responde cavite 27

Page 1


2

MARSO 07- 13, 2010

NO. 3 MOST WANTED, TIKLO SA CHECKPOINT

NI OBET CATALAN

CAVITE CITY – Isang lalaki ang matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa diumano’y kinasasangkutan ng huli sa kasong murder ang natiklo habang nagsasagawa ng checkpoint ang kapulisan. Kinilala ni P/Supt. Simnar Gran, Chief of Police, ang suspek na si Edwin Quijano y Palacio alyas “Doro”. Nadakip ang suspek noong March 02, 2010 dakong alas 12:10 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga kapulisan. Sa pangunguna ni P/Insp. Jigger Sidamon Noceda, PO3 Jennifer Manzano, PO1 Paul Alcarez, ang mga alagad ng Police Mobile Group (PMG). Nasita ang suspek dala ang kanyang motor. Kaya’t nang beripikahin ito ng kapulisan ay doon nila nalaman na may warrant arrest pala ito. Habang nagkakaroon ng pag-uusap ay itinanggi pa ng suspek na siya si

Edwin Quijano at siya raw ay si Christopher. Si Doro ay may warrant of arrest ( CC#71-09) na inisyu ni Hon. Judge Ma-

nuel A. Mayo sa kasong murder. Nasa talaan din ang suspek sa most wanted no. 3 sa lunsod na ito. Magugunitang si

Doro ay nasangkot noong isang taon sa kasong pagpatay sa kanyang kapit-bahay. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya at walang inirerekomendang piyansa sa suspek sa kasong ito.

Dalawang hinihinalang holdaper, sinalvage sa Cavite BACOOR, CAVITE – Dalawang bangkay na hinihinalang holdaper ang natagpuan kamakailan sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor, Cavite. Kapwa may paso ang ulo ng matagpuan ng mga otoridad ang dalawang biktima at may karatulang “huwag tuluran, holdaper ako at sentensyado ako”. Unang nakita ang isang bangkay ng lalaki na hindi pa nakikila hang-

gang sa ngayon sa barangay Nicolas sa bayang ito, na tinatayang nasa edad 30 hanggang 33 anyos, may taas na 5’3 at maraming tattoo sa kanyang katawan. Matapos naman ang ilang oras, natagpuan ang isa pang bangkay sa may bukana ng gate ng Meadowood Executive Subdivision, at tinatayang nasa edad 40 hanggang 43 ang edad. Base sa inisyal na im-

bestigasyon ng mga otoridad, hinihinalang sa ibang lugar pinatay ang dalawang biktima at itinapon lamang sa nabanggit na lugar kung saan parehong nakasuot ang mga ito ng puting tshirt at naka-underwear lamang. Nang sa ganoon

Brgy. Chairman sangkot sa pagpatay, tiklo GEN. TRIAS, CAVITE - Arestado ang isang Brgy. Chairman at tatlong iba pa na sangkot sa kasong pagpatay sa isang empleyado ng munisipyo sa Brgy. Pasong Camachile, Gen. Trias, Cavite. Kinilala ang mga suspek na sina Brgy. Capt. William Seachon, Erineo Pantoja, Jascer Gliteria at Raymund Cortun ay nadakip sa bahay ng naturang brgy. official sa bisa ng search warrant na inisyu ni Imus-RTC Branch 22 Judge Cesar Mangrobang. Nakuha sa mga suspek ang isang hand grenade, 9mm pistol, bala at motorsiklo na ginamit na getaway vehicle. Ang apat ang siyang itinuturong pumaslang sa municipal secretary na si Jeanette Nuevo noong Enero 22. Habang patuloy pa ring pinaghahanap ng kapulisan ang ilan pang sangkot sa pagpatay na patuloy pa ring nakakalaya hanggang sa ngayon. Ewel Peñalba ay maligaw ang imbestigasyon ng mga kapulisan. Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima upang mapagbigay alam sa kani-kanilang pamilya. Willy Generaga

Lolo nabunggo ng motor ta y motor,, pa pata tay CAVITE CITY – Hindi na umabot sa pagamutan ang isang matandang lalaki matapos na ito ay mabangga ng isang motor kamakailan sa lunsod na ito. Kinilala ni PO1 Jonathan Roque Baclas ang biktima na si Manolito Naval y Giron, 68 taong gulang, may asawa, residente ng 298 Cabanela St., San Antonio, Cavite City. Habang ang suspek naman ay nakilala sa

pamamagitan ng kanyang lisensya na si Mark Joseph Dela Cruz y Dela Rosa, 26 taong gulang, binata, at kasalukuyang naninirahan sa B-D-4 Lot 1 San Nicolas 1, Dasmariñas sa nasabing lunsod. Sa imbestigasyon ginawa ni PO1 Baclas nangyari ang krimen noong Feb. 27, 2010 dakong alas 1:45 ng madaling araw sa daang J. Miranda St., Caridad. Minamaneho

ng suspek ang kanyang motor na Honda Wade R100 kasama ng kanyang kaibigang si Jeffrey Ponce y. Rivo. Binabay ng suspek ang “one-way” na daanan subalit laking gulat nito nang masalubong ang isang pa ring motor na minamaneho ng mga oras na iyon ni Naval. Nakuha pang sitahin ang suspek ng isang chief tanod na si Ronaldo Reyes dahil bawal umanong dumaan ang anumang motorista sa daang “one-way”. Subalit huli na ang lahat ng salpukin ng minamanehong motor ng suspek ang motor ng biktima. Nakuha pang maisugod sa Bautista Hospital si Naval subalit idineklara na itong Dead on Arrival (DOA) ni Dr. Bryan Gomes. Andy Andres


MARSO 07- 13, 2010

MARIJUANA, HULI SA CHECKPOINT

CAVITE CITY- Sa di sinasadyang pagkakataon ay nadiskubre ng kapulisan ang isang lalaki na may bitbit na marijuana habang nagsasagawa ang huli ng check-point. Kinilala ni PO2 George Lapidario, may hawak ng kaso, ang suspek na si Christopher Soriano y Ruiz, 24 taong gulang, binata, naninirahan sa 460 Habagat St., Wawa I, Rosario, Cavite. Nahuli ang suspek ni PO1 Joel Villacarta de Castro, kawani ng

Cavite Provincial Public Safety Management Company (CPPSMC) habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga awtoridad sa daang Bagong-Pook, Calumpang, Caridad sa lunsod na ito. Nang sitahin ang suspek dala ang kanyang motorsiklo ay

NI JUN ISIDRO

nakitahan na umano ito ng kakaibang pagkilos ng kapulisan. Nang ipalabas ang rehistro ng motor na nakalagay sa ilalim ng upuan ay bumungad ang ilang pakete ng marijuana. Kasalukuyang nakahimpil ang suspek sa kapulisan at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa ipinagbabawal na gamot ang suspek o mas kilala sa RA 9165 Sec. 11 Art. 2.

3

Negosyante, dedbol sa tama ng baril TAGAYTAY, CAVITE – Isang negosyante ang kaagad na namatay matapos na ito ay barilin ng hindi pa nakikilalang salarin. Kinilala ni P/S Supt. Primitivo Tabujara ang biktima na si Vicente Lepardo, 40 taong gulang, isang negosyante. Sa ginawang imbestigasyon ni P/Supt. Dexter Rellora, Chief of Police sa bayang ito, nangyari ang pamamaril kay Lepardo noong Marso 1, 2010 dakong alas 10:40 ng umaga sa harapan mismo ng establisimento ng biktima sa Brgy. Kaybagal South, Tagaytay.

Base sa ilang nakasaksi ng pangyayari, isang motor na may sakay na dalawa ang biglaang lumapit sa suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang huli hanggang sa iwanang patay. Mabilis na sumibat

ang dalawang salarin matapos ang pananambang kay Lepardo sa di malamang direksyon. Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap sa mga salarin para sa ikalulutas ng krimen. NADIA DELA CRUZ

Habang nagre-repack ...

Bebot, tiklo sa shabu Nilagdaan nina Cavite Gob. Ayong S. Maliksi at Dr. Emmanuel Santiaguel ng PCLEDO ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si Philippine Postal Savings Bank President at CEO Virgilio A. Mortera para sa Maliksing Pasada Program - isang micro-financing program para sa mga drivers at konduktor ng pampasadang sasakyan sa Cavite kung saan kasamang mabibiyayaan ang kanilang mga asawa at pangunahing miyembro ng pamilya. Ang PPSB ay magbibigay ng hanggang P50-milyon pautang para sa programang ito at naglaan ng limang libo kada kwalipikadong benepisaryo mula sa kapital na pondo, hanggang P3,000,000 sa Organized Transport Group at hanggang P5,000,000 para sa Federation of Transport Groups na binubuo ng kwalipikadong benepisaryo na aaproban ng LGU-Cavite.

CAVITE CITY – Naaktuhan ng mga alagad ng kapulisan ang isang babae sa lugar kamakailan habang abalang nagbabalot ng shabu sa harap ng kanyang kabahayan.

Kinilala ni P/Insp. Starlight Lacson Rivera ang suspek na si Lanie De Castro y Cayas, 34 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at kasalukuyang naninirahan sa 311 Bagong Pook St., Caridad ng nasabing lunsod. Nadakip ang suspek sa pamamagitan ng isang tawag mula sa telepono ng pulisya na nagbigay ng impormasyon sa suspek na nang mga oras na iyon ay kasalukuyang nagbabalot ito ng shabu sa harapan ng kanyang bahay noong Marso 2, 2010 dakong alas 6:30 ng gabi sa panulukan ng Brgy. 36-M, Bagong Pook nina PO2 Jonathan Barricuatro, PO2 Rolando Alcaraz, PO2 Ronald Nabos, PO1 Christian Damayo, PO1 Edgie Portacio, at PO1 Ryan De Guzman. Nakuha kay de Castro ang 36 na pirasong shabu na nakabalot sa plastic at ilang mga kagamitan sa ipinagbabawal na gamot. Kasalukuyang nakakulong ngayon ang suspek habang nahaharap ito sa kasong RA 9165 Sec. 11 Art.12. SHELLA SALUD


MARSO 07- 13, 2010

4

Sino si Bro. Mike Velarde sa Katoliko? SI Ka Eduardo Manalo ang maliwanag na Pangkalahatang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo. Si Bro. Eddie Villanueva ang malinaw na tagapagtatag at lider ng Jesus is Lord Si Bro. Eli Soriano ay malinaw din na taga-pagtatag at lider ng Iglesia ng Dios Int’l o mas nakilala sa kanilang programang Ang Dating Daan (ADD) Kamakailan ay dumating sa lunsod ng Cavite si Bro. Mike Velarde, kilalang lider ng El Shaddai. Na sinasabing isang sekta lamang o maituturing na parang isang charismatic movement lamang ng simbahang Katoliko na pinamumunuan ng isang lay minister. At ang itinuturing na pinakamataas na lider nito sa Pilipinas ay si Gaudencio Cardinal Rosales. Sa pagdalaw nito sa lunsod ng Cavite, parang may ‘diyos’ na bumaba sa langit. Salimbayan ang escort at security. Armado ang lahat ng mga ito. Maaaring maging ang senador o Pangulo ng Pilipinas ay mahihiya sa higpit ng seguridad. Maaaring tanggapin ang ganoong senaryo, dahil maituturing na high profile personality si Bro. Mike. Maaaring daig pa nga ang senador o maging Pangulo ng bansa. Dahil ang mga ito ay namamanikluhod sa kanya na maiendorso. Lalo pa nga sa kandidatong lokal? Nakita ko ang pila ng mga gustong makaakyat sa coster ni Bro. Mike ng gabing iyon. Karamihan ay politiko. Okey lang, naghahangad sila ng basbas o endorso ni Bro. Mike. Pero pati pari, ang paring nagsagawa ng misa sa gawain ng El Shaddai ng gabing iyon ay nakapila sa labas ng coster para lamang makausap si Bro. Mike. Pari na siyang sinasabing kinatawan ni Hesus sa lupa at naordinahan. Pari na siyang maituturing lider ng bawat simbahang katoliko. SUNDAN SA PAHINA 12

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Kapag nagsama ang Relihiyon at Politika SABI ng ilang henyo sa batas, ang layunin kung bakit pinaghihiwalay ang estado at simbahan ay dahil para hindi makaimpluwensya ang isa sa isa. Mabuti naman. Kahit pa sabihing kapag anibersaryo ng ganitong grupo ng relihiyon ay nakahilera sa stage at paminsan-minsan ay nagtatalumpati ang mga politico, malinaw na walang impluwensya ang isa sa isa. Kahit pa sabihing kapag birthday o may oksayong inisponsoran si ganitong politiko—sina father, brother, kapatid o pastor ang nakadisplay at nakikihalubilo, malinaw na walang impluwensya ang isa sa isa. Minsan nga lang nagtataka ako, bakit kapag anibersaryo o birthday ng pinakamataas na pinuno ng isang malaki’t maimpluwensyang relihiyon, katakot-takot at kabi-kabila ang banner at streamer. “Maligayang Kaarawan kay Ka _______ ng ______ mula sa pamilya ni Mayor Pol Pulpul” “Maligayang ika-___ anibersaryo sa _________________” mula kay Congressman Gaha Man” tapos kapag birthday ng pastor o anibersaryo ng isang maliit at hindi maimpluwensyang grupo ng relihiyon ay walang pagbati ni pasalita o kapirasong papel man lang? Minsan, nakikita ko rin na binabasbasan ni ganitong pastor or brother ang mga politiko para humusay daw ang pamamalakad. Pagkaraan ng ilang buwan, ang gayun ding politiko ay magpapabasbas din sa iba pang grupo ng relihiyon at sa iba pa at sa iba pa.

Dahil kaya iba-iba sila ng relihiyon at iba-ibang kinatawan ng dyos ang bumabasbas, nangangahulugan din kaya nitong iba-ibang dyos din ang talagang bumabasbas sa mga politiko? Kung ganoon, hindi na tayo dapat magtaka kung bakit nagkakaletse-letse ang bansa natin. May ilang grupo ng relihiyon na may block voting o straight voting. In short, pakyawan. Noong 2004, inindorso (hindi sila namimilit, pero kapag hindi mo binoto ang pinaboboto nila, ititiwalag ka lang naman) ng isang makapangyarihang grupo ang isang sugarol babaero at barumbadong kandidato. Sa kabila na may kalabang itong ibang kandidato na may matinong record at pamumuhay, si tukmol pa rin ang inindorso. At himala ng mga himala, nanalo si kandidato. Kaya pagkaraan lang ng ilang taon, nagkaletse-letse ang bansa. Pumalit naman ang isa pang palkups na sinaksihan, ipinanalangin at binasbasan pa ng mga banal ang kanyang panunumpa. Pagkaraan lang ng ilang buwan, lumitaw ang tunay na kulay. Mas palkups pa sa mga palkups na pinuno. Wala naman daw bayad ang mga spiritual adviser. Kaya siguro ganito ang pag-uugali’t pinaggagawa ng mga pinuno ng bansa. Kung magbabayad sila sa kanilang mga spiritual adviser, baka mapagana pa ang ia-advise sa kanila. Ano kaya ang advise ng mga binayarang spiritual adviser… hmmm? “Masikip na sa impyerno at maluwag pa sa langit. Pero wag kang mag-alala, gawin mo lang yang batas na yan na kontra sa interes ng mahihirap at pabor sa mga mayayaman… wag ka worry… magpapa-extend si Satanas ng impyerno para lang sa iyo.” Bwahahahaha!

Wetlands – Gamit sa Kaunlaran – 2 ANG mga matubig na pook ay hitik na hitik sa mga ‘produkto at serbisyo’ na mahahalagang sangkap sa komunidad lalung-lalo na sa mga gawaing agrikultura at industriya. Ang pananatili ng Wetlands bilang buhay na kalikasan (functional ecosystems) ay paniniguro ng patuloy na pagunlad ng pamayanan. Wetlands, tulad ng ilog, batis,dagat-dagatan at lawa ay siyang pinagkukunan ng tubig ng mga tahanan at bukid. Ang iba pang mga uri nito halimbawa ang mga latian sa kaitaasan (swamp forests) ay pinagbubuhatan ng tubig sa pamamagitan ng mga balon (wells). Ang mga tubig ng Wetlands ay bumababa at tuluyang pinupunan ang mga natural na sisidlan ng tubig (acquifer). Ang prosesong ito ng kalikasam ay tinatawag na ‘groundwater recharge’. Ang pagbaba ng tubig mula sa Wetlands tungo sa ‘Acquifer’ ang nagmimintina ng ‘shallow groundwater system’ at patuloy an umalalay (sustain) ng ‘water level’ sa palibot. Posible din naman na ang tubig ay bumaba pa sa malalim na ‘underground water system’ at maging tuluyang balong ng tubig kahit na sa pantheon ng taginit. Ang ‘direct extraction’ ng tubig ang pangkaraniwang serbisyo ng Wetlands sa pamayanan. Sa pantheon ng ‘El Nino’, ang kakulangan ng tubig na gamit sa ‘domestic and agricultural activities’ ay binibigyan ng remedy ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga bomba (pumps) upang kunin ang tubig na nasa kalaliman an protektado sa init ng araw an nagdudulot ng ‘evaporation’ ng tubig sa mga litaw na daluyan at imbakan. oOo ‘Flow Regulation’ ang isang mahalagang gamit sa Wetlands sa pantheon ng tag-ulan. Wetlands ang nagsisilbing taguan (storage) ng sobrang tubig sa pantheon ng ‘heavy rainfall’ at pag-apaw ng mga ilog at daluyan ng tubig. Ang tubig ay mula sa ulan, sa mga ilog, o sa ‘underground sources’. Ang tubig-baha ay pangsamantalang maimbak sa lupa o manatiling ‘surface water’ sa mga lawa at latian.

Sa gayon ay mababawasan ang bugso ng tubig-baha pababa. Ang tubig ay mananatili sa ‘storage sote’ ng mga ilang araw o lingo at ang iba ay mawawala sa sugo ng pagdaloy (flow regime) sa pamamagitan ng ‘evaporation’ pagsikat ng araw o pagbaba sa kalaliman (percolation to groundwater). Ang Wetland ‘vegetation’ na bigay mga punongkahoy at halaman ay makapag-papahinga sa daloy na tubig-baha sa pagkat ang tubig ay di-aagos pababa ng sabay-sabay sa maikling panahon. Ang mga epekto ng prosesong ito na wala halos imprastrakturang itatayo ay maiibsan ang mapinsalang baha at mapapanatili ng natural an daluyan ng tubig ng mahaba-habang panahon bawa’t taon na hindi mangyayari kung mawawala ang Wetlands. oOo Marami pang ‘serbisyo ang dulot ng Wetlands sa ating komunidad. Isa na rito ang pagbigit ng ‘saline water intrusion’. Sa mababang lugar ang pagkakaroon ng ‘freshwater wedge’ ay pinanadili ng ‘freshwater wetlands’. Ang ‘freshwater wedge’ ang siyang pumipigil sa malalim na tubig-alat na pumaitaas at humalo sa supply ng tubig na gamit ‘for drinking, washing and irrigation purposes’. Bukod pa dito, ang daloy ng tubig mula sa ilog ay pumipigil din ng pagpasok ng tubig-alat paitaas at humahalo sa tubig na gamit ng mga tao, hayop at halaman. Wetlands ‘vegetation’ ay pumipigil din ng pagagnas (erosion) ng dalampasigan, wawa at pampang (coastlines, estuaries and riverbanks). Sa tuwirang salita, wetlands ang proteksyon sa ‘natural forces’ tulad ng malakas na agos at mapinsalang at may kalaatang hangin. Ang pisikal na katangian ng Wetlands (vegetation, sukat at lalim) ay nagpapabagal sa daloy (flow) ng tubig at nagpapatining o pagkakaroon ng latak (sedimentation) na nagreresulta sa pag-aalis ng mga bagay na nakakalason(toxicants) at nakapag-papalusog (nutrients) na nakatinggal sa latak(sediments). Ang deposisyon at pagkawala ng latak ay pumipigil sa pagpuputik (turbidity) ng mga lawa na sumisira sa kalidad (quality) ng tubig. Hindi maipagkakaila na ang ‘sediment removal’ ay nagpapahinto din ng pagbabaw ng mga lagusan at pananatili ng paggamit ng mga ito sa transportasyong pantubig at pananatili ng iwing yaman ng lupang-agrikultura. SUNDAN SA P.10


MARSO 07- 13, 2010

Ang pitak na ito ay bukas sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Layunin nito na maipaunawa sa madla ang batayan ng kanilang paniniwala nang hindi nakasagasa sa panniniwala ng iba. Sa panahon ng post modernismo – napakahalaga ng tolerance, acceptance, plurality at democratic space. - editor

NAKITA natin sa nakaraang pagtalakay ang kahalagahan ng pagiging kontento na namalas sa buhay at ministeryo ng ating Panginoong Jesus. Pero bagaman siya ay nag-iwan ng huwaran, ang ilan pa rin sa atin ay nagiging “maibigin sa sanlibutan at sa mga pagnanasa nito”. (1 Juan 2:15-17). Ano ba ang pag-ibig sa Sanlibutan? At paano ito nakakasagabal sa pag-abot natin sa tunay na buhay o buhay na walang-hanggan. Sa Bibliya, ang salitang “sanlibutan “ ay karaniwang isinasalin sa wikang Griego na ko´smos at ito ay nahahati sa 3 kahulugan: (1) ang sangkatauhan bilang kabuuan, maging anuman ang kanilang kalagayan sa moral o paraan ng pamumuhay, (2) ang pangkalahatang mga kalakaran ng tao kung saan ang isa’y ipinanganak at namumuhay, o (3) ang karamihan sa sangkatauhang hiwalay sa sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakapagbigay ng maling impresyon sa pamamagitan ng pag-

gamit ng “sanlibutan” bilang katumbas ng mga salitang Griyego para sa “lupa,” “tinatahanang lupa,” at “sistema ng mga bagay.” Kunin natin ang ikalawang kahulugan, “ang pangkalahatang mga kalakaran ng tao kung saan ang isa’y ipinanganak at namumuhay”. Sa nakikita nating lifestyle ng mga tao, nakakakita tayo ng mga taong hindi sumusunod sa pamantayan ng Diyos. Nariyan ang labis-labis na pagkakautang , awayan dahil sa negosyo na sanhi ng pagpatay, at iba pa. Dahil diyan, ipinapakita ng mga tao ang nakalalasong

“espiritu ng sanlibutan”. (Efeso 2:2) Paano natin maaring mapaglabanan ang gayong impluwensiya? Dapat ay pinasisimple lamang natin ang ating buhay gaya ng ating Panginoong Jesus. Kung natatandaan pa ninyo yung payo ni Pabalo kay Timoteo sa panimulang pagtalakay, pinayuhan siya na niyang ang kaniyang pag-asa, “hindi sa walang katiyakang kayamanan”. (1 Timoteo 6:17) Paano iyon gagawin ni Timoteo? Sinabi sa kaniya ni Pablo, sa Filipos 1:10: “Upang matiyak ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga, upang kayo ay maging wa-

TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501

lang kapintasan at hindi makatisod sa iba hanggang sa araw ni Kristo, at mapuspos ng matuwid na bunga, na sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.” Oo, dapat niyang unahin ang mga bagay na higit na mahalaga, sapagkat iyan ang susi upang mapokus niya ang kaniyang sarili upang isaisip, hindi ang mga materyal na mga bagay kundi ang espirituwal – ang mga bagay ng Diyos, at ang kaniyang sariling kaligtasan. Lakip na roon ang pagpapasimple ng kaniyang buhay. Sa katulad na paraan, kung gagawin natin ito, tiyak na “mapupuspos tayo ng mga matuwid na bunga”. Paano ba natin maaaring pasimplehin ang ating mga buhay? May tayong tatlong hakbang: 1. Lubusang Magti-

wala sa Diyos na sasapatan niya ang ating pangangailangan – Nararapat ang gayong pagtitiwala yamang ang kaniyang salita ay bumabanggit: “Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin, Gayunma’y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan, Ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay.” (Awit 37:25) Oo, makakaaasa tayo na kahit tayo ay mahirap, hindi pa rin tayo iiwan ng Diyos. Maglalaan at maglaan siya ng kung ano ang ating kailangan. 2. Panatilihing Simple ang ating mga mata – Sa dakilang Sermon sa Bundok n gating Panginoong Jesus, siya ay nagsabi: “”Ang lampara ng katawan ay ang mata. Kaya nga, kung ang iyong mata ay simple, ang buong katawan mo ay magiging maliwanag”” Ano ang ibig sabihin dito ni Jesus na “simpleng mata”? Ang isang simpleng mata ay taimtim, dalisay ang motibo, at malaya sa kasakiman at makasariling ambisyon. Ang pagkakaroon ng simpleng mata ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaaba-abang buhay o ng pagpapabaya sa ating Kristiyanong pananagutan na sapatan ang ating pisikal na mga pangangailangan. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagpapakita ng “katinuan ng pag-iisip,” habang inuuna natin ang paglilingkod kay Jehova.—2 Timoteo 1:7. Magiging masaya ang ating mga buhay, kung gagawin natin ito. Hindi katulad ng iba na “hindi kontento”, sila ay nababaon sa pagkakautang dahil hindi sila masiyahan sa pagtangkilik ng mga gadgets na napakamahal, pero nasisira din naman. Pinagsusumika-

5 pan nila iyon ng bayaran kahit ang kanilang mga sikmura ay wala nang makain, gayun din ang sa kanilang mga pamilya. Pero kung ang isang tao na simple, nasisiyahan na siya ng mga bagay na nasa kaniya. Kaya tanungin natin an gating mga sarili: “Pinasisimple ko ba ang aking buhay, o pinagiging masalimuot? Ano bang mga bagay ang talagang nauuna sa aking buhay”? Ano ang mga pagpapalang maari nating makamit kapag pinasimple natin ang ating mga buhay? Ang tunay na kasiyahan at pagkakontento ay sasaatin kasali na ang kapayapaan ng isip at ang katiyakan na ikaw ay nakalulugod sa Diyos na Jehova. Iyan ay isang gantimpala na maaari mong tamasahin kahit na ngayon. Ganito ang sabi sa Filipos 4: 6,7: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos;” Sa mga pagpapala na ibibigay ni Jehova ay kasali ang “buhay hanggang sa panahong walang-hanggan.” Oo, iyan ang maaaring maging pagpapala sa iyo—buhay na walang-hanggan sa kaligayahan sa matuwid na bagong sanlibutan ni Jehova. Mamuhay ka nang timbang, simple, huwag hayaang ang mga bagay ng sanlibutang ito ang sumira ng iyong paninimbang. Alalahanin na ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang mga hinihiling ng iyong puso. Ganito ang pangako ng salita ng Diyos: “Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova,At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng iyong puso.” (Awit 37:4)


MARSO 07- 13, 2010

6

Ekslusibong pag-uulat ng Responde Cavite Reportorial Team (tunghayan ang highlights at video ng pagtitipon sa aming website na www.respondecavite.com sa mga susunod na araw.) “IPAGLABAN at pahalagahan ang buhay...” ang mga ito ang kinaikutan ng pagpapahayag ni Bro. Mike Velarde, Servant Leader ng maimpluwensyang grupo ng EL SHADDAI (DWXI - Prayer Partners Fellowship International, Inc.) nang bumisita ito sa Lunsod ng Cavite noong ika- 4 ng Marso 2010 ganap na ika-6 n.g. sa Covered Court ng Samonte Park upang magsagawa ng isang prayer rally. Kabilang sa mga nabanggit ni Velarde ang responsableng pagboto ng mga mamamayan at hangarin ng bawat isa, kandidato man o botante ang isang malinis at mapayapang halalan. Kasamang dumating ng grupo ni Velarde ang buong pwersa ng Buhay Party List sa pangunguna ni Cong. Irwin Tieng na isa sa mga kinatawan ng nasabing sector. Kilala ang Buhay Party List

sa pagiging matapat sa aral ng Simbahang Katoliko pagdating sa usapin ng sekswalidad, buhay at moralidad. Mahigpit ding tinututulan ni Bro. Mike Velarde at ng Buhay Party List ang Reproductive

Health Bill na di umano ay taliwas sa aral ng simbahan hinggil sa pagpapahalaga ng buhay. Bago pormal na isinagawa ang naturang pamamahayag, nagkaroon muna ng misa sa pangunguna ni Fr.

Cesar Reyes Jr., ng San Roque Parish Church. Binanggit ng nasabing alagad ng simbahan ang ilang katangian ng isang lider ng bayan na dapat taglayin upang maging karapat-dapat na maglingkod sa

sambayanan. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga kasapi ng El Shaddai mula sa iba’t ibang panig ng Lalawigan ng Cavite.

Bata, matanda, lalake’t babae, may kapansanan at malusog ay sama-sama sa iisang dako ng Lunsod. SUNDAN SA P.7

Si dating Vice Mayor Dino Chua at ang kanyang kaeskuwela sa La Salle na si Cong. Irwin Tieng ng Buhay Party-list.


MARSO 07- 13, 2010

VELARDE... MULA SA P.6

Mula kaliwa: Senatorial bet Joey De Venecia, Bro. Mike Velarde, Mayor Totie Paredes at Dino Chua.

7

Mula kaliwa: Kon. Mark Mupas, Atty. Tim Encarnacion, Dr. Lino Baron, Dino Chua, Mayor Totie Paredes, Joey De Venecia, Trece Martirez Mayor Jun De Sagun at Gen. Tito Angcanan.

Naging gabi rin ng politika ang prayer rally/meeting nang maimbitahan sa entablado upang makipagdiwang at makinig sa pagpapahayag ang ilang lokal at nasyonal na kandiMula kaliwa: Kap. Penchie Consigo, Denver Chua, Kon. Ara単as at Rosario, Cavite Vice Mayor Jhing-Jhing Hernandez

Mula kaliwa: Mayor Jun De Sagun, Gen. Tito Angcanan at Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente.

dato. Kabilang sina Joey de Venecia ng Nacionalista Party kasama si Mr. Omar Santos na opisyal na kinatawan ni Sen. Manny Villar na

tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa , Mayor Jun de Sagun ng Trece Martirez na tumatakbo sa pagkagobernador sa ilalim ng PMP, ang re-eleksyunistang

Mayor ng Rosario, Cavite na si Atty. Nonong Ricafrente kasama ang reeleksyunistang ViceMayor na si JhingJhing Hernandez, , mga tumatakbo sa pagka-Board Member na sina Dino Chua at Onie Ara単as ang nagsidalo.

Nasa entablado rin sina Ret. Gen. Tito Angcanan at Atty. Tomoteo Encarnacion na kapwa tumatakbo sa pagka-Mayor ng Cavite City. Nandoon din si Dr. Lino Baron , tumatakbong vice mayor ng Cavite City. Si

Ang mga Cavite単ong sabay-sabay na kumakaway sa saliw ng awit ng papuri sa pangunguna ni Bro. Mike Velarde.

Mayor Totie Paredes na tumatakbo bilang konggresista sa Unang Distrito ng Cavite ay kasama ang ilan sa mga tumatakbo sa pagka-konsehal ng lunsod gaya nina Cage Filoteo, Denver Chua, Kap. Penchie Consigo, Mark Mupas at iba pa. Matapos ang nasabing gawain ay tumuloy sina Bro. Mike Velarde

kasama si Cong. Irwin Tieng ng Buhay Party List at ang mga kasamahan nito sampu ng ilang mga lokal na lider at kandidato sa El Palacio Hotel sa Noveleta, Cavite upang pagsaluhan ang isang hapunan na kung saan ang dating Vice-Mayor ng Cavite City na si Dino Reyes Chua ang naging punong abala.

Ang mga may kapansanan at suliranin sa buhay na umaasang matutugunan ang kanilang mga dasal.


8

MARSO 07- 13, 2010

Pagbabago…noon, ngayon at bukas!

INDANG, CAVITE – Pagbabago, ito ang maririnig mo ngayon saan mang dako ng ating bansa. Animo ay unang beses pa lamang tayong nananawagan ng pagbabago datapwa’t ang katotohanan ay hindi na bago sa ating pandinig ang katagang ito. Noong ang ating bansa ay nasa madilim na bahagi ng kasaysayan sa panahon ng Batas Militar ng diktaduryang rehimen ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos ay umalingawngaw na rin ang panawagang pagbabago sa temang “Tama na, Sobra na at Palitan na, Marcos Resign” na nagluwal para sa isang mapayapa at matagumpay na rebolusyon na tinaguriang EDSA People Power 1. Maging noong sumingaw ang eskandalo sa jueteng payola at iba pang anomalya sa gobyerno sa panahon ng rehimen ng dating Pangulo Joseph E. Estrada ay muling dumagundong ang panawagang pagbabago sa temang “Sobra ng Pahirap, Patalsikin si Erap” na nagresulta ng isa na namang mapayapa at matagumpay na rebolusyon na tinagurian namang EDSA People Power II (kaya lamang ay nakakadismayang mas higit at triple pa palang masahol ang ating na-

iluklok sa estado poder ng kapangyarihan sa katauhan ng pekeng pangulo na nandaya na sa nakaraang 2004 Presidential Election ay batbat pa ang kanyang pamahalaan sa sari-sari at kabi-kabilang anomalya at pang-aabuso sa mga karapatan ng mamamayan). At sa mga tangkang muling pagkilos ng sambayanan para mapatalsik ang Tsunano sa Malacañang mula pa noong EDSA III ng mga Pro-Erap Forces noong Mayo 1, 2001; Oakwood Mutiny ng grupong Magdalo noong Hulyo 27, 2003; People Power pa rin ng mga militanteng grupo noong Pebrero 25, 2006 at Manila Peninsula Siege ng

grupong Magdalo pa rin noong Nobyembre 27, 2007 ay bigo ang sambayanang Pilipino sa kanilang minimithi sanang pagbabago ng liderato at porma ng pamahalaan (transitional revolutionary council/government). Kung kaya naman tila uhaw na uhaw na naman ngayon sa pagbabago ang sambayanang Pilipino. Nauulit lamang ang mga pangyayari ngayon sa kaganapan noon. Sa mga pahayagan, radyo at telebisyon ay kanya-kanyang serye ng pagkilos at panawagan para kumbinsihing manindigan ang mga kabataan o ang buong mamamayang Pilipino para sa pagbabago. Nandiyan ang paglitaw ng

Ako Mismo, Samahang Magdalo para sa Pagbabago ng grupong Magdalo, Pagbabago Movement ng mga militanteng grupo, Ako ang Simula ng Pagbabago ng ABS CBN 2, Kayang-Kaya Kung Sama-Sama sa Pagbabago ng GMA 7 at marami pang iba. Katawa-tawa naman na ultimong ang mga kandidato at pulitiko sa ngayon ay nakisakay na rin sa kampanya ng pagbabago sapagkat makikita o mababasa sa kanilang mga dambuhalang tarpaulins at campaign materials ang salitang pagbabago na kanilang ginagamit upang bumango sa mga botante, pwe. SUNDAN SA P.9

Lindol at tsunami

HINDI pa lubusang nawawala sa isipan ng bawat isa ang sinapit ng bansang Haiti dahil sa intensity 7 na lindol. Daang libong katao ang nag buwis ng buhay noong Enero 12, 2010. Muli na namang nagimbal ang buong mundo ng lumindol sa bansang Chile intensity 8.5 noong Pebrero 27, 2010. Ito na ang pinakamalakas na lindol na naitala na kumitil ng buhay ng pitong daang katao. Lumindol rin sa bansang Taiwan intensity 6.4. Maging ang ating

bansa ay nakaranas din ng paglindol intensity 4 sa bayan ng Batanes at Masbate. Lubhang nakakabahala ang mga ganitong pangyayari. Ano ba ang lindol. Ang Lindol ay mahina hanggang sa magkaroon ng lakas na pagyanig o pag-uga dahil sa biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa. Dahil sa malawakang pagguho at liquefaction, malakihang paglubog at pag-alsa ng lupa, at napakaraming bitak ang masasaksihan.Nag iiba rin ang daloy ng tubig sa mga bukal, batis, at ilog. Nagkakaroon ng malalaki at mapinsalang alon sa mga lawa na maaaring maging tsunami. Ang Tsunami ay sunod sunod na dambuhalang alon na karaniwang likha ng lindol na nagmumula sa ilalim ng dagat. Ang taas nito ay maaar-

ing humigit pa sa 5 metro. Ang tsunami ay nangyayari kung ang pinagmulan ng lindol ay mababaw at sapat ang lakas upang magalaw ang ilalim ng dagat at matinag ang tubig na nasa ibabaw. Dahil dito ang PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS) ay nagbigay ng babala pagkatapos ng lindol sa bansang Chile, namaaaring magkaroon ng Tsunami. Alert level 1 sa mga bayan ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Quezon, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental at Davao del Sur. Naging handa rin ang mga ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag nang ipagpaliban ang mga gawain na nararapat gawin, tapusin hanggang maaari upang tumanggap ulit ng mas magandang oportunidad sa buhay. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa paligid. Makakakuha ka ng magandang ideya. Lucky numbers at color 8, 19, 25, 31 at Turquoise. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag maging emosyonal, magiging hadlang ito sa iyong pinapasukang trabaho, mas kailangan natin ang mabuting pakikisama sa mga ka-trabaho at lalo na sa iyong boss. May bonus ang mabuting empleyado. Lucky numbers at color 58, 60, 61, 63 at Gold. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maging mahinahon sa lahat ng sandal lalo na ngayon na sobrang init ng panahon. Huwag sumabay sa galit ng iyong minamahal wala itong maibubunga na maganda sa inyong relasyon. Maging mapagbigay sa kanya. Lucky numbers at color 5, 10, 22, 27 at Beige. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Malaki ang magiging responsibilidad sa pamilya lalo na ngayon na ikaw lang ang inaasahan. Maging masipag, matiyaga at pasensyoso. Malayo ang mararating sa bawat paggawa. Darating din ang ginahawa sa buhay. Lucky numbers at color 4, 9, 18, 30 at Red. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kailangan mong magtipid lalo na ngayong panahon ng krisis. Magimpok para sa kinabukasan. Huwag magpadala sa mga alon ng buhay kailangang maging matatag at huwag magkukulang sa pagtitiwala sa Panginoon. Lucky numbers at color 14, 25, 34, 44 at Blue. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maglaan ng panahon sa sarili upang makapaglibang, bigyan ng panahon ang pamilya. Ipakitang nagsisikap para sa kanilang kinabukasan. Huwag puro trabaho ang intindihin pati na rin ang kalusugan. Lucky numbers at color 26, 36, 40, 44 at Green. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Laging mag-laan ng oras sa iyong minamahal baka puro trabaho na lang ang ginagawa. Pagtuunan ng pansin ang mga problemang pam-pamilya. Laging isa-isip na siya lng ang nag-iisa sa buhay mo. Lucky numbers at color 30, 35, 37, 44 at Orange. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag iaasa sa sugal ang iyong kapalaran. Walang masamang subukan ngunit magsikap para magkaroon ng katuparan ang mga pangarap sa buhay, tayo pa rin ang lilikha ng ating kinabukasan. Lucky numbers at color 31, 36,39, 47 at Yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasang makasakit ng damdamin ng iba. Piliin ang mga salitang iyong sasabihin baka hindi mo nalalaman mayroon ng sama ng loob sa iyo ang mga kasambahay. Isaalang-alang ang kanilang nararamdaman. Lucky numbers at color 35, 40, 47, 49 at Violet. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May bibisitang isang malapit na kaibigan ngunit may dala-dalang mga tsismis. Hindi kailangan mag paapekto sa kanila ayusin ang pamumuhay. Lucky numbers at color 41, 47, 50, 55 at Aquamarine. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maging masigasig sa pag-aaral ito lang ang iyong magiging kayamanan na maibibigay ng ating mga magulang. Kaya dapat natin itong pagyamanin at pahalagahan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Magkaroon ng sariling paninindigan sa mga bagay-bagay. Lucky numbers at color 51, 57, 59 60 at Brown. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Napakagandang panahon para muling umibig. Maging abala sa pagpapaganda darating din ang iyong pinakahihintay na pag-ibig. Kung nasa relasyon lalong painitin ang pagmamahalan para sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color 2, 7, 13, 33 at Pink.


MARSO 07- 13, 2010

SULONG BAYAN

Ang masaya sa pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika

mula sa p.8

Datapwat sino nga ba ang karapat-dapat na magsulong ng pagbabago? Dito sa 10 nag-aasam na makasungkit ng pwesto sa pagka-Pangulo, sino sa kanila ang angkop at tamang magdala ng laban para sa pagbabago? Isipin sana nating mabuti mga kababayan ko. Maawa naman tayo sa ating bansa, ang boto natin ay huwag na nating ipagbili pa. Sa pagkakataong ito ay bumoto naman tayo ayon sa ating konsensya. Sa ating pagboto ay huwag nating isipin ang ating mga sarili at maging ang ating bulsa, kaunting tiis at sakripisyo naman muna para sa bayan. Manapa’y ang isipin natin sa ating pagboto ay ang kinabukasan ng ating mahal na bansa at mga mahal sa buhay, yaong ating mga anak, mga apo at susunod pang salinlahi. Huwag tayong magpapamana sa kanila ng bulok na sistema, huwag nating hayaang pagdating ng panahon na matatanda na tayo o nasa kabilang buhay na tayo ay sinisisi pa tayo ng ating mga anak, apo at salinlahi dahil nagpabaya tayo at hindi nakibaka para sa pagbabago kaya sila ay nagdudusa sa kanilang kasalukuyang panahon. Huwag sana tayong papadala sa mga magagandang pangako, buladas at pambobola ng mga kandidato, huwag sana tayong papadala sa kaguwapuhan at kagandahan o sa panglabas na anyo lamang ng mga kandidato, huwag sana tayong papadala sa kasikatan nila o ng kanilang pamilyang pinagmulan at lalong huwag sana tayong padadala sa taginting ng kanilang pilak at salapi. MAY KARUGTONG

9

MALAMANG ay pumapapak ng sleeping pills ang ilang milyonaryo’t bilyonaryo dahil sa nangyayari ngayon sa ekonomiya ng Amerika. Ang mga mayayamang ito na may daang milyong piso at bilyones na inilagak sa mga malalaking bangko sa Amerika ay namemeligro. Anumang oras na kunin mo ang blood pressure ng mga mayayamang ito ay paniguradong kandidatong maisugod sa hospital. Ano nga kaya’t tuluyang bumagsak ang ekonomiya ng Amerika at maulit ang great depression noong 1920’s? Siguradong apektado nito ang buong mundo. Lalo na

ang Pinas kasi Amerika ang pinakamalaking Trade Partner nito. Babawiin ng mga mayayaman ang kanilang pera at investment sa iba’t ibang negosyo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Magsasara ang mga kumpanya’t pagawaan. Wala nang halaga ang pera. Marami ang mawawalan ng trabaho. Marami ang magugutom. Dahil dito, apektado pati ang mga pangunahing serbisyo kagaya ng kuryente’t tubig. Ang mga pulis at military ay naka-leave dahil naghahanap din sila ng ipapakain sa kani-kanilang mga pamilya. Ang mga tagalunsod ay pupunta sa kanayunan para maghanap ng makakain. Mag-aaway ang mga taga-lunsod at taga-nayon. Sa pag-aaway nila, maiisip nila na may iilang pamilya na may ari ng libo-libong ektarya ng lupa. Ang lupang ito ay

hindi nasakop ng CARP dahil makapangyarihan ang mga pamilyang ito at kayang bumili ng proteksyon sa Konggreso. Susugurin ng taong bayan ang lupain ng mga mayayaman. Syempre, walang body guard at bantay ang mga asyendang ito dahil maging ang mga tagpagtanggol ng mayayaman ay nasa kani-kanilang pamilya para maghanap ng makakain. Kakamkamin ng mga karaniwang mamamayan ang libong ektarya ng mga mayayaman. Sa kanilang pagsugod ay dala nila ang kanilang kalaykay, piko, asarol, pala, karit at iba pang mga gamit sa bukid. Syempre, hindi naman basta-basta isusuko ng mga mayayaman ang kanilang lupa (na pinagyaman sa dugo at pawis ng mga magsasaka), ilalabas nila ang kanilang mga baril. Pero dahil mas marami ang

mga taong sumugod kesa sa bala, magagapi ng mga mahihirap ang mayayaman. Magiging madugo ang tagpong ito. Maraming bangkay ang ililibing. Dahil dito, lalong tataba ang lupa. Magiging masagana ang ani. Hindi na magugutom ang mga maliliit na pamilya na nagpayaman at bumusog sa mga taong may libo-libong ektaryang lupa at may kamalkamal na salapi. Walang kuryente, walang telepono, celphone, walang radiation, walang pollution… magiging tahimik muli ang mundo (pansamantala), lilinis uli ang mundo (pansamantala). Balik uli sa simpleng pamumuhay. Tilaok ng manok, huni ng ibon, sariwang hangin… hay! Pakidali naman po sana ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika. Please! Harharhar!

May iba na ang ex-boyfriend

Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@ gmail.com.

PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 /0932-5567612

Dear Ate Bebang, Nasaktan ako nang mabalitaan kong may iba na ang ex ko. At mas nasaktan ako nang malaman kong isang call girl ang kinakasama niya ngayon. Sabi niya, flingfling lang naman ‘yon. Kasi daw sobra siyang nalungkot noong iwanan ko siya. Apektadong-apektado ako, hindi ko alam kung bakit, samantalang ako naman ay masaya na sa boyfriend ko ngayon. Eli ng V. Toledo St., San Miguel I, Silang, Cavite Mahal kong Eli, Natural lang na maapektuhan ka. May pinagsamahan kayo, e. At natural lang din na masaktan ka na mayroon na siyang iba. Nakakapangiwi talaga ang ideyang may iba

na siyang paglalaanan ng oras at pagmamahal. Pero kung inaakala mong iyan ay dahil sa may natitira ka pang pag-ibig sa kanya, naku, maghunosdili ka’t baka nagkakamali ka lang. Baka ang nasasaktan sa iyo ay pride mo at hindi puso. Kailangang tanggapin mo ang katotohanang pagkatapos maghiwalay, pinakamainam gawin ang mag-move on. Tulad ng ginawa mo, nagmo-move on lang naman ang ex mo mula sa inyong break up. Selfish ka kung pipigilan mo siyang gawin iyan. Ang siste, e, ikaw lang ang happy, siya, hindi?

Kung totoong isang call girl ang ipinalit niya sa iyo, muli ay pride ang umaaray sa iyo at hindi puso. Maaaring dahil ngayon mo lang kasi narirealize na kaya palang mag-fling-fling lang ng lalaking minahal mo, at sa isang babae pang hindi ganon kadisente ang hanapbuhay! Masakit nga naman ang realisasyong ganyan. Ang pinakamainam mong gawin, iwasan mo munang makibalita sa iyong ex. Baka isang araw, mabalitaan mo, nag-asawa na siya ng kangaroo, e di lalo ka lang maaapektuhan niyan, di ba? Tutal, ex mo siya, ibig sabihin,

past na, e, di isantabi mo na muna. Walisin ang mga nagkalat na tuyot na dahon. Dust pan-in at itapon kung puwede. Sa totoo lang, kalat lang naman ang mga iyan sa ating bahay at buhay. Magpokus ka sa iyong bagong karelasyon. Mahalin mo siya na para bang kahit kailan ay hindi ka pa nabibigo o nasasaktan. Mahalin mo siya na para bang ito ang una mong pagkakataong umibig. Dahil ang dapat gawin para sa makulay na hardin, alagaan ang papasibol pa lamang na mga bulaklak. Laging namumukadkad, Ate Bebang


10

MARSO 07- 13, 2010

SINASABI NILA TUNGKOL KAY ALEJANDRO ABADILLA (2) Isang pagpansin ni Cirilio F. Bautista (mula sa Pagkamulat ni Magdalena)

1. ANG pagbasa kay Alejandro G. Abadilla (19061969) ay isang pakikipagsapalaran, kahit sa maraming palatandaan at babala sa lansangan. Hindi dahil sa walang tiyak na patutunguhan, kundi dahil sa mga manlalakbay ay baka magayuma ng mga mismong senyas at malimutan na ang pakay ng kanyang paglakad. Sapagkat si Abadilla ay isang salamangkero, sa tunay na kahulugan ng salitang ito. Ginagalugad niya ang guni-guni ng mga mambabasa upang mabuksan ang kanilang isipan sa mga bagong karanasan at katunayan; ginugulo niya ang pag-iisip ng mga ito upang umisip ng katotohanang kahit hindi niya ipinapakita ay makikita nila. Ang mga tula ni Abadilla, halimbawa, ay isang karanasan, sapagkat isang pakikipagtunggali. Nang sabihin niyang “Ako/ang daigdig/ako/ang tula! Ako/

SENIOR CITIZENS CORNER Mula sa p.5 ANG Wetlands ay patuloy an pinagbubuhatan ng mga ‘on-site’ an produkto tulad ng halaman, kahoy (timber), frutas, isda, ibon, tungkod (cane), tambo na gamit an pangbubong (thateh), dagta (resins) at mga bagay an panggamutan (medicinal products). Marami ding produkto ang Wetlands an inililipat ng kalikasan sa ibang lugar (off-site) katulad ng mga matatabang material (organic materials) at mga natunaw an pataba (dissolved nutrients) an sumusuporta sa local an palaisadaan (local fisheries), hipon, mandarahuyang ibon (migratory birds) at mga hayop an nagpapasuso (marine mammals). (Sa susunod na karugtong ay ating tatatalakayin ang iba pang makabuluhang functions ng Wetlands).

ang daigdig/ang tula/ako/ ang daigdig/ang tula! Ang tula! Ng daigdig.” Ito’y hindi isang pagyayabang kundi pagamin lamang sa malawak at makahulugang sining ng makata na walang hangganan o bubong. Ito rin ay isang pagtunaw sa pagkakaisa ng pagkakakilanlan (identity) ng tula at ng makata. Ang tula ay ang makata, at ang makata ay ang tula. 2. Sapagkat ang tula ay hindi lamang isang katotohanan ng teksto kundi isa pa ring walang katapusang pag-aayos ng teksto. Sa liwanang ng ganitong kaisipan, makikitang ang isang tula ay walang tunay na katapusan, kahit na ito ay tapos na at nakalimbag na sa aklat, dahil ito ay palagiang nagbabago, sa anyo at kahulugan. Ang kagandahan at kayamanan nito ay nakasalalay sa lakas ng ganitong pagbabago. At kung totoong ang anumang kasulatan ay mapangwasak (subversive), dahil ang salita ay naghahasik ng pag-aalinlangan o panghamon sa nakagawiang palagay (idea), ang tula at ang tuluyan ni Abadilla ay talagang nakaliligalig. Na ang kan-

yang mga akda ay kinagigiliwan ng salamangka. Walang isang landas na nagbuibuhat sa kanyang utak kundi maraming landas. Subalit alinman sa mga landas na ito ang tahakin, ang manlalakbay ay mababagabag, kundi maguguluhimihanan. Dahil dito ay natagurian si Abadilla na kapural sa panghihimagsik na naghahatid ng makabagong kamalayan sa larangan ng Panitikang Pilipino. Ang paghanga kay Abadila ay may pasalungat (contradictory) na katangian. Sinabi ng kanyang mga kaibigan: “Kung naisin ng Diyos na sumulat, susulat siyang gaya ni Abadilla.” Sinasabi ng kanyang mga kaaway: “Kung naisin ng demonyo na sumulat, susulat siyang gaya ni Abadilla.’ 3. Ganito rin ang kinahinatnan ng paghanga kay Abadilla nang ilabas ang kanyang nobelang Pagmulat ni Magdalena noong 1958. gaya ng kanyang mga tulang nauna rito, ang nobela ay binatikos bilang isang kasulatang maka-Demonyo at pinuri bilang isang kasulatang nagbabadya sa liwanag ng Bagong Balita sa kamalayang sining ng mga manunulat sa Tagalog. Maraming nagsulittanong sa nobela na tila ba ito ay may kasalanang

dapat pagbayaran. Hindi lamang iyan. Ang katauhan ng nobela (hindi ang mga tauhan ng nobela) ay napagkamalang katauhan ni Abadilla. Kaya’t siya’y tinuligsa bilang salaula. Marahil ay naging mabait sa kana yang mga manunuri kung hindi nila kilala ang kanyang pangalan at kung hindi siya mapanghimagsik. Subalit natatandaan pa nila kung paano sinunog ni Abadilla ang mga aklat ng mga kilalang manunulat kagaya nina Lope K. Santos, Aurelio Alvero, Jose Esperanza Cruz, Lazaro S. Francisco Galauran, Susana De Guzman, Severino Reyes, Teodoro Agoncillo, at Jose Domingo Karasig sa dahilang ang mga ito ay nagtataglay ng kahiya-hiyang katangian at di mga tunay na halimbawa ng Panitikang Tagalog. Nang gawin ni Abadilla ito noong gabi ng ikalwa ng Marso, 1940, nagkaroon siya ng maraming kaaway. Ang pagsunog-madla (public burning) na may pahintulot ng may kapangyarihan at demokratiko—sinunog din ni Abadilla ng kanyang mga tulang naisulat sa pagitan ng 1925 at 1935— ay kauna-unahan sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Kaya’t ito ay sariwa pa sa ala-ala ng kanyang mga manunuri nang

Mula kaliwa paikot: Si Obet Catalan, Eros Atalia, Rev. Fr. Emilio P. Jaruda Jr., OAR San Sebastian College Recoletos-Cavite City President,Prof. Ma. Christina A. Kalibuso (PRO-SSCR) at Sid Samaniego habang nasa gitna ng panayam upang ilathala ang papel ng nasabing kolehiyo sa kasaysayan, kultura at kaalaman ng mga Caviteño. Abangan sa susunod na linggo ang artikulo.

GABI

Ni Abigail Campanero Nakakasugat ang talim ng iyong dilim Humihiwa sa bawat himaymay ng mga kaluluwang nahapo sa pagkakasala Mistulang burak ang iyong kabuuan Na di nagdudulot ng kasiyahan Kundi umaalipusta ng maraming buhay Patuloy kang gumagala at humahanap ng masisila habang ang iyong bangis ay kumikitil ng pag-asa Mapanlait ang iyong mga ngiti habang iniisa-isa mong higupin ang mga pangarap Sa iyong sinapupunan nailuwal ang mga nagngangalit na aktwalidad at kalapastanganan Naaagnas ka na at inuuod dahil sa kabulukan ng iyong ipinamamanhik na kaganapan… Isa kang halimaw, gabi… Dulot mo ay bangungot At sa iyong katahimikan Umaalingawngaw ang mga impit na hikbi Habang patuloy na sayo’y matatakot, mangangamba At tigib ang mga luhang Mumugto sa mga mata ng umaga… ilathala ang kanyang nobela. Sariwa pa rin ang mga pananalita niyang itinuring nilang malaking kayabangan; isang magandang bagay sa mga kraniwang manunulat noon ang kababaang-loob na di tinataglay ni Abadilla. Nang matapos niya ang manuskrito ng “Ang Panitikang Tagalog sa Paningin ni Abadilla,” sinabi niya sa isang kaibigan: “Sa aklat na ito ay isinulat ko, hindi nangyari sa Panitikang Tagalog, kundi kung ano ang dahilan ng mga pangyayari sa “panitikang Tagalog.” Tanong ng kaibigan: “Ano iyon?” Sagot niya: “Si Alejandro G. Abadilla.” Mataas din ang kanyang papuri sa kanyang sarili nang lumabas ang iba pa niyang gawa bilang isang patnugot o manunulat:

Mga Piling Katha (1948), Parnasong Tagalog (1950), Mga Piling Sanaysay (1951), Ako ang daigdig at ang iba pang tulaI (1955), Maikling Katha (1957), Piniling mga Tula ni AGA (1965). 4. Hindi makakailang pambihira ang nobelang ito. Hindi pa man ito nailalathala ay pinag-aawayan ng ito. Dahil sa ito ang pinakaradikal na nobelang Tagalog sa panahong makabago, iba’t iba ang mga reaksyon ng mga mambabasa. Maraming manunuring tumuligsa dito; may mga gustong sunugin ito gaya ng pagsunog ng may-akda sa aklat ng ibang manunulat noong 1940 sa Plaza Moriones; may nagsabing dapat ikulong si Abadilla dahil sa kanyang kasamaan (immorality). SUNDAN SA P.11

GET WELL SOON FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY


MARSO 07- 13, 2010

11

SA BAGWIS NG SINING mula sa p.10 Si Abadilla mismo ay nagpalagay na dahil sa maselan na paksa nito, pinag-aalinlanganan niya kung susuriin ang nobela ayon sa tinataglay nitong tatlong pambihirang katangian. 5. Una, ang nobela ay panghinaharap (futuristic). Ito marahil ang kauna-unahang nobelang Tagalog na nagtataglay ng katangiang ito. Nalimbag noong 1958, ang nobela ay tumutukoy sa mga pangyayaring nagaganap noong 1980, o dalawmpung taon sa hinaharap. Kung mabubuwag natin ang katotohanang bumubuo sa mundo ni Abadilla noong sinusulat niya ito, at pag-aaralan ang hiwa-hiwalay na kahulugan ng mga ito, mauunawaan natin ang maaring pag-ikot ng kanyang utak na naghantong sa pasiyang itakda ang galaw ng kanyang kasaysayan sa taong 1980. Isang matatagggap na kadahilanan ay ang kalagayan ng lipunang Pilipino noong dekada limapu. Lagananp noon ang kaligaligang dala ng paglalaban ng lakas-pamahalaan at ng lakas-Huk, ang maituturing na ugat ng kumunismo sa bansa. Qng lakas-Huk ay malawak na noong mga huling taon ng nasabing dekada at ayon sa paniwala ng karamihan—isang paniwalang military—ay malapit nang magpabagsak sa pamahalaan. Di maglalaon, sabi nila, at dadagsa buhat sa bundok ang mga sundalong Huk upang sakupin ang Malakanyang. 6. Sa pag-iisip ni Abadilla, tiyak na magtatagumpay ang mga Huk; ang suliranin lamang ay kung anong pamamalakad ng pamahalaan ang isasakatuparan nila. Dahil sa ang mga Huk ay aral sa komunismong maka-Intsik at dim aka-Ruso, sapagkat higit na malapit tayo sa Tsina at may mga pagkakawangis ang ating dinaranas noon sa dinaranas ng mga Intsik, naipasya niyang sa darating na dekada walumpu, kung hindi magbabago ang kalagayan, ay komunismong Intsik ang maghahari sa Pilipinas. Isang pahapyaw na pagbabalik sa kasaysayang Pilipino ay magpapatunay ba tama ba ang kanyang isinulat. “Ang sabi’y Ama, ako ng malayang / taludturan, Tula. E, kung totoo / Ay sino ang Ina?”—paismid na pahayag ni Abadilla noon sa katanyagan ng kanyang tula; kabaligtaran ito kung ang tutukuyin ay ang kanyang nobela, sapagkat ang “Ina” nito ay abng tanggulian ng magka-ibang isipan at uri sa iisang lipunan. Gaya ni George Orwell sa 1984, sinapantaha ni Abadilla ang kinabukasang pampulitika ng kanyang bansa sa arawan ng isang bayaning mahiwaga at mala-Kristo. Ang pag-gamit ng ganitong katauhan ay nagpapakita rin ng mababang pagtingin ng may-akda sa Iglesya Katolika Romana dahil sa di nito paglutas sa mga suliraning pangkaluluwa na nagpalala sa kalagayan ng bansa noon. Sinasabi ni Abadilla sa nobela na kung hindi magbabago ang mga tao, komunismo ang susupil sa kanila habang panahon, ngunit kung sila ay magtataglay ng mga katangian ni Kristo, lalo ang pag-asa sa sarili at di sa iba, maiiwasan ang anitong kahihinatnan. Sa madaling salita, ang kinabukasang iginuhit sa nobela ay ang kinabukasang hindi dapat asahan ng Pilipino, ngunit ito ay dapat niyang iguhit upang huwag nilang asahan. Dalawang katotohanan, kung gayon, ang naglalamas din sa kanyang akda, na sumasalamin sa dalwang katotohanang maglalaban sa liupunan. Kung alin ang higit na totoo ay hindi mahalaga; ang nararapat ay hindi magwagi ang katotohanan ng guni-guni. 7. Namatay si Abadilla noong 1969 nang di nakita kung ang kanyang hula ay nagkatotoo o hindi, tayong buhay pa ay saksi sa kamalian nito, ngunit kamaliang hindi ganap sapagkat nagtataglay ng ilang panghuhula na may bahid ng katunayan. Halimbawa, ang paglaki at paglaganap ng komunismo sa Pilipinas; ang pagsikat ng Pulang Tala ng Tsina; ang pagdating ng Kilusang Pambabae (Feminist movement) na nagbigay katuturan sa Kalayaan-Pangkasarian (sexual liberation) ng kababaihan. Kahit na ano pa ang palagay natin sa kakayahan ni Abadilla bilang isang makata at nobelista, hahangaan natin ang kawastuhan ng kanyang panghuhula tungkol sa mga bagay na nabanggit. Subalit dahil ang propeta ay banyaga sa sarili niyang bansa, walang nagbigay-halaga sa mga pangitain ni Abadilla noong kanyang kapanahunan.

MAY isang kanluraning kasabihan na “Bigyan mo ng isda ang isang tao, araw-araw syang hihingi ng isda sa iyo. Pero kung tuturuan mo syang mangisda, araw-araw syang may isdang makakain.” Pero paano kung wala nang isdang mahuli? Di wala na ring isdang makakain. Samut-saring problema ang kinakaharap ngayon ng mga tagaBarangay 10-A Aplayang Munti, Dalahican, Cavite City dahil sa wala nang isdang mahuli ang kanilang mga lambat, wala na ring kumakagat sa kanilang kawil, wala na ring mapana at masurong na iba’t ibang yamang dagat. Maliban sa marumi, kulay-putik at minsang amoy burak na tubig... nagkalat din ang basurang lumalason sa karagtan, kumakapit sa sagwan, sumisira ng lambat at pumipigtal ng tansi.

Baklad at Sapra: Panggigipit sa mga maliliit na mangingisda Isa rin sa itinuturong sanhi ng pagkamatay ng buhay-pangingisda ay ang nagkalat at walang habas na pagtatayo ng baklad at sapra. Sa pagpapaliwanag ng mga eksperto, ang mga istrukturang ito ang humaharang sa malayang pagpunta ng mga isda at iba pang semilya ng lamang dagat sa baybayin ng nasabing lugar. Kung walang itlog at semilya, katumbas nito ang hindi pamamalagi

Happy Happy Birthday to Criselda and Samantha Liwanag March 6, and March 28, 2010. Greetings coming from Mommy Ado

Pagbati kay Coach Melvin Leyva , Coach Elmer Bertos at sa mga manlalaro ng Hi-Smart Bacoor Team na nagkampeyon sa National Basketball Training Center Development League na ginanap sa General Trias Sports Center noong Enero 30, 2010

ng langkawan ng mga lamang dagat sa baybayin. Dahil walang malinaw o mahigpit na batas sa paglalagay ng mga sapra at baklad, nagsulputan ang mga ito na parang kabute. Minsan, paiiralin ng DENR sa pakikipagtulungan ng Philippine Navy ang pangil nito upang bunutin ang baklad at sapra, ngunit ilang araw lang, parang bale walang muli lang itatayo. “Trabahong tamad ang baklad. Biruin mo, kusang papasok ang mga isda, pagkaran ng ilang oras, namumulot na lang sila ng isda. Parang namumulot na rin ng pera. Di gaya naming mga karaniwang mangingisda, nagtyatyaga sa pagsasagwan, pag-aarya ng lambat at paghihintay.” wika ng isang mangingisda na ayaw magpakilala. Sa kwento pa ng mga

mangingisda, dahil sa bisa ng baklad at sapra na makapanghuli ng isda, ang dating may isang pwesto... makaraan ng maikling panahon ay nagiging dalawa, tatlo. Palawak nang palawak. Parami nang parami. Hanggang sa halos wala nang madaanan ang mga maliliit na mangingisda. Makikipot ang mga daan sa pagitan ng mga baklad. Kung minsan, kailangan pa nilang umikot ng pagkalayo-layo upang maiwasan ang mga baklad at makarating sa lugar na kanilang pangingisdaan. “Masyadong matatapang ang mga may ari ng baklad. Kanila na nga ang baklad. Kanila na nga ang huli sa loob nito. Pero bakit bawal kami mangisda sa tabi ng baklad. Hindi naman sa loob, ha? Kanila na ba ang dagat? Sila na lang ba ang may karapatang mabuhay at magnapbuhay?” ang bulalas ng sama ng loob ng isa pang mangingisda. SUNDAN SA P.12


APLAYANG MUNTI... Sang-ayon sa mga mangingisda, makailang ulit na silang lumapit sa mga lider ng bayan, ngunit puro pangako lang ang kanilang napapala. May isa pa ngang nakapagbulong sa kanila na mahirap

DOS POR DOS Mula sa p.4 Ang pari na ilang taong nag-aral sa semenaryo, totoong nagakahirap bago pinayagan ng simbahan na mangaral ng salita ng Diyos ay nakipila para makausap ang isang lay minister? Ang pagtanggap ba ng sambayanang Katoliko kay Bro. Mike ay kasing init din ng pagtanggap kay Cardinal Rosales? Ang tinatanggap bang pagpapahalaga ni Bro. Mike mula sa pamahalaan at sa politiko ay tinatanggap din ni Cardinal Rosales? Malinaw ang posisyon ng mga unang nabanggit na lider-relihiyon sa kanilang relihiyong kinabibilangan? Pero teka muna... Sino si Bro. Mike Velarde sa Katoliko?

masolusyunan ang kanilang problema sa ngayon dahil nalalapit na ang eleksyon. ANG UST sa Aplayang Munti “Mahirap na nga ang buhay naming mangingisda, lalo pang naghihirap dahil sa di makatarungang kumpetisyon sa panghuhuli sa pagitan ng malilit at may perang mangingisda. Lalong nagkakapera ang dati nang may pera. Lalong naghihirap at dati nang naghihirap. Tuloy, marami sa amin ang hindi na nangingisda. Ang iba, kapit sa patalim. Sinuong pati ang illegal na pangingisda. Anong magagawa ng mga kasamahan natin? Kesa mamatay ng dilat... pikit mata... bahala na. “ wika ni Tatay Val, pinuno ng Samahang ng mga Mangingisda ng UST sa Aplayang Munti. “Buti na lamang at nandyan ang UST, sa pamamagitan ni Ma’am Babes Gamo, kahit papaano, natulungan kami. May labintatlong bangkang lunday ang kanilang naipamahagi sa mga kasamahan. Limang makinang panahi at tatlong padyak (sidecar). Regular din ang katekismo, medi-

cal mission, seminar sa kulusugan, kabuhayan at buhay-pamilya. Ang mga estudyante ng Faculty of Arts and Letters ng UST, walang sawang nagtuturo sa aming mga anak ng bumasa at sumulat, magdasal at mag-aral ng salita ng Dyos. Tinutulungan kami ng UST na tumayo sa aming mga paa sa pamamagitan ng pagpapatag ng aming pagkakakitaan at kabuhayan.” Dagdag pa uli ni Tatay Val. May kung ilang taon na ring nagiging partner community ng Faculty of Arts and Letters, Community Development Department ng University of Santo To-

mas ang Aplayang Munti. Rumesponde Ang Responde Cavite Sa isinigawang konsultasyon ng Responde Cavite sa nasabing grupo ng mga mangingisda, napag-alaman na matagal nang suliranin ng mga mangingisda ang iba’t ibang isyung kanilang kinakaharap. Ngunit gaya ng basura sa dagat, pabalik-balik lang ang mga ito. Iba’ t ibang anyo. Iba’t ibang kulay. Ngunit basura pa rin. Problema pa rin. Laking pasalamat ng mga mangingisda na may isang pahayagan na lumapit sa kanila upang maipahayag sa mundo

Ang mga bangkang handog ng Faculty of Arts and Letters, Community Development Department ng UST sa mga mangingisda ng Aplayang Munti.

ang problema nilang maliliit tungkol sa buhay at paghahanap-buhay. “Abala ang mga magigiting na lider sa kanilang mga negosyo at pamumulitika kaya’t hindi nila alam ang suliranin naming sa mga baklad at sapra. Syempre, ang ipapasang batas ng mga mambabatas sa Lunsod ng Cavite ay may kinalaman sa proteksyon ng kanilang negosyo at interes. Wala namang lehitimong mangingisda sa konseho, eh. Bakit ganoon, sa konseho, walang kinatawan ang mga karaniwang Caviteño gaya ng mga trabahador, drayber, at vendor.” Reklamo ng isang mangingisda. Ikinatuwa din ng mga mangingisda nang kasama ng Responde Cavite ang isa mga manunulat nito na si Obet Catalan (na tumatakbo ngayong konsehal ng bayan) na kilala nila bilang organisador at lider ng mga progresibong grupo sa Cavite City sa loob ng maha-habang panahon na nandoon upang i-cover ang konsultasyon at making sa hinaing ng mga mangingisda. “Buti naman, may isang tumatakbong kinatawan mula sa hanay ng karaniwang tao, tulad ni Obet Catalan. Walang yamang poprotektahan. Wa-

lang dambuhalang negosyong pangangalagaan. Dahil alam nya ang buhay at pangarap ng mahihirap, tiyak na kanya itong ipaglalaban. Wala man syang perang ipamumudmod at ipansusuhol sa mga botante, batid ng mga kagaya naming mahihirap na malinis na pangalan at hangarin lang ang kanyang yaman.” Nakangiting pahayag ng isa sa mga residente ng nasabing barangay. Nagpasalamat si Tatay Val sampu ng kanyang mga kasamahang mangingisda na ilantad sa sambayanan ang tunay nilang kalagayan sa tulong ng Responde Cavite. Marami pa silang gustong iparating. At may ilan na ring ilang posibleng maging lider ang nakipag-dayalogo sa kanila. Umaasa sina Tatay Val at ang kanyang mga kabarangay na maging daan ang paparating na eleksyong ito upang permanente nang malunasan ang kanilang suliranin. Sa susunod na isyu, ibabahagi ng mga mangingisda sa pamamagitan ng Responde Cavite ang mas mabigat pang usapin sa baklad at sapra. Abangan.

KUWENTO NG DALAWANG KABITENYO KAPWA Kabitenyo sina Gerry Cristobal ng Imus at si Axel Alejandro Pinpin ng Indang. Isa sa mga haligi ng unyonismo sa Cavite ay si Gerry Cristobal na dating presidente ng unyon ng mga manggagawa sa EMI-Yazaki sa Imus. Si Axel Pinpin naman ay isang makata at public information officer / researcher ng KAMAGSASAKA KA (Kalipunan ng mga Magsasaka sa Kabite), isang progresibong organisasyon ng mga magsasaka sa Upland Cavite. Noong umaga ng Abril 28, taong 2006, sa Imus, Cavite ay hinarang sina Gerry Cristobal ng isang sasakyang may lulang tatlong armadong kalalakihang nakasuot ng bonete sa isang mataong kalsada sa Brgy. Anabu, Coastal Road sa Imus.. Isa sa mga salarin, na nang lumao’y nakilalang si SPO1 Romeo Lara, ang bumaba ng sasakyan at nilapitan si Cristobal (at ang kasama nito) at sinimulan siyang barilin nang malapitan. Noon pa man ay nagdadala na si Cristobal ng lisensyadong baril dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay kung kaya nakipagpalitan siya ng putok sa humarang sa kanila na nakilalang SPO1 Romeo Lara at sa kasamahan nitong si Larry Reyes na kagawad ng Civilian Security Unit. Ang Gerry Cristobal ay nasugatan sa tiyan, baywang at kamay. Natamaan naman si SPO1 Romeo Lara sa ulo at balikat. Kinasuhan ng pulisya ng Imus si Cristobal ng frustrated murder at naghain din naman si Gerry

Cristobal ng ganting kaso. Sa kasabay ring petsa, bandang ika-6:15 ng gabi nang harangin din ng mga militar ang sinasakyan nina Axel Pinpin, Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybañez at Micahel Misayes at pinagbintangang NPA. Ikinulong sila at binansagang Tagaytay 5. Habang nasa kulungan ay nagpatuloy si Axel Pinpin sa pagsulat ng mga tula. Samantala, nagkaroon ng areglo sa pagitan ni Gerry Cristobal at ng mga pulis na tumambang sa kanya. Subalit pagkalipas ng dalawang taon, Marso 10, 2008, umaga sa may Anabu, Imus, Cavite nang tambangan at napatay ng hindi nakikilalang armadong kalalakihan si Gerry Cristobal. Ang petsang iyon ay kaarawan din ng makatang si Axel Alejandro Pinpin na na noon ay nakakulong pa. Sa burol ni Gerry Cristobal ay napakiusapan ako ni Axel Pinpin na basahin ang tulang ito: KUNG BANGKAY NA NILANG ITURING ANG ATING UNYON Kung musuleyo na itong pagawaan At makina’y dugo na ang inilalangis At ang mga pabrikang naging tahanan Ng obrero’y ipinapansahod na’y tangis Aawas tayong maaga’t magpakanayunan Upang pamunuan ang kapwa Anakpawis. Kung putok ng baril ang angay ng makina At ang tangi nang puhuna’y ating lakas Na nangangapital na ang tubo’y pang-upa Sa buhong na kwartel ng berdugo at dahas Likhain natin ang pamutol tanikala

Upang sa pagkaalipin tayo’y kumalas. Kung bangkay nilang ituring ang ating unyon At akalaing ulilang lubos ang hanay Ng manggagawang wala nang luhang itaghoy Maso sa bandila’y tuloy ang pagpupugay, Sa iyo, KA GERRY, martir kang inspirasyon Mananatili kang buhay, hanggang sa tagumpay! Dalawang taon nang patay si Gerry Cristobal ngunit wala pa ring hustisya sa kanyang kamatayan. Lumaya naman sina Axel Pinpin noong Agosto 28, 2008 matapos mapatunayang walang kasalanan. Guilty ang anim na pulis sa kasong abduction, unlawful arrest, at arbitrary detention makaraang magsagawa ng kontra-ireklamo ang “Tagaytay 5” Sa ipinalabas na resolusyon ng Commission on Human Rights, inirekomenda nito sa tanggapan ng Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina Police Superintendent Rhodel Sermonia, PO1 Alvaro Amba Jr, PO1 Eugene Arellano, PO1 Marvin Mejia, PO1 Rommel Dimaala, at PO1 April Jo Ambajia. Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung naparusahan na ang mga nabanggit na pulis. At ngayong Marso 10, 2010 habang magdiriwang si Axel Pinpin ng kanyang kaarawan at habang ginugunita naman ng mga mahal sa buhay ni Gerry Cristobal ang kanyang kamatayan ay patuloy namang mailap ang hutisya. Sa buong Cavite, papainit naman ang pangangampanya ng mga kandidatong nangangako rin ng kaunlaran at hustisya para sa mga Kabitenyo.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.