MARSO 21 - 27, 2010
2
47,016 botante, doble ang rehistro sa Cavite NAGSAGAWA ang Commission on Elections (COMELEC) noong nakaraang Biyernes ng isang pagrerebisa sa mga botante sa buong Pilipinas. Kanilang napag-alaman na mahigit sa 700,000 libong botante ang nag-doble ang rehistro sa voters list. Salamat na lamang sa makabagong computer program nakita ang mga double entry na mga ito. Sinabi pa ng Comelec na isasantabi muna natin ang mga biometric scans at ang automated fingerprint identification, ang ating gagamitin muna ngayon ay ang algorithmic matching na kinukumpirma kung ang isang botante ay nakarehistro ng hindi lamang isang beses sa iba pang lugar. Ang programa na ito ay naglayon na isa-isahin ang mga first name, middle at last name pati na ang iyong kapanganakan na makikita sa iba pang voters list. Sa isinagawang pag-
sasaayos ng tala ng mga botante sa Cavite ang pinakamarami ang bilang ng mga botante na nagdouble-entry. Tinatayang 47,016 na libo sa Cavite, sinundan naman ito ng tatlong magkakaibang distrito sa National Capital Region (NCR) kasama na dito ang ikalawang distrito na may 46,870, sa ikaapat na distrito na may 46,281 at sa ikatlong distrito na may 38,056. Ayon na rin sa pagsisiyasat na ginawa ng Comelec napag-alaman na sa Cebu at Davao del Sur naitala ang malaking porsiyento ng mga botante
na nag-doble ang rehistro. Naitala na 23,602 sa Cebu at sa Davao del Sur naman ay 34,557. Ang pinaka-kakaunti sa kanila ay sa Batanes na 46 lamang ang naitala. Noong nakaraang Marso 10, 2010 nagpalabas ang Comelec en banc ng isang resolusyon na alisin ang ibang tala ng mga botante na nag doble o marami ang kanilang registration records na nakalista sa Comelec Information Technology Department. Nilalayon din ng resolusyon na ito na ang mga
Boards of Election Inspectors na huwag payagan na makaboto ang mga ito sa kanilang mga kinatatalaang presinto sa darating na National May
Elections. Ipinag-uutos din nito na burahin na ang mga registration records ng mga botanteng ito sa susunod na Election Registration Board (ERB) hearings. Ang Comelec IT Department ay nagpadala na ng mga listahan ng mga botante na ang registra-
tion record ay hindi pinapayagan na sila ay makaboto sa bawat presinto at sa bawat munisipalidad. Kumpiyansa ang Comelec sa 200,000 libo na doble ang rehistro ang naalis sa talaan sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS).
WOMEN’S MONTH SA CAVITE: Ipinagkaloob nina Cavite Gob. Ayong S. Maliksi (ikalawa sa kaliwa) at Bise Gob. Osboy Campaña ( kanan) ang plake ng pasasalamat kay Valenzuela City Councilor Shalani San Ramon Soledad na panauhing pandangal at tagapagsalita sa Women’s Month 2010 Celebration na may temang “Babae, tagumpay ka ng bayan” kasabay ng pagtataas ng watawat sa kapitolyo sa Trece Martires City . Makikita rin sa larawan mula kaliwa sina BM Eileen Beratio, BM Arleen Arayata at Mrs. Olivia Maliksi, maybahay ni Gov. Maliksi.
Pagsasagawa ng rally sa pampublikong plaza hindi pinayagan
Erap, dismayado sa Imus IMUS, CAVITE- Dismayado si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa hindi sila pinayagan ng anak ni Cavite Gob. Ayong Maliksi na makapagsagawa ng rally ang kampo ni Erap na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP). Sa impormasyon na nakalap ng Responde Cavite, dumiretso pa mula Bicol ang dating pangulo bilang bahagi ng kanyang pagkampanya sa Cavite. Kaya laking panghihinayang ng hindi mapagbigyan ang kanilang kahilingan na magsagawa ng rally sa mga pampublikong plaza sa Imus.
Announcement The Kawit Comelec Office has been transferred to the new Kawit Municipality Building located at Centennial Road, Kawit , Cavite
Ayon sa mga tagasunod ni Erap nakiusap sila na kung hindi pwede sa mga pampublikong plaza ay hayaan na lamang daw silang magsagawa ng rally sa mga palengke. Gayunpaman, ay hindi pa rin ito umano pinayagan ni Maliksi sa hindi malaman na kadahilanan kaya nagtiyaga na lamang sila sa maliit na covered court sa Barangay Magdalo. Ayon naman sa dating pangulo ay wala daw siyang sama ng loob sa ginawang pagtanggi ni Mayor Maliksi na ipagamit sa kanya ang mga pampublikong palengke at Plaza ng Imus. “Ok lang,
bahagi iyan ng politika” Binigyan na lamang niya ng konsuwelo ang mga tagasuporta na sumalubong sa dating pangulo sa kanyang motorcade. Noong 1998 Presidential Election ay itinuturin na balwarte ni Estrada dahil dito siya humakot na malaking boto noong mga panahon na iyon. Depensa naman ni Mayor Maliksi na hindi naman daw pormal na nagpaalam sa kanya ang mga staff ni Estrada. “Kung nakapagpaalam naman sila ng maayos sa akin bakit hindi ko sila pagbibigyan” ani ni Maliksi.
MARSO 21 - 27, 2010
3
Staff ng TESDA nag-walkout dahil kay Peyuan DAANG-DAAN na manggagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nag-walkout sa kanilang mga opisina na dismayado nitong huwebes ng umaga nang mabalitaan ang pagkakahirang kay Director General, dating Youth Assemblyman Rogelio “Roger” Peyuan ng Cavite.
Rogelio Peyuan Ang mga agency directors, administrators at miyembro ng union ay nagtipon-tipon sa harap ng TESDA Women’s Center upang iwan nila ang kanilang tatlong oras na trabaho. Sa demonstrasyon, na kasama ang pagbarikada sa isa sa mga gate ng TESDA compound na nasa East Service Road, South Superhighway, Taguig City ay isinagawa upang ipakita ang pagkadismaya ng mga empleyado sa bagong hirang na director. Hindi ikinatuwa ng mga tao ang ginawang desisyon ng Palasyo. Noong nakaraang linggo nang sabihin ng Palasyo ang gagawing
pagbalasa sa mga posisyon sa gabinete at nabanggit na nga ng pangulo ang pangalan ni Peyuan na naging matunog na kapalit ni Augusto “Boboy” Syjuco Jr. Si Syjuco ay tatakbo na congressman sa ikalawang distrito ng Iloilo. Ang kakatwa pa nito, sa mismong party noong Miyerkules ng gabi sa Hotel Intercontinental sa Makati City na ibinigay ni Peyuan tungkol sa kanyang pagkakatalaga lumutang ang balitang hindi na matutuloy ang kanyang appoinment. Wala pang pahayag ang Palasyo tungkol sa pagkakaalis kay Peyuan o sa kung sinoman ang susunod na puno ng TESDA. Ilang malalapit na
kaibigan ni Peyuan na dumating sa nasabing party ang nagsabing ilang myembro g Gabinete ang sumangayon sa pagbabago ng isip ng Pangulo. Ibinunyag ng nasabi ring mga source na posibleng gamitin ni Peyauan ang pera ng TESDA upang itustos sa kampanya ni Governor Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagkasenador. “Pawang kasinunga-
Augusto Syjuco Jr.
lingan ang lahat ng ‘yan.” Pahayag ni Peyuan sa media, na sinusuportahan nya ang kampanya ni Marcos. Si Peyuan ang ang nagsilbing deputy ni Syjuco nang ang huli ang naging director General ng TESDA ay naging isa sa mga naging mambabatas ni Ferdinand Marcos noong diktadurya nito. Samantala, ang mga nagprotesta ay nagpahayag na bilang pangunahing tagapagpatupad ng Pangulong Gloria Scholarships (PGS) sa loob ng dalawang taon, hindi nasabit ang pangalan ni Peyuan sa anumang iregularidad na may kinalaman sa pondo. Pero an gang mga programa at pagbili ng mga kagamitan sa ilalim ng tanggapn ni Syjuco ang pinuntirya g imbestigasyon ng Ombudsman at paninilip ng ilang taga-media at mga trabahador ng TESDA.
Isang oras na rotating blackouts hindi lamang sa Metro Manila pati sa Calabarzon CALABARZON – Inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang isasagawang “rotating blackout” kamakailan. Ito ay magsisimula ng alasnueve ng umaga na tatagal hanggang ala-siete ng gabi. Ang mga apektadong mga lugar ay ang Batangas, Cavite, Laguna, Qu-
ezon at Rizal tumagal ang nasabing blackout hanggang alas-kuatro ng hapon. Sinabi ng Meralco na nagkukulang na ang supply ng kuryente na pinapadala ng mga fuel pump sa mga generating plants na nasa Malampaya at Sta. Rita. Ang dalawang mga power plant ay nagkaroon
ng mga pagkukumpuni simula pa February. Ang kakulangan ng supply sa kuryente sa Luzon ay dahil sa mga power plant na hindi na kayang ituloy ang kanilang mga operasyon dahil sa mga buwan na lumipas na sobrang init. Ang iba naman ay hindi na nagpatuloy at nagsara na lamang.
DepEd, nagbabala sa gastos at pamumulitika sa graduation NAGBIGAY-BABALA ang Department of Education (DepdEd) sa lahat ng mga pampublikong mataas at mababang paaralan na gawing payak at hindi magarbo o magastos ang parating na pagtatapos sa lahat ng paaralan na magaganap mula Marso 29 hanggang Abril 9, 2010 ng taong kasalukuyan. Binanggit din sa
nasabing kautusan na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang gastusin o singilin na labas sa akademikong proyekto, maging ang paniningil ng graduation fee o anumang kontribusyon. Maaaring magsolicit o mangolekta ng kaunting halaga ang PTA sa mga kasapi nito at dapat detalyado itong maiulat sa susunod na pagpupulong. Hindi dapat humawak ng kahit magkanong halaga ang paaralan, guro man o administrador na may kinalama sa graduation. Simpleng pananamit lang ang kinakailangan ng mga mag-aaral at magulang na magsisidalo sa pagtatapos. Gayunman, maaaring gumamit ng toga ang mga magsisipagtapos sakaling mapagkasunduan ng PTA at dapat eksaktong halaga lamang ng toga ang sisingilin. Tinututulan ng DepEd ang pagsasagawa ng pagtatapos sa mga mamahaling lugar at hanggat maari, sa loob na lamang ng paaralan gawin. Ipinagbabawal din ang pangangampanya ng sinumang kandidato o politiko sa panahonn ng pagtatapos upang manatili itong sagrado.
MARSO 21 - 27, 2010
4
Salamat at natigil ang saklaan sa Kawit NAGPALITAN ang puna at puri natin kay Mayor Tik Agunaldo kasama ni C/Insp. Malubay dahil sa saklaan ilang metro ang layo sa Aguinaldo Shrine dahil meron ngayon-bukas wala ang nangyayari. Kamkailan , nang bisitahin natin ang nasabing lugar, wala na ang saklaan. Sana nga ay tuluyang hindi ilagay dito ang saklaan bilang paggalang na rin sa tahanan ng Kauna-unahang Pangulo ng Bansa at nagsisilbing simbolo ng Cavite. Mga ser, mabuhay po kayo. oOo Bangko Sentral, Nilipat na sa Trece Martirez City? May nakarating sa ating alingasngas na di umano, sa Bgy. Gregorio, Trece Martirez City ay may pabrika ng pera. Isang Vic ang di umano’y nasa likod nito. Naku ha? Di ko alam, inilipat na pala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Trece. Balato naman dyan mga bossing, pambili ko lang ng white flowers. Sakit sa bangs! oOo Tumatakbong Konsehal sa ika-7 Distrito, Panday sa umaga, sa gabi ay Darna Hindi naman tayo sexist. Pero nakakairita lang ang pagpapa-macho ng isang tumatakbong konsehal ng bayan sa ika-7 distrito ng Cavite. Gusto nyang palabasin na sya’y parang Panday sa kakisigan at katapangan. Pero hindi nya alam, alam na ng lahat na sa gabi, sumusubo sya ng buto este bato at sumisigaw ng Darna. Alam mo konsehal/a, kahit bakla ka pa, o tomboy ka pa o kung bi-sexual ka man... kung talagang mahal at tanggap ka ng iyong mga mamamayan, iboboto ka nila. SUNDAN SA P.5
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario
rex del rosario
3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district
wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
Global Warming: Di na Uso? N I M E LV I N R O S ATA L I A DAHAN-DAHANG nananahimik ang mainstream media sa isyu ng man made climate change mula nung lumabas ang tinagurian The Great Climate Change Scandal nuong Nobyembre nakaraang taon. Ang naturang iskandalo ang diumano’y nagpapasinungaling sa inilabas na pagaaral ng Intergovernmental Panel on Climate Change at sya ring ginamit ni Al Gore sa kanyang mga lektyur at talumpati, na sya namang nagtulak sa mga pamahalaan upang gumawa ng mga polisiya at programa ayon dito. Ang iskandalo ay tungkol sa diumano’y pag-hack ng mga dokumento director ng University of East Anglia Climate Research Unit, Phil
Jones. Nagsasaad ito ng mga data, code, at emails na nagpapasinungaling sa mga nauna nang naipahayag ng IPCC. Mga liham ng maraming mga sayantipiko na humihiling na alisin huwag gamitin ang kanilang mga pangalan sa ulat ng IPCC at naninindigang iba ang kanilang paniniwala kaysa sa ipinahayag na ng IPCC. Noong disyembre ay humingi na ng paumanhin ang IPCC at umamin sa “ilang” pagkakamali. Hinayaan na rin nilang tuluyang alisin ang mga pangalan ng ilang sayantipiko’t professor na ayaw magpabilang sa ulat. Gayun pa man, naninindigan ang panel ng integridad sa ulat. Samantala, umingay namang higit ang internet blogs at websites ng mga iskeptiko ng Man Made Global Warming.
Lumalakas ang panawagan upang formal na ilabas ng IPCC ang mga data upang muli itong masuri. Naglabas din ng dokumentaryo ang mga iskeptiko sa Man Made Global warming na pinamagatang The Great Global Warming Swindle. Ang ilan sa mga professor at dalubhasa nagpayahag sa dokumentaryo ay naunanang tumiwalag sa ulat ng IPCC. Tinagurian nilang Climate Change conspiracy theory ang nangyayari at nagakusa ng sabwatan ng mga politiko, mamumuhunan, at mga dalubhasa upang gamitin ang isyu ng climate change upang magkaroon ng control pampulitikal at ekonomiya. Nag-ingat ang mainstream media sa pag-uulat dahil na rin sa kaguluhan at
magkakaibang datos. Nuong Enero , naglabas ang Yale University at George Mason University ng survey na nagsasabing 57 porsyento lamang ng mga kalahok sa survey ang naniniwalang “nagaganap nga” ang Global Warming. Ito ay mas mababa ng 14 porsyento sa 71% unang naitala nuong Oktubre 2008. Bumaba rin ng 13% ang nagpahayag na sila nga ay “lubhang nababahala sa global warming.” Isa pang kaugnay na pag-aaral ng Pew Research Center for the People and the Press ang nagpatala sa mga kalahok ng 21 mga isyung kanilang pinaprayoridad at lumabas ang Global Warming sa pinakahuli. Sa susunod na isyu: Mga Datos ng Global Warming Scandal
MARSO 21 - 27, 2010
5 Letter to the Editor
SUNDOT... Mula sa pahina 4
Mga pulitiko at kandidato: ipagbawal sa Graduation
Wag ka nang magpakahirap na pababain ang boses at pigilan ang pilantik ng mga kamay at simpleng pagkendeng. Ganito lang ‘yan kasimple: paano ka magiging tapat sa iyong pinaglilingkuran, kung sarili mong katauhan, iyong pinagtataksilan. Hala ka, baka ikaw ang matusok ng iyong espada. Ding, ang buto este, ang bato! OOO ILIGALISTA SA NAIC, NANGANGALINGASAW ANG BAHO Sa Sasahan, Ibayo; sa may FreedomVille, Naic, isang nagngangalang Ado ang may iligal na aktibidades. Ito ay ang kanyang PATUPADA. Walang makapiyok sa kanyang mga kabalastugang ginagawa dahil may back up daw ito sa itaas. Pag may sumisita sa kanya, ang itinuturo nya ay ang ‘taas’. Teka-teka-teka! Sino o ano bang taas ‘yan? Naku, ayaw ni bro ng ganyan. Baka matuwa sya sa iyo at bigla ka nyang kuhanin. Doon sa langit, ikaw ang tagahimas ng Manok ni San Pedro.
Ngayong nalalapit na po ang graduation ng mga estudyante kasabay ng nalalapit na eleksyon, nangangamba po ako na magamit na naman ng mga politiko ang katangi-tanging araw na ito sa buhay ng mga bata. Alam ko naman po na hindi naman makakaboto ang mga bata pero nandoon pa rin ang kanilang mga magulang para saksihan ang okasyon na maaaring magamit ng mga kandidato. Noong teacher pa po ako, lagi akong nakikipagtuos sa aking mga superior na ipagbawal ang politiko na humawak ng mikropono o tumuntong ng entablado. Hindi pa po ipinagbabawal ng DECS (ang tawag pa noon sa Deped), mahigpit ko na po itong tinututulan. Bukas na aklat na ang mga superior ay nakakatanggap ng biyaya sa mga politiko at kandidato tuwing panahon ng eleksyon (dahil kaming mga teacher ang laging sangkot at saksi sa karahasan at dayaan). At ngayong computerized na ang eleksyon, hindi na makapapandaya ang mga kandidato’t politiko, mas kailangan ng mga ito ang tulong ng mga teacher sa hindi ko pa po maintindihang dahilan. Naniniwala po ako na kahit hindi mangampanya ang isang kandidato, magpakita pa lamang sya sa isang okasyon at tumayo sa gitna ng mga ito, para na rin po syang nangangampanya. Magkaroon po sana ng delicadeza ang mga politiko at kandidato. Magkaroon po sana ng wisyo ang mga administrador ng eskwelahan. Magkaroon po sana ng dignidad ang pagtatapos ng mga bata. Maraming salamat po. Teacher G. ng Capipisa, Tanza, Cavite
ILANG TULA NI DIEGO MOXICA SINO ANG ILAW NG BAYAN? Hindi ang maganda’t hindi ang mayaman, hindi ang marunong at di ang matapang hindi ang ginoo at dir in ang mangmang kundi yaon taong payapaa ang buhay. Walang kabuluhan an gyaman at ganda ang pagkamaginoo, karununga’t sigla, kung kapalaluhang palagi ang pita’t ang baya’t kapuwa’y apihing lagi na. Sadyang maibigin sa dangal at yaman kahit di matuwid ay inaayunan, sa isang salita’t mabilis na kaway ibig ay mayakos ang isang bayanan. Masidhing totoo sa daya at lupig, dakila at banal ang bunga sa isip, di mapapatulan ang maipagsulit na sabing di ayos, kayabanga’t lupit.
Ang ilaw ng bayan na dapat sabihi’y ang mapakumbaba at di asal baliw, sa lahat ng aba na nagsulingsuling ang haba’y at Sinata’y agad ihahain.
Ang usap sa bulok, na totong balhag ipinanalo ko, kung maraming pilak, huwag ang sabih’y kom’y kamag-anak at kaibigan pa, kung ang buhay salat.
Sa bawat sigalot ay napapgitna, hindi tumitigil kundi mapayapa, kapag di makaya’y walang idudusta kung bagkus pa ngang nadaloy ang luha.
Lubha kung babae, kahit walang yaman kung maganda’t bata o may asawa man at kulang sa pilak na ako’y suhulan, tatanggapin ko rin, at nang maligawan.
Kaibigang lahat ang taong may dangal tapat na katoto’t lingcod na dalisay, may lugod sa dukha at galit sa hunghang na ibig mang-ulol sa buong bayanan.
Totoong nais ko, ang mapabalita sa isang Pilipinas ako ang dakila, ako ang marunong, may tapang at hiya sa pagkaginoo’y pangulong mistula.
Hindi lamang ilaw ang dapat ituring sa ganitong taong bait ay butuin, marapat igalang at pakamahalin Iiuklok sa trono na sakdal ng ningning. Kung ito’y namatay, sadyang hahagulgol ang hindi mabilang na taong inampon, bayang kinagisnan naman ay tataghoy ang dasal at luha’y sa bangkay nagkumpol.
Kaya sabik ako’t pinagsisikapan ang maraming “votos” at nang kumapitan baston ko’y may “bulas” lahat ay gagalang marapat sa akin at di ako hangal. Sino sa “provincia” ang aking katulad? maigng sa pag-ibig, daig ko ang lahat, ang kaginoonohan sa akin ay sindak, ako ang haligi sa tibay at tigas.
Ang lahat ng kampi sa ganitong balbag katotong matalik at di magugulat, ang di-sumang-ayon nama’y mag-iingat sa higanting hayop na lahing Satanas.
ISANG PANGARAP Hidwa man sakali’y bungang tulog lamang ang sasabihin kong napagtuntong bagay, sa pagkapahimbing ako ay pinukaw ng isang lalaking balinkinitan.
Ang nanganaghimlay sa duyang payapa na sadyang nahilig sa anyong timawa, kinaiinipan at ginagambala ng mga sinabing sa puri’y pangsira.
Kulay ay mapuri’t gulong ay paghanaga ang ayos at kilos ay tila Kastila may sinumpang duong, at nagsasalita ng wikang Espanya’t may latin pang lagda:
Ang bawat dakilang sa baya’y mangyari na badha ng iba’t toong mabuti, ipahalata sa taong marami na ang gayong bagay ay gawang sarili.
Gising kababayan, ang sabi sa akin, tingnan mo’y hangaan akong si Magaling ang tungkol ko ngayon ay lagging sa papel bawa na’y dumulog na nagsisidaing.
Naku! Gayon sana ang aking masapit balita na ako sa mga “Naciones” sa lahat ng diario ay dapat ititik ang aking pangalang pagkakisigkisig.
Nararapat kayang turingan ng bayan na ang gayong tao ay magandang ilaw? subali ang ahas, ay dapat ingalan pukpukin ang ulo’t nang di makatuklaw.
Ang lahat ng usap ay ako ang tukoy katwira’y hindi’y ipinagtatanggol, ang “Juzgado de Paz” ay ayon dahil sa bigoteng bagong pinasibol.
Paalam na ako’t iyong ipatuloy ang pagkahimbing mong aking binalatong! biglang umalikwas at ako’y bumangon at hinanap ko ang taong kalipon.
Marami nang bayan ang aking dinating sa pagkabayani, hindi ako supil sa wikang kastila at maging sa latin, sa tapang at yaman naman ay gayon din. Ang pakiramdam ko sa sariling buhay di dapat akin ang isang hukuman, sa buong Maynila, duon ako sa bagong Pangulo sa lahat ng parang “General”.
6
MARSO 21 - 27, 2010
MAGKASUNOD na binisita ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang dalawang pangunahing bayan sa Cavite (Imus noong ika-13 ng Marso at Alfonso noong ika16, 2010) upang ibalita sa mga Caviteño ang kanyang plataporma de gobyerno sakaling muli syang mabigyan ng pagkakataon na makabalik sa Malacañang upang tapusin ang kanyang di umano’y iniwang pangako sa bayan. Sa eksklusibong isa ang Cavite sa Pwersa ng Masang panayam ng RESPONDE CAVITE kay Estrada sa pagbisita nito sa Imus, sinabi nito na marapat lamang na sya ay bumalik sa Cavite, partikular sa Imus dahil dito nanggaling ang ugat ng kanyang lahi. Binanggit pa nito na
uunahin nyang paunlarin dahil wika nito, ‘Charity begins at home.’ Itinaas ni Estrada ang kamay ng mga lokal na kandidato sa iba’t ibang bayan at syudad ng Cavite na tumatakbo sa ilalim ng kanyang partido na
Si Trece Martirez Mayor Jun De Sagun habang ipinapaliwanag kung bakit dapat suportahan si Estrada at ang buong tiket nito.
Pilipino sa pangunguna ni Trece Martirez City Mayor Jun de Sagun na tumatakbong Gobernador ng Cavite upang ipakita ang suporta sa isa’t isa sa darating na Pambansa at Lokal na Halalan 2010. Kasama ni Estrada ang ilan sa kanyang mga ka-ticket na senatoriables tulad nina Juan Ponce Enrile, Joey de Venecia, Mirriam Defensor Santiago at ka-tandem na si Makati City Mayor Jejomar Binay na tumatakbong Bise ni Estrada. Sa talumpati ni Erap, binanggit nito ang mga nagawa nyang pagbabago sa San Juan nang sya ay maging alkalde doon sa loob ng 17 taon sa kabila ng paghahamak ng iilang mayayaman sa kanyang
kakayahan dahil sya ay isa lamang artista. Isinalaysay din ng Dating Pangulo ang mga nagawa nya para sa bayan noong sya ay naging Senador kabilang ang paninindigan laban sa Base Militar at ang pagsugpo ng krimen nang manalo sya bilang Vice-President ng bansa. Ipinagmalaki rin ng Ama ng San Juan na sa panahong siya ang Pangulo ng bansa,
hindi umano pumipila ang mga Pilipino sa bigas, sinugpo ang rebeldeng Abu Sayaf at hindi pinahintulutang magtaas ng singil sa tubig. Dagdag pa ni Estrada, para sa mahihirap ang kanyang mga programa at proyekto kung kayat nasagasaan ang interes ng ilang mga mayayaman at maimpluwensyang taong gobyerno na nagresulta na pinagkaisahan
sya ng mga ito upang mapatalsik sa pwesto. Handa di umano syang ipaglaban ang kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanya ng milyon-milyong Pilipino ngunit nang makita nyang maraming masang Pilipino ang masasaktan, nagkusang loob na syang iwan ang Malacañang. Inilahad din ng napatalsik na Pangulo ang pagtatangka ng ilang kalaban na sya’y suhulan na mangibang bansa na maari nyang dalhin sinuman at anumang kanyang ibigin upang hindi na sya masampahan ng kaso. Ngunit, tinanggihan nya di umano ang mga ito at nagsabing haharapin ang anumang kasong isasampa sa kanya dahil sa pagkakaalam nya di umano ay wala syang kasalan. Kayat nang sya ay nakalaya sa bisa ng absolute pardon, isinumpa nya di umano na babalik sya sa Malacañang upang hanguin ang bansa sa kahirapan at tuparin ang nabiting pangako sa masang Pilipino at harapin ang kanyang last performance of his life.
Itinaas ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang kamay ni Trece Martirez Mayor Jun De Sagun na pambato sa pagkagobernador ng lalawigan ng Cavite ng partidong Pwersa ng Masang Pilipino.
MARSO 21 - 27, 2010 VILLAR SA CAVITE DINAGSA ng libulibong tao, partikular ng mamamayan ng Rosario ang isinagawang kampanya ng Nacionalista Party (NP) sa bayan ng Rosario. Sinalubong ni Rosario Mayor Jose ‘Nonong’
Ricafrente, Jr., at Vice Mayor Jose Rozel ‘Jhing-jhing’ Hernandez sina NP Presidential at Vice Presidential bet Manny Villar at Loren Legarda at mga senatoriables na sina Atty. Adel Tamano, Monching Mitra, Gilbert Remulla, Gwen Pimentel at Susan Ople. Nagsimula ang pagdalaw ng grupo ni Villar sa Gen. Trias, tumuloy ng bayan ng Noveleta at nagtapos sa Rosario kung saan isinagawa ang programa. Sinamahan nina Magdalo governatorial at vice governaa rñas, torial Jonvic Remul-A Chua, la at Bimbo Bautista ang nasabing Vilpangangampanya lar ni Villar sa Cavite a t sa pangunguna ni SanMagdalo Chairmantos Cong. Jesus Crisp-
in ‘Boying’ Remulla. Ang bayan ng Rosario ang naging sentro ng kampanya kung saan idinaos ang programa ng NP. Hindi magkamayaw ang tao at siksikan sa plaza sa pagpanik sa entablado ni Mayor Ricafrente at Vice Mayor
Hernandez. Sa pambungad na pananalita ni Ricafrente, buong pagmamalaki nitong ipinakita kay Villar ang magandang bayan ng Rosario at ang suportang ibibigay nito sa tambalang VillarLoren. Sinabi nito kay Villar na kung nagawa ng bayan ng Rosario na ihatid sa
munisipyo ang tambalang NonongJhing-jhing ay malaki rin ang maitutulong ng bayan ng Rosario para maihatid sa Malakanyang si Villar. Ipinangako din ni Nonong sa tambalang Villar-Loren na kung anong boto ang makukuha ng
Ara ni kanilang tambalan Hernandez ay siya ring boto ang makukuha nila. Sa talumpati naman ni Villar, sinabi nito na kung ngayon ay siya ang dumalaw sa Rosario, at kung mapapagtagumpayan niya ang karera sa pagkapangulo, ay taga-Rosario naman ang dapat dumalaw sa Malakanyang. Ipinahayag
naman ni Legarda ang kanyang mga naging karanasan bilang senador at sa pagtulong sa pagsagip sa ilang mga kidnap victim ng mga terorista. Sinabi rin nito ang kanyang pagmamahal sa kalikasan. At
ang kanyang mga plataporma sakaling maluklok siya sa posisyong aniyang ipinagkaiit sa kanya noong nakaraang pampanguluhang halalan. Nagpahayag naman ng kanikanilang plataporma ang bawat senador at nakisaya sa mamamayan ng Rosario. Lu-
7
makas ang tilian nang mag-alay ng awitin sina Gilbert Remulla at Adel Tamano at kumuha ng mga partner at ka-duet mula sa audience. Sinuportahan din nina Cavite City NPMagdalo
Buong puwersa ding nagpakita ng suporta ang mga konsehal ng Rosario na sina Val Arañas, Bong Cuello, Pompie Enriquez, Cris Go, Raul Hernandez, Mao Luna, Voltaire
Mayoralty at Vice Mayoralty Tim Encarnacion, Jr at Dr. Lilo Barron, Noveleta NP-Magdalo Mayoralty at Vice Mayoralty Boy Alvarez at Eric Garcia at konsehal ng mga ito ang pagdalaw ng grupo ni Villar. Gayundin sina 1st District running for Board Member Dino Chua at Onie Arañas.
Ricafrente at Pio Vivo sa nasabing programa. Nagpasalamat naman si NP Provincial Coordinator Nomar Santos kina Mayor Nonong Ricafrente at Jhingjhing Hernandez at sa mamamayan ng Rosario sa mainit na pagtanggap nito sa Nacionalista Party.
8
MARSO 21 - 27, 2010
Pagbabago…noon, ngayon at bukas! (3)
KUNG sa sektor ng lakas ng uring magsasaka at manggagawa ay mukang wala pa nga dahil sa sistemang ito ng ating burukrasya (kung saan naghahari at nakakaposisyon sa gobyerno mula Munisipyo, Kapitolyo, Kongreso, Senado, Bise-Presidente at Presidente ay yaong mga mula sa mayayamang angkan ng asendero’t panginoong maylupa, mayayamang negosyante’t burgesya komprador, burukrata-kapitalista at pambansang burgesya) ay mahihirapan pang makapagtalaga o makapaghalal tayo ng Pangulo na hindi yaong nagpanggap na galing sa hirap o anak mahirap kundi yaong talagang naglilingkod sa mga ma-
hihirap at mula sa sector ng pagsasaka at paggawa katulad nina Ka Satur Ocampo, Ka Liza Maza at iba pa. Marahil matatagalan pa nga dahil mula Kongreso ay papasok pa lamang sila sa pakikibakang elektoral patungong Senado. Kung sa sektor naman ng mula sa hanay ng taong-simbahan ay mukhang wala pa nga o hindi pa nga tayo nakakasubok na makapaghalal ng Pangulo mula sa kanila. Datapwat sa halalang pampanguluhan ngayong 2010 ay may mula sa sektor ng taong-simbahan at naghahaing siya ay ating subukan para ipahiram ang kanyang anim na taon para isaayos ang sistema ng ating gobyerno at direktang maramdaman ang tulong at serbisyo sa ating mga kababayan sa katauhan ni Bro. Eddie Villanueva na dating kilalang lider-kabataan, radikal na aktibista at komunista na tanging presidentiable na nakulong ng dalawang beses sa panahon ng batas militar dahil
sa pakikipaglaban para sa sambayang Pilipino, na naging guro rin sa economics at sa huli ay naglingkod sa Diyos at sa bayan bilang ebenghelista at taong-simbahan. Nawika niyang subukan sa ilalim ng kanyang pamumuno ang anim na taon na walang korapsyon sa Pilipinas at maisulong ang isang tunay, tama at wastong pagbabago para malabanan ang talamak na dayaan at malawak na korapsyon at para mamayani ang katotohanan, katarungan at katuwiran tungo sa maunlad, maayos at mapayapang Pilipinas. Sabagay nasubukan na nating mamuno ang mula rin sa hanay ng taong-simbahan sa katauhan ng Katolikong Pari na naging Gobernador ng Pampanga na si Gob. Among Ed Panlilio at nasaksihan natin ang malinis na pamamahala, ang pagkakaroon ng transparencies sa lahat ng transaksyon at pamemera ng lalawigang ito at ang pagbaha ng serbisyong bayan (hindi sa bul-
sa ng iilan lamang na ngayon ay tumutuligsa sa kanya at ipinapanawagang siya ay bumaba sa pwesto). Sapagkat kung nais talaga natin ng tunay at tamang pagbabago ay sadyang may masasagasaan tayo, ito yaong mga tao o pulitikong mandaraya, mangungurakot at konektado sa mga illegal na gawain. Suriin at pagka-aralan nating mabuti ang track record at platforms of governance ng mga kumakandidato at nangangampanya sa atin. Hangga’t hindi natututo sa karanasan at kasaysayan ng bansa ang gobyernong ito pati na tayong malawak na bilang ng mamamayan ay malamang nga na paulit-ulit lamang ang mga pangyayari sa ating minamahal na bansa. Kung nagkaroon man ng EDSA 1, EDSA 2 at bigong EDSA 3 ay hindi malayong sa hinaharap ng ating bansa kapag hindi pa tayo nagising at natuto ay malamang na maulit pa ang mga ito hanggang EDSA 10.
Kung paano mauubos ang mga pulubi sa Pinas
SAKIT ng ulo ng gobyerno kung paano uubusin ang mga pulubi sa lansangan. Umaga, tanghali, hapon, gabi at kung minsan kahit madaling araw pa ay makikita ang mga ito. Minsan ay solo kayod, pero kadalasan ay may iba pang kasama. May taga akay ang bulag. May batang bitbit ng sanggol. May matandang inaakay ng bata. May batang bitbit ng matanda. Madalas hulihin ang mga ito. Bawal kasi silang mamalimos. Saka, hinihikayat ng gobyerno ang publiko na wag limusan ang mga pulubi. Nagiging palaasa at tamad daw ang mga ito. At malamang ay alaga lamang ng mga sindikato. Kaya, para naman maubos na ang pulubi sa lansangan may naisip
akong ilang paraan. Halimbawa, dapat kilalanin ng pamahalaan na ang pamamalimos ay isang uri na rin ng paghahanapbuhay. Dahil sa pamamalimos, kailangan ng tyaga sa paglalakadlakad, pagtawid-tawid at pakikipagpatintero sa mga sasakyan. Hindi biro ang abutan ng ulan at araw sa kalsada. Isama pa syempre ang gutom at uhaw. Kailangang tiisin ng pulubi na hindi uminom at kumain sa harap ng publiko. Baka kasi kapag nakita sila ng sambayanan na kumakain o umiinom, hindi na sila limusan ng madlang pipol. Aba, dapat todo acting sa pagdrama, sa pagmamakaawa. Mahirap din ang mag-feeling artista ang wala ka naming training or workshop di ba? At dahil hindi biro ang pinagdadaanan ng mga pulubi, dapat nating kilalanin na trabaho na rin ang pamamalimos. Ang dapat gawin ng gobyerno ay bilangin at kilalanin ang lahat ng pulubi sa bansa. Bigyan ng ID. Tapos, sa bawat hapon, kukubra ang gobyerno ng buwis o tax mula sa mga ito. Kapag ginawa ito ng gobyerno, hindi na maba-
ba ang pagtingin natin sa mga pulubi dahil nagiging legal na ang pamamalimos. Nakakaambag pa ang mga ito sa kabang yaman ng bansa. Wala akong nakikitang problema dito. Wala namang ipinagkaiba ang mga pulubi sa politiko di ba? Hindi ba’t sa isang iglap, nagiging artista ang mga ito kapag nagpapaliwanag sa mga kapalpakang nangyayari sa kanyang nasasakupan. Nagiging maamong santo tuwing eleksyon. Nagiging clown na nagpapatawa pero hindi naman
katawa-tawa. Nagiging mangangaral ng kaligtasan ng kaluluwa. Nagiging manghuhula at nagagawang sabihin kung ano mangyayari sa hinaharap. Ipinapangako ang langit at lupa. Kaso, kapag nanalo na, nagiging magician din sila. Kusang naglalaho. Pahirapan makita. Nagkakasakit sa limot. Ang siste, sa halip na buwisan ang mga bwiset na ito, tayo ang ginagatasan. Sa nanlilimos ng boto at pagkain, sino ang mas paniniwalaan mo?
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag kang makipagtitigan ngayon sa hindi mo talaga gusto! Dahil sa maniwala ka o sa hindi, mabilis na maaakit mo sila kaya problema sa love life ang kahulugan nito. Lucky days, numbers at color: Wednesday at Thursday: 1, 7, 20, 39, 43at 44: Purple. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kikilos ang makapangyarihang kamay ng tadhana at kukunin ka sa ibaba at ilalagay sa itaas. Nagsasabing makakaroon ng hindi kapani-paniwalang biglang pagbabago sa iyong buhay. Lucky days, numbers at color: Friday at Sunday: 11, 17, 22, 38, 40at 44: Beige. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ito ang araw na mapapansin ng sinumang malalapit sa iyo na kakaiba ang iyong mga ngiti at kilos na ang kahulugan ay nagdaratingan na sa buhay mo ang maraming buwenas. Lucky days, numbers at color: Thursday at Friday: 2, 8, 15, 26, 35at 45: Green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Idagdag ang sipag at tiyaga sa lahat ng ginagawa. Ipanatag ang pag-iisip sa problema dahil darating kusa ang solusyon sa tamang oras at panahon. Lucky days, numbers at color: Wednesday at Friday: 10, 20, 30, 36, 39at 43: Pink. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magiging malaking kapakinabangan sa araw na ito ang pagtataglay ng matalas at alistong isipan. Marami pang magagandang oportunidad ang darating sa buhay mo. Lucky days, numbers at color: Monday at Wednesday: 5, 10, 24, 31, 36 at 39: Orange. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magtiwala sa sariling kakayahan at maging sa mga kasamahan upang maging maayos at mabunga ang mga ginagawa. Hindi dapat maging negatibo ang takbo ng kaisipan. Lucky days, numbers at color: Monday at Tuesday: 1, 9, 16, 28, 36 at 41: Peach. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maraming akala na hindi tama kaya iwasan mo ang maghusga ng ibang tao lalo na kung hindi mo sila nakakausap. May mga disappointment na darating sa iyo pero ok lang gamitin mo ang mga ito upang maging leksyon ng buhay. Lucky days, numbers at color: Wednesday at Friday: 7, 14, 27, 34, 37 at 39: Red. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ito ang araw na ang isang bagong kakilala ay magpapakita sa iyo ng mga magagandang bagay at mga pagkilos, maaakit ka at kayo ay magiging magkarelasyon. Lucky days, numbers at color: Tuesday at Thursday: 1, 6, 9, 29, 39 at 44: White. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – bagong pag-ibig ang sisisbol sa iyo ngayon. Piliin ang taong alam mong nararapat sa iyo. Huwag magpadala sa mga matatamis na salita o sa mga regalo. Lucky days, numbers at color: Friday at Sunday: 10, 15, 27, 31, 40 at 45: Silver. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ituloy mo ang iyong mga plano na magpapaunlad sa buhay mo. Kapag may tila humadlang. Wag mong pansinin dahil babagal lang at maantala ang iyong kaunlaran. Lucky days, numbers at color: Saturday at Sunday: 6, 12, 26, 31, 35 at 37: Violet. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ito ang araw na sosorpresahin ka ng lagi. Bilang paunan balita matutupad sa ngayon ang isa sa mga pangarap mo na inakala mong malabong mangyari. Lucky days, numbers at color: Tuesday at Wednesday: 2, 18 26, 29, 36 at 40: Yellow. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Anuman ang gusto mong gawin, muli iyong madaliin dahil kapag nakita ng langit na ikaw ay babagalbagal, konting swerte lang ang sa iyo ay ailalaan. Lucky days, numbers at color: Monday at Thursday: 6, 14, 29, 31, at 38: Blue.
MARSO 21 - 27, 2010
9
Ang alibughang pangulo MABABASA sa Lucas 15:11-32 sa bibliya ang kuwento ng alibughang anak. Tulad ng kuwento ng alibughang anak, muling nagbabalik si Joseph Estrada bilang kandidato sa pagkapangulo ngayong darating na halalan. Ano nga ba ang mga magagandang mangyayari sa ating bansa kung muli siyang mahalal? Una, tiyak na babawi si Erap upang linisin ang kanyang pangalan at mabura sa kasaysayan ng Pilipinas ang mantas ng pagkakapatalsik sa kanya noong 2001. Malamang, sikapin ni Erap na burahin ang korapsyon at paunlarin ang kalagayan ng mahihirap gaya nang palagi niyang ipinapangako. Kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon, lahat ng mga naging pagkakamali niya ay iwawasto na niya upang matabunan ang mga isyung naging batik sa kanyang pagkapangulo gaya ng pambabae at jueteng. Si Erap ang magiging pinakadakila at marangal nating pangulo ng Pilipinas kapag nagkataon. Ikalawa, posibleng buweltahan niya ang administrasyon ni GMA na nagpakulong sa kanya kung kaya posibleng
makulong din ang first couple kapag nakasuhan ng pangungurakot sa kaban ng bayan. Magkakamit ng hustisya ang sambayanan mula sa pagsasamantala ng kasalukuyang administrasyon. Babalikan din niya si Chavit Singson at malamang ay iwasan na niya ang makipagkaibigan sa mga pulitiko at negosyanteng ginagamit ang posisyon sa gobyerno para sa pansariling kapakanan. Ikatlo, susuportahan ni Erap ang pagpapaunlad ng Wika at kulturang Filipino. Muling sisigla ang industriya ng pelikula at mabibigyang prayoridad ang paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon. Dahil dito, muling yayabong ang panitikang Filipino at yayabong ang nasyonalismo sa ating mga kabataan. Hindi na mangangarap makapagtapos ang ating mga kabataan para maging call center agent. Ikaapat, posibleng muling buhayin ni Erap ang kanyang anti-American na posisyon gaya ng ginawa niyang pagboto sa senado upang mapatalsik ang base militar noong 1991. Kung kaya, baka tuluyan nang
maibasura ang Visiting Forces Agreement na ang totoo ay sa termino rin niya naaprubahan. Pag nagkataon, tuluyan nang makakahulagpos ang Pilipinas sa gapos ng panghihimasok ni Uncle Sam sa ating pulitika. Ikalima, itutuloy ni Erap ang pagdurog sa mga kalaban ng gobyerno gaya ng MILF at Abu Sayaff kung kaya magkakaroon ng katahimikan at kaunalaran sa Mindanao. Kung buo ang suporta ng AFP kay Erap, posibleng mabuwag na rin ang New Peoples Army at wala na ring dahilan para magrebelde ang mga mamamayan dahil wala nang Pilipinong nagugutom. Ikaanim, ipagpapatuloy ni Erap ang pagpapaunlad ng ating agrikultura bilang pundasyon ng ating ekonomiya. Sa-
makatuwid, mapapawi ang taggutom at posibleng sumulpot ang mga bagong industriya na magpapaunlad sa ating bansa ngunit hindi makapipinsala sa kalikasan. Malamang ay matigil na ang pagpapalit gamit ng ating lupang sakahan. Malay ninyo, tuluyan nang maipatupad ang tunay na reporma sa lupa. Panghuli, titingalain sa mundo ang Pilipinas dahil sa kadakilaan ng mga mamamayan nito. Hindi na tayo aasa pa sa pag-eeksport ng ating mga caregivers at seamen sa iba’t ibang panig ng mundo dahil wala nang dahilan pa para iwanan ang Pilipinas. Ang maunlad na ekonomiya ng Pilipinas ay sapat na upang mabuhay nang matiwasay ang bawat Pilipino. Wala na ring dahi-
lang mangutang sa IMFWB kung kaya tiyak na magagamit na ng sambayanan ang ibinabayad nilang buwis para sa mga pangunahing serbisyong panlipunan. Ang mga nabanggit ang posibleng mangyari kung muling tatanggapin at iboboto ng sambayanang Pilipino si Erap bilang presidente ng Pilipinas. Pero bago maganap ang mga ito, kailangan munang kalimutan nating lahat ang December 30, 2000 Rizal day bombing, ang pagkawala ni Edgar Bentain at ang kamatayan ni Salvador “Buddy” Dacer, pagpaslang kay Popoy Lagman, ang Jose Velarde ac-
Greetings*Greetings
Greetings to all BDO Cavite City Staff Especially to Ma’am Yulo. From Pot and Kat-kat
Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@ gmail.com. Kamuzta na po, Ate Bebang, May ilalalapit lang po ako sa inyo na problema ko. Marahil ay hindi naman siya ganoon kalaking problema. May nakilala kasi ako na babae na taga-Iloilo and inamin ko sa kanya ang damdamin ko. Inamin din niya na mahal niya rin ako ngunit dahil sa layo namin sa
Mahal kong Aaron M., Medyo magulo ang iyong mga statement. Hal-
imbawa ay ito: Lagi niyang sinasabi na busy siya ngunit binibigyan-importansya naman niya ako. Kung talagang busy siya ay hindi ka niya mabibigyang-importansiya. At kung talagang binibigyang-importansiya ka niya, hindi niya sasabihing busy siya. Anyway, indicator lang ito na gulong-gulo ka sa iyong damdamin para sa kanya. Mukhang gusto mo talaga ang babaeng binabanggit mo. Payo ko ay ikaw na ang gumawa ng hakbang para magkabalita ka ulit tungkol sa kanya. Tawagan mo o i-text mo at tanungin mo siya kung ano na nga ba ang estado ng inyong ugnayan. May relasyon nga ba kayo? Mahal ka ba niya? Handa ba siyang hintayin ka? Kung positibo ang mga sagot niya, mahu-
say! Huwag mo nang hayaang maputol pa ang inyong komunikasyon. Gawin mo ang lahat para makapagpadala sa kanya ng kahit isang mensahe sa isang araw. Kung negatibo ang mga sagot niya, kalimutan mo na siya. Maaaring hindi ito ang tamang panahon para sa inyo. Mag-focus ka muna sa ibang bagay tulad ng pagtatapos sa eskuwela at pagkakaroon ng trabaho. Dito mo ibuhos ang iyong atensiyon. Iwasan mo na rin ang maglayas ng bahay. Delikado ‘yon. Baka atakihin lang sa puso ang mga taong nagmamahal sa iyo. Higit sa lahat, walang nasosolb ang paglalayas. Umiyak ka na lang, hindi ka pa mapapahamak. Forever Pro-luha pero Pro-halakhak din, Ate Bebang
Advance Happy Birthday to Michael dela Cruz March 26, 2010. Greetings coming from: Rugrag
ADVANCE HAPPY 2ND BIRTHDAY TO SAMANTHA MARCH 28, 2010 GREETINGS COMING FROM: MOMMY ADO
Long distance relation isa’t isa ay hindi ko na alam kung totoo ang mga sinasabi pa niya sa akin, text man o sa tawag. Minsan pa nga ay naglayas ako ng bahay dahil hindi na niya ako kinakausap. Lagi niyang sinasabi na busy siya ngunit binibigyan importansya naman niya ako. Ngayon na wala na akong halos balita sa kanya, naisip ko na baka nga infatuation ang nararamdaman ko sa kanya at pabigla-bigla lang ako sa aking mga sinasabi. Ngunit nangako ako sa kanya na sa pagdating ng panahon na makatapos at makahanap ako ng trabaho, siya ang unang pupuntahan ko sa Iloilo. -Aaron M.
count, jueteng payola at iba pang laganap na katiwalian mula 1998 hanggang 2001. At siyempre, kakalimutan na rin natin na ang lahat ng mga nabanggit ay bahagi na rin ng mga naunang pangako ni Erap noong 1998 na nabaon lamang sa limot. Sa darating na eleksyon, kung sakaling may mga hindi matanggap na ang isang pinatalsik na pangulo ay maaari pang tanggaping muli, ang mga tagapagtanggol ni Erap ay posibleng sumagot nang ganito: dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat napatalsik na ang pangulo natin, ngunit muling nagbalik; nakulong ngunit muling nahalal.”
Happy birthday to Nanay Benjie on March 26, 2010 God bless! Greetings coming from Church of Jesus Christ Family
10
MARSO 21 - 27, 2010
“AKALA ko sa mga pelikula at komiks lang makikita ang kakaibang mukha ng kahirapan, pero nang personal ko itong masaksihan, di ako makapaniwala na laganap pa rin ang kahirapan sa sinilangan kong bayan ng Tanza.” Ito ang pahayag ni Dory Bocalan Bacolod, tubong Capipisa, taal na taga-Tanza, Cavite nang minsang magawi sya sa isang mahirap na barangay ng Tanza. Ang tinutukoy nyang nakakalunos na tagpo ng kahirapan ay ang mga tao; bata, matanda, babae o lalake... may dalang galon ng tubig...pasan-pasan, buhat-buhat, sunong-sunong habang binabagtas ang matarik, madulas at delikadong gawi ng ilog upang kumuha ng tubig na inumin. Nang kunsultahin ni Bacolod ang mga nag-iigib, iisa ang bukambibig ng mga ito. Binigo sila ng mga inasahan at sinandalang lider na sa kanilang akala ay kanilang makakatulong sa pag-ahon sa hirap. Nang araw ding iyon, walang anu-ano, pinagawan ni Dory Bocalan Bacolod ang mga kababayan ng isang poso na maaring makuhanan ng malinis na inuming tubig. HINDI TALAGA LUMISAN Sa loob ng halos 25 taong pamamalagi ni Bacolod sa Europa, partikular sa Norway, hindi nakalimot si Dory (ang tawag sa kanya ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak) na balik-balikan ang kanyang bayan. “Siguro sa loob ng isang taon, mga 16 na beses ako bumabalik sa Pilipinas. Kasi, may edad na kasi ang mga magulang ko, madalas na maglambing na regular ko silang bisitahin. Mahigit isang beses sa isang buwan, nagagawi ako sa Tanza.” ang kanyang paliwanag. At sa kanyang paglilibot sa mga pamayanan para kumustahin ang mga kakilala, kamag-anak at kaibigan, mas lamang ang malungkot na balita kesa sa maganda. Isa na nga dito ay sa gitna ng kwentuhan ng kaibigan, may lumapit na humihingi ng tulong. Isang kababayan nya na may kamag-anak na bagong panganak na h i n d i makalabas ng hospital dahil may balanse pang halos tatlong libong piso. “O, di ba’t libre naman ang bayad sa doktor?” tanong ng kanyang kaibigan sa kamag-anak. “Oo nga po, pero may bayad naman po ang gamot at iba pang laboratory.” Hindi na nagdalawang isip si Bacolod. Nagpasama sya sa kaibigan at kamag-anak ng pasyente sa ospital. Binayaran nya ang gastusin ng ospital. Maluwalhating nakauwi ang pasyente kasama ang bagong silang na sanggol. “Ay naku, ‘yan ang problema ko dyan kay Dory, halos hindi tumatanggi sa mga taong lumalapit sa kanya. Ilang taon na akala mo, tuwing uuwi, parang Santa Claus na namumudmod ng kung anu-ano sa kung sinu-sino. Para ring si Orly Mercado ng Kapwa Ko, Mahal Ko at Rosa Rosal ng Red Cross... daingan ng bayan. At ang nakapagtataka, kahit hindi taga-
Tanza, lumalapit sa kanya. May taga-Cavite City, Naic, Noveleta, Rosario... minsan nga hanggang taga-Kawit.” Kwento ng kaibigan ni Bacolod. Isa sa mga tauhan nya sa kanyang maliit na resort sa Capipisa, Tanza ang nagsabi na minsang walang pera si Dory, nasa isang sulok ito. Hihikbihikbi. Nagtaka sya kung bakit. Alam naman kasi ng mga tauhan ni Bacolod na sapat ang dumarating na pension mula sa gobyerno ng Norway (sa tagal na pagtatrabaho ni Bacolod sa nasabing bansa) sa pang-araw-araw na gastusin. Hindi na raw ito mauubos kung sa kanyang sariling gastos lang. ‘Yun naman pala, may ilang malalapit na kaibigan si Bacolod na humihingi ng tulong. Lehitimo ang pangangailangan. Nagkataong walang pera si Bacolod dahil nagamit nya na ito sa ilang proyekto sa mga kababayan. Naiyak si Dory Bocalan Bacolod dahil wala syang maibigay na tulong. Ang ginawa nito, umutang ng pera sa ama, at siyang ipinambigay na tulong sa nangangailangan. “Ay naku, Dory... daig mo pa ang mayor nyan.” Ang wika ng kanyang ama. MULA TANZA HANGGANG NORWAY Bata pa si Dory ay pinalaki sya ng mga magulang na matutong makidama sa pangangailangan ng iba. Kaya’t kahit literal syang namuhay sa karangyaan, kayamanan at kapangyarihan... mas pinili pa nyang makihalubilo sa karaniwang tao. Tinatakasan pa nga niya kung minsan ang kanyang mga body guard para lang maglakwatsa sa kung saan-saan sa piling mga kaibigan at kababayan mula sa karaniwang buhay. May mga pagkakataon pa nga na gumagawa sya ng kapilyahan o kwento sa ama para mabigyan ng pera nang sa gayon, maibigay nya ito sa kanyang mga kababayang alam nyang lehitimo ang pangangailangan. Nagpunta si Dory sa Norway upang doon magtrabaho. Hindi dahil kailangan nya ng malaking sweldo. Kundi para matuto sa buhay. Alam nya na kung sa Cavite sya maninirahan, malamang na todo-pasa sya sa mga magulang. Doon nga sa Norway, natutunan nya ang iba’t ibang aral ng buhay. Mula sa pakikisama at pagsunod sa batas (mahigpit ang bansang ito sa pagpapatupad ng batas) hanggang sa paglilingkod sa karaniwang tao at bansa. Ito ay nang magtrabaho si Bocalan sa ospital sa loob ng mahabang panahon. Umangat sa propesyon dahil sa kwalipikasyon at dedikasyon hindi dahil sya si Dory Bocalan Bacolod. Naipasa nya ang iba’t ibang eksaminasyon na ibinibigay ng gobyerno. Pinag-aralan nya ang wika ng bansang pinagtatrabahuhan. Hanggang sa hirangin syang kauna-unahang dayuhan na naging jury (tumatayong huwes sa kaso kasama ng iba pa) sa bansang Norway. Walong taon nya itong ginampanan bilang paglilingkod-bayan. MULA NORWAY HANGGANG TANZA Sa kanyang matagal na pamamalagi sa nasabing bansa, nagkaroon sya ng maraming kaibigang kilalang tao at politiko. Ilan nga sa mga ito ay nakadalaw na sa Tanza. Nakita ng mga kaibigan ni Bacolod ang kalagayan ng kanyang mga mamamayan sa Tanza. Nagplano ang mga ito kung paano makakatulong. At sa pamamagitan ni Dory, magbibigay ang mga ito ng teknolohiya at medisina para maibsan ang kahirapan ng mga kababayan. Nakita ng mga taga-Norway ang potensyal na mapaunlad ang Tanza. Kailangan nga lang ay ang matinding dedikasyon, tapat na liderato at may agresibong bisyon sa bayan. SUNDAN SA P.12
MARSO 21 - 27, 2010
Ang mga mangingisda ng Aplayang Munti ng Cavite City.
HIRAP na sa pangingisda, hirap pa rin sa iba pang aspeto ng buhay ang nararanasan ng mga taga-Aplayang Munti ng Cavite City. Isa na nga rito ang usapin ng kalusugan, alternatibong mapagkakakitaan, kabuhayan, pagpaplanong pampamilya at seguridad. Unti-unti naman itong tinutugunan ng lokal na pamahalaan. Ngunit ano pa nga ba na kinagisnan ng karami- nasa kanilang mga silong ang magagawa kundi han mula sa dati rati’y ay galing sa kanila o padpagkasyahin kung ano saganang dalampasigan pad mula sa mga karatig ang mayroon at sikaping at karagatan. bayan o lalawigan. mahagilap ang wala Kumapal ang tao. Du- Buhay at Bahay Aplaya nang sa gayon ay mapag- mami ang bahay. BumaNgunit ang isa sa piabot-abot ang pangan- ha ng basura. Hindi mala- nakamalaki at klasikong gailangan. Ito ang buhay man kung ang basurang problema ng mga mangingisda ng nasabing lugar ay ang katiyakan sa paninirahan. Bagamat ilang dekada nang binabagaSa mga NGO, Civic Organization at bag ang mga tagaroon iba pang organisasyon na ibig hinggil sa umuugong na bulungan ng banta ng maglingkod sa bayan sa demolisyon, tila multo pamamagitan ng pagsali sa itong laging dumadalaw sa balibat na isipan ng DIYARYO PATROL na magsisilbing mga mangingisda. mata, tenga at tinig ng bayan “Totoong kinalakihan ko na ang bali-balitang mangyaring makipag-ugnayan kay made-demolis ang lugar dating Kapitan Roberto ‘Obet’ na ito. Tinawanan lang ng iba.Pero may ilan pa ring Catalan sa numero 504-0872 hindi mapanatag. Lalo na /0932-5567612 ngayon, parang habang
PAN A WAGAN
TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501
tumatagal at nakikita yung tambak sa Kawit at Bacoor, parang totoo na demolisyon.” Wika ng isang taga-Aplayang Munti na inuban na ang buhok sa pamamalagi sa nasabing pamayanan ng mga mangingisda. Sa wika ng mga nakatira sa nasabing lugar, handa naman silang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahalaan kung talagang kakailanganin ang kanilang aplaya para sa mas ikakaunlad ng Cavite City. Basta’t may malinaw na relokasyon. Mapagkakakitaan at hanapbuhay na marangal. At higit sa lahat, kung aalisin ang isa, dapat alisin ang lahat. Walang palakasan. Wa-
lang padri-padrino. Iba’t ibang samahan ng mga mangingisda ang nabuo sa Aplayang Munti dahil na rin sa uri ng pangingisda at interes sa buhay. At ang bawat samahan, may posibilidad na may ilang interes na isinusulong na posibleng taliwas sa isinusulong ng iba pang samahan. Ito ang kadalasang pinagmumulan ng iringan at pagkakahati-hati. Ngunit sa palagay naman ng iba, may iisang interes na nagbubuklod sa lahat ng mga samahan. Ito ay ang pangalagaan ang kanilang mga sariling sakop at hanay mula sa mga illegal na mangingisda mula sa ibang bayan o lugar. Pagdating sa isyu ng mga illegal na mangingisda na pumapasok nang sadya o di sadya sa baybayin ng Cavite City, katuwang ng mga taga-Aplaya ang halos lahat ng mga samahang mandaragat sa Lunsod. Lahat ng mga mangingisda at nakatira sa Aplayang Munti ay nagkukusang bantayan ang kanilang karagatan at baybayin laban sa mga mapang-abusong illegal fishing.
11
Himala ng Buhay sa Munting Aplaya Isa sa ipinagpapasalamat ng mga tagaAplayang Munti ay ang kakaibang hubog ng kanilang dalampasigan at lokasyon dahil nakaranas na di umano ang mga tagarito ng malalakas na bagyo at sigwa ngunit kung ihahambing sa iba pang lugar na tabing dagat sa cavite City, higit silang panatag at ligtas. Hindi gaanong nasasalanta. Nakakaraos at naidaraos pa rin ang buhay. Masaya nilang pinagsasaluhan ang dapit-hapon sa pamamagitan ng kwentukwentuhan at umpuk-umpukan matapos ang mabigat na pakikipagbuno sa alon, hangin, sagwan, kawil at lambat. Karamay ang pangat o paksiw, inihaw o piniritong isdang huli, palalanguyin sa sabaw ang kaning lamig, katuwang ang kape o ilang tagay ng agua de pataranta... pasasaan ba’t bago tuluyang lumatag ang dilim... may naiipon nang lakas ng katawan at loob para harapin ang bagong umaga sa kinagisnang aplaya.
Si Tatay Val na isa sa mga lider ng mangingisda.
DORY
.10 P.10 B A C O L O D . . . MULA SA P
MEDISINA AT ENERHIYA “Nandoon ako mismo nang sabihin ng mga Norwegian na kaibigan ni Ma’am Bacolod na handa ang
mga itong magkaloob ng ospital sa bayan ng Tanza. Isang state-of-the art na ospital. Ang mga gamit at gamot ay manggagaling sa Norway at sa European Union. At nang
magawi sa resort ang mga Norwegian at napreskohan sa hangin, sabi ng mga ito, magkakaloob din sila ng wind turbine. Ito ang makinang lilikha ng enerhiya mula sa hangin. Libre ang hangin. Hindi pa makapaminsala sa kapaligiran. Kapag nangyari ito, libre na sa kuryente ang lahat ng pampublikong eskwelahan at ospital ang buong bayan ng Tanza. Kasama pa ang mga pailaw sa poste’t lansangan.” Ang sabik na pagkukuwento ng isang tauhan ni Bacolod sa resort. Ilang mga lider mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang nanliligaw kay Bacolod upang makuha ang tulong na ospital at wind turbine mula Nor-
way. Ngunit nireserba na ito ni Dory para sa kanyang bayang sinilangan at kinalakihan. TADHANA ANG NAGTULAK, TAONG BAYAN ANG NAGALAK Hindi maitatanggi ng mga taga-Tanza kung paano nakatulong sa kanilang buhay si Dory Bocalan Bacolod. Noon pa man, bukas palad ito sa lahat ng nangangailangan. Kahit na minsan, alam ni Bacolod na may halong pagsasamantala na ang layunin ng iba. “Kunsensya na nila yun. Diyos na ang bahala sa kanila. At least, sa parte ni Dory, malinis ang kanyang hangarin sa pagtulong. ‘Yan ang sakit ni Dory, hindi makatulog kapag alam nyang may
Pama yanang Maliksi amay (Pamayanan ng mga Makabagong Kabitenyong Rebolusyonaryo) WALA yatang pamilyang Caviteño ang hindi naghangad na magkaroon ng sariling bahay. Isang disenteng bahay na ang bawat kasapi ng pamilya ay panatag ang loob at may payapang isip dahil hindi lang may bubong sa ulunan laban sa init o lamig ng panahon, may dingding na panangga sa hangin at sahig na hindi nagpuputik o nag-aalikabok sa bawat pagkakataon. Kundi nabibilang sya sa isang natatanging pamayanan. Pamayanang namumuhay sa iisang layunin at adhikain. Mamuhay ng marangal,maunlad at payapa. Pamayanang sinisimbolo ng mga Makabagong Kabitenyo. Pamayanang Kabitenyong Rebolusyonaryo. Ito ang Pamayanang Maliksi. Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gob. Ireneo “Ayong” Maliksi at katuwang na si Vice-Gov. Dencito “Osboy” Campaña sampu ng mga kasamahan sa Kapitolyo na mabigyan ng pagkakataon ang mga Caviteño na magkaroon ng sariling bahay sa abot-kayang halaga.
Ang Pamayanang Maliksi ay matatagpuan sa Pasong Kawayan II ng Gen. Trias na may 53 ektarya na pag-aari ng Lalawigan ng Cavite. Malapit lang ang nasabing pabahay sa sentro ng kalakalan, eskwelahan, ospital, pagawaan, pamilihan, simbahan at iba pang institusyong mahalaga sa buhay ng mga Caviteño. May malawak at sementadong daan para sa mamamayan at sasakyan. Sapat na daloy ng tubig para sa buong komunidad. May kuryenteng dadaloy sa bawat kabahayan. At sa kalaunan, makikita ang pagtatayo ng mga commercial areas, health center, religious center, village center, parke at palaruan. Nakatalaga ang Munisipyo ng Gen. Trias upang kolektahin ang basura. Samantalang sinasagot naman ng Lalawigan ng Cavite ang right of way, alternative access road at livelihood training para sa mga maninirahan sa Pamayanang Maliksi. Kung tutuusin, ganap na itong pamayanan dahil gawa na ang mga daan, kanal, linya ng kuryente, clubhouse at mapapansin na rin ang agarang pagtatayo ng mga poste ng Meralco. 1002 units ng mga bahay na duplex type
ang gawa na at pwede nang lipatan sa Phase 5 at ang karamihan ay patapos na rin sa Phase 4 at 2. Sa huling tala ng pamahalang Panlalawigan ng Cavite (Marso 15, 2010), may 1615 na yunit na ng mga bahay ang
naibenta at 921 na ang nakalipat. May 694 naman ang nakatakdang lumipat. Ang isang Duplex (sa Phase 5 at 4) ay nagkakahalaga lamang ng P300,000 na maaring hulugan ng P2,150.00 sa loob ng 25 taon na may
mga taong dapat sana’y natulungan nya pero hindi na natugunan.” pabirong wika ng isang malapit na kamag-anak. “Nagretiro ako sa trabaho. At permanente nang mamalagi dito sa Tanza. Kung tutuusin, dapat panatag na ako. May ipon. May ari-arian. May mamanahing hindi birong halaga mula sa mga magulang. Sobra-sobra ang pension ko. Ano pa ba ang hahanapin ko? Siguro ang kapanatagan ng puso at isip. Hindi ako mapapalagay at matatahimik... lalo na’t alam kong may magagawa ako. Sabi ng mga malalapit kong kaibigan at tagapayo, mas marami raw akong magagawa kung maglilingkod ako sa bayan sa
pamamagitan ng paggamit ng tamang kapangyarihan ng pamahalaan. Nang tanggapin ko ang hamon ng tadhana, ngiti at yakap ang sinalubong sa akin ng mga mamamayan ng Tanza.” Ang wika ni Dory Bocalan Bacolod. Ngayong sumabak na sya sa mundo ng politika at tumatakbong Vice-Mayor ng Tanza, ang bawat araw ay pananabik kung paano ibabalik sa mamamayan ang ginhawa. Sa ganitong paraan lang mapapanatag ang kanyang kalooban at mahimbing na makakatulog kapag wagas at tapat ang ipagkakaloob nyang paglilingkod.
sukat ng lupa na 48 sqm samantalang ang Single Attach (sa Phase 2) na may sukat na 64 sqm ang lupa, nagkakahalaga lamang ito ng P407,00 bawat yunit na huhulugan sa loob ng 25 taon sa halagang P2,850. May mga commercial lot din na ibenebenta. May Loan Counselling na isinasagawa tuwing Linggo (9:00nu-12:00 n.t.) sa New Session Hall, Le-
gislative Building, sa Kapitolyo ng Cavite, sa Trece Martirez City. At may Site Tripping din tuwing Linggo rin (9:00nu12:00 n.t.) na ang Kapitolyo ang siyang magiging lugar ng tagpuan. Para sa katanungan at karagdagang impormasyon, maaring tawagan ang mga sumusunod na linya: (046) 4192689/2390 at 09291173489.