responde cavite 25

Page 1


2

PEBRERO 21 - 27, 2010

Sunog sa Cavite City umabot sa 3rd alarm

MAGKAISA TAYO – Kapit-bisig ang mga magkakapit-bahay ng brgy. 44 sa panulukan ng Aguado St. upang maapula ang sunog na mabilis kumalat ang apoy. Mabilis namang nirespondehan ng alagad ng pamatay sunog ang naturang pangyayari. OBET CATALAN

CAVITE CITY – Isang kabahayan ang mabilis na natupok ng sunog habang apat na pinto ng apartment ang lubha ding nadamay. Naganap ang sunog noong Pebrero 18, 2010 dakong alas 11:07 ng umaga sa panulukan ng Aguado St., San Antonio, Cavite City. Sa ginawang pagiimbestiga ni FO2 Emmanuel C. Arcalla,

isang short circuit ng electrical wiring sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Armando Yap na pinarerentahan naman niya kay Aurea Umayao. Mabilis na kumalat ang apoy na naging dahilan upang

madamay ang katabing apartment na umabot sa ikatlong alarma. Tinatayang aabot sa humigit kumulang 150,000php ang halaga ng mga ari-arian ang natupok ng sunog. Matuling nirespondehan ng ibat ibang fire department ang sunog na galing pa sa ibat ibang bayan. Idinek-

larang fireout sa oras na alas 11:54 ng umaga ang sunog habang wala namang naitalang namatay at nasugatan. EWEL PEÑALBA

Christian Bautista, nagconcert sa Lyceum

GEN. TRIAS, CAVITE Itinakda ang pagbisita ni Christian Bautista, ang kinikilalang Asia’s

TRANSPORT LEADER PINAGBABARIL, TEPOK BACOOR, CAVITE – Isang liderato ng transport group ang patay matapos pagbabarilin sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ang biktima na si Benito Malinis, 50 anyos, miyembro ng municipal security group sa Bacoor at lider ng transport group na rutang Pala-Pala via Las Piñas. Ayon sa impormasyon ng pulisya ng nasabing bayan, si Malinis ay nagtamo ng tatlong tama ng bala mula sa isang hindi pa pinapangalanang salarin na sakay ng isang motorsiklo sa Barangay

Molino 3, mga 7:45 ng umaga. Naisugod pa ang biktima sa Maluto Family Health Specialists Lying-in and Diagnostics Clinic sa Bacoor ngunit idineklara na itong patay. Ayon sa pulisya ay mayroon na silang suspek ngunit hindi pa ito pinapangalanan para sa ikabubuti ng imbestigasyon ng kaso. Isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya ay ang alitang namagitan sa biktima at isang miyembro ng grupo ng transportasyon. OBET CATALAN

LRT SA CAVITE, PATULOY NA ISINUSULONG PABOR si Manny Villar na ipagpatuloy ang Light Rail Transit I, na may 11.7 kilometro na magdudugtong mula sa bayan Bacoor, Cavite patungong Baclaran. Maaalalang nabasura ang proyekto nitong nakaraang buwan dahil di-umano sa kakulangan ng panahon upang masimulan ang nasabing proyekto. Tinatayang nagkakahalaga ang proyekto ng $683 milyon ngunit dahil sa ginawang pagbabago ng Light Rail Transit Authority kaugnay sa pagRomantic Balladeer, sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Cavite Campus nitong Pebrero 20. Isang concert ang inihanda ni Christian Bautista para sa mga estudyante ng Lyceum, na pinamagatang “Sunset Romance,” kung saan tampok ang Manila Symphony

papagawa ng LRT sa Cavite, nagkakahalaga na ito ngayong ng $1.78 bilyon, dahil na din sa lalong pagpapaganda ng proyekto. Ilan sa mga pagbabago ay ang ruta ng proyektong LRT, ngayon ay sakop na ang Parañaque, Las Piñas at Bacoor. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa masigurado kung kailan masisimulan ang proyekto dahil na din sa kakulangan sa panahon at budget para dito. SHELLA SALUD Orchestra at ang actress-singer na si Denise Laurel. Ang naturang concert ay taunang isinasagawa ng nasabing unibersidad, kung saan inilalaan ang mga nalikom na halaga para sa kapus-palad sa Manggahan, General Trias, Cavite. Jun Isidro


PEBRERO 21 - 27, 2010

3

Mga prominenteng tao magsasalita sa CYWA General Assembly ANG Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura, si F. Sionil Jose, at ang Gobernador ng Cavite, si Erineo Maliksi, ay darating upang magsalita sa 3rd General Assembly ng Cavite Young Writers Association, Inc. (CYWA) Si Jose, na isa ring Ramon Magsaysay Awardee para sa Journalism, Literature, at Creative Communications, ay naimbitahang maging punong tagapagsalita sa event na gagawin sa auditorium ng St. Dominic College of Asia, sa Talaba IV, Bacoor. Sinabi ng pangulo ng CYWA, si Ronald Verzo, na pumayag si Jose na makipagtagpo sa organisasyon, isa ito sa mga

nalalapit na proyekto ng CYWA na naglalayong maipakilala sa mga miyembro ang mga prominenteng manunulat ng bansa. Natatanging manunulat na Filipino si F. Sionil Jose sapagkat ang kanyang mga nobela ay naitranslate na sa 28 wika. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Viajero, Po-on, The Pretenders, at Mass. Kasama na si Jose sa listahan ng mga batikang

manunulat na naimbitahan ng CYWA sa marami nitong proyekto. Ilan sa mga manunulat na ito ay: ang Pambansang Alagad ng Sining Dr. Bienvenido Lumbera; ang bi-lingwal na makata at nobelistang si Dr. Cirilo F. Bautista; ang premyadong nobelistang si Abdon Balde, Jr.; ang Centennial Literary Prize winner na si Jun Cruz Reyes; makata at director ng UST Center for Creative Writing and Stu-

Bong Revilla, may bagong apelyido

SEN. REVILLA JR. DAHIL sa nalalapit na ang eleksyon, nagdesisyon si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na palitan ang kanyang apelyido, na nga-

yon ay kinilala na ng korte ang pangalang Bong Revilla na dating Ramon Bautista. Ayon kay George Erwin Garcia, abogado ni Revilla, inaprubahan ng Cavite Regional Trial Court Branch 19 ang paggamit ng senador ng Bong Revilla bilang rehistradong apelyido nito lamang nakaraang Oktubre 19. Nagpapatunay ng legal ang paggamit nito ng bagong pangalan sa eleksyon. Maaalalang nagsanhi ng pagsampa ni Mary Emily Ver Peji ng disqualification case kay Revilla sa Commission on Elections (Comelec) nitong nakaraang Disyembre dahil sa pagpapalit nito ng pan-

galan. Sa reklamo ni Peji, hindi tama ang intensyon ni Revilla sa pagpapalit ng pangalan, kung ang tanging dahilan lamang nito ay ang pagkakalagay ng pangalan nito sa unahan ng listahan ng mga kandidato sa eleksyon. Ngunit ibinasura naman ng Comelec Second Division nitong nakaraang Martes ang reklamo ni Peji. Si Revilla ay tumatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi-CMD at ayon sa huling survey ng Pulse Asia, nangunguna sa mga botante si Revilla sa mga kandidato sa pagkasenador. WILLY GENERAGA

dies, Dr. Ophelia Dimalanta; screenwriter, Ricky Lee; UST professor Ferdinand Lopez; Palanca winner, poet, and screenwriter Jerry Gracio; at ang mga batang manunulat na sina Beverly Siy, Carlomar Daoana at Jose Torralba. Inaasahan namang magsasalita si Gov. Maliksi sa impact ng cultural revival ng Cavite sa paghubog ng kamalayan at pagkamalikhain ng mga kabataan ng probinsya. Ikatlo na itong pakikipag-ugnayan ng gobernador sa organisasyon. Noong Hunyo 12, ang CYWA, kasama ang humigit-kumulang 100 estudyante, ay nagtanghal ng isang musical-literary program na siyang nagsara ng mga selebrasyon nuong Kalayaan Festival. Ang festival na ito ay inorganisa ng pamahalaang local ng Cavite. Panauhing pandangal din siya sa kauna-unahang General Assembly ng organisasyon nuong Setyembre 20, 2003. Pinopondohan din ng Opisina ng Gobernador ang paglalathala ng Tangway at Tagaytay, isang antolohiya ng mga akda ng mga batang manunulat ng Cavite. Sa pangunguna ng CYWA, ang proyektong ito ay importante sa kasaysayan ng panitikan ng probinsya.

F. Sionil Jose

Gas leak sa Batangas, iniimbestigahan na! NAGDESISYON na ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) Regional Police Office na bumuo ng Crisis Management Committee hinggil sa nangyaring gas leak sa Bauan, Batangas kamakailan. Ang Management Committee na binuo ay ang siyang magsasagawa ng imbestigasyon at alternatibong paraan upang hindi pa makapaninsala ang kemikal na nakaapekto sa libu-libong

residente ng nasabing bayan. Gumagawa rin ng paraan si PNP Dir. General Jesus Versoza at Chief Supt. Rolando Añonuevo sa pakikipagtulungan sa Philippine Coastguard upang maimbestigahan ng lubos kung anu nga bang klase ng kemikal ito, na naging sanhi rin ng pagkamatay ng tatlong katao dahil sa suffocation sa loob ng isang barge. JUN ISIDRO

Nahulihan ng sumpak, arestado! NOVELETA, CAVITE – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng sumpak sa isinagawang mobile patrol kamakailan sa nasabing bayan. Kinilala ang suspek na si Jason Dominguez Maghuyop, 31 anyos, isang factory worker at residente ng Nawasa, Poblacion, Noveleta. Ayon sa impormasyon ng pulisya ng Noveleta, nitong nakaraang Pebrero 8, sa ganap na

8:00 ng gabi nang magsagawa ng mobile patrol sina PO1 Nestor G. Campo, PO1 Troadio Balitaosan, PO1 Ricky A. Cirilos, at PO1 Rainer S. Almuestro sa barangay ng Poblacion at nakuhanan ang nabanggit na suspek ng isang sumpak at 12 na gauge ammos. Agad na inaresto ang suspek upang ihimpil sa istasyon ng kapulisan at kasalukuyang nahaharap sa kasong PD 1866 RA 8294. ANDY ANDRES


4

PEBRERO 21 - 27, 2010

CHILD TRAFFICKING ARAW araw ay daandaang mga bata ang nahuhulog sa kamay ng mga trafficker pero mahirap silang makita dahil sadya silang itinatago. Kadalasan ay huli na bago pa sila masagip. Nakaranas na sila ng grabeng pagtrato gaya ng pananakit, panggagahasa, gutom, kawalan ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan. Ang Republic Act 9208 (2003 Anti-Trafficking in Persons Act) ay nag papataw sa nasasakdal ng matitinding parusa ng hanggang lifeimprisonment. Peron g mula nang naitakda ang human trafficking bilang isang karumal-dumal na krimen noong 2003 ay humigit-kumulang sa isang libong kaso pa lang ang nairereport sa mga awtoridad. Ang human trafficker ay mahusay gumawa ng mga pekeng dokumento gaya ng mga permit, police clearance, birth certificate at passport. Ang pagkilala sa mga batang biktima ng mga trafficking ang pinakamahalagang hakbang para matulungan sila. Pero maging ang mga eksperto gaya ng mga pulis, social worker at immigration officer ay hirap din sa pagtukoy sa mga batang biktima. Mahusay na tagapagpahayag ang mga bata, lalo pa kung tungkol sa kapakanan ng sarili at ng kapwa bata. Kapag malinaw ang mga paraan ng pagkilala sa mga batang biktima, sila mismo ang makatutulong sa pag-alam kung may mga nawawala sa komunidad, o kung may mga bata na nagpapakita ng mga sinyales ng human trafficking at pagsasamantala. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nasa kamay ng nakakatanda ang unang hakbang upang magkaroon ng magandang bukas ang mga kabataan. Munting paalala: Tumulong sa pag sugpo ng child trafficking.

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Paano malalaman kung binobola ka ng kandidato ILANG tulog na lang ay simula ng kampanyang lokal Ang saya! Maririnig na naman natin ang mga alingawngaw ng mga sigaw at talumpati sa ibabaw ng entablado. Pero teka muna, pakinggan nating mabuti kung binobola lang tayo. Narito ang ilang tips para malaman natin kung totoo ang sinasabi ng isang kandidato o bonobola lang tayo. Unahin natin ang mga konsehal, kapag nakarinig kayo sa kanila na magpapatayo o magpapagawa siya ng ganito at ganyan—gagong konsehal ‘yon. Hwag ninyong iboto. Kapag nakarinig pa rin kayo sa mga tumatakbong konsehal na maglalaan siya ng pondo sa ganito at sa ganoon—gago ring konsehal ‘yon! H’wag ninyong iboboto! Kapag sinabi naman n’ya na ipapahuli niya ang mga kawatan, ipakukulong ang mga tulisan ng bayan, h’wag n’yo ring iboboto. Gagong konsehal din iyon. Basta ang batayan, kapag ang konsehal ay nangako ng kung anu-ano. H’wag na h’wag ninyong

iboboto. Dahil hindi niya alam ang kanyang pinapasok. Ang trabaho ng konsehal ay gumawa ng mga resolusyon o ordinansa na ugma sa kanyang bayang pinaglilingkuran . Gayundin, tutukan ang komite na iniatang sa kanya ng mga miyembro ng konseho. Wala siyang kapangyarihan na magpagawa ng ganito o ganoon. Dahil trabaho ito ng Mayor. Sa vice mayor! Kapag ang kandidatong vice mayor sa inyong lugar ay nag-aastang mayor kung matalumpati sa entablado, h’wag n’yo ring iboboto! Binobola lang kayo! Dahil ang trabaho ng vice mayor, ay hindi spare o pamalit lang ng mayor. Siya ang presiding officer ng konseho. Ministerial in nature. Nasa kanya ang buhay ng bawat ipapasang ordinansa o anumang pinagtatalunan ng mga miyembro ng konseho. Mayor! Una, dapat n’yong tingnan ang katotohanan ng kanyang mga sinasabi. Kaya ba n’yang gawin? Nagawa ba n’ya? Siya ba ay naging (o karapat-dapat na) ama ng bayan? Kinakandili ba ‘yan ang kanyang mga anak? Nagmamalasakit ba siya sa mamamayan nito. Minahal ba ‘n’ya kayo? ITUTULOY

PARKS AND OPEN SPACE – 3 TANGGAP na ng lahat na ang bantad na alangaang ay mahalagang sangkap ng isang pamayanan sa ikalulugod ng mga taong pagal sa kanilang walang katapusang pakikibaka sa buhay. Pagbangon sa umaga hanggang sa pagkagat ng dilim, bata o matanda ay tutok na sa mga gawaing pinag-uukulan ng kanilang isipan at lakas kaya sa mga nakaw o panandaliang oras ay kinakailangan nila ang pahinga at aliw na dulot ng espasyong nababalutan ng luntiang punongkahoy at mga halamang nagbabalik ng kanilang enerhiya at sigla. Trabaho araw-araw, kaya kung sa mga linggo naman, bawa’t miyembro ng pamilya ay handa ng lumikas sa mga malalapit na liwasan. oOo Partipasyon ng tao ang susi ng isang maayos na pamamahala ng mga liwasang pangmadla. Mga pinuno ng pamahalaang local, samahang sibiko, propesyonal sa hanay ng arkitekto, ihinyero at ‘social worker’, mangangalakal o ordinaryong mamamayan—— lahat sila ay may interest at tungkulin mula sa pagbabalangkas, pagpapalawig, pagbabago at pamamahala ng ‘community parks’. ‘The users of neighborhood open space must participate in every stage of it’s development’. Ang mamamayan ay may higit na kaalaman ‘to provide the ground rules’ sa kanilang partipasyon at ‘define the terms’ kung papaano makikihalo ang iba’t ibang sektor. May mga opinion pang nabubuo na ang ‘neigborhood parks’ ay dapat na pagmamay-ari ng lokal na organisasyon. Kung hanggang saan ang control ng mamamayan sa pagpapalaganap ng pasilidad ng komunidad ay depende sa situwasyon ng bawat lugar. Maraming kaparaanan, ang masama lamang ay kung hindi umakto ang mga kinikilalang lider ng pamayanan. ‘A great neighborhood needs great leaders’, iyan ang di-maitatatwang kasabihan. oOo Mahalaga ang isyu ng pondo sa administrasyon

ng mga liwasan. Pondo, sang-ayon sa paniniwala ng magkakaloob nito at sa gagamit nito. Ang malubhang problema ay kakulangan ng pera panggastos sa ‘recreation program’ tulad din ng pangangailangan sa ibang local na serbisyo sa edukasyon,kalusugan at pagkain. Kung husto lamang ang pondo, mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliranin ng pamayanan. Sapagkat hindi magka-tugma ang perang nakalaan sa perang kinakailangan, nararapat lamang ang ‘priority-setting’ sa mga programang ipinatutupad. Sa ganitong sitwasyon ay napakahalaga ang mismong pinanggalingan ng pondo. Masuwerte sa isyu ng ‘recreation’ kung ang mga programa ng mga ‘local communities’ ay nasa linya ng palatuntunan ng ‘Department of Environment and Natural Resources, Department of Food and Agriculture at ibang ‘related agencies’ng Pamahalaang Nasyonal. Karaniwan ay mayroong probisyon (grants-inaids) sa mga ‘special projects’ na pang-kalikasan. Sa panig naman ng mga lalawigan at bayang may pagka-rural ay tampok din ang mga proyektong makakalikasan. oOo Pupuwede na ang mga proyektong tinataguriang ‘Model Cities/Towns’. Halimbawa, ang Tagaytay City mapanatiliing ‘Nature and Character City’, bawasan lamang ang nakakapinsala sa kalikasan na ‘commercial development’. Ang buong Magallanes ay gawing “Arboretum’ sa magkatulong na pagsisikap ng pamahalang local at Cavite State University. Ang Maragondon, General Aguinaldo, Alfonso at Indang ay panatiliing ‘Agricultural’ at ang mga daluyan ng tubig ay proteksyonan sa panganib ng polusyon at iba pang ‘environmental threats’. Maging katangi-tanging program sana ng Pamahalaang Panlalawigan ang paglilinang ng kalikasan hindi lamang sa kaitaasan ng Cavite gayundin sa kababaan. Makakabuti ito sa katiwasayan at kasiyahan na Caviteno at mga mamamayan ng Metro Manila na patuloy na nagtatayo ng ‘Residences’ sa mga kaayayang pook ng Cavite. BANTAD NA ALANGAANG ANG YAMAN NG CAVITE AT GABAY NG CAVITENO SA KAUNLARAN.


PEBRERO 14 - 20, 2010

TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501 SIYA ay isang magiting na heneral, pulitiko at lider ng kalayaan. Nakibaka siya para matamo ng Pilipinas ang kalayaan. Pinangunahan niya ang isang nabigong pagaalsa laban sa Espanya noong 1896. Matapos malupig ng Estados Unidos ang Espanya noong taong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan na Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Isang taong malakas ang loob ngunit nilarawang baguhan sa pangunguna sapagkat naniwala siya na tatangkilikin ng Estados Unidos ang lahat ng kanyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Sumumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang makamit ng Pilipinas ang sinasabing kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipi-

nas, ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring heswita, naipatala siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila na kung saan siya nag-aral ng medisina. Muling nagbalik si Aguinaldo sa Luzon para tumulong sa pangunguna sa isang pag-aalsa na sa kaunting panahon ay naitaboy ang mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napagkasunduan, siya ay ipinatapon sa Hong Kong noong 1888. Doon ay kanyang pinag-aralan ang taktikang pang-militar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon makaraan ang mga taong lumipas. Taong 1895 siya ay umanib sa Katipunan, na isang lihim na samahan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas sa mga mapang-aping dayuhan. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginampanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos na mahuli at ipapatay si Rizal. Buong giting siyang na-

kipaglaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng puwersang military at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinangap niya ang alok na pera at ginamit na pambili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon. Taong 1898, nang magsimula ang digmaang Espanyol-Amerikano at siya ay nakipagugnayan sa mga matataas na opisyal ng Amerika sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una ay nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol kasama ng paglilipat ng mahigit na 15 libong bihag na Espanyol kasama si Admiral George Dewey. Gayunpaman, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado ng hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang

sakupin ang bansa na gaya ng ginawa ng mga Espanyol. Sa sariling sikap at sa tulong ng mga Katipunero, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saligang-Batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong maka-kalayaan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899. Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako nito ang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang kanyang ginawa dahil matapos niya itong ipagtanggol, kasama ng magigiting niyang mga heneral tulad ni Gen. Gregorio del Pilar ay susuko na lamang siya ng hindi man lang lumalaban. Siya a y namahinga

sa mata ng publliko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag niya ang pagkandidato bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas, sa kasamaang palad siya ay tinalo ni Manuel L. Quezon sa nasabing halalan. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa siya ng nakakahiyang pahayag sa radio na sumusuporta siya sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng

5

mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa mga kaaway ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya ng mga ito upang gawin ang nasabing pahayag. Pinagbantaan ng mga Hapon ang kanyang pamilya na papatayin kapag hindi niya ito susundin. Hindi naglaon nalinis ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang katuparan ang kanyang panghabangbuhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang pinakamamahal na bansa ay natamo noong 1946, at noong 1950, nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling nagpahinga sa pulitika. Sa huli siya ay namatay sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.


6

PEBRERO 21 - 27, 2010

SININTENSIYAHAN ng Municipal Trial Court ng General Trias ng Lalawigan ng Cavite ng dalawang taon at apat na buwan hanggang anim na taon na pagkakabilanggo at pagbabayad ng kaukulang danyos perhuwisyo ang ipinataw ng korte kay Carmelita Espinosa alyas Melly Espinosa alyas Melly Pulido sa salang pagpapalsipika ng pampublikong dokumento.

Pulido at wala rin umanong makitang record ng kasal na sinasabi ni Melly Pulido sa kanyang sinasabing asawa na si Jose Pulido, Jr. Ito ay matapos magbigay ng sertipikasyon si dong si Melly Pulido Pueblo, Napatunayan Msgr. David Pulido na sina pinsan ni Jose sa korte na waAlonzo ng Saint Catherine, JocePulido, Jr, na lang pag-aalinlaJoseph Parish siyang nagpresinta lyn, Joemel at ngang lumabag Church sa ZamJadelyn. sa korte ng Marsa Article 172 na Sa pagsisiyasat boanga na sinasariage Contract may kaugnayan pa ng korte, sinabi bi ng akusado na nina Jose Pulido sa Article 171 nagpakasal umano par. 4 ng Revised Jr at Ofelia Panga- pa ng saksing si sila ni Jose. Pueblo, na noong niban sa isinagaPenal Code si Wala umanong unang dalin si wa sa Noveleta Melly Pulido, nagngangalang Sheila sa kanilang Catholic Church nasa hustong bahay sa Tejero ay Rev. Fr. Eligio gulang, residente noong Abril 10, Ramos na idinedetatlong taong 1965. ng Rosario, pensa ng akusado Ipinahayag nito gulang pa lamang Cavite at kasana siyang nagsaito at napagsa korte na kilala lukuyang tugawa ng kasal. alaman niya sa niya at kasama matakbong alkalKasabay ng isa kanyang pinsang niya hanggang de ng nasabing pang sertipikasyon si Jose na si bayan sa kasong lumaki ang pinSheila ay anak ng buhat din sa naisinampa ni Ofelia sang si Jose sabing simakusado sa ibang Pulido, Jr at alam Pulido, legal na lalaki. niya ang lahat ng asawa ni Jose Sinabi tungkol sa buhay Pulido, Jr. naman ng nito. Sa walong korte na Kaya nagulat pahinang desiswalang yon ng mababang umano siya ng iprinisintang Sheila record hukuman, nabuhat Espinosa Pulido kasaad dito na sa ang akusado sa nabigo ang NatioRegional Trial akusadong si nal Pulido na depen- Court sa Cavite (sa iba pang kaso) Statissahan ang kantic na sinasabing yang kaso mataOffice pos lumantad ang anak ng kanyang (NSO) si pinsang si Jose. mga saksi sa Sheila Dahil sa kanisinagawa nitong yang pagkakaalam pandaraya sa umano, ang mga birth certificate ng kanyang anak anak nito ay sinaPearl Grace Pulido na si Sheila Espinosa-Pulido. at Rupert Pulido sa legal na asawang Ayon sa pasi Ofelia at apat hayag ng saksi lamang sa akusana si Rogelio

bahan na wala umano sa kanilang record na may ikinasal na Jose at Carmelita Pulido. Napag-alaman sin ng korte na na iisa lang ang Saint Joseph Parish Church sa Buong Zamboanga City. Nadiskubre din ng korte na dalawangpung taon na ang lumipas bago pa ipinarehistro ang birth certificate ni Sheila at wala itong acknowledgement ni Jose. Ganundin naman sa testimonya ni Rev. Msgr. David Alonzo, sinabi nito may 30 taon na siyang nagsisilbing pari sa Zamboanga City at wala umano

siyang nakikilalang paring may pangalang Eligio Ramos. Samantala, tumanggi naman ang abogado ng akusado na si Atty. William F. Delos Santos na magbigay pa ng anumang depensa, bagkus ay hiniling na lamang sa korte na desisyunan na ang kaso. Kasalukuyan naman inapela ni Melly Pulido ang kaso sa Regional Trial Court sa pag-asang mababago ang desisyon nito.


PEBRERO 21 - 27, 2010

NATALAKAY natin noong nakaraang linggo ang hinggil sa kahulugan ng salitang “tunay na buhay” at ito ay tumutukoy sa buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos sa atin at ito’y ating inaasam-asam. Nalaman din natin na hindi sa pamamagitan ng pagiging materyalistiko at pagiging tanyag sa sanlibutan, kundi makakamit ito salig sa pagsangayon sa atin ng Diyos na Jehova, na siyang nagtuturo at gumagabay sa atin sa tamang landas. Sagutin naman natin ngayon ang ating iniwan na tanong: Sino ang maaring makapagkamit ng buhay na walang hanggan? At anong mga paraan upang ito ay ating makamit? Ang buhay na walang hanggan ay nakasalig sa pakikinig ng isa sa mga salita ni Jehova. Ganito ang mababasa natin sa Gawa 13:48 “Nang marinig ito, niyaong mga mula sa mga bansa, sila ay lumuluwalhati sa salita ni Jehova at lahat niyaong mga wastong nakaayon sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya”. Kaya, kailangan muna niyang marinig ang mga sa- lita ni Jehova, at matatagpuan ito sa kaniyang nasusulat na salita sa Bibliya. Maging ang ating Panginoong Jesus, nang gabi bago siya mamatay, nanalangin din siya ukol dito, na sinasabi: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu Kristo.” (Juan 17:3) At nagagalak kami na mga Saksi ni Jehova na tumulong upang magkaroon kayo ng walang bayad na pantahanang pag-aaral sa salita ni Jehova, sa araw at oras na kumbinyente sa inyo. Lakip ito sa pambuong daigdig na gawaing pangangaral at pagtuturo na ginagawa ng mga Saksi ni Jehova. Hindi lamang sapat na kumuha ng kaalaman, kinakailangan din naman manampalataya. Bakit? Sa Hebreo 11:6 ay sinasabi na ang mga “walang pananampalataya ay imposibleng palugdan nang Diyos”. Kaya, ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat tutulong sa atin na magkaroon ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos at sa kapangyarihang magligtas ng hain ni Jesus. Nabanggit natin kanina ang hinggil sa hain ni Jesus, bakit mahalaga na matutuhan natin ang hinggil sa bagay na ito? Dahil sa pamamagitan ng haing ito nabuksan ang pag-asa ng buhay na walang hanggan. Idinidiin ito sa ating ng madalas sipiin na teksto sa Bibliya, ang Juan 3:16 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupa’t, ibinigay niya ang kaniyang bugtong na anak upang ang bawa’t isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” OO, kailangan manampalataya tayo dito. Paano nating ipapakita na nanampalataya tayo sa haing ito ng ating Panginoong Jesus? Kailangan natin itong patunayan sa ating mga gawa. Sa Santiago 2:24 sinasabi sa atin ng Bibliya: “Tunay nga, kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya na walang gawa ay patay.” Maliwanag nakikita sa ating mga “gawa” ang ating pananampalataya. At ang isang “gawa ng pananampalataya” ay paggawa nating jng ating buong makakaya na tularan ang ating panginoong Jesus hindi lamang sa salita kundi sa gawa

7

rin naman. Isang halimbawa na maari nating banggitin na maari nating tularan sa ating Panginoong Jesus ay ang pagiging kontento. Halimbawa, sa Mateo 8:20 sinasabi ng Bibliya: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng Tao ay walang mahihigaan ng kaniyang Ulo.” Napansin natin na ang ating Panginoong Jesus ay “wala man lang mahihigaan ang kaniyang ulo.” Pinasimple lamang niya ang kaniyang buhay upang siya’y makagawa ng kalooban ng kaniyang Ama. Isip isipin ito: Maaring gumawa si Jesus ng himala. Tingnan niny ang mga itinawag ng ilan sa kaniya: The Great Bread Maker – dahil nakagawa raw siya ng tinapay The Great Wine Maker – dahil sa paggawa niya ng alak The Great Healer – dahil nakagamot siya ng mga maysakit Ilan lamang ito sa mga tawag kay Jesus, pero nakilala ba siya sa paggawa ng tinapay, paggawa ng Alak, at Doktor dahil sa gumamot siya ng mga maysakit. Hindi sapagkat alam niya na ang kaniyang buhay ay dapat niyang gamitin upang paglingkuran at parangalan ang kaniyang Ama si Jehova at gawin ang kaniyang kalooban. H i n d i ba napakasarap tularan ng ating Panginoong Jesus? Oo, para maabot nating ang tunay na buhay o ang buhay na walang hanggan, ipakita nating ito sa ating pananampalataya na ito ay may kapaki-pakinabang na mga gawa. Kapag ganito, simple ang ating buhay, malayo tayo sa mga kapahamakan dulot ng pagiging ambisyoso dahil sa pagkakamal ng mga

Ang pitak na ito ay bukas sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Layunin nito na maipaunawa sa madla ang batayan ng kanilang paniniwala nang hindi nakasagasa sa panniniwala ng iba. Sa panahon ng post modernismo – napakahalaga ng tolerance, acceptance, plurality at democratic space - editor

pagaari na siyang laganap sa ating lugar. Isa pang puwede nating gawin upang maabot ang tunay na buhay o buhay na walang hanggan ay ang pag-iwas sa pag-ibig sa sanlibutan. Ganito ang panawagan ni Apostol Juan sa kaniyang sulat sa 1 Juan 2:15-17 “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya. Sapagka’t ang lahat ng bagay sa sanlibutan – ang pagnanasa ng laman, at ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa – ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa Sanlibutan. Karagdagan pa, ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nanatili magpakailanman.” Ano ang kaakibat ng pag-ibig sa sanlibutan, at paano ang isa ay makakatakas mula sa mga pagnanasa na kaakibat ng sanlibitan at sa gayo’y makapagkamit ng buhay na walang-hanggan? Iyan ang susunod nating tatalakayin...


8

PEBRERO 21 - 27, 2010

Balitang Jobless

UY belabed riders, alam nyo ba, sa Ohio USA, may 700 nakapila para lang maging janitor? Panalo! Ganito na kalala ang kawalan ng trabaho sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo. Naku, dito sa Pinas, box office hit ang pila sa DOLE at job fair. Masakit ang ulo panigurado ng mga bossing sa gobyerno dahil hindi nila alam kung paano bibigyan ng trabaho ang mga Pinoy. May nakaisip na gumawa ng stimulus package. Ibig sabihin nito,

mismong gobyerno ang gagawa ng paraan para sumigla ang ekonomiya. Trabaho, trabaho trabaho. Kailangan ng tao ng trabaho para magkapera ang tao. Kapag may pera ang madlang pipol, may kakayahan ang mga itong bumili. Kapag may bumibili, iikot ang pera sa merkado. Sisigla ang ekonomiya. Pero ang tanong, paano! Ganito ba kadali yun? Paano magkakaroon ng pera ang mga mamamayan? May naisip na ako. Eleksyon. 1. Hindi ba’t kapag may eleksyon, bumabaha ng pera. Una, gagastos ang mga politiko para sa mga paraphernalia o campaign materials. Kapag maraming ipapaiprentang pulyeto, banner, kalendaryo, pamphlet, leaflets at iba pa, maraming magsusuplay ng pa-

pel. Maraming magiging trabahador sa mga imprenta at iba pang may kinalaman sa imprenta. ‘Ba, ibig sabihin nito, magkakapera ang mga tao at mga negosyante. 2. Kapag may eleksyon, maraming kandidatong bibili ng bigas, de lata at iba pang grocery items bilang panuhol sa mga botante. Ibig sabihin nito, mas maraming magsasaka, tindero’t tindera ang magkakatrabaho. 3. Oo nga pala, kapag eleksyon, iko’t nang ikot ang mga politiko, ibig sabihin nito, gagastos ang mga politiko sa gasolina. ‘Ba, ibig sabihin din nito, kailangan ng gasoline boy. May trabaho, di ba? 4. Syempre, kapag eleksyon, uso ang vote buying, suhulan at kung anu-ano pang may kinalaman ang kaperahan.

Natural, kapag may sangkot na kaperahan, magkakapera ang mamamayan. 5. Uy, sisigla rin nga pala ang catering services. Maraming pakakainin tuwing may pa-meeting. Maraming paiinumin (tubig at alak). Maraming makikinabang na basurero sa mga plastic na bote at kutsara’t tinidor. Maraming kusinero at tagaimpake ng pagkain, tubig at alak ang makikinabang. 6. Sa dami ng basura sa kalsada tuwing eleksyon, natural na dadami ang mga street sweeper. Syempre, gayundin ang mga junkshop at recycling business. Kita nyo na mga mahal na kababayan. May pag-asa sa katamlayan ng ekonomiya. Sa ikauunlad ng bayan, eleksyon ang kailangan.

PALAYAIN ANG MORONG 43; AT ANG PLATAPORMA NG BPP INDANG, CAVITE – Nakikiisa ang inyong lingkod sa pagkundena ng sambayanang Pilipino sa hindi makatarungang pag-aresto, pagditine at pang-aabuso ng ilang militar sa tinaguriang “MORONG 43.” Ang mga ito ay malinaw na mga health workers at kasapi bilang mga volunteer workers ng mga makabayang health organizations katulad ng Alliance of Health Workers (AHW) at Health Alliance for Democracy (HEAD) na ang tanging layunin ay ang makatulong sa ating mga kapos-palad na mamamayan sa mga kabayanan, kanayunan at kabundukan na bihira o hindi na maratingrating ng mga serbisyong pangkalusugan at pangmedikal ng gobyernong ito. Ilan sa mga health workers na ito na dinakip, ikinulong at naabuso ay kilala ko pa katulad nina Dr. Alex Montes na kilalang mahusay na manggagamot at may makabayang puso para sa mga aping sektor, ganoon din si Jane Beltran –Balleza na apo ng namayapang ANAKPAWIS Partylist Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran at isa na sa malapit kong kaibigan at kasakasama noon sa student organizations na si Franco Romeroso na bagamat maliit ay kinakitaan ko na noon pa man ng determinasyong maglingkod sa mamamayan, kaya ang tawag ko sa kanya noon ay tama at angkop na katawagang “small but terrible ng bayan”. Sa pagkakataong ito ay kinakalampag at tinatawagan ko ng pansin ang pekeng Pangulo sa Malacañang na umaksyon sa kaganapang ito. Hindi siya nararapat na manahimik, magpataymalisya at magsawalang-kibo sa pangyayaring ito lalo pa at siya ang Commander-inChief ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Bilang Commander-in-Chief ay mayroon siyang responsibilidad sa mga ginawa ng kanyang mga sundalo lalo pa ang mga pagkakamali ng mga ito katulad ng sobrang paghihigpit at pang-aabuso sa mga karapatang-pantao sa mga nahuling makabayang health workers lalo sa mga kababaihan. Tinatawagan din natin ng pansin ang Commission on Human Rights (CHR) sa pangunguna ng mahusay na Chairman nito na si Hon. Leila de Lima. Sana gaya ng inaasahan ay mabilis pa ding tumugon sa pag-imbestiga at pag-aksyon ang ahensyang ito. Ang Morong 43 ay mga lehitimong health workers at hindi NPA na gaya ng ipinaparatang ng gobyernong ito. Marapat lamang na sila ay kaagad na palayain at nang patuloy na makapanilbihan at makapaglingkod ng libreng panggagamot sa ating mga mahihirap na kababayan. Sa kabilang banda, ako ay patuloy na naniniwala sa bagong politika o sa politika ng tunay at tamang

pagbabago na isinusulong ng Bangon Pilipinas Party (BPP) at sa kandidatura nina Bro. Eddie Villanueva bilang Pangulo, Atty. Jun Yasay bilang Pangalawang Pangulo at sa 7 Senador nito na tinaguriang APOINT V na sina Alonto, Princesa, Ocampo, Inocencio, Nikabulin, Tinsay at Vergines. Narito ang kanilang platform of governance. Bangon Pilipinas Party (BPP) believes that for the country to recover from the terminal cancer of corruption, injustice and poverty, both the leadership and the people must weave back the basic tenets of love for God and love for country into the fabric of Philippine politics and governance. “Love the Lord your God with all your heart and soul and strength and love your neighbour as you love yourself”, is not only a credo for personal life, it is also the cornerstone of all nation-building. “DIYOS AT BAYAN” is the core philosophy of BPP. The demand of loving God and loving the country is righteousness. The fruit of righteousness is first of all justice for the poor, for the civil servants, for the labourer, the employee and wage earner, for the businessman and investor, for the youth, for senior citizens, for the farmer, for the soldier and the veteran, for those who have to care for others, for the overseas worker, for the local government unit, for all people and every sector of Philippine society. Righteousness assures honesty, rectitude, transparency, responsibility, accountability, fairness and equal opportunity for all. Righteousness evokes compassion and charity. The blessings of righteousness are peace, development, the well-being of the community, self-respect, and prosperity. And this righteousness must begin in and with government itself, with servant-leadership that has Character, Competence, Courage, and Compassion. Only love of God and love of country that produces righteousness in the body politic, under a servant-leadership of character, competence, courage, and compassion, can bring true and genuine change in the land. “Diyos at Bayan para sa Tunay at Tama na Pagbabago.” This core value and philosophy translate into a Seven-Point Roadmap of Bangon Pilipinas Party for the country: I. Eradicate bad governance II. Energize the economy III. Elevate the living standards of the people IV. Empower the people V. Emancipate the people VI. Educate the people VII. Establish peace and order in the land

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Malaki ang tsansa mo ngayon na makahawak ng malaki ring halaga! Magkagayunman, mataas din ang tsansa na mabilis na mawala lalo na kapag tinalo ka ng sobrang saya. Lucky Days/Nos/Color: Wed/Fri 4-20-33-38-4145 Peach AQUARIUS: Bago mo ibuka ang iyong bibig, siguraduhin mo na ang iyong sasabihin ay totoo sa loob mo. Dahil ang “oo” ay makikitang parang nag-uunahan na masabi mo. Lucky Days/Nos/Color: Mon/Tues 1-25-36-4044-48 Cream PIECES: Ito siguro ang tamang solusyon, tatanggapin mo siyang muli. Nagkamali man siya sa iyo ay handa mo itong kalimutan upang kayo ay makapagsimulang muli. Lucky Days/Nos/Color: Tues/Sat 10-18-28-3940-48 Aqua-Blue ARIES: Dapat mo nang baguhin ang iyong maling estilo ng iyong pamumuhay. Ituwid mo ang iyong pagkakamali, dahil ikaw din ang mahihirapan sa landas na iyong tatahakin. Lucky Days/Nos/Color: Thurs/Fri 1-7-22-37-4142 Biege TAURUS: Ito ang araw na kung kailan ang barya mo ay magiging makapal na tulad ng perang papel. Ang iyong perang papel ay magiging tulad ng sapinsapin na damit sa loob ng maleta. Lucky Days/Nos/Color: Mon/Tues 7-20-37-2534-36 Red GEMINI: Mawawala sa sarili mong bokabularyo ang kabagalan. Aktuwal mong mararanasan na kapag pala mabilis kumilos, bumibilis din ang pagasenso at dumarami ang laman ng kabang-yaman. Lucky Days/Nos/Color: Sun/Sat 2-8-16-30-3446 White CANCER: Mali ang iyong binabalak, makipagayos ka na. Walang mangyayari kung patuloy kayong magpapataasan ng pride. Pareho ninyong sinasaktan ang isa’t isa. Lucky Days/Nos/Color: Wed/Thurs 1-19-29-3637-40 Pink LEO: Masaya at maaliwalas ang iyong araw. Masigla at makulay ang daigdig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho. Lucky Days/Nos/Color: Thur/Sun 2-28-29-3135-40 Violet VIRGO: Sundin ang dikta ng isip at hindi ng sa puso, iwasang maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka lamang nito. Huwag padala sa matatamis na salita lalo ng bagong kakilala. Lucky Days/Nos/Color: Tues/Wed 9-11-21-2633-39 Brown LIBRA: Hihilahin ka ng matinding tukso. Pag-isipan muna kung makakabuti o makakasama ang gagawin bago pumalaot. Kung hindi ka mag-iingat baka mapasubo ka o mapahamak. Lucky Days/Nos/Color: Mon/Tues 1-12-22-2639-44 Black SCORPIO: Kung hirap noon, kasaganahan naman ang mararamdaman ngayon. Kung panay hinanakit sa nakalipas na mga araw, kaligayahan naman ang kapalit nito ngayon. Nasa itaas ngayon ang gulong ng buhay. Paghandaan ang panahong mapapailalim muli ito. Lucky Days/Nos/Color: Fri/Sun 3-9-14-26-3840 Yellow SAGITTARIUS: Maganda ang pasok sa iyo ng buwan ng Marso. Bagama’t mabagal ang pasok ng pera, hindi naman masasakal ang iyong bulsa. Maganda rin ang kalusugan mo, iwasan mo ang magtanim ng sama ng loob dahil ikaw din ang magdadala nito. Lucky Days/Nos/Color: Sat/Sun 5-16-21-29-3444 Purple


PEBRERO 21 - 27, 2010

9

KARANASAN NG ISANG GURO “NAIINIS ako! Pakialamero, hayaan mo siya… Wala akong pakialam!” Matalas pa rin ang tenga ko at narinig ko pa rin ang bulong ng estudyanteng nasa dulong kaliwa ng air-conditioned na klasrum. Kanina pa nagiingay ang mga estudyanteng binabantayan ko sa 4th year. Hindi ko sila kilala at hindi rin nila ako kilala. Nasa 3rd year hayskul kasi ang regular kong tinuturuan at proctor lamang ako sa kanilang pagsusulit. Gusto kong patahimikin ang mga nag-iingay pero hanggang pakiusap lamang ang pwede kong gawin. At ang lahat ng pakiusap ay natutunaw lamang sa apat na sulok ng dingding. “Ganyan na talaga ang mga estudyanye ngayon.”, ang minsang sabi ng asawa ko na titser din sa ibang paaralan. “Maiingay at hindi madisiplina. Walang pakialam at ang iba ay bastos pa.” Tama ang asawa ko. Sa labing-anim na taon kong pagtuturo ay mukhang palala nga nang palala ang ugali ng mga estudyante. Pahirap nang pahirap din ang papel ng mga guro. Noong hayskul pa ako, natatandaan kong natatakot kami sa aming mga guro kaya kami sumusunod. Pero ang ibang kaklase ko ay bumabanat naman ng ganting mura kapag nakatalikod na ang mga guro. Artipisyal ang pag-

respeto. Pakitang tao lamang at ginagawa alangalang sa grades. Kinausap ko ang estudyante at sinabing “Hindi ka dapat mainis sa akin. I’m just doing my job.” Hindi kumibo ang estudyante. Pero iniabot ko sa kanya ang kapirasong papel na kinasusulatan ng site ko sa multiply at sinabi kong gagawa ako ng blog na dapat niyang mabasa. Eto nga, ginawa ko na. Ewan ko lang kung mababasa niya. Noong estudyante ako ay isa ako sa mga nagtataguyod ng karapa-

tan ng mga kapwa ko estudyante. Marami akong nasulat sa aming school publication hinggil sa pagpuna sa mga mapang-abusong guro. Kaya naman nang ako na ang guro, hangga’t maaari ay ayaw ko ring tapakan ang karapatan ng aking mga estudyante. Subalit maraming estudyante ang umaabuso sa aking kabaitan. Ang nais ko sana ay igalang ako ng aking mga estudyante hindi dahil sa ako ay guro kundi dahil sa ako ay taong marunong ding rumespeto sa kanila. Kaya lamang, sa mas maraming pagkakataon, mukhang hindi pa talaga matured ang mga estudyante sa hayskul upang matutong gumalang nang

hindi napipilitan. Sabagay, nakadepende sa upbringing ng magulang ang pag-uugali ng mga estudyante. Kung magalang, malamang, naturuan ng mga magulang na maging magalang. Kung arogante, posibleng bunga ng broken-family o baka arogante rin ang magulang. Iyan lamang ang palagi kong iniisip. Nitong bandang huli, napagtanto ko rin na hindi lamang mga magulang ang dapat sisihin. Ang lipunan na mismo na naiimpluwensiyahan ng mass media ang siyang lumilikha ng paguugali ng kasalukuyang henerasyon ng kabataan. At ang mga magulang, sa kanilang pagiging abala sa paghahanapbuhay ay

may kinalaman din sa pagsira ng buhay ng mga anak nilang dahilan kung bakit sila naghahapabuhay. Ang mga anak ng OFW na nabibigyan ng sapat o labis na pera ngunit nakararanas naman ng kulang na atensyon at paggabay ang siya rin namang pinakamakukulit sa paaralan at kalimitang sakit ng ulo ng guro. Habang patuloy ang gobyerno sa pag-eeksport ng ating mga manggagawa ay patuloy rin namang nawawasak ang maraming pamilya. Dahil sa mga ganitong usapin kung bakit naglalaan ako ng pangunawa sa mga estudyante. Kaya lamang, gaya nga ng nabanggit na ay umaabuso naman ang

maraming estudyante. Kung gusto ng guro ng kaayusan sa kanyang klase, kailangan niyang magalit, magsermon at manghiya ng estudyante para lamang sa saglit na katahimikan. At sa sandaling mangyari ito, ang guro ay magiging kontrabida na sa paningin ng mga estudyante at ang pagkatuto ng mga magaaral ay lalong magiging ilusyon. Kung kaya nanalig pa rin ako sa diplomasya. Kung ang guro ay marunong rumespeto sa kanyang mga estudyante, baka sakaling umani rin siya ng respeto mula sa mga estudyante at kung susuwertehin, maging imortal man lamang sa alaala.

○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○

Kapihan, bubuhayin

NI JOSEPH MAGNO

AMADEO, CAVITE – Noon ang Pilipinas ay nasa top 5 na bansa na nag-e-export ng kape. Ang layunin nito ay makakuha tayo ng malaking porsiyento sa larangan ng pag-eexport nito sa mga karatig bansa. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na tayong mga Pilipino ay mahilig mag-kape, ang nakararami din sa atin ay ito na ang nakamulatan. Ayon na rin kay Josefina Reyes Board of Director ng Philippine Coffee Board (PCB) “Marami tayong mga natatanging uri

ng kape dito sa ating bansa.” Maging si PCB cochairwoman Pacita Juan ay nagsabing ang Pilipinas ay may tradisyon na sa pag-inom ng kape mas matapang na kape mas maganda sa panlasa ng mga Pilipino.” Ang mga taong umiinom ng kape ay binabago ang uri ng kanilang pamumuhay lalo na ang nag-tratrabaho sa mga call centers, sila ang may mataas na porsiyento sa pag inom ng kape. Kahit na sa mga hotels at mga mamahaling

restaurant ay nagbebenta ng mga dekalidad na timpla ng kape kaysa sa ordinaryo. Tinaguyod nila ang pag-popromote ng “Kape Isla” na trademark para makilala na magaling ang mga Pilipino sa pagpapatubo ng kape sa Pilipinas. Ito rin ay makakatulong sa mga entrepreneur na magtayo ng kahit na malilit na Coffee Shop sa buong bansa na maaari nilang ipagmalaki. Sa ganitong paraan ay maaari tayong makipagkompitensiya sa mga naglalakihang mga coffee shop, na nagmula pa sa Africa at South America. Kilala ang kapeng barako na matapang sa panlasa, maraming mga Pilipino ang nahilig dito.

Sa bayan ng Amadeo, na may 90 minuto na biyahe mula sa Maynila na tinatawag din Coffee Capital ng Pilipinas. Ang mga kape ay pinatutubo sa mga maliliit na mga bukid at ang mga ito ay nakikiagaw pa ng espasyo sa iba pang tanim sa bukirin.

PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 /0932-5567612

Minsan ito ay binibilad sa araw. Sinabi ni Petronilo Romano, 72, magsasaka na sa pagtatanim ng kape malaki ang balik nito sa mga magsasaka at maaari mo rin itong itago hanggang dalawang taon saka ibenta sa magandang halaga. Ang produksyon ng kape sa Pilipinas noong 2008 ay umabot lamang ng 97,435 tonelada, ito ay mas mababa kesa noong 2001 na 112,271 tonelada. Buong pagtitiwala nilang sinabi na ang pagtatanim at pagpo-promote ng iba pang uri nito ang susi sa muling pag-unlad sa industriya. Sa taong 2012, inaasahang magkakaroon ng pagtaas ng porsiyento sa pag-e-export nito sa ating bansa. Ito ay inaasahang madoble sa darating na 2017.


10

PEBRERO 21 - 27, 2010

KAUGALIAN: BAHAGI NG REKLAMO NI RONQUILLO HINGGIL SA MODERNASISASYON (2) Huwag kang magwawalis kung gabi… Katulad din ng sinusundan. At ang sanhi ay sapagkat mapapalis daw ang salaping ingat sa bahay. Nguni’t ngayon ay palipas na ring gaya niyaon, at sa kanyang paglipas ay kasama ang paniniwalang bulag, na: Di dapat magwalis pag nagtatakipsilim na pagka’t – di umano’y – mapupuno ng gabok ang Mahal na Birhen, na may ugaling magpasyal sa gayong oras. Huwag kang magpapayong kung gabi sa loob ng bahay… Gaya rin ng dalawang nauna. At ang sanhi naman ay sapagkat malalaglag daw ang alupihan. Ngayon ay palipas na, gaya ng paglipas ng paniniwalang ang alupihan ay natitigilan at umaamo sa bias ng sabing – tubig, tubig, o hipon, hipon, hipon… Huwag maliligo sa kamatayan o Pagbabagong buwan… Isang pamahiing palipas na rin ngayon. Masama raw ang pagliligo sa gayon, pagka’t di

umano’y mamamatay o magkakasakit ng malubha, pag natutunan ang pagpihit ng buwan. At parang pagsubok sa katotohanan nito ay ipinagkikipustahan ng matatanda, na, itaon ang npagpapaligo ng isang manok at walang salang ito’y mamamatay raw kagya’t Ibilang mo ang pusa… Pag ang kuting o alin mang pusa ay nagkakalat ng dumi; alalaong bagay, pagdumi roon at dumi rito ang ginawa sa loob ng bahay o saan man ay kagya’t mo nang maririnig sa matatanda ang utos sa iyong. Ibilang mo ang pusang iyan. At ang ibig sabihin nito ya kunin mo ang pusa o kuting, dalhin mo sa isang sulok sa lupa at doon mo isaksak na maikatlong ulit, kasabay ang sabing: -isa, dalawa, tatlo… diyan ka dudume at diyan ka iihi… bago pagkuwa’y papaluin ng malakas at pakakawalan na. Kung minsa;y pinapalao lamang ng tatlong malakas at kasabay din ang gayong turo sa pusa.

Mayroon namang gumagawa, na bago dalhin sa lupa, lalo’t sa ikalawa nang pagbibilang, ay iningungudngod muna sa dumi at pinapalo roon ng mariin. Sa ganyan ay inaalis ang salaulang pagkakalat ng pusa, at sa lugar na dumumi sa bahay na gaya ng dati ay hindi na sa lupa na, doon sa pinagbilangan sa kanya o sa ibang sulok kaya dumudumi. Ang kaugaliang ito ay palipas na rin, bagama’t maaasahang di malilimutan agad-agad, palibhasa’y isang bagay na di nasasalig sa kabulaanan kundi sa katotohanang di maitatanggi ng kahi’t sino. Mutain ang anak… Isang paniwala na may halong biro, kung minsan. Paniwala ang karamihan, na, pag ang isang bata ay mutain, ang ama raw nito ay hindi tule. Aywan raw kung hangga saan ang katotohanan o kabulaanan ng paniniwalang ito; nguni’t ang totoo’y nagiging aglahiin

ang batang mutain, pati naman ng ama. Nguni’t ngayon man ay tila ang kaugaliang pagtutule ng mga bata ngayon ay din a gaya noong araw. Aywan din nga. Dapwa’t napupuna ko ngayon ang paglaganap ng kapalagayang tuyli man at hindi ay paris din.

Sa ganang akin ay minamagaling kong huwag lumipas ang ugaling iyan, hindi sa ano man, kundi sapagkat la-

long mabuti ang tule sa hindi. Baka may kuwan ka, ha? Itong kuwan dito ay isang salitang lubhang abot ng mga babae, lalong lalo na nga’t

kung sila’y nagsasalamin sa salamin ng isang napakamaingat na matanda. Karaniwang paniwala ng marami na, pa may kuwan ang babae, lalo’t

Nakikipa gbalikan ang e x-bo yfriend Nakikipagbalikan ex-bo x-boyfriend

Dear Ate Bebang, Ang ex ko ay nakikipagbalikan sa akin kung kailan ako ay nakahanap na ng iba. Ano po ang dapat kong gawin? Jamie ng Cangbalay St., Binakayan, Kawit, Cavite Mahal kong Jamie, Mag-assess ka ng iyong damdamin. Kasi kung wala ka nang nararamdaman para sa ex mo, hindi ka na dudulog sa akin. Itanong mo ang mga ito sa sarili: 1. Mahal ko pa ba ang ex ko? 2. Kung oo, liligaya ba akong talaga kapag naki-

pagbalikan ako sa kanya at iwan ang bago kong karelasyon? 3. Teka, bakit ko nga ba siya naging ex in the first place? (Sa madaling salita, bakit nga ba kami naghiwalay?) 4. Kung hindi ko na siya mahal pero may feelings pa rin ako para sa kanya, liligaya ba ako kung pagbibigyan ko siyang muli na suyuin ako

(at sa prosesong ito ay masasaktan naman ang karelasyon ko ngayon)? 5. Mahal ko na ba itong taong ipinalit ko sa aking ex? 6. Kung oo, bakit naiisip ko pa rin ang aking ex? 7. Kung hindi, bakit ako nasa relasyong ito? Kailangan ko lang ba siya? Masaya ba ako sa kanya? 8. Hindi kaya masya-

dong maikli ang panahon na ibinigay ko sa aking sarili para tuluyang makawala sa shadow ng katatapos lang na relasyon? 9. Aling relasyon kaya ang may mas magandang future? 10. Ano kaya ang magiging future ko kung si ex ang aking makakatuluyan? 11. Ano kaya ang magiging future ko kung si current ang aking makakatuluyan? 12. Ano ang tama at mas fair na desisyon para sa lahat ng kasangkot sa sitwasyong ito? Nakakalito talaga ang nasa ganyang sitwasyon kaya naman importanteng hindi lang puso ang papipiliin kundi pati isip. Importante rin na maging bukas sa iyong current na karelasyon. Sabihin mo sa kanya na gustong makipagbalikan sa iyo ng ex mo at nagtitimbangtimbang ka ngayon. Ito ay

para naman maunawaan ka niya sakaling may biglang pagbabago sa iyong mga kilos o pakikitungo sa kanya. At para din hindi siya magulat sakaling may desisyunan ang mga bagay-bagay. Higit sa lahat, para din makapag-assess siya ng sarili niyang damdamin: gusto ba niya ang sitwasyon na para siyang nakikipagpaligsahan sa iyong ex? Okey lang ba sa kanya ang katotohanang siya na ang iyong karelasyon pero para ka pa ring single na namimili sa kanilang dalawa? Handa ba siyang ipaglaban ang kanyang pag-ibig sa iyo? Nawa’y bisitahin ka ng diwata ng mabuting pagpapasya. Ako pa rin, Ate Bebang Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email lamang sa beverlysiy@ gmail.com.

binibini ay di dapat manalamin, sapagka’t ang salamin daw ay magkukiulabo. Kaya, pag ang binibini’y nasa harap na ng isang salaaming hindi kanya, lalo’t pinakamamahal ng totoo ito ng may-ari, ito ay agad nang mariringgan ng gayong paalala. Baka may kuwan ka, ha?... Sa totoo ma’t hindi ng paniwalang iyan, ang katotohana’y pawala na ngayon sa di kakaunting mga bagong silang, palibhasa’y tikis naman yatang di mangakatiis na huwag manalamin kahi’t ano mang mangyari. HULING PATI PARA KAY RONQULLO Sa mga iskolar ng lkaalamangbayan, mananaliksik ng wika at panitikan, hindi pa ganap na napag-aaralan, maging sa mga nagaaral ng sikolohiyang Pilipino at ng agham-lipunan, ang mga isinulat ni Carlos Ronquillo, na matatagpuan sa Pambansang Aklatan, Seksyong Filipiniana at sa iba pang aklatan tulad ng U.P. kahinahinayang na ang mga kahalagahan, unibersal o lokal man, ng kanyang mga akda, pananaliksik at pamumuna ay mapusyaw pangganitong hindi pa ganap ng nahuhukay. Nakapag-asawa uli si Ronquillo noong siya’y 37 taong gulang kay Eulalia Rodriguez ng Mariveles, Bataan. May dalawang anak sa yumaong asawa, nagkaanak siya kay Eulalia ng lima pa: Mahinhin, Liwayway, Bayni, Magwagi at Isagani. Kung larawan ang mga isinulat niya sa ating sariling kasaysayan, panitikan at kultura, ang ipinangalan niya sa kanyang mga anak ay patibay ng pakikilahok niya sa pagbuo ng isang bayang Malaya, nagsasarili, at may dignidad sa pagkakaroon ng sariling karakter sa mga bahagi ng kabihasnang hinubog ng maraming siglo.


PEBRERO 21 - 27, 2010

11

ANG TAGAP AGT ANGGOL GAPA GTANGGOL Maikling Kuweto ni Bea Jumarang III- Galileo University of Perpetual Help System Dalta, Molino, Bacoor

NAALALA ko pa noon. Sabi ko sa sarili ko, ako ang magiging pinakamagiting na tagapagtanggol ng amo ko. Hindi ako katulong, no. Ako si Enrico, isang Golden Retriever, at your service. Ang amo ko ay si Don Augusto Pelaez Fajardo. Espanyol yan, mestiso. Papaano kasi, yung tatay niyan, ang daming negosyo, kaya nalulunod sa pera. Alam niyo ba, si Don Augusto ang pinakamabait na amo. Pinatitira niya ko sa magarbong dog house, at sosyal lagi yung dog food ko. Iyang

Happy 20th Birthday Jomel Luna Greetings coming from: E-Mar Production at Tropang Bagong-Pook ng Ligtong IV

Happy Reading to kuya Dong at Ate Wincy Trono Greetings coming from: Joseph Magno and Responde Family

amo ko, stateside yan, laging nakakurbata at saka tuxedo. Wala na iyang ginawa kundi magtrabaho, gusto daw kasi niya na manatiling “on top of the food chain”. Nakatira kami sa isang mansyon, halos walang tao, kami lang dalawa ng amo ko, yung katulong, yung driver, at saka yung babae sa frame. Yang amo ko, napakatagal kamo niyan magbihis. Palibhasa kasi, andaming anik-anik. O siya, tama na. Punta tayo sa buhay ko. Tuwing gumigising ako, naabutan ko lagi si Bossing na nakatututok sa itim niyang karton. Sabi niya sakin dati, “ Enrico, that’s a TV.” Hindi ko masabi yung television, kaya ang tawag ko na lang diyan ay karton. Doon sa karton, kung ano-ano yung pinapanood ng amo ko. Puro palabas tungkol daw sa eleksyon. Meron nga doon eh, may nakita

akong mga batang mukhang mga yagit. Kawawa naman, kailan kaya sila lalaya mula sa kahirapan? Forever na ba silang ganyan? Kawawa talaga. Ah, ewan. Kakain na lang ako ng ALPO. Mas mainam pa yon. Nakalagay pa nga yung tatak na made in US eh. Bakit kaya di na lang siya bumili ng local? Makakatulong pa siya sa ekonomiya. Tangkilikin ang sariling atin. Yan ang motto ko. Isang araw ng Marso, dumating si Bossing ko ng nakaitim sa bahay namin. Mapula ang mata, with matching teary eyes. Naupo siya at di ako pinansin. Naiinis pa naman ako kapag di ako pinapansin. Naupo ako sa may paanan niya at marahang tumahol. Sabi ni Boss sakin, “ Enrico, gusto mo bang malaman, kung bakit ako umiiyak?” Sa unang pagkakataon, nag-Filipino siya. Sabi nya pa, “ Enrico, sa araw na ito, nawala sa akin si Yvette, [sino kaya yun?!] dahil lumalaban siya sa

gobyerno.” Aba , adik naman pala ‘tong gobyerno eh. Bakit nila ipinapatay ang Sweetheart ng amo ko? Magbabayad sila! Lulunurin ko sila sa Rabies! Noon daw kasi, sabi ng amo ko, di raw siya mag-isa. Kasama niya daw sa buhay si Yvette, isang aktibistang lumaban sa pamunuan. Sabi niya, dahil daw kakaiba ang mga kaisipan ni Yvette, pinaslang daw siya. Habang nagkukuwento ang amo ko, panay ang tulo ng luha niya sa suot na tux. PATAY! Sira na yung tux niya. Kasi raw,

‘tong si Yvette, talagang revolutionary. Kakaiba daw, sa mata ng lipunan, at salot, sa mata ng pamahalaan. Ah, nga pala, si Yvette yung nakaframe. Noong araw na iyon, sinabi sa akin ng amo ko, mamahalin na daw niya ang bansa, alang-alang kay Yvette at sa kabutihan ng bayan. Dalawang taon na ang nakalipas. Matagal na yung pag-uusap namin ni Bossing ko. Nasa animal control compound na ko ngayon. Yung amo ko, aba, wag nyo na itanong. Isang araw kasi,

sumulpot yung mga pulis sa bahay. Dinampot ng walang habas at pasabi ang amo ko. Makalipas ang ilang araw, umuwi na rin si Boss, sa puting kahon. Di nya man lang ako kinausap. Tapos, bakit kaya siya binaon sa lupa? Siguro na-inlove si Bossing sa mga uod. Ang inaalala ko ngayon eh yung huling nasabi sakin ng Bossing ko. Sabi nya noon, “ Mabuti pang mamatay ako para sa bayan, kaysa malunod sa balon ng mga walangpakialam.” Tama si Bossing ko. Di ko siya kakalimutan.

Halimbawa ng mga Awit sa Araw ng Pangangaluluwa sa mga bayan ng Cavite INDANG KRISTYANONG NANGGUGUPILING Kristyanong nangugupiling Natutulog ng mahimbing Gising at kami’y dungawin Kaluluwa’y dumaraing At bukas pagkaumaga Tayong lahat, ay magsimba At doon nyo makikita Ang limos sa kaluluwa Paalam kami, paalam Paalam po sa maybahay At baka kami ay masarhan Ng pinto sa Kalangitan. KALULUWA’Y DUMARATAL Kaluluwa’y dumaratal Sa tapat ng durungawan Kampanilya’y tinatampal Ginigising ang maybahay Kung kami po’y lilimusan Dali-dali ng pong bigyan At baka kami masarhan Sa pinto ng kalangitan. MARAGONDON NANG KAMI’Y SUMAPIT Nang kami’y sumapit Sa inyong harapan Bintana’y sarado Lingid pati ang hagdan Ginoong may bahay Kami’y kaluluwa Di po ba mangyari Bintana’y buksan at kami’y taglawan May bahay sana’y gumising

At kami ay inyong dinggin Kaluluwa’y lumilibot Humihingi ng limos O GINOONG MAYBAHAY O Ginoong may bahay Dinggin niyo po’t kami ay dungawan Mga kaluluwa’y pawing dumadalaw Dito sa mundong ibabaw Ang sakripisyo po nitong misa Ang siyang totoong mahalaga Kahabagan n’yo at ipag-adya Mga kaluluwang pawing dumadalaw. SA AMING PAGDATING Sa aming pagdating Sa inyong harapan Magulang kong giliw Unang tatawagan Kaya’t namamasyal kaming kaluluwa Upang tayong lahat ay magkita-kita Buhat ng pumanaw ang tanging hininga bigyan po ng limos kaming kaluluwa at ngayon na lamang tayo magkikita. MAGANDANG GABI Magandang gabi sila’y bigyan Oras ng lubhang katahimikan Kami po ay inyong dungawan Mga kaluluwa’y pawing dumadalaw Kami po ngayon ay nangahas at kusang dumulog Ginoong may bahay mga kaluluwa’y Pawing dumadalaw Sandaling dinggin nyo yaring Panambitan Pakinggan n’yo ang timyas na lubhang masaklap yaring panambitan sumandaling buksan ang bintana at kami’y dungawan ginoong may bahay.


PAGPAPAHAYAG 2010: ISANG TANONG, ISANG SAGOT Honest, Orderly and Peaceful Election (HOPE) SAN SEBASTIAN COLLEGE RECOLETOS - Nitong nakaraang Biyernes (Pebrero 19) ay ginanap sa San Sebastian College – Recoletos sa Cavite ang kanilang Cavite’s Mayoral, Congressional and Governatorial Candidate Forum na pinamagatang, “PAGPAPAHAYAG 2010”. Bukod sa forum ay nagkaroon din ng Voters Education at Covenant Signing para sa malinis, matapat at payapang eleksyon, hindi lamang para sa mga partisipante kundi

maging ng iba’t ibang sektor tulad ng Media, PNP, COMELEC, PPCRV, Cavite City Muslim Federation, Cavite City Mosque Imam, Association of Cavite City Pastors, at mga kinatawan ng Iglesia ni Cristo. Ang nasabing forum ay inorganisa ng SSC-R de Cavite’s Recoletos de Cavite Community Outreach Office sa pangunguna nina Bb. Maria Cristina A. Calibuso at Mr. Reynaldo G. Geronimo at sa tulong ng mga Cavite City PNP ni Col. Simnar Gran,

COMELEC na kinatawan ni Atty. Sheryl Moresca, at PPCRV. Ito ay dinaluhan din ng mga tatakbong pulitiko sampu ng mga estudyanteng nanggaling sa iba’t ibang kolehiyo na nakilahok sa

diskusyon. Naglalayon din ang nasabing programa na magkaroon ang mga kabataan ng bukas na pag-iisip sa pagboto kung sino ba ang nararapat na iluklok na kandidato sa mga pwestong tinatakbuhan

ng mga ito dito sa Cavite. Naging malaya ang mga nakilahok na magtanong hinggil sa pagiging epektibong lider ng mga kandidato at kung bakit sila ang nararapat iboto. Sinasabing naging matagumpay ang nasabing forum

at lubos na nakatulong sa mga kabataan na magkaroon ng malinaw na pag-iisip patungkol sa pagboto at kung sino ang nararapat iluklok sa puwesto. (Abangan ang kabuuang detalye sa susunod na isyu) SID LUNA SAMANIEGO

Alamin ang buong detalye sa susunod na issue

Matapos sumugod sa city hall...

Allowance ng atleta sa STACCA, ibinigay na! CAVITE CITY – IBINIGAY na ng pamahalaang lokal ng Cavite City sa pangunguna ni Mayor Totie Paredes ang allowance ng mga batang atleta na deligado sa taunang Southern Tagalog Calabarzon Atletics Association (STACAA). Ito ay matapos sumugod ang mga magulang, guro at estudyante sa Cavite City Hall upang himukin si Mayor Paredes na ibigay na ang kanilang hinihinging kakulangang tulong pinansiyal na gagamitin sa nasabing paligsahan. Sa paghahayag ng ilang magulang ng atleta ay tahasan nilang sinabi na bakit nila pinababayaan ang mga kabataan samantalang sila na ang sinasabing pag-asa ng ating bayan. Sa kanila nakasalalay ang pag-angat ng ating bayan lalo na sa larangan ng paligsahan. Ilang kabataan na raw anila ang naghandog ng di matatawarang kakayahan pagdating sa larong palakasan na nag-iwan ng di mabilang na tropeo at medalyang ginto. Ilan na ba sa kanila na hanggang ngayon ay tinitingala sa propesyong nilahukan. Sa kanilang pakikipag-usap kay Engr. Danilo Campo Santo, sinabi nito na may sulat para sa kanila ang alkalde. Hindi lamang sila nito maharap dahil nakipaglibing ito. Gayunpaman, iginiit ng mga magulang na dapat lang suportahan ng lokal na pamahalaan ang deligasyon sa STACAA dahil karangalan ng lunsod ang dala nito. Samantala, kinabukasan ay ibinigay ni Mayor Paredes ang itinakdang allowance ng mga atleta. Sinabi nito na taun-taon naman ay sinosuportahan niya ang nasabing paligsahan, pero kailangan lang aniya na dumaan sa tamang proseso upang maging legal ang lahat. “Sana ay maintindihan ng mga magulang at guro na malaking pondo ang kinakailangan, at hindi ito basta-basta maipapalabas kung hindi natin idadaan sa tamang proseso.” ani Mayor Paredes NADIA DELA CRUZ

ENCARNACION

RAMOS

RUSIT

ANGCANAN

Hard-Killer lumutang sa text...

ENRIQUEZ

NI EWEL PENALBA

REPORTER NG RESPONDE CAVITE, INULAN NG ‘DEATH THREAT’ ISANG mensahe mula sa text sa cellphone ang natanggap ng reporter ng pahayagang ito na naglalaman ng ibat ibang pagbabanta sa kaniyang buhay sampu ng bumubuo ng Responde Cavite. Si dating Barangay Captain Roberto “Obet” Catalan, reporter, at kasalukuyang chairman ng Dyaryo Patrol ng pahayagang ito ay nagulat kamakailan ng makatanggap ng mensahe buhat sa text. Na naglalaman ng pagbabanta sa buhay nito maging sa kanyang mga kasama sa pagsusulat. Narito ang kabuuang text na natanggap ni Catalan buhat sa numerong 09236236881: 09236236881: Babarilin ko kau Catalan: Bakit 09236236881: Sa balita nyo sundot lapirot Catalan: Bakit may pinatay ka na ba? 09236236881: Oo kayo naman ang pakakainin ko ng bala Catalan: iadobo mo muna para masarap 09236236881: ingat

na lang kau isusunod kita Catalan: Saan ka ngayon? 09236236881: eto inaabangan ka Catalan: kung ngayon ka lang papatay ng tao magisip-isip ka hindi ako lumaki sa kumbento 09236236881: propesyunal na ako Catalan: kilala mo ba ako 09236236881: yes kap Catalan: galingan mo. 09236236881: kainin mu nlng ang bala ko puro ka salita kap Catalan: galingan mo lang 09236236881: ingat ka lge kap, bka mg almusal ka ng bala bukas Catalan: sawsaw mo sa peanut butter para masarap 09236236881: cge

kap, tatadtaran kta ng bala Catalan: bakit may napatay ka na bang kapitan 09236236881: oo napag-utusan lang Samantala, nakipagugnayan na rin ang Responde Cavite sa kapulisan upang maipa-bloter ang naturang pagbabanta kay Catalan maging sa buong staff ng pahayagang ito. Sa mga naging komento ng ilan nating kapatid sa pamamahayag ay kanilang kinokondena ang mga ganitong senaryo. Bagama’t ito ay text lamang ay hindi naman ito pwede ipagsawalang bahala na lamang. Kailangan pa rin ng agarang pag-iingat sa anumang oras. Maging ang hepe ng kapulisan nasa Cavite na si Col. Simnar Gran ay nabigla sa pagkakaulat na

ito sa kanyang departamento. Kung anu’t anupaman ay ipagbigay alam kaagad sa kanya ang anumang balita. Gasgas na ang kwento na karamihan sa pinapaslang na mamamahayag ay galing sa lokal na pagbabalita. Hindi na mabilang sa mga daliri ang bilang ng pinatay na dyarista nang dahil lamang sa pagbubulgar ng makatotohanang paghahayag, pagsasalaysay ng isa ring manunulat. Gayunpaman, patuloy ang Responde Cavite sa paghahayag ng makatotohanang pagbabalita sa buong lalawigan ng Cavite. Walang sinuman ang pwedeng magbusal sa taliba ng katotohanan. Hangga’t may balita, narito ang pahayagang maglalahad sa inyo ng tunay at makabuluhang paghahayag sa mamamayang Caviteño.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.