responde cavite 30

Page 1


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010 2 Bago namatay...

NI ANDY ANDRES

SUSPEK IKINANTA NG BIKTIMA CAVITE CITY – Isang lalaki ang arestado matapos na magtangkang magpakamatay kasama ang iba pang katao sa nasabing lungsod kamakailan. Kinilala ang saralin sa pangalang Joseph Ranit Fuertes, dating sales underwriter ng Philam Life Insurance. Ayon sa impormasyon na nakalap ng Responde Cavite sa tulong ng pulisya ng lungsod ng Cavite, isang tawag ang natanggap sa istasyon ng pulis sa nasabing lungsod na nagrereklamo sa salarin patungkol sa pananakot

nito sa mga residente ng Barangay 53 Coquico St. San Antonio, Cavite City habang may daladalang granada at bolo. Kaagad nagpadala ng pulisya si Police Superintendent Simnar S. Gran, hepe ng pulisya ng Cavite City, sa nasabing lugar upang tiyakin at rumesponde sa natanggap na tawag. Pagdating sa lugar na pinangyarihan ay

nakipag negosasyon ang pulisya na sumuko ng mapayapa si Fuertes sa pangunguna ni PO2 George Lapidario. Ngunit sa halip na sumuko at ibigay ang hawak na granada at bolo ay nagwika pa ang suspek na, “sama-sama na tayo sa impyerno!” sabay aktong hihilahin ang pin ng granada, ngunit bago pa man tuluyang matanggal ang

pin ay napigilan ito ni PSI Jigger Noceda at sinunggaban na ni PO2 Lapidario ang suspek upang makuha ang granada at bolo. Nagtulong naman si SPO1 Florentino Malinao at PO1 Cesar Datu sa paggapos sa suspek. Ayon pa sa ulat halos matanggal na ang pin ng granada na kung hindi naagapan ay maaring nagsanhi ng pagkamatay hindi lang ng buhay ng suspek at ng mga puliya ngunit maging ng mga taong nakapaligid sa lugar na nakiki-usyuso sa nangyayari. Sa kasalukuyan ay

nasa kustodya na ng istasyon ng pulis si Fuertes habang inihahanda na ang karampatang kaso sa suspek. Suspek, pinangalanan ng namatay nitong biktima! Tanza, Cavite – isang biktima ng pananaksak ang nakapag bigay pa ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng salarin bago ito tuluyang nawalan ng buhay. Kinilala ang biktima na si Joseph Cimafranca, 29, nagtamo ng tatlong saksak sa likod, residente ng Barangay Sahud Ulan ng nasabing bayan. Ayon sa impormasyon ni Primitivo Tabujara, police director ng Cavite, naganap ang pag-atake sa loob mismo ng bahay ng biktima ng bandang 6:45 ng gabi nitong nakaraang Linggo.

Daan-daang pamilya nawalan ng tahanan! DASMARIÑAS CITY – Isa ang sugatan at daandaan ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa nasabing lungsod kamakailan.Ang sunog ay nagmula sa isang lumang building compound, dating pagmamay-ari ng Interfashion Garments Inc., nitong nakaraang Huwebes ng gabi.Sugatan si Fire Officer Elpedio Urbano na nagtamo ng firstdegree burn matapos aksidenteng mailublob ang paa sa tubigan na nainitan dahil sa sunog.Ayon naman sa ulat ni Rodolfo Golo, na siyang nagiimbestiga ng insidente, tinatayang 390 na pamilya ang nawalan ng tahanan,

Announcement The Kawit Comelec Office has been transferred to the new Kawit Municipality Building located at Centennial Road, Kawit , Cavite

ngunit ayon sa panayam ng ibang residente sa ilang pahayagan ay nasa 600 na pamilya ang naapektuhan ng sunog. Pinagsusupetsyahan din ng ilang residente na ang naganap na sunog ay sinadya upang sapilitan silang paalisin sa lugar.

Kandidato ng Imus, arestado! IMUS, CAVITE – Inaresto ang isang kandidato na tumatakbo bilang board member sa nasabing bayan dahil sa kasong homicide kamakailan. Ayon sa impormasyon ng pulisya, ang nasabing kandidato ay

Ayon pa sa imbestigasyon, agad na tumakas ang biktima matapos ang pananaksak, ngunit nakuha pang gumapang palabas ng bahay ang biktima at nakasakay pa sa tricycle ni Charlie Falla, upang magpahatid sa ospital. Nabanggit pa ng biktima kay Falla ang pangalan ng suspek na si Roger Caspe. Sa kasamaang palad ay agad na nawalan ng buhay ang biktima pagkadating sa ospital. Napag-alaman din ng pulisya na ang pangyayari ay nag-ugat sa pagnanakaw diumano ng biktima ng Cellphone ni Caspe, Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng pulisya ang suspek upang masampahan ng karampatang kaso at parusa. Sinasabing nang magsara ang Interfashion Garments Inc. noong 1990 ay nagtayo ng kanya-kanyang bahay ang mga trabahador nito na nawalan ng trabaho sa loob ng compound. Base sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire, ang sunog ay nagsimula dakong 5:25 ng hapon at tuluyang naapula matapos ang halos apat na oras. JUN ISIDRO si Lucio Minaldo na inaresto nitong nakaraang Linggo ng umaga sa mismong tahanan ng nabanggit na kandidato sa Barangay Pasong Buaya. Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Petronilo Sulla ng Imus trial court dahil di umano sa pagkakasaksak ng kandidato kay Arnel Remullo noong taong 2003. EWELL PEÑALBA


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

3

Lunsod ng Cavite, niyanig ng magnitude 3 na lindol CAVITE CITY – Niyanig kahapon ala-1:20 ng tanghali ng isang magnitude 3 na lindol ang mga lugar sa Cavite City. Sa tala ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lokasyon ng lindol ay may layo na 73 kilometro, kanluran ng Lubang Island. Ayon sa Director ng PHIVOLCS na si Renato Solidum, inaasahan na nila ang aftershocks na magaganap pagkatapos ng lindol. Ang lindol ay tinatawag na tectonic na

kung saan ay naggigitgitan ang parte ng South China at kanlurang bahagi ng Luzon at umaangat ang mga bato sa ilalim ng lupa. “Kumpara sa lindol

na naganap kamakailan sa Chile ang lindol na naganap sa atin sa Pilipinas ay lubhang mahina kung ikukumpara sa Chile. Higit na malakas ng

NI WILLY GENERAGA tatlong beses ang lindol na nangyari sa Chile kaysa dito sa atin.” Hindi naman napakadelikado ang nangyari sa atin. Ang mga aftershocks ay kalimitan na mahihina lamang ngunit hindi

natin inaalis ang posibilidad na maaari na ito ay mas malakas pa doon sa nauna. Ang naitalang malakas ng lindol ay nangyari 2 taon na ang nakakalipas. Ang lindol na ating nararanasan ay

Noynoy, sinabayan maglakad ng mga tagaCavite IMUS, CAVITE - Sinabayan ng mga kabitenyo si Liberal Party Standard Bearer Sen. Noynoy Aquino nang maglakad ito sa farm ni Cavite Gov. Erineo “Ayong” Maliksi patungo sa Imus Plaza. Isa ito sa patunay na madaming Kabitenyo ang sumusuporta kay Aquino. Isa ang Lunsod ng Cavite na may malaking bilang ng mga sumuporta sa kanyang ina noong 1986 Presidential Election. Batay sa mga nakaraang resulta ng survey lumalabas na ang tandem ni Aquino at Roxas ang nangunguna sa lahat ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente. SHIELA SALUD

hindi kayang gumawa ng malakas na tsunami para tayo ay mangamba.Wala namang malaking pinsala ang naitala sa mga kabahayan at mga imprastraktura ng nasabing lindol.

WESLEY SO

GM Wesley So, pang 64 sa buong mundo BACOOR, CAVITENagkamit ng 9.3 na puntos si Grandmaster Wesley So noong Marso, 2010 upang tanghalin na ika-64 sa RP-FIDE rating. Ito ay ang pinakamataas na ranking na naabot ng isang Pilipino sa International Chess Federation. Siya ay pangalawa na sa buong mundo sa U-18 (mga aktibong manlalaro) kategorya at una sa Asya. Pagkatapos na manalo sa katatapos na Aeroflot Open, tumanggap siya ng

mga malalaking parangal mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa katatapos na Annual Awards Night na ginanap sa Centennial Hall sa Manila Hotel. “Panigurado magkakaroon siya ng magandang tyansa para magkaroon ng break sa buong mundo, dahil marami kaming International tournaments na nakalinya para sa kanya.” Ani National Chess Federation of the Philippines Presiden Propero “Butch” Pichay Jr. SHIELA SALUD

PAN A WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan RESPONDE CAVITE sa numero 527-0092


4

MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

ANG LIDER NA DI TALAGA NAKATIRA SA SARILI NYANG BAYAN, WALANG KARAPATAN NA MAGLINGKOD SA SAMBAYANAN A matter cannot occupy two spaces at the same time (Ang isang bagay ay hindi maaring sumaklaw ng dalawang espasyo sa iisang pagkakataon). —Basic Physics Tingin ko, karamihan sa mga politiko, hindi naging masaya ang kailang buhay-bata kung kayat ngayon lang sila nahihilig sa paglalaro. At ang peborit nilang laro... dyandyararan... TAGUAN-PUNG! Pero dahil politiko sila, ang mga kandidato ang laging bida. Mamamayan ang laging taya. Hanapin sila. Pag natagpuan, pipila ng pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal at ang karaniwang isasagot ni mister politiko ay... “sige po, titignan ko po ang magagawa ko (o, ayan, nakita mo na ako, pasalamat ka’t nakaharap pa kita, kung hindi ko lang kailangan ng boto mo, hindi kita haharapin, huh! sa susunod na balik mo, tignan ko pa kung makausap mo pa ako.), pero tinitiyak ko po sa inyo, kapag nahalal po ako (uli), isa po sa uunahin ko ay ang problema nyo (kaya dapat kitang paasahin na ako nga ang kasagutan sa mga problema mo, at kapag nanalo ako, pila ka na lang uli). Mabuti pa nga ang halimbawa sa itaas ay nakikita pa ng tayang mamamayan ang bidang politiko o kandidato. Samantalang may ilan talaga na matapos makipaglaro ng TAGUAN-PUNG, taya si mamamayan at ang bida, hindi nagpakita. Talagang hindi makikita, kasi hindi naman sa Cavite nakatira. Doon sa mga village at subdibisyon ng mga mayayaman sa Ayala Alabang, Dasmariñas Village. Hindi nila naririnig ang daing at tinig ng mga mailiit dahil napapaligiran sila ng matatas na bakod, de sekyu ang gate at hindi pwedeng pumasok ang mambabalot, sorbetero at mambobote. Ang naririnig lagi nilang paksa ng pag-uusap ay kung paano lalong yumaman, maging makapangyarihan at maghari sa mga maliliit. SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

wilfedo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

MULA sa scandal ng mga maling data at mga nagrereklamong Climate Scientist, sunod-sunod ang mga ginawang retraction at paghingi ng paumanhin ng Intergovernmental Panel on Climate Change at UN Climate Change Body. Ang ilan sa mga inihingi ng paumanhin ay ang maling pagtataya sa itataas ng tubig dagat at ang pagkatunaw ng glaciers sa Himalaya. Hinayaan ding tuluyan nang alisin ang pangalan ng maraming scientist na matagal nang humihiling na huwag ibilang ang kanilang pangalan bilang contributor sa ulat ng IPCC noong 2007. Ang mga scientist na ito ay naniniwalang hindi tumpak ang pagsipi sa kanilang ulat, inilihis sa kanilang tunay na pagaaral, at hindi naniniwala sa kabuuang pagtataya at pagpapalagay ng IPCC. Marami pang mga bahagi ng ulat ang napasama sa tinaguriang the ClimateGate Scandal ang hindi na inihingi ng paumanhin ng panel. Ganun pa man ay nagkalat na sa world wide web ang mga datos nito at hindi na

mapasubalian. Naninindigan naman ang Panel na minorya lamang ang mga error at hindi nito naapektuhan ang conclusion ng ulat sa kabuuan. Ang kontrobersyal na tagapamuno ng panel na si Rajendra Pachauri sa kasalukuyan ay nahaharap sa matinding panawagan ng pagbibitiw dahil na rin sa kapalpakan at iskandalo. Himuhina ang popularidad ng Global Warming ayon sa mga nakaraang survey ng Yale University, George Mason University at Pew Research Center for the People and the Press (Responde Cavite isyu #pakipasok ang isyu number#). Tinawag naman ng pahayagang Telegraph. co.uk ang ulat bilang “the worst scientific scandal of our generation” Ganun pa man patuloy na dumarami

ang pag-aaral sa Climate Change ngunit ang kalimitang mga pag-aaral ay upang ituwid ang mga pagkakamali o pabulaanan ang mga sapantaha ng IPCC. Ayon sa dokumentaryong pinamagatang The Great Global Warmingswindle (pelikulang tila pangontra sa popular na An Inconvenient truth ni Al Gore), Totoong may Climate Change, laging nagbabago ang klima, ngunit hindi ito “man made”. Nagbabago ang panahon pagkat ganito talaga ang daigdig. Hindi tao ang makapagbabago nito at napakaliit ang kinalaman ng CO2 sa klima. Ayon kay Prof Tim Bal ng Department of Climatology ng University ng Winnipeg, ang co2 ay nakakaambag lamang ng 0.054% sa kabuuan ng mga gases sa atmosphere.

Kung ihihiwalay pa mula rito ang CO2 na ambag ng tao ay lubhang mas maliit. Sinasabi ng ulat ni Al Gore, na mula sa data ng ice core survey, “malinaw na korelasyon” ng co2 at temperatura. “Na kapag may roong higit na carbon dioxcide, ang temperature ay lalong iinit”. Ang hindi nasabi ay... na ang ugnayan nito ay pabaligtad. Ang marapat sana ay “kapag tumataas ang temperature... magbubunga ito ng pagtaas ng co2.” Ang co2 ay produkto lamang ng warming... Kung ang co2 ay umangat sa atmostphere bilang greenhouse gas ay tataas din ang temperature... subalit eksaktong kabaligtaran nito ang sinasabi ng ice core records.. kung kaya’t ang fundamental na assumption... ang pinaka pangunahing pagpapalagay... ng buong teorya... na ang climate change ay dahil sa kagagawan ng tao ay mali. MAY KARUGTONG


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

KATUPARAN NG ISANG PANGARAP

NOONG January 21, 2002 ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang Resolution No. 032S-2002 na nagpapahintulot sa Gobernador na magtayo ng Cavite Geriatric Center para sa mga Senior Citizens na kung saan ay magkaroon sila ng mataas na kalidad at halos libreng pagkalinga sa kanilang kalusugan. Bilang pagtugon, ginawa naman ni Gob. Ayong Maliksi noong September 5, 2002 ang Executive Order No. 20 na nagbuo ng Cavite Geriatric Center bilang Special Office sa ilalim ng Provincial Department of Social Welfare And Development at nagtalaga ng Three Million (P3,000,000) Pesos para sa pagbili ng lupang pagtatayuan at pagpapaayos nito. Kasunod ang isa pang Task Force na magpapadali ng pagtatayo ng Center pagkatapos makabili ng kapirasong lupa. Ang Task Force ay kinabibilangan ni Gob. Maliksi bilang Chairman at ng Board Member Lumin Silao bilang Vicechairman. Kasapi rin sila

SUNDOT LAPIROT Mula sa pahina 4 Pupunta lang sa Cavite para manghingi ng boto, para mang-uto ng tao at mangako ng langit at lupa, kapalit ng pagbebenta ng kaluluwa sa impyerno. Anong uring ina o ama kaya ang may sarili namang pamamahay pero sa ibang bahay mututulog? Kapag nagkaproblema sa bahay at saka palang makakauwi? IIwan ang mga anak na sisinghasinghap sa dilim? Silang mga mahirap lapitan, silang mga mahirap makausap, silang mahirap mahagilap, silang kung makita sa Cavite ay sindalang ng patak ng ulan sa buwan ng Marso... silang hindi naman talaga sa cavite namamalagi at nakatira... may karapatan kaya silang pamahalaan ang ating bayan?

Atty. Renato Ignacio, Raffy Gamad ng DSWD, Treasurer Salome Landas, Assessor Lamberto Parra at Engr. Leopoldo Contemprato. Pagkatapos magawa ng Task Force ang iniatas na trabaho at makapili ng lupa sa Tambo Ilaya, Indang pamuling nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang Resolution an akda ni BM Silao na nagpapahintulot kay Gob. Maliksi na makipagsundo sa bilihan ng lupa (Contract of Deed of Absolute Sale) na pag-aari ni Artemio C. Nuestro. Madali namang naganap ang bilihan at pagsasalin ng pagmaymay-ari ng lupa sa tulong ng Municipal at Provincial Assessor. Pagkatapos ng halos siyam na taon at paggastos ng hindi kukulangin na siyam na milyon at hindi lalampas sa sampung milyong piso, natayo na ang Cavite Geriatric Center na maaring pasiyaan sa nalalapit an Kaarawan ng mabunying Senior Citizen ng Cavite ang kagalang-galang Gob. Ayong S. Maliksi. May naiiba bang katangian ang Center sa karaniwang bahay-

matanda ng mga relihiyosong organisasyon? Ang konsepto ng Center ay hindi lamang ordinaryong pagamutan, kaya lamang ang binibigyan ng serbisyong pangkalusugan ay ang ilan sa mga nakakatandang doon ay pansamantalang maninirahan. Sa sinusunod na Schematic Plan ng gusali ay tatlong ward ang kababaihan at tatlo ding kuarto ang kalalakihan. Sa likuran ay may Laundry at Kitchen na may kasamang Staff Room. Sa bandang harapan ng kitchen ay ang may kaluwagang Dining Room . Ang harapan ay binubuo ng Male Staff Room at Female Staff Room. Sa dalawang panig ng Lobby ay mayroon ding dalawang Nurse Station kakabit ng dalawang maliit na Office na posibleng maging Clinic ng Center. Maluwag ang Living Room sa gitna at bukas na bukas ang dalawang paypay nito. Dito magaganap ang Bonding na lubhang kailangan ng mga Senior Citizens upang ang Center ay mapanatiling ‘A Home Away from Home’. Sa Living Room ay lalagyan ng mga

X-MARK “Susmaryosep” “ Sana hindi matalo ang Ginebra” Yan ang dasal at hiling ko sa Diyos. Napakasakit talaga kasi matalo ang pinakapaborito mong team sa basketbol. Para sa akin, ang resulta ng bawat laro nila ay may kinalaman sa mood ko kinabukasan. Masaya kapag panalo, malungkot naman kapag talo. Kung walang laro naman ay hinahanda ko na ang sarili ko sa next game nila. Grade 6 pa ako ng magsimula ako sa ganitong bisyo, at ngayon na dalawampung taong gulang na ako, eto wala pa rin pagbabagong naganap. Sino ba tong’ nagsasalita, bago ko pa guluhin ang buhay niyo, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako

nga pala si Mike Henry Paraiso Reyes. Espesyal ang araw na ito, bukod pa kasi na hindi umuulan, Game 7 ito ng Finals ng Ginebra at Alaska. Ngunit sa bawat sampung minuto ng aking pag-upo sa malambot naming sofa ay kabikabila naman ang pagkatok sa aming gate at nagiiwan ng kalendaryo, flyers at kung anu-ano pa na may mukha ng tao at mga agenda na nakalagay. Sa sobrang excited ko pa lang manood ng PBA ay nakalimutan ko ng eleksyon bukas. “Eeeeeeeeeeeeeee eennnnnngggkk”, nagsimula na ang laro. Imbis na nakapokus ako sa aking koponan ay sumabit pa ang pinakamagarbong eleksyon na

kasangkapang magbibigay ng kalayaan sa mga nakakantang may kiming talento sa sining— pag-awit, pagtugtog ng piano o organo, pagkalbit ng gitara o ukulele, pagpipinta, pananahi o paggagantsilyo at mga iba pa. Live Well, Live Long, ang motto ng Center. Hindi ito tahanan ng mga matatandang mahihina, may mga karamdaman, wala ng pag-asa sa buhay at naghihintay na lamang ng pagtiklop ng kanilang mga paningin. Hindi ito tulad ng Rehabilitation Center ng mga drug addicts o mga baliw na may sariling daigdig hiwalay sa gumagalaw na pamayanan. Ang gusali at ang kapaligiran nito ay isang tunay na komunidad. Ang likuran ng lote ay posibleng maging halamanan ng gulay, prutas at bulaklak na ang mga hardinero

ay ang mga nakatatandang mahilig sa pagtatanim at hindi mga lumpo o akayin na dapat ay itira sa ibang lugar. ‘Stay Young’, ang isa adhikain ng mga boarder ng Geriatric Center. Puwede pang palaruan o pasyalan ang may kaluwagan pang magkabilang bahagi ng lote. Isang hapon sa Provincial Engineering Office ang bigyan ng akmang Landscaping ang harapan at magkabilang panig ng lote. Huwag namang panay na konkreto an magpapatindi ng init at makakasama sa pakiramdam ng ating senior citizen. Puwede namang magtanim ng carabao grass upang maging kaaya-aya ang Center sa mga naninirahan dito at mga bisitang Senior Citizens mula sa iba’t ibang bayan ng Indang. Ang dapat na putulin ay ang natitira pang niyog na ang bunga ay maaring bumagsak sa mga puma-

5

pasyal na Senior Citizen. Kailangan ang tulong ng Provincial Agricultural Office sa pagsasa-ayos ng maliit na kapaligiran ng Center. Kailangan ang tulong ng Sangguniang Barangay ng Tambo Ilaya at Pulo sa simula, at ang Federation ng Senior Citizens ng Indang at Cavite sa mga darating na pantheon upang ang Geriatric Center ay maging modelo na susundan ng mga bayan at Ciudad ng Dasmariñas, Trece, Cavite, Rosario, Tagaytay at iba pang may kakayahan magbigay ng komprehensibong pangangalaga sa kalusugan ng kanilang Senior Citizens. Maraming Salamat Gobernador Erineo S. Maliksi sa pagpapamana mo ng isang Geriatric Center na bukod-tangi sa kasaysayan ng pamahalaang lokal ng Pilipinas. Mabuhay ka at ang iyong kalipi. Patnubayan ka ng Poong Maykapal sa mga sumusunod mo pang tungkulin sa bayan.

Maikling Kuwento ni Christopher Saulo III –Einstein, University of Perpetual Help System Dalta Molino III Bacoor, Cavite gaganapin bukas. Biruin niyo automated na, diyan talaga masusubukan ang cheating skills ng mga pulitiko. Tingnan natin kung paano nila i-aapply ang masteral at doctorate degree nila sa pandaraya. “Foul no. 30 Erik Menk” , sigaw ng announcer sa court. Tatlong minuto na ang nakalilipas sa laro at lamang ang kalaban ng pito. Sa sobrang gulo ng isip ko ay kumuha na ako ng papel at nilista ang mga tatakbong presidente ng bansa. Sa mga kabataan daw kasi nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Una sa aking listahan ay ang lider ng Ponkan Republic. Nagtataka lang ako kung bakit orange ang pinili niyang kulay ng

magsasagisag sa partido niya. Kung experience ang pagbabasehan, tiyak may pag-asa siya manalo. Siya lang naman kasi ang tanging mambabatas na naging Speaker of the House at Senate President. Bigatin pala to’ masyado. Ang tanging kaba ko lang ay ang mga infomercials niya sa TV. Tinatanong kasi ang mga Pilipino kung: “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?” “Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?” Okay, nakaahon siya sa kahirapan pero sa akin lang natatakot ako pag siya na ang presidente at baka mangyari sa atin lahat ng tinatanong niya. Makaligo na tayo sa dagat ng basura o kaya naman magpasko sa kalsa-

da. Ang intense masyado nun. Dahil dun naka Xmark na ang pangalan niya. Next candidate….. “Flagrant Foul Penalty 2 on Cyrus Baguio, ejected in the game.” “Aw, grabe na to” Halos madurog na ang puso ko ng marinig iyon, isang minuto bago matapos ang 1st quarter. Hanggang ngayon ay lamang pa rin ang Alaska at umakyat pa ito sa labindalawa. Nakakainis ngunit kailangan magpatuloy sa listahan. Susunod ay ang taong madilaw. Litaw na litaw ang suot niyang dilaw na sumasagisag naman sa nanay niyang dating presidente ng bansa. Wow! Mas bigatin pala to eh. SUNDAN SA P.9


6

MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

Kampanyahan sa lokal na kandidato, pinasimulan na

This is it, it’s show time! Si Erap at De Sagun sa unang pagdalaw ng dating pangulo sa Cavite nitong buwan ng Marso.

SIMULA NG SULTADA 26 ng Marso 2010- Hudyat ng opisyal na pangangampanya ng mga lokal na kandidato para sa lokal na posisyon na kinabibilangan ng Konggresista, Gobernador, Bise-Gobernador, Bokal, Mayor, ViceMayor at Konsehales na magtatapos sa ika-8 ng Mayo, 2010. Pormal nang makakapangampanya ang tatlong pinakapopular na kandidato sa pagkagobernador at bise gobernador kasama ng kani-kanilang kinabibilangang partido o ticket na sina Jonvic Remulla at Bimbo Bautista ng Nacionalista PartyMagdalo ni Manny Villar at Loren Legarda, Jun De Sagun at Gen. Roger Pureza ng Pwersa ng Masang Pilipino nina Erap Estra at Jojo Binay, gayundin sina Osboy Campaña at Recto Cantimbuhan ng Liberal Party nina

Noynoy Aquino at Mar Roxas. Matatandaan na halos tig dalawang ulit nang pumunta sina Erap, Villar at Aquino sa Cavite noong hindi pa pormal na nagbubukas ang pangangampanya sa lokal na posisyon ngunit bahagya nang nagpakita sa eksena ang kani-kanilang mga manok sa iba’t ibang lokal na posisyon. Dahil dito, muling inaasahan ng mga Caviteño ang pag-

puntang muli nina Estrada, Villar at Aquino sa Lalawigan ng Cavite upang pormal na itaas ang kamay ng mga lokal na kandidato at magsagawa ng proklamasyon. MGA PROHIBISYON Kaugnay nito ang pagbabawal mula Marso 26 hanggang Mayo 10, 2010 ang paghirang o pagtanggap ng empleyado, paglikha o pagpupuno ng mga posisyon, gayundin ang pagbibigay ng pro-

mosyon o pagtataas ng pasweldo, umento o mga priobelehiyo batay na rin sa Sec. 261 (g) ng Omnibus Election Code. Hindi na rin maaring magsagawa ng mga pagawaing bayan, maghatid ng mga materyales para sa pagawaing bayan at pagbibigay ng treasury warrants o kaugnay na mga kagamitan para sa posibleng pagganit ng pampublikong pondo sa hinaharap ayon sa Sec. 261

Si Osboy Campaña kasunod si Recto Cantimbuhan (nakaputing longsleeve).

(w). Hindi na rin maaring maglabas, mamigay o paggastos ng pondo ng

Osboy Campaña publiko (Sec. 261 (v) ayon sa Omnibus Election Code. DAPAT ABANGAN! Inaasahang magiging mainit ang Osboy Campaña

Binay, Erap, De Sagun, AAA, at Virata.

giriin ng tatlong pinakamalalaking lokal na grupong politikal sa Cavite dahil na rin sa pagkakaalyado ng mga ito sa tatlong pinakamakapangyarihan at maimpluwensyang PartidoPolitikal ng bansa. Mahigpit ang panliligaw ng mga nasyonal na kandidato sa Cavite dahil ito ang may pinakamaraming rehistradong botante sa Luzon na umaabot sa 1,664, 170. Kaya naman, maasahan at dapat abangan ang magagawang pabor ng mga nasyonal na kandidato sa mga lokal na kandidato. Gayundin, ano ang magagawa ng mga local na kandidato sa mga nasyonal na kandidato.


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010 Jonvic Remulla

Manny Villar at Gilbert Remulla

Si Manny Vilar habang nangangampanya sa mga Cavite単o nang minsang dumalaw ito sa Rosario, Cavite.

7


8

MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

Tete-A-Tete with Manong Johnny and Mayor Binay

BRGY. MAGDALO, IMUS, CAVITE - Nagdaos ng political rally ang partido ng United Opposition - Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sa Brgy. Magdalo, Imus, Cavite may ilang araw na ang lumipas at ako ay kinontak, tinawagan at naanyayahan ng matataas na staff nina Senator Juan Ponce Enrile at Mayor Jejomar Binay para makapag-cover ng kanilang political rally. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makadaupang-palad ang tiket nila mula kay dating Pangulo Joseph Ejercito-Estrada at sa lahat ng pre-

sent na kandidato nila sa pagka-Senador. Datapwat kina Enrile at Binay lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ang mga ito kahit sa sandaling oras lamang. Naitanong ko kay Senatorial Candidate Juan Ponce Enrile kung ano ang masasabi niya sa balitang hindi sila na welcome ng mga provincial leaders ng Cavite kung kaya imbes sana na sa malaking liwasang bayan katulad ng Imus Plaza dapat ginanap ang kanilang rally ay tanging sa isang covered court na lamang ng Brgy. Magdalo nila naisagawa ang rally. “Wala akong alam sa balitang hindi kami tinanggap o welcome rito sa inyong lalawigan. Dahil kung hindi kami welcome rito ay di sana ay hindi kami makakapagsagawa ng ganito kalaking rally

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magugulat ang iyong mga lihim na kaaway dahil ang kanilang kagustuhan ay di manyayari. Sa halip mag-kakabaligtad na ang gusto mo ay ang siyang magaganap. Lucky days, number at color: Monday at Tuesday, 12, 14, 22, 33, 36 at 40, Blue. TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang isang simple at matipid na ngiti ay sapat na upang biglang mabuksan ang pintuan ng iyong puso na nagsasabing muli kang magmamahal. Lucky days, number at color: Wednesday at Thursday, 5, 11, 22, 30, 32 at 44, Green. GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Lagi kang nasa una, kapag pumangalawa ka, ikaw ay malulungkot! Kikilos ang kamay ng langit at ilalagay ka sa unahan. Ito ang kahulugan ng araw iyong pagsilang. Lucky days, number at color: Wednesday at Friday, 2, 10, 23, 38, 42 at 48, Violet. CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hangga’t maari ‘wag kang kokontra sa paninindigan ng mahal mo, dahil sa ito ay babala ng mahaba at malalim na hidwaan ang maaring mauwi sa magulong love life. Lucky

dito sa inyong lalawigan. Sa katunayan kaibigan ko sina Gov. Ayong Maliksi at maging ang mga Remulla at Revilla, kaya wala akong alam sa sinasabing hindi kami tanggap dito sa Cavite,” ang wika sa akin ng Senador. Naitanong ko rin kay Manong Johnny kung ano na ang mangyayari sa imbestigasyon ng Senado

kay Nacionalista Party Presidential Candidate, Senator Manuel Manny Villar ng ito ay tuluyang naiboykot sa Senado ng mga kaalyado nito, at ito ang pahayag niya sa akin, “Alam ng taong-bayan ang tunay na pangyayari sa Senado, ginawa nating manindigan para ipaalam sa mga Pilipino ang anomalya sa C-5 ex-

NGAYONG halos mamatay-matay tayo sa init, marami ang nanalanging umulan. O kaya, magkanow sa Pinas. Tuwing Pasko lang naman natin naiisip na sana may snow sa Pinas. Syempre nga naman, gustong gusto nating mag-display ng Christmas Tree lalong lalo na yung may bahagyang snow o nyebe sa gilidgilid nito. Syempre, hindi mawawala ang snowman. Makukumpleto ba ang Pasko kung wala si Santa Claus na nakapang-snow na outfit? Lahat ng ito ay utang na loob natin sa mga Kano na nagpaniwala sa atin na mas masaya ang Pasko kapag may snow, nyebe o yelo. Pero, ngayong tinutusta tayo ng tag-init, kay

raming nanalangin na sana umulan, hindi lang ng tubig kundi snow. Kaya naman, iniisipisip ko, paano nga kaya kung may snow na sa Pinas? Anong kabutihan ang maidudulot nito? Hmmm… 1. Kung may snow na sa Pinas, siguradong lalakas ang negosyo ng ukay-ukay para sa segunda manong jacket, pranela, sweater at iba pa. 2. Kung may snow na sa Pinas, paniguradong hindi na poproblemahin ng gobyerno ang baradong estero’t kanal… frozen na kasi ang mga ito 3. Hindi na rin problema ang kakulangan sa patubig para sa mga sakahan at bukirin... puno na rin kasi ng yelo ang mga ito. 4. Pihadong hindi na rin magiging problema ang trapik at kaskaserong sasakyan. Sa dulas ng kalsada (dahil sa yelo), paniguradong wala nang maglalakas-loob na magpaharurot (kung meron man, syento por syentong sementeryo ang diretso). 5. Maiiwasan na rin

tension road pero kita naman ninyo ang ginawa nilang pagtatakip sa tunay na kaganapan. Magpapatuloy ako sa aking paglaban sa katiwalian lalo pa kung sangkot dito ang mga malalaking tao sa ating lipunan, kinakailangang managot sa batas ang sinuman sapagkat ang batas ay nararapat na maipatupad sa lahat

ng patas anuman ang katayuan sa buhay.” Nabanggit ko rin kay Senator Enrile na mataas ang kanyang rating sa mga surveys, at ito ang kanyang naging tugon, ”Ganoon ba, salamat… salamat sa sambayanang Pilipino sa tiwala at suporta nila sa akin, hindi ko sila bibiguin.” SUNDAN SA P.11

Kapag May Snow na sa Pinas

days, number at color: Wednesday at Thursday, 3, 15, 29, 31, 37 at 49, Orange. LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nakabukas at maluwang ang pintuan ng pagkakataon makaangat ka sa mapangit na kalagayan. Samantalahin at lakasan ang loob mo, ngayon ka kumilos upang umasenso. Lucky days, number at color: Monday at Saturday, 9, 18, 29, 34, 45 at 49, Yellow. VIRGO (Agosto 23-Set-yembre 23) – Aalisin ng langit ang anumang bagay na ikalulungkot ng iba dahil wala kang pera. Bibigyan kita! Malulungkot ka ba dahil wala kang mahal? Bibigyan kita. Lucky days, number at color: Wednesday at Thursday, 9, 14, 20, 37, 48 at 51, Turquoise. LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ituring mong tukso ang isang nilalang na may magandang tinig at walang tigil sa kakasalita. Ang tukso ay nakakasira ng kapalaran at ng inspirasyon naman ay nakapagpapayaman. Lucky days, number at color: Saturday at Sunday, 1, 32, 35, 40, 43 at 52, Aquamarine. SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Isang gulong ang sumisimbolo ng iyong pagkatao, di nanatili ang isang puwesto sa lovelife, ikaw rin ay ganito. Pilitin mong magmahal ng isa lang upang mapanatag na ang iyong buhay pagkatao. Lucky days, number at

ang mga kotongerong Pulis, Traffic Enforcer at High Way Patrol… wala na ang mga ito sa kalsada… abala sa pagpapainit sa kung saansaan. 6. Oo nga pala, hindi na rin magiging problema ang mga nagkalat na pusa’t asong gala… sa lamig kasi ng panahon, paniguradong magisisiksikan ang mga ito sa mga sulok-sulok at kailangan pang maghintay ng milyong taon para makaadapt ang mga ito sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapakapal ng balahibo. 7. Magiging matagumpay na rin pala nang tuluyan ang solid waste management… lahat kasi ng basura, buhusan lang ng tubig, pagkaraan ng ilang minuto, solid na basura na ang mga ito. 8. Walang lamok, langaw, ipis o iba pang insekto. Hindi dahil nagkandamatay na ang mga ito… bagkus, naka-jacket at sweater din ang mga ito. At dahil dito, hindi nila maikampay ang kanilang mga pakpak.

9. Dahil sa lamig ng panahon, ang mga tao’y laging nakakulong sa bahay. Paniguradong mababawasan ang rape, snatching, kidnapping, robbery at iba pa. kapag may yelo ang kalsada, napakadaluas nito, paniguradong mahihirapang tumakbo ang tao maging sasakyan. Paniguradong madadakip ang mga masasamang loob. 10. Hindi na rin pala problema ang pagpapalibing. Dahil sa lamig, hindi na mabubulok ang mga bangkay. Kahit apat na buwan pa ang lamayan (apat na buwan din ang tong its, sakla at pa-madyong), walang problema. Iipunin pa sa koleksyon ng tong sa pasugal ang ipagpapalibing sa bangkay. Frozen bangkay… panalo. Kita nyo na belabed riders, tama ang mga Kano na paniwalain tayo na okay talaga ang isang bansang nagyeyelo. Teka muna mga suki, giniginaw tuloy ako. Papainit muna ako ha?

color: Tuesday at Thursday, 6, 23, 25, 31, 39 at 44, Beige. SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ipaglaban mo ang karapatan mo, mali kapag sumuko ka agad. Ang taong naninindigan sa tamang mga gawain ay pinagpapala. Lucky days, number at color: Sunday at Monday, 25, 35, 40, 42, 49 at 56, Purple. CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mapapansin mo na napakagaan ng dating ng pera sa iyo ngayon. Dapat lang dahil pinaghirapan mong magpundar at liligaya ka. Ngunit sa pag ibig ay may mga suliranin sa iyong buhay. Lucky days, number at color: Friday at Saturday, 9, 20, 23, 48, 54 at 64, Fuchsia. AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ito ang araw na sobrang matutuwa ka. Kailangan pa rin na matalas ang iyong pakiramdam dahil may ilang maaring magsamantala sa iyo sa pag-aakalang libang na libang ka. Lucky days, number at color: Monday at Wednesday, 18, 30, 31, 48, 55 at 65, Black. PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kahit ano ang iyong gawin, aani ng magandang kapalaran. Ibig sabihin, kahit pa nagkakamali ka ng desisyon, ikaw pa rin ay tiyak na tiyak na susuwertihin. Lucky days, number at color: Thursday at Friday, 10, 16, 19, 20, 25 at 39, Lavander.


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

X-MARK MULA SA P.5 Pero kahit dating presidente ang nanay niya ay hindi pa rin tayo nakasisiguro na magaling siya mamuno. Senador siya ngunit wala akong narinig na anumang naiambag niya habang siya’y nanunungkulan. Isa pang isyu sa kanya ang Hacienda Luisita. Parang andami pa niyang problemang kailangang lutasin. Kung baga sa basketbol, rookie pa lang at marami pang kailangang matutunan sa laro. In short, baguhan pa lang sa pulitika. Hindi pa siya pwede mamuno. Xmark agad sa listahan. Itong susunod ay may galing at talino. Tamang – tama sa pusisyong presidente. Bukod pa sa pagiging pulitiko, may talent din siya sa pagpapalipad ng eroplano, grabe talaga. Pang Pilipinas Got Talent. Siya na ang nakaprogram para iboto ko bukas sa ngunit may nakalimutan akong problema niya. Siya pala ay nakakabit pa sa administrasyong puno ng katiwalian at kapalpakan. Sayang na sayang talaga. Muntik na siyang pumasa sa standards ko. Pano ba yan Xmark na ulit yan. Teka sino bang susunod. “Willie Miller for three”, nadurog na talaga ang puso ko ng makatres ang kalaban at tuluyan ng umabot ang kalamangan sa dalawampu. Tuwangtuwa ang mga naka-pulang fans sa panig ng Alaska at mga nakaputi naming fans ng Ginebra. Halftime na.” Hindi ko na kayang panoorin pa ang laro kaya ipinagpatuloy ko na ang

aking magic listahan. Itong susunod na pulitiko ay magbabalik na daw. Hindi mula sa ibang bansa ngunit mula sa kulungan. Katiwalian ang no.1 na problema niya. Bad image na siya at para sa akin ay tapos na ang termino niya. Baka mamaya kapag siya na ang pangulo ay bumalik ulit siya sa kulungan tapos pag eleksyon lalabas at tatakbo ulit. Ayoko na siya mapagod pabali-balik , kulungan tapos kulungan, mahirap masyado yun. Ano ba yan naka X-mark na siya. Apat na ang hindi ko maiboboto bukas at itong susunod ay ang katangitanging babae na tatakbo sa halalan bilang pangulon at siya ay walang iba kundi si (Ooops! Bawal pala magsabi ng pangalan). Hindi ko na pahahabain pa ang paglalarawan ko dahil okay na ang pagiging senador niya. Hindi na niya kailangang tumakbo pa sa pagkapangulo dahil magugulo lang ang buhay niya. Thanks for the effort! Sorry talaga. Another XMark ay ibibigay ko naman sa kanya. Next please.. “Anak, sino bang lamang” tanong sa akin ng tatay ko. “Alaska po, nakakainis nga eh” , sagot ko naman eh. “ Ilan ba lamang?”, “ Labinlima na lang po”, nakangiti kong sinabi dahil nakita kong humahabol na ang koponan ko at kasisimula pa lang ng 3 rd quarter. Patayin ko muna yung TV at baka maghimala. Balik tayo sa listahan, lima na ang naka X- mark na kandidato at meron pang apat na kandidato. Itong pang-anim ay hindi

papatalo dahil itong kandidatong to’ ay laging gising daw para sa bayan. Gusto niyang disiplinahin ang bawat mamamayan, strikto siya for short. Kakampi pa niya ang mga MMDA forces at bagay sila dahil sa kanya naman ay Red Cross Company. Join forces sila, magaling. Transformers pa nga ang tandem nila ng bise-presidente niya. Sana nga matransform niya ang pilipinas hindi yung siya yung magtransform bilang isang kurakot. May point din ang guro ko sa Filipino na kaya hindi siya natutulog, dahil head siya ng Red Cross, required sa kanila yun. Paano kung hindi , di wala na siya. Xmark ulit, medyo plastic kasi. “Wooh, Wooh” hiyaw ng mga kapitbahay naming. Siguro nananalo na ang Ginebra, mabuksan nga ang TV. “Yes, Yahoo, Praise the Lord” sigaw ko sa mga oras na yun. “Dad , apat na lang lamang ng Alaska, humabol na sila.” Sigaw ko rin sa tatay ko. Para makanood ako ng umaatikabong laban ng Ginebra, binilisan ko na ang paglilista at pumili ng iboboto. Isang religious leader ang susunod. Tiyak na maraming suporta ang matatanggap niya sa mga followers ng movement niya. Bangon Pilipinas ang motto niya , maganda ngunit ang kulay din ng kanyang suot ay dilaw at katulad ng sa naunang kandidato. Isa pa ay tumakbo na siya noong 2004 elections pero bigo, ngayon kaya na mas bigatin ang mga kalaban, kabi-kabila pa ang

ads at posters, lugi na siya dun. Hindi na siya pwede. X- mark ulit. Itong dalawang huling kandidato ay hindi sikat pero maganda ang adhikain para sa bayan. Aaminin ko na hindi ko talaga sila iboboto dahil una pa lang ay hindi ko sila kilala masyado, pangalawa ay hindi ko alam kung meron na ba silang experience. Hala lagot ako dalawang X-Mark. Ibig sabihin wala akong iboboto!!!! “Ginebra, Ginebra” sigaw ng tatay ko dahil nakalamang na sa wakas ang ginebra ng lima at meron pang dalawang minuting natitira, Hindi naman ako makaalis sa aking kinauupuan dahil kinakabahan ako dahil wala akong maiboboto bukas. Ibig sabihin ba niyan walang karapat-dapat na maging pangulo ang bansa natin? Tingin ko hindi naman lahat naman ng kandidato ay may positive at negative effects. Kung baga sa gamot, meron itong desirable at side effects. Baka kailangan ko lang i-scan ang aking listahan at makikita ko rin ang aking hinahanap. “10, 9, 8, 7, 6, 5” countdown ng tatay ko dahil surewin na ang ginebra kontra Alaska. “4, 3, 2, 1, 0” tumahimik ako at bigla-biglang tumalon dahil sa saya. “Yes, pagkatapos kong mag-antay ng ilang conference, champion na ang ginebra ngayon. Yes, yes.” Sigaw ko sa kapatid ko. Isa sa araw na ito sa hindi ko makakalimutang araw sa buhay ko. CHAMPION!!!. May status na ako sa YM ko. Meron na rin akong pantapat sa mga

GM ng mga kaibigan kong may dinadamdam sa buhay at nakapokus lang sa lovelife nila. Marami na nama akong ikukuwento sa mga kaibigan ko. Tuwang – tuwa na rin ako bukas na kahit may mang-asar sa akin ay ngingiti pa rin ako dahil sa nangyaring ito. Pero may isa pang problema, 11:00 PM na at hindi pa rin ako nakapipili ng iboboto. Hindi ko pwedeng iblangko ang bilog sa presidential race. Nasa aking mga kamay ang kinabukasan ng sambayanan. “Pressure! Pressure!” bulong sa akin ng demonyo sa tabi ko at sinasabing iboto ko kung sino

9

ang maraming experience sa kurakot at katiwalian dahil pag naging pangulo sila ay magsasawa na rin sila dun. Dapat nga isama nila sa agenda nila ang pangungurakot dahil lahat naman ng pangako nila ay napapako. Sabihin na lang nila na mangungurakot sila upang maging kampante ang mga Pinoy na wala ng katiwaliang mangyayari sa gobyerno dahil napako na ang pangakong iyon. Teka lang sino ba ang iboboto ko? Adik kang PBA ka!! Dahil sa iyo nakalimutan ko rin na hindi pa pala ako registered voter. LAGOT!

Gusto kunin ang virginity ng GF

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, May BF ako. Gusto niya kunin virginity ko. Pero ikakasal na po kami sa August. Tama ba na ibigay ko kahit hindi pa kami kasal? Aquarius ng R. Basa St., San Roque, Cavite City Mahal kong Aquarius, Ibigay mo lamang kung gusto mo. Ang virginity ay hindi ninanakaw, hindi kinukuha, ni hindi hinihingi ng isang tao sa isa pang tao. Iyan ay kusang ibinibigay ng taong mayroon nito at kadalasan ay

sa konteksto ng relasyon tagib ng sense of responsibility at ng pagibig. Kung ibibigay mo nga, Aquarius, mag-ingat at proteksyunan ang iyong sarili. Sapagkat ang hindi mo gagawin, maaari kang mabuntis o worse ay mahawa ng sexually transmitted na impeksyon. Kung hindi mo pa gustong ibigay, huwag. Okey lang yon. Ibig sabihin, hindi ka pa handa. Huwag kang magpabuyo sa kanya kahit anong mangyari. Kahit pa nga malapit na kayong ikasal. Tanungin mo sya, ano ba naman iyong 5 buwang paghihintay? Kapag pinilit ka pa rin nya, mag-isip-isip ka. Kaya mo bang pakisamahan habambuhay at bilang asawa ang ganitong klase ng lalaki? Good luck sa iyo at sa makuntentong mong BF. Nagmamahal, Ate Bebang


10

MARSO 28 - ABRIL 03, 2010

ANG TUNAY NA BAYANING KABITENYO DAVID T. MAMARIL MAKATA NG PUSO ISANG nagbigay ng paunang salita sa isang aklat ni David T Mamaril ang nagsabing “naisulat na (niya) ang sariling talambuhay sa ritmo ng kanyang mga tula” (Mamaril: 1996). Iyon ay “mga talinhagang magbabakas (malilingon) pa sa mga Bagonbanta, Balagtas at (Jose) Corazon De Jesus’’ (1996). Ngunit higit sa prominente sa maraming tula niya ang ganitong padaing na panawagan, isang matatag na tradisyong Panulaang Tagalog: Ngunit oh, Dorina; kusa kang humandog At akong sawi na ay iyong kinupkop; Inaaliw mo ako sa sama ng loob, Ang sugat ng puso ay iyong ginmot; Ang kalungkutan kong anong duming saplot, Hinubad og kusa’t nilabhan ng lugod; Iyong pinatamis ang taglay kong lungkot At pinamulaklak [ati ng himutok! -Dorina (Mamaril, 1998;28) Balagtasista! Ibabansag ni Virgilio Almario ngayon. May sagot na si Iniogo Regaldo bago man ibansag ito, “ang pagsunod sa ganyang panuto (takdang hati ng tula) ay pinaiingatan ng manunula ngayon sapagkat kung hindi ay magiging garil at hilahod ang tula.” (Regalado, 1947). Ang ganyang klaseng taludtod ay tatak na sinasabi ni Julian Cruz Balmaceda (JCB) noong 1938 na likha ng makata ng puso. At dito ay kabilang sina Balagtas, Jose Corazon De Jesus, Cristo H. Panganiban, Aniceto Silvestre, Amando Armandes at marami pang iba. Hindi binangit na kasama sa mga makata ng puso si David T. Mamaril sapagkat noon ay 20 taong gulang pa lamang siya. Nagsimula pa lamang. Edad disisais hanggang bente ay may paisa-isa na nalalathalang mga tula sa Daigdig, Ilang –Iilang silahis, Paruparo, Bituin, taliba at sinagtala, gayundin sa liwayway, bulaklak at tagumpay ng malaon. Tatlumput walong taong (1971) pagkaklasipika ni JCB ng mga pangkat ng makatang tagalong (ang dalawa pa’y makata ng buhay at makata ang dulaan) ginawaran si DTM ng karangalang “Hari ng panulaang lirika sa Tagalong.” Ganito ang teksto ng karangalang kaloob ng surian ng wikang pambansa. “Bilang huwarang sa larangan ng sukat at tugma na nagpayaman ng katutubong idyoma, siya ay karapatdapat na tagapagmana nina Jose Corazon de Jesus at Lope K.Santos.’’ Nang kung sino ang nakakaimpluwensya sa kanya sa pagsulat na mga lirikong tula, binangit nya sina Shelley Keats at iba pang popular ng makatang dayuhan ng naging batis ng kaalaman at inspirasyon ng mga estudyanteng Pilipino noong 1946 (Abueg 2001:138). Nalinang sa saklaw ng panahong iyon ang katahuhan at paluan nina de Jesus, Panganiban, Hernnandez, at marami pang iba na imposible ng hindi nya binasa sa panahong naglalahatlasya sya ng kanyang tula sa mga babasahing sinusulatan din ng mga lirikong makatang ito. At lubhang sakit na nakakahawa ang pagbabasa ng mga obra ng mga master na mga sining ng panitikan. Sa maktuwid, sa kapaligiran naroon ang mag pangunahin makata liriko (makata nng puso), naimpluwensya din si DTM nang hindi niya namamalayan. ITUTULOY

WALANG pasok sa mga paaralan dito sa Cavite dahil sa paggunita sa ika141 taong kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating ginugunita ang taksil na heneral na responsable sa kamatayan nina Andres Bonifacio at Heneral Antonio Luna. Kung tutuusin, tatlong beses na kumampi sa mga dayuhan si Aguinaldo. Una ay nang isuko niya ang rebolusyon kay Heneral Primo de Rivera ng pamahalaang Kastila sa Kasunduan sa Biac na Bato noong Disyembre 14, 1897 at pumayag na maipatapon sa Hongkong kapalit ng P400,000. Ikalawa ay nang manumpa siya ng katapatan sa pamahalaang Amerikano noong Abril 1, 1901 matapos na mahuli sa Palanan, Isabela. At ang ikatlo ay nang suportahan niya ang pamahalaang Hapon sa deklarasyon nito ng pagpapalaya sa Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano noong Oktubre 14, 1943. Nakapagtataka kung bakit patuloy pa ring ginugunita ang huwad na kalayaang idineklara ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. Isa itong insulto sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan. Kung may petsang dapat ideklarang walang pasok sa Cavite ay ang Marso 28 at ang dapat dakilain ay hindi si Aguinaldo kundi si Heneral

Luciano San Miguel. Noong Ika-28 ng Marso, 1903, kasama ang may 200 tauhan ay nagbuwis ng buhay si Gen. Luciano San Miguel sa madugong sagupaan sa Corral na Bato, Antipolo, Rizal laban sa pwersa ng mga mananakop na Amerikano na sinuportahan ng mga sundalong Macabebe. Marangal na nakipaglaban si Gen. San Miguel at pinatunayan ang kanyang pagiging tunay na Katipunero hanggang sa huling patak ng kanyang dugo (“Bandoleros” ni Ochosa p.45). Muli, narito ang bahagi ng aritkulong minsan ko nang naisulat dito sa Kampay ng Rabay: Ipinanganak si Gen. Luciano San Miguel noong Enero 7, 1875 sa Noveleta, Cavite. Siya ang panganay at nag-iisang anak na lalake ng magasawang Regino San Miguel at Gabriela Saklolo. Nakapagtapos siya sa Ateneo de Manila at nakahanda nang magpakasal sa kasintahan niyang si Maria Ongcapin nang pumutok ang himagsikan noong 1896 kung kaya sa edad na 21 taong gulang ay sumapi siya sa pangkat ng mga Magdiwang sa Noveleta na kinabibilangan nina Artemio Ricarte, Diego Mojica at Mariano Alvarez. Nabigyan ng ranggong Colonel si San Miguel at namuno sa pakikipaglaban ng mga Katipunero

sa Nasugbu, Batangas . Ika-25 ng Marso, 1897 nang sumanib si San Miguel sa pangkat nina Gen. Artemio Ricarte at Gen. Emilio Aguinaldo sa Imus upang salakayin ang mga Kastila sa Cavite Viejo at San Francisco Malabon. Hindi naisakatuparan ang pagsalakay subalit nang sinundang araw ay pinamunuan ni San Miguel kasama ang mga tauhan ni Andres Bonifacio at Gen Julian Montalan ang mga sundalong Kastila sa barrio Bacao, San Francisco de Malabon. Nang isuko ng mga Magdalo ang pakikipaglaban sa mga Kastila kay Gobernador Heneral Primo de Rivera noong Disyembre, 1897 ay ipinagpatuloy pa rin ni Gen Luciano San Miguel ang pakikipaglaban. Pinamunuan niya ang pangkat ng mga rebolusyunaryo sa Gitnang Luzon hanggang nang muling magbalik si Gen. Aguinaldo upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila. Tauhan ni Gen. San Miguel ang unang napatay sa tulay ng San Juan nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano

noong Ika-4 ng Pebrero, 1899. Ipinagpatuloy ni Gen. Luciano San Miguel ang pakikipaglaban sa mga Amerikano kahit pa isa-isa nang nagsisuko ang mga pinuno ng rebolusyon gaya nina Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Vicente Lukban at Gen. Miguel Malvar. Binuo ni Gen. San Miguel ang “Bagong Katipunan” magmula 1902 na naglalayong ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang sa makamit ang kalayaan. Bandolero o tulisan ang itinawag sa kanya ng mga Amerikano. Magiting niyang ipinagpatuloy ang pagpapalaya ng bayan kahit pa karamihan sa mga datihan niyang kasama ay nagsisuko na at nakipagsabwatan na sa mga Amerikanong mananakop. Kasabay ng kanyang pakikipaglaban ang iba pang bayaning itinago ng mga history books na sinulat ng mga Amerikano gaya ng kabayanihan nina Macario Sakay, Felipe Salvador at ng dalawa pang Caviteñong sina Gen. Julian Montalan (na taga-Gen. Trias) at si Col. Cornelio Felizardo (na taga-Aniban, Bacoor). Malinaw na higit na dakila si Heneral Luciano San Miguel kaysa kay Aguinaldo. Kung may dapat kilalanin at dakilain nating mga Kabitenyo, ito ay si Heneral Luciano san Miguel at hindi si Aguinaldo. Mabuhay ang ika-107 taong kabayanihan ni Heneral Luciano San Miguel, ang tunay na bayaning Kabitenyo!


MARSO 28 - ABRIL 03, 2010 SULONG-BAYAN Saglit din natin nakapanayam ang Vice Presidential Candidate ng UNO - PMP na si Mayor Jejomar Binay at ito ang kanyang na wika sa akin, “Sa pamamagitan mo hijo ay nais kong iparating sa mga Kabitenyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa amin dito sa inyong makasaysayang lalawigan.” Naitanong ko sa kanya kung paano niya magagawa ang mapaunlad ang buong Pilipinas lalo na ang mga countryside areas, “Ang aking karanasan bilang matagal na alkalde ng Makati at naging gabinete ng Aquino administration ay sapat ng batayan at ebidensiya para sa aking kakayanan na mapa-unlad ng ating bansa. Kung nagawa ko sa Makati na maitaas ang antas ng kaunlaran at pamumuhay ay magagawa rin natin sa ating buong bansa.

MULA SA P.8 Ibabahagi rin natin ang pag-unlad at pagpasok ng negosyo sa labas ng Makati, sa labas ng Metro Manila patungo sa ibang malalayong lugar, rehiyon, probinsya at kabayanan.” Hiningian ko rin si Mayor Binay ng mensahe kaugnay sa pagbabagong isinisigaw ng sambayanang Pilipino, at ito ang sagot niya; “Ang mamamayang Pilipino ay uhaw na uhaw sa pagbabago dahil sa mga eskandalo at anomalya ng katiwalian ng kasalukuyang administrasyon ni Gng. Gloria Arroyo, kaya ang paparating na halalan ay mabisang paraan para sa pagbabago, tayo ay bumoto ng wasto upang ang pagbabagong ating nais ay ganap nating makamit. Napakadaming nagpapanggap ngayon na sila ang oposisyon, subalit alam naman nating lahat na kami sa United Opposition – Pwersa

ng Masang Pilipino party ang tunay na oposisyon na kalaban ng kasalukuyang administrasyon, kung kaya matuto na tayo sa karanasan ng ating bansa, bumoto tayo sa karapat-dapat at sa tulad naming magtataguyod ng pagbabago ng ating bansa tungo sa tunay na kaunlaran at kapayapaan.” Sa lakas ng ratring sa mga surveys ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile ay mukhang maipagpapatuloy pa nga niya ang kanyang serbisyo para sa bayan bilang senador uli. Sadyang mahirap makalimutan ang magagandang nagawa ni Manong Johnny katulad halimbawa ng paglaban niya sa pagtaas ng presyo ng kuryente at pagtaas ng bayad sa mga load ng cellphones at ang kapalpakan ng mga network companies at ang pagpapatawag niya ng mga imbestigasyon sa mga eskandalo at anomalya sa pamahalaan kung saan sangkot ang mga may pangalan sa go-

11

byernong ito. Sa kabilang banda, kung pagbabatayan pa rin ang mga surveys para sa pagka-bise pangulo kung saan pumapangatlo o pumapang-apat pa lamang si Mayor Jejomar Binay ay nararapat pa siyang magsikhay at magsipag pa ng doble para masungkit niya ang pangalawang pinakamataas na pwesto sa ating bansa. Magaganda ang mga pangarap at layunin niya sa ating bansa, kung kaya dapat niyang bakahin ang isipan ng botanteng Pilipino na tila lulong na lulong sa kasikatan ng dalawang kandidato rin sa pagkabise pangulo na ang isa ay nagmura pa sa antigma rally sa Makati noon at ang isa naman ay paiyak-iyak naman sa naudlot na impeachment trial kay Erap sa Senado noong bago pumutok ang EDSA II. Hehehe.

TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501

HAPPY HAPPY BIRTHDAY MOMMY GLORIA REYES ON MARCH 30, 2010 FROM FAMILY

Happy Birthday to Thotz Pimentel On March 28, 2010 From your loving wife Beck Beck and kids

Welcome to the Christian world... Sean Kevin Calle On March 21, 2010 From your loving: Mama Ana and Papa Alfred (pogi)


Peace Covenant sa Tanza, Tagumpay! NI WILLY GENERAGA

Pinirmahan ni Dory Bocalan Bacolod kandidato sa pagka-Vice Mayor ng Tanza Cavite ang Peae Covenant sampu ng kanyang kasamahan sa partido.

TANZA, CAVITE— Matagumpay na naidaos ang Peace Covenant HOPE 2010 (Honest, Orderly and Peaceful election 2010) noong ika-22 ng Marso, bandang 8:00 n.u. sa Sta. Cruz Parish Church ng nasabing bayan. Pinasimulan ang nasabing peace

Alkansya Ni Jastella Niña G. Amora

Hayaan mong punan ko Ang lahat ng puwang Sa iyong kalooban. Ipararamdam ko sa iyo Ang haplos ng mainit kong palad At ang dampi ng aking mga daliri. Aalisin ko ang bawat butil ng alikabok Na kulay putik sa iyong balat At palilibutan kita Ng makukulay na mga palamuti. Huwag ka sanang maiinip Kung ang mga kamay ng orasan Ay naglalakad nang mabagal,

Sa pagpuno ko sa iyong kalooban. At ‘wag kang mag-alala. Itinahi ko na sa aking utak Na sa bawat araw na sisikat at lulubog, Ihuhulog ko sa iyo ang pagmamahal Na kailangan mo. At kahit mabutas pa Ang aking bulsa, Hindi ko ihihiwalay Ang aking puso mula sa iyo, Mailagay ko lamang Ang kahuli-hulihang Pisong kailangan mo.

covenant sa pamamagitan ng misang pinangunahan ni Rev. Fr.

Mag-asawa, natagpuan na patay sa Cavite ROSARIO, CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng mag-asawa kamakailan sa isang creek sa Rosario, Cavite. Kinilala ni Senior Superintendent Primitivo Tabujara, Cavite Police Director ang mga biktima na sina Bernard Atangan alyas “Wise” at ang kanyang live-in partner, Cheycelyn Candaza alyas “KC” na parehong residente ng Barangay Wawa 3, Rosario, Cavite. “May mensahe na nakakabit sa ulo ng biktima na si Candaza na “Huwag nyo akong tularan, pusher ako.” Ani ni Tabujara. Batay sa record ng pulisya si Candaza ay dinakip sa isang illegal na drug operation. Noong mga nakaraang araw, isang bangkay rin ng hinihinalang magnanakaw ang natagpuan sa Bacoor at dalawa pang bangkay ng dalawang babae ang narekober sa iba pang parte ng Cavite na tinatayang biktima rin ng summary execution. SHIELA SALUD

Calixto C. Lumandas, Prish Priest ng nasabing parokya. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Ms. Rebecca Data, MLGOO ng Tanza, Cavite kasunod ng maikling pananalita ni PSSUPT

Primitivo T. Tabujara Jr., ang Provincial Director ng Cavite, PPO. Samantala, binasa ni Jender Lopez Mecado, Deputy ng PNP Tanza, Cavite ang Election Covenant. Sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga parokyano ang mga kandidatong pumirma sa nasabing peace covenant at ibinigay ni Magdell C. Oallares, Election Officer ng Tanza, Cavite ang pangwakas na pananalita.

Pinasalamatan ni Trece Martirez City Mayor na ngayon ay tumatakbong Gobernador ng Cavite na si Jun De Sagun ang libu-libong Caviteño na nagsidalo sa kanyang kaarawan noong ika-22 ng Marso 2010 na ginagap sa De Sagun Farm, Saluysoy ng nasabing lungsod.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.