responde cavite 28

Page 1


MARSO 14 - 20, 2010

2

Nene, ni-rape ng amain NOVELETA, CAVITE Isang batang babae ang pinagsamantalahan ng kanyang amain kamakailan sa bayang ito ang isinumbong ng mismong asawa ng suspek matapos na pagsamantalahan ang kanyang anak. Kinilala ni PO2 Glenda Palces Llaneta, may hawak ng kaso, ang suspek na si Samuel Lucental y Billones a.k.a. "Samuel", 41 taong gulang, isang bus driver, naninirahan sa Brgy. 8 Pulo, Dalahican, Cavite City samantala sadyang hindi naman pinangalanan ang biktima para sa kanyang seguridad. Base sa kwento ng ina ng biktima na si Rosita Donaire Obatay, na dumulog sa himpilan ng pulisya noong Marso 8, 2010 dakong alas 11:45 ng umaga matapos na matuklasan ng ina ang maselang bahagi ng kanyang anak na nagdurugo. Nangyari ang pagsasamantala ng kanyang livein partner na si Samuel sa kanyang sariling anak

noong buwan ng Pebrero ng taong ito. Mabilis na dinakip ang suspek ng mga awtoridad na sina PO1 Joseph J. Ricafrente, PO1 Ricky Citilos, at PO1 Troadio A. Bali-

taosan Jr. sa loob mismo ng kanyang pamamahay. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong RA 7610 o mas kilala sa tawag na child abuse. SHEILA SALUD

TINARAKAN SA LOOB NG BANYO

Bus driver nag-beer-house...

CAVITE CITY - Hindi na umabot sa pagamutan ang isang lalake na tinarakan ng saksak sa tiyan sa loob ng banyo ng pinag-inumang beerhouse kamakailan sa lunsod na ito. Kinilala ni PO1 Nick Y. Balberan, ang biktima na si Eleazar S. Banguis Jr, 45 taong gulang, binata, bus driver, residente ng Brgy. 10-B Ariston Sison St., Sta. Cruz. Naganap ang pananaksak sa biktima noong Marso 11, 2010 dakong alas 1:10 ng umaga sa loob ng Jenets Restobar ng Molina St., Caridad.

Habang masayang umiinom ang biktima at nakaramdam ito ng pagihi kaya't pinuntahan niya ang lugar ng banyo ng beer-house subalit lihim pa lang may sumunod sa likuran nito hanggang sa saksakin ang biktima ng hindi pa nakikilalang salarin. Nagkaroon naman ng mga palatandaan sa suspek dulot ng footprints sa dugo ng biktima. Masusi pa ring ini-imbestigahan ang kasong ito ng mga awtoridad, matapos na may lumutang na testigo sa krimen. NADIA DELA CRUZ

Announcement The Kawit Comelec Office has been transferred to the new Kawit Municipality Building located at Centennial Road, Kawit , Cavite

3 biktima ng salvage, natagpuan GEN. MARIANO ALVAREZ, CAVITE - Tatlong sibilyan na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa mga bayan ng Bacoor at General Mariano Alvarez sa Cavite kamakalawa. Naunang natagpuan ng pulisya ang dalawang 'di pa kilalang lalaki na tadtad ng bala ng baril at nakagapos ang mga kamay at nakabalot ng masking tape ang ulo saka itinapon sa kahabaan ng Congressional Ave. sa General Mariano Alvarez. Samantala, halos hindi na makilala ang isang bangkay na babae nang matagpuan ito sa loob mismo ng isang travelling bag. Basag ang mukha nito at wala ng ngipin nang matagpuan ang bangkay nito sa Brgy. Molino 4, Bacoor, Cavite. Natagpuan ang isang travelling bag sa isang madamong lugar kung saan pinagmumulan ito ng masangsang na amoy. Na nakatawag pansin sa ilang mga residente kung kaya't ipinagbigay alam nila sa awtoridad.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakita sa loob ang bangkay ng babae na nakasiksik sa loob ng isang plastic bag. Ang babaeng bangkay ay ipinapalagay na may edad na 30 hanggang 35 anyos, mahaba ang buhok, may kapayatan, nakasuot ng pantaloon, at itim na sweat shirt.

Samantala, ang bangkay ng isang babae na mahaba ang buhok na naka-t-shirt at pantalong maong ang natagpuan sa kahabaan ng Daanghari sa Barangay Molino 4, sa bayan ng Bacoor. May palatandaang pinahirapan ang biktima dahil sa basag ang bao ng ulo at nalagas ang mga ngipin saka inilagay sa travelling bag. EWEL PEĂ‘ALBA

Kal. 38 nabisto sa bisa ng search warrant CAVITE CITY - Isang search warrant ang inihatag ng kapulisan sa bahay ng suspek ang di sinasadyang matuklasan ang isang kalibre 38 sa loob mismo ng kabahayan. Sa pinagsamang pwersa ng kapulisan at barangay 24 sa lunsod na ito sa pamumuno ni P/S Insp. Angelica Starlight Lacson Rivera, PO2 Marvin Agavin, PO2 Ronald Nabos, PO1 Edgie Portacio at Brgy. Capt. Bayani Alaban ay inihain ang isang search warrant no. 01-10 na inisyu ni Hon. Judge Agapito S. Lu ng RTC Branch 88 sa lunsod na ito sa pamamahay ng isang nangangalang William Ejercito, residente ng Brgy. 24, Romualdo St., Caridad. Nakumpiska ang isang kalibre 38 na may serial number 1004167 at may lamang 3 bala noong Marso 10, 2010 dakong alas 11:45 ng umaga sa loob ng pamamahay ng suspek. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong illegal possession of firearms o RA 8294. ANDY ANDRES


MARSO 14 - 20, 2010

3

MGA PULITIKO KINONDENA ANG PEACE COVENANT NG PNP IMUS, Cavite - Nilagdaan kamakailan sa manipesto ang mga lokal na opisyal at kandidato sa Cavite bilang pagpapakita ng kanilang oposisyon sa peace covenant na ginanap noong Marso 12, sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus dahil sa patuloy na pagtanggi ng pamunuan ng pulisya na sumunod sa kautusan ng korte na pumipigil sa pagpapalit kay P/Senior Supt. Alfred Sotto Corpus bilang provincial director. Aabot sa 37 kandidato ang lumagda sa manipesto kung saan nakasaad ang kanilang paniniwala na ang pamunuan ng PNP ay walang moral at legal na kapangyarihan na magorganisa o ma-kibahagi

sa ginawang peace covenant sa alegasyong hindi sila maaaring ituring na tagapangalaga ng kapayapaan. Ayon sa manipesto, ang PNP, mula kay DILG Secretary Ronaldo Puno hanggang kay Cavite

police director P/Senior Supt. Primitivo Tabujara, ang walang-pakundangang pagsuway sa utos ng mababang korte ay katumbas na rin ng pagyurak sa ating dangal bilang mamamayan.

Fir e Pr evention Month Fire Pre CAVITE CITY - Nagkaroon ng isang provincial motorcade para sa "Fire Prevention Month" na may temang "Sustaining Fire Prevention Through Active Community Participation" noong March 1, 2010 na nilahukan ng BFP Cavite, LGU, Fire Brigade Volunteer at NGO na pinangunahan nina C/Supt. Ariel A. Barayuga, CEO VI Regional Director R4A, S/ Supt. Armando B. Custodio Cavite Provincial Di-

rector at si C/Insp. Catalino C. Ramos Jr. City Fire Marshal, Cavite City. Nagsagawa naman sila ng mga seminar at mga fire drills sa mga pribado at pampublikong mga ospital at paaralan. Nilibot din nila ang iba't ibang gusali para magsagawa ng fire safety inspection pati na ang kakulangan sa mga fire extinguisher at fire alarm system. Ayon na rin kay F02

Emmanuel C. Arcallana, BFP Fire Prevention Officer, ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng sunog ay ang mga naiwan na cellphone charger, electric fan at mga naiwang gamit na de-kuryente habang nasa outing. Ayon pa rin kay Arcal-

Ipinagwalang-bahala ng PNP ang kautusang ito at iniluklok pa rin sa puwesto si Tabujara kung saan naglabas din ng Status Quo Ante Order ang RTC Branch 90 sa ilalim ni Judge Perla Faller na naglalaman ng kaparehong kautusan. Sa paglabag na ito ng PNP, nawalan sila ng karapatang mag-utos sa mamamayan na igalang ang batas. Nakasaad pa sa manipesto na nangangamba ang taumbayan

na ang PNP ay magamit ng ilang pulitikong may pansariling interes na baguhin ang kalalabasan ng automated elections sa harap ng lantarang paglabag ng kapulisan sa batas. Noong Enero 8, naglabas ng 72-hour temporary restraining order (TRO) si Judge Norberto J. Quisumbing ng Imus Regional Trial Court Branch 21 na pumipigil sa pagpalit sa puwesto ni P/Senior Supt. Alfredo Sotto Corpus.

NI WILLY GENERAGA

la, laging panatiliing malinis at maayos ang tahanan at kapaligiran. Iwasan ang pag-iimbak ng mga likido na madaling magliyad tulad ng kerosene at gasoline. Alisin sa outlet ang anumang kagamitan na ginagamitan ng kuryente kung aalis ng bahay. Bawasan ang mga isinasaksak sa inyong mga extension cords u-

pang maiwasan ang octopus connection at over loading. Alamin kung napatay ng maayos ang gas stove bago matulog. At dapat ugaliin na pag-usapan ng pamilya ang mga tamang paghahanda sa mga sakuna gaya ng pagsasagawa ng fire evacuation drill, pagtatapos ni Arcalla. SID LUNA SAMANIEGO

ERAP SA CAVITE

Bantay Halalan 2010

Peace Covenant sa Noveleta, tagumpay NOVELETA, CAVITE – Naging matagumpay ang isinagawang peace covenant sa bayang ito ng DILG, Comelec, PNP, DepEd, at Jaycees “Asin” Noveleta noong Marso 6, 2010. Isinagawa ang nasabing programa sa rooftop ng pamilihang bayan ng Noveleta na dinaluhan ng mga tatakbong politiko sa bayang ito.

Ang pagbubukas ng programa ay pinangunahan ni JJC Pres. Andrie Baredo. Habang nagging tagapag-salita si Comelec Officer Ms. Linda Estrella, Ms. Belinda Valenzuela ng MLGOO, JCI Pres. Joan Presto, PS/Supt. Primitivo Tabujara, P/C Insp. Gil T. Torralba, Rev. Fr. Ruel P. Casañada ng Aglipay, Pastor Caesar B. Pamulaya ng Unida,

Matagumpay na isinagawa ang Peace Covenant sa Noveleta Cavite sa pangunguna ng DepEd, Comelec, PNP, DILG at JCI. Pastor Felizardo F. Camia ng UCCP, at ni Reynaldo M. Lorica ng PPCRV. Dumalo rin ang

TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501

dalawang Partido na magkatunggali sa darating na halalan sa pangunguna ni Mayor

Boy Alvarez at dating Mayora Arlene Torres. OBET CATALAN/ WILLY GENERAGA

DADALAWIN ni Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang Lalawigan ng Cavite ngayong ika-13 ng Marso 2010 upang mangampanya sa mga Caviteño. Si Estrada na Ejercito sa tunay na buhay ay Cavite ang ugat ng kanyang mga ninuno. Ika-10 n.u. magtitipon-tipon ang buong pwersa ni Estrada sa Parking Lot ng Public Market ng Carmona, Cavite. Dadaan sa Poblacion palabas ng Southwoods at may munting pagtitipon sa San Jose ng 10:45 n.u.. Manananghalian ang mga ito sa Riverview Place Clubhouse ng Bgy. Maderan. Bandang ika-2 n.h. ay may motorcade muli sa Gen. Trias at inaasahan na bandang ika4 n.h. ay sa Imus naman ang motorcade. Ang grand rally ay magaganap sa Bgy. Magdalo Covered Court ng ika-6 n.h. Inasasahang dadaluhan ito ng libu-libong Caviteño. WILLY GENERAGA


MARSO 14 - 20, 2010

4

Makakuha lang ng boto

Mga ugok na dayalog ng mga nauugok na kandidato SA panahon ng kampanyahan ay makakakita tayo ng iba’t ibang eksena na ginagawi ng mga kandidato na nagpupumilit na ipakita sa tao na sila ay kaisa o kauri ng mga ito. Mga pambobola sa mga botante na kung minsan, o mas tamang sabihin na kadalasan ay wala sa puso ang kanilang sinasabi at pambbola lang kaya nahahalata. At kung minsan ay nagdudulot pa ng kahihiyan (kung meron man). Noong nakaraang isyu ay binigyan ko kayo ng mga tip kung paano natin malalaman kung binobola lamang tayo ng mga kandidato. Mula kongkresista hanggang konsehal. Ngayon, ibabahagi ko ang ilang eksena na ating nasaksihan sa kandidatong mapag-balat-kayo! oOo Isang konsehal ang nagtalumpati sa isang programa ng Urban Poor. Ang kanyang pambungad na pananalita ay: “Ako’y natutuwa at napakarami ninyo ngayon...” Tsk...tsk...tsk! Nasaan kaya ang utak ng konsehal na ito? oOo Isang kandidato sa pagka-kongresista ang naimbitahan at dumalo sa isang babang-luksa. Dahil may sinasabi sa lipunan ang pamilya, marami ang dumalo. Baha ang pagkain at parang pista ang paligid. Nang dumating ang kandidato, sinalubong siya ng pamilya ng nagbababang-luksa. Nang nakipagkamay siya sa pamilya, hindi niya naibuka ang kanyang bibig. Hindi n’ya alam ang sasabihin. Hindi n’ya alam kung paano babatiin! Teka! Paano nga ba? SUNDAN SA P.12

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Umaaraw... Umuulan NASA tikatik ng ulan ang ikapagpuputik ng daan. —matandang kasabihan Sinong may sabing sira na ang weather pattern ng daigdig? Akalain nyo, Biyernes, Marso 12, 2010. Umaaraw... umuulan. Bahagyang nabawasan ang bitak ng lupa sa mga bukirin. Lumamig ang ulo ng iilan. Nadiligan ang karamihan. Mag-enjoy tayo sa alimuom. Lasapin ang kabag. At least kahit hangin, may laman ang ating tyan. Har-har-har! Attention Mayor Strike Revilla at P/Supt. Montilla ng Bacoor (Umula’t Umuaraw... May Saklaan) Mga Sir, pinuri namin kayo noong mga nakaraang isyu ng ating pahayagan dahil nawala ang mga pwesto pio (permanenteng pwesto ng saklaan) sa loob ng Bayan ng Bacoor. Dati, mula kanto ng Mabolo, tagos ng Banalo, Sinegwalasan, Maliksi hanggang kanto ng Talaba... mula lima hangang anim na pwesto ng saklaan ang makikita. Lalong lalo na sa kanto ng Talaba... linggo linggo may saklaan. Parang mahirap paniwalaan na linggo linggong may namamatay. Nawala ng isa o dalawang lingo. Pero nagpahinga lang pala. Baka nagipon ng mas malaking puhunan. Pantapat sa mas malaking koto. Mukhang may malaking TARUGO ang umiiral sa Bacoor. Wag naman sanang isipin na dahil nalalapit na ang eleksyon, nagiging gatasan ito ng ilang tiwaling politiko. Sang-ayon sa ating impormante,

prente o kunwa-kunwarian lang daw na may patay (naglalagay kasi ng banner ng Funeraria). Ang balita pa, malakas ang patong nito di lang sa mga bosing sa itaas kundi maging sa ilang lokal na media. Mga Sir, baka maaksyunan po ito ng inyong mga tanggapan. Naku, sana sa level pa lang natin maayos na po ito. Baka ma-national media pa kayo nyan. Eleksyon pa naman. Tsk! Tsk! Tsk! Attention Mayor Tik Aguinaldo at C/Insp. Malubay (Alimuom ng Saklaan) Mga Sir, mainintindihan po natin na kung minsan, hindi maiiwasan na magtayo ng sakla kapag may patay. Para nga naman maibsan ang gastusin ng naulilang pamilya. Sige na nga. Pero wag naman po sana na ilang metro lang ang layo sa AGUINALDOS SHRINE na simbolo ng kalayaan ng Pilipinas, bantayog ng kabayanihan at dakilang lahi ng mga Caviteño. Ang Aguinaldo Shrine po ay ang simbolo ng Cavite. Baka po isipin ng ating kabataan at mamamayan na hindi na tayo nagmamalasakit sa ating kasaysayan. Mas bayani pa po ba ang operator ng saklaang ito kesa kay Emilio Aguinaldo? Nagtatanong lang po! Imoral na Tumatakbong Konsehal sa Ikalimang Distrito Hehehe. Kupal din naman itong kandidatong ito. Tatakbong konsehal daw? Ano kayang batas ang ipapasa nito sa konseho? E, mismo kinakasama nya ngayon ay isang public school teacher na may legal ding asawa. Akala nya siguro, mas marami syang kabit at babae, mas macho sya. Humayo kayo’t magpakarami.

Wetlands – Gamit sa Kaunlaran – 3 NAGBIBIGAY ng alternatibong enerhiya ang Wetlands sa pamamagitan ng maraming paraan tulad ng ‘hydroelecticity, firewood and peat (natuyong halaman)’. Sa katunayan, ang peat (champa sa Peru) ay nanagana sa Puna Wetlands ng Andean South America at palagiang ginagamit na ‘household fuel’ sa pagluluto. Ang mga wawa o bunganga ng ilog ay malaki ang potensyal na magbigay ng ‘tidal power’. Ang mga alon an nagmumula sa karagatan at pagdating sa wawa ay nagdudulot ng puwersa an siyang nagpapatakbo sa mga motot ng elektrisidad. Matagal na itong realidad sa Hawaii. Ang peat, tulad ng carbon (coal) ay ‘non-renewable resourse’ at ang pagmimina nito para sa ‘peatfired power stations’ ay sumisira sa ‘highland peatlands’ at nagdudulot ng matinding pagbaha mula sa kaitaasan. Tulad din ng ‘dam for hydroelectric power’, may negatibong epecto ito gaya pagpigil sa paitaas an paglipat (migration) ng mga isda sa kanilang itlogan (spawning areas), pagkawala ng pana-panahong (seasonal) pagbaha sa ‘floodplains downstream’ an siya namang pumipigil ng pagdadagdag pamuli (replenishment) ng sustansya (nutrients) at latak (sediment), pagbilis ng ‘coastal erosion’ at pagbabago ng ‘salinity regime’ ng dalampasigan. Ganito ang pangyayari sa Aswan High Dam an makalipas ng tatlumpung taon na benepisyo sa ‘flood control, irrigation and hydrower’, ang pagkaubos ng ‘sediments’ sa dalampasigan ng Nile Delta sa Ehipto ay bilyon-bilyong dolar ang gastusin sa proteksyon laban sa ‘coastal erosion’. oOo Sa maraming Wetland Areas, ‘water transport’ ang pinakamahusay at maka-kalikasang paraan ng paglalayag. Sa isang banda, ang ‘water transport’ ay magaang at praktikal na paraan ng paghahatid ng pasahero at paghahakot ng mga produkto sa local na merkado at paglululan ng malalaking kargamento (bulk cargo) tungo sa malalayong lugar. Isang halimbawa na ang mga kanal sa Pacific Coast ng Nicaragua, sa loob ng tinatawag na ‘mangrove system’, ay siya lamang lagusan na nagdudugtong sa mga pamayanan, ‘ Transport is cheap and convenient’, ika ng mga beripikadong pag-uulat. Wetlands din ang itinuturing na barko ng mga semilya (gene bank) na gamit para ‘commercial exploitation’ at pagpapanatili ng ‘wildlife populations’. Ang Wetlands ay pinamumugaran ng mga ligaw at mailap

an halaman at hayop (wildlife species) an may katangitanging kontribusyon sa pag-unlad ng ‘commercial species’. Sa Nepal daw ay may tatlong uri ng ligaw na palay sa mga natitirang latian na nagpaanak at nagparami ng mga bigas an may matataas na kalidad. Marami sa Wetlands ang pinagtitipunan ng labis na dami ng uri ng isang kabubuan (whole specie). Ang mandarayuhang ibon (migratory birds) ay nakikitang patuloy na nanunuluyan sa ilang Wetlands na nasa ruta o daanan ng kanilang paglalayag. Ang dalampasigan ng Tierra del Fuego (Argentina and Chile) ay pinamumugaran ng 70% of Red Knots, 46% of White-Rumped Sandpipers and 69% of all Hudsonian Godwits’. oOo Wetlands ang pinamamahayan sa buong buhay (life cycle) ng mga importanteng halaman at hayop. Ang pagkakaroon ng ‘rare species, habitats, ecosystems, landscapes and processes’ ay lubhang pinahahalagahan ng mga tao at pamahalaan. Kung ang mga nasabing katangian ay talagang pambihira, ang tsansa na tuluyang mawala ang Wetlands ay lalong malaki. Kaya nararapat lamang na pangalagaan ang Wetlands upang patuloy na pakinabangan ang halaman at hayop na dito ay nabubuhay. oOo Mahalaga ang ginagampanan ng Wetlands sa sektor ng ‘Recreation and Tourism’. Ang sumusunod ay palatandaan na ang Wetlands ng libangan at pasyalan: - Pambihirang komunidad ng halaman at hayop, pamumuhay (ecosystems) likas na proseso at uri na tinatawag na ‘endangered’. - Iba’t-ibang pananahanan (diversity in habitats), at - Makahulugang pagbabago (altitude changes) sa lugar. Karugtong sa Turismo ang ‘Socio-cultural significance’ ng Wetlands. Maraming pamayanan ang gumagamit ng mga piling lugar ‘for religious and spiritual activities’. Ang kultura ng mga Maranao sa Lanao ay nakadikit sa Lake Lanao ang nasabing ‘involvement’ ay nagmumula sa kaibang ‘fishing methods’ hanggang sa isang paniniwala na siyang dahilan na di-pagtanggap ng mga tao sa mga ‘development plans’ para sa Lake. oOo Ang mga impormasyon tungkol sa Wetlands ay hango sa mga ulat ng protektong magkatuwang na isinagawa ng Asian Wetlands Bureau, International Waterfowl and Wetlands Research Bureau at Wetlands for the America. Ang mga karanasan ay masinop na tinipon at pinag-aralan at inilagay sa isang aklat edited by Davies and Gordon Claridge sa kapanibangan ng mga bansang may sinimulan na ang ‘Wetlands’ ay di-dapat maging ‘Wastelands’.


MARSO 14 - 20, 2010 Aplayang Munti Maliban sa usapin ng baklad at sapra, isa sa mga problema ng mga mangingisda ng Aplayang Munti ng Cavite City ay ang kawalan ng mahuling isda. Kayat ang ginagawa ng karamihan, umiikot pa sa Manila Bay para lang makarating sa likuran ng Cavite Med at doon makapangisda. Kulang ang kalahating oras para makapanagwan. Papunta pa lang. Kung magmomotor naman, halos P200 halaga ng gasolina ang magagastos. Kaya’t ang isa mga mungkahing solusyon ay butasin ang Manila-Cavite Road, gumawa ng tulay upang makadaan ang mga sasakyan at tao. Laliman ang hukay na idadaan sa ilalim ng tulay. At laparan ang mga daanang kanal mula sa likuran ng Pulo malapit sa DAS Construction Supply hanggang sa Aplayang Munti. Nang sa gayon, aagos mula sa Manila Bay at Bataan ang sariwang tubig, tangay nito ang semilya ng isda at iba pang lamang dagat. Ang mga mangingis-

da ng Aplayang Munti ay madaling makakarating sa likod ng Cavite Med at makakapangisda habang pinapayaman pa ang itlog at semilya ng mga lamang dagat sa kanilang lugar. Gayundin, kapag nagsimula nang kumapal ang mga isda sa baybayin ng nasabing lugar, ang mga mangingisda ng Pulo at iba pang lugar sa Cavite City ay madali na ring makakarating sa Aplayang Munti. Sa ganitong paraan, iikot at magsesirkulo nang malaya ang tubig, pati na rin ang yamang dagat. Yun nga lang, malaking gastos ito. Milyungmilyong piso ang aabutin. Bukod pa sa ilang pribadong lupang tatamaan ng nasabing pagtatangkang pagpapaikot ng tubig-dagat. National Road ang tatamaan. Malamang hindi lang lokal na pamahalaan ng Cavite City ang kinakailangang tumugon. Nagparaya si Chua Isa sa mga lupang posibleng matamaan ay ang pag-aari ng Pamilya Chua. Dahil dito, naglakas-loob ang mga tagaAplayang Munti na maki-

pagdayalogo sa nasabing Pamilya. Kinatawan ng pamilya si Dino Chua. Na nagkataong tumatakbong Board Member sa Unang Distrito. “Kung lupa namin ‘yan, wala tayong dapat pag-usapan. Kung sa ikabubuti ng mas nakararaming mangingisdang Caviteño, ako mismo ang mangunguna na

magamit ito. Kaya lang, hindi lang lupa namin at ng iba pang pribadong lupa ang sangkot dito. Kasama rin ang National Road. Kaya’t gawain ito ng mga tao sa kapitolyo. Kung papalarin tayo, isa ito sa mga uunahin nating proyekto.” Ani ni Dino Chua na kasamang bumisita sa Aplayang Munti ang kapatid nitong si

Denver Chua na tumatakbong konsehal ng lungsod. Agarang Lunas Ilan sa mga masasaklap na karanasan ng mga taga-Aplayang Munti ay ang pagkakahulog ng mga bata sa dagat. Ilan na ang nagbuwis ng buhay. Tinugunan agad naman ito ng lokal na pamahalaan. Isa sa mga nag-

Baste sa Cavite: Bukal ng mga Caviteñong may dunong at puso LAGI na lang kadikit ng kalidad na serbisyo ang mahal na presyo. Ito ang binaling paniniwala ng pamunuan ni Rev. Fr. Emilio P. Jaruda Jr. President ng San Sebastian College-Recoletos ng Cavite City. Bilang isa sa nangungunang insti-

tusyon ng edukasyon sa Lalawigan ng Cavite, kinaharap ni Fr. Jaruda Jr. Ang napakalaking hamon na magbigay-serbisyo sa mga Caviteño ng di matatawarang dekalidad na edukasyon sa kabila ng banta ng pagtatas ng bilihin, serbisyo at banta

ng resesyon ay sama-samang nilalampasan ng nasabing kolehiyo. Dekalidad na edukasyon sa abot kaya na halaga ang kanilang panata. Makikita ito sa kabikabilang pagpapatayo ng mga gusali at laboratoryo, pagpapabuti ng mga pa-

silidad. At higit sa lahat, sa pagpapahusay ng pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pagsasanay ng mga ito. Lagi at laging dumadalo ang mga guro sa seminar at workshop sa sa antas lokal, rehiyonal at nasyonal. Pinagbu-

Ni Sid Luna Samaniego ti rin ng pamunuan ng Pangulo ng San Sebastian ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon, industriya at ahensya nang sa gayon, malayang nakikipagpalitan ng kaalaman at teknolohiya ang nasabing kolehiyo sa iba pang iginagalang na sector ng lipunan. Kitang kita ito sa tinataglay na kahusayan ng mga mag-aaral sa sandaling makapagtapos na ang mga ito San Sebastian College-Recoletos. May taglay na talino at bukas na puso. Hindi na rin mabilang ang napagtapos ng Baste bilang mga iskolar. Nirespeto ang mga taga-Baste Cavite hindi lang sa larangan ng akademya, sining at syensya ngunit maging sa palakasan. Sa ngayon, patuloy na nagpupunyagi ang san Sebastian Collge Recoletos-Cavite City na maging pangunahing institusyon sa larangan ng edukasyon nang sa gayon ang mga Caviteño ay titingalain, rerespetuhin at tutularan. Maging matatalino at may pusong Caviteño, Pilipino at mamamayan ng mundo.

5

ing proyekto ni Mayor Totie Paredes ay ang pagpapagawa ng footbridge o sementadong tulay sa nasabing lugar. Sakit, Pasakit at Agapay Dahil sa ilalim ng kanilang mga tahanan ay basura, tabi-tabing mga bahay, dumi ng taong nalalanghap... sari-saring sakit ang kumakapit hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa matatanda. Dahil sa kawalan ang pagkakakitaan, remeremedyo lang ang nagagawa ng karamihan. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay kaagapay ng nasabing pamayanan ang Community Development Department ng Faculty of Arts and Letters University of Santo Tomas. Sa pangunguna ni Prop. Marina Gamo, Ph.D., coordinator ng community development ng nasabing Unibersidad, nagbibigay ng seminar at workshop sa malnutrisyon, kalusugan at wastong pagpaplano ng pamilya. Bangka, makinang panahi at padyak ang handog ng mga Tomasino upang maipagpatuloy ng mga taga-Aplayang Munti ang buhay. “Malaki ang nagawa ng UST sa aming lugar. Tinuturuan nilang bumasa’t sumulat ang mga bata, ng pagdarasal, ng tamang pag-aaral upang lumaking responsableng mag-aaral at mamamayan. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay regular na nabibigyan ng training sa iba’t ibang mapagkikitaan. Sa susunod at huling isyu, ibabahagi ng mga taga-Aplayang Munti ang mas malalim na usapin. Ang katiyakan sa bahay at pamumuhay.


6

MARSO 14 - 20, 2010

Pagbabantay dagat pinaigting (Simbahan, PNP at Mangingisda nagkaisa)

Illegal fishing, nasakote ng awtoridad

CAVITE CITY - Umabot sa 26 na katao ang nasakote ng awtoridad sa lunsod na ito dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing gamit ang pinong lambat na sumisira sa coral reef. Isang operation ang isinagawa kamakailan sa pamumuno ni P/S Insp. Jigger Noceda sa karagatang sakop ng lunsod na ito, bunsod na rin ng mga reklamong natatanggap galing sa maliliit na mangingisda. Kinilala ni Col. Simnar Gran, hepe ng kapulisan, ang suspek na lulan ng bangkang F/B Starion B na sina Armando G. Bernabe 37; Ronaldo D. Minao 33; Jay S. Sioson 26; Darius P. Mangali 34; Ernesto E. Bautista 47; Vicente N. Duran; Jojo L. Alejandro 47; at Rigor M. Perez, pawang mga residente ng Masipag St., Tanza, Navotas City. Habang kinilala ni PS/Insp. Angelica Starlight Lacson Rivera, ang isa pang bangkang F/B Marcos-08 na lulan naman ng 18 katao na lumabag din sa Municipal Ordinance No. 06-3149 (Illegal fishing activities with the use of trawl) na sina Jurison A. Vargas 28;

Angelito H. Gumayan 26; Armando E. Grape 26; Marlon G. Ehem 21; Jake V. Adorza 26; Jimmy V. Bacomo 33; Jemrod V. Borcelas 18; Jason D. Edaño 18; Erick A. Geguillera 26; Jerome G. Masi-

bag 20; Jeffrey B. Dela Cruz 31; Carlito A. Bacnanao 33; Joemar O. Tubilla 22; Roger E. Umpad 35; Julius O. Pnes 28; Bebot A. Amantillo 43; Toto A. Arbain 21; at Renato D. Nellas 36, pawing mga residente ng Pascual St., Navotas City. Ang mga tripulante ay nahaharap ngayon sa kasong RA 8550 committed on or about vicinity of this city docketed under criminal case no. 0035-10. Kaugnay nito, sa pangunguna ng pa-

rokya ng San Roque sa pamamagitan ni Rev. Fr. Cesar Reyes Jr., nagtipuntipon ang mga lidermangingisda na kumakatawan sa mga samahan ng mga mandaragat sa iba’t ibang lugar sa Cavite City noong ika-11 ng Marso, 2010, bandang alas 3 n.h sa simbahan ng San Roque sa nasabing lunsod. Layunin ng pagtitipon ay mabatid kung paano ba mababantayan ang babayin ng Cavite City laban sa mga illegal na mangingisda na hindi lang kaagaw ng mga Caviteñong mandaragat sa biyaya ng dagat kundi sa pagsira ng mga ito sa kalikasan dahil sa paggamit ng mga ito ng sobra sa laki na may maliliit na butas (mata) na lam-

Fiscal Britanico

Fr. Cesar Reyes kura-paroko ng San Roque, Cavite City. bat na mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Isa sa pangunahing tagapagsalita ng hapong iyon ay si First Assistant City Prosecutor Fiorel Britanico upang ipaliwanag sa mga mga mangingisda kung ano ang sinasabi ng batas hinggil sa pangingisda. Sang-ayon pa sa Piskal, sapat ang pangil at bisa ng batas, ang implementasyon lamang medyo kinukulang. Isa sa itinuturong dahilan ay ang suliranin sa logistics at kagamitan. Ito rin ang paliwanag ni P/Supt. Simnar Gran, Chief of Police ng Cavite City. “Handa ang ating kapulisan na bantayan ang ating karagatan. Sa pakikipagtulungan ng mga bantay-dagat, maipagtatanggol natin ang ating bay-

bayin. Mabuting balita na sa tulong ng lokal na pamahalaan, makakakuha na tayo ng mga bagong kagamitan na gagamitin sa panghu-

huli sa mga illegal fishing.” Wika ni Gran. Kaya naman, ang mga penalty at multang makukuha ng Lungsod mula sa mga nasakoteng illegal fishers ay gagamitin ang kalahati nito sa pagbili ng mga kagamitang makakatulong sa

kapulisan at mga bantay-dagat upang makapag-patrol sa baybayin ng Cavite City. Sang-ayon sa mga lider-mangingisda na si Eddie Carangalan, pangulo ng Bangka Cavite, pangkalahatang organisasyon ng mga mangingisda sa Cavite City, hinihiling ng kanyang hanay na maging tuluytuloy ang suporta ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa kanilang mga maliliit na mangingisda na patas at parehas na naghahanapbuhay. Boluntaryong nagpa-patrol ang mga mangingisda at ilang kasapi ng kapulisan upang mahuli ang mga lumalabag sa bataspangingisda. OBET CATALAN/ DYARYO PATROL


MARSO 14 - 20, 2010 Kontrabida ng mga Kontrabida Kamumuhian, isusumpa, hindi susuportahan si de Sagun ng ilang pasaway na namumuhay sa illegal na pamamaraan partikular sa sugal at droga. Si Melencio de Sagun Jr., na mas kilala sa tawag na Jun de Sagun na halos nasa ikasyam na taon na nitong panunungkulan bilang Mayor ng Trece Martirez City ay tinatakan na bilang kaaway ng mga drug lord at gambling lord sa kanyang mahigpit at matatag na pagtutol sa sugal at droga. “Sa una, akala ng mga taga-Trece, nagbibiro lang ako. Nagpapapogi at namumulitika. Pero nang isa-isa ko nang nilalansag ang mga sugalan at pwesto ng ratratan, aba, nanginig ang mga tuhod at baba nila. Buong pinagmamalaki kong ibabandila, sa Trece, ang mga drug lord at gambling lord... tatlo lang ang pwedeng hantungan: kulungan, ospital o kaya sementeryo.” Ang matatag na pahayag ni de Sagun na ngayon ay tumatakbong Gobernador ng Lalawigan ng Cavite. Hindi akalain ng mga kababata ni de Sagun mula sa pagiging working student at magbubukid, magiging Board Member (Bokal) sya ng Cavite. Pinatunayan nya ang kanyang kasipagan at kahusayan sa sinumpaang tungkulin nang maghain at naisabatas nya ang napakaraming resolusyon hinggil sa pagpapabuti ng buhay ng mga Caviteño lalo na sa bahagi ng pagsasaka, agrikultura, edukasyon, kalusugan at seguridad. Sa pagpasok ng dekada 90, pumutok ang digmaan sa Gitnang Silangan. Napag-isip-isip ni de Sagun na dapat may magtatanggol sa Pilipinas sakaling madamay ito sa digmaan. Kayat naging enlisted officer sya ng Philippine Army. Sa dami ng mga lumalapit kay de Sagun, kung saang-saang parte ng Cavite, sari-sari ang problemang naririnig nya. Wala syang tintangghihan. Walang tinataboy. “Dyan ako bilib kay de Sagun, pag lumapit ka sa kanya, hindi nya tinatanong kung kakampi ka ba nya o kaaway. Kung kaalyado o kalaban, bumoto ka ba sa kanya o hindi, sakop pa ba nya o taga ibang lugar... basta kaya nya at nasa legal... hindi sya tumatanggi sa tao.” ika ng isa sa mga natulungan ni de Sagun. Isa sa naobserbahan ni de Sagun sa mga inilalapit na problema, halos magkakatulad ang ugat ng mga ito. Walang maipambiling gamot kasi, naloko sa sugal. Nagnakaw dahil sa droga. Walang maipambaon dahil ang tatay nakulong dahil sa droga. Nagkakawatak-watak ang pamilya at pagkakaibigan dahil sa droga at sugal. Kaya naman, nang maging Mayor sya ng Trece, isinumpa nya, linisin ang Lungsod. Sa paniniwala nya, mas madaling paunlarin ang Lungsod na walang

SI Mayor De Sagun habang itinuro ang kanyang proyekto na riverside deck view sa Trece Martirez City.

7

sugal at droga. May ilang sumubok sa pangako ni de Sagun. Lahat sila nabigo. “Maraming adik, pusher at sugarol na nagalit kay de Sagun. Pati na yung mga pulis, politiko at maimpluwensyang taong nakikinabang dito. Pero mas ginusto nyang magalit sa kanya ang iilang tao kesa masira ang buhay ng napakaraming Treceño. Ako, kung hindi ako nasawata ni de Sagun, malamang tuluyan na akong iniwan ng pamilya ko. Lulong na ako sa sugal. Kaunting perang kinikita, napupunta pa sa kung saan. Doon ko lang nalaman, lagi kang talo sa sugal. Ang tanging nanalo dito, yung operator at ilang nakikinabang.” Ang banggit ng isang taga-Barangay Inocencio. “Ngayon ko lang napahalagahan ang kanyang ginawa. Ngayon ko lang pinasasalamatan.” Dagdag pa nito. Maraming mayayamang tao’t makapangyarihang nagtangkang suhulan si Sagun. Unang-una na rito ang kalahating milyong piso buwan-buwan basta’t payagan lang ang mga saklaan at peryahang may kulay-kulay. Nangatwiran pa ang ilan na: “Sa laki ng matatanggap mong pera, marami kang matutulungang mamamayan mo. Kada hingi nila sa iyo, may ibibigay ka. Laging mabango ang pangalan mo sa mga taga-Treceño. Saka kailangan mo ‘yan ngayong tatakbo kang gobernador.” Wika ng isang sugo ng gambling lord. “Katarantaduhan na katwiran ‘yan...” matigas na sagot ni Sagun. “Tapos nyong kuhanin ang pera ng tao dahil sa sugal, ako pa ang gagawin nyong instrument para ibalik ang barya-baryang balato. Ang perang galing sa masama, walang kabutihang magagawa.” Kontrabida sa mga Maimpluwensya at Mapera Isa di umano sa mga palatandaan ng pag-unlad ng isang lunsod o bayan ay ang pagkakaroon ng shopping mall. Sa laki ng buwis na maibabayad ng higanteng pamilihang ito, malaki ang magiging kita ng Lunsod. Ikinunsulta ito ni Sagun sa kanyang mga mamamayan. At batay sa mga saloobin ng mga mamamayan, ang pagkakaroon ng higanteng shopping mall ay simula ng pagsasara ng mga maliiit na tindahan, kainan, pwesto, maliiit na kabuhayan at iba pa. Maraming mamamayan ang maapektuhan. Lehitimo’t taal na mga Treceño ang masasagasaan. Ang bawat isang maliit na negosyante, tatlo hanggang limang pamilya ang apektado. Nanindigan si de Sagun dahil mamamayan mismo ang kanyang naging kakampi. “Kung sa iba ‘yan, masisilaw na sa pera. Pero paano ka nga naman makakatulog nyan, may malaki kang mall sa iyong syudad, pero ang mga mamamayan mo, namamatay nang dilat.” Pahayag ng batikan at premyadong aktor na si John Regala. “Sa dami ng munisipyong napuntahan ko, sa munisipyo lang yata ng Trece ako nakakita na kahit gaanong kahaba ng pila ng taong humihingi ng tulong, walang nakabuntot na padrino. Pumila at maghintay ka. Pantay-pantay. Hindi dahil si ganito ka at si ganyan, mauuna ka na. SUNDAN SA PAHINA 11

Si John Regala, isa sa masugid na tagasuporta ni Mayor De Sagun.

Personal na ininspeksyon ni De Sagun ang proyektong kanyang ginawa na tulay pababa sa ilog ng Trece Martirez City upang libreng makapaligo ang kanyang mamamayan.


8

MARSO 14 - 20, 2010

Pagbabago…noon, ngayon at bukas! (2)

HINDI sapat na batayan lamang ang dami ng salapi at lawak ng ari-arian, hindi rin sapat na batayan lamang na nagmula sa angkan ng mga sikat at naging lider na ng bansa ang pamilyang pinagmulan, hindi rin sapat na nagkaroon na ng karanasan sa pamumuno at muling magbabalik para magpatuloy (lalo pa kung hinusgahan at tinapos na ng sambayanan o ng kasaysayan ang pamumuno noon). Para sa akin ay ang magsusulong ng bandila ng pagbabago sa bansa ay ang kandidatong hindi pa traditional politician o hindi pa pulitiko datapwat napakalaki ng totoong pangarap na pagbabago sa ating bansa. Isang kandidatong tunay na may banal na pagkatakot sa Diyos at tunay na malalim na pagmamahal sa bayan. Sapagkat ang isang tao, kandidato o pulitiko na may tunay na banal na pagkatakot sa Diyos at tunay na may malalim na pagmamahal sa bayan ay tiyak na mayroong konsensiya sapagkat ang kanyang prinsipyo ay nakatali sa Diyos at sa Bayan. Takot kang magnakaw at mandaya sapagkat batid mong may Diyos na nakamasid sa iyo at may sambayanang nakakakita sa iyo na umaBelated Happy 55th Birthday to Tatay Nestor Briones March 5, 2010 Greetings coming from: Your loving family, Topher, Lenlen, Voltes V, Joel, Doodle, Peping, Chief Austria, Ate Paz, Ate Ellen, at Tropang Molina Toda * ** Belated Happy 60th Birthday to Ben “CAT” Dinglasan on March 09, 2010. Greetings coming from: Boss Joey Ross Cuevas and friends of Molina Toda *** Belated Happy Birthday to Chief Benjo “Kupal” Alvarez on March 11, 2010. Greetings coming from: Ding Solomon – Molina Toda President

asang sila ay mapaglingkuran ng malinis, tapat at totoong serbisyo para sa kaunlaran kaayusan at kapayapaan ng bansa. Simula pa noong kauna-unahang panahon hanggang sa kasalukuyan ay sari-saring tao at may iba’t-ibang propesyon sa buhay ang ating naitalaga at naihalal sa pagka-Pangulo ng bansa. Nagka-Presidente na tayo mula sa sektor ng militar (Emilio Famy-Aguinaldo at Fidel Valdez-Ramos), mula sa sektor ng hustisya at abogasya (Manuel Luis-Quezon, Jose Paciano-Laurel, Sergio Suico-Osmeña, Manuel Acuña-Roxas, Carlos Polistico-Garcia at Ferdinand Edralin-Marcos), mula sa sektor ng pagtuturo o guro (Gloria Macapagal-Arroyo), mula sa sektor ng sining at artista (Joseph EjercitoEstrada), mula sa sektor ng ekonomista (Elpidio Rivera-Quirino at Gloria Arroyo), mga sinasabing galing sa hirap at kampeon ng masa (Ramon del Fierro-Magsaysay, Diosdado Pangan-Macapa-

gal at Joseph Estrada) at maging isang simpleng may bahay (Corazon Cojuangco-Aquino). Datapwat na saan na nga ba ngayon ang ating bansa, bakit patuloy tayong naghahanap ng pagbabago? Hindi pa ba tayo kuntento sa kani-kanilang pagkatao, personalidad, propesyon, husay, galing, talino, sipag, tiyaga, abilidad, serbisyo at kung ano-ano pa? O sadya nga lamang na wala ba tayong kakuntentuhan na kapag hindi

natin nagustuhan ang pamamalakad o hindi tayo napaboran ay mago-oposisyon na tayo. Halos lahat na yata ng sektor o propesyon sa buhay ng isang tao ay naihalal o naitalaga na natin bilang ating mga Pangulo. Alin pa nga ba ang hindi naiuupo o naipupuwesto...ah meron pa…mula sa sektor ng magsasaka, mula sa sektor ng manggagawa at mula sa sektor ng taong-simbahan. ITUTULOY

Lamayang Pinoy

ISA sa pinakamasarap tambayan kapag walang mapuntahan o magawa ay ang lamayan. Pambihira kasi ang tanawin sa

Happy Birthday to Kuya John Valenzuela on March 17, 2010 “keep on serving the Lord! God Bless” Greetings from Church of Jesus Christ Youth Ministry

loob at labas nito. Isa kasing maliit na pamayanan ang lamayan. Halos lahat ng institusyon ay may kinatawan. 1.Nandito ang isa sa pinakamalaking sector ng bansa… ang mga PT (professional tambay). Tahimik kung gumawa ng ingay ang mga naglalamay. Pwedeng ngumiti at tumawa huwag lang hahalaklak. Nakakahiya kasi sa namatayan (baka isiping ipinagdiriwang ang kamatayan ng kanilang kamag-anak). Maasahan ang pagbabad magdamagan ng mga ito. 2. Nandito rin ang mga gambling magnate dahil may instant casino. May tong its, madyong at sakla. Kapag medyo malawak ang bakuran ng lamayan, may pa-binggo rin. Pwedeng magsugal (walang huli, basta’t may kaunting pangkape sa pulis na oorbit) at ang tong ay mapupunta sa namatayan (pantulong sa laki ng gastos sa pagpapalibing). 3. May caterer. Wantusawa sa inumin at tinapay. Halos kada isang oras ay may naglalabas ng pangmiryenda. Isa ito sa panghatak ng tao para di mawalan ng nagla-

lamay. Kung medyo bigtime ang lamayan, minsan ay may pansit o sopas (pero kadalasan, sa last night ang special na pakain). 4. May mga artist.May libre ring konsyerto ng mga gitarista na biglang naging instant folksinger. May ilang lamayan na may videoke. Limang piso kada kanta. Hati sa kita ang may ari ng videoke at ang may patay. 5. May mga social thinker. Alam ng mga ito ang sanhi at solusyon ng problema ng bansa. Kadalasang nagtitipon-tipon dito ang mga senior citizen at bahagyang nakapag-aral o feeling naging gifted child. 6. May mga religious people din.Sila ang bahala sa kaluluwa ng namatay. Sila ang tagalakad at tagabuild up sa namatay para naman mapunta ang kaluluwa nito sa langit. Tunay na maasahan ang mga taong ito. Sige-sige at maya’t may ang pagdarasal. 7. Mawawala ba naman ang mga politiko? Syempre hindi. Present sila sa anumang lamayan. Hindi totoong boto ang habol ng mga ito. Bukal sa puso ang paki-

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Gawing maayos ang pakikitungo sa mga kaibigan lalo na sa katrabaho. Maging masigasig sa buhay. Huwag matakot na mabigo, ito ang magiging daan para ikaw ay lalong umunlad. ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Huwag sumama sa masamang barkada dahil wala itong maidudulot na mabuti sa iyo. May bagong kaibigan na makikilala na makakatulong sa iyong problema. TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Huwag panatilihin ang pagiging mainitin ang ulo para makaiwas sa disgrasya. Laging isaalang-alang ang nararamdaman ng iba. Suwerte ang araw na ito para sa pagibig. GEMINI ( Mayo 21 – Hunyo 21) – Huwag magpatumpik-tumpik sa mga nais gawin sa buhay. Ikaw ang gagawa ng iyong mga pangarap. Mapapansin ng boss ang iyong pagpapagal sa trabaho. CANCER ( Hunyo 22 – Hulyo 22) – Baguhin ang pagiging happy-go-lucky dahil natataan sa matinding gastusin. Ibigay ang lahat ng makakaya sa lahat ng ginagawa. Pag-ukulan ito ng sapat na panahon. LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Maging pihikan sa mga bagay na dumadating. Piliin mabuti ang mga bagay na dapat unahin. Maging kuntento sa kung anong mayroon ka. Maging payak at simple ang pamumuhay. VIRGO ( Agosto 23 – Setyembre 23) – May malaking pagsubok ang dadating. Kakailanganin ang matinding pagtitiwala sa Panginoon at sa tulong ng iyong mga kaibigan. May malapit na tao na tutulong sa iyo. LIBRA ( Setyembre 24 – Oktubre 23) – May malapit na tao ang dadalaw sa iyo. May dala siyang problema na maaaring ihingi ng tulong pinansiyal o nangangailangan ng pagpapayo. SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – Itigil na ang mga bisyo, hindi na ito makabubuti sa iyong katawan. Unti-unti na ring lumalayo ang loob ng iyong mga kasambahay. Isabuhay ang payo ng mga mahal sa buhay. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – Kung nagtatampo sa minamahal huwag hayaan itong lumala. Sabihin mo ito ng maayos para inyong mapag-usapan. Tandaan na hindi manghuhula ang kapareha para malaman niya ang iyong mga saloobin. CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Huwag lokohin ang sarili. Minsan kailangan mong masaktan para matutunan ang maraming bagay. Ibalik ang tiwala sa sarili. AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Hindi kailangan makipagkumpetensiya sa kahit na anong larangan dahil makikilala ka sa iyong dedikasyon sa mga gawain. Huwag magpadala sa mga nararamdaman. kiramay, pagpapadala ng bulaklak, pagbigay ng abuloy at pamumudmod ng pocket calendar na nakabandera ang kanilang mga pagmumukha. 8. Nandito rin ang mga That’s Entertainment Saturday Edition. Mga kabataang ginagawang Luneta ang lamayan. Sya nga naman. Magandang palusot sa mga magulang na kaya ginabi ay nakipaglamay. May mga magulang ba naman na hindi tuturuan ang mga anak na makipagkapwa sa pamamagitan ng pakikipaglamay. 9. At higit sa lahat... ang pinakaimportante sa lamayan… ang mass me-

dia. Sila ang nakakaalam ng buhay ng buhay. Lahat ng latest na balita’t tsismis ay alam. Pati na ang buhay ng namatay at ang mga kamag-anak nito. Sila rin ang in-charge sa pagpapaliwanag sa mga bagong dating kung ano ang ikinamatay, paano namatay, kelan namatay at kelan ang libing. Pati ang handa sa lamayan at kung sino-sinong personalidad ang present sa lamayan. Hindi ba’t iba talaga ang Lamayang Pinoy? Sori at dapat ko nang tapusin ‘to. Aalis pa po ako. Makikipaglamay lang muna po ako.


MARSO 14 - 20, 2010

Pag-iingat sa Sunog Lahat tayo ay umiiwas na magkasunog. Ngunit ang hindi pag-iingat o nagiging pabaya ay siyang malimit maging dahilan ng sunog. Karaniwang nagmumula ang sunog sa tahanan dahil sa kapabayan o kulang sa kaalaman.Libu libo ang nawawalan ng tahanan at mahalagang kagamitan, samantala daandaan naman ang nagkakaroon ng kapansanan dahil sa sunog at mahigit sa 100 pilipino ang namamatay. Ang kaligtasan ay nakasalalay kung gaano kabilis at kaingat na makakalabas sa lugar na pinagmulan ng sunog. Sa loob lamang ng ilang minuto ay maaaring mapuno ng usok ang buong tahanan na maaaring makamatay, lalo na ang usok na nagmula sa pintura. Maikli lamang ang panahon upang makalabas sa nasusunog na tahanan. Maging alisto at mahinahon. Humanap ng daan na maaring makalabas ng agaran. Isara ang pinto kung sakaling nakalabas na. Ito ay makakatulong upang mapabagal ang pagkalat ng apoy. Agad na bilangin o hanapin ang mga kasama sa bahay. Kung naapula na ng

GET WELL SOON FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY

mga bumbero ang sunog. Huwag munang bumalik o pumasok sa loob ng tahanan hanggat hindi sinasabi ng opisyal ng bumbero na ito ay ligtas na. Para sa karagdagang pag-iingat at paghahanda ipaskil malapit sa telepono ang numero ng pinakamalapit na estasyon ng bumbero. Itago ang mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.Ugaliing tignan ang mga instalasyon ng kuryente, kung may nakitang maaaring pagmulan ng sunog ipagawa sa lisensyadong elektrisyan.

SINASABI NILA TUNGKOL KAY ALEJANDRO G. ABADILLA (3) ISANG SUL YAP… SULY Ni Efren R. Abueg (mula sa Pagkamulat ni Magdalena) MAHIRAP tumabi kay Alejandro G. Abadilla (AGA) kubg ikaw ay baguhang manunulat. Mabigat ang kanyang kredensyal. Nagtrabaho sa Seattle, Washington si AGA noong 1930 upabg makapagaral. Pag-uwi sa Pilipinas, nakilala agad siya sa mga pahina ng The Varsitarian ng Unibersidad ng Santo

Tomas bilang modernista. Nang mapabilan siya sa honor roll nang bantog na pitak sa pamumuna ni Clodualdo del Mundo, ang Parolang Ginto, nagging magkaibigan ang kritiko at manunulat. Hindi nagtagal, pinagtuwangan nilang pamatnugutan ang Mga Kwentong Ginto (1936) at bago pumutok ang ikala-

wang digmaang pandaigdig, sa pamumuno ni AGA ay sinunog ng mga kabataan “ang mga akda na hindi dapat ipamana sa mga lahing iluluwal.” Hindi lamang nagbukas si AGA ng sariling pitak ng pamumuna, bunga ng kawalang-kasiyahan sa pamimili ng mga akda ni del Mundo. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga asteriko sa mga napiling tula, nagkaroon ng inspirasyon ang mga kabataan. Pagdating ng kapayapaan, nagkasunud-sunod ang antolohiya niya sa maikling katha— Ang Maiking Kathang Tagalog (1954), kasama sina Federico Sebastian at D.G. Mariano; Maiklng Katha (1960), kasama si P.B. Peralta-Pineda na pinutungan sa sariling antolohiya ng kanyang mga tula, Ako ang Daigdig (1940). Ngunit limang kabaaang manunulat ang hindi nangiming tumabi

Nagkatampuhan ang magkaibigan pakikisama sa isa’t isa. Ver ng Progressive 9 Subdivision, Molino 3, Bacoor, Cavite

Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@ gmail.com. Dear Ate Bebang, Nagkatampuhan kami ng aking kaibigan dahil sa trabaho (magka-opisina po kami). Sa tingin ko ay siya naman ang may kasalanan. Pero wala siyang ginagawa para magkabati uli kami. Ayoko namang ako ang unang lalapit. Minsan, nagkakasabay kaming magtanghalian kasama ang iba pa naming kaibigan. Para di mahalata ng iba, hindi na lang kami nagpapansinan. Ayoko naman ng ganito. Gusto kong bumalik na ang dati naming

9

Mahal kong Ver, Dahil mukhang hindi ka mapapanatag sa paraan ng pakikitungo ninyo sa isa’t isa, ikaw na ang unang lumapit. Baka kapag hinintay mo siyang lumapit at gumawa ng paraan na magkaayos, ma-disappoint ka lang at lalo lang lumayo ang loob ninyo bilang magkaibigan. Isang araw, bago mag-afternoon break, itext mo siya: Pwde b tyong mgsnax mmya? Lbre kta ng 2ron. Kapag pumayag siya, siguruhin mong kayong dalawa lang ang lalabas. Gamitin mo ang chance na ito para makapagusap kayo nang masinsinan. Puwede mo nang gawin ang sumusunod: 1. Kamustahin siya. 2. Magtanong nang magtanong tungkol sa kanya. “Ano na ang ginagawa mo ngayon? Ka-

musta ang report na ginagawa mo? Nakakapagpahinga ka pa ba sa lagay na iyan? 3. Tanungin kung nagtatampo pa siya sa iyo. 4. Aminin na nagtatampo ka rin. 5. Balewalain na ang tampo at humingi ng sorry kahit hindi ikaw ang may sala. 6. Bumalik na sa trabaho at habang naglalakad, kompirmahin, “okey na tayo, ha? Mahalaga sa aking nagkakausap tayo uli.” 7. Sabihan siya ng, “miss na kita, friend,” sabay kurot sa magkabilang pisngi. Kapag hindi siya pumayag, hayaan mo na lang. Baka wala siya sa mood. O baka busy siya. O baka ayaw na niyang makipag-usap sa iyo o baka ayaw na niyang makipagkaibigan sa iyo kahit kailan. Anuman ang dahilan, at least, nagawa mo nang lumapit sa kanya at maipaabot na gusto mo pa rin siyang maging

kaibigan. Kung hindi na siya gagawa ng hakbang na magkausap o magkalapit kayong muli, maaaring hanggang dito lang talaga ang inyong friendship. Okey lang iyan. Huwag malungkot. Hindi naman natin kailangan ng sangkatutak na friends, e. May iba nga riyan, isa lang ang kaibigan, sapat na iyon para sa kanila. Ang pinakaimportante kasi ay ang mismong kalidad ng friendship. Hindi ang dami ng kaibigan. At tiyak ako, makakatulog ka na nang mas mahimbing. Kasi you have already done your part. Nasa kanya na ngayon ang bola. Kaibigang tunay, Ate Bebang P.S. Binabati ko ng maligayang kaarawan ang aking matalik na kaibigan na si Russell Mendoza. Maraming challenges ang kaakibat ng isang long distance relationship. Huwag na huwag kayong susuko ni Janice.

kay AGA at nag-isip na sila ay lalagumin ng higanteng anino nito. Hindi rin nila inisip na manghiram ng liwanag sa akda ni AGA, ang kinikilala noong ama ng madernistang panulaang Tagalog. Silang lima—Pablo N. Bautista (1930-1957), Hilario Coronel (1929-1963), Manuel J. Ocampo (1929-?), P.B. Peralta-Pineda (1927-?), at Elpidio P.Kapulong (1928-1957) ay nagkasya na lamang sa pakikinig ng mga siste tungkol sa mga buhay at sa nga kapwa manunulat upang pagkataang lisanin ang “ikutan” nilang bahay ni Mang Andoy sa Tambunting, Gagalangin ay humarap sa/at pasukin ang kanilang mga makinilya sa pagsulat. Sa kanilang pagbabalik, ang kanilang produksyon ay ipahiimas nilang parang sasabungin sa manigong mga palad ni Mang Andoy upang hind imaging kahiyahiya kapag nalathala sa mga panlingguhang magasin ng mga peryodikong pang-araw-araw. Sa hanay ng limang manunulat na ito, mabilis ang nagging pagsikat nina Pablo Bautista at Hilario Coronel dahil sa may regular silang outlet ng kanilang mga akda—ang The Varsitarian; gayundin naman sina Manuel J. Ocampo at Ponciano Peralta-Pineda na nagsisipag-aral sa Manuel L. Quezon (MLQU ngayon) at may handang mga pahina sa kanilang mga akda ang The Quezonian. Ang mga ito’y nagsipagtapos din ng kanikanilang mga kurso: Bautista (BSE), Coronel (A, B. Philosophy), Ocampo (BSE, AB) at Pineda (Law). At higit sa lahat, ang apat na ito (kabilang sina Andres Cristobal-Cruz), Virgilio C. Blones, at Pacifico Aprieto) ay nasa kwadra ng manunulaklas ng mga baguhan, mahuhusay, at aral-kolehiyong mga manunulat na si Agustin C. Fabian (na nagtatago rin sa pangalang Augusto Fuentes at Angel Fernandez), nooy general manager ng Liwayay Publications, Inc.


10

MARSO 14 - 20, 2010

MAPAGLARONG LANSANGAN Isinulat ni Lester Dimaranan

ANG mga tingin na yon ay walang pagkakaiba sa binabato dati sa kanya ng kanyang asawa. Yun ang agad nyang naisip habang palihim na sinusulyapan ang kanyang pasaherong may sakbibing bata. “Wag mong hahayaang mawala sa paningin mo yang kotse,” paalala ng babaeng kanyang sakay sa taksing minamaneho. Tumango lamang si Gibo habang nakatutok sa kotseng palihim na pinasusundan sa kanya. Naglalaro ang gulang ng kanyang sakay sa beinte singko hanggang treinta. Maganda ang mukha nito na hindi maikukubli nang miya’t miya nitong pagsimangot sa tuwinang maaaninag ang kotseng may sakay na lalaki’t babaeng kanina pa nila sinusundan. Ang mga busina ng sasakyan sa paligid ay nagmimistulang malungkot na kantang nagpaluha na ng tuluyan sa kanyang pasahero. Nakatutok sila ngayon sa kotseng pinasusundan ng babaeng sakay. Maaaninag ang lalaki’t babaeng sakay nito na naglalambingan. Puti ang kulay ng kotse at nagingibabaw ang bawat galaw ng babaeng sakay nito sa suot nitong pulang bestida, bestidang kagaya ng damit ng kanyang dating asawang si Rowena, ang damit na dati’y pinagpawisan nya ng dalawang araw sa pagtataksi para lamang mabili. Ang oras ay tila huminto sa kalyeng kanilang kinasasadlakan.

Happy Birthday Mayor Jun de Sagun March 22, 2010

Hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa paligid. Ang busina ay nagmimistulang himig na umaaliw sa ilang naglalako ng tubig at chicharon sa daan. Naglawit ang mga ulo ng mga drayver sa bintana. Tinatanaw kung anumang meron sa dulo ng kalsadang nagmimistulang parking lot. Ang kabilang linya ng kalsada ay sinakop na rin ng ilang sasakyan. Pero ang sasakyang kulay puti sa kanilang unahan ay tila kumfortable sa pagtigil na yon. Mula sa kanyang kinauupuan ay kitang-kita nya ang mga uhaw na labi ng dalawa na magkalapat, mga bagay na kumikiliti kay Gibo kahit sa pagmamasid hanggang gulatin sya ng sirena ng ambulansya na nagmula kung saan, na biglang sumingit mula kung saan, na ngayon ay nasa kanyang tabi, at naipit na rin sa trafik. Ang tunog ng sirena ay nagpabalik ng huling tagpo nila ng asawa nyang si Rowena. Ang nangangatal nitong mga kamay. Ang dugong dumadaloy sa ulo nito. Ang mga labi nitong walang patid sa pagbigkas ng patawad. Ang mga luha nitong hinahaluan ng dugo tuwing sasapit sa pisngi. Ang mga tingin nyang nagmasid lang sa mga sasakyang nasa paligid. Ang pagdating ng mga sakay ng ambulansyang nakapagkwento pa ng pagkakaipit nila sa trafik. At mula sa kanyang pinagluluhurang kalsada ay nakita nya ang pagtalukbong ng puting tela sa katawan ng kanyang asawa. “Klik!” tumunog ang lak ng panlikurang pintuan. Sa

mga mata ng babae, mula sa kanyang reyr miror, ay makikita ang pagtitimpi at paghingi pa ng lakas ng pasensya kung kaninuman. Akmang gusto na nitong bumaba at sumugod sa kotseng puti sa kanilang harapan nang walang anuano’y umiyak ang bata nitong tangan. Inalog-alog nya ito na nakapako pa rin ang mga mata sa mga sakay ng kotseng nasa unahan. Ayaw tumigil ng bata sa pag-iyak. Mula sa bulsa ng bag na dala nito’y kinuha ang maliit na bote ng gatas. Titig na titig ang babae sa kanyang anak at nagsabing, “Tahan na, andito ang Mommy,” pilit ang ngiti habang nangungusap sa anak, ayaw pahalata sa bigat ng damdamin. Unti-unti nang umuusad ang mga sasakyan. Liko sa kaliwa ang kotseng puti. Liko uli sa kaliwa. Daretso. Kaliwa uli. Tapos daretso. “Mam, papunta na pong Cavite itong tinatahak natin. Susundan ko po ba?” nag-aalangan pang tanong ni Gibo sabay tingin sa metro na pumapatak na sa apat na raan mahigit. “Basta sundan mo at

gusto kong malaman kung saan nakatira ang kabit ng putang inang tatay nitong anak ko,” galit na sagot ng kanyang pasahero. Kung magsalita ang babae ay gaya ng kanyang asawa. Laging may mura. Laging sangkalan ang anak na noo’y dinadala pa lang sa sinapupunan. Ang mga tingin ng kanyang asawa’y nanlilisik, “Gibo, umamin ka, may iba kang babae kaya ka ginagabi!” Gaya ng mga araw na dumadaan sa kanilang mag-asawa’y tahimik lang lagi si Gibo. Ayaw nya ng anumang argumento. Ang mga ganung hinala ng kanyang asawa’y di na nya pinapatulan. Pagod sya’t walang anumang oras para lalong pahirapan ang sarili. Ang mga tanong na gusto nyang ibalik sa asawa’y tuwinang pinagpapabukas na lang nya. Ayaw na rin nyang pakinggan ang kwento ng mga kapitbahay. Tinityempo na lang nya ang

Belated Happy Birthday Ben Rusit March 08, 2010

uwi ng dis oras upang makaiwas sa panibagong kwento ng mga kaibigang saksi sa mga tunay na ginagawa ng kanyang mahal na si Rowena. Bacoor. Kawit. Centennial Road. Tumigil sa kanto ng Tejero. Bumaba ang babaeng sakay ng kotseng puti. Mabilis ang mga pangyayari. Bumaba ang babaeng kanyang sakay. Tikom ang bibig ngunit nanlalaki ang butas ng ilong. Malamya ang galaw ngunit sarado ang mga palad. Nilingon nya ang likod ng sasakyang dala. Nakalapag ang bata sa upuan at mahimbing na natutulog. Mabilis na tumawid ang kanyang pasahero sa kabilang linya kung saan naroon ang lalaking drayver ng kotseng puti at ang babaeng nakabestidang pula. Tila ipagpapapara ng traysikel ng lalaki ang babaeng kanina’y kalapatan nito ng labi. Mula sa bintana ay kitangkita

Advance Happy birthday to MARK BRIAN ANTONIO on March 28, 2010. Greetings coming from your loving family and friends.

ni Gibo ang galit ng kanyang pasahero sa babaeng kasama ng drayver ng kotseng puti. May mga sinasabi man ito ay di na marinig ni Gibo dahil mas nangingibabaw ang ingay ng lansangan. Hinablot nito ang buhok ng nakapula. Inawat ng lalaking may dala ng puting kotse. Pinagbalingan ng kanyang sakay ang lalaki at pinalo ng pinalo gamit ang palad. Iniiwas ng lalaki ang kanyang sarili at ang babaeng nakapula, at nagawa pa nitong sampalin ang babaeng pasahero nya. Nagitla ang babae, maging ang ilang usyoso sa paligid na nung una’y nakikiawat pa. Mistulang isang dula. Sa sobrang kahihiyan, walang anuano’y tumakbo ang kanyang sakay na tila pabalik sa kanyang taksi, nang biglang may humarurot na jip. Tumilapon ito. Nagkagulo ang mga tao sa paligid. Ang tagpong yon ay walang pagkakaiba nuon. Ilang sandali bago nya mahuli ang kanyang asawang si Rowena na may kahalikan na lalaki sa kanto, at galit na galit na sinigaw ang pangalang Rowena, tumawid ito papunta sa kanya nang hindi napapansin ang rumaragasang sasakyan mula sa kalsada. Umiyak ang bata sa likuran ng kanyang taksi, iyak na tila ba sinisisi ang sinumang may sala, habang ang silahis ng papalubog na araw ay pakubli na sa mga gusali ng mapaglarong lansangan.

Happy birthday to ARAM ESPINO on March 14, 2010. May you have more bdays to come. Greetings coming from Tita Nadia, Patrick, Mamang & Denden


MARSO 14 - 20, 2010

H’WAG SUPORTAHAN SI DE SAGUN... Nagagalit pa nga si Gob (tawag ni Regala kay de Sagun) kapag may padrino. Kasi parang gusto nitong sabihin na hindi ka nya iintindihin kapag wala kang kakilala sa loob.” Pagdurugtong nito. Sa mga ganitong istilo ng pamamalakad ni de Sagun, hindi maiaalis nagagalit sa kanya ang ilang mapera’t maimpluwensya. Dahil nasasagasaan ni de Sagun ang interes ng mga ito. “Mayor ako ng buong Treceño. Hindi lang ng iilang tao. Kakaunti lang ang mga adik at pusher, mga sugarol at bangka ng sugal, iilan lang ang mga gago’t pasaway, mabibilang mo sa daliri ang mga maimpluwensya’t mayamang abusado’t manloloko... naniniwala pa rin ako na mas marami pa rin ang mabuti at gustong pumarehas ng laban. Hindi kailanman naghahari ang masama sa mabuti.” paliwanag ni Sagun. Ang matatag na paninindigang ito ay hindi nalingid sa mga karatig-lungsod at bayan ng Trece. Lihim na humanga ang ilang lider at politiko sa ipinamalas ni de Sagun. At ang ilang mamamayan, magulang at lider-pamayanan ay iisa ang halos nasabi: Sana, kung paanong walang sugal at droga sa Trece, mangyari rin nawa ito sa lugar namin. Hinamon ang Bida May bagong hamon ngayong kinakaharap ang bida ng mga maliliit at mahihirap. Ng mga gipit at yagit. Ng mga biktima at aba. Pinakiusapan sya ng mga nagmamalasakit na Caviteño: lider ng mga progresibong grupo, lider ng iba’t ibang samahan, pinuno ng iba’t ibang relihiyon at mga magulang na naghahangad ng mas maunlad, mapayapa at ligtas na Cavite... pamunuan at akayin ang Lalawigan ng Cavite tungo sa bagong umaga. Tinanggap ni Jun de Sagun ang hamon. Alam nyang hindi biro ang kanyang makakasagupa. Mga mayayaman at maimpluwensyang tao ang makakabangga nya sakaling tutuparin nya ang hiling ng mga mamamayan. Batid nya na mas malaki na ang gagalawan nyang daigdig. Mas marami nang makakalaban. Pero napagpasyahan nyang ituloy ang laban. Dahil para sa kanya, wala namang lider ang nanindigan nang husto laban sa mga illegal na gawain lalong lalo na sa droga at sugal. Kung walang buo ang loob na tututol, lalong magkakalakas ng loob ang mga kampon ng dyablo (ang tawag ni Jun de Sagun sa mga drug lord at gambling lord). “Nalulungkot ako na kapag nasa ibang lugar ako, kilala ang Cavite na bayan ng mga illegal. Droga at sugal. Noon, puro smuggling at salvaging nakilala ang Cavite. Nakilala rin sa land grabbing. Lalo na sa ubusan ng lahi. Ngayon... halos walang pinagkaiba. Luminga ka, saklaan dito at doon. Kulay-kulay sa bawat peryahan. Sabungan at tupada kahit malapit sa eskwelahan at simbahan. Videokarera, fruitgame at

Si Mayor De Sagun na nagpaunlak ng panayam kasama si Dory Bacolod na tumatakbong vice-mayor sa bayan ng Tanza, Cavite.

MULA SA PAHINA 7

mga katulad nito. Bangag sa droga. Krimen at karahasan dahil sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot. Ang mga pulis kahit gustong gustong kumilos, pinagbabawalan ng ilang tiwaling lider dahil malaki ang ganansya nila dito. Sa simbahan, lawit na ang dila ng mga katekista’t pare sa pangangaral na iwasan ang droga’t sugal... pero paano makakatanggi ang mga mamamayan kung halos sa bawat kanto, nandyaan ang tukso.” komento ng isang katekista na taga-Bacoor. “May kasabihan nga sa Ingles na, ‘All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing’ (Ang kailangan lang para magtagumpay ang kasamaan ay walang anumang gawin ang mga mabubuti).” Dagdag pa nito. Pusong Bato, Pusong Mamon Kung gaano katigas ang puso ni de Sagun sa isyu ng sugal at droga, sya namang lambot ng puso nito sa mga hindi binayayaan ng ginhawa sa buhay. Sa kwento ng kanyang mga tauhan sa farm nito sa Trece, ilang mga bata na ang pinag-aral ni jun de Sagun, nakapagtapos at may matatag na ngayong pamumuhay. Ang ilan pa sa mga ito ay halos doon na nakatira sa farm dahil sa laki ng pasasalamat sa nasabing Mayor ng Trece, iniukol ang serbisyo sa kinilalang ikalawang magulang. “Kung ano ang kinakain nya, kinakain naming lahat. Kulang na lang sabihin, ang refrigerator nila, refrigerator ng buong farm. Cowboy talaga. Sa kabila ng natamong pagasenso sa pagsasaka, hindi nakalimot sa mga tulad namin. Kasabay namin sa pagkain. Minsan nga nahihiya kami, kasi kami naka-kutsara’t tinidor, tapos sya, nakakamay lang.” Pagbibida ng isa sa mga tauhan ni de Sagun. Naikuwento rin ng isa sa mga kaibigan nito na makikita ang nasabing ‘kaaway ng mga taong ilegal’ sa mga kanto-kanto, ponda-pondahan. Nakikipagkwentuhan, nakikikape, nakiki-shot. Wika nga ng mga mamamayan, mas mayaman si Jun de Sagun sa mga kaibigan kesa sa anumang material na kasaganahan. Pakalat-kalat lang naman daw si de Sagun. Lehitimong taga-Cavite kayat sa Cavite rin naglalagi. Madaling makita. Madaling mahanap. Madaling lapitan.

“Si De Sagun lang ang pulitikong may tibay ng dibdib na labanan nang harapan ang sugal at droga” wika ni John Regala sa panayam ng Responde Cavite.

11

Walang sangkatutak na body guard. At hindi rin nakatira sa Ayala Alabang o sa Dasmariñas Village. “Minsan nagpasama sa akin si Sir, dinalaw namin ang ibang magsasaka sa Cavite. Nang malaman nyang halos bagsak presyo na ang kalakal na kalabasa ng mga ito at wala pang bumibili, ang iba ay nabubulok na nga, aba, walang sabi-sabi... papakyawin nya na raw ang lahat ng kalakal ng magsasaka. Isang trak na kalabasa ang inuwi namin sa farm. Nagsawa ang lahat sa kalabasa. Ginataang kalabasa. Ginisang kalabasa. Nilagang kalabasa. Sawsawang kalabasa. Sopas na kalabasa. Isang linggo yatang amoy kalabasa ang buong farm. Hininga’t pawis yata naming ay kalabasa na. Pati si Sir, sige sa pagkain ng kalabasa.” Natatawang pahayag ng isa mga tauhan sa farm “Nanlaki ang mga mata naming lahat ng minsan nag-uwi naman si Sir ng isang trak na kamote. Alam nyo na ang kasunod,” humahagalpak sa katatawa nitong dugtong. Lumagay sa Tama, Manatili sa Katwiran, Mamuhay nang Patas Sang-ayon kay de Sagun, mayaman ang Lalawigan ng Cavite. Mataba ang lupa. Kaso kahit anong taba ng lupa, kapag puro subdibisyon at pagawaan... napapabayaan ang agrikultura. Kinakamkam pa ng iilang makapangyarihang pamilya. Mayaman ang karagatan. Kaso, sa mga illegal na pangisdaan, illegal na mangingisda, baklad at sapra, ang mga maliliit na mangingisda... asin na lang halos ang inuulam. Masisipag ang mga Caviteño. Kaso dahil sa panggigipit ng mga dambuhalang kapitalista, ang kasipagan nauuwi sa wala.Sapat na ang mga batas. Kailangan lang ang mahigpit na pagpapatupad nito. Naniniwala sya na laging mabuti ang gumagawa ng tama. Wala nang hihigit pa sa tamang katwiran. At walang manlalamang at malalamang, kung patas ang pagpapairal ng batas. “Oo, gusto kong maging bangungot ng mga gumagawa ng illegal sa Cavite. Sa mga drug lord, gambling lord at iba pang ilegalista... wag nyo na akong suportahan. Di ko kailangan ng tulong nyo. Ng pera nyo. Dahil pag ako ang pinalad na mamuno sa Lalawigan ng Cavite... tatlo lang ang kalalagyan nyo... ospital, kulungan o sementeryo. May mabuting kultura tayong mga Caviteño. Katapangan, kasipagan, kahusayan, talino, pagtutulung-tulungan.... Dito tayo kinilala at hinangaan ng mundo. May masama rin tayong kultura. Droga at sugal. Palakasan at padrino. Pambabarako at pandarambong. Iwaksi ang masamang kultura. Yakapin, palaganapin at palaganapin ang mabuti. Pasasaan ba, bukas-makalawa, malay nating lahat... sama-sama tayong gigising sa Bagong Cavite.”

Inaalam ni De Sagun ang kalagayan ng mga magsasaka sa Cavite sa pamamagitan ng serye ng konsultasyon.


MGA KABITENYONG PASIMUNO NG TULANG MAY MALAYANG TALUDTURAN KAPAG tulang may malayang taludturan o free verse ang pag-uusapan, dalawang makatang Kabitenyo kaagad ang unang pumapasok sa aking isipan. Ang una ay si AGA o Alejandro G. Abadilla at ang ikalawa ay si Axel Alejandro Pinpin. Si Alejandro G. Abadilla na tubong Rosario, Cavite at ipinanganak noong Marso 10, 1908 ang kinikilalang Ama ng Modernismong Panulaan sa Pilipinas. Sapagkat nakapaglakbay sa America noong 1927, isa siya sa unang nagpasimula ng tulang may malayang taludturan sa bansa. Sa tula niyang “Ako ang Daigdig” niya naipakita ang kagandahan ng tulang hindi nakakulong sa sukat at tugma. Kabilang sa mga manunulat na nagtaguyod ng pagbabalikwas ng pagkamakabago ay sina Clodualdo del Mundo, Salvador Barros, Fernando Monteleon, Teodoro Agoncillo at iba pa. Samantala,, si Axel Alejandro Pinpin naman ay tubong Indang,

Cavite at ipinanganak rin noong Marso 10, 1971 at kabertdey ni AGA. Nakilala si Axel Pinpin na mapabilang siya sa limang pinagbintangang NPA na ikinulong ng militar mula Abril 28, 2006 hanggang Agosto 28, 2008 at tinaguriang Tagaytay 5. Napawalang sala ang Tagaytay 5 at sa wakas ay lumaya rin sina Axel Pinpin pagkalipas ng mahigit dalawang taon. Sa kasalukuyan ay isa sa si Axel Pinpin sa kinikilalang tagapagtaguyod na mga tulang walang sukat at tugma. Taong 1999 nang inilabas ni Pinpin ang kanyang unang aklat na pinamagatang “Tugmaang Walang Tugma” na kinatatampukan ng mg tulang “free verse”. Ang kalipunan ng kanyang

DOS POR DOS Mula sa pahina 4 Isang tumatakbo naman sa pagka-bokal ang sa bayan ng Bacoor ang nangangampanya noon sa may Salinas-Real, nang nakita nitong maraming nag-uumpukang tambay sa kabilang kalsada ay tumawid ito at ki-

Alejandro G. Abadilla mga modernismong tula ay matatagpuan sa tugmaangwalangtugma @geocities. com na tumatalakay sa iba’t-ibang paksa may kinalaman sa kabataan, edukasyon, kalikasan at marami pang iba. Ang tula niyang “Salamin” ay katangi-tanamayan ang mga tao doon. Isa sa mga tambay ang hindi mapigilang mapangiti at nang hindi makatiis ay nagsalita sa kandidato. “H’wag na po kayong mangampanya dito at wala kayong makukuhang boto.” “Ha?!” takang tanong ng kandidato. “Kasi po Imus na ‘to!” Hindi malaman ng kandido kung paano babawi sa pagkapahiya. he, he, he! oOo Isang matalinong tumatakbo muli sa pagkasenador ang pumasyal sa isang ospital, pagpasok sa ward, isa-isa niyang kinamayan at kinamusta ang mga pasyente. “Kamusta po kayo?... kamusta po kayo?...” ang paulit-ulit niyang tanong. Sa palagay n’yo kaya kung mabuti ang kalagayan ng mga pasyenteng iyon ay dadatnan n’ya pa ‘yon sa ospital? Hay!!! Matalinong kandidato man ay nagiging ugok din sa pambobola at pagbabalat-kayo. Makakuha lang ng boto.

Disyembre 10, 2008 ay kinatatampukang ng mga tulang pumapaksa sa mga deseparacedos, bilanggong pulitikal at mga magsasakang inagawan ng lupa. Karamihan sa mga tula niya ay nalikha niya habang siya ay nakakulong Muli, ang mga kalipunan ng mga tula ni Pinpin ay nagtataglay ng malayang taludturan. Ma-

babasa ang mga bagong tula ni Axel Pinpin sa skandalus. multiply. com. Ang sinimulan ni Alejandro G. Abadilla ay ipinagpapatuloy ni Axel Alejndro Pinpin. Sila ang dalawang Kabitenyong tagapataguyod ng modernismong panulaang Pilipino, noon at sa kasalukuyan.

Axel Alejandro Pinpin ngi sapagkat kailangan ng salamin upang mabasa ang mga nakabaliktad na teksto. Ang ikalawang aklat ni Pinpin na pinamagatang “Tugmaang Matatabil: Mga Akdang Isinulat sa Libingan ng ng mga Buhay” ay inilabas naman noong

Villar, babawi sa Rosario NAKATAKDA umanong bumawi sa mamamayan ng Rosario, Cavite si Nacionalista Party (NP) Presidential bet Sen. Manny Villar. Ito ang eklusibong pahayag ni Rosario Vice Mayor Jose Rozel ‘Jhingjhing’ Hernandez sa Responde Cavite. Ayon kay Hernandez, nakipag-ugayan na umano sa kanya si NP Governatorial bet Jonvic Remulla sa nakatakdang pagbisita ni Villar sa Rosario. Sinabi naman ni Nomar Santos, provincial coordinator ni Villar sa Cavite, sa ekslusibo ding panayam ng Responde Cavite, may inihanda umano silang programa para sa mamamayan ng Rosario. “Nais kasing makabawi ni Senator kay Mayor Nonong Ricafrente, lalung-lalo na sa mamamayan ng Rosario.” ani Santos. Sinabi pa nito, na

kung hindi magbabago ang unang itinakdang petsa, darating si Villar sa Rosario sa ika-17 ng Marso. “Alam naman natin na kapag ganitong panahon ng kampanya ay may mga hindi inaasahang pangyayari. Lalo na’t emergency. Pero siguradong darating si senator sa Rosario.” dagdag pa ni Santos. Matatandaan na unang itinakdang darating si Villar sa bayan ng Rosario noong nakaraang Pebrero 12, ng kasalukuyang taon, pero nabigong makasipot ang NP bet. “Hindi na kami umaasa na makakadalaw pa si Senator Villar sa aming minamahal na bayan ng Rosario, pero sa kabila ng kanyang lubhang kaabalahan... kami ay nagpapasalamat at binigyan n‘ya kami ng pansin.” pahayag ni Vice Mayor Hernandez. “At ito ay isang malaking karangalan para sa

amin. Ang mamamayan ng Rosario ay nananabik na sa kanyang pagdating.” Samantala, sinabi naman ni Rosario Mayor Jose ‘Nonong’ Ricafrente, Jr., na laging nakahanda ang bayan ng Rosario anumang oras na naisin ni Villar na dumalaw dito. “Bilang local chairman ng partido at ama ng bayan ng Rosario, nakahanda ang bayan ng Rosario na sumalubong sa kanyang pagdating. Ito ay upang maipakita namin sa kanya at maipagmalaki ang mga produkto ng aming bayan. Ang kagandahan, kaayusan, katahimikan at kaunlaran ng Rosario. Taasnoo naming ipapakita sa kanya na ang Rosario ay isang bayang tahimik, masaya at maunlad.” pahayag naman ni Mayor Ricafrente. SHELLA SALUD


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.