responde cavite 31

Page 1


2

ABRIL 04 - 10, 2010

COED, BIGONG MAKAPAGTAPOS NAGBIGTI NOVELETA, CAVITE – Isang binatang iskolar ang di umano’y nagpakamatay matapos hindi mapabilang sa listahan ng magsisipagtapos sa kanilang paaralan kamakailan sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ni Senior Police Officer 4 Meynard C. Genuino, na siyang may hawak ng kaso, depresyon ang hinihinalang pinaka-ugat kung bakit nagawa ni Mark Ronald A. Bagtas, 21, na kitilin ang kanyang sariling buhay nitong nakaraang Biyernes. Ayon pa sa imbesti-

gasyon, natagpuan si Bagtas na nakabigti at wala ng buhay sa kusina ng bahay ng kanyang lolo, Ponciano Alonzo, dakong 4:00 ng umaga sa Barangay San Jose ng bayan ng Noveleta. Ayon sa impormasyon ng pamilya ni Bagtas, malamang ay nagbigti ang binata habang lahat

sila ay mahimbing na natutulog. Gumamit ang binata ng nylon cord sa kanyang pagbigti. Si Bagtas ay estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP – Manila) sa kursong B.S. Marine Transportation. Ayon naman sa mga magulang ni Bagtas, ina-

asahan nilang kasama ang kanilang anak sa pagmartsa sa darating na graduation at hanggang sa araw na pagkamatay nito ay dun lamang nila napag-alaman na hindi pala ito kasama sa magmamartsa, marahil di umano ay hindi na nito kinaya na ipaalam pa sa kanyang mga magulang.. Ayon sa record, ito na ang ika-dalawang kaso ng pagpapakamatay sa Cavite sa loob lamang ng dalawang araw. Ang isa ay estudyante rin na kinseanyos na nagbigti rin dahil sa pagkakaroon ng mababang grado.

Mahigit P100,000 halaga...

NAREKOBER SA HOLDAPER BACOOR, CAVITE – Isa sa mga kilabot na holdaper sa Cavite ang nahuli ng pulisya ng Bacoor, kamakailan. Ayon sa ulat ng mga pulis, agad silang rumesponde matapos matanggap ang reklamo ng mga biktima ng suspek na kinilala sa pangalang Abun Rivera, 34 anyos., nitong nakaraang Biyernes. Kaagad na nadakip at itinuloy sa istasyon ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang karampatang kaso para dito. Nakuha sa suspek ang iba’t ibang klaseng cellphone at pera, na maaring umabot sa mahigit na isang daan libong piso. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng followup operation ang pulisya upang matunton naman ang lungga ng mga kasamahan ng suspek.

Kinidnap ang sariling ampon, arestado! TAGAYTAY CITY – arestado ang dalawang hinihinalang kidnaper matapos di umano’y dakpin ang dalawang bata kamakailan sa nasabing lungsod. Ayon sa report, ang dalawang bata ay ampon nina Romeo Joven, isang Filipino-American citizen at ni Bernard Lituania, live in partner ni Joven. Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, dakong 7:50 ng umaga nitong nakaraang Biyernes ng kuhanin ni Lituania ang dalawang ampon nila ni Joven, kasama si Rex Alvarez na siyang itinuturong kasabwat ni Lituana. Ayon pa kay Senior Superintendent Primitivo Tabujara, Cavite police director, iniwang nakatali si Joven habang tangaytangay ng dalawa ang mga bata na nasa dalawang taon pa lamang ang

Announcement The Kawit Comelec Office has been transferred to the new Kawit Municipality Building located at Centennial Road, Kawit , Cavite

isa at ang isa naman ay nasa walong buwan pa lamang. Ngunit agad naman nakalas ni Joven ang pagkakatali sakanya at agarang nagtext sa kaibigan na siyang nagsumbong ng pangyayari sa mga pulis. Naaresto naman ang mga suspek sa Barangay San Isidro Bagong Nayon in Antipolo City, Rizal kasa-

ma ang dalawang bata na hindi naman naulat na nasaktan. Dagdag pa ni Tabujara, ang dalawang suspek ay nanghihingi ng P200,000 kay Joven kapalit ng dalawang bata. Sa kasalukuyan ay nasa Tagaytay City Police office na ang dalawang salarin at nahaharap sa kasong kidnapping at carnapping dahil na rin sa pagdala nito ng sasakyan ni Joven sa kanilang pagtakas. JUN ISIDRO


3 8 suspek sa pagpatay, pinaghahanap ng NBI

ABRIL 04 - 10, 2010

Sunog sa Cavite City, 600 na pamilya apektado NI SHELLA SALUD

CAVITE CITY — Daan-daang pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy kamakailan sa nasabing lungsod. Ang sunog ay tumagal ng dalawang oras na naganap sa Alonzo st. Badjao, Dalahican na kilala

bilang squatters area, dakong 7:00 ng umaga. Ayon sa ulat ng Cavite City fire station, ang sunog ay nagmula

sa isang napabayaang kalan habang nagluluto sa bahay ng residente na kinilala bilang sina Gil at Neneth, magka-

live-in. Agad na rumesponde ang 20 fire trucks upang apulahin ang sunog, at dakong 9:14 ng umaga ng tuluyang mapatay ang sunog. Ayon pa sa ulat, mabilis kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin idagdag pa na halos gawa sa kahoy o karton ang mga bahay. Umabot naman sa 600 pamilya ang naapektuhan ng sunog at nawalan ng tahanan at 25 katao ang nasaktan, samantalang wala namang naiulat na nasawi sa pangyayari. Nagbigay naman ng paalala ang nasabing departamento na magkaroon ng dagdag na pag-iingat laban sa sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.

ISANG malawakang pagtugis sa walong supek sa pagpatay ng isang businesswoman sa Cavite noong nakaraang taon ang isinasagawa sa ngayon ng National Bureau of Investigation na inulunsad kamakailan. Naglabas ng warrant of arrest si Executive Judge Aurelio Icasiano Jr., ng Trece Martirez City Regional Trial Court Branch 29 sa mga suspek na hindi pinahihintulutang magpiyansa. Kinilala ang walong suspek na sina: Ma. Teresita Hernandez Solis at asawa nitong si Crisostomo, Ana Maria Pacumio Sortijas, Paulino de Guzman, Roberto Antero at Napoleon Abad kasama rin sina Jory Bendijo at Geronimo Riginding ng Rosario. Matatandaang pinagbabaril ng isang di nakikilalang suspek ang businesswoman na si Dulce Jansuy Amin nitong Hunyo 14, 2009 dakong 5:30 ng hapon habang sakay ng Honda CRV sa mismong harap ng kanilang tahanan sa Tanza na kasama ang dalawang anak, ngunit nang maglaon ay nakilala ang suspek na si De Guzman. Agad na ikinamatay ni Amin ang mga pagkakatama ng bala sa kanyang katawan. Samatalang nakatakas naman si De Guzman habang sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Antero. Ayon sa imbestigasyon, napag-utusan lamang si De Guzman sa kapalit na halaga ng P120,000 ng isa sa mga kinikilalang suspek. Sinasabing ang maaaring motibo ng pagpatay ay dahil sa namagitang hidwaan sa mag-asawang Solis at kay Sortijas, nang sampahan ng kaso ng biktima ang dalawa dahil sa paglalabas ng talbog na cheke. WILLY GENERAGA

Bahay ng retiradong Navy, ni-raid! Ang dambuhalang sunog na lumaman sa Badjao ng Cavite City na lumamon ng mahigit sa 500 kabahayan na naganap nitong ika-27 ng Marso, bandang 6:30 n.u. Kuha ni Erwel Peñalba

NOVELETA, CAVITE – Niraid ng pulisya ng Noveleta ang bahay ng isang retiradong navy sa nasabing bayan kamakailan. Ang operasyon ng pulisya ay naganap nitong Marso 31 sa

Salcedo II ng bayan ng Noveleta. Kinilala ang retiradong navy na si, Teodolfo Bernardo at nasa 56 anyos. Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya, ang retiradong navy ay mayroong mga matataas na kalibre ng baril sa kanyang tahanan. Kaya naman ng mapag-alaman ito ng pulisya ay agad naglabas ng search warrant sa bisa ni Judge Cesar

Mangroban ng Regional Trial Court Branch 22 ng Imus, Cavite. Nakumpiska sa bahay ni Bernardo ang ang isang trentay otsong revolver, isang kalibre kwarentay singkong baril, magazine at mga bala nito at M16 rifle. Kasalukuyang hinaharap ngayon ni Bernardo ang kasong illegal possesion of firearms. ERWELL PEÑALBA


4

ABRIL 04 - 10, 2010

Mahal na Araw at Politika NITONG nakaraang Mahal na Araw, nagtitika ang sambayanang Kristyano. Nagsisisi sa mga nagawang kasalanan at ipinagdiriwang at inaalala ang pagkabuhay ng itinuturing na Tagapagligtas. Nagtitika o nagsisisi rin tayong sambayanang botante dahil sa mga naging pagkakamali natin sa pagpili ng mga lider na iniluklok. Inakala kasi natin, tama ang napili nating Tagapagligtas ng Sambayanban sa kahirapan. Mahal na Araw. Penitensya. Pag-asa. Ganito ang ilapat natin sa panahon ng eleksyon. Lahat ng mga politikong nakaupo ngayon at gusto pa uling tumakbo... pero karamihan sa naipangako ay hindi pa natutupad... latiguhin sa likod bilang kaparusahan sa kanilang kasalanan at bilang kapatawaran... sabuyan ang kanilang sugat ng alcohol. Lahat ng politikong gagamit ng baril sa pananakot... patungan ng koronang tinik bilang kaparusahan at masahihin ang kanilang ulong sugatan bilang kapatawaran. Lahat ng politikong gagastos nang sobra-sobra at babawiin din naman sa kaban ng yaman at may pasobra pang siksik, liglig at umaapaw...duraan sa mukha bilang kaparusahan. At bilang kapatawaran, hugasan ng asido ang mukhang naduraan. Lahat ng politikong nagtatraydor sa kanilang sariling partido... sundutin ng sibat sa tagiliran bilang kaparusahan, at bilang kapatawaran... sahuran ng platitong may suka’t bigas ang umaagos na at gawing dinuguan. Ipakain sa politikong ito. Nang malasahan nya ang dugo ng isang taksil. Lahat ng politikong lalabag sa common posting area... sampalin, dagukan at batukan gaya ng ginawa kay Kristo. Bilang kapatawaran, punasan ng White Flower ang namamagang bahagi saka sampalin, dagukan at batukan uli... at punasan uli ng white flower. Lahat ng politikong kukuha pa ng sangkatutak na watcher na halos sindami na ng aktwal na botante sa isang presinto... pagbuhatin ng poste ng meralco bilang kaparusahan. SUNDAN SA P.5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor shella salud jun isidro acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa erwell peñalba advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

“RELIGION IS THE OPIUM OF THE PEOPLE”, ayon kay Karl Marx. Ginagamit ang relihiyon ng mga naghahari sa lipunan upang panatilihing umaasa sa isang lumikha na may dalang himala ang mga naaapi. Nagbibigay ito ng pag-asa sa mga mahihina upang tanggapin ang kanilang paghihirap dito sa lupa sa paniniwalang may langit silang makakamtan sa kanilang pagpanaw. Sa Pilipinas, umabot nang mahigit 300 taon ang pananakop ng mga Kastila sa ating mga ninuno dahil sa Kristiyanismo. Nakita ito ng mga nakapag-aral na Pilipino gaya nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, magkapatid na Juan at Antonio Luna at marami pang iba na kumilos at lumikha ng mga akdang tumanglaw sa madilim na kamalayan ng ating mga ninuno. Ang pagpatay sa Gomburza noong 1872, ang rebolusyon ni Andres Bonifacio at ng Katipunan at ang pagpatay kay Dr. Jose Rizal noong 1896 ang nagsilbing apoy na nagpaningas sa damdaming makabayan na naging daan upang matuldukan ang tatlong siglong paghahari ng imperyo ng mga Kastila sa ating lupain. Subalit malalim ang punla ng Kristiyanismo sa ating kamalayan. Kahit pa pinalaganap ng mga Amerikano ang iba’t ibang sekta ng relihiyon at kahit pa nagsulputan na sa kasalukuyan ang iba’t ibang grupo na may kani-kaniyang interpretasyon sa sinasabi ng bibliya ay matibay pa rin ang simbahang Katoliko sa Pilipinas. Ngayong Semana Santa, kabi-kabila ang mga namamanata. May mga debotong nagsasagawa ng Visita Iglesia at may mga nagpapako pa sa krus para lamang literal na maranasan ang paghihirap ni Kristo. Sa pinaniniwalaan nilang mga pagsasakripisyo ay umaasa silang gagabayan sila ng Diyos upang matupad ang kanilang mga dalangin o mabayaran ang nagawa nilang mga pagkakasala. Nakatutulong ang paggunita sa pagdurusa ni Kristo upang makunsensiya ang iba at magsikap na magbagong buhay. Sa ganitong kalagayan, nakatutulong ang pananampalataya upang maging maayos ang buhay ng isang makasalanan at upang gumaan ang pakiram-

dam ng may mga mabigat na suliranin o karamdaman. Sa paggunita ng kamatayan ni Kristo (Mt. 27:4550) ay binibigyang diin ang kanyang pagdurusa upang mailigtas ang sanlibutan sa kasalanang likha ng tao. Pinapapapurihan ang anak ng Diyos dahil sa kanyang pagsasakripisyo para sa mga tao. “For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life” ang sinasabi ng John 3:16 na palaging binibigyang diin ng mga pari sa misa. Subalit ano nga ba ang milagro sa naganap na ito sa buhay ni Kristo? Kataka-taka pa bang malampasan niya ang paghihirap habang nakapako sa krus gayong siya naman ang Diyos? Kataka-taka pa ba na muli siyang mabuhay gayong siya ang alpha omega? Kung tutuusin, imposible sa kapangyarihan ng Diyos kung kaya ordinaryo na lamang para sa kanya ang mga himala. Isang salamangkang telenobela ang buhay ni Kristo na talagang kayang-kayang gawin ng Diyos na tulad niya ngunit hindi ng mga mortal na katulad natin. Kung nagkatawang tao man si Kristo para sa kaligtasan ng sanlibutan ay bahagi ito ng kanyang tungulin yamang siya rin na man ang maylikha ng ahas na tumukso kay Eba at Adan na siyang pinagmulan ng orihinal na kasalanan. Sa mga naniniwala sa Liberation Theology, kinikilala nila ang pagsasakripisyo ni Kristo bilang modelo ng paglaban sa mga nagsasamantala. Ipinapatay si Kristo ng mga Romano sapagkat siya si Kristo ay banta sa paghahari sa Roman Empire at sapagkat si Kristo ay nananalig sa kagandahan ng katarungan at kapayapaan. Samakatuwid, upang masundan natin ang daan ng krus (way of the cross) ay dapat tayong lumaban sa mga mapagsamantalang tao sa lipunan upang maitatag natin ang pundasyon ng isang malaya, maunlad at mapayapang lipunan. Ang dapat ipako sa krus ay ang mga pulitikong mapanlinlang at gahaman sa kapangarihan at ang katubusan ng sambayanang Pilipino ay dapat maganap ngayong darating na halalan.


5

ABRIL 04 - 10, 2010

LAGING IKINUKUMPARA SA IBA

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Kung minsan ay bumababa ang tingin ko sa aking sarili sapagkat parati na lang ako ikinukumpara ng tatay ko sa mga pinsan ko o di kaya sa ibang tao. Kahit pabiro lang, nasasaktan po ako. Lizbeth ng Buna Cerca, Indang, Cavite Mahal kong Lizbeth, Wala tayong masyadong magagawa sa iyong tatay. Pero may magagawa ka para sa iyong sarili. Iyan ay ang pag-deadma sa pagkukumparang ginagawa sa iyo at sa mga pinsan mo. Huwag mo na lang pansinin.

Mag-focus ka sa sarili mo. Alam mo kung bakit? Marami kang kayang gawin na hindi kayang gawin ng ibang tao AT marami kang kayang ibigay sa mundo na hindi maibibigay ng ibang tao. Kahit pa si Angel Locsin o kaya si Gloria Macapagal-Arroyo (well, lalong-lalo na si GMA). Kung susundin mo ito, sigurado akong mas marami kang matatapos at maa-achieve. Isipin mo rin na gagawin mo ito para sa sarili mong kapakanan at hindi para sa tatay mo o kung sino pa man. Hindi ka man maging matagumpay sa

lahat ng bagay na iyong susubukan at paghihirapan, at least, may ginawa ka na hindi dahil lang sa sinasabi ng iba. May ginawa ka para sa iyong sarili. Sigurado akong isang araw, titigil din iyang tatay mo sa kakakumpara sa iyo at mari-realize niya na walang naidudulot na maganda ang kanyang ginagawa. Puwede ring ipabasa mo sa kanya ang itong ating column. Hayaan mong sermunan ko siya sa pamamagitan ng payo ko especially made for you. Sumasagitgit ngayong tag-init, Ate Bebang

HAPPY BIRTHDAY TO DORY BOCALAN BACOLOD (APRIL 03, 2010). GREETINGS COMING FROM RESPONDE CAVITE.

Pagbati sa mga guro ng University of Perpetual Help System Dalta-Molino Campus na nagsagawa ng kanilang Visita Iglesia noong Marso 31, 2010.

SUNDOT LAPIROT At bilang kapatawaran... paluputan ng kawad ng talop na linya ng kuryente. Lahat ng politikong ngayon nyo lang nakita sa inyong lugar at hindi nyo na uli nakikita tapos ng eleksyon, hubaran at pagsugalan ang kanilang damit bilang kaparusahan.

MULA SA P.4

Bilang kapatawan, bigyan ng maskara. Hindi pantakip sa katawan, kundi sa mukha. Tutal, hindi naman totoong mukha ang kanilang ipinapakita. Lahat ng politikong puro paninira lang ang alam at sya lang ang bida... painumin ng

suka... mga dalawang litrong suka bilang kaparusahan. At bilang kapatawan... sikmuraan. Hanggang maisuka nya ang dalawang litrong sukang kanyang ininom. Lahat ng politikong guilty sa lahat ng ito... ipako sa krus bilang kaparusahan. At bilang kapatawaran... wag natin silang iboto.

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


6

ABRIL 04 - 10, 2010 MALAKI ang posibilidad na magamit ang malawakang blackout sa dayaan sa nakatakdang halalan sa Mayo 10, 2010. Ito ang reaksyon ng ilang political analysis sa bansa. Sinabi ng mga ito, na napapansin na ngayon pa lamang na kinokondisyon na ang utak ng mamamayan na magkakaroon ng malawakang blackout sa kabila ng paniniyak ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na blackout sa araw ng eleksyon. Ayon pa sa mga ito, ang pagpapahayag ng DOE ay kabaligtaran naman ng pahayag ng National Power Corporation (NAPOCOR) na hindi na sapat ang suplay ng kuryente dahil sa mahabang El Niño. “Bagamat magkaiba ng pahayag ang dalawang ahensiya ito ng gobyerno, ito ay pagganap lamang sa kanilang papel para ikondisyon ang utak ng mamamayan.” ayon naman sa isang tumatakbong kongresista na ayaw magpakilala. “Trabaho ng DOE na ikondisyon ang utak ng mamamayan na walang magaganap na dayaan dahil walang blackout, samantalang trabaho naman ng NAPOCOR na ikondisyon ang utak natin na kung sakaling magkaroon man ng blackout ay nagpasabi na sila ahead of time.” Isang election officer (EO) naman sa lalawigan ng Cavite ang nagsabi sa Responde Cavite na tiniyak sa kanila ng Komisyon na tatlumpung porsiyento ng eleksyon ay gagamitan ng manwal na pagboto o balik sa dating sistema. Isinawalat pa nito, na bagamat

ipinapakita sa publiko na nagiimprenta ng mga bagong balota para sa automation elections, ay nagiimprenta rin sila ng balota para sa manwal na election. Sa paliwanag ng komisyon, sinabi nito na ito ay paghahanda lamang sakaling magkaroon ng aberya sa mga makina ng Precint Counting Optimal Scan (PCOS), pero ang talagang gamit nito ay para sa mga lugar na mawawalan ng kuryente. Sinabi pa ng EO na isa lamang umanong pag-aaksaya ng salapi ng bayan ang ginawa ngayon ng gobyerno dahil dobleng balota ang iniimprenta. Ayon pa dito, hindi man aniya maganap sa Metro Manila ang malawakang blackout o sa mga karatig lalawigan nito, tiyak na may magaganap na blackout sa malayong lalawigan, lalo na sa parteng Mindanao. Kaya h’wag tayong magtataka kung sakaling hindi agad makapagproklama ng mga nanalong kandidato, lalo na senador o maging sa Pangulo dahil hindi pa tapos ang bilangan o canvassing sa mga malalayong lugar dahil sa lumang sistema ng botohan.


ABRIL 04 - 10, 2010

CHRISTIAN BORN-AGAIN Sa tuwing sumasapit ang tinatawag nating mahal na araw, iisa lang ang pumapasok sa isip natin, (yun naman ay kung kabilang ka sa mga kristiyano), ito ay ang pagkamatay ni Hesu Kristo sa krus ng kalbaryo. At sa tuwing sumasapit ang araw na ito, kanyakanyang gimik o selebrasyon ang isinasagawa ng bawat magkakaibang relihiyon. Kung tatanungin nyo ang paraan naming mga Kristyano, o born-again para mas ispisipiko, masasabi nyong wala rin namang gaanong pinagkaiba sa pagdiriwang ng ibang samahan, ngunit sasabihin ko naman na malaki ang pinag-kaiba. Hindi ko masasabing pagdiriwang ang ginagawa naming, bagkus ay matatawag ko itong pagalaala at pasasalamat. Bakit kamo? Kasi, ang mahal na araw ay simbolo ng pagkamatay ni Hesus sa krus-ang dahilan kung bakit may pagkakataon tayong mga makakasalanan na mapatawad at maligtas sa kapalit na kaparusahan. Isa itong dakilang araw, dahil ito ang katapuran ng dahilan kung

bakit bumababa dito si Hesus sa lupa, kung bakit sa kabila na alam niya ang mangyayari sa kanya, hindi Niya ito inurungan para nga tubusin tayong mga makakasalanan. Dahil sa mga kadahilanang ito, nagsasagawa kami ng espesyal na gawain na tinatawag na “7 last words”, upang dakilain ang araw na ito at upang magpasalamat din sa kadakilaan ni Hesus. Karapat-dapat lang naman talagang dakilain ang araw na ito, kung tutuusin nga e kulang pa dahil hindi mababayaran ng kahit anong halaga ang ginawang pagkamatay ni Hesus sa krus. Kayang kaya niyang talikuran ang nakatakdang mangyari sa kanya, ngunit dahil sa pagmamahal Niya sa atin, buong puso Niyang hinarap ang pukpok ng martilyo sa mga kamay at paa Niya; maging ang mga latigong na literal na pumunit sa balat ng buong katawan Niya; ang pagbuhat ng krus sa kabila ng halos wala ng buhay Niyang katawan; pati na ang pagkutya sa Kanya. Kung minsan ay napapaiyak ako sa pag-aalaala lamang ng sinapit Niya

sa krus at ng mga pinagdaanan Niy bago pa Siya maipako sa krus. Katulad ng ibang araw isang oportunidad din ang araw na ito upang magpahayag kami ng salita ng Diyos sa ibang tao. Tunay na Siya lamang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (John 14:6)! Sa pamamagitan ng paghingi ng tawad at pagtalikod ng mga ito at pagtanggap kay Hesus bilang iyong Diyos at sariling tagapagligtas (1 John 1:7-9) ay maaari kang magkaruon ng buhay na walang hanggan at maligtas sa ngalit ng impyerno. Hinihintay ka lang ni Hesus, Siya na mismo ang lumalapit sa iyo. Yan ang aming paraan ng pagdaraos ng mahal na araw. SAKSI NI JEHOVA Bagaman hindi nagseselebra ang mga Saksi ni Jehova ng Semana Santa, inaalaala naman nila ang kamatayan ni Jesus sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya, na kanilang tinatawag na Memoryal o Pagalaala sa Hapunan ng Panginoon. Ginaganap nila ito minsan sa isang taon, kapag papatak sa Hebreong Kalendaryo na Nisan 14 ang nasabing

araw na iyon, (sa taong ito ay noong Marso 30, 2010). Ito ay bilang pagsunod nila sa tagubili ni Jesus na masusumpungan sa Lucas 22: 19,20 na sinasabi: “Gayundin, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat, pinagputul-putol ito, at ibinigay sa kanila, na sinasabi: “Ito ay nangangahulugan ng aking katawan na siyang ibibigay alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pagalaala sa akin.” Gayundin, ang kopa sa katulad na paraan pagkatapos nilang makapaghapunan, na sinasabi niya: “Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo, na siyang ibu-

buhos alang-alang sa inyo.” Mga 2 o 3 linggo bago ang nasabing araw, ay namamahagi sila ng mga imbitasyon para sa mga tao na maaring dumalo. Pinaiigting nila ang kanilang gawaing pangangaral upang ang mga tao ay makinabang sa inihandang programa. Sa panahon ng Memoryal, ay may isang ordenadong ministro ang nagpapahayag sa madla, hinggil sa kahalagahan ng okasyon, at ano ang mga kahulugan ng mga emblemang ginagamit sa Memoryal - ang tinapay na walang pampaalsa at pulang alak na siya mismong ginamit ni Jesus noon, bilang pag-alaala sa ginawang pagsasakripisyo ni Jesus alangalang sa sangkatauhan. Ang mga makikibahagi lamang sa mga emblemang iyon ay ang mga may makalangit na pag-asa na kabilang sa 144, 000 na siyang pinili ng espiritu ng Diyos upang maging tagapamahalang kasama ni Kristo sa langit sa loob ng isang libong taon. Sa ngayon sila ay may nalalabing bilang na lamang na 10, 571. (Apocalipsis 14:1; Roma 8:16, 17; Apocalipsis 5:10) Ang mga hindi makikibahagi na may taglay na makalupang pag-asa na mabubuhay na walang hanggan sa Paraisong lupa ay nagiging magagalang na tagapagmasid lamang. Tinatawag nila ang dalawang grupong iyon na “munting kawan” at “ibang mga tupa”. (Lucas 12:32; Juan 10:16) Pagkatapos ng pahayag, isang patalastas buhat sa kanilang tanggapang pansangay ang binabasa sa madla, karaniwang humihimok na ipagpatuloy nila ang kanilang pagkuha ng kaalaman, sa pamamagitan ng pag-aaral sa Bibliya. Matapos ng Memoryal, mga dalawang lingo pagkaraan, ay nagkakaroon ng isang pantanging pahayag na ipinag-aanyaya nila. Sa ganito mas naididiin ang kahalagahan ng sakripisyong hain

7

ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng nasabing pahayag. IGLESIA NI CRISTO Simula nang naitayo ang Iglesia Ni Cristo noong 1914 sa Pilipinas ni Ka Felix Manalo ay hindi ito nakikiisa kailanman sa mga tradition o gawi ng mga Katoliko lalo na ngayong nagdiriwang sila ng Holy Week. Ayon sa nakapanayam ng Responde Cavite ay maganda daw itong pagkakataon para sa kanila upang magkaroon ng bonding ang kani-kanilang pamilya. Ang iba naman sa aming nakausap ay nagpupunta sila sa mga theme park kasama ang buong pamilya upang magsaya. Karamihan naman ay nagkakaroon ng pagkakataon na magpunta sa mga resort kasama ang kanilang mga kaeskuwela at kaibigan. Dahil sa marami sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ay mga estudyante at mga nag-tatrabaho ay wala na itong panahon na makapaglibang at magpalipas ng oras. Kapag dumarating ang mga ganitong panahon ay nagsasagawa ng isang malaking okasyon ang mga Iglesia Ni Cristo na tinatawag na “Santa Cena” ayon sa mga nakausap ng Responde Cavite ito daw ay paggunita sa kamatayan na Panginoong JesuKristo. Nagdadaraos din sila ng mga malalaking pamamahayag ng mga Salita ng Diyos pagkatapos ng Santa Cena. Na kung saan ang mga miyembro sa kanilang organisasyon ay nag-aanyaya ng mga panauhin na makikinig sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo. Ang iba sa kanila ay hindi na umaalis at nagpapahinga na lamang sa kanilang mga bahay at nanunuod ng mga pelikula sa DVD, kapag brownout ay nakikipaglaro na lamang ng basketball at ginagamit ang oras sa makabuluhang mga bagay.


8

ABRIL 04 - 10, 2010

MGA KANDIDATO SA INDANG, KILALANIN; AT ANG PELIKULANG A DANGEROUS LIFE

INDANG, CAVITE – Sa pagsapit ng ika-26 ng Marso, 2010 ay umarangkada na ang kampanyahan sa local positions. Sa aming minamahal na bayan ng Indang ay nagsimula na ang pangangampanya ng mga kandidato at ng kanilang mga partido. Sa pagkakataong ito ay narito ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa pagkaalkalde, bise-alkalde at konsehal. Ang mga kandidato sa pagka-Alkalde ay sina Eleuterio Pecho Castillo Sr. o mas kilala sa tawag na KUYA TERIO mula sa Brgy. Mataas na Lupa at tumatakbo bilang Independiente, Angeles Mojica Creus o mas kilala bilang KUYA HELYO mula sa Brgy. Tambo at kumakandidato sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL), kasalukuyang Alkalde na si Bienvenido Villa Dimero o mas kilala sa tawag na MAYOR BENNY mula sa Brgy. Poblacion Uno at tumatakbo sa ilalim ng Partido Magdalo Nacionalista Party (NP), Lineth Fidel Espineli – Abutin o mas kilala sa tawag na LINETH ESPINELI mula sa Brgy. Calumpang Cerca at tumatakbo sa ilalim ng partidong Pwer-

sa ng Masang Pilipino (PMP), Leonardo Merlan Papa o mas kilala sa tawag na NARDING PAPA mula sa Brgy. Buna Cerca at tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party (LP) at Constancio Sierra Ramos Jr. o mas kilala sa tawag na JUNIOR RAMOS mula sa Brgy. Kaytapos at tumatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-Kabalikat sa Malayang Pilipino – Christian Muslim Democrats (LAKAS-KAMPI-CMD). Sa pagka-Bise Alkalde naman ay kandidato sina Leo Quibilan Cruzate o mas kilala sa tawag na LC o LEO mula sa Brgy. Poblacion Tres na nasa ila-

lim ng LAKAS-KAMPICMD, Perfecto Vidallon Fidel o mas kilala sa tawag na VICE PECTO mula sa Brgy. Calumpang Cerca na nasa ilalim ng NP, samantalang ang naunang nagfile na si Carmen Cabuenas Rodillo o mas kilala sa tawag na KAPITANA MAMENG mula sa Brgy. Mahabang Kahoy Lejos ay nagwithdraw na at pinalitan naman ni Sherlon Chavez na mas kilala sa tawag na KAGAWAD SHERLON mula sa Brgy. Alulod na nasa ilalim ng LP. Samantala ang mga kandidato naman sa pagka-Konsehal ay sina Teofila BOSS FHEL Esco-

ANG mga bayani daw ay tinawag na bayani dahil inalay nila ang kanilang galing at buhay para sa bayan. Ibig sabihin nito, nagpakamatay sila para sa bayan. Well, maaring sabihing pinatay sila ng kanilang mga kalaban. Pero ganoon din yun, sila ang humanap ng kanilang kamatayan. Kung hindi sila kumilos o nagsalita (minsan sumulat) laban sa mga kaaway, hindi sila mapapatay. Ito yung mga taong hindi ipinagkanulo ang bansa. Ang mga martir ay tinawag na martir dahil

inalay nila ang kanilang galing at buhay para sa dyos na kanilang pinaniniwalaan. Ibig sabihin nito, nagpakamatay sila para sa pananampalataya. Maari ring saibihing pinatay sila ng kanilang mga kalaban sa pananampalataya. Pero ganoon din yun, sila ang humanap ng kanilang kamatayan. Kung hindi sila kumilos o nagsalita (minsa sumulat din) laban sa kanilang mga kaaway, hindi sila mapapatay. Ito yung mga taong hindi isinuko ang kanilang pananampalataya. Kapag inialay ng tao ang kanyang buhay para sa mas lalong dakilang kadahilanan, hindi pagpapakamatay ang tawag doon. It’s either kabayanihan o kamartiran. Kung mayroon kang karamdaman at ubod ng sakit ang nararamdaman, walang perang pampagamot at

bido Atas (NP), Armin ATE ARMIN Olores Aves (LAKAS), Ruperto KAP. RUBEN Salazar Baes (NP), Ronald KUYA ONAD de las Alas Bernarte (NP), Armando ABC MANDO Tukodlangit Cordial (INDEPENDENT), Victoriano VITOC Ocampo Costelo (LAKAS), Salvador BUDDY Hermoso Crema (LAKAS), Bonifacio KUYA BONING Telmo Cruzado (LP), Edilberto EDDIE Vidallo Espineli (KBL), Khristian IAN Pello Feranil (LAKAS), Reynaldo KAP. NARDO Rogel Garcia (LP), Gumersindo KUYA GOMER Morga Gonzales (LAKAS), Estel-

ita ATE ESTY Costa Lopez (LP), Wilfredo KUYA WILLY Alas Nova (LAKAS), Reynaldo TIKBOY Novero Nuestro (LP), Gavino VINO Villanueva Nueva (INDEPENDENT), Marcelino KAP. BOYING Romano Peñaflorida (LP), Exequiel BOY Dimero Penus (NP), Raquel ATE RAQUEL Nuestro Quiambao (NP), Ismael SAMMY Del Mundo Rodil (NP), Pedro EDU Lerado Romea (NP), Cristina TINA Miranda Romeroso (LAKAS), Gabriel ABENG Rogacion Rotairo (LP), Nestorio KAP. NESTOR Dilidili Tejo (LP), Ernesto NESTOR Avilla Umali (LAKAS),

Romelito ROMY Samonte Villa (LP) at Rey KUYA REY Rebaya Zafra (NP). Bilang gabay ng mga Indangeño sa pagpili ng inyong mga kandidatong ihahalal ay ilalabas ko weekly sa aking pitak na ito ang mga plano , pangarap, prinsipyo at palataporma de gobyerno ng mga kandidato sa pagka-alkalde at mga kasamahan nitong kandidato sa kanilang partido. Ito ay magsisilbing gabay ng mga kapwa ko taga-Indang upang matulungan kayong magdesisyon kung sino ang inyong nais na iboto sa halalan sa ika-10 ng Mayo, 2010. SUNDAN SA P. 9

Paano mas pasasalamatan natin ang mga politiko

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Kung may naiisip na gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad upang maging positibo ang mangyayari. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky days/ nos./ colors – Friday / Saturday : 6 – 21 – 27 – 32 – 36 – 39 : Purple TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Hindi kailanman pababayaan ng langit ang bituin ng magagandang kapalaran, ito ay lagi sa’yo tatanglaw. Ito ang pangako sayo na kalakip ng araw na ito ng iyong pagsilang. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Wednesday : 9 – 21 – 39 – 42 – 44 – 45 : Fuchsia GEMINI (May 21 – Hunyo 21) – Matutukso ka sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa iyong inaasahan. Sa ginagawang pagbalewala sa kalusugan, ngayon ang pagsingil sa pag-abuso. Lucky days/ nos./ colors – Saturday / Sunday : 6 – 10 – 14 – 25 – 30 – 36 : Yellow CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Ang taglay na talino ay pagkakakitaan ng husto kaysa sa kasalukuyang trabaho, may taglay kang kakaibang talino na

pabigat pa sa buhay ng iba… hindi pwedeng magpakamatay. Kasalanan yun. Karuwagan yun. Kahit anong sama mong tao at peste ka na sa buhay ng iba, sa lipunan, sa bansa o maging sa buong mundo at naisip mong mas makabubuti sa mundo na wala ka na lang (dahil kung present ka sa mundong ibabaw ay marami ka pang taong maipapahamak), hindi ka pa rin pwedeng magpakamatay. Kung may batang masasagasaan, sinagip mo ang bata at ikaw namatay, mabuti yun. Kabayanihan yun. Pero kung may demonyong bumubulong sa iyo na gahasain ang batang iyon at pinatay mo ang sarili mo kesa mapahamak ang bata, pagpapakamatay ang tawag doon. Kasalanan yun. Sa mundong ito, ma-

dapat pag-ukulan ng panahong mapaunlad. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Wednesday : 2 – 20 – 25 – 36 – 39 – 43 : Orange LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Ang mga tulad mo na “laway” lang ang puhunan ay yumayaman! Wala kang dapat ipag-alaala, sa panahon mo, kusang pupuwesto anf makapangyarihang kamay ng langit. Lucky days/ nos./ colors – Thursday / Sunday : 11 – 17 – 20 – 26 – 36 – 44 : Aquamarine VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) – Ito na araw na ang iyong saya ay magiging masayang-masaya. Ang ligaya ay maligayang-maligaya! Dahil ang gusto ng langit para sa iyo ngayon ay malubos ang iyong kagalakan. Lucky days/ nos./ colors – Friday / Sunday : 6 – 9 – 19 – 28 – 36 – 39 : Blue LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) – Napansin mo ba ang mga nangyayari sayo, ang langit ang talagang may gusto! Ito ay talagang nangangahulugan na magandang buhay ang sayo ay nakalaan. Lucky days/ nos./ colors – Saturday / Sunday : 8 – 25 – 35 – 36 – 38 – 45 : Pink SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – Ito ang araw na kung kailangan ay aakalain mong ikaw ay pinagdadamutan ng langit. Subalit sa mga sandal ng iyong kawalan ng pag-asa, biglang-bigla kong susu-

raming taong nagpapahirap sa buhay natin. Kasama na dyan ang mga politiko. Bakit hindi natin kumbinsihin ang mga ito na sabay-sabay magpakamatay para mabawas-bawasan ang mga problema natin? Sabihin natin sa kanila na tatanghalin natin silang mga bayani at martir sakaling magpapakamatay sila. Kung talagang mahal nila ang bayan at sila ang problema ng bayan, hindi ba’t mas okay na magpakamatay na lang ang mga ito? Paano kung hindi makumbinsi natin ang mga politikong ito? Isip tayo ng iba. Hmmm. Wala bang magpapakabayani na papatay sa mga ito? Aha, Yung mga hired killer. Sabihin natin sa kanila na posibleng makabawi sila sa atraso sa bansa (sa dami ng kanilang pinatay) kung

sila na mismo ang papatay sa mga politiko nang walang bayad. Tutal, laging bukambibig ng mga politiko na sila’y maka-dyos at makabayan, ‘ba, dapat pangatawanan nila ang kanilang sinabi. Dapat sa kanilang mga kawalanghiyaan, marami ang gumagawa ng kasamaan at tumatalikod sa dyos. Dahil sa kanilang katarantaduhan, maraming gumagawa ng krimen at nagkakasala sa bayan. Since sila ang ugat ng hindi pagiging makabayan at makadyos ng mga Pinoy, hindi ba’t mas mabuting sila na ang mauna at makipag-meet na sa kanilang mga dyos? O tapusin na natin ang mga ito? Hmmm. Pag-isipin po natin. Teka, maghahanap lang ako ng mga martir at bayani ha?

wertihin. Lucky days/ nos./ colors – Friday / Sunday : 5 – 21 – 22 – 37 – 39 – 42 : Black SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – Swerteng-swerte ka! Ang gusto ng mga naiinggit sayo, ikaw ay dapuan ng kamalasan. Pero ang darapo sayo ay sobrang gagandang mga kapalaran. Lucky days/ nos./ colors – Tuesday / Friday : 6 – 8 – 12 – 21 – 29 – 40 : Cream CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Huwag tanggapin ang anumang alok mula sa ibang tao. Malamang na magkaroon ng problema. Lucky days/ nos./ colors – Tuesday / Thursday : 7 – 14 – 25 – 38 – 40 – 44 : lavender AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Magagamit ang katalinuhan upang mapagtagumapayan ang Gawain o proyekto. Ang pagsasama ng kaibigan ay malamang na mauwi sa pag-iibigan. Lucky days/ nos./ colors – Monday / Wednesday : 1 – 4 – 19 – 22 – 30 – 34 : Beige PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Ito ang tamang panahon upang baguhin ang masamang kaugalian. Sa pagkakamali magmumula ang pagtuwid at ilagay sa tama. Lucky days/ nos./ colors – Wednesday / Thursday : 8 – 26 – 29 – 35 – 38 – 45 : Red


ABRIL 04 - 10, 2010

9

DAVID T. MAMARIL MAKATA NG PUSO (2) AN AK-NO VELA TA, AN AK NG CA VITE ANAK-NO AK-NOVELA VELAT ANAK CAVITE

ISINILANG si David T. Mmamatril sa Noveleta, Cavite noong Marso 17, 1918. naging sentro ng rebulusyong ang bayang ito dahil dito isinilamg ang paksyong Magdiwang ng katipunan sa pangunguna ni Mariano Alvarez at ng kanyang mga kapatid. Nanguna rin ang mga ito sa Cavite sa kultura at sining dahil dito naging popular ang komedya (moro-moro ) at sarsuwela. Itinatag dito bago magkadigma ang Ilaw at panitik (o Inang panitik ?) at Kapisanang Kudyapi na nanatiling buhay at masigla sa mga taon ng dekada kwarenta at singkwenta. Nagluningning sa sining ng pnitikan ang mga pangalang Miguel Luna (dula), Zoila Ricaprente (dulang pambata), Delfin Collado Baylen (tula), Rosendo Aaalvarez (tula), Jose Ma.Villena (tula ), Ben Capri(?), Rufino Reyes (?), at Teo S. Baylen (tulay at sanaysay). Bago magkadigma, nagtitipon-tipon ang mga mannunulat sa mga bahay-bahay sa Noveleta, kasama ang kabataang mga dalagat’binata. Nagtutulaan, nagkakantahan, at nagtutugtugan. Halimbawa nito ang bahay ni Amanda Alvarez: may piyano roon, kaya ganap ang kasayahan na ikinatutuwa naman ng mga magulang ng dalaga.

Pagkaraan ng digma, nagpatuloy ang kapisanang Kudyapi sa mga pagtitipong-tipun ito. Sabi ni DTM, “Lalong masigla. Maraming makakain, maraming pera ang tao. Gingasta agad.’’ Parang artist guild ang Kapisanang kudyapi. Hindi lamang manunulat ang mga kasapi. “Pambayan din” sabi ni Mamaril, kaya kasama ang mga prominenteng tao sa Noveleta sa mga kasayahang ito. Ang lolo ni DTM ay veterano de la revolucion. Taal na taga Noveleta ang kanyang ina at ang naqpangasawa nito” isang taga Pangasinan. Bago nagkadigma ang tatay niya’y “nagtatrabaho sa US NAVY YARD (Sangly point), (kasama ) sa Medical Corp, na naging pribilehiyo ni DTM dahil naging empleyado rin siya sa Navy Yard, naging clerk ako.” Ito’y nang makatapos na si DTM ng pag-aaral. Nagsimula siya sa pag aaral sa primarya sa Noveleta, hanggang ikaaapat na antas at nakatapos ng elementarya sa Cavite City. Nag-aral siya sa Cavite High School at nagtangkang mag abugado sa Far Eastern University. Tulad ng ibang nahilig sa pagsusulat, Nagsimula sa DTM sa pahayagang pampaaralan.nasa third year siya sa high

skul nang una siyang nagsulat sa Ingles “May lesson kami sa eskwela, sa pagtula. Mga tuntunin sa sukat at tugma, mga tayutay …” Iyon ang naging unang hasaan niya sa pagtula.saka may mga kumpetisyon sa pagsulat ng tula. Isa sa mga lumahok si Thomas Gomez na malaoy naging milyonaryo, “Magaling siyang tumula,” aniya. Kilala na niya si Teo S.baylen noong nasa grade four siya. Ipinabasa niya rito ang kanyang mga tula “sira –sira ,e”, ngunit sinabi ng makatang labing apat na taon ang tanda sa kanya , “Ang batang ito, kapag nagtagal, magiging makata.” Nasa ikatlong taon din siya nang unang malathala sa Taliba ang isa niyang tula. Pasingaw ang tawag doon. Akala doon siya nang unang malathala sa Taliba ang sumulat, kaya ang sagot niya,

“Hindi baguhan lang ako.” Nagkataong maraming basahin sa tagalog bago magkadigma. Pinangungunahan ito ng Liwayway (1922) na buhay pa hangang ngayon (2004 ). Sa pananalita ni Teodoro Agoncillo (1949), “sa ayos ng aklat– dasalan, yumukod sa madla ang Silahis pinamatnugan nina Teodero Virrey at Domingo Raymundo”, lumabas ang Ilang-Ilang (patnugod si Inigo regaldo) na “sadyang iniangkop sa panlasa ng karaniwang mambabansa at nakaiasang hanay sa mga babasahing nakipangitain sa babaing palengke”, gayundin ang SinagttalaTala ni Clodualdo del Mundo na binalanse ng kagustuhang makaaliw at naging babasahin ng kabataang estudyande, Saga-Saga ni Pedro Reyes Villannueva, Pag-

PANA WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan RESPONDE CAVITE sa numero 527-0092

asa ni Jacinto R. de Leon, at Bulaklak ni Jose L. Santos. Sa dami ng babasahing ito, sinasabi ni DTM na nakasulat siya ng sanlibong tula. Kahit nangamatay

ang karamihan sa mga babasahin ito, pagkaraan ng digmaan ay nilathala muli ang Liwayway, Ilaanglang, at Bulaklak na pinag labasan ng mga tula ni Mamaril. ITUTULOY..

SULONG-BAYAN...

Mula sa pahina 8

Sa kabilang banda, isa sa pinakagusto kong pelikula ay ang A DANGEROUS LIFE na tumalakay sa kasaysayan ng bansang Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang diktaduryal ng dating Pangulo Ferdinand Edralin Marcos hanggang sa pagbabalik ng demokrasya ng pamahalaang rebolusyunaryo ng dating Pangulo Corazon Cojuangco Aquino. Maganda, makabuluhan at makasaysayan ang pelikulang ito na ini-ere noong 1987 at 1988 noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Matapos noon ay hindi na muli itong naipalabas sa TV sa matagal na panahon hanggang 2009. Sa totoo lang hinanap-hanap ko ito at umasang sana tuwing EDSA People Power 1 Anniversary ay maipalabas muli ito sa TV upang malaman sana ng mga bagong henerasyon ng kabataan ang napakahalagang kaganapang ito na bahagi ng ating kasaysayan, datapwat bigo ako na ito ay makita o maipalabas sa TV. Sa pananabik ko na ito ay muling mapanood ay naghanap ako ng CD nito upang makabili at muling panoorin kasama ng aking mga magulang, kapatid, bayaw, hipag at mga pamangkin. Nagsagawa rin ako ng film showing nito sa mga estudyante namin sa Luvileigh Academy mula Grade III hanggang 4th Year nitong nakaraang Pebrero, 2010 kasabay ng aking pagdi-discuss ng kahalagahan nito sa kanila upang ito ay kanilang matutunan at lubos na maunawaan. Nitong nakaraang semana santa ay muli kong napanood ang A Dangerous Life sa hinahangaan kong higanteng TV station na ABS CBN 2. Maganda sana ang layunin ng pagpapalabas nito upang muling magising ang tila nakatulog na yatang damdaming makabayan ng sambayanang Pilipino. Datapwat hindi rin naman lingid sa kaaalaman natin na ang anak (na si Sen. Noynoy Aquino) ng mga bidang personalidad sa pelikulang ito (na sina dating Sen. Ninoy Aquino na iniidolo ko at si dating Pangulo Cory Aquino na hinahangaan ko) ay tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa ngayon, hindi kaya ito ay maging bayas sa kanyang mga katunggali sa halalan? Kung ang pagpapalabas ng A Dangerous Life ay naglalayong muling bumangon ang pagkamakabayan ng mga Pilipino at manindigan laban sa katiwalian at pandaraya tungo para sa tunay na pagbabago ay maganda ito. Ngunit kung ito ay isang paraan lamang para maikampanya at maengganyong maiboto si Sen. Noynoy Aquino ay di hindi ito maganda sapagkat bayas talaga sa mga katunggali nito. Sa palagay ko ay sala sa panahon ang pagsasa-ere ng pelikulang ito.


10

ABRIL 04 - 10, 2010

‘HINDI PA HULI ANG LAHAT’ Maikling Kuwento ni Dannielyn Zosa ng IV-Rizal University of Perpetual Heil System Dalta

DALAWANG bata ang nagkita sa isang tanyag na fast food chain. Nagkakilanlan at nagpalitan ng samu’t-saring kwento. Maya-maya pa’y dumating na ang pinakahihintay na panlamang tiyan. saka tumayo ang batang babae at patakbong hinila ang kamay ng batang lalake. Parehong nakasuot ng ngiti sa kanilang mga labi at halatang nasisiyahan sa kanilang ginagawa. Saka tumugtog ang soundtrack “Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay..” Paulitulit ang kanyang pagkanta. Nakakarindi. Tila iisa lamang ang kantang naglalaro sa kanyang isipan. “Grabe pare, ang korni mo. Yan na lang ba alam mong kanta?” Kantyaw ni Cyrille. “Pare naman, kita mo naman siguro yung bagong commercial ng **** diba. Ang ganda ng love story. Di nga sila nagkatuluyan.” tutol niya. “Oo pare. Kahapon mo pa yan sinasabi pero wala sa hitsura mo ang mahumaling sa ganyang mga bagay. Aba’y kalalaking tao, akalain mong sa isang pipitsuging commercial lang pala bibigay?” patawang sumabat pa si Noel. Kriinnggg!!! Naudlot ang masayang kwentuhan ng tatlo. Hudyat na pala ng pagkatapos ng klase. Di nila akalaing naubos nila ang isang oras na kwentuhan at biruan. Di na nila pinagtuunan ng pansin ang kanilang gurong blackboard lamang ang kinakausap tuwing nagtuturo. Labasan na, naibulong na lamang nila sa kanilang mga sarili. Dumukot sa bulsa. Nagsuklay. Inalun-alon ang buhok sa pamamagitan ng palad. Inayos ang kuwelyo at ang baywang ng pulo na nilupilupi ang gilid. Saka tumanaw sa may pintuan ng kanilang klasrum . Sinusuyod ng tingin ang bawat dumaraan. Tila may hinihintay. Siya si Kevin De los Reyes. Isang third year student. Matangos ang ilong at may katangkaran. Di maipagkakailang may

hitsura ang binata. Labinlimang minuto ang nagdaan ngunit wala pa rin ni anino ng kanyang hinihintay ang nagparamdam. Naramdaman niya ang isang malakas na palong gumising sa kanyang natutulog na isipan. “Sino ba yang hinihintay mo diyan?” hiyaw ni Alden, ang huling bantay ng klase. “Hindi ka na ba nasanay? E naging ritwal na nga niyan ni Kevin ang pagtambay diyan sa pinto tuwing matatapos ang klase” singit ni Cyrille. Sa kabila ng panunukso ng mga kaklase, nanatiling tahimik ang binata sa paghihintay. Ahh.. kay tagal, nakakainip. Maya-maya pa’y dumating na ang kanina pa niyang inaabangan. Malayo pa lamang ay natanaw na niya ang dalaga. Lumakas ang tambol ng kanyang puso. Kinakabahan, naliligayahang di mawari. Habang papalapit ay tila parami nang parami ang paruparo na naglalaro sa loob ng kanyang tiyan. Sa ganitong mga pagkakataon lamang niya ito nararamdaman. Sa isang saglit pa’y naglakas-loob na itong magsalita. “Denise, kamusta ka?” pautal-utal na tanong ng binatang sabik marinig ang tinig ng kanyang iniirog. “Mabuti naman, anong sadya mo?” sagot ng dalaga na tila may napansing kakaiba sa kausap. Kay bilis ng pangyayari. Di makapaniwala si Kevin na mahuhulaan kaagad ng dalaga na may sadya ito sa kanya. Palibhasa’y isang consistent honor student. Tinitingala at nirerespeto ng marami. Natulala ang binata at tila naipit na lamang sa dulo ng kanyang dila ang nais sabihin. “Kung pwede sanang maisayaw kita sa JS?” Naging tahimik ang paligid. Walang nagtangkang bumasag sa nakabibinging katahimikan. Saka sumagi sa isipan ni Kevin na nabitawan na pala niya ang mga katagang kanina pa atat na lumabas sa kanyang mga labi. Ang hinihintay na la-

mang niya ay ang sagot ng dalaga. Maya-maya pa’y nasilayan niya ang matamis nitong ngiti. “Oo naman, pumapayag ako.” tinapos nito ang akala ng binata’y walang hanggang katahimikan. “O pano, mauna na kami, salamat sa paganyaya.” Napangiti ang binata at nagpasalamat. Hinintay muna niyang makaalis ang dalawa bago magtatalon sa tuwa. “Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay” muling tumugtog sa kanyang isipan habang hindi maipaliwanag ang kasiyahang bumalot sa kanya noong mga sandaling iyon. Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Oo nga pala, dalawang araw na lamang ay JS na. Halos araw-araw ay iniisip ng binata kung ano ang kapalarang naghihintay sa kanya sa isang okasyong ang tangi lamang niyang hiling ay makasayaw ang dalagang nagpapatigil sa kanyang mundo. Si Denise, o Carla Denise Bautista ay kabilang sa top section ng year level na kinabibilangan ni Kevin. Maputi at may pagka-singkit ang mga mata. Maganda at balingkinitan ang katawan. Idagdag mo pa ang titulo nito bilang isang consistent consistent honor student. Beauty and brains talaga. Kaya naman maraming binata sa unibersidad ang nagkakandarapa sa kanya. Kabilang na dito si Kevin. “Pare, success!”

“Ha? Success... Saan?” “Pare, napapayag ko siya!” “Ha? Sino ba tinutukoy mo. Si Mr. Guanco, sa pag-extend niya sa deadline ng project o si Mrs. Tan na i-excuse ka uli sa klase. “Pare naman, ang slow.. si Denise pare, isasayaw ka sa prom.” “Ahh.. yun ba? saka lamang naintindhan ni Noel ang sinasabi ng kausap. “Anong gusto mong gawin ko?” “Naman to.. syempre kelangan ng moral support..” sabat ni Cyrille.

“Pare, pa-reserve ka na. Sigurado mahaba pila niyan bukas ng gabi sa magsasayaw sa kanya.” Di na inalintana ni Kevin ang ipapahayag ng mga kaibigan. Tanging ang magandang larawan na lamang ni Denise nabuo sa kanyang imahinasyon ang nagpaikotikot sa kanyang isipan. Sa isang iglap, bigla niyang napagbaliktanawan ang araw na kung saan una niyang nakita ang dalaga. Maging ang mga panahon na lalong pinagdiinan ni Cupido ang panang itinama nito sa puso ng binata. “Pare, sino yun?”

“Ayun pare, type mo?” “Basta, sino siya?” “Si Denis. Wag yan pare. Mataas standards niyan sa mga lalake.” Mataas ang standards? Di niya alam kung paniniwalaan ang sinabi ng kaibiigan. “Sadya namang mali ang ginawa niyang panghusga kay Denise. Lahat ba ng kabilang sa 1st section ay mataas ang tingin sa kanilang mga sarili. Hindi lahat ng kabilang sa pilot ay ganoon. Anung malay ko kung gaano siya kabait at di siya ganoon kapili. Pero hindi pwede. Honor student siya, simpleng estudyante lang ako. Marami na siyang napatunayang maganda sa unibersidad, marami na akong bad record sa perfect of discipline. Matalino siya, bobo ako. Langit at lupa agwat naming... aww.. parang telenobela.” Ito ang paulit-ulit na bumagabag sa magulong isipan ng binita. Di niya napansing nanlamig na pala ang inorder na goto sa paborito nilang gotohan. Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat, lalo pa kay Kevin, na pakiramdam niya’y isa na siya sa magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Mga nagniningning na liwanag, mga naggagandahang dilag. SUNDAN SA P.11


ABRIL 04 - 10, 2010

11

Best wishes to Gladys Herrera & Anthony Pinto to their wedding this April 10, 2010 fr; Rose, Carl, Cindy, Tyson and Labasbas Family

HINDI PA HULI... Mga binatang pormal ang dating. Sinamahan pa ng nakakaaliw na saliw ng musika. JS na JS ang dating. Suot-suot ang pinagkagastusang kasuotan, hinanap-hanap ni Kevin ang kanyang prinsesa sa gabing iyon. Tulad ng inaasahan, naging kaakit-akit ang hitsura ni Denise bukod pa sa nagmistulang reyna siya sa kanyang kasuotan. Ngunit wari niya’y isang taon pa bago niya maisasayaw ang dalaga sa dami ng gustong makasayaw ito.

mula sa p.10

Umupo ito sa tabi. Naghintay. Nainip. Nabagot. Kulang na lamang ay magbilang siya ng mga tupaupang tuluyang makatulog. Sa paulit-ulit niyang pag-sulyap sa dalaga ay tila nawawalan na siya ng pag-asa. Paubos na ang oras ng kasiyahan habang paliit namang ng paliit ang tiyansa ni Kevin na maisayaw si Denise. Lumipas pa ang maraming minuto ay nakita na lamang niya ang kanyang sarili na kasayaw ang babaeng kanyang pi-

napangarap. Kahit kinakabahan ay pilit niya itong tinago sa dalaga. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at sa anumang oras ay pakiramdam niya’y aapuyin siya ng lagnat. Pakiramdam ni Kevin ay sila na lamang ni Denise ang nasa gitna ng stage na nagpapalitan ng ngiti gayundin ang mga nakakatunaw na tingin. Tila ayaw na niyang matapos ang pagkakataon na iyon. Sana’y habang buhay na silang magkasayaw. “Magkahawak ang ating kamay, at walang kamalay-malay” paulit-ulit na tumugtog sa kanyang isipan.

Nang matapos ang prom, di na mulign nagkita ang dalawa. Nagdaan ang mga araw, lingo, buwan at taon. Ngunit di na niya muling nasilayan ang maamong mukha ng dalaga. Ganunpaman, nanatili pa rin ang alaala ni Denise sa kanyang puso’t-isipan. Makalipas ang 10 taon, muling nagkita ang dalawa sa isang tanyag na fast food chain. Di nila kaagad nakilala ang isa’tisa ngunit di katagala’y nagkakilanlan din. Masaya ang dalawa sa naging hinaharap ng isa’t-isa. Nagkwentuhan tungkol sa kanya-kanyang nakamit sa buhay. Si Kevin ay isa na ngayong CEO ng isang sikat na kumpanya sa Makati. Di kalauna’y sumikat dahil sa di maipamalas na kagalingan sa propesyon. Samantalang si Denise naman ay hinanap ang kapalaran sa Australia at nakapag-asawa. Kasalukuyan silang may dalawang anak. Pinagkakaabalahan niya ngayon ang negosyong itinayo nilang mag-asawa sa Australia. Maya-maya pa’y dumating na ang pinakahihintay na panlamang tiyan. Nagyaya si Denise na siya na lamang ang magbayad sa pinagkainan nilang dalawa. Nang matapos ang dalawa sa pagkain, ay napag-alaman nilang hindi pala tumatanggap ng credit card ang naturang fast-food chain. Naipit ang dalawa sa sitwasyon dahil wala pa lang dalang extra money si Denise gayundin si Kevin at

tanging credit cards lamang ang pumupuno sa kanilang mga pitaka. Ang kapalit na lamang ng kanilang ginawang pagkain ng walang bayad ay ang paghuhugas ng pinggan. Dahil sa labis na kahihiyan at sa takot na mapag-usapan ng iba, ay isa na lamang ang solusyong sumagi sa isipan ni Kevin. Saka siya tumayo at patakbong hinila ang kamay ni Denise. Tumatakas ang dalawa. Mabilis ang takbo ng binata gayundin si Denise. Maraming tao ang nabulabog sa daan at walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid. Noon nila nakita na meron pa lang mga humahabol sa kanilang likuran. Ito ang guard sa naturang fast food chain kasama pa ang dalawang empleyado nito. Sa labis na pagkatuliro ng dalawa, di nila napansin ang humaharurot na bus na handa silang sugurin sa kanilang kinatatayuan. Bumagsak si Denise. Duguan ang katawan, walang buhay. Sa paligid, ang mga taong gulantang sa pangyayari, nakikiusyoso at di alam ang gagawin. Si Kevin, tulala, wala sa sarili at nanginginig. Sa daan, nakahimlay ang duguang katawan ng babaeng minsang nagpasaya sa kanyang buhay. Sa kalangitan, ang mga nagliparang pangarap para sa hinaharap, dahan-dahang hinahangin, kasama ng mga

nasayang na pangarap, papunta sa walang hanggang kawalan... “sa panaginip na lang pala kita maisasayaw” sa mabagal at malungkot na melodiya, muling tumugtog sa isipan ni Kevin na kung dati’y nagbibigay ngiti at sigla sa kanya, ngayo’y unit-unting dumudurog sa kanyang puso. “Mr. Kevin De los Reyes!” sigaw ni Mr. Guanco. “Kevin, Kevin!” tugon ni Noel habang tinatapik ang kaibigan sa malalim nitong pagkakatulog. “Sir!” biglaang nagising ang binata at halatang di na alam kung ano na ang nangyayari. “Natutulog ka na naman sa klase ko!” di makapagpigil ang naiimbyernang guro. Bigla na lamang narinig ang malakas na tawanan. Krriiinnggg!! Naudlot ang nakabibinging pagsesermon ni Mr. Guanco. Hudyat na pala ng pagtatapos ng klase. Sa kabila ng lahat, nasilayan pa rin ng klase ang di maipaliwanag na ngiti sa labi ng binata. Muli, tumayo ang binata at tumanaw sa pintuan ng kanilang klasrum. Sinusuyod ng tingin ang bawat daraan. Tahimik na naghihintay. Inaabangan ang muling pagdaan ng babaeng sa panaginip niya’y tuluyan na siyang iniwan. [Napatingin siya sa itaas at nagpasalamat. Hindi pa huli ang lahat...


Bagitong pulis na rumesponde, patay

PATAY ang isang bagitong pulis na taga-Silang, Cavite matapos rumesponde sa isang kaguluhan kamakailan sa Brgy. Boot sa Tanauan City, Batangas. Kinilala ang biktimang pulis na si PO1 Bren Sumadsad, nakatalaga sa Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Tanauan City. Ayon sa impormasyon ng pulisya, nitong nakaraang Lunes ay nakatanggap sila ng isang text message patungkol sa grupo ng mga kalalakihan na nagpapaputok ng baril habang ang mga ito ay nag-iinuman ng alak sa nasabing barangay. Nang dumating na ang responde ng pulisya, kung saan kabilang si PO1 Sumadsad, ay nagtakbuhan na kaagad ang mga kalalakihan.

Sinuyod naman ng SWAT team mga bahay, at habang isinasagawa nila ang pagtugis ay may nagpaputok at tinamaan sa kanyang likod si PO1

Sumadsad. Naisugod pa sa CP Reyes Hospital si PO1 Sumadsad ngunit agad ring idineklara itong patay.

GENERAL TRIAS, CAVITE – Isang 15 anyos na estudyanete ang nagpakamatay kamakailan sa nasabing bayan dahil di umano sa nakuhang mababang grado sa eskwelahan. Kinilala ni P/Supt. Gregorio Evangelista, Jr., hepe ng pulisya ng General Trias, ang biktima sa pangalang Vincent Caralde Barbo na residente ng Ville de Palm Subdivision, nasa

ika-anim na grado ng Park-lane Elementary School. Di umano’y pa tigil-tigil ang bata sa pag-aaral kaya hanggang ngayon ay nasa ika-anim na baitang pa rin ito. Sa nakuhang ulat ng pulisya, si Barbo ay nagbigti matapos mapagalitan ng kanyang mga magulang sa nakuhang mababang grado sa kanyang mga subject sa nasabing paaralan.

NI ERWELL PEÑALBA Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan sina: Pedro de Chavez, Erwin de Chavez, Erickson De Chavez, Erish Glen De Chavez at Ronald Barrion na pinaghihinalaang nasa pangyayari.

Kinse anyos, nagpakamatay! Natagpuan itong nakabitin at wala ng buhay sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay dakong 1:45 ng madaling araw nitong nakaraang Lunes. Samantala, nakatakda naming iuwi ang bangkay ng biktima sa Ilo-Ilo kung saan nagmula ang pamilya nito. SHELLA SALUD

DENR: Sapat pa ang supply ng tubig! SINIGURADO ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mayroon pang sapat na supply ng tubig sa mahigit 15 milyung tao ng Cavite, Metro Manila kasama na din ang Rizal na kapwa nakadepende sa Angat Dam. Ayon kay DENR Secretary Horacio Ramos, patuloy na bumababa ang tubig sa Angat Dam ngunit dahil na din sa paampatampat na ulan ay

napabagal nito ang pagbaba ng tubig sa nasabing Dam. Base sa nakaraang tala sa Angat Dam nitong Pebrero, umabot na sa 10 metro ang ibinaba ng tubig dito, ngunit ngayong Marso ay nasa 9.37 metro na lamang ang baba nito. Inaasahang patuloy na baba ang level ng tubig sa Angat dam na maaaring umabot sa 165 metro sa Hunyo, ganun pa man hindi naman nirerekomunda ng DENR ang dagdag na pagbabawas ng supply ng tubig. Kasalukuyang nagbabawas ng supply ng tubig upang hindi magkaroon ng krisis dito, lalo na ngayong tag-init. NADIA DELA CRUZ

Milagro Sagrado Ni Arnelo L. Vejerano

Kung natiis mo na hungkag ang tiyan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi sa mapanlinlang na bundok ng pighati, madali mong nagawa yaon dahil ikaw ang panginoon at sadyang makapangyarihan. Ano ba naman ang kalam ng sikmura para sa isang hari gayong maraming nagugutom sa isinumpang bangketa at mapanghing piitan? Kung nagawa mong magpaputong ng koronang tinik, pasanin ang mabigat na krus, at tiisin ang malupit na hagupit ng latigo, dapat lamang dahil ikaw ang panginoon at siyang tanging nakaaalam. Ano ba naman ang matinding pasakit kung alam mong tutungo ka sa langit kung saan ang lansangan ay lantay na ginto, walang dusa, luha, gutom, at pawis? Kung nagawa mong tahakin ang mapang-uyam na daan, gapangin ang kalbaryo upang sa wakas ay ibaon sa abang kamay at paa mo ang mga pako ng kabayanihan at kaligtasan, tunay na magaan at siyang nararapat dahil ikaw ang pinakamalakas, ang pinagmulan ng lahat ng kalahat-lahatan. At dahil batid mong luluklok ka

sa kaluwalhatian, yaon nga ang iyong maningning na gabay upang hindi mo indahin ang masakit na tarak sa tagiliran. Kung nagawa mong magpabayubay sa krus, at doon ay malagutan ng hininga sa harap ng ama’t ina, bakit hindi mo magagawa gayong alam mong mabubuhay na mag-uli ka sa mga patay, at sa mga sugat mo ay maghihilom upang pumailanlang ka sa kalangitan? Kamangha-mangha ba ang ganitong mga milagro gayong alam mong ikaw ang tanging susi ng misteryo: upang sambahin ka sa iyong pa-milagro ng mga taong mahilig sa palabas ng santo?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.