng 15.8 na puntos. Sa kasalukuyan ay nasa ELO rating si So na 2640 matapos matalo ng dalawang puntos noong nakaraang Setyembre at apat na puntos noong nakaraang Nobiembre mula sa pagkakaroon ng 2646 noong Hulyo. Sa Enero 15 hanggang 31 ay imbitado si So na lumahok sa ika-72

Corus chess tournament na gaganapin sa Wijk Aan Zee, North Sea resort sa Netherlands. Ayon kay Boy Pestano, chess columnist, may tatlong division ang Corus chess (A, B at C). dagdag pa niya, ang maimbitahan sa Corus tournament ay halos katumbas na rin na pagkaimbitado sa White

House. Sa ngayon ay sinusuportahan si So nina NCFP president Prospero “Butch” Pichay Jr. at Filway Marketings Inc. CEO/ President Hector “Chito” Tagaysay sa kanyang lokal at internasyunal na mga laban. Ang isang GM na mayroong Elo rating na

Bangkay natagpuan sa sariling bahay SILANG, CAVITE – Sunog na bangkay ng babaeng 75-anyos na physician ang natagpuan sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa nasabing bayan kamakailan. Ayon sa ulat ni Superintendent Alfred Corpus, Cavite police director, kinilala ang bangkay na si Doctor Engracia dela Cruz, kung saan natagpuan ito sa sariling bahay sa Barangay (village) 4 dakong 7:30 ng umaga

nitong nakaraang Miyerkules (Disyembre 29). Sa ngayon ay hindi pa tiyak ang tunay na dahilan at motibo sa likod ng

ROSARIO, CAVITE – Apat na katao ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pamamaril di umano sa kanila ng isang may-ari ng panaderya sa nasa-

Asia Source 3 Conference

gal ng limang araw. Binubuo ng non-governmental organizations, small businesses, youth networks, and technology entrepreneurs ang Asia Source 3. Binigyan diin din sa conference ang mga teknolohiya na maaring makatulong ng lubos sa paglago hindi lang sa ekonomiya pati na din sa social context ng mga bansa. Ito ang pangatlong conference na isinagawa sa Asya sa pangunguna ng International Open

GM WESLEY SO

pagkamatay ni dela Cruz. Ayon kay Superintendent Danilo Buentipo, Hepe ng pulisya ng Silang, hinihintay pa nila ang opisyal na resulta ng otopsiya sa bangkay upang malaman ang mga posibilidad na kadahilan ng pagkamatay ng doktor. SID SAMANIEGO

Apat na namamasko kritikal sa pang-uumit ng tinapay

Asia Source 3 Conference sa Silang

SILANG, CAVITE – humigi’t kumulang 150 na kinatawan mula iba’t ibang lugar sa Asya ang nagtipun-tipon sa Asia Source 3 Source conference na ginanap sa Yen Center sa nasabing bayan kamakailan. Ang isinagawang conference ay tumalakay sa open-source industry at kung paano ito lubusang makakatulong sa isang kuminidad. Ngunit di tulad ng ibang conference, ang isang ito ay idinaan sa camp na tuma-

2500 pataas ay kinikilala bilang “International Grandmaster” at ang Elo rating naman na 2600 pataas ay isang “Super Grandmaster” na kagaya ni So. Samantalang ang Elo rating naman na 2700 pataas ay isa ng “Super Grandmaster”, na ninanais naman makamit ng batang GM na ipinagmamalaki nating mga kapwa niya Caviteño.

Source Network (IOSN) at Inwent-Capacity Building International ng bansang Germany. Ilan sa mga bansang naunang pagdausan ng conference ay sa India (2005) at Indonesia (2007). Ilan naman sa mga bansang dumalo sa nasabing conference sa Silang ay Bangladesh, Burma, Cambodia, China, India, Indonesia, Kyrgyzstan, Laos, Mongolia, Pakistan, Sri Lanka, Thailand, Timor Leste, at Vietnam. WILLY GENERAGA

bing lugar kamakailan. Ayon sa impormasyon ni Superintendent Alfred Corpus, Cavite police director, ang apat na biktima na sina Jolas Benedicto, Jonnel Dollete, Benjamin Jolasca at ang isa nilang kasama na 12anyos ay kumakanta ng Christmas carols sa panaderya na pag-aari ni Edwin D. Rosales, 30 anyos, sa Barangay Wawa dakong 8:15 ng gabi, nang magnakaw ang isa sa kanila ng ilang pirasong tinapay. Kaya naman pinagbabaril ni Rosales, na noong

mga oras na iyon ay nakainom ng alak, ang mga biktima. Agad namang isinugod ang mga biktima sa Philippine General Hospital (PGH) na nagtamo

ng ilang tama ng bala. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng pulisya si Rosales na agad na tumakas matapos ang pangyayari. WILLY GENERAGA


4

ENERO 03 - 09, 2010

MAGSIMULA KA! (Habang May Buhay May Pag-asa) SIMULA na ng biyahe patungong 2010. Sabay-sabay at sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon. Baon natin ang mga positibong adhikain at gawain para sa bagong pag-asa at magandang bukas na darating. Di natin tiyak ang mga pangyayaring magaganap sa ating buhay. Lalong di natin dapat pangunahan ang Poong Maykapal sa mga nais nating mangyari talaga sa ating buhay. At higit, di natin masasabi ang mga kaganapan kung magiging ano at sino ka sa byaheng 2010. Ang tanging alam natin ay gawin ang marapat at matuwid. Tama na ang pagiging tama at pala-asa sa iba. Tigilan na ang pagiging “mediocre”. Wika nga “Do your best shot” sa bawat pagkilos. Tapusin na ang isip talangka; inggit at galit sa puso. Sa halip manatili sa atin ang pagtitiyaga, sipag at daterminasyong tumaas ang antas ng ating pamumuhay. Mga suking mambabasa, di pa huli ang biyahe natin. Kaya pa natin ‘to. Pwedeng-pwede pang humabol. Magsimula ka! Ngayon na! *** Sa anumang pagsubok na dumating at darating pa sa ating buhay, dapat lagi tayong handa at maging matatag sa mga hamong ito. Nararapat na kumilos ayon sa kagustuhan ng Diyos at di sa ating mga naisin na baluktot at wala sa katwiran. Minsan lamang ang pagkakataong tungo sa pagsulong at tagumpay. Kapag ito’y sumaatin, huwag na nating pakawalan pa. hawakan na ng buong higpit at tuluytuloy nating tupdin ang magandang kapalaran. Sumayaw, sumunod sa indak ng buhay. Kung ano ang musika, siyang galaw. Go, mga kapatid! Magsimula ka! *** Kung dumating na sa ating buhay na bumagsak at sadsad talaga. Ano ba ang nagawa mo? Bumangon ka ba? O tuluyan mong pinabayaan ito? SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter rex del rosario

nadia dela cruz

6, 7 district coordinator 3, 4, 5 district coordinator

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Crispin, Basilio… Nasaan na Kayo? A wise man proportions his belief to the evidence (Itinutugma ng matalinong tao ang kanyang paniniwala sa katibayan). — David Hume Maraming botanteng Caviteño ang sisinghapsinghap nitong nakaraang Pasko’t Bagong Taon. Dahil maraming iniidolo nilang politiko ang nakipag-Taguan-Pung sa kanila. Ang bilin (o script) ng mga tauhan, “Ay, sorry po, nag-abroad/out of town po ang amo ko kasama ng kanyang pamilya.” Oo nga naman. May katwiran. Dahil Holidays, ito na ang pinakalihitimong panahon para magtago este magbakasyon kasama ng kanyang pinakamahahal na pamilya (pero noong nangangampanya sila, lagi nilang sinasabi na “Bayan Muna, Bago ang Sarili). Kasalan kasi nating mga botante na maghalal ng mga big time na politiko na ang tingin natin ay isang malaking malaking palabigasan. Kasalanan din kasi ng nga politiko, sinanay nila ang mga botante na paasahin ang mga tao at bigyan ng unti-unti sa halip na ibigay ang mga bagay na para talaga sa kanila. Pero isip-isipin din natin, ang daming nakaupo at uupong mga lider sa Cavite na hindi talaga nakatira sa lugar na kanilang pinaglilingkuran. Ang iba ay may mga condominium sa Makati, may mansion sa AyalaAlabang, may unit sa the Fort. Parang mahirap paniwalaan na mapaglilingkuran tayo nang husto ng mga inihalal nating mga lider kung sila mismo ay ayaw manatili sa ating lugar. Kaso yung mga lider na nakakasalubong natin sa araw-araw, mga katabing bahay lang natin, kalapit-

lugar, may magandang reputasyon at pangalang iniingatan, nagiging lider ng kanyang hanay at kapwa nya maralita… hindi nahahalal. Kasi walang pera. Kung naniniwala tayo na ang paglilingkod sa bayan ay usapin ng kwalipikasyon at integridad—ano ang ating katibayan? Luminga-linga tayo. Kung masaya na tayo sa nangyari sa ating bayan bilang nagdudumilat na katibayan, di, ituloy lang natin. Ipagmalaki natin sa magiging apo natin… “ako ang dahilan kung ba’t tayo nagkaganito.” Kapal-Muks sa Halagang P40 May isa kapos-palad ang lumapit sa isang tumatakbong Mayor sa Cavite City na may dalang reseta. Hindi nya naabutan si kandidato. Ang anak ang sumalubong. Kinuha ni anak ang reseta. Ibinalik ang resetang may kalakip na P40. At ang bilin, “O, galing ‘yan kay Mayor, ha?” Har-har-har-har! Mga Banal sa Rosario, Cavite Malinaw ang isinasaad ng Saligang Batas. Hiwalay ang estado at simbahan sa isa’t isa. Kaya idol ko ang mga Banal sa Rosario. Kasi mas makapangyarihan pa sila sa Saligang Batas. Ang hilig-hilig nilang makiaalam, hindi lang sa politika ng Rosario, pero maging sa mga personal na buhay ng mga lider ng Rosario. Hindi lang ‘yan… painosente pa silang magtatanong sa kanyang mga nasasakupan na… “bakit si ano… ang hilig, hilig sa sugal at babae?” Pero kapag tinanong mo naman sila sa mala-hitler na pagpapalakad ng kanilang parokya… ang kanilang hirit, “hindi dapat pinakikialaman ng politiko ang pamamalakad sa simbahan.” Har-har-har! Kaya ang ating masasabi… WALANG BAKLANG PARI SA ROSARIO, WALANG BAKLANG PARI SA ROSARIO, WALANG BAKLANG PARI SA ROSARIO. Amen!

NATAPOS na din ang 2009, sa ayaw at sa gusto natin, lalo na sa mga politiko 2010 na! Maraming nagdaan sa atin, may masasaya at malulungkot. May mga dagok at kung minsan ay batok pa nga. Pero sabi nga ni Sly, no matter how hard you hit... but its how hard you can get hit! Kailangang bumangon tayo sa anumang pagkakalugmok at muling lumaban sa hamon sa buhay. Dapat nga sana, ang bawat taon na dumadaan sa atin ay gawin nating parang dictionary na kung sa hinaharap o kasalukuyan na alanganin tayo kung

tama o mali ang ating gagawin ay muli natin itong buklatin para malaman ang wastong kasagutan. Gawin din natin itong parang test paper na pagkatapos ng pagsusulit ay tingnan natin kung saan tayo nagkamali at hanapin ang tamang sagot, para sa susunod na maharap tayo sa dating problema o sitwasyon ay alam na natin ang gagawin. Samantalang ang papasok na taon naman ay gawin nating parchment paper na paglalagakan ng mga plano para sa buong taon. Huwag lang sana puro drowing. Tayo ang arkitekto at inhinyero ng ating buhay at kinabukasan. Bagamat may mga sadyang ginagahasa lang ng kamalasan sa buong taon. Pero kahit gula-gulanit na, bangon pa rin at pasasaan ba ay matatapos din ang laban at ikaw ang nakatayo.

PA GB ANGON SA 2010! PAGB GBANGON

ANG MGA KARAPATANG PANTAO

ANG mga tao ang pinakatampok sa mga nilalang ng Panginoong Diyos . Ang tao ay namumuhay sa mundo at siyang nangangasiwa sa kalikasan at mga may buhay tulad ng halaman at hayop na kasama niyang nanirahan sa lupa, dagat at himpapawid. May iwing karapatang ang tao upang maging ganap siyang nilalang na dapat na igalang ng kanyang kapwa at proteksyonan ng pamahalaan lalong lalo na ng rehiming demokratiko katulad ng Pilipinas . Itong karapatang ito ay lubhang kailangan sa kanyang buhay, kalayaan at dignidad. Ang karapatan ay kaakibat ng tao mula pa sa kanyang pagsilang at hindi pwedeng ipagbili, ilipat o angkinin ng ibang tao. Ang ating saligang batas ay hitik na hitik sa mga karapatang pantao. Ang ‘Bill of Rights’ ay kinapapalooban ng mga karapatang sibil at political. Sa ‘Section I’ na tinugunan naman ng ‘Article 32’ ng ‘New Civil Code’ ay idinambana. Ang tatlong sangkap ng tao sa buhay, kalayaan, at ari-arian na hindi puwedeng alisin kundi alinsunod sa proseso ng batas na pantay-pan-

tay ang pagpapairal nito. ‘Due Process and Equal Protection of the Law’ ng nagagambala kapag may ‘Decleration of Martial Law’ at suspendido ang ‘Writ of Habeas Corpus’ na mapawalang bisa naman sa proteksyon laban sa ‘Arbitrary Arrest and Detention’. Kasangkap din sa buhay , kalayaan. at seguridad ng tao ang karapatan ng nasa sinapupunanan pa ng babae (unborn) at ang mga probisyon ng ‘Revised Penal Code’ na nagbibigay karapatang parusa sa ‘unintentional and intentional abortion.’ Kasama na rin ang ‘Abolition of Death Penalty, Removing of Threat of Nuclear War Protection Against Torture ang other forms of Inhuman Punishment, Rights against Slavery and Compulsory Labor, Right to our Property, Freedom of Thought and Religion, Freedom of Expression, Freedom of Association, Exercise of Suffrage, ‘Right to our own Property and Administration of Justice.’ Ang ‘Economic and Social Rights’ ay binubuo ng mga karapatan sa trabaho (employment), sa edukasyon, sa kalusugan, sa pamayanan (shelter and services), sa kultura at sa pag unlad. Binigyan diin ng ‘Konstitusyon ang karapatan sa malinis na kapaligiran na isinasakatuparan ng mga batas tungkol ‘Clean and Green Environment, Waste Management at Climatic change’. SUNDAN SA PAHINA 5


ENERO 03 - 09, 2010

5

Paghakot ng parangal ng CAVITE BRAND CAMPAIGN INAANI na ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Ayong Maliksi ang bunga ng masigasig at malawakang pagsusulong sa Branding Cavite Campaign matapos ang isang taon at kalahati mula ng ito ay ilunsad dahil sa pagkilalang natamo nito sa buong lalawigan at sa mga kilalang organisasyon sa local at international communications industry.

GOB. AYONG MALIKSI Ngayong taon, ang laang panlalawigan ang Branding Cavite Cam- EON, isang stakeholder paign ay nakakuha ng relations firm, upang dalawang pagkilala. Kabi- magsagawa ng paglang dito ang pagiging Sil- aaral at matapos ang ver Winner sa Best Inte- anim na buwan ng paggrated Internal Marketing sasisiyasat at pakikipagProgram Category sa Tambuli Awards: 3rd Integrated Marketing Communications Effectiveness Awards na pinangunahan ng University of Asia and the Pacific noong ika-10 ng Hulyo. Hinirang din itong Honorable Mention sa Public Sector Campaign of the Year Category ng 2009 Asia Pacific PR Awards noong ika-11 ng Nobyembre sa Hongkong kung saan ang Branding Cavite Campaign ang kaisa-isang entry mula sa Pilipinas sa 337 na kalahok mula sa ibat ibang rehiyon. Ang Branding Cavite Campaign ay ideya ni Gob. Ayong Maliksi na nagnanais na magkaroon ng adbokasiya na makahihikayat sa mga mamamayan ng Cavite na kumilos upang makapag-ambag sila sa layunin ng pamahalaang panlalawigan na gawing mas progresibo ang lalalawigan at makabuo ng bagong tatak para sa Cavite na makakatulong lalo sa promosyon ng nito. Kinumisyon ng pamaha-

talakayan sa ibat ibang grupo, ang bagong tatak ng lalawigan na “ “Cavite: Be part of the revolution.” ay nabuo. Taglay nito ang limang personalidad ng lalawigan – makasaysayan, maunlad, matagumpay sa pandaigdigang larangan, mapaglingkod, at may pananaw sa hinaharap. Ito rin ay nagsisilbing tagapaalaala sa mga mamamayan ng makabuluhang papel na ginampanan ng Cavite sa kasaysayan ng Pilipinas bilang kanlungan ng rebolusyon at sinilangan ng kalayaan ng Pilipinas. Upang isulong ito, binuo ang Cavite Brand Management Team sa pamumuno ni Provincial Information Officer Alda Lou Cabrera. Noong ika12 ng Hunyo, 2008, inilunsad ang Branding Cavite Campaign kasabay ng pagdiriwang ng deklarasyon ng kalayaan at selebrasyon sa lalawigan ng “Kalayaan Festival.” Sinundan pa ito ng ibat ibang programa na pinangunahan ng Cavite

Brand Management Team na binubuo ng Information and Community Affairs Department ng pamahalaang panlalawigan at mga brand managers mula sa 23 bayan at lungsod sa lalawigan. Dahil dito, umangat ang popularidad ng Cavite Brand at ginamit na rin ito ng ibat ibang sector ng lalawigan sa kanilang mga visual collaterals at sa pagdaraos ng kanilang mga proyekto at programa. Itinayo din ang Cavite Brand tower sa kapitolyo upang magsilbing pamana sa mga makabagong bayani ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon. Ayon kay Gob. Maliksi, “ Ang ating pagpupunyagi sa pagsusulong ng Cavite Brand ay di natatapos dito. Ipagpapatuloy natin ito hanggang sa angkinin ng bawat Kabitenyo ang adbokasiyang ito at kumilos upang maging kabahagi ng makabagong rebolusyon na isinusulong natin ngayon. Gayundin, hanggang sa ang Cavite Brand ay maging marka sa kagandahan ng lugar at kahusayan ng mga produkto, serbisyo at mamamayan na kilala sa buong daigdig”.

GOOD MORNING TEACHER Mula sa pahina 4

Mga pare at mare, may isip kang dapat gamitin. Alam mo ang tama at mali ayon sa nais ng Diyos. Kaya mas dapat “AWARE” ka na dapat pasulong at di paurong. Magiging kaawa-awa ang iyong kalagayan, gusto mo ba ‘yon? Syempre, walang tao na iyon ang gusto. Pagtatawanan lang tayo at magiging maliit pa ang tingin ng iba sa atin. Naku! Huwag tayong paapekto sa mga tukso at kung anu-anong bagay na alam mong ikababagsak mo. Maiksi lang ang buhay! Gawin na natin itong kapaki-pakinabang at makabuluhan. Huwag sayangin! Life is beautiful! *** Matuto na tayong makitungo sa daloy ng

SENIOR CITIZENS CORNER Mula sa pahina 4

May mga karapatan ang tinatawag na ‘vulnerable sectors’ tulad ng kababaihan, kabataan o mga murang isip, nakatatanda (senior citizens), katutubo (indigenous), banyaga aliens) at disabled persons’, Silang mga sector na pilit na nakikipamuhay sa lipunan bagama’t nangangailangan ng espesyal na pagtingin at serbisyo ng pamahalaan . Ang paghihiwalay ng estado at simbahan ay nakasalalay sa ‘Religious Freedom’. Sa konstitusyon ay ganito ang nasasaad ‘no law shall be made respecting the establishment of religion’. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi dapat italaga ng batas sapagkat ito ay isang ‘matter of conscience

buhay. Alamin at suriin na muna natin ang mga hakbangin na ating tatahakin bago sumabak sa laban. Ingatan na ang mga desisyong bibitawan. Isiping mabuti ang mga dapat kahinatnan nito. Panatilihin natin ang dignidad ng tao. Mahalin ang buhay. Ipakita natin ang ating galing at talino. Maging makatao at humanda sa mga karanasang tunay na magbibigay ng aral. Kailangang bago –Bagong mukha ng tagumpay, Bagong Umagang Kay Ganda; Bagong bihis ng pagkatao. Never too late to be more! Magsimula ka! *** New Year’s Diet: 1) Eat our negative words 2) Swallow our pride 3) Digest God’s teachings 4) Eliminate our ego 5) And for Desert: Indulge in prayer. A blessed and bountiful New Year to all! and choice’.Gayon din ‘Free exercise of enjoyment of religious freedom without discrimination shall forever be allowed’. Ang ibig sabihin, bawat tao ay may karapatan sa kanyang sariling paniniwala at ito ay malilimitahan lamang ‘under the police power of the state ‘ kung ang enjoyment ay makakasira sa ‘public comfort, safety and welfare’. Ang kalayaan sa paninirahan at paglalayag (abode and travel) ay pinangangalagaan ng ating batas. Ang ‘abode’ ay lugar na permanenteng tirahan ng tao na kung pansamantalang hindi niya tinutuluyan ay may intensyon naman niyang balikan. Ang ‘travel’ ay paglalayag sa ibang bansa o sa malayong lugar. ‘Police Power’ lamang ang makapipigil sa kalyaang ito kung may order ng korte at sa kapakanan ng ‘ national security’ public safety or public health’. MAY KARUGTONG


6

ENERO 03 - 09, 2010

HINDI pa man pormal na panahon ng kampanya, ngayong simula ng 2010 ay tiyak na kanya-kanya ng pormahan ang kandidato. Maging lokal man o nasyonal. At sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas, partikular sa mga lugar na inaalmusal ang pulitika katulad ng Cavite ay mas pinanabikan ang lokal kaysa nasyonal na halalan. Sa pag-aaral ng Responde Cavite, sa kasalukuyan, ang politika sa Cavite ay parang chess na pinakikilos ng dalawang angkan –ang Remulla at Maliksi. Sa bawat sulok at maging sa gitna ay naglalagay sila ng kani-kanilang piyesa na sa tingin nila ay pantapat sa panagupa ng kalaban.

a

Ang mga nagpapakilos ang naglalagay ng itatakbong alkalde, at ang itatakbong alkalde naman ang siyang maglalagay ng kanyang mga konsehales. Ganundin naman sa distrito, na dating tatlo, ngayon ay pito na. Ang dalawang nagmamaniobrang angkan ang siyang mamimili ng itatakbong kongresista, at

ang itatakbong kongresista naman ang siyang mamimili ng kanyang mga makakasamang bokal. Na sa hindi maintindihang kadahilanan ay bakit sa kongresista itinitiket at hindi sa gobernador. Gayung mula Pangulo ng bansa hanggang mayor, katiket ng chief executive ang legislators. Isa pa, ang trabaho ng kongresista ay nasyonal upang

katawanin niyo ang kanyang distrito at gumawa ng batas sa ikabubuti man ng kanyang distrito o sa buong bansa. Sa kongreso ang kanyang opisina, samantalang ang bokal ay sa kapitolyo at ang trabaho ay trabaho ng isang konsehal (the next level) na pinangungunahan ng bise gobernador bilang presiding officer, at hindi magkukrus ang daan ng bokal at kongresista kailanman. Kumbaga, walang koneksyon ang trabaho nila sa isa’t isa, maliban sa distrito na kanilang pinanggalingan. At syempre pa, ang pinakaimportante sa lahat, ang ultimo

kandidato -- ang gobernador ng lalawigan! Dito magkakaalaman kung kaninong puwersa ang mas malakas. Kung sino ang makakubkob sa Kapitolyo, checkmate ang kalaban! At ang kandidatong para dito ay si Jonvic Remulla para sa Remulla at si Osboy CampaĂąa para kay Maliksi. Matira ang matibay! Pagalingan ng deskarte. Pagalingan ng taong ipoposisyon sa bawat bayan o siyudad. At higit sa lahat, pahabaan ng pisi. Pataasan ng pitsa. Palaliman ng balon. Ang dalawa pang angkan ng politiko sa Cavite na mga Revilla at Abaya ay may

kani-kaniyang kaalyansa. Ang mga Abaya ay kilalang kaalyado ng mga Maliksi at mga Remulla naman ay napapabalitang kaalyado ng mga Revilla. Sa darating na halalan ngayong 2010, dito sa lalawigan ng Cavite ay muling mabubuhay ang makasaysayang tunggalian ng Nationalista Party (NP) at Liberal Party (LP). Matatandaan na naging mahigpit na magkalaban ang dalawang partido noong dekada sitenta, na muling bubuhayin sa katauhan ni Noynoy Aquino at Manny Villar. At Jonvic Remulla at Osboy CampaĂąa sa pagka-gobernador.


ENERO 03 - 09, 2010

7

Commission on Elections’

CALENDAR OF ACTIVITIES DATE January 8, 2009 (Fri)

ACTIVITIES

PROHIBITED ACTS

Last day to appoint members of the Board of Election Inspectors (BEIs), subject to changes on account of shortage of teachers and disqualifications due to relationships to candidates (Sec. 164, OEC in relation to Sec. 31, RA 8189) Last day to constitute members of SBRCGs, SBEIs and SBOCs. (Sec 29, RA 6646 and Sec 28, RA 8436)

January 10, 2009 (Sun)

Last day to prepare and update the CLOAV and furnish copies to the Philippine embassies, consulates and other foreign service establishments abroad. (Sec 31, Comelec Resolution No. 8458 date May 20, 2008)

January 10, 2010 (Sun) to June 9, 2010 (Wed)

Election period

Alteration of territory of precinct or establishment of a new precinct. (Sec 5, RA 8189) Bearing, carrying or transporting firearms or other deadly weapons in other public places. Building street, park, private vehicle or public conveyance, even if licensed to possess or carry the same, unless authorized in writing by the Commission. (Sec 261 (p) (q) (r) and (s), OEC as amended by Sec #2, RA 7166) Suspension of elective local officials (Sec 261 (x), OEC) Transfer of officers and employees in the civil service (Sec 261 (h), OEC) Organization or maintenance of reaction forces, strike forces or other similar forces (Sec 261 (u), OEC) Use of security personel or bodyguards by candidates, whether or not such bodyguards are regular members of the AFP or other law enforcement agency. (Sec 261 (t) OEC as amended by Sec 33, RA 7166)

February 9, 2010 (Tue)

Posting of the certificate lit of voters (Local Registry)

February 9, 2010 (Tue) to May 8, 2010 (Sat)

Campaign period for candidates for President, Vice-President, senators. (Sec 5 (a) RA 7166) Campaign period for party-list groups participating in the partylit system of representation. (Sec 4, RA 7941) Giving donations or gift in cash or in kind, etc. (Sec 104, OEC)

February 9, 2010 (Tue) to May 10, 2010 (Mon)

Use of armored landcraft, watercraft or aircraft (Sec 261 ÂŽ, OEC) Appointment or use of special policemen, confidential agents or the like (Sec 261 (m), OEC) March 11, 2010 (Thu) to March 25, 2010 (Thu)

Issuance and sending of notices of inspection and verification of completeness of precinct book of voters (Sec 31RA 81889)

March 11, 2010 ( Thu) to June 9, 2010 (Wed) March 26, 2010 (Fri)

Illegal release of prisoners (Sec 261 (n) OEC) Last day for partylist groups to submit names of party nominees. (Sec 8, RA 7941)


8

ENERO 03 - 09, 2010

MATAPOS maglitanya ang napakaraming kolumnista, manunulat at mamahayag tungkol sa diwa ng Pasko, paniguradong hindi palalampasin ng mga ito ang Bagong Taon. Ipupusta ko pa ang buhay ng kapitbahay naming may TB, paniguradong papaksain ng media ngayon ay kung ano ang maasahan natin sa Bagong Taong darating at ano-ano ang mga malas at swerte sa kakambal ng pagpasok ng Bagong Taon. Kabi-kabila rin ang kampanya laban sa paputok, pagseselyo ng mga baril ng pulis, iwas sunog at iba pa. Teka muna… ano ba talagang mayroon sa

Anong Mali sa New Year?

Bagong Taon kaya kailangan itong ipagdiwang? Lohikal pa ba ang pagsasagawa ng tradisyon at nakaugalian tuwing sasapit ang Bagong Taon? Halimbawa, kung talagang nagtataboy ng malas ang pagpapaputok, e, di sana, wala nang malas sa Khabul, Afgahistan, Iran, Iraq, Mindanao na maya’t maya ang putukan at bombahan. Sa ingay ng paligid, di sana nagsilayasan na ang mga demonyo na naghahasik ng kamalasan sa lugar na iyon. At kung ako naman ang demonyo, at takot ako sa ingay, tutal isang araw lang naman ang isasakripisyo ko, e, di, pupunta muna ako sa buwan o sa ibang planeta kaya. Magbabakasyon muna ako roon ng ilang araw tapos kapag wala nang putukan, di balik uli ako sa mundo at balik din uli sa paghahasik ng kasamaan. Bakit may mga nagpapaputok na gustong gus-

to ang ingay o sabog, pero nagtatakip ng teka habang nagsisindi ng paputok. Tatakbo papalayo sa paputok o magkukubli para mabawasan ang ingay ng putok? Hindi ba’t gusto ng mga ito ng ingay? Bakit magtatago? Bakit magtatakip ng tenga? Hindi ba’t mas maganda na ilapit talaga nila nang husto ang paputok sa kanilang mga tenga para solb sila kapag sumabog na ang mga ito? Saka bakit sa kalsada magpapaputok gayong kung ang minamalas ay loob ng bahay? Bakit hindi sa loob ng bahay magpaputok? Kumain daw ng mga pagkaing malalagkit para maging magkakadikit pa rin ang pamilya. Kaya naman handa tayo ng suman, tikoy, halaya, sapin-sapin… sa sumunod na taon, puro diabetic na ang Pinoy. Maglagay daw ng iba’t ibang prutas na bilog para daw humakot ng swerte. Hmmm, di bumili ka ng iba’t ibang kendi na may

ibang ibang flavor. Wala ngang pera ang Pinoy para makakolekta ng iba’t ibang prutas kaya hindi nga alam kung paano sasalubungin ang Bagong Taon kaya nga mangungutang muna. Ayun, next year, bagong Taon, Bagong Utang. Maglagay daw ng barya sa bulsa ng mga Pinoy at pagsapit ng Bagong Taon, kalugin ito para pumasok ang swerte. Hmmm, ito lagi ko itong ginagawa. At talagang epekrib. Isang taong singkad na puro barya ang laman ng bulsa ko. Kumita ng barya-barya. Gumastos ng baryabarya. Nabuhay sa baryabarya. Hay naku. Bakit ko ba sinasabi ito? Dahil ba hindi ako naniniwala sa kaugalian o tradisyon kapag bagong taon? Hindi naman siguro. Kasi nga, tradisyon ni Abu Ratbu ang mang-alas ka. Kaya, isang taon ako mang-aalaska. Happy New Year!

MGA KANDIDATO SA INDANG

POBLACION UNO, INDANG, CAVITE – Happy New Year...2010 na... bagong taon na. Ang taong ito ay kinapapanabikan ng halos lahat ng Pilipino sa loob at labas ng bansa dahil sa dalawang kaganapan na maaambag sa pahina ng kasaysayan ng Pilipinas. Una ay ang muling pagsasapraktika ng ating karapatan at kapangyarihan na makaboto at makapaghalal ng ating mga susunod na lider ng bansa at ng ating bayan. Pangalawa ay ang inaasahan natin na pagwawakas ng paghahariharian ng pekeng Pangulo sa Malacañang, subalit ito ay kung walang magaganap na anumang kaguluhan o tangkang pagpapanatili sa poder ng kapangyarihan sa pamamagitan ng isang deklarasyon bago o matapos ang pambansang halalan. Nagsimula ng mag-

pakilala ang mga kandidato sa pagka-Pangulo, pagka-Pangalawang Pangulo at pagka-Senador, ganoon din sa mga kakandidato sa pwesto mula sa pagka-Kongresistas, panglalawigang pamahalaan hanggang lokal na pamahalaan. Samantala dito naman sa maganda, malinis, matahimik, makasaysayan at umuunlad na bayan ng Indang, base sa listahang inilabas ng COMELEC ay 6 ang naghahangad na makapaglingkod sa pagka-Alkalde, 3 naman sa pagka-Bise Alkalde at umabot sa 27 ang sa pagka-Konsehal. Ngayon ay bahagya nating iisa-isahin ang mga ito at sa mga susunod pang labas ng aking pitak na ito sa dakilang pahayagang ito ng Responde Cavite ay susubukan nating makapagbahagi pa ng mas malawak na impormasyon patungkol sa kanilang pagkatao at naising paglilingkod sa aming bayan ng Indang. Ang mga kandidato sa pagka-Alkalde ay sina Eleuterio Pecho Castillo Sr. o mas kilala sa tawag na KUYA TERIO mula sa Brgy. Mataas na Lupa at tumatakbo bilang Independiente, Angeles Moji-

ca Creus o mas kilala bilang KUYA HELYO mula sa Brgy. Tambo at kumakandidato sa ilalaim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL), kasalukuyang Alkalde na si Bienvenido Villa Dimero o mas kilala sa tawag na MAYOR BENNY mula sa Brgy. Poblacion Uno at tumatakbo sa ilalim ng Partido Magdalo - Nacionalista Party (NP), Lineth Fidel Espineli – Abutin o mas kilala sa tawag na LINETH ESPINELI mula sa Brgy. Calumpang Cerca at tumatakbo sa ilalim ng partidong Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), Leonardo Merlan Papa o mas kilala sa tawag na NARDING PAPA mula sa Brgy. Buna Cerca at tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party (LP) at Constancio Sierra Ramos Jr. o mas kilala sa tawag na JUNIOR RAMOS mula sa Brgy. Kaytapos at tumatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-Kabalikat sa Malayang Pilipino – Christian Muslim Democrats (LAKAS-KAMPI-CMD). Sa pagka-Bise Alkalde naman ay kandidato sina Leo Quibilan Cruzate o mas kilala sa tawag na LC o LEO mula sa Brgy. Poblacion Tres na nasa ilalim ng LAKAS-KAMPI-

CMD, Perfecto Vidallon Fidel o mas kilala sa tawag na VICE PECTO mula sa Brgy. Calumpang Cerca na nasa ilalim ng NP at Carmen Cabuenas Rodillo o mas kilala sa tawag na KAPITANA MAMENG mula sa Brgy. Mahabang Kahoy Lejos na nasa ilalim ng LP. Samantala ang mga kandidato naman sa pagka-Konsehal ay sina Teofila BOSS FHEL Escobido Atas (NP), Armin ATE ARMIN Olores Aves (LAKAS), Ruperto KAP. RUBEN Salazar Baes (NP), Ronald KUYA ONAD de las Alas Bernarte (NP), Armando ABC MANDO Tukodlangit Cordial (INDEPENDENT), Victoriano VITOC Ocampo Costelo (LAKAS), Salvador BUDDY Hermoso Crema (LAKAS), Bonifacio KUYA BONING Telmo Cruzado (LP), Edilberto EDDIE Vidallo Espineli (KBL), Khristian IAN Pello Feranil (LAKAS), Reynaldo KAP. NARDO Rogel Garcia (LP), Gumersindo KUYA GOMER Morga Gonzales (LAKAS), Estelita ATE ESTY Costa Lopez (LP), Wilfredo KUYA WILLY Alas Nova (LAKAS), Reynaldo TIKBOY Novero Nuestro (LP), Gavino VINO Villanueva Nueva

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN : Ang tinatanaw na pagasa ay dapat lakipan ng mabubuting gawa upang makamit ang tagumpay. Higit na nagiging malapit ang biyaya sa mga taong hindi nakalilimot sa Diyos. Lucky days / nos. / color: Wednesday / Friday = 2 – 8 – 12 – 29 – 35 – 49 = white AQUARIUS : Magsisilbing aral sa iyo ang mga pangyayari. Mamumulat ang mga mata mo sa katotohanan na siyang magpapabago ng iyong pananaw. Lucky days / nos. / color: Monday / Thursday = 1 – 10 – 15 – 35 – 40 – 44 = green PISCES : huwag mo ng palakihin pa ang gulong kinasasangkutan mo. Kausapin mo na ang taong may kinalaman dito. Lucky days / nos. / color: Tuesday / Wednesday = 4 – 16 – 22 – 28 – 32 – 49 = pink ARIES : lilipas din ang sama ng loob mo. Matatapos din ang mga paghihirap ng loob na dinaranas mo kapiling niya. Lucky days / nos. / color : Friday / Saturday = 3 – 7 – 17 – 29 – 39 – 40 = red TAURUS : Iyung-iyo ang araw na ito! Sa muling pag-ikot ng gulong ng kapalaran. Ikaw ay matatagpuang nagpapasasa sa mga magagandang bagay. Ibahagi sa kapwaang ilan sa mga swerte sa buhay. Lucky days / nos. / color: Friday / Sunday = 1 – 10 – 36 – 33 – 42 – 43 = brown GEMINI :Huwag kang magpapautang o maginvest kahit kaibigan mo siya. Hindi magandang kombinasyon ngayon ang kaibigan at pera. May mga pintas kang maririnig . iwasan mo ang mag-uwi ng problema sa bahay. Lucky days / nos. / color: Monday / Tuesday = 4 – 9 – 12 – 27 – 31 – 36 = black CANCER : Mailap ang pera sa buwang ito pero hindi ka naman magigipit ng sobra. Pagaralan mo kung saan ka makakatipid sa mga gastusin mo. Huwag kang umasa na tutulungan ka ng mga katrabaho mo dahil kaniya-kaniya kayo ng diskarte. Lucky days / nos. / color : Wednesday / Friday = 3 – 5 – 24 – 27 – 39 – 41= orange LEO : suwerte ka ngayon at ang suwerte mo ay magmumula sa isang nilalang na mahilig sa kulay Yellow. Di mahalaga kung kakilala mo siya noon pa o ngayon palang nakilala. Lucky days / nos. / color: Thursday / Sunday = 4 – 16 – 18 – 28 – 39 – 40 – 42 = Yellow VIRGO : malakas ang iyong sex appeal ngayon. Kung may partner ka, matindi ang romansa dahil pareho kayong in-love sa isa’t isa. Kung single, isipin mo lagi ang safe sex nang hindi ka makompromiso. Lucky days / nos. . / color: Tuesday / Wednesday = 1 – 3 – 39 – 34 – 40 – 42 = purple LIBRA : Huwag kang matakot sa kaaway mong sanggano dahil nagtatapang-tapangan lamang ito sayo. Tandaan mo na kakampi ang Diyos. Bakit ka matatakot? Laksan ang iyong loob. Lucky days / nos. / color: Friday / Sunday = 1 – 19 – 16 – 20 – 38 – 44 = gray SCORPIO : maswerteng araw ito para sayo sa pagdaragdag ng pagkakakitaan. Lalago ng husto ang iyong kabuhayan sa kundisyon na ito ngayon ang iyong tutukan. Lucky days / nos. / color : Monday / Tuesday = 7 – 14 – 26 – 37 – 39 – 42 = violet SAGITTARIUS : Di man siya perpektong tao na iyong hinahanap! Siya mismo ang iyong swerte! Gawin mong bahagi siya ng iyong mga plano at panagrap. Lucky days / nos. / color : Wednesday / Sunday = 1 – 9 – 19 – 28 – 44 – 45 = Beige

(INDEPENDENT), Marcelino KAP. BOYING Romano Peñaflorida (LP), Exequiel BOY Dimero Penus (NP), Raquel ATE RAQUEL Nuestro Quiambao (NP), Ismael SAMMY Del Mundo Rodil (NP), Pedro EDU Lerado Romea (NP), Cristina TINA

Miranda Romeroso (LAKAS), Gabriel ABENG Rogacion Rotairo (LP), Nestorio KAP. NESTOR Dilidili Tejo (LP), Ernesto NESTOR Avilla Umali (LAKAS), Romelito ROMY Samonte Villa (LP) at Rey KUYA REY Rebaya Zafra (NP). SUNDAN SA P. 10


ENERO 03 - 09, 2010

9

PANAWAGAN

BAGONG TAON AT KALAMAY-BUNA TUWING maghihiwalay ang taon ay sari-saring

prutas at kakanin ang inihahanda sa hapag-kainan sa bawat pamilyang Caviteño. Natatandaan ko pang naghahanda ang aking lola ng iba’t-ibang kakanin gaya ng halayang ube, bukhayo, butsi at palutang. Isang kakanin ang paborito ko ngunit hindi na inihahanda pag Bagong Taon dahil naging kasa-kasama na sa halos araw-araw. Ito ay ang Kalamay-Buna Ang “Kalamay-Buna” ang pinakamasarap na kalamay na matatagpuan sa Cavite. Nagmula ito sa Bgy. Buna Lejos, Indang, Cavite at kalimitang mabibili sa mga nagtitinda sa plaza ng bayan ng Indang. Taong 1927 nang unang nagtinda sa bayan ng Indang ang noo’y 17 taong gulang na si Emiliana Panganiban ng Bgy. Buna Lejos. Mula noon, tatlong klase na ng kalamay ang nakilala ng publiko: “kalamay na pula”,”kalamay na puti” at “kalamay na may niyog”. Ang matamis, malinamnam at makatanggal pustisong mga kalamay na ito ang siyang nagsilbing ikinabubuhay ng mga taga-Buna. Maraming kabataan mula sa Buna Lejos ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagsisikap ng mga magulang nilang magkakalamay. Sa kasalukuyan, may mga magkakalamay pa ring matatagpuan sa plaza ng Indang Ang ilan sa gumagawa at nagbebenta ng pinakamasasarap na Kalamay-Buna ay sina Lodivinia “Lody” Costa, Flordeliza “Flor” Medina, Leonila “Leoning” Vidallon, Nieves “Eves” Diloy, Edilberta “Idel” Penales at Normita “Normy” Costa. Kung mapapagawi kayo sa plaza ng Indang, ang mga pangalang nabanggit ang mainam hanapin. Sa panahong ito ng globalisasyon, saan kaya patungo ang industriya ng kalamay sa Buna Lejos na kailan man ay hindi naman nasuportahan ng gobyerno? Bilang pagkilala, narito ang isang textula sa “Kalamay-Buna”: KALAMAY-BUNA Textula ni Joel C. Malabanan Ang Kalamay-Buna sa bayan ng Indang Nakapagpaaral nang hindi mabilang Datapwat ang mesket, nawaglit sa kamay Jollibee’y pamalit sa lagkit na taglay Kung anong linamnam, tamis ng arnibal Tumab-ang, nagluno ng baliw na asal Bagong henerasyong nagtapos, nag-aral Pabrika’t call center ang dasal at usal! Sudsod at talyasing gamit na panghalo Sa Bunang Malayo ay naghihingalo Simot na ang niyog sa mga looban Kalamay, pagkakuwan, alamat na laang! Kaya bago pa maging alamat ang KalamayBuna ay tikman na natin at lasapin ang kakaiba nitong sarap. Ngayong Bagong Taon, mainam ihanda at pagsaluhan ang kalamay na itong ang lagkit ay sagisag ng tibay ng pagsasamahan at ang tamis ay simbulo ng masayang pagsalubong sa taong 2010. Pagbagti ng Masaganang Bagong Taon kina Edwin at Vanessa Malabanan at sa mga anak nilang si Joneal at Jade ng Bgy. Buna Lejos, Indang, Cavite.

White Lady sa Aking Sulating Pormal Ni Eros Atalia

(Co-Adviser, Cavite Young Writers Association) GANITO ang ipapasa kong essay sa Sulating Pormal para sa buwan ng Nobyembre. At ang pinakamalapit na paksang pwedeng isulat ay tungkol sa mga nakakatakot. At isa sa pinakatipikal na kinatatakutang ng lahat ay ang mga White Lady. Hindi biro ang maging White Lady.Dapat consistent na malinis at maputi ang damit. Hindi pwedeng naninilaw. Hindi pwedeng nangingitim. Parang walang karapatang makapanakot ang white lady kung hindi sya pwedeng maging endorser ng sabong panlaba at bleach. Dapat laging long hair at bahagyang magulo. Saka mas okay kung medyo may eye bag. Wag ding kalilimutan na iba ang dating kapag simputi ng damit ang mukha. Yun bang ginawang kanin at ulam ang gluthathione. Uy, at ang pinakapanalo sa lahat, lumulutang dapat ng isa o dalawang piye mula sa lupa. At lahat ng ito ay dapat mangyari at maipakita kung gabi. Parang may color coding ang mga white lady. Sa gabi lang pwede lumabas ‘ika nga. Bago magliwanag, garahe na dapat. Kapag umaga, malamang beauty rest ang mga white lady. Hindi sila naarawan kaya siguro mapuputi sila. At sa palagay ko,madalas nilang ikula ang kanilang mga damit sa araw kaya no-show sila kapag hindi pa present ang kadiliman. Kaya siguro laging malalaki ang eye bag ng mga white lady, always puyat kasi. Sya nga pala,bakit laging solo-lakad ang white lady? Never pa silang lumakad ng may kasama.Otherwise, ang lagi sana nating sinasabi ay ‘white ladies.’ I don’t know kung ano ang qualifications para maging myembro ng sorority ng mga white lady. Kasi paano kung may mag-aplay na aprikana, aeta, negrita at mga lahing may kaitiman ang kulay. May height requirement ba? Kasi wala pa tayong nababalitaang unanong white lady. Wala pa rin akong nakikitang medyo oberweyt na white lady. Oo nga pala.Bakit puro ladies na lang? Di ba pwede ang mga lalaki dito? Hindi makukumpleto ang talaan ng mga kinatatakutan nating nilalang kung wala ang white lady. Kaya pahalagahan natin ang white lady. Ang white lady ay parang teacher ko sa Filipino, may silbi naman sa mundo. Di ko nga lang alam kung ano. Ano kaya ang magiging grade ko? Sa tingin nyo? Kakanta na lang ako. Be My (White) Lady.

Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0932-5567612

Readers’ Corner Merry Christmas po at Happy New Year, Responde Cavite. Number 1 po kayo dito sa Mendez, Cavite. More Power. Sana po damihan nyo ng balita tungkol sa bayan namin. Rolly G. via text, Galicia I, Mendez Cavite Good day po. Ipinagmamalaki ko po na dito sa amin sa Trece, walang sakla at illegal na sugal. Takot din po ang mga pusher na mamalagi sa amin. May kinalalagyan po kasi sila. Sana po, sa buong Cavite ay ganito na. Aldean R. Innocensio, Trece Martirez City, Cavite via e-mail Bakit po ang aangas ng mga traffic enforcer sa tapat ng SM-Bacoor? Hindi pa ba sila nasisiyahan sa lingguhang ibinibigay sa kanila ng iba’t ibang TODA? Pasko’t Bagong Taon na nga, ang hihigpit pa nila. Kaunting pagkakamali ng mga drayber, halos minumura na nila ang mga drayber. RTS, Habay, Bacoor Happy New Year po. Bakit po walang greetings si Vice-Gov. Osboy Campaña? Sina de Sagun po at Remulla meron, sya lang ang wala. Archie DLR, Gen. Trias Dear DLR, Sinikap po naming hingian ang opisina ni Vice-Gov. Campaña ng kanyang New Year’s Wish (o greetings) para sa lalawigan ng Cavite, pero hindi po kami mapalad na nabigyan. Ty- ed


10

ENERO 03 - 09, 2010

ANO nga ba ang kinalalagyan ng mga kilala at limot na mga Kabitenyo sa kanilang mga huling hantungan? San-san ba sila humantong o napalibing? Naglalarawan ba ng kanilang mga naging buhay ang kanilang mga pantyon? Ayon sa isang aklat, ang mga kilalang Amerikano ay may mga magagarang musoleo at pantyon, “katulad ng mga paraon sa mga pyramid at mga emperador sa mga templong libingan, sila’y matatandaan hindi dahil sa kanilang mga nagawa sa mundo kundi sa kanilang mga pantyon.” Marahil, hindi umaangkop sa lahat ng mga Pilipino ang paniniwalang ito, sapagkat hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng ating lipunan ang halaga ng mga huling hantungan. May mga naniniwala na hindi rin naman daw malalaman ng yumao ang kanyang kahahantungan, maganda man o hindi ang kanyang paglilibingan. Sa katunayan, sa pagsasaliksik, may mga natuklasang pantyon ng mga kilalang tao sa kasaysayan ng Pilipinas na nasa hindi maayos na kalagayan. Bukod pa sa kawalan ng interes sa mga ito, ang mapag-usapan ang kamatayan ang isa sa mga iniiwasang paksa ng mga tao sa lipunan. Matatagpuan sa iba’t ibang simbahan at pantyon (pribado at publiko) sa loob at labas ng lalawigan ng Kabite, ang mga huling hantungan ng mga kilala at limot na mga tao sa lalawigan. Sa pagpapatuloy ng pag-aaral, minarapat na bigyan ng limitasyon ng may-akda ang paggamit ng salitang “kilala” at “limot” na mga tao. Ang depenisyon para sa una, “iyong mga taong nakilala sa larangan ng kasaysayan, pulitika, panulat, at sining” at ang huli naman, iyong mga taong pinag-uusapan dahil sa

MGA POOK LIBINGAN

kanilang larangan na pinasok o mga taong napapabantog na mga lokal na bayani o folk

hero.” Parang paghahanap ng karayom sa bunton ng dayami, ang pagtunton sa mga pantyon ng mga taong ito nagsisimula bilang mga hindi sinasadyang pagkatuklas – sa ka-

SULONGBAYAN Mula sa pahina 8 Sa kasalukuyan ang mga samahan, organisasyon, kapatiran, NGO’s at simbahan sa aming bayan ay nagsisimula ng kumilos at magpatawag ng mga pulong at pag-uusap na naglalayon para sa isang Honest, Orderly, Peaceful Election (HOPE) at pangunahan ang mga isasagawang Voter’s Education Meetings at ang inaabangang mas pinaganda at mas pinalawak na Malayang Talakayan o ang paghaharap-harap ng lahat ng kandidato sa Indang para sila ay isaisang makapagpakilala, makapaglahad ng

tunayan nga, marami sa mga pantyon na ito ang natagpuan sa mga hindi sinasadyang pagkakataon. Sa ilang pagsasaliksik, gumamit ang may akda ng direktoryo ng telepono at nagtanungtanong din sa ilang mga matatanda sa paligid. Napadpad din siya sa mga simbahan sa mga

bayan ng Kabite sa panahon ng pagsasaliksik. ALEJANDRO G. ABADILLA Isinilang: Marso 10 1905 Namatay: Agosto 26, 1969 Pantyon: Sementeryo kanilang mga plataporma de gobyerno, makasagot sa mga katanungang nais masagot ng mga kandidato para sa kaalaman ng lahat ng mamamayan ng Indang at makalagda sa isang manifesto ng paglilingkuran sa bayan upang ang sinumang mananalo na nakalagda rito ay maaaring maipaalala sa kanila ang kanilang tungkulin at sinumpaang paglilingkod sa bayan. Makikipag-ugnayan din ang grupo sa mga lokal na pahayagan sa lalawigan katulad ng risonable at responsableng Responde Cavite at maging sa tanggapan ng COMELEC para sa katagumpayan ng mga programang ito. Abangan!!!

del Norte, Maynila Ama ng makabagong panulaan sa Pilipinas, tubong Rosario, Kabite, at kilala rin sa tawag na AGA (mula sa inisyal ng kanyang pangalan na Alejandro G. Abadilla). Si AGA ay nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award. S i y a

ang may akda ng Mga Piling Tula ni AGA, Pagkamulat ni Magdalena, at Tanagabadilla. Marami sa kanyang mga manuskrito at mga personal na gamit ang tinupok ng apoy dahil sa isang malaking sunog na naganap sa kanilang lugar sa Maynila, iilang taon mula nang siya’y pu-

manaw. Namatay siya sa edad na 64. BALDOMERO BALOY AGUINALDO Isinilang: Pebrero 26, 1869 Namatay: Pebrero 4, 1915 Pantyon: Dambanang Baldomero Aguinaldo, Binakay a n , Kawit, Kabite Rebulusyunary o . Bag o nagsilbi s a pana-

h o n ng rebolusyon, humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa pamahalaan. Kasama ng kanyang pinsan na si Emilio Aguinaldo, itinatag nila ang balangay ng Katipunan na tinatawag na Magdalo sa Cavite El Viejo. CARLOS JAMIR AGUINALDO Isinilang: walang tala

Namatay: Oktubre 10, 1878 Pantyon: Parokya ni Santa maria Magdalena, Kawit, Kabite Ama ni Heneral Emilio Aguinaldo at dating punongbayan ng Kawit. EMILIO FAMY AGUINALDO Isinilang: Marso 6, 1869 Namatay: Pebrero 6, 1964 Pantyon: Dambanang Emilio Aguinaldo, Kawit, Kabite Unang Pangulong ng Pilipinas, at dating rebulusyunaryo. Hiniling na mapalibing sa ilalim ng balkonahe kung saan niya ginanap ang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898, ngunit hindi ito natupad. Makailang ulit na ring naipaayos ang kanyang pantyon na matatagpuan sa may likod ng kanyang mansion sa Kawit. Inilibing siya sa likod ng mansion noong ika-16 ng Pebrero 1964. HERMINIO R. “MINYONG DULING” ALVAREZ Isinilang: Nobyembre 24, 1908 Namatay: Abril 21, 1992 Pantyon: Pantyon Pambayan, Nobeleta, Kabite Artista sa pelikulang Pilipino. Madalas gumanap ng supporting roles sa mga pelikulang ginawa sa ilalim ng produksyon ni Ramon Revilla, Sr.


11

ENERO 03 - 09, 2010

GREETINGS*GREETINGS*GREETINGS Happy Birthday to Ronnie T. Talob on Dec. 27, 2009 from Tropang Water Cost Belated Happy Birthday to MARIELLE “CHA-CHA” ERVAS last January 01, 2010. Greetings from Ninang Shella.

Happy Birthday to pareng Vanessa Landicho on January 3, 2009.. bente ka na! hahaha.. From Pareng Shella

Happy B-day to NITZCEL PLATON on Dec. 31, 2009, fr: Friends and Responde Cavite

Belated Happy Birthday to Jaemmyel Fatima Cocohoba last Dec. 21, 2009. From Responde Cavite To all Metrobank Card Employees, Happy, Happy New Year From JONATHAN

SANTIAGO

*** Happy 26th Birthday to Mrs. Jenelyn T. Mantele on December 20, 2009 from your loving Husband Monty

ILANG TULA NI TEO S. BAYLEN

At iyon ang huling muog at kalakhan, Madudurog doon ang buhawing iyan!

Sa hinaba-haba’t tagal ng tinakbo, Tanawi’y iba na… ngayo’y kulay abo.

IMPYERNO NI DANTE Sinarhan ng dilim ang bintanang-langit. Binuksan ng lindol ang kalderong-galit. (Klahating siglong ginatungang putik!)

Nadaraanan ko’y mga dahong laglag, Mga bungang lunot, luoy na bulaklak; Sa hanging lumamig ay nagyuyumagyag Ang papauwi nang mga hapong pakpak.

SAMPUNG YUNGIB NA PASTULAN May banta ang araw sa kanyang paglubog Kaya nagliliyab ang gilid ng gulod.

nanaghoy ang hanging galling sa Sodoma. Nagisnang paluhod ang luksang pag-asa Sa harap ng abong-bangkay ng umaga.

Ang kapal ng ulap na hindi mapugto Ay dagat anaking ang alon ay dugo!

Ito ba ang lawa na tawirang dati Ng kay Pluto tungong barko ni Charonte Sa baybay ng lumang impyerno ni Dante?

Umaga umalis ang aking sasakyan Na agn tinungo’y ang kawalanghanggan; Naparaan ito sa pinagkrusang Masaya, mabango, makulay, makinang.

Sa aba n gating kapatagang ito At ng mga tupang naggala sa damo Pagkat ginigimbal ang dako pa roon Ng isang buhawing walang panginoon! Nagbabagang karit ang talim ng kidlat At ang maraana’y pinagtatatabas. Pagkukulog nama’y parang binabayo Ng masong mabigat ang dibdib ng mundo. Nguni’y pumanatag, ang tupang munti, May Sampung Pastulan sa Sinay, na lunti. Sa kanlungang iyon ay may Sampung Yungib, Ang kapayapaan doo’y di mayanig.

Ewan. Ngunit tanaw sa libis na ito Ang tayog ng isang tuktok na madamo Na hindi natakpan ng apoy at aso. Gulod na kung tingna’y awing nakatunghay Na may mga sangang nag-unat na kamay Na ibig maabot ang libis ng patay.

Dito’y nakisakay ang isang pagsinta Na sa tutunguhi’y aking nakaisa; Sa marami naming nasagupang sigwa, Ang pagsintang ito ay hindi nalanta. Ibig magpaiwan niring pananabik Sa pook na iyang pangarap ang saglit; Danga’t ang sasakyang ito’y tagahatid Ng paparon lamang at walang pabalik.

Nagbuntong hininga ang hangin. Bumulong: -kung may kamatayang nasal ibis ngayon, may pangakong buhay ang bundok na iyon.

Malayo na pala ang aking narrating, At lumalabo na pati papawirin; Ngunit ang gunita’y lumilingon pa rin Sa pinagkurusang kay gandang tanawin!

MATULING SASAKYAN Ang luntiang nayon na pinagmula ko Ay din a matanaw sa sasakyang ito;

Sa dako pa roon ang paninging pagod, May natatanaw nang mapayapang pook; Punong nagdarasal sa tabi ng puntod At katahimikang kayakap ng kurus.


MAAYOS AT MAPAYAPANG ELEKSYON, TINIYAK MARAGONDON, CAVITE – Sinugurado ng Cavite Provincial Commission on Elections (Comelec) sa pahayag nila kamakailan na magkakaroon ng maayos at mapayapang eleksyon sa Maragondon at iba pang karatig bayan nito. Ayon kay Juanito V. Ravanzo, Provincial Comelec supervisor, may mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang madedestino sa Maragondon at kalapit na bayan tulad ng: Ternate, Magallanes at Aguinaldo, upang makatiyak na walang kaguluhang magaganap bunga ng eleksyong paparating, lalo na at pasimula na ang araw ng pangangampanya na magsisimula sa Enero. 10, 2010. Ayon kay Ravanzo, kaunti ang bilang ng pulisya sa Maragondon at sa ibang bayan sa probinsya kaya marapat lang na magdagdag ng proteksyon sa mga lugar na ito. Ayon naman kay Senior Inspector Matias B. Montefalcon, hepe ng pulisya ng Maragondon, kasalukuyang nakikipagtulungan sa kanila ang Air Force Team para mabigyan ng seguridad ang lugar. Dagdag pa niya, meron lamang 21 na mga pulis ang meron sa kanilang istasyon. Samantala, pareho namang inaasahan ni Ravanzo at Montefalcon na magiging mapayapa at maayos talaga ang eleksyong 2010 dahil na din sa mga paghahanda na kanilang isinagawa at patuloy na isinasagawa para dito. SHELLA SALUD

Dalawang trahedya sa dagat, pinaiimbestigahan ni Revilla

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senator Bong Revilla sa Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang magkasunod na trahedya sa dagat, na nangyari kamakailan sa Cavite at Batangas, na kapwa dulot ng pagkakamali ng tao. Ayon kay Sen. Revilla, kinakailangan ng PCG ng maigting na imbestigasyon sa nangyaring paglubog ng M/V Catalyn B at M/V Baleno 9 at mailabas ito sa lalong madaling panahon upang maiwasan ng maulit pa ang pagkakamaling nangyari na nagresulta sa trahedya. Dagdag pa ni Sen. Revilla, nais niyang ipaimbestiga sa PCG kung sino ang dapat masampahan ng karamptang parusa. Ang M/V CatalynB na may sakay na 70 katao ay sumalpok sa Anatalya fishing sa may Limbones Island sa Cavite nitong nakaraang desperas ng Pasko at nagdulot ng 12 katao na nasawi samantalang 24 naman ang nawawala. Samantalang ang M/V Baleno 9 naman na pagaari ng Besta Shipping Lines, ay lumubog sa San Agapito, Verde Island , Batangas nitong na-

karaang Sabado (December 26). Ayon sa pinakahuling tala ng PCG,

mayroong 6 na sugatan, 20 na nawawala at 62 survivors sa trahedya ng

DASMARIÑAS CITY– 59 na kandidato ang nagsisitakbo sa nasabing lugar para sa mayor, Congress member, vice mayor, councilors and board members sa May 2010, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Itinuturing ang Dasmariñas na pinakamalaki at mayaman na lugar sa probinsya ng Cavite kung paguusapan ang populasyon, land size at revenues. Ang lugar na ito ay naging ika-4 na lunsod sa Cavite nito lamang Nobyembre 26. Sa ulat ni Apolonio A. Ramos Jr., Dasmariñas-

Comelec officer, ang kanilang lugar ay mayroong tig-apat na kandidato para sa pagkamayor, vice-mayor, at pagkakonggresista. Samantalang 37 naman ang naglalaban-laban para sa walong pwesto sa city council at walo naman para sa dalawang pwesto sa provincial board.Ayon din kay Ramos, ang Dasmariñas na may 75 barangays ay mayroong 292,986 registered voters. Ito ang unang pagkakataon sa lugar na ito na magkaroon ng botohan sa pagitan ng mga mananalo sa

eleksyon na iboto kung sino ang magiging miyembro ng House of Representatives para sa distrito. Ang lunsod ng Dasmariñas ay tinaguriang “Melting Pot” ng Cavite dahil na din sa dami ng migrante mula sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang lugar na ito ay may sukat na 90.1 square kilometers at mayroong 170 subdivisions. May ilan din naninirahan dito na galing sa iba’t ibang kalapit bansa, katulad ng China, Koreans, Japan and America. OBET CATALAN

NI EWEL PEÑALBA

M/V Baleno 9. Ayon sa report ang M/V Baleno 9 ay may 88 na pasahero at 14 dito ay crew. Ayon pa kay Revilla, kung mapapatunayan na may paglabag ang dalawang shipping companies ay hindi siya mangingiming ipasara ang mga ito, dahil kamatayan at peligro lamang ang dulot ng mga ganitong kumpanya sa mamayan sa darating na Bagong Taon

Ayon naman sa International Red Cross at Red Crescent Societies, ang Pilipinas ang ika-4 sa pinaka-accident prone na bansa sa buong mundo, kabilang na dito ang mga aksidente sa dagat. Ang isa sa mga dahilan ng trahedya sa dagat ay overloading sa barko, lumang mga pasilidad, hindi trained na mga crew, at hindi pagsunod sa regulasyon at mga safety measures.

DASMARIÑAS, CAVITE – Dalawang pawnshop na sa nasabing lugar ang nabiktima ng mga manloloob na tinaguriang “digging thieves” kamakailan. “Digging thieves” ang mga bumubutas o gumagawa ng tunnel upang makapasok sa loob ng mga establisyemento at makapagnakaw. Karaniwan ang ganitong klaseng pagnanakaw sa Cavite. Ang pinakahuling biktima ay ang Ochoa Pawnshop sa Unit 7 ng Kristonan Building sa Dasmarinas’ Barangay (Village) Burol I, na nadiskubre ng

mga empleyado nitong nakaraang Lunes (December 29) sa ganap na ika-9 ng umaga. Ito ang pangalawang beses na nagyari ito sa nasabing bayan sa loob ng ilang buwan na pagitan. Ang naunang biktima ay ang Golden Crown Pawnshop sa Barangay Paliparan. Ayon sa lumalabas na imbestigasyon, ang nasa likod ng mga panloloob na ito ay ang kilalang Gaang Gang, na pinangungunahan ni June Gaang, na mula sa Palacpalac Pozzurubio, Pangasinan, at La Trinidad sa Benguet. JUN ISIDRO

Digging Robbers nanalanta sa Dasma!

SEN. BONG REVILLA

57 kandidato sa Dasmariñas


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.