Responde Cavite Issue 21

Page 1


2

ENERO 24 - 30, 2010

20,000 nagprotesta vs naudlot na LRT Project NI SHELLA SALUD

TRECE MARTIRES CITY – Humigi’t kumulang 20,000 katao ang kasama ni Gov. Erineo “Ayong” Maliksi kamakailan sa harap ng kapitolyo upang iparating sa gobyerno ang kanilang panawagan ukol sa nabinbing pagpapatayo ng Light Railway Transit (LRT) sa Cavite. Ayon kay Maliksi, kay tagal na nilang inaasahan na masimulan na

ang proyektong ito sa Cavite, simula pa lamang nung sya ay congress-

man ay pinagplaplanuhan na ito ngunit hanggang ngayon na matatapos na ang kanyang termino bilang gobernador ng Cavite ay hindi pa din nasisimulan ang planong LRT. Dagdag pa ni Maliksi, isang surpresa di umano na ikansela ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang P1-billion LRT Line 1 South Exten-

IPINAKITA ni Gob. Ayong Maliksi at Bise Gob. Osboy Campaña ang petisyon ng mga Kabitenyo hinggil sa naunsiyaming LRT project na magdudugtong mula Baclaran hanggang Cavite. sion Project (LRT-1 SEP) kilometro. pati na rin sa gobyerno. Ito ilang buwan bago mag Himutok pa ni Maliksi rin daw ang ipinangako ni eleksyon. na makakaapekto ng Pres. Macapagal-Arroyo Ayon naman sa ilang malaki sa pagsasagawa na magiging kanyang pahayagan na nagkaroon ng proyekto ang pagpa- priority project para sa tang pagkakataon upang palit ng administrasyon ong 2009, ngunit wala makuha ang sagot ni Lean- dahil maaaring magsi- namang pinatunguhan. Kinukwestyon din ni dro Mendoza, Transporta- mula ulit sa umpisa ang Maliksi kung may kinalation Secretary, wala lamang lahat ng proseso sa pagsapat na panahon para sa papatupad ng proyekto. man ba ang eleksyon at pulitika sa pagkakapigil proyektong ito. Dagdag pa niya, base sa sa proyektong LRT-1 SEP. Ang proyekto ay na- pag-aaral ng DOTC at Samantala pinaboran pagplanuhang magkaka- National Economic and naman ng provincial roon sana ng walong ista- Development Authority ay board ang resolusyon na syon mula Baclaran hang- malaki ang maitutulong nagsaaad ng pagpapatugang Bacoor City sa Ca- ng proyektong ito hindi la- pad ng LRT-1 SEP sa lavite at mayroong 11.7 na mang sa Cavite ngunit long madaling panahon.


ENERO 24 - 30, 2010

14 ANYOS NA PAMANGKIN TINIKMAN NG TIYUHIN

CAVITE CITY – Isang menor de edad ang nagsampa ng reklamo kamakailan laban sa kanyang tiyuhin na di umano’y ilang ulit siyang pinagsamantalahan. Itinago sa pangalang Nene ang biktima upang maproteksyunan ang pagkakakilanlan nito. Ayon sa salaysay ni Nene, nasa 14 taong gulang at residente ng nasabing Lungsod, matagal na daw itong pinagsasamantalahan ng kinikilala

Volleyball tournament sa Imus! IMUS, CAVITE - Ang pangkat ng militar na siyang nagsipagwagi sa tournament ng Volleyball ay magsisipagdalo sa Mayor’s Cup Invitational Volleyball Championships na idaraos sa nasabing bayan sa darating na Pebrero 6 hanggang 28. Ang tatlong nagsipanguna sa tournamaent na ito ay mula sa CALABARZON at PRISAA kasama na din sa team ng Air Force, Army at Navy. Ayon kay Imus Sports Council na si Rommel Camerino, ang tornamentong magaganap ay magsisilbing paraan upang subukan ang “Maliksing Atleta ng Imus” na isang programang pangsport na pinangunahan ni Mayor Manny Maliksi ng Imus. Kasama sa programang ito ang sports na badminton at basketball. Dagdag pa ni Camerino, uunahin nila ang larong Volleyball dahil ito ang kinakakitatan nila ng may mas mabilis na progreso sa larangan ng mga laro. Dito rin sa kompetisyon na ito nila ganap na malalaman kung handa na nga ba sumabak sa national level ang kanilang mga atleta. Isang imbitasyon din di umano ang ipinaabot sa UAAP ngunit hanggang ngayon ay wala pang sagot ang nasabing organisasyon. Samantalang si direktor Joey San Juan na siyang nanguna sa Philippine Volleyball Federation ng Region 4-A ang siyang hahawak sa teknikal na aspeto ng magaganap na turnamento. OBET CATALAN

NI ANDY ANDRES niyang Tiyo kahit noong bata pa lamang siya. Nagsimula di umano ang panghahalay ng tiyo nito noong siya ay nasa anim na gulang palamang at simula noon ay naulit na ng maraming beses. Nangyayari ang panghahalay sa tuwing wala ang may bahay ng suspek na siyang tiyahin ng biktima. Natakot di umano si Nene na magsumbong sa kinauukulan dahil sa pananakot ng suspek sakanya, na kapag ipi-

nagsabi niya ang ginagawa nito sa kanya ay magagalit ang kanyang tiyahin at patitigilin ito sa pagaaral. Ngunit nitong huling ginawang panghahalay ng suspek ay naging hudyat na para kay Nene na ipagbigay alam ang panghahalay sa kanya sa kinauukulan, sa tulong na rin ng kapitbahay at ilang kaklase nito upang maitigil na ang ginagawang ito ng kanyang tiyo. Samantala, inihahanda na ng pulisya ang kasong isamsampa sa suspek sa lalong madaling panahon.

WALANG TRAPIK SA SM ROSARIO ROSARIO, CAVITE – Isa na marahil sa maituturing na katangi-tangi at nararapat na ipagmalaki sa bayan ng Rosario ay ang pagiging matiwasay, hindi lamang ng mga lugar dito ngunit pati na rin sa pamamalakad ng batas trapiko. Hindi maitatanggi na malala ang kalagayan ng trapiko sa ating bansa lalo na sa mga urban na lugar ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang magwalang bahala dahil nakasanayan na ang ganitong pamamalakad ng trapiko. Malaking perwisyo ang naidudulot nito lalo na sa mga motorista at pasahero. Kaya naman nakakatuwa pa ring isipin na may mga bayan, na kahit maliit man, ay gumagawa pa rin ng paraan upang mawala ang trapiko na pupurwisyo sa mamamayan at dayo nito, katulad ng bayan ng Rosario. Sa pamumuno at pamamalakad ng butihing Mayor Nonong Ricafrente ng nasabing bayan katuwang na din si Vice Mayor Jhing-jhing Hernandez, ay lumago at umunlad ang Rosario. At kahit pa mas dinadayo na ngayon ang Rosario dahil sa pagkakatayo ng bagong SM mall dito ay hindi ito naging dahilan upang magkaroon ng mabagal na daloy ng trapiko sa lugar. Sa halip ay mas pinaigting ang pamamalakad ng daloy ng trapiko upang hindi ito makaabala at

makaperwisyo kaninuman lalo na sa mamamayan ng Rosario. Isang patunay lamang na maayos at matiwasay ang bayan ng Rosario dahil maayos at matiwasay ang namumuno sa bayan na ito. JUN ISIDRO

BAGONG POLICE DIRECTOR NG CAVITE

MAYOR STRIKE REVILLA IMUS, CAVITE - Nakumpirma kamakailan na mayroong ng bagong Cavite Provincial Director, na siyang pumalit kay Senior Superintendent Alfred Corpus. Ito ay si Senior. Superintendent Primitivo Tabujara, dating regional police intelligence chief.

3

Ecozone, malapit ng ipatupad MAGALLANES, CAVITE – Inaprubahan na ng board ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagsasakatuparan ng proyektong Cavite Biofuels Ecozone sa nasabing bayan, ayon sa ulat ni Peter Favila, Trade secretary. Ang nasabing ecozone, na mayroong 24.5 hektarya na pagmamayari ng Lobo-Lobo Development Corp., ay pangungunahan ng Cavite Biofuels Producers Inc. Sisimulan ang pag-

sasagawa nito sa darating na Abril at inaasahang matatapos sa Abril 2012. Naglaan naman ng halagang P55 milyon ang Cavite Biofuel para sa proyektong ito, kasama na dito ang magagastos sa pagbili ng property. Samantalang naglabas naman ng guidelines ang PEZA at Agriculture and Energy Department upang ipromote at suportahan ang proyekto at programang ito ng gobyerno. WILLY GENERAGA

Ayon kay Chief Supt. Rolando Añonuevo, hepe ng pulisya ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon region), nitong Enero 11, ay ganap na iniwan ni Corpus ang kanyang pwesto samantalang nitong Enero 12 naman nang ganap na maupo si Tabujara sa bagong tungkulin. Ang naganap na pagbabago sa pamahalaan ng pulisya ay parte ng kamakailang pagpapalit ng mga lokal na opisyales ng pulis sa buong bansa, kung saan itinuturing na regular itong ginagawa tuwing sasapit ang

panahon ng eleksyon. Apat na buwan lamang ang itinagal ng serbisyo ni Corpus, na dating hepe ng pulisya Taguig, bilang provincial director sa Cavite. May mga lumalabas naman na espekulasyon, na ang nasa likod ng reshuffle sa pamahalaan ng puslisya sa Cavite ay si Sen. Ramon “Bong” Revilla. Mariin namang itinaggi ng nakababatang kapatid na siyang kasalukuyang Mayor ng Bacoor na si Strike Revilla kasama na rin ang butihing maybahay ni Sen. Revilla ang espekulasyon na ito. EWEL PEÑALBA


4

ENERO 24 - 30, 2010

Paano na Kuya? (abangan ang susunod na kabanata) ISA ako sa mga milyunmilyong nanonood ng sikat na morning show sa Channel 2 na , ang “Show Time.” Wiling wili ako sa panonood ng iba’t ibang talento ng mga Pinoy na may kaakibat pang kwento ng buhay. Nakakakilig. Nakakabaliw. Ang sayang panoorin. Talagang tututukan mo ang programa simula umpisa hanggang katapusan. Hanggang isang araw, kasama pa rin ako sa mga nagulantang na ang nasabing TV Program ay nakatanggap ng suspension at papalitan ng isa pang programang kahalintulad daw ang format. Nabigla ang marami sa nangyari. Marami rin ang nalungkot. Halos nawalan ng pag-asa at nanghinayang. Dahil ito sa kagagawan ng isa sa mga napiling hurado na gumamamit ng di kanais-nais na salita. Di ko nga maunawaan ang naging damdamin ko sa naganap. Nandong parang naiinis ako sa hurado; at nandoong tamang duda ako sa kakayahan ng mga miyembro at chairman ng MTRCB. Anuman ang dahilan ng magkabilang kampo, ang mahalaga’y muli itong nabalik sa ere. Pinatotohanan ng mga nangyari ang kasabihang „You can’t put a good man down.” Ang aking pagbati sa inyong pagbabalik. Balik saya! Balik-kwela! Balik-aral sa buhay! Mabuhay at more power! oOo Naimbitahan ako sa Philippine Normal University (PNU) bilang tagapagsalita sa Planning Ceremony ng mga Practice Teacher. Ibinahagi ko ang aking natatanging karanasan bilang guro. Binigyan-diin ko ang kahalagahan ng pagiging guro ng bayan. Ninais kong maramdaman nila ang kabuluhan ng isang nagtuturo. At ang pagsisiwalat ko ng aking pormula para maituring nilang matagumpay ang isang guro batay sa rin sa aking sariling paniniwala. Kitang kita ko sa kanila ng kislap ng mga mata at ang masidhing pagtanggap sa lahat ng aking nabanggit ukol sa gawain ng isang guro. Nababanaag ko sa kanilang mga mukha ang kasiyahan inspirasyong hatid ng aking mensahe. SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Panahon na ng mga Intelektwal at Baliw Insanity in individuals is something rare - but in groups, parties, nations and epochs, it is the rule (Ang. kabaliwan sa mga indibiwal ay medyo pambihira— ngunit sa mga grupo, partido, bansa at panahon, iyon ang tuntunin) — Friedrich Nietzsche Sa isang bansang nagdarahop, parang masamang bisyo ang pag-iisip. Parang walang karapatang magsuri’t magnilay ang mga mamamayan dahil abala ang mga ito sa paghahanap ng ikabubuhay araw-araw. Ang mga mayayaman na may labis na oras at enerhiya ang may panahon na makapag-isip at magnilay. Pinatunayan na ito ng kasaysayan. Ang halos lahat ng mga pilosopo’t intelektwal… nanggaling sa pangtaas na uri (elite) o panggitnang uri (middle class) o burgis. Mula kina Plato, Marx, Freud, Chomsky, Nietzsche , Habermas at iba pa. Pero halos lahat sila, minsan ay pinaratangang mga baliw. Ngayong panahon ng eleksyon, may mga nagsusulputang di umano’y intelektwal (walang plosopo). Sila ang may monopolyo ng kaalaman at katamaan sa pagwawagi sa eleksyon. Pero sa totoo lang, sila ang mga baliw na nagkukunwaring matitino. Baliw na baliw sa kayamanan at kapangyarihan.

Kung utang sa mga ito ng mga politikong nakaupo ang kanilang pagwawagi at ganito ang kalagayan ng ating lalawigan, mga syudad at bayan... talagang intelektwal ang mga ito. Marunong talaga sila. Alam nila kung sino ang didikitan na kapwa nila magpapasasa sa kabangyaman ng bayan. Kaya’t tayong kanilang mga biktima, baliw na baliw sa kahirapan. Pwe1 oOo Saklaan sa Kawit at Bacoor May mga permanenteng saklaan sa Bacoor at Kawit. Sa Kawit, ilang metro lang ang layo nito sa Aguinaldo Shrine. Ang palusot… saklang patay daw ito. Talaga lang ha? Bakit parang linggo-linggo yatang may namamatay dyan sa eksaktong lugar kung kayat sa eksaktong lugar ding iyon nakapwesto ang saklaan. P/C Insp. Mamerto Malubay, sana po ay naaksyunan nyo ito. Baka po isipin ng inyong nasasakupan na nagkakaroon kayo dito ng ampyas ng biyaya mula sa langit. Hale, sige, baka magalit nyan si Pang. Emilio Aguinaldo kasi sinasalaula ng ilang tiwalang dotaran ang harap ng kanyang bahay. Mayor Tik Agunaldo… bostsip amo… kumusta naman dyan? Naku, ganito rin ang problema sa Bacoor. Gabigabi, halos 3-4 na permanenteng pwesto ng saklaan ang matatagpuan mula sa kanto ng Mabolo hanggang sa Bayan. SUNDAN SA PAHINA 5

KAKAIBANG RAKET NG ISANG KAPITAN SA ROSARIO SA lunsod ng Cavite naglipana ang maraming klaseng tent o tolda. Malaking bagay na para sa anumang okasyong gagawin, pangontra sa init ng araw at buhos ng malakas na ulan. Libre ang paggamit nito. Isang simpleng paraan na ipinapakita ng ilang pulitiko sa kanilang mamamayan ang kanilang pagtulong. Kung minsan pa nga ay ginagamit ang tent sa araw ng lamay ng patay. Sa bayan din naman ng Rosario ay nagkalat ang mga ito, dahil hindi na maikakaila ang patuloy na pagsulong ng pag-unlad ng bayang ito. Hindi na maitatago pa sa mga karatig-bayan ang magandang balitang ito sa bayan ng Rosario. Subalit hindi natin pwedeng itago ang isang isyung kinasasangkutan na tinuturing nating ama ng kanyang barangay. Ang siste, ginagawa diumanong negosyo ang tent o tolda ng bayan. Pina-uupahan daw ito sa kaniyang mga residente maging sa kanyang mga karatig-baryo sa halagang P200 bawat araw. Anumang okasyon ang idahilan ng mga manghi-

hiram ay walang kagatul-gatol itong naniningil ng upa diumano sa nasabing tent. Ibang klaseng raket ito kapitan ha? Totoo po ba ito? Naku kung ang manghihiram pala sa inyo ng tent ay sa lamay gagamitin at kung isang linggo itong gagamitin sa patay ( 7 araw ), eh di tumataginting na P1,400 ito bawat linggo. Sa isang tent pa lamang ito ha kapitan. Samakatuwid, P5,600 ang kikitahin ni kapitan sa tent sa bawat buwan. At kung matagal na itong nangyayari sa kanyang barangay ibig sabihin kumita si kapitan ng halagang P67,200 bawat taon. Ang laking pera nito kung ating susumahin, lahatlahat ng tent na pinapa-upa nitong magaling na kapitan del baryo. Kung totoo ang paratang ng mga residente na ito sa kanilang kapitan marapat lamang na siya ay imbestigahan. Naku kapitan lagot ka! Gusto nyo bang makilala itong si kapitan? Bibigyan ko kayo ng ilang ideya, kapangalan siya ng isang kilalang mangangaral ng bibliya. Sikat ang pangalan niya na mayroong pagkakahawig sa isang modelo ng sapatos. Kung hindi ninyo pa makuha, eto ang kanyang pamosong salita... liglig, siksik, at umaapaw!

ALAMIN ang dapat gawin BAGO, HABANG nagaganap at Matapos ang lindol...... Kalunos lunos ang sinapit ng bansang Haiti dahil sa intensity 7 na lindol noon Enero 12 , 2010. Daang libong katao ang nagbuwis ng buhay dahil sa trahedyang kanilang sinapit. Ilang Pilipino ang naipit sa mga gumuhong gusali. Hangang sa kasalukuyan ay patuloy ang rescue operation. Ang ating inang bayan ay hindi rin ligtas sa lindol. Ilang ulit na ba nagkaroon ng malakas na lindol sa ating bansa, ilang buhay na rin ba ang nawala. May kakayahan ba tayong malaman kung kelan lilindol, saan lilindol at anong oras lilindol. Ayon kay Mr.Alex Cabrera at Robert Tiglao Science Researcher Assistance ng PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY (PHILVOLS) wala pang aparato na makakapagtala kung kelan, saan,at anong oras lilindol.

Ngunit kayang maitala ng seismograp machine, kung anong magnitude at intensity kung kasalukuyang lumilindol. May mga pamamaraan para makaiwas sa ganitong uri ng kalamidad. BAGO lumindol: Ang susi sa mabisang pagplaplano laban sa kalamidad ay ang kahandahan. *Alamin kung ang inyong lugar ay nasa dinadaanan o malapit sa kinaroroonan ng isang “active fault” o kung ito ay lugar na may malambot na lupa na maaaring “liquefy” kung magkakaroon ng lindol. *Siguraduhin ang matibay na pagkakagawa sa mga bahay o gusali at ang pagkakagawa ay dapat na umaayon sa tama at iminimungkahi “safe engineering practice” ng mga dalubhasa. *Alamin kung ang kinaroroonan ng gusali at iba pang mahalagang inspraktura ay matitibay, pagtibayin pa kung kinakailangan. Ihanda ang inyong tahanan at lugar na pinagtratrabahuan sa pagkakaroon ng lindol. *Itali ang mga mabibigat na kagamitan o kasangkapan sa dingding upang maiwasan ang pagkahulog. SUNDAN SA PAHINA 5

LINDOL


BANG! PINASALUBUNGAN ang bagong taon ng back-toback na patayan sa Cavite dahil sa eleksyon na naman, umasa tayong darami pa. May isang thread sa forum sa RESPONDECAVITE.COM ang tumalakay sa patayan dito sa tin sa Cavite. Kalimitan sa mga nagpost ay mga kabataan na naghihimutok sa napupuna nilang tila “pagkauso” ng patayan... Konting kibot nga naman dito sa atin... Bunot! Parang nakikinita mo na nga naman ang takbo ng kukote nitong mga kamachohan ng mga Kabitenyo... “Anong demodemokrasya? Kalaban ka sa pulitika eh...” BANG! “Nalimutan mo ata magpaalam nung nilagay mo sa sala nyo yung TV namin...” BANG! “Pre, ambilis ng motor mo ah. Kaya mo pala akong overteykan...” BANG! “Anong wrong send? Niyayaya mo talaga sa motel syota ko...” BANG! “Lasing ako...” BANG! “Mas malaki tarugo mo eh...” BANG! “Madami ka nang tinumba kaya ikaw naman...” BANG! Eto ang mga halimbawa ng post ng readers natin: ·bkt kya satin d2 sa cavite nauuso na ang

patayan ? gnun nb karami ang mga halang satin d2 sa cavite ? konting problema patayan na agad , bkt kaya gnun ?? - oyiiieeee · may kultura kasi ng machismo dito sa tin nuon pa.. lahat ng usapin dinadaan sa kung sino ) malakas ang putok. sila rin yung karaniwang maliit ang pistola Bwahahahahaha-vin ha! · sadyang makikitid lang ang mga utak ng mga gumagawa ng ganyan.... kala nila makapangyarihan sila, malalakas,, kapag madame na ang napatay.... kala nila sikat sila kapag nakapatay.. hahahah ARTISTA?!!!!! HAHAHAHAHAHAHAH pero ang totoo sila yung mga nangangatog ang tuhod... mga duwag... pag walang baril umuurong yung apog nila... hahah - ruth · HAIST ANG MGA TAONG GUMAGAWA NG GANYAN BAGAY MALAKI ANG INSECURITIES SA SARILI NILA... AT YUNG MGA TAO NAMAN NA NASA PALIGID NILA GINAGAMIT KUNG ANO MANG KONEKSYON MERON SILA... PANO NGA NAMAN UUNLAD KUNG LAHAT NG TAO EH GANYAN... ANG SA AKIN LANG PANAGUTIN KUNG SINO MAY SALA

ENERO 24 - 30, 2010 Special Report ni Melvin Ros

- jewel ·gravy ang tnong ,, agree ao sza Lhat !! gngawa nLa un pra mszabi nLa sza szariLi nLa @ sza iba nah dpt sziLang pangiLagan nah kaya nLa ang Lhat nah sziLa ang nasza taasz at ang wLang armasz ang nsza ibaba .. joybielyn feeLing DIYOS ·Ang mga taong pumapatay ay mga duwag na hindi matangap na sila ay nahihigitan ng iba o sila ay nag-aasam ng mga bagay na di nila makuha sa sipag ay kinukuha sa marahas na paraan. Ito rin ang mga taong wala magawa at gustong makilala sa gawaing mali na akala nila ay magtataas sa kanilang estado sa buhay, pagkakilanlan man o sa yaman.- Cylver · NaKU ang mga ganyang tao... Bilang na ang mga araw ng mga yan... nalalapit na sila sa mga huli nilang hantungan... kumbaga sa bisita iglesia. b2sitahin na rin sila ng amo nila... si Satanas Kitakitz kayo dun sa impyerno dun ... kayo2 kaya ang magpatayan ng malaman nyo ang idinudulot nyo sa bansa.... hahahahaha TAMA NA!!!! WLA KA-

YONG MAPAPALA.... – ruth · maghintay na lang sila ng kapalit sa mga ginagawa nila.. balang araw pagbabayaran din nila yan.. timid Ang pinakamasaklap sa mga pangyayaring ito ay ang hindi pagkakahuli ng mga salarin, hindi pagbabayad sa kanilang kasalanan, kaya’t nagiging inutil ang hustisya. Mas malubha pa kung walang suspek man lang. Walang maisampang kaso. Walang saksi at kahit yung nakikilala ang kriminal ay hindi na rin nagsasampa ng kaso. Kasi nga naman... BANG! Lumalakas ng higit ang loob nitong mga dyos-dyosan at magpapatuloy pa... Kapag hiwa-hiwalay ang insidente, kala mo bibihira... nagiging karaniwan pag lipas ng panahon. Kaya tinatanggap na lamang at pinagkikibitan ng balikat. Sa kasalukuyang panahon na may akses ang karaniwang mamayan sa media, napupuna ng mga kabataan ito. Kaya ngayong bagong taon, magsimula tayong magbilang. Mas tutukan natin yung mga pinatay na walang kasong naisampa o kaya’y walang suspek man lamang... Ipost natin sa forum ng respondecavite.com ang bawat itutumba sa inyong lugar. Tignan natin kung hanggang saan ang tatag ng sambayanan na sikmurain ang bagay na ito.

Sundot kalikot

5 MULA SA PAHINA 4

Naku po, ano ba ‘yan. Dahil ba sa nalalapit na ang eleksyon ay panay-panay na rin ang saklaan? Entonses, ang ihahalal palang mga susunod na lider ng Bacoor ay mga gambling lord. Uso na naman ang sugalan sa Bacoor? Naku ha? Pustahan tayo… tama ako! Mayor Strike Revilla… pakibigyan nga po ng isang strike ang mga palkups na ito. Aba, kakaiba ang prente. Sabi sa atin ng ating impormante, ang mga pasimuno raw dito ay naglalagay ng banner ng punerarya para magmukhang may patay. Kaya naman pala, ilang ulit na nating nadadaanan ang nasabing lugar, linggu-linggo yata ay may saklaan sa ganoon ding lugar. Hmmm, baka may epidemya na sa lugar na ‘yan. Epidemya ng sakla! Col. Montilla, ser, baka gusto nyo pong silipin ang mga lugar na ito. Baka akalain ng mga tao na nakikinabang ang opisina nyo sa intelihensya. con delihensya.

Munting paalala

MULA SA PAHINA 4

*Ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal at mga bagay na madaling magliyab ay dapat na nakalagay o nakatago sa pinakailalim na bahagi ng mga instante at dapat na ito’y hindi magalaw o matapon. *Ugaliin ang pagsasara ng mga tangke ng gas pagkatapos gamitin. Sanayin ang sarili sa ibat ibang lugar sa inyong tahanan at opisina. *Alamin ang mga matitibay na bahagi ng inyong gusali katulad ng hamba ng pintuan, mga lugar na malapit, sa “elevator shafts”, matitibay na lamesa kung saan maaring manatili habang lumilindol. *Matutong gumamit ng pamatay sunog (fire extinguisher), mga gamit pang unang lunas (first aid kit); alarming pang ligtas (alarms) at labasang pang emergency (emergency exit) Ang lahat ng ito ay dapat na nasa lugar na madaling puntahan at malapitan at may palatandaang o marking madaling Makita. Karaniwang sanhi ng pagkapinsala kapag may lindol ay dahil sa mga naglalaglagang bagay. *Angmga mabibigat na kagamitan ay dapat nakalagay sa ilalim na bahagi ng mga instante. *Tiyakin ang matibay na pagkatali ng mga nakatabing bagay na maaring makalag at bumaksak kapag nagkaroon ng lindol. *Maghanda at pamalagiin ang isang “earthquake survival kit” na nag lalaman ng dibatereyang transistor, flash light, first aid kit, tubig na maiinom, kendi, mga delata at iba pang “ready to eat” na pagkain, pito at gas mask. Susundan...

Good Morning Teacher

MULA SA PAHINA 4

Nakatutuwang isipin na ganito ang ligayang aking nadarama ng mga oras na iyon. Panalangin kong maisakatuparan nila ang kanilang gawain nang buong katapatan. Ito ang magiging simula ng kanilang pangarap. Ibang magiging daan ng kanilang tagumpay. Ito ang magiging hudyat ng pagkatuto sa buhay. Goodluck sa inyong lahat! oOo Naging maayos at may direksyon ang naganap na Consultative Meeting ng mga School Administrators sa Rosario,Cavite. Napagkasunduan dito ang pagkakaroon ng Standardized Students’ Handbook na siyang magiging opisyal na gabay ng bawat panahon na itoy maisagawa at maisakatuparan. Sa ika-10 ng Pebrero, magaganap ang Training Workshop upang mabuo ang nasabing handbook. Ang target ay sa susunod na pasukan upang itakda ang pagsisimula nito. Ang panalangin na ito’y matagumpay na gawin at tapusin. Sa mga magulang ng naturang bayan, bigyan po natin ng suporta ang pagkilos na ito. Ang ating mga anak ang makikinabang dito. More Power sa inyong lahat! oOo Good morning,teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kay Ganda at Bagong Pag-asa. Edukasyon… kahit saan, kahit kalian… katuwang sa karunungan at kaunlaran.


6

ENERO 24 - 30, 2010

KASABIHAN na ngang ang bata o anak ang siyang nagbibigay ligaya sa isang tahanan. Ang bawat hagikgik nito na pumupuno sa kabahayan ay isang musika sa pandinig ng mga magulang. Kay sarap ng halakhak ng isang musmos, sabi nga’y tinig ng kawalangmalay. Hindi buo ang pagsasama ng isang mag-asawa kapag nakakarinig ng tawanan ng mga naglalarong bata. Lagi na, nais ng isang magulang na ibigay ng lahat-lahat para sa anak. Sa kanilang pagtulog na kung minsan ay ating pang pinagmamasdan, at tayo’y nangingiti rin sa tuwing sila’y ngingiti habang natutulog. Pinapaspasan ng upang di dapuan ng lamok. Pinaghehele upang makatulog. Ahhh, kay sarap maging bata… Pero paano kung agawin ng isang malahalimaw na nilalang ang buhay ng isang paslit para lamang sa kanyang maka-mundong pagnanasa. Isang bangkay ng batang babae ang natagpuang palutang-lutang kamakailan sa baybaying dagat sakop ng Brgy. 48 ng Bagong Pook, Cavite City. Walang pagkakakilanlan ang bata na tinatayang na may edad na 9 hanggang 11 taong gulang. May kulay ang buhok at biyak ang kanang bahagi ng ulo at labas ang utak. Natagpuan ng mga mangingisda ang nasabing bangkay sa kalagitnaan ng kanilang pama-

malakaya na kaagad nilang ipinagbigay alam kay Brgy. Capt. Dante Vale Cruz. Ayon sa mga mangingisdang nakatagpo sa bangkay ng bata, dakong 6:00 n.g nang makita nilang isang wangis bata na lulutang-lutang sa karagatang sakop ng Manila Bay. Kumuha anila sila ng sako upang siyang ipalupot sa bangkay ng bata at saka hinila papuntang dalampasigan. Ayon kay PO2 George Lapidario, may hawak ng kaso, hinihinalang pinagsamantalahan muna ang biktima bago ito itinapon sa dagat. Isinigurong patay na ang biktima dahil sa nakitang malaking biyak nito sa ulo. Mabilis namang ipinanawagan ng kinauukulan ang pagkakakilanlan ng batang babae, subalit habang ginagawa ang balitang ito ay wala pa ring umaangking kamag-anak dito. Patuloy pa rin ang ginagawang pagiimbestiga ng mga kinauukulan sa kasong ito para sa ikalulutas ng malagim na insidenteng sinapit ng musmos. Sa pangyayaring ito, nababahala ang ilang mga magulang lalo na sa kanilang mga anak na babae. "Hindi magagawa ito ng matinong tao, siguradong lulong ito sa ipinagbabawal na gamot," paglalahad ng isang magulang. Sana mabigyan ng katarungan ang krimeng sinapit ng batang ito, pagtatapos pa ng magulang.

Driver ng motor, patay! Sa pagkakabangga ba o sa bugbog? Investigative Report KAWIT, CAVITE – Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap noong Enero 4, 2010 sa bayang ito dakong alas 2:50 ng madaling araw. Sangkot ang driver ng motor na si Billy Jay Polompo y. Guhit, 30 taong gulang, may asawa, waiter sa Max Restaurant at naninirahan sa Kabayas St. Ligtong I, Rosario, Cavite dala ang minamanehong motor na Yamaha Crypton na may plakang TB 2231 at isang bisikleta na pag-aari naman ng isang Gilbert Legaspi y. Lorenia, residente ng 75 Brgy. Marulas, Kawit Cavite. Sa isinagawang pag-iimbestiga ni PO1 Gabriel R. Gonzales, may hawak ng kaso. Habang binabaybay ni Polompo ang daang Marulas pauwi sana sa kanyang bahay galing sa

trabaho ng makasagi diumano ito na isang bisikleta na minamaneho naman ni Legaspi. Nagtamo ng serious damage si Polompo na kaagad isinugod sa Kawit Maternity Hospital at makalipas ang ilang oras ay inilipat ito sa Dela Salle University Medical Clinic Center, subalit makalipas lang ang ilang saglit ay idineklara na itong patay. Samantalang ang driver naman ng bisikleta ay himalang hindi nasugatan matapos na ito ay mabangga ng motor. Sa pakikipag-ugnayan ng pamilya ni Polompo sa Responde Cavite ay malungkot nitong ibinahagi ang kwento ang pangyayari. Hindi diumano sila makapaniwala sa pangyayaring naganap, kaya’t masusi nilang inalam ang tunay na pangyayari.

Base sa salaysay ng asawa ng biktima, hindi raw tunay na namatay sa aksidente ang kanyang asawa. Ang totoong ikinamatay nito ay ang bugbugin ito ng mga ilang nakatambay malapit sa pinangyarihan. May mga kwento pang nakalap ang pamilya ng biktima ng minsan inusisa nila ang ilang residente malapit sa pinangyarihan ay hindi sinasadyang madulas ito sa pagkukwento. Binugbog ng ilang mga kabataan ang driver ng motor na siyang tunay na dahilan ng pagkakamatay nito. Masusi pa ring inaaalam ang tunay na pangyayari sa krimen na ito, habang tinutukoy ng mga awtoridad kung sinu-sino ang sangkot pagkakamatay ng biktima. Sid Luna Samaniego Ang maaliwalas na mukha ni Billy Jay Guhit Polompo nang siya ay nabubuhay pa.


ENERO 24 - 30, 2010

7

Tugunan ang Hamon ng Bayan at Kasaysayan NI SID SAMANIEGO ANG respeto sa mga lider ng bayan ay kusang ibinibigay ng mga mamamayan. Hindi nadadaan sa pananakot, pagbabanta at panggigipit. Ipinagkakaloob ito ng mga nasasakupan kapag nakita nila na ang kanilang piniling lider ay nagkukusang ibalik sa mga mamamayan ang talagang para sa kanila. Kung ang mga lider ay may kusang umabot sa kalagayan ng mga mamamayan, may tengang handang makinig, may matang laging nagmamasid, may damdaming nakadarama at may isip na nagsusuri’t nagninilay… hindi na kailangan lapitan pa at pagmakaawaan ng mga mamamayan, inuuna ang pagkilos at tugon kesa sa publisidad at propaganda. —sa ganitong paraan, ang lider ay nirerespesto at hinahangaan ng bayan. Kaya naman, res- ng mga basagulerong ang mararating nito. staff ni Campaña na peto at paghanga ang anak-mayaman sa mga “Kasi naman, kahit hindi tubo’t lihitimong Cavinani ni DENCITO “OS- bar, ktv at tambayan. nya nasasakupan o iteño. BOY” PRESA CAM“Si sir, kahit anong mamamayan, kahit taga Natapos ni Campaña PAÑA sa anumang oras, hindi nagdadala- ibang lugar, basta’t lu- ang syam na taon bilang larangang kanyang pi- wang isp tumulong. Min- mapit sa kanya, hindi Mayor ng Gen. Trias nasukan at pinag- san nga, sarili nyang nya tinatanggihan.” (1995-2004). Saksi ang lingkuran sa pama- pera, iniaabot sa mga Banggit ng isang kritiko. kanyang bayan sa napamagitan ng pagtata- biktima, pampaospital, Katwiran ni Campaña, kalaking pagbabagong nim ng taimtim na pag- panggamot, pangkain at wala syang pakialam naganap. Hindi lang ganap sa tungkulin at kahit pamasahe man kung kakampi o kaaway, pisikal na kapaligiran patas na pakikitungo lang.” banggit ng isa kung nasasakupan nya ang pag-unlad ng mga sa nasasakupan. nyang dating tauhan sa o hindi, kaya nga lu- taga-Gen.Trias kundi “Bata pa lang ako pulisya. mapit, ibig sabihin, na- maging sa buhay ng mga noon, pagpupulis na Sa mahigit 67 na ngangailangan. Ang mamamayan. Napagang pangarap ko. Gus- Commendation na na- pagkalianga sa kapwa, ibayo ang kapayapaan at to ko kasi, ipagtang- tanggap ni Osboy Cam- hindi humihingi ng ma- kaayusan. gol ang inaapi. Protek- paña, iba’t ibang para- raming kundisyones. Hindi rin sya nabigo tahan ang karapatan ngal at pagkilala sa ma“Tahimik lang si Os- nang makipagsapalaran ng mga mamamayan. tagal nyang panunung- boy (tawag sa kanya ng sya sa Sanguniang PanPangalagaan ang ka- kulan bilang alagad ng mga malalapit na kaibi- l a payapaan. Ipaglaban batas, parang may kuang katarungan at kaayusan, kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito.” Ang wika ni Campaña. Naging tinyente sya ng pulis matapos makakuha ng BS Criminology. Simula noon, habang tumataas ang kanyang ranggo, lumalaki rin ang kanyang responsibilidad. Nadestino sya sa halos lahat ng sulok ng Lalawigan ng Cavite. Dito nya nasaksihan ang gan, lawigan. Sa mahigit sa pagkauhaw ng lang pa rin kakilala, katrabaho at 24 na resolusyon, ordikababayan). Trabaho nansa at batas na isinumga tao sa kahit na sa kanyang kalooban. simple basta’t tahimik Kayat nagpasya s- agad. Pwera dakdak. long at ipinasa bilang na buhay. yang palawigin at pala- Hindi uso sa kanya yung CHAIRMAN, Committee Madalas syang wakin ang kanyang pag- laging papogi. Alam nya on Ways and Means, naging sumbungan ng lilingkod-bayan. Puma- kasi na hindi tanga ang napagbuti nya ang kita taong bayan. Alam ng ng lalawigan at mapamga Caviteñong bikti- sok saya sa politika. Vice-mayor pa lang si mga Caviteño kung sino sigla ang pangangalakal. ma ng karahasan ng Sa kanyang kahusamga maimpluwens- Osboy ng Gen. Trias, talaga ang nagtatrabaho yang pamilya, nalu- alam na ng maraming at kung sino ang nagpa- yan sa pagpapalago ng long sa sugal at dro- kritiko at tagapagmasid pabango ng pangalan.” kabuhayan at ekoga, simpleng biktima sa politika na malayo dagdag ng isa sa mga nomiya (dahil na rin sa

nagawa nya sa Gen. Trias), tinugon nya ang tawag ng kasaysayan na maging Vice-Governor ng Cavite noong 2007 bilang katuwang ni Gov. Ireneo “Ayong” Maliksi. Sa halos tatlong taon nyang panunungkulan bilang Vice-Gov., naging abala sya sa pagpapabuti ng Peace and Order ng Lalawigan ng cavite City. Marami syang ipinatupad na batas at isunulong na resolusyon upang may kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Ngunit hindi ito naging madali. Marami syang nakabanggang maimpluwensyang pamilya at politiko. Ang ilan sa mga ito ay dati nyang kaibigan at kasamahan. “Pero anong magagawa ko? Lingkod bayan ako. Katungkulan kong unahin ang kapakanan ng mga taga-Cavite kesa sa pakiusap at kalabit ng iilan. Mayayaman na sila. Makapangyarihan at maimpluwensya pa. Hindi na nila kailangan ng

proteksyon. Mas kailangan ng karaniwang tao ang panangga laban sa pang-aabuso at pang-aapi.” Tugon ni Campaña. Nanindigan si Campaña na sya’y ViceGovernor ng buong Lalawigan ng Cavite. Hindi ng iisang grupo, hindi ng iilang tao, partido at maimpluwensyang pamilya. Sabi nga ni Osboy sa isang interview… “Wala akong pakialam kung kapartido, kakampi o kalaban… basta’t Caviteño, alay ko’y Serbisyo.” May bagong hamon na kinakaharap ngayon si Campaña. Daang libong Caviteño ang humamon sa kanya. Mas dapat sabihin nakiusap. Na ipagpatuloy ang nasimulang kaunlaran at kapayapaan ni Gov. Ayong Maliksi. Ang pakiusap sa kanya ay taggapin ang hamon. At wag pabayaang iisang pamilya lang ang makapagtatakda sa kapalaran ng Dakilang Lalawigan ng Cavite. “Dakilang Lalawigan, Dakilang Mamamayan… Ipagpatuloy Ang Kaunlaran. Nasa mamamayan ang kapangyarihan ng bayan, wala sa iisang pamilyang naghahari-harian.” Pagtatapos ni Campaña.


8

ENERO 24 - 30, 2010

Kamakailan, inabangan ng buong bansa ang kahahantungan ng isang reality show sa isang network. Tungkol ito sa isang grupo ng tao na inlagay sa isang isla at binbigyan ng ilang hamon at paligsahan. Tapos, may iboboto ka sinong matatanggal. Hindi lang ito naging laro ng palakasan. Kundi laro din ito ng pautakan. Pagbubuo ng alyansa ang susi para hindi matanggal. Habang pinapanood ko ito, hindi na nawala sa isip ko kung sino ang susunod na batch na pwedeng isama sa ganitong realilty show. At natural, ang nasa isip ko ay ang pinakamahahalagang tao sa ating bansa, ang pinakamamahal natin, ang pinakarerespeto natin… ang mga politiko. Sino sa mga ito? Syempre, lahat ng tatakbo sa pagkapresidente sa 2010. Dadalhin ang mga ito sa isang squatter area. Pa-

Ang Susunod na Reality Show

titirahin sa isang barong barong na may apat na anak. Sila ang tatayong ina/ ama ng mga bata. Ito ang kanilang challenge: 1. Paano nila mapagkakasya ang PhP 400 na mimimum wage sa isang araw na gastos na mayroong apat na anak, may inuupahang bahay, binabayarang kuryente at tubig. Pambaon ng mga anak, sabong panlaba, panligo, shampoo, toothpaste, ulam, bigas at iba pa. Kapag hindi napagkasya ang budget, hindi na kasali sa 2010 election. 2. Unahan sa pagpila sa mga health center para makapagpatingin ng mga anak na may sakit sa doctor. Makikusap sa center kung mayroon pang gamot na pwedeng ibigay sa anak. Kapag hindi naipagamot ang mga bata at hindi o nakakuha ng gamot, pwera na sa 2010 election. 3. Tyagaan sa pagpila sa NFA rice para makabili ng murang bigas. Sa kilokilometrong nakapila sa NFA rice, dapat ay bitbit ng politiko ang kanilang apat na anak. Kapag hindi nakaabot sa bigas, syempre, tsugi na sa 2010 election. 4. Habang nakasalang

ang sinaing, mag-iigib ng tubig sa poso ng bayan. Habang hila-hila ang mga anak, mag-iigib ang politiko. Dapat nyang mapuno ang drum ng tubig para may magamit sa paliligo, paglalaba at pagluluto. At dahil nakasalang ang sinaing nya habang ginagawa nya ito, kapag nasunog ang kanin, talsik na sa 2010 election. Kapag hindi nya napuno ang drum tyugi na rin sa 2010 election. 5. Kapag napuno na ang drum ng tubig at nakapagluto na ng sinaing, tatakbo sa palengke. Bibili ng ulam (Tandaan ng politiko na kukunin nya ang lahat ng gastos mula sa PhP 400 na mimimum wage) at pakakanin ang mga anak. 6. Pakakainin ang mga bata, paliliguan at dadamitan. Pababaunan at saka dadalhin sa eskwelahan. Ooops, hindi pa tapos. Pag dating sa school, itatanong sa teacher kung anu-ano pa ang mga bayarin na hindi na nababayaran. Huhulugan ito ng politiko. Makikusap na sa susunod na linggo na lang ulit ang iba pang pagkakagastusan. Pag hindi pumayag ang teacher, dapat nyang bayaran. 7. Pagkahatid sa mga

bata, maglilinis ng bahay… magsusulsi ng damit. Mamalantsa. Maglalaba. 8. Pagkatapos ng trabaho sa bahay, matutulog kahit isang oras. Pagdating ng mga alas singko, susunduin ang mga bata sa eskwelahan. 9. Pakakainin ng hapunan. Tuturuan ng assignment. Gagawan ng paraan ang project… lahat ng ito ay gagawin habang nanonood ng telenobela, pantaserye o sinenobela. 10. Patutulugin ang mga bata. Pamaypay, katol, o bintilador… bahala ang politiko sa gagamitin basta dapat mapatulog nang mahimbing ang mga bata nang hindi dinadapuan ng lamok. Sa loob ng isang linggo, gagawin ito ng mga politiko. Tapos, boboto ang mga mamamayan kung sino sa mga kasali ang tatanggalin. Tapos, isang linggong hamon uli. Tapos, botohan uli. Kung sino ang politikong magwawagi sa challenge, pwede na itong gawing presidente ng bansa. Ano sa tingin nyo belabed riders? Papayag kaya ang mga politiko sa ganitong hamon ng bayan? Abangan!

○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○

MGA BAYANING MAGSASAKA AT ANG HALALANG 2010

SAN MATEO, RIZAL – Noong nakaraang linggo ay nasaksihan natin ang malaking kilos-protesta ng mga bayaning magsasaka sa buong bansa. Sapagkat pambansang panawagan ay maraming magbubukid ang lumahok mula pa sa Mindanao at Visayas, maging dito sa Luzon mula Ilocos at Kabikulan para magtungo at magkita-kita sa Metro Manila upang alalahanin ang ika-23 taong anibersaryo ng Mendiola Massacre. Ang Mendiola Massacre ay naganap noong ika-22 ng Enero, 1987 sa ilalim ng rebolusyunaryong pamahalaan ng yumaong dating Pangulo Corazon Cojuangco –Aquino. Sapagkat napaniwala ang maraming magbubukid at mamamayang Pilipino na bago na nga ang

gobyerno nang mapatalsik ang diktadurang pamahalaan ng yumaong dating Pangulo Ferdinand Edralin –Marcos noong 1986, ay nagkaisa ang mga bayaning magsasaka na magtungo sa ka-Maynilaan partikular sa Malacañang upang hamunin ang bagong pamahalaan (lalo pa at ito ay isang rebolusyunaryong pamahalaan daw) na mawakasan na ang sitemang pyudalismo at ipatupad na sana ang tunay na reporma sa lupa kasama na ang daan-daang ektaryang lupain ng mga Cojuangco (angkan nina Noynoy at Gibo) sa Tarlac at marami pang iba na pag-aari ng mga panginoong maylupa at asendero. Datapwat sa mapayapang pagmamartsa ng mga magsasaka sa pangunguna ng dakilang samahang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasama ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na ang tanging dala ay mga flags, placards, streamers, banners ng kanilang mga isyu at hinaing (na yari lamang sa mga kartolina, stick, at tela), ay kagimbal-gimbal na ar-

mas at bala ang isinagot ng ilang abusadong kapulisan at militar na nasa paanan ng Mendiola ng mga oras na iyon na nagresulta sa pagdilig ng dugo at pagkitil sa buhay ng may 13 bayaning magsasaka at ikinasugat ng may 51 pa. Sa mga pangyayaring ganoon ay malinaw lamang na ang gobyerno mismo ng ating bansa ang nagtutulak o nagtuturo sa ating mga mamamayan na magrebelde at mamundok na lamang. Sa mapayapang kilosprotesta na ginagarantiyahan naman ng saligang batas ng Pilipinas sapagkat mayroong umiiral na demokrasya subalit imbes na seryoso at maayos na pag-uusap ang gawing hakbang ay armas at bala pa ang igaganti ng pamahalaan, ay ano pa nga ba ang dapat na asahan ng mga magbubukid at mamamayan sa dapat sanang gobyerno na tutulong sa kanila. Kaya hindi kataka-taka na muling lumobo ang bata-batalyong magsasaka at mamamayan na muling tumungo sa kanayunan at umakyat sa mga

kabundukan upang sumali sa Bagong Hukbong Bayan o mas kilala sa tawag na NPA. Ang mga pangyayaring naganap noon sa paanan ng Mendiola ay hindi nagtapos doon sapagkat mula noon magpahanggang ngayon ay hinding-hindi pa rin naipapatupad ang tunay na repormang agraryo sa bansa. Nagaganap pa rin ang mararahas na agawan sa lupa. Habang isang hungkag at mapanlinlang na CARPER Law na puno naman ng butas ang pilit na inaprubahan ng pamahalaan imbes sana na isulong ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na isinusulong sa Kamara de Representante ng namayapang magiting na AnakPawis Partylist Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran. Sapagkat patuloy na naghahari sa larangan ng pulitika at pag-gogobyerno ang mga asendero, panginoong maylupa at malalaking negosyante ay malabong maisulong at maaprubahan ang mga tunay na panukalang batas para sa mga magsasaka, mangggagawa, maralita at mamamayang Pilipino da-

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN- Nasa iyo ang pagkakamali. Magsisi kaman ay huli na. Naging maramot ka sa kanya. May posibilidad na di na siya magbalik. Lucky Days/No/Color:Tue/Fri 4-8-17-29-40-41 Green AQUARIUS- Tandaan mo ang mali kailanman ay hindi na pwedeng itama ng isa pang pagkakamali kagaya ng iyong binabalak. Lucky Days/No/Colors:Mon/Wed 1-20-25-29-39 Orange PICES- Kung iniisip mo na napaniwala mo siya, nagkakamali ka dahil lantad na ang iyong kasinungalingan mo sa kanya. Lucky Days/No/Color:Wed/Fri 6-14-21-33-38-40 Red ARIES- Sobra sa laki ng tiwala mo sa iyong sarili kaya kapag nabigo ka malaki ring anino ng kabiguan ang sa iyo’y magbibigay ng todong kalungkutan. Lucky Days/No/Color:Mon/Tue 2-9-22-27-37-45 White TAURUS- Naniniwala ka ba sa love at first sight? Kung siya ang suwerte mo ay walang magiging sagabal sa paglalapit ninyong dalawa. Malamang ay pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa. Lucky Days/No/Color:Wed/Sat 1-10-25-28-40-49 Peach GEMINI- Bakit ikaw galit ka sa gawain ng ibang tao? Di ba mas masahol ka pa sa gawain nila? Lucky Days/No/Color:Fri/Sat 5-36-39-45-46-49 Black CANCER- Tumatamlay ka kapag naaalala mo ang iyong nakaraan.Harapin mo ang ngayon may maganda kang haharapin. Lucky Days/No/Color:Thur/Fri 6-10-24-34-39-42 Blue LEO- Huwag pigilan ang sarili kung may desisyon ka gawin mo. Hindi lahat ng panahon ay magtitiwala ka sa iba. Maganda ang tinatahak ng iyong landas. Lucky Days/No/Color:Mon/Tues 3-9-21-28-40-41 Violet VIRGO- Huwag umasa sa wala, kumilos ng mayroon kang mapala at huwag umasa lang sa bigay na tulong ng iba. Lucky Days/No/Color:Fri/Sat 1-20-26-3639-43 Cream LIBRA- Maging maagap sa lahat ng oras sapagkat nasa landas na iyong tinatahak ang kaunlaran. Ang pagibig ang siyang gabay pagsisikap. Lucky Days/No/Color:Sat/Sun 1-8-21-28-30-34 Yellow SCORPIO- In love ka na naman pero lihim lang.Huwag na huwag mong ipagsasabi, ipinauuna na basted lang ang mapapala. Di ba,mas masarap ang umibig ng lihim. Darating din ang iyong pag-ibig pero matagal pa yun. Lucky Days/No/Color:Fri/Sun 3-23-33-39-42-44 Gray SAGITAURUS- Bakit di mo bigyan ng pagkakataon ang taong tapat na nagmamahal sayo? Di mo ba alam na kayong dalawa ang magkakatuluyan? Lucky Days/No/color:Wed/Fri 10-11-21-29 37 30 Purple

hil patuloy na poprotektahan lamang ng mga naghaharing uri sa Kongreso, Senado at Malacañang ang kani-kanilang mga personal na interes, kabuhayan at negosyo kaya nga ayon sa isang pula at makabayang awitin na ni-revive ni Bamboo “hanggat may tatsulok at sila ang nasa tuktok ay hindi matatapos itong gulo.” Hindi na natuto sa karanasan at kasaysayan ang ating pamahalaan kaya

paulit-ulit na lamang ang mga pangyayari. Hindi talaga sapat na ang tao lamang ang napapaltan tuwing sasapit ang halalan, ang nararapat na kasabay ring mapaltan ay ang bulok na sistema ng pamahalaan sapagkat magpa hanggang ngayon makalipas ang 100 taon ay 70% pa rin ng mga magsasaka at mamamayan natin ang wala pa ring sariling lupa. SUNDAN SA PAHINA 9


ENERO 24 - 30, 2010 SULONG BAYAN Mula sa pahina 8 Imbes sanang ipamahagi ang mga lupang kinamkam ng ilang makapangyarihang pamilya ay walang ngipin ang pamahalaan para bawiin ito at sa halip ay ibinebenta pa ng murang-mura sa mga dayuhang mamumuhunan at kapitalista sa iskemang land use conversion. Imbes na taniman ng mga magsasaka at mamamayan ng masasaganang palay, gulay, prutas at naglalakihang mga puno upang mapangalagaan na rin ang kalikasan para hindi na maulit ang mga trahedyang gaya ng Ondoy, Pepeng at iba pa ay ang ginagawa ng mga naghaharing uri at mga dayuhan ay walang habas na winawasak ang mga sakahan at kagubatan, pinapatag ang mga ilog at kaburulan, at minimina’t sinisira ang mga kabundukan. Sinasalaula at ginagawang mga golf courses, subdivisions, commercial, industrial areas at iba pa, habang nagbubulag-bulagan at patay malisya lamang ang mga ahensyang responsableng mag-ingat at mangalaga sana sa ating kalikasan at kapaligiran (para may abutan pa sana ang ating mga anak, apo at susunod na henerasyon) katulad ng DENR, DAR at DA at iba pa. Kailan pa tayo magigising, kailan pa tayo kikilos, kailan pa tayo matututong magsalita? Makibaka tayo para sa katarungan ng mga magsasakang biktima ng karahasan ng estado, itigil ang kumbersyon ng mga lupang agrikultural sa ating lalawigan at buong bansa, bigyang hustisya ang mga magsasaka at mamamayang biktima ng land use conversion. Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industrilisasyon para sa mga magsasaka, manggagawa, maralita at buong mamamayang Pilipino. Ang paparating na halalan sa Mayo ay huwag nating aksayahin. Ang pakikibakang elektoral ay isang opsiyon lamang para mabago natin ang pinuno at ang pamamahala sa ating minamahal na bansa. Ibasura ang mga trad pol at tangkilikin natin ang mga bagong kandidato na tunay na nagmamahal sa kalikasan at may kakayahan at karanasang nakibaka noon at makibaka magpa hanggang ngayon para sa interes ng mga aping sektor ng lipunan, yaong nakulong dahil lamang sa tunay na may pagmamalasakit sa karapatan ng mamamayan. Kaya Bangon Pilipinas, may pag-asa pa ang Bagong Pilipinas!!!

ANG EDUKASYON AT ANG PAPEL NITO SA PAGHUBOG NG LIPUNAN TUNTUNGAN ng pagkahubog at pag-unlad ng lipunan ng isang bansa ang edukasyon. Ito ang mabisang sandata upang palayain ang sambayanan mula sa pagkaalipin sa larangan ng kultura, ekonomiya at politika. Ayon kay Renato Constantino sa sanaysay niyang “The Miseducation of The Filipino” na Philippine education, therefore must produce Filipinos who are aware of their country’s problems, who understand the basic solution to these problems, and who care enough and have courage enough to work and sacrifice for their country’s salvation. Subalit sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan, masasalamin kung gaano kawatak-watak ang mga Pilipino at kung paanong ang edukasyon ay tumutugon hindi sa interes ng sambayanan kundi sa interes ng dayuhang kapital. Katunayan, ang Executive Order No. 210 na nilagdaan ni Pangulong Macapagal Arroyo ay naglalayong patatagin pa ang paggamit ng wikang English bilang tugon sa pangangailangan ng globalisasyon. Ang pagsulpot ng mga korporasyong nangangailangan ng mga call center agents at ang patuloy na pag-eeksport ng ating mamamayan sa iba’t-ibang panig ng mundo bil a n g OFW’s ang dahilan kung bakit ang wikang English na ang siyang pinakapuso ng sistema ng ating edukasyon. At ang pagkakawatak-watak ng ating lahi ay lalo pang umiigting sa panahong ito ng Pinoy Diaspora – ang patuloy na paglisan ng ating mga propesyunal at intelektuwal upang sa ibang bansa na magtrabaho at manirahan. Kung dahas at relihiyon ang ginamit ng mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas, dahas at edukasyon naman ang ginamit ng Amerika upang bihagin ang kaluluwa ng sambayanang Filipino. Ang edukasyong ipinagkait ng mga Kastila sa ating mga kababayan ay siya namang ginamit na policy attraction ng Amerika upang payapain ang kalooban ng mga nagaalsang mamamayan. Noong Ika-1 ng Hulyo, 1901 ay dumating ang 600 gurong Amerikano sakay ng S.S. Thomas . Agad na itinatag ang Department of Public Instruction na pinamamahalaan ng Vice-Governor ng Pamahalaang Amerika sa Pilipinas. Noong 1921, sa 614 na Amerikanong nasa pamahalaan, 400 sa mga ito ay guro habang 66 ay empleyado ng Department of Education. Makikita rito kung gaano pinapahalagahan ng mga Amerikano ang paglalatag ng pundasyon ng edukasyon sa bansa.Naging simula ito ng komprehensibong pagtuturo ng English bilang midyum sa lahat ng paaralan. Magmula noon hanggang 1935 ay hinubog ang henerasyon sa bawat henerasyon bilang mga brown Americans. Ayon kay Constantino, dumating ang yugto na a new generation of “Filipino Americans” had already been produced. There was no longer any need for American overseers in this field (education) because a captive generation had already come of age, thinking and acting like little Americans.(p.4) Kung kaya hindi kataka-taka na ang mga sumunod na lider ng pamahalaan na nahubog sa edukasyon ng mga Amerikano magmula kay Quezon hanggang kay sa kasalukuyan ay lantad at di lantad na naging tagasunod ni Uncle Sam. Subalit ano ba talaga ang nakapaloob sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng Amerika sa Pilipinas? 1. Paggamit ng English

9

Bilang midyum na panturo, ipinakilala sa mga Pilipino ang kultura at kasaysayan ng Amerika. Nakilala ng mga Pilipino ang mga Amerikanong bayani, awitin at panitikan habang pilit na winasak ang konsepto ng nasyonalismo. Pinalitaw na tulisan ang mga kagaya ni Macario Sakay, Simeon Ola, Felipe Salvador, Cornelio Felizardo at marami pang ibang rebolusyunaryong lider habang ikinintal sa isip ng mga mag-aaral ang konsepto ni Santa Claus at ang magandang pamumuhay sa Amerika. Kung kaya’t tumingkad ang kaisipang kolonyal sa mga mag-aaral na pumabor naman sa pagtataguyod ng interes ng mga Amerikano sa Pilipinas. 2. Makadayuhang Konsepto ng Ekonomiya Kinatigan ng sistema ng edukasyon ang konsepto ng free trade. Pinalitaw ang pananaw na ang Amerika ay nagtungo sa Pilipinas upang sagipin tayo mula sa Espanya. Idinagdag pa ni Constantino na: from the first school days under the soldier-teachers to the present, Philippine history books have portrayed America as a benevolent nation who came here only to save us from Spain and to spread amongst us the boons of liberty and democracy. The almost complete lack of understanding at present of those economic motivations and the presence of American interests in the Philippines are the most eloquent testimony of the success of education for colonials which we have undergone (p. 7). Dagdag pa ang pagapapanatili sa imahe ng Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa lamang na hindi kailan man dapat magtangkang magkaroon ng sariling industriya. Bukod pa dito, binanggit din ni Constantino na: Our consumption habits were molded by the influx of cheap American goods that came in duty-free. The agricultural economy was extolled because this conformed with the colonial economy that was being fostered. Our books pictured Western nations as peopled by superior beings because they were capable of manufacturing things that we never thought we were capable of producing. Sinuportahan ng sistema ng edukasyon ang konsepto ng ating ekonomiya bilang import-dependent at export oriented. MAY KARUGTONG

VEHICLE OF WONDERFUL VELOCITY NI TEO S AYLEN S.. B BA

This desire, held in suspense, wanted to be left In that place where time is dream, But this vehicle of wonderful velocity Only travels one-way: no return. The green town whence I cme Could no longer be seen from this vehicle; After the long hours of the rce, The landscape is new…now ash gray. I passed over fallen leaves, Rotten fruits, and flowers wilted or withering; In the cold wind fluttered Homeward wings weary and drooping. My vehicle left in early morning Headed for infinity; In flew over the crossway That’s happy, fragrant, colorful, dizzling. There my love rode with me, Her destination was also mine; And in all the thousand storms we faced My love did not wilt at all.

I have reached a distant place, Remote, the atmosphere rarefied, Yet memory glances back At the crossroad and that beautiful scene. Over there the exhausted eyes Perceive a peaceful spot, A tree at the side of grave, Silenced by the cross. THE VOICE OF THE COMING GENERATION Let your imagination journey there In the bloody paths of our century; You will meet the figure of a time Approaching with a load of questions; -Is the land I am going to claim, a place inhabited by fire and sharp steel? Is this the inheritance I shall plough,

A heap of bones and gaping graves? -Is this the world dragged to somewhere By the wheel of your devious Progress? Is this the fruit of your Art and Science? Is this the civilization you bequeathed to me? -Is that the meadow, that the mountain I will find already charcoal and stump? Is that the end of god’s purpose When the first man was handed a blade to till? -Are those the fields that had conserved Nothing but the skulls of brothers, kins? Sterilized by your venomous bullets, Where no grass will spread roots? -Bare bodies, hunger, minds, crippled, Faiths betrayed and hopes wrecked; Is this the inheritance I shall enjoy, Relics of your hatred and your curses? O mankinof this century Whom children hence will reproach; Tomorrow how will you answer The charge of generations following you?


10

ENERO 24 - 30, 2010 Kabuuan ng Talumpati noong Setyembre 12, 1940 ni Gervacio Pangilinan sa Okasyon ng Pagunita sa Kamatayan ng Labintatlong Martir sa Lungsod ng Kabite

KAPITA-PITAGANG KAPULUNGAN NG MGA NAGSISI-PAGTURO, MGA NAGSISIPAG-ARAL (BABAE’T LALAKI) SA MATAAS NA PAARALAN NITONG KABITE

BINABAGTAS na ngayon sa may APAT NA PU’TAPAT NA TAON, nang, ang Kabite ay makasaksi a pagkakabaril sa Labing tatlong mararangal at makabayang mamamayan, mga lalaki at ating lahi; na minasarap pang maputi ang mahahalaga nilang buhay na puspos na kasilahan, nakita lamang sa laya ang kanilang bayang di natutubos sa hirap; noo’y ng ika 12 ng Septiembre ng taong 1896, sa Liwasang sanayan ng armas sa San Felipe, na ang pagkapamagat sa ngalang ito’y mula sa katibayan ng Moog na niyari ng taong 1637, na doon isinagawa ang kilabot na kaparusuhan, ng alas 12 at 45 minutos ng tanghali, at ang kanilang nangalabing katawan ay inihatid sa isang carreton ng basurahan (hatiran ng mga layak) na tinalibahan ng anim na sundalong infanteria na peong mga barilang nababayonetahan, hanggang sa libingan ng Convento sa Caridad. Ang mga angkang nangakaririrwasa’y nilikom ang kanilang mga bangkay, nina Maximo Ynocencio, Francisco Osorio, Luis Aguado, Hugo Perez, at Victoriano Luciano, ipinagsisilid sa mga kabaong at naipaanyo sa mga nichong binayaran; samantalang ang sa mga Maximo Gregorio, Feliciano Cabuco, Antonio San Agustin, Agapito Conchu, Eugenio, Cabezas, Jose Lallana, Severino Lapidario at kay Alfonso Ocampo ay

nangalibing sa iisang hukay! Sa aba ng kapalaran! Dahil sa nang ang mga ito’y nangabubuhay ay sila’y nagsisidalo sa mga kasaysayan ng ibang Bayan nitong Lalawigan, lalo’t sa Kawit, na taglay ang isang malaking pamayong na ikinakanlong sa init ng araw sa mga nagsisimang mga kadalagahan at mga may asawa na nakakayang sa

lakaran na kung tawagin ay “Kapisanan ng kulog” na sinusundan ng Orquestra na nagpapasaya sa lakad sa ipinaririnig na mga tugtugin, at sa lahat ng kanilang mga dinaraanan ay karamihan ay lalong nagsisipagsaya hindi lamang sa pagpipiyakan; hindi lamang sa mga taglay na masasayang mukha ng mga kababaihan na kaparis ng mga kalalakihan na nagsisiglayan ng mga paningin ng malabigang magmasid na nangaggala sa lansangan. Lahat ng mga kulay Kabiteñong ito’y siyang mga tanging naging panauhin sa mga bahay ng mga GG. Tirona at Aguinaldo. Lahat ng mga gawai n g ma-

tingkad at kaakit-akit ang siyang mga dahilan ng mga kapanaghalian ng mga dayuhan o Kastila na di nila mahuwaran sa kilos, at kaya nga’t ng ipahayag na, noong ika 31 ng Agosto ng 1896, na nasasakalukuyan na ng paghahamok, (himagsikan) sa lalawigang ito,ay pinagdadakip na, ang karamihan sa upasalang, ang iba, ay kaanib sa masoneria; ang iba, ay sa Katipunan o mga kahinahinala; at pinaratangan mga imbi (traidores) sa Espanya (sic), at mga kumakatawan sa paghihimagsik ilugso (sic) ang kapangyarihang yaon, pagkatapos ng tatlong siglo; at makaraan ang dalawang taon, o nang ika 13 ng Agosto ng 1898, ay siyang pagkatapos ng Kapuluang ito, ng Pamahalaang mapagusig at m a - paghirap, at nahalili’y ang kasalukuyang mapagpalaya at makabay-

an. Simula nga rito ang Bayang Filipino ay nakaramdam na ng ligaya sa bagong pamamalakad, at ng lalawigan ng Kabite ay tinagurian ng “Bayani at Luklukan ng Himagsikan”, dahil sa dito isinigaw ang kalayaan ng hapon ng 12 ng Hunyo ng 1898, sa Bayan ng Kawit; Bayan ng ating Bayani ng Kahapon, Gat. Emilio Aguinaldo at Famy, doon pinaailimbuyog at iniwagayway ang bandila ng Bansa, sagisag at diwa ng ating lahi, na, sa saliw ng tugtuging Pangbansa na itinitik at tinaguyuran ng kumatha, Gat. Julian Felipe, na isa sa nalalabi pang kaanib, niyong tinataguriang “Kapisanan ng Kulog”. Isang pulutong na kabataan ng ating Bayang Kabite, na di naman kaligsihan at di kabagalan ay nagbuo ng kapisanang tinaguriang “kabataang Kabiteño”, ng Junio ng 1904, at dahil sa hangaring mapasikat sa kasabikang maisakatuparan ang mga tungkuling nauukol sa kanilang Bayan, sa kanilang mga bayani at nangagsipaghirap, ay nangagpasyang

magdaos ng isang Lamayan sa talumpati’t kantahan sa saliw ng musika sa karangalan ng Labingtatlong nagsipaghirap ng kabite; upang biguing pala ang mga nagsakit sa paggawa ng ikabubuti ng kapwa, noong gabi ng ika 12 ng Setyembre ng nabanggit na taon, at sa nasabing lamayan ay napagusapan ang pagtatayo ng isang bantayog sa labingtatlong nagsiyao. Narito an kabuuan ng nasabing Bantayog na pinasinayan na, at ngayo’y tumutungtong na sa tatlong pu’t apat na taon. “ULAT NA KASAYSAYAN NG BANTAYOG” Na noong gabing di malilimot na ikawalong taong makapagpasinaya, araw ng Lunes, ika 12 ng Setyembre ng 1904, ginanap ang isang lamayan ng “Samahang Caviteño”, na pinamatnugutan ni D. Caferino Picache sa bahay ng Samahan, daang Bellesteros, na ngayo’y Hugo Perez. Isa sa mga nanalumpati ay si D. Antonio de Ocampo Jose. At sa buong nilaman ng pananalita ay naipakilala niya anbg kahalagahan ng pagtatayo ng isang bantayog bilang alaala sa Labingtatlong nagsipaghirap ng Kab i t e . ITUTULOY


ENERO 24 - 30, 2010

Hindi pwedeng ikasal

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Mahal ko siya, mahal niya ako at gusto naming habambuhay nang magkasama. Ang problema ay hindi niya ako mapakasalan. Kasi ikinasal na siya noon sa ibang babae. Matagal na silang hiwalay. Malalaki na nga ang mga anak nila ngayon. Sabi ng boyfriend ko, ito raw ang palad namin. May ganito raw talagang sitwasyon. Okey naman sa akin pero may kung ano sa loob ko na umiiling sa sinabi niya. Gusto ko pa rin kasing maikasal. Sa kanya sana pero mukhang imposible. Hahayaan ko na lang ba ito? Magsama na lang kaya kami nang walang basbas? Tutal masaya naman kami sa isa’t isa. Kasal lang talaga ang problema. Eli ng Patindig-Araw, Imus, Cavite Mahal kong Eli, Sa tingin ko, kahit magsama kayo nang walang kasal, hindi ka tunay na liligaya. Alam mo kung bakit? Hindi ka magte-text

sa akin ng problema mo kung talagang hindi ka binabagabag nito. Ang pagsangguni mo sa ibang tao ay isa nang senyales na hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo iyan nakukuha: ang kasal. Gaano nga ba kahalaga iyan? Sabi ng iba, papel lang naman ang kasal. Sabi ng iba, ito ang sikreto ng matagal at may seguridad na pagsasama. Iba-iba ang pagtingin sa kasal dahil iba-iba ito para sa iba-iba ring tao at sitwasyon. Tamo sa akin, ang kasal ay gastos lang. Ibang iba, di ba? Kasi naman, napakakuripot kong tao. Kaching! Puwera biro, tingin ko’y napakahalaga pa rin ng kasal para sa iyo. Isipin mo na lang, 7.5 years kayo, puwede nang basta na lamang na maglive in pero hindi ninyo ginawa at pinoproblema mo pa nga ito ngayon. Maaaring dahil hindi mo pa nararanasan ang kasal kaya napakahalaga pa rin nito sa iyo at sa tingin mo, ito ang magiging susi ng mahusay ninyong pagsasama. Ang problema, sa tingin ko’y hindi ito mahalaga para sa iyong boyfriend. Pinatagal niya ang inyong relasyon nang hindi man lang nagaasikaso ng papeles. Hindi dahilan ang pagiging kasal niya sa iba. Dahil kung mahalaga rin sa kanya ang kasal at gusto ka talaga niyang pakasalan, may ginawa na

siyang paraan o hakbang kahit pakonti-konti lamang para maging ganap ang kanyang kalayaan at, eventually, ay makasal kayo sa isa’t isa. Napakahalaga nito para sa iyo at hindi ito mahalaga para sa kanya, tama? E, di malinaw na hindi kayo compatible. Yes, posibleng sa ibang bagay, bagay kayo, in fact, posibleng bagay na bagay pa nga kayo, hindi tao, hindi hayop, as in BAGAY talaga, pero pagdating sa destinasyon, kumbaga pagkahabahaba man ng prusisyon, hindi pala sa simbahan ang kanyang tuloy e, ikaw doon ang punta mo, ano ngayon ang dapat mong gawin? Humingi ka muna ng espasyo sa boyfriend mo. Magmuni ka tungkol sa kasal at relasyon NANG MAG-ISA. (Ito kasing si boyfriend mukhang magaling maglaba este mag-brainwash. Sinasabi lang niyang palad nin-

yo ang hindi dumaan sa kasal at normal ang ganyang sitwasyon dahil nga hindi ito importante para sa kanya.) Habang nagmumuni ka, ibukas mo ang iyong sarili sa mga posibilidad. Since matagal ka nang nasa prusisyon, tiyak akong marami ka nang nakasabay. Iyong iba, tulad mo ay naglalakad pa rin hanggang ngayon. Kaya pakataimtiman mo pa ang pagdarasal saka ka lumingonlingon sa iyong paligid. Siguradong me masusulyapan kang katulad mo, iyong napaka-focused ng tingin sa simbahan dahil doon din pala ang kanyang tuloy. Hangad ko ang mas masaya at mas maliwanag na prusisyon para sa iyo. Ako pa rin, Ate Bebang oOo Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email lamang sa beverlysiy@ gmail.com

11

GREETINGS * GREETINGS * GREETINGS

Happy 2nd Wedding Anniversary to Sherln and Alexander Angcaya From: Sheana Alexa And Stephen Andrei

AT T E N I O N : MEDICAL, DENTAL AND X-RAY MISSION Kailan: Enero 28, 2010 Saan: Julian Felipe Elem. School Oras: 9:00 am to 4:00pm Proyekto ng Lalawigan ng Cavite sa pamumuno nina: Gov. Ayong Maliksi Vice-Gov. Osboy Campaña Board Member Dr. Resty Enriquez Sa pakikipagtulungan ng Southern Luzon Korea Missionary Association At CC2N (Cavite City to the Nations Ministries Inc.) Sa anumang katanungan, makipag-ugnayan kay Kap. Dante Vale Cruz


SILANG, CAVITE – Mahigit sa 100 magbubukid sa lalawigan ang nagkaisang lumahok sa panawagang pambansang lakbayan para sa lupa at katarungan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kaalinsabay sa pag-alala sa ika-23 taong anibersaryo ng Mendiola Massacre noong ika-19 hanggang ika-22 ng Enero. Hindi inalintana ng mga magsasaka ng Cavite ang pagod, gutom at uhaw sa paglalakad sa ilalim ng katirikan ng araw sa loob ng apat na araw mula bayan ng Silang hanggang Mendiola sa Maynila upang makalahok sa kilos-protesta at maiparating sa kinauukulan partikular sa Malacañang ang kanilang mga kinakaharap na problema sa lupa sa lalawigan katulad ng land grabbing, land use conversion at coastal conversion at militarisasyon sa ilang saka-

MGA MAGSASAKA SA KABITE NAGLAKBAYAN REX SPECIAL NIDEL N E W S ROSARIO

han at kanayunan. Ayon sa tagapagsalita ng Katipunan ng mga Magsasaka sa Kabite (KAMAGSASAKA-KA), “Ang mga magbubukid o magsasaka ng Kabite kasama ang iba pang aping sektor ay nagkaisang lumahok sa pambansang pagkilos ng mga magsasaka at mamamayan upang maipabatid sa gobyerno ni Gloria Macapagal -Arroyo at sa mas malawak na bilang na mga Pilipino ang mga problemang kinakaharap naming mga magsasaka ng Cavite kasama na ang sa iba pang kapwa naming magbubukid sa Ti-

mog Katagalugan at buong bansa. Tulad halimbawa nito ay ang coastal conversion na ipinatupad sa ilalim ng proyektong CALABARZON noong 1989 sa panahon ng rehimeng Aquino at mas pinalala pa sa ilalim ng rehimeng Ramos sa balangkas ng Philipiines 2000 na nagresulta ng pagliit ng mga huling isda, produksyon sa palaisdaan, mussel farms (tahungan at talabahan) at mga asinan sa mga bayan ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Cavite City, Tanza at Rosario.” Anila pa, “Dekada 90 ay pumihit naman ito sa

proyektong pangkaunlaran daw sa ikatlong distrito ng Cavite noon gaya ng Metro Taal-Tagaytay Development Program na sentro daw ng ekoturismo kaya nagsulputang parang kabute ang kabi-kabilang developers ng mga subdivisions, golf courses na pag-aari ng mga higanteng kompanya at mga dayuhan katulad ng Kuok Properties na may kabuuang sukat na na-convert na lupang sakahan patungong residensyal, komersyal at industryaln na matatagpuan sa mga bahagi ng Silang, Carmona sa Cavite at Biñan sa Lagu-

na. Maging ang mga lupang saklaw ng CARP ay illegal na binili ng mga developers sa iskemang joint venture tulad ng nangyari sa Inchikan, Silang na kinatatayuan ngayon ng South Forbes Golf City ng Cathay Lands at Ayala West Grove na nagresulta ng 7,585 kumbersyon ng lupang agrikultural sa mga bayan ng Carmona, Silang, Tagaytay, Alfonso, Mendez, Amadeo, Indang na dating mga kapihan, niyugan, palayan, pinyahan, mga gulayan at prutasan. Nariyan din ang pagkakatayo ng Tagaytay Highlands ng Belle Corporation at

Splendido ng Jaka Corporation gayong volcanic area pa naman ang Tagaytay at nasisira ang natural na ganda ng kalikasan,” dagdag pa ng tagapagsalita ng KAMAGSASAKA-KA. Sa nakakadismayang kaganapang ito ay darating ang panahon na magkukulang na ang supply ng mga pagkain sa ating bansa dahil wala ng mataniman ng mga palay, gulay at prutas. Patuloy na ring iinit ang dating malamig na hangin mula sa Upland Cavite pababa sa mga kabayanan. Madudumihan na rin ang mga batis, ilog pababa sa baybaying dagat ng Lowland Cavite. Kaya naman sa pagdating ng mga delubyo at kalamidad ay wala na tayong masusulingan sa patuloy na pagsira sa ganda ng inang kalikasan dahil lamang sa sitemang kapitalismo sa buong mundo.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.